You are on page 1of 16

SABADO SANTO

Ang Sabado Santo ay araw ng nakalibing na Kristo; nakibahagi Siya sa atin


hanggang sa kamatayan. Sa araw na ito ang Simbahan ay nagtatanod sa libingan
ng Panginoon, habang pinagninilay-nilayan ang kahulugan ng kanyang
pagpapakasakit at kamatayan. Hindi ipinagdiriwang ang paghahain ng Misa kaya’t
ang dambana ay walang mantel at gayak. Makabubuti na hikayatin ang
sambayanan na makiisa sa panalangin Pang-umaga sa nasabing araw at kung maari
ay magkaroon ng rekoleksyon upang tahimik na makiisa ang mananampalataya sa
katahimikan ng araw ng pagpanaog ni Jesus sa kanaroroonan ng mga yumao.

Ang Magdamagang Pagkabuhay ang hudyat ng pagsisimula ng pagsasaya


para sa tagumpay ni Jesus na may diwa ng kagalakang nag-uumapaw sa loob ng
susunod na limampung araw.

PANALANGING PANG-UMAGA

Nakatayo ang lahat

Namumuno: (+) Panginoon, buksan Mo ang aking mga labi.


Lahat: At pupurihin Ka ng aking bibig.

ANTIPONA:
Namumuno: Halina ating sambahin si Kristo na nagpakasakit at para
sa ating kapakanan ay nagdanas ng kamatayan at
inilibing.
Lahat: Halina ating sambahin si Kristo na nagpakasakit at para sa ating
kapakanan ay nagdanas ng kamatayan at inilibing.

SALMO 67
Namumuno: O Diyos, pagpalain kami’t kahabagan, Kami
Panginoo’y Iyong kaawaan, Upang sa daigdig mabatid
ng lahat, Ang iyong kalooban at pagliligtas. Purihin ka
nawa ng lahat ng tao, Purihin Ka nila sa lahat ng dako.
Lahat: Halina ating sambahin si Kristo na nagpakasakit at para sa ating
kapakanan ay nagdanas ng kamatayan at inilibing.

©Diocesan Shrine and Pairsh of Our Lady of the Pillar – Imus Cathedral 2021
Imus City, Cavite
Namumuno: Nawa’y purihin Ka ng mga nilikha, pagkat matuwid
Kang humatol sa madla; Ikaw ang patnubay ng lahat ng
bansa. Purihin Ka nawa ng lahat ng tao. Purihin Ka nila
sa lahat ng dako.
Lahat: Halina ating sambahin si Kristo na nagpakasakit at para sa ating
kapakanan ay nagdanas ng kamatayan at inilibing.

Namumuno: Nag-aning mabuti ang mga lupain, pinagpala kami ng


Panginoon at Diyos namin! Ang lahat sa ami’y Iyong
pinagpala. Nawa’y igalang Ka ng lahat ng bansa.
Lahat: Halina ating sambahin si Kristo na nagpakasakit at para sa ating
kapakanan ay nagdanas ng kamatayan at inilibing.

Yumuko ng bahagya habang dinadasal ang papuri


Namumuno: Papuri sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo.
Kapara noong una ngayon at magpakailanman at
magpasawalang hanggan.
Lahat: Halina ating sambahin si Kristo na nagpakasakit at para sa ating
kapakanan ay nagdanas ng kamatayan at inilibing.

AWIT Isang awitin na naaangkop para sa pang-umagang pananalangin.

SALMO 64

ANTIPONA 1:
Namumuno: Sa kapayapaan ako’y mahihimlay.

Kanan: Ang mga nakaupo sa kanang bahagi ang magbabasa


Sagutin mo ako sa aking pagtawag,
Panginoong Diyos na aking kalasag.
Ngayo’y pakinggan mo, sa aki’y mahabag.

