You are on page 1of 49

Ang Maikling Kwento

Cherry Y. Osteria
Sakop ng Talakayan
1.Katuturan ng maikling kwento
2.Pinag-ugatan ng maikling kwento
3.Uri ng maikling kwento
4.Mga bahagi ng maikling kwento
Katuturan ng
Maikling Kwento
Mga Manunulat
Ayon kay Edgar Allan Poe, ang tinaguriang Ama ng
Maikling Kuwento

 Ang maikling kwento ay isang akdang pampanitikang


likha ng guniguni at bungang –isip na hango sa
isang tunay na pangyayari sa buhay.
 Ito ay nababasa sa isang tagpuan, nakapupukaw ng
damdamin, at mabisang nakapagkikintal ng diwa o
damdaming may kaisahan. Tinatalakay ang natatangi
at mahahalagang pangyayari sa buhay ng pangunahing
tauhan. May kapayakan at kakauntian ng mga tauhan.
 Ito ay nagpapakita ng isang makabuluhang bahagi ng
buhay ng tao.
Mga Manunulat
Noong 1935-1940 ayon kay Teodoro Agoncillo

 Ang maikling kwento ay gumagamit ng unang


panauhan.
 Tungkol sa buhay sa lunsod
 Matimpi sa paglalarawan at pagpapahayag ng
damdamin
 Dahop sa malinis na pananagalog.
Internet
Ang maikling kwento ay:

 Isang anyo ng panitikan na naglalayong magsalaysay ng


isang mahalaga at nangigibabaw na pangyayari sa buhay
ng pangunahing tauhan at nag-iiwan ng isang kakintalan
sa isip ng mga mambabasa.
 katha na nagsasalaysay at tumatalakay sa madulang
bahagi ng buhay. Hindi ito pinaikling nobela o buod ng
isang nobela.
 Isang uri ng masining na pagsasalaysay na maikli ang
kaanyuan at ang diwa ay napapalaman sa isangbuo,
mahigpit at makapangyarihang balangkas na inilalahad sa
isang paraang mabilis ang galaw.
Diksiyonaryong Filipino-Filipino
Ang maikling kwento ay:

 Ang maikling kwento ay isang anyo ng panitikan na may layuning


magsalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan.
Nag-iiwan ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa.
 -Ang maikling kuwento ay isang maigsing salaysay hinggil sa
isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang
tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang.
 Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at
dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang
isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring
naganap sa buhay ng pangunahing tauhan.
 Anumang uri ng salaysay, nakasulat man o hindi na likhang-isip
lamang at itinutulad sa karaniwang mga pangyayari o mangyayari
Aklat
Ang maikling kwento ay:

 isang akdang naglalathala at nagsasalaysay ng


mga makatutuhanang pangyayari sa pang araw-araw
na buhay.
 ay isang akdang pampanitikang likha ng guniguni
at salagimsim na sahig sa buhay na aktuwal na
naganap o maaaring maganap.
Pinag-Ugatan ng
Maikling Kwento
Mitolohiya
• Ito’y salaysay tungkol sa iba’t
ibang diyos na pinaniniwalaang
mga sinaunang katutubo.
• Ang salaysay na ito ay tungkol
sa mga kababalaghan at tungkol
sa kanilang mga pananalig at
paniniwala sa mga anito.
Mitolohiya
Ang Diyosa ng Pag-ibig at si Adonis
Ang Diyosa ng Pag-ibig at si Adonis
Ayon sa mitolohiyang Romano, noon ay may napakagandaang diyosa na nagngangalang Venus.Siya ay matuwain at mapagmahal
bata. Lagi niyang kalaro ang kanyang anak na si Kupido. Sa lahat ng oras ay nakasukbit sa balikat ni Kupido ang kanyang busog at
palaso. Kapag tumimo sapuso ng isang tao ang palaso ay natututong umibig ito.
Minsan sa kanilang paglalaro ay di sinasadyang tinamaan ni Kupido si Venus. Nag-alala ang anak at kinalma ang kalooban ni
Naunawaan ng ina ang nangyari at nagsabing sa Lupa na lang siya magpapagaling.
Nagpasya si Venus na pumunta sa Daigdig upang doon magpagaling ng sugat. Pagdating niyaroon ay isang ubod ng kisig na
ang kanyang nakita. Yaon si Adonis na hilig ay pangangaso.
Halos araw-araw ay magkasama sina Venus at Adonis sa gubat. Sa bandang huli, naging hilig narin ni Venus ang panghuhuli ng
hayop sa gubat. At tuluyan silang naging magkatipan.
Isang araw, nagpaalam si Venus sa kasintahan na uuwi muna sa Bundok Olimpos upang dalawinang anak at ang iba pang diyos at
diyosa. “Mag-iingat ka, Adonis, baka mapahamak ka sapangangaso habang ako’y wala,” paalala ni Venus.
Palibhasa’y hilig at likas talaga sa kanya ang pangangaso, hindi napigilan ni Adonis na pumuntasa gubat at manghuli ng baboy-
Sa kasamaang-palad, nanlaban ang nasabing hayop at siyaay nilapa. Wala nang lakas si Adonis nang tigilan ng hayop.
Nalaman ni Venus ang nangyari at nagmamadali itong bumalik sa Daigdig. Inabutan niyangnaghihingalo ang kasintahan. Tumangis
siya sa sobrang lungkot sa pagpanaw ng katipan.Ginamit niya ang kanyang kapangyarihan at ginawa niyang napakagandang
ang dugongtumapon sa kanyang kasintahan.
Mula noon, ang mga rosas ay sinasabing ang dugo ni Adonisna simbolo ng pagmamahal
Alamat
• Isinasalaysay ng kuwentong
ito ang pinagmulan ng isang
bagay, pook, pangyayari at
iba pa.
• Pinalulutang din dito ang
mahahalagang mensahe at mga
aral sa buhay.
Alamat

halimbawa:

