You are on page 1of 23

NOT

8
Edukasyon
sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan - Modyul 7
(EMOSYON)
Learning Area – Grade 8
Alternative Delivery Mode
Quarter 4 – Module 7: Emosyon

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any
work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the government
agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such
work for profit. Such agency or office may, among other things, impose as a condition
the payment of royalty.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective copyright holders.
Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these materials
from their respective copyright owners. The publisher and authors do not represent
nor claim ownership over them.

Published by the Department of Education – Division of Gingoog City


Division Superintendent: Jesnar Dems S. Torres, PhD, CESO VI

Development Team of the Module


Author/s: Glorivel D. Caingles
Reviewers: Pablito B. Altubar, CID Chief
Himaya B. Sinatao, LRMDS Manager
Illustrator and Layout Artist: Joemar Valdevilla
Management Team
Chairperson: Jesnar Dems S. Torres, PhD, CESO VI
Schools Division Superintendent

Co-Chairpersons: Conniebel C.Nistal, PhD.


Assistant Schools Division Superintendent

Pablito B. Altubar
Chief, Curriculum Implementation Division

Members
Rodrigande J. Miole, EPS 1- ESP
Catalina P. Rubin, PSDS
Himaya B. Sinatao, LRMS Manager
Jay Michael A. Calipusan, PDO II
Mercy M. Caharian, Librarian II

Printed in the Philippines by


Department of Education – Division of Gingoog City
Office Address: Brgy. 23,National Highway,Gingoog City
Telefax: 088 328 0108/ 088328 0118
E-mail Address: gingoog.city@deped.gov.ph
8
Edukasyon Sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan- Modyul 7
Emosyon

This instructional material was collaboratively developed and reviewed


by educators from public and private schools, colleges, and or/universities. We
encourage teachers and other education stakeholders to email their feedback,
comments, and recommendations to the Department of Education at action@
deped.gov.ph.

We value your feedback and recommendations.


Talaan Ng Nilalaman

Talaan ng Nilalaman ………………………………………………………………. i

Paunang Salita …………………………………………………………………ii

Leksyon 7: Emosyon

Alamin ……………………………………………………………1

Subukin ……………………………………………………………2

Tuklasin ……………………………………………………………3-4

Suriin ……………………………………………………………5-8

Pagyamanin ……………………………………………………………8-9

Isaisip ……………………………………………………………9-10

Isagawa …………………………………………………………….11

Tayahin ……………………………………………………………12

Susi sa Kasagutan ……………………………………………………………13-15

Sanggunian …………………………………………………………….16

i
Paunang Salita

Ang modyul na Edukasyon sa Pagpapakatao ay inilathala upang matugunan


ang mga pangangailangan ng mga mag-aaral tungo sa isang matagumpay na
edukasyon. Ito ay lilinang at gagabay sa mga mag-aaral na mahasa ang kanilang
kaalaman, kakayahan at pag-unawa sa mabuting pakikipag-kapwa.

Ang bawat mga gawain ay iniangkop sa kakayahan at interes ng mga mag-


aaral upang matuto sa isang makabuluhan at magkaroon ng analitikal, kritikal at
mapanuring pag-iisip upang maging handa sa pagharap sa hamon ng buhay.

Napapaloob dito ang mga sumusunod na pagsasanay upang matugunan ang


mabisang pagkatuto.

