You are on page 1of 4

Modyul sa Sariling Pagkatuto sa Araling Panlipunan 10

ARALIN: KASARIAN SA IBA’T IBANG LIPUNAN


Bawat lipunan sa iba’t ibang bahagi ng mundo ay nagkakaroon ng paghahati sa mga miyembro nito
ayon sa kasarian. Sa kasaysayan, sa anumang lipunan sa daigdig, lalaki ang karaniwang inaasahang bumuhay
sa kaniyang mag-anak. Mauugat ito sa Panahong Paleolitiko na lalaki ang nangangaso at nangangalap ng
pagkain para sa ikabubuhay ng pamilya. Nakakabit naman sa kababaihan ang tungkulin na alagaan ang mga
anak at maging abala sa mga gawaing-bahay. Samakatuwid, noon, ang mga lalaki ay nagtatrabaho sa labas ng
bahay at ang mga babae ay inaasahang manatili sa loob.
Sa kasalukuyan, bunsod na marahil ng pag-unlad at paglaganap ng ideya ng feminismo, nagkaroon na ng
malaking pagbabago sa gampanin ng babae. Sa ating bansa, masasabing sa kasalukuyan ay hindi na mahigpit
ang lipunan sa pagtatakda ng gampanin ng babae at sa lipunan. Bukod sa lalaki at babae naging hayag o
lantad na rin ang mga tinatawag na LGBT (lesbian, gay, biseksuwal, at transgender) na nagnanais din

Paksa: Konsepto ng Kasarian

Kasarian at Seksuwalidad, pareho lang ba ang kahulugan at konsepto nito?


• Madalas napagpapalit natin ang kahulugan ng mga ito o pag tinatanong tayo palagi nating sinasabi, “ pareho
lang naman sila”
• Bagaman magkaugnay ang dalawang konseptong ito, natatangi ang kahulugan ng bawat isa.
Magkaiba ang kahulugan ng gender at sex. Bagama’t kung isasalin ang dalawang salitang ito sa
wikang Pilipino ay katumbas ito pareho ng salitang kasarian. Tatalakayin natin sa bahaging ito ng aralin ang
kahulugan ng mga konseptong may kinalaman sa pag-aaral ng kasarian. Upang maunawaan mo ang mga
konseptong ito, lalo na ang kaibahan ng gender at sex basahin mo ang sumusunod na teksto.

Konsepto ng Gender at Sex


Ang konsepto ng gender at sex ay magkaiba.
Ang sex ay tumutukoy sa kasarian – kung lalaki o babae. Ito rin ay maaaring tumukoy sa gawain ng
babae at lalaki na ang layunin ay reproduksiyon ng tao.
Ayon sa World Health Organization (2014), ang sex ay tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na
katangian na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki. Samantalang ang gender naman ay tumutukoy sa
mga panlipunang gampanin, kilos, at gawain na itinatakda ng lipunan para sa mga babae at lalaki.
Sex o Seksuwalidad - tumutukoy sa natural o biyolohikal na katangian bilang lalaki o babae
Katangian ng seksuwalidad:
1. Ang babae ay may buwanang regla
2. May bayag o testicle ang lalake
3. Ang babae ay may suso at ang suso nila ay nagkakaroon ng gatas kapag sila ay nanganak
Gender o Kasarian
 tumutukoy sa isang aspektong kultural na natutuhan hinggil sa seksuwalidad
 tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos, at gawain na itinatakda ng lipunan para sa mga
babae at lalaki. (WHO, 2014)
Katangian ng kasarian:
1. Sa Amerika, mas mababa ang kita ng babae kaysa lalaki
2. Sa maraming bansa, halos ng mga gawaing bahay ay sa babae
Oryentasyong Seksuwal
Ayon sa GALANG Yogyakarta, ang oryentasyong seksuwal (sexual orientation) ay tumutukoy sa
kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na atraksiyong apeksyonal, emosyonal, sekswal; at ng
malalim na pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian ay maaaring katulad ng sa kanya, iba sa kanya, o
kasariang higit sa isa.
Gender Identity
Pagkakakilanlang pangkasarian (gender identity) ay kinikilala bilang malalim na damdamin at
personal na karanasang pangkasarian ng isang tao, na maaaring nakatugma o hindi nakatugma sa sex niya
nang siya’y ipanganak, kabilang ang personal na pagtuturing niya sa sariling katawan (na maaaring mauwi,
kung malayang pinipili, sa pagbabago ng anyo o kung ano ang gagawin sa katawan sa pamamagitan ng
pagpapaopera, gamot, o iba pang paraan) at iba pang ekspresyon ng kasarian, kasama na ang pananamit,
pagsasalita, at pagkilos
Sa simpleng pakahulugan, ang salitang oryentasyong sekswal ay tumutukoy sa iyong pagpili ng iyong
makakatalik, kung siya ay lalaki o babae o pareho. Ang oryentasyong sekswal ay maaaring maiuri bilang
heterosekswal, homosekswal, at bisekswal.