Kaliwa: Ang mga nakaupo sa kaliwang bahagi ang magbabasa


Hanggang kailan pa kaya lilibakin
Niyong mga tao ang iyong alipin?
Hanggang kailan pa nila iibigin
©Diocesan Shrine and Pairsh of Our Lady of the Pillar – Imus Cathedral 2021
Imus City, Cavite
Ang walang halaga’t pagsisinungaling.

Kanan: Ang mga nakaupo sa kanang bahagi ang magbabasa


Dapat mapagkuro ninyo at malaman
na mahal ni Yahweh akong kanyang hirang.
Dinirinig niya sa pananawagan.

Kaliwa: Ang mga nakaupo sa kaliwang bahagi ang magbabasa


Nagagalit ka man, sala ay iwasan
Sa loob ng silid ikaw ay magnilay;
Ihandog kay Yahweh, yaong wastong alay
Ang pagtitiwala sa kanya ibigay.

Kanan: Ang mga nakaupo sa kanang bahagi ang magbabasa


Ang marami riya’y yaong nagsasabi:
“Masaganang biyaya ay buhusan kami,
At pagkalooban ng habag mo, Yahweh.”

Kaliwa: Ang mga nakaupo sa kaliwang bahagi ang magbabasa


O Diyos ang ligayang bigay mo sa akin,
Higit na di hamak sa galak na akin,
Nilang may maraming imbak na pagkain,

Kanan: Ang mga nakaupo sa kanang bahagi ang magbabasa


At iniingatang alak na inumin.
Sa aking paghimlay, ako’y mapayapa,
Pagka’t Ikaw, Yahweh, ang nangangalaga.

Kaliwa: Tumayo
Papuri sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo.

Kanan: Ang mga nakaupo sa kanang bahagi ang magbabasa


Kapara noong una ngayon at magpakailanman at magpasawalang
hanggan. Amen.

©Diocesan Shrine and Pairsh of Our Lady of the Pillar – Imus Cathedral 2021
Imus City, Cavite
ANTIPONA 1:
Lahat: Sa kapayapaan ako’y mahihimlay.

ANTIPONA 2:
Namumuno: Ang aking katawa’y mamahinga nang may pag-asa.

Kanan: Ang mga nakaupo sa kanang bahagi ang magbabasa


O Diyos, ako’y ingatan mo, ingatan ang iyong lingkod
Ang hangad ko ay maligtas kaya sa’yo dumudulog;
“Ika’y aking Panginoon,” ang wika ko sa aking Diyos,
“Kabutihang tinanggap ko, ikaw ang nagkaloob.”

Kaliwa: Ang mga nakaupo sa kaliwang bahagi ang magbabasa


Mga lingkod ng Panginoon ay dakila’t mararangal!
Ligaya ng sarili ang sila ay makapisan
Silang bumaling sa ibang Diyos, sulirani’y abut-abot
Sa pagsambang gawi nila, ako ay hindi lalahok.

Kanan: Ang mga nakaupo sa kanang bahagi ang magbabasa


Ikaw lamang, O Yahweh ko, ang lahat sa aking buhay,
Ako’y iyong tinutugon sa lahat kong kailangan;
Ang biyayang kaloob mo ay kahanga-hangang tunay
Kay inam ng kaloob mong sa akin ay ibinigay.

Kaliwa: Ang mga nakaupo sa kaliwang bahagi ang magbabasa


Pinupuri ko si Yahweh na sa akin ay patnubay,
Kahit gabi diwa niya ang sa aki’y umaakay
Nababatid ko na siya’y kasama ko oras-oras,
Sa piling n’ya kaylan ma’y hindi ako matitinag.

©Diocesan Shrine and Pairsh of Our Lady of the Pillar – Imus Cathedral 2021
Imus City, Cavite
Kanan: Ang mga nakaupo sa kanang bahagi ang magbabasa
Kaya’t ako’y nagdiriwang, ang diwa ko’y nagagalak,
Ang lagi kong nadarama’y hindi ako matitinag.
Pagka’t dimo tinutulutang ang mahal mo ay malagak
Sa balon ng mga patay upang doon ay maagnas.
Kaliwa: Ang mga nakaupo sa kaliwang bahagi ang magbabasa
Ituturo mo ang landas na buhay ang hahantungan,
Sa piling mo’y madarama ang lubos na kagalakan;
Ang tulong mo’y nagdudulot ng ligayang walang hanggan.

