You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
CARAGA REGION
SCHOOLS DIVISION OF AGUSAN DEL SUR

Learners’ Activity Sheets


Araling Panlipunan 7
Quarter 4 – Week 4

D.O Plaza Government Center, Patin-ay Prosperidad, Agusan del Sur


depedagusandelsur@deped.gov.ph
(085) 839-5456
Araling Panlipunan 7
Learners’ Activity Sheets
Quarter 4 – Week 4: Iba’t-Ibang Ideolohiya at Implikasyon ng Digmaang
Pandaigdig sa Pag-usbong ng Nasyonalismo

First Edition, 2020

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work
of the Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency or
office wherein the work is created shall be necessary for the exploitation of such work for a
profit. Such agency or office may, among other things, impose as a condition the payment of
royalties.

Borrowed materials (e.g., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this activity sheets are owned by their respective copyright
holders. Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these materials
from their respective copyright owners. The authors do not represent nor claim ownership
over them.

Development Team of the Learners’ Activity Sheets


Writer/s: Lovelyn L. Mamugay, John Mishael F. Baynosa, Airene C. Sarsale
Reviewer/Editor/s: Lalaine S. Gomera, Noemi A. Melo
Illustrator:
Layout Artists: Lovelyn L. Mamugay, John Mishael F. Baynosa, Airene C. Sarsale
Lay-out Reviewer: Blessy T. Suroysuroy
Management Team: Minerva T. Albis
Lorna P. Gayol
Lelani R. Abutay
Lalaine S. Gomera
Alberto Socorro, Jr.
Soledad Rubillos
GAWAING PAMPAGKATUTO SA ARALING PANLIPUNAN 7
Ikaapat na Markahan –Ikaapat na Linggo

Pangalan:_________________________________Baitang: ______________
Seksiyon: _________________________________Petsa: ________________

I. Pamagat: Iba’t-Ibang Ideolohiya at Implikasyon ng Digmaang Pandaigdig sa Pag-usbong


ng Nasyonalismo

II. Kasanayang Pampagkatuto: Natatalakay ang karanasan at Implikasyon ng digmaang


pandaigdig sa kasaysayan ng mga bansang Asyano.
Nasusuri ang kaugnayan ng iba’t-ibang ideolohiya sa pag-
usbong ng nasyonalismo at kilusang nasyonalista. .
III. Panuto: Basahin at unawain ang mga konseptong inilalahad upang mapalawak ang
kaalaman sa paksang aralin. Sagutin nang maayos ang mga gawain upang
mas mapaunlad pa ang iyong kakayahan.

IV. Mga Gawain

Susing Konsepto

Pag-unlad ng Nasyonalismo sa China

Rebelyong Taiping
Petsa: Disyembre 1850-Agosto 1864
Lokasyon: Timog China
Layunin: Mapabagsak ang Dinastiyang Qing Dinastiyang Manchu) na pinamunuan
ng mga dayuhang Manchu.
Bunga: Nagapi ng Dinastiyang Quing (Manchu) ang rebelyong Taiping sa tulong ng
British at French.
Pinangungunahan ni Hung Hsiu Chuan ang rebelyong Taiping. Itinuturing na isa sa
madugong rebilyong sa kasaysayan ng China ang rebelyong taiping kung saan
mahigit 20 milyong Tsino ang namatay.

Rebelyong Boxer
 Sumiklab noong 1899.
 Tinawag itong Rebelyong Boxer dahil ang mga naghimagsik ay mga myembro ng
samahang I-hu Chuan o Righteous and Harmoneous Fists. Ang miyembro nito ay
may mga kasanayan sa Gymnastic Exercise.
 Layunin nito ang pagtuligsa sa kurapsyon sa pamahalaan at patalsikin ang lahat
ng mga dayuhang nasa bansa.
 Nagapi ang mga boxer dahil sa pagtutulongan ng mga dayuhang Imperyalista.
Nabawi ng mga Imperyalista mula sa mga boxer ang Peking nuong Agosto 14,
1900.
Ang China sa Dalawang Ideolohiya

Ideolohiyang Demokrasya sa China


 Sa panahong kaguluhang Pampolitikal at kawalan ng pagkakaisa sa China
nakilala sa Sun Yat-Sen. Nakapag-aral si Sun sa Hawaii at sa Hongkong
Medical School.
 Isinulong nya ang pagkakaisa ng mga Tsino gamit ang tatlong prinsipyo.
o Sun Min Chu-I o Nasyonalismo
o Min-Tsu-Chu-I o Demokrasya
o Min-Shing-Chu-I o Kabuhayang Pantao
 Naging ganap ang pamumuno ni Sun sa China ng pamunuan niya ang mga
Tsino sa pagpapatalsik sa mga Machu sa tanyag na Double Ten Revolution
na naganap noong Oktubre 10,1911.
 Tinawag itong Double Ten dahil naganap ito sa ika-10 buwan ng taon
(Oktubre) at ika-10 araw ng buwan.
 Sa araw ding ito itinatag ang bagong Republika ng China.
 Pansamatalang itinalaga si Sun bilang pangulo ng bansa noong Oktubre 29,
1911. At tinagurian siya bilang” Ama ng Republikang Tsino”.
 Itinatag ni Sun ang partidong Kuomintang o Nationalist Party noong 1912.
 Humalili si Heneral Chiang Kai- Shek bilang pinuno ng Partidong Kuomintang
nang mamatay si Sun noong March 12, 1925. Sa ilalim ni Chiang Kai-Shek
ay ipinagpatuloy ng Kuomintang ang pakikipaglaban sa mga Warlords
( nagmamay-ari ng Lupa na may sariling Sandatahang Lakas).

