You are on page 1of 4

Group #1 Date: February 12,2020

Leader: Rica Curativo


Members: Mart Laurence Berola
Reynalyn Guardian
Jelyzah Gupit
Rochelle San Esteban
Tema: Overseas Filipino Workers (OFW)

LILIPAD PARA SA DOLYAR

Introduction:

Rica: Binigyan tayo ng Diyos ng buhay upang pangalagaan ang kaniyang mga nilikha
ngunit paano kung sa bawat pagdaan ng araw ay di natin alam kung paano tayo mismo
mabubuhay. Ang hamon ng buhay ay sadyang kay hirap lalo na’t kung tungkol ito sa
pera dahil pera ang sagot upang tayo’y mabuhay sa daigdig na ito. Pero paano natin ito
tutugunan kung ang iyong kinikita sa iyong hanapbuhay ay kapos pa sa pang araw-
araw na gastusin at dahil dyan kahit labag man sa ating kalooban, ang iba sa atin ay
napipilitang mangibang bayan ang mas malala pa ay mangibang bansa.

Hindi madaling kumita, at mas lalong hindi ito madali kung gagawin sa ibang bansa
kung saan malayo tayo sa pamilya. Pero para sa milyun-milyon nating mga kababayan
abroad, susugal sila kung kinakailangang maitaguyod ang kanilang mga mahal sa
buhay. Sa kabila ng pangako ng mas maginhawang buhay, may ilang mapapait na
realidad na kaakibat ng pagtatrabaho sa dayuhang bansa. Ikaw susugal ka ba sa
walang kasiguraduhang kapalaran para sa munting pangarap? Lilipad ka rin ba para sa
dolyar katulad ng iba o mas pipiliing manatiling nakakulong sa posas ng kahirapan?

Maraming mga bayaning Pilipino ang nagbuwis ng buhay upang makamit natin ang
ating kalayaan katulad na lamang nina Dr. Jose Rizal, Andres Bonifacio at marami pang
iba. Ngunit sa makabagong panahon ngayon, mayroon tayong mga tinatawag na
bagong bayani na kung saan sila ay di gumagamit ng dahas o ano pa man subalit sa
pamamagitan nila ng pagtarabaho at pakikipagsapalaran sa hamon ng buhay sa ibang
bansa at sila ay tinatawag na OFW. Ngunit ano nga ba ang OFW?

Reynalyn: Ang OFW o Overseas Filipino Workers ay mga manggagawang Pilipino na


nagtatrabaho sa ibang bansa upang maghanap ng mas magandang oportunidad at
hangad ang mas malaking kita para matugunan ang ibat ibang pangangailan ng
kanilang pamilya. OCW ang dating tawag sa kanila o Overseas Contractual Workers
sapagkat hindi permanente ang aabutan nilang trabaho sa ibang bansa kung hindi ay
isang kontrata lamang na pinirmihan na kalimitan dalawa o hanggang tatlong taon ang
dapat bunuin matapos ay puwede ulit pumirma ng bagong kontrata para makapag-
trabaho.

Rica: Sa mga nagdaang taon, ilang libong OFW na rin ang nagtatrabaho at
nakikipagsapalaran sa hamon ng buhay sa ibang bansa. Makikita sa larawan ang
bahagdan na nagpapakita ng porsyento ng mga OFW at kung saang bansa laganap
ang mga OFW, lumalabas sa isinagawang survey noong 2017 tinatayang mahigit
kumulang 2.3 milyon na mga OFW at mas marami dito ang mga babae kaysa sa lalaki.
Base sa isinagawang survey malaking bahagi ng mga Pilipino ang nagtatrabaho sa
Asya kabilang na riyan ang Saudi Arabia ikalawa ay iba pang bansa ng Asya,
Sinundan ng United Arab of Emirates, Kuwait, Hongkong, Qatar at huli ay ang
Singapore.

Pero bakit nga ba maraming Pilipinong mas pinipiling magtrabaho sa abroad? Ang
pinakapangunahing dahilan ng mga OFW ay ang magkaroon ng malaking sahod ay ang
makapag-pundar ng bahay at lupa para sa kanilang pamilya at higit sa lahat magkaroon
ng magingawang buhay.

Reynalyn: Subalit hindi sa lahat ng nag-aasam ng magandang buhay bilang isang


OFW ay maganda ang kinahahantungan. Narito ang ilang hamon na hinahaharap ng
mga OFW tuwing nasa abroad.

Una na riyan ang pangungulila sa pamilya pero mabuti na lamang at napapadali ng


teknolohiya ang pakikipag-usap natin kahit nasa ibang panig ng daigdig man at dahil
diyan naiibsan kahit panandaliaan ang pangungulilang nararamdaman.

Rica: Ikalawa ay ang cultureshock. Parte ng pangingibang-bansa ang pagkagulat o dili


kaya’y pagkalito sa ilang kagawian ng mga dayuhan sa kanilang bansa.. Bilang mga
“dayo,” sila ay kinakailangang mag-adjust at magbigay respeto sa ibang kultura.

Reynalyn: Ikatlo ay pagkakasakit. Malaki itong abala, lalo na kung mag-isa at walang
maaasahang mag-aalaga. Kaya naman dagdag ingat lagi ang OFW upang mapanatili
ang tamang kalusugan.

Rica: Ang ikaapat ay ang gulo at kalamidad katulad ng pagkakasakit, lubhang


maabala rin kapag ang isang OFW ay nadadamay sa gulo o kalamidad sa ibang bansa,
lalo pa’t hindi naman masasabi kung kalian mangyayari ang mga ito.