Alamat ng Ampalaya
ALAMAT NG AMPALAYA
Noong araw, sa bayan ng sariwa naninirahan ang lahat ng uri ng gulay na may kanya-kanyangkagandahang taglay.Si Kalabasa
may kakaibang tamis, si Kamatis na may asim at malasutlang kutis,si Luya na mayanghang, si Labanos na sobra ang kaputian, si
Talong na may lilang balat, luntiang pisngi ni Mustasa, si Singkamas na may kakaibang lutong na taglay,si Sibuyas na may manipis
na balat, at si patolan na maygaspang na kaakit-akit. Subalit may isan gulay na umusbong na kakaiba ang anyo, sya si Ampalaya
namay maputlang maputlang kulay, at ang kanyang lasang taglay ay di maipaliwanag.
Araw araw, walang ginawa si Amplaya kung hindi ikumpara ang kanyan itsura at lasa sa kapwa niyagulay, at dahil dito ay
sya ng masama sa kapwa nyang mga gulay.Nang sumapit ang gabi kinuha ni Ampalaya ang lahat ng magagandang katangian
mga gulay atkanyan isinuot. Tuwang tuwa si Ampalaya dahil ang dating gulay na hindi pinapansin ngayon aypinagkakaguluhan.
Ngunit walang lihim na hindi nabubunyag, nagtipon tipon ang mga gulay na kanyangninakawan at kanilang sinundan ang gulay
may gandang kakaiba at laking gulat nila ngmakita nilang hinuhubad nito isa isa ang mga katangian na kanilang taglay, at laking
gulat nila ngtumambad sa kanila si Ampalaya. Nagalit ang mga gulay at kanilang iniharap si Ampalaya sa diwata nglupain,
sinumbong nila ang ginawang pagnanakaw ni Ampalya.
Dahil dito, nagalit ang diwata at lahat ngmagagandang katangian na kinuha ni Ampalaya ay kanyang ibinalik dito at laking tuwa
Ampalaya dahilinisip niya na iyon lamang pala ang kabayaran sa ginawa niyang kasalanan, ngunit makalipas ang ilangsandali ay
iba ang kanyang anyo. Ang balat nya ay kumulubot dahil ang kinis at gaspang na taglay niupo at kamatis ay nag-away sa loob
kanyang katawan,maging ang mga ibat ibang lasa ng gulay aynaghatid ng di magandang panlasa sa kanya at pait ang dinulot
at ang kanyang kulay ay nagingmadilim. Mula noon magpahanggang ngayon ang luntiang gulay na si Ampalaya ay hindi pa
rinmagustuhan dahil sa pait niyang lasa.
Pabula
• Ito’y isang uri ng kuwentong
gumagamit ng mga hayop bilang
mga tauhan.
• Bagama’t kathang-isip lamang ang
kuwentong ito walang tiyak na
batayan.
• Ang pabula ay naghahatid pa rin
ng mahahalagang mensahe at aral
ng buhay.
Pabula

halimbawa:
Ang Aso at Ang Uwak
ANG ASO AT ANG UWAK

May ibong uwak na nakakita ng karne na nakabilad sa araw. Tinangay niya ito at lumipad nang
malayo.

Sa dulo ng sanga ng isang puno, sinimulan niyang kainin ang karne.

Ngunit narinig niya ang malakas na boses ng isang aso na nagsabi: “Sa lahat ng ibon, ang uwak
ang pinaka-magaling. Walang kakumpara!”

Natuwa ang uwak at binukas ang bibig para humalakhak.

Ang nangyari ay nalaglag ang karne mula sa kanyang bibig. Nahulog ito sa lupa kung saan
sinunggaban ng aso.

Ngayon alam na natin na ang papuri ay maaaring uri ng panloloko rin.


Parabula
• Ito’y salaysay na hango
sa Bibliya.
• Lumulutang dito ang moral
at ispiritwal na
pamumuhay ng mga tao at
ang paglalahad ay
patalinghaga.
Parabula

halimbawa:
Ang Mabuting
Samaritano
Ang Mabuting Samaritano
May isang taong nanlalakbay buhat sa Jerusalem patungong Jericho. Hinarang siya ng mga tulisan,
kinuha pati damit sa katawan, binugbog at halos patay na nang iwan. Nagkataong dumaan doon
ang isang saserdote at pagkakita sa taong nakahandusay, siya'y lumihis at nagpatuloy sa kanyang
lakad. Dumaan din ang isang Levita, ngunit tiningnan lamang niya ito at nagpatuloy ng kanyamg
lakad. Ngunit may isang Samaritanong naglalakbay na napadaan doon. Nakita niya ang hinarang at
siya nahabag. Lumapit siya, binuhusan ng langis at alak ang mga sugat nito at tinalian. Saka isinakay
ang tao sa kanyang sinasakyang hayop, dinala sa bahay-panuluyan, at inalagaan doon. Kinabukasan,
dumukot siya ng dalawang denaryo, ibinigay sa may-ari ng bahay-panuluyan at sinabi,