Ideolohiyang Komunismo sa China


 Ito ay pinamunuan ni Mao Zedong.
 Si Mao ay mula sa pamilya ng magbubukig sa probinsiya ng Hunan.
 Sinuportahan at isinulong ni Mao ang mga prinsipyo ng komunismo tulad ng
Tuggalian ng Uring Manggagawa o Proletariat laban sa uri ng kapitalista o
Bourgeois.
 Itinatag ni Mao Zedong ang partidong Kunchang Tang noong 1911. Lalo pang
lumakas ang komunismo sa China sa pagdating ng Russian Advisers sa
Canton.
 Unti-unting nawawala ang tiwala nila sa pamumuni ni Chang Kai-Shek dahil
sa naganap na katiwalian sa pamahalaan at malawakang kahirapan na
dinaranas sa bansa. Iniuyos nya ang paglunsad ng kampanyang Militar laban
sa komunista.
 Pinamunuan ni Mao Zedong ang nakaligtas na Red Army na tinatawag na
Komunista ng Sundalong Tsino.

Pag-unlad ng Nasyonalismo sa Japan


 Tinanggap ng Japan ang mga kanluranin nang hilingin na ipatupad ang Open
Door Policy noong 1853 na nagpaigting sa damdaming nasyonalismo ng mga
Hapones.
 Ito ay pinasimulan ni Emperador Mutsuhito na siyang namuno sa panahon na
kilala bilang Meiji restoration.

Panahon ng Meiji Restoration


 Sa bisa ng kasunduang kanagawa, tinanggap ng mga Hapones ang mga
kanluranin at naging pinuno ng Japan si Emperador Mutshito(1867-1912).
 Mula sa paglipat ng kabisera ng Japan, nakilala din si Mutsuhito dahil sa
kanyang pagyakap mg impluwensiya ng mga kanluranin na kaniyang ginamit
upang mapunlad ang Japan.
 Ilan sa mga ito ay ang sumusunod:
Edukasyon:
 Nagpatupad ng Compulsory (sapilitang) edukasyon sa elementary.
 Nag-imbita ng mga mahuhusay na guro mula sa ibang bansa.
 Ipinadala ang mga iskolar na Hapones sa ibang bansa.
Ekonomiya
 Nagtungo sa United States at Europe upang matutuhan ang paraan ng
pagnenegosyo at pagpapaunlad ng iba’t ibang industriya.
 Nagpagawa ng mga kalsada, tulay, linya ng kuryente na nagpaunlad sa
sistema ng komunikasyon at transportasyon.
Sandatahang lakas
 Pinalakas ang sandatahang lakas sa pamamagitan ng pagpapagawa ng
makabagong barko at kagamitang pandigma.
 Isinaayos ang pagsasanay ng mga sundalong Hapones.

Modernisasyon ng Japan
 Tinularan ng mga Hapones ang paraan ng pamumuhay ng mga kanluranin na
makatulong sa kaniyang pag-unlad. Ilan sa mga ito ang sumusunod:

Bansa Natutuhan
Germany Sentralisadong pamahalaan, ginawang modelo ang
konstitusyon nito
England Kahusayan at pagsasanay ng mga sundlong British
United Sistema ng Edukasyon
States

Gawain 1: Salitang Swak!


Panuto: Hanapin sa kahon at isulat ang tamang salita na tinutukoy ng bawat bilang.

Mao Zedong Rebelyong Boxer Red Army Hung Hsiu


Chuan
Sun Yat-Sen Chiang Kai- Shek Reblyong Taiping October 10,
1911
Emperador Mutsuhito Demokrasya March 12,
_______________1. Tinagurian bilang “Ama ng Republikang Tsino”.
_______________2. Pinuno ng Rebelyon Taiping.
_______________3. Tinawag itong ___ dahil ang mga naghimagsik ay
miyembro ng samahang Righteous at Harmonious Fists.
_______________4. Sino ang Ama ng Komunistang Tsino?
_______________5. Tawag sa mga Komunistang sundalong Tsino.
_______________6. Siya ang humalili bilang pinuno ng Partidong Koumintang.
_______________7. Itinuturing na isa sa madugong rebelyon sa Kasaysayan.
_______________8. Kinilala ang kaniyang Pamumuno bilang Meiji Restoration.
_______________9. San Min Chu- i
_______________10. Kailan namatay si Sun Yat Sen?

Gawain 2. Suriin Natin!


Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan.

1. Ano ang mga salik na sa pag-unlad ng nasyonalismo sa Silangang Asya?


2. Ano-ano ang mga implikasyon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa mga
Asyano?
3. Nakatulong ba sa mga Hapones ang ipinatupad na modernisasyon mula sa
mga kanlurani?ipaliwanag.
4. Paano ipinamalas ng mga Asyano ang damdaming nasyonalismo sa gitna ng
imperyalismong kanluranin?
5. Bilang isang mag-aaral, anong ideolohiya ang sa tingin mo ay makatutulong
upang maipakita ang iyong pagmamahal sa sariling bayan?

V. Panapos na Gawain

Gawain 3. Pag-isipan Natin!


Panuto: Batay sa napag-aralang paksa, ibahagi ang iyong natutunan sa
pamamagitan ng pagsulat ng dalawang saknong na tula. Gamiting gabay sa
pagsusulat ang rubric sa ibaba.
SANGGUNIAN

Blando, Rosemarie et. al , ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, Eduresources


Publishing, Inc., 5th Floor Mabini Building, DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig
City Philippines 1600
Susi sa Pagwawasto

Gawain 1
1. Sun yat-Sen
2. Hung Hsiu Chuan
3. Rebelyong Boxer
4. Mao Zedong
5. Red Army
6. Chiang Kai Shek
7. Rebelyong Taiping
8. Emperador Mutsuhito
9. Nasyonalismo
10. March 12, 1925

You might also like