Kanan: Tumayo
Papuri sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo.
Kaliwa: Ang mga nakaupo sa kaliwang bahagi ang magbabasa
Kapara noong una ngayon at magpakailanman at magpasawalang
hanggan. Amen.

ANTIPONA 2:
Lahat: Ang aking katawa’y mamahinga nang may pag-asa.

ANTIPONA 3:
Namumuno: Ang pintuang luma ay buksan nang lubos, ang hari ng
kaluwalhatian doon papasok.

Kanan: Ang mga nakaupo sa kanang bahagi ang magbabasa


Ang buong daigdig, lahat nang naroon,
May-ari’y si Yahweh, ating Panginoon;
Ang mundo’y natayo at yaong sandiga’y
Ilalim ng lupa, tubig kalaliman.

Kaliwa: Ang mga nakaupo sa kaliwang bahagi ang magbabasa


Sino ang marapat na umahon sa burol
Sa burol ni Yahweh, sino ngang aahon?
Sino’ng papayagang pumasok sa templo,
Sino’ng tutulutang pumasok na tao?
©Diocesan Shrine and Pairsh of Our Lady of the Pillar – Imus Cathedral 2021
Imus City, Cavite
Kanan: Ang mga nakaupo sa kanang bahagi ang magbabasa
Siya, na malinis ang isip at buhay,
Na hindi sumasamba sa diyus-diyusan;
Tapat sa pangako na binibitiwan.

Kaliwa: Ang mga nakaupo sa kaliwang bahagi ang magbabasa


Ang Diyos na si Yahweh, pagpalain siya,
Ililigtas siya’t pawawalang-sala,
Gayon ang sinumang lumalapit sa Diyos,
Silang lumalapit sa Diyos ni Jacob.
Ang pintuang luma ay buksan nang lubos
Ang dakilang hari ay doon papasok.

Kanan: Ang mga nakaupo sa kanang bahagi ang magbabasa


Ang Dakilang haring ito ay sino ba?
Siya ay si Yahweh, dakilang talaga;
Saan mang labanan tagumpay ay kanya.
Ang pintuang luma ay buksan nang lubos,
Ang dakilang hari ay doon papasok.
Ang dakilang hari’y sino bang talaga?
Makapangyarihang Diyos at hari siya!

Kaliwa: Tumayo
Papuri sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo.
Kanan: Ang mga nakaupo sa kanang bahagi ang magbabasa
Kapara noong una ngayon at magpakailanman at magpasawalang
hanggan. Amen.

©Diocesan Shrine and Pairsh of Our Lady of the Pillar – Imus Cathedral 2021
Imus City, Cavite
ANTIPONA 3:
Lahat: Ang pintuang luma ay buksan nang lubos, ang hari ng
kaluwalhatian doon papasok.

MGA PAGBASA

SULAT PARA SA MGA HEBREO 4:1-13

Namumuno: Inilibing nila ang Panginoon at sa pinto ng libingan,


iginulong ang malaking bato.
Lahat: Kumuha sila ng mga kawal na magtatanod dito.

Namumuno: Sama-samang nagpunta kay Pilato ang mga punong


saserdote.
Lahat: Kumuha sila ng mga kawal na magtatanod dito.

SULAT MULA SA ISANG LUMANG HOMILIYA PARA SA


SABADO SANTO
(PATROLOHIYA GREACA 43:439, 451, 462-463)

Namumuno: Ang ating Pastol, bukal ng tubig na buhay ay namatay,


ang araw ay nagdilim nang malagutan siya ng hininga,
ngunit ngayon ang sa tao’y bumihag at nagging bihag
niya.
Lahat: Ito ang araw na binuksan ng Mananakop ang pintuan ng kamatayan.

