You are on page 1of 8

RISHMA JANE S.

VALENCIA
BAHRM1A
SINESOS
Pagsusulit

I. Panuto: Tukuyin ang mga angkop na kasagutan sa mga katanungan.

1. 16-20 na taong gulang


2. Teoryang Marxismo
3. Teoryang Feminismo
4. Teoryang Realismo
5. Teoryang Formalismo
6. Mga Tauhan/Karakterisasyon
7. Banghay/Plot at/o Sinopsis at/o Buod
8. Sinematograpiya
9. Panlipunang Nilalaman
10. Malayang Pagbabahagi at Sariling Saloobin ukol sa mensahe ng pelikula

II. Panuto: Pumili ng isang pelikula na malapit sa iyong puso, tukuyin kung anong
dulog ito sa pagsusuri ng pelikulang Pilipino. Suriin ito gamit ang mga sumusunod:
A MOTHER STORY

Mga Tauhan: Remedios “Medy” Santos (Pokwang) – isang makeup artist na naging tnt
sa America sa kagustuhang mabigyan ng magandang buhay ang kaniyang
pamilya.
Queenie Santos (Zyriel Manabat) – bunsong anak na babae ni Medy na
may sakit sa baga.
King Santos (Raayver Cruz)– panganay na anak ni Medy na may sama ng
loob sa kaniyang ina dahil iniwan siya nito ng mahabang panahon.
Gerry Santos (Nonie Buencamino) – asawa ni Medy na walang trabaho
Choleng – ang nanay ni Medy na nagkumbinsi sa kaniyang magtrabaho sa
ibang bansa
Helen – dating kamagaral ni Medy na nagkumbinsi sa kaniyang manatili
sa America.
Celia – kumare ni Medy na nagaalaga sa kaniyang mga anak. Ang
kalaguyo ng Gerry.
Neneng – matalik na kaibigan ni Medy
Cherry – ang batang kaniyang inaalagaan ni Medy sa ibang bansa. Siya
ang nagbigay ng passport ni Medy upang ito ay makauwi ng Pilipinas.

Banghay/Buod: Si Medy ay isang make-up artist ng isang popular na artista, siya ay may
dalawang anak na si King at Queenie. Ang kaniyang asawang si Gerry ay
walang trabaho kaya siya lamang ang bumubuhay sa kanilang pamilya.
Siya ay napiling isama ng artista sa ibang bansa doon ay nakita niyang
muli si Helen na dati niyang kamag-aral. Kinumbinsi siya ni Helen na
maging isang tnt at manatili nalamang sa America. Si Medy ay
nagdesisyon na manatili sa America sa kagustuhan niyang kumita ng
malaking pera upang mapagamot ang bunsong anak na si Queenie na may
sakit sa baga.
Maayos naman ang unang trabaho sa ibang bansa ngunit hindi padin sapat
ang kinikita niya kaya naisipan niyang maghanap pa ng ibang trabaho. Sa
tulong ni Helen nakakuha siya ng trabaho bilang katulong. Sa una ay
maganda ang pagtrato sa kaniya ng kaniyang mga amo ngunit matapos
mag maraming taon ay pinagmalupitan na siya ng mga ito ay kinuha ang
kaniyang pasaporte. Sa kabutihang palad, ang kaniyang inaalagaang bata
na si Cherry ay tinulungan siyang makuha ang kaniyang pasaporte kaya
siya ay nakauwi ng pinas.
Nakauwi na si Medy ng Pilipinas matapos ang pitong taon sa ibang bansa.
Siya ay umuwi ng walang pera miski isang kusing. Ang kaniyang mga
anak na musmos pa lamang ay malalaki na. Madali niyang nakuha ang
loob ng kaniyang bunsong anak na si Queenie ngunit masama naman ang
loob sa kaniya ng kaniyang panganay na anak na si King. Nalaman
niyang may iba ng kinakasama ang kaniyang asawa. Matapos ang ilang
taon nanalo si Medy sa sinampa niyang kaso sa kaniyang mga amo at
nakipaghiwalay na din siya sa kaniyang asawa. Ang kaniyang anak na si
King ay nakapagtapos na bilang nurs at nagdesisyon na magtrabaho sa
ibang bansa. Naging maayus na ang pamumuhay ni Medy sa Pilipinas
kasama ang kaniyang ina na si Choleng at anak na si Queenie matapos ang
maraming taon na paghihirap.

