You are on page 1of 1

SSP Students ng DRECMNHS, sinuportahan ang DOST Caravan

Ni: Deanne Rhose Antoinette M. Manalili

Upang magkaroon ng dagdag kaalaman ang mga SSP students ng


DRECMNHS patungkol sa siyensiya, dinaluhan nila ang Department of Science and
Technology O DOST Caravan na ginanap sa Laoac, Pangasinan, Octubre 12.

Ang caravan na ito ay dinaluhan ng iba’t-ibang eskwelahan na nagmula rin


sa iba’t-ibang lugar ng Pangasinan, at isa ang DRECMNHS sa inanyayahan upang
dumalo at sumuporta.

Nagkaroon ng iba’t-ibang exhibit, tulad ng kung paano gumawa ng


decorative paper na gawa sa coconut husk, at iba pang indigenous materials at
mayroon ring isang kagamitan na gumagawa ng uling na gawa sa indigenous
materials.

Ibinida ng mga taga Laoac ang kanilang mga orihinal na gawang pgkain,
tulad na lamang ng mga chips na gawa sa kalabasa, wines na gawa sa dragon fruit,
bugnay at duhat, mayroon ring fresh carabao milk na mat flavour at yoghurt.

Nagkaroon rin ng lektyur sa loob ng isang mobile planetarium na kung saan


ay itinuro iba’t ibang zodiac signs, dagdag kaalaman patungkol sa’ting planeta, sa
mga bituin , ang buwan, at constellations. Mayroon ring interactive activities na
talagang kapupulutan ng aral.

You might also like