You are on page 1of 3

SJDM CORNERSTONE COLLEGE, INC.

#190 Libis II Muzon, City of San Jose del Monte, Bulacan SCORE:
Contact Nos.: (0917) 706 1869 / (044) 234 4338
Email Address: sjdmcornerstonecollege.inc@gmail.com

IKALAWANG LAGUMANG PAGSUSULIT


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7

Pangalan: __________________________________________ Baitang/Pangkat: _______________________


Guro:_______________________________________________Lagda ng magulang: ____________________

I. MARAMIHANG PAGPILI

PANUTO: Basahin ng mabuti ang mga katanungan sa ibaba at bilugan ang titik ng tamang sagot.
Pinapaalalahan na unawain ng mabuti ang mga pangungusap at iwasan ang pagbubura sa iyong
sagutang papel.
1. Si Balen ay 13 taong gulang at mahilig siya sa mga kakaibang bagay na nagbibigay sa kaniya ng
mga bagong kaalaman tulad na lamang ng agham at teknolohiya na kung saan mas lalo niyang
nagagamit ang kaniyang kaisipan. Anong code ni Holland ang makakasagot sa pahayag na ito?
a. Realistic c. Investigative
b. Artistic d. Social

2. Marami ng natulungan na mga kabataan si Aling Mayen sa kanilang pook kaya naman maraming
mga tao ang nagpapasalamat sa kaniyang kontribusyon. Alin sa code ni John Holland ang
magbibigay kasagutan dito?
a. Realistic c. Investigative
b. Artistic d. Social

3. Ang pamilya nila Juaning ay bagong lipat lamang sa Bulacan. Pinaalalahanan ng guro ang mga
magulang ni Juaning na huwag muna siyang papasukin na mag-isa sa kadahilanan na baka maligaw
ito ngunit nagdesisyon na sumuway si Juaning at pumasok ng mag-isa kaya siya naligaw. Sino ang
hindi sumunod sa kaniyang tungkulin?
a. Si Juaning c. ang magulang ni Juaning
b. Ang guro d. ang paaralan

4. Ito ay gawaing may kaugnayan sa pagtulong, pagtuturo, pagcoach, at paglilingkod sa tao. Anong
Holland code ang tinutukoy sa pahayag na ito.?
a. Realistic c. Investigative
b. Artistic d. Social

5. Ito ay gawaing may kaugnayan sa mga datos, impormasyon, at mga proseso. Anong Holland code
ang tinutukoy sa pahayag na ito?
a. Enterprising c. Artistic
b. Conventional d. Social
6. Ito ay gawaing may kinalaman sa sining, desenyo, wika, at sariling pagpapahayag (self-expression).
Alin sa pagpipilian ang tumutukoy dito?
a. Enterprising c. Artistic
b. Conventional d. Social

7. Alin sa mga sumusunod ang tungkulin mo bilang anak?


a. Alagaan ang mga magulang kung may sakit at sa panahon ng pagtanda
b. Iwanan sa mga tagapag-alaga ang mga magulang sa kanilang pagtanda.
c. Iwanan ang mga magulang na hindi tumupad sa kanilang tungkulin.
d. Alagaan ang magulang kapag naisipan lamang

8. Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng pagiging mapanagutan?


a. Nagaganap ng isang tao ang kaniyang mga tungkulin nang buong husay.
b. Nagaganap ng isang tao ang mga tungkulin nang sapilitan at pagpapanggap.
c. Pinaghuhusay ang mga gawain upang hangaan at tularan ng iba ang nagawa.
d. Nagaganap ng isang tao ang kaniyang tungkulin nang tama lamang para mas makilala.

9. Alin sa sumusunod ang hindi totoo ukol sa pagiging mapanagutan?


a. Mahalaga ang pagganap ng tungkulin sa pagiging ganap ng tao.
b. Maaaring makaiwas sa pagganap sa tungkulin ang isang tao.
c. Saanmang lugar magtungo ang tao, mayroon siyang tungkuling dapat gampanan
d. Dapat nating gampanan ng buong husay ang ating tungkulin na may kasiyahan.

10. Ilan ito sa mga tungkulin na dapat gampanan ng isang mag-aaral ay ang mga sumusunod,
MALIBAN sa:
a. Mag-aral ng mabuti at gawin nang mahusay ang mga gawain sa paaralan.
b. Igalang ang mga tagapamahala, mga guro, ibang mga kawani ng mga paaralan, at mga kamag-
aaral.
c. Gamitin nang maayos at iwasang masira ang mga gamit sa paaralan.
d. Tuparin kung ano man ang napagkasunduan sa pagitan ng magkakapatid.

II. TAMA O MALI

PANUTO: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Ilagay ang TAMA sa patlang kung ang sinasaad
ay tamang kilos at ilagay ang MALI kung ito ay hindi tama.

________1. Kung tayo ay nakasakit ng kapuwa, maaari nating sabihin na “sorry na tao lang”

________2. Hindi nakikita ang ating damdamin kaya maaari tayong mangloko ng iba.

________3. Iiwasan ang masasamang mga impluwensiya upang makamit tagumpay.


________4. Ang ating isip at kilos-loob ay nararapat lamang gamitin sa tama.

________5. Dapat natin pahalagahan at igalang ang dignidad ng lahat nga tao.

________6. Hindi sapat na kilos loob lamang ang ating pairalin kundi maging ang ating kagandahang
loob.

________7. Nasasalamin sa gawaing mabuti ang ating kagandahang-loob.

________8. Maging mapanagutan sa lahat ng kilos na ating gagawin.

________9. Maging magiliw sa mga taong nakakasalamuha.

________10. Halaw sa wikang Griyego ang salitang dignitas.

III. PAGKILALA

PANUTO: Basahin ng mabuti ang mga binigay na pagpapakahulugan sa bawat aytem sa ibaba. Alamin
kung sino o ano ang tinutukoy ng bawat pangungusap. Isulat ang tamang sagot sa patlang at iwasan
ang pagbubura ng mga kasagutan.

____________1. Siya ay isang Aleman at tanyag na pilosopo noong ika-18 siglo. Isa sa pinakamahusay
niyang nilikha ay ang “Critique of Pure Reason”
____________2. Ito ay gawaing may kaugnayan sa teorya, pagsasaliksik, intellectual inquiry.
____________3. Ito ay gawaing may kinalaman sa sining, desenyo, wika, at sariling pagpapahayag (self-
expression).
____________4. Ito gawaing gumagamit ng tools, pagbuo o builder, gawaing pampisikal.
____________5. Siya ay isang academic psychologist na nagsasabing mayroong anim na bahagi ng
interes o hilig, na mayroong relasyon sa mga propesyong maaaring kunin.
____________6 Ito ay tumutukoy sa material na bagay na kung saan nagiging basehan din ng
kasiyahan ng ibang tao.
____________7. Ito ay gawaing may kaugnayan sa mga datos, impormasyon, at mga proseso.
____________8. Ito ay biyayang bigay sa atin ng may kapal ito ay tumutukoy sa ating espesyal na
kakayahan o kagalingan sa isang bagay.
____________9. Ito gawaing may kinalaman sa pangunguna, pag-engganyo, pag-impluwensya ng iba.
____________10. Ito gawaing may kaugnayan sa pagtulong, pagtuturo, pagcoach, at paglilingkod sa
tao.

You might also like