"Alagaan mo siya, at kung magkano man ang kakulangan niyan, babayaran ko sa aking pagbabalik."
Kwentong Bayan
• Ipinapakita sa salaysay na ito
ang pag-uugali, tradisyon,
paniniwala, pamahiin at kultura
ng isang lipi.
• Inilalahad din dito ang mga
suliraning hinarap ng tribu na
siyang mag-iiwan ng aral at tiyak
na mensahe sa mga mambabasa.
Kwentong Bayan

halimbawa:
Si Juan at ang mga
alimango
Si Juan at ang mga Alimango

Isang araw si Juan ay inutusan ng kanyang inang si Aling Maria. "Juan, pumunta ka sa palengke at bumili ng mga alimangong maiuulam natin sa
pananghalian. "Binigyan ng ina si Juan ng pera at pinagsabihang lumakad na nang hindi tanghaliin.

Nang makita si Juan sa palengke ay lumapit siya sa isang tinderang may tindang mga alimango at nakiusap na ipili siya ng matataba. Binayaran ni
ang alimango at nagpasalamat sa tindera.

Umuwi na si Juan ngunit dahil matindi ang sikat ng araw at may kalayuan din ang bahay nina Juan sa palengke ay naisipan ni Juan na magpahinga
ilalim ng isang punungkahoy na may malalabay na sanga. Naisip niyang naghihintay sa kanya ang ina kaya't naipasya niyang paunahin nang
ang mga alimango. "Mauna na kayong umuwi, magpapahinga muna ako, ituturo ko sa inyo ang aming bahay. Lumakad na kayo at pagdating sa
ikapitong kanto ay lumiko kayo sa kanan, ang unang bahay sa gawing kaliwa ang bahay namin. Sige, lakad na kayo."

Kinalagan ni Juan ang mga tali ng mga alimango at pinabayaan nang magsilakad ang mga iyon. Pagkatapos ay humilig na sa katawan ng puno.
sa malakas ang hangin ay nakatulog si Juan. Bandang hapon na nang magising si Juan. Nag-inat at tinatamad na tumayo. Naramdaman niyang
kumakalam ang knyang sikmura. Nagmamadali nang umuwi si Juan. Malayu-layo pa siya ay natanaw na niya ang kanyang ina na naghihintay sa
puno ng kanilang hagdan. Agad na sinalubong ni Aling Maria ang anak pagpasok nito sa tarangkahan. "Juan, bakit ngayon ka lang umuwi, nasaan
mga alimango?" "Bakit po? Hindi pa po ba umuuwi?" Nagulat ang ina sa sagot ni Juan. "Juan, ano ang ibig mong sabihin?" Nanay, kaninag umaga
pa po pinauwi ang mga alimango. Akala ko po ay narito na."

"Juan, paanong makauuwi rito ang mga alimango? Walang isip ang mga iyon." Hindi naunawaan agad ni Juan ang paliwanag ng ina. Takang-taka
kung bakit hindi nakauwi ang mga alimango. Sa patuloy na pagpapaliwanag ng ina ang mga alimango ay hindi katulad ng mga tao na may isip ay
pagpapaliwanag ni Juan na mali nga ang ginawa niyang pagpapauwi sa mga alimango.
Anekdota
Ito’y nagsasalaysay ng
mga pangyayaring katawa-
tawa at ang mga
pangyayari’y kapupulutan
ng mga aral sa buhay.
Ang Tsinelas ni Rizal: Anekdota
"Naalala ko pa noon kasalukuyang kaming nakasakay sa
bangka nang humulagpos ang isa kong tsinelas. Ang
tsinelas ay ang gamit namin sa pagpasok at pagpunta sa
mga lakaran kung saan ang bakya na gawa sa kahoy ay
hindi nararapat. Mabilis itong inanod sa tubig bago ko
nahabol para kunin. Malungkot ako dahil iniisip ko ang
aking ina na magagalit dahil sa pagkawala ng aking
tsinelas. Tiningnan ako ng nagsasagwan nang kinuha ko
ang aking isa pang tsinelas at dali dali kong itinapon
sa dagat, kasama ang dasal na mahabol nito ang kapares
na tsinelas. "Bakit mo itinapon ang iyong isa pang
tsinelas?" tanong sa akin ng kasamahan ko sa bangka.

"Isang tsinelas ang nawala sa akin at walang silbi sa


makakakita. Ang isang tsinelas na nasa akin ay wala ring
silbi sa akin. Kung sino man ang makakuha ng pares ng
tsinelas ay magagamit niya ito sa kaniyang paglakad.

Napatingin ulit sa akin ang mama. Marahil naunawaan niya


ang isang batang katulad ko."
Uri ng
Maikling Kwento
Ayon kina Semorlan et. al (2012), may iba’t-ibang
uri ang maikling kuwento. Ito ay ang mga sumusunod:
Kuwento ng Tauhan
Ang pokus o tuon ng kuwentong ito ay
nasa pangunahing tauhan. Inilalarawan
ang mga pangyayaring pangkaugalian ng
mga tauhang nagsisiganap upang
mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa
kanila ng isang mambabasa. Halimbawa
nito ay ang “Walong Taong Gulang” ni
Genoveva Edroza-Matute.
Kuwento ng Tauhan: Ang Kuwento ni Mabuti

