You are on page 1of 31

Previous

LIT 1 MODYUL 1
Continue

Aralin 1 - University of Batangas Mission, Vision, Philosophy,


Goals and Objectives
Modyul 1 | Aralin 1 - University of Batangas Mission, Vision, Philosophy, Goals and
Objectives
Paunang Pagtataya
Susing Tanong:  Ano ang hangarin at layunin ng unibersidad sa akin bilang isang mag-aaral
at paano ito makatutulong sa akin sa pag-abot ng aking mga pangarap?
 
Mga Kasanayang Pampagkatuto:

1. Maging pamilyar at mabigkas ang PVMGO ng unibersidad


2. Maisapamuhay ang pilosopiya, misyon , bisyon at layunin ng unibersidad
3. Maipahayag ang saloobin at kaalaman tungkol sa isyung nailatag ng akda sa
pamamagitan ng isang liham na susulatin bilang gawaing pagganap
 
Mga Kagamitan/Nilalaman
Philosophy 
The University of Batangas, a stock non-sectarian, private educational institution, believes
in the pursuit of knowledge, values and skills necessary for the preservation and
improvement of the Philippine society. It has faith in the dignity of the human person, in
the democratic process, in the reward for individual excellence, and in the freedom of a
person to worship God according to his conscience. Thus, the institution believes that the
development of the individual as a person and worker is an effective means in building a
better family, community and nation, and a better world.
 
Vision 
We envision the University of Batangas to be a center of excellence committed to serve the
broader community through quality education.
 
Mission
The University of Batangas provides quality education by promoting personal and
professional growth and enabling the person to participate in a global, technology and
research-driven environment. 
 
Goals

1. To partner communities where literacy, livelihood, and technology transfer projects


can be implemented with the direct and indirect involvement of the UB family
2. To support medical and dental missions to indigent barangays in coordination and
cooperation with services and welfare organizations. 
3. To provide staff assistance, lecturers and training on Social, Cultural and Sports
components such as anti-drug abuse education, peace and order, theater arts, health
and safety, labor laws, cooperative, leadership, culture and sports, etc. 
4. To develop and strengthen the human and spiritual aspects of a person or individual
through enhancement programs like group dynamics, recollections, retreats, etc. 
5. To support environmental awareness and management programs and other
community development projects.
Objectives

1. Pursue academic excellence through continuing search for the application of truth,
and knowledge and wisdom via traditional and alternative modes of instructional
delivery. 
2. Promote moral and spiritual development through an integrated educational
process that will enhance human character and dignity; 
3. Develop cultural, economic and socio-civic conscience through an educational
content relevant to national development needs, conditions and aspirations; 
4. Strengthen involvement in community services through varied economic and
environmental projects; 
5. Attain institutional self-reliance through responsive programs for staff, facilities and
systems development; 
6. Ensure financial viability and profitability 
7. Adopt internationalization to meet the shifting demands in the national, regional
and global labor environment; and 
8. Increase the University's productivity and innovation in research, scholarship and
creative activities that impact economic and societal development 

Aralin 2 - Panitikan
Modyul 1 | Aralin 2 - Panitikan
 Kahulugan at Uri ng Panitikan
 Batayang Kaalaman sa Panunuring Pampanitikan
Paunang Pagtataya: 
Alamin natin ang iyong sariling pagpapakahulugan at pang-unawa sa salitang Panitikan.
Punan ng iyong kasagutan ang mga kahon sa ibaba.
 
Mga Kasanayang Pampagkatuto:

1. Maipahayag ang kahulugan at mga uri ng panitikan


2. Maipaliwanag ang batayang kaalaman sa panunuring pampanitikan at ang mga
katangian ng isang mabuting manunuri ng panitikan
3. Maipahayag ang mga isyung panlipunan  na kasalukuyang pinapaksa sa mga akdang
pampanitikan
4. Matukoy ang katangian ng  isang mabuting akdang pampanitikan
5. Maipahayag ang saloobin at kaalaman tungkol sa mga isyung ilalatag sa mga akdang
babasahin sa pamamagitan ng isang liham na susulatin bilang gawaing pagganap
 
Mga Kagamitan / Nilalaman
 
Kahulugan ng Panitikan
 
Mayaman ang Pilipinas sa iba’t ibang uri ng panitikan – mula sa mga unang akdang
pasalita hanggang sa mga kathang nakasulat. Nariyan ang mag bugtong at sawikain, ang
relihiyosong mga tula, ang pasyon, ang makukulay na awit at korido, ang mga akdang
rebolusyonaryo sa huling mga dekada ng ika-19 na dantaon, ang mga nobela at maikling
kwento, ang iba’t ibang uri ng dula, sanaysay, at ilan pang mga anyong pampanitikan.
Bagamat ang sistematikong pagkalap ng mga akda at ang pagsasaaklat ng mga ito ay
nagaganap pa rin sa kasalukuyan, marami nang pagtatangka na magbigay ng pagsusuri sa
naturang mga akda na tinaguriang panitikan.
Sa mga aklat na ginamit sa kolehiyo at unibersidad sa pagtuturo ng katutubong
panitikan, maraming sagot na ibinigay sa mga sumusunod na mahahalagang katanungan:
Ano ang panitikan? Ano ang kaugnayan nito sa buhay? Ano-anong mga elemento ang
bumubuo rito?
 
Kabilang sa mga kinagawiang sagot ang mga sumusunod na pormulasyon:
 Ang panitikan ay isang salamin, isang larawan, isang repleksiyon o
representasyon ng buhay/karanasan/lipunan/kasaysayan.
 Ito ay isang likhang-isip na ginagamitan ng mga salita o mga talinhaga upang
ipamalas ang aliw-iw at galaw ng buhay.
 Ito ay isang kathang nilikha upang mapagkunan ng aral o leksiyon na
mapagbubunga ng mambabasa o nakikinig sa sariling buhay.
 Ang panitikan ay tagapagpalaganap ng ng mga ideyal na kaisipan, mga adhika
at simulain, bukod sa pagiging instrument sa pagbuo ng karakter ng tao.
Iba pang kahulugan: 
 Ang Panitikan ay buhay dahil ito ay repleksyon ng pamumuhay at
pakikipamuhay ng mga tao sa  kanyang ginagalawang lipunan.
 Ang panitikan ay isang mabisang instrumento upang mapagbago ang
damdamin at isipan ng tao, at mapakilos siya ayon sa idinidikta ng kanyang
puso at isip.
 Hindi lamang lumilinang ng nasyonalismo ang panitikan, binubuhay at
pinasisigla  rin nito ang damdaming  pagpapahalaga  sa minanang kultura  na
binuo ng mga henyo  ng ating lahi. 
 Ayon kay Zeus Salazar “ang panitikan gaya ng wika ay hindi lamang 
lundayan at tagapagpahalaga ng ating kultura kundi  ito ay kuhanan-impukan
ng alinmang kultura.” Nilalaman at iniingatan  nito ang sining, karanasan,
tradisyon, at mga mithiin ng bawat bansa. 
 
Ano ang SOSLIT?
Ang SOSLIT ay isang kurso sa pag-aaral at paglikha ng panitikang Filipino na
nakatuon sa kabuluhang panlipunan ng mga tekstong literari sa iba’t ibang bahagi ng
kasaysayan ng bansang Pilipinas. Sinasaklaw nito ang mga isyung panlipunan na tinalakay
ng mga akdang Filipino tulad ng kahirapan, malawak na agwat ng mayayaman at mahirap,
reporma sa lupa, globalisasyon, pagsasamantala sa mga manggagawa, karapatang pantao,
isyung pangkasarian, sitwasyon ng mga pangkat minorya at/o marhinalisado, at iba pa.  

Anyo at Uri ng Panitikan


 
Ating muling alamin ang iba’t ibang anyo at uri ng panitikan gamit ang link sa ibaba.
Link: https://quizlet.com/45736496/flashcards 
 
Ang salitang Panitikan ay nagmula sa panlaping PANG- na nagiging PAN- kapag
inuunlapi sa salitang-ugat na nagsisimula sa D, L, R, S, at T. Sa salitang-ugat na TITIK, na
nakakaltasan ng T at nagiging [-ITIK] kapag nauunlapian. At sa hulpaping –AN na ang ibig
sabihin ay proseso o paraan. Samakatuwid, 
PANG+TITIK= PAN+TITIK= PANITIK+AN = PANITIKAN 
 
Ang panitikan ay nahahati sa dalawang anyo. 

1. TULUYAN o PROSA. Ito ay ang mga akdang nasusulat sa karaniwang takbo ng


pangungusap. Ito ay binubuo ng mga pangungusap at mga talatang may iisang diwa. 
2. PATULA o PANULAAN. Ito ay ang mga akdang nasusulat sa di-karaniwang takbo ng
pangungusap. Ito ay may sukat at tugma at nabubuo sa pamamagitan ng mga
taludtod na nabubuo sa isang saknong.
 
Mga Genre o Uri ng Panitikan 
 
Ang dalawang anyo ng panitikan na nabanggit sa itaas ay binubuo ng mga uri ng
panitikan. Ang tiyak na uri ng panitikan ay tinatawag na GENRE. Bawat genre ay naglalahad
at nagsasalaysay ng iba’t ibang layunin at pumapaksa sa maraming uri ng bagay o
pilosopiya. https://www.coursehero.com/file/28308819/Lektyur-Panitikanpdf/
 

1. Mga Akdang Tuluyan 


https://tnhsg9filipinomanlantao.wordpress.com/2014/10/25/ang-panitikan-at-
mga-uri/

1.

