You are on page 1of 2

Magandang Araw po sa inyo.

Ako po si Kynn Lebrillo at ito po ang aking mga kasagutan sa


ikalawang gawain sa ikapitong modyul.

Naniniwala ako na ang wikang Filipino ay kinakailangang gamitin bilang wika ng kaalaman. Ito
ay dahil, naniniwala ako na ang wikang Filipino ay may kakayahan na mas mapausbong ang
pag-unlad ng kaalaman ng, kung di lahat, ay karamihan ng Pilipino. Ngunit kung sakaling
mabibigyan ng pagkakataon na ang wikang Filipino ay magiging sandigan bilang wika ng
kaalaman, naniniwala din ako na may mga suliranin din itong maaring maidulot. Una sa lahat,
upang makamit ng Filipino ang pagiging wika ng kaalaman, kailangang magtanim tayo ng sarili
nating mga kaalaman at umiwas sa paghiram sa ibang wika. Ibig sabihin, kakailanganing
magkaroon ng mga sariling salita ang iba’t ibang konsepto sa wikang Filipino at hindi lamang
kailangan na gumamit ng Filipino na pagbaybay ng mga salitang Ingles. Ngunit ang itong
hakbang ay unti-unti na ring ginagawa ng mga Pilipinong Iskolar o mga mananaliksik.
Halimbawa, ang basketball ay may katumbas na salita sa Filipino na Buslobilo ngunit sa mga
panitikan ngayon sa Pilipinas na nasa wikang Filipino, laganap na ginagamit ang basketball na
nasa baybay na Ingles o kayay basketbol na nasa baybay na Filipino. Dagdag pa rito, ang mga
konsepto rin ay dapat nakabatay sa kulturang Pilipino at hindi sa kultura ng ibang bansa.
Mapapansin natin na karamihan sa mga halimbawa na nakalimbag sa ating mga libro ay mga
halimbawa ng mga sitwasyon na nasa ibang bansa. Kaya’t mas nahihirapan ang mga
estudyante na maintindihan ito sapagkat hindi pamilyar ang mga ito sa kanilang buhay. Kapag
tayo ay nakatanim na ng pundasyon sa Wikang Filipino, magkakaroon na tayo ng
pagkakataong gamitin ang wikang Filipino sa pagdidiskurso. Maaari na tayong
makikipagtalastasan ng ating mga kaalaman na hindi na gumagamit ng mga salita sa ibang
wika ngunit sa wikang ating naiitindihan. Ngunit may isang suliranin rin na maari itong
maidulot. Ito ay ang pagkasira ng pakikipagtalasatasan dahil ang mga nakikinig ay hindi
makaunawa sa mga sinasabi ng mananalita. Katumbas ng mga bagong salita na nabuo dulot ng
pagsalin ng mga konsepto sa ating Wika ay ang pagsasaisip nito upang maunawaan, maalala at
magamit sa pakikipagtalastasan sa iba. Dagdag pa rito, isa rin sa mga suliranin ng wikang
Filipino ay ang pagmamaliit ng karamihan nito. Malaki ang posibilidad na mas pipiliin ng mga
mag-aaral na mas ihasa ang kanilang kaalamn sa Ingles sa halip wikang Filipino sapagkat ito
ay mas magagamit hindi lamang ditto sa Pilipinas ngunit pati na rin sa ibang bansa. Marami
ring mga malalaking kompanya ang mas pinipili ang mga mangagawa na marunong mag-ingles
kaysa sa manggawang marunong magsalita sa Wikang Filipino. Kung kaya’t kailangan talagang
paigtingin ang pagpapahalaga ng wikang Filipino hindi lamang sa ating edukasyon ngunit pati
na rin sa iba pang mga kalagayan sa lipunan, mapa balita, isports, musika, agham at
tekonolohiya.

Kung ang mga nasabing suliranin ay malulutasan, naniniwala ako na ang Filipino ay may
kakayahang gawing wika ng pagdidiskurso, hindi lamang sa mga kaalaman sa Pilipinas ngunit
pati na rin sa mga global na kaalaman. Kung makakamit ito, ang Filipino ay may kakayahang
mapadali ang pag-unawa sa mga kaalaman dahil hindi na malilito ang mga nakikinig sa mga
malalalim na salita o konsepto. Mas mapapalaganap din nito ang kaalaman sapagkat ang mga
taong hindi masyadong makaintindi sa mga konspetong nasa Ingles ay mabibigyan din ng
pagkakataong makakaintindi sa wikang Filipino at mas madaling maunawaan ang mga ito. Pati
na rin ang mga mag-aaral ay hindi na kailangan pang matuto ng mga konsepto sa bagong
salita ngunit sa wikang Filipino na. bukod pa rito, mas uusbong din ang wikang Filipino at mas
makakapanghikayat sa mga mag-aaral na mas bigyan ng pokus ang pag-aaral gamit ang ating
wikang Filipino.

Sa huli, naniniwala ako na malapit na makakamit ang layunin na gamitin ang wikang Filipino sa
pagdidiskurso. Marami nang mga paaralan at unibersidad sa pilipinas ang gumagamit ng
Wikang Filipino sa pagtuturo at pakikipagtalastasan ng mga kaalaman sa iba. Ngunit marami
pa ring mga suliranin ang kailangan puksain bago talaga makamtan ng buo ang layunin na ito
at naniniwala ako na balang araw, magiging wika ng kaalaman at wika ng pagdidiskurso ang
wikang Filipino.

You might also like