Nagsimula ang istorya sa buhay ni Mabuti, isang guro, habang kinukwento mula sa pananaw ng isa sa kanyang mga
estudyante.
Tinatawag siyang ‘Mabuti’ ng kaniyang mga estudyante sa kanyang likod dahil lahat ng kaniyang mga salita ay
ng mga kabutihan. Bukod roo’y binudburan rin ng salitang ‘mabuti’ ang mga sinasabi niya.
Isang hapo’y may isang estudyante ang umiiyak nang patago sa silid-aklatan, nakita siya ni Mabuti at inalo ito. Sinabi ni
Mabuting hindi niya alam na may tao roo’t ang pagpunta niya roo’y hindi rin nagkataon lamang. Pumupunta rin si
sa sulok ng silid aklatan na iyon upang umiyak rin.
Kung anong kadahilan ay hindi niya na sinabi. Nakinig lamang siya sa kanyang estudyante kahit na napaka babaw
ng iniiyak nito.
Simula ng engkwentrong iyon ay mas naging bukas na si Mabuti sa pagkukuwento ng kaniyang buhay, maliban ng
sa kaniyang asawa. Iniikutan ng kaniyang mga pangarap ng kabutihan ang kaniyang anak, halata sa mga kwento niyang
patungkol dito na ang anak niyang ito ang kaniyang buhay.
Wala pang isang taon mula ng siya’y mabiyuda. Sa kabila ng bigat na kaniyang dinadala ay patuloy pa rin ang kaniyang
optimismo. Ang kanyang katatagan ay patuloy ng pagniningas kahit nilulunod na siya ng kalungkutan.
Kuwento ng Katutubong Kulay
Binibgyang-diin sa kuwentong ito ang
kapaligiran ng pinangyarihan, ang mga
kaugalian at mga pananamit ng mga tahuan,
at ang uri ng pamumuhay at hanapbuhay ng
mga tao sa nasabing pook. Halimbawa ng
maikling kuwento sa uring ito ay “May
Daigdig sa Karagatan” ni Clemente Bautista
at “Suyuan sa Tubigan” ni Macario Pineda.
Kuwento ng Katutubong Kulay: Suyuan sa Tubigan
Madaling-araw pa lamang ay papunta na sa tubigan sina Ka Albina, kasama ang anak na dalagang si Nati at ang pamangking si Pilang. Sunung-sunong nila ang mga
matong ng kasangkapan at pagkain. Habang daan, nakasabay nila sina Ka Ipyong, Pakito at Pastor na nakasakay sa kalabaw dala ang kani-kaniyang araro. Habang
naglalakad, nagkakatuwaan sila at nagkakatuksuhan. Si Ore na kasama rin nila ay nagpatihuli na parang may malalim na iniisip.
Nang marating nila ang tubigang aararuhin, may nadatnan na silang nagtatrabaho. Ang iba naman ay katatapos lamang sa pagtilad at habang nagpapahinga ay
nagkakasarapan sa pagkukuwentuhan. Habang abala sa pag-aayos ng mga kasangkapang gagamitin sina Nati at Pilang, nandoon din si Pastor at nagpipilit na tumulong
Pilang. Si Ore naman ay mapapansing pinamumulhang pisngi. Inabutan ni Pilang si Pastor ng kape ngunit sinamantala ito ng binatang sapupuhin ang kamay ng dalaga.
Walang kibong lumapit si Ore kay Nati at humingi ng kape at kamote. Walang patlang ang sulyapan nina Nati at Ore habang nagkakainan. Si Pastor naman ay laging
nahuhuling nakatingin say Pilang. Makakain, inumpisahan nila ang suyuan. Sunud-sunod silang parang may parada. Masasaya silang nag-aararo at maitatangi ang
pagkakaisa sa tulung-tulong na paggawa. Para silang nagpapaligsahan sa ingay at hiyawan. Ganoon na nga ang nangyari. Lihim na nagkasubukan sa pag-aararo sina
at Ore. Pagpapakitang bilis sa pagbungkal ng lupa at gilas ng kalabaw. Ipinanahimik lamang ito ng dalawang dalaga na alam na alam ang dahilan. Nauna si Pastor,
sumusunod lamang si Ore. Malaki na ang kanilang naaararo ngunit patuloy pa rin sila. Mahina ang kalabaw ni Ore kaya nahuhuli, samantalang magaling ang kalabaw ni
Pastor kaya nangunguna. Hindi na makahabol si Ore sa layo ni Pastor nang huminto na ang kalabaw niya sa sobrang pagod.
Tinawag sila ni Ka Punso para kumain. Tumigil si Pastor. Kinalagan ang kalabaw niya at sinabuyan ng tubig. Nakatawa itong lumapit sa mga kasama. Samantalang si Ore
hinimas-himas pa muna ang batok ng kanyang kalabaw na bumubula ang bibig at abut-abot sa paghinga. Nilapitan siya ng isa sa mga kasamahan at ipinagpatuloy ang
ginagawa niya. Lumapit si Ore sa mga kasamahang mapulang-mapula ang mukha at paulit-ulit na ikinukuskos ang mga palad na malinis na naman sa pantalon at
masabi kundi ang pag-aming talagang makisig ang kalabaw ni Pastor. Naupo si Ore ilang hakbang ang layo kina Nati at Pilang. Si Pastor ay kumakain sa tabi ni Pilang.
Nilapitan ni Pilang si Ore at dinulutan ng pagkain. Naibsan ang pagod at hirap ni Ore. Nagwakas ang kuwento sa pahiwatig na bagamat natalo ni Pastor si Ore sa pag-
ay natalo naman ni Ore si Pastor sa pag-ibig ni Pilang.
Kuwento ng Katatawanan
Ang layunin ng kuwentong ito ay
magpatawa at bigyang-aliw ang
mambabasa. Halimbawa ng maikling
kuwento sa uring ito ay “Sa Pula, Sa
Puti” ni Francesco Soc Rodrigo.
Kuwento ng Katatawanan: Ang Pilyong Si Loren
Noong unang panahon ay may isang haring nagngangalang Solomon. Mayroon siyang nag-iisang anak na lalaki. Ang kaniyang pangalan ay Loren, si Loren ay
napakapilyong bata at ang lahat ay naiinis sa kanya.
Isang araw ay naglibot si Loren sa kanilang nasasakupan kaya’t ganuon na lamang ang takot ng lahat. Dahil baka kung ano ang kaniyang gawin.
Tama nga ang mga taong nakapalibot sa kaniya sapagkat mayroon itong ginawang kalokohan. Sa may daanan ay nag-iwan siya ng balat ng saging kayat
ang mga dumaraan. Kaya’t ang mga dala nilang mga gulay, prutas at mga gamit ay nangagkatapon. Hinabol si Loren ng mga kawal ng hari upang siya ay
sa kanyang Ama ngunit masyado itong maliksi at magaling na magtago. Nagtagal ang habulan sa pagitan ni Loren at nang mga kawal ng hari hanggang sa sila
makarating sa kagubatan. Hindi alam ng mga kawal ng hari na si Loren ay marami palang mga patibong na nagawa sa loob ng kagubatan dahil siya ay laging
nanduon.
Unti-unting nahulog sa ibat-ibang patibong ni Loren ang mga kawal ng hari. May nahulog sa loob ng butas at hindi na magawang makaahon. Meron din
nakakita ng ahas at sa sobrang takot ay humandusay na lamang at nagtatatkbo pabalik sa palasyo ng magising. Ang ilan naman ay nahuli ng bitag na tali ay
nagging palamuti sa mga puno na parang mga christmass balls na nakabitin.
Walang nakahuli kay Loren kaya’t umuwi na lamang ang mga kawal ng hari na lulugo lugo. Dinaig pa nila ang mga kawal na nakipaglaban sa isang labanan ng
hukbo dahil sa sobrang pagod na kanilang nadama.
Pagdating sa palasyo ay isinumbong nila ang kapilyohang ginawa ni Loren sa kaniyang ama. Mula sa silid ni Loren ay ipinatawag siya nang kaniyang ama at
kung kaniya pa itong uulitin ay itatakwil na siya bilang anak ng hari. Dahil ayaw ni Loren na siya ay mapalayas sa palasyo ay pinilit nan i Loren na maging mabait
tumutulong narin siya sa mga taong gumagawa sa loob ng palasyo.
Magmula nuon ay hindi na naging pilyo itong si Loren at kinagigiliwan na rin siya ng mga tao sa kaniyang paligid napaka saya pala ng ganuon ang sabi ni Loren.
Kuwento ng Sikolohikal
Sa ganitong uri ng kuwento ay may
kahirapang ilarawan ang pag-iisip ng isang
tao. Ang kailangan ng kuwentong ito’y
maipadama sa mambabasa ang damdamin ng
isang tao sa harap ng isang pangyayari.
Halimbawa ng maikling kuwento sa uring ito
ay “Ang Pusa sa Aking Hapag” ni Jesus A.
Arceo at “Kesa at Morito” ni Ryunosuke
Akutagawa.
Kuwento ng Sikolohiko: Ang Kwento ni Tata Selo

