You are on page 1of 19

Minsa’y May Sintunado / Page 1 of 16

BC 112 WRU– 2nd Semester A.Y 2017-2018


Radio Drama Writing
Prof. Perlita Manalili
Drama Title: Minsa’y May Sintunado
Writer: Sigourney Rae B. Mariano
TRT: 10 minutes
Date submitted: April 25, 2018
______________________________________________________________________________

Character Description:

LENA : 30 taon gulang, nagtatrabaho bilang accountant, pangarap

maging singer pero may ‘amusia’, o tone deafness. Mabait at

pursigidong kapatid

CHRISTINE : 26 taon gulang, nakababatang kapatid ni Lena. Propesor ,

nagtuturo ng teatro sa kolehiyo. Medyo may pagka-mataray, pero

malambing sa kapatid. Sinusuportahan si Lena sa pangarap

maging singer

SHARON : 25 taon gulang, neurologist, pangarap rin maging singer,

Magiging kaibigan nina Christine at Lena


Minsa’y May Sintunado / Page 2 of 16

1 SFX : GUITAR STRUMMING HAPPY BIRTHDAY

2 CROWD : Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday,

3 Happy birthday, happy birthday to you! Happy Birthday Lena!

4 SFX : CROWD CHEERS

5 XTINE : Ate bilis, blow mo na ‘yong candle! Make a wish!

6 MAN : (OFF-MIC) Sana magka-boyfriend na raw siya!

7 WOMAN : (OFF-MIC) Gumanda ang career, more money!

8 SFX : BLOWS CANDLE

9 LENA : (LAUGHS) Mga sira-ulo talaga kayo.

10 XTINE : Eh ano bang wi-nish mo? Huwag mo sabihing—

11 LENA : -Siyempre: Ang hindi na maging sintunado! Gumanda ang boses!

12 SFX : CROWD GROANS

13 XTINE : Ate naman, trenta ka na, ilang birthdays na ‘yong lumipas, ‘yon

14 pa rin wish mo?

15 MAN : (OFF-MIC, NAGBIBIRO) Sayang wish mo!

16 LENA : Sira! Eh... Ganoon eh. Pangarap ko talagang maging singer.

17 XTINE : (SIGHS) Matanda ka na, alam mo na gusto mo.... Alam mo ring

18 support naman ako sa pangarap mo.

19 LENA : Aww thank you little sister. Iba talaga ‘pag professor na! Theatre

20 pa!

21 XTINE : ‘Wag ako, ate. Sige na kain na tayo.

22 LENA : Ayaw ko munang kumain, gusto ko munang—

23 WOMAN : ‘Wag! Baka umulan!


Minsa’y May Sintunado / Page 3 of 16

1 LENA : Kumanta! (LAUGHS EVILLY)

2 SFX : CROWD GROANS

3 LENA : (EXCITED) Put your hands together... for me!

4 MSC : KARAOKE: MY HEART WILL GO ON

5 LENA : (SINGS OFF-TUNE) Every night... in my dreams... I see you...

6 I feeeel you.... that is how I know you go on....

7 MSC : MY HEART WILL GO ONE (CROSSFADE WITH

8 SFX : CRICKETS CHIRPING (BED)

9 XTINE : Hay salamat, umuwi na lahat ng mga bisita.

10 LENA : (TIMID) Oo nga eh...

11 XTINE : O ate, OK ka lang? Bigla kang huminhin ha.

12 LENA : Eh kasi... sobrang pangit ba talaga pakinggan ng pagkanta ko?

13 XTINE : (LAUGHS) Ah, kaya pala. Hindi naman pangit, sintunado ka lang

14 kasi. Medyo... Sobra. Hindi mo ba naririnig sarili mo ‘pag

15 kumakanta?

16 LENA : (HESITANT) Hindi eh... Kumakanta lang talaga ako sa

17 pagka-alala ko ng kanta at tono... ganoon.

