You are on page 1of 290

jonaxx

Getting To You (Azucarera Series #2)


43 Parts

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and


incidents are either the products of the author's imagination or used in a
fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual
events is purely coincidental.

Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works


from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission.

————————————————————

Note: I will write this in between Costa Leona Series and all the other series
after it depending on my pace. 2 of 3. This may include adult themes. Read at your
own risk.

💕💕💕
SIMULA

Hindi ko maintindihan kung bakit talamak sa bayang ito ang panghuhusga sa mga
pamilyang hindi mayayaman. Siguro dahil iyon sa laki ng agwat ng sampung
porsyentong mayayaman at ang mas malaking porsyento ng mahihirap. O baka rin dahil
halos lahat ng mahihirap dito ay trabahador sa mga negosyo ng mayayaman.

I cringed after I heard my sister's words for me. Nasa harap kami ng hapagkainan
ngayon at ako na naman ang pinapangaralan, gaya ng dati.

They say the youngest sibling is usually the spoiled one, I say no. Siguro at
pinagbibigyan nga ako ng mga magulang ko sa lahat ng kapritso ko lalo na't pareho
nang matanda si Mommy at Daddy, may dalawang kapatid naman akong nangengealam sa
mga ginagawa ko sa school man o hindi.

"Hindi ba sinabi ko na sa iyong huwag ka masyadong dumikit kay Ella?"

"Tama ang Ate mo, Sancha. Mapapahamak ka lang sa pakikipagkaibigan mo riyan!" si


Kuya naman.

"Mabuti na lang at nasabi ni Margaux sa akin kanina. Pareho kayo ni Margaux na


nakikipagkaibigan diyan!"

"Mabait naman po kasi si Ella-"

"Ay naku! Kahit ano pa ang sabihin mo, sinasabi ko sa'yong layuan mo 'yan."

Ella is one of those less fortunate girls in our classroom. Lagi'y binu-bully siya
ng mga kaklase. Kung dati'y nananahimik ako, nitong nakaraan, hindi ko na
nakayanan. For me she's just a victim with poor decisions.

"Bakit mo ba kasi ginawa 'yon?" tanong ko nang naabutan siyang umiiyak sa kanyang
desk.

Nasa likod ko si Margaux, ang dati nang matalik na kaibigan. We both have the same
opinion towards Ella and I think she should learn. She won't learn through
bullying.

"Are you stupid?" I spat.


Napaangat ng tingin si Ella sa akin.

"Kabit ng Daddy niya ang Mommy mo. Sinong baliw ang may mukha pang ilalapit sa
kanya kung obvious na may kasalanan ka. I pity you but I think I'd do the same."

"It wasn't her fault, Sancha," si Margaux na. "She isn't her mother so why would
Chayo put all the blame on her?"

"Because, Margaux, Chayo is already hurting! Alam ni Ella na may kasalanan ang
Mommy niya sa pamilya ni Chayo, tapos makikipagkaibigan pa siya? That's plain
stupid. You're digging your grave!"

Tumahimik si Margaux, siguro'y nakita na sa wakas ang ibig kong sabihin.

"Ang sabi kasi ni Tito Luis, mabait naman si Chayo at... friendly," naiiyak na
sinabi ni Ella.

I sighed and rolled my eyes. "No one could be friendly to the daughter of her
father's mistress."

Umiling ako at inaya na si Margaux palayo kay Ella.

"Ang harsh mo naman, Sancha, but you're right," si Margaux.

Tumigil kami sa pintuan ng aming classroom. Malapit na ang next period pero may
oras pa para makipag-usap. Humalukipkip ako at hinarap si Margaux.

"Kahit ako sasabuyan ko rin siya ng tubig kung kinaibigan niya ako kahit na alam
kong may relasyon si Dad at ang Mom niya!"

"Ang bobo rin talaga ni Ella para hindi maisip iyon. Naaawa ako sa kanya pero
that's how you learn when you're bobo," si Margaux.

Bahagya akong natawa at nasundan ng tingin ang lalaking dumaan sa likod ni Margaux
at umikot sa akin. Lumapad ang ngiti ko at tumuwid sa pagtayo. Soren Osorio, my boy
bestfriend, is always handsome and clean. Ngumiti siya at lumapit sa akin. May
makahulugang ngiti na iginawad si Margaux sa akin at alam ko kaagad iyon.

Soren is two years ahead of us. He's in Grade 10 right now, kung bakit siya
naritong banda sa amin ay hindi ko alam. Ang tinging iyon ni Margaux ay isang
pagdududa sa sadya nito rito. I don't want to assume anything that's why I don't
like it when Margaux is giving that look.

"Oh, saan ka pupunta?"

"Dumaan lang dito, alam mo na..." sabay ngiti ni Soren sa akin at umakbay din siya.

"Wala na kayong next period?"

"Library. Tara?"

"May Biology pa kami, e."

Soren chuckled. "Sayang. Pero... ang alam ko absent si Mr. Bersabe, ah? E 'di wala
kayong pasok sa next period?"

"Talaga?" medyo nabuhayan ako roon.


Napatingin ako sa classroom at nakitang magulo pa ang mga kaklase. Hindi pa naman
nag ri-ring ang bell pero nabuhayan pa rin ako sa nalaman.

"Ano sama na lang kayo ni Margaux?" si Soren.

"Paano kung may substitute?" si Margaux.

"Workbooks lang din naman kung may substitute. Tara na!" si Soren kay Margaux.

Ngumisi ako, halos nakukumbinsi na.

Natigil nga lang ang iniisip namin nang nakita ang isang palagay ko'y
pansamantalang student substitute ni Mr. Bersabe. Nanlamig ako nang nakita ko kung
sino iyon at agad gustong umurong ng sikmura ko. I don't have time for this. I
don't have time to be the center of my classmates' jokes right now!

"Siya yata ang substitute," Margaux mentioned the obvious.

Suminghap si Soren at binawi ang akbay sa akin. "Sayang. Akala ko wala!"

Napatingin ako kay Soren. Bakit parang kung yayayain niya kaming mag cutting class
ay papayag ako. Kahit pa nakita na kami ng student-substitute, wala akong pakealam.

"Pasok na kayo ni Margaux, Sancha," si Soren.

Kinagat ko ang labi ko at matamlay na pumasok sa loob ng classroom.

Mabilis na nagligpit ang mga kaklase ko nang nakita nila ang pumasok sa pintuan sa
harap. He's bringing a biology book and my teacher's records. Inutos niya sa
estudyanteng malapit na kuhanin ang workbook.

Bumalik na ako sa upuan ko at nang tumingin sa harap ay napairap na lang nang


nakitang nakatingin siya sa akin. Marguax chuckled beside me and I swallowed hard.
Kinalkal ko ang bag para kuhanin ang lalagyanan ng mga ballpen.

"Please, lead the prayer Miss Alcazar," the low baritone of his voice echoed.

My classmates immediately reacted their chuckles and funny stares at me. Nagtiim-
bagang ako at naglakad na lang patungo sa harap, ayaw nang pahabain pa ito.

I started the spontaneous prayer. Muntik ko nang isali na sana tumigil na ito dahil
naiirita ako tuwing kinakantiyawan ng mga kaklase tungkol sa kanya.

I don't know when it all started. I just remember that a rumor has spread among us,
back when he was in his senior high school. Kumalat sa buong campus na crush niya
ako. Being the poor Team Captain of the basketball's team, he was instantly
ridiculed for liking someone beyond his circle. At sa lahat... ako pa!

Many thought that it's just his excuse to get away from commitments or the women
who liked him. Isang malaki at magandang strategy dahil walang kukuwestiyon kung
bakit hindi niya ako ligawan. Bukod sa kilala ang pamilya ko bilang isa sa
pinakamayaman sa Negros, alam din ng lahat na wala akong sinasagot na manliligaw.

It was a perfect excuse, actually. Something that a man like him could perfectly
pull off. Kaya lang, bago ko pa nalaman iyon, alam ko sa sarili ko na minsan ko na
ring naramdaman na may kakaibang tungo siya sa akin.

Lagi'y maliwanag pa sa sikat ng araw ang mga kilos niya. At kung hindi pa
ebidensiya itong pagtawag niya sa akin para mag lead ng prayer ngayon, ewan ko na
lang! Bakit hindi si Margaux? Bakit hindi ang ibang kaklase ko para man lang sana
makaiwas siya sa tsismis na kalat sa lahat? He just couldn't do it! He just have to
call me!

Hindi ako makapaniwala na may discussion kahit paano bago kami mag answer sa
workbook. At sa loob ng discussion na iyon, nagawa niya pang magpatawa at magtawag
ng ibang kaklase ko para sa kaunting oral recitation.

Napasulyap ako kay Margaux na nakikitawa sa mga kaklase. Nanatili naman akong
seryoso, hindi makasabay sa kahit ano dahil nadudumihan ang isipan sa mismong
nagsasalita.

"Now I think you're ready to answer your workbook," he said and everyone groaned
their disappointment.

Tumuwid ako sa pagkakaupo at tahimik na pinaglaruan ang ballpen. Handa nang mag
answer at hindi nakakasabay sa mga kaklase.

"Lonzo, I mean, Sir, kailan daw po ba babalik si Mr. Bersabe?" si Margaux na hindi
man tinatawag sa pagtaas ng kamay ay nagsalita na agad.

Nakita ko ang marahang sulyap niya sa akin bago kay Margaux.

"Oo nga po, Sir! No offense kay Mr. Bersabe pero ang boring niya po!"

Nagtawanan ang mga kaklase ko. He didn't laugh with them. Instead, he furrowed his
brows.

"Estudyante pa ako at napag-utusan lang ngayon. Bukas, babalik na si Mr. Bersabe.


You should appreciate him more-"

"Pero mas nakakatuwa kasi!" sabi ng nasa harap.

"That's enough. Get a ballpen and prepare to answer these pages. Kindly
distrubute."

Nagsulat siya ng pages sa blackboard at ang dalawang kaklase ko sa harap ay kinuha


na ang mga workbook. May natira nga lang na grupo ng workbooks sa lamesa niya. Nang
natapos siya sa pagsusulat ng pages, kinuha niya ang grupo ng workbook na iyon.

I craned my neck when I saw the one distributing looking at me. Akala ko akin ang
workbook. Iyon pala kay Margaux! Sana naman nasa dalawang nag di-distribute 'yong
akin at wala kay... Sir!

Natapos na ang dalawang kaklase sa pagdidistribute at patapos na rin si Sir. Wala


sa dalawa ang workbook ko kaya ngayon, sigurado akong na kay Sir! Kung minamalas ka
nga naman!

Nakita kong binasa niya ang second to the last at pinailalim bigla! Nagsisimula na
ang mga kaklase ko ngayon at ako, inaabangan pa ang workbook ko. Ibinigay niya sa
isang kaklase ang dapat ay huling workbook.

"Thanks, Sir!"

"You're welcome," he said in a friendly tone.

Tinitigan niya ang huling workbook na nasisiguro kong akin! He opened it and put it
somewhere. Maybe on its correct pages. Something that he didn't do while
distributing the workbooks of my classmates.
"Here," aniya sabay tingin sa akin.

Binagsak ko ang tingin sa workbook ko at nakitang nasa tamang pahina nga iyon. I
accepted it and slowly muttered a thank you.

"You're welcome," napapaos niyang sagot.

Nakita ko ang iilang ulong umahon sa mga kaklase ko. Mabuti na lang at wala namang
kantiyaw na dumating. Huminga ako ng malalim at nagsimula na sa pag answer.

Ang nakakainis pa'y hindi ako halos makapag concentrate dahil kahit nasa harap siya
at tinatanaw kami, kinakausap naman siya ng iilang kaklase ko sa harap.

"Sir, mahirap po bang mag college?"

Nagtaas ako ng kilay at binasa ng dalawang beses ang tanong dahil hindi na
naintindihan pa iyon.

"Sir, puwedeng mag CR?"

"Finish your work first," he said.

"Aww. Ayos lang! Malapit na naman ako, Sir!"

Marami pang tanong. Minsan ay nakikisama pa ang ibang kaklase ko. Minsan, lahat na
nakikitawa! Ako lang yata ang seryosong sumasagot para maubos ko na ang
sinasagutan! Iyon ang dahilan kung bakit isa ako sa unang natapos. Hindi pa
natatapos ang period, tapos ko na ang lahat ng pinapagawa!

Tumayo ako at unti-unting naglakad patungo sa kanya.

"So, Sir? Masaya ka naman ngayon na klase namin ang pinasukan mo?" makahulugang
tanong ng isang kaklase sabay tingin sa akin.

I can't believe this! Napasulyap siya sa akin at nagtaas ng kilay sa nagtanong.


Humalakhak ang nagtanong at bahagyang nag-angat ng tingin ang iilan pang
nakikitsismis.

"Sagutan n'yo na 'yan para matapos na kayo," he commanded with a ghost of a smile.

Natahimik ang mga kaklase ko lalo na nang nakita nila akong palapit sa harap.
Nilapag ko ang workbook sa harap niya.

"Tapos na ako."

"Titingnan ko pa," aniya at binuksan ang workbook ko.

Tahimik akong nanatiling nakatayo sa harap niya. Pinagmasdan ko kung paano niya
hinimay ang bawat numero na sinagutan ko. He then nodded and licked his lips. Nag-
angat siya ng tingin sa akin.

"Powder room lang."

"Alright..." he said slowly.

"Hala! Ang daya ni Sir!" someone announced.

Inignora ko iyon para hindi na lumaki. He laughed at them and stated his reason.
"Ang sabi ko, puwede na kapag tapos na. Tapos na si Miss Alcazar kaya pinayagan ko
na."

Nakalabas na ako pero narinig ko ang paliwanag niya. Narinig ko rin ang kaunting
hiyaw ng mga kaklase.

"Huwag na do'n, Sir! Wala kang pag-asa kay Sancha!"

Nagtawanan ang iba.

"I don't know what you're talking about. You have fifteen minutes. Kung ako sa
inyo, magpatuloy na lang kayo sa pagsagot."

Nawala na sa pandinig ko ang sagutan. Tahimik ang school dahil nasa gitna ng klase.
Ako lang yata ang nasa corridors para sa powder room. Pinagmasdan ko ang mukha ko
sa salamin at pinadaan ang mga daliri sa aking maalong buhok. Nagpakawala ako ng
isang malaking buntong-hininga. Ngayon ko lang napansin na kanina pa pala ako halos
hindi humihinga. Umiling ako at nag-ayos na lang.

Lumabas ako sa wash room, hindi kalaunan. Dahil malapit lang ito sa classroom
namin, nakita ko kaagad na nakatayo si Alonzo sa pintuan. Tall, arrogant-looking in
his black jeans, and obviously old white longsleeved button down polo.

Ibinaling niya ang mga mata galing sa akin patungo sa loob. May tinanggap siyang
workbook at pinalagay na lang sa lamesa. Nagpatuloy ako sa paglalakad pabalik sa
classroom. Nakaupo siya kanina sa teacher's table nang umalis ako. Ngayon, nasa
pintuan na... nag-aabang.

Tumuwid siya sa pagkakatayo at may ibang workbook pang tinanggap. Nakalapit na ako
nang nasa gitna siya ng pintuan.

"Excuse me," sambit ko.

He immediately stepped back.

"Sorry," sabay tingin sa akin at halos dumikit ang malaking katawan niya sa hamba
ng pintuan para lang padaanin ako roon.

This is ridiculous! I can almost hear the slight teasing from my classmates! I
scowled at my classmates and the slight teasing immediately faded.

Umiling ako at nagpatuloy sa pagpasok sa classroom. I'm petite and slender. He's
tall and muscular but surely he didn't need to really give me a wide space on that
doorway so I can enter! Dahil sa ginawa niya mas lalo lang nahaluan ang isipan ng
mga kaklase ko.

"Grabe, Sancha. Tingin ko talaga totoo ang chismis na gusto ka nga ni Alonzo."

"Tsismis lang 'yon," sabi ko kahit na buong oras ng klase namin, pakiramdam ko
ganoon din ang nararamdaman ko.

"Tumayo siya noong lumabas ka. Matanglawin makatingin sa'yo. Halos bakuran ka
habang naglalakad patungong washroom!" si Margaux.

"Syempre estudyante ako. Chinicheck niya. Tumigil ka nga, Margaux!"

Ngumisi siya. "But in fairness, he's handsome and hot."


Nagulat ako sa puna ni Margaux. Dati pa'y hindi kami makarelate sa mga mas matanda
sa amin ng sobra pa sa tatlong taon. I like Soren even when he's two years older
than me. I find him handsome with his baby face. Sa mga kagaya ni Alonzo, hindi na
ako makarelate.

"Kanina parang naintindihan ko na bakit kahit na mahirap sila, maraming


nagkakandarapa sa kanya."

"I can't relate. I don't find him handsome. Ayaw nga sa kanya ni Anais.
Pinandidirian siya."

"S'yempre alam mo naman ang mga iyon. Mayaman lang ang gusto!"

"H-Hindi ba sa azucarera n'yo nagtatrabaho ang mga magulang ni... Alonzo?" si Ella
na kanina pa yata nakikinig sa usapan namin ni Margaux.

"Oo. At si Alonzo rin mismo."

"Iniisip kong..." yumuko si Ella. "Kailangan na sigurong mag apply ni Mama ng


trabaho."

Nagtagal ang tingin ko kay Ella. Sa huli, huminga ako ng malalim at tumango.

"Puwede sa amin. Kakausapin ko si Kuya."

"Talaga?" she smiled. "Thank you!"

💕💕💕
KABANATA 1

Summer

Alam kong malabong payagan ako ni Kuya Manolo sa gusto kong mangyari. Pareho nilang
ayaw ni Ate na nakikipagkaibigan ako kay Ella. Paano pa kaya kung malaman nilang
kahit paano, gusto ko siyang tulungan?

Iyon ang dahilan kung bakit sinadya ko ang azucarera para rito. Ayaw kong sa bahay
ko kakausapin ang mga kapatid. Alam ko na ang dugtong noon at nasisiguro kong
pareho nilang ayaw.

If you have siblings older than you, it's only normal that they could never
understand your issues. They both think I am too young to think or decide about
anything kaya lagi na lang nila akong napapagalitang dalawa.

Parehong tapos nang mag college si Kuya Manolo at Ate Peppa. Ate Peppa is our
eldest and she is already readying to get married. Meanwhile, Kuya Manolo was newly
promoted as our Manager for the milling. Kaya siya ang sadya ko rito sa azucarera.

Kahit malapit lang ang mansiyon namin dito sa building, sumakay pa rin ako sa aming
sasakyan dahil medyo mainit ngayong summer na ito. Bali-balita'y El Nino raw.

Lumabas ako sa sasakyan. Mabilis na umikot si Ate Soling at pinayungan ako habang
marahang naglalakad patungo sa mga building.

Abala ngayon. Ilang truck ang nakikita kong nagdidiskarga ng tubo sa makina kaya
bukod sa mainit, maalikabok pa. I looked at my pink spaghetti strapped dress and
sandals. Certainly not a very good look to visit here but I didn't think I would
stay for long.
"Sino po ang sadya?" agad na may lumapit sa aming trabahante.

"Si Manolo," sagot ni Ate Soling.

"Naku, si Sir nasa makina. Wala sa opisina. Ang mabuti pa..."

Marami pang paliwanag at sinabi ang trabahante samantalang ako lumingon na sa mga
makinarya. Sa lahat ng lugar na pinuntahan ni Kuya sa araw na iyon, doon pa talaga
sa maalikabok! But then at least he'd realize how serious I am if he saw me here?

My eyes locked at a familiar face near the trucks. Maraming trabahador doon pero
agad kong nahanap ang medyo madungis na nakatitig sa amin. Isang nipis na puti
ngunit maalikabok na t-shirt, faded jeans, at lumang bota, sa ayos at tangkad pa
lang, alam ko na kung sino ang nakatitig sa akin.

I sighed and remember the many times I notice how he looks away everytime I notice
him. Hindi na ulit siya naging substitute teacher dahil hindi na nagkasakit ulit si
Mr. Bersabe pero madalas ko naman siyang makita. Nasa iisang campus lang kami at
dahil dati siyang Team Captain ng basketball noon, siya naman ang tumutulong na mag
coach ngayon sa SHS na team nina Leandro Castanier at Levi del Real.

"Ano Sancha? Sa makinarya raw. Baka pagalitan ka ni Manolo kapag pumasok ka roon?"
tanong ni Ate Soling pagkatapos nilang mag-usap ng trabahante.

Ngumuso ako at nag-isip kung ano ang dapat gawin. I can't stop now and wait for
Kuya Manolo on our mansion. Like usual, he won't agree to me.

"Si Sir Manolo ba?"

Halos napatalon ako sabay tingin sa gilid. My lips are now in a grim line as I
realized Alonzo is nearing us. Kanina'y nasa makinarya siya at mukhang hinihintay
ang mga truck na matapos. Nakatingin lang siya at inakala kong hanggang doon lang!
Now, he's here!

He kept a good distance and pulled the neck of his shirt as if trying to wipe away
the sweat near his jaw. Tumikhim ako. Hindi ko alam kung bakit lagi na lang parang
ako ang naco-conscious. If it's true that he likes me, then it's his problem, not
mine! Bakit ako ang kakabahan para sa kanya?

"Oo. Nasa makinarya raw si Kuya?"

Tumango siya. "Nasa loob. Kinakausap pa ang mga tauhan. May problema kasi yata at
pinapatingnan pa."

Napatingin ako kay Ate Soling. Now, for sure, I can't go inside that. Magagalit si
Kuya kung badtrip siya sa problema.

"May sadya ka?" si Alonzo.

"Oo, Alonzo. Ano sa tingin mo, Sancha? Kung sa opisina mo na lang hintayin ang Kuya
mo?" si Ate Soling.

Nagdadalawang-isip pa ako.

"Baka busy siya at hindi na bumalik ng opisina."

"Kung gusto mo... sasabihin ko na naghihintay ka sa opisina," si Alonzo sabay


tingin sa paligid. "Mainit at maalikabok dito. Mas mabuting sa loob ka ng opisina
maghintay."
Tumingin ulit ako kay Ate Soling na para bang may sagot sa kanya. Tumango naman si
Ate.

"Nasisiguro akong alam ni Kuya ang sadya ko kaya baka hindi niya ako siputin sa
opisina. Sige, maghihintay na lang ako rito, Ate."

Alonzo shifted his weight and looked at the machinery side.

"May shed doon malapit sa parking. Hindi kakayanin ng payong n'yo ang init ngayon.
Doon na lang."

Napatingin ako kay Ate Soling. That knowing look on her face told me what she
remembered. Kumalat sa buong school ang tsismis tungkol sa pagkakagusto ni Alonzo
sa akin. Hindi man naabutan ni Ate Soling, narinig niya raw sa kapatid niyang nag-
aaral pa noon ng elementary. Minsan niya na ring narinig ang pang-aasar ni Margaux
sa akin kaya alam niya ang tungkol dito.

"Uh, ano, Sancha? Tama si Alonzo. Doon na lang siguro at mukhang may upuan pa!" si
Ate Soling na nabasa sa mga mata ko ang pag-ayaw sa panunukso.

"S-Sige."

Ngumiti si Alonzo at nilingon ang shed. May dalawang trabahador na nakasilong doon.
"Sige. Mauuna na ako at lilinisan ko lang."

Halos tinakbo ni Alonzo ang distansya. Pinanood ko siyang pinaalis ang mga
trabahanteng naroon. Nagtawanan sila at inilingan na lang siya. Tinulungan pa
siyang pagpagin ang alikabok at punasan ng basahan ang upuan ng shed.

Nang natapos sila, tumayo siya sa gilid at inilahad sa amin ang upuan. Bahagyang
tumawa si Ate Soling.

"Kasya naman yata kayo rito. Puwede naman kayong umupo."

"Ah, hindi na. Magandang hapon, Miss Alcazar. Pasilong lang po kami konti habang
naghihintay sa diskarga," medyo natatawang sinabi ng pinaalis ni Alonzo kanina.

Tumango ako. Alam kong natatakot silang punahin ko pero hindi naman talaga ako
magrereklamo.

"Sige po, lalapitan na nami ang truck!" ang isang lalaki naman. "Lonzo! Ano? Dito
ka lang? Ikaw talaga!"

Alonzo chuckled and nodded. Bumaling siya sa amin. "Maiwan ko na kayo. Magtatrabaho
lang."

"Salamat, Alonzo," si Ate Soling.

Alonzo stalled for a moment. Naupo ako at hinintay na umalis siya. He looked at me
like I forgot something. Tumikhim si Ate Soling at umupo na rin sa tabi ko. Maybe
Alonzo realized that I didn't get it or I didn't know what he wants, he twisted his
lips and started walking away. Tinalikuran kami.

Nang tuluyan na siyang nakaalis, 'tsaka pa lang nagsalita si Ate Soling.

"Ang bait ni Alonzo. Caring!"

Hindi ko na dinugtungan iyon dahil ang tungkol sa lalaking iyon ang pinaka ayaw
kong pag-usapan.

"Sana man lang nag thank you..." kinanta ni Ate Soling ang sinabing iyon.

I narrowed my eyes and looked at her. "Nagthank you ka na naman. Ayos na 'yon."

Nagkibit siya ng balikat at hindi na nagsalita.

Hindi ko alam kung ilang sandali kami roon. Ang dami nang nagawa ni Alonzo na
trabaho. Umakyat na siya sa gabundok na tubo, bumaba na, naghakot, nag drive ng
truck, at nagdiskarga. Dinalhan kami ng tubig ng isang trabahante at uminom na lang
ako.

I craned my neck when I notice someone walking out of the machinery building.
Nakita ko ang pagtingin din ni Alonzo sa natanaw ko. He then jogged a bit towards
Kuya Manolo. Tumayo ako at ganoon na rin si Ate Soling.

"Akala ko magtatatlong oras tayo rito! Dios ko!" si Ate.

Nakita kong may sinabi si Alonzo kay Kuya. Napatingin si Kuya sa shed at agad akong
kumaway. He looked at me with his bored expression. Tumango si Alonzo pagkatapos
sinabihan ni Kuya ng kung ano at nakita kong aalis na sana siya. I saw Kuya calling
him back. May sinabi ulit na tinanguan ni Alonzo at tumingin sa akin.

Nakalapit na si Kuya kasama ang iilang trabahante. Sa tabi niya ay nariyan pa rin
si Alonzo. I guess he made him stay, huh? I didn't let it affect me, though.

"Ano na naman 'yan?" panimula ni Kuya sabay kuha sa isa sa mga mineral water bottle
namin at uminom.

I was a bit hesitant. Nakikinig sila pero... bahala na.

"About, uh, Ella's Mom."

"Tss. Hindi ka pa rin ba nadadala? Ang tagal nang sinabi ni Ate na huwag kang
didikit diyan!"

"Hindi ako dumidikit, Kuya. I just want to help her out."

"The del Reals will eventually call them persona non grata. At baka nakakalimutan
mo na noong sina Mommy at Daddy ang may kaaway ay tumulong din naman ang mga del
Real sa pagpapaalis sa mga taong 'yon dito sa Altagracia?"

"I know. We are allies, alright. But we don't have to treat anyone as enemies. At
this point, tingin ko kasi kumakapit ang Mommy ni Ella kay Tito Luis dahil wala nga
siyang trabaho. Walang pera!" sabi ko.

Napasulyap ako sa mga nakikinig lang na trabahante. Alonzo's lips were apart as he
listened to me.

"If we give her work, she'll earn. She will feel independent and she will stop
seeing Tito Luis. With that nakatulong pa tayo ng kaunti sa mga del Real na tigilan
na 'yong pagkikita ng dalawa."

Bahagyang natigilan si Kuya Manolo sa sinabi ko.

Someone from behind Alonzo cupped his jaw to make his mouth shut. Tinawanan ito ng
isang kasama kaya bumaling siya sa kanila at pabirong pinagsusuntok.
I heard him mutter "Mga gago."

Tahimik na nagtawanan ang iilan at umiling si Alonzo sabay tingin sa akin. He


licked his lower lip and dropped his eyes on the floor, as if a soldier back on
serious duty.

"I admit it. You've got a point there. Pero bakit ikaw ang lumalakad nito? Kung
gusto ng Mommy ni Ella na magtrabaho, ba't 'di siya ang mag submit ng requirements
at mag apply?"

"Because she knows you'd reject it. See? I have to explain this to you so you'd
open your mind. Kung hindi'y sinunog mo na ang resume, hindi mo pa alam ang rason
ko."

"Fine, Sancha!" ani Kuya sabay baling kay Alonzo sa tabi niya.

Alonzo's eyes are still down.

"Lonzo."

"Sir," agap niya.

"Paki sabi sa Papa mo na may kukunin ako. Pakitingin na rin kung ano ang may
bakante."

"Sige, Sir. Sasabihin ko kay Papa."

"Kahit ano, ha, Sancha. Huwag mamimili sa puwedeng ipagawa at hindi ako
nakakasiguro sa magiging bakante."

"Sige, Kuya," sabi ko.

"Sumama ka rito kay Alonzo sa opisina at marami pa akong aasikasuhin."

"Okay."

Unti-unting inangat ni Alonzo ang tingin niya sa akin. He swallowed hard and lead
the way. Mabilis na binuksan ni Ate Soling ang payong at nagsimula na kaming
maglakad, sunod kay Alonzo.

Alonzo's father is the head HR of our sugar milling. Utility naman ang kanyang
Mommy. It slowly dawned on me as we walked towards the building where the offices
are.

He opened the door for us. Pumasok ako at sumunod naman si Ate Soling. Inulan agad
kami ng bati. I greeted everyone in the offic politely. Napatingin ako kay Alonzo
at nakitang bahagya niyang hinila ang t-shirt, para bang na co-conscious sa dungis
niya.

When he opened the door for us, though, I can smell the remnants of a manly
perfume. I didn't smell body odor or was I too preoccupied with other things.

"Alonzo, bakit? Oh! Magandang hapon, Miss Alcazar!" bati ng ama ni Alonzo.

"Magandang hapon din po, Tito."

Gaya ni Alonzo, matangkad din ang kanyang ama. Mas bata rin ito kay Daddy ng ilang
taon. Ang alam ko, nag-iisang anak si Alonzo. Dito na nagtrabaho ang mag-asawa at
simula nang nag eighteen si Alonzo, nagsimula na rin dito. Noo'y part time lang at
utusan, hindi legal na trabahante tulad ngayon.

During his school days, though, tumitigil siya at nagpapart time na lang. Nag co-
concentrate siya sa pag-aaral lalo na't medyo maganda ang marka niya sa isang
kursong kailangang tutukan. His being a coach to the SHS basketball team or those
frequent substitution is probably his ways to earn during school days and this
during summer.

"Papa, ipapatingin daw kung anong department ang may bakante. May gustong papasukin
si... Sancha."

"Oh! Walang problema. Sige, teka at titingnan ko. Upo muna kayo."

"Thank you, po," sabi ko at lumapit sa upuang malapit kay Alonzo.

Nakita kong lumayo siyang bahagya sa akin. Napalingon tuloy ako. My lips protruded
as the curiosity ran on my mind.

"Mayroong bakanteng utility, laborer marami, driver- Babae ba 'yan o lalaki?"

"Babae po yata, Papa."

"Babae po," ako naman kasunod ni Alonzo.

"Puwede na 'tong utility, kung ganoon? Sino ba 'yan? May resume ka ba riyan,
Sancha? O puwede naman na isunod na lang iyon tutal sa'yo naman galing ang
recommendation."

"Kailan po puwedeng magsimula? Tatawagan ko pa po para mahanda niya."

"Puwede na bukas kung kaya na!"

"Talaga po? Sige, po, salamat! Tatawagan ko na muna."

I excused myself and went out of the office for the call. Nakitsismis yata si Ate
Soling sa loob kaya hindi na sumunod sa akin paglabas. Si Alonzo ang sumunod sa
akin. Humilig ako sa dingding habang katawagan si Ella. Nakapamulsa naman akong
pinagmamasdan ni Alonzo.

"Talaga, Sancha! Naku! Salamat!" si Ella sa kabilang linya.

"Puwede nang magsimula bukas at puwedeng i-follow na lang ang resume."

"Naku! Nakakahiya naman! Ngayon agad ihahatid ni Mommy! Thank you! Hindi na 'to
ipagpapabukas pa at nakakahiya na."

I chuckled and glanced at Alonzo. He looked away and sighed.

"That's nothing. I just wanna help you out."

"Ako kaya? Puwede ring mag apply? Wala akong ginagawa ngayong summer at gusto ko
talagang magtrabaho."

"Naku, hindi ka pa puwede s'yempre. Underage ka pa. Kapag na lang nag eighteen ka,
walang problema."

"Oo nga e. Sayang. Pero salamat talaga! Naka print na naman ang resume ni Mommy.
Ihahatid niya na riyan ngayon. Nasa labas siya nagdidilig ng halaman. Ibabalita ko
sa kanya! Kakausapin mo?"

Well, that's too much there.

"Hindi na, Ella. Ayos lang. Pumunta na lang kayo rito at hanapin si Mr. Salvaterra.
Sabihin n'yo na lang na 'yong nirekomenda ni Sancha."

"Sige! Thank you talaga, Sancha!"

"You're welcome. I've got to go now. Bye."

"Bye! Thank you!"

I smiled and cut the call. Naglakad ako pabalik na sana sa loob ng opisina pero
binagalan ko nang palapit kay Alonzo.

"Thank you," I said coldly.

He licked his lower lip. "You're welcome. May ipapagawa ka pa ba?"

Ngumiti ako at umiling. "Wala na. Tatawagin ko na lang si Ate Soling at uuwi na
kami."

He slowly nodded. "Bukas... i... chi-check mo ba kung pumasok ang nirekomenda mo?"

Aaminin ko, medyo nagulat ako sa tanong niya. Ni hini siya nakatingin sa akin. Not
that he isn't attentive, he just couldn't look at me, I can feel it. Umiling ako.

He's tall. Taller than average boys his age. Or maybe I find him very tall because
I am just 5 foot and shorter than the girls my age. Siguro rin dahil sa nakagisnang
trabaho kaya medyo maskulado na ang katawan niya. Matangos ang kanyang ilong,
manipis ang labi, at kung tititigang mabuti may halong kayumangging kulay ang itim
na itim na mga mata. His hair is also very dark, even when it's damp from sweat it
looked thick. And every time he lowers his gaze, I can see the wave of his thick
lashes. It looked more beautiful than my thin brown ones.

"Hindi na."

His lips twisted and then he nodded. "Take care, then. Enjoy your summer."

Suminghap ako at tuluyan na siyang nilagpasan para tawagin na si Ate Soling. Hindi
kalaunan, pabalik na kami sa bahay. Halos mabali ang leeg ni Ate Soling katitingin
sa labas. Nanatili naman ang mga mata ko sa harap hanggang sa nakauwi na kami.

💕💕💕
KABANATA 2

Best Friend

"Nakakainis talaga! Kung hindi lang captain ball noon and gagong 'yon!" iritadong-
iritado si Soren.

Halos ihampas niya sa court ang bola pagkatapos maka shoot. Nag-eensayo siya ngayon
dahil gusto niyang makapasok sa basketball team ng school.

Ang totoo niyan, matagal niya nang pinapangarap ito. Kaya lang, lagi na lang siyang
hanggang intra school lang at hindi kailanman natanggap sa varsity.

"Soren, kaya nga susubukan mo ulit ngayon, hindi ba?"


"Kung nandoon pa rin si Leandro, paano pa ako matatanggap?" alburoto niya sa akin.

Nanonood kami ni Margaux ngayon sa barkada ni Soren sa plaza, nagpapractice. Siya


itong pinaka interesado sa kanilang pumasok sa varsity at ang iba'y kuntento na sa
paglalaro sa intramurals. Simula pa lang Junior High School, sinusubukan na ni
Soren na makapasok. Kaya lang lagi siyang binabarahan ng coach o 'di kaya'y captain
ball. Hindi pa raw sapat ang skills niya para makapasok sa varsity.

Katatapos lang last week ang first schedule ng varsity try out at bumagsak siya.
Malungkot ko siyang tinitingnan habang badtrip na naglalaro ng basketball. Hilig na
hilig niya iyon. It must be very sad for him to be rejected on something he thought
he's good at.

Hindi ko nga lang din alam kung bakit siya na-reject? Magaling naman siya at maayos
din ang grades, na isa sa basehan kung kukuning varsity.

"Bakit ba kasi naroon si Leandro, Soren?" si Margaux sa tabi ko.

Napatingin ako. Nakapagtataka nga naman pero naisip kong siya na ba ang mag co-
coach sa Senior High na team ngayon?

"Ewan ko roon! E hindi hamak na mas magaling si Alonzo sa kanya kaya ba't siya
nakekealam sa basketball team?" si Soren.

"Ang alam ko pamalit lang kasi may duty si Alonzo noong weekend, e. Kaya si Leandro
muna ang nag handle sa try outs," si Julius.

Bahagya akong nabuhayan ng loob. Ibig sabihin may pag-asa pa si Soren sa susunod na
try out! Bakit nga ba lagi siyang inaayawan nitong si Leandro? Bahagya kong naisip
na last year naman si Alonzo ang tumanggi sa kanya pero hindi naman siya ganito ka
miserable! Siguro dahil ito ang mga huling pagkakataon niya sa Senior High. Kung
hindi pa siya makapasok sa varsity ngayon o sa susunod na taon, tuluyan na siyang
hindi naging varsity buong highschool niya?

Hindi nga lang nabuhayan si Soren. Padabog niyang hinagis ang bola sa ring at
malakas itong tumunog bago lumapit sa amin at naupo. Pinagmasdan ko siyang mabuti.
He's all sweaty and angry at the same time.

"Ayos lang 'yan," I tried to console him.

Umiling siya bago uminom ng sports drink. Umirap siya habang tinitingnan ang
pagkaka shot ng isang kaibigang tanggap sa varsity.

"Hindi mo na naman talaga kailangang pumasok sa varsity, Soren," si Margaux.

"Gusto kong pumasok doon. Para saan pa itong pagpapractice ko lagi kung hanggang
intrams lang ako maglalaro!"

"Subukan mo na ulit next time. Subukan mo at baka wala na si Leandro at si Alonzo


na ulit ang hahawak sa Senior High."

"Tss. Si Alonzo naman ang tumanggi sa akin noon, e."

Napabaling si Soren sa akin. Malungkot ko siyang tiningnan. Isang sulyap pang muli
sa mga kaibigang naglalaro bago ulit sa akin.

"Hindi ba trabahante n'yo sa azucarera si Alonzo?" he asked with curious eyes.


"Uh, oo?"

Bahagyang lumapit si Soren sa akin. Tumikhim ako at bahagyang namangha na mabango


pa rin siya kahit pawisan. Hindi ko mapigilan ang pagkakamangha at saya.

"Tanungin mo kaya kung paano ako makakapasok sa varsity?"

Napakurap-kurap ako. He noticed my uneasiness. He finds the rumors about Alonzo's


stupid crush on me silly.

"Practice, siguro?" si Margaux sabay halakhak sa tabi ko.

Madilim na tiningnan ni Soren ang kaibigan ko sa tabi bago nanlambot ulit sa akin.
"Fine, if it's practice, ba't hindi niya ako turuan?"

"T-Turuan?" medyo nag-alinlangan na ako.

"Yes. I'll hire him to teach and train me for varsity. I have months for the next
try out. Su-Suwelduhan ko siya. Hindi ba mahirap 'yon? Nangangailangan ng pera?
Now, it's his chance to have money."

"Seryoso ka ba rito, Soren?" medyo gulat pa ako sa pinatunguhan ng usapan.

"Seryoso ako, Sancha. Gusto ko talagang pumasok sa varsity."

"Kay Leandro ka kaya magpatulong?" sinasagip ang sarili sa isa na namang


interaksiyon kay Alonzo.

Isang taon na rin simula noong pinakiusapan ko si Kuya Manolo para sa Mommy ni
Ella. Simula noon, bukod sa miminsang pag-susubstitute niya sa teachers, hanggang
doon na lang talaga ang interaksiyon. Hindi ko na hinahayaang lumalim pa.

"Ayaw ng taong 'yon sa akin! Isa pa, sabi ko nga mas magaling maglaro si Alonzo."

"Kay Levi, Soren?" si Margaux.

Soren is suddenly so annoyed at the mention of Luis Javier del Real's name. Hindi
na ito sumagot at masamang tinitigan lang si Margaux.

"What? Or don't tell me you just really want to join the varsity team to please
someone?"

Alarmed at what Margaux meant, napatingin ako kay Margaux.

"Anong pinagsasabi mo riyan, Margaux? S'yempre alam n'yong dalawa na gusto kong
sumali, hindi ba? Dati pa naman, ah?"

"Who do you want to impress, Soren?"

"Naniwala ka naman dito kay Margaux, Sancha? You know me better than that. Matagal
ko nang gustong maging varsity, hindi ba?"

Umiling si Soren at halatang dismayado sa amin ni Margaux.

"Diyan na nga kayo. Akala ko makakatulong kayo sa akin, e."

Bumalik si Soren sa court. Pinagmasdan ko ang paglayo niya kasabay ang kuryosong
pagtatanong kay Margaux.
"Sino naman ang papasikatan niya, Margaux?"

"Joke lang 'yon. Akala ko lang naman kasi nakita ko siya isang beses na lumapit
doon kay Chantal."

"Chantal? Chantal Castanier?" I asked to clarify.

Chantal Castanier is a classmate of Soren. Hindi ko nga lang alam kung classmate
niya pa ba ito ngayon. She's pretty and graceful. Hindi mayaman pero hindi ko
nakikitang hadlang iyon para hindi siya magustuhan ng gaya ni Soren. Chantal is
Leandro Castanier's sister.

"Sancha!"

Napatalon ako sa pamilyar na boses sa likod ko. Napalingon ako at nakita si Ate
Peppa. Natanaw ko ang puting SUV niya hindi kalayuan sa plaza. Napatayo ako at agad
na lumapit. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Lalo na nang sinuyod ng mga
mata niya ang tinatanaw naming laro.

"Magandang hapon, Ate Peppa," bati ni Margaux na tulad ko'y biglaang ninerbyos din.

"Umuwi na tayo!"

Gusto kong magtanong kung nasaan si Manong at bakit siya ang sumundo sa akin. But I
know this is just one of her surveys for me every once in a while, gaya ng madalas
ding gawin ni Kuya.

"Okay."

Isang sulyap kina Soren at nakita kong natatanaw niya ang pag-alis ko. Dumiretso na
rin si Margaux sa sasakyang naghihintay sa kanya hindi kalayuan. Hindi pa kami
nakakalapit ni Ate sa sasakyan ay nagsimula na siya.

"You still hang out with that guy, Sancha? Ilang beses na ba kitang sinabihan, ha?"

I knew it. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit nakekealam si Ate at si Kuya sa
mga kaibigan ko.

"Sinusunod ko naman kayo, ah? I can be friends only with people who have the same
status as us!"

Natigil si Ate at nilingon ako. kitang-kita ang iritasyon niya sa sinabi ko.

"That's not it!" singhal niya.

I gritted my teeth.

"I'm telling you to stop being friendly to those who are bad influences! Illegal
ang logging na negosyo ng mga Osorio at hindi maganda ang sinasabi ng iba sa Soren
na 'yan!"

Most of the time, I fight for my own reason. Soren had never been rude to me. In
fact, he's been very kind and friendly ever since. Unti-unti ko nang naiisip na
masyado lang talagang judgemental ang pamilya ko sa lahat ng tao.

"Soren is good to me, Ate."

"That doesn't change the fact that his family is running an illegal business,
Sancha."
"He isn't his parents! Isa pa, may ibang business sila kaya hindi naman natin
masasabi na-"

"Oh my! Don't tell me you're saying this because you like that boy?!"

Tuluyan na akong nanahimik. Umiling si Ate at nagpatuloy na sa sasakyan, halatang


dismayadong dismayado sa akin.

Hanggang sa bahay na ang naging sermon niya sa akin. Laking pasasalamat ko na sa


hapag, naroon si Mommy at Daddy. They both agreed to my reason and eventually let
it all slip away. Kahit na sa mata ng mga kapatid ko, alam kong ayaw nila na
nakikipagkaibigan ako kay Soren, masaya pa rin ako na kahit paano hindi ako
pinagbawalan ng mga magulang ko.

"Matagal nang kaibigan ang mga Osorio, Manolo. Huwag kang masyadong mahigpit sa
kapatid mo."

"Pero Dad, hindi pa rin maganda sa isang Alcazar na nakikihalubilo sa mga ganyang
klaseng tao."

"I know what you mean. We are known to be credible and being around shady families
isn't our thing but cut your sister some slack. She's just a teen."

I told Margaux about it that night. And that night, too, before I went to sleep, a
miserable Soren called me.

"Try it next time, Soren," alo ko sa kanya.

"Yeah. Maybe I will, Sancha," sa malungkot na boses.

Hindi ako nagsalita. I know I can probably do something about it but I am just to
selfish to offer. Hindi ko rin naman talaga alam kung bakit ganoon ko na lang ka
ayaw ito. It seems easy actually. It's not like I can't try to do it. It's just
that... thinking about Alonzo and facing him... isn't my strongest feat.

"Hindi lang ako makapaniwala na ga-graduate na lang ako, hindi pa rin ako
nakakapasok sa varsity team. Si Julius na kasabayan ko, ang tagal nang nakapasok.
Ako, gagraduate na lang."

I want to say... maybe he can do that when he's in college but I know I'll just
make it worse.

"Tanggap ko naman na may kakulangan naman ako. Kaya nga gusto ko sanang mag
training. Siguro dapat sa Bacolod ako humanap ng coach."

"Uh..."

Frustrated at his desperation, pumikit na lang ako bago pinakawalan ang offer.

"Why don't you... ask Alonzo to train you?"

Humalakhak siya ng kaunti. "Natatakot akong tanggihan niya ako. Kung tatanggihan
niya ako sa training, malabo nang tatanggapin niya pa ako sa varsity."

I swallowed hard before another offer. "S-Susubukan kong kausapin siya."

Hindi siya nakasagot kaya sinundan ko pa.


"Kahit sa free time niya lang."

"Papayag kaya 'yon? Nahihiya ako. Ang galing noon at masyadong propesyunal."

"Hindi ko alam kung papayag ba pero susubukan ko. Bukas, pupuntahan ko sa


azucarera."

"Puwede. Kung practice kaya... puwede bang samahan mo ako? Kung... free ka lang."

My heart swelled at that. I can't believe he's asking me this.

"At si Margaux?" dagdag ko.

"Tayong dalawa lang, please?"

I smiled and felt my heart warming. I can't believe he asked me this. It felt like
an exclusive date!

"Alright, then."

Kaya naman, kinaumagahan mismo ng sumunod na araw ay nasa azucarera ako. Hindi
matanggal ang ngisi ni Ate Soling nang sinagot ko siya sa tanong niya.

"Si Alonzo, Ate."

"Si Alonzo ang hinahanap mo rito, Sancha?" she looked as if some angel has come
down from heaven.

Sobrang nakakamangha ba iyon.

Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit hanggang ngayon parang sariwa pa rin ang
tsismis na iyon. Ilang taon na ang lumipas simula nang kumalat iyon at hanggang
ngayon nasa utak pa rin ng mga tao.

"May sadya lang ako, Ate," sabi ko sabay pasada ng mga mata sa nakikitang
trabahador.

"Talaga, Sancha?" Ate Soling said with malice.

Suminghap ako at tuluyan nang sinabi ang totoo dahil ayaw kong may maisip pa siyang
iba. "Magpapatulong ako para kay Soren. Gusto niyang pumasok sa varsity at coach si
Alonzo roon. Tatanungin ko kung papayag ba siyang mag train kay Soren."

"S'yempre basta ikaw, papayag 'yon!" maligayang sinabi ni Ate Soling.

"Papayag talaga 'yon dahil may suweldo naman at siya pa ang mag se-set ng time."

Ngumisi si Ate Soling at lumaki bigla ang mga mata nang may nakitang diretso sa
akin. Napatingin tuloy ako sa likod at halos kasing nerbyos ko yata si Ate nang
nakitang palapit si Alonzo sa amin.

Tumikhim ako at bahagyang naghanda. Inayos naman ni Ate Soling ang payong bago
nagdesisyon.

"Sancha, bibigyan ko kayo ng privacy. Doon na ako sa-"

"Ate, hindi na kailangan. Hindi kailangan ng privacy ang pag-uusapan kaya dito ka
lang."
"Pero tama naman na bibigyan ko kayo ng privacy, ano pa man 'yan-"

"Ate!" I said, utterly annoyed that she thinks this has malice. Mas gusto kong
ipakitang wala. "Dito ka lang, please."

Tumigil na ako nang tuluyan nang nakalapit si Alonzo. He slightly smiled before he
cleared his throat. I don't know if I noticed our height difference before or it's
just more noticeable now. It seems like every year, he grows taller and taller.
Medyo maganda rin ang katawan kaya naman hindi kataka-takang isa nga siya sa mga
hinahangaang basketball player ng school.

"Good morning!" he greeted. "Si Sir Manolo ba?"

Umiling ako. "Ikaw sana ang sadya ko."

The evident slight shock that touched his face almost made me smile. Hindi ko tuloy
maisip kung ganito ba siya sa lahat o talagang sa akin lang? O kung ganito man siya
sa akin lang, hindi kaya ito ang dahilan kung bakit kumakalat talaga ang
pagkakagusto niya?

He couldn't answer back so I continued.

"I just want to ask if you'd... agree to be..."

Hindi ko alam kung bakit hindi ko tuluyang naituloy ang sasabihin. Something about
my premise is awkward. He swallowed and waited. Hindi ko pa nadagdagan.

"Agree to be?" he asked.

Napasulyap ako kay Ate Soling. Ang ngiting-aso ni Ate Soling ang tuluyang
nakatrigger sa akin na magdagdag.

"To train someone. Basketball?"

Alonzo's lips twisted and he nodded slowly. "Soren Osorio?"

I nodded slowly. He nodded, too. He licked his lower lips as the awkward silence
stretched.

"I know this is a far fetched favor. For sure you're busy with school and your work
here. Ayos lang naman na tumanggi ka. Hindi kita masisisi. I just want to... tell
you what his offer is... to be fair."

Tumango ulit siya. Bahagya akong nasiyahan na hindi naman siya agad na tumanggi.
Gusto niya pa ring marinig ang offer.

"Mag a-adjust siya sa free time mo. You will also be compensated every session.
Humahanga siya sa'yo kaya umasa ka sa respeto niya."

Tinitigan niya ako. My heart pounded. In his eyes, it's obvious that he doesn't
want this. Hindi ko nga lang maimagine kung paano niya ako tatanggihan dito.

"I'm not sure if you know him or you're close to him. Nahihiya siya sa'yo...
kaya... sasama ako tuwing practice."

He blinked twice and looked away. Kumunot ang noo niya at bahagyang ngumuso. My
eyes was fixed on him and I noticed a different feeling somewhere.

He sighed slightly. Nag-angat siya ng tingin sa akin, ngayon matapang na ang mga
mata.

"Boyfriend mo?"

What a question!

"Best friend lang."

Tumitig siya bago unti-unting tumango. Ang mahahabang pilikmata ay mas lalong
nadepina sa bawat galaw ng mga mata niya katititig sa akin.

Umiling siya. My heart almost sank when I thought he's rejecting me.

"Hindi ako tatanggi sa'yo, Sancha."

💕💕💕
KABANATA 3

Favorite

Binalita ko kaagad kay Soren na pumayag si Alonzo sa training na gusto niya.


Tuwang-tuwa siya na tumawag talaga siya.

"Totoo ba 'yan, Sancha?"

"Oo. Uh... Kung... papayag ka raw na Linggo. Kasi wala siyang ibang... oras."

"Oo naman! Kahit kailan niya gusto, s'yempre. Pero kada Linggo lang ba?"

"M-Mag ti-text lang daw siya kapag kailan siya free pero sa ngayon, Linggo pa lang
ang maipapangako niya."

We go to church every morning of a Sunday. Kumakain sa hardin pero sa buong araw ay


wala nang gagawin. Pinapayagan naman akong lumabas ng Linggo at hindi naman
mahigpit sina Mommy at Daddy. Siguro hindi ko na lang babanggitin na si Soren ang
kasama ko, lalong lalo na kay Ate. She doesn't approve of me seeing Soren but my
parents are okay with it so it must be okay.

Tinitigan ko ang cellphone ko na may mensahe. Pagkatapos sabihin ni Alonzo na


tuwing Linggo lang siya puwede, kinuha niya ang numero ko. Ako ang i-ti-text niya
kung may pagbabago man sa schedule niya o kung tuloy ba sa mga practice.

Unknown Number:

This is Alonzo. Save my number.

Tumikhim ako at unti-unti ring sinunod ang sinabi ng mensahe niya. Tama nga naman
iyon.

Ako:

Okay.

I replied to be polite. My heart jumped when I saw another text from him.

Alonzo:

Pumayag na ba si Soren sa araw na gusto ko?


Ako:

Pumayag naman.

I don't know why I am both uncomfortable and nervous. Wala namang dapat ika nerbyos
sa usapan, e.

Alonzo:

Makakalabas ka ba kapag Linggo?

Ako:

Oo.

Alonzo:

Alright.

The next thirty minutes I spent on looking at my phone thinking of a reply but it's
a dead end so it should be okay. I didn't reply on it. At sa huling reply naman ni
Alonzo, mukha namang wala siyang planong pahabain ang usapan.

"Thank you so much, Sancha!" halos umangat ako sa kinatatayuan sa higpit ng yakap
ni Soren sa akin.

Nagtawanan ang iilan pang mga kaibigan naming naroon. Si Ella man ay natawa na rin
sa reaksiyon ni Soren.

"I have a gift for you later!" aniya.

"Ano naman 'yon?"

Pilit kong kinalma ang sarili. Inayos ko rin ang buhok dahil sa yakap niya nagulo
ito. Soren smiled boyishly. Sa tabi niya ay si Julius.

"Basta! Mamaya na at pinapadala ko pa rito. Sama ka mamaya? Manonood ako ng


practice game ng varsity."

"Uh, I can go. Maghihintay pa naman ako sa driver na dumating, e."

"Good. I'll give you my gift later and... kakausapin ko rin si Alonzo. Naroon naman
siya mamaya, Julius, hindi ba?"

"Oo. Basta Monday, siya talaga ang nag co-coach."

"Okay!"

Nang umalis ang mga lalaki'y malisyoso na akong siniko ni Margaux. Alam ko agad ang
naiisip niya. Ella watched us as we walked back to our classroom.

"Ang lakas mo kay Alonzo, ah?"

"Hindi naman. Papayag naman talaga siya kasi may bayad 'yon."

"Talaga lang? E, ang alam ko may nagyaya rin diyan na magtrain, babayaran din, pero
hindi 'yan pumayag."

"Baka hindi niya pa kailangan ng pera no'n. Ngayon lang."


"Hmm. Kung sa bagay. Speaking of him, noong Sabado nasabi ng pinsan ko na grabe raw
makapanlait si Anais kay Alonzo. Sa Silliman kasi sikat talaga siya kasi maraming
seniors na batch niya na roon na nag kolehiyo. Kaya itong si Anais, naninira."

Tumigil ako sa pintuan ng classroom at hinarap ang kaibigan. I'm not really
interested about Alonzo but I can't help it. Minsan ko na rin kasing narinig ang
mga kuwento tungkol sa iritasyon at pandidiri ni Anais sa kanya.

"Matapobre lang talaga siguro si Anais."

"Hindi naman yata matapobre si Ate Anais. Kasi kaibigan niya si Keira at Leandro.
Tingin ko naman, maayos siyang makisama sa dalawa. Ayon kay Leandro..." si Ella na
banayad na nagsalita.

"You're right, Ella," si Margaux. "Ang totoo may usapan na nagtapat daw si Anais sa
nararamdaman niya para kay Alonzo. Isa raw 'yan sa nabasted kaya bitter."

"Totoo," si Ella ulit.

Napabaling kami ni Margaux sa kanya. She smiled shyly.

"Sorry, I can't help it. Naroon kasi ako nang nag confess si Ate Ella kay Alonzo sa
labas ng locker room. Nagliligpit ako ng libro nang narinig ko 'yon."

"Oh! Juicy!" malapad na ngumisi si Margaux.

"P-Pero ayaw kong ipagsabi... kasi... baka magalit si Ate Anais sa akin."

"Sabihin mo na, Ella! Anong nangyari? Napahiya ba si Anais?" pangungulit ni


Margaux.

"Eh... Ayaw kong sabihin. N-Naawa ako. Huwag na."

"Sabihin mo na!" Namimilog ang interesadong mga mata ni Margaux. At dahil sa


malapad niyang ngiti, mas lalo siyang hindi mapagkakatiwalaan. "Hindi ko sasabihin
kahit kanino."

"Ayoko!" natatawa na si Ella pero halatang gusto niya talagang manahimik na lang.

"Pilitin mo si Ella, Sancha!" si Margaux na dinamay pa ako. "Paano binasted ni


Alonzo si Anais?"

My mouth remained in a grim line. Bakit ko ba kailangan pang malaman iyan?

"Hindi naman ako curious. Tara na at pumasok na tayo sa classroom," sabi ko.

"Ang KJ naman, Sancha! Wala lang naman, e. Tsismisan lang!" si Margaux na bubulong-
bulong sa likod ko.

Maaga ang dismissal namin dahil sa Library Period. Hindi pa dumadating ang driver
namin at kahit na puwede ko namang itext para makarating dito ng mas maaga, hindi
ko na ginawa para makipagkita pa kay Soren sa gym.

Naroon na siya pagkalapit ko. Pero hindi ko puwedeng hindi mapansin ang paglingon
ni Alonzo sa akin galing sa bench sa loob ng court. Nasa bleachers naman kami at
dumiretso na ako kay Soren.

Nakita kong may hawak siyang box ng isang international branded na donuts.
Ipinakita niya sa akin iyon. I smiled because I know it isn't sold here in
Altagracia. Siguro'y sa Bacolod o Iloilo niya pa iyon binili para sa akin.

"I have here my favorite donut! My gift for you!" aniya sabay ngiti.

"Thank you, Soren!" masaya kong tinanggap.

Mabilis siyang lumingon sa likod ko. "Kay Sancha lang ito!" deklara niya kay Ella
at Margaux.

"Oo no! Hindi kami manghihingi!"

Tinawanan na lang namin ang pagiging segurista ni Soren. Nanatili kami sa benches,
pinapanood ang practice game. Soren cheered for Julius' team even when they are not
winning it.

Hindi ako masyadong attentive sa panonood sa game. Nanatili akong nakaupo roon kaya
madalas kong mapansin ang sulyap ni Alonzo galing sa court patungo sa amin. I
cleared my throat.

"Dito lang ba kayo? May kikitain lang ako saglit," si Margaux habang nakatitig sa
cellphone niya.

Umirap ako at umiling dahil siguro'y isa na naman iyon sa manliligaw niya. "Babalik
ka pa ba?"

"Pasama, Margaux. Pupunta ako sa cafeteria, may bibilhin lang. Baka umuwi na ako
dahil walang tao sa bahay. Bukas na lang ulit, Sancha!" si Ella.

Tumango ako at ngumiti. "Sige."

"Mag ti-text lang ako kung makakabalik pa ba ako. Bye, Sancha!"

Iniwan na ako ng dalawa. I still have thirty minutes left before our driver comes.
Not that he comes exactly on time.

"Tapos na!" Pumalakpak si Soren. "Nice game!"