Ang kwentong Tata Selo ay patungkol sa isang matanda na hinangad lamang na makapagsaka sa kanilang lupa na naibenta dahil sa nagkasakit ang kanyang
Nais ni Tata Selo na mapabalik ang lupa nila sa kanila pero dahil sa kawalan ng pera hindi na ito napabalik sa kanila kaya nakiusap na lang sya kay Kabesa Tano na
na lang ang magsaka sa kanyang lupa. Hanggang isang araw na habang nagsasaka si Tata Selo kinausap sya ni Kabesa Tano na umalis na sa sinasaka nyang lupa
may iba ng magsasaka noon. Nakiusap si Tata Selo ngunit hindi sya pinakinggan ni Kabesa Tano kaya nagawang tagain ni Tata Selo si Kabesa Tano na syang
ikinamatay nito. Kaya nakulong si Tata Selo.
Nagsimula ang kwento sa Istaked na kung saan pinagkakaguluhan ng mga tao si Tata Selo sa kadahilanang napatay nito ang Kabesang Tano na nagmamay-ari ng
lupang sinasakahan ni Tata Selo, na ayon sa kanya ay pag-aari niya noon subalit naisanla niya at naembargo.
Nataga at napatay ni Tata Selo ang Kabesa sa kadahilanang pinaalis ito sa kanyang lupang sinasakahan subalit tumanggi at pinagpilitan ni Tata Selo na malakas pa
at kaya pa niyang magsaka, subalit tinungkod ito ng tinungkod ng Kabesa sa noo paliwanag ni Tata Selo sa binatang anak ng pinakamayamang propitaryo, sa
at maging sa Hepe na nagmalupit sa kanya sa loob ng Istaked na pawang mga kilala ng Kabesa.
Nang makalawang araw, dumalaw ang anak niyang si Saling na dati’y nakatira at nanilbihan sa Kabesa, subalit umuwi ito sa kadahilanang nagkasakit ito
araw bago ang insindente, Nakakahabag si Tata Selo nang maisipan nalang nitong pauwiin si Saling sa kadahilang wala na silang magagawa, pinatawag si Saling
Alkalde sa kaniyang tanggapan at pinuntahan niya iyon at hindi nakinig sa ama nito, dumating muli ang bata na dumalaw sa kanya at inutusan upang pumunta sa
tanggapan ng alkalde subalit hindi ito papasukin pahayag ng bata, Hindi ito inalintana ni Tata Selo at sinabi nalang nito na “inagaw sa kanya ang lahat”.
Kwentong Science Fiction
Ayon naman kay Koontz (1999), may dalawang malawak
na pangkat ang mga kuwentong ating nababasa, ang
mga kuwentong may tiyak na kategorya at ang mga
kuwentong karaniwan. Nabibilang sa unang pangkat
ang mga sumusunod:

