You are on page 1of 164

Aklat ng Banal na Mahika ng

Pantas na si Abramelin

Book of the Sacred Magic of Abramelin


The Mage

Salin sa Filipino ni Pili Losa


2

Copyright © 2016 Pili Losa

All Rights Reserved

ISBN 978-1-365-79815-3
3

Talaan ng Nilalaman

Contents
Talaan ng Nilalaman ............................................................................................................................... 3
Paunang Salita ng Nagsalin..................................................................................................................... 6
Unang Aklat ng Banal na Mahika .......................................................................................................... 10
Unang Kabanata ................................................................................................................................... 10
Ikalawang Kabanata.............................................................................................................................. 11
Ikatlong Kabanata................................................................................................................................. 12
Ikaapat na Kabanata ............................................................................................................................. 13
Ikalimang Kabanata .............................................................................................................................. 16
Ikaanim na Kabanata ............................................................................................................................ 19
Ikapitong Kabanata............................................................................................................................... 21
Ikawalong Kabanata ............................................................................................................................. 23
Ikasiyam na Kabanata ........................................................................................................................... 26
Ika-10 Kabanata .................................................................................................................................... 27
Ika-11 Kabanata .................................................................................................................................... 28
Ika-12 Kabanata .................................................................................................................................... 31
Pambungad ng Ikalawang Aklat............................................................................................................ 34
Unang Kabanata: Ano-ano at ilang uri mayroon ang tunay na mahika ................................................. 34
Ikalawang Kabanata: Mga dapat malaman bago isagawa ang operasyon ............................................ 36
Ikatlong Kabanata: Ang tamang edad at mga katangian ng taong nais magsagawa ng operasyon ...... 37
Ikaapat ng Kabanata: Marami sa mga aklat ukol sa mahika ay mali at walang pakinabang .................. 38
Ikalimang Kabanata: Bakit hindi kailangan isaalang-alang ang panahon, araw, o oras sa pagsasagawa
ng operasyon ........................................................................................................................................ 39
Ikaanim na Kabanata: Tungkol sa oras ng mga planeta at iba pang pagkakamali ng mga pantas ng
astrolohiya ............................................................................................................................................ 40
4

Ikapitong Kabanata: Mga dapat isagawa sa unang dalawang Buwan ng operasyon ng Banal na Mahika
.............................................................................................................................................................. 42
Ikawalong Kabanata: Tungkol sa susunod na dalawang Buwan ........................................................... 45
Ikasiyam na Kabanata: Tungkol sa huling dalawang Buwan ................................................................. 46
Ika-10 Kabanata: Tungkol sa mga bagay na dapat pag-aralan sa loob ng huling dalawang Buwan........ 47
Ika-11 Kabanata: Tungkol sa Pagpili ng Dako na pagdarausan ng operasyon ....................................... 48
Ika-12 Kabanata: Mga dapat gawin para sa maayos na pagsasagawa ng operasyon ............................ 50
Ika-13 Kabanata: Pananawagan sa mga mabuting espiritu ................................................................... 51
Ika-14 na Kabanata: Tungkol sa kumbokasyon sa mga espiritu ............................................................ 54
Ika-15 Kabanata: Ano ang mga dapat hilingin sa mga espiritu na nahahati sa tatlong uri at tinatawag sa
loob ng tatlong araw ............................................................................................................................. 57
Ika-16 na Kabanata: Paano palilisanin ang mga espiritu ....................................................................... 59
Ika-17 Kabanata: Ano ang mga dapat isagot sa mga katanungan ng mga espiritu at kung paano natin
matatanggihan ang kanilang mga hiling ............................................................................................... 60
Ika-18 Kabanata: Paano ang tamang pakikitungo sa mga espiritu ........................................................ 61
Ika-19 Kabanata: Ang mga pangalan ng mga espiritung maaari nating tawagin ................................... 63
Ika-20 Kabanata: Mga dapat gawin sa pagsasagawa at pagkatapos ng operasyon ............................... 66
Pambungad ng Ikatlong Aklat ............................................................................................................... 88
Kabanata I ............................................................................................................................................ 89
Kabanata II ............................................................................................................................................ 92
Kabanata IV .......................................................................................................................................... 95
Kabanata V ........................................................................................................................................... 97
Kabanata VI ........................................................................................................................................ 100
Kabanata VII ....................................................................................................................................... 102
Kabanata VIII ...................................................................................................................................... 103
Kabanata X......................................................................................................................................... 106
Kabanata XI ........................................................................................................................................ 108
Kabanata XII ....................................................................................................................................... 109
Kabanata XIII........................................................................................................................................ 111
Kabanata XIV ...................................................................................................................................... 112
Kabanata XV ....................................................................................................................................... 114
Kabanata XVI ...................................................................................................................................... 116
5

Kabanata XVII ..................................................................................................................................... 121


Kabanata XVIII .................................................................................................................................... 122
Kabanata XIX ...................................................................................................................................... 126
Kabanata XX ....................................................................................................................................... 130
Kabanata XXI ....................................................................................................................................... 133
Kabanata XXII ......................................................................................................................................135
Kabanata XXIII ..................................................................................................................................... 137
Kabanata XXIV .................................................................................................................................... 138
Kabanata XXV ..................................................................................................................................... 140
Kabanata XXVII ................................................................................................................................... 143
Kabanata XXVIII .................................................................................................................................. 148
Kabanata XXIX .................................................................................................................................... 150
Kabanata XXX ......................................................................................................................................151
Mahahalagang Paalala ukol sa mga simbolo ........................................................................................153
6

Paunang Salita ng Nagsalin

Sa aking opinyon, panahon na upang maisalin sa Pilipino ang mga banyagang kasulatan na may
kinalaman sa pilosopiya, relihiyon, ispiritwalidad, mahika, agham atbp. Tayong mga Pilipino ay mahilig
sa Ingles na materyal. Ako man ay mas marami nang nabasang English books kaysa mga aklat sa ating
wika. Ngunit naniniwala rin ako na mahalaga na maisalin sa ating wika ang mga ganitong uri ng aklat
upang mas maraming Pilipino ang makaabot at makaunawa nito, at nang sa gayon ay lalong lumawak at
lumalim ang ating kaisipan, diwa, pilosopiya, prinsipyo, at mga pananaw sa buhay.

Dahil ang aking interes ay may kinalaman sa ispiritwalidad gaya ng Kabala at mahika mula sa
Kanluran (West), dito ko napiling magsimula. Ang aklat na ito na ang pamagat sa Ingles ay “The Sacred
Magic of Abramelin the Mage” ang aking napili dahil malapit ito sa aking puso at sa unang tingin ay
mukhang madali itong isalin. Pero nagkamali ako. Mahirap palang magsalin sa Pilipino, lalo na kung
ang orihinal ay lumang manuskrito na gaya nitong aklat ni Abramelin. Kailangan din na gumamit ako
ng mga malalalim na Tagalog upang tumugma sa orihinal na materyal di lamang ang lenggwahe pati
ang tono. Gayunpaman, may mga katagang mas pinili ko ang modernong salita para dito upang mas
maintindihan ng aking mga kakabayan. Halimbawa, ginamit ko ang salitang ‘mahika’ bilang Tagalog
ng ‘magic’ sa halip na gamitin ang salitang ‘salamangka’ o ‘mahiya’. Una, halos hindi na ginagamit ang
mga salitang ito sa ating bayan kaya’t hindi ito maiintindihan ng marami. Pangalawa, ang salitang
‘salamangka’ ay ginagamit din para sa ‘sorcery’ at ang uri ng ‘magic’ na tinutukoy ni Abramelin sa
kaniyang aklat ay walang kinalaman sa gawaing ito. Ang ‘mahiya’ naman ay may iba ring kahulugan sa
Tagalog.

Ang aklat na ito ay isa sa mga itinuturing na mahalaga at kilalang aklat ng Western Mystery
Magic. Ito ay nasilayan ng mundo salamat sa pagsasalin ni S.L. MacGregor Mathers sa Ingles mula sa
wikang Pranses. Ayon kay Mathers natagpuan niya ang aklat na ito sa isang aklatan sa France, ang
Bibliotheque de l’Arsenal at kanyang itong isinalin sa wikang Ingles at inilathala noong 1898. Ang aklat
na ito ay itinuturing ng maraming mag-aaral ng lihim na karunungan (occult knowledge) na lubhang
mahalaga dahil sa pamamaraang ibinibigay nito upang makamit ang tinatawag na “Knowledge and
Conversation with the Holy Guardian Angel” o ang Karunungan at Pakikipagtalakayan sa Tagabantay
nating Banal na Anghel.

Ang orihinal na manuskrito ng aklat na ito ay isinulat sa wikang Aleman (German) bilang ang
may-akda (na ang ngalan ay Abraham) ay isang German Jew. Ayon sa mga modernong pagsasaliksik,
may pitong manuskrito ang aklat na ito at isang lathala. Diumano, apat ang seksyon ng aklat sa
orihinal nitong German version, subalit tatlo lang ang seksyon nito sa French version nito na siyang
ginamit ni Mathers.

Isang panibagong pagsasalin sa Ingles mula sa orihinal na German manuscript ang isinagawa ni
Georg Dehn noong 2006. Kasama rito ang seksyon na hindi matatagpuan sa bersyon ni Mathers. Isa
pang malaking pagkakaiba sa bersyon ni Mathers kay Dehn ay ang haba ng panahon na gugulin para sa
7

operasyon: sa bersyon ni Mathers, anim na buwan ang operasyon; kay Dehn ay labing-walong buwan o
isa’t kalahating taon.

Habang isinasalin ko sa ating wikang Pilipino ang aklat, lalo naman lumalim ang aking
pagunawa sa operasyon ni Abramelin at lalong lumakas ang aking paniniwala, na bagama’t maraming
kapintasan diumano sa pagsasalin ni Mathers, marami pa rin kapupulutang aral dito. Sa akin ring
pagsasaliksik, napag-alaman ko na mayroong mga Western Magician ang nakapagsagawa na ng
operasyong ito gamit ang bersyon ni Mathers. Ilan sa kanila ay sina William Bloom, Marcus Katz, Aaron
Leitch, at isang babae na may bansag na Athena W. Sina Bloom at Katz ay kapwa sumulat ng aklat
ukol sa kanilang karanasan sa pagsasakatuparan ng operasyong ito. (The Sacred Magician, a ceremonial
diary, by William Bloom; After the Angel, by Marcus Katz.)

Sa website ni Aaron Leitch ay matatagpuan ang isang malawak na pagtatalakay ukol sa


sistemang ito at ang mga simbolo dito. (http://kheph777.tripod.com) Gumawa rin si Leitch ng mga
magical square na aniya ay pagtatama sa maling ginawa ni Mathers. (Ang mga magical square na
matatagpuan sa pagsasalin na ito sa Filipino ay batay sa bersyon ni Mathers.)

Para sa mga hindi pamilyar sa aklat ni Abramelin, ito ay isinulat diumano ng isang German Jew
na ang ngalan ay Abraham para sa kanyang anak na si Lamech bilang pamana niya dito. Ayon kay
Abraham, kanyang natutunan ang sistema ng mahikang ito mula sa isang pantas na nagngangalang
Abramelin. Si Abraham ay maaaring nabuhay noong 1362 A.D., ayon kay Mathers, at kanyang isinulat
ang aklat na ito para kay Lamech nang bandang 1458. Mula sa aklat ay malalaman natin na si Abraham
ay itinuturing na isang maimpluwensiyang tao sa kanyang komunidad nang mga panahong iyon; siya
ay isang manggagamot, pantas ng Kabala at mahika, at isang tagapagpayo ng mga makapangyarihang
tao, gaya ni Emperor Sigismundo.

Ang mahika ni Abraham na itinuro sa kanya ni Abramelin ay maituturing na mataas na uri ng


mahika (high magic) sapagkat ang kapangyarihan nito ay galing sa mga banal na anghel ng Dios, lalo na
sa sariling nating Tagapagbantay (Holy Guardian Angel) ng taong nagsasagawa ng operasyon. Sa
simula pa lamang ay mariin nang itinuturo ni Abraham at Abramelin ang kahalagahan ng banal na takot
sa Dios, pagtataglay ng pananampalataya at pagsunod sa Kanyang mga kautusan. Kanila rin
binigyang-diin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng dalisay at mabuting layunin sa pagsasagawa ng
mahikang ito, at layuan ang anumang gawaing masama na makakasakit sa kapwa. Ang mahikang ito
ay hindi dapat isinasagawa upang magpakitang gilas o magpayaman, bagkus ito ay isinasagawa upang
makatulong sa kapwa at maiahon ang sarili sa kahirapan. Kaya nga itinuturo nila Abraham at
Abramelin na suriin mabuti ang karakter ng taong pagkakalooban ng manuskritong ito – dapat anila ay
tapat ang kalooban, mapagpakumbaba at mabuti ang layunin. Pinaalalahan din ni Abraham ang
kanyang anak (at ang mambabasa) na gawin lamang ang operasyon kung siya ay nakatitiyak na
kanyang tatapusin ito. Di biro ang pagsasagawa ng operasyon, ito ay isinasagawa araw-araw sa loob
ng anim na buwan, kaya’t importante na magkaroon ng mataimtim na pangako sapagkat maituturing
na paglapastangan sa Dios ang pagsimula subalit hindi pagtapos ng operasyon.
8

Ang aklat ay nahahati sa tatlong bahagi: (I) isang maigsing pagsasalaysay ni Abraham kung
paano niya nakamit ang karunungan. Dito rin matatagpuan ang ilang payo niya sa kanyang anak na si
Lamech; (II) paglalarawan kung paano gagawin ang operasyon at tataglayin ang mga kapangyarihan;
(III) mga paraan ng paggamit sa kapangyarihan upang makamit ang minimithi at kagustuhan sa buhay.

Sa saling ito, hindi ko isinama ang introduksyon ni Mathers sa kanyang bersyon at ang kanyang
mga ilang komentaryo at footnote upang hindi makadagdag sa kalituhan ng mambabasa. Ang
introduksyon ni Mathers ay totoong napakahaba (halos singhaba ng unang aklat), gayundin ang
marami sa kanyang footnote. Paumanhin, pero sa aking palagay tila nagyayabang si Mathers hinggil sa
kanyang kaalaman sa occult sa mga napakahahaba niyang mga paliwanag. Sa katunayan, mas mahirap
pang isalin ang pambungad at mga footnote niya kaysa tatlong aklat ni Abraham.

Habang pinag-aaralan ang laman ng aklat, lalo na ang mga tagubilin ni Abraham at Abramelin,
ating isaisip ang kontexto at panahon kung kailan isinulat ang aklat na ito. Si Abraham ay isang Jewish
Christian at kanyang isinulat ang aklat noong bandang 1458, kaya’ t hindi katakataka na ang kanyang
mga kaugalian, pamahiin at paniniwala ay naaayon sa panahong iyon at hindi angkop sa modernong
panahon. Halimbawa, hindi pinapayo ni Abraham at ni Abramelin na gawin ng kababaihan ang
operasyong ito. Hindi naman nila diretsang sinabi na ito ay bawal gawin ng mga kababaihan, ang
tanging dahilan lamang nila sa kanilang pagbabawal ay ang kadaldalan ng mga babae. Ibig lang sabihin
noon, walang kinalaman ang kasarian, bagkus ang ugaling pagiging madaldal ang hindi mabuti.

Sa pagkakataong ito, nais kong humingi ng paumanhin sa mambabasa kung sakaling may
makita silang pagkakamali sa aking pagsasalin. Aking isinagawa ang pagsasalin sa abot ng aking
makakaya, ngunit hindi ako eksperto sa wikang Ingles at hindi rin ako dalubhasa sa Pilipino kaya’t
marahil ay hindi maiiwasan na may makita kayong mali. Ang pagsasaling ito ay isang work-in-progress,
kaya’t aking pauunlakan ang lahat ng suhestiyon na makakatulong upang lalong mapaganda ang
bersyong ito sa wikang Filipino.

Salamat po.

Pili Losa
9

UNANG AKLAT

NG BANAL NA MAHIKA
Na ibinigay ng Dios kay Moises, Aaron, David, Solomon at iba
pang mga Santo, Patriyarka at Propeta; Na Nagtuturo ng Tunay
na Banal na Karunungan

Mula kay Abraham para sa kaniyang anak na si Lamech


10

Unang Aklat ng Banal na Mahika


Ang kasulatang ito ay maituturing na isang pambungad sa halip na isang aklat ng mga
alituntunin ukol sa pagtataglay ng Banal na Mahika1. Gayunpaman, Lamech, aking anak, matatagpuan
mo rito ang ilang mga halimbawa at iba pang mga bagay na makakatulong at magiging kapaki-
pakinabang sa iyo, bukod sa mga doktrina at aral na siya ko namang ilalahad sa iyo sa ikalawa at
ikatlong aklat. Hindi mo dapat ipagwalang-bahala ang pag-aaral ng unang aklat na ito na siyang
magsisilbing pambungad ukol sa katotohanan ng Banal na Mahika at sa pagsasagawa ng operasyong
ito, na akin namang natutunan mula sa aking ama at mula rin sa mga pantas at tapat na tao.
Napatunayan ko na totoo ang operasyong ito sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga eksperimento.
Aking isinulat ang aklat na ito sa sarili kong kamay at akin itong inilagay sa isang baul at isinilid
sapagkat ito ay maituturing na tunay na kayamanan. At sa pagsapit ng iyong tamang edad ito ay iyong
mapag-aaralan at hahangaan at iyong ikalulugod ang mga himala ng Panginoon. Samantala, ang iyong
nakakatatandang kapatid na si Jose, bilang panganay kong anak, ang siya naman tatanggap ng banal
na tradisyon ng Kabala.

Unang Kabanata
Lamech, aking ibinibigay sa iyo ang aklat na ito sapagkat ito ay nauukol para sa iyo bilang aking
bunsong anak na lalaki. Napakalaki ng aking magiging pagkakasala kung hindi ko maibabahagi sa iyo
ang pagpapalang ibinigay sa akin ng Dios nang buong puso at walang pagiimbot. Aking sisikapin na
maipaliwanag sa iyo ito nang payak at malinaw, bilang nag-iisang tao na nakasaksi sa katandaan ng
kataastaasan at tunay na karunungang ito. Ang katotohanang ito ay hindi nangangailangan ng
patalastas at mahabang paliwanag; ito ay payak at wasto. Ang kailangan lamang ay maging masunurin
ka sa lahat ng aking ilalahad at maging malugod sa kapayakan nito. Ikaw ay maging mabuti at
matuwid, at ikaw ay magtatamasa ng kayamanan na higit pa sa kaya kong ibigay sa iyo. Nawa ay
pagpalain ng Kaisa-isa at Kabanal-banalang Dios ang lahat ng tao at Kanyang patnubayan ang lahat
upang maunawaan ang misteryo ng Kabala at ng Kanyang Batas, subalit sila sana ay maging masaya sa
kung anuman ang ipagkaloob sa kanila ng Panginoon at huwag maghangad nang higit pa dito, gaya ng
nangyari kay Lucifer, sapagkat walang maidudulot ito sa kanila kundi kahihiyan at matinding
pagkabigo. Kinakailangang maging maingat at laging isaalang-alang ang hangarin, gaya ng aking
ginawa sa paglalahad ng paraan ng operasyon ng mahika. Dahil sa iyong kabataan, ang tangi kong
hangad ay mapukaw ang iyong damdamin upang ikaw ay mahikayat na magsaliksik ukol sa Banal na
Mahika. Subalit ang pagtataglay ng karunungan ay darating din sa katagalan – sa ganap at tamang
panahon. Ito ay ituturo sa iyo ng ibang mga pantas na higit sa akin – ang ibig kong sabihin ay ang mga
banal na anghel ng Dios. Walang tao na ipinanganak sa mundo na pantas, at dahil diyan obligasyon

1
Ginagamit rin ang mga terminong “salamangka”, “mahiya”, “mahiko”,“madyik” bilang Tagalog ng salitang
“magic.” ‘Mahika’ ang aking napiling salin sapagkat sa aking palagay mas madali itong maiintindihan sa
makabagong panahon.
11

natin na mag-aral. Siya na nag-aaral at isinasagawa ang mga ito ay matututo. Wala ngang mas
kahiya-hiya at mas masama pa kaysa matawag na mangmang.

Ikalawang Kabanata
Aking inaamin na ako ay hindi isinilang na pantas. Hindi ko nilikha ang agham na ito mula sa
sarili kong katalinuhan. Ito ay akin lamang natutunan mula sa iba, na aking ilalahad sa iyo ngayon nang
buong katotohanan.

Bago namatay ang aking amang si Simon ay binigyan niya ako ng ilang simbolo at alituntunin
ukol sa paano magtataglay ng karunungan ng banal na Kabala. Ngunit ang totoo, ang aking ama ay
hindi lubusang kinilala ang sagradong misteryo ayon sa tamang landas, at maging ako ay walang
kakayanang maintindihan nang ganap at lubos ang misteryo. Sapat na para sa aking ama ang kaniyang
mga nakagawian, at siya ay hindi na nagsaliksik pa ukol sa tunay na agham at sining ng mahika, na
ngayon nga ay nais kong ituro at ipaliwanag sa iyo.

Nang siya ay namatay noong ako ay beinte anyos pa lamang, ako ay nagkaroon ng masidhing
pagnanasa na maintindihan nang lubos ang mga tunay na misteryo ng Panginoon, subalit ako ay
walang kakayanan sa aking sarili na makamit ang aking minimithi.

Nalaman ko na sa Mayence ay may isang Rabbi na pinagpipitagan bilang isang pantas; at ang
balita siya ay nagtataglay ng banal na karunungan. Dahil sa aking masidhing kagustuhan na mapag-
aralan ang karunungang ito, ako ay nahimok na hanapin ang taong ito upang matuto mula sa kanya.
Subalit nabatid ko na maging ang taong ito ay hindi lubusang nagkamit ng pagpapala ng Panginoon.
Bagama’t kanyang sinikap na maihayag sa akin ang ilang mga misteryo ng banal na Kabala, hindi
naman siya nagtagumpay dito. Hindi karunungang galing sa Dios ang gamit niya sa kanyang mahika,
bagkus ito ay isang uri ng kulam at pamahiin ng mga hindi kumikilala sa Dios at ng mga sumasamba sa
mga dios-diosan. Ang ilan sa kanyang sining ay galing sa mga taga-Ehipto2, kasama na riyan ang mga
imahe ng mga taga-Medes at Persia, mga halamang-gamot ng mga Arabo, at maging sa kanilang
kaalaman ukol sa astrolohiya, at gayundin sa mga kaalaman ng iba’t ibang mga tao at bayan, at maging
mula sa mga Kristiyano at itim na mahika. Siya nga ay binulag ng mga demonyo -- sila ay sumusunod
sa kanyang mga katawa-tawa at walang kabuluhang mga utos – kaya’t siya ay napaniwala na ang
kanyang mga maling gawain ay tunay na mahika. Dahil sa kanyang paniniwala, hindi siya nagsikap na
magsaliksik pa ukol sa tunay at Banal na Mahika. Akin rin natutunan ang kanyang malalaking mga
eksperimento, at sa loob ng sampung taon ako ay nanatiling bulag sa napakalaking pagkakamaling ito.
Pagkalipas ng sampung taon, ako ay napadpad sa Ehipto at nakarating sa bahay ng isang matandang

2
Ayon sa footnote ni Mathers ang tunay na Kabala ay walang dudang mula sa Ehipto at sa karunungan ng
Silangan.
12

pantas na ang ngalan ay Abramelim3. Siya ang nagturo sa akin ng tamang landas, na aking ilalahad sa
iyo dito. Siya rin ang nagbigay sa akin nang higit na mabuting alituntunin at aral. Ngunit ang biyayang
ito ay ibinigay sa akin ng Amang makapangyarihan sa lahat, na siyang unti-unting nagbigay liwanag sa
aking pang-unawa at siyang nagbukas sa aking mga mata upang maintindihan, mapagisipan,
mamangha at magsaliksik ukol sa banal na karunungan. Dahil diyan ay nagkaroon ako ng pagkakataon
na higit na maunawaan ang sagradong misteryo na sa pamamagitan nito ay nakilala ko ang mga Banal
na Anghel at akin silang natunghayan at nakausap. Sila naman ang nagturo sa akin ukol sa saligan ng
Tunay na Mahika at kung paano mapapasunod at mapapangibabawan ang mga masasamang espiritu.
Samaktwid, bilang pagtatapos sa yugtong ito, masasabi ko na kung hindi dahil kay Abramelin ay hindi
ko sana matutunan ang tamang karunungan at kung hindi dahil sa mga Banal na Anghel ng Dios ay
hindi ko matutunan ang tunay at wagas na mahika.

Ikatlong Kabanata
Naibahagi ko kanina na pagkatapos mamatay ng aking ama ay sinikap kong magsaliksik ukol sa
tunay na karunungan at misteryo ng Panginoon. Ngayon, aking isasalaysay ang ilang mga lupain at
bayan na aking narating upang matutunan ang mga mabuting bagay. Aking ilalahad ito upang ako ay
maging halimbawa sa iyo at upang hindi maaksaya ang iyong kabataan sa mga bagay na walang
kabuluhan, gaya ng ginagawa ng mga kabataang babae na mahilig magdaldalan. Wala nang mas
nakalulungkot at nakapanghihinayang sa tao kaysa pagiging mangmang. Ang taong masipag sa
pagtatrabaho at paglalakbay ay maraming natutunan, at ang tao na hindi marunong umasal at
pamahalaan ang sarili kapag nasa malayong dako ay hindi rin marunong sa kanyang sariling tahanan.

Sa pagkamatay ng aking ama, ako ay nanirahan ng apat na taon kasama ang aking mga kapatid
at ako ay nag-aral mabuti kung paano mapapakinabangan ang mga iniwan sa akin ng aking ama nang
siya ay pumanaw. Dahil sa kulang ang aking kakayanan na punan ang mga gastusin namin noon, ako
ay umalis pagkatapos kong maisaayos ang lahat ng aking mga obligasyon at tungkulin sa abot ng aking
makakaya. Ako ay tumungo mula sa Vormatia4 papuntang Mayence upang hanapin ang isang
matandang Rabbi na ang ngalan ay Moses. Umaasa na sa kanya ko matatagpuan ang aking hinahanap.
Gaya ng sinabi ko kanina sa naunang kabanata, ang kanyang agham ay hindi nakasalig sa tunay na
banal na karunungan. Ako ay nanirahan kasama niya sa loob ng apat na taon, panahon na nasayang
datapwa’t noon ay pilit akong naniwala na aking natututunan ang mga bagay na nais kong malaman.
Naisipan ko lamang bumalik sa tahanan ng aking ama pagkatapos kong makilala at maging kaibigan
ang isang binata na kabilang din sa aking relihiyon, - si Samuel, isang taga-Bohemia. Mula sa kanyang
pag-uugali at uri ng pamumuhay ay nakita kong nais niyang mamuhay, lumakad at mamatay ayon sa

3
Iba’t iba ang pagkabaybay ni Abraham sa pangalang ito – Abramelin, Abramelim, Abramelino, Abra-melin.
4
Isang distrito sa ilalim ng pamamahala ng “Worms” na ang tawag sa Latin noon araw ay “Vormatia.”
13

Panginoon at banal na Kautusan, at dahil diyan kami ay naging malapit na makaibigan. Naibahagi ko
sa kanya ang aking mga damdamin at mithiin. Siya ay nagpasya na maglakbay patungong
Constantinople upang makasama ang kanyang kapatid at ama, at mula doon ay dumaan sa Herusalem
kung saan nanirahan ang aming mga ninuno at kung saan din ay pinalayas ng Dios ang aming lahi dahil
sa aming mga kasalanan. Nang malaman ko ang kanyang balak ay nagkaroon ako ng masidhing
pagnanasa na sumama sa kanyang paglalakbay. Ako ay naniniwala na nais din ng makapangyarihang
Dios na sa ganitong paraan ay mapukaw ang aking kaisipan sapagkat hindi ako nakatagpo ng
katahimikan hangga’t hindi kami nagkasundo ng aking kaibigan na ang paglalakbay na ito ay gagawin
namin magkasama.

Noong ika-13 ng Pebrero, taong 1397, ako at si Samuel ay nagsimulang maglakbay. Kami ay
dumaan sa Germany, Bohemia, Austria, at mula doon ay sa Hungary at Gresya patungong
Constantinople, kung saan kami ay nanirahan ng dalawang taon. Hindi sana ako aalis doon kung hindi
lamang dahil sa pagpanaw ni Samuel bunga ng isang biglaang pagkakasakit. Nang ako ay nag-iisa na
lamang, naisipan kong maglakbay muli at dahil diyan ay nagpalaboy-laboy ako sa iba’t ibang dako
hanggang sa katagalan ay nakarating ako sa Ehipto. Pagkatapos kong masubukan ng apat na taon sa
iba’t ibang lupain ang mahikang itinuro sa akin ni Rabbi Moses, lalo naman tumindi ang aking
pagaalinlangan ukol dito. Ako ay nagpatuloy sa aking paglalakbay patungo sa aking sinaunang bayan,
kung saan naman ako ay nanirahan ng isang taon. Dito ay wala akong ibang nasaksihan o narinig kundi
mga kahirapan, kapahamakan at kalungkutan. Pagkatapos niyan ay nakilala ko ang isang Kristyano na
gaya kong naglalakbay din upang hanapin ang katotohanan. Kami ay nagkasundo na magkasamang
maglakbay patungo sa disyerto ng Arabia upang magsaliksik ukol sa aming minimithi. Dahil sa mga
sinasabi ng mga tao, kami ay napaniwala na sa lupaing iyon ay aming matatagpuan ang mga tapat at
madudunong na tao, na doon sila ay naninirahan upang makapag-aral nang walang anumang balakid at
gugulin ang kanilang buhay at panahon sa sining na aming hinahanap. Ngunit maging doon ay hindi
namin natagpuan ang aming hinahanap, at naisipan ko na bumalik na lamang sa aking tirahan. Ito ay
aking ipinagtapat sa aking kasama ngunit siya naman ay nagpasiya na ipagpatuloy ang kanyang kalakal
at hanapin ang kanyang mabuting kapalaran. Ako naman ay naghandang bumalik.

Ikaapat na Kabanata
Sa aking paglalakbay pabalik sa aking bayan, nakapagmuni-muni ako tungkol sa nasayang na
panahon na aking ginugol sa paglalakbay, at sa laki ng halagang aking ginugol na wala namang kapalit,
at sa kawalan ng tagumpay ng aking minimithi na siyang dahilan ng aking paglalakbay. Sa aking pag-
alis sa disyerto ng Arabia, ako ay tumungo sa Palestinia, kaya’t napadaan ako ng Ehipto. Anim na
buwan akong naglakbay at sa wakas ay nakarating ako sa isang maliit na bayan ng Arachi sa tabi ng ilog
Nile. Doon ako ay pansamantalang tumuloy sa bahay ng isang matandang Hudyo na ang pangalan ay
Aaron. Dati na rin akong tumuloy sa bahay nito sa aking unang paglalakbay, at sa kanya ay naipahayag
14

ko ang aking damdamin. Ako ay kanyang tinanong kung ako ba ay nagtagumpay, kung natagpuan ko
ang aking hinahanap. Malungkot kong ibinalita sa kanya na ako ay hind nagtagumpay at sa kanya ay
inilahad ko nang buong-buo ang aking mga pinagdaanan. Sa tindi ng aking kalungkutan ako ay
napaiyak habang nagsasalaysay at ito ay nakatawag-pansin sa isa pang matandang lalaki. Siya ay
naawa sa akin, at upang ako ay maaliw kanyang sinabi na habang ako ay naglalakbay ay may narinig
siya na isang disyerto di-kalayuan sa bayan ng Arachi, kung saan may isang lalaking pantas at maka-
Dios na ang pangalan ay Abramelino. Ako ay kanyang pinayuhan na tumungo sa taong ito at sa awa ng
Dios ay makamit ko ang aking minimithi. Tila hulog ng langit ang aking narinig, at ako ay nakaramdam
ng kaligayahan sa aking puso na mahirap maipaliwanag. Hindi ako natahimik hangga’t hindi pumayag
si Aaron na ako ay samahan ng isa niyang kakilalang lalaki upang aking maging gabay sa pinakamalapit
na daan patungo sa sinasabing pantas. Naglakbay kami sa isang pinong-pinong disyerto sa loob ng
tatlong araw at kalahati na walang nakita ni isang kaluluwa. Sa wakas ay nakarating kami sa paanan ng
isang maliit na bundok na napapalibutan ng mga puno. Doon ay sinabi ng aking gabay, “Sa maliit na
kagubatang ito ay matatagpuan mo ang taong iyong hinahanap.” Pagkatapos niyang ituro sa akin ang
direksyon ay minabuti niyang huwag na akong samahan at bumalik na sa kanyang tahanan kasama ang
mola na siyang nagdala ng aming mga pagkain. Wala na akong nagawa kundi manalangin na ako ay
patnubayan ng Dakilang Maykapal. Tila dininig naman Niya ang aking panalangin sapagkat sa aking
pagtingin sa di-kalayuan ay nakita kong may parating na isang kapita-pitagang matandang lalaki. Ako
ay kanyang binati nang buong puso gamit ang wikang Chaldea at ako ay kanyang inanyayahan sa
kanyang tahanan. Malugod kong tinanggap ang kanyang alok habang nagpapasalamat ng marami sa
Dios sa Kanyang pagdinig sa aking panalangin. Lubhang napakagalang at napakabait sa akin ng
matandang lalaki at sa buong panahong kasama ko siya ay wala siyang ibang bagay na sinabi sa akin
kundi ang ukol sa pagkakaroon ng takot sa Dios. Ako ay kanyang pinayuhan na mamuhay palagi nang
tapat at matuwid, at paminsan-minsan ay pinapaalahanan niya ako ukol sa ilang pagkakamali ng mga
tao bunga ng kanilang kahinaan. Kanya rin pinaunawa sa akin na kanyang kinamumuhian ang
pagtatamasa ng kayamanan at mga ari-arian gaya ng pangkaraniwang ginagawa ng mga tao sa mga
bayan – ang labis na pagpapatubo sa mga utang na nagdudulot naman ng pinsala sa ating kapwa-tao.
Kanyang hiningi sa akin ang isang mataimtim at tapat na pangako na aking babaguhin ang aking
paraan ng pamumuhay at huwag mabuhay ayon sa mga maling aral, maliban sa daan at batas ng
Panginoon. Kailanman ay hindi ko nilabag ang pangakong ito sa kanya, maging nang makasama ko
ang aking mga kamag-anak at kapwa Hebreo, na tinuturing kong mga masasama at mga hangal.
Sinabi ko na lamang sa aking sarili, “Hayaan nating manaig ang kalooban ng Dios, at huwag nating
pabayaan na tayo ay mawalay mula sa tamang daan dahil sa mga mandarayang tao.”

Dahil sa alam ni Abramelin ang sidhi ng aking pagnanasang matuto, ako ay kanyang binigyan
ng dalawang kasulatan, gaya nitong kasulatan na aking pinapamana sa iyo, Lamech, aking anak.
Subalit ang mga ito ay mahirap unawain, at sinabi niya sa akin na aking kopyahin nang buong ingat ang
aklat, na siya ko namang ginawa, at aking maingat ng sinuri ang bawat isa. At ako ay kanyang tinanong
kung ako ay may salapi, ang tugon ko sa kanya ay “Opo.” Ako ay hiningan niya ng sampung gintong
salapi, na ayon sa utos sa kanya ng Panginoon ay kanya naman ipamamahagi sa pitumpu’t dalawang
mahihirap na tao. Sila naman ay hiniling na magdasal ng ilang talata mula sa Awit sa Biblia.
Pagkatapos niyang isagawa ang pista ng Sabbath, ay naghanda siya upang tumungo sa Arachi
15

sapagkat ang utos sa kanya ay siya ang dapat mamahagi ng salapi. Ako naman ay kanyang sinabihan
na mag-ayuno ng tatlong araw – samaktwid, sa darating na Miyerkules, Huwebes at Biyernes.
Pinagbawalanniya ako na kumain ng dugo at anumang bagay na walang buhay at masiyahan sa isang
magaang pagkain sa bawat araw. Ako ay kanya ring inutusan na gawin nang wasto ang mga bagay na
ito, na walang palalampasin kahit na pinakamaliit na bagay. Ayon sa kaniya, mahalaga na maayos ang
panimula ng isang gawain upang maging maayos din ang kabuuan. Ako ay kanyang inutusan na
dasalin ang pitong Awit ni David isang beses kada araw sa loob ng tatlong araw, at huwag gumawa ng
anumang gawaing pang-alipin. Sumapit ang araw ng kanyang pag-alis, at kanyang dinala ang
salaping aking ibinigay sa kanya. Tapat ko namang sinunod ang kanyang mga utos, aking ginawa ang
bawat isang bagay na kanyang ibinilin sa akin. Pagkatapos ng labing-limang araw siya ay bumalik, at sa
kanyang pagdating ako ay kanyang inutusan na sa susunod na araw (araw ng Martes), bago sumikat
ang araw, aking ikumpisal sa Panginoon nang buong taimtim at pagpapakumbaba ang lahat ng aking
mga kasalanan sa buhay, at aking ialay ang isang tapat na pangako at matibay na pasiya na Siya ay
aking pagsisilbihan at katatakutan nang higit pa sa mga nagawa ko nang nagdaang panahon, na ako ay
mamumuhay at mamamatay ayon sa sagradong batas at susunod sa Kanyang kautusan. Akin ngang
ginawa ang pangungumpisal nang wasto at buong taimtim. Natapos ang aking pangungumpisal sa
paglubog ng araw, at kinabukasan ako ay humarap kay Abramelin, at nakangiti niyang sinabi sa akin,
“Sa ganyang anyo lamang kitang tatanggapin.” Ako ay kanyang pinapasok sa kanyang tirahan kung
saan ay kinuha ko ang dalawang kasulatan na aking sinipi, at ako ay kanyang tinanong kung tunay ba at
buong tapang kong minimithi ang banal na agham at Tunay na Mahika. Ang tugon ko sa kanya ay ito
lamang ang tangi kong minimithi at siyang nagtulak sa akin upang tahakin ang mahaba at mahirap na
paglalakbay na aking ginawa, na ako ay umaasa na kaaawaan ng Dios. Sagot niAbramelin.“ At ako,
bilang nagtitiwala sa awa ng Dios, aking ipinagkakaloob at ibinibigay sa iyo ang Banal na Agham, na
iyong matutunan mula sa pamamaraang nilalahad sa dalawang munting kasulatang ito, kung saan wala
ni isang maliit na bagay kang iwawaksi, at kailanman ay hindi ka magmumuni-muni nang matagal o
magbibigay ng kuro-kuro ukol sa kung ano ang dapat at di-dapat sapagkat ang may-akda nito ay siya
ring Dios na naglikha ng lahat ng bagay mula sa wala. Kailanman ay hindi mo gagamitin ang Banal na
Agham na ito sa bagay na ikakagalit ng dakilang Dios at sa ikasasama ng iyong kapwa. Hindi mo
kailanman ibabahagi ang agham na ito sa kahit kanino na hindi mo nakikilala nang lubusan sa
pamamagitan ng mahabang pakikisama at pakikipag-usap upang iyong masuri nang mainam kung ang
kanyang hangarin ay mabuti o masama. At kung iyong nais ipagkaloob ito sa kanya, nararapat ngang
iyong ipagawa sa kanya nang lubos at wasto ang gaya ng ipinagawa ko sa iyo, sapagkat kung hindi siya
ay hindi rin magtatagumpay. Kailanman ay hindi mo dapat pagkakitaan o gawing hanap-buhay ang
agham na ito, sapagkat ang biyaya ng Dios ay kanyang ibinibigay sa atin nang walang kabayaran,
kaya’t nararapat lamang na ganito ang ating gawin ukol sa banal na karunungan. Ang tunay na
karunungang ito ay magtatagal sa iyo at sa iyong henerasyon sa loob ng pitumpu’t dalawang taon, at
pagkatapos noon ay hindi na ito magiging pag-aari ng ating lahi lamang. Huwag ka nang mag-aksaya
ng panahon na subukang unawain kung bakit, sa halip ay magpasalamat ka na ito ay napasa-ating lahi,
at tayo ay nakatulong sa sangkatauhan at maging sa Panginoon.” Sa labis kong kasiyahan at
pasasalamat sa pagtanggap ng dalawang kasulatang ito ay tinangka kong lumuhod sa harap ni
Abramelin ngunit ako ay kanyang pinigilan at sinabing tanging sa Dios lamang tayo dapat lumuhod.
16

Pinapatotohanan ko sa iyo, aking anak, na ang dalawang aklat na ito ay wasto ang
pagkakasulat, at iyo lamang silang matutunghayan pagkatapos ng aking kamatayan, at iyong
mapapatunayan kung gaano ang pagpapahalaga ko sa iyo. Tunay ngang bago ako umalis sa tahanan ni
Abramelin ay binasa at pinag-aralan ko nang mabuti ang mga kasulatang ito at kung may mga bagay
akong hindi naunawaan ay nagtatanong ako sa kanya at kanya naman itong ipinaliwanag sa akin nang
buong tiyaga at pang-unawa. Pagkatapos kong maintindihan ang lahat, ako ay lumisan na sa kanyang
tahanan. Ngunit bago yan ay binigyan niya ako ng isang basbas – isang simbolo na hindi lamang
ginagamit ng mga Kristiyano pati na ng ating mga ninuno. Ang ginamit kong landas sa aking pagbalik
ay ang Constantinople, at sa aking pagdating doon ako ay nagkasakit ng dalawang buwan. Subalit sa
awa ng Dios ako ay gumaling at nanumbalik ang aking lakas. Mula doon ay sumakay ako sa isang
sasakyang-pandagat patungong Venice, at pagkatapos kong makapagpahinga ng ilang araw sa Venice,
ako naman ay naglakbay patungong Trieste kung saan naman ay naglakbay ako papuntang Dalmatia.
Sa katagalan ay nakarating din ako sa aming tahanan kung saan naroroon ang aking mga kaanak at
kapatid.

Ikalimang Kabanata
Hindi sapat ang nakapaglakbay sa ibang mga bayan at lupain kung wala namang natutunan
dito. Kaya nga upang maging mabuting halimbawa sa iyo, aking ilalahad sa iyo ngayon ang mga
kababalaghan ng sining na ito na aking natutunan habang akong ay naglalakbay sa mundo. Isasalaysay
ko rin ang mga iba’t ibang uri ng mahika mula sa iba’t ibang bayang aking napuntahan. Sa ikaanim na
kabanata ng aklat na ito, akin naman ikukwento ang mga ilang bagay na aking nakita at sa
pamamagitan ng mga pagsubok ko sa kanila ay sasabihin ko sa iyo kung ang mga ito ay tama o mali.

Gaya ng sinabi ko, ang una kong guro ay si Rabbi Moses na taga-Mayence. Datapwa’t siya ay
isang mabuting tao, siya ay mangmang ukol sa tunay at banal na misteryo ng mahika. Ang kanyang
nalalaman at ginagamit ay tanging mga pamahiin na kanya naman natutunan sa mga mga taong hindi
naniniwala sa Dios. Ang mga ito ay pawang kaululan at kamangmangan ng mga pagano at mga
sumasamba sa dios-diosan. Dahil diyan ay itinuring siya ng mga mabubuting anghel at banal na
espiritu na hindi karapat-dapat upang kanilang bisitahin at kausapin, at siya nga ay pinaglaruan ng mga
masasamang espiritu. Kung minsan, sila ay nakikipag-usap sa kanya at kanilang sinusunod ang
kaniyang mga hiling upang siya ay linlangin at mailigaw mula sa tunay at dakilang karunungan.

Sa Argentina ay nakilala ko ang isang Kristiyano na ang pangalan ay Jaime. Kilala si Jaime
bilang isang pantas at magaling na salamangkero, subalit aking nalaman na siya ay huwad at ang
kanyang mahika ay palabas lamang.

Sa bayan ng Prague ay nakilala ko ang isang buhong lalaki na nagngangalang Antony,


dalawampu’t limang taon, na tunay namang nagpakita sa akin ng mga kababalaghan. Nawa ay
17

kaawaan tayo ng Panginoon upang tayo ay hindi mahulog sa napakalaking pagkakamali gaya nito,
sapagkat inamin sa akin ni Antony na siya ay nakipagkasunduan sa demonyo at kanya inialay sa
demonyo ang kanyang katawan at kaluluwa at kanyang nang itinakwil ang Dios at lahat ng mga santo.
Pinangakuan siya ng kampon ni Leviathan na siya ay pagkakalooban ng maginhawang pamumuhay sa
loob ng apatnapung taon. Bilang kanyang bahagi sa kasunduan nila ng demonyo, sinikap ni Antony na
ako ay mahikayat at mahulog sa ganitong pagkakamali at kasalanan, subalit akin siyang nilayuan at sa
kalaunan ay nilisan ko ang bayan ng Prague. Hanggang ngayon ay usap-usapan sa lahat ng sulok ang
malagim na katapusan ni Antony. Kaawaan sana tayo ng Panginoon na huwag tayong mahulog sa
ganitong kasalanan. Maging babala sana sa atin ito upang tayo ay lumayo sa lahat ng masasamang
gawain at mga mapinsalang pagsusuri o kuryusidad.

Sa Austria ay marami akong nakilala subalit silang lahat ay pawang mga mangmang o kaya
naman ay gaya lamang ng mga taga-Bohemia.

Ang mga mamamayan naman ng kaharian ng Hungary ay hindi kinikilala ang Dios o ang
Diyablo, at masasahol pa sila sa hayop.

Sa Gresya ay maraming marurunong at may isip na tao, subalit lahat sila ay hindi kumikilala sa
Dios. Doon ay may nakilala akong tatlong tao na nakatira sa disyerto at sila ay nagpamalas sa akin ng
mga kamangha-manghang mga bagay gaya ng paglikha ng bagyo sa isang iglap, pagpapasikat ng Araw
sa gabi, pagpigil sa pagdaloy ng ilog, pagkakaroon ng dilim sa oras ng katirikan ng araw. Ang lahat ng
ito ay kaya nilang gawin sa pamamagitan ng kapangyarihan ng kanilang balani at mga seremonyas
ayon sa kanilang pamahiin.