18 XTINE : Ah, tone-deaf ka ate. Sintunado. Pero bakit yung ibang sintunado

19 naitatama naman pagkatapos ng lessons, pero ikaw ganoon pa rin?

20 LENA : Wow ha, salamat. Naaalala ko na naman noong nag-give up yung

21 voice teacher ko... kondisyon ko na raw talaga ito at hindi na

22 mababago. Disability raw kumbaga ang pagiging sintunado ko.

23 XTINE : Voice teacher siya, hindi doktor ‘no... Anyways, pero may point
Minsa’y May Sintunado / Page 4 of 16

1 siya, ‘di ba noon pa noong mga bata tayo, noong buhay pa sina

2 Tatay at Nanay... sintunadong-sintunado ka na talaga?

3 LENA : Aray, dahan-dahan naman. Pero tama ka nga, simula pagkabata

4 ‘di na ‘ko makatanda ng tono, makakanta nang nasa tono...

5 XTINE : Hay nako, birthday mo ngayon, malungkot pinag-uusapan natin.

6 LENA : (HESITANT) Eh... Hindi naman. May iko-konsulta rin nga ako

7 sa’yo eh, bilang ikaw ang matapang na kapatid...

8 XTINE : (SUSPICIOUS) OK, kinakabahan ako sa’yo. Ano ‘yon.

9 LENA : Ah... Kasi... Kasi... Plano ‘kong sumali sa singing contest...

10 SFX : THUD

11 LENA : Christine diyos ko, gumising ka! OK ka lang?

12 XTINE : OK lang, sumakit lang bigla ‘yong ulo ko.

13 LENA : Grabe, sasali lang ako sa singing contest—

14 XTINE : Ano? Sasali ka talaga? Bakit?

15 LENA : (TIMID) Kasi pangarap ko ‘yon...

16 XTINE : Ate, alam mo namang may levels pa yung audition at screening...

17 LENA : Alam ko. Pero at least sumubok ako!

18 XTINE : (SIGHS) Sige na nga. Support ako diyan.

19 LENA : The best ka talaga!

20 XTINE : Talaga. O maghanda ka na, magte-training na tayo.

21 LENA : Training? Anong training?

22 SFX : CRICKETS CHIRPING (CROSSFADE WITH

23 MSC : EYE OF THE TIGER INSTRUMENTAL


Minsa’y May Sintunado / Page 5 of 16

1 XTINE : Repeat after me—Ha!

2 LENA : Ha!

3 XTINE : HO!

4 LENA : Ho!... Sandali, bakit tayo nagka-karate?

5 XTINE : Breathing exercise ‘to, Ate.

6 LENA : Ah... OK.

7 MSC : EYE OF THE TIGER (FADE OUT)

8 XTINE : O sige, next part, vocalization!

9 LENA : (HESITANT) Kaya ko ba talaga ‘to?

10 XTINE : Ikaw may gusto nito, panindigan natin! OK, repeat after me:

11 Do, Re, Mi, Fa, So, La, Ti, Do!

12 LENA : (TAKES DEEP BREATH, OUT OF TUNE) Do, Re, Mi, Fa, So,

13 La, Ti, Dooooooo!

14 XTINE : Ok! Ulitin natin. Pakinggan mong mabuti. Do, Re, Mi, Fa, So...

15 La, Ti, Do!

16 LENA : Do, Re, Mi, Fa, So... La, Ti, Do!

17 XTINE : Sandali. Ate naririnig mo ba’ng sarili mo?

18 LENA : Ummm... Actually hindi.

19 XTINE : Eh ako?

20 LENA : Narinig ko lang ‘yong tunog mo, pero ‘di ko masyadong

21 maintindihan, alam mo yun? Parang medyo hindi tumatatak sa utak

22 ko...

23 XTINE : Hindi mo rin makilala yung tono... maalala yung kanta?


Minsa’y May Sintunado / Page 6 of 16

1 LENA : (HESITANT) Parang ganoon na nga.

2 XTINE : Sige subukan mo ‘kong gayahin: Happy birthday to you, happy

3 birthday to you, happy birthday happy birthday... happy birthday

4 to you....