Science Fiction – Ito’y isang akdang masining na


ginagampanan ng mga tauhang binuo ng mayamang
imahinasyon ng manunulat. Ang mga piling tauhan
dito’y may taglay na suliraning makakaharap nila sa
malayong planeta o di kaya’y sa malayong hinaharap
ng daigdig ngunit may mapapanghawakang maka-agham
na paniniwala.
Kuwentong Science Fiction: Dagli

Ang kuwento ay tungkol sa magkapatid na Nonoy at Oboy. Mga batang kalye sila at ninais ni Nonoy na makita ang loob ng Arcour, isang pabrika ng meat
processing at gumagawa ng delata. Ang Arcour rin ang kinikilalang pinaka-advanced na pabrika sa Pilipinas. Ang magiging advanced na ito ang umantig sa
interes ni Nonoy. Isa itong kakaibang bagay para sa isang batang tanging nararanasan lamang ay kahirapan at kasalatan.
Ngunit sanay na rin naman sina Nonoy at Oboy sa buhay na kasalatan sa harap ng iba’t ibang imahen ng kasaganahan at pag-unlad. Natutulog sila sa ilalim
MetroStar o di kaya’y sa tabi ng MetroSub. Ngunit misteryoso para kay Nonoy ang pabrika ng Arcour dahil sa ipinagbabawal nitong katangian. Di tulad ng
MetroStar at MetroSub na mga pampublikong lugar, nababakuran ang pabrika ng Arcour ng matataas na bakod at nakasabit sa mga bakod na ito, kasama ng
mga mapagmayabang na mga patalas, ang iba’t ibang uri ng babala. Ngunit hindi pinansin ni Nonoy ang mga nakasulat na babala dahil, unang-una, hindi
marunong magbasa at, pangalawa, nangibabaw na sa kanyang kalooban ang pagnanasang makapasok sa loob at patunayang siya ang pinakapatinik na
magnanakaw.
Naiwan si Oboy sa labas ng pabrika habang nagpatuloy si Nonoy papasok ng pabrika, kampanteng walang makahuhuli sa kanya dahil “wala man lang sekyu.”
Ngunit hindi kailangan ng pabrika ng mga bantay. Bilang isang computerized na sistema, mahihinuhang maging ang pagbabantay dito’y awtomatik. At
ang babala sa labas ng pabrika. “Mapanganib ang mga makina.” Hindi ang mapanganib na mga tao ang itinataboy ng mga matataas na bakod ng pabrika,
mapanganib na mga makina ang ikinukulong.
Dito, ang makina at teknolohiya’y may potensiyal na lumikha at gumawa ng mga produkto. Ngunit ang kapangyarihan na ito’y mapanganib lalo na sa mga
walang pag-unawa sa paggamit nito. Ang teknolohiya’y apoy ni Prometheus, isang biyayang kailangang pag-ingatan dahil mapanganib.
Kuwento ng Pantasya
Mga kuwentong ito ay ukol sa mahika o
sa mga supernatural ngunit walang
batayang maka-agham.
Kuwentong Pantasya: Kuwento ng Diwata