Tumunog ang siren. Nilingon niya agad ako bago muling tumabi.

"Puwede kayang lumapit kay Alonzo? Tingin mo?"

Natanaw ko si Alonzo na nilalapitan ngayon ng buong team. May sinabi siya rito at
mukhang tapos na nga ang kanilang practice game.

"Do you think it's alright? I mean, nasabi niya na na Sunday pa siya free-"

"Hindi naman ako magpapatrain ngayon. Kakausapin ko lang at magpapasalamat lang ako
sa pagpayag niya. Iyon lang."

Tumango ako.

"Isa pa, pauuwiin na ang iba pero sina Julius yata babanatan niya ng training
ngayon saglit. Kaya hindi pa siya aalis."

"O-Okay lang naman siguro."

"Oh? Sige, bababa ako! Dinalhan din kita ng juice. Kumain ka muna habang
naghihintay sa akin. Favorite ko 'yan!" sabay turo niya sa regalo.
"Puwede namang sa bahay na lang, Soren-"

"Hindi puwede, Sancha! Gusto ko makitang ikaw talaga ang kumakain niyan. Para
masiyahan ako. Favorite ko 'yan kaya sige na! Magtatampo ako sa'yo kapag hindi ka
makaubos ng kahit dalawa lang!"

"Dalawa!" nagulantang ako dahil hindi naman ako gutom.

Hindi pa nga ako tapos magsalita, nagmamadali nang bumaba si Soren. I don't think I
could eat two! Hindi ako gutom. Hindi naman siguro sasama ang loob ni Soren kung
isa lang ang kakainin ko rito.

Nakita kong hinarap ni Alonzo si Soren. Alonzo politely entertained him while Soren
is a bit shy. Nagkakamot sa ulo at hiyang-hiya magsalita.

I opened the yellow box he gave me and slowly looked at the donuts inside. Isang
flavor lang ang lahat ng iyon. Pare-pareho. Naaalala ko na nasabi nga pala ni Soren
na paborito niya iyon. This must be his favorite flavor.

Hindi pa ako nakakain ng partikular na flavor na iyon. I actually haven't eaten


much donuts my whole life.

Tinitigan ko ang isang donut at kumuha ng tissue para pulutin iyon. My eyes
narrowed. I removed one sliced almond on top. I just remember a scene of my seventh
birthday party where... my cake was full of peanuts. Sinugod ako sa ospital
pagkatapos kong kumain ng isang slice dahil hindi ako makahinga.

Simula noon, hindi na ulit ako kumain ng peanut. At hindi ko na maalala kung kasali
ba ang wallnuts at almonds sa nagpapasama sa loob ko. Still, I tried to remove some
of the toppings even when I'm not sure if it will do me good or not.

Leaving only almost half of the toppings, I figured to try it. Matagal na ang
nangyari at peanut naman iyon kaya hindi naman siguro makakasama sa akin ang
almonds. Isa pa, baka kapag nakita ni Soren ang ginawa ko, magtampo pa siya.

Surprisingly, it's delicious. I know now why Soren likes it. I enjoyed eating it. O
siguro dahil hindi ako sanay na kumain noon kaya sarap na sarap ako.

After I finished one, I stopped. Uminom ako ng juice at masaya dahil hindi naman
sumama ang pakiramdam ko. Iyon nga lang, pagkatapos lang ng ilang minuto,
nararamdaman kong medyo naninikip ang dibdib ko.

Una, akala ko guni-guni ko lang iyon. I'm too scared to eat it that I am actually
living my fears now. Kaya lang, kalaunan ay lumala ang paghahabol ko sa aking
hininga.

I was never asthmatic so I'm sure this isn't asthma. Kinalma ko ang sarili ko at
nag concentrate sa paghinga. Nasulyapan ko sa bleachers ang panonood ni Alonzo sa
akin kaya pilit ko pang kinalma ang sarili at halos pinigilan ang bawat paghabol ng
hininga.

Uminom ako ng juice. Nakita ko si Soren na pabalik na sa kinauupuan ko. I tried to


smile and supress what I'm feeling.

"Ayos ka lang? Pinaakyat ako ni Alonzo rito para tingnan kung ayos ka lang ba?" si
Soren.

Nakatingin pa rin si Alonzo sa amin. Tumango ako.


"Oo. Ayos lang ako," sabi ko, itinatago ang bawat hirap ng paghinga.

"Kumain ka na? Favorite ko 'yan! Al Capone ang tawag diyan. Favorite mo na rin?
Masarap?"

"O-Oo!"

"Mabuti. Kain ka pa! Baba lang ulit ako dahil nag-uusap kami ni Alonzo tungkol sa
Sunday. Ikaw na lang daw iti-text niya. Mabuti na rin at nang talagang makasama ka
sa training ko. Kaya ko namang pakiusapan ang may-ari nitong school para dito na
kami magtraining. Wala naman kasing gumagamit dito kapag Linggo..."

Hindi ko na masundan ang kuwento ni Soren dahil habang tumatagal, lalong lumalala
ang paghahabol ko ng hininga.

"Kain ka pa. Baba lang muna ako, ha!"

Tumango ako, hindi na makapagsalita. Tinalikuran ako nI Soren at muli na siyang


bumalik sa court. Meanwhile, I feel dizzy. Nagdidilim ang tingin ko at mas lalong
lumala ang paghahabol ko ng hininga.

It feels like it's an involuntary move to catch my breathing so hard. Humihinga


lang naman ako ng ganito kapag pinipilit ko pero ngayon, kusa na akong naghahabol
ng hininga!

Tumayo ako nang hindi ko na kaya. Nagdidilim ang paningin ko pero ang init dito sa
gym ay mas lalo lang nagpalala. I need fresh air and I need to get out of here.

Nabitiwan ko ang bote ng juice na bigay ni Soren. Sa nanginginig na kamay, kinuha


ko iyon at nagmamadaling umalis na sa bleachers. Ni hindi na ako nakapagpaalam kay
Soren dahil kung magtatagal pa ako, hindi ko na anong mangyayari sa akin.

Nanlalamig ako. Nakalabas na at nakalanghap ng mas maluwang at mas sariwang hangin


pero mas lumala pa ang paghinga ko. It was as if there's no air but I'm the only
one experiencing it!

Maglalakad pa sana ako patungo sa mga building nang may biglang humila sa akin.
Alonzo's immediately made me sit on the nearest concrete bench.

"Teka... lang..." Bawat salita ko may paghabol na hininga sa gitna. "Uuwi...


Uuwi... ako. Hindi... Hindi ako... maka..."

"Calm down. Please, uh, humiga ka muna. Dadalhin kita sa... clinic."

Umiling agad ako. Hindi ko maimagine na hihiga ako rito sa bench pero ang sama
talaga ng pakiramdam ko.

He swallowed hard. Nagdidilim na ang paningin ko pero nakikita ko na pilit niya


ring kinakalma ang sarili niya. Kita ang takot sa kanyang mga mata. Kinuha niya ang
cellphone ko na muntik niya pang mabitiwan.

Kasabay ang pag bukas niya sa box na dala ko. Inilahad niya ang cellphone ko sa
akin.

"Buksan mo-"

Mabilisan ko nang binuksan. He was obviously confused on what to do first. He's


watching me but he's also on the phone.
"Manong," narinig ko.

Hindi ko alam kung tumawag ba siya o si Manong ang tumawag.

"Si Alonzo po ito. Nasa labas na po ba kayo? Sige po-"

It was a quick call. Didilat na sana ako para tingnan kung ano ang sunod na ginawa
niya kaso ang nakita ko na lang ay ang pag-angat niya sa akin. He scooped me and
carried me. I think he sprinted towards the buildings and the parking lot.

Hinahabol ang hininga at pikit na ang mga mata nang napasandal na ako kung saan.
Pilit akong ihiniga ni Alonzo sa back seat at hindi ko maipagkakailang hindi ko na
rin naman yata kayang maupo. I heard Alozo's voice.

"Napano, Alonzo?"

"Hindi yata siya makahinga, Manong. Pakidala po diretso sa ospital-

"Anong nangyari? Anong hindi makahinga? W-Wala namang asthma si Sancha-"

"Manong, dalhin n'yo na sa ospital!" Alonzo demanded loudly.

Isang malakas na bagsak ng pintuan at dire-diretso na ang sasakyan namin sa


ospital.

Dumilat ako na nasa emergency room na, maayos na ang paghinga at may nakaturok sa
aking braso. Si Kuya Manolo ang naroon at nakita kong nasa cellphone siya. Pagod pa
ako at sa gilid ng silid, nakita ko si Alonzo.

"She's okay now. The doctor said she can go home. She's given medicine."

Nanghihina pa ako at medyo nahihilo pa. Nakita kong lumapit si Alonzo at mariing
tiningnan ang nakakabit sa akin.

"Ang sabi ni Alonzo, may dala raw si Sancha kanina na donut. It's an allergic
reaction."

"Diphen ito, Alonzo," sabay pakita ng nurse sa ginagawa. "Ayos pa naman siya nang
dumating dito. Mabuti at nakita mo agad."

Tumango si Alonzo at hindi na nagsalita.

"Sino ang nagbigay kay Sancha ng mga donut, Alonzo?" si Kuya Manolo.

"Hindi ako sigurado, Sir," si Alonzo.

"Wala ba siyang kaibigan doon?"

"Kuya," nanghihina kong tawag.

"I want you to rest, Sancha. At huwag kang tumatanggap ng pagkain kahit kanino man!
But I want to know, who gave you the donuts?! You're allergic to nuts!"

Kinagat ko ang labi ko.

"I thought it's just peanuts, Kuya-"

"Kaya ka hindi pinapakain basta-basta ng pagkain sa labas dahil diyan! At hindi mo


pa ako sinasagot? Sino ang nagbigay sa'yo no'n?"

I can only imagine their reaction if I name Soren right now. Umiling ako, ayaw
magsalita.

"Manliligaw mo? Sino 'yan?!"

"Sir, mas mabuti po siguro na pagpahingahin na muna si Sancha ngayon. Sa susunod na


lang po siguro siya tanungin tungkol diyan. And I'm sorry for butting in," si
Alonzo.

Huminga ng malalim si Kuya. "I know. I'm sorry, Sancha. I'm just really worried.
Thank you, Alonzo. Buti at nariyan ka."

💕💕💕
KABANATA 4

Guilt

"Are you alright, Sancha? I'm sorry. I didn't know you were allergic to nuts!" nag-
aalalang tono ni Soren sa isang tawag.

Hindi ako pumasok kinabukasan. Maayos na naman ako pero dahil sa pag-aalala ni
Mommy at Daddy, pansamantala akong lumiban para magpahinga.

"I'm fine since yesterday, Soren."

"P-Pero bakit hindi ka pumasok? Nag-alala ako."

"Si Mommy at Daddy lang. Mas mapapanatag sila kapag magpahinga muna ako kaya
pumayag na akong lumiban."

"Shit! I'm really sorry! I should've known! Pinilit pa kitang kainin ang donut na
'yon! Sorry!"

"Don't worry about it. Hindi ko rin naman alam na pati sa almonds ay allergic ako.
Ang alam ko'y peanuts lang. At least now I've done tests, malalaman na ang lahat ng
allergies ko at iiwasan ko na 'yon ngayon."

"Sige, sabihin mo sa akin ang resulta ng tests kung nariyan na. S-Sinabi mo ba sa
kuya mo na ako ang... nagbigay ng donut? Nakakahiya. Badshot na ako sa pamilya mo
kung sakali."

"Ah. Hindi naman."

"Buti na lang! Kinabahan ako roon! Hindi ko naman kasi sinasadya 'yon. Kailan ka
papasok?"

"Papasok na rin naman ako bukas-"

"That's good. Anyway, I gotta go. Dumating na ang teacher namin. Tatawag na lang
ako mamaya pagkatapos ng klase."

Binaba ko ang cellphone ko. Nasa patio ako ng bahay namin at tanaw na sa malayo ang
malawak na azucarera. Sina Mommy at Daddy abala sa loob ng bahay dahil may darating
silang bisita mamayang hapon.

Nilapag ni Ate Soling ang hiningi kong juice dahil naiinitan ako sa tanghaling
iyon. Gusto ko sanang manatili sa kuwarto pero ayaw kong isipin ng mga magulang ko
na nanghihina pa ako kaya nandito ako ngayon sa baba.

"Heto na ang juice mo, Sancha."

"Thank you, Ate Soling."

Ilang sandali siyang tumayo sa gilid ko bago nagpasyang maupo sa isang upuan sa
malapit.

"Kaya hindi kita pinapakain ng mga ganoon kasi alam kong allergy ka," si Ate
Soling.

Si Ate Soling ay pamangkin ng mayordoma namin. Mas matanda lang siya ng kaunti kay
Kuya Manolo at namulatan niya na ang pagsisilbi sa amin. Bata pa siya noong kalaro
ko siya ng bahaybahayan at kung ano-ano pa. Noong nag eighteen lang siya tuluyan
nang nagsimulang maging full time kasambahay namin. Kaya naman hindi na iba ang
tungo ko sa kanya.

"Naisip ko rin naman 'yon kaso naalala kong sa mani 'yong allergies ko."

"Iyon din ang alam ko pero inisip ko na lahat ng klase na ang hindi ko ipapakain
sa'yo. Sino ba kasi ang nagbigay ng donut? Si Alonzo ba?"

Napa angat ako ng tingin, nagulat sa sinabi ni Ate Soling.

"Hindi, Ate."

"Kung ganoon, bakit siya ang unang nakakita sa'yo na hinihika? Siya rin ang nagdala
sa'yo sa sasakyan, hindi ba?"

Umiling ako. "Na... kita niya lang ako at agad na tinulungan pero hindi sa kanya
galing ang donut."

"Akala ko kasi dahil siya ang huli mong kasama."

"Kay Soren galing. Huwag mo na lang sabihin kay Kuya Manolo at Ate Peppa. Hindi na
naman nila ako inusisa pagkalabas ko ng ospital."

Umiling si Ate Soling. "Alam kong nagagalit ang mga kapatid mo sa pakikipagkaibigan
mo riyan kay Soren pero hindi naman siya masama sa'yo kaya... sige. Nagkataon lang
siguro na binigyan ka niya ng ganoon at hindi natin alam na allergy ka roon."

"Oo. 'Tsaka humingi siya ng tawad sa akin. Hindi ko nga alam na allergy ako roon,
si Soren pa kaya? Kung babanggitin ko ito sa mga kapatid ko, baka mag-isip sila ng
masama kaya mas mabuting hindi ko na sabihin."

Tumango si Ate Soling, naiintindihan ang ibig kong sabihin.

Mabuti na lang at dahil masigla akong bumati sa mga bisita ni Mommy at Daddy sa
hapong iyon, naisip nila na maayos na ako. Kinabukasan, balik sa normal ang buhay
ko. Pinapasok na ako sa eskuwelahan.

Agad akong sinalubong ni Margaux at Ella sa pag-aalala sa akin. Umagang-umaga rin


naroon na si Soren at ang ilan naming kaibigan.

"Ayos na ako!"

"Grabe! Nag-alala kaming lahat!" si Margaux.


Ngumiti ako at tiningnan si Soren.

"Sana hindi ka muna pumasok para makapagpahinga ka ng husto."

It was a long talk about their concern for me. 'Tsaka na sila nagmamadaling umalis
nang nag ring na ang bell, hudyat ng pagsisimula ng first period.

Balik sa dati ang lahat. Siguro ang naging magandang dulot lang noon ay ang
pagbibigay ng regalo at pagkain ni Soren sa akin pagdating ng recess.

Ngumiti ako sa nabasang note galing kay Soren.

There's no nuts in here! I'm sorry. Please get really well.

-Soren

Isang pack ulit iyon ng plain donut at may kasama pang isang litro na juice.

Ngumiti si Ella at pumalakpak nang nabasa rin niya ang note. Lumapit si Margaux at
nagngising-aso.

"Ohh. Some development?"

Ngumisi ako.

"Nag-alala 'yon ng husto at na guilty sa nangyari."

"Hindi niya naman kasalanan. Hindi ko rin naman kasi alam na bawal 'yon sa akin,"
sabi ko sabay bukas sa isang box ng donut. "Kuha kayo."

He gave me some fresh milk for lunch and a whole pack of chips for afternoon
snacks. I can't help but admit it. I feel giddy at his extra care for me. Matagal
na kaming magkaibigan ni Soren at dahil hindi naman ako malapit sa ibang lalaki,
bukod sa kanya, at sa mga kaibigan namin, siguro natural lang din na sa kanya lang
ako makakaramdam ng ganito. Hindi rin ako friendly sa mga lalaking gustong
makipagkilala sa akin. Hindi ako interesado kaya sa kanya lang talaga ako malapit.

Practice kami mamaya nina Julius sa court sa bahay. I wanna invite you but I want
you to go home early and rest. I'll call you when we're done.

-Soren

Iyon ang nasa huling note niya nang inabot sa akin ang pringles at juice pagdating
ng hapon.

"Uuwi ka na agad?" kalabit ni Margaux sa akin pagkatapos magpaalam ng huling


teacher namin sa hapong iyon.

"Oo, e. Baka pagalitan ako ni Kuya Manolo kapag hindi pa ako nakauwi sa tamang
oras. Medyo fresh pa sa kanya ang nangyari kahapon."

Tumango si Margaux. "Sayang. Isasama sana kita. May kikitain ako."

My eyes narrowed as I arranged my books. "Iyong manliligaw mo? Mukhang natutuwa ka


na riyan, ah?"

"Ehhh!" may ilang tumili galing sa pintuan.

Magulo na ang classroom at abala na ang lahat sa pagliligpit ng gamit at pag-aayos


ng mga silya. Ella pouted on my annoying classmates.

"Kayo talaga! Ang dirty minded n'yo!" si Ella na hindi pa rin napigilan ang ngisi
sabay tingin sa akin.

Nawala tuloy kami sa usapan namin ni Margaux.

"Bakit? Anong meron?" si Margaux sabay tayo at diretso sa mga usisero kong
classmates.

Umiling ako at nagpatuloy sa pag-aayos sa mga gamit nang biglang humagalpak si


Margaux at mas lalong naghiyawan ang mga kaklase ko.

"Kayo talaga! Tama si Ella, 'no!" si Margaux na parang may ipinaglalaban.

Natigil ako dahil nakita ang panunuya sa titig ni Margaux sa akin.

"Ano ngayon kung nakatayo siya riyan sa tabi ng puno? Anong konek? He's still near
the college deparment building. Why do you assume that he's here for her? Kung dito
siya sa pintuan, baka pa tama kayo!"

I gritted my teeth. Sinuot ko na ang bag ko at tahimik na sinikop ang bigay ni


Soren sa akin na Pringles at juice na hindi ko pa nauubos.

Tumawa si Margaux at mabilis na lumapit sa akin.

"Oh my gosh, Sancha! Si Alonzo nasa labas!"

Mas lalo tuloy nadepina ang kaba sa puso kong kanina ko pa tinatago. Tumikhim ako
at sinimangutan si Margaux at ang mga kaklase kong halatang may ibang iniisip.

Our classroom is on the second floor of the second JHS building. Sa pinakadulo
dahil first section at ang gilid ay ang college department na. Sa harap namin ang
Senior High building, kung saan sina Soren. Sa baba naman nitong mismong building
namin ay ang cafeteria.

Hindi ko alam bakit may ibang halo ang isipan ng mga kaklase ko. Base naman sa
sinabi ni Margaux, nasa tabi ng puno at wala sa mismong pintuan namin.

"Ano ngayon?" sabi ko na pilit na binabalewala ang panunuya nila.

"Feeling namin hinihintay ka niyan, Sancha! Ang guwapo ni Alonzo!" sambit ng isang
kaklase.

"Halika rito, Sancha! Silipin mo!"

"Paano n'yo nasabi na hinihintay siya, e, nasa baba naman? Kayo talaga..." si Ella.

"Eh, bakit? Hindi naman 'yan tumatayo riyan, ah? At naka all-white pa! Nasisiguro
kong busy 'yan kaya ba't tatayo 'yan diyan?"

Sa mga usapan nila, na curious tuloy ako. Hindi ko na napigilan ang paglapit sa mga
usiserong kaklase at sabay naming dinungaw ang baba.

Naroon nga si Alonzo, nakatayo at sumisilong sa puno. Daanan ang parteng iyon sa
gitna ng college department buildings at ang basic education deparment buildings.
Ni hindi man lang siya naupo sa mga nagkalat na kiosk. Talagang nakatayo siya na
tila ba may hinihintay at nakaharap sa mismong building namin.
"Kayo talaga, kung ano ano ang iniisip n'yo!" saway ko sa mga kaklase ko.

"Hindi ba siya ang nagdala sa'yo sa ospital, Sancha?" usisa ng isa pa.

"Dinala niya lang ako sa sasakyan namin-"

"At sumakay siya sa sasakyan n'yo patungong ospital?"

"Hindi yata. Tss. Tumigil nga kayo."

"Hindi ko pa 'yan nakitang tumayo riyan ng matagal kaya nasisiguro ko na ikaw ang
hinihintay niyang bumaba!" a classmate concluded.

Naiirita na sa mga pang uusisa at panunukso, nagpasya akong umalis na roon. With a
heavy feeling and despise for my crazy classmates, I marched down the stairs.
Kalagitnaan ng pagbaba ko, kinabahan ako bigla.

Paano pala kung tama sila at ako nga ang hinihintay ni Alonzo?

It was too late, though. Nasa baba na ako nang naisip na sana pala pinauna kong
maubos ang mga kaklase ko bago ako umuwi. Ngayon, nakatingin na sila sa akin at
nasisiguro kong kantiyaw ulit ang aabutin ko kung tama nga ang hinala nila.

Unfortunately, when my eyes met Alonzo's eyes, I immediately regretted everything I


did. I was so sure my classmates were right. He was suddenly walking towards me.
Mabilis akong naglakad kunwari hindi ko napansin na papunta siya sa akin pero alam
ko ring hindi ko siya matatakasan.

"Sancha," tawag ni Alonzo.

Tumigil ako at tumingin kay Alonzo. My face heated when I heard the slight
chattering somewhere. Alam ko agad kung saan galing iyon!

"Gusto ko lang... malaman kung ayos ka na?"

Alonzo is tall but he looked taller in his all white uniform. Isang cross body bag
ang nakasuot sa kanyang balikat. He was serious but I could tell how it took him
everything to come here and check on me. Lalo pa nang bahagya niyang napansin ang
ingay.

"Ayos na ako."

Tumango siya sabay tingin sa dala kong pagkain. He licked his lower lip and brought
his eyes to me again. I shifted my weight, impatient for this dragging encounter.

"Absent ka kahapon. Nakapagpahinga ka ba ng maayos? Ayos lang ba na pumasok ka


ngayon? Hindi ba dapat... nagpahinga ka muna?"

"Ayos na ako kahapon pa. Actually, noong isang araw pa."

Tumango ulit siya at sinulyapan ulit ang pagkaing dala ko.

"Go Alonzo!" sigaw at tawanan na ng mga kaklase ko.

Muntik na akong pumikit ng mariin sa kahihiyan. Pati ang ibang hindi naman
nakapansin ay napapatingin na sa amin ngayon! Nag-angat ng tingin si Alonzo sa
pangalawang palapag at siguro'y napansin na ang mga kaklase ko.

"Uh, thanks sa pag dala sa akin sa sasakyan."


"Walang anuman 'yon. Napansin ko agad na hindi ka makahinga noong kausap ka ni
Soren. Nag-alala ako kaya... hindi ko na napigilang lumapit sa'yo."

"Yiee! Sancha! Bagay na bagay kayo!"

Muling napatingin si Alonzo sa mga kaklase ko.

Tumikhim ako at hindi na nakayanan pa.

"Pasensya na. Kanina ka pa nila napansing naghihintay dito sa labas at sinabi nila
na ako ang hinihintay mo."

"Ikaw nga ang hinihintay ko. Gusto ko lang malaman kung... ayos ka."

Umismid ako. "Next time... you can just text me. You have my number now, right?"

He paused for a while before slowly nodding. He swallowed hard. Yumuko siya bago
muling tumingin sa akin. He chuckled a bit.

"Sorry. Pinahiya ba kita? Sige... Sa susunod, iti-text na lang kita. Hindi na ako
maghihintay."

Napakurap-kurap ako. I know I meant that but I didn't know why I felt bad when he
said that.

"Akin ka na lang, Alonzo!" hiyaw sa ibang section namain.

Uminit pa lalo ang pisngi ko. Tumikhim si Alonzo.

"I don't want to walk away from you so... please, walk away now."

Tumango ako at walang pag-aalinlangang umalis sa harapan niya. Hiyaw ulit ang
inabot namin. Nilingon ko ang pinanggalingan ko at nakitang nagmamadali na rin
siyang naglakad palayo roon, papasok sa college building.

Kanina pa ako sa sasakyan hindi matahimik. Nakatitig ako sa cellphone at para bang
may inaasahan. Minsan ay gusto kong magtipa ng mensahe pero hindi ko nagagawa.

I almost jumped when I received a message and I couldn't remember a time when I
felt disappointed when I saw Soren's text.

Soren:

Tapos na kami sa practice. Nakauwi ka na?

Hindi ako nagreply dahil may ibang bumagabag sa isipan ko.

Sorry.

Sorry kanina.

Sorry sa sinabi ko kanina. I hope you didn't take it the wrong way.

Masyadong mahaba. Seems like I'm too concerned about what happened when I shouldn't
be. It was nothing. But... is it nothing for him?

Soren:
Sancha? Magpahinga ka ng maayos. Gusto mo i-move na lang natin ang practice ko this
Sunday para buong linggo kang makapagpahinga?

I sighed and pushed myself to reply to Soren.

Ako:

I'm fine and I'm home. Hindi na. Sige, magpractice ka pa rin. Ayos naman ako kaya
walang problema.

Sa wakas nagkaroon ako ng lakas para magtipa ng mensahe para kay Alonzo ngayon.

Ako:

Sorry kanina.

A text from Soren and I almost fainted. The anticipation is killing me.

Soren:

Sigurado ka? Thank you! Pero mas importante sa akin ang kalusugan mo. :(

Hindi na ako nagreply. Pakiramdam ko kapag nagreply pa ako at magrereply ulit siya,
mahihimatay na ako sa gulat!

Alonzo:

Okay lang. Naiintindihan ko.

Ayos na 'to, 'di ba? Okay lang daw. Naiintindihan niya naman daw... ang sinabi ko?

Oh God!

Ako:

Naiintindihan ang alin?

Alonzo:

Hindi na dapat ako naghintay doon. Napahiya kita. Ako dapat ang humingi ng tawad
sa'yo. Sorry, Sancha.

Kinagat ko ang labi ko at paulit-ulit na binasa ang message niya.

Ayaw ko lang na tinutukso ako. Lumalala kasi kapag nariyan ka. Nagkakaroon sila ng
rason para tuksihin tayo lalo.

Ang haba, Sancha! No!

Ako:

Ayaw ko lang na tinutukso nila ako. Hindi mo naman kasalanan.

Alonzo:

Still, I want to say sorry. Kasalanan ko dahil naghintay ako when I could just text
you. I won't do it again.

Why do I feel so bothered? Is he... my eyes narrowed at his reply.


Ako:

Are guilt tripping me?

Alonzo:

No. I'm sorry. Please, don't take it the wrong way.

Ako:

Okay.

Walang sumunod na reply. Na send kaya 'yon? Nagrereply naman 'to lagi, ah?

Ako:

Okay..

Hindi talaga nagreply. Napabangon ako sa pagkakahiga nang nagreply siya.

Alonzo:

Alright. Magpahinga ka na. Mag-aaral lang ako.

Oh. Okay!

Ako:

Okay. Sorry kung nakaistorbo ako.

Alonzo:

Hindi ka nakaistorbo. Gusto ko lang na magpahinga ka.

Ako:

Okay.

Alonzo:

Alright.

Hinayaan ko ang sarili kong bumagsak sa kama at tinabunan na ang mukha ng unan.
That was close! At least it went okay... pero... tama kaya talaga ang
pagkakaintindi niya sa sinabi ko? Ano naman ngayon kung iba ang pagkakaintindi
niya? Ginulo ko ang buhok ko at umikot para ibaon ang mukha sa unan.

💕💕💕
KABANATA 5

Water

I was never really attentive to my surroundings ever since. Kapag naglalakad kami
ng mga kaibigan ko sa eskuwelahan, kung hindi ako nakikinig lang sa kanila'y
nakikitawa naman ako. I was never the person to look elsewhere. Not even to spot
Soren anywhere pero sa sumunod na araw, ganoon ang ginawa ko. I'm not sure though
if it was for Soren.
Hindi ko inasahan sa sa kiosk malapit sa kinatatayuan ni Alonzo kahapon,
matatagpuan ko rin siya kasama ang grupo ng mga kaklase. Lahat sila naka all-white
at pare-parehong seryoso sa kung anong pinag-aaralan. May tumatayo at tumitingin sa
kanilang mga naka-bondpaper na notes. May iilang nagtuturuan ng kung ano.

Alonzo was in between a boy and a girl. Nakayuko at nagbabasa ng ilang notes.
Naabutan ko nga lang siya na bahagyang nag-angat ng tingin sa banda namin bago
kunot-noong ibinalik ang tingin sa basahin.

Hindi ko alam kung ganoon ba ako ka inattentive dati dahil ito pa lang ang unang
pagkakataong napansin ko siya sa banda riyan. Sure, students sit in kiosk to study
but I never really thought he's sometimes there.

"Tapos, ayan na! Excited na ako, s'yempre kasi ang guwapo niya nga..." patuloy ni
Margaux habang nag ku-kuwento tungkol sa manliligaw niya. "Pumikit ako tapos
naghalikan kami!"

"T-Talaga?!" that caught my attention.

Nga lang, isang tulak sa akin galing sa likod ay napayakap ako kay Margaux.
Nagtawanan ang mga lalaki at narinig kong nagmura si Soren sa mga kasama.

"Kayo talaga! Pang-asar kayo lagi!" si Soren. "Sorry, Sancha."

"Mag sorry rin kayo sa akin 'no!" giit ni Margaux dahil nauntog yata ang baba niya
sa ulo ko dahil sa nangyari.

"Sorry, Margaux!" si Julius sabay tawa.

Umiling si Margaux at hinawakan ang panga habang bahagya siyang sinusuyo ni Julius.

Nagkamot sa ulo si Soren at ngumiti sa akin. May dala siyang isang malaking
Pringles at four seasons na juice. Inilahad niya iyon sa akin.

"Uy! Aba, grabe na 'yan, ah!" puna ni Margaux sabay ngisi.

"S'yempre, para kay Sancha lang."

Ngumiti ako kay Soren at nakinig na sa eksplenasyon niya.

"Ang kulit ng mga kaklase ko ngayon. Iritado tuloy ang teacher kaya ang tagal
naming pinag recess!"

As he was talking, my eyes drifted on the kiosk. Napansin ko na may babae na sa


likod ni Alonzo. A beautiful girl in her all-white uniform dress leaned behind him.
May tinuturo ang babae sa kanyang hand-outs. Tumatango si Alonzo rito habang
nakikinig sa kung ano ang sinasabi ng babae.

"Manghang-mangha sa dala ni Soren, ah!" sabay tawa ni Julius sa akin.

Napakurap-kurap ako sabay tingin sa hinahawakan ko. Tumawa si Soren.

"Hayaan mo na sila. Lakas talaga mang-asar satin!"

"Ah. Oo," medyo wala sa sarili kong sinabi.

Tumunog ang bell dahilan ng pagkakapansin namin sa oras. Tapos na ang recess.
Nagmura sina Soren at nagreklamo sa bilis noon.
"Tara at ihahatid ko kayo sa classroom n'yo bago kami bumalik!" yaya ni Soren.

I nodded and glanced at the Kiosk.

Muli kong naabutan ang tingin ni Alonzo sa akin. Nasa likod niya pa rin ang babaeng
nakita kanina. Mukhang may tinatanong na importante sa kanya. Alonzo immediately
tore his eyes off me and continued explaining whatever it was.

"Let's go," si Soren nang nakitang hindi pa ako gumagalaw.

Sumunod ako pero ang huli kong nakita ay pinutol ni Alonzo ang usapan nila ng babae
at may sinagot na tawag sa kanyang cellphone.

Tulala ako sa klase habang iniisip ko ang nangyari kanina. May katawagan si Alonzo.
Hindi ko kailanman naisip na... pwedeng tumawag. I mean... sure it's a normal thing
but I never thought he does that... I don't know why I'm somehow bothered by
something so normal.

"Mommy, puwede po ba akong umalis ng Sunday?" tanong ko gabi ng Biyernes.

Dapat ay noon pa ako nagpaalam pero alam ko na naman na papayagan ako kaya walang
problema.

"Saan ka pupunta, hija? 'Tsaka... anong oras at magsisimba tayo ng umaga?"

"Hapon pa po, Mom. Siguro mga alas tres pa naman kaya makakapagsimba ako at
makakapag brunch pa rin tayo." Ngumiti ako.

Tumango si Mommy.

She's wearing her night gown and even though her hair is now starting to gray, and
her skin wrinkling, she still looks regal. I aspire to be as beautiful, simple, and
regal as her when I grow up. Mabait din siya at hindi istrikto sa aming
magkakapatid.

"Pero saan ka naman, hija? At sino ang kasama mo?"

"Si Soren po," sabi ko.

Mommy blinked calmly and brushed my hair with her fingers.

I decided to tell her honestly. Alam ko naman kasing hindi niya ako pagbabawalan.
Ang mga kapatid ko lang ang parehong may ibang opinyon sa mga kaibigan ko.

"He wants to join the basketball varsities next year kaya magpapatrain siya sa
coach ng varsity sa senior high, Mom. Si Alonzo."

Tumango si Mommy. "Isama mo si Ate Soling mo, kung ganoon."

Tumango rin ako at ngumiti. "Thank you, Mom."

"Is that boy courting you, hija?" Mommy asked after a long pause.

Napakurap-kurap ako, hindi alam kung alin ang tinutukoy ni Mommy.

"S-Si Soren po?"

"Yes?"
"Uh, no, Mommy. Best friends lang po kami."

She smiled. "Alright."

Naiintindihan ko naman. Kahit na maayos naman ang tingin ni Mommy kay Soren, alam
kong nababataan pa siya sa akin para mag boyfriend. I know and anyway Soren isn't
courting me so nothing could be possible.

I was chilling on my balcony and watching the stars as I occassionally glance at my


phone to put a reply on our group chats and texts when I almost dropped the phone
on my face. Paano ba naman kasi!!!

Napabangon ako at pinindot ang biglaang message ni Alonzo.

Alonzo:

Good evening. Gusto ko lang malaman kung tuloy ba tayo sa Linggo?

My phone beeped at the healthy amount of chats from our group chat. All of that, I
ignored to type a short reply. Sa iksi noon, inabot pa rin ako ng ilang minuto.

Ako:

Oo. Tuloy naman.

Ni hindi ko pa tinanong si Soren! S'yempre tutuloy 'yon.

Alonzo:

Okay. You can choose not to go so you can rest.

Ako:

Hindi na. Pupunta ako. Nasabi ko na kay Soren at nakapagpaalam na rin ako kay
Mommy.

Alonzo:

Alright.

Tumitig ako sa cellphone ko sa huling reply niya. It was a dead end text so why
should I reply more?

Binagsak ko ulit ang katawan ko sa duyang hinihigaan at hindi na nakasunod sa


usapan ng mga kaibigan.

Sunday came and I woke up earlier than usual. Ginawa namin ng pamilya ko ang
madalas na ginagawa sa araw na iyon - nagsimba at sabay na kumain ng brunch sa
bahay pagkatapos.

Kinumusta ako ni Ate Peppa at ni Kuya Manolo at pinag-usapan na rin ang lagay ng
mga tests ko. Mabuti na lang at niyaya ni Daddy si Kuya at ang fiancee ni Ate Peppa
na mag golf sa backyard namin. Samantalang mukhang maaabala naman si Mommy at Ate
Peppa dahil bibisita ang wedding organizer ngayong hapon.

I have doubts if i should change in a more sporty attire for this afternoon. I
received praises from friends and from Ate Peppa today because of my cute pink
checkered dress. Iyon ang dahilan kung bakit baka ipagpapaliban ko ang pagpapalit
at iyon na lang ang sinuot ko maghapon.
I immediately regretted it. I mentally noted that I will change the next time. I
don't feel fresh at all when I went inside our car with Ate Soling. Kanina ko pa
kasi suot ang damit at kahit hindi naman pinagpawisan sa mga ginawa, tingin ko mas
mabuti pa rin kung nagpalit ako.

"Ate. Ayos lang ba ang damit ko?" I asked to verify.

Pinasadahan ako ng tingin ni Ate Soling.

"Oo naman, Sancha. Dalagang dalaga ka tingnan."

That did it, though. My doubts faded.

At dahil dapat ay day off 'to ni Ate Soling, hindi ko na siya pinilit na samahan
ako ng tuluyan sa loob ng gym. In fact, ibinilin ko na balikan na lang ako mamaya
kapag nagtext na ako. Pumayag naman siya at mukhang mas aliw pa sa pakikipagtawagan
sa kung kanino sa cellphone.

Lumapit si Soren sa akin nang nakita ako sa labas. Hindi ko inasahan na naroon pa
siya gayong may naririnig na akong bagsak ng bola sa loob ng gym. Kung hindi iyon
si Soren, ibig sabihin... si Alonzo!

Niyakap ako ng mahigpit ni Soren. Nagulat ako at bahagyang natuwa.

"Thank you for this, Sancha. Sorry na rin sa abala."

"It's nothing, Soren. Wala naman akong ginagawa sa bahay sa ganitong oras kaya buti
na rin at may mapaglilibangan ako."

He smiled boyishly. "Thank you."

Sabay kaming pumasok sa gym. For a few moments, I felt a fluttering feeling in my
stomach as I walked beside my boy best friend... and my crush.

Yes. I admit that I had always been attracted to him. He looks like those cute boys
straight from a teens magazine, modeling as an eye candy for girls. Mabait din siya
at caring kahit na magkaibigan lang kami. Iniisip ko pa lang kung paano kapag
girlfriend na ako. He'd be extra caring and extra kind, I'd feel like a princess.

"Here is your snacks while you're waiting," si Soren sabay bigay sa akin ng half
dozen na donuts at isang Pringles ulit. "If you want sweets or salty food, it's all
here."

Humalakhak ako. "You're spoiling me too much. Ni hindi ko pa naubos ang huli mong
Pringles na ibinigay!"

His eyes narrowed. The thick brows complimented his fair complexion and his
disheveled wavy hair.

"Maybe I should change the menu of next week, huh?"

Inabot niya rin sa akin ang isang litro ng iced tea. Tinanggap ko iyon at nginitian
lang siya. Ni hindi ko namalayan na nakapasok na kami sa gym at naroon na nga si
Alonzo, nakatingin sa amin.

I stiffened. Nalito ako kung sa bleachers ba uupo o sa bench. Mas kumportable ako
sa bleachers pero inilahad ni Soren ang kamay niya.
"Dito ka na! Tayo lang naman, e!" aniya.

"O-Okay," sabay sulyap ko kay Alonzo na ngayon ay tinalikuran kami para subukang
mag shoot.

The ball went in the basket. He's wearing a black drifit shirt and a black jersey
shorts paired with an old black basketball shoes.

Sa gilid ng bench, ang una kong napansin ay ang dalawang isang litrong mineral
water na hindi pa nabubuksan. It's his, right? Dalawa? May iba siyang kasama?

"Dito ka," utos ni Soren sabay turo sa kabilang gilid ng bench.

Nilapag ko ang mga pagkaing ibinigay ni Soren at ang inumin. Bumaling na si Alonzo
sa amin at nagtagal ang tingin niya sa akin bago muling tumalikod para subukang mag
shoot.

"Good afternoon, coach," panimula ni Soren. "Na-late kami ng konti. Pasensya na."

Tumango si Alonzo at tumigil sa paglalaro para harapin si Soren.

Agad kong napansin ang mga cones at hurdles sa gitna ng court. May iilang bola rin
na nagkalat doon. He prepared for this.

"Ayos lang. Kadarating ko lang din."

His eyes drifted on me. Nakita kong bahagya iyong sumuyod sa suot ko bago ibinalik
kay Soren ang tingin.

"Nasabi nga ni Leandro sa akin. Wala kasi ako noong try out dahil may duty."

"N-Nasabi ni Leandro?"

"Oo. Ang sinabi niya hindi ka pa raw masyadong mabilis, kaya naisip kong wala
masyadong ipinagbago ang laro mo noon."

"Mabilis? Pero magaling naman ako sa shooting."

"Free shooting and not when there's pressure of the game."

Napatingin si Soren sa mga hurdles.

"Ang hinanda kong training sa'yo ay para sa bilis at clutch mo. 'Tsaka na tayo sa
shooting dahil mas mapa-practice mo 'yon sa laro na. Mas importante pa rin ang
paghawak ng bola at ang stamina," Alonzo said it confidently.

Hindi umangal si Soren. Tumango na lang at isa-isang sinunod ang gusto ni Alonzo.

While Soren is performing the trainings Alonzo has prepared, naupo naman si Alonzo
sa bench. Para akong estatwa kahit na malayo naman siya sa akin.

Tumayo siya nang tumigil si Soren at sinigawan si Soren.

"Ipagpatuloy mo! Hindi ka mag iimprove kung hindi mo pipilitin ang sarili mo!"

"But I'm so tired, coach!" si Soren.

I swallowed. Ni hindi ko naisip 'to kanina. Ngayon lang na narinig ang reklamo ni
Soren. Kinuha ko ang tuwalya na dala ni Soren kanina at tumayo para sana lapitan si
Soren.

Alonzo looked at me and pointed on the bench.

"Diyan ka lang!" utos niya sabay sulyap sa mga pagkain sa gilid ko.

"I... Iaabot ko lang ang tuwalya."

He looked at me with serious eyes. Tumikhim ako at muling naupo sa bench.

"Ayoko na!" reklamo ni Soren sabay tawa.

"Ipagpatuloy mo!" sigaw ni Alonzo na para bang walang pakealam sa pagod ni Soren.

Matagal bago tumayo at tumuloy si Soren. Umiling si Alonzo at hindi na nagsalita


habang pinagpatuloy ni Soren ang ginagawa.

Hindi ko napansin na medyo kanina pa pala ako nakatingin sa mga reaksiyon ni


Alonzo. He glanced at me and his eyes remained. Hindi agad ako nakaiwas ng tingin
kaya nagkatinginan na talaga kami.

My blank expression made it more awkward. Nilingon niya ang pagkain kong dala.

"Buong linggo kang nag juice, ah?"

Bumagsak ang tingin ko sa juice sa gilid ko. Tumayo si Alonzo at muling sinigawan
si Soren.

"Ituloy mo! Walang kuwenta 'to kapag lagi kang tumitigil!"

"Wala bang shooting diyan, coach?" sabay tawa ni Soren. "Ang hirap nito!"

Kinuha ni Alonzo ang isang litro ng mineral water. I thought he was going to drink
from it pero inilipat niya iyon sa tabi ko.

"Drink your water," aniya at bago pa ako makapagsalita ng kahit ano, bumalik na
siya sa kabilang dulo at muling sinigawan si Soren.

Nilingon niya ako. Gulat pa sa inasal niya, hindi pa natatanggal ang tingin ko sa
kanya.

"Sa'yo?" tanong ko.

Nilingon niya ang isang litro sa upuan niya.

"Uh, pero..." nilingon ko rin ang mineral water na bigay niya sa akin. "Baka
magkulang 'yan?"

"Sobra 'to."

"Ba't ka nagdala ng dalawa kung sobra na pala ang... isa?"

I can almost conclude that he's with someone so he brought two liters. Or... kulang
ang isang litro sa kanya?

His lips pursed. Napatingin na ngayon kay Soren, parang ayaw akong sagutin.
Hinintay ko nga lang talaga ang sagot. Nang nilingon niya ako at nakitang
nakatingin pa rin, nagbuntong hininga siya.
"Dinala ko 'yan para sa'yo."

💕💕💕
KABANATA 6

Creepy

Pagod na pagod si Soren nang natapos ang session. Inisip ko nga kung uulit pa ba
siya sa susunod na linggo. Mukhang sa pagod niya kasi, hindi niya na kaya.

"See you next Sunday?" si Alonzo.

"Yes, coach!"

Bahagyang umangat ang gilid ng labi ni Alonzo bago binagsak ang mga mata sa gamit.

"Let's go!" si Soren sa akin.

Tumango ako at kinuha ang mga ibinigay ni Soren na hindi ko man lang nagalaw.
Sumunod ako kay Soren na muling nagpaalam at nagpasalamat kay Alonzo. Haharapin ko
na rin sana si Alonzo pero hinila na ako ni Soren.

"Grabe! Tingin ko sasakit ang katawan ko nito bukas!"

I glanced back at the bench where we left Alonzo and saw him watching me.

"Ang sakit ng binti ko. Buti pinag warm up ako!" patuloy ni Soren habang palabas
kami.

Hindi ako makasabay. Nakinig na lang ako sa mga sinabi ni Soren hanggang sa
nakalapit na kami sa sasakyan nila. I put my things down so I could text Ate
Soling. Doon yata napansin ni Soren ang mga dala ko.

"Oh, hindi mo ginalaw ang mga pagkain? 'Tsaka... bumili ka ng tubig?"

"Uh-"

He then laughed and drank his own sports drink. "Manong!" diretso ang baling niya
sa bodyguard o driver niya. "Pakibigay na lang po kay Coach Lonzo ang suweldo at
bigyan mo na rin ng tip. Nasa loob pa siya."

Nag-usap pa sila saglit ng driver. Nagkasundo kung magkano ang tip na ibibigay bago
ito dumiretso sa loob ng gym. Hindi ko alam kung bakit medyo nag-iba ang pakiramdam
ko habang nakikinig sa usapan nila.

"Nariyan na ba ang sundo mo? O... ihahatid ka na lang namin?" si Soren na agad ding
namataan sa likod ko ang pagpasok ng SUV namin.

"Thanks, Soren. Salamat din sa ibinigay mong merienda. Sobra sobra na 'to."

He laughed. "Oo nga, e. Ngayon ko lang naisip na masyado palang marami 'yan. Paano
pa ang kinakain mo sa recess at lunchbreak? Next week, babawasan ko na."

"Uh... Ayos lang naman ako kahit huwag na. Ayos na ako at kumakain naman sa pagkain
sa cafeteria kaya hindi na talaga kailangan."

"Ikaw talaga. Kahit inumin na lang. Huwag lang 'yang tubig, s'yempre, ang cheap
niyan."
Napasulyap ako bote ng tubig na ibinigay ni Alonzo sa akin kanina. Cheap. I don't
know why I find that more uncomfortable.

Lumapit na si Ate Soling at binati si Soren bago ako tinulungan sa mga dala ko.
Inilagay niya iyon sa backseat.

"Uuwi na ako. See you tomorrow," sabi ko.

Tumango si Soren. "See you!"

Nakita kong pabalik na ang driver niya. Pagtalikod ko ay narinig ko pa ang malakas
na tanong ni Soren dito.

"Kumusta, Manong? Ayos na ba raw ang bigay ko o kulang pa?"

Sinarado ni Ate Soling ang pintuan ng SUV at umandar na ito nang nakita ko ang
paglabas ni Alonzo sa gym. Dumiretso siya sa nakapark na motor. I saw him putting
his bag on his shoulder as he maneuvered the motorcycle easily. I don't really know
if it was easy, though. It only looked easy because he was tall and very natural on
it.

Hindi ko alam kung bakit hindi matanggal sa isipan ko ang nangyari. Hindi ko rin
alam kung bakit paulit-ulit sa isipan ko ang mga huling tanong at sinabi ni Soren.

"Ikaw talaga. Kahit inumin na lang. Huwag lang 'yang tubig, s'yempre, ang cheap
niyan."

"Kumusta, Manong? Ayos na ba raw ang bigay ko o kulang pa?"

It replayed on my mind like a broken vinyl and I don't understand why.

The next week came like a breeze. Siguro dahil palapit na ang mga pagsusulit, medyo
abala kami sa pag-aaral.

It's starting to be an exciting year for Margaux's lovelife. For me, though, since
the donut incident, Soren had been extra caring. Lagi kong katawagan o ka text
tuwing gabi at lagi rin akong excited sa Linggo dahil sa practice game niya.

I just don't understand why I am extra stiff whenever it's Sunday.

Naka pantalon at striped t-shirt ako at siniguradong may dalang tubig papuntang
gym, kasama si Soren. He gave me a bar of chocolates for my snack kahit pa sinabi
ko nang huwag na akong bigyan ng pagkain.

Nag-aayos si Alonzo ng hurdles nang dumating kami. Tumigil siya at tumingin sa


amin.

"Good afternoon, coach!" si Soren at dumiretso kay Alonzo para makabati ng maayos
at maka high five.

I saw how Alonzo's head slightly moved to stop Soren's body from taking away his
sight of me. Naupo ako sa bench at tahimik na hinintay sila. Narinig ko ang mga
sinabi ni Alonzo tungkol sa mga gagawin nila ngayon. Pabiro nang nagreklamo si
Soren pero alam kong sa huli, susundin niya rin ito.

Nagsimula na at gaya noong una, mabilis magreklamo si Soren dahil sa nakakapagod na


mga routines na itinuturo ni Alonzo. Sinisigawan naman siya ni Alonzo at paulit-
ulit na pinapaalalahanan na walang mangyayari kung hindi niya pipilitin ang sarili
niya.
Nakapamaywang si Alonzo habang tanaw sa malayo si Soren.

"Good! Do it again!" utos ni Alonzo.

May cellphone na tumunog ng malakas malapit sa mga gamit niya. Nilingon ko iyon.
Napasulyap siya sa akin bago niya kinuha ang cellphone. His brows furrowed as he
looked at his screen.

"Excuse me," aniya bago nilagay sa tainga ang cellphone at bahagyang lumayo.

Sinundan ko siya ng tingin. Hindi kami nag-uusap at hindi rin namin sobrang lapit
para kailanganin niya ng malayong espasyo para sagutin ang tawag pero ganoon pa rin
ang ginawa niya.

Huminto siya malapit sa bukana ng gym. Nakaharap sa dingding at pinaglalaruan ang


damit habang kinakausap ang tumatawag. He played with his shoes then before he put
his hand on the wall above him. The veins on his arm and his position kind of gave
me different thoughts.

Nang humarap siya ay nagtama agad ang tingin naming dalawa. Tumikhim ako at unti-
unting bumaling kay Soren na ngayon ay tumigil ulit at iniinda na ang pagod habang
nakaupo sa court.

"Ituloy mo pa!" si Alonzo.

Bumalik na siya roon. Napasulyap ako nang napansin ang titig niya sa akin. He
played with his phone through banging the other end on his other hand bago niya
ibinalik sa upuan.

"Classmate ko lang," aniya. "Nagtatanong tungkol sa assignment."

Nagtaas ako ng isang kilay. He cleared his throat and slightly turned red. The
ghost of a smile is on his lips as he looked at the court. He wrinkled his nose and
shut his eyes. Ipinasada rin ang kamay sa buhok at nang dumilat ay bahagyang natawa
sa sarili.

"Ituloy mo pa, Soren! Sige na!" sigaw niya bago ulit sumulyap sa akin.

Unti-unti siyang naglakad patungo kay Soren at doon na ipinagpatuloy ang pagpipilit
niya na matapos ni Soren ang hinandang gagawin.

"Ano? May mga ginagawa kayong ganyan?!" si Margaux nang aksidente naming napag-
usapan ni Soren ang tungkol sa pagkikita tuwing Linggo.

Nagpatuloy kasi iyon sa mga sumunod pa na Linggo. Ngayong schedule yata ng midterms
ng college at first periodical naman namin, nagtext si Alonzo sa akin na
ipagpaliban muna namin iyon para pareho kaming makapag-aral ng mabuti.

Alonzo:

Hindi na muna tayo magkakaroon ng session sa Linggo para sa periodical n'yo.


Pakisabi na lang kay Soren.

Ako:

Oh. Okay. Sige, sasabihin ko sa kanya. Para rin makapag-aral ako.

Alonzo:
Mag-aral ka na muna. Mag-aaral din ako para sa midterms.

I stared blankly at my phone at that message. Natatakot akong magreply dahil


nararamdaman ko na ang irereply niya kung mag sabi ako ng 'okay'.

Study hard!

Natawa ako sa naiisip na ireply at tinabunan ng unan ang mukha.

Ako:

Okay. Mag-aral kang mabuti. :)

I gave out a slight shriek of horror at that last message! Nakakainis! Gusto kong
magtago sa ilalim ng kama ko at palipasin ang mga araw hanggang sa malimutan ko ang
huling s-in-end ko! Hindi pa nakakatulong na matagal ang reply niya!

Baka hindi na siya magreply!

Ayos lang kung hindi na siya magreply. Ano naman ngayon?!

Alonzo:

I'll do that for sure. Mag-aral ka ring mabuti.

My lips parted. My heart is pounding so hard on my chest. Muli ay nag-isip na naman


ng magandang reply kaysa 'okay'. Ano ba itong ginagawa ko? Hindi ko alam bakit
ganito!

Mabilis na lang akong nagtipa.

Ako:

Okay.

I've got no choice. Nagbuntong-hininga ako. I expected him to reply his usual
'alright'. And then it will end like usual but the next text I received is
different.

Alonzo:

Kapag nahirapan ka, puwede kang magtanong sa akin. Baka may maitulong ako. Though,
I know for sure you're smart and you can do it.

Ako:

Hindi naman. Nahihirapan din ako. May mga topics naman kasi na mahirap talaga.

Alonzo:

Like what? Maybe I can help?

Hinalungkat ko agad ang mga notes ko para maghanap ng mga mahihirap na topics.

Alonzo:

Hindi ako magaling pero may naaalala pa ako kaunti sa mga topics ng Grade 9.
I smiled at his double reply.

Ako:

Sa Chemistry at Trigo. Uh... Ititext ko sa'yo kapag magsisimula na akong mag review
at malilito ako.

Alonzo:

Okay. I'll do my best to teach you. Tatawagan kita para mas ma explain ko ng mabuti
sa'yo. Kung ayos lang sa'yo?

Ako:

Oo. Okay lang.

I recalled those long texts as I told Soren about our moved sessions.

"Ayos lang. Wala naman tayong magagawa. Maglalaro-laro na lang kami sa amin nina
Julius."

Tumango ako.

"Ba't 'di n'yo ako sinasama?" si Margaux na nalungkot sa narinig.

Tinawanan lang siya ni Soren kaya ako ang pinagdiskitahan niya.

"Ba't 'di mo ako inaya?"

"Eh, kasi Margaux, abala ka naman yata sa boyfriend mo."

Yes. She's got a boyfriend now. Iyong manliligaw niyang kahalikan niya noong
nakaraan lang.

"Hindi ah! Hindi naman kami nagkikita ng Sunday, ah! Sino ba ang kasama n'yo?"

"Uh... Kami lang."

"Ikaw? Soren? At?"

"Si Alonzo."

Namilog ang mga mata ni Margaux at nagkatinginan sila ng tahimik na si Ella sa


gilid. Pareho silang tumawa na dalawa pero mas grabe ang reaksiyon ni Margaux.

"Si Alonzo?! Ba't si Alonzo?"

"Siya ba ang nag co-coach?" si Ella.

I nodded. "Binabayaran siya ni... Soren para turuan siya."

"Wow! Eh 'di, ano? Awkward ba?" natatawang tanong ni Margaux.

"Ba't magiging awkward?"

"Eh, may gusto 'yon sa'yo, 'di ba? Tapos... si Soren!" nag ngising-aso si Margaux
ngayon.

"Ano? Ano 'yang kuwento n'yo?" si Soren na bumaling sa amin ngauon.


Sinipat ko si Margaux at agad niyang kinagat ang labi niya. Alam na ayaw kong
nalalaman ni Soren ang nararamdaman ko para sa kanya.

"Wala! Ang sabi ko, kasama n'yo pala si Lonzo sa practice."

"Oo nga. Eh hindi ba may gusto 'yon kay Sancha?" si Julius naman ngayon.

Umiling agad ako.

Kumunot ang noo ni Soren. "Hindi 'yan totoo, 'no! 'Tsaka imposible kasi ang tanda
na no'n! Ilang taon na ba 'yon? Mas matanda pa kina Leandro. Limang taon ang agwat
sa inyo."

"Ano naman ngayon? Age doesn't matter!" si Margaux.

"Oo at dati pa 'yon usap-usapan, eh," singit ni Julius. "Hindi 'yon d-in-eny ni
Alonzo, ah, kaya tingin ko totoo."

"Hindi 'yan totoo! At kung totoo man, naku!" inakbayan ako ni Soren sabay mayabang
na tawa. "Ang creepy niya naman. Ang tanda niya na at ang bata pa ni Sancha. Hindi
sila bagay. Bukod pa sa mayaman ang mga Alcazar kaya walang pag-asa."

"Asus! Nagseselos ka lang, e!" pang-aasar ni Margaux na hindi naman tinanggihan ni


Soren.

"Ikaw? Soren? At?"

"Si Alonzo."

Namilog ang mga mata ni Margaux at nagkatinginan sila ng tahimik na si Ella sa


gilid. Pareho silang tumawa na dalawa pero mas grabe ang reaksiyon ni Margaux.

"Si Alonzo?! Ba't si Alonzo?"

"Siya ba ang nag co-coach?" si Ella.

I nodded. "Binabayaran siya ni... Soren para turuan siya."

"Wow! Eh 'di, ano? Awkward ba?" natatawang tanong ni Margaux.

"Ba't magiging awkward?"

"Eh, may gusto 'yon sa'yo, 'di ba? Tapos... si Soren!" nag ngising-aso si Margaux
ngayon.

"Ano? Ano 'yang kuwento n'yo?" si Soren na bumaling sa amin ngauon.

Sinipat ko si Margaux at agad niyang kinagat ang labi niya. Alam na ayaw kong
nalalaman ni Soren ang nararamdaman ko para sa kanya.

"Wala! Ang sabi ko, kasama n'yo pala si Lonzo sa practice."

"Oo nga. Eh hindi ba may gusto 'yon kay Sancha?" si Julius naman ngayon.

Umiling agad ako.

Kumunot ang noo ni Soren. "Hindi 'yan totoo, 'no! 'Tsaka imposible kasi ang tanda
na no'n! Ilang taon na ba 'yon? Mas matanda pa kina Leandro. Limang taon ang agwat
sa inyo."

"Ano naman ngayon? Age doesn't matter!" si Margaux.

"Oo at dati pa 'yon usap-usapan, eh," singit ni Julius. "Hindi 'yon d-in-eny ni
Alonzo, ah, kaya tingin ko totoo."

"Hindi 'yan totoo! At kung totoo man, naku!" inakbayan ako ni Soren sabay mayabang
na tawa. "Ang creepy niya naman. Ang tanda niya na at ang bata pa ni Sancha. Hindi
sila bagay. Bukod pa sa mayaman ang mga Alcazar kaya walang pag-asa."

"Asus! Nagseselos ka lang, e!" pang-aasar ni Margaux na hindi naman tinanggihan ni


Soren.

"May duty raw si Alonzo," narinig ko sa mga kaibigan nang napag-usapan dahil iba
ang nag handle noon.

"Naku! Matatalo sila nito kapag hindi si Alonzo ang nag handle!"