Malapit sa Constantinople, sa isang pook na tinatawag na Ephiha, may isang lalaki na sa halip
na balani ay mga numero ang gamit, at sa pamamagitan ng pagsulat ng mga numero sa lupa ay
nakakagawa siya ng kamangha-mangha at nakapangingilabot na mga pangitain, subalit ang ganitong
uri ng sining ay walang mabuting pakinabang maliban sa pagkaligaw ng kaluluwa at katawan sapagkat
ang lahat ng ito ay nangyayari dahil sa pakikipagkasunduan sa masasamang espiritu na walang matibay
na pundasyon. At gayundin ang ganitong uri ng sining ay nangangailangan ng mahabang panahon
upang matutunan at bukod diyan ang mga ito ay hindi totoo, at kung hindi tagumpay ang kanilang
mahika, libo-libong mga kasinungalingan at pangangatwiran ang ibibigay nila sa iyo.

Gayundin sa Constantinople ay may nakilala akong dalawang lalaki nagngangalang Simon at


Rabbi Abraham, at sila ay maituturing na gaya ni Rabbi Moses ng Mayence.

Sa Ehipto ay may nakilala akong limang lalaki na pinagpipitagan at kinikilala bilang mga pantas.
Ang apat sa kanila, sila Horay, Abimech, Alcaon, at Orilach, ay nagsasagawa ng mahika ayon sa mga
bituin at kalangitan at sinasamahan din nila ng mga panalangin sa masasamang espiritu. Kanilang
pinapahirapan ang kanilang mga sarili. Ang ikalima sa kanila, si Abimelu, ay nagsasalamangka sa
pamamagitan ng tulong ng mga demonyo na ginagawan niya ng mga imahe at inaalayan ng mga
sakripisyo kaya nga’t sila ay sumusunod sa kanya.
18

Gumagamit naman ng mga halaman at bato ang mga taga-Arabia. Dahil sa awa ng Dios ay
nakabalik ako doon at ako ay ginabayan Niya upang makilala si Abramelin na siya namang nagturo sa
akin ng mga lihim na karunungan at nagbukas para sa akin ng bukal at tunay na pinagmumulan ng
banal na misteryo at ng tunay na salamangka na ibinigay ng Dios sa ating mga ninuno.

Sa Paris ay nakilala ko si Jose na itinakwil ang kanyang pagka-Kristiyano upang maging Hudyo.
Ang taong ito ay nagsasagawa ng mahika gaya ng kay Abramelin datapwa’t malayo pa siya upang
maging ganap ang kanyang kaalaman sapagkat kailanman ay hindi ipagkakaloob ng makatarungang
Dios ang ganap, tunay at napakahalagang kayamanang ito sa mga taong nagtatakwil sa Kanya kahit pa
nga ba sila ay tinuturing na pinakabanal at perpektong tao sa buong mundo. Ako ay labis na nagtataka
sa mga taong nabubulag ng mga masasamang espiritu, sa mga nagagalak sa mga kasinungalingan, at
maging sa mga demonyo na pumapayag na sila ay gamitin sa mga panggagaway at pagsamba sa dios-
diosan sa pamamagitan ng iba’t ibang paraan na ang katapusan ay pagkaligaw ng kaluluwa. Tunay
ngang si Satanas ay manlilinlang at masama ang hangarin, at ang Mundo naman ay marupok at buktot,
kaya’t hindi na dapat maging katakataka pa ito. Kaya nga ating buksan ang ating mga mata at sundin
mo ang aking mga ilalahad ngayon. Tayo ay huwag sanang mailigaw ni Satanas, ng ibang tao, o
maging ng ibang aklat na nagsasabing ito ay magtuturo ng salamangka, sapagkat ang totoo ay
napakarami kong ganitong uri ng aklat na kung hindi dahil sa aklat ni Abramelin ay maaaring ang mga
ito ang naipamana ko sa iyo. Wala ni isa sa mga aklat na ito ang nagkakahalaga ng kahit isang kusing.
Subalit dahil sa kamangmangan ng tao, ang mga ito ay kanilang binibili nang napakamahal at nauubos
ang kanilang salapi, panahon, lakas at, higit sa lahat, ang kanilang kaluluwa.


19

Ikaanim na Kabanata
Ang banal na takot sa Dios ang tunay na karunungan, at siya na hindi nagtataglay nito ay hindi
kailanman mauunawaan ang tunay na lihim ng mahika. Siya ay nagtatayo ng bato sa buhangin at ang
kanyang gawain ay hindi magtatagal. Ako ay hinikayat ni Rabbi Moses na maging matalino subalit
maging siya, gamit ang mga pananalita na hindi nauunawaan niya o ng ibang tao,at gamit ang mga
simbolo na nagagawang patunugin ang mga kampana, sa pamamagitan ng mga kasuklam-suklam na
panalangin ay nagagawa niyang palabasin sa isang baso ang mga magnanakaw, at sa pamamagitan ng
tubig ay nagawa niyang magmukhang bata ang isang matanda (sa loob ng dalawang oras lamang).
Lahat ng ito ay itinuro niya sa akin, subalit ang mga ito ay pawang kahambugan, kapalaluan at mga
panlilinlang ng demonyo na walang mabuting kahihinatnan kundi ang pagkaligaw ng kaluluwa. At
nang aking natutunan ang tunay at Banal na Mahika, sila ay aking kinalimutan at inalis sa puso.

Ito namang taga-Bohemia na walang kinilalang Dios ay nakagawa rin ng mga


kamanghamanghang bagay sa tulong ng kanyang mga kaibigan at alipin. Nagawa niyang maglaho,
lumipad at makapasok sa susian ng mga nakakandadong silid. Alam niya ang ating mga lihim at
maging mga karunungan na Dios lamang ang nakakaalam. Subalit napakalaki ng kapalit ng kanyang
mahika sapagkat siya ay nakipagkasunduan kay Satanas na kanyang gagamitin ang kanyang kaalaman
sa paghamak sa Dios at sa pananakit ng kapwa. Sa bandang huli ay natagpuan ang kanyang katawan
na nakahandusay sa kalsada, at ang kanyang ulo na walang dila sa isang kanal. Ito ang kanyang sinapit
mula sa kanyang salamangka na galing sa demonyo.

Sa Austria, ang mga salamangkero doon ay walang ginawa kundi pumatay at magpahirap sa
ibang tao, magdulot ng alitan sa mga mag-asawa upang magsanhi ng diborsyo, kulamin ang mga
babaeng nagpapasuso ng mga sanggol sa pamamagitan ng pagtatali sa isang uri ng puno upang tumigil
ang daloy ng kanilang gatas sa dibdib, at kung anu-ano pang kasamaan. Sila ay ubod ng sama, at sila
ay nakipagkasunduan kay Satanas at sila ay naging kanyang alipin dahil sa kanilang pangako sa kanya
na sila ay hindi kailanman titigil sa pagpapahirap sa mga tao. Ang iba rito ay nabuhay ng dalawang
taon, ang iba ay tatlo, at pagkatapos niyan ay sinapit din nila ang kamatayan na tulad ng sinapit ng
taga-Bohemia.

Sa Lintz ay may nakilala akong isang dalaga. Isang gabi ay niyaya niya ako na samahan siya sa
isang dako at nangako siya sa akin na dito ay matatagpuan ko ang aking sarili. Ako naman ay
nakumbinsi sa kanyang mga pangako. Pagkatapos ay pinahiran niya ako ng langis sa aking mga paa at
kamay, at ganito rin ang ginawa niya sa kanyang sarili. Sa una, tila ako ay nakalipad sa dakong nais
kong puntahan, ngunit ito ay hindi ko sinabi sa kanya.

Bilang respeto sa kanya, tahimik kong hinayaan ang mga nakikita ko na tunay namang
kahanga-hanga sapagkat tila ba ako ay totoong nasa dakong iyon. Sa aking paggising ay nakaramdam
ako ng matinding pananakit ng ulo at labis na depresyon. Pagbaling ko ay nakita ko siya na nakaupo sa
aking tabi. Inilahad niya sa akin ang kanyang mga nakita na kakaiba naman sa aking nakita.
Gayunpaman, ako ay labis na napahanga sapagkat parang ako ay totoong napunta sa dakong iyon.
Minsan ay hiniling ko sa kanya na bumalik siya sa dako na iyon at ako ay dalhan niya ng balita ukol sa
20

aking kaibigan, na alam ko namang nakatira sa isang napakalayong dako. Siya ay nangako na gagawin
niya ito sa loob ng isang oras. Pinahiran niya ang kanyang katawan ng langis at ako naman ay
nagmatyag kung totoo bang siya ay makalilipad patungo doon. Sa halip ay nawalan siya ng malay, at
sa loob ng tatlong oras ako ay nagsimulang mag-alala na baka siya ay tuluyang pumanaw. Sa wakas ay
nagsimula siyang magising, at pagkatapos ay bigla siyang umupo at malugod na ikinuwento sa akin ang
kanyang paglalakbay. Sabi niya ay napuntahan niya ang tirahan ng aking kaibigan at nakita ang
kanyang mga ginagawa na taliwas sa tamang propesyon ng aking kaibigan. Kaya nga aking naisip na
ang lahat ng kanyang nakita ay panaginip lamang at ang kanyang langis-pampahid ay ang nagsasanhi
ng mga kamanghamanghang panaginip. Kanyang inamin sa akin na ang langis na iyon ay bigay sa
kanya ng Demonyo.

Ang lahat ng mga sining ng mga Griyego ay pawang mga panggagaway lamang at mga
gayuma, at sila ay patuloy na ginagapos ng mga demonyo sa ganitong uri ng mahika upang hindi nila
matutunan ang batas ng tunay na mahika na makapagbibigay sa kanila ng higit na kapangyarihan.
Dahil dito, ako ay naniniwala na ang kanilang kaalaman ay walang kapangyarihan at tunay na
pakinabang, at maaari pa ngang magdulot ng kapahamakan sa isang salamangkero. Ito rin ang
sinasabi sa akin ng marami sa kanila nang aking makamit ang tunay at banal na Mahika. Ayon din sa
kanila, marami sa kanilang kaalaman ang galing sa mga sinaunang Sybil. Mayroon din mahika na
tinatawag na Puti at Itim at mayroon ding galing sa mga anghel na tinatawag na Teatim. Ako ay
nakasaksi na ng ganitong uri ng mahika at aking masasabi na sila ay napakaganda at mainam. Kung
hindi lamang alam ko na tunay ngang lason ang natatago sa likod ng karunungang ito, ako ay
maniniwala sa kanila. Aking ibinubunyag sa inyo ang mga bagay na ito sapagkat napakadaling
magkamali kung tayo ay hindi magiging maingat.

May isang manunulat ng mga simbolo na nagbigay sa akin ng kung anu-anong mga gayuma at
orasyon para sa masasamang hangarin. Siya ay nagsagawa ng mga kababalaghan sa pamamagitan ng
numero na sadyang kakaiba at pagkarami-rami. Bilang patunay, nagawa niyang patumbahin ang isang
malaking puno na nakatayo malapit sa aking bahay at sa maikling panahon ay nalagas ang mga dahon
at bunga nito. Sinabi niya sa akin na ang mga numero ay nagtatago ng malaking misteryo sapagkat sa
pamamagitan ng numero ay makakagawa ng maraming operasyon para magkamit ng kaibigan,
kayamanan at iba-iba pang mga bagay, mabuti man o masama. Kanyang tiniyak sa akin na kanyang
nasubukan ang mga ito datapwa’t hindi siya nagtagumpay sa kabila ng kanyang paniniwala sa mga ito.
Nalaman ko mula sa pantas na si Abramelin na ang tagumpay ng ganitong uri ng operasyon ay
nakasalalay sa kaalaman ng Kabala. Ang lahat ng ito ay aking nasaksihan at aking natutunan nang
dahil sa pakikipagkaibigan ko sa mga taong nakakaalam ng ganitong uri ng mga misteryo. Aking
sinunog ang mga pormulang ito sa bahay ni Abramelin sapagkat ang mga ito ay taliwas sa kalooban ng
Dios at pag-ibig sa kapwa. Bawat taong edukado at maingat ay maaaring magkamali kung hindi siya
gagabayan at ipagtatanggol ng anghel ng Panginoon, na siyang tumulong at nagligtas sa akin mula sa
kapahamakan, at siyang naggabay sa akin mula sa kadiliman patungo sa kaliwanagan. Akin mismong
nasaksihan at nasubukan ang kabutihan ng pantas na si Abramelin na tumanggap sa akin ng buong
puso bilang kaniyang disipulo. Batid niya kung ano ang mga nais kong malaman at matutunan bago ko
pa man ito hiniling sa kanya. Kanya rin inilahad sa akin ang lahat ng aking mga pinagdaanan mula sa
21

pagkamatay ng aking ama hanggang sa mga oras na iyon. Ito ay maituturing na isang panghuhula
datapwa’t hindi ko iyon naiintindihan nang mga panahong iyon. Marami siyang itinuro sa akin, ngunit
higit sa lahat diyan ay ang karunungan ng Kabala na ibinigay ko naman sa iyong panganay na kapatid
na si Jose, ayon sa ating tradisyon, pagkatapos niyang mapatunayan na siya ay handa na upang
matutunan ang Kabala at ang Banal na Mahika, na aking ihahayag sa iyo sa susunod na dalawang aklat.
Ipinahayag ni Abramelin sa akin ang mga alintuntunin ng Banal na Mahika gaya ng isinagawa ng ating
mga ninuno na sina Noah, Abraham, Jacob, Moises, David at Solomon na ginamit sa katiwalian ang
karunungang ito at tumanggap ng kaparusahan dahil diyan.

Sa ikalawang aklat, aking ilalarawan nang buong-buo at maliwanag na maliwanag ang


karunungang ito upang kung sakali man bawiin ng Dios ang aking buhay bago pa man ikaw dumating
sa takdang edad, iyong matatagpuan sa tatlong maliit na aklat na ito ang walang-kapantay na
kayamanan at ang mabuting panginoon at guro, sapagkat sa ikatlong libro ay matatagpuan mo ang
maraming simbolo na aking nasaksihang ginamit ni Abramelin at aking personal na sinubukan.
Masasabi ko sa iyo na ang mga ito ay totoo. Bukod kay Abramelin, wala na akong iba pang nakikilala na
nagtagumpay sa paggamit nito. Datapwat ito rin ang landas na tinahak nina Jose at Paris, hindi naman
minarapat ng Dios na ibigay sa kanila ang buong karunungan sapagkat kanilang kinamuhian ang
Kristyanismo. Ang totoo, maging Kristyano, Hudyo, Pagano, Turko, mga walang Dios, o iba pang
relihiyon ay maaaring makamit nang ganap ang karunungang ito at maging pantas. Subalit siyang
nagtakwil sa kanyang relihiyon at sumanib sa iba na taliwas sa kanyang kinalakhan ay hindi kailanman
makakamit ang sagradong karunungan.

Ikapitong Kabanata
Sapagkat ipinagkaloob sa akin ng maawaing Dios ang biyayang ito at Kanyang minabuti na ako
ay makabalik nang payapa sa aking bayan, ako ay nag-alay sa Kanya ng isang maliit na bahagi ng aking
kayamanan at kapangyarihan bilang kabayaran sa Kanya, bilang pasasalamat sa Kanyang mga
kabutihan sa akin, lalong-lalo na sa pagkakaloob Niya sa akin ng karunungan ng Kabala na aking
natamo kay Abramelin. Isang bagay lamang ang hindi ko nagawa noon, ang isakatuparan ang
operasyon ng Banal na Mahika. Subalit maraming balakid ang dumating sa akin noon, pinakahigit
diyan ay ang pag-aasawa. Aking naisip na mas mabuting ipagpaliban muna ang pagsasagawa ng
operasyon, sapagkat isa sa mga pinamalaking balakid din ay ang masikip kong tahanan.
Napagdesisyunan kong panandaliang umalis ng tahanan at manirahan sa gubat ng Hercynia nang nag-
iisa sa buong panahong ginagawa ko ang operasyon. Hindi ko agad naisagawa ang aking balak dahil sa
iba’t-ibang kadahilan at nakaambang kapahamakan sa dakong iyon, bukod pa sa hindi ko magawang
iwan ang aking asawa na noon ay bata pa at nagdadalang-tao. Sa katagalan ay naisipan kong tularan si
Abramelin at aking hinati ang aking ari-arian sa dalawang bahagi. Ang isa kong bahay ay pinaupahan ko
matapos ko itong lagyan ng gamit, at pinaubaya sa aking tiyuhin ang pagpapatakbo at pag-iingat nito.
22

Samantala, ako, ang aking maybahay, at isang alipin ay nanatili sa aking tahanan, at sinimulan kong
mamuhay nang nag-iisa. Sadyang mahirap itong gawin dahil sa kalungkutang dumarating sa akin. Ako
ay namuhay ng ganito hanggang sa dumating ang Araw ng Pagkabuhay (Easter) na aking ipinagdiwang
ayon sa tradisyon kasama ang aking pamilya. Nang sumunod na araw, sa pamamagitan ng Dios na
makapangyarihan sa lahat at lumikha ng langit at lupa, aking sinimulan ang banal na operasyon nang
tuloy-tuloy sa loob ng anim na buwan. Wala akong kinalimutan kahit katiting na bahagi ng operasyon,
na iyong mauunawaan mamaya. Pagkatapos ng anim na buwan, tinanggap ko ang Panginoon, at gaya
ng pangako Niya sa ating mga ninuno Kanyang ipinagkaloob sa akin ang pangitain at aparisyon ng mga
anghel habang ako ay nananalangin sa Kanya. Taglay nito ang masidhing kaligayahan at kasiyahan ng
aking kaluluwa na hindi ko kayang maipaliwanag. At sa loob ng tatlong araw, habang aking tinatamasa
ang matamis at kasiya-siyang pakikipagniig ng aking banal na anghel na tagapagbantay, na siyang
itinalaga sa akin ng Dios bilang aking gabay mula sa aking pagsilang, ito rin ay nakipag-usap sa akin at
dama ko mula sa kanya ang higit na kabutihan at pagmamahal. Kanya akong tinuruan ng Tunay na
Mahika at, bukod pa diyan, Kanya rin pinakita sa akin kung paano ito makakamit nang mas madali.
Kanyang tiniyak sa akin na ang mga simbolo ng Kabala na tinanggap ko mula kay Abramelin ay tunay at
ibinigay niya rin sa akin ang marami pang kaalaman na magagamit ko sa aking operasyon. Nangako rin
siya na ako ay tuturuan niya mula ngayon. (Ang mga simbolong ito ay gaya ng matatagpuan sa
ikatlong aklat.) Marami pa siyang payo at mga paalalang sinabi sa akin gaya ng paalala na maibibigay
ng mga anghel - kung ano ang mga dapat kong gawin at ikilos sa mga susunod na araw sa pakikipag-
usap ko sa mga masasamang espiritu upang sila ay aking mapasunod. Tunay ngang sinunod ko nang
buong ingat ang kanyang mga payo sa akin at, sa awa ng Dios, akin silang napasunod at sila’y nagpakita
sa dako na aking itinakda para sa operasyon. At sila ay nangakong susunod sa akin at magpapasailalim
sa aking kapangyarihan. At mula noon hanggang ngayon, bagama’t aking iniingatan na huwag
magkasala sa Dios at sa mga banal na anghel, ang mga masasamang espiritu ay nananatili sa ilalim ng
aking kapangyarihan sa tulong ng Dios at Kanyang mga banal na anghel. Dahil diyan, naging marangya
ang aking tahanan ngunit aking inaamin na pinigilan ko ang aking sarili mula sa pagkakamkam ng
sobrang kayamanan; gayunpaman masasabi ko na ang nakamit kong kayamanan ay sapat upang ako
ay mapabilang sa mga pinakamayayaman, na tiyak na malalaman mo rin pagdating ng tamang
panahon.

Ako si Abraham, at ako nananalangin na huwag mawalay sa akin kailanman ang pagpapala ng
Panginoon, at ako ay palaging protektahan ng Kanyang mga banal na anghel, at maging ang aking
dalawang anak, sina Jose at Lamech, at maging ang mga taong pagbibigyan mo nito at magsasagawa
ng operasyong ito ayon sa kalooban ng Dios. Siya nawa, Amen!


23

Ikawalong Kabanata
Upang aking mapatunayan na para lamang sa kabutihan ang mga biyayang ipinagkakaloob sa
atin ng Dios – samakatwid, para sa karangalan at kaluwalhatian ng Dios at para sa ating sarili at sa ating
kapwa --aking ilalarawan sa iyo nang maikli ang mga pinakamaigi kong nagawa na naging
matagumpay sa pamamagitan ng tulong ng makapangyarihang Panginoon at ng mga banal na anghel.
Hindi ko layunin na ipagyabang o ipagmalaki ang mga ito. Iyan ay malaking kasalanan sa Dios sapagkat
Siya ang may gawa ng lahat at hindi ako. Ang layunin ko ay mabigyan ng kaalaman ang mga tao ukol
sa tamang paraan ng pagsasagawa ng sining na ito at kanilang gamitin ito para sa karangalan ng Dios
na siyang nagbigay ng karunungang ito sa tao, at [upang] Siya ay papurihan, at upang malaman ng
bawat nilalang ang walang-hanggang biyaya ng Dios at magpasalamat sa Kanyang mga pagpapala.
Ako ay nagpapasalamat ng marami sa Kanya sapagkat, bagama’t ako ay isa lamang hamak na uod sa
mundo, ay ipinagkaloob Niya sa akin sa pamamagitan ni Abramelin ang kapangyarihang maibigay at
maibahagi sa iba ang banal na karunungang ito. Sa aking pagpanaw, matatagpuan ang isang aklat na
aking sinimulang isulat sa panahong sinisimulan kong gawin ang operasyong ito, na sa aking tantiya ay
bandang 1409, hanggang ngayon sa edad na 965 na tumanggap ng maraming parangal at kayamanan,
at sa aklat na ito ay mababasa ang lahat ng bagay na aking ginawa. Subalit sa kabanatang ito, gaya ng
sinabi ko kanina, akin lamang ilalahad ang mga pinakanakamamangha sa aking mga nagawa.

Mula noon hanggang sa kasalukuyan, ang bilang ng taong aking napagaling ay hindi bababa sa
8,314 – sila ay nagtataglay ng iba’t ibang uri ng karamdaman at kulam, at kabilang sa iba’t ibang
relihiyon.

Aking binigyan si Emperador Sigismundo6, isang mabuting prinsipe, ng isang alagang-espiritu


(familiar spirit) na kabilang sa Ikalawang Herarkiya, ayon sa kanyang hiling sa akin. Maingat niyang
ginamit ang paninilbihan ng alagang-espiritu na ito. Nais sana niya na makamit ang lihim na
karunungang ito subalit ako ay pinaalalahanan ng Dios na ito ay hindi ayon sa Kanyang kalooban, kaya’t
ang emperador ay nasiyahan na lamang sa kung ano ang maaari niyang malaman bilang pribadong
indibidwal, at hindi bilang isang emperador. Akin rin siyang tinulungan, sa pamamagitan ng
karunungang ito, na mapakasal sa kanyang asawa at kanyang mapagtagumpayan ang mga balakid sa
kanyang pag-aasawa.

Akin rin iniligtas ang konde na si Frederico7 mula sa kamay ni Leopoldo, Duke ng Saxonia, sa
pamamagitan ng 2,000 nilikhang kabelriya na aking nagawang mapalitaw ayon sa pormula sa ika-29 na

5
Ayon sa aklat, ang manuskrito ay nagtataglay ng taon na 1458, kung gayon, si Abraham ay maaaring
ipinanganak noong 1362, at ang edad niya ay 47 anyos sa taong 1409.
6
Sigismundo, Emperador ng Germany. Ipinanganak noong ika-14 ng Pebrero 1368 at namatay sa Znaim
noong ika-9 ng Disymebre 1437. Anak ni Emperador Charles IV at Anne ng Silesia.
7
Frederick Quarreller I, Duke at Elektor ng Saxonia. Ipinanganak sa Alternburg noong 1369 at namatay
noong 1428. Anak ni “Frederick the Severe” at ni Catherine, Kontesa ng Henneberg.
24

kabanata ng ikatlong aklat. Kung hindi dahil sa akin maaaring namatay ang Konde at nawala ang
kanyang kayamanan at kung magkagayon ay hindi niya ito naipamana sa kanyang mga tagapagmana.

Aking pinakita sa Obispo ng ating lungsod ang pagtataksil ng kanyang gobyerno sa Orembergh
isang taon bago ito nangyari. Bukod diyan ay wala na akong iba pang ipapahayag sapagkat siya ay
isang padre na nananahimik ukol sa lahat ng aking ginawa para sa kanya.

Ang Konde ng Varvich8 ay nailigtas ko mula sa piitan niya sa England noong gabing nakatakda
siyang pugutan ng ulo.

Tinulungan kong makatakas ang Duke9 at ang Papa10 na si Juan mula sa Konsehal ng
Constance, at kung hindi dahil diyan sila sana ay napatumba ng galit na galit na Emperador. Ang
Emperador naman ay nagpahula sa akin kung sino sa dalawang papa, si Juan XXIII at Martin V, ang
mananaig sa bandang huli, at nagkatotoo nga ang aking hula, pati na rin ang kanyang kapalarang
haharapin sa Ratisbon.

Nang ako ay tumira sa bahay ng Duke ng Bavaria11, aking panginoon, dahil sa napakahalagang
pakay ang aking kuwarto ay napasok at ako ay nanakawan ng mga alahas at salapi na nagkakahalagang
83,000 sa pera ng Hungary. Sa aking pagbabalik, ang magnanakaw (na isa palang Obispo!) ay
napilitang personal na ibalik sa akin ang mga salapi, alahas at aklat, at kanyang sinabi sa akin ang
dahilan kung bakit ako ang kanyang ninakawan at hindi ibang tao.

Anim na buwan na ang nakalilipas, ako ay sumulat sa Emperador ng Gresya12 at aking siyang
binalaan ukol sa masamang kalagayan ng kanyang pamumuno at ang nakaambang pagkawasak ng
kanyang kaharian kung hindi niya mapapalubag ang galit ng Dios. Sapagkat kaunting panahon na
lamang ang natitira sa aking buhay, yaong mga taong aking maiiwan ang makakaalam ng resulta ng
aking propesiya.

Ang operasyon sa ika-13 kabanata ng ikalawang aklat13 ay dalawang ulit kong ginawa. Nung
una ay sa bahay ko sa Saxonia, at ang ikalawa sa Marquisate ng Magdeburgh. Ako ang sanhi kung bakit
ang kanilang mga kayamanan ay naisalin nila sa kanilang mga anak.

8
Ang tinutukoy ni Abraham ay ang Konde ng Warwick. Ayon kay Mathers maaaring ito ay si Henri de
Beauchamp, bayaw ng tinatawag na “King-maker” ng Warwick at anak ni Richard de Beauchamp; kinamumuhian
dahil sa siya ay naging kasangkapana sa pagpapahirap at pagsunog kay Joan of Arc.
9
Maaaring ang tinutukoy niya na Duke ay si Albert V ng Austria
10
Pope John XXIII (Balthazar Cossa), papa mula 1410 hanggang 1415. Ipinanganak sa Naples.
11
Ayon kay Mathers maaaring ang tinutukoy ni Abraham dito ay si Ernest o William I ng Bavaria. Sila ay
magkapatid at magkasamang namuno sa Bavaria. Dahil sa tinawag ni Abraham na “aking panginoon” ibig
ipahiwatig nito na siya ay nasasakupan ng pamumuno ng magkapatid at kung gayon ay dito siya naninirahan.
Mapapansin na hindi kailanman pinangalanan ni Abraham ang kanyang bayan.
12
Si Constantine Paleologos, siya ang pinakahuli at panlabing-tatlong emperador ng Gresya. Siya ay
napatay, at ang Constantinople ay nasakop ng mga Turk sa pamumuno ni Mahomet II.
13
Ang titulo ng kabanatang ito ay “Pananawagan sa mga Mabuting Espiritu”
25

Kung makamit mo na ang kakayanan na makapagsagawa ng Banal na Mahika, maaari mong


hilingin sa iyong anghel ang halaga ng salapi na katumbas ng iyong kapanganakan, katangian at
kapasidad, na agad namang ipagkakaloob sa iyo ng iyong anghel. Ang salaping ito ay manggagaling
mula sa mga nakatagong kayamanan. Subalit mahalagang tandaan na sa lahat ng kayamanan ang
nararapat lamang kunin ay ang ikalimang bahagi ayon sa kalooban ng Dios. Datapwat may mga taong
mayayabang na nagsasabi na ang kayamanang nakalaan para sa mga anti-Kristo ay wala katapusan,
hindi ko kailanman pabubulaanan ito, gayunpaman, ang nararapat lamang kunin dito ay ang ikalimang
bahagi. Marami pang nakalaan para sa iba. Ang kayamanan ko ay itinakda sa akin sa Herbipolis14 at
isinagawa ko ang operasyon mula sa ika-8 kabanata ng ikatlong aklat15, ang kayamanang ito ay walang
tanod at mula pa sa unang panahon. Ang kayamanan ay mula sa ginto, subalit hindi baras ng ginto na
aking pinatunaw sa mga espiritu at ipinagawang mga gintong sinsilyo (coins). Kanilang ginawa ito sa
loob lamang ng ilang oras. Aking isinagawa ang operasyong ito sapagkat nakita ko na ang aking ari-
arian ay napakaunti at halos walang halaga, at maituturing na ako ay mahirap para mapangasawa ang
isang babaeng maykaya sa buhay. Ako ay napilitan gamitin ang karunungang ito, at aking ginamit ang
ika-apat na simbolo sa ikatlong aklat, at ang ikatlong simbolo16 ng ika-19 na kabanata17. Ako ay
napakasal sa aking pinsan sa halagang 40,000 na gintong sinsilyo bilang dote. Itong salaping ito ay para
sa aming kinabukasan.

Maraming beses ko nang nasubukan gamitin ang lahat ng simbolo sa ika-18 kabanata18. Ang
mga ito ay matatagpuan lahat sa ikatlong aklat.

Ako ay nakagawa ng mga kamanghamanghang operasyon gamit ang mga simbolo ng ikalawa19
at ikawalong20 kabanata ng ikatlong aklat. Ang unang simbolo21 ng unang kabanata ng ikatlong aklat
ang siyang pinakaganap sa lahat.

Kinakailangang maging maagap at bihasa sa lahat ng operasyon sapagkat pagdating sa mga


bagay na may kinalaman sa Dios, nakapakadaling mahulog sa mga pagkakamaling higit pa sa nagawa
ni Solomon. Lahat ng ito ay nagawa ko nang mabilis at masaya ang aking puso, at ang mga ito ay
nagbigay sa akin ng malaking pakinabang (para sa aking sarili at sa aking kapwa). Ang lahat ng ito at
higit pa diyan ay nagawa ko gamit ang mga simbolo na matatagpuan sa ikatlong aklat at kahit kailan ay
hindi pa ako nabigong makamit ang aking minimithi. Palagi akong sinusunod ng mga espiritu at ako ay
palaging nagtatagumpay sapagkat ako ay sumusunod sa mga utos ng Dios. Gayundin, palagi kong

14
Ito ang Latin ng ngalan ng bayan ng Wurtzbourg sa Bavaria. Tila sinasabi sa siping ito na ito ang bayan ng
may-akda (Abraham).
15
Tila mali ang kabanatang nabanggit. Maaaring ang ibig tukuyin ni Abraham ay ang ika-anim, o ikalabing-
anim, o ika-28 kabanata.
16
Simbolo para mahalin ng kaanak.
17
Kabanata para sa pagkakamit ng lahat ng uri ng pagmamahal at pag-ibig.
18
Kabanata para sa paglunas sa lahat ng uri ng sakit.
19
Kabanata para sa pagkakamit ng karunungan o upang maliwanagan ukol sa iba’t ibang panukala o mga
kaduda-dudang agham.
20
Kabanata para sa kung paano makakapukaw ng bagyo.
21
Kabanata para sa kung paano malalaman ang mga bagay o pangyayari sa nakaraan at kinabukasan.
26

sinusunod ang lahat ng payo at utos sa akin ng aking anghe, pati na rin ang lahat ng itinuro sa akin ni
Abra-Melin na aking isasalaysay sa susunod na dalawang aklat at aking ipapaliwanag sa iyo, sapagkat
ang mga turo na aking natanggap, kahit pa nga ba ang mga ito ay mahirap maunawaan at nakabalot sa
simbolo, ang siyang dahilan kung bakit ko nakamit ang aking mga minimithi at kung bakit kahit kailan
ay hindi pa ako nabigo at nahulog sa mga gawain at kakaibang pamahiin ng mga pagano at mga
sumasamba sa dios-diosan. Ako ay nanatili sa landas ng Panginoon, nag-iisang tapat at ganap, kaya’t
aking nakamit ang karunungan ng Banal na Mahika.

Ikasiyam na Kabanata
Ang buktot na si Belial ay walang minimithi kundi ang magkaroon ng kapangyarihan na
maikubli at mapagdilim ang tunay na karunungan ng Dios upang lalo niyang mabulag at mapasunod
ang mga taong mahihina, upang sila ay manatili sa kanilang kahinaan at kamalian, at upang hindi nila
matagpuan ang tamang landas patungo sa tunay na karunungan. Sapagkat kung hindi siya
magtatagumpay, tiyak na siya at ang kanyang kaharian ay mananatiling nakagapos sa mundo at
mawawala sa kanya ang titulong ibinigay niya sa kanyang sarili – “Prinsipe ng Mundo” – sapagkat siya
ay nakatakdang maging alipin ng tao. Kaya nga nais niya na mapawalang-saysay at masira nang
lubusan ang banal na karunungan. Aking pinapanalangin na ang bawat isa sa atin ay manatiling
mapagbantay at kailanman ay huwag natin kamuhian ang landas at salita ng Dios. Huwag din natin
hayaan na tayo ay maakit ng demonyo at ng kanyang mga tagasunod sapagkat siya ay wagas na
sinungaling . Hari nawang patuloy na yumabong ang katotohanan magpakailanman, sapagkat sa
pagsunod nang buong tapat sa mga bagay na nakasulat sa aking aklat, hindi lamang natin makakamit
ang ating mga minimithi, atin rin makikilala nang husto ang Dios at madarama natin ang Kanyang
pagpapala at ang pagtulong ng Kanyang mga banal na anghel na lubhang nasisiyahan kapag nakikita
nila na tayo ay sumusunod sa kanila at ating tinutupad ang mga utos ng Dios. Iyan ang nais kong
ipaalala sa iyo nang mabuti.

Ang karunungang ito ay galing sa kataastaasan at banal na Kabala na ipinagkakaloob lamang sa


mga panganay na lalaki, gaya ng utos ng Dios at ayon sa tradisyon ng ating mga ninuno. Kaya nga ito
ang pinag-agawan nila Jacob at Esau, ang ugat nito ay ang Kabala sapagkat ito ay higit na marangal at
dakila kaysa Banal na Mahika. Sa pamamagitan ng Kabala maaari din natin matutunan ang Banal na
Mahika, bagama’t hindi natin matutunan ang Kabala sa pamamagitan ng Banal na Mahika. Ang Kabala
ay hindi ipinagkakaloob sa anak ng alipin, o ng mga nakikiapid; bagkus ito ay ipinagkakaloob lamang sa
lehitimong anak gaya ng nangyari kay Isaac at Ismael, datapwat ang banal na karunungan ay maaari
makamit ninuman sa awa ng Dios at kung kanilang tatahakin ang tamang landas, at kung sila ay
magkakasya sa biyaya ng Dios. Ito ay hindi dapat pinag-aaralan upang mag-usyoso lamang, at kung
ang layunin ay para lamang sa karangyaan at kasamaan, upang malaman ang mga bagay na higit sa
nararapat sa kanya. Sapagkat ang kapusukan ay tiyak na paparusahan ng Dios at papabayaan Niya ang
27

taong mapusok upang lalo itong mailigaw ng mga kampon ng Ikalawang Sanhi22, bukod diyan siya ay
mapapasailalim sa kapangyarihan ng demonyo na siyang sisira at papaslang sa kanya sa paraang
aakalain natin na siya mismo ang may kasalanan sa kanyang paghihirap at kamatayan. Tiyak na
susubukan ni Satanas23 na bahiran ng lason ang aklat na ito at susubukan din niyang sirain ito. Lamech,
aking anak, bilang isang matapat na ama at sa ngalan ng tunay na Dios na lumalang sa lahat ng bagay,
ako ay nakikiusap sa iyo, at sa lahat ng makakatanggap ng karunungang ito sa anumang paraan, na
huwag mong hayaan na magkaroon ka ng sariling opinyon o paniniwala o kaya’y maniwala ka sa taliwas
na opinyon. Ikaw ay manalangin sa Dios at hilingin mo sa Kanya na ikaw ay lagi Niyang gabayan, at
ibigay mo sa Kanya ang buo mong tiwala. Datapwat hindi mo maaaring matutunan ang Kabala, ikaw
naman ay tuturuan ng iyong Anghel dela Guardia sa katapusan ng ika-anim na buwan nang sapat na
kaalaman upang makamit ang Banal na Mahika.

Ang lahat ng simbolo sa ikatlong aklat ay sinulat gamit ang mga titik ng ikaapat na herarkiya24.
Subalit ang mga mahiwagang salita na matatagpuan mo rito ay hango sa salitang Hebreo, Latino,
Griyego, Chaldeo, Persiano, at Arabo ayon sa isang hiwaga at sa kalooban ng pinakapantas na
Arkitekto at Tagalikha ng sansinukob. Siya ang tanging nangingibabaw at nangangasiwa gamit ang
Kanyang kapangyarihan, ang lahat ng kaharian sa mundo ay nasa ilalim ng Kanyang walang-hanggang
kapangyarihan, ng Kanyang Banal na Mahika at Banal na Karunungan.

Ika-10 Kabanata
Dapat maunawaan na ang operasyong ito ay ating gagawin kaakibay ang isang malakas at
makapangyarihang kaaway na dahil sa ating kahinaan ay hindi natin kayang magapi gamit ang
anumang karunungang pantao, bagkus ay sa tulong lamang ng ating tagapagbantay na banal na
anghel at ng mga mabuting espiritu ng Panginoon. Nararapat lamang na panatilihin nating nasa harap
natin ang Dios at huwag tayong magkasala sa Kanya sa anumang paraan. Tayo ay laging maging
maingat at tayo ay lumayo sa mga kasalanang mortal at huwag nating papurihan at sundin ang
anumang bagay na may kinalaman sa demonyo at kanyang kampon. Huwag din tayong sumailalim sa
kapangyarihan ng demonyo kahit sa ano pa mang paraan sapagkat iyan ang magiging katapusan natin
at pagkamatay ng ating kaluluwa.

Gaya ng ginawa ng mga naunang lahi nila Noah, Lot, Ismael at iba pang ating mga sinaunang
ninuno, ang karunungang ito ay sinasalin mula ama sa kanyang anak na lalake at sa kanyang kamag-

22
“Second Causes.” Ayon kay Mathers ang tinutukoy dito ay ang mga tagapangasiwa ng Unang Sanhi o
“First Causes.” Sila ay ang mga makapangyarihan, o mga dios at diosa na tahasang kumikilos sa pisikal na
mundo/bagay o “matter.”
23
Sa kanyang bersyon “Old Serpent” ang terminong ginamit ni Mathers.
24
Para sa iba pang kaalaman ukol sa herarkiya, basahin ang huling bahagi ng Ikatlong Aklat.
28

anak, subalit sa paglipas ng panahon dahil sa sila ay nakinig sa mga mapanlinlang nating mga kaaway,
sila ay naligaw mula sa tamang landas, at nawalay sa kanila ang tunay na karunungang bigay ng Dios sa
ating mga ninuno. Sila ay naniwala sa mga pamahiin, panggagaway, at kasuklam-suklam na
pagsamba sa dios-diosan, na siyang dahilan kung bakit sila pinarusahan ng Dios at sila ay pinalayas
mula sa kanilang sariling bayan. Ibinigay ng Panginoon ang kaalamang ito sa sumunod nating mga
ninuno, subalit sila rin ay nahulog sa pagkakasala, at ito ngayon ang dahilan ng ating kahirapan at
pagiging alipin. Ang kalagayan nating ito ay magpapatuloy hanggang katapusan ng mundo sapagkat
hindi nila nais na kilalanin ang biyaya ng Dios, bagkus ito ay kanilang tinalikuran upang yakapin at
sundin ang panlilinlang ng demonyo.

Sa pagsisimula mo ng operasyong ito, may darating na isang taong marangya ang kaanyuan na
mangangako sa iyo ng mga kamanghamanghang bagay. Dapat mong ituring na ang lahat ng ito ay
kapalaluan sapagkat wala siyang tunay na maibibigay sa iyo kung walang pahintulot ng Dios. Kung
sinuman ang maniwala at manindigan sa pangako ng taong ito ay masisira at maghihirap habambuhay,
gaya ng ating nasaksihan sa Banal na Kasulatan ukol kay Paraon at sa kanyang mga tagasunod.
Kanilang kinamuhian ang tunay at ganap na karunungan nina Moses at Aaron, at sa simula sila ay
tinulungan ng Diyablo na nagpakita sa kanila ng mga himala upang patunayan na kaya niyang gawin
ang ginagawa nina Moses at Aaron, ngunit dahil sa kaniyang iniligaw sila ay naging matigas ang ulo at
sila ay naging bulag. Sapagkat hindi nila kinilala ang kanilang pagkakamali at ang panlilinlang ng
demonyo, sila ay pinarusahan ng Dios sa pamamagitan ng iba’t ibang uri ng salot hanggang sa silang
lahat ay nalunod sa Dagat na Pula. Sa madaling salita, tanging ang Dios lamang ang dapat nating
maging sandigan sa lahat ng oras.

Ika-11 Kabanata
Saksi ang Dios na hindi ko inaral ang karunungang ito nang dahil lamang sa kuryusidad o upang
magtagumpay sa masasamang layunin. Ito ay upang papurihan at sambahin ang aking Dios para sa
kabutihan ng aking sarili at aking kapwa. Kahit kailan ay hindi ko ninais na gamitin ito sa para sa
kapalaluan at masasamang bagay. Sa abot ng aking makakaya, aking tinulungan ang lahat ng nilalang,
kaibigan ko man o kaaway, may pananampalataya man o walang pananampalataya sa Dios. Pantay-
pantay ko silang tinulungan ayon sa aking mabuting kalooban at tapat na puso. Akin rin itong ginamit
sa mga iba’t ibang uri ng hayop.

Kanina ay nagbigay na ako ng mga halimbawa upang ipakita sa iyo na hindi binibigay ng
Makapangyarihang Dios ang banal na karunungang ito sa taong makasarili, bagkus ay ipagkakaloob
Niya ito sa taong nagnanais tumulong sa kanyang kapwa at sa mga taong hindi nakakaalam ng
karunungang ito. Kaya nga aking pinapanalangin na ang lahat sana ay sumunod sa aking halimbawa, at
kung siya man ay tumaliwas, siya ay parusahan ng Dios. Ako naman ay mananatiling walang sala at
inosente sa harap ng Dios at mga tao.
29

Matatagpuan sa ikatlong aklat ang isang hardin25 na walang katulad at ni minsan ay hindi
naangkin ng sinumang hari o emperador. Sinumang nagnanais maging masipag na bubuyog sa harding
ito ay tiyak na masisimsim ang matamis na pulut-pukyutan na saganang matatagpuan sa hardin, ngunit
kung siya ay magiging parang gagamba, lason naman ang kanyang makakamit doon. Bagama’t ang
biyaya ay ipinagkakaloob ng Dios sa taong mabuti at hindi sa taong-masama, ang ilang bahagi sa
ikatlong aklat ay maaaring gamitin sa masasamang layunin at upang makapanakit ng kapwa kaysa sa
kabutihan. Nais kong ipaalam sa bawat isa na akin itong isinulat upang malaman natin na ang
karunungang ito ay maaari natin gamitin sa kapwa mabuti at masama, gaya ng ilalahad ko nang buo sa
ibang mga aklat. Kung gayon, ating pag-aralan na lumayo sa masama at sa halip ay makamit ang lahat
ng lahat ng kabutihan. Sinuman ang magiging ganito ang asal sa lahat ng oras ng kanyang buhay ay
palaging magkakamit ng tulong ng mga sumasampalataya at mabubuting anghel ng Dios. At
sinumang gagamitin ang karunungang ito sa masama ay iiwanan ng mga anghel at mapapasailalim sa
kapangyarihan ng demonyo na gagawin siyang alipin. Kinakailangang magkaroon ng isang tuntunin
at kasabihan – na kung may isang tao na may masidhing kagustuhan na makamit ang karunungang ito,
at kung nais mo itong ipagkaloob sa kanya, nararapat lamang na subukan mo muna siya upang
mapatunayan ang kanyang katapatan at tunay na layunin. Huwag mo agad ibigay ang karunungan,
gaya ng mga ibibilin ko sa iyo sa tatlong aklat na ito. At kung may magtatangka na makamit ito nang
padalos-dalos at sasabihin sa iyo na ang operasyong ito ay maaaring totoo o hindi totoo upang
magkunwari na siya ay nagdududa sa iyo upang ikaw ay mapilitang ipagkaloob ito sa kanya, o sa
pamamagitan ng iba’t iba pang pamamaraan, ang ibig sabihin lamang nito ay hindi lumalakad ang
taong ito sa Landas ng Panginoon. Isang kapangahasan ang magkamit ng karunungang ito nang hindi
ayon sa kalooban ng Dios.

At kung may nagnanais na makamit ang karunungang ito hindi para sa sarili, (sa halip ay para
sa) isang anak o kamag-anak, na hindi karapatdapat magkamit ng napakainam na operasyong ito, siya
na magkakaloob nito sa kanya ay gumagawa ng napakalaking kasamaan at mawawala sa kanya ang
awa at gabay ng Dios, at maging sa kanyang mga tagapagmana habambuhay.

