You are on page 1of 5

Magandang araw!

Ako si Cassidy, ang inyong tour guide


ngayong araw. Maraming salamat sa inyong pagsama sa akin
ngayong biyaheng Maynila papuntang Malolos, Bulacan.
Tanawin ninyo muna ang Manila Bay habang tayo ay
naghahanda sa pag-alis. Sikat ang Manila Bay ngayon dahil sa
pagtambak ng Dolomite. Alam ninyo ban a ang Manila Bay ay
makasaysayan?
Dito nagsimula ang pakikipaglaban ng Amerikano sa mga
Espanyol sa Pilipinas. Natalo ng mga Amerikano,sa pamumuno ni
George Dewey, ang mga Espanyol sa labanang ito.
Ang Amerika noon ay nakikipaglaban sa mga bansang
nanakop upang kunin rin ang mga nasasakupan nito. Ang
kanilang ginagawa ay tutulungan ang bansa na makalaya sa
kanilang mananakop at tsaka naman sasakupin ito kapag natalo
na ang dating mananakop.
Sinimulan nila ang kanilang plano sakupin ang Pilipinas sa
pamamagitan ng paghikayat ni Spencer Pratt kay Aguinaldo na
bumalik sa bansa upang pagpatuloy ang laban sa mga Espanyol.
Ang nakaisip nito ay si George Dewey.
Pinapakumbinse ni Commodore George Dewey kay Spencer
Pratt na bumalik si Emilio Aguinaldo sa Pilipinas upang pagpatuloy
ang pakikipaglaban sa Espanya.
Nakabalik ng Pilipinas si Aguinaldo noong May 19, 1898.
Hinikayat niya ang mga ibang Pilipino na makipagtulungan sa
Amerikano sa pakikipaglaban sa mga Espanyol . Noong May 24,
1898 naman, tinatag na niya ang Pamahalaang Diktatoryal
upang mapabilis ang mga dapat gawin. Ito ay nagtagal lamang
ng 5 araw.
Sino dito ang nakakaalam ang Araw ng Ating Kasarinlan?
Oo, tama ang Araw ng Ating Kasarinlan ay Hunyo 12 . Ngunit ito
ay unang na-ideklara ni Aguinaldo noong Hunyo 12, 1898 sa
Kawit, Cavite kahit hindi pa talaga malaya ang Pilipinas sa
Espanyol. Dito unang winagayway ang ating bandila at pinatugtog
ang ating pambansang awit na “Lupang Hinirang”.
Noong Hunyo 23, 1898, naitatag ang Pamahalaang
Rebolusyonaryo upang kilalanin ng ibang bansa ang kasarinlan
ng ibang bansa. Sa araw na ito ay iniutos din Ni Aguinaldo ang
pagkakaroon ng Kongreso.
Nagsidatinangan ang mga kasamahan ni Dewey noong
buwan ng Hulyo, 1898 sa Maynila at naghanda na silang
kalabanin ang Espanyol. Sila ay tinulungan ng mga Pilipino sa
digmaan labanan sa Espanyol. Natalo na halos ng mga Pilipino
ang mga Espanyol pero di nila alam na may kasunduan pala sina
Commodore Dewey at Heneral Hewitt kay Gobernador Fermin
Jaudenes. Ayon sa kanilang kasunduan, kunwari na lang na sila
ay maglalaban.
Nangyari ang kunwaring labanan nila noong Agosto 13,
1898. Sinuko ng Espanyol ang Maynila pero di pinayagan
pumasok ang mga Pilipino sa Maynila ni Heneral Anderson. Dito
nagsimula ang galit ng mga Pilipino.
Siyanga pala, ikukuwento ko na rin ang mga makasaysayang
mga nangyari sa Malolos, Bulacan para mamaya ay mas magamit
ang inyong oras sa paglibot at pagtingin sa mga lugar na
pupuntahin natin.
Ang inutos na pagbuo ng Kongreso ay natupad noong
Setyembre 15, 1898. Itong araw na ito napasinayaan ang
Kongreso ng Malolos. Meron itong 85 na kinatawan. Ang kanilang
pagpupulong ay nangyari sa Barasoain Church sa Malolos,
Bulacan. Ang kanilang pinuno ay si Felipe Calderon at sila ay
naghanda ng kauna-unahang Saligang Batas. Ang Saligang Batas
ng Malolos ang nagtadhana ng pamahalaang demokratiko. Ang
Konstitusyon ang nagtatag ng malaya at may tatlong sangay na
Republika ng Pilipinas. Dito nagsimula ang paghihiwalay ng
