You are on page 1of 1

Pascual, Raymond A.

BSA 1-5 Readings in Philippine History Prof' Jerome Permejo

01-28-2020

“Ang ikatlong Kartilya ng Katipunan”

Mula sa tekstong "Mga gunita ng Himagsikan" napansin ko ang isang parte doon kung saan ang natural
na katangian ng mga Pilipino ay lumilitaw dati pa man sa panahon ng pananakop ng espanya - ang
Pagkakawanggawa. Ito ay isang kilos na pagtulong o ang pagbibigay ng tulong sa kapwa, sa mga taong
nangangailangan o sa mga taong hirap sa buhay. Sa pagdating nina Aguinaldo sa kumbento ng Cavite el
Viejo ay nakausap nila ang kanilang kapitan-munisipal ng himagsikan na si Candido Tirona. Aniya, ang
kaniyang asawa na si Macaria Olaes ay kusang loob na tumulong sa mga mahihina at mahihirap ang
laman, sa pamamagitan nang kaniyang pamamahagi ng bangan ng palay. Bukod dito'y nalaman ni
Aguinaldo na ang kaniyang ina na si Ginang Trinidad Famy ay bukas palad na ibinahagi ang kaniyang
bangang palay sa mga nasugatang kawal na nasa ospital. Lubos ang galak at tunay niyang
ipinagmamataas ang kaniyang ina dahil dito. Ganun na lamang din ang kaniyang pasasalamat sa mag-
asawang Tirona at Olaes, sa pagtulong nang walang kapalit na iniintay o hinihingi.

Mula rito ay maaari kong ihanay ang gunita mula sa ikatlong punto ni Emilio Jacinto sa kaniyang Kartilya
ng Katipunan, kung saan isinasaad na "Ang tunay na kabanalan ay ang pagkakawang gawa, ang pag-ibig
sa kapwa at ang isukat sa bawat kilos, gawa't pangungusap sa talagang katuwiran." Ang
pagkakawanggawa ayon sa kartilya, ay hindi lamang pumapatungkol sa isang boluntaryong gawin, kundi
isang akto ng pagmamahal sa kapwa lingid sa kakayahan ng taong gumagawa. Makatuwiran din ang akto
dahil ito'y pumapatungkol sa pagtulong nang bukas-palad sa ating mga kababayang nangangailangan ng
kamay.

Bagama't kung iisipin, ang tektsong puno ng gunita sa himagsikan ay ukol sa mga naging kahihinatnan ng
mga aksyon at plano ng ating mga bayani laban sa espanyol. Mga tagumpay at pagbagsak ng pag-aalsa
laban sa mga dayuhan. Ngunit ipinaalala satin muli sa tekstong iyon ang kabutihang taglay nating mga
Pilipino, dati pa man noong 19 dantaon. Na sa kabila ng krisis na hinaharap ng ating kababayan, ang
aktong pagkakawanggawa ay isang marka nating bilang pilipino.

You might also like