Mabuti na lang at kahit nag overtime at nagkakagulo, nanalo pa rin naman ang school
namin. I cheered with my friends because it was such a long and intense game.
Lumapit si Julius sa amin, pagod na pagod at nakipaghighfive kina Soren at sa ibang
kaibigan.

"Nariyan daw ba si Coach sa championship?"

Tumango si Julius. "Oo! Tang ina, hindi kami nagkakasundo lahat kapag wala siya!
Muntikan na 'yon kanina!"

On the championship, we watched again. Packed na ang gym ngayon dahil nandito na
rin ang taga ibang school para i-cheer ang school nila. Hindi ko alam kung bakit
kinakabahan ako.

Dinungaw ko sila sa benches at nakitang nag-angat ng tingin si Alonzo. For a


moment, I thought he was looking at me. But then he laughed and I noticed his
classmates on the bleachers near him.

Isang babae ang lumapit sa barandilya at nakita kong nag-abot ng bag sa kanya.
Sinalo iyon ni Alonzo at nginitian. Nang bumalik sa upuan ang babae, napansin kong
parehong babae iyon sa nagtatanong sa kanya sa Kiosk.

"Girlfriend ba 'yon ni Alonzo?" si Margaux, pareho yata kami ng tinitingnan.

"Alin doon?" si Ella, ang tinanong niya.

"'Yong babae na may inabot?"

"Hindi ko alam, e. Hindi naman siguro kasi wala namang usap-usapan na may
girlfriend siya."

Ngumisi si Margaux at bumaling sa akin. "Oo nga naman. Ang tsismis lang naman ay
may gusto siya kay Sancha."

Nagtawanan sila ni Ella. Umiling na lang ako at tahimik na nanood.

I was constantly at the edge of my seat. Kahit pa lumaki na ang lamang nila, hindi
kailanman kumalma si Alonzo kaya hindi rin tuloy ako makalma.

Sa huli, tuluyan na silang nanalo. Masayang masaya ang buong school at pictorial
agad ang mayroon. Nagtagal kami sa bleachers at kahit nagsilabasan na ang iba,
hindi kami umalis dahil siyempre babatiin pa ang ilang kaibigang kasali sa
pagkapanalo. It gave Soren an inspiration too.

"Aayusin ko na talaga sa training para masali ako sa varsity!" aniya.

Tumawa si Soren at may kinausap na taga ibang team. Nagyabang pa siya kung gaano
kagaling ng varsity sa school kaya medyo naging ukupado.

"Tapos na ang pictorials! Bumaba na tayo!" yaya ni Margaux, hindi na inalintana na


naiwan na namin si Soren sa bleachers.

I went with them, though. Naroon nga naman si Julius at binati na namin sa
pagkapanalo nila. Alonzo was busy talking to some other college students who
watched the game. Naroon si Levi del Real at ang iilang faculty na proud na proud
sa kanya.

Aksidente niya akong nasulyapan at nagtagal ang tingin niya sa akin.

"Hi, Alonzo! Congrats sa game! Galing n'yo!" si Margaux na may paghiyaw pa.

Some of our classmates went there to congratulate Julius and the team, too. Kaya
naman, heto at napansin agad ang lapit ko kay Alonzo.

Gusto ko rin sanang bumati. I was about to open my mouth when I heard someone.

"Nanonood pala si Sancha kaya inspired ang coach!" may usiserong gumawa ng istorya.

"Mag congrats ka naman, Sancha!"

"H-Huh?"

Uminit ang pisngi ko. Hindi ako halos makagalaw. Lalo na nang natawa ang dalawang
faculty at tiningnan ako pagkatapos si Alonzo.

Parang umuusok na ang tainga ko sa hiya. Hindi na ako kumportable.

"Congrats, Alonzo! Kaya ka pala inspired," biro ng isang teacher.

Alonzo smiled politely. Kaya lang nang nalingunan ako'y agad niyang ibinaling sa
ibang bagay ang atensiyon. Tinawag niya sina Julius. Itinuro niya ang malayong
banda hanggang sa tuluyang umalis ang grupo nila roon at pumuwesto na sa gitna para
sa karagdagang picture taking.

Nakababa na si Soren at agad na dumiretso sa kung nasaan ang varsity para bumati.
My phone vibrated. I saw Alonzo sliding his phone on his pocket from afar.

Alonzo:

Sorry about that. Hope it didn't make you feel uncomfortable.

Sunod na angat ko ng tingin sa banda nila, nakita kong lumapit na ang mga kaklase
niya at nagtawanan na sila.

"Magpainom ka naman! A tayo sa pre finals, ta's champion ka rito!"

"Oo nga, Lonzo! Sabi mo no'n!"

Alonzo laughed. "Mamaya! Sa bahay!"


Naghiyawan sila at nagkatuwaan pa.

💕💕💕
KABANATA 7

No

Hindi na natapos ang usapan ng mga kaibigan ni Alonzo tungkol sa magiging


celebration nila mamaya. Tumatawa lang si Alonzo at nakikisabay sa kanila. Minsan
ay iniistorbo pa siya kahit na may kausap na teachers.

"Ano? May celebration ba?" si Margaux, tanong sa mga kaibigan naming kasama sa
team.

Tumawa sila at nag-usap saglit. Pagkatapos ng isang text kay Julius, nagdeklara na
siya.

"Sa amin! Mamaya!"

Napakurap-kurap ako.

"Hindi ba isang celebration ang inyo kina Lonzo?" si Ella kay Julius.

Tumawa si Julius. "Next time pa ang celebration namin as a team. Outing kami.
Ngayon, sa bahay muna tayo. Tuwang tuwa si Daddy sa pagkapanalo, e! Teka lang at
iimbitahan ko si Coach!"

Naroon na si Soren kay Alonzo, kausap at binabati. Nang nakalapit si Julius ay


sumulyap si Alonzo sa kanyang mga kaibigan at tinapik niya ang balikat ni Julius.

It's not like I can go, anyway. I'm known to have strict siblings. Tuwing may
party, alas sais o alas siyete ang curfew ko. Kapag inabot ng alas siyete, si Kuya
Manolo na talaga ang susundo sa akin. Pakiramdam niya, sumusobra na ako kung alas
siyete nasa labas pa. So I expect I can't come tonight. Even if I ask permission
from my parents, my brother and sister doesn't need permission to drag me out of
any party for my curfew.

"Hindi yata pupunta. May party kasi sa kanila, e," balita ni Julius pagbalik.

"Tara!" tuwang-tuwa na yaya ni Soren.

Nilingon agad ako ni Margaux. Alam kong alam niya na mahihirapan ako.

"Kahit for dinner lang, Sancha," si Julius na alam din ang curfew ko. "Hindi ba,
alas siyete ka naman?"

Ngumiti ako. "Sige, subukan ko. Magpapaalam lang ako."

"Oo nga. Papayag 'yan! Alas siyete, maaga pa nga 'yan, e!" si Soren.

I excused myself to call my parents. Maluwang sila sa akin kaya hindi ako
nahirapang magpaalam. Pero nang narinig ko ang tugon ni Dad na si Kuya Manolo ang
susundo sa akin, alam ko na ang ibig sabihin noon.

Kahit na gusto nila akong pagbigyan sa gusto ko, may halong takot pa rin sila para
sa akin. They both leave the discipline to my ruthless brother.

"Payag naman daw pero 'yon nga... may curfew ako," sabi ko.
Napansin kong paalis na sina Alonzo at mga kaibigan niya. Levi del Real was in
their crowd pero nanatili sa gym at ang mga lowerclassmen na ang kausap.

"Maaga naman maghahanda sa bahay kaya ayos lang 'yan!" si Julius.

Alas singko pa raw ay magsisimula na ang salu-salo sa mansiyon nina Julius. Kaya
naman papunta na kami roon. Si Ella ay sa sasakyan ni Margaux sumabay at mag-isa
naman ako sa akin.

Napaangat ako ng tingin nang nakitang dadaan kami sa isang major road sa
Altagracia. Alam ko rin kasi na ang bahay ng mga Salvaterra ay naroon sa street na
iyon.

Their manor is a large and spanish-style old house. Malawak ang frontyard na
nalalatagan ng mayamang damo at napaliligiran ng mga halaman. Hindi pa ako
nakakapasok sa bahay nila pero galing sa labas, makikita mong malawak din ang
backyard ng bahay. It is one of the largest lot that sits on the major road of this
town. Pangalawa lang ang noong bahay din na naging grocery store na sa corner ng
kabilang street.

Ang alam ko, matagal nang taga rito ang mga Salvaterra. Narinig ko nga noon na may
lupain sila sa labas ng Altagracia na naging parte na rin yata ng azuarera namin.
Kinailangan ng pera ng mga ninuno niya at hindi na makakaya ang pagpapatayo ng
sarili kaya sa huli'y ibinenta na. Now their only property is that large old house
on that major highway.

Nilingon ko ang bahay nilan nang dumaan kami at doon nakita ko nga ng mabilisan ang
mga kaibigan niyang nag-aayos pa ng mga upuan sa frontyard nila. I saw him, too,
laughing with his friends as he helped them do that.

Mabilis lang ang pagkakakita ko dahil mabilis din naman ang patakbo ng SUV namin.
Sa huli, tahimik akong lumabas nang dumating na sa mansiyon nina Julius.

Base sa nakita ko kanina, hindi gaya sa batch namin at sa mga nauna pa, hindi
nagkakaisa ang mga batch nina Alonzo. They didn't have the rich students of their
batch for their party tonight. Ang mga kaibigan din ni Alonzo ay purong mga ka-
estado niya. Not that it matters but I noticed how, although, he seems to be
friends with the rich boy-classmates, they don't include him to their fancy events.
Ganoon din sa kanilang event, hindi imbitado ang mga mayayaman sa batch nila.

I concluded it immediately when I saw Tristan on Julius' party. Tristan is one of


the richest guy on Alonzo's batch. Classmates nga sila noong senior high at
magkasama rin sa basketball noon, magkaibigan, pero hindi siya kay Alonzo pumunta
na party. Kay Julius. Dumating din ang iilang babaeng mayaman sa parehong batch at
mas lalo kong napansin kung gaano sila ka divided, based on their social status. I
suddenly remember Kuya Manolo and Ate Peppa. Maybe it's that way for the older
batches, huh?

"Ganda ng suot ni Ate Steffi!" si Margaux.

Nakaupo na kami sa isa sa mga hinandang lamesa sa backyard nina Julius. Sina Soren
ay abala sa pakikipag-usap sa team na nasa kabilang lamesa. Napatingin ako sa
tinukoy ni Margaux, one of the richest girls on Alonzo's batch, too.

"Oo nga!" puri ko.

She's wearing a cute cropped terno dress. Nagpapakita ng belly button at ang
palamuti roon. She's a jolly girl and I remember her admiring Ate Peppa back when I
was in grade school. Hanggang ngayon naman yata.

She walked in and greeted everyone. Pati ang team na ginanahan agad. Ang sexy kasi
kaya kahit ilang taon ang agwat, usap-usapan pa rin sa mga boys ng batch namin.

"Na miss ko tuloy bigla mag shopping. Saan kaya 'yan? Makapamili nga."

"Oo nga, ganda ng damit niya," Ella seconded.

"Saan ka ba namimili, Ella?"

"Uh... d-diyan lang sa... La Carlota."

"Huh? Anong mabibili mo sa La Carlota?" medyo gulantang na tanong ni Margaux. "Pang


supplies lang 'yong mga nabibili roon."

Naputol ang usapan nang tumili ang isa sa mga bisita at tumakbo patungo sa amin.
Imbitado rin pala si Camila. Bata pa ako, bumibisita siya sa classroom ko at dahil
pareho ang pangalan ko sa pangalan niya, nahilig siya sa akin.

I smiled and let her hug me.

"I missed you! Akala ko sa kasal ni Ate Peppa lang kita makikita, Crisanta!" si
Camila na tinawag pa ako sa tunay kong pangalan.

Dahil sa kaunting tili ni Camila kanina, napalingon sina Steffi sa amin at


tiningnan lang ang lamesa.

"Buti pinayagan ka?" she asked, knowing my curfew.

"Oo nga, e. Pero may curfew!"

"Ang ganda ganda mo talaga! Buti nagkita tayo rito!" she said. "Ay naku! Huwag kang
mag college sa Silliman! Sobrang hirap at busy!"

Bago pa niya madugtungan ang sinabi, may tumawag na sa kanya sa grupo nina Steffi
kaya mabilis ding nagpaalam sa akin.

So we remained on our seats. Kalaunan, ilang kaklase at kaibigan na rin ang pumuno
sa mga upuang malapit sa amin. Saktong palubog ang araw nang naiserve ang pagkain.

"Try natin ang beer!" yaya ni Margaux sa isang mapaglarong boses.

"H-Hindi ba bawal pa 'yon sa atin?" si Ella.

"Oo nga, Margaux," sabi ko.

My phone rang. Agad kong kinuha iyon at napapikit ng nang nakita ang numero ni Kuya
Manolo roon. And it's only 5:55pm!

"Hello?"

"Nandito na ako."

"Saan po?"

"Kina Julius."

I can hear the hazzard tone on his background.


"It's still 5:55, Kuya."

"Good. Then you have five minutes to say goodbye to your friends."

"Kuya, are you serious? Bumaba ka muna rito at kumain. Mamaya na tayong seven
umuwi."

"I have a dinner appointment later so I can't eat and waste time."

Kinagat ko ang labi ko at tiningnan ang naghihintay na mga kaibigan.

"Kuya..."

"Please, Sancha. Pinagbigyan ka na ni Dad, huwag mo nang suwayin at baka higpitan


ka lalo," his tone was marked with finality.

"Okay," marahan kong sinabi bago binaba ang phone.

Wala nga akong nagawa. Nagpaalam na ako kina Margaux, Ella, Julius, at Soren. Soren
was disappointed but he was busy talking to his friends who won. Gusto niya nga
akong ihatid pero tinanggihan ko dahil si Kuya Manolo pa naman ang naghihintay.
Baka sermon ang abutin ko kapag nakita si Soren.

"Six O one," si Kuya na masyadong mahigpit.

Umirap ako at inayos na ang seatbelts.

He chuckled at my reaction. "Nanalo sina Julius?"

"Yeah."

"Huwag ka nang magsungit. Kung wala lang akong gagawin mamaya, bababa naman ako at
makikikain doon."

"Ba't 'di mo na lang ako sunduin pagkatapos ng appointment mo? Para humaba ang time
ko with friends?"

"Gaano kahaba 'yon? I'm not sure anong oras ako matatapos at hindi ako papayag na
abutin ka ng alas otso kaya mas mabuting umuwi ka na ngayon."

Sunod-sunod ang sinabi niya habang umandar palabas ang SUV. He glanced twice on the
side of the road and I stiffened on my seat. Bumosina si Kuya nang pareho naming
nakita si Alonzo, sa kanyang motor at papasok sa mansiyon nina Julius.

Alonzo stopped and nodded. Binaba ni Kuya ang salamin sa side niya at diniretso ko
ang tingin ko sa kalsada, hindi alam kung bakit ayaw na tingnan ng diretso si
Alonzo.

"Congrats, Lonzo! Narinig ko nanalo raw kayo."

"Salamat, Sir! May kaunti ngang salo-salo sa bahay ngayon. Pumunta lang ako rito
dahil inimbita rin ni Julius. Baka may oras kayo..."

Tumawa si Kuya. "May lakad ako, e. Ikumusta mo na lang ako sa parents mo. Congrats
na rin sa team n'yo."

"Salamat po!"
"Enjoy kayo. Alis na kami."

Binalik na ni Kuya ang salamin at dire-diretso na ang paharurot patungo sa amin.

Tahimik ako buong biyahe. Kuya Manolo talks and asks things every now and then.
Buti at hindi na siya nang-usisa sa kahit ano kaya nang nakarating na sa bahay,
nakabati sa kay Mommy at Daddy, dumiretso na ako sa kuwarto.

I spent my whole night reflecting about everything. Galing sa laro at sa mga ngiti
ni Alonzo sa kanyang mga kaibigan. I tried hard to think about Soren but there's
just nothing to think about him. Kahit pa naging mabait siya sa akin sa buong araw
na iyon.

Alonzo smiled at his friends. May inuman sa bahay nila na eksklusibo lang para sa
mga kaibigan niya. Hindi invited ang mayayaman sa batch nila kahit pa invited naman
siya kina Julius.

Looking back, I wonder then if his calls were from his friends and his crazy
reactions was because of them. Besides, masayang masaya siya sa mga kaibigan niya
at close na close silang lahat.

Nagbuntong-hininga ako at nakita ang message ni Soren sa cellphone ko.

Soren:

Sana nandito ka pa. I miss you. :(

I smiled a bit and typed in.

Ako:

Oo nga, e. Miss you too. Enjoy kayo riyan.

I don't understand why lately I'm so attentive to Alonzo. Hindi naman dapat.

Siguro medyo nakuha niya lang ang atensiyon ko dahil alam ng lahat na may gusto
siya sa akin. Lagi kaming inaasar na dalawa. Hindi rin madalas na may nagkakagusto
sa akin kaya siguro... pero hindi naman kumpirmado ang nararamdaman niya. Paano
kung mali ako? What if I just assumed that it is true. Nakakahiya naman.

Sa sumunod na Linggo, nagpatuloy ang lahat. Pinilit ko ang sarili ko na maging


normal ang pakiramdam sa bawat training ni Soren. Pero habang tumatagal yata ng pag
eeffort ko na umayos ang tingin ko, parang mas lalong nagiging mahirap.

After their parties, I saw pictures of what happened on the social media accounts
of common friends. At may kaunti ring mga kuwento si Ella at Margaux tungkol doon
Lunes pagkatapos ng linggong iyon.

"Alam mo, may nararamdaman ako doon sa inasal ni Ate Steffi noong nakita si Alonzo
kina Julius, e."

Tumango si Ella. "Oo nga. Pakiramdam ko rin iyon ang dahilan kung bakit saglit lang
si Alonzo kina Julius."

"Oo. Uminom lang ng softdrinks tapos nagpaalam na agad. Hindi na kumain."

"May... handaan naman yata sa kanila," singit ko.

"Oo pero may pakiramdam talaga ako na may something si Alonzo sa barkada nina Ate
Steffi. Si Ate Camila nga, hindi masyadong pumapansin, e. Ang bait na no'n."

"Hmm. O baka matapobre lang talaga sila?" si Ella.

"Tawang-tawa nga ako noong ang paunang bati ni Levi ay umalis ka na raw Sancha,
kaya 'di niya naabutan! Tawang-tawa kami!"

Hindi ako makadugtong sa sinabi ni Margaux.

"Kaya inasar siya na umalis agad dahil wala ka raw. Buti pa 'tong sina Levi, kahit
mayayaman, mabait kay Alonzo, kahit paano. Nagkita ba kayo no'n? Saktong alis mo,
dumating siya, e."

"Uh... sa labas lang. Nag-usap sila ni Kuya."

Humagalpak si Margaux. "Nasilayan ka naman pala kahit paano."

Umiling ako at hinayaan na ang pang-aasar nila.

Diretso ang tingin ko kay Soren habang nagtitraining na ngayon ng dribble. Naroon
na si Alonzo sa tabi niya at binabantayan siyang maigi. Ilang linggo na ang lumipas
at mas dumami ang liban dahil sa nagiging hectic niyang schedule. Wala ring
schedule noong linggo ng pagkapanalo nila. Lumiban muna si Soren. Umaayos na rin
ang laro ni Soren kaya kahit na madalas walang training, ayos lang sa kanya.

"Kita mo 'yon?" si Soren sabay takbo sa akin.

Pinuri siya ni Alonzo dahil dire-diretso niyang natapos ang isang cone routine.
Nanatili si Alonzo sa gitna ng court at pinanood niya si Soren papunta sa akin.
Tinawanan ko si Soren pero nang akbayan niya ako para sa pagmamayabang ay agaran
ang sigaw ni Alonzo.

"Soren, hindi pa tapos!" he called.

"Ay! Yes, coach!" he said and jogged back to where he came from.

May inutos sa kanya si Alonzo. Alonzo glanced at me for a while before looking at
Soren's routines.

"Maybe... Soren's right," I whispered, remembering Soren's words some months ago.

Hindi ko namalayan ang mariin na pagkakahawak sa chocolate na bigay ni Soren. When


I saw how Alonzo was walking towards me, I started peeling the chocolate's wrapper,
para kunwari may iba akong pinagkakaabalahan.

Sa gilid ng mga mata ko, nakita kong kinuha niya ang pangalawang bote ng mineral
water. I remember the very first time we have this training. My heart pounded
against my chest and I'm sweating bullets. Bago pa siya nagtanong, umiiling na ako
sa kaba.

"Want some water to go with..." he noticed my shaking head. "that?"

"No," I said with a little too much conviction.

Hindi ko na siya nilingon. Hindi na rin siya nagsalita pero kalaunan, iniwan niya
ako roon para lumapit na kay Soren.

💕💕💕
KABANATA 8
Chocolate

My family spent the whole semestral break wisely. Kasama ang pamilya ng fiancee ni
Ate Peppa, nagkaroon kami ng family trip sa Hong Kong. Alam ko ring may family trip
din sina Soren sa Palawan at ang ibang mga kaibigan ko, may kanya-kanya ring
pinuntahan.

It was a cold November morning for the first day of school after the short
semestral break. Kinuwento ni Margaux sa amin kung paano siya nakipagbreak sa
boyfriend niya hanggang sa anong ginawa ng pamilya niya sa bakasyon. Julius kept
laughing at how fast she switches topics and didn't even dwell on the break up.

"Ang bilis n'yo naman!" si Julius.

"Alin? Sa trip namin?"

"Hindi, 'yong sa boyfriend mo!"

"Oh please, Julius. You switch from one girlfriend to another faster than that!"

Nagtalo ang dalawa at tinawanan ko na lang. Sa likod namin ay ang ibang mga kaklase
na galing lang din sa cafeteria pagkatapos ng break.

"Si Alonzo, oh! Yieee!" I heard the beginning teases from behind me.

Nag-angat ako ng tingin at saktong nakita kong bumagsak ang iilang hand-outs ni
Alonzo. Mukhang nagmamadali at maraming dala kaya ganoon ang nangyari.

"Tulungan mo, Sancha!" biro ni Margaux.

"H-Huh?"

Mabilis namang napulot ni Alonzo ang mga nahulog. Walang kahirap-hirap. Akala ko
didiretso siya sa dinaanan namin pero bahagya siyang lumiko at lumayo sa
paglalakad.

"Aww... Umalis na," dismayadong biro ng mga kaklase ko.

Tumawa si Margaux. "Natapon mga hand-outs niya. Ninerbyos siguro noong nakita si
Sancha!"

"Margaux!"

"Totoo! Gulat na gulat nga, e! Lumiko tuloy. Nahiya!" sabi ng isang kaklase.

"Kayo talaga!" si Julius.

"Coach mo 'yan Julius. Anong masasabi mo? Tama kami, 'no?"

"Ewan ko. Hindi naman kami nag-uusap tungkol diyan. Kayo talaga!"

"Pero totoo naman kasi ang usap-usapan. 'Tsaka sabi ng Ate ko, never nag deny si
Alonzo tungkol sa tsismis na 'yan. Inaasar din 'yan sa batch nila, e!"

"Lahat ng mga nagsasabi, siguradong-sigurado. Paano kaya 'yan kumalat?"

Hindi ko na dinugtungan ang usapan. Kahit pa nagtagal sa isipan ko iyon at ang


nangyari kanina. I just remember I heard that the first time back when I was in
Grade 7 and Alonzo, Ate Camila, and the rest of their batch was in Grade 12.
Narinig ko iyon sa iilang kaklase at ang sunod naman ay kay Ate Steffi at Ate
Camila na parehong madalas bumisita sa classroom ko noon. The next thing I know,
everyone knows it already. Nang-aasar ang lahat at hindi nakakatulong na lagi ko
ring napapansin si Alonzo simula noon.

Ako:

Soren, may training ka ba sa Linggo?

Iniisip kong magpapaalam kay Mommy at Daddy mamayang gabi. Simula kasi noong second
periodical at sem break, wala na silang training. Hindi ko alam kailan magpapatuloy
at nasanay na si Mommy na tumutulong ako tuwing Linggo sa mga desisyon sa kasal ni
Ate Peppa.

Soren:

Iyon nga sana ang sasabihin ko. Bibisita sana ako kanina sa classroom n'yo kaso
marami kaming ginagawa. Si Coach kasi nagsabi na ayos na raw ang training ko.
Maglaro-laro na lang daw ako kapag may informal games. Ayos na raw ang tinuro niya!

Ako:

Oh? So... there's no training anymore?

Soren:

Hindi ba nag text sa'yo? Iyon kasi ang text niya sa akin. Pinilit ko nga na
shooting naman ang ituro sa akin at defense. Sabi niya, kaya ko na raw 'yon.
Ipagpatuloy lang ang training na itinuro niya.

Natigilan ako. Lagi'y sa akin iyon nagti-text kung ano man ang gustong sabihin kay
Soren. Ni hindi ko inasahan na may numero na siya ni Soren ngayon at doon na siya
mismo nagtext.

Ako:

Hindi, e.

Soren:

Malas nga, e! Kitang-kita ko na sana ang improvement ko sa ginawang training.


Ngayon pa titigilan. Sinabi ko naman na dadagdagan ko ang suweldo, ayaw pa rin.

Ako:

Baka naman tama siya at okay na nga ang laro mo?

Soren:

Hindi ako kuntento. 'Tsaka ilang buwan pa bago ang sunod na try out. Paano kung
bigla akong mangalawang? Pipilitin ko nga sana na mapapayag. Tulungan mo naman ako,
oh?

Natigilan ako saglit.

Ako:

Okay. I might... text him.


Soren:

Puntahan natin mamaya sa building niya. Hindi gumagana ang text, e. Ayos lang?
Samahan mo ako. After class. Wala daw prof namin mamaya sa last period kaya baka
sabay ang dismissal natin.

Ako:

Sige.

Soren:

Kita na lang tayo sa building nila. Alam mo ba saan ang klase niya mamaya?

Ba't ko naman malalaman?

Ako:

Hindi, e.

Soren:

Sige. Basta antayin natin sa building nila. Kita na lang tayo mamaya after class.

True enough, pagkatapos ng klase namin, hindi ako nag-alinlangang pumunta sa


building nina Alonzo. I was on the first floor, near the bulletin boards, trying to
text Soren. Dahil katatapos lang ng huling klase ko, medyo maingay ang corridor
dahil sa abalang mga college students na papunta sa susunod na klase nila.

"Sancha!" Ate Steffi went to me.

Naabutan nila akong nagti-text doon kasama ang kanyang mga kaibigan. Binaba ko ang
cellphone ko pagkatapos ma send ang text kay Soren.

"Nandito ka! Sinong hinihintay mo?"

"Uh... Si Soren, Ate. Uh..."

Kumunot ang noo niya at napabaling sa mga kaibigan sa likod. "Soren? College
building 'to. Nagkamali ka yata at Senior High pa si Soren."

"Uh, I mean... magkikita kami ni Soren dito. May sadya kasi kami kay Alonzo."

"Oh! Really?" she then looked at her friends.

Maganda si Steffi. Matalik na kaibigan ni Ate Camila at madalas silang parehong


hinahangaan dahil sa pananamit at kagandahan. Even Margaux thinks she's hot and
cool.

"Talaga? Si Lonzo?" Alam na alam ko agad ang kahulugan ng ngisi niya at ng mga
kaibigan niya. Umiling agad ako para mapatunayan na kung ano man ang iniisip nila,
nagkakamali sila. "Talaga bang si Soren ang hinihintay mo? O si Alonzo lang?"

"S-Si Soren po talaga," sambit ko sabay sulyap sa cellphone na may message ni


Soren. "Nagtext nga-"

"Don't worry, Sancha. We won't judge you if you like Alonzo."


My face heated.

"Hindi ko alam na agresibo ka pala kapag may gusto ka sa isang lalaki. Ikaw talaga
ang bumibisita!" si Ate Steffi sabay tawanan ng mga kaibigan niya.

Napadaan si Tristan doon at nakiusisa na. "Ano? Si Sancha, may gusto kay Alonzo?"

"H-Huh? Wala akong gusto kay Alonzo. Hindi 'yan totoo! Talagang nandito lang ako
dahil naghihintay ako kay Soren. May sadya kami kay Alonzo!"

"I think I heard that wrong. Alonzo likes Sancha, not the other way around," Levi
del Real defended me out of nowhere.

"No, Luis Javier. Nandito siya kasi-"

"Wala akong gusto kay Alonzo!" I said, almost shaking with fear and frustration.

"Sancha!" isang pamilyar na boses ang nagpatahimik sa lahat.

Naestatwa ako nang nakita si Alonzo, kabababa lang galing sa pangalawang palapag ng
building. His brows were furrowed as he looked at the crowd in front of me. Mabilis
na nagsialisan ang mga babae. Sa ibang direksiyon pumunta at sina Levi ay dumiretso
kay Alonzo, tinapik ang balikat. Tristan greeted Alonzo but he immediately went to
the Kiosk with his friends.

Mabilis kong binasa ang message ni Soren habang palapit si Alonzo sa akin.

Soren:

May substitute teacher kami! Sorry, Sancha. Puwede bang ikaw na lang ang kumausap
kay Alonzo? Pakiusapan mo, please.

Great!

"Ba't ka nandito?" si Alonzo nang nakalapit na.

May iilang sumusulyap at nagtatagal ang tingin sa amin. Marami ang biglaang nag-
uusap usap. Doon ko natanto kung gaano ka kalat ang tsismis na iyon sa buong
eskuwelahan.

"Uh..."

"Go Alonzo! Yiee!"

Uminit ang pisngi ko. I bowed my head a bit, feeling so embarrassed at the teases
from college students.

He sighed. "Halika dito..."

"Lonzo! Next period na! Halika na!" I heard a call from his classmate.

Sumulyap ako at nakitang iyong matalik na kaibigan niya iyon. The girl looked so
concerned. Sumulyap din sa akin pero muling tinawag si Alonzo.

"Mauna na kayo. Susunod na lang ako." Bumaling si Alonzo sa akin. "Sumunod ka


sakin."

Tumango ako, hindi siya tinitingnan.


Sumunod nga ako sa kanya. Lumabas kami ng building at pumili siya ng Kiosk na
walang tao. I can hear the chattering from the first few Kiosk.

"Lonzo! Aba? May pag-asa na ba?" Nagtawanan ang mga estudyante.

He ignored them and continued walking. Sumunod naman ako. Nang tumigil siya,
tumigil din ako.

"Sorry about that. Anong sadya mo?"

"Uh... tungkol sa training ni Soren."

Unti-unti akong nag-angat ng tingin sa kanya. Kung alam ko lang na hindi


makakarating si Soren ngayon, sana t-in-ext ko na lang si Alonzo! Nakakahiya na
inasar pa kami ng mga college students! At ngayon, nandito siya sa harapan ko!

"O-Okay lang daw ba kung ipagpatuloy. Kahit sa free time mo na lang. G-Gusto niya
pang matuto."

"Natuto na siya. Nag-improve na ang laro niya. Iyon lang ang kailangan."

"S-Sa... defense daw at shooting."

"Kaya niya na 'yon. Hindi na kailangang magtraining. Matututo na siya kapag lagi
siyang naglalaro."

My lips parted and I realized he's made up his mind about this. It's silly of me to
think that I could do something about it.

"Inutusan ka niyang pumunta roon at kausapin ako?"

Umiling ako. "Nagkasundo kami na magkita roon. Kaso... may klase pa pala siya
kaya... ako lang."

Bahagyang nagdilim ang tingin niya. Suminghap ako at tumango na.

"So... you won't agree anymore?" I asked.

His lips protruded a bit. He shifted his weight and remained calm as he looked at
me.

"Hindi ka na papayag sa training?" marahan kong sinabi.

He swallowed hard. Muling nagkasalubong ang kilay niya.

"Alonzo! Halika na!" his classmate called from the entrance to their building.

Narinig ko ang saway ng nasa kiosk.

"Almira, tigil tigilan mo na 'yan! Kita mong dumidiskarte!"

"Mga baliw!" the girl said to them.

Alonzo stepped on the side, blocking my view of his classmates. Inangat kong muli
ang tingin sa kanyang mukha.

"Tawag ka na. Ako na ang bahala sa... pag eexplain kay Soren."

He sighed. "Puwede ako pero hindi na linggo linggo. Busy ako... sa duty," napapaos
niyang sinabi.

Napakurap-kurap ako. "Kung busy ka sa school, at tingin mo kaya na ni Soren,


sabihin ko na lang sa kanya na... makipaglaro siya sa iba para matuto?"

Umiling siya. "Hindi na. Ipagpapatuloy ko na ang training niya. Hindi lang linggo-
linggo. Ako na ang kakausap sa kanya para sa schedule. At kung kailan ako puwede."

I twisted my lips. That's why he was texting him, hindi na pinapadaan sa akin.
Naisip ko tuloy kung ayos lang ba na nandoon ako tuwing may practice sila.

"Paano kung isasama niya ako? Okay lang ba na nandoon ako?"

"If you have nothing else to do, then it's up to you, Sancha."

Dahan-dahan akong tumango. "Okay. Thank you."

"You're welcome," he said softly.

Nagkatinginan kaming dalawa. Kung hindi ko lang muling narinig ang tawag sa kanya
ng kaklase niya, hindi na ako nagising.

"Tawag ka na," ulit ko.

Tumango siya. "Uuwi ka na?"

"Uh. Oo."

Tumango rin siya. Tumikhim ako at nagpasyang umalis na kaysa maghintay na umalis
siya.

"Mauna na ako."

"S-Sige. Ingat ka."

"T-Thank you..." sabi ko at nagmamadali nang umalis sa harapan niya.

Pagkaraan ng ilang segundo, habang naglalakad ako, nilingon ko siya. I saw him
shaking his head a bit before finally turning towards their building.

Tuwang-tuwa si Soren nang ibinalita ko sa kanya iyon. Hindi na inalintana na hindi


makakadalo si Alonzo linggo-linggo. Ang importante sa kanya, patuloy ang training
nila.

We had a wonderful December. Sa Summer na ang kasal ni Ate Peppa kaya mas naging
abala rin sa preparation. It will be a grand wedding and it will be held in Cebu.
Doon kasi nakatira ang mayaman niyang fiancee. Luluwas kami ilang linggo sa summer
para roon at madalas din kami sa ilang weekend para mapaghandaan.

"Gusto ko sanang magpakasal talaga dito sa azucarera! Pero ayos na rin sa Cebu..."
si Ate Peppa. "Ikaw na lang, Sancha! Dito ka magpakasal!"

Tumawa si Kuya Manolo. "Ako... dito ako magpapakasal! Wala munang Sancha na
ikakasal!"

Ngumisi ako sa pang-aasar ni Kuya Manolo sa akin.

"Hay naku! Kayo talaga. Paloma, may handaan naman tayo rito pagkatapos ng kasal
ninyo para sa mga trabahante. Kung gusto mo, magkaroon din tayo ng kasal dito,
tulad sa gagawin n'yo sa Cebu."

"Oo nga. Sinabi ko rin po sa kanya 'yan," si Kuya Ramon, ang fiancee ni Ate Peppa.

It was our usual Sunday brunch but my mind is already flying later. It's been a
while. Simula noong Christmas break, at dalawang linggo pagkatapos ng bagong taon,
ngayon pa lang ulit magti-training si Soren.

But then I realized, his training was like the usual one. Abala si Alonzo sa
pagtutok sa kanya sa ilang routines at halos hindi nauupo sa bench.

Sinulyapan ko ang dalawang litro ng mineral water malapit sa mga gamit ni Alonzo.
Ganoon din last November, sa huling training nila. Dalawa rin ang dala niya noon.
Pero gaya ngayon, hindi niya in-offer. Not that I will take it but I kinda thought
he would try again... but he didn't. It's okay, though.

Nagdaan pa ang ilang linggo bago ulit nagkaroon ng training. The February Fourteen
of that year was on a Sunday and Soren was lamenting because Alonzo refused a
session.

"Ako, okay lang sa akin kasi kasama ka naman sa training! Kaya okay pa rin ang
Valentines ko! Si Coach baka may date kaya iintindihin ko na lang!" si Soren nang
sinabi sa akin na liliban daw sa araw na iyon.

March came and each session was more difficult than usual. Dahil sa mga huling
training na iyon, nag one-on-one si Alonzo at Soren. Kitang-kita sa laro ng dalawa
kung gaano kalayo ang agwat ni Soren kay Alonzo. Hindi lang sa height, pati na rin
sa stamina at strategy. Alonzo looked so natural playing ball while Soren is just
busy catching his breath.

"Grabe! I'm so exhausted. Naubos mo ang bigay kong chocolates?" si Soren nang
nakitang lumalabas kami ng gym na wala na akong dala.

May maliit na bag ako pero sa laki ng chocolate bar na bigay niya kanina, hindi
'yon kasya roon. Isa pa, hindi ako kumain kaya hindi ko iyon naubos.

"Naiwan ko! T-Teka... balikan ko lang!" sabi ko ng walang pag-aalinlangan.

Sa halos buong taon naming training, hindi kailanman nauna si Alonzo na umuwi.
Akala ko dahil nagbibihis pa siya bago umalis kaya natatagalan kumpara kay Soren.
Nang bumalik ako sa gym, doon ko nalaman.

Bumagal ang lakad ko nang nakita ko siyang isa-isang pinulot ang hurdles. May cones
pa at nagkalat din ang iilang mga bola. He saw me marching towards the bench.
Bahagya siyang tumigil.

"Uh, naiwan ko ang chocolate," paliwanag ko.

He smiled and nodded but he continued picking the next hurdles.

Hindi ko kailanman naisip na sa loob ng halos isang taon, ganito ang ginagawa niya
kaya siya nahuhuli sa amin. I felt so bad. I feel like we should help. It should be
part of the training.

Imbes na kunin ang chocolate, pinulot ko ang isang bolang malapit sa bench at agad
na nilagay sa lalagyanan.

"Ako na, Sancha," aniya nang nakita iyon.


Like I didn't hear him, lumapit ako sa mga cones at kinuha na isa-isa iyon.
Nilapitan niya ako at kinuha ang hawak ko.

"Ako na."

"D-Dapat kasali ito sa training ni Soren."

Namungay ang mga mata niya at muling ngumiti. "Parte 'to ng trabaho ko. Ayos lang.
Ako na ang bahala."

Hinayaan ko siyang kunin ang dala kong cone. Pinulot niya ang mga sumunod pero
pilit ko ring pinulot ang iba.

He stopped. Nilagay ko ang takas na buhok sa likod ng aking tainga. Napansin ko ang
tingin niya kaya napabaling ako sa kanya. He cleared his throat and looked away.
Kinuha niya ang iilan pang natitirang cones bago dumiretso sa akin para kunin ang
nasa kamay ko.

"Thank you," he said.

"Thank you din... sa pagpapatuloy sa training," sabi ko dahil matagal nang gumulo
sa isipan ko iyon.

He parted his lips, as if he wanted to say something... but he shut it and just
nodded.

"Patapos na," puna ko. "Ang laki ng inimprove ni Soren. Kaya... salamat."

"It was his effort."

"And yours. Pinilit kita kahit na sinabi mong busy ka na sa... duty. Salamat sa
hindi pagtanggi."

My heart pounded so hard. I can't believe we're in this conversation!

Nagtaas siya ng kilay at pinulot ang isang bola sa malapit bago nilagay sa
lalagyanan ang lahat ng dala. Sinuyod ko ang court at nakitang malinis na iyon.

"Hindi ako tatanggi sa'yo."

💕💕💕
KABANATA 9

Sleepy

We didn't have the last day I looked forward to. Maaga kasing nagtake ng exam si
Soren dahil may maagang bakasyon siya kasama ang pamilya kaya nawala na sa isipan
niya ang training.

Naturally, that supposed last day was cancelled. Alam na iyon ni Alonzo at alam ko
na rin iyon kaya ang huling training, iyon na ang naging huling araw din sa
pagtuturo niya kay Soren.

That week, I kept on thinking what would happen if Soren didn't tell us about his
vacation. Na paano kung pumunta kaming pareho ni Alonzo sa gym, only to find out
that Soren isn't around and the training is postponed.

I sighed. Hindi naman siguro mangyayari iyon pero hindi iyon naging hadlang para
isipin ko.
Why am I dwelling on this, anyway?

"Ang ganda nitong kapatid mo, Peppa!" sabi ng designer ni Ate.

Lumuwas sa Cebu ang taga Maynilang designer para sa final fittings ng gown. Lumuwas
din kami ng Cebu ng pamilya ko para roon. Pinadala lang ang sukat ko, nagpadala
lang siya ng tauhan patungong Negros pero ngayong final fitting na, nariyan na
siya.

"Simple, elegant, and timeless beauty!" she smiled at me.

I remember being compared to Ate Peppa growing up. She's our eldest so I think it
was natural of her to be wild, untameable, and headstrong. Kung ikukumpara nga
naman sa kanya, napaka plain at boring ko. Iyon ang sabi. Tahimik at masunurin sa
mga magulang, ibang-iba kay Ate.

"Yes, that's why I'm so protective!" si Ate Peppa sa designer.

"Bagay sa kanya ang kapatid ni Ramon. Kasing edad mo ba 'yon, hija?"

Ngumiti ako sa designer. "Isang taon po ang tanda ni Romnick sa akin."

"Ayos na rin! Kaya ang ganda tingnan sa pictures."

Ilang beses na naming na meet ang pamilya ni Kuya Ramon kaya kilala ko na rin si
Romnick, ang kanyang nakababatang kapatid. He's studying in Cebu. Minsan, nakikita
ko si Soren sa kanya, except that Romnick is quite a playboy. We're just good
friends and Kuya Ramon warned him not to do funny things on me. Sure, it shouldn't
stop a playboy but I think Kuya Manolo's glare every time stops him from doing
funny business.

Usap-usapan na sa buong Altagracia ang tungkol sa kasal ni Ate Peppa. Imbitado ang
mga malalapit na pamilya sa amin pero pili lang din. Soren's family, although one
of the richest, wasn't invited. Ang mga del Real ay imbitado at sina Anais din.
Both Camila and Steffi will be there too, with their family. S'yempre, kasali si
Margaux.

Hindi ko maimbitahan si Ella pero sigurado naman na naroon sila sa salo-salo


pagkauwi namin.

Pagkatapos ng exams, dumiretso na kami sa Cebu ng pamilya ko at doon na nagpalipas


ng mga araw bago ang kasal.

On the wedding day, Margaux met Romnick and immediately took off a shady
relationship. Umiling na lang ako sa kaibigang mabilis magkagusto. Kahit anong sabi
ko na babaero si Romnick, wala nang pakealam si Margaux dahil guwapo at mabait sa
kanya.

I smiled at Soren's chats and his picture updates for their trip to the US.

Ako:

Ang ganda riyan! Enjoy ka!

Soren:

Kumusta ang kasal ng ate mo? Nakita ko sa pictures ni Margaux, sino 'yong lalaki?
Ako:

Si Romnick, kapatid ni Kuya Ramon.

Soren:

Nililigawan ka?

Ako:

Hindi. Idunno about Margaux, though.

Masaya ang wedding. Magarbo at ilang puri galing sa ibang pamilya ang natanggap
namin. Mr. Luis del Real was one of the people who gave their speeches about
married life. Sumulyap ako kay Chayo at nakitang nakatitig lang sa kanyang inumin
habang tuwang-tuwa ang lahat sa speech ng ama.

I felt bad. Lalo na dahil minsan nang issue na ang Mama ni Ella ay kabit ni Tito
Luis.

"Enjoy the party, Chayo," sabi ko nang nilapitan ang lamesa nila ni Camila, Anais,
at Steffi.

"Thank you. Ang ganda ng party," she smiled to me though I know the speech bothered
her.

"Hi, Crisanta! You're so pretty, come here! Let's take a picture!" si Camila.

"Hi, Ate! Thanks for coming!"

Ilang picture ang kinuha sa grupo namin. Nasa gitna ako ni Ate Camila at ni Steffi.
Kasama si Chayo, Anais, Nancy, at Ciara. May iilang nakakita sa ginawa kaya lumapit
agad sa amin para makuhanan ng picture. Hinanap ko si Margaux pero sa sobrang abala
yata kay Romnick, wala nang pakealam kung hindi na masali sa picture.

"Halika, Sancha. Picture tayong dalawa!" si Steffi naman ngayon.

Lumapit ako sa kanya at hinayaan ang isang selfie. Pagkatapos ay nilingon niya ako,
nakangiti na ngayon.

"Kumusta na kayo ni Lonzo?"

Nagulat ako roon. Nakita kong napabaling si Chayo sa amin, kuryoso rin yata.

"Ano ka ba, Steffi. Hindi nga niyan bet si Lonzo. Tama na!"

Tumango ako. "Hindi kami ni Alonzo."

"Ah!" Tumawa siya. "Noong nakaraan kasi sabi dumidiskarte sa'yo. Nililigawan ka?"

Umiling ako. "Hindi!"

"Talaga? Eh, alam ng lahat na may gusto 'yon sa'yo, ah? Hindi na kataka taka kung
liligawan ka no'n!"

"Steffi..."

"Alonzo is older. Isn't it inappropriate?" si Anais.


"Hindi siya nanliligaw sa'kin," agap ko.

"Hindi na ako magtataka kung liligawan niya si Sancha, Anais. Hindi niya nga
tinatanggi ang tsismis, e. At kung tatanungin sino ang gusto niya, alam mo na ang
isasagot. Kaya tingin mo makakahadlang sa kanya ang kahit ano sa pagligaw kay
Sancha?"

I can't believe I'm in some family event and this is our topic.

"Sancha!" Kuya Manolo called.

"Po!"

"I don't think Kuya Manolo would let that happen, too," si Chayo.

"Excuse me..."

Natuwa ako na matanggal sa crowd na iyon. Kahit pa para ipakilala sa iilang mga
negosyante.

"Opo! For this summer, while Ate Paloma's gone for their honeymoon, iti-train ko na
si Crisanta sa azucarera."

What? Kuya Manolo saw the question in my eyes. He only smiled at me and nodded.

"Ano bang kukuhanin mong kurso, hija? And my, dalagang dalaga ka na!"

"H-Hindi ko pa po alam." Nursing? I don't know.

"Business, of course," si Kuya Manolo na ang nagdesisyon ng para sa akin. "Tutulong


ito sa azucarera."

Umuwi na ang mga panauhin. Hindi lang sa kanilang hotel, ang iba'y lumakad na sa
kani-kanilang out of the country trips, others went home to Altagracia. Kami naman
ay nanatili sa Cebu para makapagbonding pa sa extended family namin, ang pamilya ni
Kuya Ramon.

Romnick is now busy texting Margaux. I could roll my eyes while he talks about how
beautiful and sexy Margaux is. Hindi ko na gustong malaman ang iba pang detalye ng
pagiging magboyfriend at girlfriend nila.

Naghahanda na ang mga tauhan namin sa Altagracia. Pagkauwi namin, kinabukasan ay


ang salo-salo na roon. Imbitado ang lahat ng tauhan at pamilya nila sa planta kaya
mababa na ang isang libo na panauhin noon. Pagkatapos ng salo-salong iyon, aalis na
si Ate Peppa at Kuya Ramon para sa kanilang honeymoon.

"Hindi ba ako mag nu-nursing, Kuya?" I asked Kuya Manolo while we're on the plane,
going home.

Papasok na sana sa tainga niya ang earphones nang tinanggal niya at umismid sa
akin. "You're not for that. You don't know what you're talking about. You'll deal
with sick people and you'll care for them. Are you ready for that? O naaakit ka
lang sa mga nakaputi?"

Ngumuso ako at natantong tama siya. Kailangan ko na ring seryosohin ang pag-iisip
tungkol diyan lalo na't sa pasukan, last year ko na sa JHS.

"You're right."
He laughed. "Take up business. Para kung gusto mong tumulong sa azucarera,
magagamit mo ang kurso mo."

Hindi man naka trahe si Ate Peppa, nagsuot naman siya ng isang mahabang puting
damit na papasa na ring wedding gown. Kuya Ramon is on his comfy white button down
longsleeves and khaki pants for the party. Mommy adviced us all to dress in semi
formal so people would still feel that it's a wedding party.

May make up artist at designer pa rin para sa aming mga damit. I wore a simple soft
pink tube romper with long pants to elongate my legs. My hair is in a simple side
braid.

Hindi ko alam kung bakit napuna ko ang kaba ko ngayon kumpara sa mismong kasal ni
Ate Peppa na hectic at sobrang daming importanteng tao. I didn't even feel nervous
that day but today, I'm literally sweating bullets.

"Handa na ang big screen sa labas?" narinig kong tanong ni Daddy sa isang
kasambahay.

"Big screen, Dad?"

Mommy is busy fixing Daddy's shirt. Nasa sala kami at sabay na pupunta sa backyard
namin, kung nasaan ang lahat ng bisita.

"Oo. Ipapakita ang pictures at video ng kasal ng ate mo, Sancha. Syempre gusto ring
makita ng mga empleyado iyon."

I remember my pictures from the official photographer. My lips parted and my hand
immediately flew to my mouth.

Namamanhid na ako nang sabay-sabay kaming pumunta sa handaan. Wala akong


maramdaman. Ni pagtapak ng sapatos ko sa damo, hindi ko maramdaman. I think my soul
got lost or something. Uminit lang lalo ang pisngi ko nang narinig ang magarbong
pagpapakilala kay Ate Peppa at Kuya Ramon na para bang hindi kilala ng lahat.

"Mabuhay ang bagong kasal!"

"And of course, this won't be possible without their family, our boss, Mr. Crisanto
Alcazar and Mrs. Camila Alcazar!"

Para akong mahihimatay nang binanggit kami ni Kuya Manolo. Kuya Manolo looked at me
twice before he noticed. Nagpalakpakan na ang mga empleyado na naka pormal na damit
din habang nakaupo sa nakalatag na mga round tables.

"Smile, Sancha."

It's worst because my smile probably looked constipated. Laking ginhawa ko nang
naupo na kami sa lamesa. Nagspeech si Daddy, Mommy, Ate Peppa, at Kuya Ramon.

"Samahan n'yo ang kapatid n'yo sa pagbati sa mga bisita," bilin ni Mommy sa amin ni
Kuya Manolo pagkatapos ng speech.

My horror was screaming inside my head as Kuya Manolo agreed.

Siniserve na ang pagkain nang tumayo si Ate Peppa at Kuya Ramon para isa-isahing
puntahan ang mga lamesa kasama ang photographer. Uminit ang pisngi ko nang pagtayo
ko, nakita ko si Alonzo sa malapit na lamesa.

Nakatingin na siya sa akin nang natanaw ko siya. He tore his eyes off me and drink
on his glass of water. Tumikhim ako at sumunod na kay Kuya Manolo na sumusunod
naman kay Ate Peppa at Kuya Ramon.

Kuya Ramon shook the hands of the employees who said their congratulations kaya
ganoon din kaming tatlo. Ang iba'y bumati at nahihiyang magpapicture pero dahil
friendly talaga si Ate Peppa, tuluyan niya ring napagaan ang loob ng lahat.

I can't pinpoint what is it that I'm feeling. While walking towards the tables, I
feel like I'm floating in the air knowing that... somehow Alonzo is watching me
from where he is.

Lumapit si Ate Soling nang napansin na medyo nainitan ako.

"Ayos lang, Ate."

It was actually late in the afternoon and the sun isn't that fiery anymore.
Talagang nininerbyos lang ako.

While the food was served, sa big screen naman nagsimula na ang presentation ng mga
pictures. My face heated when the third picture showed my face with a the entourage
flower.

"Ganda mo, Miss Sancha!" sabi ng isang empleyado kung saan kami na lamesa.

"Salamat po."

Nilingon ko ang banda nina Alonzo at nakita kong titig na titig siya sa screen
ngayon. May dumaang waiter sa harap niya at gumilid lang ang ulo para hindi maputol
ang titig sa screen. May kumalabit sa kanya sa tabing lamesa at ang isa'y tinulak
pa ang likod niya. He only laughed and glanced at them before he continued watching
the presentation.

Nang muli siyang inasar, saktong nahanap niya ang tingin ko. He pursed his lips and
faced his table. Hindi na binalik ang tingin sa screen at ibinaling na ang
atensiyon sa pagkain.

"Congrats Ate Peppa! Ang ganda n'yo sa pictures ni Sancha!" bati ng isang classmate
na dala ng empleyado niyang mga magulang.

"Thanks."

My heart is beating so fast as we approached the next table. Umulit ang


presentation ng pictures. Laking pasasalamat ko dahil medyo nahihiya rin ako sa
video. Naroon din kasi ako.

"Congratulations, Peppa, Ramon!" si Mr. Salvaterra na tumayo nang tanggapin ang


kamay ni Kuya Ramon.

My eyes narrowed slightly because the manners is just very evident on his father.
Hindi lahat ng nakipagkamayan sa amin ang tumayo nang tinanggap ang kamay. Ganoon
din ang Mama ni Alonzo nang kamayan si Ate Peppa. Alonzo did it, too, when he said
his congratulations to my sister.

Nasa likod ako ni Kuya Manolo. Kanina'y ang iba't tinapikan na lang ni Kuya at ako
naman, binati na lang pero para sa pamilya nila, isa-isa talaga kaming kinamayan.

"Ang ganda mo hija. Dalagang dalaga ka na."

"Thank you po."


Huli si Alonzo sa pakikipagkamayan. Si Kuya Manolo'y pabirong tinapik ang kamay ni
Alonzo. Akala ko'y hindi na kami magkakamayan pero inilahad niya iyon sa akin.

"Congratulations..." he trailed off a bit.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Wearing and old short sleeved white polo and a
black slacks, he stood there tall.

"Ang ganda mo sa kasal... at ngayon..." aniya sabay tingin sa kamay niyang nasa
ere.

"Thank you," I said in a very formal way, hiding the insane tension I'm feeling.

Sumulyap si Kuya Manolo sa akin. Mabilis na binawi ni Alonzo ang kamay pagkatapos
ng ilang sandali kong pagtanggap doon.

"Oo nga po, eh!" dismayadong balita ni Ate Peppa.

"Ayos lang 'yan. Ganyan talaga. Kaya na 'yan ni Sir Manolo," ang Mama ni Alonzo.

Tumawa si Kuya Manolo. "Iti-train ko nga si Sancha sa azucarera ngayong summer."

"Oh?" Napasulyap sila sa akin. "Naku!" his mother sounded worried, as if I am not
made for any work.

Tumawa ulit si Kuya Manolo. "Senyorita 'yan sa akin at gusto ko ganyan lagi, pero
hindi na rin masama kung may alam siyang gawin sa azucarera, kahit paano. In case
lang po..."

"Oo nga naman pero..." Ngumiti ang Mama ni Alonzo sa akin.

Uminit ang pisngi ko.

"Sa opisina lang naman po. Hindi ko papayagan 'tong mainitan at mastress!" agap ni
Kuya Manolo.

"Mabuti naman kung ganoon."

Sumulyap ako kay Alonzo bago kami umalis sa kanilang lamesa. I saw him watching me
and he smiled a little bit. Nanginginig ang labi ko nang pinilit kong ngumiti.

"Sancha!" si Kuya Manolo nang may naglalahad na pala ng kamay sa akin at hindi ko
namalayan katitingin ko kay Alonzo!

"Po! Sorry po!"

The party was exhausting. Lalo na dahil sinuyod namin ang ilang lamesa. Ni hindi
ako ang kinasal pero dahil kailangan naming bumati sa mga empleyado, nandoon ako.

"Magpahinga ka muna," si Kuya Manolo nang napansin ako.

Nagtawag ulit kay Ate Soling. Umiling ako. I hate that people seem to expect that I
am the softest Alcazar in this household. Hindi puwedeng napapagod, hindi puwedeng
nagtatrabaho, hindi puwedeng matagal umuwi, hindi puwedeng lahat... but then I'm
too pampered my whole life I'm so used to it.

"Hindi na, Kuya. Kaya ko pa naman."


Tinapos ko iyon. The achievement I felt after the exhausting encounters with all
our employees and their family made me so weak. Ganoon din siguro ang nararamdaman
nina Kuya pero siyempre hindi pinapahalata at patuloy ang party.

Gabi na nang bumalik kami sa lamesa. Lumamig na ang aming hapunan pero naging
masarap pa rin iyon dahil sa gutom na naramdaman.

Nag anunsiyo si Daddy ng holiday sa planta at inuman sa gabing iyon. I smiled as I


ate my food. Tuwang-tuwa ang lahat. Uminom ako ng tubig at hindi na tinapos ang
napakaraming pagkain sa aking pinggan.

Nakihalo si Mommy at Daddy sa kanilang mge empleyado, ganoon din si Ate Peppa at
Kuya Ramon. Si Kuya Manolo, naroon sa isang grupo na puro lalaki at ako na lang ang
natitira sa long table namin.

Sina Ella at ang mga classmate naman ay nasa malayong mga lamesa. Iniisip kong
makihalo roon para may makausap ako pero masyado pa akong napagod. Itinuring kong
pagpapahinga ang pag-upo roon sa long table namin.

"Alonzo! Sa'yo na ulit!" sabay tawanan.

Napalingon ako sa mga lamesa. May iilang nagsasayawan na at nagtatawanan. Nakita


kong inabutan si Alonzo ng inumin. Tiningnan at inamoy niya ang inumin. Nahanap
niya ang tingin ko at binaba agad ang baso. Nakita kong inilapag niya iyon sa
lamesa at may sinabi sa mga kasama.

I cleared my throat and looked at my food. Bigla akong napahikab at natanto na


talagang pagod pa ako. Siguro sa ginawa sa araw na iyon at sa biyahe pa kagabi.
Hindi pa ako nakakabawi. But then... I don't want to go to bed this early. The
party is still going on.

Kinusot ko ang gilid ng mata ko, may kaunting luha na roon sa hikab at pagod. Then,
I glanced at the crowd again. Naabutan kong nakatingin si Alonzo sa akin. He took
his phone out for a bit. Naroon ang atensiyon niya, may tiningnan siguro o t-in-
ext.

I suddenly remember my phone too so I took it out of the purse beside my plate.
Walang mensahe roon.

Humikab ulit ako at napabaling sa nagkakatuwaan. I saw how Alonzo stared at the
screen of his phone before he clicked something and it went dark. He swallowed and
looked at the people he's with before he glanced at me. Iniwas ko ang tingin ko at
tiningnan ngayon ang cellphone na wala namang text.

Nagtagal ang tingin ko sa cellphone. Hindi ko alam kung bakit dumaan sa isipan ko
na matagal na nang huli niya akong t-in-ext. Sa taon na ito, wala na. Ang mga
training nila ni Soren, si Soren na ang tini-text niya.

I don't know why I'm thinking about that at this moment, though.

I glanced at the crowd again and saw Almira, and some of his classmates now coming
to his table.

Mabilis akong bumaling sa lamesa ko at ilang sandaling tinitigan ang cellphone. So


silly of me to think that...

I sighed and yawned again. I'm so sleepy, anyway.

"Ate Soling..." I called.


"Sancha?"

I smiled. "Pagod na ako. Pakisabi na lang sa kanila Daddy at Kuya Manolo na


matutulog na muna ako."

"O... O sige. Halika na at ihatid na kita sa kuwarto mo."

"Kaya ko na. Pakisabi na lang po at nahihiya akong magpaalam." I smiled.

Tumayo ako at dire-diretso nang tinahak ang pabalik sa aming mansiyon. 