Sinematograpiya: Ang pagkakadirekta ng pelikula at ang mga tunggalian ng mga karakter ay


mas nabigyan ng maayos na konbiksyon. Ang paggamit ng iba’t-ibang
anggulo sa pagkuha ng mga senaryo ay nagsilbing daan upang mas lalong
makuha ang atensyon ng mga manonood. Ang paggamit ng mga musikang
madamdamin ay mas nagdagdag ng bigat sa mga eksena.

Panlipunang Nilalaman:
Teoryang Feminismo
Ang pelikula ay nagpapakita ng buhay ng isang ulirang ina na sa
kagustuhang mabigyan ng magandang buhay ang kaniyang pamilya ay
nakipagsapalaran sa ibang bansa. Ito ay nagpapakita ng kaniyang
pahihirap sa pagtratrabaho malayo sa kaniyang pamilya, ang pagkasira ng
kaniyang pamilya buhat ng pangangaliwa ng kaniyang asawa at ang
kaniyang pagbagon upang matugunan ang pangangailangan ng kaniyang
mga anak.

Malayang Pagbabahagi at Sariling Saloobin Ukol sa Mensahe ng Pelikula:


Ang pelikula ay nagbigay nagsilbing aral sa akin. Ngayon ay mas lalo ko
ng hinangaan ang mga kababayan nating mga OFW. Sila ay naghihirap sa
ibang bansa at nagsasakripisyo upang matugunan lamang ang mga
pangangailangan ng kanilang pamilya. Ipinakita din ng pelikula na ang
kahalagahan ng pamilya.
HENERAL LUNA

