You are on page 1of 33

MAPEH

5
Quarter 2 - Module 6
(_____________________)

Department of Education ● Republic of the Philippines


MAPEH - Grade 5
Alternative Delivery Mode
Quarter 2- Modyul 6:
Unang Edisyon 2020

Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa


Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o
tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing
akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng
bayad na royalty bilang kondisyon.

Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit
sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay sa isang
kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa
nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ng kinakatawan ng
tagapaglathala (publisher) at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon - Sangay ng Ozamiz


Tagapamanihala ng mga Paaralan: Jean G. Veloso
Development Team of the Module
Authors: Lennie V. Rico Arman B. Siso
Rene L. Bation Juliet G. Hipos
Reviewers: Imelda D. Pongase Selina O. Macas
Joseph M. Amisola Joseph L. Galia
Fernando D. Sumondong Milagros Z. Mendoza
Illustrator and Layout Artist: Jarold James B. Serohijos
Desi G. Aninao
Management Team
Chairperson: Jean G. Veloso, CESO IV
Schools Division Superintendent

Co-Chairperson: Audie S. Borres, CESE


Assistant Schools Division Superintendent

Members Anacleta A. Gacasan, CID Chief ES


Imelda D. Pongase, EPS-MAPEH
May P. Edullantes, EPS-LRMS
Selina O. Macas, PSDS
Desi G. Aninao, PDO II
Mary Ann Grace J. Manili, Librarian II
Printed in the Philippines by
Department of Education – Division of Ozamiz City
Office Address: IBJT Compounds, Carangan, Ozamiz City
Telefax: (088)545-09-90
E-mail Address: deped1miz@gmail.com
ii
5

MAPEH
Ikalawang Markahan - Modyul 6
Aralin 1- 4

This instructional material was collaboratively developed and reviewed


by educators from public and private schools, colleges, and or/universities.
We encourage teachers and other education stakeholders to email their
feedback, comments, and recommendations to the Department of Education
at action@ deped.gov.ph.

We value your feedback and recommendations.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas

iii
Talaan ng Nilalaman
Mga Pahina
Pangkalahatang Ideya ----------------------------------------------------------- v
Nilalaman ng Modyul ----------------------------------------------------------- v
Pangkalahatang Panuto ---------------------------------------------------------- v
Icons na Ginagamit sa Modyul ------------------------------------------------- vii
Aralin 1: Nababasa/ Naaawit ang mga Notes sa Pentatonic, C Major,
at G Major Scale
Alamin ---------------------------------------------------------------------- 1
Balikan ---------------------------------------------------------------------- 1
Tuklasin --------------------------------------------------------------------- 1
Suriin ------------------------------------------------------------------------ 3
Pagyamanin ----------------------------------------------------------------- 3
Isaisip ------------------------------------------------------------------------ 5
Isagawa ---------------------------------------------------------------------- 5
Susi sa Pagwawasto--------------------------------------------------------- 5
Sanggunian------------------------------------------------------------------- 6

Aralin 2: Paggamit ng Complementary Colors sa isang Landscape Painting


Alamin ----------------------------------------------------------------------- 7
Balikan ----------------------------------------------------------------------- 7
Tuklasin ---------------------------------------------------------------------- 7
Suriin ------------------------------------------------------------------------- 8
Pagyamanin ----------------------------------------------------------------- 8
Isaisip ------------------------------------------------------------------------ 9
Isagawa ---------------------------------------------------------------------- 10
Susi sa Pagwawasto--------------------------------------------------------- 11
Sanggunian------------------------------------------------------------------- 12
Aralin 3: Tumbang Preso
Alamin ---------------------------------------------------------------------- 13
Balikan ---------------------------------------------------------------------- 13
Tuklasin --------------------------------------------------------------------- 14
Suriin ------------------------------------------------------------------------ 15
Pagyamanin ----------------------------------------------------------------- 15
Isaisip ------------------------------------------------------------------------ 16
Isagawa ---------------------------------------------------------------------- 17
Susi sa Pagwawasto--------------------------------------------------------- 17
Sanggunian------------------------------------------------------------------- 18
Aralin 4: Pagtanggap sa mga Pagbabagong Nagaganap sa Panahon
ng Pagbibinata at Pagdadalaga
Alamin ----------------------------------------------------------------------- 19
Balikan ----------------------------------------------------------------------- 19
Tuklasin ---------------------------------------------------------------------- 20
Suriin ------------------------------------------------------------------------- 20
Pagyamanin ----------------------------------------------------------------- 23
Isaisip ------------------------------------------------------------------------ 24
Isagawa ---------------------------------------------------------------------- 24
Susi sa Pagwawasto--------------------------------------------------------- 24
Sanggunian------------------------------------------------------------------- 25

iv
Modyul 6
MAPEH (Ikalawang Markahan)

Pangkalahatang Ideya

Maipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga konsepto ukol


sa melodiya, pisikal na mga gawain at fitness, invasion games, linya, kulay, space at harmony
sa pagpipinta ng iba‘t ibang landscapes, pagdadalaga at pagbibinata, sex at gender.