ii
Icons of this Modyul

Nakatala ang mga layunin na kailangang


Alamin dapat makamit sa modyul na ito

Nakapaloob ditto ang paunang pagtataya na


makapagtukoy sa kahandaan ng mag-aaral sa
Subukin
bagong aralin

Balikan Ang bahaging ito ay nag-uugnay sa


nakaraang aralin sa bagong aralin ng Modyul

Tuklasin Panimulang Gawain tungo sa bagong aralin

Suriin Sa bahagi na ito ay napapalalim ang pag-


unawa ng mag-aaral sa ralin

Karagdagang Gawain para mas mahasa ang


mag-aaral sa aralin
Pagyamanin

Mga Gawain na dinisenyo upang maproseso


Isaisip kung ano ang natutunan sa aralin

Ito ay mga Gawain na magpapakita sa mga


Isagawa kasanayan at kaalaman na natutunan na
magagamit ng mag-aaral sa pang-araw-araw
na buhay
Modyul EMOSYON
7
Alamin
Sa mga nakaraang modyul, natuklasan mo ang iba’t ibang
pamamaraan ng pakikipagkapwa tungo sa pagpapaunlad ng iyong
pagkatao at pagtamo ng isang mapayapang lipunan. Sa pagkakataong
ito, pag-uusapan naman natin ang mga paraan upang mapanatili nating
mapayapa ang ating ugnayan sa sarili at sa kapwa tungo sa
makabuluhang pakikipagkapwa.
Naranasan mo na bang tumalon dahil sa isang magandang
balita? O maiyak dahil sa larawan ng isang batang may kanser? O
makapagpasalamat dahil sa galak? Ikaw, na sa sobrang kaba ay
hindi mo nasagot ang mga tanong ng iyong guro? Ito ay iilan lamang
sa mga pagkakataon na nagpapakita ng paraan ng pagpapahayag ng
emosyon. Ikaw, napamamahalaan mo ba nang maayos ang iyong
emosyon? Kung hindi, ano ang idinulot nito sa iyo at sa iyong
pakikipagkapwa? Paano mo mapamamahalaan nang wasto ang iyong
emosyon upang mapagbuti mo ang iyong ugnayan sa iyong kapwa?
Sa pamamagitan ng modyul na ito, inaasahan na makakamit ng
mga kabataang tulad mo ang malalim na pag-unawa sa emosyon at ang
kahalagahan ng pagtataglay ng mga birtud upang mapamahalaan ito
nang wasto tungo sa mapanagutang pakikipagkapwa. Inaasahang
masasagot mo ang mahalagang tanong na: Ano ang kabutihang
naidudulot ng pamamahala ng emosyon? Bakit mahalaga ang katatagan
(fortitude) at kahinahunan (prudence)?

Mga layunin:
➢ Nasusuri kung paano naiimpluwensyahan ng isang emosyon ang pagpapasiya
sa isang sitwasyon na may krisis, suliranin o pagkalito.
➢ Napangangatwiranan na:
a. Ang pamamahala ng emosyon sa pamamagitan ng pagtataglay ng mga
birtud ay nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili at pakikipagkapwa.
b. Ang katatagan (fortitude) at kahinahunan (prudence) ay nakatutulong upang
harapin ang matinding pagkamuhi, matinding kalungkutan, takot at galit.
➢ Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang mapamahalaan nang wasto ang
emosyon.

Pangkalahatang Panuto:
1. Basahin at sundin ang panuto sa bawat Gawain.
2. Itala ang mga punto na nangangailangan ng masusing kasagutan.
3. Gawin ang mga Gawain sa modyul nang may pag-unawa.
4. Sagutin ag lahat ng mga katanungan sa bawat Gawain.
1
Subukin

Gawain 1:

Ang bawat tao ay may iba’t ibang sitwasyong hinaharap. May sarili rin siyang
paraan kung paano niya ito haharapin at kung ano ang emosyong ipakikita. Tukuyin
mo ang emosyon na angkop sa bawat sitwasyon. Piliin ang sagot mula sa kahon sa
ibaba. Isulat ang iyong mga sagot sa bawat aytem.

Mga Pahayag Emosyon


1. Naku! Nakalimutan kong gawin ang aking takdang
aralin.
2. May problem ka ba? Malalim yata ang iniisip mo?

3. Wag ka ngang makulit! May ginagawa ako dito!


4. Tiyak na matutuwa si Nanay! Honor student ako sa
klase!
5. Sana naman matapos na ang krisis na ito sa ating
bansa.
6. Malapit nang makauwi galing abroad si Itay. Ano kaya
ang pasalubong niya sa akin?
7. Ang lakas naman ng ulan. Paano ako nito
makakapasok sa paaralan?
8. Kaarawan na ni Inay, sosopresahin ko siya ng
mamahaling regalo.
9. Akala mo kung sino, hindi naman magaling!
10. Naku! Nadiyan na ang nakaaway ko noong
nakaraang linggo. Huwag niyo akong ituro ha.

Mga Pangunahing Emosyon

Pagmamahal Katatagan Pagkatakot Pag-asam


Pagkamuhi Pagkagalit Pagkagalak Pag-iwas
Kawalan ng pag-asa Pag-asa Pighati

2
Tuklasin

Ang buhay ay sadyang makulay, punong puno ng iba’t ibang karanasan na


maaring maging daan sa pagbuo ng iyong pagkatao. Ang gawaing ito ay
makakatulong upang matuklasan mo ang iba’t ibang emosyon na maaring
maramdaman ng tao.

