You are on page 1of 21

Alalahanin ang

Pagkatawag kay
Mateo
Mateo 9:9-13
Alalahanin ang Pagkatawag kay Mateo

• Nang umalis na roon si Jesus, nakita niya ang isang lalaking nagngangalang Mateo, na nakaupo sa
lugar na pinagbabayaran ng buwis. Sinabi sa kanya ni Jesus, “Sumunod ka sa akin.” Tumayo naman si
Mateo at sumunod kay Jesus. Habang kumakain si Jesus at ang mga tagasunod niya sa bahay ni
Mateo, nagdatingan ang maraming maniningil ng buwis at ang iba pang mga itinuturing
na makasalanan at kumaing kasama nila. Nang makita ito ng mga Pariseo, tinanong nila ang mga
tagasunod ni Jesus, “Bakit ang guro ninyo ay kumakaing kasama ng mga maniningil ng buwis at ng
iba pang mga makasalanan?” Nang marinig ito ni Jesus, sinabi niya sa kanila, “Hindi ang mga walang
sakit ang nangangailangan ng doktor kundi ang mga may sakit. Umalis na kayo at pag-isipan nʼyo
kung ano ang kahulugan ng sinasabing ito ng Kasulatan: ‘Hindi ang handog ninyo ang hinahangad ko
kundi ang maging maawain kayo.’ Sapagkat naparito ako hindi upang tawagin ang mga taong
matuwid sa kanilang sariling paningin, kundi ang mga makasalanan.” (Mateo 9:9-13, ASND)
Mga Puntong Dapat Isaalang-alang

Sino si Mateo?
Ang Pagsunod sa Panginoon
Bakit tinawag na kaibigan ng mga makasalanan?
Ano ang dapat nating matutunan?
Para sa mga mananampalataya
Sino si Mateo?
Alalahanin ang Pagkatawag kay Mateo
Sino si Mateo?

Si Mateo ay isang maniningil ng buwis

Masasabing ang mga maniningil ng buwis sa panahong ito ay itinuturing na


mga makasalanan

Si Mateo ay tinawag ng Panginoon upang maging isa sa mga apostol Niya

Si Mateo ang nagsulat ng isa sa apat na ebanghelyo na nakapangalan sa kaniya


Pagsunod sa Panginoon
Alalahanin ang Pagkatawag kay Mateo
• Nang umalis na roon si Jesus, nakita niya ang isang
lalaking nagngangalang Mateo, na nakaupo sa lugar na
Mateo 9:9 pinagbabayaran ng buwis. Sinabi sa kanya ni Jesus,
“Sumunod ka sa akin.” Tumayo naman si Mateo at
sumunod kay Jesus.
Ang Pagsunod sa Panginoon
• Tinawag ng Panginoon si Mateo nang sinabi sa kaniya, “Sumunod ka sa Akin”.
• Kusang sumama si Mateo sa Panginoong Jesus
• Iniwan ni Mateo ang dating pamumuhay bilang maniningil ng buwis upang
sumama sa Panginoong Jesus
Bakit tinawag si Jesus na kaibigan
ng mga makasalanan?
Alalahanin ang Pagkatawag kay Mateo
Mateo 9:10-13
• Habang kumakain si Jesus at ang mga tagasunod niya sa bahay ni Mateo,
nagdatingan ang maraming maniningil ng buwis at ang iba pang mga itinuturing
na makasalanan at kumaing kasama nila. Nang makita ito ng mga Pariseo,
tinanong nila ang mga tagasunod ni Jesus, “Bakit ang guro ninyo ay kumakaing
kasama ng mga maniningil ng buwis at ng iba pang mga makasalanan?” Nang
marinig ito ni Jesus, sinabi niya sa kanila, “Hindi ang mga walang sakit ang
nangangailangan ng doktor kundi ang mga may sakit. Umalis na kayo at pag-
isipan nʼyo kung ano ang kahulugan ng sinasabing ito ng Kasulatan: ‘Hindi ang
handog ninyo ang hinahangad ko kundi ang maging maawain kayo.’ Sapagkat
naparito ako hindi upang tawagin ang mga taong matuwid sa kanilang sariling
paningin, kundi ang mga makasalanan.”
Bakit tinawag si Jesus na kaibigan ng mga
makasalanan?
• Sa pahayag na si Jesus ay tinawag na kaibigan ng mga makasalanan, ipinahihwatig
na Siya ay talagang kaibigan nating tunay at hinihintay na makilala natin Siya at
maranasan ang Kaniyang presensya
• Sa kabila ng ating makasalanang likas na kalagayan, hangad ng Panginoong Jesus
na magkaroon ng ugnayan sa sangkatauhan
• Napatotohanan dito ang pahayag Niya na naparito Siya upang hanapin at iligtas
ang mga naligaw.
Bakit tinawag si Jesus na kaibigan ng mga
makasalanan?
• Isang paglilinaw: Hindi dahil sa tinawag Siyang kaibigan ng mga makasalanan,
inaprubahan Niya na Ok lang magkasala o Siya mismo ay nagkasala. Hindi po.
• Ipinakita lamang dito ng ating Panginoon na binibigyan tayo ng pagkakataon na
talikuran ang ating mga kasalanan at tanggapin Siya bilang Diyos at Tagapagligtas
ng ating buhay.
• Sa pamamagitan ng Panginoong Jesus, nagkaroon ng pagbabago sa buhay ng mga
nananalig sa Kaniya.
Mga Dapat Matutunan sa
Pagkatawag kay Mateo
Alalahanin ang Pagkatawag kay Mateo
Walang makakapigil lalo na kung tatawagin
ka ng Panginoon
• Hindi kayo ang pumili sa akin kundi ako ang pumili sa inyo, para humayo kayo at
mamunga ng mga bungang mananatili. Sa ganoon, anuman ang hingin ninyo sa
Ama sa pangalan ko ay ibibigay niya sa inyo. (Juan 15:16, ASND)
Babaguhin ng Diyos ang tao sa pamamagitan ni Kristo anupat
magpapatuloy ito sa kaniyang lakad ng pananampalataya

