You are on page 1of 7

SENIOR HIGH SCHOOL CORE SUBJECT

IKATLONG MARKAHAN – PAGBABASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

NILALAMAN Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto


Nasusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto ayon sa kaugnayan nito sa sarili, pamilya, komunidad,
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
bansa at daigdig
PAMANTAYAN SA PAGGANAP Nasusuri ang kalikasan, katangian, at anyo ng iba’t ibang teksto
Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang teksto sa sarili, pamilya, komunidad, bansa, at
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
daigdig (F11PB-IIId-99)
DETALYADONG KASANAYANG Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang naratibong teksto sa sarili at komunidad gamit
PAMPAGKATUTO ang Teoryang Sikolohikal
PAMAMAHAGI NG ORAS 100 Minuto

BALANGKAS:
1. PANIMULA: Ilalahad ng guro ang kasanayang pampagkatuto sa mga mag-aaral (10 Minuto)
2. PAGGANYAK: Magsusulat ang mga magaaral ng maikling journal entry (10 Minuto)
3. INSTRUKSYON: Ilalahad ng guro ang depinisyon ng Teoryang Sikolohikal tungkol sa Extrinsic at Instrinsic Motivation gamit ang
ilang piling talata (40 Minuto)
4. PAGSASANAY: Ang mga mag-aaral ay magbabasa ng isang naratibong teksto at susuriin ito gamit ang Teoryang Sikolohikal at
iuugnay ito sa kanilang sarili (40 Minuto)
5. PAGPAPAYAMAN: Ang mga mag-aaral ay magbabasa ng isang naratibong teksto at susuriin ito gamit ang Teoryang Sikolohikal at
iuugnay ito sa kanilang komunidad
6. PAGTATAYA: Ang mga mag-aaral ay magsusuri ng isang teksto gamit ang Teoryang Sikolohikal at iuugnay ito sa kanilang sarili.

MGA KAGAMITAN Kopya ng naratibong teksto, kwaderno


Cicarelli, Saundra K. and White, J. Noland. Psychology. Fourth Edition. 2015. Pearson Education Inc.
MGA REPERENSIYA
Deldoc, Eljay. “Pagsugat at Pagmulat” 01/07/2014. Accessed 01/05/2016.
(https://deldoctrines.wordpress.com/2014/01/17/pagsugat-at-pagmulat/)

Page 1 of 7
SENIOR HIGH SCHOOL CORE SUBJECT
IKATLONG MARKAHAN – PAGBABASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
PAMAMARAAN MGA TIP PARA SA MGA GURO

PANIMULA (Introduction/Review) (10 Minuto) Tip:


1. Ilahad ang kasanayang pampagkatuto sa mga mag-aaral Maaaring palalimin pa ng guro ang mga
nailahad na ideya ng mga mag-aaral sa
2. Ipasulat sa mga magaaral ang kasanayang pampagkatuto sa kanilang mga kwaderno. pagbibigay ng mga karagdagang
Pasalungguhitan sa kanila ang mahahalagang salita sa kasanayang pampagkatuto. Ilan sa mga katanungan.
salitang maaari nilang salungguhitan ay “kaisipan,” “teksto,” “sarili,” “teorya,” at “sikolohikal.”
Isang paraan sa pagpapalalim ng mga
3. Hayaan ang mga mag-aaral na magbigay ng kanilang pansariling depinisyon para sa mga naibigay nang sagot ay ang pagbibigay
nasalungguhitang salita. ng kaugnayan sa mga naibigay na sagot
ng mga mag-aaral.
4. Tanungin kung ano sa tingin ng mga mag-aaral ang kahalagahan ng mga salita.
Tatawag ang guro ng isa o dalawang
Halimbawa: mag-aaral upang isaad ang
“Masasabing ang kaisipang nakapaloob sa isang teksto kung ito ang pinakamahalagang pagkakaparehas o pagkakaiba ng mga
impormasyon o ideya na nakalahad sa teksto. Ang lahat ng sumusuportang detalye ay naibigay na sagot.
maiuugnay din natin sa kaisipang nakapaloob sa teksto.”
Tip:
“Ang teksto ay isang orihinal na komposisyong naisulat. Ang isang teksto ay maaaring maging Maaari ring gumawa ang mga mag-aaral
impormatibo, deskriptibo, persuweysib, naratibo, argumentatibo, o prosidyural.” ng tsart kung saan mag-iisip sila ng mga
salitang maaaring iugnay sa salitang
“Maaaring maiugnay ko ang mga kaisipang nakapaloob sa aking sarili gamit ang aking mga “Sikolohikal”
karanasan, ideya, paniniwala, o saloobin.”
Ideya Ideya
“Ang isang teorya ay isang pagaaral o pagsasaliksik sa isang bagay o pangyayari.”
Sikolohikal
“Sa aking pananaw, ang Teoryang Sikolohikal ay ang pagsusuri ng ating mga partikular na
karakter, desisyon, gawi at galaw – at ang pagaaral ng ating mga layunin o motibo sa pagbibigay Ideya Ideya

ng pokus sa takbo ng ating isip.”