Gawain 2: “The ABC’s of Emotion”

Panuto:
1. Mag-isip ng mga emosyon na maaaring magsimula sa unang letra ng
alpabeto.
2. Maaring ito ay salitang English o Filipino.
3. Sa bawat emosyon, isulat ang karanasan kung kailan mo ito naramdaman,
kung hindi naman, magsaliksik kung ano ang ibig sabihin o kahulugan ng
emosyon na ito.
Hal.
K – Kasiyahan
Nakaramdam ako ng kasiyahan ng binigyan ako ng regalo ng aking kaibigan.

A _______________________ N________________________
B_______________________ O________________________
C_______________________ P________________________
D_______________________ Q________________________
E_______________________ R________________________
F_______________________ S________________________
G_______________________ T________________________
H_______________________ U________________________
I________________________ V________________________
J________________________ W_______________________
K________________________ X________________________
L________________________ Y________________________
M________________________ Z________________________

4. Ano ang iyong natuklasan sa natapos na gawain? Ipaliwanag.


5. Bakit mahalaga na matukoy mo ang tamang emosyon sa bawat karanasan
mo?
6. Sa palagay mo, naramdaman mo na ba ang lahat ng emosyon na naisulat
mo? Bakit?

3
Gawain 3: Lakbay Emosyon Journey Map
Isang pagsusuri ng epekto ng emosyon sa kilos at pagpapasiya

Panuto:

1. Gunitain ang mga sitwasyon sa sariling buhay na naging dahilan ng iba’t ibang
emosyon na iyong naramdaman. Gumawa ng isang journey map katulad ng nasa
larawan o maari ding gumuhit ng sariling desinyo ng journey map.

(Glorivel D. Caingles
self-made instructional material)

2. Sa bawat kahon ng emosyon, isulat ang mga sitwasyon sa iyong buhay na


naramdaman mo ito at ang epekto nito sa iyong kilos.
Halimbawa:
Emosyon Sitwason na naranasan Epekto sa kilos at
ito pagpapasiya
Pagkatakot Pagkaroon ng Naging maingat sa sarili
nakahahawang sakit. upang hindi magkasakit.

3. Maaaring gawing gabay ang sumusunod na tanong sa pagsagot sa gawain.


a. Anong mahalagang pangyayari o sitwasyon sa iyong buhay ang naging
dahilan upang maramdaman ang mga pangunahing emosyon?
b. Ano ang magiging epekto ng iyong emosyon sa iyong kilos at pagpapasiya?

4. Pagkatapos maitala ang iyong mga sariling karanasan at epekto sa kilos ng iyong
emosyon sagutin ang sumusunod na tanong.
a. Ano ang maaaring maging epekto ng iyong naging damdamin sa iyong mga
kilos at pasiya?
b. Batay sa iyong mga sagot, napamahalaan mo ba nang wasto ang iyong
emosyon? Magbigay ng halimbawa.
c. Sakaling hindi mo napamahalaan nang wasto ang iyong emosyon, ano ang
posibleng idulot nito sa iyo at sa iyong pakikipagkapwa?

4
Suriin

Gawain 4: Basahin ang kabuuan ng sanaysay.

Ang Emosyon

Ang buhay ay punong-puno ng makukulay na karanasan at pakikipagugnayan


na nagbibigay-sigla at kahulugan dito. Mula sa mga karanasang ito ay napukaw ang
iba’t ibang emosyon at damdamin.
• Sa pilosopiya ni Scheler (Dy, 2007) ang damdamin ang
pinakamahalagang larangan ng pag-iral ng tao.
• Ang damdamin ay may kaugnayan sa mga obhetong tinatawag na mga
pagpapahalaga
• Hindi basta-bastang nakokontrol o napamamahalaan ang mga
damdamin; di tuluyan ang pagkontrol o pamamahala sa mga ito, sa
pamamagitan ng pagkontrol ng kanilang mga sanhi o epekto
(pagsasakatawan, kilos).
“Ang emosyon o damdamin (Ingles: emotion, feeling) ay ang pakiramdam ng
isang tao na hindi nagagawa ng pisikal kundi ng mental at sikolohikal na gawain na
makikita sa kilos, gawa, o ang ugali ng isang indibidwal. Iba iba ang emosyon na
mararamdaman sa buhay tulad ng saya, lungkot, pagsisisi, pag-galit, tuwa at iba pa.
Lahat ng tao ay may emosyon, maaring manhid ang isang tao na minsan
makaramdam kung siya ay hindi mapag-bigay at mapagpatawad. Maari ring ang
emosyon ng isang tao ay dulot ng pag-ibig o pagmamahal
(https://tl.wikipedia.org/wiki/Damdamin).”

