You are on page 1of 6

Department of Education

Division of Bohol
BIT International College- Talibon
Basic Education Department

ARALING PANLIPUNAN 7
Unang Markahan
Quarter : 1 Week : 6 Day : 1 Activity No. : 1

Competency: : Naipapahayag ang kahalagahan ng pangangalaga sa timbang na kalagayang


ekolohiko ng rehiyon. (AP7HAS-Ig-1.7)
Objective : Nakakagawa ng mungkahing solusyon sa mga suliraning pangkapaligiran na
ating nararanasan ngayon.
Topic : Kahalagahan ng Pangangalaga sa Timbang sa Kalagayang Ekolohikal ng
Rehiyon
Materials :

Reference : 1. EASE II Module 1 and 2


2. * Asya: Pag-usbong ng Kabihasnan II. 2008 pshina 46-56
Copyrights : For classroom use only

Konsepto:
 Ecological balance-timbang na ugnayan sa pagitan ng mga bagay na may buhay at
ang kanilang kapaligiran.
 Biodiversity-pagkakaiba-iba at pagiging katangi-tangi ng lahat ng anyo ng buhay na
bumubuo sa natural na kalikasan.
 Mga Suliraning Pangkapaligiran na dulot ng pagkasira sa ecological balance
 Pagkasira ng lupa
 Urbanisasyon
 Pagkawala ng Biodiversity
 Pagkasira ng kagubatan
 Polusyon sa hangin at tubig
 Problema sa solid waste
Pagsasanay:
Punan mo ng mga detalye ang diagram

Bakit nararapat na habang tayo ay patungo sa kaunlaran ay dapat ding pagtuunan ng pansin ang pangangalaga sa kalikasan?
ARALING PANLIPUNAN 7
Unang Markahan
Quarter : 1 Week : 6 Day : 2 Activity No. : 2

Competency: : Naipapahayag ang kahalagahan ng pangangalaga sa timbang na


kalagayang ekolohiko ng rehiyon (AP7HAS-Ig-1.7)
Objective : Naiuugnay ang lupa sa suliraning dulot ng paglaki ng populasyon

Topic : Mga Suliraning Pangkapaligiran Dulot ng Malaking Populasyon:


Pagkasira ng Lupa
Materials :

Reference : 1. EASE II Module 1 and 2


2. * Asya: Pag-usbong ng Kabihasnan II. 2008 pshina 46-48
Copyrights : For classroom use only

Konsepto:

Ang pangunahing ugat ng iba’t ibang suliraning pangkapaligiran sa mundo ay ang patuloy na
paglaki ng populasyon. Habang patuloy na tumataas ang bilang ng mga tao, lalong nagiging mataas
ang pangangailangan para sa likas yaman. Kinakailangan ang mas malaking lupain na
mapagtataniman upang makasapat sa pagtugon o demand para sa pagkain. Gayunpaman, labis na
intensipikasyon (intensification) sa paggamit ng lupa upang pagtaniman ay nagbubunsod din ng mga
problema sa lupa gaya ng:
 Desertification- ito ay tumutukoy sa pagkasira ng lupain sa mga rehiyong bahagyang tuyo o
lubhang-tuyo (semi-arid at arid) na kapag lumaon ay hahantong sa pagkawala ng
kapakinabangan.
 Salinization- lumilitaw sa ibabaw ng lupa ang asin o kaya naman ay inaanod ng tubig
papunta sa lupa.
 Alkalinization- ang lupa ay may mataas na lebel ng alkaline na makasisira sa pananim.
Nakaaapekto and dami ng alkaline sa lupa sa mga prosesong biyolohikal at kemikal na
nagaganap dito.
 Sandstorm- bagyo ng alikabok sa disyerto
 Overgrazing- ito ay nakasisira sa halaman o vegetation dahil habang lumalaki ang kawan ng
hayop o herd, mas mahigit ang presyur sa malalawak na damuhan o pastulan.

Pagsasanay: Sagutin ang sumusunod.