Page 2 of 7
SENIOR HIGH SCHOOL CORE SUBJECT
IKATLONG MARKAHAN – PAGBABASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

PAGGANYAK (Motivation) (10 Minuto) Tip:


1. Sabihin sa mga mag-aaral na kuhanin ang kwaderno. Ipatiklop sa kanila ang isang pahina, o Maaari ring gumawa pa ng ikaapat
hindi kaya’y gumuhit sila ng isang table na may tatlong hanay. hanggang ikalimang hanay; o hindi kaya’y
hikayatin ang mga magaaral na magsulat
2. Sabihin sa mga mag-aaral na mag-isip ng limang bagay na kanilang ginawa noong nakaraang ng dalawa o higit pang mga dahilan sa
linggo. Maaari ring palitan ang pangyayari at gawing “noong Pasko,” “noong bakasyon,” “kagabi.” iisang hanay para sa isang bagay na
ginawa.
3. Pagkatapos nila itong gawin, atasan silang sagutan kung bakit nila ginawa ang mga nasabing
gawain. Maaaring higit pa sa isa ang mabanggit na mga dahilan. Isusulat nila ang kanilang mga
sagot sa ikalawang hanay.

4. Sa ikatlong hanay, susubukin nilang bigyan ng dahilan kung bakit nila ginawa ang mga nakasulat
sa ikalawang hanay. Bigyan sila ng sapat na oras upang matapos ang gawain.

Halimbawa:
Mga ginawa noong nakaraang Linggo
Ginawa Bakit ginawa? Bakit ginawa?
Naglaba Dahil may pasok kinabukasan at Kailangang pumasok sa paaralan
kailangang may suotin sa upang maabot ang mga pangarap.
pagpasok.

INSTRUKSYON (Instruction/Delivery) (40 minuto) Tip:


Ipaliwanag ang Teoryang Sikolohikal. Maaari ring konsultahin ang ibang mga
pagaaral tungkol sa Teoryang Sikolohikal.
Ang motivation ay ang proseso kung saan ang mga gawain ay inaaksyunan, pinatutunguhan, at
ipinagpapatuloy upang ang mga pisikal at sikolohikal na mga pangangailangan at kagustuhan ay Upang mapalalim pa ang pagaaral,
makamit (Petri, 1996). maaaring basahin ang eksperimento ni
Teresa Amabile tungkol sa motivation ng
Ang mismong salita ay galing sa salitang Latin na movere, na nangangahulugang “ilipat.” Ang mga bata, at kung paano ito nagiging
motivation ang “naglilipat” sa mga tao upang gawin nila ang mga bagay na kanilang ginagawa. kaugnay sa kanilang pagiging malikhain.

Halimbawa, kapag may isang taong nagpapahinga at nanood ng palabas sa TV at biglang


nakaramdam ng gutom, ang kaniyang pisikal na pangangailangan sa pagkain ang magtutulak sa
tao upang tumayo, pumunta sa kusina, at maghanap ng makakain. Ang kaniyang pisikal na
pangangailangan ng pagkain ang gumawa ng “aksyon” (pagtayo), “patutunguhan” (pumunta sa
kusina), at ipagpatuloy ang paghahanap (paghahanap ng makakain). Ang gutom ay isang
halimbawa lamang.
Page 3 of 7
SENIOR HIGH SCHOOL CORE SUBJECT
IKATLONG MARKAHAN – PAGBABASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

May iba’t ibang uri ng motivation. Minsan, ginagawa ng tao ang isang bagay dahil siya ay may
makukuhang panlabas na gantimpala, o hindi kaya’y pagiwas sa isang hindi magandang
kalabasan, kagaya nang pagkawala ng pera at ari-arian kapag ang isang tao ay nawalan ng
trabaho.

Ito ay isang halimbawa ng extrinsic motivation. Kapag ang ginagawang aksyon ng isang tao ay
hiwalay sa kaniya, ito ang tinatawag na extrinsic motivation. (Ryan & Deci, 2000).

Sa kabilang dako, kapag ang isang tao ay gumagawa ng isang aksyon dahil ito ay masaya, o
nagbibigay-kasiyahan sa ilang mga panloob na paraan, ito ay tinatawag na intrinsic motivation.
Parehong ang kinakalabasan at ang antas ng pagsisikap ay maaaring mag-iba depende sa uri ng
motivation.