Nilalaman ng Modyul
Ang modyul na ito may apat na elemento: Music, Arts, Physical Education, at Health.
Tampok dito ang mga konsepto ng notes sa pentatonic, C Major, at G Major scale,
complementary colors sa isang landscape painting, tumbang preso at mga Pagbabagong
nagaganap sa panahon ng pagbibinata at pagdadalaga.

Nagsisimula ang modyul na it sa pagpakikilala ng paksa at pagpauunawa sa mga mag-


aaral ng halaga ng pagkatuto mula rito sa bahaging Alamin. Sumunod nito ang Balikan kung
saan masusuri ang natututunan kaugnay sa bagong aralin na tatalakayin. Sinusundan ito ng
pag-uugnay ng pagkatuto mula sa mga nagdaang modyul at sa kasalukuyang aralin.

Ang bahaging Tuklasin ay naglalahad ng bagong aralin sa pamamagitan ng iba‘t ibang


gawain. Sa bahaging Suriin naman ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at mararapat na
matutuhan ng mga mag-aaral upang malinang ang pokus na kompetensi.

Ang bahaging Pagyamanin ay mga gawain na magpapalawak ng natutuhan ng mga


mag-aaral at magbibigay ng pagkakataong mahahasa ang mga kasanayang nililinang.

Ang bahaging Isaisip naman ay magpoproseso ng mahahalagang natutunan sa aralin


at sa bahaging Isagawa naman mailalapat ang mahahalagang natututunan sa mga pangyayari
o sitwasyon sa totoong buhay.

Pangkalahatang Panuto

Ang modyul na ito ay sinadyang binuo upang maunawaan ng mga mag-aaral nang mabuti
ang mga aralin sa MAPEH Baitang 5 kahit hindi na makakapasok sa paaralan nang regular.
Sundin mo nang tapat ang mga sumusunod na tagubilin upang maging lubos ang iyong pag-
unawa sa mga nilalaman ng aralin.

1. Pumunta sa isang takdang lugar ng inyong bahay, silid-aklatan, o anumang lugar na


tahimik, ligtas, at kaaya-aya para sap ag-aaral ng iyong mga aralin.

v
2. Gumamit lamang ng gadyet gaya ng cellphone, tablet, laptop, kompyuter kung
kinakailangan ito sa iyong pinag-aralan. Kung hindi ito kailangan, iwasan munang
gumamit o pansamantalang itabi ito upang maituon ang iyong buong atensyon sa pag-
aral.

3. Maglaan ng kwaderno para sa MAPEH para sa mga sagot sa mga tanong sa mga
gawain at mga tala (notes) ng mga konsepto mula sa pagpapalalim. Isulat naman ang
iyong mga pagninilay sa isang journal.

4. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga gawain.

5. Unawaing mabuti ang nilalaman ng modyul.

6. Basahin at sundin ang mga panuto at ibang tagubilin.

7. Pag-isipang mabuti ang sagot sa bawat tanong bago ito isulat sa kuwaderno sa
MAPEH.

8. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang-alang ang iyong
puso at damdamin sa pagsagot sa mga tanong. Gamiting gabay ang layuning
pagkatuto at mapagtapos ang pag-aaral sa lahat ng mga gawain.

9. Kung kinakailangan, magtanong sa guro, magulang, kapatid, kamag-aral, kaibigan, o


sa mga awtoridad sa pamayanan.

10. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa kahit nahihirapan sa mga
aralin na kinakaharap.

vi
Icons na Ginagamit sa Modyul

Ito ay ang bahaging naglalahad ng mga layunin o


Alamin mithiing dapat matamo sa pag-aaral mo sa modyul na
ito.

Ito ay pagtatasa sa antas ng iyong kaalaman sa


tatalakaying aralin. Sa pamamagitan nito masususuri
Subukin
kung ano na ang iyong natutunan kaugnay sa bagong
tatalakaying aralin.

Ito ay ang pagtatatag ng ugnayan sa pamamagitan ng


pagtatalakay sa mga mahahalaga mong natutunan sa
Balikan
nagdaang aralin na may koneksiyon sa tatalakaying
bagong aralin.

Ito ay paglalahad sa bagong aralin sa pamamagitan ng


Tuklasin iba‘t ibang gawain

Ito ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at nararapat


mong matutunan upang malinang ang pokus na
Suriin
kompetensi.

Ito ay ang mga gawain na magpapalawak sa iyong


natutunan at magbibigay pagkakataong mahasa ang
Pagyamanin
kasanayang nililinang.