💕💕💕
KABANATA 10

Birthday

Syempre kasama ko si Ate Soling sa opisina. Sa pag-alis agad ni Ate Peppa at Kuya
Ramon ang unang araw ko sa azucarera.

"This is nothing serious, alright? But I want you to take this opportunity to
learn," bilin ni Kuya sa akin, kumakain kami ng hapunan.

Maaga siya bukas at ako naman ay hahayaan niya kung anong oras na papasok. Hinanda
niya ang isang maliit na lamesa sa akin, hindi nakabukod sa ilang mga empleyado
nang sa ganoon ay may mapagtanungan ako kung wala siya.

"Why can't Manolo just give this vacation to Sancha?" si Daddy.

Hindi ko alam na hindi pala sang-ayon si Daddy na ipagtrabaho ako sa azucarera. Si


Mommy naman ang sumusuporta rito.

"Hayaan mo na, Dad. Kailangan pa rin namang matuto ni Sancha at sa ganitong edad
din si Peppa dinala roon para magtrabaho."

"Opo, Dad. Ayos lang naman po sa akin."

"You should just enjoy the vacation."

"The two weeks of vacation was already enough. Masaya na rin po ako sa birthday ko
no'n kaya tingin ko, ayos lang na matuto ako ngayon."

Daddy sighed and nodded.

Wala si Kuya nang dumating ako sa opisina. Abala raw sa pagdidiskarga sa warehouse
kaya ang isa sa mga supervisor ang nagpakilala sa akin sa mga empleyado. Kilala
naman talaga ako ng lahat pero kailangan lang malaman nila na pansamantala akong
mag-aaral sa pagtatrabaho rito.

Mainit ang pagtanggap ng lahat sa akin. They were all friendly and grateful for me
even when I don't think I lessen their work load.

Nasa inner office ako, malapit sa opisina ng Papa ni Alonzo. Dahil nakabukod iyon,
simpleng bati lang kapag lumalabas siya. Nasa labas naman ang opisina ng Mama ni
Alonzo kaya mas madalas na kami ang magkita.

"Ito ang bilin ni Sir Manolo na gagawin mo. I-eencode mo lang ito, Miss Alcazar."

I nodded at the supervisor. "Sige po."


While encoding on my computer, nagulat ako nang lumapit ang Mama ni Alonzo sa
lamesa ko. Bahagya kong narinig ang kaunting komosyon sa outer office. Nang
lingunin ko kanina, may tindera ng turon at iyon ang pinagkakaguluhan ng lahat.

"Kumakain ka ba nito? Ano nga ulit ang allergy mo, hija?" tanong niya.

Umayos ako sa pagkakaupo bago tumango.

"Kumakain po ako niyan. Uh... nuts po ang allergy ko."

She glanced at the small brown bag and then she smiled.

"Ayos lang 'to."

"Salamat po!"

"Walang anuman. Magtanong ka lang kung may problema ka sa ginagawa mo, ah?"

"Opo!"

Tinalikuran niya ako at dumiretso na sa kanyang lamesa. Tiningnan ko ang outer


office at natantong dapat din pala bumili ako at nilibre ko silang mga nandito.
Nakakahiya na ako pa ang binibigyan!

I sighed and looked at Mrs. Salvaterra. Hindi malayo ang tangkad niya kay Mr.
Salvaterra. Maiksi ang buhok at siguro ilang taon lang ang agwat niya kay Mommy.
Her glasses made her look older but when I saw her on my Ate Peppa's wedding party,
she looked nice and timeless in her beige long dress and with her hair in a bun.

Nag-iisang anak si Alonzo. Hindi ko alam iyon noon pero kalaunan nakita ko namang
walang ibang Salvaterra sa kanila kundi silang tatlo lang.

Tama si Kuya Manolo. Madali nga lang ang hinanda niyang trabaho. Hindi pa natatapos
ang oras sa umaga, patapos na ako sa ginagawa ko. I reserved the next things later
and ate the turon instead. Dalawang piraso iyon pero isa lang ang nakain ko. Ni
hindi ko naubos dahil agad nabusog.

Eleven thirty nang may nagpaalam na sa akin sa opisina. Natigilan ako sa ginagawa
at tiningnan silang lahat na isa-isang umalis.

"Lunch break na, Sancha," sabi ng isang matandang malapit sa lamesa ko. "May baon
ka ba?"

Nakita kong kinuha ng matanda ang isang malaking lalagyanan ng pagkain. Ngumisi
siya.

"Ang iba'y umuuwi pero ako, dito na. Ang sarap kasi ng aircon sa ganitong
tanghaling tapat. Halika! Kain ka!"

"May pagkain yatang hinahanda si Soling sa opisina ni Paloma," sambit noong isa.
"Ako uuwi dahil may mga pamangkin din akong papakainin sa bahay!"

Ngumiti ako at tumango. "Sige po. Ingat po..."

I glanced at Mrs. Salvaterra. Palabas sa opisina ng asawa at nakita kong nilapag


niya ang malaking bag sa kanyang lamesa. Uuwi rin sila.

"Tapos na?" she asked, diretso ang tingin sa outer office.


My eyes darted there and saw Alonzo going inside. Naka t-shirt-uniform ng azucarera
at bahagyang sumulyap sa akin bago tumango sa ina.

Hindi ko alam saan titingin. Sa computer screen ba, sa mga dingding, sa ibang tao,
o ano. Hindi ko nga lang nakayanang hindi tumingin nang lumapit na si Alonzo sa
kanyang ina.

"Manananghalian muna kami, Sancha. Mananghalian ka na rin. Nasa opisina yata ng Ate
Peppa mo."

"Opo, Tita."

Sumulyap si Alonzo sa akin. Nakita kong kinuha niya ang bag ng ina.

"Alis na kami, Sancha..." he said.

His mother chuckled a bit. "Mauuna siya, magmomotor. Magsasabay kami ng Tito mo."

I nodded and smiled.

Sinundan ko ng tingin si Alonzo na ngayon ay palabas na ng opisina. Bago ko pa


makita na umalis na rin ang mag-asawa, dumating na si Ate Soling at inaya na ako sa
opisina ni Ate Peppa.

"Ang galing pala rito sa opisina ni Ate Paloma mo, Sancha. Kumpleto sa mga pagkain
sa ref. Pagawa ka rin ng opisina mo! Lagyan mo ng kuwarto para matutulog ako kapag
nagtatrabaho ka!"

Umiling ako kay Ate Soling. Mukhang ang nakikita niyang future niya ay ang
pagsusunod lang talaga sa akin, ah.

"Hindi ako magagalit kung gigisingin mo ako kapag may utos ka."

"Ate!" sumimangot ako.

She laughed and continued eating.

Pagkatapos kumain at maghugas ng pinggan ni Ate Soling, mahaba pa nga ang oras.
Nagawa niya pang matulog sa sofa ng opisina ni Ate Peppa samantalang dilat na dilat
ako sa swivel chair.

Ala una nang bumalik ako sa opisina. Naroon na ang Mama ni Alonzo at medyo abala na
sa kung anong ginagawa sa computer. Ilang sandali pa lang akong nakaupo sa lamesa
ko, naubos ko na ang ginagawa ko. Talaga bang ito lang ang ipapagawa ni Kuya?

Nag log in ako sa social media site at nakita na online si Kuya Manolo roon kaya
ch-in-at ko siya.

Ako: Kuya, tapos na ako. Ayos na ba 'to?

Manolo Alcazar: Oo. Bukas na naman.

Nagtaas ako ng kilay.

Ako: Nasaan ka ba?

Manolo Alcazar: Nasa warehouse, busy pa ako.


Suminghap ako at nakitang may isang matandang empleyado na nahirapan sa piniprint
na dokumento. Nakahanap na ngayon ng ibang mapag-aabalahan, pinatay ko ang social
media account at dumiretso na roon para tumulong.

However, an hour and some errands later, I have nothing to do again. Nasa ibang
lamesa na ako pagkatapos mag troubleshoot ng computer at nakatunganga na dahil wala
nang ginagawa. Tumayo ako at unti-unting naglakad patungo sa pintuan ng opisina.

Si Kuya Manolo... nasa warehouse. Aling warehouse kaya?

Hindi ko alam. I opened the door and went out. Medyo mainit lalo na't galing ako sa
aircon na opisina pero bearable naman. Iniisip ko si Ate Soling na nasa tabi ng
upuan ko sa loob, natutulog. Buti na rin na hindi ko na siya isasama para
makapagpahinga naman siya.

Naglakad-lakad ako. Tinahak ko ang daanang pang empleyado para may silungan.

Malawak ang aming azucarera at ilang warehouse ang mayroon. Ang malapit sa opisina
ay ang unang warehouse at ang makinarya. Natatanaw ko ang patuloy na pagdidiskarga
ng naglalakihang truck na may dalang mga tubo. Nagkalat ang mga trabahante sa
mainit na field, nag-aantay sa mga tubo. May ilang galing sa makinarya, dinadala
ang tapon sa tubo at ipinapasok sa truck para maihatid sa ibang warehouse.

Nahagip ng mata ko ang nahulog na sako. Ipapatong na dapat sa truck pero nahulog
iyon ng kung sino. I stopped when I realized who it was.

"Alonzo! Ayusin mo, 'tol!" sabay tawa ng lalaking nasa taas ng truck.

Mabilis na napulot ni Alonzo ang dala sabay tingin sa akin bago walang kahirap-
hirap na inangat sa truck. May tumawa at sumipol.

"Ah! Alam ko na!"

Alonzo glanced at the men and they immediately stayed quiet. Dahan-dahang bumalik
si Alonzo sa makinarya. Nilingon ko ang kabilang warehouse, iniisip kung pupunta pa
ba roon o baka mapalayo ako.

Pagkatapos ng ilang sandali, lumabas na si Alonzo at may dala ulit na sako. My lips
pursed and I realized how hard his work is. Naaalikabukan at mukhang puro pa
mabibigat ang dinadala. Iniwas ko ang tingin nang inangat niya ang sako sa truck.
May isa pang nakahulog ng isa pang sako at nakita kong umambang tutulong si Alonzo.
Muntik na rin akong lumapit para tumulong kahit na wala naman yata akong bilang.

He glanced at me. Nakalabas na sa silungan dahil sa planong lalapit at tutulong sa


kanila. Tumikhim ako at kinakabahang umatras.

Unti-unti siyang lumapit, nagpupunas ng kaunting pawis sa noo. He had a chance to


come nearer but he didn't take the opportunity. Tumigil siya, ilang metro pa ang
layo sa akin, nabibilad pa sa araw.

"Si Kuya Manolo mo?" he asked.

I'm not even sure if I want to go to Kuya Manolo.

"Uh, sana. Wala na kasi akong ginagawa sa opisina."

Tumango siya at ngumiti. "Tapos na ang trabaho mo?"

"Kaunti lang kasi ang ibinigay ni Kuya at... madali lang."


"Mainit at maalikabok pa naman..." sabay tingin niya sa paligid. "Sigurado kang
gusto mong pumunta sa Kuya mo?"

"Uh... mamamasyal lang dito. Titingin lang kung... ano ano ang mga ginagawa."

Pinanood naming dalawa ang pag-alis ng truck. Doon ko narealize na may trabaho nga
pala siya. Baka mamaya naka istorbo pa ako rito!

"Uh... ayos lang ba? Ang trabaho mo?"

"Ah. Ayos na 'yon. Break naman namin pagkatapos noon."

Break! Break niya ngayon! Napabaling ako sa opisina at naalala ang nagbibenta ng
turon. Hindi ko napansin kanina pero baka may kakaning benta rin o baka mayroon sa
canteen dito.

"Hindi ka ba mag s-snack?" sabay baling kay Alonzo.

He was already watching me intently. "Mamaya na sa hapunan. Para isahang kain na


lang."

Kumunot ang noo ko. Hindi masyadong gusto ang narinig. He should eat at least and
drink some water.

"Anong ginagawa mo kung break mo, kung ganoon?"

"Dito lang. Nagpapahinga."

Umatras ako, para bang alam ko kung gaano kalayo dapat ang agwat namin kapag
nakatayo rito.

"Silong ka oh."

He smiled a bit and walked slowly towards the pathway. Nagpunas siya ng pawis at
malayo ang tingin ngayon. Nakita ko ang mga kasamahan niyang nasa shed at gaya
niya, nagpapahinga rin.

"Napagod ka noong party?" he asked out of nowhere.

"Hmm. Oo. Hindi pa nakabawi. Kadarating lang namin no'n galing Cebu."

Tumango siya. "Pansin ko nga. Umuwi na rin ako, noong umalis ka."

Unti-unti akong tumango, bahagyang nakaramdam ng kung anong kurot sa puso.


Tumahimik din siya at tumingin sa malayo.

"Belated happy birthday nga pala."

My lips parted. My face heated and I realized how he remembers my birthday!

"T-Thank you."

Nagcelebrate kami sa Cebu. Kung nasa Altagracia kami, nakaugalian na magpaparty


pero madalas ay out of the country kami dahil summer na iyon.

"Nagparty ba kayo?"

"Uh, sa Movenpick lang. Nag dinner kasama ang pamilya ni Kuya Ramon."
"Must be a nice place, huh?"

"Uhm... Oo. There's the beach, and swimming pool."

Nagkatinginan kami saglit. Tumango siya bago ibinaling sa malayo ang mga mata.
After a while, he cleared his throat.

"May kaunting salo-salo sa amin sa bahay. Sa Biyernes. Baka lang... puwede kayo ng
Kuya Manolo mo."

Nagtaas ako ng kilay. Anong mayroon?

"Salo-salo? Bakit?"

"Uh... birthday ko."

Napakurap-kurap ako bago dahan-dahang tumango. We have the same birthmonth and I
don't even know.

"Tanghalian sana..."

Ngumuso ako at naalala na unang linggo ko ito sa trabaho. "Subukan ko. Sabihin ko
kay Kuya... pero..." ngumiti ako. "Uh... aabsent ka?"

He chuckled a bit. "Baka... kailangan, e. Walang ibang maghahanda."

Kinagat ko ang labi ko. "Subukan ko lang. Unang linggo ko kasi sa trabaho at...
ayaw kong lumiban."

Mabilis siyang tumango. "Naiintindihan ko. Walang problema."

Nakatingin na ulit siya sa malayo ngayon. I had the privilege to watch him as he
stare on the horizon and I realized how different we both are. In almost
everything.

"Sancha!" narinig ko ang sigaw ni Ate Soling.

Sabay naming nilingon ni Alonzo si Ate na tumatakbo patungo sa akin.

"Nalingat lang ako, wala ka na sa opisina!" she shouted and then when she noticed
Alonzo, she smiled. "Ay Alonzo, ikaw pala!"

"Magandang hapon po."

"Magandang hapon, din. Itong alaga ko talaga, saan saan nagsusuot. Ayaw pa naman ni
Sir Manolo mainitan at maalikabukan."

"Ate!"

"Oo nga, e. Ang init at maalikabok dito. Mas mabuti sigurong bumalik na kayo sa
opisina."

"Oo nga, tara Sancha!"

I sighed heavily. Medyo nakasimangot na tumingin kay Ate Soling pero umayos nang
sumulyap kay Alonzo at nakitang pinagmamasdan niya ako.

"Balik na ako sa opisina. Uh... magpahinga ka na sa break mo."


"Nakapagpahinga na," aniya.

Ate Soling coughed fakely.

"May ganoon?!" she laughed.

"Ate..."

"Bye, Lonzo! Salamat sa pagbabantay sa alaga ko habang busy ako!"

"Busy? E, tulog ka lang naman doon," sabi ko.

She laughed. "Sarap ng aircon doon, e. Tulo laway tuloy ako sa tulog ko."

Hindi ko nga lang nakita ang pag-alis nila sa hapon kasi alas kuwatro nang bumalik
si Kuya Manolo sa opisina. Inutusan niya agad si Ate Soling at ang driver na iuwi
na ako. Bukas na raw ang karagdagan kong trabaho kaya hindi pa nakakaalis ang mga
empleyado, pauwi na ako.

💕💕💕
KABANATA 11

Card

"Nakikinig ka ba, Sancha?"

Kanina pa nagku-kuwento si Soren sa akin tungkol sa mga karanasan niya sa


California. At first, I felt genuinely interested but as his stories go on, I
spaced out and I felt so guilty.

"Sorry, ano 'yon?"

Hinarap ko ng mabuti ang cellphone para sa aming videocall.

"Hay! Are you so bored with your summer?" he asked.

"Uh... Not really."

"Ano nga ang ginagawa mo? Nag tatrabaho sa azucarera? Ba't wala kayong travel
ngayon?"

"Siguro gusto lang munang magpahinga ni Mommy at Daddy kasi katatapos lang ng kasal
ni Ate Peppa. Medyo abala kami earlier this year and last year para roon kaya
'yon."

"Aww. I feel bad for you, though. Your summer is so plain and boring."

"Ayos lang naman. Natututo naman ako sa planta kaya maganda pa rin."

Kaninang umaga ay nagtanong ako kay Kuya Manolo tungkol sa Biyernes na sinasabi ni
Alonzo. Tumanggi na ako sa kanya pero inisip ko pa ring puwede. If Kuya Manolo
agrees, I might consider it. Kahit saglit lang sa mismong lunch break.

"Makakapunta kaya tayo?" tanong ko kay Kuya Manolo.

"Natanong na rin ako ni Lonzo niyan kaso saktong may inspection niyan, e. Kaya
tinanggihan ko muna. Kailangan ka rin doon dahil first time mo 'yon makakaranas ng
ganoon kaya may ituturo sana ako sa'yo."
Nalungkot ako roon. Tinanggihan niya na si Alonzo.

"Ah sige, Kuya."

"Tanghalian kasi. Umaga ang dating ng inspector at hanggang tanghali na 'yan. Alam
mo na ang gobyerno, umaasa sa pakain kaya mahirap lumiban saglit. Lalo na aabsent
ang Mama at Papa ni Alonzo para riyan. Kung wala rin tayo, naku, mas lalong
mahirap."

"Okay, Kuya. Naiintindihan ko."

Iyon ang bumagabag sa akin nang naglakbay ang utak habang nag-uusap kami ni Soren.

"Excited na ako sa pasukan! Ta-try out agad ako! Nasisiguro kong makukuha na ako
ngayon!"

Ngumiti ako. "Ako rin! Kaya mo 'yan!"

"Thanks, Sancha! Kung hindi dahil sa'yo, hindi ako makakapagtraining."

"Si Alonzo dapat ang pasalamatan mo."

Tumawa siya. "'Tsaka na kapag natanggap niya na ako sa varsity. S'yempre, dapat
tanggapin niya ako kasi anong sasabihin ng iba kapag hindi? T-in-rain niya ako
tapos walang improvement?"

"Soren... hindi ka dapat ganyan mag-isip."

"I'm just being real, Sancha. Anyway, I'm confident he'll get me. I improved a lot,
right?"

Hindi ako agad nakasagot. Oo nga at nag improve siya pero hindi ko matanggap ang
huling sinabi niya. Naaalala ko rin si Alonzo sa huli naming training. He did not
even ask for our help, even when it should be part of the training. Kahit pa
binabayaran siya, I don't think it is enough reason for him to not let us help him.
It's just a simple thing.

"Yes, Soren. You improved but I don't think Alonzo will get you just because he
trained you. Isa pa, hindi ka dapat nagmamayabang dahil paano kung may mga
transferee na magaling din. Mas magaling pa sa'yo-"

"Oh come on, Sancha! You should be my number one fan. Ba't parang dinidescourage mo
ako?"

"Hindi naman sa ganoon, Soren. It's just important to give proper credit where it's
due, and to respect your coach..."

"Nirerespeto ko naman si coach, ah? Ikaw talaga, kung ano ano ang iniisip mo.
'Tsaka ba't concerned na concerned ka kay Alonzo? Crush mo siya?"

"H-Huh? Hindi, Soren. Sinasabi ko lang naman ang tingin ko."

"Hay naku! Ang mabuti pa, magtravel ka. Bored na bored ka riyan, kung ano ano ang
naiisip mo..."

Laging tumatawag si Soren sa akin. Gabi-gabi at naappreciate ko 'yon dahil hindi


pareho ang oras naming dalawa. The effort he puts on just so he could call me every
night is amazing. Lagi rin siyang nagpapaalam sa akin na may bibilhing mamahaling
pasalubong. Kahit pa lagi kong sinasabi na kahit huwag na, bumibili pa rin siya ng
para sa akin.

Sa ilang araw ko sa trabaho, lagi'y magagaan lang ang ginagawa. Minsan mas
natatagalan pa ako sa pagtulong sa mga kasama kaysa sa mismong trabaho ko. It's
okay, though. I think helping our colleagues is part of what my brother wants to
teach me.

Matamlay akong pumasok ng Biyernes. Pinagmasdan ko ang hindi kalayuang lamesa sa


lamesa ko. Walang tao roon.

"Hindi pumasok si Laura?" narinig kong usapan ng isang matanda sa likod.

"Oo. Maghahanda nga yata sa salo-salo. Pero nariyan si David. Half day daw."

I glanced at my computer. Siguro hindi nag-absent ang Papa niya dahil sa


inspection. Kailangan nga naman dahil isa siya sa may malaking tulong kay Kuya lalo
na sa ganito. Or maybe my brother ruthlessly ordered him to not skip this day. I
hope not.

"Sancha, sabi ni Sir Manolo sumama raw kayo sa inspection ngayon," utos ng isang
supervisor.

"Opo."

Hinanda ni Ate Soling ang malaking payong, pamaypay, at inumin. Hindi ko inakala na
aabot ang araw na parang gusto kong agawin na lang sa kanya ang mga iyon at huwag
na siyang isama. I feel so sheltered when she's around.

Matamlay akong sumunod kay Kuya Manolo habang sinasamahan ang iilang taga gobyerno
habang sinusuyod ang mga warehouse.

Tahimik akong nakinig at nanood sa mga ipinapakita ni Kuya Manolo. Ilang beses kong
napansin ang paglipad ng isipan ko. It was always an effort to drag myself back on
the present.

"Gutom ka na? Inom ka ng tubig para hindi ka mauhaw," si Ate Soling.

Tinanggap ko iyon at uminom na sana. Napabaling ako sa dumaang track at pakiramdam


ko sa init ay nagdedeliryo na ako.

"Is that Alonzo?" hindi ko na napigilan.

Sumulyap kasi sa akin bago nagpatuloy sa ginagawa. Imposible iyon dahil birthday
niya ngayon! Hindi ba sinabi niyang aabsent siya?

"Huh?" si Ate Soling na abala sa mga gamit ko.

"Sancha," tawag ni Kuya Manolo nang nakitang naiwan ako.

Umalis na ang truck patungo sa warehouse malapit sa opisina. Kasama roon si Alonzo
kaya hindi ko na nakita kong siya nga ba iyon. Nilapitan ako ni Kuya Manolo nang
nakitang hindi pa rin sumunod.

"A-Akala ko ba aabsent si Alonzo?" sabi ko kahit hindi pa nakukumpirma. "Hindi ba


birthday niya?"

"Oo, e, mamayang gabi na lang daw ang handaan. Half day 'yon ngayon dahil tutulong
mamayang hapon. Makakapunta tayo pero saglit lang."
Namilog ang mga mata ko sa sinabi ni Kuya.

"Nilapitan ako kanina at sinabi sa akin na mamayang gabi na raw ang salo salo nila.
Kaya sinabi ko makakapunta na tayo."

Tumango ako at hindi na makapagsalita sa gulat.

"Halika na at sasamahan pa natin sila sa canteen, kung nasaan ang hinanda ko para
sa kanila."

"Opo!"

Doon na rin kami nananghalian sa canteen. May hinanda rin si Kuya para sa nag-
iinspection at utos niya sa tauhan na kapag umalis na ang mga ito'y paghahatian ang
sobrang handa dahil sinali niya naman ang mga empleyado sa budget.

Alas dos na nang nakabalik ako sa opisina. Wala na ang Papa ni Alonzo at nasisiguro
kong umuwi na rin si Alonzo. Nasa opisina ako ngayon ni Ate Peppa at naghihilamos
pagkatapos ng nakaka stress na paggala sa ilang warehouse.

"Buti naghanda ako ng extra na damit mo dahil alam kong mapapagod ka sa gagawin
n'yo ngayon."

Napatingin agad ako sa hinanda ni Ate Soling. Kinuha ko agad iyon at nagpasyang
mag-ayos ng mabuti lalo na't may lakad pala kami ni Kuya mamayang gabi.

I changed in a pink floral halter top and a faded maong skirt. Ni hindi ko alam
kung bagay ba iyon pero wala akong magawa dahil iyon ang dala ni Ate Soling.
Though, I could easily tell her to get me a dress but I don't want to look too made
up. It's just a birthday party after all.

Birthday party. Alonzo's birthday.

Wala akong regalo. Hindi ko inisip iyon noong nakaraan. Hindi ko alam kung dahil ba
hindi naman kami pupunta o wala lang talaga akong pakealam sa kanya pero ngayong
pupunta na kami, nakakahiya na wala man lang akong ibibigay. It is common courtesy
to give something when there's a party... lalo na kung birthday.

"Wala akong gift," sabi ko.

"Anong sabi mo?" si Ate Soling na inaayos na ang buhok ko ngayon.

I didn't mean to think aloud but I guess it won't hurt to ask Ate Soling. Uuwi na
sila ng driver mamaya dahil kami ni Kuya lang daw ang pupunta.

"Wala akong gift sa birthday ni Alonzo."

Pa unti-unti ang tawa ni Ate Soling at alam ko na agad ang nasa isip niya. I've
lived this life for almost four consecutive years with people teasing me about it.
I can't be wrong anymore.

"Ate, it's common courtesy to give gifts when there's a party. Iyon lang naman ang
iniisip ko. It's not like I can go out now and choose a gift. I have no time."

"Ba't hindi mo bigyan na lang ng sulat? Love letter."

"Love letter? I don't love Alonzo!"


Humalakhak si Ate Soling. "Ay oo nga pala. Birthday letter, kung ganoon?"

Birthday letter.

I imagine myself writing such letter. Then I imagined William Shakespeare. Masyado
naman yata 'yang romantic. Isa pa, hindi na 'yan uso sa ngayon. I didn't even think
about writing a letter for Soren, sa ilang birthday niya nang nagdaan.

"Wala bang mas modern?"

"Naku, hindi ko na alam. Ano? Punta na ba ako sa palengke at bibilhan ko ng pang


regalo mo?"

Then I remember my computer. What if I print a card? That's more modern, right?
Than... a handwritten letter?

Uminit ang pisngi ko. Wala naman sigurong masama kung gumawa ako. Itutupi ko at
ilalagay sa bag at kung mawalan ako ng lakas ng loob, puwede namang hindi ko na
ibigay. Ang importante, may dala ako at kung tingin ko kailangang magbigay, may
maibibigay ako.

That's it!

Binuhay ko ang computer ko para roon. Mabilis akong nag open ng software kung saan
ako puwedeng gumawa ng birthday card.

Happy birthday, Alonzo!

Iyan lang ba ang dapat ilagay? Bakit? Ano pa bang idadagdag ko? A short message,
perhaps? Something that sets it apart from other cards. The design sets it apart.
So what if it's very generic? It's okay, Sancha.

Happy Birthday, Alonzo!

May all your dreams come true.

Sancha

I put on cartoon balloons, and some cartoon cake until it looked cute. Muntik ko
nang madelete lahat nang tumawag si Kuya sa akin.

"Kuya."

"Sinabi ko na sa driver at kay Soling na umuwi na sila. Handa ka na? Lalabas na ako
ngayon, susunduin kita riyan."

"O-Opo! Wait lang. Sige..."

Hindi na tuloy ako nakapag-isip ng idadagdag dahil sa pagmamadali. Pinrint ko agad


at tinupi na bago ipinasok sa bag na dala. Hinihingal at kinakabahan akong pumasok
sa sasakyan ni Kuya Manolo.

"O. Buti ka pa, nakapagbihis. Uuwi pa ako sa bahay para magbihis. May lakad pa ako
mamaya," si Kuya bago pinaandar ang sasakyan.

"H-Huh? Anong oras ang lakad mo?"

Uuwi na naman kami ng maaga! Ba't ba laging may lakad si Kuya?


It's five in the afternoon and I'm suddenly bothered. Pakiramdam ko uuwi kami ng
alas sais. Pinaka matagal na 'yon!

"Basta uuwi tayo ng maaga. Pagkatapos kumain."

Sumulyap siya sa akin. Hindi ko napigilan ang pagkakalungkot.

"Wala ka rin namang kilala roon, e. Wala ang friends mo. Sina Levi at Leandro, alam
ko pupunta. Pero wala si Margaux o si Chayo. Kaya hindi ka rin matutuwa roon."

Kung sa bagay. Tama si Kuya. Without him, I'd be so out of place. Sure I'd talk to
Levi del Real, but who else is there anyway? Si Ella? Ang ilang kaklase kong
madalas pang mang-asar sa amin ni Alonzo. I'd die of embarrassment. I'd rather be
with Kuya Manolo, even if he goes home early.

Nasa labas pa lang kami ng bahay nina Alonzo, kita na ang medyo marami-raming
bisita. Purong mga kaibigan niya iyon. May iilan ding taga azucarera.

My heart is beating so loud I could hardly breathe. Nakahawak sa crossbody bag,


sumunod ako kay Kuya Manolo. Nahagip agad ako ng tingin ng iilang kaklase ni Alonzo
at may nakita akong agad nag-usap.

"Magandang hapon, Sir!" ang iilang taga azucarera.

"Magandang hapon!" sabay tawa at bati ni Kuya Manolo.

Nagtagal kami sa lamesa roon dahil nakipag-usap pa si Kuya sa mga empleyado.


Lumabas si Alonzo galing sa kanilang bahay at agad dumiretso sa amin.

"Kuya..." I called and pulled my brother's shirt because Alonzo is now preparing a
chair and a table especially for us.

"Happy birthday, Lonzo!"

"Salamat po! Salamat sa pagpunta, Sir!"

"Ikaw pa! Malakas ka sa akin, e!" Tumawa tawa si Kuya at hinagod ang tiyan. "Hindi
na nga lang kami makakapagtagal kasi may lalakarin pa ako mamaya. Gusto ko sanang
sumali sa inuman kaso... alam mo na."

"Ayos lang po. Upo muna kayo."

Sabay hila ni Alonzo sa isang silya. Inilahad ni Kuya Manolo sa akin iyon.
Nagmamadali agad akong umupo.

Dumating ang Mama ni Alonzo na may dalang dalawang bandehadong ulam at nilapag sa
lamesa namin. I noticed how other tables didn't have their own food.

"Naku! Mapaparami ang kain ko nito!" si Kuya Manolo sabay tawa.

"Kain ka! Medyo marami rami ang handa, nakapag ipon 'tong si Lonzo, e.
Napaghandaan!"

"Kuha lang ako ng mga pinggan," paalam ni Alonzo at umalis agad.

Nag-usap pa si Tita Laura at Kuya Manolo. Napasulyap ako sa ibang lamesa. Nakita ko
nga sina Leandro at Levi na nakatingin sa lamesa namin. Nakita ko rin ang mga
kaklase ni Alonzo. Naroon si Almira na nag-iwas ng tingin at may ibinulong sa
katabi.
Lumabas si Alonzo dala ang mga pinggan at kanin.

"Lonzo!" tawag ng kaklase ni Alonzo. "Gutom na rin kami!"

Tumawa lang si Alonzo.

"Tumigil ka, nariyan si Manolo..." someone on their table whispered.

My brother is too busy talking to Tita Laura, too. Nang natapos sila'y agad nang
nagdeklara ang Mama ni Alonzo na magdasal na para sa pagkain. She lead the prayer
and after a while, nagsitayuan na ang lahat at lumapit na sa loob ng bahay para sa
pagkain.

So... we have our own presidential table here outside and I don't get to see the
insides of their house. Sumulyap ako kay Alonzo na pabalik sa amin at may dalang
ibang ulam ulit.

"Ang dami na nito at mukhang masarap!" puri ni Kuya Manolo.

"Kuha lang ako ng drinks, Sir. At lechon."

"Ah! Kami na kukuha, Lonzo. Sancha!" si Kuya Manolo sabay tayo.

Tumayo rin ako.

"Ah, hindi na po. Ako na."

"Ayos lang 'yan. Kaya na 'yan ni Sancha. Kuha tayo ng lechon, Sancha!"

"Uh... Sige... Uh... kuhanan ko kayo ng inumin," si Alonzo.

Pumasok kami sa loob. The house is made of hardwood. Kahit mukhang luma na, mukha
namang matibay pa ang lahat ng ginamit. Malawak din ito. Kasing laki ng sala nila
ang sala namin sa mansiyon. Lalo na dahil high ceiling at kita ang ilang kuwarto sa
pangalawang palapag.

Pinagpi-piyestahan ng lahat ang isang malaking lamesa sa gitna. Nang nakita na


palapit kami'y agad na nagbigay ng daan ang mga tao. Kuya Manolo skillfully got
some part of the lechon and put it on my plate. Sumulyap siya sa akin at unti-
unting ngumiti.

"Gusto mo pa?"

"Ayos na 'to."

Tumango siya. "Akin naman."

Bumalik kami sa lamesa namin. May inumin na roon. Softdrinks at isang pitsel ng
malamig na tubig. Nagsimula na akong kumain at natatanaw ko si Alonzo na binibisita
ang mga kaibigan niya. Naroon siya kina Levi at Leandro, kasama ang iilang kasama
sa basketball.

He glanced near our table. Mabilis kong tiningnan ang pagkain ko at nagpatuloy na
lang. Kumain na kaya siya? Hindi ba siya kakain muna?

💕💕💕
KABANATA 12
Happy

Dumidilim na. They opened the outdoor lights kaya mas naging magaan ang ambience.
Mabilis akong natapos sa pagkain. Umiinom na lang ng tubig ngayon habang pinapanood
si Kuya na sarap na sarap sa mga nasa harapan niya.

Panay ang balik ni Alonzo sa lamesa namin, nagtatanong kung may kailangan pa.
Dinalhan na kami ng tissue, at nagdagdag na rin ng softdrinks para kay Kuya.

"Alonzo, dito ka muna sa amin!" narinig ko ang ilang kaklase niya habang nasa harap
namin siya, naglalapag ng bagong pitsel ng tubig.

Tumawa lang siya at tinanguan ang mga kaibigan pero saglit lang siya roon at
pumunta sa ibang lamesa para kausapin ang iba. Habang nasa malayo, bumabalik ang
tingin sa amin. Kinakabahan tuloy ako kapag lumalapit siya tuwing nagkakatinginan
kami.

"May iba ka pa bang gusto?" he asked as he glanced at our table.

Umiling ako at ngumiti. Tumango siya at kinuha ang pinggan ko at pinalitan ng bago.
Magsasabi sana ako na hindi na naman ako kakain pero masyado siyang mabilis sa
ginagawa.

Even his basketball teammates would call him but he won't stay for long on their
table.

"Ah busog na busog ako. Some desserts?" he uttered. "Anong sabi mo, Sancha? Cake?"

"Kuya!" sabay iritadong baling sa biro niya.

He laughed and touched my chin. Agad kong pinahiran ng tissue ang baba ko dahil may
amoy pa ng kinakain niyang lechon ang daliri niya.

Napatingin ako sa paligid, kinakabahan na baka narinig iyon ni Alonzo. Wala siya
roon. Buti na lang.

"I'm just kidding. Uuwi na tayo bago pa mahiwa ang cake. May lakad pa ako."

Before I could react, I saw Alonzo going out of their house. Mabilis na naglapag si
Alonzo ng isang tray ng cassava cake. Tumawa si Kuya at tumango.

"Thanks, Lonzo. Tamang-tama naghahanap ako ng panghimagas. Ikaw rin, Sancha?"

"Kuya..."

Kuya Manolo laughed. "Hindi ka dapat nahihiya kapag pumunta sa mga salo salo,
Sancha. By the way, Lonzo, pasensiya na talaga at pagkatapos nito, uuwi na rin
kami."

"Ayos lang, Sir."

Kinuhanan ako ni Kuya ng isang piraso ng cassava cake at nilapag sa pinggan ko.
Nagkatinginan kami ni Alonzo. Mabilis akong nag-iwas, naaalala ang ginawa kong
card. I guess it won't be of use, huh?

Unti-unti kong kinain ang cake. I know it isn't Alonzo's birthday cake but Kuya is
right, hindi na namin maabutan ang paghiwa ng cake niya dahil uuwi na kami ngayon.

Sinulyapan ko ang wrist watch ko at nakitang 5:48pm na. Six PM is my forever


curfew.

"Tapos ka na?" si Kuya pagkatapos ng ilang sandali kong pagkain. "Sana pala
nagbihis muna ako bago pumunta rito para kahit alas siete na tayo umalis."

Napabaling ako kay Kuya. Sana nga.

Tumayo na siya kaya wala na akong nagawa. Tumayo na rin ako. When Alonzo noticed
it, mabilis siyang lumapit.

"Alis na kayo, Sir?" sunod sunod ang mga tanong ng ilang panauhin.

Lumapit pa si Levi sa amin at ngumiti sa akin. Pagod akong ngumiti at tiningnan na


lang ang likod ni Kuya. I should be grateful that we went here, at least.

"Uh, Sir, may ipapadala sana ako para sa bahay n'yo," hindi ko napansin na naroon
na pala si Alonzo.

"Ah, ganoon ba? Naku! Nag-abala ka pa, Lonzo. Sige... Sancha, kunin mo muna."

"P-Po?!"

Napatingin ako kay Alonzo. Abala na si Kuya sa pakikipag-usap sa lahat ng mga


nagtanong. Naroon din si Levi na mukhang kakausapin siya.

"Uh, halika..." si Alonzo.

"Okay."

Sumunod ako kay Alonzo papasok sa kanilang bahay. May iilang tumitingin sa amin
lalo na ang mga matatandang panauhin. Pakiramdam ko uusok ang tainga ko kung
sakaling may pumuna, mabuti na lang at wala naman.

"Uh... si Mama ang gumawa nito," aniya, habang kinukuha ang cake.

"Siya rin ba ang gumawa ng cassava cake?"

"Oo," he glanced at me.

"Ang galing niya pala. Masarap." Samantalang masusunog yata ang kusina kung ako ang
nandoon.

"Ako naman sa ilang ulam," Alonzo said.

Napakurap-kurap ako at naalala ang masarap na ulam.

"Sa... menudo at tinolang manok."

"A-Ang galing mo palang magluto. Masarap din 'yon."

He smiled and looked away. "Salamat."

"H-Hindi ako marunong..." sabay tingin ko sa cake na inaayos niya.

"Hindi mo naman kailangang matuto. At... madali lang din 'yan, kung gusto mo."

Sasagutin ko pa sana siya kaya lang may napansin ako sa inaayos niyang cake. Sa
lamesa sa kanilang malaking kusina ang parihabang chocolate cake. Nakita kong may
"Happy Birthday Alonzo" roon. Kanina habang kumukuha kami ni Kuya ng lechon, naroon
ang cake sa gitna at alam ko na iyon ang cake niya.

"Cake mo 'yan!" puna ko.

Tumango siya. He put it on a carton box. Sumunod ako at pinanood ang ginagawa niya.
Medyo bothered at ayaw iyon.

"P-Paano ang sa mga bisita mo? Ang buong cake ang ibibigay mo?"

"Marami pa naman doon, e."

But... it's his main cake!

"P-Pero..."

"Ayos lang, Sancha. Para sa pamilya mo. Para sa'yo rin."

Napakurap-kurap ako habang inaayos niya iyon sa lamesa. Nilalagay sa isang box at
inikutan ng ribbon. My heart pounded so fast. Because of that, I felt like I should
somehow give him something. It's his birthday pero kami pa ang binigyan niya. Kung
hindi ko ibibigay itong dala ko ngayon, baka pagsisihan ko.

Alam ko namang maaaring importanteng tao kami para sa pamilya niya. My brother is
their boss and naturally my parents are also their main bosses. I just don't
understand why he can give his whole cake for us. Ni hindi ako sigurado kung
susulyapan 'yan ni Mommy at Daddy sa bahay namin! Sa dami ng pagkain doon, nothing
is very much appreciated anymore!

"Hindi na naman talaga kailangan. At... puwede namang hinati mo o 'yong ibang
cake."

"Okay lang, Sancha. Para sa inyo 'yan."

But it's his birthday! That was his cake! It was baked for him!

I felt so bad. Hindi ako makatingin ng diretso at hindi ko alam kung bakit. Because
of my guilt and sadness, I know I should somehow reciprocate. Now I have a reason
why I should give my card to him! That's it!

"H-Happy birthday!" nag-angat ako ng tingin sa kanya.

Tapos na siya sa ginagawa. Hinarap niya ako. He wasn't smiling but his eyes
remained on me.

"Thank you."

Bahagya akong ngumuso. Kabang-kaba pero nagpapatuloy. "Wala akong regalo. Sorry."

"Ayos lang! Hindi problema 'yan. Masaya na ako na pumunta ka... kayo..."

Paano ba 'yan, Sancha? Hindi kailangan ang card mo! Nabuksan ko pa naman ang zipper
ng bag ko. Kinagat ko ang labi ko at nag-angat ng tingin sa kanya.

I'm very tensed. I feel like anytime now, the earth will break and I will fall on
the cracks. Mahihimatay yata ako.

"It's okay, Sancha. I don't mind," si Alonzo na nararamdaman yata ang tensiyon ko.
Napasulyap siya sa bag kong nabuksan na. Kumunot ang noo niya bago ibinalik sa mga
mata ko ang tingin.

Hindi niya na raw kailangan ng card! O ng regalo! Siguro ayos na ang bati ko?! Ayos
na 'yon!

"P-Pero... may card sana ako, e." I chuckled nervously.

Nakita kong unti-unting namilog ang mga mata niya. I can almost feel the tension
he's giving off. He swallowed hard and licked his lips. His eyes darted on my bag
again.

"Talaga?!"

"Oo..." Pakiramdam ko kasing pula na ng kamatis ang pisngi ko ngayon. "Pero pangit
kasi at nakakahiya-"

"Meron? P-Patingin?"

He hesitantly closed the little distance between us.

I have never been this nervous and this tensed before. Nanginginig ang kamay kong
kinuha ang card sa bag ko na nagusot na sa tagal ng pagkakatupi roon. Tinanggap
niya agad iyon at binuksan.

"Pasensiya na. Nagprint lang ako sa office. Kaya-"

"Thank you!" he said as he looked at the card. "Sobra-sobra pa 'to, Sancha."

My face heated at his words. Lalo na nang maalala ko ang itsura ng ginawa kong
card. At sa likod noon kitang-kita ko na hindi lang tupi at gusot ang mayroon, may
kaunting punit pa!

"Nagusot pala at medyo napunit sa loob ng bag ko," I stated the obvious.

"It's okay. I'll... take care of it."

I have given so many people gifts, expensive and rare gifts, but I've never have
someone appreciate it this way. At sa lahat pa ng bagay na puwede kong ibigay,
isang printed card pa talaga na may gusot, tupi, at punit!

"Sancha?" si Kuya Manolo, galing sa labas ng kusina.

Alonzo swallowed hard and stared at my card for a while bago niya binaba. Gamit ang
kabilang kamay, kinuha niya ang cake. Nakapasok si Kuya Manolo nang nahanap kami.
Naglahad ng kamay si Kuya para sa cake, ngayon nakalapit na sa amin.

"Ako na po ang magdadala, Sir, sa sasakyan n'yo," si Alonzo.

"O, sige, Alonzo! Salamat! Let's go, Sancha..."

Kuya Manolo couldn't stop talking about the inspection. Palabas na kami kina
Alonzo. Bahagyang nakatingin ang mga kaklase niya sa amin habang nakasunod si
Alonzo sa amin ni Kuya.

"Ang busy naman ni Alonzo."

"VIP ang bisita," sabay tawa ng isa. "Uuwi na rin naman 'yan. Masosolo na natin
kapag wala na."
I wonder what it feels like to stay at parties and have a good time. To go home
only when you're really done... or you're bored? Siguro nga bata pa ako at hindi ko
pa nasusubukan iyon pero bakit ang ibang ka edad naman ay may karanasan na sa
ganyan ka simpleng bagay?

Binuksan ni Kuya ang pintuan ko habang kausap pa si Alonzo. Alonzo responded


politely at my brother's stories, but his eyes would always find mine.

"Dito na lang 'yan kay Sancha at baka mapano pa 'yan sa likod," si Kuya, tungkol sa
cake, bago umikot sa driver's seat.

Pumasok na ako sa SUV at nag seatbelts. Dahan-dahang nilapag ni Alonzo ang cake sa
kandungan ko.

"Medyo mabigat," aniya.

"Kaya ko naman."

Ilang sandali kaming nagkatinginan. I saw the card, still on his hand. Nakita ko
talaga ang kaunting tupi sa gilid. Muling uminit ang pisngi ko.

"S-Sorry ulit sa card."

Sumulyap siya roon at itinago niya. "Don't be sorry. This made me so happy."

My heart is almost on my throat. I sat there like a statue. I couldn't move or


speak more.

"Salamat, Sancha," dagdag niya.

Nakapasok na si Kuya Manolo sa driver's seat.

"Salamat, Lonzo! Happy birthday, ulit! Sarap ng handa n'yo!"

"Salamat din, Sir. Sa uulitin!"

Alonzo closed my door. Ilang sandali pa sa pagmamaneho ni Kuya bago ako tuluyang
nabalik sa aking sarili.

Nakauwi na kami at nilapag ko sa dining table namin ang cake. Tumakbo ako sa taas
para ibalita kay Mommy at Daddy na may cake akong dala galing sa mga Salvaterra.

"Bukas, hija. Isasabay ko 'yon sa pagkakape ko," si Daddy.

"Aw. My diet will be ruined," si Mommy.

I admit it. I was kind of sad because they were not even excited about it but I'm
still happy that they have plans to eat it.

Nakaligo at nakapantulog na ako nang tinanaw ang buong cake sa malawak naming
lamesa. Sa tabi ko ay ang cellphone.

Alam kong hindi na nagti-text si Alonzo sa akin at ganoon din naman ako sa kanya
pero... akala ko lang na sa gabing iyon, magpapasalamat ulit siya sa text. But he's
said thank you, enough... hindi naman siya nagkulang.

Sinundot ko ang chocolate moist na frosting ng cake at tinikman iyon. It tasted


delicious... and warm. Very different from the usual cakes we buy at expensive
restaurants.

Kinuha ko ang platito. Ayaw ko sanang sirain ang cake pero ayaw ko namang hindi
tikman. Humiwa ako sa gilid sa effort na hindi iyon masira at naglagay sa platito
ko.

I wonder what are they doing now? He's probably so busy with his guests... his
friends. And like usual... siguro may inuman. Umiinom pa naman si Alonzo.
Nalalasing kaya siya? Siguro... kasama ang mga kaibigan niya.

Ano kaya ang pakiramdam noon?

Hindi naman siguro masama kung... magtext ako para sa isang papuri sa cake na
tinikman.

I don't want to be the first one to text but I guess this is an exception.

Ako:

Masarap ang chocolate cake ni Tita Laura! Pakisabi sa kanya na nagustuhan ko. Thank
you!

Halos makagat ko ang dila ko sa gulat nang nagreply si Alonzo pagkatapos ng ilang
minuto.

Alonzo:

Nasabi ko na kay Mama. Masaya siya na nagustuhan mo. Gagawan ka raw niya ulit next
time.

But we don't really have any topic to talk about other than... this.

Ako:

Thank you! Enjoy your birthday!

Sa mga ka edad niya, puwedeng pag-usapan ang tungkol sa kurso, mga experiences, sa
school... sa kahit saan. Why am I still sixteen, anyway? It would be better if I
was older and... I could relate. Or lived a simple life where I can go home late
when there's a party.

Alonzo:

Nag enjoy ako. Hope you had fun, too.

Ako:

I had fun. Thank you!

Some... never ending thank yous.

Soren is right. I am boring.

Alonzo:

Matutulog ka na? Good night, Sancha.

Nalungkot ako bigla. Hindi pa ako matutulog. Kumakain pa ako rito. Pero iyon ang
sinabi niya... Iyon ang tingin niya.
Ako:

Yup. Good night to you, too, later. I know you'll still drink and party so...
enjoy!

Suminghot ako, hindi alam kung bakit biglaang nalulungkot. Hindi na nagreply si
Alonzo.

I want to text someone but I know Soren is busy right now. Iba ang time zone nila
roon. Si Margaux naman... nahihiya ako. Baka anong sabihin niya. At baka rin abala
siya kay Romnick sa mga oras na ito.

Sana hindi na lang pala ako kumain para mas mabilis akong inantok.

Alonzo:

Hindi ako iinom ng marami. Matagal pa akong matutulog dahil may gagawin pa
pagkatapos nito.

Ako:

Anong gagawin mo? After party?

Great! Maybe some after party, gaya ng ginagawa ni Kuya Manolo noong college siya?

Alonzo:

Magliligpit at maglilinis sa bahay namin, Sancha.

I stiffened. What a... different life.

Ako:

Oh. Okay. I'd like to offer help but... I'm at home.

Alonzo:

And you'll be sleeping by then?

Ako:

Bakit? Anong oras ba 'yan matatapos?

I felt bad. Dahil ba bored ako rito, ginugulo ko na siya sa party niya. Hindi dapat
siya nag ti-text at dapat kinakausap niya ang mga bisita. Iyon nga siguro ang
ginawa kaya matagal ang sunod na reply.

Alonzo:

Umuwi na ang iba. Hindi na siguro magtatagal ang natitira.

Ako:

Okay. I probably should sleep now. Good night.

Alonzo:

Good night, Sancha. Matutulog na rin ako pagkatapos nito.


Itinabi ko ang cellphone at pinigilan na ang sariling magtext pa.

💕💕💕
KABANATA 13

Fight

I've been so nervous going to work since the very first day. Akala ko maiibsan iyon
kalaunan pero hindi nabawasan. Hanggang ngayon, kabado pa rin ako tuwing pumapasok
sa trabaho.

I have little interaction with Alonzo since then. Kung hindi kami nakakapag-usap
tuwing lumalabas ako, isang tango at ngiti lang galing sa kanya kapag pumapasok
siya sa opisina para sunduin ang ina.

Weeks passed and it almost felt like this is going to be an infinite thing. Hindi
ko man lang namalayan na unti-unti ring nalalagas ang oras ng tag-araw at tuwi-
tuwina na ang bisita ng ulan.

One gloomy afternoon, when I'm done with my works and done with helping other
people, I went out of the office. Nakapantalon, t-shirt, at block heeled sandals,
tinahak ko ulit ang pathway patungo sa mga warehouse. Natigil ako nang sa
kalagitnaan ay nakita ko ulit si Alonzo na ginagawa ang trabaho niya.

Kinakarga ang sako sakong retaso ng tubo patungo sa mga truck na nakahilera at
naghihintay ng ilalagay.

Napakurap-kurap ako nang nakita ang hirap ng ginagawa nila habang ipinapagkasya sa
truck ang maraming sako. May isa pang nakahulog ng sako dahilan ng pagtulong ni
Alonzo roon. Nasira ang balanse ng pagkakapatong-patong kaya tinulak ni Alonzo ang
ibang sako para hindi mahulog ang lahat. Ang mga kasama niya'y unti-unting pinulot
ang mga nahulog at inaayos ulit sa taas.

Couldn't stand seeing him struggling, I went out of the pathway. Dire-diretso ang
lakad ko. Dahil abala ang lahat, huli na nang napansin ako ng isang trabahante.

Sa tabi ni Alonzo, tumulong ako sa pagtutulak ng sako kahit alam kong walang
bilang.

"Si Ma'am!"

Nakayuko si Alonzo noong una pero nang naramdaman ako sa tabi niya, mabilis siyang
bumaling. I saw how shocked he was when he saw me.

"Ako na, Sancha!" agap niya sabay lipat ng kamay sa parteng tinutulak ko.

Nilingon niya ang mga kasama at saktong natapos ang ginagawa nila.

"Excuse me, Ma'am," sabi ng isang trabahante nang unti-unting isasarado na ang
likod ng truck.

Bumaling ako at inisip pa ang gagawin.

"Okay na. Bitiwan mo na," he said as he stared at my hand, slightly unable to move
it with his.

"Oh!"
Umatras ako at hinayaan na sila sa ginagawa. Narinig ko ang sigaw ng isa na break
daw muna nila. Tamang oras nga ang paglabas ko dahil lagi'y sa ganitong oras naman
sila nagpapahinga sa trabaho.

Umalis ang truck. Nagsialisan din ang mga kasamahan ni Alonzo. He tried to put his
hand over my head, as if it's enough to shield me from the sun. BUt it's gloomy, I
don't need it.

"Silong ka muna," aniya at nagpatiuna na pabalik sa pathway.

Sumunod ako sa kanya. Nang bumaling sa akin at nakita ang distansiya, bahagya
siyang gumilad na para bang ang laki ng espasyong dapat para sa akin.

"Uh..." He chuckled. "Pasensiya na. Ganoon talaga madalas kapag pagod na kami.
Nahihirapan nang ibalanse ang mga sako."

Tumango ako. "Kaya dapat nagpapahinga rin kayo."

He nodded, too. "Tapos ka na sa trabaho mo?"

"Oo. Tapos na ako. Ang ingay ng hilik ni Ate Soling sa tabi ko kaya umalis muna
ako."

He laughed. I smiled.

"Enrolment na, ah? Nakapag enrol ka na?"

Bahagya akong nalungkot. When the rain starts, the school years starts, all of this
will end.

"Kahapon. Inutos lang ni Mommy sa secretary niya. Ikaw?"

"Uh, pagkatapos siguro ng kontrata ko rito. Lagi naman akong late enrolee kaya
sanay na ako."

"B-Bakit?"

"Tatapusin ko muna ang trabaho rito, Sancha. Bago ko aasikasuhin ang enrolment.
Puwede pa naman 'yon."

"Hindi ba maaapektuhan ang schedule mo? Sa school?"

"Hindi naman."

I sighed and nodded again. He stared at me for a while before he asked another
question.

"May naisip ka nang kurso pag college mo?"

Nagkibit ako ng balikat. "Siguro gaya lang din ni Ate Peppa at Kuya Manolo.
Anything related to business... para makatulong ako sa trabaho sa azucarera."

"Mas mabuti iyon lalo na dahil ngayon pa lang may experience ka na sa pagtatrabaho
rito."

I was staring at him as he talked about it. He noticed it and looked away.

"Magiging busy ka lalo sa taong 'to?"


"Oo. Medyo. Mas marami kasing subjects."

I felt a hollow space on my chest. Ba't ganoon? Alam kong lagi kong iniisip na
pantay pantay ang estado ng lahat pero bakit... pakiramdam ko... hindi kami pareho?
It feels like he's always ahead. He must be because he's older than me... but why
does it feel like it isn't really about our age difference... or our social status?

"Dati mo na ba talagang gusto ang kurso mo?"

I saw the slight shock on his smile before he sighed and nodded.

"Dati pa. Bukod sa malaki ang sahod, gusto ko rin na nakakatulog sa ibang tao."

"Malaki ang sahod? You... want to go abroad and practice there?"

"If there's an opportunity, Sancha. At sa ngayon, may iba rin sana akong
tinitingnan para sa career ko."

Wow. He has it all planned out.

Meanwhile, I even thought I could do his course. Ni hindi ko inisip ang sahod o ang
responsibilidad na mayroon kapag nasa trabaho nila. Sure, I can do it but if it
isn't my passion, I don't think I would survive.

In my case, I don't really think I have anything I feel strongly about. Everything
seems okay... I could do things but I'm not sure if I could do anything, with
passion and greatness. Kaya rin siguro hindi pa talaga ako sigurado kung ano talaga
ang gusto ko hanggang ngayon.

"I know some of our relatives abroad practicing that. Maayos ang buhay nila roon
pero... doon na sila lagi. Hindi na umuuwi rito. Minsan na lang."

"Oo dahil nandoon ang trabaho. Hindi puwedeng iwan."

Mas lalo lang bumigat ang nararamdaman ko.

"Saan ka ba mag-aaral pagcollege mo? Sa Silliman?"

"Hindi rin ako sigurado, e."

"Right... You still have senior high ahead of you. May oras ka pang magdesisyon.
Ayos lang 'yan."

I stared at him. He looked at the horizon with eyes so sure of his goals

"So... aalis ka ng Altagracia? I mean... eventually?"

He looked at me and gave me a warm smile.

"Oo, Sancha."

My lips parted. I want to say more but I couldn't. He licked his lips.

"Pero babalik naman ako."

I nodded and smiled a bit.

"Dito ko sana gustong manirahan. Lalo na... nandito ang bahay namin."
I chuckled. "Oo nga. Medyo malaki pa naman ang bahay n'yo. Sayang... kung iiwan
mo."

"Uh-huh. Hindi ko iiwan."

Sa likod niya, natanaw ko si Kuya Manolo kasama ang iilang empleyado. Bumaling si
Alonzo roon at bumati nang nakalapit si Kuya.

The little chitchats during his breaks kind of lift up my everyday mood. Lagi'y
nagsisisi ako pagkatapos dahil hindi siya nabibigyan ng snack o kahit inumin man
lang.

I just think it is too much if I give him that every break. Bakit ko nga ba
gagawin? Hindi ba nakakahiya naman at may espesyal akong treatment sa isang
empleyado.

School started and I'm excited for Soren's try out. Sa mga games nila ni Julius,
nakikita kong nag improve nga siya.

"Kapag nakuha ako, mag ssponsor ako ng shoes sa mga ka teammates ko!" ayon kay
Soren.

Tumango ako.

"For sure they'll love it! I'll get the limited edition basketball shoes!"

Nasa Kiosk kami ngayon, nag-uusap-usap. Hindi pa ganoon ka higpit ang schedule
dahil kasisimula lang ng pasukan. I was about to say something when a classmate
came up to us.

"Uh, Sancha..."

Napabaling ako sa bago kong seatmate. For our grade 10 classes, we were paired by
twos. Babae at Lalaki kada column. Hindi na tuloy kami katabi ni Margaux pero nasa
likod ko naman siya kaya ayos lang.

"Oh, Mark..."

Napatingin ako sa mga hand outs sa kamay niya. May kukunin nga pala kami na hand-
outs para sa mga requirements ng Physics. Nagulat ako dahil kinuha niya na. His
hand was shaking and his eye glass falling off his nose.

Nagtatawanan sina Julius sa tabi nina Soren. Napasulyap ako at nakitang may iba
naman silang topic pero pakiramdam ko, akala ni Mark na siya ang tinatawanan nila.

"D-Dala ko 'yong sa'yo. Ibibigay ko sana o sa classroom na lang?"

"Naku, nag-abala ka pa. Kunin ko na lang. Salamat! Next time, babawi ako."

"Walang problema, Sancha!" aniya.

"Thank you!" sabay kuha ko.

"Walang anuman!" he said very nervously.

"Nerd!" I heard someone from our group said.

Paglingon ko kina Julius, umalis na si Mark, nagmamadali.


"Huwag n'yo namang awayin. Bagong seat mate ko 'yon."

"May gusto 'yon sa'yo!" si Soren sabay mayabang na ngisi.

"Wala, Soren. Mabait lang talaga-"

"Tss. Sancha, ako pa ba ang niloloko mo? Alam ko ang mga galawan niyan, lalo na mga
nerd. For sure kung magpapagawa ka ng assignment, gagawin no'n."

"Soren! Hindi naman ako magpapagawa ng assignment at lalong huwag mo siyang


tawaging nerd."