5 LENA : (OFF-TUNE) Happy birthday to you, happy birthday to you,

6 happy birthday happy birthday... happy birthday to you....

7 XTINE : (GROANS) Argh... Paano na tayo nito, jusko...

8 LENA : (SHAKY VOICE) Sorry... hindi na lang ako maga-audition...

9 XTINE : Ano ka ba! Maga-audition ka pa rin! Uy, ‘wag kang umiyak,

10 Kaya natin ‘to... Audition lang naman ‘di ba?

11 LENA : (SOBS) Kasi naman... wala na ‘kong pag-asa.

12 XTINE : Shhh... Tahan na ate, trenta ka na, accountant pa. Kaya mo ‘to.

13 Kaya natin ‘to.

14 LENA : (SOBS MORE) Ang bait-bait mong kapatid...

15 XTINE : ‘Wag kang masanay, ngayon lang ‘yan. O lakad na tayo.

16 LENA : Ha? Anong gagawin natin? Saan tayo pupunta?

17 XTINE : Maghahanap tayo ng ilog. Gagayahin natin yung training dati ni

18 Regine Velasquez!

19 LENA : (SHOCKED) Ano?

20 XTINE : Basta lakad na. Bukas na audition mo.

21 MSC : CHEERFUL MUSIC (FADE IN AND

22 FADE OUT AFTER 5 SECONDS)

23 SFX : CROWD SOUNDS (AS BED)


Minsa’y May Sintunado / Page 7 of 16

1 XTINE : Sure kang dito na ‘yong auditions?

2 LENA : Oo, may banner pa nga sa harapan ng studio- The Golden Voice.

3 XTINE : (NERVOUS) Ah OK. So nakapila naman na tayo ngayon...

4 LENA : (LAUGHS) Bakit ka kinakabahan Christine! Ikaw nga yung

5 nag-push na mag-audition ako.

6 XTINE : Kinakabahan ako para sa’yo! Ang gagaling ng iba oh!

7 WOMAN : (REVERB) Let me be, the one to love you moooore!

8 XTINE : Mahabaging Diyos gabayan niyo po ang aking kapatid...

9 LENA : (LAUGHS) Kailan ka pa naging relihiyoso?

10 XTINE : Simula noong naisip mong mag-audition!

11 LENA : Grabe siya o. Ako rin naman kinakabahan... Pero mas excited ako!

12 Paano kung matanggap pala ako?

13 XTINE : Sige nga, mag-Do – Re –Mi ka ulit.

14 LENA : Do, Re, Mi—

15 XTINE : --Sige magdasal pa tayo.

16 LENA : (LAUGHS) Salamat ha, I love you kapatid.

17 XTINE : (SIGHS) Sige. Ngayon ba, naaalala mo yung tono ng kakantahin

18 mo?

19 LENA : (HESITANT) Ah, ummm... medyo? Siguro?

20 XTINE : Hay, basta nag-practice naman tayo.

21 LENA : Oo, nag-practice naman tayo. Kaya natin ‘to.

22 XTINE : Oi, ikaw lang maga-audition. Dito lang ako sa labas maghihintay.

23 LENA : Oo. Kaya pa rin natin ‘to!


Minsa’y May Sintunado / Page 8 of 16

1 SHARON : Excuse me, ito po yung pila sa auditions ‘di ba?

2 LENA : Ah opo. Kumuha na kayo ng number doon sa counter?

3 SHARON : Oo, magkasunod pala talaga tayo. 86236 ka, 86237 ako.

4 LENA : Oo nga ‘no. Ako nga po pala si Lena, ito naman si Christine,

5 kapatid ko. Kayo po?

6 SHARON : Naku, Sharon nalang ang itawag niyo sa ‘kin. ‘Wag na rin kayong

7 mag-po, mukha namang mas matanda kayo sa ‘kin.