Reynalyn: Ang huli ay ang pagmamaltrato at mababang pasahod. May mga balita
na ang iba ang inaabuso o minamaltrato ng mga employers at kung minsan pa’y hindi
tama ang pagpapasahod tulad ng kung ano ang nakasaad sa napagkasunduang
kontrata kung kaya’t ang iba’y pinipinili na lang umuwi dito sa Pilipinas. Ilan lamang yan
sa mga maaring danasin ng mga kababayan nating OFW sa ibang bansa
Rica: Sa kabilang banda naman, marami pa rin sa mga OFW ay tila naka-jackpot sa
pangingibang bansa. Mayroong pinagpapala ng Diyos at nakakapagpundar na ng iba’t-
ibang negosyo at ari-arian sa Pilipinas at naging maunlad na ang buhay dahil sa
kanilang pagtitiyaga.

Reynalyn: Sa kabila nito, hindi lingid sa kaalaman ng nakararami ang paghihirap na


kinakaharap nila sa ibang bansa. Marami tayong naririnig na mga "buhay OFW stories"
sa internet at sa mga balita sa TV o radyo. May ilan na maganda ang storya ngunit
marami rin ang nakakalungkot ang storya. Kung kaya’t nag-imbita kami ng ilang OFW
upang makapanayam natin at makapagbahagi sila ng kanilang karanasan bilang OFW.

Interview: ( Tatlong OFW)

(Magpapakilala ang OFW kakapanayamin)

OFW: Pangalan
Edad
Bansa kung saan nagtrabaho

Rochelle: Isang magandang araw po sa inyo, ako po si Rochelle.

Mart Laurence: Ako naman po si Mart Laurence.

Rochelle: Narito po kami upang kapanayamin kayo tungkol sa pagiging isang OFW
ninyo. May ilan lang po kaming katanungan na itatanong po sa inyo at malaya po
kayong sagutin ang mga ito.
Ito po yung unang katanungan, ilang taon na po kayong OFW?
OFW:

Mart Laurence: Kumusta naman po ang karanasan ninyo bilang OFW?


OFW:

Rochelle: Bakit po kayo nangibang bansa, ano po yung nagtulak sa inyo upang maging
isang OFW?
OFW:

Mart Laurence: Naging madali po ba ang buhay nyo sa ibang bansa?


OFW:

Rochelle: Ano po yung magandang naidulot sayo o sa inyong pamilya ng pangingibang


bansa.
OFW:

Mart Laurence: May balak pa po ba kayong bumalik sa ibang bansa?


OFW:

Rochelle: Para po sa huling katanungan, ano po yung masasabi ninyo sa mga iba
OFW na katulad mo?
OFW:

Rochelle: At doon na po nagtatapos ang ating pakikipagpanayam sa isa sa mga


tinatawag nating bagong mga bayani. Maraming salamat po sa pagpapaunlak sa amin
upang maibahagi ang inyong karanasan bilang OFW.

Mart Laurence: Nawa’y pagpalain po kayo at ang buong pamilya nyo ng ating
Panginoon, salamat po.

Closing

Rica: Maraming mga ekonomista ang nagsabi na kung hindi sa OFW matagal nang
lumubog ang pambansang ekonomiya dahil malaki ang ambag sa ekonomiya ng
Pilipinas ang kinikita ng milyon-milyong OFW pero ang kanilang napakalaking ambag
sa bayan ay hindi lamang mababakas sa mga numero at estatistikong pang-ekonomiya.
Ang kanilang mga karanasan na habambuhay nang nakasulat sa mga pahina ng ating
kasaysayan at panitikan, pati patunay lamang na malalim nang nakabaon sa ating
pambansang kamalayan ang presensya ng mga OFW.

Reynalyn: Tunay ngang masasabi na sila ang moderno nating mga bayani na ang
tanging sandata ay luha. Kung kaya’t dapat natin silang pahalagahan lalong lalo na ang
bawat sentimo na ipinapadala nila sa atin. Hindi biro ang malayo sa pamilya, ang
mamuhay nang mag isa para mabigyan ng maayos na buhay ang kanyang naiwang
pamilya dito sa Pilipinas. Ilan taon nilang di alintana ang pagod at hirap. Pinipilit ngumiti
sa gitna ng pagkukunwaring masaya sila. Nakakalungkot isipin na kapag mag isa na ay
nagsisimula ng pumatak ang kanilang luha habang tinitignan ang litrato ng kanilang
pamilya pero dahil nga sa pangarap nilang maging maganda ang buhay ng kanilang
pamiya ay pinipilit nila maging matatag.

Rica: Sa ngayon, marami pa rin ang nangangarap na pagdating ng tamang panahon


nagbabasakaling makasakay ng eroplano na makakarating sa bansang nais nilang
puntahan para makapagtrabaho.. Hindi masamang mangarap, kung tutuusin, sabi nga
ng iba, libre ito at sino man ay puwedeng mangarap. Pangarap na para sa ikabubuti ng
lahat. Ang pagiging OFW ay hindi madali, kapalit ng isang malaking sahod at
magandang buhay para sa pamilya sa Pinas ay ang paglayo sa bansa at makisalamuha
sa mga banyaga at doon mag-hanapbuhay. Ito’y parang isang sugal na kung saan di
mo mawawari kung mananalo ka ba o uuwi ka ng luhaan . Kaya ikaw lilipad ka rin ba
para sa dolyar?

Submitted to: Ms. Reyna Mae Abugadie

You might also like