1. Alamat - pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig


2. Anekdota - tumatalakay sa kakaiba o kakatwang pangyayaring naganap sa
buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na tao
3. Nobela o kathambuhay - isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng
iba’t ibang kabanata
4. Pabula - mga hayop o kaya mga bagay na walang-buhay ang gumaganap na
mga tauhan
5. Parabula - maikling salaysay na maaaring nasa anyong patula o prosa na
malimit nangangaral o nagpapayo hinggil sa isang pangyayari, na kadalasang
isinasalarawan ang isang moral o relihiyosong aral
6. Maikling Kwento - isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang
pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan
o impresyon lamang
7. Dula - nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin nitong
itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado
8. Sanaysay – isang maiksing komposisyon na kailimitang naglalaman ng
personal na kuru-kuro ng may-akda.
9. Talambuhay - nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao hango sa mga
tunay na tala, pangyayari o impormasyon
10. Talumpati -  isang buos ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa
pamamagitan ng pagsalita sa entablado
11. Kuwentong-bayan - karaniwang kaugnay ang kwentong-bayan ng isang tiyak
na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain
12. Balita - mga iba’t-ibang makatotohanang pangyayari na nagaganap sa isang
lugar o bansa.
        2. Mga Akdang Patula
https://ebalagat.wordpress.com/2016/11/24/mga-akdang-patula/

a. Mga Tulang Pasalaysay - pinapaksa nito ang mahahalagang mga tagpo o pangyayari
sa buhay, ang kagitingan at kabayanihan ng tauhan.
b. Awit at Korido - Naglalaman ang isang awitin ng bahaging pang-tinig na
ginagampanan, inaawit at pangkalahatang tinatanghal ang mga salita (liriko),
karaniwang sinusundan ng mga intrumentong pang-musika. Ang korido ay isang uri
ng panitikang Pilipino, isang uri ng tulang nakuha natin sa impluwensya ng mga
Espanyol. Ito ay may sukat na walong pantig bawat linya at may apat na linya sa
isang stanza. Ang korido ay binibigkas sa pamamagitan ng pakantang pagpapahayag
ng mga tula.
c. Epiko - uri ng panitikan na tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng
isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may
mga tagpuang makababalaghan at di-kapani-paniwala.
d. Ballad - ang ballad ay isang uri o tema ng isang tugtugin.
e. Sawikain – idioma, moto, salawikain
f. Bugtong - pahulaan, o patuuran ay isang pangungusap o tanong na may doble o
nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan
g. Kantahin - (katulad din ng awit) mga awitin na matatagpuan sa iba’t ibang panig ng
lugar sa bansa
h. Tanaga - isang maikling katutubong Pilipinong tula na naglalaman ng pang-aral at
payak na pilosopiyang ginagamit ng matatanda sa pagpapagunita sa mga kabataan
 
Panunuring Pampanitikan
Pag-alam. Pagtantiya. Pagtimbang. Pagbusisi. Pagsipat.
Mula sa Introduksyon ni Rosario Torres –Yu, sa kanyang aklat na Kilates  hinggil sa
panunuring pampanitikan, kinikilates ng Filipino ang isang bagay para alamin o di kaya ay
tiyakin kung magugustuhan niya ito o di kaya ay tatanggaping mahalaga at may kabuluhan.
Sa kulturang Filipino inaalam muna kung ano ang isang bagay bago masabi kung
ano ang iniisip o di kaya ay niloloob tungkol dito. Sa pag-alam, tinitingnan itong mabuti o
sinisipat para makitang mabuti ang hindi agad nakikita sa unang tingin.
Ganito rin sa panitikan. Binabasa upang kilatisin sa klasrum ang isang tula, maikling
kwento, nobela, dula at iba pang anyo ng panitikan at teksto. Kinikilates ang akda upang
makabuo ng kahulugan at pagpapahalagang kaugnay nito.
Ang pagbabasa na may layuning kilatisin ang isang akda ay pumapasok sa gawain ng
kristisismo. Isa itong gawain o praktika na bahagi ng pampanitikang pag-aaral. Isa itong
espesyalisadong larangan sa loob nito. May kaugnayan ang kristisismo sa kabuuuang
produksyon ng panitikan, katunayan ay itinuturing na may mahalagang silbi dito. 
 
Katangian ng Isang Akdang Pampanitikan
Alamin ang mga katangian ng isang akdang pampanitikan gamit ang link sa ibaba. 
 Link:


 
 
Katangian ng Mabuting Kritiko
 
Ang mga sumusunod ang mga katangian ng isang mabuting kritiko:
 Matapat sa sariling itinuturing ang panunuri ng mga akdang pampanitikan
bilang isang sining
 Handang kilalanin ang sarili bilang manunuri ng akdang pampanitikan at hindi
manunuri ng lipunan, manunulat, mambabasa o ideolohiya
 Laging bukas ang pananaw sa mga pagbabagong nagaganap sa panitikan
 Iginagalang ang desisyon ng ibang kritiko na patuloy na sumasandig sa ibang
disiplina gaya ng linggwistika, kasaysayan at sikolohiya, atbp.
 Matapat sa sariling itinuturing ang panunuri ng mga akdang pampanitikan
bilang isang sining
 Matapat na kumikilala sa akda bilang isang akdang sumasailalim sa paraan ng
pagbuo  o konstruksyon  batay sa  sinusunod na alituntunin at batas.
 Ayon kay AGA,  kailangan ng isang kritiko ang tigas ng damdaming  naninindigan
upang maging tiyak na kapakinabangan ng panitikan ang kanyang 
pagmamalasakit
 
Batayang Kaalaman sa Panunuring Pampanitikan
 
Sa panunuri, nakikita ang bumubuo  sa pagkatao ng mga Filipino, kung ano ang
pinahahalagahan niya, at kung ano ang suliraning kinasasangkutan niya. Napapalutang nito
kung ano ang klase ng pamumuhay niya. 
Sinusuri o hinusgahan ang akda ng isang manunulat sa pamamagitan ng mga tanong
na:
 Ano ang sinasabi ng akda?
 Paano ito sinabi?
 Kailan ito nasulat?
 Sino ang sumulat?
 Para kanino ito isinulat?
Sa iyong mga gagawing pagsusuri sa asignaturang ito, maaari mong gamitin ang mga
katanungan sa ibaba upang higit pang mapalalim ang iyong pagkaunawa. 
 Anong karanasan na siyang paksa ng representasyon ng mga akdang
binasa ang tinutukoy sa pagbasa?
 Paano inilalarawan o nirerepresenta ang karanasan?
 Ano-anong mga pamamaraang pampanitikan ang ginagamit sa mga akda?
 Anong karanasan sa akda ang hinihingi nito na kasangkutan mo?
 Anong kamalayan ang pinaiiral ng akda?
 Bakit ganoon ang ugali/paniniwala ng mga tauhan?
 Ano-ano  ang minamahalaga sa paglalarawang ito? Bakit?
 Kaninong  ideolohiya ang sinusuportahan o di kaya ay  kinokontra ng
akda?
 Paano ito nagagawa ng teksto?
Para sa mga estudyante, ang kaalaman at kasanayang magmumula sa panunuri ng
panitikan ay hindi lamang magpapatalas sa mapanuring pag-iisip. Hahamon din ito  sa
aktibong pagsali sa mahahalagang usapin katulad ng pagbubuo ng kaalaman para makilala
ng Filipino ang kanyang sarili, ang kanyang pagkalahi at pagkabansa, para sa panlipunang
pagbabago.
 
Sanggunian: 
Balagat, E. (2016, November 24). Mga Akdang Patula. Retrieved from https://bit.ly/3eUGQpD
Choa, J.M. (n.d.). Ang Panitikan: Ang Anyo at mga Genre/Uri. Retrieved from https://bit.ly/39qJOBe
STEM Ptolemy. (2017, November 17). Katangian ng Isang Mahusay na Akdang Pampanitikan
[Video]. Youtube. https://bit.ly/2Ek4lMr
Torres-Yu, R. (2006) Kilates panunuring pampanitikan ng Pilipinas. The University of the
Philippines Press. Diliman, Quezon City.
Tnhsfilipinomanlantao. (2014, October 25). Ang Panitikan at mga Uri. Retrieved from
https://bit.ly/3hMjip5
 
Pansariling Pagtataya::

1. Ano ang mahalagang gampanin ng panunuring pampanitikan sa patuloy na


pagpapayaman ng sining at literatura?
2. Paano nakatutulong ang panitikan sa paghubog, paglago, at pagbabago ng lipunan?
3. Sa iyong palagay, anong mga pagpapahalaga ang maaari mong matutunan sa pag-
aaral at panunuri ng isang akda?

Aralin 3 - Liham sa Kabataaan ng Taong 2070 ni Genoveva


Edroza Matute
Modyul 1 | Aralin 3 - Liham sa Kabataaan ng Taong 2070 ni Genoveva Edroza Matute
Paunang Pagtataya
Susing Tanong:  Ano ang hangarin at layunin ng awtor sa pagsulat ng liham na ito para sa
kabataan ng 2070?
 
Mga Kasanayang Pampagkatuto:

1. Makilates ang tunay na layunin ng awtor sa kanyang liham para sa makabagong


henerasyon
2. Maipahayag ang kahalagahan ng pagmamahal at pagpapahalaga sa wikang Filipino
3. Mailarawan ang sitwasyon ng panahon noong isulat ang akda
4. Maipaliwanag ang sanhi at bunga ng mga suliraning panlipunan  sa mga piling akda
5. Maiangkop ang nilalaman ng mga akda sa kasalukuyang pangyayari
6. Maipahayag ang saloobin at kaalaman tungkol sa isyung nailatag ng akda sa
pamamagitan ng isang liham na susulatin bilang gawaing pagganap
 
Mga Kagamitan/Nilalaman
 
Pagkilala sa May-Akda
Si Genoveva Edroza-Matute (He·no·bé·ba Ed·ró·za Ma·tú·te) ay isang kilalá ng
kuwentista, mananaysay, at guro sa Filipino.
Isinilang siya sa Maynila noong 3 Enero 1915 kina Anastacio Edroza at Maria
Magdalena Dizon. Naging asa- wa si Epifanio Gar. Matute, ang lumikha ng sikat na
programa sa radyo at serye sa telebisyon na Kuwentong Kutsero noong dekada 50. Nag-aral
siyá sa Manila North High School (ngayon ay Arellano High School), Philippine Normal
School (PNS), Philippine Normal College (PNC na Philippine Normal University ngayon), at
University of Santo Tomas. Nagturo siyá nang 46 taon sa mga eskuwelahang Cecilio Apostol
Elementary School at Arellano High School, at naging tagapangulo ng Kagawaran ng
Filipino sa PNC.
Ang ilan sa mga kinatha niyang maikling kuwento ay “Leave-taking” at “Land of the
Bitter” na nailathala sa Manila Post Sunday Magazine at sa Manila Post Monthly. Ngunit higit
siyá ng kinagiliwan sa kaniyang mga kuwen- tong nagsusuri sa sikolohiya ng batà at hinggil
sa karanasan ng guro, gaya ng “Walong Taong Gulang,” “Noche Buena,” “Kuwento ni
Mabuti,” at “Paglalayag sa Puso ng Isang Bata.” Nailathala ang kaniyang antolohiya ng
maiikling kuwento at sanaysay sa Ako’y Isang Tinig noong 1952; ang ilan pang sumunod na
koleksiyon ay nasa Piling Mga Maiikling Kuwento 1939–1992, Sa Anino ng EDSA at Iba Pang
Mga Kuwento, at Tinig ng Damdamin. Nakapaglathala din siyá kasama ng kaniyang asawa sa
Mga Pagpapahalagang Pilipino sa Mga Akda: Mga Kuwento, Mga Sanaysay, Mga Dula noong
1992.
Kinilala ang husay ng kaniyang pagsusulat at dedikasyon sa pagtuturo ng mga
timpalak ng Don Carlos Palanca Memorial Awards 1950s–1960s; Outstanding PNS-PNC
Alumna Award noong 1966; Patnubay ng Sining at Kalinangan Award ng Maynila noong
1967; Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas
noong 1988; at Gawad CCP Para sa Sining noong 1992.
Edroza-Matute, Genoveva. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol
1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from
https://philippineculturaleducation.com.ph/edroza-matute-genoveva/

 
Mga Gawain bago Basahin ang Akda:
Bago basahin ang liham, panoorin ang bidyo sa ibaba at magbigay ng maikling ideya
ukol sa pamagat ng akda -  “Liham sa Kabataan ng Taong 2070”. 
 