Ito ay mga gawaing magpoproseso sa iyong


mahahalagang natutunan sa aralin.
Isaisip

Ito ay ang mga gawain na gagawin mo upang mailapat


ang iyong mahahalagang natutunan sa mga pangyayari
Isagawa
o sitwasyon sa totoong buhay.

Susi sa
Nagbibigay ito ng mga sagot sa iba‘t ibang mga gawain
Pagwawasto
at pagtatasa.

vii
Aralin Nababasa/Naaawit ang mga Notes sa
Pentatonic, C Major, at G Major
1 Scale

Alamin Natin

Essential Learning Competency (Quarter 2):


 . Reads / Sings notes in different scales - Pentatonic scale, C Major scale, G major scale
MU5ME-IIf-9

Balikan Natin

Basahin ang mga notes ayon sa wastong tunog.

Source:https://www.google.com/search?sxsrf=ALeKk00hugIzBOd4lK1hzhn6hh7dhqQS4A:1598853
540652&source=univ&tbm=isch&q=so+fa+syllaba+ng+iskalang+mayor&sa=

Tuklasin Natin

Ang melody ay isa sa mga pangunahing elemento ng musika na madali nating nakilala
o naaalala at binubuo ng iba‘t-ibang nota at tono na sunod sunod at maayos na pinagsama-
sama upang makabuo ng kanya kangyang tunog. Isang uri ng scale ang pentatonic na
binubuo ng limang notes: do, re, mi, so, at la. Ito ay naririnig madalas na narorinig sa mga
awiting bayan mula sa iba‘t-ibang bansa sa Asya. Maririnig din ito sa mga katutubong awitin.
Ang C Major scale ay may walong notes. Ang una at huling note nito ay may pitch name na
C ay ang home tone ng C Major ay do samantalang ang ang G Major ay may walong notes
din ang unang note ay ay matatagpuan sa guhit na G at nasa tunugang so.
1

Tingnan ang mga sumusunod na scale at basahin ang mga notes ayon sa wastong tunog nito.

Pentatonic Scale

Source: http://www.piano-play-it.com/pentatonic-scale.html

Source:
https://www.google.com/search?sxsrf=ALeKk012pyw2NQcHKZbdTkeeZ8DZ8tf04g:159368476836
4&source=univ&tbm=isch&q=larawan+ng+Cmajor&sa=X&

Source:
https://www.google.com/search?sxsrf=ALeKk01b1NIDlR0glAxaVQmDBNwm59T4eQ:1593686828
796&source=univ&tbm=isch&q=larawan+ng+G+M
2
Suriin Natin

Gamit ang mga so-fa syllable at mga Kodaly hand signals. Awitin ang mga notes sa
magkaibang scales.

Source:
https://www.google.com/search?sxsrf=ALeKk03IJHspEiArKFXIz0sYRvvmrQ:1593689842594&sou
rce=univ&tbm=isch&q=kodaly+hand+signs&sa=X&ved=2ahUKEwjQs

Pagyamanin Natin

Gawain 1
Gumuhit na kakaibang scale na maaring paglagyan ng mga notes sa C Major,
Pentatonic at G Major at basahin isa-isa.

4
Mga
5 3 2 1
Pamantayan

 Maayos at Napakaayos at Maayos ang Hindi Umabot sa 10 Himdi


malinis napakalinis pagbasa ng masyadong mali ang marunong
ang ang pagbasa ng mga notes malinis at pagbasa mg bumasa at
pagkabasa mga notes maayos ang mga notes umawit sa
ng mga pagbasa ng mga notes
notes mga notes
 Nilalaman Nagpapakita Ang ginuhit Nagpapakita Nagpapakita Di- marunong
ng ay hindi ng maliit na ng di wastong gumuhit ng
napakagandang masyadong husay sa pagkaguhit mga notes
pagkaguhit sa maganda pagguhit
mga notes

3
Gawain 2
Lumikha ng tatlong limguhit (staff) at isulat ang mga wastong mga notes ng
sumusunod na scales at basahin at awitin ito.

1. pentatonic scale

2. C major

3. G major

Panuto: Suriin ang piyesa ng awit at sundin ang mga sumusunod na tanong na makikita sa
ibaba.