Namumuno: Sinira niya ang tanikala ng impyerno; isinambulat niya


ang kapangyarihan ng demonyo.
Lahat: Kumuha sila ng mga kawal na magtatanod dito.

PANALANGIN

©Diocesan Shrine and Pairsh of Our Lady of the Pillar – Imus Cathedral 2021
Imus City, Cavite
PANG-UMAGANG PAGPUPURI

SALMO 51

ANTIPONA 1:
Namumuno: Tatangisan nilang parang kaisa-isang anak o anak na
panganay ang Panginoon na pinagdusa nang walang
kasalanan. umupo
Kanan: Ang mga nakaupo sa kanang bahagi ang magbabasa
Ako’y natatakot at naliligalig dahil sa kaaway, O diyos, ang hibik
ko, ang aking dalangin sana ay pakinggan.
Ipagtanggol ako sa mga pakana’t lihim na sabuwatan, niyong mga
pangkat na ang binabalak pawang kasamaan.

Kaliwa: Ang mga nakaupo sa kaliwang bahagi ang magbabasa


Ang kanilang dila’y katulad ng tabak na pagkatatalas, anaki
palasong inaasinta kung sila’y mangusap.
Sa kublihan nila, sila’y nag-aabang sa taong magaling, ang
pagdaan nito, ni takot ay wala nilang tutudlain.

Kanan: Ang mga nakaupo sa kanang bahagi ang magbabasa


Sa gawang masama ay nagsasabuwatan, nag-uusap sila, kung saan
dadalhin ang patibong nilang di dapat makita.
Yaong sasabihin nila pagkatapos makapagbalangkas, “ayos na
ayos na itong kasamaang ating binabalak.”
Damdamin ng tao at ang isip niya’y mahiwagang ganap!

Kaliwa: Ang mga nakaupo sa kaliwang bahagi ang magbabasa


Subalit ang Diyos na may palaso ri’y di magpapabaya, walang
abug-abog sila’y tutudlai’t susugatang bigla.
Dahilan sa sila’y masamang nangungusap, kaya wawasakin, At
ang makakita sa gayong sinapit sila’y sisisihin.

©Diocesan Shrine and Pairsh of Our Lady of the Pillar – Imus Cathedral 2021
Imus City, Cavite
Kanan: Ang mga nakaupo sa kanang bahagi ang magbabasa
Yaong nakakita’y sisidlan ng takot, ipamamalita ang gawa ng
Panginoon at isasaisip ang kanyang ginawa.
Sa gawa ng Panginoon, ang mga matuwid pawang magagalak.
Magpupuri sila at sa piling niya’y di mababagabag.
Yumuko ng bahagya habang dinadasal ang papuri

Kaliwa: Ang mga nakaupo sa kaliwang bahagi ang magbabasa


Papuri sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo.

Kanan: Ang mga nakaupo sa kanang bahagi ang magbabasa


Kapara noong una ngayon at magpakailanman at magpasawalang hanggan.

ANTIPONA 1:
Lahat: Tatangisan nilang parang kaisa-isang anak o anak na
panganay ang Panginoon na pinagdusa nang walang
kasalanan. Umupo

PAPURING AWIT: ISAIAS 38:10-14,17-20

ANTIPONA 2:
Namumuno: Sa hantungan ng mga yumao, sagipin Mo ako,
Panginoon.

Kanan: Ang mga nakaupo sa kanang bahagi ang magbabasa


“Minsa’y nasabi kong sa katanghalian ng buhay, ako ay papanaw!
Sa daigdig ng patay ako masasakdlak, upang manatili roong walang
hanggan.

Kaliwa: Ang mga nakaupo sa kaliwang bahagi ang magbabasa


At nasabi ko ring di na makikita itong Panginoon at sinumang
nabubuhay.