 
Paksang Aralin: Narito ang sipi ng ng liham ni Genoveva Edroza-Matute.
Liham sa Kabataan ng Taong 2070
ni Genoveva Edroza-Matute             
                                    
Ika-2 ng Abril, 1970
 
Sa Iyo, Kabataan ng 2070,
Mula sa pusod ng malalim na pag-iisa ng nakahihindik na katahimikan ng pag-iisa. sinulat ko
ang liham na ito sa iyo, Kabataan ng 2070. Pinangangasahan kong kong hakdawin ang isang nuong
dantaon, ng ating salinlahi upang iabot sa iyo kabataan, ang butuhan ng kamay, ang di na matatag
na kamay, ang natubog na sa karumihan at katiwalian at madlang kasalanan na kamay. Upang
humingi ng kapatawaran sa ibibinhi ng kasalukuyang lahi. Upang mag-apuhap, upang umamot ng
anag-ag ng pag-asa sa gitna ng kalituhan ng kasalukuyang panahon.
Ngayo'y Araw ni Balagtas. May mga palatuntunan. May ilang pagdiriwang. May pangkat na
dadayo sa pangingay, Bigaa, Bulakan at mag-aalay ng mga bulaklak at papuri sa Bantayog doon ni
Balagtas. May ilang paalala sa ilang tanggapan at paaralan tungkol sa wika, tungol sa
pagpapahalaga sa wikang Filipino "Tagalog" . Naka-barongs [mabilis ang bigkas] ang mga gurong
lalaki at ang ilang pinunong namamahalan sa halaga ng ternong amerikana’t pantalon bukod pa sa
lubhang naiinitan (Abril ngayon), barongs na yari sa telang galing sa Hongkong. At tapos na ang
Araw ni Balagtas. Maikakahon na’t maitatago nang mahigpit upang ilabas na muli sa isang taon. Ang
mga baro’t saya, at barongs, pati na wika.
Bakit Barongs ang tawag namin ang itinatanong mo kabataan? hindi bayan ang dating
itinaguriang Barong-Tagalog? Oo. Ngunit dumami na ng dumami ang allergic, pinamamantalan ang
punong taynga sa salitang Tagalog. Gaya nanga ng wikang Tagalog, hindi Wikang Filipino. Kaya,
inalis na ang salitang Tagalog sa salitang Barong-Tagalog. Ginawang Barong na lamang, ngunit
sapagkat sa Ingles, Kapag marami'y dinaragdagan ng titik "s", Kaya't ang Barong ay nagiging
Barongs. Bakit bumilis ang bigkas? A, iyan ay sapagkat ang Pasay man ay naging Pasay (mabilis) na
at ang Davao ay naging Davao (mabilis) na. Kaya bakit ang Barongs ay hindi magiging barongs
(mabilis)? Paano nga pala ninyo malalaman, Kabataan ng 2070 na sa aming panahon ngayon, ang
makabago't sibilisadong Pilipino (tao ito, hindi wika), ay sadyang may iba nang paraan ng
pagsasalita, kahit ng sariling wika, kaysa mga kababayan nilang kinagigiliwang tawaging Bakya
Crowd? Kaya ang tinatawag na Bakya Crowd na Magsaysay ay binibigkas ng sibilisadong Pilipino na
magsighsigh; ang korehidor ay Koregidor; ang Romulo ay Romyulow; ang Pedro ay Pedrow; ang
Mang Teban ay Meng Teyven.. At ako nga pala, minsan, ay "naparangalan" ng isang makabagong
dalagang panauhin na may hawak na kapirasong papel na kinatatalaan ng pangalan ko, at
nagtanong sa akin, "Are you, Mrs... Mrs... Jhey-niw-ve-ib Mechu-chey?"
Nagtataka ka, kabataan ng 2070?Bakit, Ang tanong mo? Bakit ganoon, ang tanong mo?
Talagang ganito. Sapagkat "Status Symbol" ngayon ang makapag salita ng ingles na parang tunay na
Amerikano. Wa-Klas (walang Class) ang pagsasalitang Tagalog o Pilipino o Wikang Pambansa. Iyan
ay para sa mga utusan lamang. Yan ang lumitaw sa isang pag-aaral daw ng isang iskolar na may
isang ekspertong Amerikano bilang tagapayo: iyan daw ang sinabi ng isang Miss Universe na Pilipina.
Ni hindi para sa mga utusan sa mga aksesorya, kabataan. Hindi. Sapagkat sa mga aksesoryang katabi
ng aming bahay, pagkapanganak sa bata'y iniingles na, kaya't pati utusan ay umiingles na rin, kahit
pa ganito, "yu et na, Rechard... ha. Ay wil palo na yu, sige." Kaya ang wika nga, segun sa utusan ang
gagamit ng Filipino.
Ngunit bakit, ang ipinipilit mong itanong, kabataan? Bakit kayo nagkaganoon sa inyong
panahon sapagkat kami'y lutong-luto, ang wika nga, lutong-luto sa wika, kaya sa kaisipan man at sa
pag-uugali ay banyaga. Kung ano ang pinakakain ay siyang ididighay, hindi ba? Ilang pong taong
wikang banyaga ang pinakain sa amin, pagkain kasangkap. Mangyari pa nga ba ang kaisipan,
kalinangan, ugali, pamumuhay ng bansang sumakop. Ngunit ngayo'y 1970 na, ang pakli mo,
kabataan. Wala na ang banyangang sumakop, matagal na silang wala, dalawampu't limang taon na
kayong taon na malaya riyan bakit ganyan parin ang mga pag-iisip ninyo, pag-aasal ninyo? A, Hindi
mo nga pala alam, kabataan ng 2070. Maniniwala kabang dalawamput limang taon na kaming
malaya ngunit hanggang ngayon ay Ingles parin ang wikang panturo sa aming mga paaralan?
Naunahan na kami ng malayung-malayo ng mga kapit bansa natin, ng Indonesia at Malaysia na higit
na nahuling lumaya. Katakot-takot na mga pagsubok ang ginawa sa paaralan kung dapat na ngang
gamitin ang wikang pambansa.
Oo, pagkatapos ng dalawampu't limang taon na ng kalayaan! at gaya ng maasahan, hindi
nagdarahop ang aming mga nagpapakasangkapan sa dolar-Amerikano-makapangyarihang dolar,
masarap na pagllabay ng walang gugul, sarisaring Iskolarship iba't ibang paraan na pang-akit ng
makapangyarihang dollar deplomacy. Oo,kabataan ng 2070, saaming panahon ay "status symbol"
parin ang humingi ng paumanhin sa pagatul-gatol at pautal-utal na pagsasalita sa wikang
pambansa. Kalakaran parin sa mataas na pinuno, kahit sa pinakamataas, na magsimulang
magtalumpati sa wikang pambansa sa mga unang dalawang talataan, at mag-Ingles na pagkatapos.
Karangalan pa ring hindi raw maisaulo ang poambansang Awit sa Filipino. At sa isang kilalang
dalubhasaan ng mga nag-aaral sa pagiging guro, oo, magiging guro, napagkaisahan sa puliong ng
mga mag-aaral " hindi pa panahon upang magpulong sa Filipino" Kahit noon ay Linggo ng Wika ; at
isang "matalinong magiging guro ang humingi ng tuldok na ayos" (point of order) at "akin ang sahig"
(I have the floor), na siyempre nama'y binili nang gayon na lamang sa pamamagitan ng di-matapos-
tapos na halakhakan. At sa pasulatan ng nasabi ring dalubhasaan, ang "matalinong" patnugot ng
pasulatan ng Pitak-Filipino nang lumipat na sa Ingles ay nag-iwan ng ganitong pag-aglahi sa
kanyang mga kasamahan, "O, ano kayo? Hanggang diyan nalamang ba kayo sa Filipino?"
 
Gawain Pagkatapos Basahin ang Akda:
Panoorin ang bidyo sa baba upang higit na mapalalim at mas mabigyang kabuluhan ang
iyong nabasang akda.
 
Pansariling Pagtataya:

1. Kung ihahambing mo ang kasalukuyang estado ng wikang Filipino sa isang


konkretong bagay, ano ito? Bakit?
2. Ano ang maaari mong maging kontribusyon para sa patuloy na pagbibigay-buhay at
pagpapayaman sa ating sariling wika at natatanging kultura?

Aralin 1 - Panitikan hinggil sa Kahirapan Mabangis na Lungsod ni


Efren Abueg
Modyul 2 | Aralin  1 - Panitikan  hinggil sa Kahirapan
 Mabangis na Lungsod ni Efren Abueg
 
Paunang Pagtataya
Susing Tanong:  Ano ang hangarin at layunin ng awtor sa pagsulat ng kwento na ito?
 
Mga Kasanayang Pampagkatuto:

1. Maipaliwanag ang sanhi at bunga ng mga suliraning panlipunan  sa akda


2. Maiangkop ang nilalaman ng mga akda sa kasalukuyang pangyayari
3. Masuri ang tauhan batay sa kanyang kilos, gawi, paninindigan at paniniwala
gayundin ang pagkilala sa may-akda.
4. Mahinuha ang nilalaman ng kwento batay sa pamagat at mga kaugnay na pahiwatig
5. Maipahayag ang saloobin at kaalaman tungkol sa isyung nailatag ng akda sa
pamamagitan ng isang liham na susulatin bilang gawaing pagganap
 
Mga Kagamitan / Nilalaman
 
Pagkilala sa May-Akda

   Efren R. Abueg
Unang antolohiya ng kanyang mga katha ang BUGSO, ngunit marami na ring librong
pinamatnugutan si Efren Abueg, tulad ng Mga Piling Akda ng KADIPAN(1964), Mga Agos sa
Disyerto (edisyong 1965, 1974 at 1993), MANUNULAT: Mga Piling Akdang Pilipino (1970) at
Parnasong Tagalog ni Abadilla (1973).

Kinilala ang kanyang kakayahan sa pagsulat ng maiikling kuwento sa pagkakaloob


sa kanya ng anim na Taunang Gawad Carlos Palanca (1959, 1960, 1963, 1964, 1967, at
1974); unang gantimpala sa timpalak ng KADIPAN (1957), Pang-alaalang Gawad Balagtas
(1969); pangatlong gantimpala sa timpalak ng Pilipino Free Press(1969) at Mangangatha sa
Tagalog (1992) ng Unyon ng Manunulat ng Pilipinas. Sa nobela naman, nagwagi siya sa
timpalak ng Liwayway (1964, 1965, at 1967) at sa sanaysay ay nakamit niya ang unang
gantimpala sa timpalak ng KADIPAN noong 1958.