Source: Halinang Umawit at Gumuhit

Sagutin ang mga tanong:


1. Saang bahagi ng limguhit (staff) nakalagay ang home tone ng at iba pang mga notes?

2. Isulat ang mga so-fa syllable sa awiting si Filemon.

4
Direksiyon: Awitin ang iba‘t ibang scales at iguhit ito sa ibaba.

Source:
https://www.google.com/search?sxsrf=ALeKk01UOsDaHLE339udYHHD07cfUdLfkw:15936885719
38&source=univ&tbm=isch&q=kaibahan+ng+pentatonic+scales+,+c

Isaisip Natin

. Isang uri ng scale ang pentatonic na binubuo ng limang notes: do, re, mi, so, at la.
Ang C Major scale ay may walong notes. Ang una at huling note nito ay may pitch name na
C ay ang home tone ng C Major ay do samantalang ang ang G Major ay may walong notes
din ang unang note ay ay matatagpuan sa guhit na G at nasa tunugang so.

Isagawa Natin

Maghanap ng iba‘t- ibang awiting pambata na may gamit na C Major, Pentatonic at


G Major. Isulat ito sa buong papel at ipasa bukas.

Susi sa Pagwawasto

Balikan Natin Isagawa Natin


Maaaring magkaiba ang pagganap. Maaaring magkaiba ang pagganap.
Maaaring magkaiba ang pagganap.

Tuklasin Natin Isagawa Natin


Maaaring magkaiba ang pagganap. Maaaring magkaiba ang pagganap.

Pagyamanin Natin
Maaaring magkaiba ang pagganap.

5
Sanggunian
Copiaco, H., Jacinto Jr. E., Tapang L. ‗Halina‘t Umawit at Gumuhit‘ Vibal Group Inc. (2016)
― Ang mga Scale sa Musika‘, Halina‘ t Umawit access July 2-3, 2020

https://www.google.com/search?sxsrf=ALeKk01UOsDaHLE339udYHHD07cfUdLfkw:5936
88571938&source=univ&tbm=isch&q=kaibahan+ng+pentatonic+scales+,+

https://www.google.com/search?sxsrf=ALeKk01UOsDaHLE339udYHHD07cfUdLfkw:1593
688571938&source=univ&tbm=isch&q=kaibahan+ng+pentatonic+scales+,

6
Aralin Paggamit ng Complementary
Colors sa Isang Landscape
2 Painting

Alamin Natin

Learning Competency:
 Sketches using complementary colors in landscape painting

Balikan Natin

Noong nakaraang aralin ay tinalakay natin ang tungkol sa color wheel. Ano ang
tawag sa mga kulay na direktang nakaharap sa color wheel?
___________________________________________________________________________

Ano-ano ang mga halimbawa ng complementary colors? _____________________________


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Tuklasin Natin

Panuto: Kumpletuhin ang graphic organizer na nasa ibaba sa pamamagitan ng pagbibigay ng


mga magkasalungat na kulay.

Complementary
Colors

7
Suriin Natin

Ang mga kulay na direktang magkaharap sa color wheel ay tinatawag na mga


complementary color. Kapag ipinaghalo ang mga ito, makabubuo ng kulay abo, puti, at itim.
Pero kung gagamitin ito na kumbinasyon sa pagkukulay, ito ay makapagbibigay ng
kakaibang ganda sa gawaing sining lalo na at ilalapat ang iba pang element at prinsipyo sa
paggawa ng likhang-sining

Pagyamanin Natin

Gawin Natin!

Paggawa ng Self-Portrait

Ang self-portrait ay isang larawan ng mukha o buong katawan ng isang tao na


ginawa, ginuhit, o ipininta basis a iyong sarili.

Narito ang mga halimbawa ng self-portrait:

Sources:
https://alexgrimm.com/self-portrait/
https://www.discovernepa.com/calendar/frida-kahlo-self-portrait-painting-workshop-ages-10-16/2019-08-06/
https://crayolateachers.ca/lesson/how-to-draw-the-face-line-detail-proportion/
Isagawa Natin
https://sites.google.com/a/sachem.edu/ms_art_ramsay/complementary-color-self-portrait-painting

Panuto: Gumuhit ng iyong sariling portrait. Kulayan ito gamit ang isang pares lamang ng
complementary colors.

Mga Kagamitan:
 lumang pahayagan
 cartolina  pambura
 mga iba‘t ibang uri ng brush  poster color o water color
 lapis

Hakbang sa Paggawa:

1. Ilatag ang mga lumang pahayagan sa lugar ng pagpipintahan.


2. Ihanda ang lahat ng kakailanganin sa pagpinta tulad ng paint brush at water color.
8
3. Iguhit ang larawan ng iyong sarili sa cartolina,
4. Ipinta ito gamit ang isang pares lamang ng complementary colors.
5. Kapag tapos na, patuyuin ang larawang naipinta.

Rubrik Para Sa Self-Portrait Painting


Nakasunod sa Nakasunod sa Hindi
pamantayan nang pamantayan subalit nakasunod sa
Mga Sukatan
higit sa inaasahan may ilang pamantayan
pagkukulang
5 3 2
1. Nakakaguhit ng
larawan ng sarili.
2. Nakapagpinta gamit
ang isang pares ng
complementary
color.
3. Nakasunod nang
tama sa mga hakbang
sa paggawa ng
likhang-sining.
4. Nakakikitaan ng
harmony ang likhang
likhang sining sa
tamang pagkakaayos
ng mga kulay.

