You are on page 1of 3

HTC Vive nakatutulong nga ba?

Ni: Harold John N. Bello

Tampok ngayon sa mga kabataan ang Virtual Reality headset o mas kilala sa
tawag na VR. Sa pag-usbong ng mga tulad ng mga teknolohiyang ito, maraming
mga katangian ang kanilang nagagawa tulad ng manipulahin ang isang bagay sa
pamamagitan ng controller. Ang tampok na VR Headset ngayon ay ang “HTC Vive
VR headset”. Ano nga ba ang mabuting maidudulot nito sa mga tao?
Ang HTC Vive VR headset ay isang Virtual Reality headset na kayang ipakita sayo
ang mga bagay na mahirap nating Makita o maranasan. Ang nais ng VR na ito ay
upang iparanas ang mga bagay na mahirap natong Makita at mapuntahan. Kaya
mo na rin puntahan angisang museum sa pamamagitan nito.
Ang VR Headset ay makatutulong sa lahat ng uri ng tao may kapansanan man o
wala kayang kaya natin silang dalhin sa mga lugar na mahirap nilang marating.
Atin itong gamitin sa tama at wag sa maling paraan.
Online Games: Epekto sa Kabataan
Ni: Nelprince Agyzon M. Serrano

Sa panahong ngayon usong-uso ang mga online games na kinahihiligan ng mga


kabataan at ang mga ito ay hindi lang sikat sa Pilipinas kundi sa iba’t-ibang panig
ng mundo. Ang kahimalingan ng makararami dito ay nagdudulot ng iba’t-ibang
epekto sa tao pati narin sa ekonomiya.
Ang online games ay ginawa upang maghatid ng saya sa mga manlalaro at
hinahasa nito ang communication skills ng mga manlalaro dahil sa mga feature
nitong makipag-usap sa ibang manlalaro gamit ang chat box o microphone
feature , tinuturuan din tayo ng online games upang magkaroon ng “teamwork”
sa ibang players dahil ito ang kailangan upang manalo sa laro at higit sa lahat ay
napakahabang pasensya para sa mga “noob” na kasama.
Ngunit dahil sa sobrang kahumalingan ng kabataan dito, nakakalimutan na nila ay
realidad at masyado na silang nakapokus sa isang larong nanggaling lang sa
imahinasyon ng tao, nakakalimutan na nilang kumain, gumawa ng gawaing bahay
at higit sa lahat napapariwala ang mga ito sa kanilang pag-aaral at nagiging dulot
ng pagbaba ng grado ng mga studyante.
Mobile Legends ang isa sa mga pinakasakit sa online games ngayon ito ay isang
multiplayer online battle arena o Moba na ginawa ng Moonton noong July 11,
2016. PUBG, ROS, DOTA, LOL ay mga halimbawa din as Oline Games ay kinaadikan
ng mga kabataan ngayon.
Alam niyo bas a China mas isang babae ang nabulag dahil sa paglalaro ng Mobile
Legends, pumutok ang metin ng kaniyang mata dahil sa 24 hours itong naglalaro
sa Pilipinas naman na ding babae ang nastroke siya ay si Mary.
Kailangan maging responsable sa paglalaro ng mga online games unahin muna
ang responsibilidad bago maglaro wag isantabi ang mga bagay na mas importante
kaysa dito.
PUBG, AOV, Clash Of Clans ay ilan lamang sa mga online games na
pinagkaguluhan worldwide. Ang online games ay ang mga larong ginagamitan ng
internet connection.
Ano nga ba ang online games? Ang online games ay isang teknolohiya kaysa sa
isang genrei nito ay isang mekanismo para sa pagkonekta ng mga manlalaro
upang magkasama sa isang particular na diseniyo ng laro.
Alam niyo ban a ang paglalaro ng online games ay may negatibong epekto? Lalo
na sa mga kabataan na adik na adik sa paglalaro.
Ang Mobile Legends ay isa sa mga online games na patok na patok sa buong
mundo. 2016 nang inilabas ng Shanghai Moonton Technology ang larong ito.
Umabot na mga sa 100 na milyon ang nagdownload sa larong ito.
May mga negatibong epekto ang paglalaro ng Mobile Legends na isang uri ng
online games. Sa China, isang babae ang napabalitang di umano’y nabulag, ang
rason ay sobra-sobrang paglalaro ng online games na King Of Glory at Mobile
Legends. Nagkaroon ng Retinal Artery Occhusion ni Xiao, 21 years old. Dito naman
sa Pilipinas, si Mary Rose Idanan, 23 years old ay na stroke habang magkalaro ng
Mobile Legends.
Ang mobile games, pana-panahon lang din at sa nagyon, habang pinag-uusapan
ang ML o Mobile Legends, mas mabuting maging responsible sa larong ito. Ika ni
Randy Dellosa, isang Psychiatrist, “Maraming consequences ang online games
addiction, unang-unaa, syempre hindi na nagiging balanse ang buhay nila. Usually,
ang paglalaro ay dapat pagkatapos ng trabaho or school, para siyang reward,
dapat limited pa rin ang paglalaro, at dapat ang paglalaro ay 2 hours lang.” Sana’y
huwag ipagsantabi ang kalusugan para sa larong online games na pampalipas oras
lamang.

You might also like