Kasama sa maraming teksbuk sa Filipino ang kanyang mga nagkagantimpalang


akda, aktibo siya sa pagtuturo ng wika at panitikan sa MLQ University (1965-1972),
Philippine College of Commerce (1971-72), Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (1974-77),
Ateneo de Manila University (1977-78) at sa kasalukuyan, propesor siya sa De La Salle
University. Naging pangulo ng Kapisanan ng mga Propesor sa Pilipino (KAPPIL, 1986-88),
at Linangan ng Literatura ng Pilipinas (Literary League of the Philippines) at direktor ng
Philippine Folklore Society.  http://panitikan.ph/2013/05/15/efren-abueg/

 
Gawain Bago ang Pagbabasa
Panuto: Bago basahin ang kwento sagutin ang ang mga katanungang ito:

1. Kailan isinulat  ni Efren Abueg ang kuwento?


2. Sino ang namumuno ng pamahalaan ng Pilipinas noong panahong ito ay isulat?
3. Ano ang kalagayan ng bansa ng panahong iyon?
4. Anong mga isyung panlipunan mayroon sa panahong iyon?
5. Ano ang sinasalamin ng kalagayan ng bayan sa kuwento ni Efren Abueg?
6. Anong problema o suliraning panlipunan ang binibigyang pansin sa kuwento?
 
Paksang Aralin: Narito ang sipi ng ng akda ni Efren R. Abueg.
MABANGIS NA LUNGSOD 
ni Efren R. Abueg
Ang gabi ay mabilis na lumatag sa mga gusali, lumagom sa malalaki’t maliliit na
lansangan, dumantay sa mukha ng mga taong pagal, sa mga taong araw-araw ay may
bagong lunas na walang bisa. Ngunit ang gabi ay waring manipis na sutla lamang ng dilim
na walang lawak mula sa lupa hanggang sa mga unang palapag ng mga gusali. Ang gabi sa
kalupaan ay ukol lamang sa dilim sa kalangitan sapagkat ang gabi sa kalupaan ay
hinahamig lamang ng mabangis na liwanag ng mga ilaw-dagitab.
Ang gabi ay hindi napapansin ng lalabindalawahing taong gulang na si Adong. Ang
gabi ay tulad lamang ng pagiging Quiapo ng pook na iyon. Kay Adong, ang gabi’y naroroon,
hindi dahil sa may layunin sa pagiging naroroon, kundi dahil sa naroroon katulad ng
Quiapo. Sa walang muwang na isipan ni Adong, walang kabuluhan sa kaniya kung naroon
man o wala ang gabi- at ang Quiapo.
Ngunit isang bagay ang may kabuluhan kay Adong sa Quiapo. Alisin na ang
nagtatayugang gusali roon, alisin na ang bagong lagusan sa ilalim ng lupa, alisin na ang mga
tindahang hanggang sa mga huling oras ng gabi’y mailaw at mabawasan ang mga taong
pumapasok at lumalabas doon, dahil sa isang bagay na hinahanap sa isang marikit na altar.
Sapagkat ang simbahan ay buhay ni Adong.
Kung ilang hanay ang mga pulubing naroroon at mga nagtitinda ng tiket ng
suwipistek, ng kandila, ng kung anu-anong ugat ng punongkahoy at halaman. At sa mga
hanay na iyon ay nakatunghay ang simbahan, naawa, nahahabag. At nakatingala naman ang
mga hanay na iyon, kabilang si Adong. Hindi sa simbahan kundi sa mga taong may puso pa
upang dumukot sa bulsa at maglapag ng konting barya sa maruruming palad. 
Mapapaiyak na si Adong. Ang tingin niya tuloy sa mga ilaw-dagitab ay parang mga
piraso ng apoy na ikinakalat sa kalawakan. Kangina pa siyang tanghali sa loob ng marusing
na bakuran ng simbahan, nagsawa na ang kaniyang mga bisig sa wala pang tunog ng
katuwaan. Bagkus ang naroon ay bahaw na tunog ng babala. Babalang ipinararamdam ng
pangangalam ng kaniyang sikmura at sinasapian pa ng takot na waring higad na
gumagapang sa kaniyang katawan.
“Mama... Ale, palimos na po.”
Ang maraming mukhang nagdaraan ay malalamig na parang bato, ang imbay ng mga
kamay at hiwatig ng pagwawalang-bahala, ang hakbang ay napapahalaga ng pagmamadali
ng pag-iwas.
“Palimos na po, ale... hindi pa po ako nanananghali!” Kung may pumapansin man sa
panawagan ni Adong, ang nakikita niya ay irap, pandidiri, pagkasuklam.
“Pinaghahanapbuhay ‘yan ng mga magulang para maisugal,” madalas naririnig ni Adong.
Nasasaktan siya, sapagkat ang bahagi ng pangungusap na iyon ay untag sa kaniya ni Aling
Ebeng, ang matandang pilay na kaniyang katabi sa dakong liwasan ng simbahan.
At halos araw-araw, lagi siyang napapaiyak, hindi lamang niya ipinahahalata kay
Aling Ebeng, ni kanino man sa naroroong nagpapalimos. Alam niyang hindi maiiwasan ang
paghindi sa kaniya ng limang piso, sa lahat. Walang bawas.
“May reklamo?” ang nakasisindak na tinig ni Bruno. Ang mga mata nito’y nanlilisik
kapag nagpatumpik-tumpik siya sa pagbibigay.
At ang mga kamay ni Adong ay manginginig pa habang inilaladay niya sa masakim
na palad ni Bruno ang salapi, mga baryang matagal ding kumalansing sa kaniyang bulsa,
ngunit kailan man ay hidni nakarating sa kaniyang bituka.
“Maawa na po kayo, Mama.. Ale.. gutom na gutom na ako!”
Ang mga daing ay walang halaga, waring mga patak ng ulan sa malalaking bitak ng
lupa. Ang mga tao’y naghihikahos na rin. Ang panahon ay patuloy na ibinuburol ng
karukhaan.
Ang kampana ay tumutugtog at sa loob ng simbahan, pagkaraan ng maikling sandali,
narinig ni Adong ang pagkilos ng mga taong papalabas, waring nagmamadali na tila ba sa
wala pang isang oras na pagkakatigil sa simbahan ay napapaso, nakararamdam ng hapdi,
hindi sa katawan, kundi sa kaluluwa. Natuwa si Adong. Pinagbuti niya ang paglalahad ng
kaniyang palad at pagtawag sa mga taong papalapit sa mga taong sa kaniyang
kinaroroonan.
“Malapit nang dumating si Bruno...” ani Aling Ebeng na walang sino mang
pinatutungkulan. Manapa’y para sa lahat na maaring makarinig. Biglang-bigla, napawi ang
katuwaan ni Adong. Nilagom ng kaniyang bituka ang nararamdamang gutom. Asng
pangambang sumisigid na kilabot sa kaniyang mga laman at nagpapantindig sa kaniyang
mga balahibo ay waring dinaklot at itinapon sa malayo ng isang mahiwagang kamay.
Habang nagdaraan sa kaniyang harap ang mga taon malamig, walang awa, walang
pakiramdam-nakadarama siya ng kung anong bagay na apoy sa kaniyang kalooban. Aywan
niya kung bakit gayon ang nararamdaman niya matapos mapawi ang kaniyang gutom at
pangamba. Kung ilang araw na niyang nadarama iyon, at hanggang sa ngayon ay naroroon
pa’t waring umuuntag sa kaniya na gumawa ng isang marahas na bagay.
Ilang barya ang nalaglag sa kaniyang palad, hindi inilagay kung inilaglag, sapagkat
ang mga palad na nagbibigay ay nandidiring mapadikit sa marurusing na palad na wari
bang mga kamay lamang na maninipis ang malinis. Dali-daling inilagay ni Adong ang mga
barya sa kaniyang lukbutan. Ilan pang barya ang nalaglag sa kaniyang palad. At sa
kaabalahan niya’y hindi na napansing kakaunti na ang mga taong lumalabas mula sa
simbahan. Nakita na naman ni Adong ang mga mukhang malamig, ang imbay ng mga kamay
na nagpapahiwatig ng pagwawalang bahala, ang mga hakbang ng nagmamadaling pag-iwas.
“Adong... ayun na si Bruno” narinig niyang wika ni Aling Ebeng.
Tinanaw ni Adong ang ininguso sa kaniya ni Aling Ebeng. Si Bruno nga. Ang malapad
na katawan, ang namumutok na mga bisig. Ang maliit na ulong pinapangit ng suot na gora.
Napadukot si Adong sa kaniyang bulsa. Dinama niya ang mga barya roon. Malamig. At ang
lamig na iyon ay waring dugong biglang umagos sa kaniyang mga ugat. Ngunit ang lamig na
iyon ay hindi nakasapat upang ang apoy na nararamdaman niya kangina pa ay mamamatay.
Mahigpit niyang kinulong sa kaniyang palad ang mga baryang napagpalimusan.
“Diyan na kayo, Aling Ebeng... sabihin ninyo kay Bruno na wala ako!” mabilis niyang
sinabi sa matanda.
“Ano? Naloloko ka na ba, Adong? Sasaktan ka ni Bruno. Nakita ka ni Bruno!”
Narinig man ni Adong ang sinabi ng matanda, nagpatuloy pa rin sa paglalakad, sa
simula’y marahan, ngunit nang makubli siya sa kabila ng bakod ng simbahan ay pumulas
siya ng takbo. Lumusot siya sa pagitan ng mga dyipni na mabagal sa pagtakbo. Sumiksik
siya sa kakapalan ng mga taong salu-salubong sa paglalakad. At akala niya’y nawala na siya
sa loob ng sinuot niyang mumunting iskinita. Sumandal siya sa poste ng ilaw-dagitab.
Dinama niya ang tigas niyon sa pamamagitan ng kaniyang likod. At sa murang isipang iyon
ni Adong ay tumindig ang tagumpay ng isang musmos na paghihimagsik ng paglayo kay
Bruno, ng paglayo sa Quiapo, ng paglayo sa gutom, sa malalamig na mukha, sa
makatunghay na simbahan, sa kabangisang sa mula’t pa’y nakilala niya at kinasusuklaman.
Muling dinama niya ang mga barya sa kaniyang bulsa. At iyon ay matagal din niyang
ipinakalansing.
“Adong!” Sinundan iyon ng papalapit na mga yabag.
Napahindik si Adong. Ang basag na tinig ay naghatid sa kaniya ng lagim. Ibig niyang
tumakbo. Ibig niyang ipagpatuloy ang kaniyang paglayo. Ngunit ang mga kamay ni Bruno
ay parang bakal na nakahawak na sa kaniyang bisig, niluluray ang munting lakas na
nagkakaroon ng kapangyarihang maghimagsik laban sa gutom, sa pangamba at kabangisan.
“Bitiwan mo ako! Bitiwan mo ako!” Naisigaw na lamang ni Adong.
Ngunit hindi na niya muling narinig ang basag na tinig. Naramdaman na lamang niya
ang malupit na palad ni Bruno. Natulig siya. Nahilo. At pagkaraan ng ilang sandali, hindi na
niya naramdaman ang kabangisan sa kapayapaang biglang kumandong sa kaniya.
 