Minsan noong siya’y labing-pitong taong gulang ay nagawi siya sa isang parte ng gubat. Dito ay napagtanto niya na ang mga halaman ay nakagagalaw at ang
Lawa ay pinamamahayan ng mga kakaibang nilalang. Ang naglalakihang pitak ng bato ay nakapagsasalita habang ang hangin ay may dala-dalang espiritu. Sa
madilim na parteng ito ng gubat, sumasayaw ang mga puno kasabay ng mga alitaptap at paniking nakikipag-unahan sa bilis ng pagbabagong anyo ng sinag-
Sa paghahanap ko ng daan upang makalabas ng kagubatan ay nakita kita sa isang sitwasyon na ipinagbabawal ng moral ng aking isipan. Ikaw ay lumusong sa
na batis na nagtatago ng kalahati ng iyong katawan. Kusang sumasabay sa iyong galaw ang bawat nagliliparang dahon at ang ulap sa kalangitan ay tumatakip sa
bawat pagtahak ng iyong nilalakaran. Saan ka man magpunta ay hindi ka masikatan ng haring araw sapagkat sumusunod sa iyo ang mga ulap na tila iyong mga
alagang tagak.
Sinundan kita hanggang sa pusod ng kagubatan at sa bawat paglakad, napapatanong ako kung isa ka ba talagang diwata? Isa ka bang diwata ng ilog? ng ulap?
kang diwata na lagalag? Anuman ang iyong kasagutan ay nais kong humingi ng kapatawaran sa aking kamangmangan sapagkat sa unang hagip pa lamang ng
balintataw sa iyong katauhan, ako ay napaibig mo.
Patuloy kitang sinundan hindi dahil ako ay ginamitan mo ng haraya~ kundi dahil hindi kayang kalabanin ng aking puso na mapalagpas ang oportunidad na
ka. Alam ko sa aking kamalayan na kung hindi kita makikilala ngayon ay hindi na kita makikilala pang muli sa kabuuan ng aking buhay.
Ang mga ganitong pangyayari ay nagbibigay sa akin ng ligalig sapagkat ang pagsunod sa iyo ay nangangahulugan ng isang kapahamakan, at ang gubat ay
leon, reptilya, at ahas na handa akong salakayin bilang kanilang tanghalian. Gayunman, mas pinaniniwalaan ko na isa kang diwata na magliligaw sa akin dito sa
kakahuyan.
Kung sakali lamang at ako ay nagkakamali, may huli akong katanungan lambana. Kung iibig ka sa isang tulad ko, isasakripisyo mo ba ang iyong mahika kapalit ng
pagiging mortal?
Kuwento ng Misteryo
Sa kuwentong ito, ang krimen ay
ilalahad sa binabasa ngunit walang
mapagkakakilanlan sa kriminal; mula
sa pangitaing ito, uusad ang kuwento
pabalik hanggang sa makikita ang mga
palatandaan tungo sa paglutas ng
krimen.
Kuwentong Misteryo: Lamok

Si Edna ay freshman sa isang matandang unibersidad sa maynila. Isang araw habang sa kalagitnaan ng klase ay biglang tinawag siya ng kalikasan. Tumayo si Edna at
lumapit sa kanyang prof. upang magpaalam sandali. Napili ni Edna na gamitin ang pinakamalayong bahagi ng kubeta. Habang nakaupo, biglang nakaramdam ng
irita si Edna dahil pakiramdam niya ang daming lamok na paikot-ikot sa kanyang ulunan. Hawi dito, hawi doon. Nang matapos ang babae sa paggamit ng banyo ay
dumiretso siya sa hugasan. May nakita siyang naglilinis sa may lababo at ang kanyang wika “sakto nandito si Manang, mapagsabihan nga”.
Si Manang ay isang janitress at matagal na siya nagtratrabaho sa unibersidad na iyon. Ang unang bati ni Edna ay “Manang, mag-spray naman kayo dito sa banyo, ang
daming lamok doon sa huling bahagi ng banyo. Ikot ng ikot sila sa buhok ko.” Ang tugon naman ng matanda “Iha walang lamok sa banyong ito kasi lagi ko tong
Biglang nakaramdam ng pagkayamot si Enda at winika na lang sa sarili, “Eh ako mismo naramdaman ang mga lamok sa aking ulunan, Ano ba yan!”. Nang palabas na
Edna ng banyo biglang nagwika ang matandang janitress at sinabing “Iha sa gawing hulihan ng banyong ito may isang babaeng nagbigti noong nakaraang taon dahil
depresyon.”
Kuwento ng Suspense
Sa simula pa lamang ng kuwentong ito
ay alam na ang salarin. Gugulong ang
kuwento na mayroong habulan at
maliliit na labanan. Ang pinakalundo
ng kuwentong ito ay hahantong sa
paghaharap ng protagonista at
antagonista.
Kuwentong Suspense: Ang Kalupi