Hinawakan niya ako sa baywang at pinaupo. Bahagya kong tinanggal ang pagkakahawak
niya sa akin.

"Kilala ko 'yon, Sancha. May gusto 'yon sa'yo. 'Tsaka hindi ba taga azucarera n'yo
nagtatrabaho ang mga magulang no'n?" si Julius.

"Naku! Hindi lang pala nerd! Mahirap pa!" si Soren.

"Soren, huwag ka namang ganyan!"

"I'm not saying that as an insult, Sancha. Sinasabi ko lang dahil alam naman natin
gaano kalayo ang agwat mo sa mga empleyado ng azucarera n'yo. Milya milya."

"Ano ngayon? It doesn't justify your insults."

"I'm not insulting anyone. I'm just being real."

"If being real means being rude, then I'd rather shut up, Soren!"

"Uy, LQ 'yan, ah?" puna ni Margaux. "Dahil lang kay Mark? Ba't 'di ka na lang
umamin, Soren? Na nagseselos ka?"

Natigilan ako sa sinabi ni Margaux. Nag-iwas ng tingin si Soren sa akin. I know


he's my crush and it means so much to me if he was jealous of someone but... I
still can't let go of his words.

"Ang sinasabi ko lang naman, may gusto siya sa'yo. Halatang wala siyang pag-asa
dahil ang layo n'yong dalawa. Kung magiging mabait ka roon, mapapaasa mo lang
'yon," si Soren.

"Wala naman siyang sinasabi na may gusto siya sa akin."

"Wala pa siyang sinasabi."

"Ano ba ang dapat kong gawin? Maging masama sa mga mabait sa akin dahil lang baka
may gusto sila sa akin? I will be kind to people because I feel like it, Soren."

"And what will you do if that nerd will court you? Be kind again and say yes to
him?"

"Of course, not! Kung hindi ko siya gusto, I will politely turn him down. No need
to be rude about it!"

"Tss..." Umiling siya at tumayo.

"Soren," tawag ni Margaux sa kanya.


I looked at him, my heart pounding so hard. Galit at frustrated dahil hindi niya
maintindihan ang gusto kong sabihin.

"I don't know what's with you this summer and today, Sancha, pero mas pinipili mo
ang ibang tao kaysa akin. Those people you are fighting for? They're not the same
as you and me. You should be yourself! Huwag kang maging masyadong mabait sa mga
taong alam mong hindi mo kapareho! But you chose their side-"

"There is no side here, Soren!"

"Tss. Then go ahead and be nice to your poor seatmate! Paasahin mo..."

"What?"

Tinalikuran niya ako. My eyes watered when I realized he's walking away. Tahimik
ang mga kaibigan ko at ang ibang lalaki'y sinundan siya.

"Soren, dude! Chill ka lang! Balik tayo."

Nakita kong umiling siya at dire-diretso ang lakad.

Nasa likod ko si Julius, naghihintay ng reaksiyon ko. Hindi alam ni Margaux paano
ako hahawakan kaya tumakbo na lang siya at sumama a mga kumukumbinsi kay Soren.

Tears fell down my cheeks. Ella immediately hugged me. Kumuha si Julius ng pamaypay
sa isang babaeng classmate at pinaypayan ako habang humahagulhol sa kiosk.

I felt so bad. No matter how I try to understand his point, I still don't agree
with it.

The rumors immediately spread like wildfire. Sa ibang section, tinatanong pa ako
kung bakit kami nag-away ni Soren. Hindi ko na sinasagot. Hindi rin sinasagot ng
mga kaibigan ko.

"Paano ba 'yan? Ano? Punta pa ba tayo sa try out?" Margaux asked.

I nodded. Hindi ibig sabihin na nag-away kami, hindi na kami magkaibigan.

"Sigurado ka?"

"Huwag na lang kayong pumunta, Margaux. Kahit si Leandro ang magco-coach, alam
naman naming papasok na talaga si Soren ngayon. Galing niya na, eh," si Julius.

"Oo nga, Sancha. Huwag na lang tayong pumunta."

Kumunot ang noo ko nang tiningnan si Margaux. She looked so convinced that we
shouldn't go.

"Maybe his mood will lighten up if he goes in the varsity team. Baka magkaayos kami
kaya pumunta na tayo."

Nagkatinginan si Julius at Margaux.

"Puwede naman. After... ano na lang kaya? After... try out?"

Umiling ako. "Punta tayo."

Julius sighed. Si Ella, nasa tabi niya, malungkot at may pag-aalinlangan sa mukha.
"I don't get why you all want me to ditch something that's important for him."

Nagkatinginan silang tatlo. Palipat-lipat na ang tingin ko ngayon.

"Siguro dapat nating sabihin. Para hindi siya magulat," si Ella.

"B-Bakit?"

"Sancha, may usap-usapang... nililigawan ni Soren si Chantal Castanier."

And it felt like my world crumbled.

"Hindi namin sinasabi sa'yo kasi alam naming medyo masama pa ang loob mo pero...
pagkatapos ng away n'yo, iyon agad ang kumalat, e."

"Oh... really?"

"Yes, Sancha. And they're seen frequently, too. Hindi na masyadong sumasama si
Soren sa atin pero ang kasama niya si Chantal na talaga."

"Seriously?"

Tumango si Ella. "Noong napadaan ako kina Leandro, nakita ko na hinatid niya si
Chantal sa kanila. Kaya... oo, Sancha."

"I'm sorry," si Margaux.

💕💕💕
KABANATA 14

Happy

Hindi ko maintindihan.

While Soren discourages me to befriend people who are not as rich as us, he also
courted Chantal Castanier.

Hindi ko minamaliit ang kahit na sino. I just wonder how he liked her when in the
first place, he was so judgemental.

"Siguro gusto niya lang talaga si Chantal. Kaya kahit na mahirap lang at... hindi
ba ayaw niya sa mahihirap? Niligawan niya pa rin," si Ella sa tabi ko.

Nanonood kami ngayon ng unang araw ng try out para sa varsity team. Hindi lang si
Alonzo ang titingin. May dalawa pang mas matandang coach nila noon ang titingin sa
magtatry out.

Nasa pinakataas kaming bleachers. Sina Chantal, kasama sina Anais at iba pang grupo
nila ay nasa mababa, malapit sa barandilya. Tumayo si Soren galing sa pagkakaupo sa
bench at may inabot siyang jacket sa barandilya. Nakita kong lumapit si Chantal at
tinanggap iyon.

"Uyy!"

"Yieeh! Inspired na niyan si Osorio!"

Naghiyawan ang mga players at pati na rin ang mga kaibigan ni Chantal. My friends
looked at me. Some of those who knew us also looked at me. Sinubukan kong umayos
kaya lang tuwing nakikita ko ang mga kaibigan kong malungkot para sa akin, parang
nahahabag din ako.

Yumuko ako at pinalipas muna ang hiyawan. The cheering died down so I looked at the
court. Nahanap ko ang titig ni Alonzo na agad ding iniwas sa akin.

Natigilan ako. I watched him watch the try out. Nagkakasalubong ang kilay at
masyadong seryoso.

I stayed that way for a while until everyone cheered again. My eyes went to the
court and saw how they cheered for Soren. Nagkagulo sa hiyawan ang lahat.

"Nakita n'yo 'yon? Ang galing niya!" si Margaux.

Napalinga-linga ako, hindi naiintindihan ang nangyari.

"Ang galing ng play ni Soren. Kailan niya natutunan 'yon?" sabi ng kaklase kong
lalaki na manghang-mangha rin.

My wide eyes looked at the court again. Si Soren lang na panay ang high five sa mga
kasama at muling bumabalik sa laro. Sa pagiging abala kong titigan si Alonzo, ni
hindi ko napansin ang ginawa niya.

"Galing!" Margaux clapped.

Muling nakapasok ang bola galing sa isang simpleng shoot kay Soren. Nagpalakpakan
ang lahat. I clapped, too. I glanced at the benches and saw Alonzo. Naupo siya at
tahimik na lang na nanood.

The game lasted for only a few minutes with most of the shots from Soren. Everyone
clapped. Ako rin naman. I feel good watching him finally get this.

Kaya lang, nang sumobra na ang hiyawan at nakita kong natawa na si Soren sa court,
he pointed at Chantal Castanier and winked at her. Mas lalong naghiyawan ang lahat.
May iilang bumaling sa akin.

I honestly don't know how to react. Bago sa kaalaman ko na may gusto siya kay
Chantal Castanier kaya hindi ko masabayan ang hiyawan. I would cheer for people who
liked someone but maybe it's too fresh for me. Bukod pa roon, ilang taon kong crush
si Soren. I liked him for me but now I don't know. I just think it is inappropriate
for me to cheer him for her. It's still all new.

"For Chantal ba 'yan, Soren?" someone from their crowd screamed.

"Uy... baka umiyak na naman si Sancha!"

"Baka magalit 'yan kay Chantal! Kawawa naman si Chantal!"

Napalinga-linga ako, nagulat sa narinig na bulung-bulungan. Mas lalo lang akong


kinabahan nang ang pati sa mas mababang bleachers ay nagsitayuan para lang tingnan
ang reaksiyon ko. My heart raced so fast. Nanuyo ang lalamunan ko at hinanap ang
puwedeng gawin kay Ella at Margaux.

"U-Umalis kaya tayo?" si Ella na nararamdaman na rin yata ang tensiyon.

"Buti pa nga! Tara na!"

Hinawakan ni Margaux ang kamay ko at sabay na kaming tatlong umalis. Sa gitna ng


paglalakad ko patungo sa exit, mas lalo lang lumala ang mga narinig ko.
"Hala, nagwalk out na si Sancha," bulong-bulong ng iba.

Yumuko ako, medyo nahihiya na ganoon ang tingin nila. Mas lalo akong hinila ni
Margaux.

"Kawawa naman si Sancha. Baka umiyak ulit 'yan."

Margaux immediately lamented when we're out of the gym. Pulang-pula ang mukha niya
nang bitiwan ako at nagsimula sa mga gustong sabihin.

"Nakakabuwiset si Soren! Alam niyang nanonood ka, gagawa pa siya ng ganoong move?
Parang hindi mo siya naging kaibigan!"

"B-Baka... gusto niya lang talagang mag paimpress kay Chantal," sa maliit na boses
sinabi ni Ella.

"Kahit na! Okay, we get it if he likes someone else now but he's our friend! Sancha
is his friend!"

Hinawakan ko ang kamay ni Margaux. "Tama na, Margaux."

"Anong tama na? Anong klaseng kaibigan siya?"

"Hindi niya naman alam ang nararamdaman ko para sa kanya kaya why would he hold
back now?"

"You were MU!" giit ni Margaux. "Oo at walang aminang nangyari pero ultimo
schoolmates natin, nararamdaman ang kakaibang trato n'yo sa isa't-isa! You have a
mutual understanding with him! Lalo na dahil strict ang family mo at hindi ka pa
puwedeng ligawan! Iyon ang iniisip ko!"

Nanlamig ako sa mga sinabi ni Margaux.

"Ngayong sikat na siya, sa wakas maliligawan niya na 'yong crush niya?"

"C-Crush?"

Maging si Ella ay nagulat din sa sinabi ni Margaux. I looked at her with wide eyes.

"Oo! Crush niya si Chantal! Sinabi niya sa akin noon!" iritadong-iritado na sinabi
ni Margaux.

"Huh? Hindi niya nasabi sa akin."

"Pero sinabi niya sa akin noon. At baka hindi niya sinabi sa'yo dahil obvious naman
na crush mo siya. Ayaw niyang masira ang pagkakagusto mo sa kanya!"

So my boy best friend and long time crush, Soren, likes Chantal Castanier.

Habang tumatagal, lalong kumalat ang usap-usapan tungkol doon. Lalo pa't lagi na
silang nakikita sa school na magkasama. Naghihintay daw si Soren kay Chantal sa mga
extra activities niya at hinihintay naman ni Chantal si Soren sa kanya.

Lahat ng kilala namin, agad na inisip ang sama ng loob ko. Maybe it was because I
cried that day... or maybe because we walked out of the gym... alin man ang iniisip
nilang naging reaksiyon ko.

Totoo rin naman, e. Nalungkot at nasaktan ako. Hindi naman sa ayaw ko si Chantal at
si Soren, it's just that it's still a shock to me. Isa pa, hindi ko gusto ang
estado namin ni Soren ngayon. Kung may liligawan siya, ayos lang, pero hindi ko
gustong iniiwasan niya ako at naiiirita siya sa akin. I don't want us to end this
friendship.

"Ano itong naririnig ko sa school mo, Sancha?"

Alam kong malala na kapag umabot pa kay Kuya.

"Nakuwento ng kapatid ni Gibson sa akin na umiiyak ka raw sa school?" si Kuya


Manolo.

"Po?!" gulantang ko namang baling.

Umiling agad ako.

It had been two months ago when I cried because of my row with Soren. Kung
makapagsalita si Kuya, aakalain mong kahapon lang ako umiyak.

"Umiyak ka raw sa kiosk n'yo at pati sa gym n'yo? Tama ba?"

"Hindi, Kuya! Uh... 'tsaka kung umiyak man ako, sa kiosk, noong June pa 'yon."

"Umiyak ka?" Kuya Manolo's eyes lowered.

Tumango ako. "Uh... Nag-away kasi kami ni... Soren."

"Soren Osorio?"

Kinagat ko ang labi ko. Nagbuntong-hininga si Kuya Manolo.

"Hindi ba sinabi ko sa'yong huwag kang lalapit sa lalaking iyon?"

"Kuya..."

"Sancha, I don't want you to be friendly with someone like him. And definitely I
don't want you to cry over him. What is this about?!"

"Kuya, it's nothing. It's just a friendly thing. Nag-away kami. May pinagtalunan
lang-"

"Talaga ba, Sancha? Bakit iba ang naririnig ko?"

"Totoo, Kuya."

"Sinasabi ko na sa'yong walang magandang maidudulot ang lalaking 'yan. Illegal ang
business nila, Sancha. Hindi tayo puwedeng makipagkaibigan sa mga ganyang klaseng
masasamang tao."

Alright. I get it. Nag-away kami ni Soren at medyo hindi maganda ang opinyon niya
sa mga mahihirap pero bukod doon, wala naman akong reklamo sa kanya.

"Kuya, Soren is fine. We just realy had a misunderstanding."

"Naku, Sancha. If he's indeed nice, like you're claiming, why did he make you cry?"

Mahaba pa ang usapan namin ni Kuya Manolo na umabot na rin kay Ate Peppa. They even
had one major meeting with me, judging all my choices and friend circle. Kung hindi
pa ako umiyak sa kalagitnaan doon, hindi pa ako pakikinggan sa gusto kong sabihin.
I don't know but for some reason, the first semester had been so... lonely for me.

Nariyan naman si Margaux at Ella na lagi kong kasama. Minsan sina Julius din at
ibang mga lalaking kaklase pero parang... may nag-iba.

Margaux hated Soren so much. Siya na mismo ang hihila sa aming dalawa ni Ella
palayo sa kiosk kapag nariyan si Soren. Kahit pa hindi na naman talaga kailangang
umalis dahil si Soren mismo, umaalis din.

"Alis muna ako. Puntahan ko lang si Chantal!" he'd always claim.

"Tara na, Sancha! Hindi ko na gusto ang hangin dito!" si Margaux sabay higit sa
akin palayo roon.

We walked back towards our building as Margaux lamented on Soren's attitude.

"Lagi niya na lang sinasabi na si Chantal... si Chantal! Pakealam natin?!"

Suminghap ako. Hindi ko alam kung sila na ba pero sa sobrang lapit nila at sa dalas
na pagkakasama ng dalawa, hindi na kataka-taka iyon.

Maybe... this semester is lonely because I'm in this kind of rocky relationship
with Soren, huh? Maaayos kaya ito kung umayos kaming dalawa? At kailan pa kaya
'yon?

I scanned my phone and saw my last messages for Soren.

Ako:

Soren, can we talk? I want to fix this rift between us.

Ako:
Soren, please, let's talk. Gusto kong magkaayos tayo bilang magkaibigan.

I swallowed hard. Umirap si Margaux at hinila na si Ella papasok na sa building


namin.

Bumagal ang lakad ko nang napasulyap ako sa kiosk sa college building. Maraming
nakaputi roon. Lagi naman pero sa ngayon, mukhang higher batch ang nandoon. Nag-
aaral ang lahat at mukhang naghahanda.

I stopped when I noticed a familiar person. Napaawang ang labi ko nang nakita si
Alonzo, kunot-noong nakatitig sa libro. Muttering something under his breath, as if
memorizing. He licked his lips and slowly lifted his eyes. Napatingin siya sa akin.

Unti-unti akong humarap sa kanya. I didn't realize I was frowning this whole time
so I loosened up and tried to stretch a smile.

The bell rang, hudyat ng susunod na period. Nagsitayuan ang mga kasama niya.

"Kinakabahan ako! Hindi ko natapos ang binasa ko!"

Tumayo si Alonzo at unti-unting inayos ang mga libro. Bumagsak ang mga balikat ko.

This school year, I don't see him much. Masyado na yata silang babad sa duty at
minsan na lang sa school. Hindi ko na tuloy napigilan ang pagtigil at pagtitig sa
kanya ngayon.

"Tara na, Alonzo!" may tumawag.


Kung hindi niya napigilan ay nahulog na ang iilang libro niya galing sa lamesa ng
kiosk. Kinuha ni Almira ang iilang libro niya. Mabilis namang kinuha ni Alonzo at
agad na umalis sa kiosk. Bumaling siya sa akin.

I tried so hard to smile. Pero bago ko pa makita ang reaksiyon niya, bukod sa
gulat, ay hinila na ako ni Margaux.

"Let's go, Sancha! Mali-late na tayo sa next period!"

"Ah, oo!" sabi ko sabay lingon ulit sa banda ni Alonzo.

Nakita kong nakapasok na sila sa building. Wala na siya. I sighed.

"Good luck... on your test."

It had been a very lonely year for me.

Christmas party ng azucarera nang muli naming pagkikita ni Alonzo. It was a short
meeting with him. I don't know how it made me lonelier, though.

Dahil abala sa parlor games ang mga mismong empleyado, natira sa mga lamesa nila
ang mga anak. Alonzo isn't an employee this time of the year so naturally he's in
his seat. Nga lang, nilapitan na ng iilang kaklaseng empleyado rin ang mga
magulang. One of them, the his girl classmate Almira. She seems to be almost always
beside him. Like a confidante.

I tried my best to walk past the tables. Kunwari naglalakad lang pero kung mag-isa
si Alonzo, nilapitan na. Ilang asar ang narinig ko sa mga kaibigan niya para sa
akin pero agad ding nawala.

I busied myself on the buffet desserts. Kunwari na lang tinitingnan ko kung marami
pa iyon. After this, I'll walk back to my seat and stay silent.

"Kuha lang ako," narinig ko si Alonzo.

"Sus!"

"Hindi na 'yan."

Tumigil ako sa lamesa at pabalik na sana nang nakaharap ko siya. He put a small
dessert on his plate and then looked at me. I glanced at his friends and saw them
busy talking and laughing with each other. Si Almira nga lang, nasa amin ang mga
mata.

"Happy holidays," bati ko at tinatagan ang loob para makabalik na lang sa inuupuan.

"Kumusta?" agap niya bago pa ako makaalis.

I smiled a bit. "Ayos lang. Ikaw?"

He smiled, too. "Ayos lang din. Medyo busy sa school."

I know it's true. He is busy with school but I don't know why my heart hurt so
much. For the first time in my life, I envy the life of a random person. Ba't
ganoon? Busy siya sa school pero lagi niya namang kasama ang mga kaklase? Ako? Ba't
parang...

"Ayos ka lang?" he asked.


Ngumiti ulit ako at tumango.

"May problema ba?"

Umiling ako, hindi na maisatinig ang kahit ano.

"Sa inyo ni Soren?"

Umiling ulit ako at natawa na lang.

His eyes darkened. Nilapag niya ang pinggang dala at hinarap ako. "Nagkabati na
kayo?"

Yumuko ako at umiling.

"Don't worry. He'll realize it soon. Magkakaayos din kayo, Sancha."

I opened my mouth to say something. My lips trembled. Itinawa ko iyon.

"Oo nga. Magkakabati rin kami. Thanks."

Bago pa tuluyang mamuo ang mga luha ay iniwan ko na siya roon at dire-diretso nang
umalis.

I don't get why I am so down. Even in the holidays that's supposed to be a happy
family thing.

New year nang tahimik akong nakatitig sa sinindihang sparkler. Tawa nang tawa sina
Kuya Ramon at Ate Peppa.

Ate Peppa is pregnant now and she's due on late March or April. Next month, Ate
Peppa will travel to Cebu. Doon daw siya manganganak. By the end of our school
year, tutulak na kami ng pamilya ko sa Cebu para sa pagpapanganak ni Ate Peppa.
Nangako naman si Mommy at Daddy na magta-travel kaming pamilya sa summer na iyon.
Kami nga lang munang apat dahil magiging abala pa si Ate Peppa sa binubuong
pamilya.

I don't know why I'm so sad that year. It had been an amazing summer but the next
months were... all... lonely.

Siguro nga... dahil sa nangyari sa amin ni Soren.

If only he'll talk to me at least.

Pagkaupos ng sparkler ko, kinuha ko ang cellphone at nagtipa.

Ako:

Happy new year, Soren. I hope we can set aside whatever is behind us and finally
talk. I miss you a lot. It had been a lonely year without you.

Nagkatuwaan pa muna kami ng pamilya bago nagpasyang matulog na. It was exactly two
in the morning when I received a message from Soren. Napabangon ako at nabuhayan ng
loob.

Soren:

Happy new year, Sancha. I miss you, too. Hope we can talk when we get back from
vacation.

Ako:

Thank you, Soren. You made me so happy.

💕💕💕
KABANATA 15

Tears

Hindi agaran ang pag-uusap nami ni Soren. Nang nagbalik na ang eskuwela, paunti-
unti lang ang interaksiyon namin. It's okay with me as long as I received that
message from him for the New Year. Pakiramdam ko, hindi man ngayon, unti-unti
kaming magkakaayos.

"Ikaw, Sancha? Saan kayo mag babakasyon ngayong summer?" he asked.

Nasa gitna kami ng pagkukuwentuhan tungkol sa summer. Nakapagsabi kasi si Julius na


aalis sila ng pamilya niya kaya nag share na rin ang iba tungkol sa summer nila.
Sinabi ni Soren na baka nga raw pumunta silang Hong Kong pero saglit lang. The rest
of his summer will be spent here in Altagracia.

Nagkatinginan ang mga kaibigan ko. Margaux rolled her eyes and Ella smiled a bit at
me.

"Uh. Hindi ko pa alam pero... pagkatapos ng moving up, tutulak kami ng Cebu para
kay Ate Peppa. Doon din muna kami hanggang sa manganak na siya.

"Talaga? Ilang buwan na ba ang tiyan ng Ate Peppa mo?"

"Around five or six months..."

Sobrang tahimik ng mga kaibigan ko. Para bang unang pagkakataon ito na nag-usap
ulit kami ni Soren kaya walang sumasabat ni isa.

Margaux closed her book. Tumayo siya at biglang nag-ayos ng bag.

"Ella, Sancha, let's go..."

"H-Huh?" litong sinabi ni Ella sabay tingin sa akin.

Napatingin ako sa nagkalat na gamit ko. Hindi ko maintindihan kung bakit gustong
umalis ni Margaux.

"I said let's go!" utos niya nang nakitang hindi pa ako tumatayo.

"Margaux?"

Nagmamadaling tumayo si Ella, hindi malaman ang gagawin. Napatingin ako sa kaibigan
at takot siyang tumango. Umiling ako dahil hindi pa rin naiintindihan ang gustong
mangyari ni Margaux.

"Sancha!" she reprimanded.

"Margaux-"

She rolled her eyes at me and turned. Nagwalk out siya habang si Ella ay hinahabol
na siya ngayon.
"Anong nangyari do'n?" si Julius.

Napasulyap ako kay Soren. Mabilis kong sinikop ang mga gamit ko pagkatapos ay
sinundan na ang dalawang naunang kaibigan.

"Margaux, sandali lang!"

Mabilis ang lakad ni Margaux. Kahit pa alam kong naririnig niya ako, hindi siya
bumagal. Si Ella na nasa likod niya'y nangangalabit na pero binalewala iyon ni
Margaux.

"Margaux!" I called.

Pumasok siya sa cafeteria. Sumunod ako. Dahil maraming estudyante, medyo naabutan
ko siya.

"Margaux!"

She then looked at me angrily.

"Ano 'yon, bati na kayo?"

Nagulat ako sa patiuna niyang tanong. Umiling ako.

"It was a casual conversation. Hindi pa kami nakakapag-usap-"

"Talaga? O nililihim mo lang?"

"H-Huh?"

"Sabihin mo ang totoo, Sancha."

"Wala, Margaux. Iyong sinabi kong nagtext kami noong New Year, hanggang doon lang.
Hindi pa kami nakakapag-usap-"

"Sancha, naalala mo ba ang ginawa niya sa'yo? Ngayong usapan na mukhang may hindi
sila pagkakaunawaan ni Chantal, balik agad siya sa'yo at tinanggap mo agad?"

"Margaux, hindi pa kami nag-uusap ni Soren. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa
kanila ni Chantal kaya hindi ko alam bakit mo sinasabing babalik siya sa akin?
Babalik kami sa pagkakaibigan. Iyon lang ang gusto ko."

"Hindi ko alam, Sancha, kung mabilis ka ba talagang mauto o nagpapakatanga ka dahil


gusto mo si Soren."

My lips parted a bit. Bahagyang napansin ang ibang nakarinig sa pinag-usapan namin.
"Margaux, please, let's talk somewhere private. We shouldn't be fighting about
this."

"Yes, you're right. We shouldn't be if only you were smart enough to notice what
you're doing!"

I can't believe I'll say this but... I am always relieved when it's the weekends.
At ngayon, kahit pa aalis naman kami, parang mas gusto ko na ngang magbakasyon na.

Hindi naman kami nagkaaway ng husto ni Margaux pero may kakaiba na sa relasyon
namin. Ayaw rin niyang pag-usapan ang tungkol kay Soren kaya hindi ko alam kung ano
talaga ang gusto niyang mangyari.
I was very determined to talk to Margaux, though. Kaya naman hindi ko na sinayang
ang mga pagkakataon tuwing kami lang tatlo ni Ella.

"Margaux, I know you're not in favor when I talk about Soren."

"Tss..." she rolled her eyes and closed her book again.

Umaamba na naman siyang aalis sa Kiosk kung nasaan kaming tatlo ni Ella.

Usap-usapan sa buong campus na hindi na gaanong bumibisita si Chantal sa varsity


practice ni Soren dahil may hindi pagkakaunawaan ang dalawa. They are not seen
together anymore and it seems like they are now ignoring each other.

I am not happy about it. Sa totoo lang, malungkot nga ako para kay Soren. Margaux
thinks I am happy because he's finally free and he's finally coming back to me.
Iyon ang gusto kong itama.

"Pero kaibigan kita at gusto kong maliwanagan ka. Gusto kong malaman mo na hindi
naman talaga ako masaya sa nangyari kay Chantal at Soren... sa kung ano man ang
misunderstandings nila. In fact, I'm sad for Soren. I just really want to fix our
rift since he's also my friend."

Tumayo si Margaux at muling tumingin sa akin. Hostilitiy in her eyes.

"And you'll just accept him after that?"

"No, we have yet to talk about it, Margaux. And want kind of acceptance are you
talking about. If you meant friendship, then maybe I could give him that."

"Ewan ko sa'yo, Sancha! Ang tanga mo talaga! Hindi ka na nadala!"

"What do you want me to do, anyway? Just forget about Soren and forget my
friendship with him?"

"Why not, Sancha? Hindi lahat ng tao dapat mong kaibiganin lagi!"

"Margaux-"

"Ewan ko sa'yo!" she said and walked out again.

"Margaux!" Ella called.

Umiling ako at tinabunan ng mga palad ang mukha. Ella sighed. "Sancha, wala akong
papanigan sa inyo ni Margaux. Mukhang problemado siya nitong nakaraan kaya sana
intindihin mo muna. Kakausapin ko lang siya. Saglit."

Tumango ako at hinayaan si Ella na umalis.

Hindi pa nag iilang sandali sa pag-alis ni Ella, may naupo na sa tabi ko. Napadilat
ako at napatingin kung sino at nakita ko kaagad si Steffi. I tried to smile to
greet her politely but she pouted.

"Aww. So it's true, what they are saying. May away nga raw kayo ni Margaux."

Hindi ko alam kung dapat ko ba iyong ipagkaila. Pero sa tingin ko, narinig ni
Steffi ang alitan namin kaya wala na rin akong nagawa kundi tumango.

"Just a misunderstanding."
"Yeah. I heard it. And based on what I heard, it's about Soren? Bakit? Nag-aagawan
kayo?"

Umiling agad ako. Ngumiti siya.

"Ayos lang 'yan, Sancha. Ganoon talaga ang buhay. Hindi lahat ng friends mo ngayon,
friends mo na lagi. Habang tumatanda ka, nalalagasan ang listahan ng kaibigan mo.
Nagkakakilala kayo ng mabuti at narerealize mo na hindi kayo nagkakasundo.
Sometimes you grow, sometimes they grow, and sometimes you grow apart... and it's
normal. It's okay."

Napatingin ako kay Steffi. Palakaibigang ngiti ang iginawad niya sa akin. Then she
shifted into a gloomy mood.

"Naalala ko tuloy ang mga karanasan ko. Ganyan din ako dati. Nalulungkot din kapag
may mga kaibigang nawawala sa akin. Lalo na kapag pinagkakatiwalaan ko."

Hindi ako nagsalita. She's got a point, though.

"Ako nga, ginawa ko ang lahat para sa kaibigan ko. Ang ending tinraydor pa rin ako.
Nakakalungkot nga, e. Pero ganoon siguro talaga ang buhay."

Napakurap-kurap ako. "Tinraydor? Bakit? Anong ginawa?"

She smiled. "I did so many favors for him. Helped him a lot at school, work,
everything... tapos noong ako naman ang may kailangan..." She sighed. "... ayaw
niya na. Tinalikuran niya na ako. Sinaktan pa."

"Sinaktan?"

"Yup. Kaya ganoon siguro talaga. Minsan nga... gusto kong gumanti. Sa galit ko.
It's just so unfair and I don't think I could ever move on without putting up a
fight."

Tumitig lang ako kay Steffi. It was a very random moment but somehow, it calmed me
to know that some people do experience this kind of things. Mas matindi nga lang
kay Steffi kung ganoon nga ang nararamdaman niya. Nasaktan man ako ni Soren, hindi
ko iisiping maghiganti. At may hindi pagkakaintindihan man kami ni Margaux ngayon,
naniniwala pa rin akong magkakaayos kami.

"Anyway... I should go. I am your friend now, Sancha. Kaya kung may problema ka,
you can count on me. That's life, really. You meet friends, you lose them and meet
better ones."

Tumango ako.

"I have a class. Dumaan lang ako kasi narinig ko ang alitan n'yo ni Margaux. Good
luck, Sancha!"

"Good luck, too. Thanks, Steffi!"

Weeks passed, walang nagbago sa amin ni Margaux. It was late March, just before the
moving up ceremony and Soren's graduation when I received a text from him. Ni hindi
na ako makakasama sa Moving up dahil aalis na raw kami. Kaya masaya ako na nagtext
si Soren bago pa iyon.

Soren:
Can we talk? Kahit saglit lang, Sancha. Sa benches sa dulo ng field.

Ako:

Okay, Soren. Magkita tayo roon after class.

It was one of the most secluded part of the school. Malapit na kasi sa perimeter
fence, sa gilid ng gym, at malayo sa mga buildings. Naroon na si Soren pagkalapit
ko. Tahimik akong naupo sa bench at tinanaw siya. He's wearing his post-varsity
practice attire with the shoes his father bought the team. He's finally achieved
all of these before graduation. I am genuinely happy for him. Also... finally, I
can say that to him.

"I know it's almost a year late, pero congrats... sa pagkakapasok sa varsity team
at ngayon naman sa graduation mo."

He laughed a bit and shook his head. I took that opportunity to talk. Magsu-summer
na at hindi ko na alam kung ano ang mangyayari pagkatapos ng graduation niya kaya
mas mabuting... masabi ko rin lahat ng hinaing ko.

"I want to be honest with you, Soren. I was a bit disappointed with your attitude
that day... noong una tayong nagkaroon ng alitan. At mas na disappoint din ako sa
mga sumunod na ginawa mo, but I am not holding that one against you. It's not your
fault that you like Chantal Castanier."

Nag-angat ng tingin si Soren sa akin. Tahimik pa rin siya.

"Ayos lang na niligawan mo siya at kung ano man ang namagitan sa inyong dalawa-"

"Ayos lang, Sancha?"

Tumango ako.

"Hindi ba iniyakan mo 'yon? Hindi ba nagalit ka sa akin dahil doon?"

"Iniyakan ko 'yong unang pag-aaway natin kasi na frustrate ako na hindi ko kayang
ipaintindi sa'yo ang punto ko. I don't really like anyone insulting someone. Or
anyone looking down at someone just because of social status or anything that would
highlight differences, Soren."

"Sancha, alam kong nasaktan kita sa panliligaw ko kay Chantal Castanier and I'm
sorry."

I was about to open my mouth but I stopped and tried hard to understand what he
just said.

"I know you like me ever since but... that day I was just so pissed. Hindi ko
matanggap na may iba kang pinapanigan. Isang hindi mo naman kilala, kung ikukumpara
sa akin."

"Wala dapat na ganoon, Soren. If only we both had open minds."

"I'm sorry if I did so many hurtful things to you. Sorry sa lahat, Sancha. My
frustration led me to hurting you more and wanting so bad to get even with you."

Hindi ulit ako nagsalita. Hinayaan ko siya.

"Now I realized hindi tama iyon. Matagal na tayong magkaibigan at hindi ko kayang
magkasakitan pa tayong dalawa. Gusto kong magkaayos na tayo."
I sighed.

"Alam kong ayaw pa ni Margaux at baka nga sinisiraan niya ako sa'yo. Hinintay ko
ang tamang pagkakataon pero ngayon, hindi na ako makapaghintay. It's almost summer
and that means we won't be seeing each other that much anymore."

Tumango ako at hinayaan siyang magpatuloy.

"My Dad asked me if I wanted to enrol in Manila, for college. Pero tinanggihan ko
iyon dahil tingin ko... kung aalis ako ngayong may alitan pa tayo, baka hindi lang
ako matahimik doon."

Napaangat ako ng tingin sa gulat. Ang tanggihan ang isang life-changing decision
tulad noon ay nakakagulat!

"Kaya dito muna ako mag-aaral ng college, for next year. I hope next school year we
can rebuild our friendship, Sancha. I'm very sorry for everything. I hope this two
months of vacation will finally lead you to forgive me."

"I-It's okay, Soren. You don't really have to do that. I mean, I've already
forgiven you. Kung may mali man ako, pag pasensiyahan mo rin sana ako. Gusto ko
ring magkaayos tayo. Pero hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mo pang
tanggihan ang offer ng Dad mo na iyon. We can always communicate and continue our
friendship that way. You don't have to do this."

"I want to do this, Sancha..."

Lumapit siya sa akin. Naupo siya sa tabi ko at hinawakan niya ang kamay ko. Shocked
at his intimacy, I am speechless.

"I want to do this for you."

"You don't have to. It doesn't change anything. I forgive you now, even without you
sacrificing that."

"I want to, Sancha."

Ang akala ko, aayos ako dahil sa pagkakaayos namin ni Soren. It was a short time
happiness. Iniisip ko pa kung dahil ba hindi naman talaga gusto ni Margaux na
magkabati kami... o dahil sa desisyon ni Soren na ipagpaliban ang pag-aaral sa
Maynila para sa akin... o ano? Hindi ko alam anong problema at anong kulang.

Maybe I want it to be the same as it was last year... back when Margaux was okay
with me and Soren is friends with me... maybe that?

I'm not sure.

Matagal ang labor ni Ate Peppa kaya inabot na ng birthday ko sa Cebu. It wa smy
seventeenth birthday. My parents promised me a very extravagant debut to make up
for my two consecutive birthday in Cebu. Wala naman sa akin iyon pero kung
ikasasaya nila ang engrandeng debut, hindi ko rin sila pipigilan next year.

Ate Peppa gave birth to a handsoma baby boy. Ramon Felipe's name is from Kuya Ramon
and Ate Paloma Filippa. Whatever happiness I felt for those moments with family, it
was all shortlived. Lalo na nang nalaman kong buong buwan muna kami sa Cebu dahil
masyadong masaya si Mommy at Daddy sa unang apo.

But I remember one happy day that month, before all the labor and before Ramon
Felipe's birth. It was my birthday in a hotel. We were all excited for Ate Peppa's
labor then. Tapos na ang kantahan para sa akin at ang kainan nang nanginig ang
kamay ko at biglaang gustong magkulong sa kuwarto.

"Saglit lang po. Sa kuwarto lang ako."

Since everyone is busy, nobody noticed how I disappeared to stare at a birthday


greeting. Hindi iba sa birthday greetings ng iba pero iyon lang ang tinitigan ko ng
ganoon.

Alonzo:

Happy birthday, Sancha!

Ako:

Thank you.

Para namang unique ang message niya kung makapagkulong ako rito sa kuwarto.

Alonzo:

Kumusta? I hope you're having fun.

Ako:

Nasa Cebu kami at may celebration. Malapit na rin ang birthday mo.

Alonzo:

Oo. Makakapunta ka ba? Kailan ang uwi n'yo?

I curled on my bed as I smiled. Tears crossed my nosebridge and it reached my


pillow. Agad kong pinalis iyon.

Ako:

Hindi, eh. May pa kasi ang uwi namin.

Alonzo:

Ayos lang. Magtatrabaho ka ba sa azucarera pagbalik mo?

Ako:

Yup.

Kahit hindi pa sigurado iyon dahil wala pa namang sinabi si Kuya Manolo pero
sisiguraduhin ko 'yon!

Alonzo:

See you then.

Kinagat ko ang labi ko nang natantong patapos na ang usapan namin.

Ako:

See you. By then.


Alonzo:

Enjoy your birthday and vacation.

I bit my lower lip.

Ako:

I'll try. Thank you.

Tumihaya ako pagkatapos ng ilang minuto at hindi na nakapagreply si Alonzo. Tears


fell from my eyes. Pakiramdam ko lahat ng pinasan ko buong taon, muling bumuhos
ngayon. Hindi ko na alam. Hindi ko maintindihan. I should be happy. Ayos na kami ni
Soren, may hindi pagkakaunawaan man kami ni Margaux, naniniwala naman akong maayos
din kami... masaya ang pamilya ko. Manganganak si Ate Peppa. Masaya ang lahat...
pero... bakit?

And it's my birthday! What in the world is happening to me?

I clicked my phone for another message. Nanlalaki ang mga mata ko habang bumubuhos
ang mga luha.

Alonzo:

Are you busy right now? Can I call?

💕💕💕
KABANATA 16

Gift

Ako:

Sure...

Hindi na nagtagal, tumunog na ang cellphone ko. I stared at it for a few moments. I
can't believe that this is happening. I don't know how to react or answer it.

"H-Hello," I greeted first.

"Hello, Sancha..."

Marahan at pormal ang kanyang boses. Pinigilan ko ang paghinga kaya naman isang
marahang buga ang nagawa ko pagkatapos marinig iyon.

"Gusto ko lang tumawag para mabati ka ng mas maayos. Happy birthday."

"Thank you."

Hindi na ako umiiyak pero may bakas pa ng luha sa aking pisngi. Unti-unti ko iyong
pinalis habang nakikinig sa katahimikan sa linya naming dalawa.

"Pasensya na kung biglaan. Hindi ba ako nakakaistorbo? Hindi ba nagpaparty kayo?"

"O-Okay lang naman. Kanina pa naman ang party at nag kukuwentuhan na lang sila sa
labas."

"Sa labas? Nasaan ka ba?"


Napabaling ako sa paligid. Kinagat ko ang labi ko.

"Nasa hotel room ko. May... uh... ginawa lang saglit."

"Buti pala tumawag ako ngayon, habang hindi ka na busy sa party mo."

I chuckled a bit because I remember how I intentionally removed myself from my own
party just for this call.

"Wala ka bang ginagawa? Trabaho?"

It's a weekday. Nasisiguro kong nagtatrabaho siya.

"Break pa namin ngayon."

I can imagine him on the shed. It's almost three in the afternoon and it's a hot
summer day here in Cebu. Ganoon din siguro sa Negros.

"Uh... Nag merienda ka na ba?" Pumikit ako ng mariin, nahihirapan sa mga sasabihin
sa kanya.

"Busog pa naman ako. Uminom lang ng tubig, Sancha."

"N-Na miss ko tuloy ang pagtatrabaho sa azucarera tuwing summer. Naalala ko last
year."

"Oo nga. Na-miss ko rin 'yon." He cleared his throat. "Ang ibig kong sabihin... ang
magtrabaho rito."

Ngiting-ngiti ako at hindi na alam ang sasabihin pero gusto pa ring magpatuloy.

"Sancha?!" Kuya Manolo shouted followed by a violent knock and his hearty laugh.

"Ang Kuya Manolo mo ba 'yon?"

"Uh, oo. Wait lang." Binaba ko ang cellphone at gusto nang umirap. "Kuya?"

"May cake na ibinigay ang hotel para sa birthday mo! Labas ka at hipan mo na! Ano
bang ginagawa mo riyan! Lumabas ka nga at makisama ka naman dito!"

"Okay, Kuya. Wait lang po."

Ibinalik ko ang cellphone sa aking tainga.

"Hello..."

"Sancha, ayos lang. Sige na at ibaba mo na para makapagcelebrate ka ng maayos sa


birthday mo."

"Uh... Okay. Pasensiya na."

"Don't worry about it."

"Thank you sa pagtawag."

"You're welcome," he answered with a hourse voice. "Enjoy the rest of your day."

"I will. Ingat ka naman sa trabaho."


"Salamat. Ibaba mo na, Sancha."

"Okay. Bye."

"Bye."

Ilang sandali ko pang pinakinggan ang katahimikan sa kabilang linya. 'Tsaka ko lang
tuluyang naibaba nang narinig ang muling pagkatok ni Kuya Manolo.

Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang. Madalas na rin namang tumawag si Soren sa
akin pero hindi ako ganoon ka excited. The only text I remember I was excited about
was that New Year text, when he finally gave me a chance to talk to him. After
that... I'm just happy that we're back to normal.

Iba kay Alonzo. Ultimo greetings ko lang ay ilang oras kong paulit-ulit na tinitipa
at dinidelete bago tuluyang ma send.

Ako:

Happy birthday, Alonzo!

Hindi rin siya palaging nag ti-text sa akin. Ang huling text at tawag sa birthday
ko pa pero hindi naman ako nalungkot. I just looked forward to this day and tonight
I finally had the guts to really send him the message.

Alonzo:

Thank you, Sancha! Alam kong hindi pa kayo nakakauwi pero gusto ko pa ring
imbitahan ka sa bahay.

I was smiling the whole time as I was reading his message.

Ako:

Thank you sa pag imbita. Sayang at hindi ako makakapunta. Next time siguro. Marami
ka bang bisita, gaya last year?

Alonzo:

Sakto lang naman. Mga kaibigan at katrabaho.

I imagine him on the table of his classmates. Doon na siya abala sa kanila, hindi
na sa amin ni Kuya Manolo. I smiled and I realized I might be texting him too much
when he should just concentrate on that.

Alonzo:

Busy ka ba?

Sagot niya iyon bago pa ako makapagtipa ng irereply sana sa naunang text.

Ako:

Hindi naman. Bakit?

Alonzo:

Puwede bang tumawag ako?


I stared at my phone with a conscious effort not to hyperventilate. I typed in my
answer.

Ako:

Sige.

He called me. I greeted him again. Ni hindi ko na inisip na masyado kaming nagtagal
sa tawag na iyon at may party pa siyang kasalukuyang nagaganap. Kalaunan na nang
sumagi iyon sa isipan ko, sa gitna ng halakhak naming dalawa.

"Oh, uh... iyong party mo nga pala."

He sighed. "Ayos lang, Sancha. Kumakain pa naman ang mga bisita."

Kinagat ko ang labi ko. Napasarap ang usapan namin tungkol sa pagbabalik ko sa
azucarera. Luckily, Kuya Manolo allowed me to work for the summer. Muntikan na
nga'ng hindi. Sabi niya kasi, isang buwan na lang at pasukan na kaya ba't pa ako
magtatrabaho pagbalik namin?

I laughed at Kuya Manolo's reaction for his problems at work. Kinuwento lang sa
akin ni Alonzo na ang dahilan ng pansamantalang pagtigil ng makinarya kahapon ay
dahil daw may nakapasok na pusa at takot silang lahat na maglikot sa loob at
biglaang humalo sa mga tubo. They rescued the cat and as a result, almost all of
them got scratched by a cat.

I couldn't imagine them taking turns to get something as small and as silly as a
cat. Lalo pa dahil nakalmot halos lahat. Paano kung naroon si Kuya Manolo. Mainit
pa naman ang ulo noon at baka siya na mismo ang kumuha sa pusa at nakalmot ng
marami.

"Ikaw? Kumain ka na ba?"

"Hindi pa naman ako nagugutom. Busog pa sa katitikim sa mga luto namin kanina."

I smiled.

"Ikaw? Nakapaghapunan ka na ba?"

"Oo. Kanina, bago ako nag text. Kumain ka na rin. Mag iinuman ba kayo?"

"Siguro, kunti. Nanghihingi sina Levi kanina pa. Inimbita niya kasi ako noong
nakaraan kasama ang mga kaibigan pero tinanggihan ko."

"Inimbitahan saan?" hindi ko napigilan ang pagiging kuryoso.

"Inuman lang yata sa bayan."

"Ah. Kailan 'yon?"

"Last Saturday, Sancha."

"Hindi ka pumunta? Bakit?"

"Marami lang inasikaso at... gabi na. Kaya nanghihingi na bumawi ako ngayon." He
chuckled a bit.

Ngumuso ako. May mga ganoong ganap pala pero ngayon ko lang nalaman. Kung sabagay,
hindi naman kami laging nagti-text. And it's not that I should know every little
thing about his life, anyway.

"Oo nga, bumawi ka sa kanila. Tinanggihan mo pala si Levi no'n!"

"Ah, magpapainom lang. Hindi naman ako iinom ng marami. Ayaw kong malasing."

I smiled again. "Hindi nga... maganda 'yon. Huwag kang... maglalasing."

He chuckled again. "I won't, Sancha."

I cleared my throat. "Uh... babalik ka na ba sa party mo? Ibababa ko na 'to."

"Matutulog ka na ba?"

"Manonood pa siguro ako ng movie dito sa kuwarto ko."

"What kind of movie?"

"Uh... Uhm... Hindi ko pa sure, e. Baka... love story."

"Love story," he echoed.

Uminit ang pisngi ko.

"Gusto mo ba ng mga ganoong palabas?"

I thought he's resuming his party duties. Why are we in another topic?

"Uh, gusto. Takot kasi ako kapag horror at iyon lang ang nakikita ko rito sa TV
ko."

"Pagkatapos niyan, matutulog ka na?"

"Baka. O... baka magaya kahapon na nakatulog ako bago matapos ang pinapanood?"

"Love story din?"

"H-Hindi, e. Comedy 'yong kahapon."

"Oh... so you get bored when it's comedy, huh?"

Kinagat ko ang labi ko. Hindi ko alam bakit napunta kami sa napakarandom na usapin.

"Hindi naman. Baka inantok lang talaga ako no'n. Hey, how about your party?"

"Oo nga pala." He laughed. "Nalibang na ako sa usapan natin."

I pouted. "Hinihintay ka na ng mga bisita mo."

"Baka antukin ka at makatulog, I'll say my good night now. Pero iti-text pa rin
kita mamaya kapag nagliligpit na ako rito sa bahay."

My heart pounded. He'll text again!

"Sige. Kapag hindi pa ako natutulog, magrereply ako."

"Alright. Good night, Sancha. Salamat sa pagbati sa akin. Masaya ako."


I paused for a while, appreciating his politeness.

"Enjoy your party. Happy birthday ulit!"

"Ibaba mo na. Para makapanood ka na." He chuckled a bit.

"Okay." I chuckled, too.

Dumating ang pag-uwi ko at kinabukasan, pumasok na agad ako. Abala si Kuya Manolo
dahil sa mahabang bakasyon niya kaya naman medyo marami-rami ang ibinigay niyang
trabaho sa akin. I feel kinda sad about it but I know, above all of this, I really
need to learn many things in this business.

Una kong nakita si Alonzo noong tanghali, kinuha ang bag ng kanyang Mama bago
umalis. we exchanged some greetings but then he went home with his family.

Matagal nang natapos ko ang trabaho sa hapon. At pagkatapos pa ng trabaho, tumulong


pa ako sa ibang empleyadong naroon. Ate Soling waited if I will ever go out without
her knowing but it didn't come. Or at least not while she's awake. Kasi nang
natapos na ako sa pagtulong, 'tsaka niya naman napiling umidlip kaya naiwan ko ulit
siya sa loob ng opisina para lumabas.

I went out a little later than usual. Madalas kasi tinataon ko sa break niya kaso
ngayon sa dami ng ginawa ko roon, nahuli na ako. Hindi bale at may bukas pa naman.

Ilang sandali akong naghintay sa pathway pero umalis na yata ang mga kinakargahang
truck. Wala na rin doon ang ibang trabahante. I smiled to myself. I'm still happy,
though.

Just when I was about to turn and go back to the office, narinig ko ang pagdating
ng isa pang truck. Magpapatuloy sana ako pero may nagmadaling lumapit sa akin
galing doon. I faced him and I smiled.

Hinihingal pa si Alonzo nang harapin ako. Bahagyang pinalis ang pawis sa noo at
inayos ang damit.

"Busy?" he asked like we both know what he's talking about.

He's right, though. "Oo, e. Kababalik lang kasi galing bakasyon.

Tumango siya. "Iyon din naisip ko."

"Tapos na ang break mo?"

Tumango siya. He swallowed hard too and was hesitant to come nearer me. May kung
ano siyang kinuha sa bulsa.

He looked really hesitant to come near me. Kung puwede lang hindi niya gawin, hindi
na talaga siya lalapit pero mukhang kailangan iyon. Lumapit siya at inilahad ang
kamay na may dinukot galing sa bulsa.

Tinitigan ko ang palad niyang may nakapatong na maliit na bracelet. It has pale
pink clear and round beads around it and some silver smaller beads. My lips parted.
Inangat ko ang mga mata ko kay Alonzo.

"Hindi 'to mamahalin pero... regalo ko sana sa'yo para sa birthday mo. Sana
magustuhan mo."

Halos manginig ang kamay ko nang kunin ko iyon sa kanyang palad. I stared at it for
a few moments before I looked at him again.

"T-Thank you. Nagustuhan ko. N-Nag-abala ka pa talaga."

He smiled. Tinitigan niya ang bigay niya na para bang may gusto siyang gawin. I
realized then that he wanted me to wear it but he couldn't put it on my wrist.
Nagmadali agad akong isuot iyon. Garterized kaya hindi na mahirap isuot.

"Eto na. Ang ganda!" sabi ko.

Tumango siya. "Oo nga." Nang nakatitig sa akin. "Pasensiya na hindi ako
makakapagtagal. Kailangan ko nang bumalik sa trabaho."

Smiling as I nodded. "Ayos lang. Sige magtrabaho ka na. Thank you rito sa gift mo.
Nagustuhan ko talaga."

Tumango siya at nakangiting bumalik sa trabaho. Hindi rin matanggal ang ngiti ko
pabalik sa opisina.

It's weird why I am this happy for something. Ni hindi ko naramdaman ito kahit pa
sa mga regalo ni Soren. O siguro ngayon lang ako mas naging conscious sa lahat ng
nararamdaman ko, hindi ko alam.

I liked Soren for so many years that I'm used to it. Now I want to know if I really
still do like him. Kasi kung ganoon nga, bakit parang... may mas higit pa sa kung
ano man ang naramdaman ko para sa kanya?

What's weirder was that there were days when Soren wanted to see me. Weekdays.
Sure, I can absent from work but I declined. Sinabi ko na ayaw kong may kaligtaang
trabaho pero alam ko sa sarili ko na hindi lang din iyon ang dahilan ko.

I feel guilty, too. Soren is my friend and it is unbecoming of a friend to do that.


Kaya naman nang bumalik ang pasukan, bumawi ako sa kanya. Ganun pa man, si Margaux
naman ang nagalit sa akin nang nalaman at nakita kung paano kami nagkasundo ng best
friend.

"Margaux, walang namamagitan sa amin ni Soren. Friends na ulit kami at iyon lang.
If you're worried that he's fooling me, then he can't. Dahil magkaibigan lang
kami!" paulit-ulit kong sinabi kay Margaux ito.

"Hindi mo naiintindihan, Sancha," aniya at umambang aalis.

"Then explain it to me so I can see your opinion of this! Margaux, kaibigan kita
gaya ng kaibigan ko si Soren. Please, don't do this!"

"Ewan ko sa'yo, Sancha!" sabay talikod sa akin ni Margaux.

It doesn't help that Ella is also busy with her own things this year. May
manliligaw siya kaya madalas siyang wala. Hindi ako gaanong pinapansin ni Margaux
at tuwing pinipilit kong pag-usapan namin ang tungkol doon, laging nauuwi sa ganoon
ang usapan.

Naging okay nga kami ni Soren, hindi naman kami ayos ni Margaux. Nakakalungkot.

Tahimik akong umakyat sa Senior High building, bumabalik na pagkatapos bumili ng


inumin sa cafeteria. Masyadong tahimik ang hagdanan, ibang-iba tuwing may recess
kaya naman naisip ko kung na late ba ako at hindi ko napansin ang bell.

Agad ding nasagot ang tanong ko nang pagkaliko sa tamang palapag ay nakita ko ang
mga pulang balloons, maraming bulaklak, at maraming naghihiyawang kaklase. Sa gitna
nila ay si Soren na naka uniporme pa ng college department at may hawak na
tarpaulin.

"Will you be my girlfriend, Sancha?"

💕💕💕
KABANATA 17

Boyfriend

Hindi ko alam kung bakit unti-unti akong nakaramdam ng iritasyon. I like Soren as a
friend and maybe he is or was my crush but I don't agree with this kind of gesture.
Siguro nga uso dahil may iilan na dati pa may pa surprise na ganito pero lagi kong
naiisip na mahirap iyon. You put on the pressure for the other party. Of course not
anyone is brave enough to say no to this in public. Lalo na dahil kakaayos lang
namin ni Soren sa aming friendship at baka masira ko pa iyon kapag ginawa ko ito.

I smile and received the flowers but my smile faded as my classmates cheered.
Ngiting-ngiti si Julius habang lumalapit si Soren sa akin pero ako namomroblema na
kung paano gagawin ito.

"Oo! Oo! Oo!" everyone cheered.

"Will you be my girlfriend, Sancha?"

Sa pagkakaayos namin ni Soren, ni hindi namin kailanman napag usapan ang tungkol
dito. It's just our normal conversations all the time. Hindi rin namin napag-usapan
si Chantal o ang mga nararamdaman namin para sa isa't-isa... bukod sa
pagkakaibigan. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit may ganito ngayon.

"I'm shocked, Soren..." sabi ko sabay hilaw na ngiti.

Nakangiti rin si Soren sa akin. Naghiyawan ulit ang lahat.

"Oo na 'yan, Sancha!" someone from the back said.

Kinagat ko ang labi ko at agad na guilty na ngumuso. "Uh, gusto ko sanang pribado
na lang nating pag-usapan 'to. Nahihiya ako na maraming nakakaalam sa mga bagay na
ganito..."

Hindi ko alam kung paano pa siya sasagutin sa paraang hindi siya mapapahiya.

"Privacy daw! Privacy!" si Julius na pabirong tinaboy ang mga kaklase ko.

"Hala, basted yata 'yan!" sabay tawa ng iba.

Namilog ang mga mata ko sabay tingin sa mga kaklase ko.

"Gago, sinong babasted kay Osorio! Ang guwapo kaya ni Soren!"

Napatingin ako kay Soren. Mukhang hindi niya rin nagustuhan ang naririnig na usap-
usapan. Kung sabagay, sino ba ang magugustuhan iyon. He looked at me seriously, his
smile already faded.

"Uh, Soren... mag-usap na lang tayo mamaya. May pasok na ako."

Tumango siya. "Susunduin kita rito mamayang hapon."


"Thank you," sabay tingin ko sa bulaklak na bigay niya.

Pumasok ako sa classroom namin. Marami ang bumati at nakiusyoso kung sinagot ko na
ba raw si Soren pero si Margaux, nanatiling nakaupo, ni hindi ako tinitingnan.

"Margaux," I called and she rolled her eyes.

Tumigil ako dahil mukhang naiirita siya. Huminga ako ng malalim at pansamantalang
kinalma ang sarili. For now, I'll let Margaux do this. Gusto kong kausapin siya ng
maayos tungkol dito pero hindi niya ako binibigyan ng pagkakataon. Isa pa itong si
Soren. I'm happy we're friends again but something has changed and this is not the
path I want for us anymore.

Natapos ang araw na wala akong iniisip kundi ang ginawa ni Soren kanina at si
Margaux.

"Margaux, mag-usap naman tayo," sabi ko.

She turned to me. Akala ko kakausapin niya na ako pero ipinakita niya lang ng
mabuti ang pag-irap bago tuluyang umalis sa classroom.

Nakita ko si Soren sa pintuan at nakita ko rin kung paano siya sadyang binangga ni
Margaux bago nagpatuloy sa paglalakad.

"What the?" si Soren sabay tingin kay Margaux.

I sighed. Kinuha ko ang bouquet at ang aking bag pagkatapos ay lumabas na. Gusto ko
sanang sa kiosk lang ng Senior High building kami mag-uusap pero gusto niyang sa
mas secluded na area kaya nagkasundo kami sa dulong kiosk ng field.

Pinagtitinginan kami ng mga estudyante habang naglalakad akong may napakalaking


bouquet. Naisip kong kumalat na ito sa campus. I then wonder if Alonzo heard that?
Hindi siguro. Busy 'yon sa duty lalo na't last year niya na.

"Mas malaki pa 'yan kaysa doon kay Chayo, ah!" narinig kong usap-usapan sa isang
nadaanang kiosk.

"Wala na sila ni Chantal?"

"Alam ko namang si Soren at Sancha talaga, e. Hindi si Chantal."

Tahimik kaming naupo ni Soren sa dulong kiosk. Kinuha niya ang bulaklak na dala ko
at nilapag muna sa lamesa. He's sitting so close beside me. At first I thought it
was normal because we do that all the time but eventually I realized it's too much.

"Masaya ka ba sa surprise ko?" he asked.

I'm actually torn but I don't want to be rude and tell him that.

"Nagulat ako, Soren. Hindi ko kasi inisip na... may plano kang ganito."

He laughed. "Kaya nga surprise, hindi ba?"

I looked at him straight in the eyes, trying to find the boy I liked for years.
Maybe... he's there. Maybe, I still like him. It's just that... I like him this
way... and only this way. It didn't grow. It stayed stuck. I liked him... as a
friend... a best friend. Dahil kung gusto ko siyang talaga, sa ibang paraan, hindi
naman siguro ako makakaramdam ng mas matindi pa sa nararamdaman ko para sa kanya.
At this point, I know that I feel a bit stronger for someone else compared to
Soren. Ngayon, narealize ko rin na malungkot ako last year hindi dahil nanligaw
siya kay Chantal, kundi dahil nawalan ako ng best friend.