Gawain Pagkatapos Basahin ang Kwento:

1. Ilarawan si Adong, Si Bruno at si nanay Ebeng.


2. Ano ang kinakatawan ni Adong sa Kuwento? Ni Bruno sa lipunan?
3. Ilarawan nang masinsinan ang tagpuan sa kuwento.
4. Ano-anong pahayag ang nagpapatingkad sa paksa ng kuwento?
5. Anong tunggalian mayroon sa kuwento?
6. Ano-anong simbolo ang ginamit sa kuwento?
7. Paano nagpatingkad  sa kuwento ang tono, himig, simbolo, at mga tayutay sa
kuwento?
8. Masasabi bang isang klasiko ang akda ni Efren Abueg?
9. Sumasalamin pa ba sa kasalukuyan ang mga pangyayari sa akda?
 
Dagdag na Nilalaman:
https://filipinoeinsteinirakhads.blogspot.com/2013/02/mabangis-na-lungsod-ni-efren-r-
abueg.html
 
Pansariling Pagtataya: 

1. Anong mga kasalukuyang pangyayari sa bansa ang sinasalamin ng mga kaganapan 


sa akda?
2. Sa kasalukuyan, sino ang mga maituturing mong Adong ng lipunan? Bruno? Aling
Ebeng?

Aralin 2 - Panitikan Hinggil sa Kahirapan Eli, Eli Lama


Sabachthani? ni Dominador Mirasol
Modyul 2 | Aralin 2 - Panitikan Hinggil sa Kahirapan
Eli, Eli Lama Sabachthani? ni Dominador Mirasol
 
Paunang Pagtataya
Susing Tanong:  Ano sa iyong palagay ang ibig sabihin ng pahayag sa ibaba?
“Ang kalbaryo ay isang landasing muli’t muling tataluntunin ng tao.”
 
Mga Kasanayang Pampagkatuto:

1. Makilates ang tunay na layunin ng awtor sa kanyang kwento


2. Maipaliwanag ang sanhi at bunga ng mga suliraning panlipunan  sa akda
3. Maiangkop ang nilalaman ng mga akda sa kasalukuyang pangyayari
4. Maunawaan ang konsekwensya ng bawat desisyon sa buhay
5. Matukoy ang tunggalian sa kwento
6. Maipahayag ang saloobin at kaalaman tungkol sa isyung nailatag ng akda sa
pamamagitan ng isang liham na susulatin bilang gawaing pagganap
 
Mga Kagamitan / Nilalaman 
 
Pagkilala sa May-akda:
DOMINADOR B. MIRASOL
Siya ay anak ng mag-asawang Aklanon at Bikolana na nagkaugat sa Tondo.
Manggagawa sa lagarian ang kanyang ama, kaya’t bukod sa mga estero, barungbarong at
mga looban ay karaniwan na ring tanawin sa kanya ang mga troso at kusutan.  Ang mga
paksang hinango mula sa kanyang nilikhang kapaligiran ay hindi katakatakang matuklasan
sa marami ng kanyang isinulat na akda.
Nagsimula siyang sumulat noong labingwalong taong gulang, naging patnugot siya ng pitak
sa Pilipino ng “The Quezonian” pahayagang pang-estudyante ng MLQ University.
Pagkaraang makapag-aral doon ng journalism ay naging kagawad siya ng Aliwan, at nang
lumaon ay ng Liwayway.
Isa siya sa mga sinanay na kabataang manunulat ng palihang pampanitikan sa ilalim ng
noo’y direktor ng editoryal ng Liwayway si Agustin C. Fabian. Mula roon, ay gumawa siya
ng sariling pangalan sa panitikan.
Dalawang ulit na siyang nagwagi sa timpalak ng maikling kuwento ng Palanca Memorial
Awards. Unang Gantimpala noong 1964 sa kanyang kuwentong “Mga Aso sa Lagarian”
gayundin ang kanyang “Mga Bangkay sa Dalampasigan ng mga Uwak” noong 1970.
Kabilang sa kanyang mga isinulat na nobela ay ang : Apoy sa Madaling Araw” ko-awtor si
Rogelio L. Ordonez na nagtamo ng pangalawang gantimpala sa timpalak ng nobela ng
Liwayway noong 1963. “Mga Halik sa Alikabok” unang gantimpala noong 1966 at
“Magkabiyak ng Larawan” na nalathala rin sa Liwayway noong 1973-1974.
Naging lecturer sa Departamento ng Pilipino at Panitikan ng Pilipinas, UP, kaugnay siya sa
kasalukuyan sa DPI at magpahanggang ngayon ay patuloy pang may hinahanap sa buhay.
 
Paksang Aralin: Eli, Eli Lama Sabachthani? Ni Dominador Mirasol
Serye ng kawalang-pag-asa sa buhay ni Elias. Nakulong dahil sa pagpatay nang
ipinagtanggol si Celia sa manggagahasa; mala-hayop ang pagtrato sa bilanggong menor-de-
edad sa Welfareville; lupit na buhay sa bilangguan dahil sa pagkain, sanidad, at siksikang
espasyo; at ang iniihiang pagkain para sa mga preso. Nakapatay muli si Elias at inilipat
naman sa Deathrow. Sa pagbitay, nagkaroon ng bagong pag-asa si Elias: sa pagbabanyuhay.

Narito ang link kung saan maaaring mai-download ang akdang Eli Eli Lama
Sabachthani? ni Dominador Mirasol.
https://drive.google.com/file/d/1ygU1SdwusTSZ5e0GoIDjVjB-yugLN_7D/view?
fbclid=IwAR3gXmH_lamqgz0fat7Kb6aXUEwUVIoe7yL5kCAb7dYfP0IuPMN5ltTk2X4

 
Matapos basahin ang akda, sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan.
Basahing mabuti ang mga tanong at sagutan ayon sa iyong pagkaunawa. 

1. Ilarawan ang mga tauhan sa kuwento.


2. Paano nagsimula ang kuwento?
3. Ilarawan ang tagpuan.
4. Ihanay ang mga pangyayari sa kuwento.
5. Ano-anong  mga pangyayari ang nagtulak sa pangunahing TAUHAN upang
humantong siya sa ganoong kalagayan?
6. Paano humantong sa loob ng bilangguan si Elias?
7. Ano-anong suliranin mayroon sa  kuwento?
8. Saan muling isinilang si Elias? Sa iyong palagay, bakit sa bansang iyon?
9. Tukuyin ang tunggalian sa kwento.
10. Nangyayari pa ba sa kasalukuyan ang mga naging karanasan ni Elias?
11. Paano masosolusyunan ang ganitong mga pangyayari sa loob ng bilangguan?
 
Pansariling Pagtataya:

1. Maituturing mo bang biktima ng lipunan si Elias? Bakit? Bakit hindi?


2. Sa kasalukuyan, sino ang mga maituturing mong Elias ng lipunan? Deputado? Aling
Sela?

Aralin 1: Panitikan Hinggil sa Karapatang Pantao / Reporma sa


Lupa
Modyul 3 | Aralin 1: Panitikan Hinggil sa Karapatang Pantao / Reporma sa Lupa

Paunang Pagtataya:
Ano nga ba ang mga karapatan mo bilang tao? May nalalaman ka bang batas o alituntunin
hinggil sa usaping  pagmamay-ari ng lupa?
 
Mga Kasanayang Pampagkatuto:

1. Makapagsaliksik ng mga karapatang pantao


2. Maipaliwanag ang naging bunga ng suliranin sa akda
3. Masuri ang tauhan batay sa kanyang kilos, gawi, paninindigan at paniniwala
gayundin ang pagkilala sa may-akda.
4. Mahinuha ang nilalaman ng kwento batay sa pamagat at mga kaugnay na pahiwatig
5. Makalikha ng isang akdang pampanitikan tulad ng isang tula kung saan malikhain
nilang maipapahayag ang kanilang kaalaman at saloobin tungkol sa isyung inilatag
ng mga akda
Mga Kagamitan / Nilalaman:
Kung susuriin ang panitikan ng kasaysayan, maraming pangyayari sa nakaraan ang
tumatak at nag-iwan ng latay ng pagpapaalaala sa pangyayaring naghihimagsik, lumalaban
at sumasalungat ang mga mamamayan sa mga pangyayari sa ating bayan. Maraming akda
ang naisulat sa bawat yugto, panahon na naghihihmagsik, ngunit dahil sa mga akda’y
mahigpit na ipinagbawal sa una pa lang nang paglalathala at karamihan sa mga manunulat
na ito ay ipinakulong.
Tinalakay ng mga manunulat sa kanilang panitik ang kabulukan ng lipunan at pulitika. Ang
alinmang establisimento ay naging sagisag ng kabulukang dapat baguhin. Madarama sa
simbahan, sa paaralan at maging sa tahanan ang lason ng kawalang pag asa ng mga
manunulat sa pamahalaan. Maging ang mga pari, mga guro, at mga magulang bilang
awtoridad o mga taong dapat igalang ay niyanig ng mga akdang naghihimagsik bilang
kalaban na pabigat sa hinihingi nilang pagbabago. Sumangga ng panitikang ito sa pagsasaad
na dapat gawin upang lutasin ang suliranin.
Ang panitikan ay nagbubunsod sa pagkilos ng mga mamamayan sa kanilang mga
hinaing, damdamin o kaisipang nais ipahayag. Ito ang lakas na nagbubukold ng kanilang
damdamin, nagmumulat ng kanilang mga mata sa katwiran at katarungan. Maituturing na
mapaghimagsik ang panitikan kung ito’y tumitiwalag at tumutuligsa sa katayuan ng
lipunan, tuwirang humahamon sa umiiral na panahon, maaaring ito ay laban sa maling
pamamahala ng gobyerno, katiwalian, kultura, relihiyon at moralidad.
 