Isaisip Natin

Kulay ang nagbibigay ng buhay sa mga bagay sa paligid. Ito ay maaring mapusyaw at
maaari ring matingkad. Kapag ginamit ang kulay sa isang obra o likhang-sining,
nakapagpapahawig ito ng iba‘t ibang kahulugan.

Ang mga complementary colors ay ang mga kulay na direktang nakaharap sa color wheel.

Kapag ipinaghalo ang mga ito, makabubuo ng kulay abo, puti, at itim.

Nagagamit ang wastong kumbinasyon ng mga kulay upang maipakita ang harmony sa
isang landscape painting.

9
Isagawa Natin

Panuto: Ipinta mo ang bahay na bato ng Batanes gamit ang mga complementary colors.

Source: https://web.facebook.com/ThePhilippineArchitecture/posts/ivatan-house-batanesthe-ivatan-
house-is-made-primarily-of-lime-stone-wood-and-th/665673726866735/?_rdc=1&_rdr

Mga Kagamitan:
 lumang pahayagan
 lumang tasa o garapon para sa hugasan ng brush
 basahang panlinis
 mga iba‘t ibang uri ng brush
 poster color o water color

Hakbang sa Paggawa:
1. Ilatag ang mga lumang pahayagan sa lugar na pagpipintahan at ihanda ang lahat ng
kinakailangan sa pagpipinta.
2. Kulayan ang bahay na bato gamit ang mga complementary colors.
3. Subukang makagawa ng malikhaing kalalabasan ng kulay sa pamamagitan ng
pagpapatong ng kulay o layering at belnding.
4. Gawing makatotohanan ang kulay at anyo ng mga bato sa paglalagay ng mga malatuldok
na disenyo gamit ang mga poster color o water color.
5. Patuyuin ang larawang ipininta.

10
Rubrik Para sa Landscape Painting
Nakasunod sa Nakasunod sa Hindi
pamantayan nang pamantayan subalit nakasunod sa
Mga Sukatan
higit sa inaasahan may ilang pamantayan
pagkukulang
5 3 2
1. Napinturahan nang
maganda at
makatotohanan ang
bahay na bato..
2. Nakikita ang
pagsusumikap ng mag-
aaral na makalikha ng
natatanging likhang-
sining.
3. Nakasunod nang tama
sa mga hakbang sa
paggawa ng likhang-
sining.
4. Nakikita ang malikhaing
paggamit ng sari-saring
kulay at kumbinasyon
ng kulay.

Susi sa Pagwawasto

Balikan Natin Isagawa Natin


 Complementary colors  Maaring magkakaiba
Berde at pula ang pagganap
Asul at kahel
Dilaw at lila
Yellow orange at blue violet
Red orange at blue green
Red violet at yellow green

Tuklasin Natin
Berde at pula
Asul at kahel
Dilaw at lila
Yellow orange at blue violet
Red orange at blue green
Red violet at yellow green

Pagyamanin Natin
 Maaring magkakaiba ang pagganap.

11
Sanggunian:

LRMDS Division of Cabanatuan

https://web.facebook.com/ThePhilippineArchitecture/posts/ivatan-house-batanesthe-ivatan-
house-is-made-primarily-of-lime-stone-wood-and-th/665673726866735/?_rdc=1&_rdr

The 21st Century MAPEH in Action, Worktext in Music, Arts, Physical Education, and Heath,
REX Bookstore

Sing, Sketch, Stretch, and Stay Healthy, ABIVA Publishing House

Musika at Sining, Kagamitan ng Mag-aaral

12
Aralin
Tumbang Preso
3
Alamin Natin

Essential Learning Competencies:


 Explains the nature/background of the game
 Observes safety precautions
 Executes the different skills involved in the game
 Displays joy of effort, respect for others and fair during participation in physical
activities

Balikan Natin

Anong laro ipinapakita sa larawan?


Alam mo ba kung ano-ano ang mga alituntunin sa larong ito? Ilagay ang iyong kasagutan sa
loob ng kahon

13
Tuklasin Natin

Anong laro ng lahi ang nasa larawan? Sino ang makapagbibigay ng alituntunin sa
larong ito?