kapangyarihan ng simbahan at pamahalaan sa ating bansa.
Noong ika-10 ng Disyembre, nagkaroon ng Kasunduan sa
Paris ang Espanya at Amerika. Doon pormal na binigay ng
Espanya sa Amerika ang karapatang sakupin ang Pilipinas.
Sobrang nagalit ang mga Pilipino dahil alam nila na walang
karapatan ang mga Espanyol na ilipat ang pamamahala ng bansa
sa Amerika. Pinabulaanan ng Amerika ang kanilang plano nang
pagsakop sa Pilipinas kaya nilabas ni William McKinley ang
Benevolent Assimilation Proclamation noong Disyembre 21, 1898.
Ang Unang Republika ng Pilipinas ay pinasinayaan noong
Enero 23, 1899 at ang Pangulo ay si Emilio Aguinaldo. Ito ay
nangyari sa Barasoain Church sa Malolos Bulacan. Hindi kinilala
ng mga Amerikano ang Republika kaya namulat na ang mga
Pilipino sa totoong plano ng Amerikano na sakupin an gating
bansa.
May utos ang mga Amerikano na huwag magpapaputok
hanggat hindi lumalaban ang mga Pilipino. Ngunit noong Pebrero
4, 1899, nagpaputok ang sundalong si William Grayson nang ang
sinita niyang Pilipino ay hindi tumigil. Pinatay niya ito at ang
kanyang kasama. Ang pangyayaring ito ang naging mitsa ng
labanan ng mga Amerikano at Pilipino.
Sinalakay ng mga Amerikano ang lahat ng kinaroonan ng
mga Pilipino sa Maynila. Umaga ng Pebrero 5 sa La Loma ,
napasok na rin ng Amerikano ang Maypajo. Si Heneral Antonio
Luna ang nagtatanggol ng lugar ngunit natalo sila sa labanan.
Umurong sila hanggang sa umabot sa Pulo, Bulacan. Sinusunog
nila ang lahat ng mga nadaanan para hindi magamit ng mga
Amerikano, Nakaabot rin si Antonio Luna sa Daang Azcarraga
ngunit talo pa rin sila.
Sunud-sunod natalo ang mga Pilipino at nakuha na rin ang
Marikina, Pateros, Guadalupe at Kalookan.
Habang nakikipaglaban ang mga Pilipino sa Luzon at Visayas
ang mga Moro sa Mindanao at Sulu ay hindi nakikisali sa kanila.
Nakipagsundo ang mga Amerikano na kinakatawan ni Heneral
John Bates kay Sultan Jamalul Kiram na huwag tumulong ang
mga Moro at magpasailalim na sila sa mga Amerikano. Pumayag
ang Sultan dahil ang sabi ay sila ay rerespetuhin ng Amerikano
ang karapatan at karangalan ng Sultan at datu at hindi sila
pakikialaman sa kanilang relihiyon.
Ang Unang Republika ng Malolos ay bumagsak nang
salakayin sila ni Heneral MacArthur noong MArso 31, 1899. Nilipat
ni Aguinaldo ang sentro ng Republika sa San Isidro, Nueva Ecija.
Inutusan ni Aguinaldo si Heneral Luna na labanan ang mga
Amerikano sa Calumpit, BUlacan. PAtuloy pa rin ang
pakikipaglaban sa mga Amerikano.
Si Heneral Antonio Luna ay nakatanggap ng telegrama na
siya ay pinapapunta sa Cabanatuan, Nueva Ecija upang
makipagkita kay Aguinaldo. NGunit nang siya ay makarating
doon, wala naman si Aguinaldo at ang andoon ay ang kanyang
nakaaway na kawal. Nag uusap sila ni Felipe Buencamino Sr nang
may narinig silang putok. Tinignan ni Aguinaldo kung saan galing
ang putok ngunit siya ay sinaksak at binaril ng mga sundalong
galit sa kanya. Siya ay pinatay ng kapwa-Pilipino noong Hunyo
5,1899. (Kaawa-awang Antonio Luna namatay dahil sa kapwa
Pilipino.)
Naku! Ang bilis pala ng oras, andito na pala tayo sa
Barasoain Church. Sana maalala ninyo lahat ang aking nabahagi
habang nililibot ninyo ang simbahan at karatig-lugar. Huwag
kalimutan na subukan din ang mga pagkaing lokal ng Bulacan.
Tandaan ang bus ay aalis ng 12 ng hapon upang madala kayo sa
ating kakainan ng tanghalian!

You might also like