Kung iyong pakiramdam na ang isang taong masama ay patuloy na gagawa ng kasamaan sa
pamamagitan ng karunungang ito at siya ay lumapit sa iyo upang makamtan ang karunungan, maaari
ngang gamitin niya ito sa kasamaan. Napatunayan ko rin naman na dahil sa nakikita ng Dios ang
kaibuturan ng ating puso, Siya ay gumagawa ng paraan at naglalagay ng mga balakid upang hindi
makamtan ang karunungan ng mga taong hindi karapatdapat. Kaya nga siya na nagnanais makamtan
ang karunungang ito upang gamitin laban sa kanyang kapwa at upang gamitin ito sa iba’t-ibang uri ng
katiwalian ay patunay lamang na hindi siya karapatdapat.

Ikaw ay lumayo sa pangangalakal at pakikipagusap sa mga taong nagnanais makamit ang


karunungan para sa kasamaan sapagkat ang ganitong uri ng mga tao ay maaaring maging alipin ni
Satanas. Ang ibang bagay na dapat mong malaman ay mababasa mo sa aklat na ito. Batid kong

25
Ang “hardin” ay isang pangkaraniwang simbolo na ginagamit sa Kabala. Sa kontextong ito, ang hardin ay
tumutukoy sa mahalagang koleksyon ng mga banal o lihim na kaalaman ukol sa mahika.
30

masyado nang mahaba at labis ang aking sinasabi, ngunit tandaan mo na kapag ang operasyon ay
ipinagkaloob mo na sa iba, ito ay hindi mo na mababawi pa.

Sa kabilang banda, kung matagpuan mo ang isang taong tapat at panatag pagkatapos ng isang
masusing pag-aaral at pagsisiyasat, nararapat lamang na tulungan mo siya sapagkat ito rin ang
kalooban ng Dios na tumulong sa iyo. Ito ang layon Niya sa pagkakaloob sa iyo ng banal na
karunungang ito.

Iyong sikapin magkaroon ng kapayapaan sa lahat ng taong iyong nakaalitan at nakaaway.


Mahalaga na gumawa ka ng kabutihan sa lahat ng iyong kapwa, sapagkat ito ang tangi at tunay na
paraan upang maging kaaya-aya sa Dios, mga anghel, at mga tao, at upang maging alipin mo ang
demonyo at sila ay sumunod sa iyo sa lahat ng oras. Ang ganitong uri ng tao ay nabubuhay sa
kabutihan at may malinis na konsiyensiya. Sila ay nabubuhay sa karangalan at kapayapaan, may
kasiyahan at pakinabang sa lahat ng bagay. Aking pakiusap sa lahat ng magkakamit nitong dakilang
kayamanan na ito na ito ay gamitin lamang sa tamang paraan at kahit kailan ay huwag ipagkaloob ito
sa mga baboy.

Lamech, aking anak, gamitin mo ito para sa iyong sarili subalit ang bunga na iyong makakamit
mula dito ay ibahagi mo sa mga nangangailangan, at habang lalo kang nagiging mapagbigay ay lalo rin
naman darami ang iyong tatanggapin. Ganito rin ang kapalaran ng taong iyong pagkakalooban nito.

Sa bayang ito tayo ay mga alipin lamang at tayo ay naghihirap dahil sa ating kasalanan at sa
mga kasalanan ng ating ninuno, ngunit nararapat lamang na ating paglingkuran ang ating Panginoon sa
abot ng ating makakaya.

Ang ganitong uri ng tao ang siyang magtataglay ng lihim na kayamanang ito at ito ay
ipamamana sa kanyang mga anak hangga’t maaari, bagaman batid niya na maaaring hindi niya ito
ipamana sa kanyang anak upang hindi ito maibahagi sa iba at mahulog sa kamay ng mga taong
masasama o walang pananampalataya.


31

Ika-12 Kabanata
Hindi ko intensyon na maging paulit-ulit subalit ito ay dahil sa pag-ibig ko sa iyo bilang
magulang mo at dahil sa kahalagahan ng aking sinasabi.

Bawat isang magsasagawa ng opersayong ito ay dapat maging panatag sapagkat sa tatlong
aklat na ito ay nasusulat ang lahat ng dapat gawin. Ito ay aking isinulat nang buong ingat,
pagmamahal, at katiyakan, kaya nga wala ni isang salita rito na hindi magbibigay sa iyo ng alituntunin o
payo. Subalit, alang-alang sa pag-ibig sa walang-hanggang Dios, aking dinudulog na sa loob ng anim
na buwan bago simulan ang operasyong ito ay basahin ninyo muna nang buong ingat at paulit-ulit ang
aklat at alamin ang bawat isang detalye, sapagkat sa gayong paraan ako ay nakatitiyak na
makakayanan ninyong malunasan ang mga katanungang darating sa inyong isip. Gayundin, sa bawat
araw na lilipas ay lalong magiigting ang kanyang kagustuhan at kalooban na isagawa ang
maluwalhating operasyon na ito, na maaaring isagawa ng sinuman kahit ano pa man ang kanyang
relihiyon datapwat kinakailangan na sa loob ng anim na Buwan ay hindi siya nakagawa ng kahit na
anong kasalanan laban sa Utos at batas ng Dios.

Ngayon, Lamech aking anak, bilang patunay ng aking labis na pag-ibig sa iyo bilang iyong
magulang, bibigyan kita ng dalawang payo. Sa pamamagitan nito at lahat ng bagay na aking ilalahad
sa iyo (at sinumang pagkalooban mo ng banal na karunungang ito) ay maaari mong makamit nang
walang pagaalinlangan ang kaganapan ng banal na karunungang ito. Ngunit mahalaga na iyong
malaman na marami ang nagtangkang gumawa ng operasyong ito, ang iba ay nagtagumpay, at ang iba
naman ay hindi sapagkat hindi sa kanila nagpakita ang kanilang anghel sa araw ng pananawagan dahil
sa likas na may balakid ang kanilang anghel sapagkat ang kalikasan ng mga anghel ay higit na kakaiba
sa mga tao. Ito ay hindi maipapaliwanag ng kahit na anong pag-unawa o ng agham, ito ay dahil sa
kanilang likas na kadalisayan.

Hindi ko nais na ipagkait sa iyo, Lamech aking anak, at sa sinumang iyong pagkakalooban nito,
at sa iyong mga kaibigan, ang kayamanang ito. Hindi ko ibig na ikaw ay talikuran sa napakahalagang
bagay na ito. Ang isa pang bagay na nais kong sabihin sa iyo ay ang ukol sa Awit (Psalm) na akin ding
ilalahad sa iyo. Kung ipagkakaloob mo sa iba ang operasyong ito, huwag mong ilahad ang ukol sa Awit,
kahit pa nga siya ay iyong kaibigan, sapagkat ang Awit na ito ang iyong kaligtasan laban sa kanino
mang gagamit ng banal na mahika na ito laban sa iyo. Ito ay magagamit mo nang mainam laban sa
kanila. Ito ay ibinigay ng Dios kay David para sa kanyang kaligtasan.

Para sa unang punto: sa araw na iyong gagawin ang mga orasyon, dasal, at kumbokasyon sa
iyong anghel de la guardia, kailangan ay may kasama kang bata na edad anim, pito, o walong taon,
nakasuot ng puting damit. Kailangan siya ay naligo mula ulo hanggang paa. Takpan mo ang kanyang
ulo, hanggang noo at mata, ng isang puting belo na yari sa sedang manipis at aninag. Sa belo na ito ay
isulat mo ang isang simbolo na kulay ginto ayon sa alituntuning ilalahad ko sa iyo sa ikatlong aklat. Ang
belong ito ay para pagpalain ang isang taong mortal na masilayan ang mukha ng kanyang anghel. Ang
siyang nagsasagawa ng operasyon ay ganito rin ang kasuotan datapwat ang kanyang belo ay kulay itim
naman. Pagkatapos ay papasukin mo ang bata sa silid-dasalan at ipalagay mo sa kanya ang apoy at
32

pabango sa insensaryo. Pagkatapos ay lumuhod siya sa harap ng iyong altar, samantalang ang
nagsasagawa ng operasyon ay nasa pintuan at nakadapa sa sahig habang dinarasal ang kanyang
orasyon at nakikiusap sa kanyang anghel na tagabantay na kung maaari ay magpakita sa inosenteng
nilalang na ito at bigyan siya ng isang palatandaan kung kinakailangan upang kanyaring masilayan ang
anghel sa susunod na dalawang araw.

Habang nakadapa ang nagsasagawa ng orasyon ay hindi niya dapat tingnan ang altar, bagkus
ay magpatuloy lamang siya sa pagbigkas ng kanyang orasyon. Sabihin mo sa bata na ipaalam niya sa
iyo kapag nakita na niya ang anghel, at tumingin siya sa altar at kunin ang lamen o pilak na medalya na
iyong nilagay sa ibabaw ng altar para dito, at ito ay ibigay sa iyo kung kinakailangan, at maging ang iba
pang mga bagay kung saan may isinulat ang iyong anghel ukol sa iyong gagawin sa susunod na
dalawang araw. Pagkatapos niyan ay mawawala ang anghel at ito ay sasabihin sa iyo ng bata (dapat ay
nabigyan mo siya ng tagubilin bago ninyo sinimulan ang operasyon), at utusan mo siya na dalhin sa iyo
ang lamen kung saan makikita mo ang mga tagubilin sa iyo ng anghel. Iyong ipabalik ang lamen sa
altar at inyong lisanin ang silid-dasalan. Isara ang silid, at huwag papasok dito sa unang araw, at
paalisin na ang bata. Siyang nagsasagawa ng operasyon ay dapat ihanda ang sarili sa buong maghapon
para sa kinabukasan kung kailan kanyang tatamasain ang pagdating ng kanyang banal na anghel, at
upang makamit ang bagay na kanyang inaasam. Hindi ka mabibigo sa pagkamit ng iyong ninanais
kung iyong susundin ang mga tagubilin sa iyo ng iyong anghel. Ang dalawang bagay na ito ay ang mga
palatandaan ng susi sa buong operasyon. Papurihan natin ang banal na ngalan ng Dios at Kanyang mga
anghel!

--- Katapusan ng Unang Aklat ---


33

IKALAWANG AKLAT

NG BANAL NA MAHIKA

Na siyang ibinigay ng Dios kay Moises, Aaron, David, Solomon at


iba pang mga Santo, Patriyarka at Propeta; Na Nagtuturo ng
Tunay na Banal na Karunungan.

Mula kay Abraham para sa kanyang anak na si Lamech.


34

Pambungad ng Ikalawang Aklat


Ang karunungan ng Panginoon ay isang wagas na bukal, wala ni isang nilalang ang
makakaunawa sa buong katotohanan ukol sa panimula at sandigan ng karunungan ng Dios. Ang mga
pantas at ating mga ninuno ay mga nagsiinom sa bukal na ito at ang kanilang uhaw ay ganap na
napawi. Subalit sa kanilang lahat, wala ni isa ang nakaunawa o nakaalam sa mga katutubong prinsipyo
sapagkat ang tanging nakakaalam nito ay ang Tagapaglikha. Ibig Niya na tayo ay makinabang sa
prutas ng Kanyang karunungan subalit, dahil siya ay isang selosong Dios, hindi Niya nais na ating
matikman ang puno o ang ugat. Hindi lamang tama kundi nararapat din na tayo ay tumalima sa
kalooban ng Panginoon, lumakad sa tamang landas na tinahak din ng ating mga ninuno. Huwag na
nating saliksikin pa ng dahil lamang sa kuryusidad kung paano pinamumunuan at pinamamahalaanan
ng Dios ang lahat sa pamamagitan ng kanyang banal na karunungan, sapagkat ang lahat ng iyan ay
tanging sapantaha at kapalaluan ng laman. Sa halip, tayo ay masiyahan na alamin ang mga biyayang
ibinibigay ng Dios sa atin na mga makasalanan, at kung gaano kalawak ang kapangyarihang
ipinagkaloob Niya sa tao, at kung paano natin gagamitin ang mga ito. Tayo nga ay masiyahan sa
kaalamang ito. Ating isantabi ang ibang bagay, ang kuryusidad, at tayo ay magmatyag nang tahimik sa
mga bagay na ilalahad sa aklat na ito nang buong katapatan. At kung iyong susundin ang aking mga
payo, walang alinlangan na ikaw ay masisiyahan.

Unang Kabanata: Ano-ano at ilang uri mayroon ang tunay


na mahika
Sinuman ang nagnanais malaman ang lahat ng sining at operasyon na mayroon sa ating
panahon, na kinikilala at itinuturo sa ibang bansa bilang karunungan at lihim na mahika, mas maigi pa
na bilangin na lamang niya ang alon at buhangin sa dagat sapagkat sa panahon ngayon lahat ng uri ng
panloloko ng mga palalo ay pinaniniwalaan na mahika, lahat ng kasuklam-suklam na gawain ng mga
manggagaway, lahat ng guni-guni galing sa demonyo, lahat ng pagsamba sa dios-diosan ng mga
pagano, mga pamahiin, gayuma, pakikipagkasunduan sa demonyo, at maging ang lubhang pagkabulag
ng mundo sa bawat bagay na mahawakan ng kanyang kamay at paa ay itinuturing na karunungan at
mahika! Ang manggagamot, ang manghuhulang gumagamit ng astrolohiya, ang manggagaway, ang
mangkukulam, ang sumasamba sa dios-diosan, at ang lapastangan ay tinatawag ng mga
pangkaraniwang tao na majiko! Gayundin ang mga nagsasagawa ng mahika galing sa Araw, o sa
Buwan, sa mga masasamang espiritu, sa mga bato at halaman, mga hayop, o sa kung ano-ano pang uri
na maging ang Kalangitan ay mamamangha sa mga ito. Tiyak na mayroon din nakakagawa mula sa
hangin, lupa,apoy, tubig, mukha, palad, salamin, baso, ibon, tinapay, alak, at maging sa mga dumi ng
tao. Lahat ng ito ay kinikilalang agham!
35

Pinapayuhan kita, ikaw na nagbabasa nito, na magtaglay ka ng takot sa Dios at iyong aralin ang
katarungan, sapagkat walang alinlangan na mabubuksan para sa iyo ang pintuan ng tunay na
karunungan na ibinigay ng Dios kay Noah, at sa kanyang mga anak na sina Japhet, Abraham, at Ismael.
Ang karunungang ito ang siyang nagligtas kay Lot mula sa nasusunog na Sodom. Natutunan din ni
Moises ang karunungang ito sa disyerto, mula sa Nagniningas na Kahoy, at ito ay kanyang itinuro kay
Aaron na kanyang kapatid. Taglay din ito nina Jose, Samuel, David, Solomon, Elias, at ng mga Apostol,
at lalo na si San Juan (kung saan nanggaling ang isang dakilang aklat ng propesiya26). Nais kong
malaman ng bawat isa na itong aking ituturo ay siya ring karunungan at mahikang taglay nila. Ito rin
ang ilalahad sa aklat na ito, at ito ay malaya mula sa ibang agham o karunungan o mahika, ano mang uri
nila. Ngunit totoo rin na ang mga mapaghimalang operasyong ito ay marami katulad sa Kabala, at
totoo rin na may ibang operasyon na taglay ang tatak ng karunungan. Sila sana ay walang kabuluhan
kung hindi dahil sa sila ay nahaluan ng pundasyon ng banal na ministeryo, kung saan nanggaling sa
kalaunan ang Halong Kabala27. Una sa lahat, ang mga sining ay labing-dalawang uri. Apat sa bilang - 3,
5, 7, 9 - ay kasama sa bilang ng Halong Kabala. At ang ikalawa ang siyang pinakaganap sa kanilang
lahat, ito ay tumatalab sa pamamagitan ng mga tanda at pangitain. Dalawa sa mga tukol28 na numero,
6 at 2, ay tumatalab sa pamamagitan ng mga bituin at direksyon nila sa kalangitan na tinatawag nating
astronomiya. Ang tatlo ay nababatay sa mga metal at dalawa sa mga planeta. Sa lahat ng uri ng
ganitong sining, na inihalo at isinama sa banal na Kabala, ang mga gumagamit ng mga ito, natatangi
man o kabilang sa ibang uri na hindi galing sa Kabala, at mga nagsasaliksik upang maisagawa ang mga
operasyong ito ay nanganganib na malinlang ng demonyo sapagkat ang mga ito ay walang halaga
maliban sa kanilang kalikasan, at hindi sila maaaring magbunga ng iba maliban sa uri ng epekto na
posibleng mangyari. Tunay ngang wala silang kapangyarihan sa mga espiritwal na bagay at mga
himala subalit kung sa ibang pagkakataon sila ay makapagpakita sa iyo ng mga nakakamanghang
epekto, ito ay gawa lamang ng isang taong walang Dios at mula sa pakikipagkasunduan niya sa
demonyo. Ang ganitong uri ng agham ay dapat tawaging pangkukulam.

Bilang pagtatapos, ating ipalagay na mula sa sagradong hiwaga nanggaling ang tatlong uri ng
Kabala: ang Halong Kabala, ang Tunay na Karunungan, at ang Tunay na Mahika. Amin ngang sisikapin
na ipakita sa iyo ang huli at ang paraan upang ito ay makamit, sa ngalan ng Dios at ng langit.

26
Ang tinutukoy dito ay ang “Apocalypse”.
27
Mixed Qabalah
28
Even numbers
36

Ikalawang Kabanata: Mga dapat malaman bago isagawa ang


operasyon
Amin nang sinabi kung ano itong agham na aking ituturo sa iyo. Ang ibig kong sabihin, na ito
ay hindi mula sa tao o sa demonyo, bagkus ito ang tunay at banal na karunungan at mahika na isinalin
ng ating mga ninuno sa kanilang mga anak bilang pamana. Gaya ng aking ginagawa sa ngayon, bago
mo pa man gawin ang bagay na ito at bago mo kamtin ang dakilang kayamanang ito, iyong isaisip kung
gaano kadakila at kahalaga ang pagpapalang ito, at kung gaano ka makasalanan at kababa upang
tatanggapin ito. Kaya nga aking sinasabi sa iyo na ang panimula ng karunungang ito ay takot sa Dios at
sa katarungan. Itong mga Talaan ng Kautusan, Kabala, at mahika ay magiging kapakipakinabang sa iyo
bilang alituntunin. Kinakailangang maging malapit ka sa kanila sa simula pa lamang kung ibig mo
talagang makamit ang tunay na karunungan, at sa gayon ay upang makalakad at makapagsagawa ka
ayon sa tamang landas. Ang lahat ng ito ay narito sa aklat at lahat ay ipapayo sa iyo dito. Sapagkat
kung iyong isasagawa ang operasyon na ang tanging mithiin ay para gamitin ito sa pandaraya,
paglapastangan, at sa kasamaan, ito ay hindi makatuwiran, sapagkat lubhang mahalaga na isagawa
ang operasyong ito para sa pagpupuri, paggalang, at kaluwalhatian ng Dios, para sa kalusugan at
ikabubuti ng iyong kapwa, kaibigan man o kaaway, at sa pangkalahatang kabutihan ng Mundo.
Gayundin, mahalaga na isaalang-alang ang iba pang mga bagay. Maliit man ay kailangan pa rin pag-
isipan, gaya ng -- ikaw ba ay may kakayanang isagawa ang operasyon di lamang sa umpisa ngunit
hanggang katapusan. Dapat isaalang-alang ito bago ka magpasiya na gawin ang operasyon sapagkat
dito tayo ay hindi nakikipagkasunduan sa tao kundi sa Dios sa pamamagitan ng kanyang mga banal na
anghel, at sa mga espiritu, mabuti man o masama.

Hindi ako narito upang magkunwaring santo o magpakitang-tao, subalit mahalaga na


magkaroon ng tunay at tapat na puso. Ikaw ay narito para sa Dios. Hindi lamang panlabas na anyo ng
tao ang Kanyang nakikita, kundi alam din Niya ang kaibuturan ng ating puso. Subalit kung tunay,
matatag, at tiyak ang iyong pasiya, at nakasandig sa kalooban ng Dios, iyong makakamit ang iyong
kagustuhan at hindi ka mahihirapan. Madalas din ang tao ay pabago-bago ng isip, at kahit maayos ang
kanyang panimula, hindi naman maayos ang katapusan sapagkat hindi siya naging matatag at malakas
sa kaniyang pagpapasiya. Magnilaynilay kang mabuti bago mo ito simulan, at gawin mo lamang ang
operasyon kung matatag ang iyong layunin na tapusin ito sapagkat walang tao ang maaaring kumutya
sa Dios ng walang kaparusahan.

Gayundin, kailangan isipin at isaalang-alang kung may sapat kang kabuhayan at pagkakakitaan
para sa bagay na ito, at kung ang iyong ari-arian ay nakalaan sa iba, may panahon ka pa ba para
asikasuhin ito. Gayundin, kung hahadlangan ka ba ng iyong asawa at mga anak. Ang lahat ng ito ay
mahalaga na pag-isipan upang hindi ka bulag sa pagsisimula ng bagay na ito.

Ang pinakamahalagang bagay na iyong dapat isaalang-alang ay kung ikaw ba ay nasa


mabuting kalusugan sapagkat ang katawan na mahina at di malusog ay maaaring magkaroon ng kung
anu-anong karamdaman. Sa katagalan ay maaaring magdulot ito ng kawalan ng pasensya at ng lakas
37

sa pagsasagawa at pagpapatuloy ng operasyon. Gayundin, ang taong may sakit ay hindi maituturing
na malinis at dalisay at hindi rin siya masisiyahan kung nag-iisa. Mas makabubuti pa na tumigil na
lamang siya.

Pag-isipan mo rin ang iyong kaligtasan. Simulan mo lamang ang operasyon sa isang dakong
ligtas kung saan hindi ka mapapalayas ng iyong mga kaaway at mapapahiya sa iba bago mo pa ito
matapos sapagkat dapat mong matapos ang iyong nasimulan.

Ang unang kabanata ng aklat na ito ang siyang pinakamahalaga. Kaya nga iyong siguraduhin
na iyong susundin mabuti ang nakasulat dito. Para sa ibang mga hadlang, may karampatang lunas
naman para dito. Tiyak na bibigyan ng Dios ng tulong ang lahat ng taong may tiwala sa Kanya at sa
Kanyang karunungan. Iyong sikapin na mumuhay nang tama, gamitin ang mga ito nang marangal sa
kabila ng kaguluhan ng mundo. Iyong kasuklaman ang gawain ng mundo at iyong tiyakin na hindi mo
papakinggan ang kanilang kuro-kuro kapag iyong nang nakamit ang kaganapan ng operasyong ito, at
ikaw nga ay magtataglay ng karunungan ng Banal na Mahika.

Ikatlong Kabanata: Ang tamang edad at mga katangian ng


taong nais magsagawa ng operasyon
Upang mailarawan ko nang mas mabuti ang mga nauna kong sinabi at iba pang mga dapat
isaalang-alang, aking isasalaysay na muli ang mga mahahalagang bahagi. Una sa lahat, aking ilalahad
ang mga maaaring maging balakid sa operasyong ito.

Kinakailangan na ang taong magsasagawa ng operasyong ito ay ipagkaloob ang sarili sa


pamumuhay nang tahimik at pagiging mahinahon ng kanyang asal. Dapat ay mahilig siyang mag-isa.
Dapat din na hindi siya makitaan ng kasakiman at labis na pagpapatubo sa may utang sa kanya. (Ang
pagiging lehitimong anak ng kanyang magulang ay mabuting bagay subalit hindi kinakilailangan, di
gaya ng sa Kabala na hindi maaaring makamtan ng isang taong bunga ng pakikiapid29. ) Ang kanyang
edad ay hindi bababa sa dalawampu’t lima at hihigit sa limampu. Siya ay dapat walang karamdamang
namamana, gaya ng ketong. Hindi gaanong mahalaga kung siya man ay may asawa o wala. Ang
kamarero30, alila, o iba pang uri ng naninilbihan sa bahay ay maaaring mahirapan na makamtan ang
biyayang ninanais dahil sila ay nakatali sa iba at walang panahon na mailalaan para sa operasyong ito.
Sa mga babae, maaaring mga birhen lamang ang nababagay dito, ngunit aking mariin na pinapayo31 na
ang ganito kahalagang bagay ay huwag nang ituro sa kanila dahil sa maaari nilang maidulot na sakuna
bunga ng kanilang pagiging usisera at kadaldalan.

29
“Hindi ako naniniwala sa bagay na ito,” sabi ni Mathers sa kanyang footnote.
30
“Valet” sa English.
31
“Tila may bahid ito ng maling opinyon. Sa kasalukuyan, marami sa mga pinakamasisidhing mag-aaral ng
Qabalah ay mga babae, may-asawa at dalaga.” - Mathers
38

Ikaapat ng Kabanata: Marami sa mga aklat ukol sa mahika ay


mali at walang pakinabang
Ang lahat ng aklat na naglalarawan ng mga titik, kakaibang pigura, bilog, kumbokasyon,
pagsusumamo, panalangin, at iba pang mga bagay gaya nito ay di dapat tanggapin kahit pa nga ba
may bisa ang mga ito, sapagkat sila ay pawang mga katha ng demonyo32. Dapat mong malaman na
ang demonyo ay gumagamit ng maraming kasangkapan upang mabitag at malinlang ang tao. Aking
napatunayan ito, sapagkat nang aking maisagawa ang tunay na karunungan, ang lahat ng iba pang
mga panggagaway na aking natutunan noon ay natigil, at sila ay hindi ko na kayang maisagawa maging
ang mga natutunan ko kay noon kay Rabbi Moses. Ito ay dahil sa ang kasinungalingan at pandaraya ng
Demonyo ay hindi kailanman lilitaw kung saan naroroon ang banal na karunungan. Isa pang tiyak na
tanda ng kanilang pandaraya ay ang pagpili sa ilang araw. Bagaman may mga araw na ipinagutos ng
Dios na gawing banal, tayo ay malaya pa rin na magsagawa ng mahika sa anumang araw at panahon.
At sa tuwing ikaw ay makakakita ng mga talaan na nagtatanda sa mga araw at kanilang mga
pagkakaiba, mga palatandaan sa kalangitan, at iba pang ganitong uri ng bagay33. Huwag mo silang
pakinggan sapagkat sa likod niyan ay isang napakalaking kasalanan at kasinungalingan ng demonyo.
Ito ay isa sa kanyang mga paraan na haluan ng kadiliman ang tunay na karunungan ng Dios. Sapagkat
itong tunay na karunungan ng Panginoon ay maisasagawa nang mabisa sa kahit na anong araw, kahit
anong sandali at segundo. Ang pintuan ng Kanyang pagpapala ay bukas sa bawat araw; nais Niyang
tayo ay tulungan at Siya ay nasisiyahan sa pagtulong sa atin anumang araw. Hindi rin totoo na ibig
Niyang Siya ay maging saklaw ng araw at oras gaya ng ginagawa ng ibang tao sa Kanya sapagkat Siya
ang panginoon na pumipili ng mga araw upang gawin ang ibig Niya! Iyo rin layuan ang mga aklat na
nagtataglay ng mga panalangin na mararangya, di maintindihan, at gumagamit ng di maintindihang
mga salita. Ang mga ito ay tunay ngang katha ng demonyo at masasamang tao.

Mainam din na tandaan ang sinabi ko sa unang aklat – na mas marami sa kanilang mga
pananawagan ay hindi man lang binabanggit ang Dios na makapangyarihan sa lahat, bagkus ito ay mga
panalangin sa Demonyo, kasama ang mga di-maintindihang salita ng taga-Chaldea. Maituturing na
kapangahasan na subukan nating makipagugnayan sa Dios sa pamamagitan ng Kanyang mga banal na

32
“Mahalaga na hindi magkamali ng intindi ang mambabasa ukol sa siping ito. Ang tinutukoy dito ay ang
majica negra (black magic) na nagtataglay ng mga kakaiba at masasamang salita at karakter; at walang itinuturo
kundi ang pagsasagawa ng mga bagay na makasarili at makakasakit sa iba. Ang pinakatinutukoy dito ay ang
pakikipagkasunduan sa mga masasamang espiritu. Sapagkat ang mga tunay na karakter ay naglalarawan ng mga
pormula ng daloy ng mga lihim na lakas o pwersa ng kalikasan at ang mga tunay na seremonyas ay susi upang ang
mga ito ay mapakilos.” - Mathers
33
Muling tinutulan ni Mathers ang puntong ito. Bagama’t di kinakaila ni Mathers na mas mataas na uri ang
mahika ng mga anghel (angelic magic) kaysa sa mga paggawa ng anting-anting (“talismanic magic” gamit ang
astrolohiya) may pakinabang din aniya ang paggamit ng astrolohiya upang mapalakas ang kapangyarihan ng
mahika.
39

anghel gamit ang kakaibang mga salita na hindi naman natin nauunawaan ang ating sinasabi o ang
ating hinihiling. Hindi ba ito ay isang kaululan at kasalanan sa Dios at sa Kanyang mga banal na anghel?
Kaya nga tayo ay lumakad sa tamang landas; tayo ay makipagusap sa Dios na bukas ang ating puso at
bibig gamit ang ating sariling wika, dahil paano ka magkukunwari na tinatanggap mo ang biyaya ng
Panginoon kung ikaw mismo ay hindi nakakaunawa sa iyong sinasabi? Subalit ang bilang ng mga taong
na nahuhulog sa ganitong kahambugan ay hindi mabibilang. Maraming nagsasabi na ang salitang
Griyego ay mas kaaya-aya sa Dios. Maaaring totoo ito noong unang panahon subalit gaano karami sa
atin ang nakakaintindi ng salitang ito? Ito ang dahilan kung bakit walang kabuluhan na gamitin ang
wikang ito. Uulitin ko – gamitin natin ang ating sariling wika sapagkat, kung iyong nauunawaan ang
iyong hinihiling sa Dios, ikaw ay makakatanggap ng mga pagpapala. At kung ikaw ay hihiling ng isang
bagay na hindi makatarungan, ito ay ipagkakait sa iyo at hindi mo ito makakamtan kailanman.

Ikalimang Kabanata: Bakit hindi kailangan isaalang-alang ang


panahon, araw, o oras sa pagsasagawa ng operasyon
Wala nang iba pang araw na kailangang ipagdiwang maliban sa mga ibinigay ng Dios sa ating
mga ninuno. Ang mga ito ay ang: lahat ng Sabbath bilang araw ng pangingilin, Paskua (Passover), at
ang pista ng mga Balag (feast of Tabernacles). Ang una ay ipinagdiriwang tuwing ika-15 ng unang
buwan at ang huli naman ay tuwing ika-15 ng ikapitong buwan34. Ngayon para sa operasyong ito,
sinumang kabilang sa kahit na anong relihiyon ay maaaring ipagdiwang ang mga pistang ito kung
kanyang kikilanin na ang Dios ay iisa. Subalit ang tamang panahon na simulan ang operasyong ito ay
ang unang araw pagkatapos ng pista ng Muling Pagkabuhay (Easter), at ito ay iniutos kay Noah,
sapagkat ito ang siyang pinakamainam na araw, at ang katapusan ng operasyon ay papatak sa pista ng
Balag35. Ito ay ipinagdiriwang ng ating mga ninuno, at pati ang anghel36 ay sang-ayon dito. Mas maigi
na sumunod sa mabuting payo at halimbawa kaysa maging matigas ang ulo at sumunod sa ating
sariling kagustuhan. Ituring natin na gawaing-pagano ang pagpili ng isang araw para sa operasyon. Di
na dapat pang isaalang-alang ang oras o mga elemento, bagkus ay magbigay pugay ka sa Dios na
nagbibigay sa iyo ng ganitong pagkakataon. Kaya nga mayroong mga tao na may magandang

34
Ang Paskua (Passover) ay ipinagdiriwang bandang Vernal Equinox (Marso 20) at halos katumbas ito ng
Linggo ng Muling Pagkabuhay (Easter); ito ay naguumpisa sa ika-15 o 16 ng unang buwan ng mga Hudyo = Nisab o
Abib. Ang Pista ng mga Balag (feast of Tabernacles) ay naguumpisa sa bandang kalagitnaan ng ika-7 buwan =
Tisri.
35
Bandang Autumnal Equinox (September 22)
36
Malamang na ang tinutukoy ni Abraham dito ay ang kanyang banal na anghel.
40

kasunduan sa Dios at nasa ilalim ng Kanyang pagpapala, at mas dalisay kaysa ibang panahon37. ito nga
ay isang mahalagang bagay na dapat isaalang-alang mabuti.

Ngunit may katotohanan din na ang mga elemento at mga bituin ay may mga kapangyarihan
din subalit ang mga ito ay dapat ituring na kalikasan sapagkat nangyayari na ang isang araw ay kaiba sa
ibang araw, datapwa’t ang pagkakaiba nila ay walang kinalaman sa mga bagay na ispiritwal o mga
kababalaghan. Dahil diyan, maituturing sila na walang pakinabang para sa mataas na uri ng
salamangka. Higit na walang pakinabang ang pagpili ng mga araw, lalong malaking pagkakamali ang
pagpili ng oras at minuto gaya ng ginagawa ng mga mangmang.

Kung kaya nga nagpasiya ako na isulat ang bahaging ito upang ang pagkakamaling ito ay lalong
luminaw sa mambabasa, at kung gayon siya ay magkamit ng pakinabang mula sa pagsasagawa ng
wastong operasyon.

Ikaanim na Kabanata: Tungkol sa oras ng mga planeta at iba


pang pagkakamali ng mga pantas ng astrolohiya
Tunay nga na ang mga pantas ng astrolohiya ay nagsusulat ukol sa mga bituin at kanilang mga
galaw, at ukol sa iba’t ibang bisa ng mga ito sa mga bagay na mababang uri at elemental. Gaya ng
nasabi na namin kanina, ang mga ito ay likas nilang kapangyarihan, subalit hindi kailanman
mangyayari na sila ay magkakaroon ng kapangyarihan ispiritwal o makagawa ng mga himala. Ang
totoo, sa pahintulot ng Dios ang mga espiritu ang siyang may kapangyarihan sa mga bituin sa langit.
Kung gayon, kabaliwan ang manalangin sa Araw, Buwan, at mga bituin kung ang adhikain ay upang
makausap ang mga anghel at espiritu. Hindi ba isang kahibangan ang humiling sa mga mababangis na
hayop na ikaw ay pahintulutan nilang mangaso? Di ba’t gayun din ang pamimili ng araw, paghahati sa
mga oras sa isang araw ayon sa maling paraan, paghahati sa minuto at iba pa? “Heto,” wika nila, “nasa
amin ang mga oras ng planeta, at ang karampatang planeta ng bawat oras.” Ha, anong mga planeta!
At paano naging mainam ang ganitong sistema? Maaari bang sabihin mo sa akin - anong kabutihan
ang idudulot sa inyo ng ganitong paraan ng paghahati? Inyong isasagot, “Isang napakadakilang bagay,
sapagkat ipinapakita nito ang lahat ng bagay, ang magaganda o masasamang kapalaran!” Sinasabi ko
sa inyo, at mariin kong inuulit, ito ay kasinungalingan. Oo, minsan ay nagagawa nilang mabago ang
panahon at hangin, ngunit maaari bang ipaliwanag ninyo sa akin kung paano ninyo nagagawang hatiin
ang oras ng mga planeta? Alam ko na sila ay inuumpisahan sa unang oras ng araw ng karampatang
planeta– ang Araw para sa Linggo, ang Buwan para sa Lunes, Mars para sa Martes, Mercury para sa
Miyerkules, Jupiter para sa Huwebes, Venus para sa Biyernes, at Saturn para sa Sabado. Pagkatapos

37
Hindi ako sigurado kung ano ang ibig sabihin ni Abraham dito kung ating susuriin ang buong kontexto ng
talata. Sa English version: Thus then will we be found men in the fittest condition of grace and reconciled with God,
and purer than at another period….
41

ay hahatiin ang haba ng araw nang pantay-pantay sa labing-dalawang bahagi na kung tawagin ay oras,
at ang bawat oras ay may karampatang planeta. Ganito rin ang gagawin sa gabi, ayon sa kung mahaba
o hindi ang araw. Sa ganitong paraan nagiging mahaba o maigsi ang araw. Halimbawa, sa isang araw
ng Linggo ay sumikat ang araw sa ika-pito ng umaga at lumubog sa ika-lima ng gabi, ang kanyang
paglalakbay ay sampung oras, na siyang hahatiin sa labing-dalawang bahagi ng pantay-pantay upang
ang bawat oras ay may limampung minuto ang haba. Ang unang oras ay para sa Araw, at ito ay may
habang limampung-minuto, ang ikalawang oras ay para sa Venus, ang ikatlo ay para sa Mercury,
hanggang sa ikawalong oras muli para sa Araw, ang ikasiyam ay muling kay Venus, ikasampu kay
Mercury, at hanggang matapos ang araw. Pagkatapos naman niyan ay ang gabi na mas mahaba,
samakatwid ay labing-apat na oras, at ang bawat oras para sa planeta ay may pitumpung minute.
Bilang pagpapatuloy sa nasimulan natin na pagsunod-sunod sa mga planeta, ang unang oras ng gabi ay
kay Jupiter, ang ikalawa ay kay Mars, ang ikatlo sa Araw… At ganito nga hanggang Lunes, na ang
unang oras ay magiging para sa Buwan (ayon sa sistemang ito). Ngayon, maaari bang ipaliwanag mo
sa akin nangyayari ba na sa tuwing darating ang araw ng Lunes, o sa tuwing sisikat ang araw sa
silangan, kasabay ba nito palagi ang buwan sa pagsikat, at sila ay sabay din sa paglubog? Ito ay hindi
nila kayang sagutin. Kung gayon, paano nila nagawang ibahagi sa ikalawang araw ng linggo at ang
unang oras para sa Buwan? Wala silang masabing dahilan, maliban sa sila ay pareho ng ngalan38.

Napakalaking pagkakamali! Makinig ka at sabihin mo sa akin kung kelan pinakamalakas ang


isang planeta. Kung ito ba ay nasa ibabaw o nasa ilalim ng iyong kinalalagyan? Tiyak na ito ay mas
malakas kung ito ay nasa ibabaw sapagkat kung ito ay nasa ilalim wala itong lakas maliban na lang kung
kalooban ng Dios. Kung gayon, bakit natin iniuugnay ang planeta sa isang araw at oras kung sa loob
naman ng isang buong araw ito ay hindi lumilitaw sa kalangitan?

Ako ay tinuruan ni Abramelin, isang napakahusay na pantas ng kalikasan, ng kakaibang paraan


ng paghahati (na atin din susuriin at titingnan kung ito ay mas may saligan kaysa alituntunin ng
astrolohiya). Kanyang pinaunawa sa akin kung ano ang tamang oras ng mga planeta. Kung ang
planeta ay sumikat na sa kalangitan, simula na ng kanyang araw (maliwanag man o madilim, puti o
itim), at hanggang ito ay lumubog mula sa kataasan matatapos ang kanyang araw at mananaig ang
gabi. Ganito nga para sa araw ng Araw, gayundin para sa araw ng Buwan at ng iba pa, ang mga araw ng
mga planeta ay nagkakahalo-halo, datapwat ang isa ay nauunang magsimula kaysa isa pa, ayon sa
kanilang kalikasan sila ay nagkakahalo-halo sa kalangitan.

Ngayon kinakailangan kong sabihin sa iyo kung ano ang mga oras ng mga planeta! Iyong dapat
malaman na ang bawat planeta ay mayroon lamang isang oras kung kailan sila ay lubhang malakas, ito
ay kung kailan sila nasa iyong kaitaasan, samakatwid kung kailan sila ay nasa kanilang tugatog. Kung
gayon, natural lamang na minsan ay may dalawang planeta na sabay sisikat at magsisimula sa
parehong oras. Ang kanilang bisa ay ayon sa likas nilang katangian at uri. Subalit ang lahat ng ito ay
may lakas lamang sa kalikasan. Dito ay akin ipinahayag at pinatunayan sa iyo ang mga pagkakamali ng

38
“Moon” para sa Monday; “Sun” para sa Sunday; “Tuisco” (isa pang tawag kay Mars) para sa Tuesday;
“Woden” (isa pang tawag kay Odin) para sa Wednesday; “Thor” (isa pang tawag kay Jupiter) para sa Thursday;
“Freya” (isa pang tawag kay Venus) para sa Friday; “Saturn” para sa Saturday.
42

mga (pangkaraniwang) pantas ng astrolohiya. Iyong iwasan ang mga pagkakamali nila ukol sa mga
araw at oras sapagkat kung iyong gagamitin ang mga ito gaya ng mga huwad na salamangkero at
manggagaway ikaw ay parurusahan ng Dios. Kaya’t upang hindi ka maparusahan, huwag mong
pagtutuunan ng pansin ang pagdating ng oras ng Saturn o ng Mars.

Akin nang tatapusin ang kabanatang ito sapagkat sapat ko nang naituro ang mga pagkakamali
at walang kabuluhang pamamaraan ng mga pantas ng astrolohiya sa kanilang pagpili ng araw at oras.

Ikapitong Kabanata: Mga dapat isagawa sa unang dalawang


Buwan ng operasyon ng Banal na Mahika
Sinuman ang magsisimula ng operasyong ito ay dapat munang isaalang-alang nang mabuti ang
mga nabanggit ko sa mga unang bahagi ng aklat, at dapat ay pagtuunan niya ng pansin ang mga
sumusunod. Dahil mahalaga ang bagay na ito, akin munang isasantabi ang mga iba pang dapat
isaalang-alang at aking sisimulan ang mga dapat gawin sa unang umaga matapos ang pagdiriwang ng
Muling Pagkabuhay39 (o Paskua).

Una: pagkatapos paliguan mabuti ang buong katawan at magbihis ng malinis na kasuotan at
eksakto labing-limang minuto bago sumikat ang araw, ikaw ay pumasok sa iyong silid-dasalan. Buksan
mo ang bintana at lumuhod sa harap ng altar na nakaharap sa bintana. Buong taimtim at katapangan
mong tawagin ang pangalan ng Panginoon; ikaw ay magpasalamat sa lahat ng Kanyang biyaya na
ipinagkaloob sa iyo mula nang ikaw ay sanggol pa lamang hanggang sa ngayon. Pagkatapos ay buong
kababaang-loob kang magpakumbaba sa Kanya at ikumpisal mo sa kanya ang lahat ng iyong kasalanan
at magmakaawa ka na ikaw ay Kanyang patawarin. Ikaw ay makiusap din sa Kanya na nawa ay
dumating ang panahon na ikaw ay Kanyang kaawaan at ipagkaloob Niya sa iyo ang biyaya at kabutihan
na ipadala ang kanyang banal na anghel na iyong tagapagbantay upang iyong maging gabay at siyang
magdala sa iyo sa banal na daan at sa Kanyang kalooban upang ikaw ay hindi mahulog sa kasalanan
dahil sa iyong kapabayaan, kamangmangan, o kahinaan ng laman.

Sa ganitong paraan mo dapat umpisahan ang iyong orasyon at ito ay ipagpapatuloy mo tuwing
umaga sa loob ng unang dalawang Buwan.

Marahil ay iyong iniisip, “Bakit hindi mo isinulat ang mga panalangin na dapat kong bigkasin,
alam mo naman na ako ay walang sapat na kaalaman, ni hindi ako deboto o pantas?”

Tunay ngang sa simula, ang iyong pagdarasal ay walang kapangyarihan ngunit kung ikaw ay
mananalangin pa rin sa Dios nang buong puso at pag-ibig. Ito ay sapat na bilang dasal. Walang
mangyayari kung ikaw ay mananalangin nang walang debosyon, walang atensyon, at walang

39
Easter
43

kaalaman, o kaya ay binibigkas mo lamang ito sa iyong bibig nang walang tunay na adhikain, o kaya’y
binabasa mo lamang ito gaya ng ginagawa ng mga mangmang at mga lapastangan. Lubhang
mahalaga na ang iyong panalangin ay magmula sa kaibuturan ng iyong puso sapagkat ang pakikinig sa
isang panalangin na isinulat lamang ay hindi sapat upang maituro sa iyo kung paano ang tunay na
pananalangin. Ito ang dahilan kung bakit hindi ko nais na bigyan ka ng isang panalangin at orasyon,
upang iyong matutunan sa iyong sarili kung paano manalangin at tumawag sa banal na ngalan ng Dios
na ating Panginoon, at dahil diyan hindi ko ibig na ikaw ay umasa sa akin upang makapanalangin. Ikaw
ay nagtataglay ng Banal na Kasulatan (Biblia) na puno ng magaganda at makapangyarihang mga dasal
at mabubuting gawain. Pag-aralan mo sila, at ikaw ay matuto sa kanila, at hindi ka magkukulang sa
mga pangaral ukol sa pagdarasal nang mabisa. Bagama’t sa simula maaaring ang iyong panalangin ay
walang lakas, ang mahalaga ay tapat ang iyong puso at ikaw ay tapat sa Dios. Unti-unti naman Niyang
bubuhayin sa iyong kalooban ang Espiritu Santo na siyang magtuturo sa iyo at magbibigay-liwanag sa
iyong espiritu, at kayong dalawa ay magkakakilanlan, at ikaw ay magkakaroon ng kapangyarihan sa
pagdarasal.

Pagkatapos ng iyong orasyon, isarado mo ang bintana, at lumabas sa silid-dasalan, upang dito
ay walang iba na makapasok. Maging ikaw ay hindi dapat pumasok sa silid hanggang sa gabi
pagkalubog ng araw. Ikaw ay muling pumasok [sa gabi] sa iyong silid-dasalan at isagawa mo ang iyong
pagdarasal gaya ng sa umaga.

Sa ibang oras, ikaw ay kumilos ayon sa ituturo ko sa iyo.

Sa ikalabing-isang aking ipapaliwanag sa iyo ang ukol sa silid-tulugan at silid-dasalan at kung


paano sila dapat isaayos.