Sources:
https://www.google.com/imgres?imgurl=https%3A%2F%2Fi2.wp.com%2Fwww.nilaeslit.com%2Fwp-
content%2Fuploads%2F2019%2F07%2F92b-tumbang-preso-cartoon-
1.jpg%3Ffit%3D594%252C409%26ssl%3D1&imgrefurl=https%3A%2F%2Fwww.nilaeslit.com%2Ftrad
itional-filipino-games-series-05-tumbang-
preso%2F&tbnid=6RJuQ0babBasnM&vet=12ahUKEwie5I3hiLbqAhUEUpQKHRSNCYgQMygAegUI
ARDIAQ..i&docid=TP10WDyiiGCNZM&w=594&h=409&q=tumbang%20preso&ved=2ahUKEwie5I3
hiLbqAhUEUpQKHRSNCYgQMygAegUIARDIAQ

Panuto: Kilalanin ang mga gamit sa paglalaro ng Tumbang Preso. Bilugan ang mga ito sa loob
ng kahon

tsinelas panyo lata


lubid sapatos
kompyuter
chalk o kahit anong pangmarka

Tumbang Preso
Mekaniks ng larong Tumbang Preso:
1. Karaniwang nilalaro ang tumbang preso ng lima hanggang sampung bata.
2. Ang mga bata ang namimili ng taya sa pamamagitan ng maiba-taya
3. Kailangang patumbahin ang lata at kunin ang inihagis sa tsinelas bago paman mapatayo ng
taya ang lata.
4. Binibilugan ang palibot ng lata at inilagay ito sa gitna
5. Guguhit ng manuhan na may layong apat na metro o hanggang saan nila gusto.

14
Suriin Natin

Tumbang Preso ay isang laro na kinawiwilihan ng mga batang Pilipino. Mararanaan ng


bata sa tumbang preso ang mag-aliw, magrelaks at magpasaya gamit ang kanilang katawan at
simpleng bagay tulad ng tsinelas at lata.

Ang tumbang preso ay isa sa mga larong Pinoy ito ay nilalaro sa pamamagitan ng
pagtama sa isang lata at kailangan itong patumbahin ng mga naglalaro at may isa naming
nagbabantay ditto at itatayo kapag natumba. Kapag ito‘y napatumba mag-uunahan ang mga
manalalaro upang kunin ang kanilang tsinelas at kung sino ang mahuhuli ng nagbabantay sa lata
siya naman ang susunod na taya.

Maliksi, mabilis na pag-iisip ng stratehiya, at pakikisama ang ilan sa aral na mapupulot


nila sa mga ganitong uri ng laro. Matutunan din nilang sumunod sa alituntunin ng laro at ang
kapalit kapag hindi ito sinunod na umiiral sa totoong buhay.

 Ano-ano ang mga mabuting maidudulot sa paglalaro ng tumbang preso?


Isulat loob ng kahon na ito ang iyong kasagutan.

Pagyamanin Natin

Bago natin umpisahan ang laro ay isa-isahin muna ang mga pag-iingat na dapat gawin
upang maiwasan ang anu- mang kapahamakan.

1. Kailangang malawak at malinis ang palaruan para maiwasan ang masugatan


2. Iwasan na itulak ang kasama para mahuli
3. Maging maingat para hindi tamaan ng tsinelas at lata kung ikaw ang taya

15
Tara na! Umpisahan na natin ang laro.

Ibahagi ang iyong mga karanasan sa paglalaro ng Tumbang Preso ayon sa mga sumusunod na
tanong:

1. Paano ka nakakaiwas habang hinahabol ka ng inyong kalaro?


_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

2. Naalala mo ba ang mga safety precautions na pwedeng gawin upang makaiwas sa sakuna
habang naglalaro ng tumbang preso?
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

3. Sa larong tumbang preso, ano-anong sangkap ng physical fitness ang nagamit sa laro?
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

4. Ano ang iyong naramdaman kung ikaw ay naglalaro ng tumbang preso?


_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

Isaisip Natin

Lagyan ng kung nagawa mo ang mga kalinangang ito.

Mga Gawain Mahusay Katamtaman Kailangan


pang linangin
1. Bilis at liksi sa pagtakbo

2. Tamang pabato sa lata

3. Paghuli sa kalaban

4. Pagsipa sa lata para


sagipin ang kakampi
5. Pagiging isport sa
paglalaro

16
Isagawa Natin

Isulat sa inyong Fitness Diary ang iyong mga natutuhan tungkol sa paglaro ng Tumbang
Preso. Isulat mo din kung ano ang sa palagay mo ang dapat mo pang pagbutihin upang sa
susunod na paglalaro aymas maging mahusay ka pa.

Susi sa Pagwawasto

Balikan Natin
Maaaring magkakaiba ang mga sagot.

Tuklasin Natin
1. tsinelas 2. lata 3. chalk o kahit anong pangmarka
Suriin Natin Pagyamanin Natin
Maaaring magkakaiba ang mga sagot. Maaaring magkakaiba ang mga sagot.

Isaisip Natin Isagawa Natin


Maaaring magkakaiba ang mga sagot. Maaaring magkakaiba ang mga sagot.

