You are on page 1of 2

Pascual, Raymond A.

Buhay at mga sinulat ni Rizal Prof’ Arvin Llyod Bolus Pingul

BSA 1-5 Hunyo 09, 2020 GEED 10013

“Republic Act 1425 (Batas Rizal)”

Ang R.A 1425, o ang Batas Rizal, ay may layuning ipanukala ang mga akda o sulatin at
buhay ni Jose Rizal sa Kurikula ng mga pampubliko at pampribadong paaralan. Mula sa nasabing
batas, pinapahintulutan ng gobyerno ang pag-aaral ng mga ito dahil sa nilalaman nitong mga
impormasyon ukol sa kasaysayan, kadakilaan, ganoon na rin ang pamumuhay sa panahon ng ating
mga bayani. Tampok ang mga nobela ni Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo, kung
kaya’t isinali ito biglang mga babasahin dahil sa mga makasaysayang pag-aalsa ng mga Pilipino
noon laban sa Espanyol. Bukod doon ay ipinakita rin ni Rizal ang pagkakaiba ng pamumuhay ng
mga Pilipino at ng mga Espanyol, mga taong sakim sa kapangyarihan at ang mga taong naging
biktima nila. Kung iisipin ay tama lamang ang naging kilos ng gobyerno sa pagpapanukala ng
batas; upang gisingin ang natutulog na apoy ng nasyonalismo, upang mabigyang pugay ang mga
bayani, at ang pagpapaalala sa identidad natin bilang mamamayan ng perlas ng silanganan. Ngunit
kung susuriin, ang inaasam na nasyonalismo o patriotismo ng pamahalaan ay hindi magiging buo
o konkreto kung ibabatay natin ang ating kamalayang pangkasaysayan sa buhay o sa mga akda
lamang ni Rizal.

Si Jose Protacio Rizal, o mas kilala sa palayaw na Pepe, ay isang doktor sa mata, alagad
ng sining at marami pang iba. Ngunit sa lahat ng ito, mas kinikilala siya bilang isang manunulat o
awtor sa panahon niya. Sa kadahilan, na ang kaniyang mga akda ay naglalaman ng mga salaysay
at katotohanan sa likod ng pananakop ng mga espanyol. Tampok na rito ang konsepto ng, pagiging
sakim sa kapangyarihan ng nakatataas na patuloy paring ninanakawan ng karapatan ang mga
nakabababa. Ganoon na rin ang kaisipan ng pag kampi ng iilang Pilipino sa Espanya upang
makatikim ng karangyaan, kapalit ng serbisyo sa kanila. Kung susumahin ang historya batay sa
buhay ni Rizal, kadakilaan katapangan at katapatan sa bayang sinilangan ang nais iparating sa mga
susunod na henerasyong Pilipino. Ngunit sa kabilang banda, ang labis na pokus sa buhay at sa mga
akdang rizal ay maaaring mag resulta sa posibilidad ng pagkakaroon ng maling pag unawa sa
konsepto ng nasyonalismo at sa kamalayang pangkasaysayan. Isang halimbawa dito ang
pagpapanukala ng batas Rizal upang labis na maunawaan ang kasaysayan ng bansa. Dahil dito,
ang pag-aaral ng kasaysayan ay maaaring mabahiran ng ibang interpretasyon ng pangyayari
bagkus ang mga ito ay napupunta lamang sa konseptong kadakilaan ni Rizal at hindi na ang mga
aktuwal na pangyayari sa kasaysayan.

Sumunod ay ang pamamaraan ng pag papahayag ng nasyonalismo. Isa sa mga layunin ng


pagpapanukala ng batas ay ang pagpapaigting ng damdaming nasyonalismo sa bansa. Kung kaya’t
ginamit si Jose Rizal bilang isang magandang halimbawa ng pagiging isang Pilipino. Subalit kung
titignan sa isang banda, ay hindi lalayo ang posibilidad ng pag santabi ng mga kontribusyon ng
iilang mga bayani. Ang mga kaalaman natin sa pagkakaroon ng puso para sa bayan ay karaniwang
umiikot sa pagkakaroon ng lakas at talino upang mapamunuan ang isang bansa o ang kaisipan ng
pagbubuwis ng buhay para sa tinubuang lupa. Samakatuwid ang mga ito’y umiikot sa mga paraan
ng pagpapakita ng nasyonalismo mula sa ating mga taniyag na bayani; Andres Bonifacio at si Jose
Rizal. Dahil hindi nakita ang ibang mga anggulo sa mga posibleng kahihinatnan ng pag-aaral sa
buhay at mga akda ni Rizal, ang konsepto ng nasyonalismo ay maaaring maging mahina o
mababaw. Sa pagsasanatabi ng iba pang pamamaraan ng pagpapahayag ng nasyonalismo ng iba
pang mga bayani, hindi magiging malalim at konkreto ang depinisyong kung titignan lamang ang
kahulugan nito mula sa iilang pamamaraan lamang.

Sa huli, ang isa sa mga nakaligtaang problema sa pag papanukala ng batas na ito ay ang
magiging resulta nito sa mga susunod na henerasyong Pilipino. Ang pag-bibigay halaga sa kung
saan ba dapat nakatuon ang atensiyon ng mga Pilipino sa konsepto ng nasyonalismo at ang rason
sa likod. Mula rito, ay mag-iiwan ng mensahe ang ang konseptong nasyonalismo sa isipinan ng
mga tao sa kasalukuyan. Na ang pagmamahal sa tinubuang lupa ay hindi dapat manggaling sa
kadahilan ng mga mensahe sa mga akda lamang ni rizal o ng sino pa mang kilalang bayani ng
nakaraan, kundi ang pag-mamahal sa ating bayan ay dapat manggaling mula sa ating pansariling
rason at pagpapasiya. Ang pagmamahal sa bayan, bilang ating pinanggalingan at tinubuang lupa.

You might also like