You are on page 1of 14

1

KABANATA 1

Ang Suliranin at Sandigan Nito

Panimula

Ang mga kulay ay bahagi ng ating mundo. Ang mga ito ay hindi lamang basta-basta

naririto sa mundo. Ang mga kulay ay nagagamit natin sa maraming paraan. Ito ay

mayroong mahalagang ginagampanan sa ating buhay.Lahat ng mga kulay ay mayroong

kani kaniyang simbolismo o kahulugan sa mga relihiyon, kultura, politika at iba pa.

Halimbawa na lamang ay kapag Araw ng mga Puso, kadalasan ay ang kulay na pula ang

ginagamit dahil maaaring ang pula ay sumisimbolo sa pag-ibig.

Ang mga kulay daw ay nagagamit din sa pakikipagkomunikasyon. Halimbawa ay

ang trafficlights na mayroong kulay na berde, dilaw at pula. Kapag pula ay hindi pa

maaaring tumawid, kapag naman dilaw ay dapat maghanda na, at kapag naman berde ay

maaari ng tumawid. Sa halimbawang iyon ay naipakita na magagamit talaga ang mga

kulay para makipagkomunikasyon sa iba.

Kapag ba nakakakita ka ng kulay na asul ay nagiging kalmado ba ang iyong

pakiramdam? Kapag ba nakakakita ka ng kulay na dilaw ay nagiging masaya ka ba?

Hindi rin lamang sa pakikipagkomunikasyon nagagamit ang mga kulay. Ito rin ay

nakakaapekto sa mood ng tao. Maaaring kapag ikaw ay nakakita ng isang kulay ay

mababago nito ang iyong mood o pakiramdam. Katulad na lamang ng pula na maaaring

1
2

kapag ito ay iyong nakita, ikaw ay makararamdam ng gutom. Kaya't kung iyong

mapapansin, karamihan sa fast food chains ay mayroong kulay pula sa kanilang logo.

Mahalaga na malaman natin ang mga epekto ng mga kulay sa ating mood o

pakiramdam. Kapag alam natin ang mga epekto ng kulay ay maaari nating magamit ito

sa pang araw-araw nating pamumuhay, at mas magiging maalam tayo sa ating paligid. Sa

pananaliksik na ito ay malalaman pa natin ang sikolohikal na epekto ng mga kulay sa

mood ng tao, at malalaman din natin ang sanhi kung paano nito naaapektuhan ang mood

o pakiramdam ng tao.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay nagnanais na makita ang epekto ng mga kulay sa mood ng mga

Mag-aaral.

Pinagsikapan nitong matamo ang kasagutan sa mga sumusunod na sukiranin:

1. Ano ang propayl ng mga tagatugon sa mga sumusunod na barbyabol?

a) Edad

b) Kasarian
3

2. Sa paanong paraan nakatutulong ang kulay sa pagkatuto ng maayos?

3. Nakatutulong ba ang kulay upang maipakita ang nadarama ng isang indibidwal? Sa

paanong paraan?

4. Ano-anong espesipikong kulay ang nakakaapekto sa mood ng mga mag-aaral?

5. Paano masasabing nakatutulong ang kulay para mabago ang mood ng isang

indibidwal?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay mahalaga at kapaki-pakinabang sa mga sumusunod

Mga Mangangalakal. Mabatid at magamit ang epekto ng kulay sa panghihikayat sa mga

mamimili. Mabigyang pansin ang tamang paggamit ng kulay upang maisalarawan ang

kanilang pakay sa pamamagitan ng kanilang logo

Mga Guro. Mabatid at mabigyang pansin ang mga epekto ng mga kulay na gagamitin sa

pagpukaw ng atensiyon ng kanilang mga mag-aaral.


4

Mga Mag-aaral. Mabatid ang epekto at kahalagahan ng kulay sa kanilang mga gawaing

pampaaralan tulad ng poster making, pagpipinta, at marami pang iba.


5

Sakop at Limitasyon

Sakop ng pag-aaral na ito ang mga mag-aaral na nasa ikalabing-isang baitang ng Baliuag

University.

Hindi sinakop ng pag-aaral na ito ang mga mag-aaral na nasa ikalabing-dalawang

baitang.
6

KABANATA 2

Kaugnay na literatura at pag-aaral

Ipinakikilala ng kabanatang ito ang mga piling literaturang may kaugnayan sa

kasalukuyang pag-aaral. Ang pagsusuri ng mga literatura at pag-aaral na ginawa sa

pananaliksik ay nagbibigay ng mas mayamang kaligiran at direksyon sa paghahanda at

paggawa ng naturang pag-aaral.