17
Sanggunian
LRMDS Division of Cabanatuan City

MAPEH 5 in Action Worktext in Music, Arts, Physical Education, and Health, Copyright 2016,
REX Bookstore

https://www.google.com/imgres?imgurl=https%3A%2F%2Fi2.wp.com%2Fwww.nilaeslit.com
%2Fwp-content%2Fuploads%2F2019%2F07%2F92b-tumbang-preso-cartoon-

18
Aralin Pagtanggap sa mga Pagbabagong Nagaganap
4 sa Panahon ng Pagbibinata at Pagdadalaga

Alamin Natin

Essential Learning Competency:


 Accepts that most of these concerns are normal consequence of bodily changes
during puberty but one can learn to manage them.

Ang modyul na ito ay magtuturo sa inyo sa kahalagahan ng pagtanggap ng mga


pagbabagong nagaganap sa panahon ng pagbibinata at pagdadalaga.

Balikan Natin
Bakit nagbabago ang
Ang sakit ng boses ko? Ano‘ng
puson ko! nangyayari sa akin?

Google Image

Bakit
ganito?
Ano ito?

Source: http://lrmdsdepedcabanatuan.weebly.com/grade-5-quarter-2-lms.html

19
Batay sa mga larawang ipinapakita, ano-ano ang mga pagbabagong pisikal na nagaganap
sa panahon ng pagbibinata at pagdadalaga?
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

Tuklasin Natin

Sagutin ang mga tanong batay sa mga larawang ipinapakita sa naunang pahina.
1. Ano-anong mga pagbabago ang nagaganap sa mga nagdadalaga at nagbibinata?
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

2. Naranasan mo rin ba ang mga pagbabagong ito? Paano mo ito matatanggap ang mga ito?
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

3. Normal ba ang mga pagbabagong ito? Bakit?


_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

Suriin Natin

Ang pagbabagong nagaganap sa katawan ng isang nagdadalaga at nagbibinata ay hindi


dapat ikahiya dahil ito ay normal lamang. Sa pagitan ng edad 10 at 15, nagsisimulang lumaki at
magbago angkatawan ng batang babae at lalaki tungo sa katawan ng dalaga at binata o
nakatatanda. Maari itong maging panahon ng tuwa at hirap. Nakakalito sa nagdadalaga at
nagbibinata kung bata pa siya o nasa tamang edad na—nasa bandang gitnaang katawan niya at
may ginagawang mga bagay na hindi siya sanay. Dagdag na pabigat kung hindi ito pinag-
uusapan, at baka hindi alam ng babae at lalaki kung ano ang mangyayari.
Nagbabago ang katawan ng lahat ng batang babae at lalaki, pero may pagkakaiba sa bawat
isa. Kaya huwag mag-alala kung hindi eksaktong kahawig ng katawan mo ang sa kapatid o
kaibigan.

Paglaki. Malamang ang unang pagbabago ay ang mabilis na paglaki. Baka may panahong mas
matangkad ka sa lahat ng lalaki at babae na kaedad mo. Madalas hihinto ang paglaki mga 1–3
taon tapos ng unang regla.

Pagbabago sa Katawan. Bukod sa mabilis napaglaki, magbabago rin ang katawan mo. May mga
natural na kemikal sa katawan na tinatawag na hormones na nagpapalaki sa katawan at
nagbubunsod din ng mga pagbabago.
20
Sa Loob ng Katawan. May iba pang mgapagbabago na hindi momakikita, ito ay ang
nararamdaman mo. Sa pagdaan mo sa mga pagbabagong ito, mas
napapansin mo na nagkakaroon ka na ng ―crush‖o paghanga at
nagiging malapit sa mga kaibigan o grupo. Baka may pagkakataong
mahirap kontrolin ang iyong damdamin. Sa mga araw bago ang regla,
mas karaniwan na may malalakas kang damdamin na sarisari—tulad
ng tuwa, galit at pagaalala.

Source:http://lrmdsdepedcabanatuan.weebly.com/grade-5-quarter-2-lms.html

Mga Epekto ng Pagbabago sa Sarili


Mapapansin natin na kapag ang mga kabataan ay umabot na sa ganitong kalagayan,
nagkakaroon ng isyu o usapin na labis na nakakaapekto sa kanyang paglaki bilang indibidwal.
Bilang mga kabataan na magdaraan sa ganitong sitwasyon, dapat niyong tanggapin at unawain
ang mga pagbabagong ito. Ang lahat ng pagbabagong ito ay normal at pinagdaraanan ang
ganitong pangyayari sa buhay.
Mga Epekto ng Pagbabagong Pisikal sa Sarili ay ang mga sumusunod:
1. Sa sariling katawan-picture only-omit words

