You are on page 1of 1

Sa curriculum development, nakatutulong ang pag-alam sa foundations nito.

Alam natin na mahalaga


ang pundasyon sa bawat ideolohiyang binubuo. Katulad na lamang ang mga pundasyon may kinalaman
sa behavior ng mga kabataan at sa kapasidad na matuto sila. Kung titingnang mabuti, hindi mabubuo
ang mga pundasyon nito kung hindi dahil sa karanasan at kaalaman na taglay nito. Halimbawa na
lamang dito ang mga paksa may kinalaman sa pag-develop ng karunungan ng mga estudyante. Yamang
may individual difference, ang bawat kabataan ay may kani-kaniyang kakayahan at katalinuhang taglay.
Nasa sa kanila kung paano mapaunlad iyun.

Kung tutuusin, may mga different disciplines at philosophy may kinalaman sa diyan. Huwag lang
makalimot sa katotohanang bawat kabataan ay may kani-kaniyang talent at abilidad kung paano nila
mapaunlad ang kanilang sarili. Sa pamamagitan ng pagkakaalam sa curriculum ay makatitiyak tayo na
may matututunan ang mga estudyante. Depende sa subjects na tinuturo, kailangan ang iba’t ibang
strategies para maisakatuparan ang mga natutunan. Anuman ang pilosopiya may kinalaman sa
edukasyon, mahalaga ang pagsasagawa nito.

Hindi maaaring mawala ang isa sa apat nyan. Kailangang magkasama o magka-konekta ang mga
pundasyon nito. Gaya ng nabanggit na halimbawa, sa pamamagitan ng mga activity na ginagawa ng mga
estudyante, nabubuo ang pilosopiya sa buhay nila, mas nauunawaan ang importansya ng kanilang
gawain, may pagkatuto ang bawat isa, at may paglagong sosyal. Iyan ang dahilan kaya mahalaga ang
paglinang ng apat na pundasyon ng curriculum para sa pagsasakatuparan ng epektibong pagkatuto.

You might also like