PAGSASANAY (Practice) (40 Minuto) Tip:


Bago ang Gawain Maaari ding ibigay ang talata bilang hand-
1. Ilahad na ang mga magaaral ay magbabasa ng ilang maiikling talata na kanilang tatalakayin nang outs, na maaaring sulatan ng mga
magkapares. magaaral ng kanilang mga ideya.

2. Siguraduhing may kapares na ang lahat ng magaaral. Ipaalam sa kanila na italaga ang kanilang
mga sarili bilang “Partner A” o “Partner B.”

3. Sabihin sa mga magaaral na sila ay magbabasa ng tatlong maiikling talata na kanilang


tatalakayin. Ang mga talata ay ibibigay ng paisa-isa. Pagkatapos nilang basahin ang unang
talata, ang guro ay magpapakita ng tanong pandiskusyon. Si “Partner A” ang unang sasagot ng
katanungan. Pagkatapos si “Partner B” naman ang sasagot. Ipaalala na habang nagsasalita ang
isang miyembro ng pares, ang kanyang kapareha ay kailangang magbigay ng buong atensyon sa
pakikinig. Gagawin ito ng magkapares sa tatlong talata.

Habang Gawain
1. Ipaskil ang unang talata sa pisara.

2. Bigyan ang mga mag-aaral ng tatlong minuto na basahin ang bawat talata, bago ibigay ang
unang tanong na pandiskusyon.

3. Bigyan ang mga bawat miyembro ng dalawang minuto sa pagbigay ng kanilang sagot.

Page 4 of 7
SENIOR HIGH SCHOOL CORE SUBJECT
IKATLONG MARKAHAN – PAGBABASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

Talata Tanong
Unang Talata: Paano naipapakita sa mga halimbawa ang:
Kapag may isang taong malungkot, maaari aksyon, pagtutuluyan, at pagpapatuloy sa
niyang tawagan ang kaniyang kaibigan o paghahanap?
hindi kaya’y pumunta sa isang lugar kung
saan maraming tao. Ang kagustuhan naman Magbigay pa ng ilang mga halimbawa kung
na magpatuloy ng pagaaral papuntang saan ipinapakita ang aksyon, pagtutuluyan,
kolehiyo ay isang paraan naman upang at pagpapatuloy sa paghahanap.
maging matagumpay sa buhay. Ang
simpleng pagbangon mula sa higaan ay
isang halimbawa rin upang patuloy na
makapag-hanap buhay.
Anong uri ng motivation ang ipinapakita rito?
Ikalawang Talata:
Kapag ang isang bata ay nakakuha ng pera Magbigay ng ilang pangyayari kung saan
kapag siya ay nakakuha ng mataas na ipinapakita ang extrinsic at ang intrinsic
grado ay isang halimbawa ng motivation. motivation.
Ang bonus din sa trabaho kapag siya ay
masipag sa pagtatrabaho, o ang tip na
ibinibigay sa mga waiter ay isang halimbawa
din ng motivation.
Sabi nina James at McDougall, ang
Ikatlong Talata: biologically determined behavior ng mga
Ang ilang mga pagtatangka upang hayop ay parehas sa biologically determined
maintindihan pa ang motivation ay nakatuon behavior ng mga tao.
sa biologically determined na mga kaugalian
na tinatawag na instinct. Ang ilan sa mga Paano naipapakita ang pagkakaparehas ng
halimbawa ng instinct na makikita sa mga biologically determined behaviors ng hayop
hayop ay ang migration, nest building, at ng tao?
paggawa ng anak, at pagprotekta sa
kaniyang teritoryo.

Page 5 of 7
SENIOR HIGH SCHOOL CORE SUBJECT
IKATLONG MARKAHAN – PAGBABASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

Pagkatapos nang Gawain


1. Maaaring kumalap ng mga kasagutan sa mga tanong mula sa mga magaaral at ipamahagi ito sa
buong klase.

PAGPAPAYAMAN (Enrichment):
Opsyonal
1. Kung may kakayahang makapagpalabas ng pelikula, iminumungkahi rin na magpalabas ng
pelikula. Ilan sa mga iminumungkahing pelikula na maaaring lapatan ng Teoryang Sikolohikal, at
maaaring humalili sa isinulat na teksto, ay ang mga sumusunod:
a. Fincher, David. Seven. 1995. Pitt, Brad. Freeman, Morgan.
b. Howard, Ron. A Beautiful Mind. 2001. Crowe, Russell.
c. Docter, Pete. Inside Out. 2015. Disney.

2. Upang mapalalim pa ang diskusyon, maaaring humanap din ng iba pang mga pagaaral tungkol
sa Teoryang Sikolohikal, o hindi kaya’y atasan ang mga magaaral na magsaliksik pa ng ibang
depinisyon tungkol sa Teoryang Sikolohikal.