Kinakailangan na ikaw ay may silid-tulugan malapit sa silid-dasalan o, kung wala naman,maaari


na ang iyong pangkaraniwang tirahan na dapat linisin nang mabuti at pabanguhan, at iyong tiyakin na
ang kama ay bago at malinis. Pagtuunan mo nang buong pansin ang pagiging malinis sa lahat ng bagay
sapagkat ang Dios ay namumuhi sa lahat ng marumi. Ikaw ay dapat matulog sa silid-tulugan na ito, at
dito ka mamamalagi sa buong araw. Dito mo isasagawa ang mga bagay-bagay na may kinalaman sa
iyong kabuhayan. Ang mga bagay na hindi mo kailangan asikasuhin ay hayaan mo na. Maaari kang
matulog kasama ang iyong asawa sa kama kung siya ay dalisay at malinis, subalit kung siya ay may
buwanang dalaw huwag mong tulutan na siya ay makisiping sa iyo sa kama ni pumasok sa silid-
tulugan. Sa bawat araw bago ang Sabbath, kinakailangang palitan ang mga sapin ng kama at lahat ng
kumot at punda ng unan. Tuwing Sabado ay pabanguhan mo ang iyong silid-tulugan. At huwag mo
pahintulutan makapasok o tumira sa silid-tulugan ang anumang aso, pusa, o iba pang uri ng hayop
upang hindi nila madumhan ang silid. Ukol sa obligasyon mo bilang asawa, ito ay katungkulan upang
magbunga ng mga anak, subalit ang kabuuan ay dapat isagawa ng may takot sa Dios at, higit sa lahat,
tiyakin mo na ang iyong asawa ay malinis. Subalit sa mga susunod na apat na Buwan iyong iwasan ang
pakikipagtalik gaya ng pag-iwas sa nakakahawang sakit. Kung ikaw ay may anak, pagsikapan mong
sila ay dalhin sa ibang dako bago mo simulan ang operasyon upang sila ay hindi makasagabal sa iyo,
maliban sa iyong panganay na anak at mga sanggol na sumususo pa sa ina.
44

Ukol sa iyong disiplina at mga kilos, dapat mong isaalang-alang ang iyong katayuan at
kalagayan sa buhay. Kung ikaw ay may sariling kabuhayan, sikapin mo sa abot ng iyong makakaya na
maging malaya mula sa iyong mga negosyo, at tigilan mo ang lahat ng mga makamundo at walang-
kabuluhang pakikisama at pakikipag-usap. Ikaw ay mamuhay nang tahimik, nag-iisa, at tapat. Kung
dati ikaw ay naging masama, mahalay, sakim, maluho, at hambog, layuan mo ang lahat ng bisyong ito.
Maituturing na ito ang dahilan kung bakit sila Abraham, Moises, David, Elias, Juan,at iba pang mga
banal na tao ay namahinga sa disyerto hanggang sa nakamit nila ang banal na kaalaman at mahikang
ito, sapagkat kung saan maraming tao, marami rin paninirang-puri ang nagaganap. At kung mayroong
paninirang-puri, mayroon din pagkakasala. Ito ay kinamumuhian ng tagapagpbantay na anghel ng Dios
at nagiging dahilan upang siya ay lumayo sa atin, at ang landas patungo sa karunungan ay nagiging
sarado para sa atin. Layuan mo sa abot ng iyong makakaya ang pakikipag-usap sa mga tao, lalo na sa
mga taong nakasama mo noon sa paggawa ng kasamaan o sa mga nagdala sa iyo sa kasalanan.
Samakatwid, ikaw ay mamahinga sa malayong dako hangga’t maaari hanggang sa oras na makamtan
mo ang pagpapala ng Dios na iyong inaasam. Subalit ang isang naghahanap-buhay o naglilingkod para
sa isang amo ay walang ganitong uri ng kalayaan (na maisagawa ang operasyon).

Ingatan mo ang iyong kilos sa pagsasagawa ng iyong negosyo, sa iyong pangangalakal, na ikaw
ay huwag magpadala sa iyong galit, bagkus ay maging mababa ang loob at mapagpaumanhin sa iyong
pagkilos.

Magtabi ka ng dalawang oras pagkatapos ng bawat araw pagkatapos kumain sa gabi upang
gugulin para sa maingat na pagbabasa ng Banal na Kasulatan at iba pang mga banal na aklat, sapagkat
ang mga ito ay magtuturo sa iyo nang mabuting pagdarasal, at kung paano magkakaroon ng takot sa
Panginoon. Sa ganitong paraan ay lalo mong makikilala sa bawat araw ang iyong Tagapaglikha. Ang
ibang mga gawain na maaari mong gawin ay ilalahad sa iyo sa ikalabing-isang kabanata.

Ukol sa pagkain, pag-inom, at pagtulog, ang mga ito ay dapat mong gawin nang katamtaman
at huwag maging labis. Lubhang napakahalaga na iwasan ang paglalasing, at layuan ang mga salo-
salong pampubliko. Ikalugod mo ang kumain sa loob ng iyong bahay, kasama ang iyong pamilya, nang
payapa at tahimik. Hindi ka dapat natutulog sa araw, ngunit maaari kang matulog sa umaga sapagkat
pagkatapos ng iyong mga pagdarasal ay maaari kang magpahinga. Kung mangyari na ikaw ay hindi
kaagad nagising nang maaga, samakatwid ay bago sumikat ang araw, hindi na ito gaanong mahalaga
pa (ang mahalaga ay hindi mo ito ginawa na may masamang intensyon), at iyong isagawa pa rin ang
iyong pagdarasal sa umaga, ngunit tiyakin mo na hindi ka masanay sa katamaran sapagkat parating
mas mabuti na manalangin sa Dios sa maagang oras.

UKOL SA PANANAMIT AT SA PAMILYA

Ikaw ay manamit ng malinis subalit katamtaman, at ayon sa tradisyon ng iyong bayan. Layuan
ang lahat ng karangyaan. Dalawa dapat ang iyong baro upang maaari mo silang pagpalitin; at sila ay
dapat mong pagpalitin sa araw bago ang Sabbath. Ang isa ay iyong susuotin ng isang linggo at ang isa
naman sa susunod na linggo. Labhan at pabanguhan mo sila bago mo muling isuot.
45

Tungkol naman sa iyong pamilya, mas kaunti ang bilang mas mabuti. Gayundin, ikaw ay
kumilos upang mapanatili ang kababaang-loob at katahimikan ng iyong mga tagapaglingkod sa iyong
tahanan. Ang lahat ng payong ito ay mahalaga na iyong sundin. Tungkol naman sa iba pa, ang
kinakailangan lang ay lagi nasa tabi mo ang Talaan ng mga Kautusan40 sapagkat ito ang siyang dapat
maging alituntunin mo sa buhay.

Maging lagi kang handa sa pagbibigay ng limos at iba pang pagpapala sa iyong kapwa. Maging
laging bukas ang iyong puso sa mga mahihirap na labis na iniibig ng Dios nang walang katulad.

Kung mangyari na sa panahong ito ikaw ay magkasakit na siyang dahilan upang hindi ka
makapasok sa iyong silid-dasalan, hindi ito dapat maging dahilan upang agad-agad mong talikuran ang
iyong isinasagawa, subalit sikapin mong kumilos ng tama. Sa pagkakataong ito ay maaaring mong
isagawa ang operasyon sa iyong higaaan, at makiusap ka sa Dios na ikaw ay Kanyang pagalingin upang
maipagpatuloy mo ang iyong gawain. Magsagawa ka ng mga sakripisyo kung kinakailangan at nang sa
gayon sa iyong paglakas ay matupad mo ang operasyon upang makamtan ang Kanyang karunungan.

Ito ang mga bagay dapat mong gawin at tuparin sa loob ng dalawang Buwan.

Ikawalong Kabanata: Tungkol sa susunod na dalawang


Buwan
Pagkatapos ng unang dalawang Buwan, susunod na ang dalawang Buwan kung kailan
isasagawa mo pa rin ang iyong pananalangin sa umaga at gabi sa oras na iyong itinakda. Ngunit sa
pagkakataong ito, bago ka pumasok sa iyong silid-dasalan, dapat kang maghugas ng kamay at mukha
gamit ang malinis na tubig. Mas pahabain mo ang iyong pananalangin at magkaroon ng higit na
pagmamahal, debosyon, at pagpapakumbaba sa Dios. Makiusap ka nang buong puso sa Panginoong
Dios na Kanyang atasan ang mga banal na anghel na ikaw ay kanilang dalhin sa tamang landas,
karunungan, at kaalaman. Sa pamamagitan ng pag-aaral nang buong sikap sa mga banal na kasulatan
ay lalong uusbong ito sa iyong puso.

Ang pagsasagawa ng tungkulin ng mag-asawa ay pinahihintulutan ngunit dapat ay bihira


lamang ito gawin (sa panahong ito).

Nararapat ding ikaw ay maligo ng buong katawan tuwing araw bago ang Sabbath.

Tungkol sa iyong paghahanapbuhay at pamumuhay, nakapabigay na ako sa iyo ng sapat na


mga alituntunin.

40
Tables of the Law
46

Lubhang mahalaga na ikaw ay mamahinga, lumayo, at mag-isa mula sa mundo, at iyong mas
pahabain ang iyong mga panalangin sa abot ng iyong makakaya.

Tungkol sa pagkain, pag-inom, at pagtulog, gayon pa rin ang dapat mong ikilos gaya ng sa
unang dalawang Buwan, datapwa’t sa pagkakataong ito ikaw ay dapat mag-ayuno41 tuwing bisperas ng
Sabbath.

Tandaan mabuti: Ang Sabbath ay para sa mga Hudyo, sila ay sanay na ipagdiwang ang
Sabbath tuwing Sabado, subalit para sa mga Kristiyano, ang Sabbath ay ipinagdiriwang kung Linggo,
kaya’t ang Sabado ang bisperas ng kanilang Sabbath.

Ikasiyam na Kabanata: Tungkol sa huling dalawang Buwan


Hugasan mo ang iyong kamay at mukha tuwing umaga at tanghali sa pagpasok mo sa silid-
dasalan. Unang-una ay ikumpisal mo ang iyong mga kasalanan, pagkatapos ay mataimtim kang
makiusap sa Panginoon na ipagkaloob Niya sa iyo ang pagpapala – na iyo sanang matamasa at
makayanan ang pagdating at pakikipag-usap ng Kanyang mga banal na anghel sa iyo, at sa
pamamagitan ng iyong mga tagapagbantay na anghel ay ipagkaloob Niya nawa sa iyo ang lihim na
karunungan upang magkaroon ka ng kapangyarihan sa mga espiritu at sa lahat ng nilalang.

Ito nga ay gagawin mo rin sa tanghali pagkatapos kumain at maging sa gabi. Kung
magkagayon, sa loob ng dalawang Buwan na ito ay isasagawa mo ang pagdarasal tatlong beses sa
isang araw. At sa buong panahong ito ay dapat mong panatilihin ang pabango sa ibabaw ng altar.
Gayundin, sa pagtatapos ng iyong orasyon ikaw ay manalangin din sa iyong mga tagapagbantay na
anghel, makiusap ka sa kanila na dalhin nila sa Panginoong Dios ang iyong mga pagsasakripisyo, upang
mamagitan sila sa para sa iyo, at ikaw ay kanilang tulungan sa lahat ng iyong operasyon sa huling
dalawang Buwan na ito.

Ang taong may sariling kabuhayan ay nararapat ipaubaya sa iba ang kanyang kabuhayan
maliban sa mga pagkakawanggawa sa kapwa. Dapat mong layuan ang lipunan maliban sa iyong asawa
at mga tagapaglingkod sa bahay. Dapat ay igugol mo ang malaking bahagi ng iyong oras sa pagsasalita
ng mga kautusan ng Dios, at sa pagbabasa ng mga ganitong kasulatan na sinuri mong mabuti upang
mamulat ang iyong mga mata sa mga bagay na hindi mo pa nalalaman mula noon hanggang ngayon, ni
hinagap mo man lamang, o pinaniwalaan. Mag-ayuno ka sa tuwing bisperas ng Sabbath, at paliguan
ang buong katawan, at palitan ang iyong kasuotan.

Gayundin, nararapat magkaroon ka ng isang tsakelo at tuniko42 na yari sa linen. Ito ay isusuot
mo tuwing papasok ka ng silid-dasalan, bago mo ilagay ang pabango sa insensaryo, gaya ng ilalahad ko
sa susunod.

41
Fasting
47

Gayundin, magkaroon ka ng buslo o iba pang uri ng lagyanan na gawa sa tanso kung saan mo
ilalagay ang mga uling na siyang gagamitin sa insensaryo kung kailangan. Ito ay maaari mong madala
sa labas ng silid-dasalan, sapagkat ang insensaryo ay hindi kailanman dapat ilabas sa silid. Tandaan mo
rin na pagkatapos ng iyong panalangin, kailangan mong ilabas ito sa silid-dasalan, lalo na sa huling
dalawang Buwan, at iyo itong ilibing sa isang dako na maituturing na malinis, gaya ng isang halamanan.

Ika-10 Kabanata: Tungkol sa mga bagay na dapat pag-


aralan sa loob ng huling dalawang Buwan
Bagama’t ang pinakamainam na payo na maibibigay ko ay magpahinga ka sa isang disyerto o
dako na ikaw ay makapag-iisa hanggang matapos ang anim na Buwan para matupad ang operasyong
ito at iyong makamtan ang iyong inaasam, gaya ng ginagawa ng ating mga ninuno noon. Datapwa’t sa
kasalukuyang panahon ito ay halos imposible na ito magawai, kaya’t dapat tayo ay umangkop sa
panahon ngayon (kung kailan tayo ay nabubuhay). Kung hindi natin kayang isagawa ang isang bagay
sa operasyon, atin sikapin na gawin ito sa ibang paraan, at ang tangi nating ibigin ay yaong mga banal
na bagay lamang.

Subalit natitiyak kong may mga tao na hindi kayang gawin nang buo ang operasyon sa kabila
ng kanilang tapat na kagustuhan. Ito ay dahil sa uri ng kanilang hanapbuhay at kalagayan kung saan
sila ay walang layang kumilos ayon sa kanilang kagustuhan, dahil diyan ay napipilitan silang
ipagpatuloy ang kanilang mga makamundong gawain.

Upang malaman kung anong uri ng mga hanapbuhay at kabuhayan ang maaari nilang gawin
para maisagawa ang operasyon nang walang pinsala, aking ilalahad ang mga ito sa maigsing
pananalita.

Maaari tayo magsagawa ng panggagamot, at lahat ng sining na may kaugnayan dito. Maaari
natin gawin ang mga operasyon na may kinalaman sa kawang-gawa at pagbibigay-tulong sa ating
kapwa. Tungkol sa mga malayang sining, maaari kang magkaroon ng interes sa astronomiya at iba pa,
subalit layuan mo ang mga sining at operasyon na may kahit kaunting bahid ng salamangka at
panggagaway sapagkat hindi natin maaaring pagsamahin ang Dios at si Belial. Nais ng Dios mapag-
isa; sa Kanya lamang nararapat ang mga papuri at kaluwalhatian. Ngunit ang lahat ng ito ay
pinahihintulutan sa una at ikalawang dalawang Buwan.

Maaari kang maglakad-lakad sa halamanan para maglibang, ngunit huwag kang magsasagawa
kahit isang gawain ng alipin. Sa kalagitnaan ng mga bulaklak at bunga ay maaari kang magmuni-muni
tungkol sa kadakilaan ng Dios. Subalit sa ikalawa at ikatlong huling Buwan, layuan mo lahat ng ibang
bagay maliban sa mga libangan na may kinalaman sa mga espiritwal at kabanalan. Kung ibig mong

42
Isang kasuotang maluwag na walang manggas at hanggang hita o tuhod. Tunic sa Ingles.
48

makibahagi sa pag-uusap ng mga anghel, at sa banal na karunungan, isantabi mo lahat ng pabigla-


biglang bagay, at ituring mong kasiyahan kapag ikaw ay nakagugol ng dalawa o tatlong oras para sa
pag-aaral ng banal na kasulatan, sapagkat mula diyan ay magkakamit ka ng kamangha-manghang
pagpapala. Kung mas kakaunti ang iyong nalalaman, mas magiging marunong at matalino ka. Sikapin
mong sa iyong pagdarasal ay hindi ka makatulog, at hindi ka pumalya sa pagsasagawa ng operasyon
dahil sa kapabayaan at kusang-loob [na pagtigil].

Ika-11 Kabanata: Tungkol sa Pagpili ng Dako na


pagdarausan ng operasyon
Nararapat na gawin ang pagpili ng lugar bago natin ito simulan, at bago ipagdiwang ang
Paskua, upang tayo ay makapagdesisyon nang walang sagabal. Kailangan nga na ang lahat ng bagay
ay maihanda.

Sinumang magsisimula ng operasyong ito na nag-iisa ay may layang makapili ng pook, kung
saan may maliit na kahuyan at sa gitna nito ay may maliit na altar. Iyong takpan ang pook ng mga
pawid (o kubo) upang yaon ay hindi maulanan at mamatay ang ilaw at ang insensaryo. Sa paligid ng
altar na may distansiyang pitong hakbang ay magtanim ka ng mga bulaklak, halaman, at mababang
puno na kulay luntian upang mahati ang pasukan sa dalawang bahagi -- ang dakong loob kung saan
naroroon ang altar at tabernakulo ang siyang magsisilbing templo, at ang panlabas na bahagi na siyang
magsisilbing portico43.

Ngayon, kung iyong sinimulan ang operasyong ito hindi sa lalawigan kundi sa bayan o sa isang
tirahan, aking ipapakita sa iyo kung ano ang nararapat gawin.

Ikaw ay pumili ng isang apartment na may bintana na nakadugtong ang isang balkonaheng
walang bubong at isang maliit na silid (o kubo) na may bubong. Sa bawat panig nito ay may bintana
kung saan maaari mong matanaw ang bawat direksyon at kung saan maaari kang pumasok sa silid-
dasalan. Dito (sa balkonahe) magpapakita sa iyo ang mga masamang espiritu sapagkat hindi sila
maaaring makapasok sa silid-dasalan. Sa bahagi ng silid, sa tabi ng silid-dasalan, nakaharap sa
sangkapat ng Hilaga (quarter of the North), mayroon ka dapat na isang maliit na silid na may bubong
kung saan maaari mong matanaw ang silid-dasalan. Ang aking silid-dasalan ay may dalawang
malaking bintana, at sa oras ng kumbokasyon ng mga espiritu, aking binubuksan ang mga ito at
tinatanggal ko ang kanilang mga sarahan at ang pintuan upang mas madali kong makita ang bawat
bahagi at sila ay aking mapasunod. Ang silid-dasalan ay dapat laging malinis at nawalisan, at ang sahig
ay gawa sa puting kahoy ng puno ng pino. Tunay ngang ang lugar na ito ay dapat na maihanda nang
maingat at mabuti upang ito ay maituring na tunay na inilaan para sa pananalangin.

43
Bahagi na may habong/bubong papasok sa isang gusali.
49

Ang balkonahe na katabi ng maliit na silid, kung saan tatawagin ang mga espiritu, ay nararapat
lagyan ng ilog-buhangin na may kapal na dalawang daliri o higit pa.

Itayo mo ang altar sa gitna ng silid-dasalan. Kung sinuman ang gagawin ang kanyang silid-
dasalan sa disyerto, dapat ito ay gawa sa mga bato na kailanman man ay hindi pa nagamit o nilabra, o
ni nasagi man lamang ng pamukpok.

Ang silid [dasalan] ay dapat yari sa puno ng pino, at ang lampara na may langis ng oliba ay
nakasabit (mula sa kisame). Ito ay iyong papatayin sa tuwing matatapos ang iyong pagdarasal at
maglalaho ang pabango. Maglagay ka ng isang magandang insensaryo, na yari sa tanso o pilak kung
ikaw ay may kaya, sa ibabaw ng altar. Kailanman ay hindi ito dapat alisin sa kanyang kinalalagyan
hanggang matapos ang operasyon, lalo na kung ito [ang operasyon] ay iyong isinasagawa sa isang
tirahan. Kung [ito ay isinasagawa mo] sa labas hindi ito maaaring gawin [na iwanan ang insensaryo sa
altar]. Kung magkagayon, ang lagi nating gabay at alituntunin, di lamang tungkol sa bagay na ito kundi
maging sa lahat, ay ang ating sariling kalagayan at kakayanan.

Ang altar, na yari sa kahoy, ay dapat magsilbi rin na parang baul o kabinet kung saan
mo ilalagay ang iyong mga kagamitan gaya ng dalawang bata (robe), korona o mitre, baton (wand),
mga sagradong langis, paha o sinturon, pabango, at iba pang mga kinakailangang bagay.

Ang mga ikalawang kasuotan ay isang camisa o tsalekong hanggang tuhod o hita na yari sa
linen, maluwag at kulay puti, na may maayos na manggas. Ang isa pang bata (robe) ay kulay pula na
may ginto, at ito ay hindi lalagpas sa tuhod, at may manggas. Tungkol sa mga kasuotang ito, wala
nang iba pang alintuntunin na dapat sundin, subalit mas mabuti kung sila ay marilag, malinis, at
maningning. Gumawa ka rin ng paha o sinturon na yari sa seda (silk) at ang kulay ay gaya ng sa tsaleko,
kung saan mo itatali ang paha. Sa iyong ulo ay magpuputong ka ng isang magandang korona o laso na
gawa sa seda at ginto.

Ganito ang paggawa ng sagradong langis: Kumuha ng dinurog na mirra (myrrh) isang bahagi
ang sukat, pinong kanela (cinnamon) dalawang bahagi, galangal kalahating bahagi, at langis ng oliba
na ang timbang ay kalahati ng pinagsama-samang timbang ng mga nasabing halamang-gamot. Ang
mga ito ay paghaluin gaya ng paggawa ng pabango, at ikaw ay makakagawa ng isang langis na
pampahid na iyo ilalagay sa isang bote at iyo itong ilagay sa loob ng iyong altar.

Ganito naman ang paggawa ng pabango (insenso): kumuha ng mga magkakapantay na


timbang ng balsam, gum galbanum, at purong frankincense – ngunit maaari rin gumamit ng cedar,
rosas, citron, o iba pang mababangong punong-kahoy bilang pamalit sa balsam. Gawing pulbos ang
lahat ng ito at paghaluin, at ilagay ito sa isang kahon o iba pang lagyanan. Sapagkat marami ang
gagamitin mong ganitong pabango, pinapayo ko na gumawa ng sapat na dami para sa isang linggo
tuwing bisperas ng Sabbath.

Gumawa ka ng baton (wand) mula sa puno ng almendras (almond), makinis at tuwid, may kapal
na gaya ng isang daliri at haba na isang yarda. Itabi ito nang maayos sa loob ng iyong altar upang lagi
itong handa na gamitin.
50

Ika-12 Kabanata: Mga dapat gawin para sa maayos na


pagsasagawa ng operasyon
Sapagkat tunay ngang banal ang operasyong ito, kinakailangan muling talakayin at linawin ang
mga bahagi ng operasyon upang ito ay maging banal.

Dapat mong maunawaan na sa unang apat na Buwan, walang ibang uri ng konsagrasyon
(consecration) kang isasagawa maliban sa mga nabanggit sa ikapito at ikawalong kabanata. Sa unang
apat na Buwan, tuwing Sabado sa pagsasagawa mo ng pagdarasal, iyong sunugin ang pabango sa
umaga at maging sa gabi. Sa huling dalawang Buwan, gagawin mo ang pagdarasal at pagsunog sa
pabango araw-araw.

Ngayon, tayo ay dumating na sa huling bahagi – buksan mo ang iyong mga mata at makinig
mabuti, at ikaw ay kumilos sa lahat ng bagay at lugar ayon sa mga itinuro ko sa iyo. Magtiwala ka sa
Dios, sapagkat kung iyong susundin ang aking mga sinabi sa iyo, at ang iyong mga panalangin ay
mataimtim at taos sa puso, walang pagaalinlangan na ang lahat ay magiging madali para sa iyo. Ang
iyong espiritu at karunungan ang siyang magtuturo sa iyo ukol sa mga bagay na dapat gawin sapagkat
ang iyong banal na anghel na tagapagbantay ay nasa iyong tabi lamang, bagama’t siya ay hindi mo
nakikita. Siya ang gumagabay sa iyong puso upang ikaw ay hindi magkamali. Pagkatapos ng huling
dalawang Buwan, sa umaga gawin mo ang lahat ng bagay na itinuro sa iyo sa ika-siyam na kabanata at
iyo rin sundin ang mga nasa kabanatang ito.

Sa iyong pagpasok sa silid-dasalan, iwanan mo ang iyong sapin sa paa sa labas ng silid, buksan
ang bintana, ilagay ang may-sinding baga sa insensaryo, ilawan ang lampara, at kunin mo mula sa loob
ng iyong altar ang dalawang kasuotan, korona, paha, at baton, at iyong ilagay sila sa ibabaw ng altar.
Kunin ang sagradong langis at tanganan sa kaliwang kamay, maglagay ng pabango sa baga, lumuhod,
at magdasal ng taimtim sa Panginoon.

Ang Panalangin:

Panginoong Dios, Dios na mahabagin at pinakamabuti sa lahat. Ikaw na nagbibigay biyaya sa


isang libong paraan, at sa isang libong henerasyon, nagpapatawad ng aming mga kasalanan at
pagkakamali. Sa Iyong banal na harapan ang lahat ay may-sala, Dios na nagpaparusa sa mga nagkasala
hanggang sa kanyang mga anak. Aking kinikilala ang aking mga kasalanan, at batid kong hindi ako
karapatdapat sa Iyong harapan, o humingi man lamang ng Iyong biyaya at habag. Ngunit Panginoon ng
lahat ng Panginoon, napakalawak ng iyong biyaya, at Iyong tinawag ang mga di-makalapit sa Iyo dahil sa
kanilang mga kasalanan, at Iyo silang pinainom ng Iyong pagpapala. Kaya nga, aking Panginoon, maawa
Ka sa akin, at linisin Mo ang lahat ng aking pagkakasala at kasamaan. Linisin mo ang aking kaluluwa mula
sa aking karumihan, gawin mong bago ang aking espiritu, at ako ay Iyong kanlungin upang ako ay
51

lumakas at upang aking maunawaan ang misteryo ng Iyong pagpapala at ang kayamanan ng Iyong banal
na karunungan. Basbasan Mo ako ng Iyong banal na langis, na Siya ring ginamit Mo upang basbasan ang
mga propeta. At gawin Mong dalisay ang aking pagkatao upang ako ay maging karapatdapat sa
pakikipag-usap sa iyong mga banal na anghel at sa iyong banal na karunungan. Ipagkaloob Mo rin sa akin
ang kapangyarihan na gaya ng ibinigay mo sa Iyong mga propeta na manaig sa mga masasamang
espiritu. Amen. Amen.

Ito ang dasal na aking ginamit sa aking konsagrasyon. Akin itong ibinibigay sa iyo hindi para
gayahin mo o pilitin ka na gamitin mo ito, o ituro ito sa iyo gaya ng sa isang loro na ibig kong kausapin.
Ibinibigay koi to sa iyo upang bigyan ka ng halimbawa sa paraan ng pagdarasal.

Pagkatapos ng iyong dasal, ikaw ay tumayo, at pahiran mo ng kaunting sagradong langis ang
gitna ng iyong noo. Pagkatapos ay pahiran mo rin ng langis ang apat na sulok ng altar. Dampian mo rin
ng langis ang mga kasuotan, paha, korona, at baton sa magkabilang panig. Pahiran mo rin ang mga
pintuan at bintana ng silid-dasalan. Gamit ang iyong mga kamay na may langis, isulat mo nang
malinaw sa apat na sulok ng altar ang sumusunod:

“Sa lahat ng dakong aking ipaaalala ang aking pangalan, paparoonan kita at pagpapalain kita.”
(Exodus 20:24)

Kapag ito ay iyo nang nagawa, tapos na ang konsagrasyon at iyong itabi ang mga kasuotan at
iba pang gamit sa loob ng altar. Pagkatapos ay lumuhod ka at manalangin gaya ng inilahad sa ikatlong
kabanata. Iyong ingatan na wala ni isa sa mga konsagradong kagamitan ang mailabas ng silid-dasalan.
Simula dito at hanggang sa matapos ang buong operasyon, hubarin mo ang iyong sapin sa paa sa
tuwing papasok ng silid-dasalan at magsasagawa rito ng anumang pagdiriwang.

Ika-13 Kabanata: Pananawagan sa mga mabuting espiritu


Sa pagkakataong ito tayo ay mas maliliwanagan dahil ating masusing sinunod ang mga habilin
na aking ibinigay sa iyo, at dahil sa ating pinagsilbihan ang Dios nang buong puso. Tayo ay dumating na
sa mga huling araw, ikaw ay gumising sa umaga ayon sa dating oras, at huwag mong hugasan ang
iyong sarili ni magpalit ng ordinaryo mong kasuotan, bagkus ay magsuot ka ng damit-panluksa.
Pumasok sa silid-dasalan nang nakayapak, pumunta ka sa dako kung saan naroon ang insensaryo,
kumuha ng abo mula dito at ipahid ito sa iyong ulo. Ilawan ang lampara at maglagay ng baga sa
insensaryo. Pagkatapos mong buksan ang mga bintana, ikaw ay bumalik sa pintuan. Doon ay dumapa
ka sa sahig, at iyong utusan ang bata44 na maglagay ng pabango sa insensaryo, at pagkatapos nito ay
lumuhod siya sa harap ng altar. Iyo ngang sundin lahat ng bagay at tagubilin na aking ibinigay sa huling
kabanata ng unang aklat. Magpakababa ka sa harap ng Dios at ng kalangitan, at manalangin nang
buong taimtim. Di katagalan ay magiigting ang iyong panalangin, at iyong makikita ang isang

44
Matatagpuan ang ukol sa paggamit ng bata sa ika-12 bahagi ng unang aklat.
52

kamanghamangha at mahiwagang kaluwalhatian na babalot sa buong silid, at ikaw ay mababalot ng


kakaibang bango. Dahil dito ikaw ay lubos na malulugod at maaaliw at habambuhay mong ituturing
ang araw na ito na Araw ng Panginoon. Gayundin, ang bata ay makararanas ng kasiyahan sa harap ng
anghel. Iyong ipagpatuloy ang pagdarasal at lalo mo pa ito gawing taimtim, at manalangin ka sa banal
na anghel na iyong tagapagbantay na kung maaari ay isulat niya sa isang maliit na pirasong klitsé na
yari sa pilak (plate of silver), na iyong nauna nang inihanda para dito at nilagay sa ibabaw ng altar, ang
isang simbolo na iyong maaaring gamitin kung ibig mo siyang makita [muli] at ang lahat ng bagay na
iyong dapat gawin. Pagkatapos isulat ng anghel ang simbolo at iba pa niyang habilin para sa iyo, siya
ay maglalaho datapwa’t ang kanyang kaluwalhatian ay mananatili sa silid. Pagkatapos itong
masaksihan ng bata at maipakita sa iyo ang simbolo na isinulat ng anghel, utusan mo ang bata na
dalhin sa iyo ang klitsé, at gumawa ka ng kopya ng simbolo, at iyong ipabalik sa bata ang klitsé sa altar.
Pagkatapos ay lisanin mo ang silid-dasalan at iwanan mong bukas ang mga bintana at ang ilaw sa
lampara. Hindi ka na maaari muling pumasok sa silid-dasalan sa buong maghapon, subalit paghandaan
mo ang operasyon sa susunod na araw. Sa buong araw na ito, huwag kang makipag-usap kahit kanino
man, ni sagutin sila, kahit pa ang iyong asawa, mga anak, at tagapagsilbi sa bahay, maliban sa bata na
maaari mo na rin paalisin. Gayundin, bago pa man ang operasyon ay iyo dapat inasikaso ang mga
bagay sa iyong buhay upang hindi ka mapahiya (dahil sa kapabayaan) at upang walang maging sagabal
sa iyong gagawin. Sa hapon sa paglubog ng araw, maaari kang kumain subalit dapat ay katamtaman
lamang, at ikaw ay mamahinga nang nag-iisa. Huwag ka muna makisama sa iyong asawa sa mga araw
na ito.

Sa loob ng pitong araw ay dapat mong ipagdiwang ang mga seremonyas na ito ng walang
palya. Ang mga ito ay: ang araw ng konsagrasyon, tatlong araw ng kumbokasyon sa mabubuti at banal
na espiritu, at ang huling tatlong araw ng kumbokasyon sa masasamang espiritu.

Sa ikalawang umaga pagkatapos (ng pananawagan sa anghel), maghanda ka na sundin ang


mga tagubilin sa iyo ng anghel . Ikaw ay maagang pumasok sa silid-dasalan, maglagay ka ng
panibagong baga at pabango sa insensaryo, at muling ilawan ang lampara kung ang ilaw nito ay
namatay na. Suot-suot muli ang kasuotang panluksa, muli kang magpatirapa sa sahig at buong
pakumbaba na manalangin at makiusap sa Panginoon na ikaw ay Kanyang kaawaan, at Kanya sanang
pakinggan ang iyong dasal na ipagkaloob Niya sa iyo ang pagpapakita ng Kanyang mga banal na
anghel, at kung maaari ay makipag-usap sa iyo ang mga pinagpalang espiritu. Ikaw ay manalangin
nang buong taimtim sa abot ng iyong makakaya sa loob ng dalawa o tatlong oras. Pagkatapos ay
lisanin mo ang silid-dasalan at bumalik ka dito sa tanghali upang manatili doon ng isang oras. Gayundin
ang gawin mo sa gabi. Pagkatapos ay maaari kang kumain at magpahinga. Tandaan mo na ang
kabanguhan at kaluwalhatian (ng anghel) ay hindi maglalaho sa silid-dasalan.

Sa ikatlong araw ay ganito ang iyong gagawin. Sa gabi (bago ang ikatlong araw) ay maligo ka,
at sa umaga, suot ang pangkaraniwan mong kasuotan, pumasok sa silid-dasalan nang nakayapak.
Pagkalagay mo ng baga at pabango sa insensaryo at pagkasindi ng lampara, iyong isuot ang puting
bata (white robe), at ikaw ay lumuhod sa harap ng altar upang magpasalamat sa Dios sa lahat ng
kanyang pagpapala, at, una sa lahat, para sa pagkakaloob niya sa iyo ng isang dakilang kayamanan na
walang katumbas. Magpasalamat ka rin sa iyong mga tagapagbantay na anghel, at manalangin sa
53

kanila na simula ngayon ay kalingain ka nila habang ikaw ay nabubuhay. Gayundin, manalangin ka na
kailanman ay huwag ka niyang iwanan, na ikaw ay lagi niyang gabayan sa landas ng Panginoon, at ikaw
ay kanyang patnubayan at tulungan, at kanyang pahintulutan ang operasyong ito ng Banal na Mahika
upang ikaw ay magkaroon ng kapangyarihan at kabanalan upang magapi ang mga espiritung isinumpa
ng Dios, para sa kaluwalhatian ng iyong tagapaglikha, at para sa iyong kabutihan at ng iyong kapwa.

Sa pagkakataong ito ay iyong masusubok ang ginawa mong paghahanda sa loob ng anim na
Buwan, at kung sapat at karapatdapat ang iyong mga paghihirap sa pagsasaliksik ng karunungan ng
Dios sapagkat iyong makikita ang iyong anghel dela guardia sa kanyang kaluwalhatian na walang
katulad. Siya rin ay makikipagusap sa iyo at ang kanyang mga salita ay puno ng pag-ibig at kabutihan,
at ang katamisan nito ay hindi kayang tumbasan ng pananalita ng tao. Kanyang pasisiglahin ang iyong
kasiyahan sa pagkatakot sa Dios, ilalahad niya sa iyo ang mga pagpapalang natamo mo mula sa Dios, at
kanyang ipapaalala sa iyo ang lahat ng mga kasalanang iyong nagawa sa kanya. Maghahabilin siya sa
iyo ng mga pamamaraan kung paano mo mapapalubag ang kanyang kalooban sa pamamagitan ng
pamumuhay nang malinis, banal, at maayos, at paggawa ng mga gawaing tapat at karapatdapat, at iba
pang mga bagay na iniuutos sa iyo ng Dios. Pagkatapos nito ay ipapakita niya sa iyo ang tunay na
karunungan at banal na mahika, at kung saan ka nagkamali sa iyong operasyon, at kung paano ka
magpapatuloy upang masupil ang masasamang espiritu, at makamit ang iyong mga minimithi.
Mangangako siya sa iyo na kailanman ay hindi ka niya iiwan, bagkus ay ipagtatanggol ka niya at
tutulungan sa buo mong buhay kung iyong susundin ang kanyang mga utos, at hindi ka kusang gagawa
ng kasalanan laban sa iyong tagapaglikha. Sa madaling salita, ikaw ay kanyang tatanggapin nang
buong pagmamahal na hindi kayang hambingan ng aking mga tinuran sa iyo dito.

Sa pagkakataong ito, wala na akong sasabihin pa sapagkat sa pamamagitan ng pagpapala ng


Dios akin kang ipagpapaubaya sa isang dakilang pantas na kailanman ay hindi magkakamali. Tandaan
mo na sa ikatlong araw ikaw ay mananatili sa pakikipag-usap sa iyong banal na anghel na
tagapagbantay. Lisanin mo sandali ng mga isang oras ang silid-dasalan sa tanghali, pagkatapos ay
manatili ka rito muli sa buong maghapon upang tanggapin mula sa banal na anghel ang mga malinaw
at hustong impormasyon ukol sa mga masasamang espiritu at mga paraan upang sila ay iyong
mapasunod. Maingat mong isulat ang lahat ng mga ito. Sa paglubog ng araw, iyong isagawa ang
pagdarasal gamit ang pabango na karaniwan mong ginagamit. Magpasalamat ka sa Dios sa Kanyang
napakadakilang pagpapala sa iyo ngayong araw at magsumamo ka sa Kanya para sa mga biyayang
naaangkop sa iyo at ikaw ay Kanyang tulungan habambuhay upang kailanman ay hindi ka magkasala sa
Kanya. Ikaw ay magpasalamat din sa iyong banal na anghel at makiusap sa kanya na huwag kang iwan
kailanman.

Pagkatapos ng iyong pagdarasal, iyong makikita na maglalaho ang kaluwalhatian [sa silid-
dasalan]. Lisanin mo ang silid-dasalan, isara ang pintuan, subalit iwanan mong bukas ang mga bintana
at ang ilaw sa lampara. Gaya ng dati, ikaw ay bumalik sa iyong apartment kung saan ikaw ay kakain
nang katamtaman at magpapahinga hanggang kinabukasan.


54

Ika-14 na Kabanata: Tungkol sa kumbokasyon sa mga


espiritu
Bagaman maaaring hindi mo na kinakailangan pa ang sumusunod na payo dahil sa
naipaliwanag ko na sa iyo ang mga bagay na dapat gawin at dahil sa mga ibinigay na tagubilin sa iyo ng
iyong banal na anghel na tagapagbantay, akin pa rin ipapahayag nang malinaw ang ilang mga bagay
upang aking mabuo ang aklat na ito, at upang mabigyan ka ng pagkakataon na makamit ang kabuuan
nito sa pamamagitan ng iyong pagbasa nito nang maraming ulit. Ito ay para naman kung iyong
makamit ang pagpapakita ng anghel, ikaw ay may sapat na kaalaman ukol sa mga mahahalagang
puntos.

Pagkatapos ng iyong pamamahinga sa gabi, ikaw ay gumising sa umaga bago sumikat ang
araw, at ikaw ay pumasok sa silid-dasalan, at pagkatapos mong ilagay ang baga sa insensaryo, ilawan
mo rin ang lampara. Isuot mo ang puting bata (white tunic), at sa ibabaw na ito ang pulang bata (red
tunic) na yari sa seda at may ginto, at pagkatapos ay isuot mo rin ang paha (girdle). Sa iyong ulo ay
iputong mo ang korona, at ilagay ang baton (wand) sa ibabaw ng altar. Pagkatapos mong maglagay ng
pabango sa insensaryo, ikaw ay lumuhod at manalangin sa Dios na Makapangyarihan sa lahat na
ipagkaloob sa iyo ang pagpapala na tapusin ang operasyong ito para sa pagpupuri at kaluwalhatian ng
Kanyang banal na ngalan, at para sa iyo at sa iyong kapwa. Gayundin, magsumamo ka sa iyong banal
na anghel na ikaw ay tulungan at gabayan ang iyong puso at ang lahat ng iyong pandamdam.
Pagkatapos ay kunin mo ang baton gamit ang iyong kanang kamay, at manalangin ka sa Dios na
ipagkaloob sa batong ito ang kabanalan, kapangyarihan, at lakas gaya ng ibinigay Niya kay Moises,
Aaron, at Elias at sa iba pang mga propeta.

Lumapit ka sa altar at humarap sa pintuan at sa bukas na balkonahe; o kung ikaw ay nasa labas,
humarap ka sa kanlurang bahagi, at simulan mong tawagin ang mga pangunahing espiritu at mga
prinsipe.

Subalit ang iyong banal na anghel ay tinuruan ka na kung paano sila tawagin, at kanya itong
itinanim nang sapat sa iyong puso.

Sa pagkakataong ito at gaya ng sa ating mga pagdarasal, tayo ay dapat magpatuloy hindi
lamang sa pamamagitan ng ating bibig o sa pamamagitan ng mga isinulat na pananawagan, kundi sa
pamamagitan ng malayang damdamin at buong katapangan sapagkat tiyak na mas mahirap tawagin
ang mga masasamang espiritu kaysa mga mabubuti. Ang huli ay mas madaling tawagin na magpakita
sa unang pagtawag pa lamang lalo na kung ang taong tumatawag sa kanila ay may mabuting adhikain,
samantala ang mga masasamang espiritu ay mas gustong takasan ang mga pagkakataong sila ay
magpapasakop sa tao45. Dahil dito, siya na nagnanais na mapasunod ang mga masasamang espiritu ay

45
Ito ay kung ang layunin mo ay upang sila ay pasunuruin sa iyo. Ngunit ayon sa Medieval Tradition, sila ay
mabilis na nagpapakita sa mga masasamang tao na ang layunin ay makipagkasunduan sa kanila upang magkamit
ng kapangyarihan sa mahika.
55

dapat maging maingat at handa, at sundin nang tapat ang bawat tagubilin ng kanyang banal na anghel
na tagapagbantay, at kanyang tandaan mabuti ang bawat isa. Datapwa’t walang anuman espiritu,
mabuti man o masama, ang nakakaalam ng nililihim ng iyong puso kung hindi ikaw mismo ang
maghahayag nito at maliban sa Dios na tanging nakakaalam ng lahat ng bagay ang siyang magbunyag
nito, may kakayanan pa rin mabasa at maunawaan ng mga espiritu ang iyong iniisip sa pamamagitan
ng iyong mga kilos at pananalita46. Ito ang dahilan kung bakit ang taong nagnanais na tawagin at
palitawin ang mga espiritu ay nararapat na isaalang-alang muna ang sumusunod na pananawagan, at
pagkatapos ay iyo itong bigkasin nang may damdamin at mula sa puso at hindi sa pagbasa ng isinulat
sapagkat kung ating gagamitin ang isinulat ng iba, ituturing tayo ng mga espiritu na mangmang, at
dahil diyan sila ay higit na magiging mahirap tawagin at sila ay mas magmamatigas. Ang mga
masasamang espiritu ay nasa paligid mo lamang datapwa’t sila ay hindi mo nakikita, at sinusuri nilang
mabuti kung ang taong tumatawag sa kanila ay matapang o natatakot, kung siya ay mahinahon, at
kung siya ay may tunay na pananampalataya sa Dios na may kakayanang gawin ang lahat ng bagay
nang madali. Maaari natin silang supilin, at pilitin magpakita sa atin, subalit ang ilang salita na mali ang
pagkakabigkas ng isang taong mali rin ang layunin ay magbubunga lamang ng masamang epekto sa
kanyang sarili dala ng kanyang kamangmangan. Ang ganitong uri ng tao ay hindi dapat isagawa ang
operasyong ito sa anuman paraan sapagkat iyan nga ay tunay na paglapastangan sa Dios at
pangungutya sa Kanya.

Mga Pananawagan47
Maraming beses ko nang nabanggit na ang pagkakaroon ng takot sa Dios ang siyang saligan ng
mga alintunin ng iyong banal na anghel at dapat ay huwag kang magkasala sa kanya kahit kaunti man.
Una sa lahat, nararapat na gawin mo ang pananawagan gamit ang kinalakhan mong wika, o sa isang
wika na iyong nauunawaan mabuti, at tawagin ang mga espiritu sa ilalim ng kapangyarihan ng mga
banal na patriyarka. Magbanggit ka sa kanila ng mga halimbawa ng kanilang (mga espiritu)
pagkawasak at pagbagsak, ng mga kaparusahang ipapataw sa kanila ng Dios, at kanilang obligasyon na
magsilbi, at kung paano sila pinalayas ng mga banal na anghel at ng mga mago. Ang lahat ng ito ay
iyong mapagaaralan sa mga banal na kasulatan sa loob ng anim na Buwan. Kung ayaw nilang sumunod
sa iyo, pagbantaan mo sila na tatawagin mo ang kapangyarihan ng mga banal na anghel laban sa
kanila. Pagbibilinan ka rin ng iyong tagapagbantay na anghel na isagawa ang kumbokasyon na ito nang
may mababang loob, ngunit nang buong tapang at mahinahon. Huwag ka rin maging abusado at
malupit. Kung sakaling sila ay tumanggi at ayaw sumunod sa iyo, dapat ay huwag kang magalit sa
kanila sapagkat sarili mo rin ang mapapahamak. Kung mangyari iyon, wala na silang iba pang hihingin
pa sa iyo sapagkat nakuha na nila ang kanilang gusto. Gawin mo nga ito nang buo ang loob, at
magtiwala nang lubos sa Dios, at sa pamamagitan ng panatag na puso sila ay mahihikayat mong
sumunod sa iyo. Hayaan mong makita nila na ikaw ay may tiwala sa buhay at nag-iisang Dios, at
paalalahanan mo sila ukol sa Kanyang kapangyarihan at lakas. Ikaw nga ay maging maingat sa
pakikitungo sa kanila.