I wanted us to be okay because I needed him as a friend. I don't think much about
his relationship with Chantal because I don't really find it relevant for my own
feelings. Nalungkot lang ako noong niligawan niya si Chantal dahil akala ko
magkaibigan kami... gusto kong ako ang naunang makaalam kung may liligawan man siya
pero naging bulag ako buong pagkakaibigan namin. I felt betrayed but it wasn't cut
that deep. Not enough to not forgive him.

"Soren, bakit mo ako gustong maging girlfriend?"

"Sancha, tinatanong pa ba 'yan?" he laughed again.

"Naka move on ka na ba kay Chantal?"

Ni hindi pa namin napag-uusapan ang parteng ito. I'm not even sure if he really did
have a relationship with Chantal Castanier and what happened to them.

"Manliligaw ba ako, Sancha, kung hindi?"

"Bakit ba kayo naghiwalay?"

"Sancha, ba't natin pag-uusapan ito? Sa'yo ako nanligaw at wala na 'yon!"

"I'm your friend, Soren. I just want to know before I tell you my piece of mind."

"Hindi na dapat natin 'tong pag-usapan pa. Alam mo na namang nagalit at nainis lang
ako sa'yo last year kaya parang... parang... gusto kong mag rebelde sa'yo. Gusto
kong ipakita sa'yo na kung hindi mo ako pipiliin sa lahat ng bagay, hindi rin ikaw
ang pipiliin ko sa lahat ng pagkakataon. And that was it, Sancha. Right now, we've
settled it. Right now, I know that I like you and I want you to be my girlfriend.
This is long overdue."

Tumango ako.

"Ito lang ba? Kaya mo pinatagal at hindi ako sinagot kanina?"

I sighed and looked at him again straight in the eyes.

"I want to be honest with you, Soren. You're my friend and you're precious to me.
Pero..."

Kumunot ang noo niya at bahagyang lumapit sa akin.

"Last year and these past few months, may narealize ako."

"Ano 'yon?"

"Totoo ang sinabi mo. Crush nga kita pero naisip ko na baka dahil sa'yo lang ako
malapit at ikaw lang ang tuluyang nakilala kong lalaki. Bukod kina Julius. Nagtampo
ako sa'yo nang nalaman ko ang tungkol sa panliligaw mo kay Chantal pero hindi
dahil... nagseselos ako. Dahil iyon pakiramdam ko nilihim mo sa akin ang totoo. You
are my bestfriend and I think I should know everything about you... including that.
I only felt betrayed... but not jealous."

"Ano ang ibig mong sabihin ngayon?"


"You're my crush, Soren. You're my bestfriend. I like you but... I realized it
isn't enough to make you my boyfriend. I like you only as a friend now."

Hindi siya nakasagot. Tiningnan niya ang mga bulaklak. Parang nasaktan ako na
makita siyang tulala sa ibinigay niya sa akin.

"Maraming nangyari sa nagdaan na taon. Narealize ko na may higit pa... sa


nararamdaman ko sa'yo-"

"Is this about Margaux?"

Umiling ako. "Labas si Margaux dito. Hindi niya gusto ang pakikipagkaibigan ko
sa'yo pero kung mahal kita... hindi ako mapipigilan ni Margaux sa pagsagot sa'yo."

"Then what is this? Dahil ba... dahil ba kay Chantal? Masyadong sumama ang loob mo
sa akin na hindi mo na ako gusto?"

"Soren, narealize ko lang na gusto kita bilang kaibigan. I didn't want to hurt you
but you'll get hurt more if I say yes."

"Hindi ko maintindihan, Sancha. We're finally... we're finally here. Why are you
rejecting me? Naghihiganti ka ba sa akin? Sa ginawa ko sa'yo last year?"

"Hindi, Soren. Kung ano ang sinasabi ko ngayon, iyon talaga ang nararamdaman ko.
I'm not prolonging this to get even. I don't need that. I've forgiven you already."

"No, I think your feelings for me faded because of what I did to you!"

Umiling ako. Hindi sigurado sa parteng iyon pero isa lang ang nasisiguro ko. Hindi
ko siya mahal. Hindi ko siya gustong maging boyfriend. Hindi ko rin siya gustong
mapahiya at masaktan. Gusto ko lang siya bilang kaibigan.

"Gusto lang kita bilang kaibigan. Iyon lang."

Umiling siya. "Hindi mo ba ako pagbibigyan, Sancha? Paano kung magbago ang isip mo?
Paano kung bumalik ang nararamdaman mo sa akin?"

"But for now... I really-"

"Don't reject me just yet! Ano man ang pagkukulang ko at ginawa ko sa'yo last year,
pagsisikapan kong punan ngayon. Please, Sancha! Have hope for us!"

Kinagat ko ang labi ko sabay tingin kay Soren. He looked so sad and desperate.

"Ayoko ring paasahin ka kung alam ko sa sarili kong kaibigan lang talaga ang tingin
ko sa'yo."

"This is so unfair, Sancha! Kahit pa panliligaw, hindi mo ako pagbibigyan?"

"Gusto kitang pagbigyan, Soren, pero ayaw ko namang umasa ka kung ngayon pa lang
sigurado na ako sa nararamdaman ko."

"That can be changed like how your feelings for me did! Liligawan kita, Sancha!
Magtitiis ako! Alam kong may kasalanan ako at may pagkukulang ako sa'yo pero hindi
ibig sabihin no'n na titigil na ako!"

"Soren..." pagod kong tawag.

Umiling siya. "Liligawan kita kahit anong sabihin mo! It's my fault why your
feelings faded, I'm going to correct my faults!"

Hindi niya naman talaga kailangang gawin iyon. Paulit-ulit kong sinabi sa kanya
iyon pero mukhang buo na ang loob niya.

"Sinagot ka na ba, Soren?" usisa ng kaklase ko nang ihatid niya ako sa classroom sa
sumunod na araw.

I wonder if it's better to distance myself to him. Ayaw kong manligaw siya pero
kung magkaibigan kami at mananatili kaming ganito, baka umasa siya. But that would
only mean I will cause another rift between us. It is already heartbreaking that
Margaux is mad at me, kung sasama pa si Soren paano na?

Maaaring tama si Steffi sa sinabi niya pero hindi ko gustong isipin na ganoon si
Margaux at Soren sa buhay ko.

"Nanliligaw pa, siyempre!"

"Weh? Hindi ba gusto mo siya Sancha?"

"Huwag ka ngang usisero. Umupo ka na roon!" si Julius na tinaboy na ang isang


kaklase.

I honestly don't know what to do now. Kung noon, bago ginawa ni Soren ang sorpresa,
nakakapag-usap pa kami ni Margaux, ngayon hindi niya na talaga ako pinapansin.

Tuwing nakikiusap akong mag-usap kami, umaalis siya. Mabuti pa si Ella at Julius,
minsan nahuhuli ko silang nagtatawanan. Gusto kong makisali pero tumitigil si
Margaux at hindi talaga ako pinapansin.

Hindi ko masyadong nakikita si Alonzo sa school. Ang sinabi'y busy na raw talaga
siya sa duty at may usapan pang may kung anong offer siyang ina-apply-an. Iyon yata
ang pinagkakaabalahan niya.

Ilang beses ding gusto ko siyang i-text pero alam ko na busy siya kaya hindi ko na
ginawa. Ayos lang din. Iniisip ko naman kasi lagi na busy talaga siya sa eskuwela
at masaya ako para sa kanya.

Paliko na ako sa SHS building, maaga sa araw na iyon nang si Alonzo mismo ang
nakaharap ko. I saw his books almost falling off his hold. Umamba pa akong
tutulungan siya pero napigilan niya naman ang pagkakahulog.

"Good morning!" I smiled and moved closer a bit.

"Morning..." aniya sabay sulyap sa mga dala niya.

Nakaputi at bagong-bagong ligo. Ang aga niya. It's still six in the morning.
Nagmaaga ako dahil may assignment akong tatapusin. Hindi ko natapos kagabi dahil
may bisita sa bahay.

"It's nice to see you here. Wala kag duty?"

He swallowed hard. "Wala. May exam lang kami ngayon."

His eyes drifted on my wrist or something near it. Napatingin tuloy ako roon at
nakitang suot ko pa ang bigay niya. Iningatan ko iyon. Minsan nang nasagad noong
inusisa ako ng kaklase ko.

"Mamahalin ba 'yan, Sancha?" sabay hila sa bracelet ko.


I panicked but she was done checking it before I could react.

"Mamahalin siguro dahil suot mo pero itsura mukhang nabibili sa palengke lang.
Sayang kung mahal!"

I felt so bad that day but it didn't make me love this bracelet less. Imbes ay mas
lalo ko pa iyong na appreciate at inalagaan.

"Ah. Maaga? Good luck." I smiled.

"Mamaya pa pero mag-aaral ako. Ikaw? Ba't ka maaga rito?" sabay tingin niya sa
paligid.

Halos wala pang estudyante roon. Lumingon siya sa college building bago sa akin.

"May kikitain ka?"

Umiling ako. "Tatapusin ko lang ang assignment ko kaya ganito ako kaaga."

"Okay."

We stayed in front of each other for a while. Plano ko kanina na sa SHS na kiosk
gumawa pero hindi na rin masama ang kiosk sa gilid ng college department.

"Uh... Gagawa na muna ako. Riyan..." sabay turo ko sa kiosk kung saan siya madalas
mag-aral.

Agad akong nabigo dahil base sa pagkikita namin, mukhang sa ibang banda siya
papunta at hindi sa kiosk na iyon. Saan ba? Library? O baka sa field?

"Saan ka mag-aaral?"

He sighed. "Uh... Ayos lang ba kung sa kiosk din na iyon?"

I almost ran out of breath.

"Oo! Oo naman!" sabi ko.

Nagpasya kaming lumapit na roon. Tahimik kong nilapag ang bag ko sa lamesa. Siya
naman nasa kabilang corner at nilapag ang mga libro niya. He opened it so I opened
my bag and got my notebook. Sumulyap ako sa kanya. Marami akong gustong sabihin at
itanong pero ayaw kong maistorbo siya sa pag-aaral niya kaya inabala ko na lang ang
sarili ko sa assignment.

Nagsimula akong magsulat. Paminsan-minsan akon nag-aangat ng tingin dahil


napapansin ko ang titig niya pero lagi'y nagbabasa naman siya.

My phone rang. Gusto kong pumikit ng mariin dahil alam ko kung sino 'yon.

"Hello..."

"Good morning, Sancha! Nagbi-breakfast na ako. Ikaw?"

"Good morning. Uh... nasa school na ako."

"Whoa! Ang aga mo, ah!"

"May ginagawa ako, Soren. Assignment."


"Oh! Kaya ka maaga. Sige. Text kita mamaya."

Binaba ko ang cellphone at itinabi sa notebook ko. Nakita kong nakatingin na si


Alonzo sa akin, bago ibinagsak ang tingin sa libro.

"Sorry."

"Kayo na ni Soren?" he asked without looking at me.

Inilapag ko ang ballpen ko at ibinigay na ang buong atensiyon sa kanya.

"Hindi."

Tumango siya. "Narinig ko kasi noong nakaraang buwan na sinorpresa ka at nanligaw


daw."

Umiling ako. "Hindi ko siya sinagot."

"Hindi mo... pa... sinagot?" nag-angat na siya ng tingin ngayon.

Umiling ulit ako. "Hindi ko siya sinagot. Magkaibigan kami p-pero sabi niya,
magpapatuloy siya sa panliligaw, e. Hindi ko nga alam anong gagawin ko."

"Hindi mo ba siya gusto?"

"I-I like him only as a friend. Not... a boyfriend."

He nodded slowly. "That's normal. You're beautiful and anyone would fall for you."
He smiled a bit.

"Pero hindi ko siya sinagot," ulit ko.

Nagkatinginan kaming dalawa. Ngumiti siya at tumango. He sighed heavily, too.

"Mabuti naman, Sancha."

I smiled slowly and nodded too. Unti-unti kong ibinaling ang mga mata sa assignment
kahit na hindi ko na maalala ang isusulat ko.

💕💕💕
KABANATA 18

Call

After my conversation with Alonzo, I feel like everything is alright. Hindi man
kami madalas mag-usap at tuwing nakikita ko man siya sa school, sa malayo at ngiti
lang ang naigagawad ko, ayos na iyon sa akin.

I know he's busy and I heard he's been offered work. Hindi pa man nakakagraduate at
hindi pa man nakakapag board, may ganoon na para sa kanya. I'm happy for him even
if it entails he'd probably leave Altagracia for that. It's his dreams and I want
nothing but for him to reach it.

Actually, he inspires me the most. Hindi man lumaki sa karangyaan, daig pa ang
mayayaman sa paggalang. Nagsisikap ng mabuti at nagtatrabaho para maiahon ang
sarili at ang kanyang pamilya. His parents must be very proud of him.

Those thoughts drive me into thinking that I should do the same for myself, too.
I've been sheltered my whole life but that doesn't mean I should continue to. I
should find things I am passionate about and work on it. Para na rin sa kinabukasan
ko...

I busied myself into thinking about that. Bukod doon, lagi ko ring sinusubukang
makipag-ayos kay Margaux pero lagi namang bigo. It breaks my heart everytime she
ignores me. Hindi siya kailanman naging ganoon sa akin, ngayon lang.

"Alam mo, Sancha, hayaan mo na 'yon si Margaux," si Soren.

There's a rift between me and Margaux. Tulungan man ako ni Ella, wala pa ring
pinagbago. Minsan mas naiirita lang siya kapag sinusubukan kong makipag-ayos.

"Imbes na mag-usap tayo, hindi mo na ako pinakikinggan sa pag-aalala mo dahil lang


hindi ka niya pinansin kanina!"

Nasa kiosk kami ngayon sa malayong parte ng field. Galing kami ng cafeteria at
katatapos lang mag lunch. Nagto-tooth brush ako sa girl's bathroom nang naroon din
si Margaux, nag-aayos. Kinausap ko siya ng maayos pero nagpatuloy lang siya sa
paglalagay ng cheek tint.

"Margaux, please don't be like this. What do you want me to do? I already
confronted Soren and he's sorry about it. Ayaw mo bang patawarin ko siya kasi at
this point, na ganito tayo, pakiramdam ko kaya kong gawin ang lahat magkaayos lang
tayo."

I don't want to say that but this is taking too much of my peace of mind. Umabot na
ako sa pag-iisip na mas mabuti na rin siguro kung dumistansiya nga ako kay Soren.
Lalo na nitong nakaraang buwan, nararamdaman ko ang matindi niyang pag-asa dahil
lang mabait ako sa kanya.

I treat him the way I treat a friend, nothing more, but I realized I could
unknowingly do more damage to him if I continuously do this. Kahit pa paulit-ulit
ko siyang pinaaalalahanan na hanggang pagkakaibigan lang ang kaya kong ibigay sa
kanya.

Kahit pa ganoon na ang sinabi ko, binalewala niya pa rin ako. I'm more bothered now
than ever.

"Sancha..." malambing na tawag ni Soren sabay akbay sa akin.

Ni hindi ko na napansin na malapit na kami dahil kanina pa malalim ang iniisip ko.
Nilingon ko siya, bigo pa rin ang itsura.

"Hayaan mo na ang babaeng iyon. Ang mabuti pa, uminom ka na ng milktea na binili ko
para sa atin. Nawawala na ang lamig oh."

Tinitigan ko ang binili niya. Nakapangalahati na siya sa kanya at ang akin, hindi
pa nagagalaw.

"Sancha? Hello?" he teased, and pinched my cheek.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko, Soren-"

He lifted my chin and pulled it towards his face.

"Alam ko kung ano ang dapat mong gawin."

Napakurap-kurap ako. Seryosong gusto kong malaman kung ano pa ang puwedeng gawin.
"Ano?"

"Titigan mo muna ang mga mata ko."

I was already looking at him intently so I stayed silent and waited for his
opinion.

Bumaba ang kanyang mga mata sa aking labi at unti-unti niyang inilapit ang mukha.
Bumaba ang mga mata ko sa kanyang labi at doon ko natanto kung ano ang ginagawa
niya. I pushed him away and urgently stood up to get away from him.

"Soren! Hindi ako nagbibiro!" iritado kong sinabi.

Seryoso siya nang umiling at mukhang dismayado. "Seryoso rin ako, Sancha."

"Seryosong ano? Hahalikan mo ako?"

Umirap siya. "Can't I? It's been five months since I courted you-"

"I told you I don't wanna be courted because I only see you as a friend!"

"You only see me as a friend because you're not really attentive with the things
I'm doing for you," sabay sulyap niya sa mga milk tea sa hapag.

Tumayo rin siya at inayos ang kanyang mga gamit.

"Puro ka si Margaux! Wala na ngang pakealam ang kaibigan mo sa'yo, tapos bukambibig
mo siya?"

"Ganoon din ako sa'yo noon, Soren! Wala ka nang pakealam sa akin, pero iniisip ko
kung paano tayo magkakaayos dahil magkaibigan tayo! Kaya huwag mo akong sasabihan
ng ganyan! If I ignored you as well, I don't think we'd ever be okay!"

"And because of this, you didn't give me my chance to prove you that I love you,
sincerely, Sancha!"

"No matter what you do, I already told you I only see you as a friend! You don't
have to court me because I will never say yes! I can't because I told you,
repeatedly, that I only want you as a friend! Kaya ba't mo ipinipilit ang sarili mo
sa akin kung hanggang doon lang talaga ang tingin ko sa'yo!"

Sa galit at iritasyon ko, kinuha ko na ang mga gamit ko at nagmartsa na palayo


roon. Nang nakalayo na, bahagya ring nagsisi. I have a rift with Margaux and now
with Soren, too. But somehow, it's alright. It's my only way to prove my point. I
hope he'd understand it. Kung hindi man ngayon, sana eventually.

Hindi muna ako mag-eexpect na maayos kami ni Soren. Sa mga sinabi ko, pakiramdam ko
hindi pa niya ako kakausapin.

"Wala pa rin, Sancha, e," si Ella.

"Wala siyang sinabi tungkol sa akin?"

Umiling si Ella.

"Pakisabi sa kanya na ipinaliwanag ko kay Soren ang tungkol sa pag-ayaw ko sa kanya


bilang boyfriend. At mukhang... nagalit siya sa akin, oh. Baka sakaling magbago ang
isip ni Margaux at kausapin na ako."
Hindi ko man ginawa iyon para kay Margaux pero nagbabakasakali akong aayos kami
dahil nagpakatotoo ako. Nagpakatotoo rin naman ako noon pero siguro inakala kong
hindi na kami aabot sa ganito ni Soren para lang maintindihan niya ang gusto ko.

"Susubukan ko, Sancha, pero nakakatakot kasi si Margaux kapag ikaw ang pinag-
uusapan. Baka magalit siya sa akin, e."

"Ganoon ba? S-Sige... ayos lang, Ella. Kapag nagkaroon ako ng pagkakataon,
sasabihin ko rin mismo sa kanya."

"Huwag kang mag-alala, susubukan ko rin. Sinasabi ko lang na hindi ako sigurado
kung positibo ba ang magiging reaksiyon niya. Binasted mo si Soren para magkaayos
kayo ni Margaux?"

"H-Hindi naman sa ganoon, Ella. Talagang... hindi ko lang gusto si Soren na maging
boyfriend."

"Talaga?" kumunot ang noo ni Ella. I understand. Everyone thinks I like Soren
because I'm so close to him.

"Oo."

"Bakit? May gusto ka bang iba?"

"Ah... W-Wala naman."

Although I have a hunch myself but I'm still not ready and comfortable to confront
my own feelings.

"Sigurado ka? Kasi hindi ba gusto mo si Soren? Crush mo siya? Unless you have
feelings for another person, that's the only way to change your feelings."

"H-Hindi naman siguro. Basta... tingin ko lang na hindi ko naman talaga siya gusto
sa ganoong paraan. Yes, he's my crush but that's just because we're close and he's
handsome. Pero k-kung tungkol na sa pagbo-boyfriend..." umiling ako para maexplain
ang gusto ko.

Tumango si Ella. "Sige, susubukan kong kausapin si Margaux tungkol diyan."

However, a few weeks passed and a couple of confrontation with Margaux later,
nothing has changed. Mas nakikita ko pa silang magkasama ng mga kaibigan ko, sina
Julius, Soren, Margaux, Ella, at iba pa kaysa sa akin. Hindi na ako madalas na
sumama kasi hindi sumasama si Margaux at Soren kapag nariyan ako. It surprised me a
bit, though, that Margaux can live with Soren in the group, but not me.

Nagsimula na yata ang semestral break ng ilang mga kurso sa college department.
Patapos na rin kami nitong linggo pero dahil may ilang exams pa, pumapasok pa kami.

Ang grupo ng mga kaibigan ko ay nasa kiosk para sa group study. Pero dahil parehong
naroon si Margaux at Soren, umiwas na muna ako at mag-isang umakyat sa library.

I glanced at the medical courses building before finally deciding what I'm going to
do. Wala na gaanong tao roon at kung meron man, hindi naka uniform kaya ramdam ko
na wala na nga silang pasok.

I have studied so much at home and I don't really need to study more in the library
pero kailangan ko ng mauupuang lugar, dahil may dalawang oras pa bago ang huling
exam.
My heart pounded when I saw Alonzo's group near the photocopying machine of the
library's second floor. Napatingin ang ilang kaklase niya sa akin, pare-pareho
silang hindi na nakauniporme. Isang sabi lang, napawi ang ngiti ni Alonzo at
napabaling agad sa akin. His other companions looked at me, too.

Bahagya akong yumuko, kinakabahan. Gusto ko sanang sa floor na iyon na maupo pero
dahil nariyan sila, mukhang kailangan kong umakyat pa.

I saw them collecting the paper they photocopied. Ang iba'y umamba nang lumapit sa
hagdanan kaya dumiretso na ako sa napiling upuan.

I glanced back and saw Alonzo tailing the group, papunta na sa hagdanan pababa.
Tumikhim ako at tuluyan nang umupo. Para akong nabunutan ng tinik nang naupo na sa
unang lamesang nakita at sinubukang huwag na silang tingnan.

Kinuha ko ang libro ko at binuksan na. Hindi pa sa tamang pahina pero kunwari na
lang tama para hindi na ako mapatingin sa grupo niya.

Kaya nang naramdaman kong bumaba na sila, 'tsaka ako tumingin sa hagdanan. I sighed
and my eyes stayed for a while there. Matagal dahil malalim ang iniisip pero
natigil nang naramdaman kong may gumalaw sa banda ng photocopier. My eyes drifted
there and saw that Alonzo was still there! Alone! And he's watching me, nag-iwas
lang ng tingin nang napatingin ako sa banda niya!

Tumikhim ako at agad ibinagsak ang tingin sa libro at ngayon hinanap na ang mga
tamang pahina. I read the first two sentences but nothing would go inside my head.
Unti-unti akong nag-angat ng tingin. Nakita kong may tinanggap pa siyang ibang
papel sa nag xe-xerox.

He licked his lower lip and his head turned to where I was. Nagkatinginan kaming
dalawa. I don't know why I'm confused if I should smile to him or what. He smiled
to me so my lips slowly rose, too. I waved a bit.

Nilingon niya ang matandang nagxe-xerox at may inabot na bayad. Inayos niya ang mga
papel bago siya lumingon ulit sa banda ko. Lips apart, he looked at me and slowly
walked towards my table.

"Hi!" I said when he was near me.

He smiled again. "Study?" aniya sabay tingin sa libro ko.

Umiling ako. "Nakapagstudy na ako kagabi. Naghihintay na lang ng oras. Dalawang


oras pa kasi bago ang exam."

Tumango siya. Hinihintay kong umupo siya pero hindi niya ginawa. Instead, tumingin
siya sa hagdanan na para bang may balak nang magpaalam.

"N-Nagmamadali ka?"

Mabilis siyang umiling. "May inaayos lang naman. Wala nang exams."

"Ahh..." I nodded slowly.

He glanced at the seat in front of me and then back to the stairs.

"Upo ka muna o... aalis ka na?" tanong ko.

He chuckled. "Wala naman talaga akong gagawin na. Aayusin ko na lang ito. Kung ayos
lang, dito ko na aayusin. I won't disturb you if you'll read."
"Sure! Hindi na ako magbabasa. I believe it's always better to study in advance
then let your mind rest when it's just hours away from the exam."

He smiled and nodded. Naupo siya sa upuan sa harap ko at nilapag ang mga dala.
Inayos niya ang iilang papel. He glanced at my book, still anxious that I might
study.

"For your application?" I asked.

Nag-angat siya ng tingin. "Oo."

"Work?"

Nag-angat na rin siya ng tingin sa akin. "Oo. May isang alumni lang na
nakipagcoordinate sa school. Nangako na kapag nakapasa, puwede kaming mag training
sa ospital na tinutuluyan niya."

"Kami? Marami kayo?"

"Uh, tatlo."

Sa dami nila, kasali siya. Kung sabagay, if I'm not mistaken, he graduated as
Valedictorian.

"Abroad?"

Tumitig siya saglit bago tumango. I smiled assuringly.

"That's great! Hindi hamak na mas malaki ang suweldo roon kumpara rito."

"Pero... hindi pa ako sigurado kung tutuloy ba talaga ako kung natanggap," sabay
bagsak ng tingin niya sa mga papel.

"Ba't naman?"

Kumunot ang noo niya at hindi agad nakasagot. Unti-unti siyang nag-angat ng tingin
sa akin. "May... ibang iniisip lang."

"M-Mami-miss mo ang... parents mo?"

It's natural. He's an only child.

"That's one."

Ngumuso ako at tumango. "Pero okay na rin mag-ibang bansa ngayon. Puwedeng tumawag
through internet, chat, Facetime..."

"You think it's a good idea?" he asked seriously.

"It's your dream so it is a good idea."

Tumango siya at ngumiti.

"P-Puwede ka rin namang umuwi... once or twice a year. I guess..." napakurap-kurap


ako at ibinagsak ang tingin sa libro.

"Kung tatanggapin ko 'to, baka nga madalas ang uwi ko. Iyon ang mas pag-iipunan
ko."
"Then... that's... better."

"At siguro nga... madalas din ang tawag ko sa amin."

I nodded without looking at him.

"Can I call you, then? If I take this?"

My eyes darted to his. He looked darkly worried and at the same time curious.

"Oo naman... B-Bakit hindi?"

"Baka lang... abala ka sa ibang bagay o..." hindi siya nagpatuloy.

"Hindi naman ako busy kapag nasa bahay. Syempre kapag nasa school, baka... busy
ako." I chuckled nervously.

"B-But of course you can call me... when I'm home. And that's... like... every
night."

"Then I'll call you," agap niya.

"Uh... when? I mean. Kapag nasa ibang bansa ka na?"

I realized my question was somehow... questionable.

"Oo. Hindi ba ako makakaistorbo?"

"Wala naman akong ginagawa kaya hindi ka makakaistorbo."

He watched me intently. "Kahit... mamaya."

My heart pounded against my chest. We were talking about the time when he's abroad
in the future but somehow it made its way to this. Iyon din naman ang iniisip ko
dahil bukod sa mga tawag niya noong summer, hindi na nasundan ulit iyon. Ayps lang
naman sa akin pero siyempre minsan naiisip ko rin.

I thought he's just busy. Maybe at times but maybe at times... when he's not, he
thinks I am the one whose busy.

"Hindi ka makakaistorbo dahil wala naman akong... ibang ginagawa."

We grew silent for a moment. Nag-angat ako ng tingin, kuryoso sa katahimikan niya.

"Then I'll call... when you'r not busy, Sancha."

"Y-You don't really have to." Medyo nag-alala na masyado akong demanding. "I
mean... if you're busy."

"But I want to."

Hindi ako nakapagsalita. He licked his lower lip and continued.

"Kung hindi ka busy... at hindi rin ako busy. Kung okay lang sa'yo."

"Okay lang sa akin," agap ko.

He smiled and nodded. Napatingin siya sa kabilang lamesa bago sa akin. "Bakit ka
nga pala mag-isa? Hindi ka sumama sa mga kaibigan mo?"

I sighed. Hindi ako sigurado kung sasabihin ko ba ito kahit kanino pero kung kay
Alonzo, parang kumportable ako. I even feel like he'll know what to do.

"Medyo... nagalit ulit si Soren sa akin, e."

Kumunot ang noo niya. "Bakit?"

I hesitated in looking at him but I did before answering the question. "Kasi...
sinabi ko sa kanya na hindi ko siya puwedeng maging boyfriend."

Tumango siya. "Kung ganoon, ayos ka lang ba?"

Nagulat ako na ganoon ang tanong niya. I thought he'd ask more about it but
instead, he wanted to know if I was okay.

"Oo naman."

"Arre you sure, Sancha?" he asked, more worried.

I smiled. "Syempre malungkot na nagalit siya sa akin pero siguro ganoon dapat...
kung ayaw ko siyang paasahin."

He looked at me with concern in his eyes. I smiled to assure him.

"Ayos lang ako."

"Ang ibang mga kaibigan mo?"

Ngumiti ulit ako at nag-iwas ng tingin. "Hindi ako pinapansin ni Margaux, e. Pero
ayos lang. Sinusubukan kong kausapin siya para umayos kami.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. His lips were parted as his eyes stayed with me.
When he saw me watching him he licked his lower lip.

"Siguro nga kailangan n'yong mag-usap. You're a good friend, Sancha. Pasensiya na
at medyo marami akong tanong. Gusto ko lang malaman kung ayos ka lang ba talaga."

Surprisingly... I'm honestly okay. Not like last year. I've gotten over it. Maybe
because I am just being real this time.

"I'm okay."

Pinagmasdan niya ako na tila ba naninimbang sa totoo kong nararamdaman. Maaaring


malungkot ako para roon pero sa totoo lang, ayos lang ako, Alonzo.

"I'll talk to her later... after our last exam."

He sighed. "Tatawagan kita mamayang gabi, kung ganoon."

💕💕💕
KABANATA 19

Inspire

I honestly expected him to call immediately. I mean, when it's night, my phone will
just suddenly ring for his call. Hindi ko inasahan na magti-text muna siya.
Alonzo:

Good evening, Sancha! How was your exam.

Ako:

Mabuti naman. Nakasagot dahil nakapagstudy. Ikaw? Kumusta ang application?

Alonzo:

Okay din. May ginagawa ka ba?

Buong semestral break, gabi-gabi tumawag si Alonzo. We talked about random stuff.
Umiiksi lang kapag may gagawin siya o may gagawin ako. Mostly, what I do at night
is to entertain guests of my parents or Ate Peppa's family. Masaya naman ako at
hindi na nagrereklamo dahil natutuwa ako kay Ramon, ang anak nila.

"How was it?" Alonzo asked.

I sighed. "Hindi siya nagreply, e."

Sa ilang araw na pag-aalala niya tungkol sa amin ni Margaux, nagkaroon ako ng


bagong desisyon. Hindi na kami nagkikita dahil sa break kaya t-in-ext ko na lang
ang lahat ng gusto kong sabihin.

Ako:

Hi Margaux! I don't really expect you to reply to this message but I do hope you
will. I just want you to know that I miss you. I can't believe it's been months
since I last talked to you. Para sa akin, nagsimula mo akong hindi kausapin nang
nalaman o nakita mong willing pa rin akong makipag-ayos kay Soren. Gusto kong
makipag-ayos hindi dahil crush ko siya, kundi dahil kaibigan ko siya kahit paano.
You think he's being an ass to me so you're mad because I gave him a chance. I want
to be at peace with him so I did that. I'm sorry if it hurt you. I hope you'd
forgive me.

Ako:

Niligawan ako ni Soren pero narealize ko na hindi ko siya gusto sa ganoong paraan.
I made it clear to him, reason why he's cold to me these days. I don't regret any
of it because I did my best to keep my friendship with him. And I did my best to
stay true to myself. You're right, he's an ass but he's also our friend. I think
this is the best thing I can give to him so far. I hope you realize my reasons and
I hope you'd talk to me if I missed something in your perspective.

Sa haba ng mga mensahe ko, wala ni isang tuldok na reply si Margaux. I just hope
she read it. At kung sana, may pagkakamali man ako sa mga nagawa ko, sabihin niya
sa akin.

"Hindi pa rin siya nagrereply, e."

"I'm sorry. Siguro bigyan mo na lang ng panahon."

I sighed. "Wala rin naman akong magagawa kundi bigyan nga siya ng panahon."

It's been six months, but do I really have a choice when Margaux just won't reply.

"Kumusta nga pala ang recommendation ni Mayor?" I asked.


Alam ko kasi na bumisita sila ng pamilya niya kagabi kina Mayor para roon. Maiksi
lang ang tawag namin dahil may gagawin sila kagabi.

"Kukunin na lang next week. Dadaanan ko sa hall," he said.

I smiled and hugged my pillow. "Kailan ba malalaman kung tanggap ba?"

"Siguro pagkatapos ng graduation."

"Bakit? Aalis ba kaagad pagkatapos ng graduation n'yo?"

"Hindi ko pa alam, Sancha. Pero siguro... hindi naman. Kasi ipo-process pa ang mga
documents."

I chuckled nervously. "Iniisip ko 'yong birthday mo. Baka sa ibang bansa ka mag
birthday kung diretso nga ang alis n'yo."

And that's my debut. Mommy wants a grand debut for me, gaya kay Ate Peppa noon, o
higit pa. Ngayon pa lang, nagpaplano na at bumibisita na ang mga gagawa ng gown ko,
at ang event stylist.

"Hindi ako sigurado, pero sana hindi. I want to spend my birthday here."

I paused. Suminghap ako at tinatagan ang loob.

"Iimbitahin sana kita sa debut ko."

He didn't respond immediately. Kinabahan ako. Ibinagsak ko ang mukha ko sa unan.

"Talaga?"

"Oo."

Hindi siya nagsalita ng ilang sandali. He chuckled after a while.

"Then, I can't wait, Sancha. Sana hindi pa nga umalis kaagad."

I smiled. "Sana nga... P-Pero, kung aalis naman, ayos lang. Mas importante ang
trabaho. Kikita ka roon. At opportunity 'yon kaya... ayos lang. Kahit... tawagan mo
na lang ako."

"Sisikapin kong pumunta, Sancha. Kung nandito pa ako no'n."

I smiled again. Somehow, his words lifted my spirit up.

Naging maayos ang pagbabalik eskuwela. Alonzo can't call me every night because he
has exams and sometimes his duty extends beyond class hours. Pero kapag free naman
siya, nagti-text at tumatawag na. Hindi gaya noon na tuwing birthday lang. Sa
bandang iyon, wala na akong hihilingin pa.

Kaya lang, nagsisimula ang Disyembre nang narinig ko sa girl's washroom ang pag-
uusap Margaux kay Ella. I heard things like this from some of my classmates but I
didn't really mind it. Akala ko sabi-sabi lang. Nagulat ako nang kay Margaux ko
talaga narinig.

Papasok ako sa washroom nang natigilan dahil sa pinag-uusapan.

"Margaux, naniwala ka naman?" si Ella.


"Totoo naman kasi 'yon! Kunwari pa siyang binasted niya si Soren, ang totoo,
inayawan siya ni Soren kasi boring siya. Ayaw pa hawak o pa halik man lang!" si
Margaux.

May pakiramdam ako kung sino ang tinutukoy nila pero gusto ko pa ring bigyan ng
pagkakataon. I heard that kind of thing from my classmates but I ignored it.

"Basahin mo ang text ni Sancha sa akin, oh. Hindi niya sinabing binasted niya sa
Soren pero she implied it."

Hindi ko na napigilan. Pumasok ako sa washroom para sana makausap si Margaux.


Kitang-kita ko ang takot at gulat sa itsura ni Ella nang natanaw ako. Ganoon din
naman si Margaux pero imbes na manatiling takot, nagpatuloy siya sa pagsusuklay sa
buhok niya at hindi na nagsalita.

"Margaux, can we talk?" I said.

"Margaux, mag-usap kayo ni Sancha," si Ella.

"Wala tayong dapat na pag-uspan, Sancha," she said and collected her things. "Let's
go, Ella."

"Anong wala? If you are back stabbing me like this as I try my best to rebuild our
friendship, then are you saying that we'll never be friends again?"

Hindi niya na ako sinagot. Umalis na sila ni Ella. Ella looked at me with sadness
in her eyes. She waived.

"Kakausapin ko," she said worriedly.

Sinundan niya si Margaux pero parang alam ko nang wala rin naman siyang magagawa.
Pumikit ako ng mariin at lumapit na sa lababo. I sighed and slowly opened my eyes.

Nagpatuloy ako na parang walang nangyari dahil kahit anong gawin ko, natapos na
iyon. I took out my toothbrush and my bottled water. Hindi ako makapagsimula dahil
naglalakbay ang isipan ko sa nangyari.

Bumukas ang pintuan ng isang cubicle. Lumabas doon si Steffi. She smiled and combed
her long brown hair using her fingers. Tumabi ako at bahagyang nahiya dahil
nasisiguro kong narinig niya ang confrontation.

"Sorry, I can't deny this. I heard what happened."

Tumango ako at kinuha na ang toothpaste sa hygiene kit ko. Nilapitan ako ni Steffi
at tinapik sa balikat.

"Margaux is one mean bitch. Narinig mo ba ng buo ang pinag-usapan nila?"

May pinag-usapan pa sila bukod sa narinig ko?

"Uh... Sabi niya na hindi ko naman binasted si Soren. Umayaw si Soren k-kasi...
boring ako," bigo kong sinabi.

Ngumiwi si Steffi at umiling.

Kinabahan ako bigla. Ano ang ibig niyang sabihin.

"Ang dami niya pang sinabi, Sancha. Hindi nga ako makapaniwala, e."
"A-Ano?" napabaling ako kay Steffi.

"I want you to get back with Margaux but like what I said, there are just friends
who are not meant to really stay. For me, ah. Kasi ang iba, kaya namang magpatawad.
Pero ako? Kapag b-in-ack stab ako, mahihirapan na akong magtiwala."

Mas lalo pa akong kinabahan. Ano ba ang sinabi ni Margaux?

"Malapit na pa naman ang debut mo. Camila has been gushing over it because Ate
Peppa promised to invite us! I'm excited for it, too! Kaso... pano 'yon? Tanggal na
si Margaux sa eighteen candles mo? Sali mo na lang kami ni Camila. We're your
friends."

"I-I'll see, Steffi. Uh... I'm just wondering. Ano pa bang sinabi ni Margaux? Bukod
sa naabutan ko?"

"Sabi niya..." Umiling si Steffi, dismayadong dismayado. "Ipinagpalit mo raw si


Soren sa... hindi ako sigurado kung totoo 'yong narinig ko, e."

What?

"I-Ipinagpalit kanino?"

"But I won't judge you. He's really known to be liked by anyone, even the rich
girls of our batch. Kaya hindi na kataka-taka na nagustuhan mo rin siya. Si Anais
nga, crush 'yon, e. And she's from Silliman. She had options from the boys of that
university but she just can't help but gush over him."

"S-Sino?"

"Si... Alonzo?"

Naestatwa ako.

Steffi smiled and ruffled my hair. "Ayos lang 'yan, Sancha. At siguro nadala ka rin
sa mga tukso sa inyo kasi itong si Alonzo talaga, matagal nang inaamin na gusto ka
nga."

"H-Huh? Hindi naman sa ganoon."

Hindi ko naman matanggi dahil natatakot akong marinig ni Alonzo. Baka ano pang
isipin niya.

"Ano? Hindi 'yon totoo? Hindi mo gusto si Alonzo? Dahil... mahirap lang siya?"

Mabilis akong umiling para pabulaanan ang sinabi ni Steffi.

"I mean, hindi naman sa..."

"Whatever it is, Sancha, it's okay. I won't tell anyone. I'm your friend, remember?
Lalo na't wala na sina Margaux at Soren na friends mo. You need friends now more
than ever. Mahirap nang magshare kahit kanino. At least I'm here. Camila, too, but
she's in Silliman." Steffi smiled.

Hindi ko masabi kay Alonzo ang nangyari. I don't want him to know that I'm worried
about the rumors Margaux is talking about. Lalo na noong naalala ko ang reaksiyon
niya noong tinaboy ko siya nang hintayin niya akong matapos sa school. He thinks
I'm embarrassed to be seen around him.
I want to change that but I can't tell him directly. Kaya naman, tuwing nagkikita
kami sa school grounds, nagsisikap akong kausapin siya. I can still sense his
hesitation to greet me. Lalo na kapag maraming tao.

Alam kong maaaring mas lalong dadami ang usapan tungkol sa amin kung gagawin ko ito
pero hindi ko naman mapigilan. I'm just really determined to change his opinion of
me.

"May duty ka pa ba?" tanong ko.

Napansin ko kasing kaunti na lang ang pumapasok na college students. Samantalang


kaming mga senior high, kahit tapos na ang party, inuubos pa ang school days. Kahit
pa wala na namang halos ginagawa at puro work books na lang.

"Wala na, Sancha."

"Kung ganoon, may quiz?"

He shook his head.

Kumunot ang noo ko. "Ba't ka nandito? Hindi ko na nakita sina Levi. Madalas 'yon
dumaan sa cafeteria kapag lunch."

"May inaayos lang sa application."

Tumango ako dahil may punto nga naman siya. Nakasalubong ko siya kanina sa pathway
at nang nag-usap kami, nagkasundong maupo muna sa kiosk habang naghihintay ng
resume of classes namin para mamayang hapon.

"How is it going?"

"It's going better. Salamat din sa recommendation ng Daddy mo."

Ngumiti ako. Daddy is the president of a big organization for businessman


particularly involving sugarmills. Kaya malaki ring tulong ang pangalan niya kaya
sinabi ko iyon kay Alonzo. Sinabi ko rin kay Mommy at Daddy at pareho naman nilang
gustong tulungan ang mga Salvaterra.

"But I'm sure it's not the only thing that would make your employer think.
Nasisiguro kong sa standing mo rin, kaya sigurado akong makukuha mo 'yan."

"Hindi pa rin sigurado, Sancha. You know it's always better to get employees or
even trainees with experience."

"Hindi pa ba experience ang mga duty n'yo sa ospital?"

He smiled. "Hindi."

Tumango ako. Marami pa talaga akong aalamin tungkol sa college life at sa mga
careers.

"Ganoon pala 'yon?" I said as realization dawned on me.

"May naiisip ka na bang kurso na kukunin pagka college mo?"

I nodded. My face heated when I realized I want to share something. "I actually
want to take up nursing, too. Because... I like the uniform... pero na-realize ko
na kung ganoon lang ka babaw ang dahilan ko, baka hindi ako magtagal."
"Ayos lang 'yan. Marami rin namang ganyan sa amin, Sancha. Ang iba pa nga, kinukuha
lang 'yan para makapag abroad. Hindi naman lahat ang may gusto talaga sa kurso.
They just learned to love it along the way, some... never. Kaya ayos lang din kung
hindi ka pa talaga sigurado sa kursong kukunin mo. Unless may nagugustuhan ka
talaga."

"Sa totoo lang, hindi pa rin naman ako sigurado. Everyone is expecting me to join
Kuya Manolo in managing our sugarmill. Parang tumatak na rin iyon sa utak ko dahil
expected na iyon sa akin."

"That's okay, Sancha. Mahirap magpatakbo ng negosyo kaya walang masama kung
ipagpapatuloy mo nga ang inaasahan sa'yo."

"I actually want to do something else, you know... I've been so sheltered my whole
life... I want my name to mark something else... instead of just being Sancha
Alcazar of our azucarera."

His eyes widened a bit, and his lips parted. He put it on a grim line, nodded, and
swallowed hard.

"That's good. So you have something in mind, then?"

I smiled shyly.

"Yup. I'm still not sure but for now I think I'll take up business. Hindi para sa
azucarera pero para sa naiisip ko."

"T-That's really good, Sancha."

Bahagya naman akong nalugod sa papuri niya. Ang totoo, ang hindi niya alam, malaki
ang tulong niya sa pag-iisip ko sa kinabukasan ko. He's always so sure of his steps
for his future and his career. Meanwhile, I'm just too sheltered and comfortable to
even think of a career.

Kahit pa hindi ako magtrabaho, may pera ako. Kahit pa buong buhay ko, aalis at
magtatravel lang, magshopping, at kung ano ano pa (na gustong mangyari ng Mommy at
Daddy ko para sa akin), hindi ako mauubusan ng pera. Nasisiguro ko ring ganoon ang
tingin ni Kuya Manolo. Pinapagtrabaho niya ako sa azucarera para raw malaman ko ano
talaga ang ginagawa roon pero ang totoo, puro naman encode lang ang ginagawa ko
roon. Nothing very significant. So I'm sre he'd have a peaceful mind if he'd just
fund my travels and shopping in the future, instead of making me stay in the
office.

Ayos lang sa akin iyon noon. S'yempre sinong may ayaw sa buhay na walang ibang
gagawin at may ate Soling na nag-aabang sa kahit anong utos. Kaya lang... something
about this year changed my mind. I want to make my own name, apart from the heiress
of a large azucarera. I want a name of my own. I want a career.

That's something that nobody would ever expect of me... and that's something that I
want to do.

"Hindi pa nga lang ako sigurado."

"But that's already a huge step, Sancha. Unang taon mo pa lang sa Senior High at
marami ka pang panahon para pag-isipan iyan. Take your time."

The bell rang, telling me that it's already time for our afternoon useless classes.
Puro workbooks at wala na ang mga teachers. Kung hindi naghahanda sa mga sayaw nila
para sa sariling party, absent na at nagsimula na ang holiday break para sa kanila.
"Klase n'yo na," puna ni Alonzo.

Tumango ako at hindi pa tumatayo. Now, I can agree I learn more outside our
classroom.

"Sancha..."

"Wala naman kaming gagawin na. Kung hindi workbooks baka maubos ang oras sa pag-
uusap-usap doon."

His eyes narrowed and his lips pursed. "Hindi ka papasok?"

"Uh. Papasok naman."

He smiled. "Oo kasi paano ang mga pangarap mo, hindi ba?"

I sighed and collected my things. Hay naku, Alonzo.

Tumayo ako. Tumayo na rin siya. Nilingon ko siya. Nasa malayong kiosk kami ngayon
sa field. Mas gusto ko roon, hindi lang dahil walang tao at walang manunukso,
presko rin ang hangin. This is where I walked out in front of Soren but to me it's
been a long time since.

"Ikaw? Ipagpapatuloy mo na ang application mo?"

"Uuwi ka ba agad mamaya?" he asked.

Tumango ako. I'd rather go home early. Ba't pa ako mananatili sa school.

"Uuwi na ako kung ganoon."

"A-Akala ko ba may gagawin ka sa application mo?"

"Natapos ko na kanina."

Pagkatapos ay nagsimula na kaming maglakad palabas ng field. Umihim ang malamig na


hangin ng Disyembre. Hindi na ako makapaghintay. Hindi ko alam kung saan pero
parang ang lahat ng ito... paghahanda lang sa kung ano.

Tumigil ako nang nasa daanan na. Sa harap namin ay ang Senior High building at ang
cafeteria, sa unang palapag. I know he can't be with me until our floor. Hindi ko
rin namang gustong ihatid niya ako. Nasisiguro ko na ang mga tukso. Bukod pa sa
sasabihin ni Margaux.

"Dito ka na?" tanong ko.

"Oo. Sige na, Sancha. Mauna ka nang maglakad patungo sa building n'yo."

"Okay."

Tinalikuran ko siya at nagsimula nang maglakad. Halfway accross the road, I looked
back at him. He's watching me intently, like the way he watched me walk... that
day... when he was once our subsitute teacher for Biology... and I wanted to go to
the washroom.

Ang sabi ko noon, tiningnan niya lang ako dahil responsibilidad niya ako. Dahil
estudyante niya ako sa pagkakataong iyon. Ngayon... ganoon pa rin ang nararamdaman
ko. Tinitingnan niya ako dahil pakiramdam ko... responsibilidad niya ako. Or at
least that's what he makes me feel.

I smiled brightly at him. Slowly, his lips curled and his eyes grew gentle.

"Walk," he mouthed and he smiled.

I smiled more. Bakit parang ang utos niyang iyon ay hindi para sa akin. Parang para
sa kanya. O guni-guni ko lang ba 'yon? Kung hindi ba ako lalakad at hindi tutuloy,
anong gagawin niya?

But I won't find that out because I'll walk and go to school. Kasi paano ko nga ba
mapapatunayan sa kanya na kaya kong gumawa ng sariling pangalan, gaya niya, kung
dito pa lang sa eskuwelahan, hindi na ako nag-aaral ng mabuti?

I laughed to myself as I continued walking.

Just some years ago, he annoys me for his bold attitude and his famous feelings for
me. Right now... he inspires me.

💕💕💕
KABANATA 20

Feelings

Sa Christmas party ng azucarera, nagkita ulit kami ni Alonzo. Pero dahil naroon ang
mga kaibigan niya, hindi ako masyadong nakalapit. I only greeted them politely and
went back to my seat.

Naroon si Almira dahil dito yata sa amin nagtatrabaho ang isa sa mga kapatid niya.
Kasama siya sa grupo nina Alonzo. Naglakbay tuloy ang isipan ko kung isa rin kaya
siya sa nabigyan ng offer sa ibang bansa? I'm not sure if she graduated with honors
back in Senior High but I've got a weird hunch.

Ako ang nag-abot sa mga nanalo ng raffle. Iyon ang tulong ko lalo na't abala si Ate
Peppa kay Ramon. Kaya naman naroon pa rin ako kahit na gabi na. Last year, maaga
akong umalis at malungkot ako. Ngayon, kahit na may suliranin, ayos pa rin naman.

Paminsan-minsan kong tinatanaw si Alonzo. Naalala ko kasi na maaga siyang umuwi


noong nakaraang taon at inisip kong ganoon din ngayon pero naroon pa siya kahit
noong nag alas otso na.

I couldn't ignore him because when I look their way, I see catch him watching me.
Nag-iiwas ng tingin kaya kapag may kausap ako at ibinalik ko ulit ang tingin sa
kanya, muli kong mapapansin ang balik ng tingin niya.

Nagtatawanan at nagsasayawan na ang mga empleyado. May kaunti pang parlor games na
natitira dahil marami pang prizes pero mukhang iraraffle na lang din para
makapagpatuloy na sa sayawan at inuman.

"Hindi ka pa magpapahinga, Sancha? Umalis na ang Kuya Ramon at Ate Peppa mo..." si
Ate Soling.

Umiling ako. "Ayos pa naman ako, Ate."

She didn't even hear my response because she's now busy with her friends. Mga
kapitbahay nilang tauhan sa azucarera, naroon din. Hinayaan ko siya. Kung sa bagay
ay ito lang ang pagkakataon nilang mag party.

"Tatapusin mo ba ang party?"


Napatalon ako at nagulat na nakalapit na si Alonzo. Napatingin ako sa grupo niya sa
malayo. Nagtatawanan sila at nag-iinuman. Medyo maingay dahil mga kaklase at
kaibigan niya ang naroon.

"Uh, hindi naman. Mamaya, magpapahinga na ako," sabi ko sabay harap sa kanya.

Tumango siya at ngumiti.

"Ikaw?"

"Uuwi na rin mamaya. Nagkakatuwaan pa si Mama at Papa kaya hinihintay ko. Pero
puwede na ring mauna na ako. Dala ko naman ang motor ko."

Nagtilian ang mga kaibigan niya sa kanilang lamesa dahilan kung bakit napatingin
kami sa banda roon. Narinig ko ang pagbabanggit nila sa mga wish nila para sa
pasko. I'm not sure who I heard but someone said... "Sana matanggap ang application
ko!"

"Sana makapasa ako sa board!"

Ngumiti ako habang tinitingnan sila. Napabaling si Alonzo sa akin.

"Hindi ka sasali sa inuman nila?"

"Mamaya, Sancha. Ikaw? May gagawin ka pa ba? Mamimigay ka ng mga... give aways?"
sabay baling niya sa lamesang medyo puno pa ng mga regalo.

Umiling ako. "Ipaparaffle na lang yata, e. 'Tsaka... mabigat na ang mga 'yan. Sila
na ang bahala."

Tumango siya. "Tutulungan nga sana kita dahil nakita kong... malalaki na ang
natitira."

I chuckled. "Hindi na. Sila na ang bahala riyan."

"Napagod ka ba?"

"Hindi naman. 'Tsaka masaya ako sa mga nagawa ko ngayon kumpara last year. Ang aga
kong umuwi no'n. Ang aga kong... napagod."

"Ako rin, maagang umuwi no'n."

Nag-ingay ulit ang mga kaibigan ni Alonzo kaya napabaling kami sa kanila. Kinabahan
ako at baka bigla kaming punahin dito. Naalala ko ang narinig ni Steffi kay
Margaux. I wonder how she noticed that. It's true that I was seen with Alonzo on
the library or the kiosk but that's only once each. Agad ba siyang nag conclude na
may kung ano agad sa amin ni Alonzo? Sa ilang beses lang na pagkakakita sa amin?

Or maybe there are rumors, too, from Alonzo's friends. Of course not from Alonzo
himself... but from moments like this?

I wonder if this is a good thing or not?

"Hindi ba sinabi mong tatlo kayong kukunin noong nakipag coordinate sa school...
para sa trabaho abroad?" panimula ko.

"Oo."
Hindi natanggal ang tingin ko sa mga kaibigan niya. "Sila rin ba... mga kaibigan
mo... nag-aapply."

"Uh, oo. Sa kanilang narito, si Almira, nag-aapply din."

Ngumuso ako at tumango. Hindi makatingin kay Alonzo ngayon. It's been on my mind
ever since I heard him mention about his application. I knew it.

"Must be good if you two got in." I chuckled. "You won't be too bored abroad
because you have her..."

Nagtaas siya ng kilay. "Sure, Sancha. It won't hurt to have friends when I'm far
from home."

Ngumiti ako nang hindi ipinapakita ang ngipin.

"Kung tatlo kaming tatanggapin, mas okay dahil may dalawa akong kaibigan sa ibang
bansa. Hindi nga lang maiibsan ang pangungulila rito sa Altagracia, Sancha."

"But at least... you're not... that alone."

"Tatawag din naman ako kina Mama at Papa, palagi. Kung makukuha ako."

Why is he always unsure when I myself am sure that he's going to land on this job!

"Sigurado akong makukuha ka. Ganoon din siguro si Almira."

Tumango siya sabay baling sa mga kaibigan niya. "Sure, Almira is a brilliant
student."

Bumagsak ang mga mata ko sa kamay ko. Saan kaya 'yon? Baka puwedeng bumisita sa
summer? O kapag may oras akong free. I've been to Europe, you know. So it might not
be hard if he'll work there or even in the US. Suddenly, I felt relieved that we're
rich... for the first time.

"Matagal na kayong magkaibigan?" I tried to sound happy, and I did.

His weight shifted. "Oo. Matagal na."

Nag-iwas ulit ako ng tingin bago tumango. Pinagmasdan ko ang mga kaibigan niyang
pare-parehong masiyahin. Siguro nga tama si Soren... boring nga ako. I can't even
be that jolly and be that energetic. I'm just standing here in silence... with only
a few actions.

"Pero magkaibigan lang kami, Sancha. Gaya ng mga kaibigan ko lang din ang mga
kasama ko riyan."

Napatingin ako kay Alonzo. Tumango ako na para bang hindi ko maintindihan kung
bakit niya sinasabi 'to.

"Yup. You two are good friends. Lagi ko kayong nakikita na magkasama."

"Group mates kasi kami madalas. Iyon lang naman."

I laughed awkwardly as my face heated. "Buti hindi mo niligawan?"

My lips parted for my own words. Alonzo stared at me for a long time kaya para
tabunan ang kahihiyan sa tanong ko, at para makitang normal iyon, nagpatuloy ako.
"Si Soren nga... matagal ko ng kaibigan. Niligawan niya ako kalaunan."

Umiling siya. "Hindi ko naman gusto si Almira sa ganoong paraan, Sancha. Kaya hindi
ko siya liligawan."

"W-Well, yeah." I laughed nervously again. "Soren courted me eventually. So..."

"Wala rin akong planong ligawan, kahit pa makasama ko siya sa ibang bansa. Iba ang
gusto ko, Sancha."

And nobody knows who it is! Sancha, you stupid girl! Bakit napunta rito ang usapin
gayong alam ng buong bayan na ito kung sino ang gusto ni Alonzo!

"Ah. Iyon nga raw." I chuckled very nervously this time.

He chuckled, as well. Yumuko at hinilot ang batok. "I'm sorry. I hope I'm not
making you uncomfortable with what I just said."

"H-Hindi naman."

Pumikit siya ng mariin bago nag-angat uli ng tingin sa akin. "Uh... sali na ako sa
kanila, Sancha. Para... magawa mo na ang ano pang kailangan mong gawin."

"Sige. Sige..." sabay tango tango ko.

"Uh... Uuwi na ako kapag uuwi ka na."

My eyes widened. Pumikit siya saglit. He licked his lower lip.

"Ang ibig kong sabihin, hindi na rin naman ako magtatagal. I'll text you when we're
both home. Hindi mo kailangang magreply, alam kong pagod ka."

"Ah... Hindi pa naman ako pagod. Kaya baka magreply nga ako."

Napalinga-linga ako. Wala na akong gagawin kaya ba't pa nga ba ako nandito?

"Sige, uh... mag enjoy ka muna. Ayos lang. Uuwi na ako. Wala na kasi akong
gagawin."

He nodded. "Magpapaalam na rin ako sa mga kaibigan ko kung ganoon."

"Hindi... Huwag na. Uh... Sumali ka muna sa kanila. Uh..." Pumikit ako ng mariin.
"Lalapitan ko muna si Kuya Manolo at baka may maitulong pa ako sa kanila roon."

"Okay. Kung ganoon, balik na rin ako sa lamesa namin."

"S-Sige."

Hindi ko alam kung bakit nagtagal sa isipan ko ang usapan naming iyon. Nasa tabi na
ako ni Kuya Manolo, namimigay ng papremyo at natutulala pa ako kakaisip sa napaka
awkward na pangyayaring iyon.

I've been teased to Alonzo for years and everyone knows that he likes me. Hindi
gaya noon na masasabi kong medyo totoo nga iyon, iba na ngayon dahil nakilala ko na
siya. Baka naman hindi? Baka naman assuming lang ako? O sabi-sabi lang? O baka rin
ayaw ko nang aminin na nararamdaman kong totoo iyon dahil natatakot ako kung
sakaling hindi.

But that conversation kind of confirmed it... Or am I too assuming? I smiled


thinking about it.

Ibang-iba ang pasko at new year na ito kumpara last year. I was lonely last year
and I said it was because my boy best friend isn't okay with me. This year, both
Soren and Margaux are not okay with me but I'm not lonely.

How weird.

Maybe because... I found a friend... in Alonzo. And maybe some other concerned
people.

Bigla akong nalungkot na hindi man lang ako ganoon ka apektado sa nangyayari sa
amin ni Soren at ni Margaux. I feel guilty. What kind of a friend I am if I feel
okay even though we're not okay?

May kaunting pagtatampo sa puso ko para kay Margaux. And Soren, I'm sure I'm just
doing the right thing to put him in his place and to prove my point - painful but
needed.

"Hi, Sancha! You're alone again?" si Steffi at naupo sa tabi ko sa kiosk.

Ngumiti ako. "Oo. Ikaw?"