PAGTATAYA (Evaluation):
Takdang Aralin
1. Magbigay ng isang naratibong teksto sa mga mag-aaral.
Maaaring ibigay ang akda ni Eljay Deldoc na “Pagsugat at Pagmulat.”
(https://deldoctrines.wordpress.com/2014/01/17/pagsugat-at-pagmulat/)

2. Bigyan ang mga mag-aaral nang sapat na panahon upang basahin ang teksto.

3. Pagkatapos nilang basahin ang teksto, bumalik sa mga depinisyon na ibinigay sa klase, at
ipaliwanag sa mga magaaral na kailangan nilang humanap nang mga pangungusap sa
babasahing naratibong teksto na susuporta sa mga depinisyon.

4. Gayundin, ipakita ang mga sumusunod na tanong na gagabay sa kanilang pagsasaliksik:


a. Gamit ang tono ng sanaysay, paano mo mailalarawan ang takbo ng utak ng awtor gamit
ang ___ at ___.

b. Ano ang masasabi mo tungkol sa pangarap ng awtor, at kung ano ang ginamit niyang
motivation upang maabot ito?

Page 6 of 7
SENIOR HIGH SCHOOL CORE SUBJECT
IKATLONG MARKAHAN – PAGBABASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
c. Sabi ni Deldoc, “Patuloy akong tutula para paganahin ang isip at puso ng mga kapwa ko
Hagonoenyo, Bulakenyo, at Filipino. Dahil sa bansang ito, maraming tao ang may isip
ngunit hindi nagsasalita at maraming tao rin ang nagsasalita ngunit hindi nag-iisip.” Paano
kaparehas o kaiba ang iyong pananaw mula sa pananaw ni Deldoc sa komunidad?

5. Gamitin ang rubrics upang bigyan ng marka ang ginawang pagsasaliksik ng mga mag-aaral:

RUBRICS
Nangangailangan
Lampas sa inaasahan Nakatugon sa inaasahan Papalapit sa inaasahan
ng pagpapabuti
Ang mga nakasaad na ideya Ang mga nakasaad na ideya Ang mga ideya ay malinaw, Ang pagbabasa ay magulo at
ay orihinal at kritikal. Nasagot ay kritikal. Nasagot ng ngunit sumasaklaw sa malabo. Ang mga kaisipang
ng magaaral ang mga gabay magaaral ang mga gabay na pangkalahatan, at hindi nakaloob sa mga talata ay
Nilalaman at
mga Ideya
na tanong at naiuganay ang tanong at naiuganay ang kritikal. Ang pagbabasa ay hindi napagyaman ng
kaniyang mga ideya sa kaniyang mga ideya sa mababaw, at hindi naiugnay binasang teksto. Ang
kaniyang sarili at komunidad. kaniyang sarili. sa sarili o sa komunidad. pagbabasa ay hindi ginamitan
ng Teoryang Sikolohikal.
Ang pag-develop ng mga Ang pag-develop ng mga Ang organisasyon ay lohikal Ang organisasyon ng mga
punto ay natural, at ang lahat punto ay natural, at ang lahat na may malinaw na simula, talata ay magulo. Ang teksto
ng mga ideya ay nakatahi sa ng mga ideya ay nakatahi sa gitna, at wakas. Ang mga ay walang maayos na
Organisasyon
isa’t isa. Naihahanda ang isa’t isa. Maayos at lohikal talata ay sinusuportahan ang introduksyon o katapusan.
magbabasa sa lalim ng teksto ang pagkakasulat sa buong bawat isa.
mula sa introduksyon. teksto.
Ang mga ebidensiyang Ang mga ebidensiya ay Ang pagtatangka ng Walang ebidensiyang
nakapaloob sa teksto ay kapani-paniwala. magaaral na magpaliwanag nakapaloob sa teksto. Ang
natatangi at tunay na Nagpapakita ang magaaral ay malinaw. Mayroong paliwanag ay hindi sapat
Paglalahad
napagaralan. Nagpapakita ng inferential na pagiisip. naaangkop na ebidensiya na upang mabigyang paglilinaw
ang magaaral ng inferential sumusuporta sa kaisipan. ang mga gabay na tanong.
na pagiisip.
Tiyak ang paggamit ng mga Ang wikang ginamit ay Tama ang wika; and estilo ay Ang mga pangungusap at
Estilo at
salita at maingat ang pagpili particular, at tiyak ang paiba-iba. Ang mga citations mga salita ay maraming mali.
Pagpili ng
salita ng tonong gagamitin. nagamit na tono. ay maayos ngunit hindi Wala ring kaayusan ang
orihinal. pagkakasunod ng mga salita.

Page 7 of 7

You might also like