8 XTINE : (LAUGHS) Ay grabe, 30 years old siya, 26 lang naman ako.

9 SHARON : (LAUGHS) 25 years old naman ako... Some say I’m too young at

10 hindi nga mukhang doktor eh.

11 XTINE : (WHISPER) Naghahanap ba ‘to ng away?

12 LENA : (WHISPER) Kumalma ka, ano ba.

13 XTINE : Ah, doctor ka pala, Sharon. Ano’ng specialization mo?

14 SHARON : Sa ngayon resident palang ako, pero I’m aiming to be a

15 neurologist.

16 LENA : Wow! Nahiya naman ang pagiging accountant ko. (LAUGHS)

17 SHARON : Accountant ka pala! So bakit ka nandito?

18 LENA : Pangarap ko kasing maging singer. Eh ikaw?

19 SHARON : Same as you. Pangarap ko rin maging sikat na singer.

20 LENA : (LAUGHS AWKWARDLY) Gusto ko lang maging singer... kahit

21 hindi maging sikat...

22 SHARON : Hmmm... Interesting. ‘Di ka pa ba singer ngayon? Pero don’t

23 answer that question, pakikinggan nalang kita mamaya.


Minsa’y May Sintunado / Page 9 of 16

1 XTINE : (WHISPER) Ay mayabang ‘to ah....

2 SHARON : Ah sige sige, good luck sa ‘ting dalawa ha!

3 MAN : Number 86236, pumasok ka na!

4 XTINE : (NERVOUS) OK ready ka na? Nabigay mo na yung minus-one CD

5 mo?

6 LENA : (LAUGHS) Wala akong minus-one. Relax ka lang. Kahit ‘di ako

7 matanggap, at least sinubukan ko.

8 XTINE : Sige, sige, good luck! Don’t forget to smile!

9 LENA : (LAUGHS) OK, OK!

10 SFX : DOOR OPENS AND CLOSES

11 SFX : CROWD SOUNDS FADE OUT

12 MAN JUDGE : (REVERB) Good afternoon... Ano pong pangalan nila? Ilang taon?

13 LENA : Lena Enriquez, thirty years old ho.

14 WOMAN JUDGE : (REVERB) Taga-saan?

15 LENA : Tubong Masbate ho.

16 WOMAN JUDGE : (REVERB) OK Lena, ano’ng kakantahin mo para sa ‘min ngayon?

17 LENA : (NERVOUS) Kanta pong sinulat ko, ‘Dreaming Forever’

18 MAN JUDGE : (REVERB) Wow, self-composition! May audio ka?

19 LENA : Ah, wala po. Acapella lang po.

20 WOMAN JUDGE : (REVERB) OK Lena, show us what you’ve got

21 LENA : (OFF TUNE) I believe in myself, when no one else can...

22 Hold strong to my faith, when pain seems without end...

23 There’s no space for doubt, in a strong, broken heart...


Minsa’y May Sintunado / Page 10 of 16

1 My dreams are forever—

2 MAN JUDGE : (REVERB) Umm excuse me Lena? I think we’ve heard enough.

3 WOMAN JUDGE : (REVERB) Hindi mo naman kami niloloko ‘no? Singing contest

4 ang sinalihan mo.

5 LENA : (NERVOUS) Opo, alam ko po. Pangarap ko po kasing maging

6 singer.

7 WOMAN JUDGE : (REVERB) Well I admire your bravery, but sorry. Hindi ka para

8 dito. It says here in your biodata na accountant ka. Maybe para

9 doon ka talaga.

10 LENA : (SHAKY VOICE) OK po, thank you very much.

11 SFX : DOOR OPENING AND CLOSING

12 SFX : CROWD SOUNDS

13 XTINE : Ate OK ka lang? Mga bruha silang lahat.

14 LENA : (SOBBING) Alam ko naman na hindi ako matatanggap pero

15 masakit pa rin eh... narinig niyo ba ‘yong lahat?