1. May katotohanan ba na habang patuloy na tumataas ang bilang ng mga tao, lalong
nagiging mataas ang pangangailangan para sa likas-yaman? Patunayan.
2. Paano nagaganap ang proseso ng salinization at alkalinisation sa lupang sinasaka?
3. Paghambingin ang salinization sa desertification.
ARALING PANLIPUNAN 7
Unang Markahan
Quarter : 1 Week : 6 Day : 3 Activity No. : 3

Competency: : Naipapahayag ang kahalagahan ng pangangalaga sa timbang na kalagayang


ekolohiko ng rehiyon (AP7HAS-Ig-1.7)
Objective : Nasusuri ang kahalagahan sa pagkakaroon ng timbang ekolohiko ng ating
rehiyon
Topic : Pangangalaga sa Timbang Ekolohiko ng Rehiyon

Materials :

Reference : http://www.studymode.com/profile/deanice

Copyrights : For classroom use only

Konsepto:

Pagsasanay:
1. Bakit nasisira ang kalikasan at nagkakaroon ng hidwaan ang mga bansa? Ano ang kinalaman
ng tao dito?
2. Paano nakaapekto sa mamamayan ang sirang kalikasan at isyung panteritoryo sa Pilipinas?
3. Ano ang mensahe ng artikulo sa mambabasa?
ARALING PANLIPUNAN 7
Unang Markahan

Quarter : 1 Week : 7 Day : 1 Activity No. : 1

Competency: : Nasusuri ang komposisyon ng populasyon at kahalagahan ng yamang-tao sa Asya


sa pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan sa kasalukuyang panahon
Objective : Naipapaliwanag ang kahulogan ng populasyon

Topic : Kahulogan ng Populasyon

Materials :

Reference : Panahon, Kasaysayan at Lipunan II pp. 34-38

Copyrights : For classroom use only

Konsepto:
Populasyon
• Ito ay tawag sa bilang ng kabuuang dami ng tao na naninirahan sa isang particular na lugar sa
isang takdang panahon.
Population Growth Rate- pagtataya ng bahagdan ng bilis ng pagdami ng tao sa isang bansa bawat taon.
Populasyon ng Asya
• Ayon sa ulat ng United States Census Bureau tinatayang ang kabuuang bilang ng populasyon ng
daigdig ay umaabot sa 7.005 bilyon. Sinasabi sa ulat na 60 bahagdan nito ay nanggaling sa Asya.
Patunay dito ay ang dalawang (2) bansa na may pinakamalaking populasyon ay matatagpuan sa
Asya, ang China at India
Mga salik sa pagsusuri ng populasyon
1. Distribusyon ng populasyon – ito ang tawag sa pagkakahati-hati ng populasyong naninirahan sa
isang pook o lugar.
2. Densidad ng populasyon (population density) - tumutukoy sa dami o kapal ng tao sa bawat
kilometro kuwadrado

Pormula sa pagkuha ng kabuuang densidad


Densidad ng populasyon = Kabuuang Populasyon
Kabuuang sukat
3. Komposisyon ng populasyon
ARALING PANLIPUNAN 7
Pagsasanay: Unang Markahan
Quarter : 1 Week : 7 Day : 2 Activity No. : 2
1.
Ipaliwanag ang populasyon ayon sa iyong pagkakaunawa.
Competency: : Nasusuri ang komposisyon ng populasyon at kahalagahan ng yamang-tao sa Asya sa
2. pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan sa kasalukuyang panahon
Sa iyong pananaw, bakit dapat masuri ang populasyon?
Objective : Naiisa-isa ang komposisyon ng populasyon ayon sa gulang, haba ng buhay,
kasarian, at bilang ng marunong bumasa at sumulat
Topic : Komposisyon ng Populasyon

Materials :