“Dahil sa pagkakaiba-iba ng mga kultura, nagkakaroon din ng iba't ibang

interpretasyon o konotasyon ang mga tao sa kulay. Isang halimbawa ay ang pagkakaiba-

iba ng pananaw ng mga taga-Asia sa mga taga-Aprika pagdating sa kulay na pula. Sa

Asia, lalo na sa silangang bahagi, ang kulay na pula ang sumisimbolo sa pagsasaya at

suwerte. Sa kabilang banda, naniniwala ang mga taga-Aprika na pagdadalamhati ang

kahulugan ng kulay pula”. (Mga Saksi ni Jehova, 2013) Pinatutunayan ng artikulong ito

na ang kulay ay may malaking epekto sa pagkakaiba-iba ng pananaw ng mga tao base sa

kanilang nakasanayan.

Sa ating bansa, isa sa mga naging isyu pagdating sa interpretasyon ng mga kulay ay

ang paggamit ng panulat na kulay pula sa pagwawasto ng mga papel. Ayon sa ulat ni

Tricia Zafra sa GMA news "Saksi" (2017), posibleng gamitin ang kulay luntian sa

pagwawasto ng mga papel ng estudyante. Ayon sa punong-guro na nagpanukala nito, "It's

the color of hope [green]. For those naman na gumamit niyan, ang sabi nila, mas

6
7

naging masaya ang mga bata kasi nga yung positive connotation. Sinasabi rin nila na

kaya pa to make their work better." Ito ay may kaugnayan sa pag-aaral dahil sinasabing

ang kulay ay may malaking epekto sa pagbabago ng mood ng isang mag-aaral.

Pinapatunayan nito na ang bawat kulay ay may iba’t ibang kahulugan na nakakaapekto sa

mood ng tao.

“In clothing, interiors, landscape, and even natural light, a color can change our

mood from sad to happy, from confusion to intelligence, from fear to confidence. It can

actually be used to “level out” emotions or to create different moods”. (Aves, 1994)

Pinatutunayan nito na maging sa bagay na nakapaligid sa atin ang kulay ang siyang

nagbibigay ng sigla at pakahulugan ng isang bagay.

Ayon kina Kurt at Osueke (2014), “The ambiance of the interior space affects the

users’ behaviors and perception of that place by influencing their emotional situation”.

Iniuugnay ito sa pananliksik sapagkat nilalayon nitong maipabatid na ang kulay ay

nagbibigay ng magandang pakiramdam sa mga tao.

Ayon kina Mehta at Zhu(2009), “Different colors enhance different achievement

motivations, which can then affect the performance on different types of cognitive tasks”.

Nais maipabatid ng mananaliksik na may mabuting epekto ang pagkakaroon ng iba’t

ibang kulay na nagbibigay ng magandang pakiramdam sa nakakakita dito.


8

Ayon kay Wright (2008) defines it as the effects of the electro-magnetic radiation of

light on human mood and behavior—a universal, psychophysical reaction, which is not

as heavily influenced by culture, age, and gender as is generally thought. Iniuugnay ito

sa pananaliksik dahil ito ay tumutukoy sa epekto ng kulay sa isang tao.


KABANATA 3

Pamamaraan ng Pag-aaral

Sa kabanatang ito matatagpuan ang mga pamamaraang ginamit sa paggawa ng

pananaliksik na ito. Naririto ang mga disenyong ginamit sa pananaliksik, lokasyon kung

saan isinagawa ang pag-aaral, mga naging tagatugon at ang talatanungan.

Pamamaraan

Ang paglalarawan na may kasamang paggamit ng sarbey (descriptive-survey method)

ang disenyong ginamit sa pananaliksik na ito. Sa pagsagawa ng pananaliksik, gumamit

ng talatanungan (survey questions) upang makakuha ng mga impormasyon. Sa

disenyong ito, ang mananaliksik ay naniniwala na nararapat ang disenyong ginamit

sapagkat hindi magiging limitado ang magiging sagot ng mga tagatugon at mas magiging

sakto ang kanilang sagot.

Lokasyon

Ang Baliuag University ay isang pribadong unibersidad na matatagpuan sa Baliwag,

Bulacan, kung saan dito isinagawa ang pananaliksik upang makalikom ng mga datos.

9
10

Tagatugon

Sa pananaliksik na ito, ang mga mag-aaral ng Grade 11 mula sa Baliuag University ang

mga tagatugon. Labing-limang mag-aaral ang kabuuang bilang ng mga tagatugon sa pag-

aaral na ito.

