You are on page 1of 2

Magandang Araw sa Lahat:

Ang ating Gawain na dapat sa ngaung linggo na inyung ipapakita ay isasapapel na


lamang ng Bawat Pangkat at isusumite sa Kalihim o Pangulo( Bahala na silang mag-
usap kung Kailan sa inyu Kukunin, ang mahalaga kung ang Schedule ay MTH sa
Huwebes isusumite hanggang 4:30, kung ang schedule sa akin at TF Friday isusumite
sa akin hanggang 4:30

1. Sa pangkatan ninyu mag-usap kayu sa pamamagitan ng Gmeet o kaya ng


Messenger upang tanungin ang mga kapangkat kung anung issue ang nais ninyung
talakayin na hindi na kayu mahihirapan pa, isa-alang-alang ang mga kaklase na
maaring sila na lamang ang sumagot sa maaaring Issue Hal. Ang mga Suliraning
kinakaharap ng mga Mag-aaral sa Online Class at ang Epekto sa kanilang Mental na
kaisipan. Maaari ninyu lamang itong gamitin kung may mga kaklase kayu na lubos na
naapektuhan sa ganitong suliranin.. kahit na may suliraning kinakaharap, subalit wala
naman epekto sa kaisipan, hindi ito maaring tanggapin, kung sakali naman na mental
na kaisipan kung wala naman epekto sa online hindi rin maaari. Kaya dapat pag-usapan
ng Pangkat yung madali lamang at nasa inyu na mismo ang suliranin upang hindi na
mahirapan.

2. Kung nabuo na ang suliranin ninyu kumuha ng isang balita o nabalitaaan


na may kaugnayan sa issue( ito ay makakalap gamit ang internet upang balikan ang
mga nakaraang balita, o ang mga impormasyon ng inyung mga kaklase/kapangkat,

ISANG MABIGAT NA PAALALA HINDI KO PINAHIHINTULUTAN ANG


PAGLABAS NINYU SA INYUNG TAHANAN para lamang MANGALAP NG
IMPORMASYON, gamit lang ang INTERNET ay sapat na) hal. Ang mga Suliraning
kinakaharap ng mga Mag-aaral sa Online Class at ang Epekto sa kanilang Mental na
kaisipan.

Lalagyan ninyu lamang ng Panimula ito hal.


Isang Malaking bangungut ang kinakaharap ng mga Mag-aaral sa ibat
ibang panig ng Mundo dulot ng pandemyang tumama sa Pilipinas, isa na rito ang
paggamit ng Online class ng mga Mag-aaral upang ipagpatuloy ang kanilang
pag-aaral. Ito nga ba ay isang Advantahe sa isang Mag-aaral o isang Suliranin?

Kamakailan lamang maraming balita ang nagsulputan sa mga suliraning


kinakaharap ng mga kabataan gamit ang online, mula sa nakalap na
impormasyon ng mga mananaliksik …..( Kayu yan ang maaaring nakakuha kayu
ng impormasyun mula sa inyung mga kaklase ) nariyan ang kakulangnan ng data,
kahinaan ng internet kawalan ng gagamitin at iba, sa nakalap naming
impormasyon mula sa mga mag-aaral ( maari ding dagdagan mula sa isang
balita) dagdag pa rito ang balita noong…. ( lagyan kung kalian ang ibinalita ).

3. Iyan lamang gagawin niyu ang pangangalap ng impormasyun sa


kapangkat / o sa isang balita na bubuuin lamang ng patalata.

4. Ilalagay ito sa Bond paper (Arial 11 font size) double space

Hal. Ang mga Suliraning kinakaharap ng mga Mag-aaral sa Online Class at ang
Epekto sa kanilang Mental na kaisipan

Isinumite nina:

Isulat ang Miyembro Alpabetong pag-saayos

Hal. MORENO, Christine

Panimula:

Isang Malaking bangungut ang kinakaharap ng mga Mag-aaral sa ibat ibang


panig ng Mundo dulot ng pandemyang tumama sa Pilipinas, isa na rito ang paggamit ng
Online class ng mga Mag-aaral upang ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral. Ito nga ba ay
isang Advantahe sa isang Mag-aaral o isang Suliranin. Kamakailan lamang maraming
balita ang nagsulputan sa mga suliraning kinakaharap ng mga kabataan gamit ang
online, mula sa nakalap na impormasyon ng mga mananaliksik (ilahad ang ebidensiya)

You might also like