May apat na uri ng damdamin:


1. Pandama (sensory feelings). Ito ay tumutukoy sa limang karamdamang
pisikal o mga panlabas na pandama na nakapagdudulot ng panandaliang kasiyahan
o paghihirap sa tao. Halimbawa ng mga ito ay pagkagutom, pagkauhaw, kalasingan,
halimuyak, panlasa, kiliti, kasiyahan, at sakit. Sa katotohanan, ang kasiya-siya ay higit
na naiibigan. Ang ilan ay hinaharap ang hindi kasiya-siya bilang pagsasakripisyo tungo
sa pagtatamo ng mas mataas na halaga.
2. Kalagayan ng damdamin (feelings state). Ito ay may kinalaman sa
kasalukuyang kalagayan na nararamdaman ng tao. Halimbawa nito ay kasiglahan,
katamlayan, may gana, walang gana.
3. Sikikong damdamin (psychical feelings). Ang pagtugon ng tao sa mga bagay
sa kaniyang paligid ay naiimpluwensiyahan ng kasalukuyang kalagayan ng kaniyang
damdamin. Dahil ang tao ay may likas na kagalingan o kahusayan, at may
pagpapahalaga sa mabuti, ang kaniyang dagliang tugon ay maaaring mapagbago ng
kaniyang kalooban at pag-iisip tungo sa positibong panlipunang pakikipag-ugnayan.
Ilan lamang sa mga halimbawa nito ay sobrang tuwa, kaligayahan, kalungkutan,
kasiyahan, pagdamay, mapagmahal, poot.
5
4. Ispiritwal na damdamin (spiritual feelings). Ayon kay Dr. Manuel B. Dy Jr.,
ang mga ispiritwal na damdamin ay nakatuon sa paghubog ng pagpapahalaga sa
kabanalan tulad ng pag-asa at pananampalataya.
Narito ang talaan ng pangunahing emosyon na hango sa aklat ni Esther
Esteban na Education in Values: What, Why, and For Whom: (1990, ph. 51).

MGA PANGUNAHING EMOSYON

Pagmamahal (love) Pagkamuhi (hatred)


Paghahangad (desire) Pag-iwas (aversion)
Pagkatuwa (joy) Pagdadalamhati (sorrow)
Pag-asa (hope) Kawalan ng pag-asa (despair)
Pagiging matatag (courage) Pagkatakot (fear)
Pagkagalit (anger)

Ang mga emosyon sa unang hanay ay nakasisiya ngunit nangangailangan


ng wastong pamamahala. Bagaman natuwa ka sa nakita mong tsokolate sa inyong
refrigerator ngunit alam mo na hindi sa iyo ito kaya hindi mo ito dapat na kainin.
Mahalaga na ikaw ay makapagtimpi at makapagpigil sa pagkuha nito.
Ang mga emosyon sa ikalawang hanay ay nagpapahirap sa damdamin dahil
ito ay nakatatakot, nakalulungkot, at nagdudulot ng sakit sa kalooban ng tao. Sa
ganitong pagkakataon ay kailangan ang katatagan ng loob (fortitude) upang
malampasan ang hirap at takot na nararamdaman. Ang birtud na ito ay nagbibigay
ng kakayahan sa tao na malampasan ang kahirapan, labanan ang mga tukso at
pagtagumpayan ang mga balakid tungo sa higit na maayos na pamumuhay.
Napakahalaga na pinag-iisipang maigi ang gagawin lalo na sa panahon na nawawalan
ka na ng pag-asa at pilit na iniiwasan ang pangyayari dala nang bigat ng suliranin at
hindi alam kung ano ang gagawin. Mahalaga na maging mahinahon, pagnilayan ang
sitwasyon, at pag-isipang mabuti ang pinakamainam na gawin upang maiwasan ang
pagsisisi sa huli. Ayon kay Sto. Tomas de Aquino, ang matalinong paghusga ay hindi
lamang tumutukoy sa kung ano ang dapat gawin ng tao sa pagharap sa mga krisis sa
buhay, kung hindi kakayahang makagawa ng pasiya sa napapanahong paraan.