Heterosexual - mga taong nagkakanasang seksuwal sa miyembro ng kabilang kasarian, mga lalaki na ang
gustong makatalik ay babae at mga babaeng gusto naman ay lalaki
Homosexual - mga nagkakaroon ng seksuwal na pagnanasa sa mga taong nabibilang sa katulad na kasarian,
mga lalaking mas gustong lalaki ang makakatalik at mga babaeng mas gusto ang babae bilang sekswal na
kapareha
Bukod sa lalaki at babae, may tinatawag tayo sa kasalukuyan na lesbian, gay, bisexual, at transgender o mas
kilala bilang LGBT.
Lesbian (tomboy) - sila ang mga babae na ang kilos at damdamin ay panlalaki; mga babaeng may pusong
lalaki at umiibig sa kapwa babae (tinatawag sa ibang bahagi ng Pilipinas na tibo at tomboy)
Gay (bakla) - mga lalaking nakararamdam ng atraksyon sa kanilang kapwa lalaki; may iilang bakla ang
nagdadamit at kumikilos na parang babae (tinatawag sa ibang bahagi ng Pilipinas na; bakla, beki, at bayot).
Bisexual - mga taong nakararamdam ng atraksyon sa dalawang kasarian
Asexual – mga taong walang nararamdamang atraksiyong seksuwal sa anumang kasarian
Transgender - kung ang isang tao ay nakararamdam na siya ay nabubuhay sa maling katawan, ang kaniyang
pag-iisip at ang pangangatawan ay hindi magkatugma, siya ay maaaring may transgender na katauhan
Trans-sexual - kung ang isang tao ay dumaan sa isang medical na diyagnosis kung saan ang isang
indibidwal ay may pagkakakilanlang kasarian na kabaliktaran ng kanilang pisikal na kasarian
Queer - mga taong hindi pa tiyak o hindi pa sigurado ang kanilang sekswal na pagkakakilanlan

Paksa: Pag-aaral sa Kasarian sa Iba’t Ibang Lipunan

Gender Roles sa Pilipinas

Sa bahaging ito ng aralin ay matutunghayan kung ano ang katayuan at gampanin ng babae at lalaki
iba’t ibang panahon sa kasaysayan ng ating bansa.

Bago dumating ang mga ESPANYOL. Ang mga datos pang-kasaysayan ay nagpapakita na ang
kababaihan sa Pilipinas noon maging ito man ay kabilang sa pinakamataas na uri o sa uring timawa, ay
pagmamay-ari ng mga lalaki. Patunay nito ang pagkakaroon ng mga binukot at pagbibigay ng tinatawag na
bigay-kaya. Ang binukot ay mga babae na itinatago sa mata ng publiko. Itinuturing silang prinsesa. Hindi sila
pinapayagang umapak sa lupa at hindi pinapayagang makita ng kalalakihan hanggang sa magdalaga. Ito ay
isang kultural na kasanayan sa Panay.
Bago dumating ang mga Espanyol, ayon sa Boxer Codex, ang mga lalaki ay pinapayagang
magkaroon ng maraming asawa subalit maaaring patayin ng lalaki ang kaniyang asawang babae sa sandaling
makita niya itong kasama ng ibang lalaki. Ipinakikita sa kalagayang ito na mas malaki ang karapatan na
tinatamasa ng kalalakihan noon kaysa sa kababaihan.
Paano naman winawakasan ang pagkakatali sa kasal noon? Bagamat kapwa pinapayagan noon ang babae at
lalaki na hiwalayan ang kanilang asawa, mayroon pa ring makikitang pagkiling sa mga lalaki. Kung gustong
hiwalayan ng lalaki ang kaniyang asawa, maaari niya itong gawin sa pamamagitan ng pagbawi sa ari-ariang
ibinigay niya sa pahahon ng kanilang pagsasama. Subalit kung ang babae ang magnanais na hiwalayan ang
kanyang asawa, wala siyang makukuhang anumang pag-aari.
Sa panahon ng mga ESPANYOL. Base mga kaso na naobserbahan mo Dr. Lordes Lapuz,
binanggit niya bilang konklusyon sa kanyang aklat na A Study of Psychopathology and Filipino Marriages in
Crises na:
Filipinas are brought up to fear men and some never escape the feelings of inferiority that upbringing creates.
Idinagdag pa ni Emelda Driscoll (2011) na sa loob ng pamilya, ang mga Pilipina ay lumalaking tinitingnan
bilang siyang pinagmumulan ng kapangyarihan sa pamilya.
Inilarawan naman ni Emelina Ragaza Garcia, sumulat ng akdang Position of Women in the Philippines, ang
posisyon ng kababaihan sa Pilipinas noong panahon ng mga Espanyol
Makikita mula sa pag-aaral ni Garcia na limitado pa rin ang karapatang taglay ng kababaihan sa panahon ng
mga Espanyol. Ito ay dahil sa sistemang legal na dinala ng mga Espanyol sa bansa ay nakabatay sa kanilang
batas na tinitingnan ang kababaihan na mas mababa kaysa sa kalalakihan. Ngunit sa Panahon ng mga Pag-
aalsa, may mga Pilipina ring nagpakita ng kanilang kabayanihan gaya ni Gabriela Silang. Nang mamatay ang
kanyang asawang si Diego Silang, nag-alsa siya upang labanan ang pang-aabuso ng mga Espanyol.
Gayundin, sa panahon ng Rebolusyon ng 1896, may mga Katipunera tulad nina Marina Dizon na tumulong sa
adhikain ng mga katipunero na labanan ang pang-aabuso ng mga Espanyol.

