You are on page 1of 1

Bakit Hindi Pinarusahan ni Jehova si Aaron sa Paggawa ng Gintong Guya?

3 buwan matapos lisanin ang Ehipto at mga 40 araw matapos tanggapin ang kautusan ng Diyos,
nabalisa ang mga Israelita sa pagkaantala ng pagbaba ni Moises mula sa Sinai at ipinagawa kay
Aaron ang isang diyos na mangunguna sa kanila (gintong guya).
Maliwanag sa Exo 20:4,5 na ipinagbabawal ng Diyos na Jehova ang pagsamba sa mga idolo o diyos-
diyosan. Alam ito ni Aaron, pero bakit hindi pinarusahan ng Diyos si Aaron sa paggawa ng gintong
guya?
3 dahilan:
a. Sa isang dahilan, binabanggit sa Sant 5:16 (huling bahagi) “Napakalaki ng nagagawa ng
pagsusumamo ng taong matuwid.”

Paano ito nakatulong kay Aaron? Basahin natin ang ulat ng Deut 9:20 (READ) “Galit na galit si
Jehova kay Aaron kaya handa na niya itong patayin PERO nagsumamo rin ako noon para
kay Aaron.”
 Tunay, malaki ang naitulong ng pagsusumamo ni Moises anopa’t lumilitaw na
pinakinggan ni Jehova ang kanyang panalangin dahil karapatdapat na kamatayan ang
hatol kay Aaron.

b. Ikalawa, ito ay may kinalaman sa matapat at matatag na paglilingkod ni Aaron


 Nang utusan ni Jehova na humarap si Moises kay Paraon upang palayain ang kanyang
bayan, tumanggi sa atas na ito si Moises dahil ayon sa Exodo 4:10, siya ay mabagal
magsalita at pilipit ang dila. Kaya inatasan ng Diyos si Aaron upang maging
tagapagsalita nito (Exo 4:16).
 Alam natin na ito ay mabigat at mapanganib na atas dahil ang kakausapin nila ay lider
ng bansa (si Paraon) na minamalas bilang diyos ng mga Ehipsiyo. Ang salita ni Paraon
ay batas, at namahala siya hindi ayon sa isang kodigo ng batas kundi sa pamamagitan
ng mga utos. Tinutulungan tayo ng mga puntong ito na maunawaan kung gaano
kahirap ang atas na humarap kay Paraon upang sabihin ang mga kahilingan at mga
babala ni Jehova. Sa kabila ng kinakaharap ng atas na ito, sinuportahan ni Aaron si
Moises bilang tagapagsalita.

c. Ikatlo, kung susuriin natin ang ulat kung bakit siya gumawa ng gintong guya sa Exo 32:25-29,
lumilitaw na wala talaga sa kaniyang puso ang pakikibahagi sa idolatrosong gawaing
iyon kundi nagpadala lamang siya sa panggigipit ng mga mapaghimagsik.
Paano natin nalaman? Basahin ang Exo 32:26: “Pumuwesto si Moises sa pintuang-daan ng
kampo at nagsabi: “Sino ang nasa panig ni Jehova? Pumunta sa akin!” At lumapit sa kaniya
ang lahat ng Levita.” Doon sa huling bahagi, positibong pinili ng lahat ng mga anak ni Levi ang
panig ng Diyos na Jehova, siyempre kasama dito si Aaron. Samantala, yung tatlong libong
mananamba sa idolo ay pinatay.
Pagkatapos ng insidenteng ito, iniutos ni Jehova na italaga si Aaron bilang mataas na saserdote. (Ex.
40:12, 13) Oo pinatawad ni Jehova si Aaron at batay sa nabanggit na mga dahilan, hindi siya
pinarusahan ng Diyos sa paggawa ng gintong guya.

You might also like