Ayon kay Feldman (2005, ph.346), sa pamamagitan ng emosyon ay:


a. Nababatid ng tao ang nangyayari sa kaniyang paligid at nabibigyan ito ng
katuturan ng kaniyang isip. Kung ikaw ay binantaan ng iyong kamag-aral na sasaktan
paglabas ng paaralan ang karaniwang mararamdaman ay takot. Dahil sa
naramdaman mong takot ikaw marahil ay agad na aalis upang hindi na kayo magpang-
abot.
b. Nakatutukoy ang higit na angkop na kilos kung sakaling maramdaman muli
ang damdamin. Nakapag-iingat at nakaiiwas ang tao sa posibleng panganib na dala
ng sitwasyong nararanasan sa sarili at sa kapwa.
c. Nagagamit ang pakikipagkomunikasyon at pakikipag-ugnayan sa kapwa.

6
Ang mga emosyon na hindi napamamahalaan ay maaaring hindi maganda ang
impluwensiya sa ating mga kilos at pagpapasiya sa sitwasyong may krisis, suliranin,
o pagkalito. Ito ang dahilan kung bakit kailangan ng tao ng literasiya sa kaniyang
emosyon. Ayon kay Seeburger, F. (1997, ph.30), ang literasiyang pandamdamin ay
tumutukoy sa dalawang bagay.
1. kakayahang alamin at unawain ang mga sariling emosyon; at 2.
2. matukoy at maramdaman ang damdamin na angkop o akma lamang sa
sitwasyon na kinakaharap.

Nakita ng mga ilang siyentipiko tulad nina Salovey, Gardner, at Goleman


ang kahalagahan ng pamamahala sa emosyon sa pagpapaunlad ng sarili at
pakikipagkapwa. Kapag napagtagumpayan ng tao ang pamamahala ng kaniyang
emosyon, nangangahulugan na mataas ang kaniyang EQ o Emotional Quotient na
kilala rin sa tawag na Emotional Intelligence.
Paano napauunlad ng EQ ang tao? Narito ang limang pangunahing elemento
ng EQ (Goleman, D., 1998):
1. Pagkilala sa sariling emosyon. Mahalaga na may kamalayan sa sariling
damdamin. Ito ay makatutulong sa pagkakaroon ng pang-unawa sa sarili. Ikaw ay
nakagagawa ng pagpapasiya sa iyong sarili at hindi ka lang sunod nang sunod sa nais
ng iba.
2. Pamamahala sa sariling emosyon. Ang kakayahang mapamahalaan ang
ating emosyon ay mahalaga dahil ang mga ito ay may epekto sakalagayan ng ating
kalooban at pakikipag-ugnayan sa kapwa. Ang taong may ganitong kakayahan ay
madaling makabangon sa mga pagsubok sa buhay at makamit ang kaniyang mga
mithiin sa buhay
3. Motibasyon. Ito ay kakayahang magtimpi o magpigil na gawin ang isang
bagay na hindi dapat upang matupad ang isang layuning higit na mahalaga para sa
ikabubuti ng iba. Ang taong may ganitong kakayahan ay may disiplina sa sarili at hindi
pabigla-bigla ang pagpapasiya. Naglalaan siya ng oras upang makapagrelax at
magnilay.
4. Pagkilala at pag-unawa sa damdamin ng iba. Ito ay kakayahang makadama
sa damdamin at pangangailangan ng iba. Ang taong may ganitong kakayahan ay
marunong ding bumasa at bigyan ng kahulugan ang kilos ng iba. Maaari din siyang
sumangguni upang humingi ng tulong sa mga kapamilya at mga pinagkakatiwalaang
kaibigan.
5. Pamamahala ng ugnayan. Ito ay nangangahulugan na napamamahalaan
nang wasto ang emosyon sa pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng
kaalaman sa pagpapanatili ng magandang ugnayan.