©Diocesan Shrine and Pairsh of Our Lady of the Pillar – Imus Cathedral 2021
Imus City, Cavite
Kanan: Ang mga nakaupo sa kanang bahagi ang magbabasa
Katulad ng toldang tirahan ng pastol, inalis sa akin ang aking
tahanan.
Ang abang buhay ko’y pinuputol Mo na tulad ng tela sa isang
habihan; ang aking akala’y wawakasan na ng Diyos ang aking buhay.

Kaliwa: Ang mga nakaupo sa kaliwang bahagi ang magbabasa


Ako’y lumuluha sa buong magdamag, hindi makatulog, parang
nilalansag na leon ang aking buto at katawan, ang aking akala’y
wawakasan na ng Diyos ang aking buhay.
Kanan: Ang mga nakaupo sa kanang bahagi ang magbabasa
Tumataghoy ako dahilan sa hirap animo ay kalapati na
nakahahabag; ang mga mata ko ay pagod na rin dahilan sa pagtitig diyan
sa itaas.
Panginoon sa kahirapang ito ako’y iligtas.

Kaliwa: Ang mga nakaupo sa kaliwang bahagi ang magbabasa


Ang hirap na ito’y aking nababatid, na tanging ako rin ang
makikinabang; iyong iniligtas ang buhay na ito, di Mo binayaang
mabulid sa hukay.
Pinatawad mo ako, sa aking mga kasalanan.

Kanan: Ang mga nakaupo sa kanang bahagi ang magbabasa


Ang patay ay hindi makapagpupuri sa Iyo, ni makaaasa sa Iyong
katapatan.
Mga buhay lamang ang makapagpupuri sa Iyo, tulad ng ginagawa
ko ngayon, tulad din ng Ama na sa mga anak ang itinuturo ay katapatan.

Kaliwa: Ang mga nakaupo sa kaliwang bahagi ang magbabasa


Ang tagapagligtas ko ay ang Panginoon; kaya sa saliw ng tugtog
ay ating awitan, sa banal na templo, tayo ay umawit habang nabubuhay.

©Diocesan Shrine and Pairsh of Our Lady of the Pillar – Imus Cathedral 2021
Imus City, Cavite
Yumuko ng bahagya habang dinadasal ang papuri

Kanan: Ang mga nakaupo sa kanang bahagi ang magbabasa


Papuri sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo.

Kaliwa: Ang mga nakaupo sa kaliwang bahagi ang magbabasa


Kapara noong una ngayon at magpakailanman at magpasawalang hanggan.

ANTIPONA 2:
Lahat: Sa hantungan ng mga yumao, sagipin Mo ako,
Panginoon.

SALMO 150

ANTIPONA 3:
Namumuno: Namatay ako ngunit masdan mo, ako’y buhay ngayon
at mananatiling buhay magpakailanman; at nasa ilalim
ng kapangyarihan ko ang kamatayan at ang daigdig ng
mga patay.
Kanan: Ang mga nakaupo sa kanang bahagi ang magbabasa
Sa banal na templo, ang Diyos ay awitan, purihin sa langit ang
lakas na taglay;
Siya ay purihin sa kanyang ginawa, Siya ay purihin, sapagkat
dakila.
Kaliwa: Ang mga nakaupo sa kaliwang bahagi ang magbabasa
Purihin sa tugtog ng mga trompeta, awitan sa saliw ng alpa at lira!
Sa tugtog ng tambol, magsayaw purihin, mga alpa’t plauta, lahat
ay tugtugin!
Kanan: Ang mga nakaupo sa kanang bahagi ang magbabasa
Ang Diyos ay purihin sa tugtog ng pompiyang, sa lakas ng tugtog
siya’y papurihan;
Purihin ang Panginoon ng mga nilalang! Purihin ang Panginoon!

©Diocesan Shrine and Pairsh of Our Lady of the Pillar – Imus Cathedral 2021
Imus City, Cavite
Yumuko ng bahagya habang dinadasal ang papuri

Kaliwa: Ang mga nakaupo sa kaliwang bahagi ang magbabasa


Papuri sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo.
Kanan: Ang mga nakaupo sa kanang bahagi ang magbabasa
Kapara noong una ngayon at magpakailanman at magpasawalang hanggan.