Mga Tauhan: Heneral Antonio Luna (John Arcilla) – isang matapang na heneral na
lumaban sa digmaan Pilipino vs. Amerikano. Siya din ang nagtatag ng
kauna-unahang akademiyang military sa Pilipinas.
Emilio Aguinaldo (Mon Confiado) – ang unang pangulo ng Republika ng
Pilipinas.
Apolinario Mabini (Epy Quizon) – kilala bilang “Dakilang Lumpo” ay
isang Teyorestang Pilipino na nagsula ng konstitusyon ng Unang
Republika ng Pilipinas noong 1899-1902
Eduardo Rusca (Archie Alemania) – isang kapitan na katulong ni Heneral
Luna sa pamumuno ng mga sundalong pinoy.
Paco Roman (Joem Bascon) – isang matapang na kanang kamay ni
Heneral Luna
Heneral Jose Alejandro (Alvin Anson) – isang sensador, propagandista,
inhinyero ng Kimiko
Felipe Buencamino (Nonie Buencamino) – Isang abogado,politico,
gabinete na isa sa nagtatag ng Iglesia Filipina Independiente.
Heneral Gregorio Del Pilar (pinaka batang heneral na lumaban sa digmaan
Pilipino vs. Amerikano.
Jose Bernal (Alex Medina) – isang kapitan ng panahon ng digmaang
Pilipino vs. Amerikano
Heneral Arthur MacArthur Jr. (Miguel Faustmann) – Gobernador-Heneral
Laureana Luna (Bing Pimentel) – ang nanay ni Antonio Luna
Jan Luna (Allan Paule) – kuya ni Antonio Luna na kilala sa kaniyang
obrang “Spolarium”
Don Joaquin Luna (Dido de la Paz) – ang tatay ni Antonio Luna
Jose Rizal (Junjun Quintana) - isang matalinong doctor at manunulat na
pinakatanyag na tagapagtaguyod ng pagbabago sa Pilipinas noong
panahon ng kastila.
Andres Bonifaco (Nico Antonio) – Kilala bilang “Ama ng Katipunan” na
nagsilbing Supremo ng kilusang KKK
Isabel (Mylene Dizon) – isang babaeng nakilala bilang kaibigan ni Luna.
Banghay/Buod: Si Heneral Luna isang matapang at pinakamagaling na heneral sa Pilipinas
noong Digmaan Pilipino laban sa mga Amerikano. Dahil sa kaniyang
kagalingan at buong lakas na pagtatanggol sa Pilipinas laban sa mga
Amerikano ay maraming nainggit at nagagalit sa kaniya na kapwa niya
heneral dahil sa tingin nila ay mayabang ito. Kahit buong pagsisikap
siyang lumaban sa mga Amerikano ay hindi niya natalo-talo. Madaming
namatay na mga sundalo at sugatan sa bawat pagtutunggalian ng dalawang
pangkat, sa kabilang banda naman ang ibang kapitan ay nagpapakasaya
lamang. Ipinahiya ito ni heneral Luna Habang binabanggit ang Artikulo
Uno na kalaunan ay naging bansag kay Luna. Nagtatagumpay man si
Heneral Luna sa maraming laban ay marami din laban ang hindi niya
mapagtagumpayan kasabay ng alitan laban sa kapwa niya mga heneral
ukol sa pakikipaglaban sa mga Amerikano. Matapos nito nagpasya ang
president na si Emilio Aguinaldo na papiliin ang mga heneral kung sino
ang papanigan. Isang ara ay pinadalhan siya ng pangulo ng isang lihanm
na imbetasyon sa isang pagpupulong. Si Heneral Luna kasama ang dalawa
niyang kapitan ay nauna sa pagpupulong, ito na pala ang huling sandal
dahil ito ay isang patibong kung saan siya ay walang awa na pinatay ng
mga kawal at ng kapitan na kaniyang ipinahiya sa pamamagitan pagbaril
at pagsaksak sa kaniya ng walang tigil upang masigurado na siya ay
mamamatay.

Sinematograpiya: Ang paggamit ng iba’t-ibang paraan ng pagkuha ng tamang anggulo upang


maipakita ang pinakamensahe ng bawat eksena ay maayus na naipakita.
Ang pagpokus sa isang karakter ay mas lalong nagpatindi ng emosyon sa
tunggalian ng mga karakter. Ang paggamit ng itim at putting ilaw sa
madudugong eksena ay nakatulong upang hidi masyadong maasiwa ang
tao na manood. Ang paggamit ng mga instrumental na tugtugin ay
nagsilbing daan upang makuha ang atensyon at damdamin ng manonood
kahit walang linang sinasabi ang mga karakter.

Panlipunang Nilalaman:
Teoryang Realismo
Ang pelikula ay hango sa tunay na buhay ng isang kilalang bayani na si
Heneral Antonio Luna. Ito ay binase sa mga akda patungkol sa mga
pangyayari noong panahon ng Digmaan Pilipino vs. Amerikano. Ito ay
nagpakita ng mga pangyayari sa kasaysayan ng Republika ng Pilipinas.
Bagamat ito ay may halo na ng mga haka-haka at binigyan lamang ng
konting ideya sa totoong nagyari kay Heneral Antonio Luna.