Pagkilala sa May-akda:
Talambuhay ni Ka Amado V. Hernandez 
 
KA AMADO V. HERNANDEZ 
Lider-Manggagawa, Manunulat, Makata, at National Artist for Literature
 
“Sa aking piita’y hindi pumupurol ang lumang panulat, / bawa’t isang titik, may tunog ng
punlo at talim ng tabak.” — Amado V. Hernandez, “Bartolina”  (Sinaliksik at sinulat ni
Gregorio V. Bituin Jr. )
 ISA SIYA sa kinikilalang dakilang Pilipino ng ating bansa. Siya’y isang manunulat,
nobelista, makata, lider-manggagawa, at bilanggong pulitikal. Siya ng kanyang asawang si
Atang dela Rama ang isa sa dalawang mag-asawa na kinikilalang National Artist ng
Pilipinas. 
Bata pa siya ay kinakitaan na siya ng hilig sa pagsusulat. Nang lumaon ay naging
tanyag siya sa larangang ito. Mula 1926 hanggang 1932, sinubaybayan ng marami ang
kanyang kolum na “Sariling Hardin”. Noong 1929, hinamon siya ng kanyang kaibigang
makata na si Jose Corazon de Jesus sa debate sa balagtasan. Ang kay de Jesus ay nakalathala
sa pang-araw-araw niyang kolum na “Mga Lagot na Bagting ng Kudyapi” sa pahayagang
Taliba, habang ang kay Ka Amado naman ay sa kolum niyang “Sariling Hardin” sa
pahayagang Pagkakaisa. Tumagal nang mahigit isang buwan ang kanilang makasaysayang
Balagtasan hinggil “sa lumang usapin ng lahi”. Makaraan ang sampung taon, muling
inilathala ito sa pahayagang Mabuhay Extra ni Teodoro Agoncillo na siyang editor nito. 
Bilang manunulat, marami siyang natanggap na gawad-pagkilala. Noong 1938, ang
kanyang narrative poem na Pilipinas ay nanalo ng Commonwealth Literary Award. Ang
kanyang nobelang Mga  Ibong Mandaragit ay nanalo ng Balagtas Award mula sa Cultural
Center of the Philippines (CCP). Noong 1962, ang koleksyon ng tula na Isang Dipang Langit
ay nanalo ng Republic Cultural Heritage Award. Ang tulang-kasaysayan na Bayang Malaya
ay nanalo ng Balagtas Award noong 1969. Ang kanyang nobelang Mga Ibong Mandaragit ay
maituturing na pagpa-patuloy ng nobelang El Fili ni Rizal. 
Bilang mamamahayag, nakasama siya sa nabuong Philippine Newspapers Guild
(PNG) noong 1945, na umanib sa Congress of Labor Organizations (CLO). Naging pangulo si
Ka Amado ng CLO noong 1947. 
Sa kanyang pamumuno, pinangunahan ng CLO ang welga ng 2,600 mga mang-
gagawa mula sa Manila Trading and Supply, Co., Canlubang Sugar Estate, Metram
Gomtawco Sawmill, Republic Sawmill, atbp. Noong 1948, sa pangunguna muli ng CLO, nag-
aklas muli ang mga mang-gagawa sa malalaking kumpanya tulad ng Philippine Refining Co.,
Benguet Consolidated Mines, Luzon Brokerage, atbp. Nagawa rin nito ang kaunaunahang
“stay-in” strike sa Franklin Baker, isang kumpanyang Amerikano. Noong 1949, may 83
welgang naisagawa, kung saan sa taon ding ito inilunsad ang ikaapat na Kongreso ng CLO,
na ang kanilang gi-namit na islogan ay “Manggagawa at Seguridad!” at “Ibagsak ang Imper-
yalismo!” Noong 1950 ay nagwelga ang 38,000 manggagawa. 
Ang kamalayang pampulitika ng manggagawang kasapi ng CLO ay nasustina sa
kanilang binuong “Workers Institute” na pinamahalaan ng Komite sa Edukasyon,
Impormasyon at Panana-liksik. Dahil sa kanyang pagiging aktibo at pagtataguyod sa
kapakanan ng mang-gagawa, noong Enero 26, 1951, hinuli at ikinulong si Ka Amado.
Limang buwang inkomunikado si Ka Amado sa Camp Murphy (ngayo’y Camp Aguinaldo)
bago naiharap ang pormal na sakdal sa kanya noong Agosto 1951 sa salang “rebellion
complexed with other crimes”. 
Ibinaba ang hatol na nagkasala si Ka Amado kaya’y siya’y nakulong ng limang taon at
anim na buwan. Palipat-lipat siya ng kulungan sa Muntinlupa, Camp Murphy, Camp Crame,
Fort McKinley, at Panopio Compound. Sa kulungan niya isinulat ang kanyang koleksyon ng
mga tula, ang “Isang Dipang Langit”. 
Noong Hulyo 26, 1956, pansamantala siyang nakalaya sa bisa ng lagak (bail), at
noong Mayo 31, 1964, si Ka Amado ay napawalang sala. Mula 1958 hanggang 1961,
nakatanggap siya ng apat na Palanca Awards sa kanyang mga isinulat na dula. 
Noong 1965, dumalo siya sa kumperensya ng mga mamamahayag na Asyano sa
Indonesia, at 
nalathala ang kanyang ulat hinggil dito sa Taliba, kung saan nanalo siya ng NPC-Esso
Journalism Award. Noong 1966, dinaluhan naman niya ang Afro-Asian Writers meeting sa
Tsina. 1966 din nang dumalo siya sa International War Crimes Tribunal sa London kung
saan ipinagtanggol niya ang Pilipinas sa bintang na ang kanyang bansa ay isang “war
criminal” sa Biyetnam. 
Noong 1967, tumakbo siyang konsehal ng Maynila ngunit natalo. Nagsulat siyang
muli at naging editor ng Ang Masa. Si Ka Amado ay namatay sa atake sa puso noong Marso
24, 1970. Noong 1973, iginawad sa kanya ang karangalan bilang Pambansang Alagad ng
Sining (National Artist for Literature) ng Pilipinas. 
Ilan sa kanyang mga isinulat ay ito: 

1. Bayang Malaya (Tulang Kasaysayan)


2. Mga Ibong Mandaragit (Nobelang Sosyo-Politikal)
3. Isang Dipang Langit (Koleksyon ng Tula)
4. Luha ng Buwaya (Nobelang Sosyo-Politikal)
5. Tudla at Tudling: Katipunan ng Tula 1921-1970
6. Langaw sa Isang Basong Gatas at Iba Pang Kwento
7. Magkabilang Mukha ng Isang Bagol at Iba Pang Akda
 
Upang inyong mabasa ang paksang aralin, narito ang sipi ng maikling kwentong
isinulat ni Amado V. Hernandez - “Langaw sa Isang Basong Gatas”. Maaring i-download
ang sipi ng maikling kwentong makikita sa ibaba.
 
/files/6506168/Langaw_sa_Isang_Basong_Gatas(3)(9).pdf
 
Bilang pag-unawa sa iyong nabasang akda,  atin munang bigyan ng pansin ang
laman ng maikling kwento:  Sino-sino nga ba ang mga tauhang nagbigay buhay sa akda,
ano-ano nga ba ang mga pangyayaring pumukaw sa iyong damdamin matapos mong
mabasa ito? 
Kung ang isang basong gatas ay ihahalintulad sa mga pagbabago at pag-unlad na
nagaganap sa ating lipunan, ano kaya ang ipinahihiwatig ng Langaw sa pamagat ? Matapos
mong maisip ang kasagutan sa mga tanong na ibinigay ko, sana’y naging malinaw at
naunawaan mo ang nilalaman ng kwento, upang maging makabuluhan ang aral na nais
iparating ng may-akda para sayo.
 

Aralin 2: Panitikan Hinggil sa Karapatang Pantao / TULA


Modyul 3 | Aralin 2:  Panitikan Hinggil sa Karapatang Pantao / TULA
 
Paunang Pagtataya:
Marapat nating alamin o malaman ang ating karapatan bilang tao. Magbigay ng ilang
halimbawa batay sa iyong nalalaman.
  
  
  
 
Mga Kasanayang Pagpagkatuto:

1. Mahinuha ang kalalabasan ng mga pangyayari batay sa akdang nabasa.


2. Maibahagi ang sariling pananaw at saloobin ng akdang nabasa sa pasulat na gawain
3. Mahinuha ang kaugalian at kalagayan ng lipunan gayundin ang pagkilala sa may
akda
4. Makalikha ng isang akdang pampanitikan tulad ng isang tula kung saan malikhain
nilang maipapahayag ang kanilang kaalaman at saloobin tungkol sa isyung inilatag
ng mga akda
 
Mga Kagamitan / Nilalaman:
PAGKILALA SA MAY- AKDA:
Maraming manunulat ang naniniwala at kumikilala sa panulat bilang isang malalim na bolo
na makakasugat sa manhid nating lipunan at walang pakialam na pamahalaan. Isa na rito si
Rogelio L. Ordoñ ez na kilala at kinikilala sa kanyang kontribusyon sa panulaan at panitikan
bilang mabisang instrumento ng pagsusulong ng mas malaya at patas na lipunan. Ang
kanyang mga tula at dula ay ilan lamang sa mga akdang tunay na naghihimagsik at
sumasalungat sa tahimik na bibig ng ibang manunulat. Tunay  na nagpakita ng
paghihimagsik laban sa pang-aapi ng mga maimpluwensya at makapangyarihan sa
pamahalaan, inilalarawan at iminumulat ang mga maralita sa kaapihan ng ating lipunang
ginagalawan. 
Isang premyadong manunulat si ROGELIO L. ORDOÑ EZ – kuwentista’t nobelista, makata’t
peryodista — Gantimpalang KADIPAN sa sanaysay at maikling kuwento, Gantimpalang
Liwayway sa nobela, Gawad Balagtas sa pamamahayag, Pambansang Alagad ni Balagtas sa
literatura, Jose Rizal National Centennial Commission sa sanaysay at Gawad Alejandro G.
Abadilla bilang “malikhaing manunulat at militanteng peryodista.” Pinarangalan din siya ng
probinsiya ng Cavite bilang Progresibong Caviteñ o sa larangan ng panitikan, at ng mismong
bayan niya ng Imus bilang natatanging taga-Imus sa literatura.
Noong Hunyo 25, 2011, ginawaran siya ng KM64 Poetry Collective ng titulong
MAKATA NG BAYAN “dahil sa kanyang panulaang masugid na nagsusulong sa mga adhikain
at pakikibaka ng sambayanang Pilipino, lalo na yaong nakararaming isinadlak ng hari-
hariang iilan sa mga imburnal at pusali ng lipunan.” Sa pagdiriwang ng Poesia 2011,
pinarangalan siya ng Pamantasang De La Salle (Dasmarinas) “sa kanyang natatanging
ambag sa pagpapalago ng kamalayang panlipunan at pagpapahalaga sa kulturang Pilipino…
sa malalim na pagsusuri sa kalagayang pambansa… at kinikilala ang kanyang kontribusyon
sa panulaan at panitikan bilang mabisang instrumento ng pagsusulong ng mas malaya at
patas na lipunan.” Sa paggunita sa ika-107 taong anibersaryo ng Politeknikong Unibersidad
ng Pilipinas, ginawaran siya noong Set. 30, 2011 ng plake ng karangalang “namumukod at
bantog na manunulat na, sa pamamagitan ng kanyang prolipikong panulat, ay patuloy na
nagbibigay-dangal sa Unibersidad at, bilang nobelista at makata, natanghal ang kanyang
sarili na isa sa pangunahing tagapag-ambag sa ikayayaman ng Literatura ng Pilipinas.”
Pokus na Tanong:
Marahil maraming bagay ang papasok sa iyong isipan nang mabasa mo ang tulang Di Na 
Ako Makahabi ng Tula na isinulat ni Rogelio L. Ordoñ ez. Ngunit gaano nga ba ang iyong
kaalaman kapag sinabi nating isang tula. 
Sa modyul na ito, matututunan mo ang  halimbawa ng isang akdang pampanitikan, sa pag-
aaral ng tula inaasahang higit na mauunawaan at mapapahalagahan ang iyong kaalaman
bilang isang mag-aaral, gayundin ang iyong pagiging isang Pilipino.
 
