You are on page 1of 2

Performance Task – Filipino 6

Mga tauhan: Kyle, Cassidy, Ashaeni, Margel, at Elisha (Narrator)

Elisha: Isang araw, nakita ng pamilya ni Kyle na siya ay malungkot.

Ashaeni: Bakit ka malungkot, Kuya Kyle?

Kyle: Nawalan kasi ako ng trabaho. Hindi ko alam paano ako maghahanap ng trabaho. Wala

akong access sa internet.

Margel: Ah, ganun ba? May paraan diyan! ‘Di ba, Ate Cassidy?

Cassidy: Oo naman! Mayroon akong dalang pahayagan dito. Ito oh! Tignan mo yung pahinang

pang-classified ads.

Kyle: Huh?! Gumagamit ka pa ng pahayagan, Ate Cassidy? Lagi ka naman may mobile data.

Cassidy: Oo naman! Hindi naman ako laging nagbabasa gamit ang cellphone ko. Gusto ko kasi na

lagi akong updated sa mga nangyayari. Mabilis mapagod ang mata ko kakatingin sa

cellphone o gadget. Dahil dito, bumibili pa rin ako ng pahayagan.

Ashaeni: Anong nakikita sa pahinang pang-classified ads, Ate Margel?

Margel: Maraming makikita sa pahinang ito. Makikita dito ang mga patalastas tungkol sa mga

trabahong puwedeng pasukan at mga bagay na pinagbibili o pinapaupahan.

Kyle: Puwedeng patingin ako ng dala mong pahayagan, Ate Cassidy?

Cassidy: Sige, ito oh!

Elisha: Binuksan ni Kyle ang pahayagan at hinanap niya ang pahinang pang-classified ads.

Kyle: Ang dami palang makikitang mga trabaho na maaaring pasukan dito sa classified ads.
May

mga nakita na ako na puwede kong apply-an.

Ashaeni: Patingin nga, Kuya Kyle. Ay! Mayroon din pala ditong nagpatalastas na nagbebenta ng

mga librong gusto ko. Tatawagan ko sila at bibilhin ko ang mga libro.

Margel: Pahiram naman ako ng pahayagan, Kyle. Gusto kong basahin ang pangmukhang pahina.

Mayroon kasi akong gagawing proyekto at kailangan ko ang pangunahing balita.

Cassidy: Ano ba ang balita na ilalagay mo sa proyekto mo, Margel?


Margel: Ilalagay ko ang balita tungkol sa pagkapuno ng mga hospital dito sa Metro Manila dahil
sa

pagtaas ng Covid cases dito sa atin.

Aeshani: Bakit ba kailangan pa malaman ang mga napapanahong balita, Ate Margel?

Margel: Kailangan natin malaman ang mga napapanahong balita para tayo ay may sapat na

kaalaman sa mga nangyayari sa ating paligid. Katulad ng balita na ito. Ang balita na

marami na ulit na Covid cases ay isang signal o hudyat na dapat lalo tayong mag-ingat.

Ang bagong Covid variant ay mas madaling nakakahawa. Kailangan natin maging
malusog

at laging mag-ingat sa tuwing tayo ay lumalabas. Kailangan natin panatilihing laging

malinis ang ating kamay at katawan.

Ashaeni: Talaga palang mahalaga ang magbasa ng mga balita. Mahalaga din ang pagkakaroon ng

pahayagan dito sa ating bahay.

Elisha: Sama samang nagbasa ang mga magkakapatid. Nagpag-usapan nila ang iba’t ibang
balita

na nasa pahayagan at iba’t-ibang parte ng pahayagan.

Kyle: Maraming salamat, Ate Cassidy! Ang dami nating nalaman at napag-usapan dahil sa dala

mong pahayagan.

Cassidy: Walang anuman! Ngayon, alam na ninyo ang iba’t ibang parte ng pahayagan at ang mga

balita. Tandaan ninyo na kahit may mga gadget tayo, importante pa din ang pahayagan.

Alam niyo ba na hindi lahat ng mga tao ay may gadgets, internet access at kuryente?

Ashaeni: Ay, oo nga ‘no, Ate Cassidy? Maggamit nila ang pahayagan bilang pagkukuhanan ng mga

kailangan nilang impormasyon kahit kulang o wala sila ng mga gadget, internet access at

kuryente.

Elisha: Noong araw na iyon, natuto ang mga kapatid ni Cassidy na mahalaga pa rin ang
pahayagan

kahit na mayroon silang gadgets. Natutunan din nila ang iba’t ibang parte ng pahayagan

at ang halaga ng pagbabasa ng napapanahong balita.

You might also like