ANTIPONA 3:
Lahat: Namatay ako ngunit masdan mo, ako’y buhay ngayon
at mananatiling buhay magpakailanman; at nasa ilalim
ng kapangyarihan ko ang kamatayan at ang daigdig ng
mga patay.

PAGBASA: OSEAS 5:15B-16:2 Maupo


Ang Salita ng Diyos mula kay Propeta Isaias.

“At sa pagkabagabay nila ay sasabihin:


‘Halikayo at tayo’y manunumbalik sa PANGINOON pagkat ang
nanakit ay siya ring magpapagaling. Siya ang nanugat, kaya siya rin ang
gagamot.
Sa loob ng dalawang araw ay mapalalakas niya tayo uli. At sa
ikatlong araw, tayo’y kanyang ibabangon, upang mamuhay sa kanyang
pagtangkilik.”

Ang Salita ng Diyos.

©Diocesan Shrine and Pairsh of Our Lady of the Pillar – Imus Cathedral 2021
Imus City, Cavite
Sa halip na tugunan, ito ang ipahahayag
Tugon sa Pagbasa:

ANTIPONA
Namumuno: Si Kristo nang maging tao, ay naging masunurin para sa
atin hanggang kamatayan, oo hanggang kamatayan sa
krus. Kaya naman, siya’y itinampok ng Diyos at
binigyan ng pangalang higit sa lahat ng pangalan.
Lahat: Si Kristo nang maging tao, ay naging masunurin para sa atin hanggang
kamatayan, oo hanggang kamatayan sa krus. Kaya naman, siya’y
itinampok ng Diyos at binigyan ng pangalang higit sa lahat ng pangalan.

PAPURING AWIT NI ZACARIAS


ANTIPONA Tumayo ang lahat
Namumuno: Nakasulat sa kanyang ulunan ang kanilang sakdal:
Jesus Nazareno, ang Hari ng mga Judio.

Kanan: Ang mga nakaupo sa kanang bahagi ang magbabasa


(+)Purihin ang Panginoong Diyos ng Israel!
Sapagka’t nilingap niya at pinalaya ang Kanyang bayan.

Kaliwa: Ang mga nakaupo sa kaliwang bahagi ang magbabasa


At nagpadala Siya sa atin ng isang Makapangyarihang
Tagapagligtas, mula sa lipi ni David na kanyang lingkod.

Kanan: Ang mga nakaupo sa kanang bahagi ang magbabasa


Ipinangako Niya sa pamamagitan ng Kanyang banal na propeta
noong una,
na iligtas Niya tayo sa ating mga kaaway, at sa kamay ng lahat ng
napopoot sa atin.

Kaliwa: Ang mga nakaupo sa kaliwang bahagi ang magbabasa


Ipinangako rin Niya na kahabagan ang ating mga magulang
at alalahanin ang Kanyang banal na tipan.
©Diocesan Shrine and Pairsh of Our Lady of the Pillar – Imus Cathedral 2021
Imus City, Cavite
Kanan: Ang mga nakaupo sa kanang bahagi ang magbabasa
Iyan ang sumpang binitiwan Niya sa ating amang si Abraham.
Na iligtas tayo sa ating mga kaaway.

Kaliwa: Ang mga nakaupo sa kaliwang bahagi ang magbabasa


Upang walang takot na makasamba sa Kanya,
at maging banal at matuwid sa Kanyang paningin, habang tayo’y
nabubuhay.