46
Kaya nga ayon sa mga religious at magical writings itinuturong mabuti ang kahalagahan ng pagkontrol sa
isip.
47
“Conjurations” sa Ingles.
56

Sabihin mo rin sa kanila kung sa anong anyo sila magpapakita sa iyo. Hindi ikaw o maging sila
ang magpapasiya nito, bagkus ito ay hilingin mo sa iyong banal na anghel sa gabi bago ang
kumbokasyon sapagkat higit niyang nalalaman ang iyong pagkatao at kakayanan kung anong uri ng
anyo ang kakayanin mong makita at anong uri ng anyo ang katatakutan mo.

Huwag mong isipin na ito ay kaya mong gawin sa ibang pamamaraan, gaya ng sinusulat ng mga
lapastangang tao. Ang tinutukoy ko ay ang mga selyo (seals), dasal, at mga simbolo na galing sa mga
pamahiin, at mga tinatawag na pentacle, at iba pang

Bagkus ay magtiwala ka nang lubos sa kamay, kapangyarihan, at lakas ng dakilang Dios upang
ikaw ay maging ligtas. Ikaw ay ipagtatanggol ng iyong banal na anghel na tagapagbantay mula sa lahat
ng panganib. Dapat kang magtaglay ng tapang, at magtiwala na walang mangyayaring masama sa iyo.
Kung ikaw ay susunod sa lahat ng doktrina na ibinigay sa iyo ng iyong anghel at kung buo ang iyong
tiwala sa Dios, sa katagalan ay magpapakita rin sila sa anyong iniutos mo sa iyong balkonahe doon sa
buhangin. Kapag iyan ay mangyari, ilahad mo sa kanila ang iyong mga kautusan at sila ay panumpain
mo ayon sa payo at doktrinang natanggap mo mula sa iyong banal na anghel, at ayon sa mga ituturo ko
sa iyo nang malinaw sa mga susunod na kabanata.

Ang mga espiritu na ating tatawagin sa unang araw ay ang apat na pinakamataas na prinsipe48
na ang mga pangalan ay nakasulat sa ika-19 na kabanata. Ito ang pananawagan sa unang araw.

Pananawagan sa Ikalawang Araw


Sa susunod na araw, pagkatapos mong maisagawa ang pagdarasal at ang mga nabanggit ko na
seremonyas, ulitin mo ang pananawagan sa mga espiritu. Ipaalala mo sa kanila ang kanilang mga
pangako at panunumpa na isinagawa nila nang nakaraang araw na ipapadala nila sa iyo ang walong
mas mababang prinsipe49. Tawagin mo nga sila na labingdalawa lahat. Agad silang magpapakita sa
iyo, ang walong mas mababang prinsipe sa anyong iniutos sa kanila at sila ay mangangako at
manunumpa sa iyo gaya ng ilalarawan ko nang buo sa susunod na kabanata.

Ang pangalan ng walong mas mababang prinsipe ay ilalahad sa ikalabing-19 na kabanata.

Pananawagan sa Ikatlong Araw


Sa ikatlong araw, pagkatapos mong maisagawa ang mga pagdarasal gaya ng sa ikalawang
araw, ipaalala mo sa walong mas mababang prinsipe ang kanilang mga pangako at panunumpa sa iyo.
Ipagutos mo sa kanila na dalhin nila sa iyo ang lahat ng kanilang mga tagasunod at sila ay magpapakita
rin sa iyo. Ang lahat ng kanilang mga tagasunod ay darating bagama’t maaaring hindi mo sila makikita.
Kanilang papaligiran ang walong mas mababang prinsipe. Habang nanalangin ka sa Dios na ikaw ay
bigyan Niya ng lakas at katiyakan at sa iyong banal na anghel na bigyan ka niya ng gabay at patnubay,

48
Sila Lucifer, Leviathan, Satan, at Belial.
49
Sila Astaroth, Magoth, Asmodeus, Beelzebub, Oriens, Paimon, Ariton, at Amaymon.
57

huwag mong kalimutan ang lahat ng kanyang itinuro sa iyo sapagkat ang mga ito ay lubhang
mahalaga.

Sa sumusunod na kabanata ay ituturo sa atin kung anong mga kahilingan ang maaari nating
hilingin sa mga espiritu. Sila ay nahahati sa tatlong uri.

Ika-15 Kabanata: Ano ang mga dapat hilingin sa mga espiritu


na nahahati sa tatlong uri at tinatawag sa loob ng tatlong araw
Tatlong uri ang mga kahilingan na maaari nating hingin sa mga espiritu.

Unang Uri ng Kahilingan


Ito ang mga kahilingan na dapat isagawa sa unang araw ng pagpapakita ng apat na mataas na
prinsipe. Ito ay ayon sa kautusan ng anghel:

Una sa lahat: Ipaalala mo sa anong bisa, kapangyarihan, at awtoridad mo isinasagawa ang


iyong mga kahilingan sa kanila: samaktwid ay sa bisa ng kapangyarihan ng ating Panginoong Dios na
lumikha sa lahat at Siyang nagdala sa kanila sa iyong paanan.

Ikalawa: Na ang iyong intensyon ay hindi upang makapaminsala kundi upang magbigay puri at
parangal sa Dios, at para sa iyong kabutihan at sa kabutihan ng sangkatauhan. Gayundin, sa tuwing
tatawagin mo sila, sa pamagitan ng anumang simbolo o pananalita, at sa anumang oras at lugar, at
para sa anumang dahilan o paglilingkod, sila ay dali-daling magpapakita sa iyo at susunod sa iyong mga
utos. Kung hindi sila maaaring magpakita sa iyo dahil sa anumang lehitimong dahilan, sila ay
magpapadala sa iyo ng ibang espiritu na kanilang itinakda at may kakayanan o kapangyarihang
isakatuparan at sundin ang iyong kalooban at kahilingan. Sila ay dapat manumpa sa iyo na kanila itong
gagawin, kundi ay kanilang tatanggapin ang pinakamabagsik na hatol ng Dios, at ang malupit na
kaparusahan at pagkastigo ng mga banal na anghel sa kanila. Sila ay dapat sumunod sa iyo, at
sasabihin ng apat na pinakamataas na prinsipe ang mga pangalan ng walong mas mababang prinsipe at
kanilang uutusan ang mga ito na kaagad tumalima sa iyo kapag sila ay tinawag mo.

Upang ikaw ay makatiyak, ikaw ay pumunta sa pintuan patungong balkonahe, at iyong ilabas
ang iyong kanang kamay. Sabihan mo ang bawat isa sa kanila na hawakan ang baton at sila ay
panumpain mo dito.
58

Ang Mga Kahilingan sa Ikalawang Araw


Pagkatapos mong tawagin ang walong mababang prinsipe, hilingin mo sa kanila ang mga
bagay na hiniling mo rin sa apat na prinsipe. Gayundin, hilingin mo kina Oriens, Paimon, Ariton, at
Amaymon na magpadala ang bawat isa sa kanila ng isang alagang-espiritu (familiar spirit) na nakatakda
sa iyo mula pa sa iyong kapanganakan. Ang mga ito ay ibibigay nila sa iyo kasama ang kanilang mga
alagad at sila ay susunod sa iyo. Ikaw ay maaaring humiling ng anumang bagay sa mga espiritu na ito,
subalit dahil sila ay hindi mabilang sa dami, at ang bawat isa ay may kanya-kanyang kakayanan, maaari
kang mamili kung sino-sinong mga espiritu ang ibig mong gamitin, at iyong ilagay sa balkonahe ang
listahan ng kanilang mga pangalan para makita ng mga mababang prinsipe. Pagkatapos ay hilingin
mong sila na manumpa sa iyo, katulad ng ginawa mo sa matataas na prinsipe, na sila ay magpakita
agad sa susunod na araw kapag sila ay iyong tinawag kasama ang lahat ng mga espiritu na ang mga
pangalan ay nakasulat [sa listahan], at maging ang iyong mga alagang espiritu.

Ang mga Kahilingan sa Ikatlong Araw


Sa pagdating ng walong mababang prinsipe kasama ang mga espiritu gaya ng iyong utos sa
kanila, iyong iutos kay Astaroth at sa kanyang mga alagad na magpakita sa iyo ayon sa iniutos ng iyong
anghel. Ikaw ay makakakita kaagad ng isang malaking hukbo na magkakamukha. Iyong sabihin sa
kanila ang iyong utos gaya ng iniutos mo sa mga prinsipe, at iyo rin silang panumpain. Pagbilinan mo
rin sila na agad magpakita sa iyo sa tuwing tatawagin mo sila sa anyo at lugar na ibig mo, at agad nilang
sundin ang iyong mga kautusan. Kapag ang lahat ay nakapanumpa na, ilagay mo sa pintuan ng
balkonahe ang lahat ng simbolo ni Astaroth na nakasulat sa ikatlong aklat, at siya ay panumpain mo sa
mga simbolong ito, at iyong atasan sila (ang mga alagad ni Astaroth) na sa mga pagkakataong hindi mo
sila matatawag nang malakas, sila ay tumalima kaagad at gawin ang iyong kagustuhan sa oras na
hawakan mo ang kanilang simbolo o ilabas mo ito sa kinalalagyan o kaya’y sa pamamagitan ng
pagbibigay mo ng pahiwatig50 . Kung walang partikular na espiritu kang tinatawag, silang lahat ay
dapat pa rin kaagad sumunod sa iyo, at kung sa darating na panahon may iba pang gagawin na simbolo
na hindi kabilang ngayon, sila ay mananatiling nakatali na sundin at isakatuparan ang mga ito.
Pagkatapos nilang manumpa, atasan mo ang mga espiritu na hawakan ang baton. Pagkatapos nito ay
kunin mo ang mga simbolo mula sa pintuan, at tawagin si Magot, Asmodee, at Beelzebub. Gawin mo
rin sa kanila ang lahat ng isinagawa mo kay Astaroth, at pagkatapos ng kanilang panunumpa sa
kanilang mga simbolo, itabi mo ang mga ito sa isang lugar na nakaayos nang mabuti upang iyong
maiayos sila ayon sa paksa, operasyon, o bisa nila.

Pagkatapos nito ay tawagin mo sina Astaroth at Asmodee at kanilang mga alagad, at ipakita
mo sa kanila ang kanilang mga simbolo. Gaya kanina, sila ay panumpain mo rin sa simbolo nila.

Ganito rin ang iyong gagawin sa iba pang apat na mababang prinsipe (Oriens, Paimon, Ariton,
at Amaymon), datapwat ang una mong gagawin ay tawagin ang bawat isa kasama ang kanilang mga

50
“Intimation” (whether verbal, mental, or by gesture).
59

alagad, at sila ay panumpain mo sa mga simbolo. Pagkatapos ay tawagin mo nang sabay sina
Amaymon at Ariton, at sa huli ang bawat isa na magkakahiwalay gaya ng una.

Pagkatapos mong maitabi ang lahat ng simbolo, hilingin mo sa bawat isa kina Oriens, Paimon,
Ariton, at Amaymon na ikaw ay bigyan nila ng alagang espiritu, at muli mong ipabigkas sa kanila ang
mga pangalan nito. Isulat mo kaagad sa isang papel ang kanilang mga pangalan at pati na ang takdang
oras kung kailan sila nararapat magpakita sa iyo. Pagkatapos ay imungkahi mo sa kanila ang mga
simbolo sa ikalimang kabanata ng ikatlong aklat. Sila ay panumpain mo sa mga simbolong ito [nang
sabay-sabay], subalit ang bawat isa ay dapat rin manumpa na simula ngayon ay kanyang susundin nang
tapat at buong sikap ang itinakda sa kanyang anim na oras (samaktwid, ang apat na alagang espiritu ay
may kanya-kanyang nakatakda na anim na oras kada araw). Sila ay panumpain mo na maging tapat sa
paglilingkod sa iyo, na sila ay sumunod sa iyong mga utos, at kailanman ay hindi ka nila dadayain o
magsisinungaling sa iyo. Gayundin, kung dumating ang pagkakataon na ang isa sa kanila ay atasan mo
para sa ibang tao, na siya ay magiging tapat din (sa taong ito) gaya ng ginagawa niya sa iyo. Higit sa
lahat, kanilang isasakatuparan at tutupdin ang mga utos ng Dios sa kanila sapagkat kung hindi sila ay
mapaparusahan at mahahatulan.

Ika-16 na Kabanata: Paano palilisanin ang mga espiritu


Ito ang paraan kung paano palilisanin ang mga espiritu.

Hindi kailangan ng mahabang seremonyas upang mapaalis ang mga espiritu, sapagkat mas
gusto nilang lumayo sa iyo. Hindi na kailangan pa na bigyan mo sila ng basbas para lumisan51.
Pagkatapos mong makipagusap sa apat na mataas na prinsipe at walong mababang prinsipe at
pagkatapos nilang manumpa, sabihin mo sa kanila na maaari na silang bumalik sa kani-kanilang
tirahan, ngunit sa tuwing tatawagin mo sila, alalahanin nila ang kanilang mga pangako na ginawa nila
sa kanilang mga simbolo.

Sa ganito ring paraan mo paalisin ang iyong mga alagang espiritu at iba pang mga espiritu.
Ngunit sabihin mo rin sa iyong mga alagang espiritu na dapat silang manatili na malapit sa iyo, nakikita
mo man sila o hindi, sa anumang anyo na iyong nais upang maglingkod sa iyo sa loob ng takda nilang
oras.

51
License to depart
60

Ika-17 Kabanata: Ano ang mga dapat isagot sa mga


katanungan ng mga espiritu at kung paano natin
matatanggihan ang kanilang mga hiling
Alam ng tusong si Satanas na kailanman ikaw ay hindi obligadong sundin ang kanyang mga
utos, at [alam din niya na] ginawa mo ang operasyon sa ilalim ng biyaya at awa ng Dios at sa
proteksyon ng iyong mga tagapagbantay na anghel. Gayunpaman, hindi niya palalampasin ang
pagkakataong subukin ang kanyang kapalaran. Susubakan ka niyang iligaw mula sa tamang landas.
Kaya nga ikaw ay maging matatag at matapang at huwag kang lilihis sa ibang landas, sa kanan man o
sa kaliwa. Kung siya ay maging mapagmataas sa iyo, ganito rin ang gawin mo sa kanya, at ipakita mo
rin sa kanya ang iyong pagmamataas. Kung siya ay maging mapagpakumbaba, huwag kang maging
walang-galang at malupit sa kanya, bagkus ay maging mahinahon ka sa lahat ng bagay. Kung
magtanong siya sa iyo ukol sa ilang bagay, sagutin mo siya ayon sa payo sa iyo ng banal na anghel.
Tandaan mo na ang apat na matataas na prinsipe ay higit na susubukan ka sa pamamagitan ng
pagkutya sa iyo: “Sino ang nagbigay sa iyo ng ganito kataas na kapangyarihan?” Paparatangan ka nila
ng kapangahasan sa pagtawag mo sa kanila, sapagkat alam nila ang taglay nilang kapangyarihan,
samantalang ikaw ay mahina at makasalanan. Kukutyain ka nila sa iyong mga kasalanan at sadya
nilang susubukan pabulaanan ang iyong relihiyon at pananampalataya sa Dios. Kung ikaw ay Hudyo,
sasabihin nila sa iyo na ang iyong pananampalataya at relihiyon ay itinakwil na ng Dios, at ang mga
kautusang iyong sinusunod ay kasinungaligan. Kung ikaw naman ay pagano, sasabihin nila: “Anong
kinalaman ng Dios sa iyo at sa tulad mo, kung ikaw naman ay hindi kumikilala sa Kanya?” Kung ikaw ay
Kristiyano, sasabihin nila sa iyo: “Ano ang karapatan mong magsagawa ng isang seremonyas para sa
mga Hebreo, na puno ng pasamba sa Dios-Diosan?” Subalit huwag kang mabagabag sa mga ito.
Sagutin mo sila gamit ang kaunting pananalita at tawanan mo sila. Sabihin mo na wala silang
karapatan na ito ay pagusapan ninyo at magbigay sa iyo ng kanilang mga opinyon dito. Bagama’t ikaw
ay isa lamang hamak at makasalanang tao, ikaw ay umaasa na ang nag-iisa at tunay na Dios, na siyang
lumikha sa Langit at Lupa, at Siyang sumumpa sa kanila at nagdala sa kanila sa iyong paanan, ay
patatawarin ang iyong mga kasalanan, ngayon at magpakailanman, kahit anumang relihiyon ang iyong
kinasasaniban. [Sabihin mo] na ibig mong makilala, maunawaan, makapagkumpisal at papurihan ang
nag-iisa at dakilang Dios, ang Panginoon ng liwanag, na sa pamamagitan Niya ikaw ay nagkaroon ng
kapangyarihan, lakas, at awtoridad na sila ay mapasunod.

Pagkatapos niyan, susubukan naman nilang baguhin ang kanilang awitin sa iyo. Sasabihin nila
na kung nais mong paglingkuran ka nila at sumunod sila sa iyo, nararapat na kayo ay magkaroon ng
kasunduan. Ganito ang isagot mo sa kanila:

“Kayo ay isinumpa ng ating Panginoon Dios at hinatulan Niya kayo na ako ay inyong
paglingkuran. Hindi ko itinuturing na kapantay yaong mga naaatasang sumunod sa akin.”
61

Pagkatapos ay hihingin naman nila na ikaw mag-alay ng isang sakripisyo o kaya ay magbigay-
galang sa kanila kung ibig mong sila ay magsilbi at sumunod kaagad sa iyo. Iyong isagot na ang pag-
aalay ng sakripisyo ay para lamang sa Dios, at hindi sa kanila.

Pagkatapos ay makikiusap naman sila sa iyo na kung maaari ay huwag mong pigilan o pahiyain
ang kanilang mga deboto at kanilang mga manggagaway sa pamamagitan ng karunungang ito. Iyong
sabihin sa kanila na ikaw ay obligadong habulin ang mga kaaway ng Dios at Panginoon, at pigilan ang
kanilang kasamaan, at iligtas at ipagtanggol ang iyong kapwa, at sinumang kanilang pinapahirapan at
sinasaktan.

Tunay nga na gamit ang maraming pananalita at iba’t ibang uri ng paraan, ikaw ay kanilang
tutuligsain nang labis, at maging ang iyong mga alagang espiritu ay isa-isang manlalaban sa iyo. Sila
ay hihiling at makikiusap sa iyo na huwag mo sila kailanman ibigay sa ibang tao upang maglingkod.
Gayunpaman, ikaw ay manindigan at huwag kang mangangako sa kahit na isang pangkat ng espiritu.
Bagkus ay sabihin mo sa kanila na ang tunay na tapat at matapang na tao ay obligadong tulungan at
pagsilbihan ang kanyang mga kaibigan sa abot nang kanyang makakaya at kayamanan, kabilang na sila
dito52.

Sa katagalan ay mauubos din ang kanilang pag-asa na ikaw ay magsinungaling, at [malalaman


nila na] walang mangyayari sa kanilang mga kahilingan. Tiyak na sila ay susuko din at wala na silang
hihilingin pa sa iyo maliban sa ikaw ay huwag maging malupit at walang-galang sa pag-uutos mo sa
kanila. Ito naman ang iyong isagot sa kanila: kung sila ay magiging masunurin at maagap sa iyo, iyong
papakinggan at susundin ang iyong banal na anghel kung sakaling siya ay magpayo sa iyo na huwag
maging lubusang malupit at mahigpit sa kanila, at ikaw ay kikilos ayon sa tama.

Ika-18 Kabanata: Paano ang tamang pakikitungo sa mga


espiritu
Atin nang natutunan kung paano masusupil ang mga espiritu, kung ano ang mga dapat hilingin
sa kanila, paano sila madaling mapapaalis at paano natin tutugunan ang kanilang mga hinihingi at
katanungan.

Lahat ng aking sasabihin sa pagkakataong ito ay maituturing na kalabisan sapagkat sinumang


sumunod nang buong puso at buong tapang sa mga payo na aking ibinigay ukol sa anim na Buwan ay
tiyak na tatanggap ng malawak at malinaw na payo mula sa kanyang banal na anghel na
tagapagbantay, dahil dito walang katanungan na hindi niya kayang sagutin sa kanyang sarili.

52
Hindi ako sigurado sa salin na ito. Sa Ingles, “... reply to them that every true and brave man is obliged to aid
and serve his friends to the best of his ability, and with all his possessions, among the which they must assuredly also
be comprised.”
62

Sapat din nating naipakita kung paano dapat kumilos sa harap ng mga espiritu sa anumang
okasyon o pagkakataon. Samaktwid, kung paano maging kanilang Panginoon at hindi kanilang alipin.
Gayunpaman, dapat tayong maging makatarungan sa lahat ng bagay sapagkat tayo ay nakikitungo
hindi sa tao, kundi sa mga espiritu na ang bawat isa sa kanila ay higit ang kaalaman kaysa buong
sanlibutan.

Ngayon kung ikaw ay may iniutos sa isang espiritu at ayaw niyang sumunod, una, dapat mong
aralin kung ang iyong ipinapagawa sa kanya ay sakop ng kanyang kapangyarihan at kalikasan upang ito
ay kanyang magampanan nang tama. Tunay ngang hindi alam ng bawat espiritu ang lahat ng bagay, at
ang naaangkop sa isa ay maaaring hindi angkop sa iba. Dahil diyan, dapat mo munang isipin ang bagay
na ito bago mo sila pilitin na gawin ang isang bagay. Subalit kung ang isang mababang espiritu ay
ayaw sumunod, tawagin mo ang kanilang pinuno, at ipaalala mo sa kanila ang kanilang sinumpaan at
ang kaparusahan na naghihintay sa kanila sa hindi nila pagtupad sa kanilang sinumpaan.

Kung makikita nila na ikaw ay naninindigan, sila ay agad-agad na susunod sa iyo. Subalit kung
tumanggi pa rin sila na sumunod, nararapat mong tawagin ang iyong anghel. Mabilis niyang ipapataw
ang kanyang parusa sa kanila.

Gayunpaman, hindi tayo kailanman dapat gumamit ng dahas sa kanila upang ating makamit
ang ating kagustuhan na ating makukuha sa pamamagitan nang banayad at magalang na paraan.

Kung sa iyong pagtawag sa kanila sila ay magpakita sa iyo ng kaguluhan at kabastusan, huwag
kang matakot at huwag ka rin magpadala sa galit. Bagkus ay huwag mo sila pansinin. Ang tangi mo
lamang gawin ay ipakita mo sa kanila ang baton, at kung ipagpatuloy nila ang kanilang kaguluhan,
ihampas mo ito [ang baton] sa altar ng dalawa o tatlong beses, at sila ay matatahimik.

Iyong tandaan na pagkatapos mo silang bigyan ng pahintulot na lumisan, at sila ay umalis na,
dapat mong kunin ang insensaryo mula sa altar at lagyan mo ito ng pabango. Pagkatapos ay dalhin mo
ito sa balkonahe sa labas ng silid-dasalan kung saan sila nagpakita sa iyo, at iyo rin pabanguhan ang
paligid ng lugar sapagkat, kung hindi ay maaari silang gumawa nang di mabuti sa mga taong
mapapadaan doon.

Ngayon, kung sapat na para sa iyo ang mga simbolo na matatagpuan sa ikatlong aklat, iyong
kolektahin ang buhangin mula sa balkonahe at itapon sa isang lihim na lugar, subalit tandaan na huwag
mo itong itatapon sa ilog o dagat.

Ngunit kung ibig mong gumamit ng ibang simbolo at lihim [na karunungan], hayaan mo ang
buhangin sa balkonahe, gaya ng ilalarawan ko sa huling kabanata.

Gayundin, kung nais mo, maaari mo rin panatalihin ang kaayusan ng silid o pook na
pinagdausan ng operasyon, panatalihin mo na maayos at malinis ito. Maaari mong ilagay ang altar sa
isang sulok ng silid kung saka-sakaling ito ay nakasasagabal sa gitna. Sa lugar na ito, lalo na kung ito ay
hindi madudungisan at malalapastangan, ay maaari mong makaniig ang iyong tagapagbantay na
63

anghel tuwing Sabbath. Tunay ngang ito ay isa sa mga pinakadakilang bagay na iyong iibigin sa
sagradong sining na ito.

Ika-19 Kabanata: Ang mga pangalan ng mga espiritung


maaari nating tawagin
Sa kabanatang ito aking ibibigay ang mga pangalan ng marami sa mga espiritu. Maaaring
gamitin mo silang lahat o ilan lamang sa kanila, gaano man kadami ang iyong ibig. Sila ay isulat mo sa
papel na iyong ipapakita sa walong mababang prinsipe sa ikalawang araw ng pananawagan. Ang lahat
ng espiritung ito ay dapat magpakita sa iyo sa ikatlong araw, kasama ang kanilang mga prinsipe. Ang
mga espiritung ito ay hindi masasama, mababang klase, at hamak, bagkus sila ay may antas,
masisipag, at lubhang maagap sa pagsasagawa ng maraming bagay. Ang mga pangalan nila ay
natuklasan at inihayag ng mga anghel, at kung iyong nais na mas marami pang malaman, ito ay
daragdagan ng iyong anghel, ilan man ang gusto mo, sapagkat ang kanilang bilang ay walang
katapusan.

Ang apat na matataas na prinsipe ay sina: LUCIFER, LEVIATAN, SATAN, BELIAL.

Ang walong mababang prinsipe ay sina: ASTAROTH, MAGOT, ASMODEE, BEELZEBUB,


ORIENS, PAYMON, ARITON, at AMAYMON.

Ang mga alagad ng apat na mababang prinsipe na sina ORIENS, PAYMON, ARITON, at
AMAYMON ay ang mga sumusunod:

Hosen, Saraph, Proxosos, Habhi, Acuar, Tirana, Alluph, Nercamay, Nilen, Morel, Traci, Enaia,
Mulach, Malutens, Iparkas, Nuditon, Melna, Melhaer, Ruach, Apolhun, Schabuach, Mermo, Melamud,
Poter, Sched, Ekdulon, Mantiens, Obedama, Sachiel, Moschel, Pereuch, Deccal, Asperim, Katini,
Torfora, Badad, Coelen, Chuschi, Tasma, Pachid, Parek, Rachiar, Nogar, Adon, Trapis, Nagid, Ethanim,
Patid, Pareht, Emphastison, Paraseh, Gerevil, Elmis, Asmiel, Irminon, Asturel, Nuthon, Lomiol, Imink,
Plirok, Tagnon, Parmatus, Iaresin, Gorilon, Lirion, Plegit, Ogilen, Tarados, Losimon, Ragaras, Igilon,
Gosegas, Astrega, Parusur, Igis, Aherom, Igarak, Geloma, Kilik, Remoron, Ekalike, Isekel, Elzegan,
Ipakol, Haril, Kadolon, Iogion, Zaragil, Irroron, Ilagas, Balalos, Oroia, Lagasuf, Alagas, Alpas, Soterion,
Romages, Promakos, Metafel, Darascon, Kelen, Erenutes, Najin, Tulot, Platien, Atloton, Afarorp,
Morilen, Ramaratz, Nogen, Molin (= 111 alagad na espiritu).

Narito naman ang mga espiritu na alagad kapwa nina ASTAROTH at ASMODEE:

Amaniel, Orinel, Timira, Dramas, Amalin, Kirik, Bubana, Buk, Raner, Semlin, Ambolin, Abutes,
Exteron, Laboux, Corcaron, Ethan, Taret, Dablat, Buriul, Oman, Carasch, Dimurgos, Roggiol, Loriol,
Isigi, Tioron, Darokin, Horanar, Abahin, Goleg, Guagamon, Laginx, Etaliz, Agei, Lemel, Udaman, Bialot,
64

Gagalos, Ragalim, Finaxos, Akanef, Omages, Agrax, Sagares, Afray, Ugales, Hermiala, Haligax,
Gugonix, Opilm, Daguler, Pachei, Nimalon (= 53 alagad na espiritu).

Ito ang mga espiritu na alagad kapwa nina AMAYMON at ARITON:

Hauges, Agibol, Rigolen, Grasemin, Elafon, Trisaga, Gagalin, Cleraca, Elaton, Pafesla (= 10
alagad na espiritu).

Ito ang mga espiritu na alagad nina ASMODEE at MAGOT:

Toun, Magog, Diopos, Disolel, Biriel, Sifon, Kele, Magiros, Sartabakim, Lundo, Sobe, Inokos,
Mabakiel, Apot, Opun (= 15 alagad na espiritu).

Ang mga sumusunod ay mga alagad ni ASTAROTH:

Aman, Camal, Toxai, Kataron, Rax, Gonogin, Schelagon, Ginar, Isiamon, Bahal, Darek, Ischigas,
Golen, Gromenis, Rigios, Nimerix, Herg, Argilon, Okiri, Fagani, Hipolos, Ileson, Camonix, Bafamal, Alan,
Apormenos, Ombalat, Quartas, Ugirpen, Araex, Lepaca, Kolofe (= 32 alagad na espiritu).

Ito ang kay MAGOT:

Nacheran, Katolin, Luesaf, Masaub, Urigo, Faturab, Fersebus, Baruel, Ubarin, Butarab, Ischiron,
Odax, Roler, Arotor, Hemis, Arpiron, Arrabin, Supipas, Forteson, Dulid, Sorriolenen, Megalak,
Anagotos, Sikastin, Petunof, Mantan, Meklboc, Tigrafon, Tagora, Debam, Tiraim, Irix, Madail,
Abagiron, Pandoli, Nenisem, Cobel, Sobel, Laboneton, Arioth, Marag, Kamusil, Kaitar, Scharak,
Maisadul, Agilas, Kolam, Kiligil, Corodon, Hepogon, Daglas, Hagion, Egakireh, Paramor, Olisermon,
Rimog, Horminos, Hagog, Mimosa, Amchison, Ilarax, Makalos, Locater, Colvam, Batternis (= 65 alagad
na espiritu).

Ang kay ASMODEE ay sina:

Onei, Ormion, Preches, Maggid, Sclavak, Mebbesser, Bacaron, Holba, Hifarion, Gilarion, Eniuri,
Abadir, Sbarionat, Utifa, Omet, Sarra (= 16 alagad na espiritu).

Ang kay BEELZEBUB ay:

Alcanor, Amatia, Bilifares, Lamarion, Diralisen, Licanen, Dimirag, Elponen, Ergamen, Gotifan,
Nimorup, Carelena, Lamalon, Igurim, Akium, Dorak, Tachan, Ikonok, Kemal, Bilico, Tromes, Balfori,
Arolen, Lirochi, Nominon, Iamai, Arogor, Holastri, Hacamuli, Samalo, Plison, Raderaf, Borol, Sorosma,
Corilon, Gramon, Magalast, Zagalo, Pellipis, Natalis, Namiros, Adirael, Kabada, Kipokis, Orgosil, Arcon,
Ambolon, Lamolon, Bilifor (= 49 alagad na espiritu).

Narito ang sakop ni ORIENS:

Sarisel, Gasarons, Sorosma, Turitel, Balaken, Gagison, Mafalac, Agab (= 8 alagad na espiritu).

Ito ang kay PAIMON:


65

Aglafos, Agafali, Dison, Achaniel, Sudoro, Kabersa, Ebaron, Zalanes, Ugola, Came, Roffles,
Menolik, Tacaros, Astolit, Rukum (= 15 alagad na espiritu).

Ang mga ito ang kay ARITON:

Anader, Ekorok, Sibolas, Saris, Sekabin, Caromos, Rosaran, Sapason, Notiser, Flaxon,
Harombrub, Megalosin, Miliom, Ilemlis, Galak, Androcos, Maranton, Caron, Reginon, Elerion, Sermeot,
Irmenos (= 22 espiritung alagad).

Ang mga ito ang kay AMAYMON:

Romeroc, Ramison, Scrilis, Buriol, Taralim, Burasen, Akesoli, Erekia, Illirikim, Labisi, Akoros,
Mames, Glesi, Vision, Effrigis, Apelki, Dalep, Dresop, Hergotis, Nilima (= 20 espiritung alagad).

Sadyang walang katapusan ang mga espiritung maaari kong isulat, subalit upang maiwasan
ang kalituhan, naisip ko na mas mabuting isulat na lamang ang mga espiritung nagsilbi para sa akin, at
yaong napatunayan kong mabuti at tapat sa lahat ng operasyon na aking ginamit sila.

Tunay din naman na kung sino man ang magsagawa ng operasyong ito ay maaaring makamit
ang ngalan ng iba kung kanyang kailangan53.

53
Pagkatapos ng bahaging ito, isinulat din ni Mathers ang mga kahulugan at pinagmulan ng mga pangalan ng
mga espiritu. Minabuti kong huwag nang isama ito dito upang hindi makagulo. Maaari ninyong matagpuan ang
bahaging ito sa English version ng aklat na isinulat ni Mathers.
66

Ika-20 Kabanata: Mga dapat gawin sa pagsasagawa at


pagkatapos ng operasyon
Upang maging kumpleto ang aking pagtuturo sa iyo, kinakailangan kong ilahad sa iyo kung
ano ang mga dapat isagawa sa operasyon at pagkatapos nito.

Una sa lahat, sa iyong pagtatapos at pagkakamit ng lahat ng kinakailangan, tunay ngang hindi
kailanman magiging sapat ang iyong pagpapasalamat at pagpupuri sa Dios at ng Kanyang banal na
Ngalan, magkaroon ka man ng isang libong dila. Hindi rin magiging sapat ang iyong mga
pagpapasalamat sa iyong anghel. Gayunpaman, nararapat kang magbigay ng pasasalamat na
katumbas ng iyong ari-arian at ng dakilang kayamanan na iyong tinanggap. Mahalaga rin na lubos
mong maunawaan kung ano ang iyong gagawin sa napakalaking kayamanang ito upang lumago ang
kanilang bunga o upang hindi makasamâ sa iyo. Sapagkat ang sining na ito ay mistulang espada na
tangan mo, ito ay may kakayanan din pagsilbihan ang lahat ng uri ng kasamaan at makasakit ng iyong
kapwa. Subalit kung iyong gagamitin ito sa tamang paraan, samakatwid ay sa pagpapalayas ng mga
demonyo at ng mga kaaway, ito nga ay ginagamit mo sa kabutihan. Nais ko rin magbigay sa iyo ng iba
pang tagubilin ukol sa ilang mahahalagang bagay.

Pagkatapos ng operasyon, ipagpatuloy mo nang isa pang linggo ang pagpapasalamat sa Dios.
Huwag kang gumawa ng anumang gawain na para sa alipin sa loob ng pitong araw, at huwag ka rin
magsagawa ng anumang kumbokasyon ng mga espiritu at maging ng iyong mga alagang espiritu.
Pagkalipas ng pitong araw, maaari mo nang gamitin ang iyong kapangyarihan, gaya ng ilalahad ko sa
mga sumusunod:

1. Una sa lahat, huwag kang magsasagawa ng anuman operasyong mahika o pagtawag ng


mga espiritu tuwing araw ng Sabbath, sa buong buhay mo. Sapagkat ang araw na ito ay nakalaan para
sa Dios, at ito ang araw ng iyong pamamahinga at pagpapakabanal, at iyong ipagdaos ito sa
papamagitan ng pagdarasal.

2. Gaya ng iyong pag-iingat sa Walang Hanggang Apoy54, pag-ingatan mo rin na huwag


maibunyag sa kahit na sinong tao ang mga bagay na ibinahagi ng iyong banal na anghel, maliban sa
taong nagbigay sa iyo ng operasyong ito. Ikaw ay may obligasyon sa kanya na higit sa obligasyon mo
sa iyong ama.

3. Sa abot ng iyong makakaya, huwag mong gamitin ang karunungang ito laban sa iyong
kapwa, maliban sa makatarungang paghihiganti. Gayunpaman, aking pinapayuhan ka na sa
pagkakataong ito ay tularan mo ang Dios na nagpapatawad ng iyong mga kasalanan. Wala nang mas
karapatdapat pa na gawain sa mundong ito kundi ang pagpapatawad.

54
Eternal Fire
67

4. Sa pagkakataong ikaw ay pigilan ng iyong anghel na magsagawa ng isang operasyon,


makabubuting huwag kang maging sutil sapagkat tiyak na ito ay iyong pagsisisihan.

5. Layuan mo ang lahat ng kasamaan, karunungan, kulam, at panggagaway sapagkat ang


lahat ng ito ay galing sa demonyo. Gayundin, huwag kang magtiwala sa mga aklat na nagtuturo ng
mga ito kahit pa nga ba mukha silang kapani-paniwala sa iyo, sapagkat ito ang bitag na gamit ng lilo na
si Belial upang ikaw ay kanyang maangkin.

6. Sa pakikipag-usap sa mga espiritu, mabuti man o masama, huwag kang gagamit ng mga
salitang hindi mo nauunawaan sapagkat ito ay iyong magiging kahihiyan at makakasakit sa iyo.

7. Kahit kailan ay huwag kang humingi ng simbolo sa iyong tagapagbantay na anghel na iyong
gagamitin sa masama sapagkat iyan ay ikalulungkot niya. Maraming tao ang makikiusap sa iyo na
gawin ito at tiyakin mo na hindi mo ito gagawin!

8. Sanayin mo ang iyong sarili hangga’t maaari sa pagkakaroon ng malinis na pangangatawan


at kasuotan sapagkat ito ay lubhang mahalaga. Iniibig ng mga mabuti at masamang espiritu ang
kalinisan.

9. Hangga’t maaari, huwag mong gamitin ang iyong karunungan para sa mga taong may
masasamang balak, bagkus ay kilalanin mong mabuti ang taong bibigyan mo ng tulong sapagkat
nangyayari kadalasan na sa pagtulong mo sa iba, ikaw naman ay nakakagawa ng ikakasama ng iyong
sarili.

10. Kailanman ay huwag mong tangkain na tawagin ang mga banal na anghel para may
ipagawa sa kanila, maliban na lamang sa mga oras ng lubhang pangangailangan, sapagkat ang mga
banal na anghel ay mas nakatataas sa iyo at hindi tama na ihambing mo ang iyong sarili sa kanila. Ikaw
ay walang halaga kumpara sa mga anghel ng Dios.

11. Kung ang operasyon ay kayang gawin ng alagang mong espiritu, hindi na kailangan pa na
ipagawa ito sa ibang espiritu.

12. Datapwa’t madali para sa iyo na utusan ang iyong mga alagang espiritu na guluhin ang
iyong kapitbahay, ito ay iwasan mong gawin maliban na lamang kung nais mong pigilan ang binabalak
niyang kasamaan sa iyo. Huwag mong hayaan ang iyong mga kaibigang espiritu na walang ginagawa,
at kung ibig mong ibigay ang isa sa kanila sa ibang tao, tiyakin mo na ang taong ito ay kagalang-galang
at karapatdapat sapagkat hindi nila ibig na pagsilbihan ang mga taong mababang uri at hamak ang
kalagayan. Subalit kung makipagkasunduan ang taong ito (sa mga espiritu), sila ay mabilis na tatalima
upang paglingkuran siya.

13. Ang tatlong aklat na ito ay dapat ulit-ulitin ang pagbasa nang maraming beses upang, sa
loob ng anim na buwan bago magsimula, siya na magsasagawa ng operasyong ito ay lubos na
nauunawaan ang lahat ng ukol dito. Kung hindi siya isang Hudyo, dapat ay alam na alam niya ang
marami sa mga kaugalian at seremonyas na hinihingi ng operasyong ito upang siya ay masanay sa pag-
iisa na kailangan at kapaki-pakinabang para dito.
68

14. Kung ang isang tao na nagsasagawa ng operasyong ito sa loob ng anim na buwan ay
kusang gumawa ng kasalanan na ipinagbabawal sa Batas ng Dios, tiyak na hindi niya matatamo ang
karunungang ito.

15. Ang pagtulog sa araw ay lubhang ipinagbabawal, maliban na lang kung kinakailangan dahil
sa isang karamdaman o dala ng katandaan o kapansanan sa katawan sapagkat ang Dios ay palaging
handa na magbigay ng habag sa mga taong may karamdaman.

16. Kung hindi mo natitiyak na maipagpapatuloy ang operasyon, ipinapayo ko sa iyo na huwag
mo na itong simulan sapagkat ayaw ng Dios na siya ay nilalapastangan, at kanyang pinaparusahan ng
mga karamdaman sa katawan ang mga lapastangan sa Kanya. Gayunpaman, siya na hindi
naipagpatuloy ang operasyong ito dahil sa isang biglaang pangyayari o aksidente ay hindi nagkakasala.

17. Imposible para sa isang tao na lampas sa edad na limampu na maisagawa ang operasyong
ito. Ganito rin ang kaugalian ng tunay na batas ng Hudyo noong unang panahon tungkol sa pagka-
saserdote. Gayundin, hindi dapat mas babata sa edad na dalawampu’t lima ang magsasagawa ng
operasyong ito.

18. Huwag mong pahintulutan na maging masyadong malapit sa iyo ang mga alagang espiritu
sa pamamagitan ng pakikipagtalo sa kanila sapagkat sila ay magmumungkahi sa iyo ng maraming
bagay nang sabay-sabay upang ikaw ay malito.

19. Ukol sa mga alagang espiritu, hindi mo na kailangan pang gumamit ng simbolo na
matatagpuan sa ikatlong aklat maliban na lamang sa makikita sa ikalimang kabanata (ng ikatlong
aklat). Kung mayroon kang gustong ipagawa o makamit, utusan mo na lamang sila na tupdin ito.
Huwag kang magsasagawa ng mga operasyon nang sabay-sabay, bagkus ay tapusin mo muna ang isa
bago ka mag-umpisa ng iba. Gawin mo ito hanggang maging ganap ang iyong karunungan sa
pamamagitan ng mga pagsasanay sapagkat ang isang baguhan ay hindi kaagad nagiging pantas. Ito ay
nangyayari nang paunti-unti.

20. Kung walang mabigat na kadahilanan, ang apat na matataas na prinsipe at walong
mababang prinsipe ay hindi kailanman dapat tawagin, sapagkat mahalaga na alam natin ang
pagkakaiba nila sa ibang mas mababang espiritu.

21. Sa pagsasagawa ng operasyon, hangga’t maaari ay huwag mong pilitin ang mga espiritu na
magpakita sa iyo55. Mas makabubuti ito sa iyo sapagkat sapat na ang kanilang salita at pagsunod sa
iyong mga utos.

22. Lahat ng dasal, orasyon, at pananawagan, samaktwid ang lahat ng iyong nais sabihin, ay
dapat mong bigkasin nang malakas at malinaw, datapwa’t hindi kailangang sumigaw gaya ng isang
baliw. Bagkus ay bigkasin mo ito nang natural at malinaw.

55
Sapagkat kailangan mo maisagawa nang mariin ang iyong pagtawag upang sila ay magpakita, at kailangan
din maibigay mo sa kanila ang tamang mga elemento upang magkaroon sila ng lakas at ‘katawan’ para
makapagpakita sa iyo. - Mathers
69

23. Sa loob ng anim na Buwan (ng operasyon), dapat mong walisin ang silid-dasalan tuwing
bisperas ng Sabbath at panatilihin mong malinis ito sapagkat ang dakong ito ay nakalaan para sa mga
dalisay at banal na anghel.

24. Iyong alalahanin na kailanman ay huwag kang mag-uumpisa ng operasyon sa gabi, maliban
na lang kung ito ay lubhang kinakailangan.

25. Ang tanging adhikain mo sa buhay mula ngayon ay layuan sa abot ng iyong makakaya ang
mamuhay nang wala sa kaayusan, lalong lalo na ang mga kahalayan, kasakiman, at kalasingan.

26. Pagkatapos mong maisagawa ang operasyon at makamit ang karunungan, ikaw ay mag-
ayuno sa loob ng tatlong araw bago mo umpisahan ang pagsasagawa nito.

27. Ipagdiwang mo sa bawat taon ang araw na ito bilang pag-aalaala sa biyayang tinanggap
mo mula sa Panginoon. Ipagdiwang mo ito sa pamamagitan ng handaan, pananalangin, at pagpupuri
nang buong puso sa iyong banal na anghel na tagapagbantay.

28. Sa loob ng tatlong araw kung kailan sinasakop mo ang mga espiritu, ikaw ay dapat mag-
ayuno, sapagkat ito ay mahalaga upang ang iyong isip at katawan ay maging mas malaya at mas
payapa habang ito ay iyong isinasagawa.

29. Tandaan mo na ang pag-aayuno ay dapat mag-umpisa sa unang gabi ng bituin, at hindi
kabaligtaran nito.

30. Gawin mong mahigpit na alituntunin na kailanman ay hindi mo ibibigay ang operasyong ito
sa isang hari56 sapagkat si Solomon ang unang umabuso rito. Kung ikaw ay tumaliwas dito, ikaw at ang
mga susunod sa iyo ay malalagay sa kahihiyan. Sa katunayan, ako mismo ay nilapitan ng emperor na si
Sigismundo. Aking ibinigay sa kanyang ang pinakamagaling kong alagang espiritu, subalit mariin kong
tinanggihan na ibahagi sa kanya ang operasyon. Hindi dapat ibigay ang operasyon sa hari, emperor, o
iba pang mga pinuno.

31. Maaari mong ibigay sa iba ang operasyong ito, subalit hindi ito kailanman dapat ipagbili
sapagkat iyan ay paglapastangan sa biyaya ng Panginoon na Siyang nagkaloob sa iyo nito. Kung ikaw
ay tumaliwas, mawawalan ka nang pamamahala dito.

32. Kung iyong gagawin ang operasyong ito sa isang siyudad (o bayan), pumili ka ng bahay na
hindi tanaw ng ibang tao, sapagkat sa panahon ngayon, napakatindi ng kuryusidad (ng mga tao) kaya’t
kailangan maging maingat. Dapat din ay mayroong hardin sa tabi ng bahay, kung saan maaari kang
makapag-ehersisyo.

33. Iyong ingatan na sa loob ng anim na Buwan walang dugong mawawala sa iyong katawan
maliban na lamang kung ang dahilan nito ay dulot ng kalikasan.