Anumang emosyon ay mahalaga. Ang pamamahala natin dito ay maaaring


makabubuti o makasasama sa ating pakikipagkapwa. Ngunit, sa pamamagitan ng
wastong pamamahala ng mga ito, napauunlad natin ang ating pakikipagkapwa.

7
Mahalaga na makapagbalangkas ka ng pamamaraan upang makayanan at
mapagtagumpayan mo ang mga emosyon bunga ng iyong pinagdaraanan at mga
karanasan. Ilan sa mga mungkahing paraan upang mapamahalaan ang mga ito ay
(Moratό, Jr., 2007):
a. Tanungin ang sarili, “hahayaan ko bang magawa ko ang di karapat-dapat o
mas pipiliin kong gumawa ng makabubuti?” Hindi lamang ang sarili ang nagiging
biktima sa ating maling pamamahala ng ating emosyon. Mahalagang naipahahayag
natin ito nang maayos upang mapanatili natin ang ating mabuting ugnayan sa ating
kapwa.
b. Tanggapin na ikaw ay takot harapin ang takot, ngunit isipin na mayroon pang
higit na magandang mangyayari. Maging positibo sa pagharap sa hamon ng buhay.
c. Isaisip na ang tagumpay ay hindi nasusukat sa yaman, kapangyarihan, at
pagiging tanyag kung hindi sa kakayahan na mamuhay nang may pagpapahalaga at
dangal.
d. Matutong tanggapin na may hangganan ang lahat ng bagay na mayroon
tayo, tao man o bagay. Hindi naman ito nangangahulugan na magiging wala kang
pakialam o wala silang halaga sa iyo.
e. Sa tuwing ikaw ay nawawalan ng pag-asa, isipin na may mga taong maaari
mong pagkatiwalaan at mahingan ng tulong. Buksan ang isipan at kalooban na kaya
mong makamit ang hangarin sa buhay.

Ang mga iminungkahing paraan kalakip ang mga birtud ay nakatutulong upang
mapamahalaan ang emosyon at maging magandang gabay sa pagpapasiya tungo sa
matiwasay na pamumuhay at maging produktibong miyembro ng lipunan. Hangad ng
bawat isa ay magkaroon ng matiwasay, masaya, at makabuluhang buhay sa
pamamagitan nang mabuting ugnayan sa sarili at sa kapwa. Kaya nararapat lamang
na sa araw-araw nating pamumuhay ay piliing maigi ang mga bagay na pagtutuunan
nang higit na pansin. Mahalaga na magtiwala sa sarili, sa kapwa, at sa Diyos sa
paggawa ng pagpapasiya tungo sa ikauunlad ng iyong pakikipagkapwa.

Pagyamanin

Gawain 4.1: Pagtalakay sa araling binasa.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong.


1. Ano ang kahulugan ng emosyon at ang mga uri nito?
2. Ano ang tungkulin ng emosyon sa pagpapasiyang gagawin ng tao?
3. Ano ang mga hakbangin na maaaring maisaalang-alang upang
mapamahalaan natin nang wasto ang ating emosyon?
4. Ano ang kabuluhan ng birtud sa wastong pamamahala ng iyong emosyon?
5. Paano mapauunlad nang wastong pamamahala ng emosyon ang iyong sarili
at ang iyong pakikipagkapwa?

8
Gawain 4.2: Paghinuha ng Batayang Konsepto

Ano ang Batayang Konsepto na naunawaan mo mula sa babasahin? Gabay mo


ang sagot sa mahalagang tanong na: Ano ang kabutihang naidudulot ng pamamahala
ng emosyon? Bakit mahalaga ang katatagan (fortitude) at kahinahunan (prudence)?
Kumpletuhin ang batayang konsepto. Piliin sa kahon ang angkop na salita. Isulat ang
sagot sa bawat patlang.

Ang pagtataglay ng mga ___________________ at __________________ ay


nakatutulong sa pagpapaunlad ng ____________at ______________. Ang
_____________ (fortitude) at __________________(prudence) ay nakatutulong
upang harapin ang matinding ______________, matinding _________________,
_______________ at_________________.

Pagpapahalaga birtud galit


Sarili katatagan pakikipagkapwa
Kahinahunan pagkamuhi kalungkutan
Takot pagmamahal damdamin

Pag-uugnay ng Batayang Konsepto sa Pag-unlad Ko Bilang Tao. Isulat sa


iyong journal ang sagot.