Sa mga aralin at gawain sa modyul na ito, dapat masagot mo ang mga tanong na ito:

1. Papaano magiging makabuluhan para sa mga mag-aaral na pag-aralan ang


tulang Di Na Ako Makahabi ng Tula bilang bahagi ng akdang pampanitikan?
2. Bakit mahalaga para sa mga mag-aaral at guro ang alamin at makialam sa
usaping mayroon ang tulang nabasa?
3.
Paksang Aralin: Narito ang sipi ng ng tulang isinulat ni Rogelio L. Ordonez. Maaaring i-
download ang file na nasa ibaba upang basahin ng may pang-unawa. 
 
/files/6506168/Tula_ni_Rogelio_L._Ordonez(4)(9).pdf
 
                                                
Sanggunian: 
https://www.goodreads.com/author/show/6476528.Rogelio_L_Ordo_ez/blog
https://panitikanatbp.wordpress.com/2009/08/27/si-rogelio-l-ordonez-at-ang-panitikan-
ng-uring-anakpawis/
https://plumaatpapel.wordpress.com/2016/02/07/di-na-ako-makahabi-ng-tula/

Pansariling Pagtataya : 
IMPRESSION WEB
Ilahad ang iyong impresyon sa pamamagitan ng pagpuno sa apat na
kahong maglalaman ng iyong pagtingin o pagkilala ukol sa tulang
nabasa. Isulat ang sagot sa inihandang grapikong pantulong.
 

Aralin 3 - Panitikan Hinggil sa Isyung Pangkasarian


Modyul 3| Aralin 3 - Panitikan Hinggil sa Isyung Pangkasarian
 
Paunang Pagtataya:
Susing Tanong: Ano -ano nga ba ang dahilan kung bakit marami / karamihan sa ating mga 
Pilipino ang nangingibang bansa? Magbigay o maglahad ng ilang detalye upang suportahan
ang iyong kasagutan.
 
Mga Kasanayang Pampagkatuto

1. Maihanay ang mga isyung pangkasarian sa akda


2. Maipaliwanag ang kahalagahan ng panitikan sa paglalantad ng mga suliranin ng
tao sa lipunan.
3. Maisaalang-alang  ang kultura, gawi  at iba pang aspektong panlipunan sa
pamamagitan ng pananaliksik, etc.
4. Maipaliwanag  ang sanhi at bunga ng mga suliraning panlipunan sa pamamagitan
ng mga makabuluhang akdang pampanitikan.
5. Makalikha ng isang akdang pampanitikan tulad ng isang tula kung saan malikhain
nilang maipapahayag ang kanilang kaalaman at saloobin tungkol sa isyung inilatag
ng mga akda
 
Mga Kagamitan / Nilalaman:
Sa paglipas ng panahon, masasabing nagbabanyuhay ang salitang “Pinay” at
maikakabit doon ang matatayog na katangiang pantao o kahit ang mga mapang-alipustang
katawagan na pinalaganap ng mga dayo: Inang Bayan, katulong, puta, propesyonal, bayani,
santa, at kung ano-ano pa. Maihahalimbawa rin na ang mga konseptong gaya ng “ginhawa,”
“kalayaan,” “puri,” “katwiran,” “liwanag,” “dilim,” “loob,” “katotohanan,” “Inang
Bayan/Haring Katagalugan,” “pag-ibig,” “layaw,” at “paggawa” ay may pinagbatayan at
pangunahin na marahil dito ang lawas ng ideolohiya ng Katipunan.
Ang mga dekada 1970 hanggang 1990 ang maituturing na panahon ng mga
migranteng Filipino. Noong 1999 lamang, umabot sa $6.7 bilyon ang naipasok ng OFW
(Overseas Filipino Worker) sa kabang-yaman ng Filipinas. Bilang pagkilala sa ambag ng
nasabing manggagawa, ipinahayag ni Pangulong Joseph Ejercito Estrada ang 2000 bilang
taon ng mga OFW “upang kilalanin ang kanilang kabayanihan at sariling pagsasakripisyo sa
pagsusulong at pagpapalakas ng ekonomikong pag-unlad sa loob at labas ng bansa.”
Mahaba ang kasaysayan ng mga OFW, laksa-laksa ang bilang at mukha, at mababakas ang
kanilang ambag mulang plantasyon sa Hawaii hanggang minahan sa Africa; mulang niyebe
ng Alaska hanggang buhangin ng Saudi Arabia, mulang aparato sa Japan hanggang damit sa
Italy. Ang OFW din ang nagpakilala sa Filipinas sa buong mundo: mulang impormasyong
teknolohiya hanggang pagkakawanggawa; mulang bayani hanggang salarin o biktima ng
sarisaring krimen at gulo.
Si Pinay ay maaaring sumagisag hindi lamang sa isang Filipina bagkus sa
napakaraming babaeng OFW sa iba’t ibang panig ng daigdig. Gayunman, masasabi ring si
Pinay bilang persona ay hindi kayang sumaklaw—at karaniwang limitado ang kintal—sa
pangkaslahatang hulagway ng babaeng OFW. Si Pinay bilang OFW, sa mga tula ni Mabanglo,
ay mahihiwatigang kapilas lamang na  mukha ng iba’t ibang uri ng katulong (i.e. domestic
help) o ng mga propesyonal na naghahangad ng dolyar, mansanas, tsokolate, niyebe,
buhangin, banyagang asawa, inmigranteng visa, sex, at kung ano-ano pa. Ang OFW na
palaging api at kawawa ngunit malakas ang loob at pangangatawan; ang mapaghanap ng
ginhawa at tagumpay sa buhay; ang dakilang mapagsapalaran sa ibayong dagat; ang
ipinagmamagarang bagong imahen ng bayani ng bansa; at ang mapanggulat na Inang Bayan
na dumurukit sa sarili upang mabuntis nang mag-isa at magluwal ng kalayaang
pangkasarian, pampolitika, at pangkasaysayan. Pinakamatingkad sa lahat ang pagtatampok
sa panlahatang Pinay bilang sagisag na “Inang Bayan.” Datapwat taliwas sa ibig ipabatid ni
Mabanglo, si Pinay bilang Inang Bayan sa “Liham ni Pinay sa Singapore” ay isang sagisag na
nagtataglay ng katangiang babasagin at umaasa ng  kaligtasan sa pamamagitan ng dasal.
 
Pagkilala sa May-akda:
Sa hanay ng mga makatang babae sa kasalukuyan, si Elynia S. Mabanglo marahil ang
maituturing na pinakamabungang nagsusulat ng tula sa Filipino. Kahanga-hanga ang
pagkakamit niya ng Hall of Fame sa Palanca; ang pagsungkit ng titulong Makata ng Taon sa
Talaang Ginto; ang paghamig ng mga gawad mula sa mga institusyong gaya ng Cultural
Center of the Philippines, Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas, Komisyon sa Wikang
Filipino, National Commision for Culture and the Arts, Samahang Balagtas, UP Creative
Writing Center, at Liwayway. Sa mga aklat ng mga tula ni Mabanglo, masasabing ang kapwa
kalipunang Mga Liham ni Pinay (1990)  at Anyaya ng Imperyalista  (1998)  ang dalawang
panulukang bato—na may iisa ang hubog—ng kaniyang pagkamakata; at kapwa pumaling
nang bahagya sa matining na tinig ng Supling  (1970)  at ng mairuging Kung Di Man 
(1993).
Sa “Liham ni Pinay mula sa Singapore,” ang pagkasangkapan ni Mabanglo sa “liham”
at “Babaeng OFW”—bilang kapwa talinghaga at daluyan nito—ay maaaring maipaliwanag
kung uuriin ang paraan, at ang saray, ng pananagisag na ginamit sa buong lawas ng pagtula.
Susubukin sa panunuring ito na baklasin at titigan nang isa-isa ang mga sagisag at
pananagisag na taglay ng buong balangkas ng tula upang higit na maunawaan ang sapot ng 
mga pahiwatig nito. Pagkaraan ng lahat, tatangkaing buuing muli ang mga binaklas na
bahagi upang itampok  ang panibagong pagtingin sa tula. Isasaalang-alang din sa pag-aaral
na ito ang paglalapat o pagtatagis ng mga konsepto ng Katipunan—na binuo ng gaya nina
Andres Bonifacio at Emilio Jacinto—sa balangkas ng tula ni Mabanglo. Iyon ay sa layuning
ilugar ang diwain ng kabansaan, at ang lahat ng matalik na diwain nito, sa tula. Bakit? Nang
maiwasan kahit paano ang lantarang panghihiram ng mga banyagang konseptong nabuo sa
sarisaring larang, lalo doon sa Estados Unidos, Rusya, at Europa; at ang paggamit niyon
bilang sanggunian sa pagsusuri.
 
Paksang Aralin: “Liham ni Pinay Mula sa Singapore” isinulat ni Ruth Elynia S. Mabanglo   
Matapos nating makilala ang may-akda, narito naman ang sipi ng kanyang isinulat,
maaaring i-download ang laman ng tula upang inyong mabasa.
 
/files/6506168/Liham_ni_Pinay_-
_Kritika_sa_tula_ni_Ruth_Elynia_S._Mabanglo(5)(9).pdf
Sanggunian:
https://www.thefilipinomind.com/2006/03/tatlong-tula-ni-prof-ruth-es-mabanglo.html 
https://dakilapinoy.com/2008/08/22/liham-ni-pinay-kritika-sa-tula-ni-ruth-elynia-s-mabanglo/
 
Pansariling Pagtataya:
1. Sino ba para sa iyo si Pinay?
2. Paano mo mailalarawan ang kasalukuyang sitwasyon ng mga kababaihang OFW?

