You are on page 1of 2

“Paginga sa Tubig, posible na?


Ni: Renyell Rafanan

Naisip at inasam mo bang sana ay may kakayahan kang huminga sa ilalim


ng tubig upang maranasan mo nang malapitan ang mga tinatagong ganda ng
karagatan at makatira sa ilalim nito nang walang limitasyon? Ngayon, ang
pangarap na iyan ay malapit nang matupad dahil sa napakahusay na disenyo ng
isang estudyante sa Royal College of Art sa London.

Siya si Jun Kamei, isang biomimicry designer at materials scientist na


interesado at inspirado sa nakatagong disenyo ng kalikasan. Kalakip ang kaisipang
makatira ang tao sa ilalim ng karagatan, nagdisenyo siya ng isang 3D printed na
kagamitang amphibious na tinatawag na “AMPHIBIO”---isang kabuuan ng
pulutong ng “’gills” o hasang, at ayon sa kaniya, ito ay para sa hinaharap kung
saan ang sangkatauhan na nakatira sa napakalapit na prpksimidad kasama ang
katubigan.’

Ang maliit na kagamitan na Kamei ay gumagamit ng kagamitang


ispesipikong dinisenyo upang maging “porous” ( o puno ng maliliit na butas) ay
“hydrophobic” na may kakayahang punuhuin muli ang oxygen sa tubig at
maglalabas ng carbon dioxide. Ito ay binase sa mga insektong sumisisid sa tubig
na may kakayahang gumawa ng sarili nilang maliit na “scuba diving set” sa
pamamagitan ng paggawa ng bula ng hangin sa paligid ng kanilang katawan sa
tulong ng kanilang water repellent na balat.

Ang teknolohiyang ito ay madali ring i-print sa 3D, na talaga namang


napakaganda sapagkat madali itong gawin nang maramihan para mahgamit ng
lahat. Maaari ring palitan ng kagamitang ito ang mga malalaki at mabibigat
kagamitang pang-scuba para sa mas matagal at madaling malayang pagsisid.
Maaari rin itong gamitin para sa pagsagip gaya ng nangyari sa Thailand kung saan
na-trap ang 12 na batang kalalakihan sa isang binahang kuweba nang ilang lingo
dahil sa masisikip na lagusan at limitadong kagamitang magagamit (upang daanan
ang mga ito) para sagipin ang mga bata.
Sa kabuuan, ang teknolohiyang ito ay nasubukan pa lamang bilang isang
prototype at hindi pa sa mga tao. Ngunit, ang pagpapalaganap at pagsubok nito sa
mga tao ay ang susnod na plano ni Kamei, kaya naman angr pangarap na
makahinga sa ilalim ng tubig ay maaaring malapit nang matupad.

You might also like