• Ang sinumang nakay Cristo ay isa nang bagong nilalang. Wala na ang dati niyang
pagkatao; binago na siya. (II Corinto 5:17)
Ipinapaalala sa atin
na walang • Kaya nagsalita si Pedro, “Ngayon alam ko nang walang
kinikilingan ang pinapaboran ang Dios.” (Gawa 10:34, ASND)
Diyos
Dahil sa pagmamahal ng Diyos sa sangkatauhan,
nagkaroon ng pag-asa sa buhay sa pamamagitan ni Kristo

• Sapagkat ganito ang pag-ibig ng Dios sa mga tao sa sanlibutan: Ibinigay niya ang kanyang
Bugtong na Anak, upang ang sinumang sumasampalataya sa kanya ay hindi mapahamak kundi
magkaroon ng buhay na walang hanggan. Sapagkat hindi sinugo ng Dios ang kanyang Anak dito
sa mundo upang hatulan ng parusa ang mga tao, kundi upang iligtas sila. Ang sumasampalataya sa
kanya ay hindi hahatulan ng kaparusahan, ngunit ang hindi sumasampalataya ay hinatulan na,
dahil hindi siya sumampalataya sa kaisa-isang Anak ng Dios. (Juan 3:16-18, ASND)
Tayo ay iisa kay Kristo Jesus anuman ang lahi,
anuman ang nakamit, anuman ang pinagdadaanan
• Ngayon, wala nang pagkakaiba ang Judio sa hindi Judio, ang alipin sa malaya, ang
lalaki sa babae. Kayong lahat ay iisa na dahil kayoʼy nakay Cristo na. (Galacia
3:28, ASND)
Para sa mga
Mananampalataya
Alalahanin ang Pagkatawag kay Mateo
Para sa mga mananampalataya:
• Huwag maging mapanghusga at hipokrito yamang ang bawat isa sa atin ay walang
perpekto anupat bawat isa ay nangangailangan ng kaligtasan
• Ang Diyos ang pipili sa atin, anuman ang iyong pinanggalingan, kahit sino ka pa
• Sa sinabi ng Panginoon na naparito Siya para sa mga makasalanan, ipinaalala Niya
sa atin na Siya ang tanging daan ng kaligtasan anupat tayo ay binigyan ng
pagkakataon para magsisi, talikuran ang mga kasalanan, at tanggapin Siya sa ating
buhay
• Ipinaalala sa atin ang buhay na pahayag ng
Panginoon: mahalin ang mga kaaway at
ipanalangin ang mga umuusig
• Kung paanong sumunod si Mateo sa
Para sa mga Panginoon nang pagkukusa, nawa ay
magkaroon tayo ng pagkukusang sumunod
mananampalataya sa Kaniya, na si Kristo Jesus dapat ang
pinaka-numero uno sa ating buhay.
• Ipaalala na ang ating layunin sa buhay na
ito, bilang mga mananampalataya, ay
makilala ang Diyos at ipakilala Siya sa iba

You might also like