1. Ano ang kabuluhan ng Batayang Konsepto sa aking pag-unlad bilang tao?


2. Ano-ano ang maaari kong gawin upang mailapat ang aking mga pagkatuto

Isaisip
Gawain 5. Gumawa ng isang graphic organizer sa bawat paksang tinalakay.

A. May apat na uri ng damdamin


(Tree Diagram)

9
B. Kahalagahan ng emosyon sa pagpapahalaga sa mga bagay sa
paligid (concept map)

Elemento ng
Emotional
Quotient

C. Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng birtud na katatagan at


Kahinahunan? (Venn Diagram)

Pagkakaiba Pagkakaiba

Pagkakatulad

Katatagan Kahinahunan

10
Isagawa

Gawain 6 : Punan ang tsart ng “Talahanayan ng Pamamahala ng


Emosyon.”

1. Isulat ang mga emosyon sa unang hanay sakaling ang mga ito ay
maramdaman mo muli.
2. Lagyan ng tsek kung anong araw naramdaman.
3. Sa susunod na hanay, isulat ang mga mungkahi na nais mong
gawin upang mapamahalaan ang emosyon.
4. Suriin ang naging epekto pagkatapos maisabuhay sa pamamagitan
ng pagsagot sa mga tanong sa bawat hanay. Isagawa ang mga itinalang
pamamaraan sa mga susunod na araw kung kinakailangan hanggang ang
mga ito ay maging bahagi ng araw-araw na pamumuhay.
5. Magbigay ng patunay na iyong naisagawa ang isinulat sa
“Talahanayan ng Pamamahala ng Emosyon.”
7. Gamiting gabay ang tsart sa ibaba.

Emosyon Mga Epektibo ba Ano ang


Mungkahing ito? Bakit? iyong
Gawin susunod
na
Miyerkules

hakbangin
Huwebes

Biyernes

Sabado

sakaling
Martes

Linggo
Lunes

hindi
epektibo?
Galit Mag-relax Oo, dahil
muna (hal. nabawasan
Pag- ang bigat
eehersisyo ng
at nararamda-
manalangin) man.

11
Tayahin

PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem at piliin ang titik ng
pinakatamang sagot. Isulat sa kwaderno ang sagot.

1. Paano ka makaiiwas sa pananakit ng taong dahilan ng iyong galit?


a. suntukin na lamang ang pader
b. kumain ng mga paboritong pagkain
c. huwag na lamang siyang kausapin muli
d. isipin na lamang na sadyang may taong nakasasakit ng damdamin ng iba
2. Ang mga sumusunod ang itinuturing na pangunahing positibong emosyon
maliban sa:
a. katatagan b. pagmamahal c. pag-asa d. pagdadalamhati
3. Ang mga sumusunod ay mga pangunahing element ng EQ na dapat ipaunlad
maliban sa:
a. Pagkilala sa sariling emosyon
b. Pamamahala sa sariling angking kagandahan
c. Pamamahala sa sariling emosyon
d. Pagkilala at pag-unawa sa damdamin ng iba
4. Mother’s Day na sa Linggo. Sosopresahin natin si nanay. Ano ang angkop na
emosyon ang nagtulak sa iyo na gawin ito?
a. pagkamatatag b. pag-asam c. pagkagalak d. pagmamahal
5. Naniniwala ako na kayang-kaya mong mapanalunan ang premyo sa sinalihan
mong paligsahan. Anong emosyon ang mararamdaman sa pahayag?
a. pagkagalit b. katatagan c. pag-asa d. pag-asam
6. Ito ay uri ng damdamin na nakatuon sa paghubog ng pagpapahalaga sa
kabanalan tulad ng pag-asa at pananampalataya.
a. Pandama b. Kalagayan ng damdamin
c. Sikikong damdamin d. Ispiritwal na damdamin
7. Ito ay kakayahang magtimpi o magpigil na gawin ang isang bagay na hindi dapat
upang matupad ang isang layuning higit na mahalaga para sa ikabubuti ng iba.
a. Pagkilala sa sariling emosyon b. motibasyon
c. Pamamahala sa sariling emosyon d. Pamamahala ng ugnayan
8. Ang birtud na ito ay nagbibigay ng kakayahan sa tao na malampasan ang
kahirapan, labanan ang mga tukso at pagtagumpayan ang mga balakid tungo sa
higit na maayos na pamumuhay.
a. katatagan b. kahinahunan c. pagmamahal d. katarungan
9. Nasaktan mo ang iyong kapatid dahil ginamit niya ang iyong bag na walang
paalam. Ano ang idinulot ng iyong kilos?
a. nailabas mo ang iyong sama ng loob
b. hindi na niya inulit ang kaniyang ginawa
c. gumaan ang iyong loob dahil ikaw ay nakaganti
d. nagkaroon ng suliranin sa ugnayan sa iyong kapatid
10. Sa pilosopiya ni Scheler (Dy, 2007), ano ang pinakamahalagang larangan ng
pag-iral ng tao.
a. damdamin b. kaisipan c. kakayahan d. talento