56
Tila isa ito sa mga maling paniniwala ni Abraham. - Mathers
70

34. Gayundin, sa buong panahong ng operasyon, huwag kang hahawak ng patay, anumang uri
ito.

35. Sa loob ng anim na Buwan, huwag ka rin kakain ng laman o dugo ng anumang hayop. May
dahilan bakit mo ito ginagawa57.

36. Panumpain mo ang taong pagbibigyan mo ng operasyong ito na kailanman ay hindi niya ito
ipagkakaloob o ipagbibili sa isang taong walang Dios o sa taong lumalapastangan sa Dios.

37. Ikaw ay mag-ayuno ng tatlong araw bago mo ipagkaloob sa iba ang operasyon. Gayundin
ang gagawin ng taong pagbibigyan mo nito. Dapat din siyang magbigay sa iyo ng sampung pirasong
ginto o katumbas nito, at ibahagi mo ang mga ito nang personal sa mga taong mahihirap na
pagbibilinan mo naman na mag-alay ng panalangin sa Dios gamit ang Awit, “Maawa Ka sa akin, O
Dios;” at “Mula sa kadiliman…”

38. Makabubuti sa iyo, at mapapabilis nito ang operasyon, kung uulit-ulitin mo ang buong Awit
ni David sapagkat ito ay nagtataglay ng kapangyarihan at kagalingan, at iyo itong dasalin ng dalawang
beses sa isang linggo.

39. Gayundin, layuan mo ang lahat ng uri ng pagsusugal sapagkat iyan ay isang uri ng
paglapastangan. Bagkus ay gugulin mo ang panahong ito sa pagdarasal at pag-aaral ng mga banal na
kasulatan.

Aking inilahad sa iyo ang lahat ng aking tagubilin, at marami ka pang matatanggap mula sa
iyong banal na anghel. Sundin mo nang ganap ang mga ito at sa katapusan ng iyong operasyon,
mauunawaan mo ang kahalagahan ng mga ito. Ngayon, ilalahad ko sa iyo nang malinaw kung paano
gagamitin ang mga simbolo (na nasa ikatlong aklat) , at paano magpapatuloy kung nais mong makamit
ang iba pang mga simbolo.

Iyong unawain na sa oras na magkaroon ka ng kapangyarihan, hindi na kinakailangan na


gamitin ang mga simbolo. Sapat na ang pagbigkas nang malakas sa pangalan ng espiritu, at ang anyo
na ibig mong magpakita siya sapagkat sapat na ang kanilang panunumpa sa iyo. Samaktwid, ang mga
simbolong ito ay ginawa para sa pagkakataong ikaw ay may kasamang ibang tao. Gayundin, dapat ay
tangan mo ang simbolo sapagkat ang simpleng paghawak dito ay kumakatawan sa iyong nais
makamtan. Kaagad naman tatalima ang espiritung kinakatawan ng simbolo ngunit kung ang iyong
nais ay espesyal na walang kaugnayan sa simbolo, kinakailangan mong ipahiwatig ang iyong minimithi
sa pamamagitan ng pagpapahayag nito gamit ang dalawa o tatlong salita. At maaari mo rin gawin,
kung ikaw ay magiging maingat, habang nakikipagusap ka sa kasama mo ay mauunawaan ng espiritu
ang nais mong ipagawa, basta ba tinawag mo na ito nang una pa lamang. Ngunit kinakailangan na
maunawaan ito ng espiritu sa pamamagitan ng iyong mga salita. Sapagkat sila ay may taglay na talino,
sa pamamagitan ng isang salita o pahayag, kanilang agad mauunawaan ang ibig mong sabihin, at kahit
hindi nila kayang maarok ang pinakamalalim na saloobin ng tao, dahil sa kanilang kalistuhan at

57
Maaaring ang dahilan nito ay posibleng sumapi ang masamang espiritu sa laman ng hayop at kaya nitong
maimpluwensiyahan o sapian din ang taong kakain ng laman nito. - Mathers
71

katusuhan ay mahusay nilang nababasa ang ninanais ng isang tao sa pamamagitan ng kanyang mga
kinikilos at sinasabi.

Ngunit kung ang bagay [na nais mong ipagawa] ay lubhang maselan at mahalaga, dapat kang
magtungo sa isang pribado ngunit angkop na lugar sapagkat anuman lugar ay mabuti sa pananawagan
sa mga karapatdapat na espiritu para sa iyong operasyon. Doon ay ibigay mo sa kanila ang misyon
ukol sa iyong nais ipagawa sa kanila na kanila naman susundin sa araw na iyon o sa mga susunod na
araw. Subalit lagi mong ibigay sa kanila ang tanda sa pamamagitan ng pananalita, o iba pang paraan
na iyong nais, kung kailan mo nais simulan nila ang operasyon. Ganito nga ang ginagawa nina
Abramelin na taga-Ehipto, Jose na taga-Paris, at maging ang aking sarili. Ako rin ay naging dakilang
tao, at naglingkod sa mga prinsipe at mga dakilang pinuno.

Ngayon ay aking ilalahad ang mga operasyong nararapat sa iba’t-ibang espiritu, at kung ano
ang dapat gawin.

Ituturo ko sa iyo kung paano isusulat at makakamit ang mga simbolo na nasa aklat at maging
ang mga simbolo na ibibigay sa iyo ng mga espiritu. Sapagkat walang katapusan ang bilang ng
operasyong maaaring gawin, at sadyang hindi maaari na isulat lahat. Kung iyong nais magsagawa ng
mga bagong operasyon gamit ang simbolo na wala sa ikatlong aklat [ang tinutukoy ko ay mga
operasyon para sa kabutihan]58, hilingin mo ito sa iyong banal na anghel sa pamamagitan ng
sumusunod:

Mag-ayuno ka isang araw bago ang operasyon, at sa umaga pagkatapos maligo, pumasok ka sa
silid-dasalan, isuot ang puting bata, ilawan ang lampara, at maglagay ng pabango sa insensaryo.
Pagkatapos ay ilagay ang lamen na yari sa pilak sa ibabaw ng altar, na ang dalawang angulo ay
pinahiran ng banal na langis. Ikaw ay lumuhod at magdasal sa Panginoon, magpasalamat ka sa Kanya
sa mga biyayang iyong tinanggap.

Pakiusapan mo Siya na ipagkaloob Niya na makausap mo ang iyong banal na anghel, upang
ikaw ay kanyang turuan, at kung maaari ay tuparin ang iyong mga hinihiling. Pagkatapos nito ay
tawagin mo ang iyong tagapagbantay na anghel, at manalangin ka sa kanya na biyayaan ka niya ng
pangitain, at turuan ka niya kung paano iguguhit at ihahanda ang simbolo para sa binabalak mong
operasyon. Ipagpatuloy mo ang iyong pagdarasal hanggang sa makita mo ang kaluwalhatian ng iyong
anghel sa silid. Hintayin mo kung may ipapaliwanag siya o ihahabilin ukol sa anyo ng simbolong iyong
hinihingi. At pagkatapos ng iyong pagdarasal, tumayo ka at puntahan mo ang pilak na lamen, kung
saan matatagpuan mo ang isang sulat na tila gawa sa mga patak ng hamog, o parang pawis. Ito ang
simbolo na dapat mong gawin, kasama ang pangalan ng espiritu para sa operasyon, o kaya ang
pangalan ng kanyang prinsipe. Kopyahin mo ang simbolo nang hindi hinahawakan o ginagalaw ang
lamen, at iwanan ito sa altar hanggang gabi. Pagsapit ng gabi, pagkatapos mong magdasal at
magpasalamat sa Dios, itago mo ito sa isang malinis na pirasong seda.

58
Ito ay ayon kay Abraham.
72

Ang pinakamabuting araw sa paghingi ng mga simbolo ay sa araw ng Sabbath sapagkat ang
ganitong klase ng orasyon ay hindi paglapastangan sa kabanalan ng araw na ito. Gayundin, maaari
natin ihanda ang lahat ng kagamitan para dito sa bisperas ng Sabbath. Subalit kung hindi magpakita sa
iyo ang anghel, at kung wala siyang ibigay na simbolo sa iyo, tiyak na hindi ito itinuturing ng Dios at ng
iyong banal na anghel na mabuti kahit pa nga ba ito ay mabuti sa iyong paningin. Kung magkagayon,
maaari mong palitan ang iyong kahilingan.

Tungkol naman sa mga simbolo para sa di-mabuting operasyon, mas madali mo itong
makakamit. Pagkatapos mong maglagay ng pabango sa insensaryo, ikaw ay magdasal gaya ng dati.
Suot ang iyong puting bata, isuot mo rin ang sedang tsaleko at ang sinturon, pati ang korona, at
tanganan mo ang baton. Ikaw ay tumayo sa tabi ng altar na nakaharap sa balkonahe. Hawak ang
baton, tawagin mo ang mga espiritu gaya ng ginawa mo nang ikalawang araw. At kung lumitaw na ang
mga espiritu, utusan mo sila na huwag umalis sa iyong lugar hangga’t hindi nila binibigay sa iyo ang
simbolong iyong hinihingi para sa operasyon, kasama ang pangalan ng mga espiritu na kayang isagawa
ang misyon. Pagkatapos ay makikita mo ang prinsipeng nakakaalam ng operasyon at isusulat niya ang
simbolo sa buhangin sa balkonahe, kasama ang pangalan ng espiritu. Panumpain mo ang prinsipe at
kanyang mga alagad na tama ang ibinigay niyang simbolo, gaya ng iyong ginawa ayon sa mga
alintuntunin sa ika-14 na kabanata. Kung higit sa isa ang simbolong ibinigay, sila ay panumpain mo sa
lahat ng simbolong ito. Pagkatapos ay maaari mo na silang paalisin gaya ng naisalarawan subalit dapat
ay nakagawa ka na ng kopya ng mga simbolo na kanilang iginuhit sa buhangin, sapagkat sa kanilang
pag-alis ay mabubura ang mga simbolo. Kapag sila ay nakaalis na, kunin mo ang insenaryo at
pabanguhan muli ang balkonahe at buong lugar.

Hindi ko hinahayag ang lahat ng ito at ang mga simbolo sa ikatlong aklat upang ikaw ay
gumawa ng masama. Hindi iyan ang layunin ko sa paglalahad sa iyo nito, bagkus ay ibig kong
maunawaan mo nang ganap ang sining na ito, at ano ang mga kaya nating isagawa. Ang mga
masasamang espiritu ay mabilis kumilos at sumunod kung ang ipinapagawa sa kanila ay para sa
kasamaan, ganito rin sana sila para sa kabutihan. Kaya nga ikaw ay laging mag-iingat.

Iyong tandaan, dahil sa may Dios na Siyang nagbibigay ng mga simbolo, hindi kinakailangan
ang mga paghahanda ukol sa panulat, tinta, at papel. Gayundin sa pagpili ng araw, o ibang pang bagay
na dapat gawin, gaya ng itinuturo ng mga huwad na salamangkero at manggagaway ng kasamaan.
Sapat na ang mga simbolo ay malinaw ang pagkakasulat gamit ang anumang uri ng tinta at panulat at
ang mahalaga ay madali nating makikilala kung para saang operasyon ang simbolo. Makakatulong din
sa iyo kung ikaw ay makakagawa ng maayos na listahan ng mga simbolo. Ngunit aking ipinapayo sa iyo
na ihanda mo ang karamihan sa mga simbolo sa ikatlong aklat bago mo simulan ang operasyon. Ang
mga ito ay panandalian mong itabi sa loob ng altar hanggang sa sila ay gagamitin mo na. Pagkatapos
manumpa ng mga espiritu sa simbolo, itago mo ito sa isang ligtas na lugar kung saan hindi ito makikita
o mahahawakan ng ibang tao, sapagkat maaari niya itong ikapahamak.

Ngayon ay ihahayag ko sa iyo ang mga simbolo mula sa mga anghel at yaong mula sa
masasamang espiritu, at ang mga operasyon para sa mga prinsipe. Pati na kung ano ang mga dapat
isagawa kaugnay ng mga simbolo.
73

Ang mga simbolo sa ikatlong aklat na maisasagawa sa pamamagitan ng mga anghel

Ang mga sumusunod ay maisasagawa sa pamamagitan ng mga anghel at ng mga masasamang


espiritu, na siyang dahilan kung bakit hindi natin dapat isagawa ang mga operasyong ito nang walang
pahintulot ng banal na anghel na tagapagbantay:
74

Ang mga sumusunod ay maisasagawa sa pamamagitan ng mga masasamang espiritu:

Kaninong prinsipe dapat hilingin ang mga operasyon:

Ito ang mga simbolo at operasyon na sabay na ginagawa nina Astaroth at Asmodee:

 Kabanata VI. Upang matunton ang mga mina, at makahingi ng tulong para sa mga
gawaing may kinalaman dito.
 Kabanata VII. Upang utusan ang mga espiritu na mapadali at magawa kaagad ang mga
gawain at operasyong may kinalaman sa kemikal, lalo na sa metal.
75

 Kabanata IX. Upang mabago ang anyo ng hayop at gawing tao, at ang tao gawing
ayong-hayop.

Asmodee at Magot – magkasabay nilang ginagawa ito:

 Kabanata XV. Upang utusan ang mga espiritu na magdala sa atin ng anumang uri ng
pagkain at inumin, lahat ng uri ng pagkain na ating kayang isipin.

Ang mga ito ay ginagawa nila Astaroth at Ariton nang magkahiwalay:

 Kabanata XVI. Upang matagpuan at makamit ang lahat ng uri ng kayamanan, sa


kondisyong sila ay hindi binabantayan ng mahika.

Ang mga sumusunod ay naisasagawa nila Oriens. Paimon, Ariton, at Amaimon sa


pamamagitan ng mga espiritung pangkaraniwan sa kanila:

 Kabanata I. Upang malaman ang lahat ng bagay na nangyari sa nakalipas at


mangyayari sa hinaharap,yaong mga bagay na hindi taliwas sa Dios at sa kanyang banal
na kalooban.
 Kabanata II. Upang magkaroon ng kaalaman o kaliwanagan ukol sa lahat ng uri ng
panukala at mga kaduda-dudang agham.
 Kabanata III. Upang utusan na magpakita ang anumang espiritu sa anuman uring anyo,
gaya ng tao, hayop, ibon, at iba pa.
 Kabanata IV. Upang magkaroon ng iba’t ibang pangitain.
 Kabanata V. Paano natin mapapanatili ang pagkakatali ng mga alagang espiritu o ang
kanilang kalayaan.
 Kabanata XIII. Upang muling mabuhay ang isang patay, at maisagawa nito ang lahat
ng gawain ng isang buhay na tao, sa loob ng pitong araw at sa pamamagitan ng mga
espiritu.
 Kabanata XVII. Upang makalipad at makapaglakbay kahit saan.
 Kabanata XXVII. Upang makakita ng mga pangitain.
 Kabanata XXIX. Upang makapagpalitaw ng mga armadong lalake.

Sabay na isinasagawa nina Amaymon at Ariton ang mga sumusunod:

 Kabanata XXVI. Upang mabuksan ang anumang nakakandado nang walang susi at walang
ingay

Isinasagawa rin ni Oriens ang:

 Kabanata XXVIII. Upang magkamit ng mga ninanais na ginto at pilak para sa mga
pangangailangan at upang makapamuhay nang marangya.

Paimon: Kabanata XXIX. Upang makapagpalitaw ng mga armadong lalake.

Ariton: Kabanata XXIV. Upang matuklasan ang anumang uri ng pagnanakaw.

Amaimon: Kabanata XVIII. Upang malunasan ang lahat ng uri ng karamdaman.


76

Astaroth:

 Kabanata VIII. Upang makalikha ng malakas na bagyo at iba pang panahon.


 Kabanata XXIII. Upang makapangwasak ng mga gusali at mga imprastraktura.

Magot:

 Kabanata X. Upang mapigilan ang bisa ng mga panggagaway at pangkukulam, maliban na


lamang yaong may ginamitan ng Kabala at Banal na Mahika.
 Kabanata XI. Upang matagpuan ang mga aklat na nawawala o ninakaw.
 Kabanata XXI. Upang mabago ang sariling anyo; magkaroon ng iba’t ibang mukha at
hitsura.
 Kabanata XXIV. Upang matuklasan ang anuman uri ng pagnanakaw.
 Kabanata XXX. Upang makapagpalitaw ng komedya, opera, at mga uri ng kantahan at
sayawan.

Asmodee: Kabanata XII. Upang malaman ang lihim ng isang tao.

Beelzebub:

 Kabanata IX. Upang mabago ang anyo ng hayop at gawing tao; o ang tao gawing anyong-
hayop.
 Kabanata XX. Upang makalikha ng anumang uri ng alitan at galit, away, di-pagkakasundo,
digmaan, paninira, at dalamhati.
 Kabanata XXII. Ang kabanatang ito ay para lamang sa gawaing masama; sapagkat sa mga
simbolong ito tayo ay maaaring makapanggayuma, at gumawa ng lahat ng uri ng
kasamaan; kaya nga mabuti na huwag na natin itong gamitin.

Ang mga sumusunod naman ay maaari rin maisagawa ng mga alagang espiritu:

 Kabanata II. Impormasyon ukol sa kaduda-dudang karunungan at agham.


 Kabanata IV. Mga pangitain.
 Kabanata XII. Mga lihim ng isang tao.
 Kabanata XVIII. Pagpapagaling ng anumang uri ng sakit.
 Kabanata XIX. Pagmamahal at pag-ibig.
 Kabanata XXIII. Pagwasak sa mga gusali.
 Kabanata XXIV. Pagtuklas sa pagnanakaw.
 Kabanata XXVII. Makakita ng mga pangitain.
 Kabanata XXVIII. Pagkamit ng pera.
 Kabanata XXX. Pagpapalitaw ng mga opera, komedya atbp.

Kung sa umpisa ay tumanggi sila na isagawa ang alinman dito sa anumang kadahilanan,
maaaring gumamit na lamang ng ibang espiritu. Gayunpaman, dapat sila ay sumunod sa iyo sa lahat ng
iyong pinapagawa sa kanila.

Narito ang mga tagubilin at iba pang mga paliwanag ukol sa pagsasagawa ng mga sumusunod:
77

Kabanata I. Upang malaman ang lahat ng bagay na nangyari sa nakalipas at mangyayari sa


hinaharap, yaong mga bagay na hindi taliwas sa Dios at sa kanyang banal na kalooban.

Una, hawakan ang simbolo at ipatong ito sa ibabaw ng iyong ulo sa ilalim ng isang sombrero.
Maaaring ikaw ay palihim na sasabihan ng espiritu, o maaari rin na siya na ang magsasagawa ng iyong
nais ipagawa sa kanya.

Kabanata III. Upang utusan na magpakita ang anumang espiritu, gamit ng anuman uring anyo,
gaya ng tao, hayop, ibon, at iba pa.

Hawakan ang simbolo at tawagin mo ang pangalan ng espiritu na magpapakita naman sa iyo
ayon sa anyong iyong iniutos.

Kabanata V. Paano natin mapapanatili ang pagkakatali ng mga kaibigang espiritu o ang
kanilang kalayaan.

Tandaan mo na bawat isang tao ay pinapayagang magkaroon ng hindi hihigit sa apat na


alagang espiritu. Ang mga espiritung ito ay maglilingkod sa iyo sa anumang paraan at sila ay ibibigay
sa iyo ng apat na mababang prinsipe.

Ang una ay nakatalaga mula pagsilang ng araw hanggang tanghali.

Ang ikalawa ay nakatalaga mula tanghali hanggang paglubog ng araw.

Ang ikatlo, mula paglubog ng araw hanggang hatinggabi.

Ang ikaapat, mula hatinggabi hanggang pagsilang ng bagong araw.

Siya na nagmamay-ari sa kanila ay malayang magagamit ang kanilang serbisyo sa anuman


paraan na gusto niya.

Walang katapusan ang bilang ng ganitong uri ng mga espiritu na inatasang paglingkuran ang
mga tao nang sila ay magtaksil sa Dios. Bawat tao ay may nakatalagang apat na espiritu, at bawat isa
sa kanila ay obligadong paglingkuran ka sa loob ng anim na oras. Kapag ibinigay mo ang isang espiritu
para paglingkuran ang ibang tao, hindi mo na maaaring gamitin ang kanyang serbisyo subalit maaari
kang tumawag ng ibang espiritu bilang kanyang kapalit. Kung gusto mo nang paalisin ang isang
espiritu bago pa man matapos ang kanyang takdang anim na oras, maaari mo itong gawin sa
pamamagitan ng pagbibigay senyas sa kanya, at siya ay mabilis na susunod sa iyo. Kapag ang kanilang
anim na oras ay tapos na, siya ay kusang aalis nang hindi nagpapaalam sa iyo, at kanyang kasunod ay
kusa naman papalit sa kanya. Subalit kung ang isa sa kanila ay iyong ipinamigay, maaari kang gumamit
ng isang espiritu na kabilang sa uri59 ng kanyang papalitan.

Kabanata VIII. Para makalikha ng malakas na bagyo o iba pang panahon.

59
Ang bawat isang alagang espiritu ay tila nabibilang sa bawat isang elemento: hangin, apoy, tubig, at lupa.
78

Kung nais mong makapukaw ng bagyo, isulat mo ang simbolo sa ibabaw ng iyong ulo (at
hawakan ang simbolo sa ibabaw). Kung nais mong ito ay tumigil, hawakan mo naman ang ilalim nito.

Kabanata IX. Upang mabago ang anyo ng hayop at gawing tao, o ang tao gawing anyong-
hayop.

Ipakita mo ang simbolo sa tao o hayop [na gusto mong mabago ang anyo] at pagkatapos ay
bigla mo silang hawakan gamit ang simbolo, at sila ay magbabago ng anyo ngunit ito ay isang uri
lamang ng kathang-isip. Kung gusto mo itong matapos na, ilagay mo ang simbolo sa ibabaw ng ulo
nito at (bahagyang) ihampas ang baton sa simbolo, at ibabalik ng espiritu ang lahat sa dating anyo.

Kabanata XI. Upang matagpuan ang mga aklat na nawawala o ninakaw.

Mula nang nilikha ang mundo, marami nang isinulat na aklat ang ating mga ninuno ukol sa
Kabala, na isang kayamanang walang katumbas sa mundo. Ang mga aklat na ito ay naglaho dahil na
rin sa kalooban ng Dios sapagkat hindi Niya nais na ang mga matataas na misteryo ay maisapubliko. Sa
pamamagitan ng ganitong uri ng mga aklat, maaaring makamit ng sinumang tao, karapatdapat man o
hindi, ang Kanyang mga lihim. Ang iba naman ay nasunog sa apoy o kaya ay tinangay ng tubig at sa iba
pang uri ng aksidente na gawa ng mga masasamang espiritu dahil sa sila ay nagseselos sa Tao na
maaaring magkamit ng ganitong uri ng kayamanan, at dahil sa sila ay itinalaga ng Dios na maglingkod
sa tao. Subalit sa ikatlong aklat dito, ang banal na mahika ay hindi ganap na naglaho, datapwat ang
malaking bahagi nito ay natatago ng makapal na bakod. Ito ay nangyari dahil sa kagustuhan ng mga
mabuting espiritu na hindi hinayaang tuluyan maglaho ang karunungang ito. Kanila rin hahayaang
makamit ang karunungang ito ng sinuman na gagamit nito sa mabuting paraan upang ito ay makamit
mula sa iisa at tunay na Dios, at hindi mula sa taksil at manlilinlang na Diyablo at kanyang mga alagad.

Kapag iyong natapos ang operasyong ito ayon sa tamang paraan, maaari mong mabasa ang
mga aklat na ito, subalit hindi mo ito maaaring kopyahin, ni isaulo nang higit sa isang beses. Ako
mismo ay sinubukan kopyahin ang mga aklat na ito, ngunit kahit anong gawin kong bilis sa pagsusulat,
ang mga titik naman ay naglalaho. Kung gayon, makikita natin na dahil kilala ng Panginoon ang ating
kalikasan, na may kakayanang gumawa ng masama, hindi Niya ibig na ang dakilang kayamanang ito ay
gamitin sa kasamaan at sa kasiraan ng buong sangkatauhan.

Kabanata XII. Upang malaman ang mga lihim ng isang tao.

Para ito ay maisagawa, sapat na ang hawakan ang simbolo sapagkat mabilis na ibubulong sa
iyo ng espiritu ang kasagutan. Subalit kung may malaman kang napakasamang bagay, bilang
pagmamahal sa Panginoon, tiyakin mong ito ay hindi mo isasakatuparan lalo na kung ito ay
makakasama sa iyong kapwa. Sa tuwing hahawakan mo ang simbolo, kailangan mong bigkasin ang
pangalan ng taong ibig mong malaman ang sikreto.

Kabanata XIII. Upang muling mabuhay ang isang patay, at maisagawa nito ang lahat ng
gawain ng isang buhay na tao, sa loob ng pitong araw at sa pamamagitan ng mga espiritu.
79

Buong katotohanan kong sinasabi na ang taong kamamatay lamang ay may tatlong bahagi:
katawan, kaluluwa, at espiritu. Ang katawan ay siyang babalik sa lupa, ang kaluluwa ay sa Dios o sa
Diyablo, at ang espiritu ay may nakatakdang panahon ayon sa ibinigay ng tagapaglikha, pitong taon. Sa
loob ng panahong iyan, pinapahintulutan ang espiritu na maglakbay kung saan-saan, ngunit sa
katagalan ito ay magpapasiya rin at babalik sa sa kanyang pinagmulan. Imposibleng mabago ang
kalagayan ng kaluluwa, subalit sa pagpapala ng Panginoon, sa anumang kadahilan na hindi ko
maaaring banggitin dito, maaari Niyang pahintulutan ang isang espiritu na muling bumalik sa kanyang
katawan sa pamamagitan ng tulong ng mga espiritu. Maaari niyang gamitin ang kanyang katawan sa
loob ng pitong taon. Bagama’t maisasagawa ng espiritu at kanyang katawan ang lahat ng bagay na
kayang gawin ng tao nang ang kanyang katawan, kaluluwa at espiritu ay magkakasama, ito ay hindi
isang ganap na katauhan, sapagkat wala na ang kanyang kaluluwa.

Ang kapangyarihang ito ay isa sa mga pinakadakila, at gawin mo lamang ito kung talagang
nararapat sapagkat ito ay naisasagawa lamang sa tulong ng mga pinunong espiritu.

Walang ibang dapat gawin kundi abangan ang pagkakataon kung kailan kamamatay lamang ng
pasyente, at ilagay ang simbolo sa pasyente sa apat na direksyon60. Siya ay mabilis na babangon at
magbibihis. Ipasuot sa kanya ang isang damit kung saan nakatahi ang kagaya ng simbolong ipinatong
sa kanya. Tandaan, kapag lumipas na ang pitong taon, ay agad-agad lilisanin ng espiritu ang kanyang
katawan, at hindi na natin maaari pang pahabain ang kanyang buhay. Aking napatunayan ang
operasyong ito sa Morea para sa Duke ng Saxonia. Ang kanyang mga anak ay bata pa, ang panganay
ay labing-dalawa o labing-tatlong gulang lamang, kaya’t hindi pa nila kayang pamahalaan ang kanilang
mga kayamanan, na nais naman angkinin ng kanilang mga kamag-anak. Dahil sa operasyong ito, aking
napigilan na mahulog sa maling kamay ang kanilang mga kayamanan.

Kabanata XIV. Upang makamit ang labing-dalawang simbolo para sa labing-dalawang oras sa
umaga at sa gabi, upang ikaw ay hindi makita ng ibang tao.

Madali lamang gawin ang sarili na hindi makita ng mga tao, subalit hindi ito pinapahintulutan sa
lahat ng pagkakataon sapagkat sa pamamagitan nito ay maaari natin mabulabog ang ating mga
kapitbahay dahil marami tayong magagawang masama. Ngunit hindi natin dapat gawin ito sapagkat
iyan ay ipinagbabawal ng Dios. Kaya nga ako ay nakikiusap sa iyo na ikaw ay laging gumawa ng mabuti
at huwag nang masama! Sa kabanatang ito ay may labing-dalawang simbolo, para sa labing-dalawang
espiritu na alagad ni Prinsipe Magot. Magkakapantay ang kanilang lakas. Ilagay mo ang simbolo sa
ibabaw ng iyong ulo, sa ilalim ng isang sombrero, at ikaw ay mawawala sa kanilang paningin. Muli kang
lilitaw kapag tinanggal mo ito sa iyong ulo.

Kabanata XV. Upang utusan ang mga espiritu na dalhin sa atin ang anumang uri ng pagkain at
inumin na ating gusto, at maging lahat ng pagkain na kaya nating isipin.

60
Four cardinal points. Ibig sabihin: silangan (east), timog (south), kanluran (west), hilaga (north).
80

Para sa simbolong ito, at sa iba pa na matatagpuan sa kabanatang ito, kung nais mo silang
gamitin, ilagay mo sila sa gitna ng dalawang plato, bandehado, o pitsel, magkadikit [o magkapatong]
sa labas ng bintana. Bago lumipas ang labing-limang minuto, matatagpuan mo o darating ang iyong
kahilingan. Subalit iyong tandaan na sa ganito uri ng pagkain, hindi mo maaaring pakainin ang isang
tao nang higit sa dalawang araw sapagkat ang pagkaing ito, bagama’t nakakabusog tingnan, ay hindi
makakapagbigay ng nutrisyon sa katawan. Madali kang magugutom dahil ang pagkaing ito ay walang
bisa sa sikmura. Tandaan mo rin na ang pagkaing ito ay nandiyan lamang ng dalawampu’t apat na oras.
Humiling ka na lamang bago lumipas ng dalawampu’t apat na oras.

Kabanata XVI. Upang matagpuan at makamit ang lahat ng uri ng kayamanan, sa kondisyong
sila ay hindi binabantayan ng mahika.

Kung nais makatagpo ng kayamanan, piliin mo ang simbolong nais mong gamitin, hindi na
mahalaga kung ang operasyon ay dalawang espiritu ang gumagawa o isa lamang. Agad-agad ipapakita
sa iyo ng espiritu ang kayamanan, anumang uri ito. Ilagay mo kaagad ang simbolo sa ibabaw nito at
hindi na ito mawawala pa sa lupa, ni matatangay ng iba. Ang espiritung nakatakdang magbantay dito
ay mawawala rin at maaari mo na itong kunin at gamitin.

Kabanata XVII. Upang makalipad at makapaglakbay kahit saan.

Bigkasin mo ang lugar na nais mong puntahan at pagkatapos ay ilagay mo ang simbolo sa iyong
ulo, sa ilalim ng isang sombrero. Ingatan mo na huwag mahulog ang simbolo mula sa iyong ulo.
Huwag ka rin maglalakbay sa gabi maliban na lamang kung talagang kinakailangan. Gawin mo ito sa
araw at kung kailan payapa ang panahon at kapaligiran.

Kabanata XVIII. Upang lunasan ang iba’t ibang uri ng sakit.

Tanggalin ang benda ng taong maysakit, at linisin ito. Pagkatapos ilagay ang mga gamot sa
benda, ibalik sa taong maysakit ang benda at sa ibabaw nito ay ilagay ang simbolo. Iwanan ito ng mga
labing-limang minuto, pagkatapos ay kunin ito at itabi [maaari itong gamitin sa ibang pagkakataon].
Subalit kung ang karamdaman ay sa loob ng katawan, ilagay mo ang simbolo sa ibabaw ng ulo ng
pasyente. Maaaring makita at mahawakan ang mga simbolong ito ng ibang tao nang walang
mangyayaring masama sa kanila, ngunit mas makabubuti pa rin na huwag silang makita o mahawakan
ng ibang tao maliban sa iyo.

Kabanata XIX. Para sa lahat ng uri ng pagmamahal at pag-ibig;

at…

Kabanata XX. Upang makalikha ng anumang uri ng galit at alitan, away, di-pagkakasundo,
digmaan, paninira, at dalamhati.

Sa pamamagitan ng mga espiritu, maaari tayong humiling ng pag-ibig ng isang tao sa ganitong
paraan: Sabihin nang malakas ang pangalan ng tao na ibig mong paibigin at ilagay ang simbolo sa
ilalim ng uri kung saan ito napapabilang, sapagkat ito ang dapat mong gawin kung ito ay isinasagawa
81

mo para sa pag-ibig, pakikipagkaibigan, at iba pa. Kung ang isinasagawa mong operasyon ay para sa
dalawang tao, maging ito ay para magkamit ng pagmamahal o dahil sa pagkamuhi, sabihin mo ang
pangalan ng dalawang taong ito at ilagay ang simbolo sa ilalim ng uri kung saan napapabilang ang
adhikain. Kung maaari ay hawakan mo rin sila gamit ang simbolo. Lahat ng uri ng pagkakaibigan ay
napapaloob sa operasyong ito, subalit ang pinakamahirap sa lahat ay makamit ang pag-ibig ng isang
relihiyosong tao [gaya ng pari, madre, at iba pang tao na deboto sa kanilang relihiyon].

Kabanta XXI. Upang mabago ang sariling anyo, magkaroon ng ibang mukha at hitsura.

Ang pagbabagong ito ay parang isang ilusyon lamang. Ganito ang paraan ng operasyong ito:
Hawakan ang simbolo sa iyong kaliwang kamay, at iyo itong ipahid sa mukha. Kung may isang
manggagaway na gagawa nitong operasyon na ito gamit ang kanyang itim na salamangka, iyo itong
agad malalaman. Subalit totoo rin na kung ang isang manggagaway ay gagawin ito sa pamamagitan
ng tunay at banal na salamangka, gaya ng ginagawa mo, ito ay walang bisa sa iyo, sapagkat kung
walang pagpapala ng Dios, hindi rin magkakaroon ng bisa, mabuti man o masama, ang operasyong ito.
Ngunit kung ang manggagaway ay gagawin ito gamit ang itim na salamangka at pakikipagkasunduan
sa diyablo, tiyak na siya ay mapapahiya sa iyo.

Kabanata XXII. Ang kabanatang ito ay para lamang sa gawaing masama sapagkat sa mga
simbolong ito tayo ay maaaring makapanggayuma, at gumawa ng lahat ng uri ng kasamaan, kaya nga
mabuti na huwag na natin itong gamitin.

Ang lahat ng simbolong ito ay dapat ibaon sa lupa, o ilagay sa ilalim ng pintuan, hagdanan, o sa
dadaanan ng tao o kung saan man sila ay sasandal [para dito, sapat na ipahid ang simbolo sa lugar na
sasandalan]. Dapat tandaan na kakayanin natin gumawa ng masama sa ating mga kaaway sa
pamamagitan ng simbolong ito, at kung ikaw ay nakakatiyak na may tangka sa iyong buhay, hindi
kasalanan ang paggamit ng operasyong ito [para sa iyong proteksyon]. Ngunit kung gagawin mo ito
para lang sa kasiyahan ng iyong mga kaibigan, hindi mo matatakasan ang galit ng iyong anghel. Kung
gayon, gamitin mo lamang ang karunungang ito bilang pananggalang laban sa iyong mga kaaway,
ngunit huwag mong gagamitin ito kailanman laban sa iyong kapitbahay, na tiyak na magdudulot sa iyo
ng pagdurusa.

Kabanata XXVI. Upang mabuksan ang anumang nakakandado nang walang susi at walang
ingay.

Kung gusto mong mabuksan ang anumang nakakandado, gaya ng bagay na nakasusi, kabinet,
kahon, at pintuan, ipahid mo ang simbolo sa gilid nito, at agad-agad ito ay mabubuksan nang walang
ingay, walang sira, at walang mag-aakala na ito ay binuksan nang sapilitan. Kung gusto mo uli ito
ikandado, ipahid mo ang likod ng simbolo, samaktwid, ang likod ng papel kung saan ito nakasulat, at
agad din itong magsasara. Kailanman ay huwag mong gagawin ito sa anumang kapilya o para pumatay
ng tao. Tandaan mo rin na ang operasyong ito ay maaaring maisagawa para sa kasamaan, kaya nga
dapat ay humingi muna tayo ng pahintulot mula sa ating banal na anghel bago isakatuparan ang
operasyong ito upang hindi siya magalit sa atin, at ating lapastanganin ang tinatanggap nating
82

kabutihan ng Dios. Hindi rin dapat isagawa ang operasyong ito upang manghalay at manlapastangan
ng babae, bagkus ay gawin natin ito para sa kabutihan at mga bagay na may pahintulot [ng anghel].

Ang bata na iyong gagamitin sa pagtatapos ng operasyong ito ay hindi dapat lalagpas sa pitong
taon ang edad. Dapat siya ay nakapagsasalita nang malinaw, listo, at nakakaintindi ng iyong mga
ipagbibilin upang maayos siyang makapaglingkod sa iyo. Huwag kang matakot na maibubunyag ng
batang ito ang mga ipinagawa mo sa kanya sapagkat hindi niya matatandaan ang kanyang mga
ginawa. Maaari mo siyang subukin sa pamamagitan ng pagtatanong sa kanya tungkol dito pagkalipas
ng pitong araw at mapapatunayan mo na wala siyang masasabi sa iyo tungkol sa nangyari. Totoo
ngang ito ay nakakamangha.

Kung mapagpasiyahan mo na ibahagi sa iba ang operasyong ito, dapat ay bigyan ka ng taong
ito ng pitong florins61 na iyo naman personal na ipamimigay sa mga mahihirap, o mga tunay na kapus-
palad. Ang mga ito naman ay dapat magdasal sa loob ng pitong araw ng pitong Awit ng Pagsisisi62 o
ang Pater63 at Ave64 ng pitong beses kada araw. Dapat din nilang isama ka sa kanilang pagdadasal na
lagi ka nawang tulungan ng Dios at ipagkaloob sa iyo ang lakas upang hindi magkasala sa Kanya
kailanman.

Habang isinasagawa ang operasyon, tiyak na dadaan ang sinumang magsasagawa nito sa iba’t-
ibang matinding pagsubok at tukso, lalo na sa kawalan nang katahimikan ng pag-iisip upang kanyang
talikuran ang operasyon dahil ang mortal na kaaway ng tao ay hindi matutuwa na kanyang makamit
ang banal na karunungan mula mismo sa Dios. Sa pamamagitan ng banal na karunungang ito, isinasara
ng Dios ang landas laban sa Demonyo. Ito ang siyang tanging adhikain at dahilan ng banal na
karunungan. Ang mga panggagaway ng mga masasamang salamangkero at mangkukulam ay hindi
kailanman isinasagawa gamit ang banal na mahika. Ang bisa ng kapangyarihan ng mga ito ay
katumbas lamang ng mga papuri, sakripisyo, at pakikipagkasunduan sa mga demonyo bilang
kabayaran. Ang mga ito ay hahantong lamang sa pagkawasak at pagkawala ng kaluluwa, at kadalasan
pati na ng katawan.

Isipin mo -- kapalaluan [ng Demonyo] ang siyang nagtulak sa kanya palabas ng Langit. Isipin
mo rin na lubhang masakit para sa kanya na makita ang tao, na gawa sa nakapandidiring lupa, na mag-
utos sa kanya, siya na isang espiritu, isang magandang nilalang, at isa rin anghel. Siya rin ay obligadong
magpakababa at sumunod sa tao, hindi dahil sa ito ay kanyang kalooban kundi dahil siya ay pinuwersa
at inutusan ng Dios na Siyang nagbigay sa kanya sa tao. Siya ay napipilitang magpakaaba sa harap ng
tao at sundin sila – siya na lubhang hirap sumunod maging sa Dios na lumikha sa kanya. Bukod diyan,
sa kabila ng paghihirap ng kanyang kalooban kailangan niyang magpakababa at sumunod sa tao na

61
Uri ng pera na ginagamit noong araw. Inaamin kong hindi ko alam kung ano ang katumbas na halaga ng
isang florin.
62
Penitential Psalms: Psalms 6, 32, 38, 51, 102, 130, 143 - Mathers
63
Sa aking hinala ang tinutukoy dito ni Abraham na Pater ay ang Ama Namin. Wala rin komento o footnote si
Mathers kung ano ang dasal na ito.
64
Hindi ko rin nalalaman kung anong dasal ang tinutukoy ni Abraham dito. Maging si Mathers ay tahimik sa
bagay na ito.
83

itinakda ng Dios para ibigay sa kanya ang Langit – ang mismong bagay na ipinagkait sa kanya ng Dios
habambuhay.

Kung magkagayon, ipagpatuloy mo lamang ang operasyon at ikaw ay manalig sa Panginoon.


Huwag kang mabahala sapagkat malalampasan mo ang lahat ng mga pagsubok dahil kailanman ay
hindi Niya pababayaan ang taong sumasampalataya sa Kanya.

Maaari mo lamang ibigay ang operasyong ito sa dalawang tao. Kung nais mong ibigay ito sa
pangatlong tao, maaaring ito ay makabuti sa kanya ngunit mawawala naman sa iyo habambuhay ang
kapangyarihan. Nakikiusap ako na buksan mo ang iyong mga mata, at kilalanin mong mabuti ang
taong pagbibigyan mo ng dakilang kayamanan na ito upang hindi siya ang taong lalapastangan sa Dios.
Ito ay isang malaking kasalanan sa Panginoon, at tayong mga Hudyo ay patunay sa pangyayaring ito.
Sapagkat simula ng gamitin ng ating mga ninuno ang Banal na Mahika para sa kasamaan, ang biyayang
ito ay sa piling mga tao na lamang ipinagkakaloob ng Dios. Sa buong buhay ko, pitong tao lamang ang
nakikilalang kong nagtataglay ng pagpapalang ito, at kasama na tayong dalawa sa bilang na iyan.

Kapag sinabi ng bata sa iyo na nakita na niya ang anghel, iyong naman dasalin nang mahina sa
iyong kinalalagyan ang Awit 138, na nag-uumpisa sa “Ako’y magpapasalamat sa Iyo ng aking buong
puso…”

Sa una mo naman pagtawag sa apat na pinunong espiritu, iyong dasalin ang Awit 91, “Siyang
tumatahan sa lihim na dako ng Kataastaasan ay mananatili sa lilim ng Makapangyarihan sa lahat…”
Bigkasin mo ito ng malakas at nakatayo sa iyong kinalalagyan.

Kabanata XXVIII. Upang magkamit ng mga ninanais na ginto at pilak para sa mga
pangangailangan at upang makapamuhay ng marangya.

Ilagay mo sa iyong pitaka ang simbolo ng pera na gusto mong makamit, at hayaan mo ito
manatili doon ng ilang sandal. Pagkatapos ay ilagay mo ang iyong kanang kamay sa iyong pitaka at
makikita mo doon ang pitong uri ng pera na katumbas ng iyong hinihingi. Subalit iyong tandaan na
maaari mo lang gawin ang operasyong ito tatlong beses sa isang araw. At ang mga pera na hindi mo
kinakailangan ay maglalaho nang kusa. Kaya nga pinapayo ko sa iyo na huwag kang manghihingi ng
malaking halaga kung ang kailangan mo lang pala ay barya. Maaari ko rin sana ibigay sa iyo ang iba
pang mga simbolo, subalit ang aking ibinigay sa iyo ay para lamang sa mga baguhan para na rin hindi ka
maguluhan. Hindi rin tama na turuan kita ng napakaraming simbolo sapagkat ako ay isang mortal na
tao lamang. Samantala, malapit mo naman makamit ang iyong anghel na iyong magiging guro at
gabay.

Gaya ng aking nasabi na, sinumang kumikilala sa Dios, kahit ano pa man ang kanyang relihiyon,
ay maaaring makamit ang tunay na karunungan at mahikang ito, kung ito ay gagawin niya ng tama.
Gayundin, kahit ano pa man ang relihiyon niya, maaari niyang ipagdiwang ang kanilang mga
kapistahan sa kondisyong hindi ito makakasagabal sa operasyon. Siya ay dapat lubos na magtiwala na
ipagkakaloob sa kanya ng kanyang anghel ang tanglaw sa kanyang mga pagkakamali. Kaya naman
dapat ay lagi kang handa na itama ang iyong mga pagkakamali at ikaw ay maging masunurin sa lahat
84

ng bagay at oras. Dapat mo rin sundin ang bawat isang punto na itinuro sa iyo, ang lahat ng bagay na
may kinalaman sa iyong pamumuhay, sa mga operasyon, at iba pang mga payo na ibinigay sa aklat na
ito. Gaya rin nang nasabi ko, kung sakaling ikaw ay magkaroon ng kaunting sakit pagkatapos mong
umpisahan ang operasyon, iyo lamang ipagpatuloy ito gaya ng hinabilin sa iyo. Subalit kung ang sakit
mo ay lumubha at kailanganin mo na ikaw ay gamutin para sa kalusugan ng iyong katawan at ikaw ay
kailangang kunan ng dugo, huwag kang magmatigas laban sa kalooban ng Dios. Manalangin ka sa
Kanya at magpasalamat dahil ikaw ay Kanyang dinalaw sa ganitong paraan. Datapwat masakit sa
iyong kalooban na iwanan ang operasyon dahil kailangan mong magpagamot upang hindi mo ito
ikamatay, ikaw ay sumunod pa rin sa Kanyang kalooban. At kapag bumalik na ang iyong kalusugan, sa
tamang panahon ay maaari mo muli gawin ang operasyon na may pananalig na ikaw ay tutulungan ng
Dios. Sa ganitong pangyayari, maaari kang magumpisa muli sa anuman oras sapagkat ikaw ay
napilitan lamang tumigil at hindi mo ito kalooban. Subalit kung ang iyong pagtigil ay dahil sa kapritso,
huwag mo nang isipin pa na magsimula uli kailanman, sapagkat hindi natin dapat kutyain ang Dios.