Talatanungan

Ang talatanungan ay naglalaman ng labinglimang katanungan alinsunod sa mga tiyak na

suliraning inilalahad sa pag-aaral na ito. Layon nitong alamin: (a) ang kasarian at edad

ng mga tagatugon; (b) ang mga gawaing may kinalaman sa pagpapaganda ng mood ng

mga mag-aaral; (c) ang alternatibong bagay para mas mahikayat magaral ng mabuti ang

mga mag-aaral sa pamamagitan ng kulay; (d) ang epekto ng kulay sa pagpapalago ng

kaalaman ng mga mag-aaral; (e) ang epekto ng kulay sa paguugali ng mga mag-aaral.

Paraan ng Pangangalap ng Datos

Ang unang ginagawa ng mananaliksik ay ang talatanungang sumasaklaw sa mga

nakalahad na suliranin ukol sa paksa. Pagkatapos ay gagawa sila ng liham pahintulot na

pinansin at nilagdaan ng kanilng guro sa Filipino. Ang liham pahintulot ay ibibigay sa

punong-guro ng Baliuag University Senior High School kalakip ng talatanungan.

Pagkatapos itong aprubahanng punong-guro ng paaralan ang mga mananaliksik ay


11

nakipag-usap sa mga gurong tagapayo ng ikalabing-isang baitang upang ipagpaalam ang

gagawing sarbey. Pagkatapos nito, nagsagawa na ng sarbey ang mananaliksik sa mga

mag-aaral. Matapos makalap lahat ng datos, nilikom ng mga mananaliksik ang mga

talatanungan upang masuri at mapagkumpara ang nakalap na datos. Pinakahuli nilang

ginawa ay ang pagtatally ng mga datos na nakuha upang makagawa ng kongklusyon.


Talasanggunian

Aves, M., & Aves, J. (1994). Interior designers’ showcase of color. Gloucester, MA:

Rockport Distributed by AIA Press.

Mehta, R. & Zhu, R. (2009). Blue or red? Exploring the effect of color on cognitive task

performances. Science, 323, 1226-1229.

Zhu, R. & Meyers-Levy, J. (2007). Exploring the cognitive mechanism that underlies

regulatory focus effects. Journal of Consumer Research, 34.

Wright, A. (2008). How it works. Retrieved from http://www.colour-affects.co.uk/how-it-

works

12
13

Magandang araw po!

Kami po ay mga mag-aaral ng SOCSCI mula sa Baliuag University Senior High

School na kasalukyang magsasagawa ng isang sarbey bilang parte ng pagtupad sa

pangangailangan namin sa asignaturang Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. Ang

aming pangkat ay naatasang magsagawa ng isang pananaliksik na pinamagatang “Ang

Sikolohikang Epekto ng mga Kulay sa Mood ng mga mag-aaral ng baitang 12 ng

Baliuag University”. Ang mga makukuhang datos ay magsisilbing daan sa malalim na

pag-aaral na ito. Kaugnay po nito, hinihingi po namin ang inyong pakikiisa sa pagtugon

sa mahahalagang katanungan na siyang gagamitin sa pag-aaral na ito at ipinapangako po

namin na ang lahat ng nakasulat sa sarbey ay mananatiling kompidensyal.

Maraming salamat sa inyong kooperasyon.

Pangalan : Edad :

Strand/Section : Kasarian :

Punan ng tsek ang kahon ng sariling kasagutan batay sa kung ikaw ba ay: (5) Labis na

Sumasang-ayon, (4) Sang-ayon, (3) Neutral/Balanse, (2) Di-sang-ayon o (1) Labis na Di-

sumasang-ayon.

Tanong 5 4 3 2 1
1 Pabago-bago ba ang kulay na iyong gusto?
2 Sa paglipas ng panahon nagiiba ba ang

pagkakaintindi mo sa kulay sa iyong paligid?


3 Mahilig ka ba sa iba’t ibang kulay?
4 Mas komportable ka ba kung nakakakita ka ng

makulay na larawan?
5 Kinakailangan ba ang kulay sa iyong paligid para

13
14

matuto ka ng maayos?
6 Mas maayos ka bang nakakapag-aral kapag

nakakakita ka ng kulay na gusto mo?


7 May kulay na nakakapagpakalma sakin.
8 Binabagay ko ang kulay ng aking damit sa aking

nararamdaman.
9 Naiuugnay ko ang aking pakiramdam sa kulay sa

aking paligid.
10 Sa lahat ng aking gagawin may isang kulay na

hindi nawawala.
11 Mas gusto ko yung madilim na kulay.
12 Mas gusto ko ng simple at malinis na kulay.
13 Pabagobago ang aking mood depende sa aking

nakikita.
14 Gumaganda ang araw ko kapag nakakita ako ng

kulay na nakakapagpakalma sakin.


15 May kulay na nagsisilbing motibasyon ko kapag

may roon kaming pagsusulit.

14

You might also like