Reference : Panahon, Kasaysayan at Lipunan II pp. 34-38

Copyrights : For classroom use only

Konsepto:
Komposisyon ng Populasyon
tumutukoy sa takdang bilang o bahagdan ng mga tao sa loob ng isang bansa ayon sa gulang, haba ng buhay,
kasarian, at bilang ng marunong bumasa at sumulat
1. Gulang o edad
• Ang umaasang populasyon ay tumutukoy sa mga batang may edad 0 hanggang 15 taon at matatandang may
edad na 65 pataas. Ang mga may edad namang 16 hanggang 64 na taon ay tinatawag na produktibong
populasyon dahil masigasig silang maghanapbuhay sa edad na ito
2. Haba ng buhay
• Ang mga babae sa rehiyon ay mabubuhay hanggang 70 taon, samantalang ang mga lalaki ay mabubuhay
hanggang 66 taon. Ang mga bansang Asyano na nakapagtala ng malaking kaibahan sa haba ng buhay ng mga
babae at lalaki ay ang Russia at Kazakhstan. Sa Russia mas mahaba ng 13 taon ang buhay ng mga babae kaysa
sa lalaki.
• Maikli ang buhay ng mga tao sa Afghanistan. 47 taon lamangag karaniwang haba ng buhay ng tao sa bansang
ito. Kabaliktaran naman ang haba ng buhay ng mga tao sa Japan kung saan ang mga babae ay umaabot sa 86
taon at mga lalaki naman ay umaabot sa 79 na taong gulang.
3. Kasarian
• tumutukoy sa bilang ng kalalakihang ipinapanganak nang buhay kada bilang ng kababaihang ipinapanganak
nang buhay sa loob ng isang bansa
4. Literasiya
• Ito ay ang kakayahang makapagbasa at makapagsulat. Kaakibat nito ang kakayahang tumukoy, umunawa,
magpaliwang, at magpahayag.
• Ayon sa ulat ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Oranization (UNESCO) noong 2012,
humigit kumulang sa 775.4 milyong katao sa mundo na nasa wastong gulang ang hindi marunong bumasa at
sumulat. Karamihan sa bilang na ito ay kababaihan at matatagpuan sa Timog-Asya at Silangang Asya.

Pagsasanay:
1. Bakit mahalaga ang kaalaman sa komposisyon ng populasyon?
2. Ano-ano kaya ang mga mabubuting dulot sa pagkakaroon ng bata at matandang populasyon?
Mabuting dulot ng batang populasyon Mabuting dulot ng matandang populasyon
1. 1.
2. 2.
3. 3.

ARALING PANLIPUNAN 7
Unang Markahan
Quarter : 1 Week : 7 Day : 3 Activity No. : 3

Competency: : Nasusuri ang komposisyon ng populasyon at kahalagahan ng yamang-tao sa


Asya sa pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan sa kasalukuyang panahon
Objective : Natutukoy ang mga batayan ng kaunlaran ng isang bansa at epekto ng
pandarayuhan.
Topic : Mga Batayan ng Kaunlaran at Migrasyon

Materials :

Reference : Asya: Pag-usbong ng Kabihasnan II. 2008. Pp.90-104;


Ang Pilipino at mga Kaibigang Asyano (Philippine Nonformal Education
Project). 1998.Pp.17-20;
Asya: Noon, Ngayon at sa Hinaharap II. 2000. Pp.45-59;
Panahon, Kasaysayan at Lipunan II pp. 44
Copyrights : For classroom use only

Konsepto:

Mga Batayan ng Kaunlaran ng isang Bansa

• GDP – (Gross Domestic Product) ang kabuuang halaga ng produkto at serbisyong


nilikha sa loob ng isang taon.
• Unemployment rate – bahagdan ng populasyong walang hanapbuhay o
Pinagkakakitaan.
• Literacy rate – bahagdan ng populasyon na marunong bumasa at sumulat.

Migrasyon – proseso ng paglipat ng tirahan mula sa isang rehiyon patungo sa isa pang rehiyon o
lungsod.

Epekto ng Pandarayuhan ng mga tao sa mga lungsod

• Paglaki ng bilang ng mga tao sa kalungsuran


• Kakulangan sa pabahay Pagkalat ng mga basura
• Kasalatan sa mga serbisyong panlipunan

Pagsasanay:
1. Ano-ano ang mga batayan sa kaunlaran ng isang bansa?
2. Bakit higit na mauunawaan ang kalagayang pang-ekonomiya ng bansa gamit ang GDP?
3. Sa inyong palagay, bakit naaakit ang mga taong manirahan sa mga pook-urban/lungsod? Magbigay
ng tatlong rason.

You might also like