Dalawa ang uri ng kasalanan na lubhang ikinagagalit ng Dios. Ang una ay kawalan ng utang na
loob at ang isa naman ay kawalan ng paniniwala. Gusto ko lamang itong banggitin sapagkat tiyak na
hindi ka titigilan ng Demonyo sa pagtatanim niya ng isang libong ideya sa iyong isip, gaya ng baka hindi
totoo ang operasyong ito, pangit ang pagkakaguhit mo ng mga simbolo at iba pa, upang ikaw ay
magkaroon ng mga kuro-kuro ukol sa paksang ito. Kaya nga mahalaga na ikaw ay magkaroon ng
pananampalataya at ikaw ay magtiwala. Huwag ka rin makipagtalo tungkol sa bagay na hindi mo
naiintindihan. Tandaan mo na nilikha ng Dios ang lahat ng bagay mula sa wala65 at lahat ng bagay ay
ayon sa Kanyang kalooban. Magmasid ka, magpakasipag, at iyong makikita.

Sa ngalan ni Adonay, ang kataastaasan at pinakabanal, ang iisa at tunay na Dios, ating natapos
ang aklat na ito ayon sa pinakamaayos at pinakamabuting tagubilin sa abot ng aking makakaya.
Tandaan mo rin, sa Dios mo lamang matatagpuan ang nag-iisa at tunay na landas patungo sa tunay na
karunungan at mahika, subalit dapat ay sundin mo rin nang ganap ang lahat ng aking isinulat sa aklat
na ito.

Kapag iyo nang isinasagawa ang lahat ng ito, mauunawaan mo rin kung gaano ka kamahal ng
iyong ama. Ang totoo, lakas loob kong sinasabi sa iyo na dahil sa pagmamahal ko sa iyo ay ginawa ko
ang isang bagay na wala ni isa man ang gumawa sa panahong ito, lalong-lalo na sa paghahayag ko sa
iyo ng dalawang simbolo, yaong simbolo na para sa bata, at yaong para sa iyo lamang66. Kung wala ang
[huling] simbolong ito, sinusumpa ko sa iyo, na mula sa isang-daan tao na magsasagawa ng operasyong
ito, dalawa o tatlo lamang ang magtatagumpay. Akin naman tinanggal ang lahat ng maaaring maging
balakid, kaya nga huwag kang mag-alala at huwag mong kainisan ang aking payo.

Huwag kang magtaka kung ang aklat na ito ay kakaiba sa mga matatayog at mahuhusay na
istilo ng ibang aklat na mayroon ako, sapagkat isinulat ko ang aklat na ito upang ikaw ay hindi
makaranas ng maraming hirap, at upang makapagbigay sa iyo ng tanglaw sa mga pagkakataong ikaw

65
Nothingness
66
Ayon kay Mathers, maaaring ang tinutukoy dito ni Abraham ay ang mga simbolo sa dulo ng ikatlong aklat –
ang mga magical square para kay Adam at Uriel. Si Adam para sa bata, at si Uriel bilang anghel ni Lamech.
85

ay makararanas ng mga pagsubok. Dahil hindi naman mahalaga kung iyong ibibigay sa iba ang aklat,
hindi ako gumamit sa pagsusulat ng mga malalalim at kakaibang salita na madalas gamitin ng mga
manunulat at makakata. Bagkus akin itong isinulat ayon sa kakaibang ayos – pinaghalo-halo ko ang
mga paksa, ikinalat ko sila sa iba’t ibang kabanata upang ikaw ay mapilitan na basahin ito nang paulit-
ulit. Mas makabubuti rin na iyo itong kopyahin at isaulo nang mabuti. Pagkatapos ay magpasalamat ka
sa Dios na Makapangyarihan sa lahat, at huwag mong kakalimutan ang aking mga tapat na payo,
maging hanggang kamatayan. Magiging kayamanan mo ang banal na karunungan at mahika, at
kailanman ay wala ka nang matatagpuan pa na mas dakilang kayamanan sa mundo kaysa dito. Iyong
sundin mabuti ang taong nagtuturo sa iyo sapagkat siya ay natuto mula sa kanyang sariling karanasan.
Aking dinadalangin sa ngalan ng aking Dios na iyong sundin nang buong puso at katapatan ang tatlong
bagay na sumusunod. Sila ay magiging iyong gabay hanggang sa ikaw ay pumanaw sa abâng mundong
ito:

1. Laging isapuso at isaisip ang Dios, ang Kanyang mga salita, kautusan, at ang mga payo ng
iyong anghel. Huwag mo silang tatalikdan kailanman!

2. Ipahayag mo na ikaw ay kaaway ng lahat ng masasamang espiritu, kanilang mga kampon, at


mga alagad, sa buong buhay mo. Sakupin mo sila, at ituring mo sila na iyong mga alipin67. Kung sila ay
maghain sa iyo ng mga mungkahi, humiling sa iyo na makipagkasunduan, humiling sa iyo ng mga
sakripisyo, pagtalima, o paninilbihan, sila ay tanggihan mo nang may halong panlilibak at pagbabanta.

3. Tunay nga na alam ng Dios ang puso ng tao, at Siya lamang ang nakakaalam nito. Kung
gayon, buong sikap at higpit mong subukin ang taong nais mong pagbigyan ng karunungang ito.
Magmatyag kang mabuti sa uri ng kanyang pamumuhay at mga kilos. Inyong pag-usapan ang paksang
ito upang iyong maunawaan mabuti kung gagamitin ba niya ito sa kabutihan o sa kasamaan.
Gayundin, bago mo ibigay ang karunungang ito, mag-ayuno at kumain ka lamang ng isang beses kada
araw. Ganito rin ang gagawin ng taong tatanggap nito. Aralin mo rin ang isinulat ko na sa ikatlong
kabanata, at sa iba pa nitong bahagi. Tunay din na sinuman magkakasakit dahil sa pag-aayuno ay
maaari rin naman humanap o magbayad ng ibang tao na mag-aayuno para sa kanya at mamagitan para
sa kanya68. Ang buo at natatanging dahilan ng pagbibigay at pagtanggap ng operasyong ito ay para sa
kaluwalhatian ng dakilang Dios, at para sa ikabubuti ng sarili at ng kanyang kapwa, kaibigan man o
kaaway, at para sa lahat ng nilikha.

Ang sampung gintong florin ay dapat ipamahagi mo nang personal sa pitumpu’t dalawang
dukha na nakakaalam ng Awit, gaya ng nabanggit sa naunang kabanata. Iyong tiyakin na ito ay
gagawin mo sapagkat ito ay mahalagang bagay.

67
Tandaan natin na ang payong ito ay para lamang sa mga dalubhasa (adept) ng lihim ng karanungan,
sapagkat ang isang pangkaraniwang tao ay walang kapangyarihan sa mga demonyo; ni hindi niya nga kayang
kontrolin ang kanyang sarili at isip. Ang kapangyarihan ng isang adept sa mga ganitong uri ng nilalang ay dahil sa
nakilala niya ang kanyang higher self at banal na anghel. – Mathers.
68
Tila pinapahintulutan ito noong araw. Mas makabubuti sa iyo na ikaw ang mag-ayuno kaysa sa ibang tao
ang ipagawa ito para sa iyo.
86

Gayundin, humiling ka rin sa taong pagbibigyan mo nito ng isang kaaya-ayang kapalit na


angkop sa operasyong ito, ayon sa iyong kalooban. Subalit iyong tiyakin na hindi pera ang iyong
hihilingin sapagkat hindi ito ipagkakaloob ng Banal na Karunungan.

Sa tuwing ikaw may bagong ipaguutos [sa mga masasamang espiritu], bigkasin mo ng tatlong
beses ang Awit 90 – “Siyang tumatahan sa dako ng Kataastaasan...”69 sapagkat ang Awit na ito ay
nagtataglay ng dakilang bisà. Ikaw ay mamamangha sa oras na iyong maunawaan ito.

Kung alam mong ikaw ay nagkasala sa Dios na may kinalaman sa Kanyang mga kautusan,
huwag kang magsagawa ng operasyon hangga’t ikaw ay hindi nakakapagkumpisal sa Kanya. Gawin
mo ito parati hanggang iyong kamatayan. Dahil diyan, hindi kailanman maglalaho ang awa ng Dios sa
iyo.

Papurihan natin ang Panginoong Dios para sa Kanyang mga pagpapala sa atin. Sa Kanya ang
kaluwalhatian at karangalan!

Amen.

--- Katapusan ng Ikalawang Aklat ---

69
Di kaya Awit 91 ang tinutukoy ni Abraham dito at hindi Awit 90? Ang Awit 90 ay nagsasaad: “Panginoon,
ikaw ay tahanang dako namin sa lahat ng sali’t saling lahi...” Ang Awit 91 ay nagsisimula sa: “Siyang tumatahan sa
lihim na dako ng Kataastaasan...”
87

IKATLONG AKLAT

NG BANAL NA MAHIKA

Na siyang Ibinigay ng Dios kay Moses, Aaron, David, Solomon at


iba pang mga Santo, Patriyarka at Propeta; Na Nagtuturo ng
Tunay na Banal na Karunungan.

Mula kay Abraham para sa kanyang anak na si Lamech.


88

Pambungad ng Ikatlong Aklat

Siya na tapat na sumusunod sa mga itinuro sa kanya at sumusunod nang buong kalooban sa
mga utos ng Dios ay tiyak na tatanggapin ang tunay at banal na karunungan, at ang taksil na si Belial at
ang kanyang mga mapaminsalang alagad ay walang magagawa kundi magpaalipin sa kanya.

Aking dinadalangin sa tunay na Dios na siyang nakakasakop at nagbibigay ng buhay sa lahat ng


nilalang, na ikaw, Lamech aking anak, o sinumang tatanggap ng banal na operasyong ito mula sa iyo,
ay isagawa ito ng may takot sa Dios at huwag itong gamitin sa kasamaan. Tayo man ay binigyan ng
Dios ng kalayaan na gawin ang mga bagay ayon sa ating sariling kalooban, subalit kahabag-habag ang
taong aabusuhin ang biyayang ito ng Dios. Kung may banta sa buhay mo, maaari mong puksain ang
iyong kaaway, ngunit sa lahat ng ibang bagay huwag mong ilagay ang batas sa iyong kamay, bagkus ay
gumamit ka ng malumanay na paraan. Ikaw ay maging mabuti at magalang sa lahat.

Maaari mo rin tulungan ang iyong kaibigan sa paraang hindi makakasama sa iyong sarili.

Kung kanilang ginusto, may kakayanan sana sina David at Haring Solomon na puksain ang
kanilang mga kaaway, ngunit hindi nila ito ginawa. Kanilang tinularan ang Dios na hindi nagpaparusa
hangga’t hindi sukdulan ang galit.

Kung iyong susundin nang ganap ang mga alituntuning ito, ang lahat ng mga sumusunod na
simbolo at iba pa ay ipagkakaloob sa iyo ng iyong banal na anghel. At kung gayon ikaw ay mabubuhay
para sa kaluwalhatian at kapurihan ng tunay at iisang Dios, para sa iyong sariling kabutihan, at ng iyong
kapwa.

Sana ay takot sa Dios ang laging maghari sa puso ng taong pagkakalooban ng banal na
karunungan at mahikang ito magpakailanman.


89

Kabanata I
Para malaman ang lahat ng nangyari sa nakaraan at mangyayari sa kinabukasan, sa kondisyong
ito ay hindi labag sa banal na kalooban ng Dios.

(1) Para malaman ang nakaraan at kinabukasan


(2) Para malaman ang mga bagay na mangyayari sa kinabukasan
(3) Pareho sa #2
(4) Mga mangyayari sa panahon ng digmaan
(5) Mga pangyayari sa nakaraan at mga nakalimutang pangyayari
(6) Mga darating na pagsubok
(7) Mga darating na magagandang bagay
(8) Mga pangyayari sa buhay ng isang kaaway
(9) Mga palatandaan ng bagyo
(10) Para malaman ang mga lihim ng digmaan
(11) Para makilala ang mga tunay at huwad na kaibigan
90
91

Mga piling tala ni Mathers sa Kabanata I:

1. Tanging mga anghel o ang iyong tagapagbantay na anghel ang naghahayag ng mga
simbolo sa kabanatang ito.
2. Ang nagsasakatuparan ng mga operasyong ito ay sila ORIENS, PAYMON, ARITON, at
AMAYMON sa pamamagitan ng kanilang mga tagapamahala.
3. Hindi kayang isakatuparan ng mga alagang espiritu (familiar spirits) ang mga
operasyong ito.
4. Hawakan ang simbolo at ilagay sa ilalim ng iyong sombrero sa ibabaw ng ulo, at
ibubulong sa iyo ng espiritu ang kasagutan sa iyong gustong malaman. (Ganito rin ang
paraan ng pagsasagawa ng mahika sa ibang kabanata, maliban na lang sa mga binigyan
ng ibang alituntunin.)


92

Kabanata II
Upang magkamit ng kaalaman o maliwanagan ukol sa mga iba’t ibang panukala o kaduda-
dudang mga agham.

(Maaaring gamitin alinman sa tatlong simbolo na ito.)

Mga piling tala ni Mathers sa Kabanata II:

1. Ang ilan sa mga simbolo dito ay mga anghel ang naghahayag at ang ilan naman ay
mula sa mga masasamang espiritu.
2. Ang nagsasagawa ng operasyong ito ay sila ORIENS, PAYMON, ARITON, at
AMAYMON sa pamamagitan ng kanilang mga tagapamahala.
3. Kayang isagawa ng mga alagang espiritu ang ilan sa mga operasyong ito.
4. Hawakan ang simbolo at sabihin kung ano ang nais mong malaman.


93

Kabanata III
Upang hilingin magpakita ang anumang espiritu gamit ang anuman uri ng anyo, gaya ng tao,
hayop, ibon, at iba pa.

(1) Magpakita sa anyong ahas.


(2) Magpakita sa anyo ng anumang uri ng hayop.
(3) Anyong tao.
(4) Anyong ibon.
94

Mga piling tala ni Mathers sa Kabanata III:

1. Tanging mga anghel o iyong banal na anghel ang maghahayag ng mga simbolong ito.
2. Ang nagsasagawa ng mga operasyong ito ay sila ORIENS, PAYMON, ARITON, at
AMAYMON sa pamamagitan ng kanilang mga tagapamahala.
3. Hindi kayang isagawa ng mga alagang espiritu ang mga operasyong ito.
4. Hawakan ang simbolo at sabihin mo ang pangalan ng espiritu. Siya ay magpapakita sa
iyo ayon sa anyong pinag-utos mo.
5. Mapapansin na isa sa apat na simbolo sa bahaging ito ay may pangalan ng arkanghel na
si Uriel, at ang iba naman ay sa pangalan ng nakatataas na prinsipe: Lucifer, Leviathan
at Satanas.


95

Kabanata IV
Upang magkaroon ng iba’t-ibang pangitain.

(1) Sa mga salamin at Kristal.


(2) Sa mga kweba at ibang lugar sa ilalaim ng lupa.
(3) Sa hangin.
(4) Sa mga singsing.
(5) Sa waks (wax).
(6) Sa apoy.
(7) Sa buwan.
(8) Sa tubig.
(9) Sa kamay.
96

Mga piling tala ni Mathers sa Kabanata IV:

1. Tanging mga anghel o iyong banal na anghel ang maghahayag ng mga simbolong ito.
2. Ang nagsasagawa ng mga operasyong ito ay sila ORIENS, PAYMON, ARITON, at
AMAYMON sa pamamagitan ng kanilang mga tagapamahala.
3. Maaari rin isakatuparan ng mga alagang espiritu ang ilan sa mga operasyong ito.


97

Kabanata V
Para sa anong anyo natin ibig magpakita ang alagang espiritu.

(1) Sa anyong leon.


(2) Anyong pahe.
(3) Anyong bulaklak.
(4) Anyong mangangabayo.
(5) Anyong agila.
(6) Anyong aso.
(7) Anyong oso.
(8) Anyong sundalo.
(9) Sa anyo ng isang matandang lalake.
10) Anyong moro.
11) Anyong ahas.
12) Anyong bakulaw.
98
99

Mga piling tala ni Mathers sa Kabanata V:

1. Tanging mga anghel o iyong banal na anghel ang maghahayag ng mga simbolong ito.
2. Ang nagsasagawa ng operasyong ito ay sila ORIENS, PAYMON, ARITON, at
AMAYMON sa pamamagitan ng kanilang mga tagapamahala.
3. Hindi ko masabi na kayang isakatuparan ng mga alagang espiritu ang operasyong ito.
4. Tandaan mo na bawat isang tao ay pinapayagang magkaroon ng hindi hihigit sa apat
na alagang espiritu. Ang mga espiritung ito ay maglilingkod sa iyo sa anumang paraan
at sila ay ibibigay sa iyo ng apat na mababang prinsipe. – Abraham


100

Kabanata VI
Upang matutunton ang mga mina, at humingi ng tulong para sa mga gawaing may kinalaman
dito.

(1) Upang maiwasan ang pagguho ng kweba.


(2) Upang matagpuan ang mina ng ginto.
(3) Upang makapagsagawa ng mga gawain sa minahan.
(4) Upang makapagsagawa ng mga gawain sa mga lugar na mahirap maabot.
(5) Upang makagawa ng mga tunel sa ilalim ng lupa.
(6) Upang mapaglaho ang tubig sa minahan.
(7) Upang magpadala ng kahoy sa mga espiritu.
(8) Upang kanilang matagpuan at malinis ang mga metal at mapaghiwalay ang ginto sa pilak.
101

Mga piling tala ni Mathers sa Kabanata VI:

1. Tanging mga anghel o iyong banal na anghel ang maghahayag ng mga simbolong ito.
2. Ang nagsasagawa ng mga operasyong ito ay sila ASTAROTH at ASMODEUS sa
pamamagitan ng kanilang mga tagapamahala.
3. Hindi kayang isakatuparan ng mga alagang espiritu ang operasyong ito.


102

Kabanata VII
Upang utusan ang mga espiritu na mapadali at maisagawa kaagad ang mga gawain at
operasyong may kinalaman sa kemikal, lalo na sa mga metal.

(1) Upang gumawa ng anumang uri ng metal.


(2) Upang maipasagawa sa kanila ang anumang operasyon.
(3) Upang magturo sila ukol sa kimika (chemistry)

Mga piling tala ni Mathers sa Kabanata VII:

1. Tanging mga anghel o iyong banal na anghel ang maghahayag ng mga simbolong ito.
2. Ang nagsasagawa ng operasyong ito ay sina ASTAROTH at ASMODEUS sa
pamamagitan ng kanilang mga tagapamahala.
3. Hindi kayang isakatuparan ng mga alagang espiritu ang operasyong ito.


103

Kabanata VIII
Upang makalikha ng malakas na bagyo at iba pang panahon.

(1) Upang makapagpaulan ng yelo.


(2) Upang magka-niebe.
(3) Upang makapukaw ng ulan.
(4) Upang makapagpakulog.

Mga piling tala ni Mathers sa Kabanata VIII:

1. Ang iba sa mga simbolong ito ay inihahayag ng mga anghel at ang iba naman ay ang
masasamang espiritu.
2. Ang nagsasagawa ng operasyong ito ay si ASTAROTH.
3. Hindi kayang isakatuparan ng mga alagang espiritu ang operasyong ito.
4. Upang makalikha ng malakas na bagyo, ilagay ang simbolo sa itaas at hawakan ang
ibabaw ng simbolo . Para patigilin ang bagyo, hawakan naman ang ilalim ng simbolo.


104

Kabanata IX
Upang mabago ang anyo ng hayop at gawin itong anyong-tao, o ang tao gawing anyong-
hayop.

(1) Upang gawing anyong asno (ass) ang tao.


(2) Gawing anyong usa (stag/deer)
(3) Gawing anyong elepante.
(4) Gawing anyong baboy-ramo.
(5) Gawing anyong aso.
(6) Gawing anyong lobo.
(7) Ang hayop gawing bato.
105

Mga piling tala ni Mathers sa Kabanata IX:

1. Tanging mga masasamang espiritu ang naghahayag ng mga simbolong ito.


2. Ang nagsasagawa ng operasyong ito ay sina ASTAROTH at ASMODEUS sa
pamamagitan ng kanilang mga tagapamahala.
3. Hindi kayang isakatuparan ng mga alagang espiritu ang operasyong ito.
4. Ipakita ang simbolo sa hayop o tao na nais mong mag-ibang anyo at dali-dali mo siyang
hawakan gamit ang simbolo. Mag-iiba ang anyo nila pero ang totoo ito ay isang
pangitain lamang. Kung nais mong ibalik sa dati ang anyo, ilagay ang simbolo sa ulo at
tapikin ito ng iyong baston.
5. (Dagdag na tala ng nagsalin) Maaari rin isagawa ni BEELZEBUB ang mga operasyong ito
ayon sa ikalawang aklat.


106

Kabanata X
Upang mapigilan ang bisa ng mga panggagaway at pangkukulam, maliban na lamang yaong
ginamitan ng Kabala at Banal na Salamangka.

(1) Upang mapawalang-bisa ang anumang uri ng salamangka.


(2) Upang gamutin ang isang ginayuma.
(3) Upang mapatigil ang bagyo na likha ng salamangka.
(4) Upang matuklasan ang anumang uri ng salamangka.
(5) Upang mapigilan ang mangkukulam na makagpagsagawa ng kulam.
107

Mga piling tala ni Mathers sa Kabanata X:

1. Tanging mga anghel o ang iyong banal na anghel ang naghahayag ng mga simbolong
ito.
2. Ang nagsasagawa ng operasyong ito ay si MAGOT.
3. Hindi kayang isakatuparan ng mga alagang espiritu ang operasyong ito.


108

Kabanata XI
Upang matagpuan ang mga aklat na nawawala o ninakaw.

(1) Para sa aklat ng astrolohiya.


(2) Para sa aklat ng salamangka.
(3) Para sa aklat ng kimika (chemistry)

Mga piling tala ni Mathers sa Kabanata XI:

1. Tanging mga anghel o ang iyong banal na anghel ang naghahayag ng mga simbolong
ito.
2. Ang nagsasagawa ng operasyong ito ay si MAGOT.
3. Hindi kayang isakatuparan ng mga alagang espiritu ang operasyong ito.
4. Maaari mong mabasa ang mga aklat na ito, subalit hindi mo ito maaaring kopyahin, ni
isaulo nang higit sa isang beses. Ako mismo ay sinubukan kopyahin ang mga aklat na
ito, ngunit kahit anong gawin kong bilis sa pagsusulat, ang mga titik naman ay
naglalaho. - Abraham


109

Kabanata XII
Upang malaman ang mga lihim ng isang tao.

(1) Upang malaman ang mga lihim ng mga titik.


(2) Upang malaman ang mga lihim ng mga salita.
(3) Upang malaman ang mga lihim na operasyon.
(4) Upang malaman ang mga lihim ng kapitan sa militar.
(5) Upang malaman ang mga lihim ng pag-ibig.
(6) Upang malaman ang uri ng yaman ng isang tao.
(7) Upang malaman ang lihim ng lahat ng uri ng karunungan.
110

Mga piling tala ni Mathers sa Kabanata XII:

1. Ang ilan dito ay inihahayag ng mga anghel at ang iba naman ay ng mga masasamang
espiritu.
2. Ang nagsasagawa ng operasyong ito ay si ASMODEUS.
3. Kaya ring isakatuparan ng mga alagang espiritu ang ilan sa mga operasyong ito.
4. Hawakan ang simbolo at bigkasin ang pangalan ng taong gusto mong malaman ang
sikreto. Ibubulong sa iyo ng espiritu ang sagot.


111

Kabanata XIII
Upang mabuhay muli ang isang patay, at maisagawa nito ang lahat ng gawain ng isang buhay
na tao sa loob ng pitong taon, sa pamamagitan ng mga espiritu.

(1) Mula pagsikat ng araw hanggang tanghali.


(2) Mula tanghali hanggang paglubog ng araw.
(3) Mula paglubog ng araw hanggang hatinggabi.
(4) Mula hatinggabi hanggang pagsikat ng araw.

Mga piling tala ni Mathers sa Kabanata XIII:

1. Ang ilan sa mga simbolong ito ay inihahayag ng mga anghel at ang iba naman ay ng
mga masasamang espiritu.
2. Ang nagsasagawa ng mga operasyong ito ay sila ORIENS, PAYMON, ARITON, at
AMAYMON sa pamamagitan ng kanilang mga tagapagsilbi.
3. Hindi kaya isakatuparan ng mga alagang espiritu operasyong ito.
4. Ang kapangyarihang ito ay isa sa mga pinakadakila, at gawin mo lamang ito kung
talagang nararapat sapagkat ito ay naisasagawa lamang sa tulong ng mga pinunong
espiritu.

Walang ibang dapat gawin kundi abangan ang pagkakataon kung kailan kamamatay
lamang ng pasyente, at ilagay ang simbolo sa pasyente sa apat na direksyon. Siya ay
112

mabilis na babangon at magbibihis. Ipasuot sa kanya ang isang damit kung saan
nakatahi ang kagaya ng simbolong ipinatong sa kanya. Tandaan, kapag lumipas na ang
pitong taon, ay agad-agad lilisanin ng espiritu ang kanyang katawan, at hindi na natin
maaari pang pahabain ang kanyang buhay. – Abraham

Kabanata XIV
Upang makamit ang labing-dalawang simbolo para sa labing-dalawang oras sa umaga at sa
gabi, upang ikaw ay hindi makita ng ibang tao.
113
114

Mga piling tala ni Mathers sa Kabanata XIV:

1. Ang ilang sa mga simbolong ito ay inihahayag ng mga masasamang espiritu at ang iba
naman ay inihahayag ng mga Mabuting Anghel.
2. Ang namumuno sa mga operasyong ito ay si MAGOT.
3. Hindi kaya isakatuparan ng mga alagang espiritu operasyong ito.
4. Ipatong ang simbolo sa iyong ulo sa ilalim ng isang sombrero at ikaw ay hindi makikita
ng iba. Kapag iyo itong tinanggal, ikaw ay makikita muli.

Kabanata XV
Upang utusan ang mga espiritu na dalhin sa atin ang anumang uri ng pagkain at inumin na ating
gusto, at maging lahat ng pagkain na kaya nating isipin.

(1) Upang dalhan tayo ng tinapay.


(2) Karne.
(3) Lahat ng uri ng alak.
(4) Isda.
(5) Keso.
115

Mga piling tala ni Mathers sa Kabanata XV:

1. Ang ilan sa mga simbolong ito ay inihahayag ng mga anghel, at ang iba naman ay ng
mga masasamang espiritu.
2. Ang nagsasagawa ng mga operasyong ito ay sila MAGOT at ASMODEE.
3. Hindi kaya isakatuparan ng mga alagang espiritu ang mga operasyong ito.
4. Ilagay ang simbolo sa pagitan ng dalawang plato o pitsel. Ilapag ang mga ito sa labas
ng isang bintana. Makalipas ang ilang minuto, makikita mo doon ang pagkaing hiniling
mo. Tandaan lamang na ang pagkaing ito ay hindi nakakapagbibigay ng sustansiya sa
katawan kaya’t hindi mo dapat ito gawin nang higit sa dalawang araw. Tandaan mo rin
na ang ganitong pagkain ay hindi magtatagal ng 24 oras.


116

Kabanata XVI
Upang matagpuan at makamit ang lahat ng uri ng kayamanan, sa kondisyong sila ay hindi
binabantayan ng salamangka.

(1) Pilak (o perang pilak)


(2) Gintong pera
(3) Malaking uri ng kayamanan
(4) Maliit na kayamanan
(5) Kayamanang walang nagbabantay
(6) Tansong pera
(7) Gintong bareta
(8) Pilak na bareta
(9) Mga alahas
(10) Mga salapi o medalyon ng sinaunang panahon
(11) Kayamanang itinago ng isang tao
(12) Perlas
(13) Diamante
(14) Mga rubi
(15) Rubing Balasius
(16) Emerald
(17) Ibang uri ng ginto
(18) Platong pilak
(19) Mga estatwa

(20) Mga sinaunang sining


117
118
119
120

Mga piling tala ni Mathers sa Kabanata XVI:

1. Tanging mga anghel o ang iyong banal na anghel ang naghahayag ng mga simbolong
ito.
2. Ang operasyong ito ay maaaring isagawa ni ASTAROTH o ni ARITON sa pamamagitan
ng kanilang mga tagapamahala.
3. Hindi kaya isakatuparan ng mga alagang espiritu operasyong ito.
4. Piliin ang simbolo ng kayamanang gusto mo makamtan. Ipapakita sa iyo ng Espiritu
ang kayamanan at agad mong ilagay ang simbolo sa ibabaw ng kayamanan upang ito
ay hindi maglaho. Kung may bantay ang kayamanan, agad nitong lilisanin ang
kayamanan.


121

Kabanata XVII
Upang makalipad, at makapaglakbay kahit saan.

(1) Sa itim na ulap.


(2) Sa puting ulap.
(3) Sa anyong agila.
(4) Sa anyong uwak.
(5) Sa anyong buwitre.
(6) Sa anyong tagak.
122

Mga piling tala ni Mathers sa Kabanata XVII:

1. Ang ilan sa simbolong ito ay inihahayag ng mga anghel at ang iba naman ay ng
masasamang espiritu.
2. Ang mga operasyong ito ay isinasagawa nila ORIENS, PAYMON, ARITON, at
AMAYMON sa pamamagitan ng kanilang mga tagapamahala.
3. Hindi kaya isakatuparan ng mga alagang espiritu operasyong ito.
4. Bigkasin ng malakas ang dakong iyong gustong puntahan at ipatong ang simbolo sa
iyong ulo sa ilalim ng isang sombrero. Ingatan na huwag mahulog ang simbolo sa iyong
ulo sapagkat ito ay delikado. Huwag kang maglalakbay sa gabi, at pumili ng isang
maganda at kalmadong panahon sa pagsasagawa ng operasyon.

Kabanata XVIII
Upang malunasan ang lahat ng uri ng sakit.

(1) Para sa ketong


(2) Para sa putok-putok na kamay
(3) Para sa ulser
(4) Para sa mga sakit na nakakahawa
(5) Para sa paralisis
(6) Para sa malubhang lagnat
(7) Para sa pananakit ng katawan (o bahagi ng katawan)
(8) Para sa pagkahilo sa dagat
(9) Para sa vertigo
(10) Para sa malubhang pananakit ng tiyan na may kasamang pagsusuka
(11) Para sa pagmamanas
(12) Para sa lahat ng uri ng sugat
123
124
125

Mga piling tala ni Mathers sa Kabanata XVIII:

1. Tanging mga anghel o iyong banal na anghel ang naghahayag ng mga simbolong ito.
2. Ang operasyong ito ay isinasagawa ni AMAYMON.
3. Kayang isakatuparan ng mga alagang espiritu ang ilan sa operasyong ito.
4. Palitan ng malinis ang benda ng sugat at lagyan ng karampatang gamot. Idikit sa
ibabaw ang simbolo at hayaan doon ng mga kinse minutos, pagkatapos ay maaari na
itong tanggalin. Maaari muli gamitin ang simbolo sa ibang oras. Kung ang sakit ay
panloob, ipatong ang simbolo sa ulo ng pasyente. Maaaring makita ng ibang tao ang
simbolo subalit mas mabuti pa rin na iwasan itong makita at mahawakan ng iba.


126

Kabanata XIX
Para sa lahat ng uri ng pagmamahal at pag-ibig.

(1) Upang mahalin ng asawa


(2) Para sa espesyal na uri ng pag-ibig
(3) Upang mahalin ng isang kamag-anak
(4) Para mahalin ng isang dalaga
(5) Upang makamit ang pakikipagkaibigan ng isang husgado
(6) Upang mahalin ng isang taong may asawa
(7) Upang mahalin ng isang biyuda
(8) Upang mahalin ng isang babaeng nakatakda nang ikasal
(9) Para mahalin ng sinumang babae
(10) Para sa isang espesyal na prinsipe
(11) Para sa isang espesyal na hari
(12) Upang makamit ang pakikipagkaibigan ng isang tao
(13) Upang mahalin ng isang dakilang lalake
(14) Upang mahalin ng isang dakilang babae
(15) Upang mahalin ng isang taong relihiyoso
(16) Upang mahalin ng among lalake
(17) Upang mahalin ng among babae
(18) Upang mahalin ng taong walang Dios
(19) Para sa Papa, o hari
(20) Para sa pakikiapid
127
128
129

Mga piling tala ni Mathers sa Kabanata XIX:

1. Ang ilan sa mga simbolong ay inihayayag ng mga anghel at ang iba naman ay ng mga
masasamang espiritu.
2. Bagama’t hindi tahasang sinabi ni Abraham, ang operasyong ito ay maaaring
isinasagawa ni BEELZEBUB sapagkat ang Kabanata XX, na kaparehong paraan ang
binigay ni Abraham sa pagsasagawa ng mahika, ay nasa ilalim ni BEELZEBUB.
3. Kayang isakatuparan ng mga alagang espiritu ang ilan sa mga operasyong ito.
4. Sabihin nang malakas ang pangalan ng tao na ibig mong paibigin at ilagay ang simbolo
sa ilalim ng uri kung saan ito napapabilang, sapagkat ito ang dapat mong gawin kung
ito ay isinasagawa mo para sa pag-ibig, pakikipagkaibigan, at iba pa. Kung ang
isinasagawa mong operasyon ay para sa dalawang tao, maging ito ay para magkamit
ng pagmamahal o dahil sa pagkamuhi, sabihin mo ang pangalan ng dalawang taong ito
at ilagay ang simbolo sa ilalim ng uri kung saan napapabilang ang adhikain. Kung
maaari ay hawakan mo rin sila gamit ang simbolo. Lahat ng uri ng pagkakaibigan ay
napapaloob sa operasyong ito, subalit ang pinakamahirap sa lahat ay makamit ang
pag-ibig ng isang relihiyosong tao [gaya ng pari, madre, at iba pang tao na deboto sa
kanilang relihiyon].


130

Kabanata XX
Upang makalikha ng anumang uri ng alitan at galit, away, di-pagkakasundo, digmaan, paninira,
at dalumhati.

(1) Upang makalikha ng away at alitan


(2) Para sa lahat ng uri ng pagkakagalit
(3) Para mapag-away ang mga hari at iba pang dakilang tao
(4) Para sa mga partikular na alitan
(5) Para mapag-away ang mga babae
(6) Para magsanhi ng digmaan
(7) Upang malasin ang sinuman sa digmaan
(8) Upang magkaroon ng alitan ang mga nasa isang hukbo
(9) Para sa mga partikular na alitan
(10) Upang magkaroon ng alitan sa mga magkakasama sa relihiyon
(11) Para sa bawat uri ng paghihiganti
(12) Upang magsanhi ng digmaan, mga dalumhati atbp.
131
132

Mga piling tala ni Mathers sa Kabanata XX:

1. Ang ilan sa mga simbolo ito ay inihayayag ng mga anghel at ang iba naman ay ng mga
masasamang espiritu.
2. Ang operasyong ito ay isinasagawa ni BEELZEBUB.
3. Hindi kayang isakatuparan ng mga alagang espiritu ang mga operasyong ito.
4. Basahin ang Kabanata XIX para sa paraan ng paggamit nito.


133

Kabanata XXI
Upang mabago ang anyo ng sarili; magkaroon ng iba’t ibang mukha at hitsura.

(1) Para magmukhang matanda


(2) Para magmukhang matandang babae
(3) Para magmukhang bata
(4) Para magmukhang batang babae
(5) Para magmukhang batang-paslit
134

Mga piling tala ni Mathers sa Kabanata XXI:

1. Ang mga simbolo sa kabanatang ito ay inihayayag ng mga masasamang espiritu.


2. Ang operasyong ito ay isinasagawa ni MAGOT.
3. Hindi kayang isakatuparan ng mga alagang espiritu ang operasyong ito.
4. Ang pagbabagong ito ay parang isang ilusyon lamang. Ganito ang paraan ng
operasyong ito: Hawakan ang simbolo sa iyong kaliwang kamay, at iyo itong ipahid sa
mukha. Kung may isang manggagaway na gagawa nitong operasyon na ito gamit ang
kanyang itim na salamangka, iyo itong agad malalaman. Subalit totoo rin na kung ang
isang manggagaway ay gagawin ito sa pamamagitan ng tunay at banal na salamangka,
gaya ng ginagawa mo, ito ay walang bisa sa iyo, sapagkat kung walang pagpapala ng
Dios, hindi rin magkakaroon ng bisa, mabuti man o masama, ang operasyong ito.
Ngunit kung ang manggagaway ay gagawin ito gamit ang itim na salamangka at
pakikipagkasunduan sa diyablo, tiyak na siya ay mapapahiya sa iyo. – Abraham


135

Kabanata XXII
Ang kabanatang ito ay para lamang sa gawaing masama; sapagkat sa mga simbolong ito tayo
ay maaaring makapanggayuma, at gumawa ng lahat ng uri ng kasamaan; kaya nga mabuti na huwag
na natin itong gamitin.

(1) Upang gayumahin/kulamin ang isang tao


(2) Upang gayumahin/kulamin ang isang hayop
(3) Upang kulamin ang atay
(4) Ang simbolong ito ay hindi kailanman dapat gamitin
(5) Upang kulamin ang puso
(6) Para sa ulo at ibang parte ng katawan
136

Mga piling tala ni Mathers sa Kabanata XXII:

1. Ang mga simbolo sa kabanatang ito ay inihayayag ng mga masasamang espiritu.


2. Ang operasyong ito ay isinasagawa ni BEELZEBUB.
3. Hindi kayang isakatuparan ng mga alagang espiritu ang mga operasyong ito.
4. Ang lahat ng simbolong ito ay dapat ibaon sa lupa, o ilagay sa ilalim ng pintuan,
hagdanan, o sa dadaanan ng tao o kung saan man sila ay sasandal [para dito, sapat na
ipahid ang simbolo sa lugar na sasandalan]. Dapat tandaan na kakayanin natin
gumawa ng masama sa ating mga kaaway sa pamamagitan ng simbolong ito, at kung
ikaw ay nakakatiyak na may tangka sa iyong buhay, hindi kasalanan ang paggamit ng
operasyong ito [para sa iyong proteksyon]. Ngunit kung gagawin mo ito para lang sa
kasiyahan ng iyong mga kaibigan, hindi mo matatakasan ang galit ng iyong anghel.
Kung gayon, gamitin mo lamang ang karunungang ito bilang pananggalang laban sa
iyong mga kaaway, ngunit huwag mong gagamitin ito kailanman laban sa iyong
kapitbahay, na tiyak na magdudulot sa iyo ng pagdurusa. – Abraham


137

Kabanata XXIII

Para sa pagguho ng mga gusali at mga imprastraktura.

(1) Para maiguho ang isang bahay


(2) Para wasakin ang isang bayan
(3) Para maiguho ang isang gusali
(4) Para wasakin ang isang ari-arian (at kalupaan)

Mga piling tala ni Mathers sa Kabanata XXIII:

1. Ang mga simbolo sa kabanatang ito ay inihayayag ng mga masasamang espiritu.


2. Ang operasyong ito ay isinasagawa ni ASTAROTH.
3. Kayang isakatuparan ng mga alagang espiritu ang ilan sa mga operasyong ito.


138

Kabanata XXIV
Upang matuklasan ang anumang uri ng pagnanakaw.

(1) Mga ninakaw na alahas


(2) Pera
(3) Ginto
(4) Pilak
(5) Mga gamit, gaya ng kasangkapan sa bahay
(6) Kabayo at iba pang mga hayop
139

Mga piling tala ni Mathers sa Kabanata XXIV:

1. Ang ilan sa mga simbolo dito ay inihahayag ng mga anghel at ang iba naman ay ng
masasamang espiritu.
2. Ang operasyong ito ay maaaring isagawa ni ARITON o ni MAGOT.
3. Kayang isakatuparan ng mga alagang espiritu ang ilan sa operasyong ito.


140

Kabanata XXV
Upang makalakad sa ibabaw ng tubig, o makakilos sa ilalim ng tubig.

(1) Makalangoy sa loob ng 24 oras ng hindi napapagod


(2) Makalubog sa tubig ng ilang oras
(3) Makapagpahinga sa ibabaw ng tubig sa loob ng ilang oras

Mga piling tala ni Mathers sa Kabanata XXV:

1. Ang mga simbolo sa kabanatang ito ay inihahayag ng mga anghel o ng iyong banal na
anghel.
2. Hindi binanggit ni Abraham kung sinong prinsipe ang nagsasagawa ng operasyong ito.
3. Hindi kayang isakatuparan ng mga alagang espiritu ang mga operasyong ito.


141

Kabanata XXVI
Upang mabuksan ng walang susi at walang ingay ang anumang nakakandado.

(1) Para sa mga pintuan


(2) Para sa mga padlock
(3) Para sa mga paminggalan
(4) Para sa mga baul (o ataol)
(5) Para sa mga kulungan
142

Mga piling tala ni Mathers sa Kabanata XXVI:

1. Ang ilan sa mga simbolo sa kabanatang ito ay inihahayag ng mga anghel at ang iba
naman ay ng mga masasamang espiritu.
2. Isinasagawa nila AMAYMON at ARITON ang operasyong ito.
3. Hindi kayang isakatuparan ng mga alagang espiritu ang operasyong ito.
4. Kung gusto mong mabuksan ang anumang nakakandado, gaya ng bagay na nakasusi,
kabinet, kahon, at pintuan, ipahid mo ang simbolo sa gilid nito, at agad-agad ito ay
mabubuksan nang walang ingay, walang sira, at walang mag-aakala na ito ay binuksan
nang sapilitan. Kung gusto mo uli ito ikandado, ipahid mo ang likod ng simbolo,
samaktwid, ang likod ng papel kung saan ito nakasulat, at agad din itong magsasara.
Kailanman ay huwag mong gagawin ito sa anumang kapilya o para pumatay ng tao.
Tandaan mo rin na ang operasyong ito ay maaaring maisagawa para sa kasamaan, kaya
nga dapat ay humingi muna tayo ng pahintulot mula sa ating banal na anghel bago
isakatuparan ang operasyong ito upang hindi siya magalit sa atin, at ating
lapastanganin ang tinatanggap nating kabutihan ng Dios. Hindi rin dapat isagawa ang
operasyong ito upang manghalay at manlapastangan ng babae, bagkus ay gawin natin
ito para sa kabutihan at mga bagay na may pahintulot [ng anghel]. – Abraham


143

Kabanata XXVII
Upang makakita ng mga pangitain.

(1) Masaksihan ang paggawa ng salá-salá


(2) Isang malaking palasyo
(3) Pagbuka ng mga bulaklak
(4) Mga lawa at ilog
(5) Nagbubungang puno ng ubas
(6) Malalaking sunog
(7) Iba’t-ibang kabundukan
(8) Mga tulay at ilog
(9) Mga kahoy at iba’t-ibang uri ng puno
(10) Mga tagak
(11) Mga higante
(12) Mga páboreál
(13) Mga hardin
(14) Mga baboy-ramo
(15) Mga unicorn
(16) Magandang bayan
(17) Taniman ng mga punò
(18) Isang hardin na maraming uri ng bulaklak
(19) Upang umulan ng yelo
(20) Iba’t-ibang uri ng mababangis na hayop
(21) Mga bayan at kastilyo
(22) Iba’t-ibang uri ng bulaklak
(23) Mga bukal at batis
(24) Leon
(25) Ibong humuhuni
(26) Kabayo
(27) Agila
(28) Kalabaw
(29) Dragon
144

(30) Lawin
(31) Fox
(32) Kuneho
(33) Aso
(34) Griffin (isang nilalang na agila ang ulo at pakpak ngunit leon naman ang katawan)
(35) Usa
145
146
147
148

Mga piling tala ni Mathers sa Kabanata XXVII:

1. Ang mga simbolo sa kabanatang ito ay inihahayag ng mga masasamang espiritu.


2. Si ORIENS, PAYMON, AMAYMON, o ARITON ang nagsasagawa ng operasyong ito sa
pamamagitan ng kanilang mga tagapamahala.
3. Kayang isakatuparan ng mga alagang espiritu ang ilan sa mga operasyong ito.

Kabanata XXVIII
Upang magkamit ng maraming ginto at pilak na nais mo, para sa iyong pangangailangan at
para makapamuhay nang marangya.

(1) Para magkamit ng mga gintong pera


(2) Para magkamit ng mga pilak na pera
(3) Para magkamit ng mga pilak na pera sa kaunting halaga
149

(4) Para magkamit ng mga tansong pera sa kaunting halaga (o barya)

Mga piling tala ni Mathers sa Kabanata XXVIII:

1. Ang mga simbolo sa kabanatang ito ay inihahayag ng mga anghel o ng iyong banal na
anghel.
2. Si ORIENS lamang ang nagsasagawa ng operasyong ito.
3. Kayang isakatuparan ng mga alagang espiritu ang ilan sa mga operasyong ito.
4. Ilagay mo sa iyong pitaka ang simbolo ng pera na gusto mong makamit, at hayaan mo
ito manatili doon ng ilang sandal. Pagkatapos ay ilagay mo ang iyong kanang kamay sa
iyong pitaka at makikita mo doon ang pitong uri ng pera na katumbas ng iyong
hinihingi. Subalit iyong tandaan na maaari mo lang gawin ang operasyong ito tatlong
beses sa isang araw. At ang mga pera na hindi mo kinakailangan ay maglalaho nang
kusa. Kaya nga pinapayo ko sa iyo na huwag kang manghihingi ng malaking halaga
kung ang kailangan mo lang pala ay barya. – Abraham


150

Kabanata XXIX
Upang makapagpalitaw ng mga armadong lalake.

(1) Upang makapagpalitaw ng isang hukbo ng mga armadong lalake


(2) Mga armadong lalake para maipagtanggol ang sarili
(3) Upang makapaglusob

Mga piling tala ni Mathers sa Kabanata XXIX:

1. Ang ilan sa mga simbolo sa kabanatang ito ay inihahayag ng mga anghel at ang iba
naman ay ng mga masasamang espiritu.
2. Isinasagawa nila ORIENS, PAIMON, ARITON, at AMAYMON ang operasyong ito.
Maaari rin ito isagawa ni PAIMON nang nag-iisa.
3. Hindi kayang isakatuparan ng mga alagang espiritu ang mga operasyon ito.


151

Kabanata XXX
Upang makapagpalitaw ng mga komedya, opera, musika at mga sayawan.