Ang pagdating ng mga Amerikano. Ang pagdating ng mga Amerikano ay nagdala ng ideya ng
kalayaan, karapatan, at pagkakapantay-pantay sa Pilipinas.

A. Sa pagsisimula ng pampublikong paaralan na bukas para sa kababaihan at kalalakihan, mahirap o


mayaman, maraming kababaihan ang nakapag-aral. Nabuksan ang isipan ng kababaihan na hindi lamang
dapat bahay at simbahan ang mundong kanilang ginagalawan.
B. Ang isyu ng pagboto ng kababaihan sa Pilipinas ay naayos sa pamamagitan ng isang espesyal na
plebesito na ginanap noong Abril 30, 1937. 90% ng mga bumoto ay pabor sa pagbibigay-karapatan sa
pagboto ng kababaihan. Ito ang simula ng pakikilahok ng kababaihan sa mga isyu na may kinalaman sa
politika.

Pagsakop ng mga Hapones – Ikalawang Digmaang Pangdaigdig. Ang kababaihan sa


panahong ito ay kabahagi ng kalalakihan sa paglaban sa mga Hapones.Ang kababaihan na nagpapatuloy ng
kanilang karera na dahilan ng kanilang pag-iwan sa tahanan ay hindi ligtas sa ganitong gawain. Ang mga
babae, may trabaho man o wala, ay inaasahang gumawa ng mga gawaing-bahay.

Sa kasalukuyan, marami nang pagkilos at batas ang isinusulong upang mapagkalooban ng pantay na
karapatan sa trabaho at lipunan ang mga babae, lalaki at LGBT.

You might also like

  • WHLP Las G8
    WHLP Las G8
    Document5 pages
    WHLP Las G8
    Robert Merginio Catapusan
    No ratings yet
  • WHLP AP8 3rdQ W1 2
    WHLP AP8 3rdQ W1 2
    Document1 page
    WHLP AP8 3rdQ W1 2
    Robert Merginio Catapusan
    No ratings yet
  • Isyungkalakipngmigrasyon
    Isyungkalakipngmigrasyon
    Document24 pages
    Isyungkalakipngmigrasyon
    Robert Merginio Catapusan
    No ratings yet
  • Las Ap10
    Las Ap10
    Document4 pages
    Las Ap10
    Robert Merginio Catapusan
    No ratings yet
  • 3rd QUARTER Week 3 8
    3rd QUARTER Week 3 8
    Document10 pages
    3rd QUARTER Week 3 8
    Robert Merginio Catapusan
    No ratings yet
  • Ap8 Leap W1 2
    Ap8 Leap W1 2
    Document12 pages
    Ap8 Leap W1 2
    Robert Merginio Catapusan
    No ratings yet
  • Ang Mga Datos Pang
    Ang Mga Datos Pang
    Document2 pages
    Ang Mga Datos Pang
    Robert Merginio Catapusan
    No ratings yet
  • Formative Assessment
    Formative Assessment
    Document3 pages
    Formative Assessment
    Robert Merginio Catapusan
    No ratings yet
  • Presentation 1
    Presentation 1
    Document9 pages
    Presentation 1
    Robert Merginio Catapusan
    No ratings yet
  • KRUSADA
    KRUSADA
    Document2 pages
    KRUSADA
    Robert Merginio Catapusan
    No ratings yet
  • 2nd Quarterly Exam 2019
    2nd Quarterly Exam 2019
    Document5 pages
    2nd Quarterly Exam 2019
    Robert Merginio Catapusan
    No ratings yet
  • Ap 10
    Ap 10
    Document5 pages
    Ap 10
    Robert Merginio Catapusan
    100% (1)
  • Ap
    Ap
    Document11 pages
    Ap
    Robert Merginio Catapusan
    No ratings yet