16 XTINE : (HESITANTLY) Oo. You did your best, Ate.

17 SHARON : The lyrics were beautiful.

18 LENA : T-thank you.

19 MAN : Number 86237 pasok na!

20 SHARON : (OFF MIC) Sir hindi na po ‘ko tutuloy.

21 XTINE, LENA : Ano?!

22 SHARON : Ayaw ko sa mga judges, how dare they na sabihan kang bagay ka

23 lang maging accountant. Let’s get out of here?


Minsa’y May Sintunado / Page 11 of 16

1 SFX : CROWD SOUNDS (FADE OUT)

2 SFX : FOOTSTEPS (FADE IN THEN FADE OUT)

3 XTINE : Paano na yung pangarap mo?

4 SHARON : Sus, marami pang singing contests diyan sa tabi-tabi.

5 XTINE : Kaya nga eh...

6 LENA : Ummm, OK lang bang pumunta tayo sa tahimik na lugar? Umalis

7 na dito? Ang sakit kasi sa puso eh.

8 SHARON : May coffee shop katabi ng building na ‘to. Let’s go?

9 SFX : DOOR CHIMES

10 MSC : BOSSANOVA MUSIC (AS BED)

11 SFX : GLASS CLINKING

12 XTINE : Hay salamat. Matutunaw na ako sa init sa labas.

13 LENA : Ikaw matutunaw, ako male-lechon. (LAUGHS) Sharon, OK ka

14 lang? Bigla kang tumahimik ah.

15 SHARON : Ah, kasi... Curious lang ako, kailan ka pa ganyan... sintunado?

16 LENA : (LAUGHS) Mula noong ipinanganak ako, hirap na raw talaga ako

17 sa music, ‘di raw ako makakanta.

18 SHARON : Ah, so natuto kang magsalita, pero kumanta o maalala ang mga

19 tono ng kanta, hindi mo kaya?

20 LENA : Ha? Paano niyo nalaman?

21 SHARON : Sige, magkwento ka muna.

22 Ah, OK. Basta simula pa noong bata ako, nakakapagsalita naman

23 Ako, pero pagkinig, pag-alala sa tono, at pagkanta, hindi talaga.


Minsa’y May Sintunado / Page 12 of 16

1 XTINE : Kaya hindi niya alam na sintunado na pala siya... at minsa’y

2 Nag-iimbento ng tono biglaan.

3 LENA : Alam mo ‘yon—kahit paulit-ulit ko nang pakinggan ‘yong isang

4 Kanta, as in kahit 20 beses, hindi ko pa rin maalala o makanta!

5 SHARON : Sumubok ka na ba mag-voice lessons?

6 LENA : Ay jusko, oo. Naka-tatlong voice lessons na ako pero wala pa rin

7 talaga eh. Lost cause raw ako sabi ng teachers. (LAUGHS)

8 SHARON : Ah, base sa mga sinabi mo, malaki ang chance na may congenital

9 : amusia ka.

10 XTINE : Ano? Malalang sakit ba ‘yan?

11 SHARON : Congenital amusia. Hindi siya sakit, parang disability siya.

12 Tone deafness sa karaniwang salita, pero hindi basta-basta.

13 LENA : Ummm... Disability pala ‘to?

14 SHARON : Oo, congenital kasi mula pagkapanganak ganyan ka na. Normal

15 Kasi na matutong kumanta o mag-hum ang bata kasabay ng

16 pagkatutong magsalita. Ikaw, hindi. Sabi mo nga na ‘pag

17 nakikinig ka sa music, hindi mo kayang alalahanin yung tono at

18 kantahin ito. Hindi mo talaga marinig ‘yong sarili mo.

19 LENA : Normal naman akong nakakapagsalita, hindi nga lang nakakakanta.

20 Hindi rin naman ako bobo...

21 SHARON : Hindi ka bobo dahil may amusia ka. Inability to perceive music

22 lang.