She smiled. "Alone din. You know... Camila's my only best friend. Nawalan na ng
ibang plastik na kaibigan kaya heto."

Tumango ako.

"Ayos lang ba na dito na rin muna ako magstudy? Para ba 'yan sa midterms n'yo?"
sabay tingin niya sa nakalatag kong notes.

"Oo. Ikaw? Midterms din?"

"Oo. Kinakabahan nga ako, e. Running for cum laude kasi ako. Kaya kailangan ko ring
magsunog ng kilay."

"Wow. Congrats, then, Steffi. In advance."

She laughed. "Hopefully, Sancha. Nga pala... kumusta na kayo nina Soren at Margaux?
Umayos ba kayo? Perhaps on Christmas?"

Ngumiti ako. "Hindi pa, e. Pero ayos lang. Maybe they need time."

"Hay naku! Ikaw rin naman! Lalo na't ikaw talaga ang pinakadehado, 'no! Those two
should reach out to you. Not you! Sila ang may kasalanan kaya sila dapat ang
makipag-usap. Kung ako b-in-ackstab, I don't think I would even think of
reconciling, anyway."

I hate to say this but she's kind of right. Iyon ang pagtatampo ko kay Margaux. And
to think we've been best of friends for a long time.

"Speaking of them, I saw them hanging out together. Silang dalawa lang. May kung
ano ba sa kanila?"

Shocked, I'm speechless. Really?

"Or... hindi ba?"

"H-Hindi ko alam, e. Ang alam ko ayaw ni Margaux kay Soren. Galit siya noong...
nagkaayos kami ni Soren."

"Oh! Then... oh my. I'm sorry, Sancha."

Napaisip ako sa sinabi ni Steffi.

"I'm not sure what's up but I saw them a bit touchy with each other. I'm sorry. Do
you still like Soren?"

"Uh... no... It's okay. I'm just... surprised."

"Ay oo nga pala. Si Alonzo na nga pala ang gusto mo."

Napaangat ako ng tingin kay Steffi. She winked at me.

"Don't worry, wala akong sinabihan. Kahit nga si Camila, e."

Kinagat ko ang labi ko. I don't know what to say. Should I thank her for that? For
keeping this a secret?

"Alam mo, nasisiguro kong makukuha si Alonzo sa trabahong in-aapply-an niya. Summa
yata 'yon gagraduate at hindi na malabo na papasa agad iyon sa board! Daming offers
sa kanya pero mukhang pinakamalaking offer 'yong ina-apply-an niya."

Tumango ako.

"Wala ka bang planong sabihin sa kanya ang feelings mo?"

"H-Huh?" nagulat ako roon.

She smiled. "You know... we all know how much he likes you. He isn't denying that
and when someone asks him, his reply is all the same. Kaya kung may kailangan mang
magsabi ng nararamdaman dito, Sancha, ikaw 'yon. Kasi wala siyang alam sa
nararamdaman mo. Alam niya lang na si Soren ang crush mo."

"H-Hindi ko alam. Hindi ko yata kakayanin 'yon!" Uminit ang pisngi ko.

I've been crushing on Soren for years but never did I even thought of confessing my
feelings to him.

"Aalis siya, Sancha. Mas mabuting klaro n'yong dalawa ang feelings n'yo bago siya
umalis. O kahit bago gumraduate. O kahit nga bago mag finals para ma inspire siya
lalo. 'Tsaka... sige ka... baka maghanap 'yan ng iba sa ibang bansa kapag hindi ka
naging klaro sa nararamdaman mo."

"I don't know. I-I'm not sure."

"This is your first time, right? And you've never had a boyfriend. I've been in a
few relationships so you can say that... I know what's best for this," she winked.

"Hindi ko alam kung paano. Kinakabahan ako," iniisip ko pa lang pakiramdam ko


mahihimatay na ako.

"I'll teach you how, Sancha. Trust me. I'm an expert on this. At huwag kang mag-
alala, hindi ko rin sasabihin kahit kanino."

💕💕💕
KABANATA 21
Nervous

Isinapuso ko ang itinuro ni Steffi sa akin.

Sa totoo lang, naduduwag pa rin ako. Kahit kailan hindi ko naisipan na magtapat sa
nararamdaman ko pero hindi matanggal sa isipan ko ang punto ni Steffi.

"Aalis na siya. Babalik man pero maniniwala ka ba na lagi 'yon? Mahal ang ticket ng
eroplano pabalik dito sa Pinas. Malaki man ang sahod nila, mataas din ang cost of
living sa ibang bansa. First month and it's impossible he'd come home. He's still
adjusting and for sure it will cost his parents money just to send him there."

Isa iyong bagay na hindi ko masyadong naiisip. Siguro dahil hindi naman kami
kailanman namroblema sa pera. Hindi ko inasahan na mahirap pala ang ganoon.

"It's now or never! At kailan pa ang pinaka perpektong araw para riyan kundi ang
araw ng mga puso? Nalalapit na!"

"Heart's day?!" halos bayolente kong reaksiyon dahil malapit na ito.

Mas lalo lang akong kinabahan pero hindi ko maipagkakaila ang mga punto niya. Paano
nga kung abutin pa siya ng isang taon bago siya makauwi ulit dito? O paano kung may
makilala siyang ibang babae roon? Foreigners are pretty. He's tall and a bit
handsome, it is not a farfetch idea.

Iniwan ako ni Steffi na maraming tanong sa utak.

"Gawin mo na, Sancha. Ganyan talaga dapat kapag nagkakagusto ka sa mas matanda
sa'yo. You don't understand everything about it yet but when you'll reach our age,
you'll realize this is the mature way of having a relationship."

This is just too fast. I can't believe I am even considering on doing it. Hindi ko
lang talaga maipagkakaila na may punto si Steffi kahit paano.

"Sancha," I heard a familiar voice from behind me.

Sa dami ng iniisip ko, napatalon ako sa gulat at nilingon si Ella. Kumunot ang noo
niya at tumingin sa paligid bago naupo sa tabi ko. Hinawakan ko ang aking dibdib.

"Ikaw lang p-pala."

"Bakit? May inaasahan ka bang iba?"

Umiling ako at tipid na ngumiti kay Ella nang nakabawi na sa gulat. Kunot pa rin
ang noo niya sabay sulyap sa kung saan nawala si Steffi kanina.

"Kasama mo si Steffi kanina?"

"Ah. Oo. Nagkuwentuhan lang."

"Hinanap kita kasi sa wakas nakausap ko na ng matino si Margaux at Soren."

Nabuhayan ako ng loob sa sinabi niya.

"Nagtanong lang ako kung isasama ka ba sa party sa bahay nina Soren. Nagbakasakali
lang ako pero, sa totoo lang, inasahan ko nang hindi sila papayag..."

Tumango ako. I'm eager to know more about it. Kahit pa alam ko namang hindi rin
naman siguro ako papayagan ni Kuya at Ate. Lalo na kina Soren. Lalo na dahil party.
Still, I want to know more about it.

"Pero pumayag naman sila na pumunta ka. Marami silang inimbitahan. Kasama sina
Leandro, George, Levi, at iba pa. Halo ang crowd, kaya nariyan din ako, hindi
eksklusibo. Kaya... sana makapunta ka. Baka makipag-usap na sila."

Ngumiti ako. "Hindi ako sigurado, e. Magpapaalam ako pero alam mo naman ang Kuya
Manolo."

She sighed sadly. "Naisip ko rin 'yan pero sinabi ko pa rin sa'yo. Baka lang...
makapunta ka."

"Anong party ba 'yan? At kailan?"

"Uh, ang alam ko aalis kasi parents niya ng isang linggo. Sa February fourteen.
Sabado kasi kaya raw naisipan niyang may party."

My jaw dropped and I wondered if Alonzo would join that party. Kung naroon sina
Levi at Leandro, baka naroon din ang mga kaibigan ni Alonzo at iba pang taga
basketball team.

Sa araw na iyon gusto ni Steffi na magkita kami ni Alonzo para makapagtapat ako.
Hindi naman kina Soren at sa isang lugar lang iyon dito sa Altagracia.

"Bakit? May lakad ka?"

"U-Uh... Wala naman," agap ko medyo kinakabahan na at 'di mapakali.

"Sancha, dalawang beses na kitang nakitang kausap si Steffi rito sa campus. Curious
lang ako, anong pinag-uusapan n'yo?"

"Uh... W-Wala naman!" ulit ko, lalong kinakabahan.

Now that I have plans on confessing, I feel like there's a sign above my head about
my feelings. Pakiramdam ko tuloy alam ni Ella ang iniisip ko kahit na alam kong
imposible.

Ella shifted on her chair.

"Sa totoo lang, humahanga rin naman ako kay Steffi dahil maganda at magaling
manamit. Halos crush ng marami sa batch niya pero tingin ko hindi ka dapat
nagtitiwala masyado sa kanya."

"H-Huh? Bakit naman?"

Umiling siya. "May masama akong pakiramdam sa kanya."

"Okay naman si Steffi. Mabait siya sa akin at naiintindihan niya ang mga... tungkol
sa problema ko kay Margaux at Soren."

Kitang-kita ko ang dumaang iritasyon sa mukha ni Ella. Nagulat ako dahil lagi
siyang tahimik at mabait sa akin. Tumayo siyang bigla.

"Nandito naman ako at hindi man umuusad halos, totoong tinutulungan kita, Sancha.
Kaya huwag mo nang pagkatiwalaan si Steffi!"

Kumunot ang noo ko. "Huwag pagkatiwalaan? May rason ka ba para riyan? Isa pa, hindi
pa naman malalim ang pagkakaibigan namin. Simpleng usapan lang, Ella. Please, don't
be unreasonable."
"Magtiwala ka na lang sa akin, Sancha."

"Magtiwalang ano? Bakit nga? It's already very lonely to come to school and not
have friends like I used to. Kaya hindi ko matanggihan ang kabaitan ni Steffi-"

"Ipagpapalit mo kami ni Margaux kay Steffi, Sancha?"

My lips parted and somehow it made me remember how I got so frustrated on Margaux
reasons when she started getting mad at me. Ganito rin iyon. Hindi ko maintindihan
ang punto. Naisip ko tuloy kung nasa akin ba ang problema. Dahil bakit ganito, kay
Soren, kay Margaux, at ngayon kay Ella.

"H-Hindi, Ella. I would never do that."

Then she walked away coldly.

I don't understand. This is one thing I can only share to Alonzo vaguely. Hindi ko
kasi gustong malaman niya na kausap ko si Steffi. Ayaw ko ring tanungin niya kung
ano nga ang pinag-usapan namin dahil kakabahan lang ako.

I am building up the courage to finally sort my feelings out and tell him. Not on
the phone and certainly not today.

"I'm sorry to hear that, Sancha. May maitutulong ba ako?" he asked.

"Ayos lang. I think it's all on me now. Kung tatlo sa kaibigan ko ang ganito ang
ginawa, naiisip kong nasa akin ang problema."

"Walang problema sa'yo. Siguro dahil lang 'yan hindi na kayo gaanong nagkakausap
kaya hindi na nagkakaintindihan."

"Yeah, I know. I just wish they would not ignore me at school. Kahit na malamig na
lang sana sila sa akin hindi iyong aalis kapag nariyan ako."

He sighed.

"I'm sorry. I know you're pressured with school right now. Binibigyan pa kita ng
problema," I chuckled.

"Hindi mo ako binibigyan ng problema, Sancha. Gusto ko ring marinig ang nangyayari
sa'yo sa school dahil medyo busy nga kami at hindi na tayo nagkikita masyado roon."

I smiled and hugged my pillow tightly.

"Oo nga, e," tanging nasabi ko.

He chuckled. "May exam kami sa Lunes. Maaga akong pupunta para mag-aral."

Kumunot ang noo ko, pero hindi ko maitago ang nagbabadya ulit na ngiti.

"Hmm," patuloy niya.

"Hmm? Good luck!"

"Baka lang gagawa ka rin ng assignment at mapapaaga ka? Pero kung hindi, ayos lang
din."

Hindi ko na napigilan ang halakhak ko. "Ayaw kong istorbohin ka. Kung mag-aaral ka,
baka istorbo lang ako kung magkita tayo."

"Hindi naman. Mag-aaral naman ako sa weekend. Kaya review na lang din ang gagawin
ko sa umaga ng Lunes."

Smiling like an idiot, I remembered something. Kailan pa ba ang magandang


pagkakataon para yayain siya sa plano namin ni Steffi?

"Uh... nga pala. May gagawin ka ba sa susunod na Sabado?"

He paused for a while. Mas lalo lang tuloy akong kinabahan. Pakiramdam ko
tatanggihan niya ako.

"Wala, Sancha."

Kinagat ko ang labi ko.

"Hindi... ka ba imbitado sa party nina... Soren?"

"Inimbita ako pero hindi ako pupunta."

"Oh? B-Bakit? May lakad kang iba?"

"Wala rin. Bakit mo natanong?"

"Uh... Kung wala ka lang lakad, ah? Uhm... Puwede ba tayong magkita?"

Pinikit ko ang mga mata ko. Pakiramdam ko pinakawalan ko ang mga salitang hindi ko
na yata mababawi pa.

Ni hindi ko pa alam kung handa nga ba ako sa gagawin ko. Naiisip ko lang na
pakiramdam ko, hindi ako kailanman magiging handa na sabihin sa kanya ang
nararamdaman ko. I would forever stay nervous just thinking about it. Kaya bakit ko
patatagalin 'to kung pareho lang din pala.

Tama si Steffi.

"Oo, Sancha. Saan mo gustong magkita?"

"Uh, sasabihin ko na lang. Uh, huwag kang mag-alala. Makakapag-aral ka pa naman.


Saglit lang ang pagkikita natin."

"Papayagan ka ba ni Sir Manolo?"

"Oo. Magpapaalam ako."

"Sa party ba ni Soren?"

"H-Hindi. Imbitado rin ako roon pero hindi naman ako papayagan. Sigurado ako. Ayaw
kong magalit si Kuya Manolo kay Soren kaya hindi ko na rin pipilitin."

"Okay, Sancha."

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Pagkatapos ng tawagan namin, t-in-ext ko na si


Steffi tungkol doon.

Ako:

Nayaya ko na si Alonzo sa 14! Pumayag siya pero saglit lang kami. Ayos lang ba
'yon?

Steffi:

Oo naman. Ayos na 'yon. Bakit? Kailangan mo ba ng mahabang panahon para sabihin sa


kanya ang nararamdaman mo? Haha. Ikaw talaga, Sancha.

Ako:

Saang coffee shop ba kami magkikita? May suggestion ka?

Steffi:

Anong coffee shop. Hindi 'yan puwede sa dapat mong gawin. Unless gusto mong marami
ang makakita?

Uminit ang pisngi ko. Hindi ako makapaniwalang kailangan talaga 'yon.

Ako:

Maghahanda ba ako ng gift? Hearts day no'n.

Steffi:

Huwag na. Gift mo na sa kanya ang gagawin mo. Oh 'di ba? Trust me, Sancha. Just
chill and leave this to me.

Ella has been a bit cold to me the next days. Hindi ko rin siya gaanong nakakausap
dahil habang tumatagal, hindi na nagiging approachable ang titig niya sa akin. I
would strike a conversation for her and Margaux. Marguax still ignores me while
Ella would just answer the question.

I spent the next days trying to convince myself that I can do it. Hindi pa
nakatulong na biglang naging abala si Steffi sa linggong iyon kaya hindi kami
nakakapagkita sa school.

Sa linggong 'yon, nariyan din ang mga graduating students. Siguro nga naghahanda na
sila. Habang nag-aaral si Alonzo at nag-uusap kami paminsan-minsan, I took the
opportunity to watch him closely as I narrate my lines on my head.

Alonzo, sa totoo lang, pinag-isipan ko talaga 'tong mabuti bago sabihin sa'yo.
Tingin ko lang kasi mawawalan ako ng pagkakataon na sabihin sa'yo 'to dahil aalis
ka. Oo. Nasisiguro kong makukuha ka sa trabaho at ayaw kong hintayin pa iyon bago
tuluyang aminin sa'yo ang nararamdaman ko.

Napaangat ng tingin si Alonzo sa akin.

"May problema ba, Sancha?"

Uminit ang pisngi ko. "Wala naman."

Sumulyap siya sa sinusulatan kong papel.

"Tapos ka na ba sa assignment na sinabi mo?"

"Uh, oo!" sabi ko sabay bitiw sa ballpen na nakatutok pa sa papel.

"Patingin nga?" hamon niya.


Mas lalo lang uminin ang pisngi ko at agad na sinarado ang mga libro. "H-Huwag na!
Ayos na 'to!"

His eyes narrowed and then a small smile played on his lips.

Ang hindi niya alam, tapos na naman talaga ako sa assignment. Nagkunwari na lang
ako na may ginagawa pa para malaya ko siyang matitigan at makapag ensayo ako sa
sasabihin ko ngayong Sabado.

Pero bakit may pakiramdam ako na hindi gano'n ka smooth sa isipan ko ang
mangyayari? I would stutter so bad and I would shut my eyes to hide my
embarrassment.

Gusto ko nang umatras pero kailan pa ba ako magiging matapang? At ayaw kong
magkaroon ng pagsisisi sa kahit ano.

If he plans on calling me when he's abroad for work, in time I would want a label
for us. Hindi ba mas maganda kung sa personal ko siya makausap tungkol dito at
hindi lang sa tawag o kahit videocall.

Kailan pa ba ako tatapang?

Isn't this the first step on being a girl who knows what she wants and will try to
act on it? Ayaw ko nang maging tahimik at duwag. Hindi kayang tumayo sa sariling
paa at hindi kayang sabihin ang ano mang nararamdaman.

"Sa party ka nina Soren pupunta?" Kuya Manolo asked while we're eating our
breakfast.

Madalas nauuna siyang kumain pero sa araw na ito, sumabay siya sa amin. The way he
looked at me as I started eating, I can sense why he's here and he's asking me
this.

"Hindi, Kuya."

"Saan ka pupunta?"

"Malapit lang sa school. Saglit lang ako."

"Isang oras?" he asked.

"Mga dalawa. Pero hindi ako gagabihin," sagot ko.

Mamayang hapon pa kami magkikita ni Alonzo. Iyon kasi ang sabi ni Steffi. Siya na
rin ang pipili kung saan magandang magkita. Aniya'y doon din sila nagkikita ng
dating boyfriend niya noong highschool pa lang sila.

She volunteered to come early with me to coach me on how to do it. Ayaw ko sana
dahil sa kaba ko pero hindi na rin naman masama. Aalis din naman siya agad.

There is a small shed near one of the entrance to Mount Canlaon known to everyone.
Sa harap na gilid nito ay isang bagong ayos na highway at malawak na palayan. The
sunrise and sunset is good here, according to Steffi. Nalungkot siya nang sinabi
kong hindi ako puwede ng alas singko pero sabi niya ayos na raw ang alas kuwatro.

Sa kaba ko at usapan namin ni Steffi, alas tres pa lang naroon na kami. Nang nakita
ni Ate Soling si Steffi, napanatag siyang iwan kami. Iti-text ko na lang siya kung
tapos na kami.
"Sakay ka na lang sa motor ni Alonzo kapag tapos na kayo? Ano?"

Uminit ang pisngi ko. "Huwag na. Nakakahiya at... baka mag-alala lang si Kuya."

I'm wearing a short white floral dress with ruffled spaghetti straps. I let my hair
down because it helps to make me look more mature. kailangan ko iyon dahil hindi
ako matangkad at sa isang tingin mukhang mas bata pa sa tunay na edad. But this
way, I cheat on my age and that's what I want. I want Alonzo to look at me as a
lady ready for a mature relationship.

"Handa ka na? Gawin mo, ah? Hihintayin kita? Manonood ako."

"Huh? Huwag na! Uh... Kaya ko na!"

"Sancha, para naman may kasama ka. Para hindi ka gaanong kabahan."

"A-Ayaw ko."

She sighed, looking a bit annoyed. "Okay fine. Maiwan na kita rito kung ganoon?
Aalis na ako."

"H-Hindi mo ba aantayin muna na dumating si Alonzo?"

"Hindi na, Sancha. Aalis na ako kasi kaya mo na 'yan!"

"S-Sige!"

She waived at me good bye. Hindi ko man lang siya hinatid sa naghihintay nilang
sasakyan hindi kalayuan dahil sa kaba ko. I have it all planned out inside my head
and I need to say it flawlessly to Alonzo.

Habang tumatagal, lalo akong kinakabahan. Ilang beses na muntik na akong magtext
kay Ate Soling pero sa huli, nagpakatatag ako.

Muntik na akong mahimatay ng tuluyan nang nakita kong papalapit ang motor niya sa
shed. Walang text at walang tawag na papunta na siya. Hindi pa tamang oras. He's
here thirty minutes before the time I said.

Kitang-kita ko ang seryoso niyang itsura nang nakita akong nakatayo roon. Mas lalo
akong nahiya nang narealize na iniisip niya sigurong masyado akong maaga! I wonder
if he knows now why I want to see him today! Hearts day!

"H-Hi!" I said when he's near.

He bowed curtly and removed himself from his motorcycle. Tumikhim ako at halos
mamanhid na sa bilis ng tambol ng aking puso.

"Kanina ka pa?" he asked as he locked his old and big motorcycle.

"M-Medyo."

"Pasensiya na kung natagalan ako."

Umiling agad ako. "H-Hindi. Hindi mo kasalanan. Nagmaaga lang talaga ako rito.
Uh... Maaga ka nga, e. Sa usapan natin."

Iginala niya ang tingin sa paligid bago unti-unting pumasok sa shed.

"Sancha, gusto mo ba talaga rito? O kung gusto mo, may alam akong magandang coffee
shop na kabubukas lang sa bayan. Lumipat na lang tayo-"

"Huwag n-na!" medyo bayolente kong pagkakasabi.

He sighed. Mas lalo lang siyang nagseryoso.

"Gusto mo rito?"

Tumango ako. Muli niyang iginala ang tingin sa paligid. Sinubukan niya ring
kumbinsihin ako noong t-in-ext ko sa kanya ang napili kong lugar at gaya ngayon,
tumanggi rin akong baguhin ito.

"S-Saglit lang naman tayo rito. Huwag kang mag-alala."

He calmed down and nodded. "Okay."

The way he said it feels like he still has many things to say but he stopped
himself. Huminga siya ng malalim at lumapit sa medyo sira nang kawayang upuan ng
shed.

I realized then how awkward this is. Iniisip niya siguro kung ano naman ang gagawin
namin dito? Walang pagkain na puwedeng iorder, inumin, o kahit ano. Tanging shed
lang na sira-sira pa at gawa sa kawayan.

If I don't start now, I'd prolong this and... it will be more awkward.

"Upo ka, Sancha," aniya nang napansing nakatayo pa rin ako sa gitna ng shed.

Umiling ako at humakbang palapit sa kanya. The shock on his face made me more
nervous! But then I can't turn back now! Hindi ako duwag!

"Alonzo, may sasabihin ako sa'yo," nanginginig ang boses ko.

His eyes widened and his lips parted for a moment. Pagkatapos ng ilang sandali ay
tumango siya.

"Ano 'yon, Sancha?"

"I-I want you to listen very carefully. This is... This is about my feelings for
you!" I almost screamed that part out as if screaming would make me braver.

The shock in his eyes made me almost cry. Laglag ang panga niya, he didn't even
bother to cover his surprise. Or maybe... he couldn't hide it.

He swallowed hard and stood up. Now nearing me, I feel like I'm going to turn into
liquid and evaporate in front of him. He looked nervous as well. But I don't think
anyone is as nervous as me right now.

💕💕💕
KABANATA 22

Breathe

"I-I think I-I'm in love with-"

"Sancha!" sigaw niya, nilulunod ang mga salita ko at tuluyan na akong nakaharap.

Sobrang init ng pisngi ko at nagbabadya na ang mga luha ko. Hindi ko alam kung
bakit. Mahaba ang plano kong sasabihin pero pakiramdam ko maduduwag akong sabihin
ang katagang iyon kung pinatagal ko pa!

Matapang akong nag-angat ng tingin sa kanya, hindi maipagkakaila ang takot sa


biglaan niyang sigaw. Bakit niya ako pinigilang sabihin 'to? Mali ba ako sa akala
kong may nararamdaman siya sa akin at... gusto niya akong isalba sa kahihiyang
nagbabadya?

I never thought of that. As I think about what I'm going to do right now, his
feelings for me isn't a question anymore. I already know how he feels for me like
how everyone in Altagracia knows it! Nagkamali ba ako?

Well, then it's too late, isn't it? Nasabi ko na. At ano nga ba ngayon kung hindi
niya nga ako gusto? That doesn't make my feelings for him false.

Yumuko siya at pumikit ng mariin bago muling nag-angat sa akin. His eyes were
gentle and almost sheen and moist eyes.

"I'm sorry for shouting. I didn't mean that."

Suminghap ako. Hindi ko namalayan na kanina pa ako hindi humihinga. He smiled


slowly.

"Bago mo sabihin 'yan, gusto ko ako ang mauuna."

Napakurap-kurap ako. His lips parted as if I ambushed him and he's unprepared for a
speech! I licked my lower lip as I watch him struggle for words.

"This isn't the right time yet but..." he smiled again. "I'll tell you."

He exhaled slowly and licked his lower lip. Mas lalong lumambot ang mga mata niya.

"Pasensiya na sa maraming beses na tinutukso ka sa akin. O tinutukso ako sa'yo," he


said slowly.

Kinagat ko ang labi ko.

"Kasalanan ko ang lahat ng 'yon. Tuwing may nagtatanong sa akin kung bakit wala
akong girlfriend o sino ba ang gusto ko, pangalan mo ang sinasagot ko."

My heart skipped a beat.

"It isn't an excuse. Noong una, sinabi ko lang 'yon sa mga taong mapagkakatiwalaan
ko pero hindi ko alam paano kumalat. Siguro sa paminsan-minsang tukso. At nang may
nagtanong na sa akin kung totoo ba na gusto nga kita, ayaw kong tanggihan. I know
you don't have feelings for me but I didn't want it to reach you that I denied
what's true."

"I-I have-"

"Ako muna, Sancha. Please?" malambing niyang sinabi.

If my heart isn't exploding yet a while ago, then right now, it is.

"It's true. I've got a crush on you for years. I like you so much." Nag-iwas siya
ng tingin. "Hindi ko maitanggi dahil ayaw kong umabot sa'yo at maisip mong masyado
akong presko. I want you to like me and I can't deny it."

I want him to know my feelings but this is more than whatever I asked for in return
of my confession. Ni hindi pa ako nakakapagsalita!
"Nang nakilala kita... sa nakaraang taon, at ngayon, mas lalo lang akong
nahuhulog."

"Nahuhulog?" I echoed his words.

He smiled and nodded.

"Yes, Sancha. I want to tell you this but I know it isn't the right time yet. kahit
pa mukhang aalis nga ako. I hoped you'd be patient enough to wait for me while I'm
gone. I promise I'd communicate with you."

Nangilid ang luha ko sa saya. This is really more than what I asked for.

Tama nga si Steffi. Her words are very true! All of it!

Naalala ko ang isa sa pinaka importante niyang ibinilin sa akin. Alonzo is years
older than me so it must be natural for him to be mature when it comes to
relationship. I want him to know that I am no longer a kid and I'm ready to be a
girlfriend, as long as it is with him.

Matapang akong humakbang palapit sa kanya. He continued talking, though.

"Mahal kita, Sancha. Matagal na," he said softly.

I smiled. Kung ano mang takot ang naramdaman ko kanina, wala na iyon ngayon. Braver
because of his own confession, I tiptoed my way to his face. Because I still
couldn't seem to gain access on his lips, I pulled his shirt.

Muntikan na akong mawalan ng balanse dahilan ng paghawak niya sa aking baywang.


Hindi ako tuluyang nadapa dahil sa ginawa niya at naabot ko rin ang kanyang labi.

My heart pounded as I prolonged the kiss. According to Steffi, that's how we should
kiss. Alonzo's hand held me firmly as he received my kiss. His lips felt so soft
and feathery. I feel like melting in his arms.

Pikit ang mga mata ko pero nang unti-unti akong ibaba ni Alonzo, dumilat ako at
tiningnan siya. He's watching me for a while but then his eyes darted somewhere
else. Kumunot ang noo niya at binitiwan ako.

"Steffi?" he said and moved.

Lumabas siya sa shed kaya ganoon din ang ginawa ko. Steffi? Hindi ba umalis na
siya?

"Steffi!" sigaw ni Alonzo at nakita namin ang unti-unting pagtakbo sana ni Steffi.

Wala nga lang siyang matakbuhan dahil walang sasakyan na nakaparada sa malapit.
Uminit ang pisngi ko at natantong narinig ni Steffi ang lahat. But then... it's
okay, right? She can be trusted?

Ngumisi si Steffi at ang dalang cellphone ay itinago sa likod.

"Hi, Lonzo! Sancha!"

"Anong ginagawa mo rito? At ano ang kinuhanan mo sa cellphone mo?"

Napabaling ako kay Alonzo. Kitang-kita ko ang galit sa itsura niya, isang bagay na
hindi ko pa yata nakita kahit kailan.
Napawi ang ngiti ni Steffi. Nilingon niya ang highway na ngayo'y may palapit nang
sasakyan nila. Kinabahan ako bigla. Kakaibang klaseng kaba. Unti-unting umahon sa
akin ang banta ni Ella at ang pumalit na ngisi ni Steffi ngayon.

"Bakit? Ide-delete mo, Lonzo? Nasend ko na sa mga kaibigan ko kaya kahit idelete mo
ngayon dito, kalat na."

"K-Kalat ang?" singit ko, nalilito na.

Alonzo's eyes narrowed. The obvious brewing anger is really there and I can't
believe it. I stepped toward Steffi and Alonzo pulled me back near him.

"Dito ka lang, Sancha!"

"Ohh..." sabay tingin ni Steffi sa kamay ni Alonzo na hawak ang kamay ko.

Mabilis na binitiwan iyon ni Alonzo.

"Ano kayang mangyayari, Alonzo, kung kumalat pa lalo ang halikan at ang mga sinabi
mo sa menor de edad na si Sancha Alcazar? Huh? And in this dirty place where
students come to make out and do more."

I paused as I began to realize what this is all about. Iginala ni Steffi ang mga
mata sa paligid.

"Sikat 'to sa mga highschool malapit dito, ah. Dito gumagawa ng milagro at
naglalampungan ang mag bo-boyfriend. Ew, Lonzo?"

"Huh?!" I said. Sumulyap lang si Steffi sakin.

"Good bye latin honors? Iyon lang kaya? O pati ba... pamamaalam din sa offer mo sa
ibang bansa-"

"Anong gusto mong gawin ko?" marahang tanong ni Alonzo.

"A-Ano 'to, Steffi?"

"Thanks, Sancha! You're a good sport." She winked at me.

"Anong gusto mong gawin ko?!" Alonzo's baritone thundered.

My heart hurt at so much pounding and I realized what I've done wrong.

Sinabi niya nga namang hindi pa tamang panahon! He's years younger and I'm still
seventeen! Kinuhanan kami ni Steffi? Ng video? Ng alin? Ng kiss? At ano pa? Not
that it mattered what but the kiss itself... I'm sure!

Alonzo!

And it wasn't his fault! He's... innocent! I initiated! And... Steffi made me do
it! But I initiated!

"Sabi ko sa'yo, e. Masama 'yang batang 'yan para sa'yo, Lonzo. Hindi ka nakikinig.
You're corrupting a minor, and that's creepy. For someone with your intelligence
and potential, your relationship with Sancha is just suicide."

Mabilis na dumiretso si Steffi sa loob ng sasakyan, nakangisi sa akin.


"Salamat sa tulong, Sancha! Naisakatuparan mo ang plano natin.Kung hindi dahil
sa'yo, wala akong ebidensiya sa nakakadiring si Alonzo Salvaterra! Thirsting on a
girl your age, how dirty. You're a minor and this is against the law. If this
reaches the school, and your parents, I doubt he'd even be given ta diploma."

Our SUV immediately parked in front of the shed. Bumaba ang salamin at nakangiting
dumungaw si Ate Soling.

"Uy, nandito si Alonzo! Nakita naming bumalik na ang sasakyan ni Steffi kaya-"

Natigil si Ate Soling nang pumihit ang sasakyan nina Steffi at humarurot palayo.
Kinabahan ako bigla at sa takot sa nangyayari at naisip, agad akong pumasok sa
sasakyan.

"Ate Soling, pakisundan po ang sasakyan nina Steffi!" I ordered.

"H-Huh? Bakit? May problema-"

"Please, pakisundan po! Nawawala na! Please!" I cried.

Sa sobrang bilis ng pangyayari, pagkabukas ko ng bintana para humingi ng tawad kay


Alonzo, nakalayo na kami. It doesn't matter, though. What I need right now is to go
and talk to Steffi. Whatever is her evil plan, I want her to stop it.

For sure I can convince her.

"Sancha, saan 'to patungo? Ang paalam mo ay sa Canlaon lang..." si Ate Soling.
"Anong problema?"

"Please!" sabi ko habang tinitingnang mabuti ang pagharurot ng naunang sasakyan.

Sa tingin ko alam ko kung saan ito patungo. Daanan ito patungo kina Soren at siguro
pupunta siya roon.

"K-Kina Osorio 'to. Sancha, bawal ka-"

"Ate! May kailangan akong gawin, okay? Ako na ang bahala kay Kuya Manolo! Sige na
po! Please, Manong! Ako ang sasalo sa galit ni Kuya, please!" pagsusumamo ko.

Nang nakita nila ang pag-iyak ko, pinaharurot na rin ng driver namin ang sasakyan.
Nakapasok kami kina Soren at nakaparada na roon ang sasakyan nina Steffi. Nakita
kong pumasok siya sa main entrance na puno ng mga estudyante at kakilala.

"Dito lang ako!" utos ko at nagmamadali nang pumasok.

"Sancha, hindi kami paparada dahil bawal ka rito. Iikot na lang kami!" si Ate
Soling na hindi ko na sinagot.

"Uy, si Sancha? Invited ka pala?" sinabi ng iilang kaklase.

Dire-diretso ang pasok ko. Huli na nang napansin ng lahat ang itsura ko. Ang
katutuyong luha at namumulang mata, ang nag-aalalang mukha.

Maingay sa buong bahay. Animo'y bar sa isang siyudad iyon. Nang sinundo namin ni
Kuya Manolo si Ate Peppa sa kanyang bachelorette party, sa labas pa lang ng
kumpulang bar, ganito na ka ingay. May mga inumin. May inabot sa akin na inignora
ko.

"Si Steffi?" sabi ko sa mga nakasalubong.


"Uy, si Sancha-"

"Si Steffi?!" I commanded.

Itinuro nila ang papasok pa sa kabahayan. Nakasalubong ko si Ella at Margaux. I


would want to talk to them but certainly... definitely not right now. I ignored
them and asked a classmate near them.

"Si Steffi?"

"Ah, yes, your new best friend. Dito pa talaga malapit sa amin tinanong para
marinig namin-" it was Margaux and I am losing my patience because of the
predicament.

"Please, Margaux! Awat na! Kailangan kong mahanap si Steffi dahil may kailangan ako
sa kanya, okay?!" sigaw ko.

Sa gulat ni Margaux, napatingin tingin siya sa paligid. Nakita niya ang mabilis na
tsismisan ng mga kakilala at binalewala ko iyon. I need to find her.

Near the older batches, I think I saw her on the sofa. Mabilis akong lumapit at may
hagikhikan agad akong narinig galing sa mga estudyante.

"Shh..." someone said.

"Steffi!" tawag ko at nakita siya.

May hawak siyang inumin na nasa isang cocktail glass. Ganoon din ang iba at ang mga
lalaki'y may beer. Some servers were giving out cocktails and drinks. I was once
again given but I said no.

"Steffi, please, hindi ko alam ang nangyayari pero-"

She smiled and went to me. "You remember my story about a friend who broke up with
me... even after all the favors, Sancha?"

"Steffi-"

"Si Alonzo 'yon." She smiled. "Pagkatapos ng maraming tulong ko sa kanya, sa group
namin, sa eskuwela, at kahit sa personal na buhay. My father recommended his mother
on your azucarera and in the end, he ends our friendship."

"Steffi, maawa ka kay Alonzo. Please, idelete mo ang video. Wala siyang kasalanan,
please.

She chuckled and got one cocktail from one of the servers. Dalawa na ang nasa kamay
niya ngayon.

"Hmm. I thought you'd understand because we have the same problem?" tinagilid niya
ang ulo niya.

"Steffi, please. Please, I beg you-"

"Sige, pag-iisipan ko, Sancha. Inumin mo muna 'tong cocktail."

Napatingin ako sa baso. Hindi ako umiinom at kung sa ibang pagkakataonm tumanggi na
ako. Pero kahit ano na para lang matigil ito, gagawin ko.
"You'd delete it if I did?"

"Pag-iisipan ko, Sancha. Kung ayaw mo, e 'di huwag?" aniya.

Kinuha ko ang cocktail drink at walang pag-aalinlangang ininom iyon. I stopped


halfway when I noticed something.

"T-Tapos na-"

"Ubusin mo muna!" she smirked.

"Steffi, oh... nandito pala si Sancha?" narinig ko sa likod ko si Camila.

Nang naubos ko ang martini, sa dulo ng pag inom ko nakita ko ang maliliit na mani.
Alam kong bawal iyon sa akin pero dahil wala na akong pakealam, nilapag ko ang
inumin at hinarap na si Steffi.

"Steffi, tapos na. idelete mo na ang video, please?"

"Video?" someone heard what I said. Nasa likod ni Steffi, isang lalaking ka-batch
niya rin yata. "Iyon bang video n'yo ni Lonzo sa lugar na 'yon? Gigil na gigil siya
sa halikan n'yo, ah? Sa hawak niya sa'yo parang gusto ka niyang hubaran!" sabay
tawa ng lalaki.

Hindi ako makapaniwala na totoo ngang ikinalat niya na! Kung ganoon, huli na ba ang
lahat? I want to defend Alonzo at what that boy just said but I know I need
Steffi's answer!

"Ang sabi ko... pag-iisipan ko pa, Sancha-"

"Steffi, please! Tumupad ka sa usapan! Huwag mo akong paglaruan ng ganito! Hindi


biro ito! Hindi biro para kay Alonzo, please-"

"Patay si Lonzo riyan. Good luck sa latin honors niya at sa offer sa ibang bansa.
At good luck na rin sa parents niya na nagtatrabaho sa inyo," the boy said.

"Huh? Anong nangyayari, Steffi?" si Camila na mukhang walang alam sa pinag-uusapan


namin.

Maybe because I am panicking or... I hyperventilated immediately. Dahil sa dami ng


tao roon, natanto kong hindi na ako lalo makakahinga.

"Steffi!" sigaw ko pero naputol nang suminghap na para sa paghinga.

I wanted to continue but I know I'm going to faint there without anyone knowing. I
need to somehow breathe!

"Steffi, parang awa mo na-"

Before I could finish my sentence, I decided to go out of the room. Akala ko aayos
ako. Tinawag pa ako ni Camila pero dahil hindi pa rin ako makahinga, dire-diretso
na ako sa sala.

Nakalapit ako kay Margaux. Gusto ko sanang humingi ng tulong pero nang iwasan niya
ako, dumiretso na ako palabas.

Nakikita ko na ang fountain sa labas at tumakbo ako roon sa pag-aakalang aayos ako.
Ni hindi ko nakita ang sasakyang dadaan.
"Sancha!" I heard Alonzo's familiar voice but before I could turn to him, a fast
SUV screeched on my side.

It hurt so much, physically... and emotionally. To top it all, I couldn't breathe.


Nagdilim ang tingin ko at ang huling nakita ay ang nag-aalalang mukha ni Alonzo.

💕💕💕
KABANATA 23

Proud

Needless to say, it was a big scandal.

I was rushed to the hospital unconscious. I drank a cocktail with nuts on it. It
was served on Soren's party from his hired bartenders. Hindi man naging malala ang
pagkakabangga sa akin sa harap ng bahay nina Soren, naging mahirap iyon dahil sa
allergic reaction ko sa ininom.

I was weak the next days. May pasa sa tagiliran at may sugat sa ulo, ayon sa
pagkakasalpak ko sa hood ng sasakyan bago ako bumagsak sa daanan. Natural din na
matindi ang pag-aalala ng pamilya ko. Umabot na sa punto na ang driver ko at si Ate
Soling, na parehong matagal na sa amin, ay sinisante ni Daddy.

Helpless in the hospital bed, I kept hearing my father and my brother's words.
Sometimes, my mother would but in with her equally harsh decisions. Tanging si Ate
Peppa lang ang tahimik, siguro ayaw nang dagdagan ang nangyari.

"Sinasabi ko na nga bang walang magandang maidudulot 'yang Soren Osorio na 'yan!" I
heard my brother.

"Kaya kailangang tanggalin na rin sila, Manolo!" si Mommy na agad sinagot ni Ate.

"Mommy, I don't think that's just. I mean... sige at may kasalanan si Alonzo pero
ang mga magulang niya, wala!"

Maraming sinisi ang pamilya ko sa nangyari. Unang-una roon, s'yempre si Alonzo.

It was a scandal. Kumalat sa buong Altagracia ang video namin. It was cut in a very
malicious way causing Alonzo's latin honors stripped off him, and all his offers
out. It was heartbreaking.

Kahit anong ulit kong pakiusap at paliwanag sa mga magulang ko sa nangyari, kung
hindi man sila galit, ipinapaliwanag din nila sa akin na nasa tamang proseso iyon
dahil nasa batas daw.

Walang kaso at walang trial na kahit ano dahil bukod sa video, walang sapat na
ebidensiya at nakiusap na ang mga magulang ni Alonzo kay Mommy at Daddy na huwag
nang gawin iyon. My Mommy and Daddy panicked the first days, but eventually, they
saw reason and decided that it's enough that Alonzo lost his latin honors and all
the offers stripped off him.

Hindi na ako nakabalik sa eskuwela kahit pa may exam pa dapat na tatapusin. It was
my family's power that made the school rules bend. I have my exams here at home
with the prefect of discipline as a proctor.

Bukod kay Alonzo, pinaimbestigahan din ni Kuya Manolo si Soren. It was his party
and the liquor was from it. Eventually, Steffi was pointed as the one who gave me
the cocktail. Kaya lang, nagsisisi raw siya sa ibinigay niya at hindi niya naman
alam na may allergy ako sa mani.
Steffi was further investigated, too, for the video. Sinabi ko na siya ang kumuha
noon. Sinabi ko rin na sinadya niya iyon para tuluyan nga'ng sirain ang imahe ni
Alonzo. But then, other than that, it felt like the investigations for her was
futile.

Noong una, akala ko dahil mayaman si Steffi, gaya ni Soren. Kaya niyang baliin ang
batas pero kalaunan, nang idiniin ko pa lalo sa kanya ang sisi, sinabi ni Kuya
Manolo sa akin ang isa pang dahilan.

"The investigations proved that Steffi didn't know that you're allergic to nuts. At
hindi rin niya napansin na may ganoon sa cocktail," si Kuya Manolo.

"Even so, Kuya! She documented a private moment! Para masira si Alonzo!"

"Para riyan, dapat sina Alonzo ang magfile ng kaso. Hindi tayo. Now, Sancha. When
Alonzo was asked if what he said... on that video was true..." My brother shook his
head. "He didn't deny it."

"P-Pero, Kuya! Hindi ba labag pa rin iyon sa batas? Na v-in-ideo niya 'yon?" I said
in a frustrated tone.

Nagdilim ang tingin ni Kuya Manolo sa akin. "Hindi iyan ang dapat nating pagtuonan
ng pansin, Sancha. Ang dapat nating pagtuonan ng pansin ay ang ginawa mo sa video
na 'yon! You are at fault, too! You let him do that to you!"

I almost forgot that my brother isn't entirely concerned about Alonzo right now.
Kung maaari ay ipapakulong na rin niya si Alonzo kung hindi lang sa pakiusap ko at
pakiusap ng kanyang pamilya, nagawa niya na 'yon. Lalo na't suportado siya ng mga
magulang ko.

"He's a grown man, you're a minor! Whatever Steffi's reason was, I'm thankful that
this is documented and now I know what's happening!" he spat.

"Dahil sa video na 'yon, nasira si Alonzo-"

"Ang sinabi ko, Sancha! Wala akong pakealam kay Alonzo! Ano man ang kinahinatnan
niya ngayon, he brought it to himself!"

"My name was stained too, because of that video!" Myself is really least of my
concern now but I really want Steffi to pay for everything.

"That's why the Abellana's hired people to delete the videos and ensure none of it
will spread anymore! Besides that, Sancha. Hindi ba inaamin mo rin naman na alam
mong naroon si Steffi sa lugar na iyon?"

"Oo, Kuya, dahil siya nga ang may planong gawin ko 'yon!"

"Then it will only complicate things because you were also to blame. Kayong dalawa
ang may plano noon-"

"Kahit pa! I did not permit her to take a video!"

"All of this, while you're still a minor. Your words will mean nothing, Sancha. Ang
tanging magagawa natin ngayon ay ang linisin ang pangalan mo. The Abellana's are
doing their very best to-"

"I can't believe Steffi's getting away from this! Siya ang puno't dulo!" iritado ko
nang giit.
"Kaya nga inaayos ng mga Abellana ang lahat at magpapatuloy pa ang imbestigasyon,
hindi ba-"

"Paano si Alonzo, Kuya?"

"Stop thinking about him! Hindi si Steffi ang puno't dulo rito, kundi siya, Sancha.
At para malaman mo, kung ipaparinig mo pa 'yang mga sinasabi mo sa akin kay Mommy
at Daddy, baka pa magbago ang isipan nila at tuluyan na nga'ng kasuhan si Alonzo sa
nangyari!"

"Wala siyang kasalanan-"

"I already told you! You're a minor and he's a grown man! Don't make this difficult
or I will be the first one to encourage in filing a case against him! You're being
blinded! It makes me wonder what he's said to you to be this passionate about him!"

Frustrated and very angry, I rushed out of our house crying so hard. Hindi ko na
alam ang gagawin ko. Walang nakikinig sa mga rason ko. Hindi ko matanggap na ang
totoo, binalak kong magtapat kay Alonzo. Ang halikan siya ay tinuro lang ni Steffi.
It was the most crucial part of the video that everyone is talking about.

Hindi pa kasali roon na hindi naman talaga ako nagtapat. Si Alonzo ang nagtapat.
Mas lalong idiniin na siya lang talaga ang may ibang motibo sa pagkikitang iyon,
hindi ako. At kahit anong ako ko sa kasalanan, my family only wants to protect.
They'd rather blame Alonzo than put anything on my name.

They'd rather tell everyone that I was fooled by Altagracia's golden gentleman, who
turned out to be a dirty bastard. I hate it. I hate everything about it. I hate
Steffi. I hate how nobody could see that the video was the problem. Kung puwede ay
puriin pa ng mga magulang ko na may video nang sa ganoon, naagapan ang ano mang
mangyayari kung hindi iyon kumalat!

My parents only blamed Soren for the party. Then Steffi for giving me the cocktail,
which was then proven that she didn't know about my allergies. Kahit pa ininom ko
iyon para bawiin niya ang video. My parents blamed my driver and Ate Soling for
being reckless. My parents blamed the driver of the car that hit me, they pressed
charges. And above all, like everyone else, Alonzo was the main culprit. He lured
me into kissing him. He poisoned my young mind into liking him. He made a minor
fall for him and that's very immoral.

Because of that, Alonzo was stripped off his latin honors, and his offers abroad.
Ni hindi pa sigurado kung makukuha niya ang kanyang diploma. Dinedebate pa iyon sa
school. It hurt so much that I didn't feel like having my debut that year.

"Kailangan! Sa lahat ng nangyari ngayon, mas lalong dapat kang magcelebrate, anak.
Ipakita natin sa lahat na kaya mong tumayo kahit pa kagagaling lang sa mga ganoon."

I've grown tired of all the rows I have with my brother and my parents. Minsan,
kasali pa si Ate Peppa. Isang beses noong iginiit ko sa mga magulang ko na si
Steffi ang dapat magbayad, hindi si Alonzo.

"Baka naman gusto mong kasuhan din namin si Alonzo, Sancha, at bakit ganito ka kung
makapagtanggol sa kanya?!" iritado nang sinabi ni Daddy, lumalakas ang boses.

Pumikit ng mariin si Kuya Manolo at tumahimik na.

"Dad-"
"Sancha, that's enough!" putol ni Ate Peppa sa akin. "Tama na! Sinusubukan nating
kalimutan ang nangyari, hanggang ngayon, pinapaalala mo!"

My debut was full of my friends. Naroon na si Margaux at si Ella. Parehong


nagsisisi sa nangyari at pareho na ring mabait sa akin. Soren was there, too, even
when Kuya Manolo wanted him out. I heard it's my parent's favor for me so I'd be
happy for my eighteenth birthday.

Lahat ng ngiti ko sa buong party, ginawa ko na lang para sa camera. Sa bawat bati
at compliments, gusto kong maiyak. Pero imbes na ganoon, ngumingiti ako at
ibinabalik na rin ang papuri.

It was when I was alone in my room when tears fell. I pretended not to hear
anything but I heard some stories about Alonzo from my invited friends and
classmates.

Umalis si Alonzo ng Altagracia pagkatapos sagutin ang lahat ng mga paratang at


imbestigasyon. Wala siya sa graduation day nila at hindi niya nga nakuha ang latin
honors niya at ang offer sa ibang bansa.

Alonzo's parents filed a resignation last week, and like what I've heard from the
crowd of my eighteenth birthday, they will leave Altagracia like their son.

It was June when Margaux cried to me and said her sorrys.

"I'm sorry, Sancha. Hindi ko namalayang nahulog na pala ako kay Soren! Alam kong
gusto mo siya at nairita ako sa'yo kasi... oo... gusto ko rin siya para sa sarili
ko. Naging kami pero saglit lang... dahil narealize ko ring hindi worth it."

I have reached a point where nothing could ever make me... care.

I wish it was temporary, though.

Tumango lang ako kay Margaux at ngumiti.

"I understand, Margaux. Excuse me, library lang ako." I said coldly.

"I'm sorry, Sancha."

Sa totoo lang, hindi iyon dahil sa sinabi niya o dahil sa nangyari sa amin. Labas
iyon sa nararamdaman ko. It's just that my heart and mind are filled with heavier
things. I couldn't feel anything.

Lumapit si Ella sa akin sa library, tahimik at seryoso. I thought she was sorry
about anything but then when she looked at me with bloodshot eyes, I realized she
wasn't.

"Inantala ko 'to dahil alam kong masakit din sa'yo ang nangyari, Sancha. Pero
seeing you right now, normally doing things in this school, hurt me for Alonzo."

My eyes widened. Kumpara sa sinabi ni Margaux, mas nakakagulat ang mga sinabi ni
Ella. She wiped her tears.

"Gusto kong kumbinsihin ang sarili ko na wala kang kasalanan sa nangyari sa kanya
pero alam kong ikaw ang puno't dulo noon! Sinabi ko sa'yong huwag mong
pagkatiwalaan si Steffi pero masyado kang uhaw at kulang sa pansin!"

Natuwid ako sa pagkakaupo. "Ella-"


"Please, let me talk. Matagal kong kinimkim ito, hindi ko lang kaya! Hindi deserve
ni Alonzo ang nangyari sa kanya at kasalanan mo 'yon! Alam ng lahat na ikaw talaga
ang may kasalanan, Sancha! You initiated the kiss but nobody is talking about it
because of your status! You're one of the richest in Altagracia, who would dare say
it's you!"

Nangilid ang mga luha ko.

"Ikaw ang dahilan kung bakit nawala sa kanya ang mga pangarap niya! Kaibigan kita
pero nasasaktan ako para kay Alonzo at nandito ka, nag-aaral lang na parang walang
nangyari?"

"Nasasaktan din ako para kay Alonzo-"

"Hindi mo alam gaano ka sakit 'yon! Mayaman ka! Si Alonzo, hindi! Kami, hindi! Kaya
alam ko kung ano ang nawala sa kanya! You're foolish for trusting Steffi, when I
warned you you shouldn't! You're foolish for luring Alonzo into kissing you on that
dirty place! At lalong ikaw rin ang dapat na sisihin dahil alam mong kumalat na ang
video, at hindi na mababawi ni Steffi, ininom mo pa rin ang inumin! You did it to
yourself-"

My jaw dropped. It isn't helping that most days, I blamed myself more than Steffi.
Ang sinabi ni Ella ay nagpapatunay lang na maaaring tama ako sa paninisi sa sarili
ko. Tama siya. Kasalanan ko nga. Ano man ang nangyari kay Alonzo. Kasalanan ko
'yon.

After all, it was my idea to go to that place. It was my idea to confess to him. He
was just being a gentleman and he confessed first. It was my idea to kiss him! And
how foolish of me to think that I could make Steffi bend when I already know she's
done it.

"Alam kong wala akong karapatan na sabihin ito dahil mahirap lang ako at mayaman
ka... pinapasok mo si Mama sa azucarera n'yo pero... pasensiya na. Hindi ko kayang
makipagkaibigan sa isang tulad mong nagkukunwaring mabait pero ang totoo, hindi."

My tears flowed.

"Hindi ko alam anong nakita ni Alonzo sa'yo. Siguro maganda ka lang. He really
didn't realize that you're scheming bitch. Despite your appearance. Sana ngayon...
alam niya na." She then wiped away her tears and walked away from me.

I had some cruel years, but I know... maybe Ella's right. I deserve it.

Isang maingay na palakpakan ang iginawad sa akin pagkatapos ng isang mahigit


dalawang oras na talk sa isang malaking hotel sa Cebu. Kuya Manolo clapped louder
on the side and Ate Peppa can't help but smile with the audience.

Inimbitahan ko ang pamilya ko sa pinakamalaki kong presentation. It was a full


proof presentation because I already signed a contract with two of the largest
coffee shops in the country. Pero may mga restauranteur at hotelier na naroon kaya
inayos ko pa rin na parang may gusto pang patunayan.

With our azucarera almost touching all the business sectors from sugar industry,
cattle food, to paper industry, mahirap nang mag-isip ng orihinal na puwedeng
pagsimulan ng business. Gustuhin ko mang bumukod at gumawa ng business na hindi
related sana sa negosyo ng pamilya, nagsimula pa rin ako sa mga feasibility study
ko noong kolehiyo.

It was ridiculous to market my family's businesses for my own study so instead, I


used our product to create my own product. Isang bagay na ayaw pagtuonan ng mga
kapatid at magulang ko dahil hindi raw iyon magandang negosyo - lagi raw may tapon,
may loss kung hindi nabibenta. They're right, though. It was a very difficult first
years for me. I could say that if I wasn't rich, I would probably never
breakthrough it. There was too much loses but now I know it all paid off.

I didn't know how to bake but for my feasibility study, I learned. I took some
culinary subjects and some more trainings abroad while I was in college because I
was determined to be good at this. Eventually, I learned it with my own tweaks.

I opened a small shop. I managed it until I built the proper connections.

"Congratulations, Miss Alcazar!" sabay lahad ng kamay sa akin ng isa sa ka-deal ko


roon.

I smiled and took her hand. Lumapit ang isang matandang babae na isa sa
nagrekomenda sa akin. I can't help but be so happy for the old woman. She liked my
pastries but her doctor told her that she has to diet. Pinilit niya akong gumawa ng
produktong puwede sa kanya. At first, I declined because it won't be beneficial for
our azucarera if I dropped sugar. But then that was how I landed myself here... I
dropped our sugar products and gave in to her request.

Ang malalaking coffeeshop at restaurant sa bansa ay naging interesado sa produkto


ko. Siguro dahil sa panahon ngayon, mas nagiging health conscious na ang mga tao.
Cakes need to be healthy but sweet at the same time, without compromising the
beauty and quality. I can do all that and that's how I'm different from all the
other businesswomen on this industry.

"Thank you so much, Ma'am!" sabi ko sabay hawak sa kamay ng matanda.

She giggled. One of the most respected tycoon of the City. "I heard you have a new
branch? That's good! Don't expand the one in your office. That's bad luck!"

Ngumiti ako. "Ah, hindi po. Bale doon na po ang mga orders. Hindi ko po i-eexpand
'yon."

"But you have a new branch?"

"Yes, I have. It was my main plan. A more formal shop. Sa Negros."

"Hindi ka gagawa rito?"

"Gagawa rin po, eventually. But for now, I want to concentrate on this. This seems
to be a very big responsibility," sabay ngiti ko.

Lumapit na si Mommy at Daddy. Binati nila ang kausap ko. Tinawanan sila ng matanda.

"I'm convincing her to open a bigger shop. I'll reserve a place for you in our
hall, hija!" sabay hagikhik muli ng matanda.

"Wow! Thank you, Mrs. Tan," si Daddy.

"You must be very proud of your daughter, Crisanto... Camila."

"Very proud," si Mommy. "Even her brother and sister are proud of her. To do this
kind of business is a challenge. To succeed on it... that's excellent."

Lumapad ang ngiti ko sabay yakap kay Mommy.


"Naku, kaya lang! Baka sa pagiging workaholic mo, hija, hindi ka na makakapag-
asawa!"

"Wala ka pa bang boyfriend?" the other woman asked.

Ngumiti ako at umiling. Pinilit kong panatilihin ang ngiti pero unti-unting
napapawi iyon.

"Oo nga, e. We're slightly worried. On her age, Paloma was already married!" biro
ni Mommy sabay tawanan sa matanda.

Tumikhim ako at yumuko.

"Hanapan kita, hija! Ayos lang ba sa inyo?" biro ni Mrs. Tan sabay tawanan ulit
kasama ang mga magulang ko.

Kuya Manolo hugged me. I'm slightly grateful that he's suddenly on the crowd. Hindi
ako kumportableng pag-usapan ang bagay na iyon at dahil nariyan siya at ang
kanilang anak ni Camila, magkakaroon na ng ibang topic.

"Congrats. I'm so proud of you," he whispered.

"Thanks, Kuya."

Then I looked at Camila. Sa baba ay ang kanilang babaeng anak. I squatted and
pinched the little girl's cheeks.

"Tata!" she said.

I smiled. "Hello, Manuella!"

"Oh, this is Manolo's daughter!" puna ng mga kausap.

Tumayo ako at ngumiti. We have successfully diverted the subject. I smiled at


Camila again who... was my brother's... then girlfriend. They broke up in the
middle of my scandal. Or because Kuya Manolo thinks Camila knows about Steffi's
plan. After years, they got back together and married each other.

"Congrats, Sancha..." marahang sinabi ni Camila.

"Thank you, Camila." I smiled and continued with the other guests.

💕💕💕
KABANATA 24

Test

Ilang taon akong pabalik-balik sa Cebu para sa business na inumpisahan ko. May
iilang beses na dapat naman talaga akong manatili na lang doon pero pinipilit ko pa
ring umuwi kahit sa weekend lang.

The scandal made me very mistrustful when it comes to friends. I am friends again
with Margaux but I can't say it stayed the same. I'm... somewhat... distant. Kahit
sa mga bagong kaibigan ko sa Silliman. I wanted to study in Cebu or Manila for
college but the scandal made my parents very strict. They wanted me to study in
Altagracia. At kung hindi ko pinilit, kahit sa Silliman, hindi nila ako papayagan.
Mabuti na lang at nakumbinsi ko nang sa bahay ng Lola ako titira habang nag-aaral
doon. My parents stayed there with me almost the whole time I studied for college.
My curfews were more strict.
Nakabalik si Ate Soling at ang driver namin dahil sa pamimilit kong akuin ang buong
kasalanan. They only acted because I ordered them to. I was grateful because for
most of the scandal's topics, my parents didn't try to hear me. When I told them it
was my fault, that I lured Alonzo on that place, I confessed that I love him, or
that I kissed him first, they won't hear me. They are more comfortable blaming
someone else. Even when our guidance counselor alerted my parents about my
confession at school, they still choose to put the blame on Alonzo.

