You are on page 1of 3

Abogadong tumulong sa gurong pinahiya sa National TV, nagbigay ng update

tungkol sa kaso

- Nagbahagi ng update si Atty. Joseph Noel M. Estrada kaugnay sa kasong kinasangkutan ni Gng.
Melita Limjuco at mga nagreklamong magulang ng kanyang estudyante
- Ayon sa abogado, nagkaayos na ang guro at ang panig ng magulang sa tulong ng isang DepEd
supervisor
- Tinanggap din daw ng guro ang paghingi ng dispensa ng magulang alang-alang sa bata
- Ayon naman sa mga netizens, dapat ay mag-public apology din ang mga taong sangkot sa
pamamahiya sa guro

Ibinahagi ni Atty. Joseph Noel M. Estrada na nagkaayos na diumano si Gng. Melita Limjuco at mga
nagreklamong magulang ng kanyang estudyante. Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Atty.
Estrada na tinanggap na rin diumano ng guro ang paghingi ng dispensa ng mga magulang alang-
alang sa bata.

Siniguro din daw ng superviser ng DepEd na inaayos nila ang problema.

"Nagkaayos na po sila teacher at ang panig ng magulang sa tulong po ng DepEd supervisor. Sabi
po ni teacher e alang alang sa bata tinanggap nya na din ang sorry nila. Ako naman, nasa gate lang
ako ng EDSES at hindi na sumali sa usapan ksi walang abogado ang panig ng magulang. At mas
mabuti na magkausap sila ng masinsinan. I was assured by the Supervisor they're handling it well
and I trusted them. Haaay salamat sa Diyos. Pero parang may kulang.”

Atty. Joseph Noel M. Estrada


on Friday
Nagkaayos na po sila teacher at ang panig ng magulang sa tulong po ng DepEd supervisor. Sabi po
ni teacher e alang alang sa bata tinanggap nya na din ang sorry nila. Ako naman, nasa gate lang ako
ng EDSES at hindi na sumali sa usapan ksi walang abogado ang panig ng magulang. At mas mabuti
na magkausap sila ng masinsinan. I was assured by the Supervisor theyr handling it well and I
trusted them.

Haaay salamat sa Diyos.

Pero parang may kulang.

Samantala, narito ang reaksiyon ng mga netizens sa balita tungkol sa pag-aayos ng dalawang panig.

The parents together with Mr. Tulfo should make a public apology. They humiliated the teacher, thus
it is rightful to give them a dose of their own medicine.

Tama! Dapat lang kasi pati anak ni teacher na trauma din.

Public apology po dapat kasi public shaming ginawa nila kay teacher. Nalabag po ba ni Mr. Tulfo
ang magna carta? Dapat po malaman nya yun para huwag na siyang umulit. Thanks ng marami Atty.

I used to love the show of Raffy Tulfo but I noticed kadalasan mali na ang nangyayari, yung maid na
gustong perahan ung amo, nakaligtas sa utang niya sa amo niya.

Public apology from the parents, lola and Tulfo in Action. Maging leksyon po sana yan sa mga
magulang na masyadong OA sa mga anak at sa mga taong hindi marunong balansihin ang
sitwasyon.
Nakipagbati ang magulang kc na-bash sila. Akala nila porket pumnta cla ky tulfo kakampi na lahat sa
knila. E pno nmn yung khihiyan ng titser?

Tulfo should receive his sanction for what he did, feeling may katungkulan sa Judicial System, may
hatol agad sya!

Matatandaang nagpahayag ng kagustuhang makatulong sa guro si Atty. Estrada matapos ang


diumano'y sinapit na pamamahiya matapos magreklamo ang lola at magulang ng isang mag-aaral na
dinisiplina ng guro.

Ayon din sa abogado, may karapatan din ang guro na nalabag matapos ipalabas sa programa ni Mr.
Raffy Tulfo ang episode tungkol sa pagrereklamo ng magulang ng bata.

Atty. Joseph Noel M. Estrada


on Thursday
Kasama ko na po si Teacher Melita. Sasagutin po namin sa tamang forum kung meron pong
complaint sa kanya. Pero sana po ay wag pagpyestahan sa media ang video at ang interview nya sa
isang tv program.

Kawawa din ang mga anak nya na OFW na pati sa mga katrabho nila, balitang balita na ang
nangyari sa ina at lubos silang nag aalala.

Una sa lahat hindi nya alam na naka live sa tv ang usapan nila ng host. It’s unfair to her. This is
violative of her right to due process.

Pangalawa, ang cctv recording ay hindi dapat ipinapakalat ng walang pahintulot ng mga tao na
nakuhanan. Sino naglabas? Hindi lang po si teacher ang nasa cctv recording, may mga menor de
edad din sa video.

The public school teacher deserves the right to be heard. Ang nakita lang po natin ay ang video. Pero
hindi po alam ng karamihan na kaya pinalabas ang bata sa classroom ay nakikipag away din ito sa
kaklase nya. Bukod pa sa hindi nito pagsaoli ng card na paulit ulit nang pinapaalala, may nakaraan
nang insidente kasi na natapunan ng tubig ang card ng bata nang isaoli ito. Kaya sguro ganun na
lang ang kagustuhan ni teacher na maibalik na ito.

Nagkaroon na ng pag uusap sa harap ng principal ang lola at magulang ng bata at humingi na din ng
paumanhin si teacher. Ngunit ang gusto nila ay mag resign na si teacher at matanggalan ng license.
At nang hindi ito nangyari, sila ay dumulog sa isang tv program. Kawawa naman. 29 years as a
public school teacher, she does not deserve this public humiliation and ridicule or lose her job and
license to teach.

Tandaan po natin, our teachers are special parents of the students while they are in their supervision,
instruction, or custody. As special parent, the teacher’s authority includes the duty discipline the
students.

I do not see any abuse done by the teacher. The disciplinary action imposed by the teacher is the
necessary consequence of the child’s misconduct.

Paalala din po sa mga magulang. Our duties as parents include, coordinating and cooperating with
the school in implementing school discipline.

I also encourage everyone to make sure the personal details and photos or videos of minors involved
are not shared or divulged.

Salamat po.
Samantala, iimbestigahan diumano ng Kagawaran ng Edukasyon ang insidente.

Matatandaang umani ng batikos mula sa publiko ang paghingi ng tulong ng magulang ng mag-aaral
na pinaupo ni Gng. Limjuco sa labas ng silid-aralan matapos nitong masangkot sa gulo at maiwan
ang report card nito. Hiniling ng magulang at lola ng bata na matanggalan ng lisensiya ang guro.

You might also like