You are on page 1of 3

Fr. JOJO: Magandang araw sa inyo mga ka-parokya.

Sa oras na ipagutos
ng pamahalaan at ng Arkidiyosesis ang muling pagbubukas ng mga
simbahan, hindi po tayo babalik muna sa ating mga dating gawi sa loob
ng simbahan.

Mayroon tayong mga health and safety protocols na susundin sa labas


at loob ng simbahan.

[Pause, BROLLS showing different interior exterior with health


protocols set]

FJ: [Roll with narration video of simulation] Dalawang pasukan ang


gagamitin sa simbahan, ang Estrada Side at Dian Side. Para maiwasan
ang pagkakasalubong ng mga magsisimba.

Sa bawat entrance points, mayroong mga usher na magaasiste sa mga


magsisimba. Hindi po sabay-sabay ang pagpasok sa simbahan at pipila
ang lahat na naaayon sa physical distancing protocols.

Bago pumasok bibigyan ang lahat ng magsisimba ng contact tracing


forms na dapat nilang i-fill up at ibigay sa paglabas ng simbahan.
Mangyaring magdala lamang po ng sari-sariling ballpen o anumang
panulat para sa mga contact tracing forms.

Mayroon ding mandatory temperature check sa bawat entrance, ang


sinumang magtatala ng temperatura na 37.5 degrees celsius pataas ay
hindi papapasukin ng simbahan.

Mayroong footbath na dapat daanan ang bawat parishioner na


magsisimba.

At kailangan din na magdisinfect, mayroon tayong mga contactless


alcohol dispensers sa bawat entrance.

Ang ating mga usher ay sisiguraduhin na ang lahat ng magsisimba ay


susunod sa mga safety protocols na itinakda ng IATF at ng Archdiocese
of Manila.

Dahil dito, hindi papapasukin ang sinumang hindi nakasuot facemask.

Bagama’t ikinalulungkot namin, hindi pa rin po pwede magsimba ang mga


kabataan edad twenty years old pababa, mga Senior Citizen at mga
maysakit.
Kapag puno na rin po ang simbahan, isasara po ito bilang pagiingat.

Mahigpit pong ipinagbabawal ang pagrereserve ng upuan. First come,


first served basis po ang ating mga upuan sa paorkya.

[ENTER IN TEXT, SA LOOB NG SIMBAHAN]

FJ: Sa loob ng simbahan, may mga designated na lugar lamang na


pwedeng upuan. Bawal and dikit-dikit. Sundin natin ang ating mga
usher na magtuturo sa atin kung saan tayo uupo.

Ang mga upuan din sa simbahan ay de-numero, ito ay kasama sa ilalagay


sa inyong contact tracing forms.

Sa misa, mapapansin din ninyo ang mga pagbabago na gagawin.

Wala munang mga malakihang koro sa ating parokya. Tanging song


leaders or Cantors at instrumentalist lamang ang maglilingkod sa mga
misa.

Mayroong mga aisle ushers na magpapanatili ng physical distancing sa


loob ng simbahan.

Ipinagbabawal pansamantala ang paghahawak sa Ama Namin.

Gayundin ang anumang uri ng malapitang interaksyon sa pagbibigay ng


tanda ng kapayapaan sa bawat isa.

[Pause]

Sa pangongomunyon, hintayin ang mga usher na patayuin ang inyong pew


para sa pagtanggap ng banal komunyon. Pipila rin po ng may isang
metrong layo sa bawat isa ang mga naghihintay.

Mangyaring iunat lamang ang inyong mga braso at sa kamay tatanggap ng


komunyon.

Mayroon ding designated exit points upang makabalik sa inyong mga


upuan matapos tumanggap ng katawan ni Kristo.
Markado po ito sa sahig.
[PAUSE, IN TEXT CAPTION SA PAGTATAPOS NG MISA]

FJ: Sa pagtatapos ng misa, ipinagbabawal po muna ang paglapit at


pagmamano sa pari.

By pew rin po ang ating paglabas ng simbahan, ang designated exit


point po sa ating parokya ay ang metal gate sa Estrada Street.

Sa inyo pong paglabas isusurrender din po ang mga na fill-up na


Contact Tracing Forms.

[PAUSE]

Ang bawat misa sa ating parokya ay magkakaroon ng kalahting oras na


pagitan para magbigay daan sa ating Sanitation Ministers na
makapagdisinfect ng simbahan.

Ang lahat ay inaanyayahin pa rin na dumating ng higit na maaga sa mga


nakatakdang oras ng misa bilang pagbibigay daan sa dagdag na mga
safety and health protocols na ating ipatutupad.

Ang lahat ng ito ay para po sa inyong kaligtasan at sa kaligtasan ng


ating mga tagapaglingkod na pari at layko.

Hindi na po kami makapaghintay na kayo ay makasama muli sa simbahan.

#STPReady na po kami.

Pagpalain po tayong lahat at kaawaan ng Banal na Santatlo.

You might also like