12
13
Gawain 1:
1. Pagkatakot
2. Pighati
3. Pagkamuhi
4. Pagmamahal
5. Pag-asa
6. Pag-asam
7. Kawalan ng pag-asa
8. Pagkagalak
9. Pagkagalit
10. Pag-iwas
Gawain 2: Ang kasagutan ay nakabatay sa mga mag-aaral.
Gawain 3: Ang kasagutan ay nakabatay sa mga mag-aaral.
Gawain 4.1: Ang mga kasagutan ay makikita sa sanaysay.
Gawain 4.2:
1. Birtud
2. Pagpapahalaga
3. Sarili
4. Pakikipagkapwa
5. Katatagan
6. Kahinahunan
7. Pagkamuhi
8. Kalungkutan
9. Takot
10. Galit
1. Pagkagutom,
Gawain 5: pagkauhaw,
kalasingan,
A. May apat na uri ng damdamin halimuyak, panlasa,
(Tree Diagram) kiliti, kasiyahan,
pandama sakit
2. kasiglahan,
katamlayan, may
Kalagayan ng
gana, walang gana
damdamin
Apat na Uri ng 3. sobrang tuwa,
kaligayahan,
Damdamin Sikikong kalungkutan,
damdamin
pagdamay,
mapagmahal, poot
Ispiritwal na 4. pag-asa,
damdamin
pananampalataya
Susi ng Kasagutan
14
B. Kahalagahan ng emosyon sa pagpapahalaga sa mga bagay sa paligid
(concept map)
Pagkilala at
Pagkilala sa
pag-unawa sa
Sariling
damdamin ng
Emosyon
iba
Elemento ng
Emotional
Quotient
Pamamahala sa
Sariling Pamamahala ng
Emosyon ugnayan
Motibasyon
C. Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng birtud na katatagan at
Kahinahunan? (Venn Diagram)
Pagkakaiba Pagkakaiba
- tumutulong upang
- Nagbibigay ng
- birtud pag-isipan ng maigi
kakayahan sa tao na
- nakakatulong ang mga sitwasyon
malagpasan ang
upang - tumutulong upang
kahirapan
mapamahalaan ang pagnilayan ang mga
- labanan ang mga
emosyon at maging desisyon na dapat
tukso
gabay sa mabuting gawin
- pagtagumpayan
pagpapasiya
ang mga balakid sa
buhay
Pagkakatulad
Katatagan Kahinahunan
15
Mga kasagutan sa
Tayahin
1. D
2. D
3. B
4. D
5. C
6. D
7. B
8. A
9. D
10. A
Mga Sanggunian

Regina Mignon C. Bognot, et al. Edukasyon sa Pagpapakatao 8. Vibal Publishing


House, Inc.

Dr. Manuel B. Dy Jr.. Mga babasahin sa pilosopiyang moral. Ateneo de Manila


University.

Esther Esteban na Education in Values: What, Why, and For Whom: (1990, ph. 51).
Sinagtala Publishers, Manila

Feldman (2005, ph.346). Understanding Psychology. New York; McGraw-Hill

Seeburger, F. (1997, ph.30). Emotional Literacy: Keeping Your Heart. New York:
The Crossroad Publishing Company

https://tl.wikipedia.org/wiki/Damdamin

16
For inquiries and feedback, please write or call:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Department of Education – Division of Gingoog City


Office Address: Brgy. 23,National Highway,Gingoog City
Telefax: 088 328 0108/ 088328 0118
E-mail Address: gingoog.city@deped.gov.ph

You might also like