Professional Documents
Culture Documents
Marami ang tumutuligsa sa teoryang ito sapagkat naniniwala silang hindi lahat ng
mamamayan ay limitado ang kaalaman at hindi dapat na maging batayan sa paglahok sa mga
usapin at prosesong pampulitika ang intelekwal na kakayahan ng isang tao. Ang ganitong
paniniwala ay tahasang kumukontra sa prinsipiyo ng demokrasya na gumagalang sa Karapatan at
kontribusyon ng bawat isang mamamayan.
KARAGDAGANG KAALAMAN:
Dagdag pa ng mga tagapagtaguyod ng teoryag ito, kung hindi matuturuan nang tama ang
mga mamamayan, magiging mali o depektibo ang kanilang mga desisyon na makapagpapahina sa
sistemang politkal ng bansa. Binibigyan ng teoryang ito ang mga mamamayan ng tamang kaalaman
at kakayahang politikal upang maihayag ang kanilang saloobin at paniniwala.
KARAGDAGANG KAALAMAN:
*Every three years, Filipinos go to the polls to elect local government officials in all the 1,634 cities
and municipalities of the 81 provinces of the Philippines.
On May 13, 2019, three in every four or 47,296,442 of the nation’s total registered voters of 63,
643,263 cast their ballot. (The latter number excludes as yet the Overseas Absentee Voters or
OAVs.)
The Commission on Elections (Comelec) pegged at 76.9 percent the voter turnout in the last
balloting that was also synchronized with the election of 12 senators, and party-list and district
representatives.
Ayon sa Philippine Center for Investigation Journalism, isa sa bawat apat na Pilipino ang
nakilahok sa Halalan 2019 sa ating bansa.
PAGNILAYAN:
Paano mailalarawan ang bansang may mga mamamayang aktibo sa mga gawaing
pampulitikal?
Ang pakikilahok ng mga mamayan ay napg-aalab ng kanilang kagustuhan na mabigyang-
kahulugan ang mga konsepto ng opisisyong pulitikal at resposibilidada. Ang pakikilahok ang daan
upang maisabuhay o malimitan ang demokrasya sa lipunan at ang mga namumuno ay mapanagot
sa kanilang pinamumunuan. Sapagkat nagiging Malaya at pantay- pantay lamang ang mga tao kung
sila ay kabahagi ng mga pangyayari sa lipunan, ang pakikilahok ay nakikita bilang daan upang
matamo ang layuning ito. Dagdag pa rito, nakikitang tumataas ang kapakinabangan ng pamayanan
kung napagsama- sama ang talento at kakayahan ng mas maraming mamamayan.
PAGLALAHAT:
· Ang pakikilahok sa gawaing pulitikal at tumutukoy sa aktibong pagsali ng mga mamamayan sa
mga proseso sa pamahalaan na nakaaapekto ng direkta sa mga mamamayan.
· May tatlong uri ng pakikilahok sa mga gawaing pulitikal: tradisyunal o konserbatibo, alternatibo
at illegal na pakikilahok. Magkakaiba man ang paraan ng pagsasagawa at epekto sa pamahalaan
at lipunan, patuloy pa rin itong isinasagawa ng mga mamamayang mulat sa mga isyu ng lipunan.
· May iba’t ibang teorya kung bakit nakikilahok ang mga mamamayan sa mga usaping pampulitika:
a. Demokratikong Elitisismo (Democratic Elitism)
b. Pagpiling Rasyonal (Rational Choice)
c. Demokratikong Paglahok (Democratic Participation)
· Ayon sa mga mananaliksik, iba’t iba rin ang ang dahilan ng pakikilahok ng mga mamamayan sa
mga gawaing pampulitika. Maaaring ito ay dahil sa kanilang:
a. Ideyalismo
b. Responsibilidad
c. Pansariling Interes
d. Kasiyahan
· Gayundin naman, mayroong iba’t ibang dahilan ng hindi pakikilahok ng mga mamamayan sa mga
gawaing pampulitika. Maaaring ito ay dahil sa kanilang:
a. Pagiging kuntento
b. Kalayaan
c. Kawalan ng pagpapahalaga
d. Paglayo ng damdamin