Malayang Pagbabahagi at Sariling Saloobin Ukol sa Mensahe ng Pelikula:


Sa panonod ng pelikulang ito mas lalo kong hinngaan ang iba’t-ibang
bayani ng ating bansa na naging susi upang atamasa natin ang kalayaan
ngayon. Sa panonood din nito ay napaagtanto natin na ang korupsyon at
pagtataksil ng isang kakampi ay matagal ng sakit ng ating lipunan.
A SECOND CHANCE

Mga Tauhan: Popoy (John Lloyd Cruz) – isang mapagmahal na asawa at masipag na
inhinyero.
Basha (Bea Alonso) – isang matapang, maabilidad at masipag na
arkitekto. Ang mapagmahal at malagang asawa ni Popoy.

Banghay/Buod: Ang pelikula ay nagsimula sa pitong taong pagsasama ng mag-asawng si


Basha at Popoy. Isinantabi ni Popoy ang kaniyang pangarap sa Europa
upang mapakasalan si Basha. MAgkasama nilang binuo ang kanilang mga
pangarap na makapagtayo ng negosyo na akma sa kanilang propesyon
bilang arkitekto at inhinyero. Ang kanilang relasyon ay sinubok ng
maraming problema ngunit may isang malaking pagsubok ang nakaapekto
sa samahan nilang mag-asawa. Si Basha ay nakunan kasabay ng
pagdadalamhati niya sa kawalan ng anak, si Popoy naman ay pilit na
tinatago ang lungkot na nararamdaman upang magsilbing lakas sa
kaniyang asawa. Matapos ang isang problema ay nagkaroon naman ng
trahedya yun ay ang pag-guho ng isang gusal na parte ng kanilang
proyekto na kailangan nilan gastusan, kasabay nito ay ang kawalan nila ng
mga bagong proyekto kaya sila ay nabaon sa utang. Ang sunod-sunod na
problema ay naging dahilan ng walang hanggang alitan ngunit sa tulong
ng kanilang kaibigan sila ay muling nagkaayus. Nilihim ni Popoy kay
Basha ang mga nagyayari sa kanilang kompanya ngunit nalaman din ni
Basha ang nagyari sa kanilang negosyo kaya siya ay nawalan ng tiwala
kay Popoy.Inayos ni Basha ang pamamalakad sa kompanya ng hindi
hinihingi ang tulong at opinion ni popoy. Ang hindi pagkakasundo ng
mag-asawa ay nanauwi sa matinding away na naging dahil upang
magdesisyon sila na maghiwalay. Si Popoy ay pumunta ng Europa upang
matupad ang kaniyang pangarap. Matapos ang mahabang panahon na
magkalayo sila ay sa huli ay nagbalikan din ang mag-asawa kasama ang
pangako sa isa’t-isa na mas lalo nilang pagtitibayin ang kanilang relasyon.
Isang relasyon na binuo ng pagmamahalan at pagtitiwala sa isa’t-isa.

Sinematograpiya:
Ang pelikula ay gumamit ng iba’t-inag anggulo sa pagkuha ng mga eksen
na nagbigay ng kulay sa mga pangyayari at tagpuan ng istorya. Ang
pagpokus sa mukha ng nagsaslita ay mas nagpatindi ng damdamin ng
bawat eksena. Ang musika ay mas nagpalitaw ng damdamin ng mga
karakter sa bawat tunggalian. Ang paggamit ng musika ay naangkop dahil
ang kanta na ginamit ay nagpapahayag ng mensaheng naaangkop sa
storya.
Panlipunang Nilalaman:
Teoryang Formalismo
Ang pelikula ay nagpapakita ng isang maayus na paraan ng pagdederekta.
Sa umpisa pa lamang ay makikita na ang maayos na daloy ng
pagkakasunod-sunod ng pangyayari hanggang sa matapos ang storya.

Malayang Pagbabahagi at Sariling Saloobin Ukol sa Mensahe ng Pelikula:


Sa panonood ng pelikula ay ating matututunan ang kahalagahan ng
pagpapatawad, patitiwala, at pagiging tapat. Sa panonood nito ay aking
natutunan na hindi natin dapat pairalin ang ego at pride dahil ito ay walang
magandang maidudulot sa isang samahan..

You might also like