Mataas na ang araw nang lumabas si Aling Marta sa bakuran ng kanilang maliit na barung-barong upang mamalengke. Nang dumating siya sa panggitnang pasilyo at
umakmang hahakbang na papasok ay siyang paglabas na humahangos ng isang batang lalaki, na sa kanilang pagbabangga ay muntik, na niyang ikabuwal. Ang siko ng
ay tumama sa kanyang kaliwang dibdib.
“Ano ka ba?” bulyaw ni Aling Marta. “Kaysikip na ng daraanan ay patakbo ka pa kung lumabas!”
“Pasensya na kayo, Ale,” sabi ng bata. Hawak nito ang isang maliit na supot na naglalaman ng tigbebente habang takot siyang nakatingin kay Aling Marta. “Hindi ko ho
sinasadya. Nagmamadali ho ako, e.”
“Pasensya!” sabi ni Aling Marta.
Agad siyang tumalikod at tuloy-tuloy na pumasok sa palengke. Dumating siya sa tindahan ng tuyong paninda at bumili ng isang kartong mantika. Pagkaraan ay dumukot
bulsa ng kanyang bestida upang magbayad. Wala ang kanyang kalupi at napansin ng kaharap ang kanyang anyo.
“Bakit ho?” tanong nito.
“Ha?! Nawawala ho ang aking pitaka,” sagot ni Aling Marta.
“Eh, magkano ho naman ang laman?”
“Eh, sandaan at sampung piso ho.”
Maya-maya ay parang kidlat na gumuhit sa kanyang alaala ang gusgusing batang kanyang nakabangga. Sa labas, sa harap ng palengke na kinaroroonan ng ilang
maliliit. Nakatayo ito sa harap ng isang bilao ng kangkong at sa malas niya ay tumatawad. Maliksi siyang lumapit at binatak ang kanyang leeg.
“Nakita ring kita!” ang sabi niyang habang humihingal. “Ikaw ang dumukot ng pitaka ko, ano? Huwag kang magkakaila!”
“Ano hong pitaka? Wala ho akong kinuha sa inyong pitaka.”
May luha nang nakapamintana sa kanyang mga mata at ang uhog at laway ay sabay na umaagos sa kanyang liig. Buhat sa likuran ng mga manonood ay lumapit ang
pulis, na tanod.
“Iho ano ang pangalan mo?” ang tanong niya sa bata.
“Andres Reyes po.”
“Saan ka nakatira?” ang muling tanong ng pulis.
“Sa bahay ng Tiyang Ines ko sa Blumentritt, kapatid ng nanay ko rito sa Tundo. Inuutusan lang ho niya akong bumili ng ulam, para mamayang tanghali.”
Naalala ni Aling Marta ang kanyang dalagang magtatapos, ang kanyang asawa na kaipala ay naiinip na sa pag hihintay.
“Tinamaan ka ng lintik na bata ka!” Sabi niyang pinanginginigan ng laman. Ang bisig nito ay halos napaabot ni Aling Marta sa kanyang balikat sa likod.
“Napahiyaw ang bata sa sakit.”
Halos mabali ang kanyang siko at ang nais lamang niya ay makaalpas sa matigas na bisig ni Aling Marta. Siya ay humanap ng malulusutan at nang makakita ay walang habas na tumakbo,
patungo sa ibayo ng maluwag na daan.
Bahagya nang umabot sa kanyang pandinig ang malakas na busina ng isang humahagibis na sasakyan. Sa isang sandali ay nagdilim sa kanya ang buong paligid. Wala siyang makita kundi ang
madidilim na anino ng mga mukang nakatunghay sa kanyang lupaypay at duguang katawan. Hindi siya makapag- angat ng paningin. Pagdating ng pulis, ayaw pa muling nag mulat ito ng
paningin at ang mga mata ay ipinako sa maputlang muka ni Aling Marta.
“Maski kapkapan nyo ako, e, wala kayong makukuha sa akin.” sabing pagatul-gatol na nilalabasan ng dugo sa ilong. ” Hindi ko po kinuha ang iyong pitaka!”
Ilang pang sandali pa ay lumangayngay ang ulo nito at ng pulsuhan ng isang naroon ay marahan itong napailing. “Patay na” naisaloob ni Aling Marta sa kanyang Sarili.”
“Patay na ang dumukot ng kuwarta ninyo, ” Matabang na nagsabi ang pulis sa kanya.
“Makaka alis na po ako?” Tanong ni Aling Marta.
“Maari na” sabi ng Pulis.
Naalala nya ang kanyang anak na ga-graduate, ang ulam na dapat na naiuwi nya sanay nai- uwi na. Tanghali na sya ay umuwi.
“Sang ka kumuha ng pinamili mo nyan, Nanay?” tanong ng kanyang anak.
“E. . . e,” Hindi magkantuntong sagot ni Aling Marta. Nag ka tinginan ang mag-ama.
“Ngunit, Marta…,”ang sabi ng kanyang asawa, “Eh, naiwan ang iyong pitaka ditto. Kanina, bago ka umalis ay kinuha ko iyon sa bestido mo at kumuha ako ng pambili ng Tobacco. Pero,
nakalimutan kong isauli. Saan ka kumuha ng ipangbili mo niyan?”
Biglang-bigla anki’y kidlat na gumuhit sa karimlan, nagbalik sa gunita ni Aling Marta ang isang batang payat, duguan ang katawan at natatakpan ng dyaryo. Umikot ang kanyang paligid. At
tuluyang nawalan ng malay.
Mga Bahagi ng
Maikling Kwento
Simula
Kabilang sa simula ang mga tauhan, tagpuan, at
suliranin. Sa mga tauhan nalalaman kung sinu-sino
ang magsisiganap sa kuwento at kung ano ang papel
na gaganapan ng bawat isa. Maaaring bida,
kontrabida o suportang tauhan. Sa tagpuan nakasaad
ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksyon o mga
insidente, gayundin ang panahon kung kailan
naganap ang kuwento. At ang bahagi ng suliranin
ang siyang kababasahan ng problemang haharapin ng
pangunahing tauhan.
Gitna
Binubuo ang gitna ng saglit na kasiglahan,
tunggalian, at kasukdulan. Ang saglit na
kasiglahan ang naglalahad ng panandaliang
pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa
suliranin. Ang tunggalian naman ang bahaging
kababasahan ng pakikitunggali o pakikipagsapalaran
ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning
kakaharapin, na minsan ay sa sarili, sa kapwa, o
sa kalikasan. Samantalang, ang kasukdulan ang
pinakamadulang bahagi kung saan makakamtan ng
pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng
kanyang ipinaglalaban.
Wakas
Binubuo ang wakas ng kakalasan at katapusan. Ang kakalasan
ang bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng
kuwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan. At ang
katapusan ang bahaging kababasahan ng magiging resolusyon ng
kuwento. Maaring masaya o malungkot, pagkatalo o
pagkapanalo.

Gayunpaman, may mga kuwento na hindi laging winawakasan sa


pamamagitan ng dalawang huling nabanggit na mga sangkap.
Kung minsan, hinahayaan ng may-akda na mabitin ang wakas ng
kuwento para bayaang ang mambabasa ang humatol o magpasya
kung ano, sa palagay nito, ang maaring kahinatnan ng
kuwento.

You might also like