You are on page 1of 1

Pangalan : ___________________________________Paaralan : ________________________________________

Baitang – Pangkat :___________________________Petsa:_____________________________________________

AP IV – ARALIN 1
LAYUNIN: Natatalakay ang konsepto ng bansa.
(AP4AAB-1a-1)

KONSEPTO:

Ang bansa ay lugar o teritoryo na may naninirahang mga grupo ng tao na may magkakatulad na kulturang
pinanggalingan kung saan makikita ang iisa o pare-parehong wika, pamana, relihiyon at lahi. Ang isang bansa
ay maituturing na bansa kung ito ay binubuo ng apat na elemento ng pagkabansa- tao, teritoryo, pamahalaan, at
ganap na kalayaan o soberanya. Ang Pilipinas ay isang bansa dahil may mga naninirahan ditong tao, may
sariling teritoryo, may pamahalaan, at may ganap na kalayaan.

GAWAIN: Lagyan ng tsek (/) ang pangungusap na nagsasaad ng tama at ekis naman kung
hindi.  

_____ 1. Ang bansa ay may tatlong elemento, ang tao, teritoryo at pamahalaan.
_____ 2. Hindi maituturing na bansa ang Pilipinas sapagkat kaunti lamang ang mga naninirahan dito.
_____ 3. Ang pamahalaan ay isang samahan na nagtataguyod ng kaayusan ng lipunan.
_____ 4. Ang tao ay ang naninirahan sa isang teritoryo.
_____ 5. Ang bandila ng Pilipinas ay isang simbolo ng bansa.
_____ 6. Ang lawak ng lupain at katubigan ay teritoryo na kung saan ay naninirahan dito ang mga tao.
_____ 7. Maaaring pakialaman at mangialam sa ibang bansa upang masabi na may kalayaan.
_____ 8. Hindi kasama sa maituturing na bansa ang United States.
_____ 9. Gumagamit ng iba’t-ibang salita o wika ang bansang Pilipinas.
_____ 10. Hindi maituturing na bansa kung walang naninirahan dito.
_____ 11. Hindi dapat mangialam ang ibang bansa sa Pilipinas.
_____ 12. Matuturing na isang bansa kung walang naninirahan dito.
_____ 13. Ang bansang Pilipinas ay may pamahalaan na nagtataguyod na kaayusan.
_____ 14. May dalawang anyo ang soberanya. Ang panloob at panlabas.
_____ 15. Tumutukoy sa pangangalaga ng sariling kalayaan ang panlabas na soberanya.

You might also like