23 XTINE : Wait, paano siya naging ganoon?


Minsa’y May Sintunado / Page 13 of 16

1 SHARON : Sa case ng kapatid mo, congenital siya—simula pagkapanganak.

2 Impaired o delayed yung frontal at auditory cortex ng utak,

3 noong nagde-develop palang ang utak niya.

4 LENA : So sinasabi mong baka iba yung itsura ng utak ko sa normal

5 na taong hindi nahihirapan sa music?

6 SHARON : Ayon sa studies, oo. Pero hindi tayo sure hangga’t hindi ka

7 Nakakapagpa-M-R-I, o M-E-G— Magnetoencephalography test.

8 XTINE : Wow, doktor ka talaga. A true neurologist.

9 SHARON : Ay sus. It will be better kung magpatingin ka talaga sa ospital, para

10 sigurado. Eh ikaw, Christine, katulad ka rin ba ng kapatid mo?

11 XTINE : Awa ng diyos, hindi. Bakit mo naman natanong?

12 SHARON : Ah kasi, ayon sa ibang foreign studies may possibility raw na

13 hereditary, o namamana ang amusia. Pero OK ka naman.

14 Actually, pinag-aaralan pa ngayon kung may paraan para gumaling

15 yung may amusia pero wala pa ring tiyak na paraan.

16 LENA : Ang daya! Bakit ako lang?

17 XTINE : Ikaw naman yung matalino sa ‘ting dalawa ha. Honor student

18 at volleyball varsity player hanggang college!

19 SHARON : (LAUGHS) Ganoon naman pala, patas lang.

20 SFX : BOSSANOVA MUSIC (FADE OUT)

21 SFX : DOOR CHIMES

22 SFX : WOMAN SCREAM

23 SFX : FAST FOOTSTEPS


Minsa’y May Sintunado / Page 14 of 16

1 WOMAN : (OFF-MIC) Tulong! Tulong!

2 LENA : Hala ano’ng nangyayari?

3 WOMAN : Hinahabol ako ng asawa ‘kong nambubugbog! Please, itago

4 niyo ‘ko!

5 XTINE : Sige doon ka sa likod ng counter!

6 SHARON : Bilis!

7 SFX : FAST FOOTSTEPS

8 SFX : DOOR CHIMES

9 MAN : (ANGRILY) Nasaan na yung asawa ko? Tumakbo siya dito ‘no?

10 STAFF : (NERVOUS) Sir, wala pong babaeng tumakbo papunta dito.

11 MAN : (ANGRILY) Nandito siya! Narinig ko pa nga yung sigaw niya!

12 STAFF : Sir, please, you’re disturbing the customers

13 LENA : (SCREAMS) Aaaaah! ... Baka ako yung narinig mong sumigaw.

14 May ipis na lumilipad kasi kanina...

15 XTINE : (WHISPERS) Ano’ng ginagawa mo?

16 LENA : (WHISPERS) Basta.

17 MAN : Hindi ganyan ang boses ng asawa ko.... Maganda boses niya!

18 LENA : (IRRITATED) Ay wow, thank you. Maganda talaga boses ko,

19 gusto mo ng sample? Sige, sige...