(1) Upang makarinig ng anumang uri ng musika


(2) Musika at mga mararangyang pagdiriwang
(3) Para sa anumang uri ng instrumento
(4) Para sa komedya, opera at iba pang palabas

*Sa orihinal na manuskrito, nakasulat din ang “Fin de Signes” sa dalawang huling simbolo.

Mga piling tala ni Mathers sa Kabanata XXIX:


152

1. Ang mga simbolo sa kabanatang ito ay inihahayag ng mga masasamang espiritu.


2. Tanging si MAGOT ang nagsasagawa ng mga operasyon dito.
3. Kayang isakatuparan ng mga alagang espiritu ang ilan sa mga operasyong ito.

BABALA NI MATHERS

Dito natatapos ang mga simbolong ibinihagi ni Abraham. Aking binigay sila nang buong-buo,
ngunit nais kong paalalahanan ang sinumang gagamit ng mga simbolong ito. Dapat siya ay may
malinis na puso at mabuting motibo sapagkat kung hindi ay kapahamakan lamang ang idudulot nito.
At kung hindi sinunod ang anim na buwang paghahanda na itinuro ni Abramelin, walang bisa ang mga
simbolong ito.

Nais kong ibahagi ang isang talata sa “Susi ng Haring si Solomon”70—

“SUMPAIN ANG SINUMANG LALAPASTANGAN SA NGALAN NG DIOS! SUMPAIN ANG


GAGAMIT NG KARUNUNGANG ITO PARA SA KASAMAAN! SIYA AY SUMPAIN SA MUNDONG ITO
AT SA DARATING PANG PANAHON. AMEN. SUMPAIN SIYA SA NGALAN NG PANGALANG
KANYANG NILAPASTANGAN!”

70
Key of Solomon The King
153

Mahahalagang Paalala ukol sa mga simbolo


Totoo na sa mga simbolong aking inihayag dito ay maraming maaaring gamitin sa kasamaan.
Isinusumpa ko na sa umpisa ay hindi ko ibig ihayag ang mga ito, subalit napag-isipan ko rin na ako
naman ay walang ginagawang masama. Kadalasan hinahayaan ng Dios, ayon sa Kanyang paghatol, na
maranasan ng isang tao ang kahihiyan, paghihirap, karamdaman, at iba pang mga sakuna upang sila ay
matauhan mula sa kanilang pagkakatulog na dahilan upang sila ay masadlak at hindi makilala ang
tunay na Maykapal. Minsan din ay nais silang bigyan ng pagkakataon na maragdagan ang kanilang
kabutihan bunga ng kanilang mga paghihirap. Datapwa’t kailanman ay hindi gumagawa ng masama
ang Dios, pawang kabutihan lamang, hindi rin naman natin maikakaila na pagkaminsan ay hinahayaan
Niya na manaig ang mga Ikalawang Sanhi (Secondary Causes). Ang mga Masasamang Espiritu ang
mga tagapagsagawa at tagapagpatupad ng banal na hustisya sa tao. Kaya nga, bagama’t hindi ko
maipapayo na isagawa ang mga operasyong ikasasama, may mga pagkakataon na maaaring
kailanganin silang gamitin, gaya ng sa pagkakataong kailangan natin iligtas at ipagtanggol ang ating
buhay, o kaya upang mapigilan ang isang malaking iskandalo o kasamaan, o mapigilan ang isang
pagtatangka sa sarili, o ang paglapastangan sa Dios at makapanakit ng kapwa. Maaari rin para sa mga
panahon ng digmaan at iba pang ganitong uri ng pagkakataon. Subalit higit na mabuti na ikaw ay
gumawa ng hakbang ayon sa payo ng iyong tagapagbantay na anghel. Akin rin inihayag ang mga ito
sapagkat pinagkalooban ng Dios ang tao ng kalayaan o kalooban na makapag-isip para sa kanyang
ikabubuti o ikasasama. Sa iyong pagtatapos ng operasyong ito, kung iyong nais na gamitin ito sa
kasamaan at abusuhin ang ipinagkaloob sa iyong biyaya ng Dios (aking idinadalangin sa Dios na huwag
naman sana), ang mga espiritu ay handang-handa na ibigay at ihayag sa iyo ang mga simbolo, at handa
nilang ibigay ang lahat ng iyong hihilingin sa kanila. Aking pinapaalala muli sa iyo, magkaroon ka ng
takot sa Dios. Siya ay iyong ibigin, at iyong sundin ang Kanyang mga utos nang malugod sa iyong puso,
at ikaw ay mamumuhay nang masaya at kontento sa mundong ito.

Kung pinag-isipan mong mabuti ang mga mahahalagang tagubilin ukol operasyong ito, iyong
maiisip na una sa lahat ikaw ay dapat may matatag na desisyon na mabuhay bilang tunay na mabuting
halimbawa ng isang tao na mapagpakumbaba at nabubuhay ng nag-iisa, sa abot ng iyong makakaya.
Sapagkat ang pamumuhay nang nag-iisa ay nagdudulot ng maraming biyaya, gaya ng pagiging
madasalin, at pagmumuni-muni ukol sa banal na karunungan. Sa gayon ikaw rin ay makakaiwas sa
masamang usapan at kasalanan, at makakapamuhay nang sarili. Sapagkat kung ang isang tao ay
haharap sa isang hari, hindi ba’t gagawin niya ang lahat upang ang kanyang anyo ay marangya at
maluwalhati. Hindi ba’t buong sigasig at pag-iingat niyang paghahandaan ang pagkakataong ito?
Dapat nating maunawaan ngayon na ang pagpapakita ng mga anghel ng Dios sa atin ay lubhang higit
pa sa mga prinsipe ng mundo, ang mga ito ay hambog, maituturing na isang anino at hamak na alabok
ng mundo lamang. Ngunit upang sila ay masiyahan ay halos sambahin sila na parang dios-diosan. Ano
ang hindi mo gagawin para sa pagharap mo sa mga banal na anghel ng Dios na siyang kumakatawan sa
dakilang kaluwalhatian ng Dios? Tunay ngang ang biyaya ng Panginoon sa pagkakaloob Niya sa atin ng
banal na agham na ito sa pamamagitan ng Kanyang mga banal na anghel ay napakadakilang biyaya na
hindi kayang maihayag ng salita.
154

Pagkatapos mong makamtan ang banal na karunungang ito ay maaari mo itong itapon o kaya’y
ibahagi sa tatlo mong kaibigan. Subalit hindi dapat humigit diyan sapagkat kung magkagayon ay
mawawala sa iyo ang kapangyarihang nito. Isa sa mga pinakamabuting gawain sa mata ng Panginoon
ay ibahagi sa ating kapwa ang mga biyayang tinanggap natin sa Dios, ngunit dapat nating alalahanin
ang iniutos ng Dios kay Moises nang Kanyang iniutos dito na ibigay ang operasyon sa kanyang kapatid
na si Aaron. Ito ay ang pag-aalay ng sampung gintong florin na ibabahagi naman niya ng personal sa
pitumpu’t dalawang mahihirap na tao, kapalit nito ay ang pagdarasal ng mga Awit gaya ng aking sinabi
sa ikalawang aklat, ang bilang dapat ay pitumpu’t dalawa. Kung hindi susundin ng siyang tumanggap
ng operasyong ito ang alituntuning ito, mawawalan ng bisa ang operasyong ito para sa kanya. Ikaw ay
walang kapangyarihang ibigay ang operasyon hangga’t hindi mo natatanggap ang sampung gintong
florin. Tularan mo si Moises na pinayagan ng Dios na ibigay kay Aaron ito sa ganitong kondisyon.

Aking inilarawan ang mga paghahanda na dapat nating gawin bago ipagkaloob sa iba ang
sagradong karunungang ito, at aking nais ulitin na dapat ay gumugol ka ng anim na buwan upang
subukin ang taong iyong pagbibigyan. Sa pamamagitan ng pakikipagusap sa kanya ay iyong
maunawaan ang kanyang intensyon upang iyong malaman kung siya ba ay karapatdapat na tao para sa
kanyang hinihingi at kung siya ba ay sabik na makamit ang Karunungan. Kung iyong malaman na siya
ay hindi maaasahan at ang kanyang mga kadahilanan ay hindi malinaw at siya ay may ugali at
pamumuhay na hindi mabuti, dapat mong ipagpaliban ang pagkakaloob nito sa kanya. Gumawa ka ng
mga dahilan at katuwiran upang hindi maibigay ito sa kanya, kahit pa nga ba ikaw ay nakapangako na
sa kanya. Sapagkat mas mabuti pa na magalit ang isang mortal na sa iyo kaysa sa tanggapin mo ang
walang katapusang galit ng Dios na siyang nagkaloob sa iyo ng dakilang biyayang ito. Ito ay nasubok
ko na at namangha ako nang lubos nang minsan ay inakala kong gumagawa ako ng mabuti sa
pagbibigay nito sa isang taong aking nirerespeto nang malaki. Ang Dios mismo ang pumigil at hindi
nagpahintulot sa akin na gawin ito dahil ang taong ito ay nagsimulang magisip kung totoo o hindi ang
karunungan, at siya ay lubhang nagduda, naniwalang ito ay kathang-isip lamang, at hindi
sumampalataya dito nang lubos. Kanyang pinaalam sa akin na hindi siya ang taong aking hinahanap.
Gayundin, siya ay nagkaroon ng malubhang sakit. Pinangaralan ako ng aking Anghel dahil sa aking
maling pagpili. Ang buong makinarya ng sansinukob ay pinapanatili ng pananampalataya kaya’t ang
taong hindi naniniwala ay maghihirap dahil ito ang kaparusahan sa kanyang kataksilan sa mundong ito
at sa susunod na mundo. Marami pa sana akong maibabahagi ukol sa ating mga sarili, ngunit dahil ikaw
naman ay daraan sa ilalim ng kapangyarihan ng iyong anghel, ikaw ay tuturuan niya ng sapat sa tamang
panahon ukol sa mga bagay na ito, na tunay namang delikado at dapat lang na iniingatan mabuti.

Ang Demonyo ay lubhang tuso, masigasig, at matalino, ang mga bagay na hindi niya kayang
makamit sa oras ng Pananawagan ay kanyang susubukang makamit sa ibang pagkakataon kung kailan
siya ay makapag-aalok sa iyo ng kanyang paninilbihan. Kaya nga ang unang hakbang na dapat gawin,
lalo na sa iyong mga aliping espiritu, ay pamahalaan sila. Huwag ka nilang kausapin maliban kung may
tinatanong ka sa kanila, at para magbabala sa iyo kung may parating na magandang pagkakataon o
panganib. Sapagkat kung hindi mo susupilin ang kanilang kalayaan makapagsalita, marami silang
ipapahayag sa iyo na mga mahahalagang bagay, magugulo ang iyong pang-unawa at ikaw ay malilito
kung alin ang iyong paniniwalaan. Dahil sa iyong pagkalito, maaaring magawa nila na ikaw ay
155

makapagsinungaling o di kaya ay mahulog sa isang malaking pagkakamali. Kailanman ay huwag mong


hayaan na ikaw ay pakiusapan pa nang lubos upang tumulong sa iyong kapwa, at huwag ka nang
maghintay pa na hingan ng tulong. Bagkus ay alamin mong mabuti ang kanyang pangangailangan
kahit pa nga ba ito ay kanyang ikinukubli, at bigyan mo siya ng tulong agad-agad. Huwag mo rin
intindihin kung siya ba ay isang Turko, pagano, o sumasamba sa diyos-diyosan, bagkus ay gumawa ka
ng kabutihan sa lahat ng naniniwala sa Dios. Mas maging matulungin ka sa mga taong may matinding
pangangailangan, sa mga bilanggo, o may karamdaman. Hayaan mong mabagbag ang iyong puso at
tulungan mo sila sa abot ng iyong makakaya sapagkat nasisiyahan ang Dios sa taong tumutulong sa
naghihirap.

Sa ikadalawampu’t walong kabanata kung saan tinuro kung paano magkakaroon ng sapat na
pilak at ginto upang matustusan ang isang pangangailangan, iyong tiyakin ang dami ng pilak at ginto
na iyong kakailanganin. Ito ay kaagad na ibibigay sa iyo at magagamit para lamang sa pagkakataong
ito. At kung hindi mo ito magamit sa loob ng dalawampu’t apat na oras, ang halagang ito ay
mawawala, at hindi mo na ito maaari pang makamtan. Subalit huwag mong isipin na ang gintong ito ay
ilusyon lamang sapagkat kung iyo itong gagamitin at hindi mo itatago, magagamit ito ng taong
pagbibigyan mo at para sa kanya at sa ibang tao ang perang ito ay tunay.

Minsan ka lamang maaari humingi sa iyong anghel ng perang ginto at pilak ayon sa iyong
pagsukat sa iyong pag-aari at kalagayan sa buhay. Kakaunti lamang ang aking mga pag-aari, at ako ay
humingi sa aking anghel ng tatlong libong gintong florin, at ito ay ipinagkaloob sa akin. Di kalaunan ay
natutunan kong gamitin ang banal na karunungan at aking naunawaan kung paano dadagdagan ang
aking kayamanan. Ngayon, bukod sa isang daang libong gintong florin na binigay ko sa bawat isa kong
tatlong anak na babae sa kanilang kasal, ako ay makapag-iiwan pa rin ng halagang higit sa isang
milyong gintong florin at marami pang mamahaling kasangkapan. Kung ako ay mula sa dugong
maharlika, maaari sana akong humiling ng mas malaking kayamanan ngunit mas mababa ang kita. Sa
tuwing may nagtatanong sa akin: “Paano mo nagagawang kumita ng malaki?” Ang sagot ko ay mabuti
nang nalalaman kung ano ang halaga ng isang bagay sa isang lugar, at ano naman ang halaga niya sa
ibang lugar. Sa ganitong uri ng taong, ang trigo, barley, at iba pang ani, ay mura sa Italia, at mahal
naman sa Pransiya atbp., at ang tamang pangangakalak niyan ang nagdudulot ng kayamanan sa kanya.

Tungkol sa kung paano dapat pakitunguhan at pamahalaan ang mga espiritu, ito ay isang
madaling bagay sa taong lumalakad sa tamang daan, at napakahirap para sa isang mangmang
sapagkat siya ay napapailalim sa kanila. Aking nabalitaan na may mga taong naging kilala sa ganitong
uri ng operasyon. Gaya ng isang bulag na ang ngalan ay D’Acali, isa pang ang ngalan ay Bearli,
nandiyan din si Peter D’ Abano, at marami pang iba. Ah! Gaano karami sa kanila ang niloloko ang
kanilang sarili! Hindi ko pinabubulaanan na ang mga taong ito ay nakakagawa ng mga himala, ngunit
mahalaga na alamin ang paraan ng kanilang operasyon sapagkat ang kanilang karunungan ay hindi
ganap, at ang kanilang kapangyarihan ay hindi mula sa Dios sa pamamagitan ng Kanyang mga banal na
anghel. Ito nga ay galing sa pakikipagkasunduan sa Diyablo, at mula sa mga konsagradong aklat na
nagtataglay ng maraming mga panalangin sa diyablo at mga uri ng masasamang exorsismo. Sa
madaling salita, mga bagay na labag sa kautusan ng Dios at kapayapaan ng tao. Ang ganitong uri ng
operasyon ay ginaganap ayon sa oras at araw. Sa bandang huli, kinukuha ng demonyo ang kanilang
156

mga kahabag-habag na kaluluwa. Ito nga ay madalas na nangyayari. Gayunpaman kinikilala ng mga
pantas ang mga taong ito na gumagamit ng ganitong uri ng karunungan.

Sa unang aklat aking kinuwento ang mga taong aking nakilala sa aking paglalakbay sa Europa.
Ang tunay na kautusan ay nakabatay sa Dios at hindi nakabatay sa anumang espiritu sapagkat sa
paggamit mo sa kanila, kung pagbigyan mo sila sa kahit na katiting na bagay, dasal, o papuri, ikaw ay
nagpapaalipin sa kanila, at sila ay hindi na susunod sa iyo. Ang mga espiritu ay maraming nalalaman
kaya’t kaya nila unawain ang ating mga kaisipan sa pamamagitan ng ating mga kilos. Kaya nilang
unawain ang ating mga hilig, kaya’t sa umpisa pa lamang ay inihahanda na nila ang daan para sa ating
pagkabigo. Kung alam nilang ang isang tao ay may pagkabanidosa o mataas ang pagkilala sa sarili, sila
ay magpapakababa sa harap niya, at lulubusin nila ang kanilang pagpapakumbaba, maaari pa ngang
humantong sa pagsamba sa kanya, at ang taong ito ay makakaramdam ng karangalan at malalasing sa
kanyang sariling kapalaluan. Ang lahat ng ito ay hahantong sa isang malaking kahilingan na siyang
pipinsala sa kanya at magdudulot sa isang napakalaking kasalanan na siya naman magiging dahilan
upang siya ay maging alipin ng demonyo. Ang isang tao naman na Gahaman ay maaaring mahulog sa
alok ng mga masasamang espiritu ng libo-libong paraan upang magkamit ng kayamanan. Magagawa
niyang mapayaman ang sarili sa paraang hindi makatuwiran at makatarungan. Sa katagalan ay hindi
na niya kayang pagbayaran ito kaya’t matatagpuan niya ang kaniyang sarili na isang alipin ng mga
espiritu. Maaaring ang isa namang tao ng Titik ay ililigaw ng mga espiritu gamit ang mga sapantaha at
paniniwala na siya ay mas pantas pa kaysa mga Propeta. Gayundin, kanilang sisikapin na iligaw ang
taong ito tungkol sa mga lihim na karunungan na may kinalaman sa Dios. Kaya mahuhulog ang taong
ito sa napakaraming pagkakamali at, dahil diyan, itatanggi niya ang Dios at ang Kanyang mga banal na
misteryo upang panindiganan ang kanyang mga pagkakamali. Tunay ngang walang katapusan ang
mga paraan na ginagamit ng mga espiritu upang ang isang tao ay mailigaw, lalo na kapag sinusubukan
ng taong ito na mapasunod sa kanya ang mga espiritu. Ito ang dahilan kung bakit dapat laging maging
alisto at huwag magtiwala sa sarili.

Ibibigay lamang ang tunay na Utos sa taong pinag-iisipan at kinilalang mabuti ang kanyang
sarili, at kung sino ang dapat nagsisilbi at sumusunod sa kanya. Ang taong wala sa kanya ang
kapangyarihan at kalooban ng Panginoon ay magtataglay pa rin ng sapat na kapangyarihan upang
mapasunod ang mga espiritu, [kung] sila ay may kaparehong katangian at kapangyarihan na
ipinagkaloob ng Dios sa kanila, walang mawawala sa kanila dito. At yaong mga espiritu din na mula sa
Dios at hindi sumasang-ayon sa iyo na bilang ikaw ay galing sa lusak, gaya ng Ginto mula sa Tingga; at
ang kanilang kasalanan ay bantog at siyang dahilan ng pagtaboy sa kanila mula sa Langit; iyo rin pag-
isipan na ang isang hambog na espiritu ay hindi magpapasakop sa iyo kung ikaw ay hindi nagtataglay
ng higit na kapangyarihan (upang siya ay mapilitan magpasakop), at hindi niya nanaisin na sumunod o
magsilbi sa iyo71 Ang taong magmumuni-muni sa bagay na ito ay mauunawaan na ang lahat ng bagay
ay kaloob sa atin ng Dios. Ang Dios ang may kalooban at kautusan na magpasakop sa atin ang mga
masasamang espiritu. Kung ang lahat ng bagay ay nakasalalay sa Panginoon, kanino ka sasandig, O
mortal na tao, upang ikaw ay magkaroon ng kakayanan na sakupin ang mga espiritu? Ang ganitong

71
Maging si Mathers ay naguluhan at nahirapan isalin ang talatang ito. Aniya, “This whole sentence is most
confusedly worded in the Original, and I have endeavoured to render it as literally as circumstances allow.”
157

gawain ay tunay ngang hahantong sa pagkawala ng kaluluwa. Kung gayon, sila ay iyong masasakop
lamang sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Dios na siyang naglagay sa kanila sa iyong paanan, gaya
ng ihahayag sa iyo ng iyong banal na anghel na tagapagbantay. “Donec ponam inimicos tuos scabellum
Pedum tourum.“ “…Hanggang sa aking gawing tungtungan mo ang iyong mga kaaway.72” Huwag mo
rin hayaan na maging malapit sila sa iyo, sapagkat sila ay hindi munting alagang aso. Maging seryoso
ka sa kanila at ipakita mo ang iyong awtoridad sa kanila, pasunurin mo sila sa iyo, at maging maingat ka
sa pagtanggap ng kahit na pinakamaliit na bagay na iaalay nila sa iyo. Ipakita mo sa kanila na ikaw ay
kanilang panginoon. Gayundin, kailanman ay huwag mo silang ligaligin, at (bagkus) sila ay iyong
utusan na gawin ang lahat ng iyong pinapagawa hanggang sa pinakamaliit na detalye, walang dagdag o
bawas man lang sa iyong mga tagubilin. Kung kaya naman gawin ng mas mababang espiritu ang iyong
hiling, huwag mo na itong hilingin pa sa kanilang mga pinuno. Dahil iba-iba naman ang kanilang
kapangyarihan, huwag mong iutos sa isang espiritu ang isang bagay na para sa ibang espiritu.
Sapagkat imposible na maitala ko lahat ang katangian, kapangyarihan, at gawain ng bawat isang
espiritu, nararapat na ito ay iyong saliksikin at palawigin ang iyong kakayanan. Sa unang pagkakataon
na ikaw ay gagawa ng kahilingan sa apat na Pinakamataas na Prinsipe at sa walong Ikalawang Prinsipe,
iyong hingin ang kanila ang pinakamahusay nilang espiritu at nararapat na itala mo ang kanilang mga
gawain na aking inilarawan sa ikatlong aklat kung saan matatagpuan mo rin ang mga simbolo ng
maraming mga espiritu. Dahil maraming uri ng maling akala at may iba’t ibang pangyayari sa araw-
araw, hingin mo ang uri ng espiritu ayon sa kanilang katangian at katalinuhan at naaangkop sa bagay
na gusto mong ipagawa. Kung ikaw ay tanggihan ng isang espiritu pagkatapos mo siyang bigyan ng
tagubilin, at hindi niya ginawa ang iyong kahilingan, tawagin mo ang kaniyang Pinunong Espiritu at
humingi ka sa kanila ng isang mas mahusay na espiritu na maglilingkod sa iyo. Sa lahat ng
pagkakataon, lagi mong gawing sandigan ang kapangyarihan at kautusan ng iyong banal na anghel.
Lagi mong isapuso ang takot sa Dios, at iyong sikapin na sundin ang Kanyang mga utos at ng iyong
Banal na Anghel. Lagi mong isapuso ang Kaniyang mga banal na turo at kailanman ay huwag kang
sumunod sa masasamang espiritu, kahit pa nga ba ito ay tila para sa iyong kabutihan at ng iyong
kapwa. Tiyakin mo na sila ay susunod sa iyo nang lubos at tunay. Matagumpay mong tapusin ang lahat
ng operasyon, gaano man ito kalaki o kahirap, gaya ng aking ginawa. Tungkol sa pagtulong sa iyong
kapwa sa oras ng kanyang mga pangangailangan, gampanan mo ito nang buong sigla, at huwag mo na
hintayin pa na siya ay humingi sa iyo ng tulong. Sikapin mo na unawain nang lubos ang kanyang mga
pangangailangan upang magawa mo ang nararapat para sa kanya. Sikapin mo na bigyan ng saklolo
ang may kapansanan at may sakit at bigyan mo sila ng lunas. Gumawa ka nang mabuti hindi upang
makatanggap ng mga papuri at maging usap-usapan sa mundo. Gayundin, maaari mong iwangis ang
iyong pagbibigay lunas sa mga panalangin, o mga pangkaraniwang lunas, o pagdarasal ng Awit, at iba
pang pamamaraan.

Maging maingat ka rin na ang mga bagay na ito ay hindi matutunan ng mga nakaluklok na
prinsipe. Pagdating nga sa bagay na ito, humingi ka muna ng payo sa iyong tagapagbantay na anghel
bago ka kumilos sapagkat may mga henerasyon na walang kasiyahan, at bukod sa simpleng

72
“Sinabi ng Panginoon sa aking panginoon, umupo ka sa aking kanan, hanggang sa aking gawing
tungtungan mo ang iyong mga kaaway.” – Awit 110:1
158

kuryusidad, itinuturing din ng mga prinsipeng ito na kanilang katungkulan at pananagutan ang mga
gawaing ito. Ang totoo, hindi sila kailangan ng mga taong nagtataglay ng Banal na Karunungan.
Gayundin, likas sa kanila na humiling ng mga bagay na makakasama at ikagagalit ng Panginoon. At
kapag hindi mo ginawa ang kanilang kagustuhan, ituturing ka nila na kaaway. Sa aking palagay, mas
mabuti na sila ay iyong paglingkuran na may distansya.

Wala nang mas makakapagbigay ligaya sa mga anghel kundi ang paghingi ng karunungan sa
kanila; at, para sa akin, wala nang mas hihigit pang kasiyahan maliban sa pagiging pantas mula
pagtuturo ng mga maestrong ito.

Aking hinihikayat ang pamumuhay nang tahimik at malayo sa ibang. Ito ay nagdudulot ng
lahat ng uri ng kabutihan. Tunay na mahirap gawin ang bagay na ito, subalit sa oras na iyong makamit
ang banal na karunungan at mahika, ang pagmamahal sa isang buhay na tahimik at pag-iisa ay darating
sa iyo nang kusa. Darating ang oras na ikaw mismo ang iiwas sa pakikihalubilo at pakikipag-usap sa
mga tao, sapagkat ang kasiyahan at kapayapaan na iyong kakamtin sa pagtatamo ng banal na
karunungang ito ay sadyang napakadakila na iyong kamumuhian ang lahat ng uri ng paglilibang,
paglalakbay, kayamanan at iba pang mga bagay, gaano man sila kaakit-akit.

Minsan lamang pinapahintulutan ang pagkakaroon ng mga ari-arian at kayamanan na angkop


sa iyong antas at kalagayan. Pagkatapos ay gamitin mo ito nang masagana para sa iyong mga
pangangailangan at para sa iyong kapwa. Ibahagi mo sa kanya ang biyayang iyong tinanggap mula sa
Dios sa oras ng kanyang pangangailangan sapagkat sinuman ang gagamit nito para sa masasamang
bagay ay hindi karapatdapat tumanggap ng biyaya at kabutihan ng Dios.

Para sa katiyakan at tagumpay ng operasyong ito, ang batang iyong gagamitin ay dapat na
isang lehitimong anak, at maging ang kanyang ama at ina ay mga lehitimong anak din. Dapat siya ay
nasa anim hanggang pitong taon, masigla, at matalino, malinaw magsalita at bumigkas. Iyong ihanda
ang bata bago ang operasyon at hayaan mong nandiyan siya sa oras na kailanganin mo siya. Sa aking
palagay, dapat ay maghanda ka ng dalawang bata para kung sakaling magkaroon ng di inaasahang
bagay. Upang iyong mahikayat ang bata, siya ay bigyan mo ng mga laruan upang malibang, at ihanda
mo siya sa oras na iyong kailangan, ngunit huwag mong sabihin dito kung para saan ang kanyang
gagawin upang kung sakaling siya ay tanungin ng kanyang mga magulang ay wala siyang masasabi.
Mas mabuti kung ang bata ay mabait at maayos kumilos. Tayo ay makakatiyak na sa pamamagitan
nito makakamtan natin ang Banal na Karunungan sapagkat kung saan ka man may kakulangan,
pupunan ito ng walang-malay na bata at ang mga anghel ay masisiyahan sa kalinisan ng bata. Hindi
natin dapat gamitin ang batang babae sa operasyong ito.

Dapat mong itabi ang lahat ng mga kagamitan at kasuotan na iyong ginamit sa loob ng anim na
buwan na ito kung nais mong ituloy sa parehong bahay kung saan mo isinagawa ang operasyong ito,
sapagkat iyan ay mainam. Ngunit kung wala kang balak na sila ay muling gamitin, maging ang silid-
dasalan na iyong ginamit, sila ay dapat mong sunugin at ilibing ang kanilang mga abo sa isang tagong
lugar.
159

Ngayon ay mahalagang ipagkaloob ko sa iyo ang kaunting liwanag, at ihayag ang mga
katangian at kahalagahan ng mga espiritu, at kung saan mo sila maaaring gamitin upang maging tiyak
ang iyong tagumpay. Ngunit dapat mong tandaan na ang bawat Espiritu ay maraming nasasakupang
mas Mabababang Espiritu. Gayundin, nais kong ipaalam sa iyo na hindi magsasagawa ang mga
Mataas na Espiritu ng mga gawaing mababang-uri, masama, at walang halaga, subalit kanila itong
ipapagawa kaagad sa mga mas Mababang Espiritu. Hindi mahalaga sa kanya kung sino man ang
magsagawa ng operasyon, ang mahalaga ay maisakatuparan ang operasyon at siya ay sundin nang
mabilis.

ANG PANGKAT NG UNANG HERARKIYA73

(Seraphim, Kerubin, at Mga Luklukan74)

Ang mga espiritu ng Seraphim ay para makatanggap ng paggalang at pagmamahal mula sa iba
dahil sa mga kawang-gawa, para sa mga gawaing marangal at iba pang gawain tulad nito. Sila mismo
ang nagsasagawa ng mga mahalagang operasyong, subalit para sa mga gawaing mababang-uri at
imoral, ang kanilang mga nasasakupan ang nagsasagawa.

ANG PANGKAT NG IKALAWANG HERARKIYA

(Tagapamahala, Kagalingan , at Kapangyarihan)

Ang gawain ng mga Tagapamahala75 ay manakop, upang magkamit ng kalayaan, upang


mapalayas ang mga kaaway, upang bigyan ng kapangyarihan ang mga prinsipe at iba pang uri ng tao,
pati mga Pari.

Ang gawain ng Kagalingan76 ay upang makapagbigay ng lakas at kapangyarihan sa lahat ng


may kinalaman sa digmaan at kapayapaan, at lahat ng operasyong may kinalaman sa kalusugan ng tao
at lahat ng uri ng karamdaman na hindi pa humahantong sa bingit ng kamatayan.

Ang Kapangyarihan77 naman ay siyang sumasakop sa lahat ng mas mababang espiritu kaya nga
maaari nilang gawin ang anumang uri ng bagay, mabuti man o masama. Sila rin ay tapat sa lahat ng uri
ng gawain, mabuti man o masama. Matuwid at tama ang kanilang mga isinasagawa, at sila ay lubhang
maagap, mabilis at wasto ang kanilang mga operasyon.

73
Ang mga herarkiya na ito ay pangkat ng mga mabuting anghel, subalit minsan ay ginagamit din sila bilang
pagpapangkat sa mga masamang espiritu at mga isinumpang anghel (fallen angels).
74
Thrones
75
Dominions
76
Virtues
77
Powers
160

ANG PANGKAT NG IKATLONG HERARKIYA

(Mga Prinsipe, Arkanghel, at Anghel)

Ang mga Prinsipe ay binubuo ng mga espiritu na may kakayanang magbigay ng mga
kayamanan, at sila o ang kanilang mga nasasakupan ay maaaring isakatuparan ang anumang
operasyon bilang isang pulutong na binubuo ng iba’t ibang pangkat. Sila rin ay nagsasabi ng
katotohanan.

Ang mga Arkanghel ay siyang nagbubunyag ng lahat ng mga lihim na karunungan at lahat ng
uri ng mga lihim, gaya ng mga bagay na mahirap unawain ukol sa Teolohiya at Kautusan. Sila ay
lubhang masigasig sa kanilang paglilingkod.

Ang mga Anghel ay nagsasagawa ng mga operasyon ayon sa kani-kanilang katangian. Walang
katapusan ang kanilang bilang. Kanilang nasasakupan ang apat na prinsipe at ang walong mababang
prinsipe sa lahat ng uri ng operasyon. Dahil sa panunumpa ng mga ito (ang apat na prinsipe at walong
mababang prinsipe), kanilang tutuparin ang kanilang pangako, kung ang ipinapagawa sa kanila ay ayon
sa kanilang kapangyarihan.

Ang operasyon na mapapasok ang espiritu sa katawan ng patay ay isang dakila at napakahirap
na operayon, sapagkat upang ito ay maging matagumpay kailangan ang apat na prinsipe sa operasyon.
Gayundin, kinakailangan maging lubha kang maingat. Makinig sa babalang ito – hindi dapat
umpisahan ang operasyong ito hangga’t ang pasyente ay wala sa bingit ng kamatayan, upang ang
kanyang buhay ay hindi pa ganap na pumapanaw. Ito ay dapat isagawa sa puntong ang pasyente ay
malapit nang malagutan ng hininga, at isagawa mo ang lahat ng nabanggit sa ikalawang aklat. Ngunit
kailanman ay hindi natin dapat gawin ito upang libangin ang ating sarili, o para sa bawat isang tao,
bagkus gawin lamang ito sa mga pagkakataong lubhang mahalaga at kinakailangan. Ang operasyong
ito ay ginawa ko mismo nang dalawang beses lamang sa buong buhay ko, sa Duke ng Saxonia at sa
isang binibini na labis na minamahal ni Haring Sigismundo.

Ang mga alagang espiritu ay mabilis tumalima at kaya nilang gawin hanggang sa maliliit na
detalye ang mga operasyong mekanikal, na siya nilang pagkakaabalahan; gaya ng pagpinta ng
makasaysayang larawan; paggawa ng mga istatwa; pagtitinda at pagsasagawa ng mga negosyo gamit
ang anyong tao; pagdadala ng mga paninda at iba pang bagay mula isang lugar papunta sa isa pang
lugar; para makalikha ng away sa mga tao, makapanakit, at lahat ng uri ng kasamaan. Gayundin
pagdadala ng sulat at mensahe mula isang bansa papuntang ibang bansa, upang mapakawalan ang
nakakulong, at iba pang mga bagay na madalas kong subukin gawin.

Ang mga espiritung ito ay dapat pakisamahan ayon sa kanilang katangian, at kilalanin ang
pagkakaiba ng isang dakilang espiritu sa mga masasama at mababang-uri na espiritu, datapwa’t dapat
natin ipataw ang kaukulang pananakop sa espiritung gumagawa ng operasyon. Sa pakikipagusap sa
kanila huwag mo silang bigyan ng titulo; ngunit tawagin mo sila bilang ‘ikaw’ o kaya ay ‘iyo’; at
161

kailanman ay huwag mo silang pupurihin, at dapat ikaw ay humarap sa kanila na marangya at


magpagmataas78.

Tiyak na may mga ilang nilalang ng lupa na sadyang kasuklam-suklam. Sila ay karaniwang
ginagamit ng mga mangkukulam at manggagaway para sa kanilang masasama at mapamuksang
gawain. Sila nga ay walang pakinabang. Ang nagsasagawa ng ganitong mahika ay maaaring gamitin
ang ganitong mga nilalang, kung nais niya, ngunit ang banal na karunungan, di tulad ng panggagaway,
ay hindi pinahihintulutan ang paggamit sa kanila na hindi mapapasunod sa pamamagitan ng
panunumpa sa iyo.

Sapat na ang lahat ng aking inilahad at isinulat dito, at hindi dapat mag-alinlangan ang taong
magsasagawa ng operasyong ito kung susundin niya ang lahat ng aking turo, at kung taglay niya ang
tamang mithiin sa paggamit ng banal na karunungan para sa kaluwalhatian at karangalan ng Dios na
makapangyarihan sa lahat, para sa kanyang sariling kabutihan, at para sa kanyang kapwa. Madali
niyang makakamit ang karunungang ito, at maging ang mga mahihirap na bagay ay madali niyang
makakamtan. Ngunit ang Likas ng Tao ay ubod ng sama at buktot at tunay namang iba sa nilalang ng
Panginoon. Iilan lang, kung mayroon man, ang taong lalakad sa tamang daan. Napakadali rin sa tao
ang magsinungaling, at napakahirap na magtagumpay sa operasyong ito sapagkat ang hinihingi nito ay
ang buong kaluluwa ng isang tao. Upang hindi matakot ang taong nagpasiya na gawin ang operasyong
ito, akin ngayon ilalahad ang mga suliranin, tukso, at sagabal na ang dahilan ay ang kaniyang kamag-
anak mismo. Lahat nang ito ay gawa ng mga masasamang espiritu upang sila ay hindi sumunod sa iyo
at maipahiya ang kanilang sarili sa pagpapasakop sa Tao, ang kanilang pinakadakilang kaaway,
sapagkat kanilang nasaksihan ang kanyang makapangyarihang estado sapagkat narating niya ang
kaligayahan ng walang hanggang kaluwalhatian na nawala sa kanila dahil sa kanilang kahangalan. Labis
ang kanilang poot at masidhi ang kanilang pighati kaya’t walang uri ng kasamaan sa mundo na hindi
nila handang gawin, kung pahihintulutan sila ng Dios, sapagkat kanila pinakananais ay ang
kapahamakan ng Sangkatauhan. Kaya’t mahalaga na magkaroon ng tapang at laging magpasiya nang
buong kalooban na layuan ang lahat ng bagay na masama. Mataimtim natin naisin na makamtan ang
dakilang biyaya ng Dios sa kabila ng (kahinaan) ng tao at ng mga demonyo. Gayundin, bago ka
magsimula ay dapat mong ayusin ang mga bagay-bagay sa iyong buhay upang hindi sila maging
sagabal sa iyo, o kaya’y magdala sa iyo ng suliranin sa loob ng anim na buwan. Sa panahong ito ay
darating sa iyo ang mga mabigat na pagtatangka na ikaw ay bagabagin at pinsalain gawa ng tusong
Kaaway. Gagawa siya ng paraan upang ikaw ay makatagpo ng masasamang aklat at masasamang tao
upang ikaw ay mailigaw, kahit pa nga ba ikaw ay nakapagsimula na. Sa pamamagitan ng kanilang mga
makademonyong pakana at panlilinlang, kanilang dadalhin sa iyo ang mga bagay na tila napakahalaga,
ngunit ang totoo ay magdudulot sa iyo ng maling pundasyon. Matatag mong layuan ang mga
ganitong nakakayamot na pangyayari sa pamamagitan ng masusing pagsunod sa aking mga itinuro sa
iyo at nang mapalayas mo sila nang mahinahon at mapayapa upang hindi mabigyan ng pagkakataon
ang Kaaway na ikaw ay malinlang at masagabal.

78
Ngunit pinapayo pa rin ni Mathers na maging magalang sa mga espiritu.
162

Ang iyong mga kaanak, dahil sa kanilang pagkamangha sa uri ng iyong pamumuhay at
katahimikan, ay sisikaping malaman kung bakit ka nagkakaganito. Kinakailangang masagot mo sila
nang maayos gamit ang mga salitang puno ng pag-ibig at mapaniwala mo sila na, sapagkat nagbabago
ang panahon, kaya’t ang mga tao na may taglay na kaunting karunungan ay nagpapasiya minsan na
mamuhay ng malayo sa iba. Ito ang dahilan kung bakit napakaraming mabuti at marurunong na tao
ang piniling mamuhay sa disyerto sapagkat kung siya ay malayo sa kanyang mga kaanak at sa ibang
mga tao, siya ay makakapamuhay ng tahimik na laging nagdarasal upang kanilang makamtan ang
dakila at ganap na Biyaya mula sa Panginoon.

Pinapahintulutan ko rin na gumamit ka ng Biblia sa iyong sariling wika, at maging ang mga Awit
ni David, para sa sarili mong gamit. Maaaring sabihin ng ibang tao, “Ako ay nakakaunawa ng Latin, at
hindi ko kailangan ang Biblia sa aking pangkaraniwang wika.” Ang aking sagot ay, kung tayo ay
nagdarasal hindi natin dapat pahirapan ang isip sa pagsasalin ng Awit sapagkat sa pagkakataong ito
tayo ay dapat nagiging kaisa ng Dios sa abot ng ating makakaya. Gayundin ang pagbabasa ng Awit sa
sariling wika ay mas madali nating masasaulo. Ito ang tamang paraan ng pananalangin, kung ang
taong nagdarasal ay hindi marunong bumasa sapagkat hindi niya naiintindihan ang kanyang kahilingan
kung ang kanyang pagdarasal ng Awit ay sa Latin.

Sa tatlong aklat na ito, wala tayong matatagpuan kahit na isang maliit na bagay na hindi ayon
sa katotohanan at walang sandigan. Tayo ay maging lubhang maingat, at ating iwasan, gaya ng isang
nakamamatay na lason, ang pagsisimula ng operasyong ito kung hindi matatag ang ating desisyon na
tapusin ito. Sapagkat may mangyayaring masama sa taong magsasagawa ng operasyong ito nang
walang pakundangan, at, kung gayon, kanyang mauunawaan nang lubos na hindi natin dapat
nilalapastangan ang Panginoon. Kung mangyari na loobin ng Dios na ikaw ay dalawin ng sakit na
siyang magiging dahilan ng hindi mo pagtapos ng operasyong ito sa kabila ng iyong kagustuhan
sapagkat ito ay iyo nang naumpisahan, ikaw ay buong kababaang-loob na sumunod sa kanyang
kalooban at kautusan, gaya ng isang masunuring alipin, at ipaubaya mo sa Dakilang Panginoon ang
kapasyahan kung kailan Niya nais ipagkaloob sa iyo ang pagkakataon na ito ay gawin muli. Kung gayon
ay iyong itigil ang operasyon at ipagpatuloy sa ibang panahon. Samantala, dapat mong pag-ukulan ng
panahon ang iyong pagpapagaling. Ang ganitong pangyayari ay hindi mo dapat ikabahala sapagkat
ang hiwaga ng Dios ay hindi natin kayang maunawaan. Kanyang ginagampanan, pinahihintulutan at
isinasagawa ang lahat ng bagay para sa kabutihan natin, datapwa’t hindi natin ito lubos na
nauunawaan.

Sa pagkakataong ito ay aking isisiwalat ang susi sa operasyong ito, na siyang tanging bagay na
makakatulong sa atin upang makamtan ang pangitain ng mga banal na anghel, sa pamamagitan ng
paglalagay ng simbolong79 ito sa noo ng bata at ng taong nagsasagawa ng operasyong ito, gaya ng
aking inihayag sa unang aklat.

79
Nasa ibaba ang mga kwadrado na may pangalang ADAM at URIEL.
163

Akin rin sasabihin na sa bawat isang daang tao, hindi hihigit sa lima o anim na tao ang
magkakamit ng Banal na Mahika kung hindi gagamit ng susing ito, sa mga kadahilanang hindi
maaaring isiwalat ninuman.

Gayundin, dapat nating dasalin ng paulit-ulit ang Awit VI. “Oh, Panginoon, huwag mo akong
sawayin sa iyong galit…”

Wala tayong dapat naisin ng higit sa Mundong ito kundi ang banal na Agham, ngunit wala nang
mas hihirap pa sa pagkakamit nito sapagkat kadalasan ay dumarating ang kamatayan bago pa ito
makamit sa kabuuan.

Ito ang tunay at tanging Daan sa Banal na Agham at Mahika na ipinagkaloob sa atin ng
Panginoon sa pamamagitan ng kanyang dalisay na awa. Sa loob ng anim ng Buwan ay ipagkakaloob sa
atin na makamtan ang pinakamataas at mahiwagang biyaya ng Panginoon.

Ito ang Tunay na Agham na siyang makapagpapaunawa sa lahat ng Agham sa oras na ito ay
makamit.

Ah! Ilang aklat ba ang ating mababasa na kamangha-mangha!

Hindi karapatdapat na ihayag ko kahit maliit na bahagi ng Agham at ang mga katangian nito,
at mailipat sa akin ang karangalan na karapatdapat lamang sa taong may dakilang kaisipan at higit ang
katangian sa akin80, kahit pa nga sa pagtuturo ko nito tila sumobra ang aking binigay sa pamamagitan
ng pagkakaloob nitong dalawang huling simbolo. Ngunit ano ba ang hindi magagawa ng pagmamahal
ng isang magulang? Sikapin mo na sundin ang aking mga itinuro sa iyo sa bawat detalye nito, at sa
paraang aking inilahad dito ngayon, at panatilihin mo ang takot sa Dios. Gayundin, huwag mong
kakalimutan maging ang mga maliliit na bagay na aking inihayag sa iyo sa tatlong aklat na ito sapagkat
sa tulong ng Dios na siyang namamahala at nangangasiwa sa lahat ng bagay at siyang naghahari sa
Langit at Lupa, at ang Kanyang banal na hustisya ang siyang nagbibigay liwanag sa Impyerno; kung
ikaw ay dudulog at mananalig sa Kanyang banal na pag-ibig nang buong puso, iyong makakamit ang
Banal na Agham at Mahika na ang kapangyarihan ay hindi kayang maipahayag. Kung gayon, aking
anak, at kung sinuman ang magtataglay nito, lagi ninyong tandaan na papurihan at sambahin ang
Panginoon, at manalangin sa Kanya na ipagkaloob sa akin ang kanyang banal na karangalan, ang pook
ng tunay na kapayapaan, gaya ng ginawa Niya sa akin habang ako ay narito sa Lambak ng Kalungkutan
kung saan ay pinagkalooban Niya ako ng malaking bahagi ng kanyang awa at kabutihan. Ako ay
nananalangin sa Panginoon na ipagkaloob din Niya sa iyo ang kanyang banal na basbas, at sa lahat ng
magkakamit ng banal na salamangkang ito sa pamamagitan mo, at yaong mga gagamit nito ayon sa
Kanyang banal na kalooban.

80
Ayon kay Mathers, nahirapan din siyang intindihin ang talatang ito sa Pranses na manuskrito ng aklat na
ito. Sa kanyang palagay ang tinutukoy ni Abraham na ‘taong may dakilang kaisipan’ ay walang iba kundi si
Abramelin.
164

Harinawang ipagkaloob sa iyo ng Dios ang lahat ng biyaya sa mundong ito, at isang mabuting
kamatayan sa kanyang banal na kaharian!

AMEN.

--- KATAPUSAN NG AKLAT ---

You might also like