Aralin 1- Panitikan Hinggil sa Isyung Pangmanggagawa at


Pangmagsasaka
Modyul 4 | Aralin 1- Panitikan Hinggil sa Isyung Pangmanggagawa at Pangmagsasaka
Paunang Pagtataya
Susing Tanong: Ano-ano ang mga karapatan ng mga manggagawa at magsasaka? Magtala
ng ilan sa mga ito.

1. ________________________________________________________
2. ________________________________________________________
3. ________________________________________________________
 
Mga Kasanayang Pampagkatuto

1. Maihanay ang mga isyung  pangmanggagawa at pangmagsasaka sa akdang


binasa
2. Mapalutang ang mga sanhi at bunga ng mga suliranin na mayroon sa akda
3. Makapagsaliksik ng mga karapatan ng manggagawa
4. Makalikha ng isang akdang pampanitikan tulad ng isang tula kung saan
malikhain mong maipapahayag ang iyong kaalaman at saloobin tungkol sa
isyung inilatag ng mga akda
Mga Kagamitan / Nilalaman:
 
Ang  Manggagawang Pinoy
Bilang introduksyon sa paksang tatalakayin, panoorin ang bidyo tungkol sa mga
manggagawang Pinoy gamit ang link sa ibaba.
 
Manggagawang Pilipino. Link:
 
Sang-ayon ka ba sa iyong napanood tungkol sa mga manggagawang Pinoy?
Maituturing mo rin ba silang mga bayani ng makabagong panahon? Maiisigaw mo rin ba
ang mga katagang “Hoy!Pinoy ako.” ng may buong pagmamalaki? 
 
Maituturing na katuwang sa pagbabago ang mga manggagawang Pilipino. Kinikilala
ang kanilang abilidad at husay sa iba’t ibang larangan dahil na rin sa kanilang talento,
kasipagan, lakas ng loob, matibay na pananalig sa sarili, at tibay ng pananampalataya.
Kaalinsabay ng kanilang pagsisikap ay ang pangarap na mabigyan ng maginhawang buhay
ang kanilang mga pamilya. At ang bunga ng kanilang pagsisikap ay ang katuparan ng mga
pangarap ng kapwa nila Pilipino.
 
Subalit sa kabilang banda, hindi maisasantabi na may mga isyu at suliraning
kinakaharap ang ating mga manggagawa partikular na ang mga magsasaka. Ating balikan
ang iyong tala mula sa panimulang gawain. Mula sa mga karapatan na iyong naisulat, alin sa
iyong palagay ang lubusang naisasakatuparan o nabibigyan ng pansin? Alin ang nalalabag
sa iba’t ibang paraan?
 
Isyung Pangmagsasaka
Panoorin ang bidyo gamit ang link sa ibaba bilang paunang gawain tungo sa pag-
unawa ng panitikang tatalakayin sa araling ito. 
 
Lupa at Hustisya: Hacienda Luisita. Link:
 
Ang mahaba at masalimuot na kasaysayan ng pakikibaka ng mga magsasaka ng
Hacienda Luisita ay binigyang pansin ng KM64 sa koleksyon ng likhang tula mula sa mga
manunulat na kaisa ng grupo sa kanilang adhikain.
 
Kabyawan Chapbook VI ng KM64 Poetry Collectives
 
“Ang tula ay armas pandigma at karangalan ang tulaan and sambayanan.”
 
Ang Kilometer 64 Writers’ Collective o mas kilala bilang KM64 ay binubuo ng mga
makata at manunulat na nagmula sa iba’t ibang larangan at sektor: estudyante, guro, ina,
ama, manggagawa, magsasaka, OFW at mga anak ng bayan. Lubusang niyakap ng grupo na
nagsimula lamang sa palitan ng tula sa yahoo groups ang adhikain ng Kabataang
Makabayan na naitatag noong 1964 na siya ring pinaghugutan ng inspirasyon ng kanilang
pangalan. Sa kanilang mga akda ay itinatanghal ng KM64 ang hapis at galak ng sambayanan
at tinutulaan nila ang di matapos-tapos na paghahanap ng kapayapaan, hustisya, at
lipunang wala nang pagsasamantala.
Narito ang dalawang tula mula sa Kabyawan Chapbook VI ng Km64 na patungkol sa
mga manggagawa ng Hacienda Luisita. Isaalang-alang ang mga katanungan sa tapat ng
piling saknong bilang gabay sa pagbabasa at pagunawa ng akda.
/files/6506168/Mga_Tula_mula_sa_Kabyawan_at_Mga_Gabay_na_Katanungan(2)
(8).pdf
 

Mga Sanggunian:
Agimat. KM17 Asintadong Panitikan. Retrieved from https://bit.ly/30IdwxL 
Aklatang Bayan. Kabyawan Chapbook VI (Kilometer 64). Retrieved from https://bit.ly/2WVLZI2
Mendoza, K. [Kim Zeus Mendoza]. (2018, March 1). Manggagawang Pilipino [Video]. Youtube.
https://bit.ly/39rBaCm
Platumlist. PROTESTULA: Salita ang Panlaban. Retrieved from https://bit.ly/2BsKeug 
Tudla Productions. (2014, September 11). Lupa at Hustisya: Hacienda Luisita [Video]. Youtube.
https://bit.ly/2D14NhU 
 
Pansariling Pagtataya:

1. Epektibo ba ang dalawang tula sa paglalahad ng suliraning kinaharap ng mga


magsasaka? 
2. Ano-ano pang mga isyung pangmanggagawa ang naglalahad ng kaparehas na
sitwasyon o suliranin?
Pangwakas na Ideya: Bilang itinuturing na katuwang sa pagbabago, mahalaga lamang na
mabigyang pansin ang kalagayan ng mga manggagawa at mga magsasaka lalo na sa
usaping may kinalaman sa kanilang mga karapatan.

Aralin 2 - Panitikan Hinggil sa Sitwasyon ng mga Pangkat


Minorya
Modyul 4 Aralin 2 - Panitikan Hinggil sa Sitwasyon ng mga Pangkat Minorya 
 
Paunang Pagtataya: Ating silipin ang ilang kaalaman tungkol sa pangkat minorya ng
Pilipinas. I-click lamang ang link at sagutan ang maikling pagsusulit. 
 
Link:
https://quizlet.com/479399183/flashcardshttps://quizlet.com/479399183/flashcards
 
Mga Kasanayang Pampagkatuto

1. Matukoy ang mga iba’t ibang pangkat minorya sa Pilipinas


2. Maihanay ang mga suliranin mula sa  akdang tumatalakay sa pangkat minorya
3. Maisangkot ang mga damdamin at imaheng nabuo sa akda sa pangkasalukuyang
kalagayan ng mga pangkat minorya sa bansa
4. Makalikha ng isang akdang pampanitikan tulad ng isang tula kung saan malikhain
mong maipapahayag ang iyong kaalaman at saloobin tungkol sa isyung inilatag ng
mga akda
 
Mga Kagamitan / Nilalaman:
 
Ang Pangkat Minorya
 
“Madali tayong mamangha na makita ang mga pambansang minorya na isinasabuhay pa rin
ang kanilang kultura. Nagdaan ang daan-daang taon ng magiting na pagharap sa
kolonyalismo, mga digmaang pandaigdig, at hanggang sa kasalukuyan, nahaharap din sila
sa mga problemang katulad ng kalakhan ng mga mamamayang Pilipino.”.
 
Larawang hinango mula sa https://bit.ly/2ORE2io
 
Anong damdamin ang ipinapakita ng larawan sa itaas? Ano ang mga natatanging
pagkakakilanlan ng mga katutubo?
Ang katutubo o minorities ay naglalarawan o tumutukoy sa mga pangkat etniko na sama-
samang namumuhay sa isang lugar o rehiyon. Sa pamamagitan ng kanilang pamumuhay
ay naipapamalas nila ang kultura at kasaysayan na naggbubuklod at nag-uugnay sa
kanila.
Kabilang sa maraming uri ng katutubong etniko o minorya sa bansa na hindi
nakakatanggap ng kaukulang pagkakakilanlan ang mga sumusunod na pangkat: 
 Mga Mansaka ng Compostela Valley
 Mangyan ng Mindoro
 Lumad ng Mindanao
 mga Aeta ng Sierra Madre
 Tau’t Bato ng Palawan 
Sa kabila ng modernisasyon ay kapansin-pansin pa rin ang pagpapanatili nila ng
natatanging katutubong kultura ng ating mga ninuno. Hindi maitatanggi ang
napakahalaga nilang kontribusyon sa pagpreserba at patuloy na pagpapayaman ng ating
kultura at tradisyon. Subalit sa kabila ng natatatanging kontribusyong ito, kadalasa’y sila
pa rin ang nababalewala, nagiging biktima ng diskriminasyon sa benepisyong
pampubliko, at humaharap sa mga pagsubok gaya ng pakikipaglaban nila para sa
kanilang ancestral domains at likas na yaman, gayundin sa pagsulong nila sa kanilang mga
karapatan.
Para kanino nga ba ang ating bayan? Ito ba’y para sa mga nasa kabihasnan lamang o para
sa lahat ng Pilipino saan mang sulok ng bansa? 
 
“Katutubo” ni Tatay Remo Fenis
 
Ang tulang “Katutubo” ay sinulat ni Tatay Remo Fenis o Tatay Remo na isang
environmentalistang manunulat. Masasabing ang akda ay naglalayong bigyang pansin ang
mga pangkat minoryang walang boses at hindi lubusang kinikilala sa lipunan.
Alamin ang mga partikular na suliraning pinatutungkulan sa akda na kinasasangkutan ng
mga katutubo. Basahin mabuti ang sipi ng tula sa ibaba at isaalang-alang ang mga gabay na
katanungan sa pagbabasa.
 
/files/6506168/Katutubo_at_mga_Gabay_na_Katanungan(2)(8).pdf
 
 
Upang higit pang palalimin ang mensahe ng akda at mas mabiyang linaw ang katotohanan
sa likod ng mga pangkat minorya ng bansa, ating balikan ang isyu patungkol sa tangkang
pagpapasara ng Lumad schools sa Mindanao. Panoorin ang bidyo gamit ang link sa ibaba.
Link:
 
Sanggunian:
Bughaw Organization Philippines. (2018, April 23). Lumad: Schools under Attack [Video].
Youtube. https://bit.ly/2CZTnLj
Evardone, E. (2018, March 5). Sulyap sa Buhay ng Isang Minorya. Retrieved from
https://bit.ly/3eWGZsD 
Garcia, K. (2019, March 1). Website ng Carlos Palanca Memorial Awards. Retrieved from
https://bit.ly/3htuBSG
Pasion, P. (2016, October 12). Lakbayan ng Pambansang Minorya. Retrieved from
https://bit.ly/2BuBMe1  
 
Pagpapalalim ng Nilalaman:
Sang-ayon ka ba sa ideyang ipinahayag na ang suliranin at laban ng mga Lumad ay suliranin
at laban din ng bawat Pilipino? Bakit?

You might also like