Kanan: Ang mga nakaupo sa kanang bahagi ang magbabasa


Ikaw naman, anak, ay tatawaging propeta ng Kataas-taasan;
Sapagkat mauuna ka sa Panginoon upang ihanda ang Kanyang
daraanan.
Kaliwa: Ang mga nakaupo sa kaliwang bahagi ang magbabasa
At ituro sa Kanyang bayan ang landas ng kaligtasan,
Ang kapatawaran ng kanilang mga kasalanan.
Kanan: Ang mga nakaupo sa kanang bahagi ang magbabasa
Sapagkat lubhang mahabagin ang ating Diyos;
magbubukang-liwayway sa atin ang araw ng kaligtasan.
Upang magbigay liwanag sa mga nasa kadiliman at nasa ilalim ng
kamatayan, at patnubayan tayo tungo sa daan ng kapayaan.
Yumuko ng bahagya habang dinadasal ang papuri
Kaliwa: Ang mga nakaupo sa kaliwang bahagi ang magbabasa
Papuri sa Ama, at sa Anak, at sa Espiritu Santo.
Kanan: Ang mga nakaupo sa kanang bahagi ang magbabasa
Kapara noong una ngayon at magpakailanman at magpasawalang
hanggan. Amen.

ANTIPONA:
Lahat: Nakasulat sa kanyang ulunan ang kanilang sakdal: Jesus
Nazareno, ang Hari ng mga Judio.

©Diocesan Shrine and Pairsh of Our Lady of the Pillar – Imus Cathedral 2021
Imus City, Cavite
Mga Pagluhog. Lumuhod
Namumuno: Ang ating Manunubos ay nagdusa at inilibing para sa
atin upang muling mabuhay. Buong pag-ibig natin
Siyang sambahin at atin ngayon sabihin:

PANGINOON, KAAWAAN MO KAMI.

Namumuno: Hesukristo na aming Manunubos, ang Iyong


nagdadalamhating Ina ay nanatiling nakatayo sa
paanan ng krus at nakibahagi sa iyong pagdurusa Sa
aming kalungkutan makihati nawa kami sa Iyong
paghihirap. Tugon
Namumuno: Hesukristo na aming Panginoon, tulad ng butil ng trigo
na nahuhulog sa lupa, pinatubo Mo sa amin ang
masaganang ani ng biyaya. Mamatay nawa sa
kasalanan at mabuhay para sa Diyos.Tugon

Namumuno: Hesukristo ang Mabuting Pastol, sa Iyong kamatayan


nanatili Kang nakatago sa mundo, turuan Mo kami na
mahalin ang natatagong buhay sa piling Mo kasama ng
Ama. Tugon

Namumuno: Hesukristo ang bagong Adan, pumasok Ka sa kaharian


ng kamatayan upang palayain ang lahat ng matuwid
mula pa nang lalangin ang sandaigdigan. Nawa ang
lahat ng nahihimlay sa kamatayan ng kasalanan ay
marinig ang iyong tinig at mabuhay na mag-uli. Tugon

Namumuno: Hesukristo Anak ng Diyos, sa pamamagitan ng binyag


kami ay nalibing kasama Mo at muli kaming nabuhay
kasama Mo nawa lumakad kami sa bagong buhay. Tugon
(Mga Pansariling Kahilingan…)

©Diocesan Shrine and Pairsh of Our Lady of the Pillar – Imus Cathedral 2021
Imus City, Cavite
Tumayo
Ama Namin maaaring awitin

PANALANGIN.
Namumuno: Ama naming makapangyarihan, ang Iyong
bugtong na Anak ay nanaog sa kinaroroonan ng mga
yumao at bumangong taglay ang kaluwalhatian,
ibangon mo rin ang bayang nanalig sa iyo, na sa binyag
ay nalibing kasama ni Kristo upang sa pagkabuhay ay
makasama niya sa buhay na walang hanggan sa
pamamagitan din niya kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Lahat: Amen.

Kung walang paring kasama

Namumuno: Nawa’y pagpalain (+) tayo ng Panginoon, iligtas sa


lahat ng masama, at patnubayan tayo sa buhay na
walang hanggan.
Lahat: Amen.

©Diocesan Shrine and Pairsh of Our Lady of the Pillar – Imus Cathedral 2021
Imus City, Cavite

You might also like