20 MAN : (HESITANT) Hindi, miss, ilabas niyo na lang asawa ko!

21 LENA : (OFF TUNE) AAND I... WILL ALWAYS... LOVE YOUUUU

22 MAN : Hindi nga ikaw ‘yon.

23 LENA : OOOHH AHHH, I WILL ALWAYSSS... LOOOVE YOUUUU...


Minsa’y May Sintunado / Page 15 of 16

1 MAN : Tama na, tama na! Tumigil ka na please!

2 LENA : Ayaw mo ba sa boses ko?

3 MAN : Ah... ummm.. makaalis na nga!

4 SFX : DOOR CHIMES

5 SHARON : Oh my god, grabe ka Lena!

6 XTINE : (LAUGHS) Akala ko mabibingi na ‘ko!

7 LENA : (LAUGHS) Sira!

8 XTINE : Sino’ng mag-aakalang may purpose pala ang amusia mo?

9 LENA : Oo nga eh. I never thought this day will come. (LAUGHS)

10 OK na ‘ko, tanggap ko na.

11 WOMAN : Excuse me, miss. Thank you nga pala sa pagligtas mo sa’kin.

12 Kung wala ka...

13 LENA : Ah sus, wala ‘yon miss. Hindi ka deserve ng asawa mo.

14 WOMAN : (LAUGHS SHYLY) Salamat po ulit.

15 SFX : DOOR CHIMES

16 LENA : (SIGHS HAPPILY) Feeling ko pwede na ‘kong mamatay....

17 XTINE : Oi ate, magka-boyfriend ka muna bago mamatay.

18 SHARON : Wala ka palang boyfriend? Eh sino ‘yang tumatawag pa kanina sa

19 phone mo?

20 SFX : PHONE BUZZING

21 LENA : Ha, tumatawag? Ah sandali lang ha... (OFF MIC) Hello?

22 SHARON : Iba talaga ‘yang kapatid mo, amazing. (LAUGHS)

23 XTINE : Siyempre, ako yung kapatid eh. (LAUGHS)


Minsa’y May Sintunado / Page 16 of 16

1 LENA : O may gad!

2 SHARON : Ano’ng nangyari?

3 LENA : Tumawag ‘yong judge kanina. Nagustuhan raw nila ‘yong lyrics

4 ng kanta ko... bibilhin raw nila!

5 XTINE : (LAUGHS) Hindi ko na kaya... Ang galing mo!

6 LENA : Well, well... Iba talaga ‘pag sintunado, pero matalino...

7 MSC : BONGGA KA ‘DAY (FADE IN, THEN OUT)


Minsa’y May Sintunado / Page 17 of 16

Learning Objectives:

1. Upang imulat ang mga makikinig na ang ilang taong sintunado ay maaring may kondisyong

tinatawag na amusia.

2. Upang bigyang kaalaman ang makikinig tungkol sa kondisyong amusia.

3. Upang maipabatid sa mga makikinig ang karanasan ng mga taong may amusia.

4. Upang maipabatid ang kahalagahan ng mas malalim at mas maalam na pagsusuri ng mga

eksperto sa kondisyong ito.

5. Upang maipabatid sa mga makikinig na sa drama ay maari kang parehong maaliw at matuto

upang mapalawig ang iyong malay, karanasan, at kaalaman.


Minsa’y May Sintunado / Page 18 of 16

Questionnaire:

1. Ano ang paksang itinalakay sa drama?

2. Epektibo bang naipasok at naipaliwanag sa drama ang paksa?

3. Kung mayroon, ano’ng bagong kaalaman ang pinakatumatak sa iyo?

4. Angkop ba ang mga tauhan na sangkot sa paksa ng drama?

5. Nabatid ba ang karanasan ng tauhang may kondisyong amusia?

6. Angkop ba ang wikang ginamit (Filipino at Ingles), at paggamit ng wika (sintaks) sa drama?

7. Angkop ba ang haba ng drama?

8. Maimumungkahi mo bang pakinggan ng iba (pamilya, kaibigan, etc.) ang drama?


Minsa’y May Sintunado / Page 19 of 16

Opening Billboard (OBB)

Ang dramang Minsa’y May Sintunado ay tungkol sa isang babaeng may Congenital

Amusia, o tone deafness mula pagkasilang. Mapakikinggan ang drama sa loob ng sampung

minuto ngayong Sabado, alas-kwatro ng hapon sa Radyo Alpas. Upang magdagdag ng kaalaman

at bigyang linaw ang Amusia, nag-imbita kami ng isang neurologist, na ating kakausapin

matapos ang drama. Muli, Minsa’y May Sintunado ay ngayong Biyernes, alas-kwatro ng hapon

sa Radyo Alpas. Sama-sama tayong makinig, matuto, at maantig ang damdamin dito sa Radyo

Alpas – malaya’t mapagpalaya.

You might also like