Ang nagdadalaga ay nakararanas ng pagsakit ng ulo o pagkahilo,


at pagsakit ng puson at dibdib bago dumarating ang buwanang daloy.
Ang nagbibinata naman ay lumalaki ang mga bisig, kalamnan
sa braso at binti na nagdudulot ng iabayong lakas at resistensya
kaya‘t nahihilig sa isports, laro at palakasan.
2. Sa pag-uugali

Ang nagdadalaga ay nagiging mahiyain, maramdamin, at makikitang palaging


nagsasalamin upang pansinin ang sarili o nagiging self-conscious. Nagiging palaayos din siya sa
katawan at pananamit. Nagiging palahanga at nagkakaroon ng iniidolo at ginagawang modelo.
Ang nagbibinata naman ay nagiging mapusok at nagpapapansin sa mga hinahangaan.
Nagiging mapaghanap din siya ng pagkilala at pagtanggap. Ang ibang nagbibinata ay
nagkakaroon ng ugaling mapaghimagsik lalo na kung naguguluhan sila at hindi nila naiintindihan
ang mga pagbabagong nagaganap sa sarili. Ang kilos at ugali nila ay nagiging palaban at
mapusok. Kailangan nila ng sapat na pamamatnubay at pag-unawa ng mga magulang at
nakatatanda upang maintindihan nila ang kanilang sarili.
3. Sa pakikitungo sa kapwa

Ang nagdadalaga at nagbibinata ay mapag-isip tungkol sa iba‘t ibang galaw o kilos at


pananaw sa buhay. Nakikisalamuha o nakikihalubilo sa kapwa
kabataan at nagsisikap na makilala ang sarili; kaya‘t malaki ang
impluwensyang nagagawa ng mga kaibigan sa pagkatao. Nagiging
mapag-isip din tungkol sa iba‘t ibang pananaw sa pamumuhay ang
kabataan. Maaaring sumalungat ang ilang kabataan tungkol sa
pamamalakad ng pamumuhay ng kanilang magulang na
nagiging sanhi ng alitan at di-pagkakaunawaan. Ito ay maaring
iwasan sa pamamagitan ng maayos at mahinahong pag-uusap ng
anak at magulang.
Source:http://lrmdsdepedcabanatuan.weebly.com/grade-5-quarter-2-lms.html

21
Pagyamanin Natin

Humanap ng isang kapanayamin. Pwede magulang, ate, kuya, tiyo, tiya, o kaibigan. Pag-
usapan ang mga pagbabagong naganap sa panahon ng kanilang pagbibinata at pagdadalaga.
1. Ano-ano ang mga pagbabagong naganap sa panahon ng iyong pagbibinata at pagdadalaga?

2. Paano mo napamahalaan at natanggap ang mga pagbabagong ito?

3. Ano-ano sa tingin mo ang mga posibling mangyayari kung hindi mo kayang magabayan ang
iyong sarili sa panahon ng pagbibinata at pagdadalaga.

Isulat ang kanilang mga kasagutan sa graphic organizer na nasa ibaba.

23
Isaisip Natin

Ang pagbabagong nagaganap sa katawan ng isang nagdadalaga at nagbibinata ay


hindi dapat ikahiya dahil ito ay normal lamang. Mapapansin natin na kapag ang mga
kabataan ay umabot na sa ganitong kalagayan, nagkakaroon ng isyu o usapin na labis na
nakakaapekto sa kanyang paglaki bilang indibidwal. Bilang mga kabataan na magdaraan sa
ganitong sitwasyon, dapat lang na tanggapin at unawain ang mga pagbabagong ito. Ang
mahalaga ay ang mabuting pagdadala o pagmamahala nito sa tulong ng mga magulang at
nakatatanda.

Isagawa Natin

Isulat sa graphic organizer na bookworm na nasa ibaba kung paano mo nagawan ng


paraan ang mga pagbabagong ito?

Source: http://lrmdsdepedcabanatuan.weebly.com/grade-5-quarter-2-lms.html

Susi Sa Pagwawasto

Balikan Natin:
Maaaring magkakaiba ang sagot.

Tuklasin Natin:
Maaaring magkakaiba ang sagot.

Pagyamanin Natin:
Maaaring magkakaiba ang sagot.

Isagawa Natin:
Maaaring magkakaiba ang sagot.
Sanggunian: 24
http://lrmdsdepedcabanatuan.weebly.com/grade-5-quarter-2-lms.html

Halinang Umawit at Gumuhit 5

Essential Learning Competencies-MAPEH 5- Q2-W5


25

For inquiries and feedback, please write or call:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

DepEd Division of Ozamiz City


Office Address: IBJT Compound, Carangan, Ozamiz City
Telefax : (088) 545-09-88
E-mail Address: deped1miz@gmail.com

You might also like