He ran away so he must be guilty. He is guilty.

I was a minor. I don't know what I'm talking about.

It still haunts me after all those years. I never tried to move on or maybe because
I wasn't really supposed to. It was that part of my life that I needed to be here
right now.

Hindi na rin siguro iyon ang dahilan kung bakit hanggang ngayon wala pa akong
boyfriend. I tried and dated some classmates way back in college, but I can't seem
to like anyone in a different way. Lahat, para sa akin, acquaintances lang. Ni
pahirapan ang pagkakaroon ng kaibigan. Ipinagpapasalamat ko na rin dahil hindi
naman ako makakapunta sa mga parties at sleepovers dahil laging nakabantay si Mommy
at Daddy.

Ang mga naging kaklase ko noong college, naging business connections ko na lang
din. Hindi na gaya noon na best friend o kahit close friend, gaya ni Margaux at
Ella.

"Aalis ka raw, sabi ni Tita? Kuwento ko lagi ka naman talagang umuuwi ng Negros
pero sabi niya, this time, magtatagal ka roon? Totoo?"

"Oo, Larissa. Nakauwi na nga ako, e."

"Oh my! Ang bilis, ah? Hindi naman siguro magbabago ang production? I have three
branches in Mandaue, one in Lapu-Lapu, now, Sancha. Ayokong sabihin ng customers na
dumami lang ang branch, nauubusan na ng mga products."

I chuckled. "That won't happen. I hired more people bago ako nagdesisyong mag open
ng branch dito."

"Bakit ka ba mag-oopen diyan. Hindi man lang sa Dumaguete. Sa probinsiya n'yo pa


talaga."

I sighed. "Ate Peppa built a new commercial building here. Walang kukuha sa unang
palapag kaya roon na ako. I'll have less cost for this so I'll give it a try. Plus,
I already have a very trusted manager. Kaya mas lalong okay."

I smiled as I remember Ate Soling's joy when I told her I'll hire her as my
manager. She can't forever be my yaya. Malaki na ako ngayon at ni driver, ayaw ko
nang magsama. I know how to drive. One of the first things I tried to learn just to
prove to myself that I can be independent.

"Oh! Alright. That's great! Trusted, huh..." she chuckled.

I kno she remembers our college days when I was always distant to everyone. I don't
trust anyone. I only need to trust her and our groupmates because we're on the same
group. Kung hindi pa dahil doon, hindi na siguro ako magtitiwala kahit kanino.

"Oh sige. I'll just call you again to check on it."


"Don't worry. I'll check the productions always. Isa pa, luluwas ako ng Cebu kung
may problema man."

"Hmm. Hindi ka nagkaboyfriend dito sa Cebu. Paano ka magkakaboyfriend sa probinsiya


n'yo?"

Natawa ulit ako. "Tatandang dalaga na lang. Mag-aalaga na lang ng maraming pusa
habang nagtsa-tsaa sa rocking chair, Larissa."

She laughed hard, too. "Seryoso ka ba riyan. Hindi mo man lang sinusubukang mag
effort magkaroon! How will men get to you?"

"They won't, then..." biro ko.

"Hay, Crisanta. Sige, at tatawag na lang din ako kapag nakahanap ako ng irereto
sa'yo."

Tinawanan ko na lang iyon at nagpaalam na. Iniwas ko ang tingin sa tanawin sa labas
ng balkonahe ng aking kuwarto at binalingan ang laptop. Kanina'y nasa software pa
iyon ng mga inaayos kong disenyo para sa malapit nang mag open na shop ko rito.

Ngayon... nasa social media account ko ito. Ilang beses ko nang sinabi sa sarili ko
na hindi na dapat ako nag o-open dahil waste of time lang iyon. Wala nga'ng App sa
cellphone ko, nandito naman ako sa laptop. Kung hindi tumawag si Larissa, baka
kanina pa ako tumitingin-tingin dito. I saw how Margaux immediately popped up.
Kanina pa iyon. Siguro habang kausap ko si Larissa.

Margaux: You're online! Musta, Sancha?

I closed her chat box. I checked the notifications and saw that she also like my
photos. Last year pa ang huli kong open at ang notifications ng pagla-like ni
Margaux, last year pa rin. Along with some of my college friends and some
schoolmates. I recieved more chats but I closed them all. Determined now to Log Out
and regret logging in. Kaya lang...

I opened the search button. Ilang beses ko na 'tong ginawa pero walang
nagpapakitang account niya. Nag-iisa naman siguro siya sa pangalan niyang iyon pero
kahit kaparehong pangalan, wala.

However, I see some posts about him. It kind of made me happy when I saw it some
years ago when I tried to search for his name. Kahit paano, naibsan ang guilt ko.
Guilt. Dahil inaamin ko na ako nga ang dahilan ng pagkakasira niya.

Nagkatapos ng mahabang panahon, lahat ng mga sinisi ko nagtulak lang sa nangyari


pero ang totoo, ako ang pinakadahilan sa nangyari sa kanya. I caused his major
downfall. I was the killer of his dreams, when all the while I wished for all of it
to come true.

Margaux: Alam mo may balita ako kay Soren.

I closed the box again.

Soren ran away from his home the next year of my scandal. It was weird but after
that, we didn't hear anything about him anymore.

Alonzo Salvaterra, I typed.

Nagbuntong-hininga ako nang nakitang wala pa ring lumabas. Mga posts lang ang
mayroon at halos lahat ng naroon, nabasa ko na sa Google.

According to what I've read, Alonzo joined the School of Medicine in one of the
country's ivy league school in Metro Manila. He accelerated and was sent to the
School of Medicine in UCLA because of his outstanding performance there. He
received his Surgical Residency on Philippine General Hospital.

I saw pictures of symposiums and conferences with his name on the panel, or
sometimes, with him on the photo. Malayo nga lang siya sa nakita kong picture pero
hindi ko mapigilang maging masaya para sa kanya.

The first time I've read about it, I thought that will be enough for me. It will
ease my guilt for him. Somehow, he found a way to be successful despite what I've
done to him. I'm happy for him. He must be happy right now. I'm glad.

Akala ko nga lang, hanggang doon lang iyon. Hindi ko namalayang kada log in ko na
lang sa social media accounts, wala akong ginagawa kundi ang makibalita sa kanya.
Laging walang bago. Kung ano ang na-search ko noon, 'yon lang din ang lumalabas
ngayon. Maybe the profiles of his new friends were private. But then, I still hope
I'd have something new.

I logged out of my account and turned off my laptop. Humiga na sa kama at inisip
ang gagawin ko bukas. Malapit nang magbukas ang malaking branch ng shop ko. Bukas,
ire-review ko na lang ang mga hinuli kong gawing pastries.

Our large mansion seems much larger now that I'm all alone. Masyadong maaga
nagigising si Mommy at Daddy at kung hindi nag go-golf, bumibisita naman kay Kuya
Manolo o kay Ate Peppa. They claim that they want to visit often because kids lift
their old spirits up. Isang bagay na wala rito sa mansiyon.

"Mag-asawa ka na. Don't move out of here. This mansion is yours so you can let your
kids stay here, Sancha," si Ate Peppa na isa rin sa laging nagpapaalala sa akin na
wala pa akong boyfriend hanggang ngayon.

I'm eating alone here. For sure Ate Soling is already on the branch. Hindi ako
nakagising ng maaga dahil sa biyahe ko kahapon galing Cebu.

Pagkatapos kumain at mag-ayos, tumulak na ako patungong bayan.

The cafe has already soft opened and it was well received by the people. Isa na rin
siguro dahil kaunti lang ang nag-oopen ng ganitong negosyo rito. Let alone a big
one, like this. I can't wait for the opening but for now, I need to concentrate on
what I have on my plate.

"Miss Sancha, magpapawashing ka ba?"

Naka park ang sasakyan ko sa parking lot ng building. Ang katabing gasoline station
doon ay aming franchise kaya libre kahit pa araw-araw akong magpacarwash. However,
my white Lexus GS looked immaculately clean. Umiling ako at ngumiti bago dumiretso
na sa cafe.

I walked towards the cafe and some of my hired waiters greeted me. Babae halos ang
nakuha ko at kaunting lalaki lang ang mayroon. So I had to distribute the males
evenly to be fair to the two shifts on it.

Gusto ko sanang lagyan ng security guard pero dahil may guard na sa gasoline
station at sa mismong building, ang sabi ni Ate Peppa, huwag na raw. Iyon din ang
sinabi ni Ate Soling dahil nariyan naman daw siya maghapon. Bukod din sa malapit
iyon sa isang army base at headquarters.
"Good morning, Miss Sancha!"

Hindi matanggal sa isipan ko kung paano inayos ni Mommy ang tawag ng mga tauhan sa
akin. Everyone used to call me Ma'am Sancha. Mommy corrected them and told them I
should be Miss Sancha because I'm still young. Not that my height tells me
otherwise but she's just overreacting.

"Ako na ang bahala rito, Sancha," salubong ni Ate Soling na pormal at unipormadong
unipormado na.

Kinuha ko kaagad ang apron. Ngumisi ako at nilapag ang marami at iba't-ibang brand
ng antihistamine sa counter. Umiling si Ate Soling.

"Hindi mo na kailangang gawin ito."

"Ate, how can I control the products if I don't taste it. Even with my recipe and
trainings, I want to be sure. Isa pa, gagawa rin ako ng ilang cake ngayon dahil may
orders akong natanggap. Kaya ayos lang. Handa ako."

"E 'di sana pala naghanda na rin ako at nagpa stand by na ng ambulansiya rito,
Sancha!"

"Hindi ka kailangan, Ate. Sa Cebu naman, ayos lang ako."

"Oo, pero narinig kong isinugod ka sa ospital noong nakaraan kaka taste test mo.
Sige na, Sancha. Baldo, stand by ka sa telepono para sa ambulansiya..." bulong-
bulong ni Ate Soling.

Sinundan niya ako sa kitchen kung nasaan ang trained baker and chef. Hindi naman
malaki ang trabaho dahil nandito naman ako at madalas akong tutulong pero nagtrain
na lang din ako kung sakaling kailangan kong umalis at may emergency sa Cebu.

Nakalatag na sa lamesa ang luto nang mga nut products. Espesyal kong ipinaluto sa
araw na iyon lahat para isang tikiman na lang. Ngumiti ako at namuri na muna sa
bilis nilang matuto. Before I do my taste test, I let them do some of the orders
first under my supervision. Isa sa mga ginawa ko ay isang almont covered cake.
Kinagatan ko ang almond para icheck kung tamang klase ba ang na-bulk order at nang
maayos naman, tumango lang ako.

Ate Soling looked like a ghost as she watch me eat some small amount of nuts from
time to time. Nang nasa oven na ang mga cake, sinimulan ko nang kumain ng
chantilly, cookies na may nuts, brownies. Sa chantilly pa lang, hindi na ako
makahinga.

Uminom ako ng isang anti-histamine bago nagpatuloy sa mga short cakes at cupcakes.
Then I realized that the almond bars was too delicious, I ate a whole 3 inches
square! I tried so hard not to hyperventilate as I reached for my keys and removed
my apron.

"Sancha! Tatawag na ako ng ambulansiya!" sigaw ni Ate Soling.

Ngumisi ako para ipakitang ayos pa ako. "Kaya ko pang mag drive, Ate. Malapit lang
ang ospital!"

Hindi na ako nag-alinlangang lumabas pa roon. Dumiretso na ako sa sasakyan at


pinaharurot na iyon. I was losing my consciousness as I parked the car in front of
the hospital. Hindi kaya ng pride kong maglakad patungong Emergency room kaya sana
sa tamang pintuan ako didiretso kaya lang nanlalamig na ako at para na akong
lumulutang!

"Si Sancha!" I heard the chattering of the ER nurses when they saw me nearing the
premises. "Namumutla!"

"Anong problema, Miss Alcazar?!" may lumapit kaagad sa akin.

Boy, I know they're busy with life threatening diseases. But I just really need a
shot right now.

"Allergies," sabi ko sabay singhap, nanghihina na at patuloy na hinahabol ang


hininga.

Dahil sa nangyari ilang taon na ang lumipas, buong Altagracia ang may alam sa
problema ko sa mga mani at kalahi nito. I've been here so many times, too, for
this. Everyone's just used to seeing me.

"Ano ba kayo riyan, patulong!" sabi ng maliit at batang nurse na sumalubong sa


akin.

So apparently, the emergency room was a bit busy with giggles and chattering about
something. I glanced inside thinking that they're busy with an emergency.

"Sige lang. Dito lang ako, uupo. I'll wait for my turn," I said, thinking someone
is dying.

Nang nakita kong may inihahatid lang kung saan na manganganak, at isang batang
inatake ng asthma, doon ko natanto na may ibang pinagkakaabalahan ang nurses.
Everyone then got busy when they saw me. Nabulabog ang palumpon at nakita ko kung
ano ang dahilan ng pagiging abala nila.

Alonzo Salvaterra in his white suit is on the emergency room. My jaw dropped as he
looked at me. May kumausap nga lang na head nurse kaya iniwas ang tingin sa akin at
doon na ang atensiyon.

"S-Si A-Alonzo?" I uttered at my usual nurse when I'm here.

Almira smirked and immediately proceeded with the usual routines. Pinaupo niya ako
sa isa sa mga bed. Nilagyan ng parang clip ang aking daliri. Pagkatapos ay
nagsusulat sa files niya, at kung ano ano pang routine. My eyes, although
weakening, couldn't stop looking at Alonzo.

I feel like I am dreaming. If I wasn't, how unfortunate. I never thought of seeing


him again but surely if I thought about it, it won't be in sa situation like this!

"O2, Face mask two to three liters," kalmadong sinabi ni Alonzo sa malayo. Ibinigay
ng kasamahan ni Almira ang hinihingi nito.

I can feel my heart beat racing loudly. Now I'm not sure if it's because of my
allergies or something else. Sumulyap ulit si Alonzo sa banda ko. Inaayos na ni
Almira ang oxygen mask sa akin.

"Let me guess, nag drive ka patungo rito na mag-isa... kaya... siguro... voluntary
kang kumain ng mani? Or almonds? Pistachio?"

My vision of Alonzo is blurring even with the mask. I'm sweating bullets now.

"Taste... test..."
"Sure?" Her eyes narrowed playfully.

Basta ba hindi pa ako mamamatay, okay lang naman.

Hindi na ako makasagot. Nagtawag si Almira ng doktor. Narinig kong sinigaw ng isang
kasamahan nila na sumama hindi pa nakakabalik ang doktor na sumama sa naunang
emergency kanina.

Lumapit si Alonzo sa banda ko. At kung hindi pa ako mawawalan ng malay kanina,
ngayon na yata ako mawawalan ng malay. I couldn't keep my eyes open and my head is
really feeling so light. Binasa ni Alonzo ang kung anong nasa record ni Almira.

I need to keep my eyes open. Baka siya na ang gagamot sa akin!

"Diphen," I heard Alonzo's voice.

"Ikaw ang gagamot... sa akin?" I said losing it as I struggled to breathe.

May inabot sa kanya ang isang nurse. I inhaled so hard to keep myself from
sleeping.

"Deep breathing, Sancha," utos ni Almira.

Alonzo's already holding what he asked. Marahan kong inilahad ang braso ko sa banda
niya. Umiling si Almira at binawi ang braso ko.

"Hindi," Alonzo answered and then he walked away without another word.

Kumunot ang noo ko at nanatiling tahimik. Ngumisi si Almira at umiling na para bang
nakakahiya ang ginawa ko.

"Hindi siya ang gagamot sa'yo. Ako ang gagamot sa'yo, Sancha. Now, keep breathing
and calm down."

💕💕💕
Kabanata 25

Spy

How could I act like nothing happened? It's normal for him to keep his distance on
me. The last time we are close to each other, I ruined his whole life and dreams.
Right now his life is perfect. He wouldn't want anyone to ruin any of it so it's
natural he doesn't want to have anything to do with me.

Nakapikit ako. Malamig ang aking braso sa pumapasok na medisina sa aking katawan. I
can still feel Almira in front of me but I didn't say anything.

Hindi ko alam kung bakit narito si Alonzo. Kung umuwi ba siya o may kailangan lang
dito? Pero kung ano man iyon, rerespetuin ko na lang at hindi na makikiusisa pa. I
gritted my teeth because I know deep inside I want to know many things about him.

Siguro kailangan ko nang bawasan ang ganoong klaseng taste test sa mga nut-
products. Siguro rin kahit isang taste test lang sa isang araw nang sa ganoon, kaya
na ng gamot, at hindi na ako kailangang isugod sa ospital. And if I start to
hyperventilate, better eat the whole cake so I'd have the shock and arrive in this
hospital unconscious. Nang sa ganoon, bawas na lang sa kahihiyan kapag narito.

"May... available kaya sa pharmacy na epipen?" I asked.


"Mayroon pero... check mo na lang din kung mayroon pa."

Sana bumili ako sa Cebu.

"By the way, mukhang schedule na ng annual check up mo, ah? One of these days you'd
come back here for that?"

Pilit kong dinilat ang mga mata ko para tingnan si Almira. The smirk wasn't off her
face yet.

"B-Busy ako, e."

"Sa opening ng cafe mo?" she asked.

Tumango ako.

"Hindi ka mag-aannual check up ngayon, kung ganoon?"

Hindi ako nagsalita. I can go to La Carlota, you know. Doon na lang ako
magpapacheck up.

"Uh... Dito na... magdodoktor si Alonzo?" hindi ko na tuloy napigilan.

Ni hindi ko alam na nandito siya sa Altagracia. Not that I should know but I
thought if he'd come home, somehow it would reach me. Dumilat ako dahil sa halakhak
ni Almira. Now she's smirking shamelessly at me.

"Consultant. May research siyang ginagawa. At pinapaayos din ang bahay nila."

"So... madalas siya rito?"

Lumapad lalo ang ngisi ni Almira. "Bakit? Araw-araw ka nang kakain ng mani?"

Kumunot ang noo ko, annoyed with the nurse attending at me. Tingin niya ba talaga
sinadya ko 'to ngayon? Oo at sinadya kong kumain pero hindi ko naman alam na
nandito si Alonzo.

"Gagaya ka na sa kaibigan mong kahapon lang nagpa check up dito tapos bumalik para
magbigay ng lunch kay Alonzo?"

"S-Sino?"

She rolled her eyes. "Si Ella. Andito 'yon mamaya, sigurado ako. Nangako siyang
magbibigay ulit ng lunch sa canteen. Isasali pa nga niya ako, e. Okay na rin. At
least naka libre ako. Baka ikaw? Magpapabuffet ka?" She giggled.

"Hindi ko alam na nandito si Alonzo," sabi ko.

"Well, now you know."

Tumango ako at naisip na hindi na talaga ako kakain muna ng mani o kahit almonds.
Malayo pa ang La Carlota pero doon na lang din ako magpapacheck up.

I immediately tried to move after she removed the medicine and put a cotton on my
arm.

"Saan ka pupunta?" she asked.

Hawak ang braso ko, nilingon ko siya. Umayos na ang pakiramdam ko pero may lamig
pang nararamdaman sa batok, sa tinurok, at sa bandang tiyan. I need to trust Ate
Soling with the taste test for nuts. Kahit iyong mga peanut-butter products.

"Hindi ba tapos na? I'll pay and go to the pharmacy."

"Nagmamadali ka?" she smirked again.

"H-Hindi pa ba tapos?"

"Doc..." she started calling.

Bahagya akong nagpanic. Nakatuwid na sa pagkakaupo sa hospital bed ngayon habang


umalis naman si Almira. I could only hope that she's calling the other doctor but
it seems like she's going to where Alonzo was.

"Gusto nang marelease ng patient," she said.

Ang ibang nurse na naroon ay napapabalig sa akin. Uminit ang pisngi ko at unti-
unting sinubukang magrelax kahit nahihirapan. Bumaling si Almira kasama na ngayon
si Alonzo. May binabasa siya sa kung anong dala ni Almira kanina.

Nanatili ang titig ni Alonzo sa binabasa kahit pa noong nakalapit na. His brows
were furrowed and his eyes moving fast as he reads the paper. Ngayon ko lang
napansin ang maraming pagbabago sa kanya dahil kanina, masyado pang nanlalabo ang
mga mata ko nang tingnan siya.

Matangkad na siya noon pa pero mukhang mas tumangkad siya ng kaunti ngayon. He was
also slightly leaner then, now he's developed a mature lean body with muscles. I
pursed my lips and realized that it's impossible he's single. Baka nga may asawa
na. O hindi naman kaya... si Ella ang girlfriend? Or someone from Manila. Maybe his
colleague - a doctor, too. Or maybe someone he met abroad?

"Monitor vital signs every fifteen minutes. Hindi pa puwede," Alonzo said.

He then turned around and walked away. Ibinigay na kay Almira ang papel. Pabirong
pagod na ngumiti si Almira. Umangat din ang dalawang kilay niya.

"Narinig mo 'yon?"

"M-Medyo okay na kasi ako. 'Tsaka... madalas naman akong ganito kaya alam ko na ang
gagawin-"

"Doc?"

"Uh... Sige... Sige. Sige na." Sabay bahagyang higa sa hospital bed.

Tumikhim ako at sumulyap sa suot. Napatingin din si Almira sa suot ko. Her eyes
narrowed again.

I'm wearing a casual beige tube top short dress with a sheer shortsleeved coverup.
My shoes is also another beige t-strap platform heels.

"Uniporme mo?" usisa ni Almira sabay angat ng kilay.

I licked my lips. "Uh, hindi ako nag u-uniform. Just... my normal work clothes."

"Sexy naman ng normal work clothes mo..."

Napakurap-kurap ako at nakikita ko pa rin ang biro sa itsura ni Almira. It's like
she's insinuating something. Gaya noong tinanong niya ako kanina kung sinadya ko ba
ang pagkain ng mani. Sinadya ko 'yon but I didn't expect I'll need to come here.
Minsan naman, kapag hindi ganoon ka rami ang nakakain ko, umaayos na ako sa over-
the-counter na gamot lang. At lalong hindi ko sinasadya na pumunta rito.

"Uh, hindi naman. Uh, kailangan lang medyo pormal kasi-"

"Almira," I heard Alonzo's call.

"Babalik na lang ako mamaya. Tinawag lang ako ni doc."

Tumango ako at hinayaan siyang umalis. Nang umalis siya'y hindi ko malaman ang
gagawin. Magtatanggal ba ako ng sandals o hihiga na lang muna rito at tuluyan ng
magpahinga. My phone rang and when I saw that it's Ate Soling, I immediately
answered.

"Kumusta na? Pupunta na ako riyan. Ayos ka na ba? Nasa ER ka?"

"Uh, Oo, Ate. naghihintay na lang ng... kung kailan ako palalabasin. Okay na, Ate.
Diyan ka na lang sa branch. Uh, ipagpatuloy mo na lang po ang taste test."

"Naku, Sancha! Titingnan pa kita at paano ang lunch mo? Malapit na ang tanghalian!"

"Ako na po ang bahala sa sarili ko. Kaya ko naman."

"Paano ang pagkain mo? Ihahatid ko 'tong-"

"Hindi na po. May pagkain naman sa labas. Bibili na lang po ako. Ayos lang talaga,
Ate. Pakisupervise na lang po ng orders at ayaw kong may maantala. Pasensiya na."

Mabuti naman at nakumbinsi ko naman si Ate Soling sa bilin ko. I don't want her to
come here and make a big deal when she sees Alonzo. At ayaw ko rin na makita kahit
kanino na lagi pa ring nakaantabay si Ate Soling sa akin kung may kailangan pa ako.

Suminghap ako at naramdaman ang tira tirang bigat ng damdamin. Medyo ayos pa nga
ako nang pumunta ako rito. Mabuti na lang. Or maybe I was just attended very fast.

Hindi kalaunan, may kumatok nga galing sa kabilang pintuan ng Emergency Room. I
immediately recognized Ella. Matagal na nang huli kaming nagkita pero pareho pa rin
naman ang itsura niya.

She looked shocked to see me there. Pero dahil may sumalubong na mga mga kaibigan
niyang nurse, naibigay niya sa kanila ang atensiyon.

Sumulyap ako sa dala niyang mukhang pagkain nga. She said something about bringing
lunch and they'll eat together at the canteen of the hospital.

She took up Business, too. Dito lang sa Altagracia at ang alam ko may itinatayo
siyang maliit na kainan sa tapat ng bahay nila. Masarap daw ang siyang magluto,
ayon kay Ate Soling.

"Sa inyo 'yan, libre ko!" Ella said and smiled sweetly at some of our batches who
are now regular nurses of the hospital.

Some of her friends went to her. Lumapit naman si Ella kay Alonzo at dahil nasa
parteng hindi ko na kita, hindi ko na alam kung anong mayroon.

"I'm back!" si Almira na may dalang sheet.


Hindi na ako nagsalita. She proceeded to check my vital signs. Madalas kaming
magkatinginan.

"Hindi mo babatiin ang friend mo?" she asked with an obvious malice in her tone.

Hindi na ako sumagot. I really have nothing to say, anyway.

"O, magkagalit ba kayo? If yes, why do I feel like I know why?"

I ignored her words and just looked at her dead in her eyes. "Puwede bang lumabas
ako pagkatapos nito? Babalik lang din ako. Kakain lang."

Nanatili ang titig niya sa akin.

"Maayos na naman ang pakiramdam ko."

"Hindi pupunta ang Ate Soling mo para ihatid ang lunch mo?"

"Kaya ko naman."

She removed the apparatus on my arm. "Ako na ang bibili para sa lunch mo. Anong
gusto mo?"

"Uh, puwede namang ako na-"

"Hindi na. Anong gusto mo?"

Umiling ako. "Mamaya na lang. Hindi pa rin naman ako gutom, e."

"Sure?"

Dumaan si Alonzo kasunod ang iilang nurses. Sumunod si Ella roon at may iilan lang
na natira, kasama roon si Almira.

"Kakain lang muna ako. Babalikan kita after fifteen minutes ulit. Sasabihin ko rin
sa'yo anong pagkain mayroon doon," she assured me.

I nodded and sighed.

Umalis siya. May bago emergency na isinugod at nakabalik na ang resident physician
ng Emergency Room at ang ilang nurses na natira ang nag attend doon. Dahil abala
ang lahat, naisipan kong pumuslit na muna.

May iilang eatery sa labas. Though I'd rather eat near the hospital but they were
there, I'd rather eat out.

Binati agad ako ng iilang nakakakilala nang napadpad na sa karinderya sa labas na


ng ospital. The owner even expressed her embarrassment. Hindi kasi nalinisan ang
lamesang napili ko. Nagmamadali siyang maglinis doon.

"Ayos lang po," I smiled and pointed at what I want to eat.

"Sinong na ospita, Sanchal?" she asked as she puts the food on my table.

"Ah, ako po."

"Ikaw? Ba't ka nandito?!"

"Uh... ayos na po ako kaso hindi pa ako na di-discharged. Mino-monitor pa po kasi."


"Ah, ganoon ba? Bakit? Anong nangyari sa'yo?"

I wasn't really that comfortable eating while someone is interrogating me about


what happened but I don't want to be rude. Mabilis akong nabusog. In fact, I think
I just ate for lunch even when I wasn't really hungry. I hoped I would feel better
and would be released earlier if I'm full or feeling perfectly fine.

"Sancha?!"

Napabaling ako sa labas ng karinderya at nakita si Almira roon, nakapamaywang na


ngayon. Near her, someone moved. Agad kong napansin kung sino ang kasama niya.
Siguro lumagpas ako ng labing limang minuto.

Tumayo ako at inubos na muna ang mineral water na in-order. I paid more and left
the eatery with many thank yous.

"Akala ko ba nagkasundo tayo na ako ang bibili sa canteen?" si Almira.

My eyes met Alonzo's. He's with her this whole time. Nasa labas na rin ng ospital.
His eyes were unreadable. Isang bagay na hindi ako sanay. Iniwas ko na lang agad
ang tingin ko sa kanya.

"Pasensiya na. Nagutom na ako kaya hindi na ako nakapaghintay," sabi ko.

Tahimik kaming naglakad pabalik ng ospital. Nauna ako at ang dalawa ay nasa likod
ko lang. Almira started her conversation with Alonzo about her experiences as an ER
nurse. Tipid ang mga sagot ni Alonzo. It's either he agreed or he made her continue
what she was talking about.

Tahimik muli akong naupo sa parteng iyon ng emergency room habang kinukuhanan ulit
ako ng vital signs ni Almira. Pabalik-balik lang ang titig niya sa akin at pareho
kaming hindi na nagsasalitang dalawa.

Umalis na rin si Alonzo roon pagkatapos ng ilang sandaling pagbalik namin. I


suddenly wonder if he's now busy with work or something else. I reminded myself
that I shouldn't be too curious.

Naisip ko tuloy kung alam ba ni Kuya na nandito si Alonzo sa Altagracia? O ni Mommy


at Daddy? Matagal na ang nangyari pero iniisip ko kahit paano ibabalita sa kanila?
O sa akin lang ba iyon mahalaga? Did my parents and siblings forget about it?
Besides, we haven't talked about it in years.

Probably. If they are still mad a Alonzo, I don't think they'd let him come back.
Not that they could stop it but at least they'd make a big fuss about it. Hindi
iyon ang gusto kong mangyari pero iniisip kong puwede kong asahan iyon kung
hanggang ngayon, galit nga sila rito... mukha ngang hindi na.

Besides... it seems like what happened isn't really a big deal to them. It stained
my name a bit but other than that, I didn't lose anything. Iniisip ko na ang mga
Salvaterra naman talaga ang matinding naapektuhan noon. And nobody cared because
they aren't rich enough to gain any sympathy from the people.

Sa taon ding iyon, umalis si Steffi at nanatili na sa US. Wala raw sa plano pero sa
galit ng pamilya niya at sa kahihiyan, iyon ang naging kaparusahan niya.

Ang mga Salvaterra lang talaga ang naapektuhan ng husto. Hindi ang pamilya ko. I
then wonder if Alonzo's parents are here, too. Nanlamig ako nang natantong hindi ko
alam paano sila pakiharapan kung sakaling magkita kami.
Although I know that I shouldn't meddle anymore with their family, especially
Alonzo, I secretly wish that they'd let me at least... talk... about the past. How
I felt. How I'm regretful for Alonzo. My... regrets and my sorrow... about it.

Come on, Sancha. He's already successful now. Wala na silang pakealam.

"Puwede na," si Almira hapon ng araw na iyon.

I smiled and nodded. "Thank you."

"You're welcome. Taste test again tomorrow?"

Umiling ako at bahagyang natawa. Hindi na isinatinig ang nasa isipan.

I'd die in the gutter with my shock than coming back here for a shot.

Tahimik akong naglakad patungo sa aking sasakyan. Nang pumasok, muntik na akong
nadulas sa isang laruang nasa sahig ng driver's seat. Kinuha ko iyon at naalalang
pinasakay ko nga pala si Ramon dito noong nakaraan at siguro naiwan niya itong
binoculars niyang laruan.

Itinapon ko iyon sa front seat at inistart na ang sasakyan. Sa dami ng iniisip ko


habang nagdadrive, hindi ko namalayan na sinadya ko na palang daanan ang malaking
bahay ng mga Salvaterra.

Nasa highway iyon. Walang balita tungkol sa pagkakabenta kaya nasisiguro kong
kanila pa rin. Nagmenor ako nang tumapat. I sighed when I stopped my car on the
edge of the house's street. Isang ginagawang building ang nakatayo roon. Finishing
na lang ang kulang at doon ko p-in-ark ang sasakyan ko.

I stayed inside my car for a long moment. Gusto kong itanggi ang dahilan kung bakit
tumigil ako pero sa huli, nanaig ang aking kuryosidad.

Nasa ospital pa siguro si Alonzo at gusto ko lang naman malaman kung nariyan kaya
ang kanyang Mama at Papa?

I went out of the car bravely and languidly walked on the side walk until I'm in
front of their house. Matibay nga ang bahay na iyon dahil ilang taon na ang
lumipas, hindi pa rin naging luma ang kahit anong pundasyon niyon.

Malayo ang mismong bahay sa daanan kaya kahit anong laki ng mata ko, hindi ko
makikita ang nasa loob. Naalala ko bigla ang binoculars ni Ramon sa sasakyan ko.

Binalikan ko iyon. Kinuha at dinala sa tapat ng bahay ng mga Salvaterra. I was that
curious that I even used the innocent toy of my nephew to spy! Kaya lang... wala
naman akong nakitang gumagalaw sa kanilang bahay.

"Bukod sa sadyang pagkain ng mani, nandito ka naman para mag espiya sa kanila,
Sancha?"

I gasped and turned. Ella is behind me, looking very concerned and dismayed.

Binaba ko ang binoculars at bahagyang naintindihan kung gaano ako... ka desperada.


I sighed.

"Hindi naman sa ganoon-"

"And you came to the hospital wearing that? Anong gusto mong iparating, Sancha?"
Nagulat ako. "Hindi naman, Ella. Hindi ko naman alam na nandito si Alonzo nang
isugod ako sa ospital. May taste test ako sa cafe at-"

"Hindi porque't alam ng buong Altagracia na patay na patay si Lonzo sa'yo noon,
hanggang ngayon ganoon pa rin. Move on. He already did, kung hindi mo man nakita
kanina."

"I didn't come there to prove anything like what you are insinuating, Ella."

"At eto? With your binoculars, what are you doing here?" she said with an annoyed
tone.

Hindi ako agad nakasagot dahil guilty ako sa bandang iyon. "Gusto ko lang malaman
kung nariyan ba sina Tita Laura at-"

"You really think their family wants to see you? Ni ayaw ka nga'ng makita ni Lonzo,
paano pa ang mga magulang niya?"

"Alam ko namang ayaw nilang makita ako pero gusto ko lang na makausap sila tungkol
sa-"

"Move on, Sancha. That's enough. I don't think you sincerely want to talk about the
past. I bet this is just one of your schemes to open old wounds... and... who knows
what?"

My mouth dropped, feeling the hurt so much. I realized then if Alonzo's... thinking
that I'm... doing that?

"Kunwari mabait at concerned pero ang totoo, may ibang motibo. Everyone knows your
style, Sancha. Nobody would get fooled anymore."

An SUV swerved slightly towards the gate of the old mansion. Napabaling si Ella
roon. Ngumiti siya at kumaway. Nanlamig ako at pakiramdam ko pinanawan ako ng
ulirat nang natanto kung sino ang dumating!

Ella smirked when she noticed my reaction. Napansin ko rin na hindi ko na tuluyang
naitago ang binoculars na dala. Stupidly, and without thinking straightly, I turned
around and went straight to my car.

I started the engine. Hindi na nagtagal, pinaharurot ko iyon palayo roon na para
bang kaya kong takbuhan ang kahihiyan at sakit na natamo.

💕💕💕
KABANATA 26

Order

Nagmamadali akong pumasok sa bahay pagkatapos ng ilang minutong pag-iyak sa loob ng


sasakyan. I even had to retouch just so my parents won't realize what's up.

"Ayos ka lang, hija?" si Mommy pagkatapos kong humalik at magmano.

"Pagod lang, Mommy," I said with my rehearsed answer.

Ilang beses na akong nasugod sa ospital dito na hindi naman nalalaman ni Mommy at
Daddy. Siguro dahil alam ni Ate Soling na ayaw ko nang mag-alala sila. But
sometimes, the news will reach them the next day and they will overreact. This
time, I don't want to tell them anything since my tears are all ready to fall.
"Magpapahinga lang po ako."

"Sancha? Naku, you should rest. Katatapos mo lang sa busy weeks mo sa Cebu at
inakala kong uuwi ka para makapagrelax na riyan sa bagong business mo..."
nagpatuloy si Mommy.

"I just need a little rest, Mom."

I cried the whole time while I was on my room. I have no other excuse but my "not-
feeling-well" alibi. Ayaw kong lumabas at mapagkita dahil nasisiguro kong
tatanungin ako kung bakit namumugto ang mga mata ko.

Hindi na ako pumunta sa cafe at dumiretso na ako rito. Naiintindihan naman ni Ate
Soling iyon. At nang tumawag ako na baka hindi na muna ako papasok bukas, muli
niyang naintindihan 'yon.

"Naku, Sancha? Sigurado ka bang okay ka lang? Ba't ka pinalabas ng ospital kung
hindi pa pala maganda ang pakiramdam mo?"

"Umayos na naman ako, Ate. I'm just making sure that I'm completely fine the next
days so I'll take this time to rest."

"O sige. Ako na ang bahala rito kaya huwag mo nang alalahanin, okay?"

"Thank you, Ate. Sorry ulit."

"Ayos lang 'yan. Kagagaling mo lang ng Cebu. Dapat nga matagal pa bago ka mag-ayos
dito para makapag bakasyon ka naman."

My excuse seems working for Ate Soling and my parents.

Hindi tumigil ang luha ko. Pakiramdam ko kasi, sa totoo lang, ako nga lang talaga
ang hindi pa nakaka move on. My parents barely remember what happened years ago, my
siblings are now more busy with their families and would choose to forget what
happened, the Salvaterras are now happy and content. I am honestly glad for
everyone. Pero bakit parang ang bigat pa rin sa pakiramdam ko? Bakit parang ako
lang ang nanatiling nakatira sa nakaraan?

No matter how much I try to convince myself that I should move on and forget about
it, I still couldn't. Maybe seeing Alonzo successful and happy right now would
help. That's a step. My guilt will be lessened because although I ruined his life,
he still made it... successfully.

Siguro rin tama si Ella. Maybe the reason why I haven't moved on was because
unconsciously I want everything to stay the same. Because my feelings... for
Alonzo... stayed the same.

"Miss Sancha, si Madame po nagtatanong kung hindi ka ba bababa para sa tanghalian


n'yo?"

"Pasensiya na, Manang. C-Can you please just send me my food here? I'm still not
feeling well. Pakisabi po kay Mommy."

"Si Sancha ba 'yan? Gising na ba?" I heard Mommy's voice.

Umakyat siya rito! I've got no choice but to open my door widely. I'm still in my
pajamas and, although I'm not crying anymore, my eyes are still bloodshot from all
the crying.
"Mommy, good afternoon. Pasensiya na. Hindi na muna ako pumasok para
makapagpahinga."

"Kung hindi sinabi ng Kuya Manolo mo ngayon na sinugod ka sa ospital kahapon, hindi
ko pa nalaman! Care to explain, Sancha?"

"K-Kuya Manolo?"

"Yes, he's here with Camila and Manuella. Nasa baba. Kaninang umaga pa. Hindi na
kita inistorbo kasi tulog ka pa raw."

"Ah. I'm sorry, Mom. Nagkaroon lang ako ng mild na attack kahapon sa pag taste test
ko."

"That's why you're not feeling well right now? My goodness! Dapat nagpa admit ka
kung ganoon!"

Hindi ko tuloy alam kung tama ba ang desisyon kong gawing excuse iyon.

"Hindi naman, Mom. Maayos na ako ngayon. I just need to take a bath."

"Are you sure?" she reached for my forehead worriedly. "Tapos ka na ba sa annual
check up?"

Oh great God!

"Hindi pa, Mom."

"Hay naku! Huwag mo sabihing kakaligtaan mo 'yan ngayon dahil sa pag bubukas ng
branch mo rito! Sancha, health is wealth! Paano mo mapapangalagaan ang business mo
kung hindi mo aalagaan ang katawan mo?"

"Mom, calm down, okay? Magpapacheck up ako. I'll schedule it soon. Ako na po ang
bahala do'n."

"If you are so busy, we can call the doctor and pay you a visit here? Ganoon yata
ang ginawa nila Manolo sa annual check up nila."

Namilog ang mga mata ko. Although I know it's impossible that Alonzo will be the
attending physician if that happens, I don't want to take my chances.

"Huwag na, Mommy! I promise I'll have my annual check up. Ako na po ang bahala,
okay? I'll just take a bath now and eat my lunch after. Baba na po ako. Huwag ka na
masyadong mag-alala." I said in a very panicky tone.

Hindi ko alam paano ko natakasan ang pag-aalala ni Mommy. All I know is that my
plan to rest in my room this whole day is ruined. Siguro ayos na rin iyon. Nothing
will change if I stay in my room and cry the whole day.

Wala akong mapagsabihan sa lahat ng nararamdaman ko. I don't have friends and it's
okay with me. I can't call Margaux because I don't think I'm comfortable to trust
her. I can't call my Silliman-friends because they don't really know anything about
my past. Ang tanging nakakausap ko ay ang aking teddy bear. I wonder then if I have
given those stuffed toys too much negative energy in the past years that they'd
move and haunt one day.

I can't believe I'm thinking about that.


Suminghap ako at pinagpatuloy na ang pag-aayos. Pagkatapos ng ilang sandali, bumaba
na ako para sa tanghalian.

Naroon nga si Kuya Manolo at Camila kasama si Manuella. Abala si Mommy at Daddy sa
kanilang apo samantalang ang madalas kong sulyap kay Kuya at Camila ay medyo
nakakakaba. Hindi ko nga lang sigurado kung may ibang dahilan ba iyon o talagang
malikot lang ang isipan ko ngayon.

I ate silently while my parents were too joyful for Manuella's presence. They
spoiled her so much.

"Hindi mo pala sinabi na isinugod ka sa ospital kahapon," si Kuya.

Akala ko matatapos na ako sa tanghalian na walang kahit anong tanong tungkol diyan.

"Ah. I don't want Mommy and Daddy to worry. Mild attack lang naman iyon.
Nakapagdrive pa ako papuntang ospital at hindi naman... nahumatay."

"You know, Alonzo is now on that hospital."

Kitang-kita ko ang sipat ni Camila kay Kuya. Kuya glanced at her and continued. I
paused a bit and continued eating, too.

"Hindi ko alam kung consultant ba siya roon for good o ano pero... naroon siya."

Sumulyap ako kay Mommy at Daddy na ngayon ay medyo napansin ang sinabi ni Kuya.

"Yeah, he's now a doctor," si Daddy. "Hindi ko gustong sabihin 'to pero parang mas
nakabuti pa na hindi niya nakuha iyong offer ba 'yon? Noon? Dahil ngayon, mas
malayo ang narating niya."

I stopped eating. Hindi ako makapaniwala na pinag-uusapan namin ito pagkatapos ng


ilang taon. Nanatili ang mga mata ko sa pinggan ko.

"Let's just forget about that part, shall we? Manolo..." si Mommy.

"It would be nice if we could at least apologize to their family for what
happened..." hindi ko na napigilan.

"Sancha..." Camila called gently.

"Everyone had a fair share of fault and it's all in the past now. We're happy for
them and they are now happy. That's all that matters now," si Daddy.

"Pero sa lahat sila po ang pinaka naapektuhan," agap ko sabay angat ng tingin.

Pumikit ng mariin si Mommy at umiling. "Hija, that's enough. Lahat may kasalanan sa
nangyari. Let's just move on. Clearly, the Salvaterra's have moved on from it. He
has stained his name in the past but your name was stained, too, because of it."

"It was all my fault."

"Not entirely! Huwag mong akuin ang buong kasalanan dahil menor de edad ka pa lang
noon. We all make stupid mistakes when we're young- oh!" Mommy laughed a bit and
covered her mouth.

Manuella was listening to her intently with innocent eyes. Suminghap ako at
natantong hindi magandang naririnig ng pamangkin ko ang usaping ito.
"Now, let's just all move on with our lives. Let's enjoy a peaceful lunch. Can we?"
sabay tingin ni Mommy sa akin.

Hindi na ulit ako nakakain. Nanatili na lang ako sa lamesa, tahimik, habang
nagbibigay naman ng bagong pag-uusapan si Kuya Manolo. Camila looked at me with
concerned eyes the whole time. Pinilit ko na lang ang sarili kong sabayan ang
usapan sa normal na paraan.

Pagkatapos ng tanghalian, nakipaglaro si Mommy at Daddy kay Manuella sa sala. Kuya


was with them, slightly asking Daddy some business-related questions. Si Camila
naman, inalalayan ang anak habang tuwang-tuwa si Mommy sa ginagawang pagbabasa ng
story books.

I remained on the terrace, silently watching our fields. Gusto kong umakyat na pero
nasisiguro akong iisipin ni Kuya na masama pa nga ang pakiramdam ko.

"Malapit na ang opening, ah?" si Camila na bigla na lang nagsalita.

Naupo siya sa tabi ko. Binaba ko ang iniinom na tsaa at bahagyang tumuwid sa
pagkakaupo. I smiled and nodded, without looking at her.

"Handa na ba ang lahat?"

She threw in questions about my cafe. Sinagot ko lang siya ng diretsahan at hindi
na masyadong nag-elaborate pa. In the end, she sighed and I realized where this is
going.

"Nagkita ba kayo ni Lonzo kahapon sa ospital?"

Napasulyap ako at ngumiti. "Ah. Oo. Nasa ER siya nang dumating ako."

"You know, Sancha. You don't say anything to me or your family but I think you've
been very guilty. Sinisisi mo ang sarili mo sa nangyari noon. Ikaw lang."

I swallowed hard. There's a reason why I don't share too much and I'd like to keep
it that way. Hindi ako magaling pumili ng tao at kaibigan. Ayaw ko nang magtiwala
kahit kanino. Kahit kanino.

"Though, I think your parents were very... one sided back then but they're right.
You all had fair share of faults. Hindi lang ikaw ang may kasalanan. Hindi ikaw ang
puno't-dulo. You're just guilty because... you think you didn't suffer enough.
Unlike Alonzo. I think if anyone should suffer, it should be Steffi."

Hindi pa rin ako nagsalita.

"Magkaibigan kami ni Steffi at alam ko ang tungkol sa kanila ni Alonzo noon. He was
part of our group until she confessed her feelings for him. That time some of us,
his closest friends, already knew that... Alonzo was crushing on you. So when she
confessed and asked about Alonzo's crush, he answered you. Hindi iyon matanggap ni
Steffi. It caused an unnecessary drift between our friends. Lalo na dahil hindi
lang pala si Steffi ang may gusto kay Alonzo noon."

I sighed. I can't believe I'm hearing this from her for the very first time after
years. Siguro dahil kanina lang nabuksan ang nakaraan. Siguro rin sa ilang beses
naming pag-uusap ni Camila, lagi na lang akong malamig. Hindi siya kailanman
nagkaroon ng pagkakataong sabihin ito. I'm not sure now, though, if I needed to
hear this.

"I thought it's all just a childish game. Hindi ko na masyadong inisip lalo na't sa
Silliman naman ako nag kolehiyo. Hindi ko alam kung ano talaga ang nangyayari rito.
Hindi ko rin alam na ilang taon na ang lumipas, matindi pa rin ang galit ni Steffi
kay Alonzo."

She sighed when she realized I'm not going to say anything.

"I'm not saying this to defend Steffi. She was my friend and she deserves the worst
for doing that to Alonzo... and you. I'm saying this because I don't want you to be
guilty anymore. You don't deserve the pain you've been carrying, Sancha. You're now
a self-made businesswoman. You've grown beautifully and it hurts me to still see
pain in your eyes. And I know what's hurting you."

Ngumiti lang ako at hindi na dumugtong ng kahit ano.

"Merienda raw," si Kuya.

Camila turned and slightly gave him angry eyes. Tumayo ako at kinuha na lang ang
tasa ng tsaa.

"Ibabalik ko lang sa kusina," sabi ko.

Then, I excused myself.

Hapon na sila umuwi. Sa gabi'y muli kong pinahatid na lang ang hapunan dahil abala
na sa mga accounts ng Cebu branch ko. Pero bukod doon, may isa pa akong
pinagkakaabalahan.

"Sancha... Uh, hindi ko alam kung ayos lang ba na sabihin ko 'to..."

Nakaloud speaker si Ate Soling habang nagtitipa ako sa laptop para sa mga accounts
ng Cebu branch. Tumigil ako at kinabahan na baka may problema sa cafe.

"Ano pong problema? Dumating po ba 'yong supply?"

"Ah..." Ate Soling laughed a bit. "Hindi sa supply ang problema... pero kasi...
nalaman ko kanina na nag... ano..."

"Ano po?" hindi pa ako makapagtipa dahil sa kaba kung may problema ba. I can't
afford to have any problems now that the opening is nearing.

"Na... nagkita pala kayo ni Alonzo sa ospital kahapon?"

Pumikit ako at napahilot sa nosebridge habang sumasagot. "Oo. Bakit, Ate?"

"Ah... Nasabi lang ni Almira kanina."

"Si Almira?"

"Oo. Bumisita kasi sila rito. May in-order kasi siyang brownies. P-in-ick up niya.
Kasama niya si Alonzo."

My heartbeat raced and I can't believe that I'm feeling this.

"Pumunta sila rito kanina. Kaya... nalaman ko. Iyon lang naman. Nagpaparinig pa nga
si Almira na baka raw mag birthday siya at dito siya o-order ng cake. Hahanap pa
raw siya ng design. Close daw kayo kaya magrerequest siya na ikaw ang mag bake."

"Ah. Sige po, Ate. Hintayin ko na lang po ang order niya. Ako po ang gagawa."
"Ah. Oo. Hehe..." she stalled a bit.

"Iyon lang po ba? Kumusta po ang pagpipinta?"

"Ah. Ayos naman. Hehe. Pasok ka na ba bukas?"

"Oo, Ate."

Pagkatapos ng tawag, pinilit kong magpatuloy sa ginagawa pero sa huli, hindi ko


nagawa. I found myself staring nowhere as both my hands cupped my forehead, looking
all problematic.

I want to talk to him. I want to apologize to him and... his family.

Pero alam ko rin na hindi na dapat ako nakekealam. Tama si Ella, hindi na nga dapat
ako lumalapit pa. I ruined their life, it's understandable if Alonzo wants to avoid
me with a fear that I might ruin his life again.

Tears rolled down my cheeks when I realized that I can't even say my apologies and
regrets because... I shouldn't. They'd avoid me and I should avoid them.

Siguro rin masyado akong makasarili. Na gusto ko lang naman talagang humingi ng
tawad at kausapin sila para maibsan ang guilt na nararamdaman. Ni hindi ko iniisip
kung gusto nga ba nilang marinig ang mga sasabihin ko. Ni hindi ko naiiisip na
maaaring pinapalala ko lang ang lahat kapag muli kong binuksan ang sugat na 'to.

It remained on my mind the next day. Nasa loob na ako ng cafe at madalas pang
matulala dahil sa mga naiisip kahapon. Maaga na nga ako ngayon dahil hindi ko na
kayang mag-isa sa kuwarto ko at lagi na lang natutulala, tapos ngayon, nandito
naman ako at ganoon pa rin.

"I'd like to pick up my order," a familiar voice interrupted my train of thought.

Halatang-halata siguro ang gulat sa itsura ko. Kausap niya ang katabi kong si Ate
Soling. Alonzo was already inside my cafe. Nakatayo na hindi kalayuan sa akin at
tanging counter lang ang nasa gitna namin.

Tumuwid ako sa pagkakatayo. Nagkatinginan kami ni Ate Soling.

Ni hindi ko alam na may order siya! At na... ngayon niya kukunin iyon!

"Uh, sandali lang, Alonzo. Kukunin-"

"A-Ate," agap ko dahil nagpapanic na. "Ako na ang kukuha."

Hindi ako nag-alinlangang dumiretso sa loob ng kitchen. I don't even know what were
his order. I had to look at the board. Nanginginig ang kamay kong tiningnan ang
post it. Kinuha ko ang tatlong box ng brownies.

Lumabas ako at nilapag sa tabi ni Ate Soling ang tatlong patong ng box. Pinanatili
ko ang mga mata ko sa kahera. My heart slowly pounding harder.

"Paorder din po ng kape," dagdag ni Alonzo.

"Ako na ang gagawa, Sancha," si Ate Soling na agad iniwan ang kahera para sa
coffeemaker.

Sinulyapan ko si Ate at nahuli kong tumingin din siya sa akin habang nagsasalin
doon. I cleared my throat and put Alonzo's order on the system without looking at
him.

Kumunot ang noo ko nang mali ang napindot. I corrected it slowly to have more
excuse not to look at him.

"Ayos na ba ang pakiramdam mo?" he asked.

Narinig ko ang bahagyang pagkakamali rin ni Ate Soling sa coffeemaker. Nilingon ko


siya bago ako sumagot kay Alonzo.

"Ayos naman," sagot ko at pinindot na ang kahera para magprint na ng resibo.

Lumayo ako roon nang nakabalik na si Ate Soling. Unti-unti naman akong tahimik na
naglakad pabalik sa kitchen habang nagbabayad si Alonzo. Hindi na ako lumabas doon
hanggang sa narinig kong nagpaalam si Ate Soling pagkatapos ay pinasok niya ako sa
kitchen.

💕💕💕
KABANATA 27

Regret

Maraming bumisita sa cafe na bigo. Akala raw nila tuluyan nang nagbukas dahil sa
soft opening pero ang totoo hindi ko pa pinapayagang may kakain sa loob. Patapos pa
ang pagpipintura at plano kong pagkatapos ng grand opening na tatanggap ng
customer.

"So... right now it's just orders?" Chayo asked after picking up her cookies and at
the same time scrolling on her phone.

"Yes, Chayo."

Hindi siya agad nagsalita at mukhang abala pa sa kung anong tinitingnan sa


cellphone niya. She rolled her eyes and murmurred.

"Why do people think I care about this stupid news? It's all over my accounts. Ella
lowkey narrating her lovelife. My wild guess is Alonzo. Sa comments may nagsabing
doktor, e," she said nonchalantly bago nag-angat ng tingin at binaba ang cellphone.

"Huh?" nalilito ako sa bulong-bulong niya.

She smiled. "Wala. Usap-usapan lang nina Nancy na panay ang post ni Ella tungkol sa
manliligaw niya yatang doktor. Hula ko si Alonzo." Napatingin siya sa kawalan at
nagkibit ng balikat. "Well good for him. Sanay siyang alam ng buong Altagracia kung
sino ang gusto niya, this time, he deserves someone proud of- Oh!" she covered her
lips with her hand when she realized something.

Alam ko iyon. Sa pamumutla niya habang tinitingnan ako, alam ko ang iniisip niya. I
gave her an assuring smile. It's not that shocking anymore, like what Chayo is
thinking right now.

It's been so many years. I even thought Alonzo is already married. At sa ilang
beses ko iyong inisip, tinanggap ko na rin iyon. Matagal na. He's a gentleman and a
very good student, probably an excellent doctor, any girl would husband him up if
found. It's very impossible for him to not have a wife, or at least a girlfriend,
or someone in a relationship at this point. There's no doubt about that. Kaya bakit
pa nga ba ako magtataka?

Maybe it's just that he's not really married and based on Chayo's words, he is
courting Ella. Hindi na rin kataka-taka dahil binisita nga naman siya ni Ella sa
ospital. Binisita rin siya ni Ella sa bahay nila.

"S-Sorry," kitang-kita sa itsura ni Chayo ang kagustuhang tumakbo.

"It's okay. Are you friends with Ella now?" tanong ko.

"No. She's trash to me," she said in an exagerrated tone.

"Bakit alam mo ang mga balita tungkol sa kanya?" I slightly teased.

"Her being trash to me doesn't mean I can't hear her trash news, too. Anyway... I
received the invitation for the opening. Thanks. Susubukan kong pumunta kung
nandito ako no'n."

"Thank you!"

Hindi na ako inusisa ni Ate Soling sa pagbili ni Alonzo kaninang umaga. Pagkatapos
kasi ng eksplenasyon niya, hindi ko na rin pinahaba ang usapan. Isa pa, nang umalis
si Chayo, medyo nagtagal sa isipan ko ang aksidente niyang nasabi.

I realized then that maybe... whatever Ella has said to me that day, it was indeed
Alonzo's words and feelings. Hindi rin naman siguro niya matapang na sasabihin sa
akin iyon kung wala siyang alam o batayan sa nararamdaman ng mga Salvaterra.

And maybe... the three boxes of brownies he picked up from here is for Ella. After
all, he's courting her.

"Nakalimutan kong sabihin na um-order si Alonzo noong brownies. Gaya ng in-order ni


Almira. Nag offer naman ako na puwedeng delivery pero sabi niya i-pick up niya na
lang daw."

"Wala na po ba siyang order, Ate?" just checking if there are more unknown pick ups
from him.

"Wala na naman, Sancha."

"Okay po," I said in a serious tone and continued baking new things in the kitchen.

Sa araw nga lang na iyon, hindi ko makuha ang tamang timpla ng ginagawa. Kaya naman
hindi pa nga tamang oras, nagpaalam na ako kina Ate Soling at nagpahinga na lang sa
bahay.

Sa araw ring iyon natapos ang pagpipintura. Kahit na walang amoy na pintura ang
binili ko, sineryoso ko pa rin ang paglilinis sa loob nang sa grand opening ay
maging maayos ang lahat.

I already sent out formal invitations for the grand opening. May iilan nang
nabigyan at dahil naka post sa social media account ng brand ko, ch-in-at ako ni
Margaux na pupunta siya. I replied "Thanks" but other than that, nothing.

Wearing faded jeans and a simple white t-shirt with my beige platform open-toe
heels, I feel a bit more sporty the next day. Alam ko namang ang mga empleyado
naman ang mag-a-arrange sa setting ng cafe pero iniisip kong tutulong ako kahit
paano kaya hindi na muna ako nag dress.

It was early in the morning and I was on the counter while Ate Soling was outside
supervising the deliveries. Tumuwid ako sa pagkakatayo nang nakitang pumasok si
Alonzo.
Wearing khaki pants and a white t-shirt tucked in, and belt, he confidently went to
the counter. My head started throwing in many questions. Bakit siya nandito? Wala
namang order, ah? Kape? He's not with Almira and Almira has no orders!

"Good morning," I said it like it's a routine.

"Good morning," he said it in a monotone, too.

"May pick up," Sir? Doc? I don't know.

"Ah. Wala. O-order ako."

He cleared his throat and his eyes began searching on some pictures behind me. Wala
roon ang complete menu ngayong soft opening kaya nilapag ko ang menu para roon siya
magbasa.

"Nandito ang puwedeng i-order mo sa menu."

Tumango siya at binagsak naman ngayon ang mga mata sa menu. Kunot-noo niyang
tiningnan iyon. Nakita kong may isang empleyadong pumasok na may dalang silya. Nang
nakita niya kami ay muli siyang bumalik sa labas. Hindi ko alam kung anong sinabi
ni Ate Soling pero bumalik naman ulit ang empleyado at hinatid na sa loob ang
silya.

Meanwhile, Alonzo still couldn't decide what to buy. Mukhang hirap siyang namili.

"May chocolate chip cookies at butter cake."

"Chocolate chip cookies at butter cake, kung ganoon," he said.

I cleared my throat and put it on the register. "One of each?"

"Oo."

Naubos na siguro ang tatlong box ng brownies... gaya ng iniisip ko.

"Meron na sa loob. Kukunin ko lang."

"Ah?" nag-angat siya ng tingin sa akin dahilan kung bakit natigilan ako.

Nagtaas ako ng kilay. Umiling siya kaya nagpatuloy ako. Kumuha ako ng tig-iisang
box ng in-order niya at nilagay na sa loob ng paperbag. Lumabas ako at muli siyang
hinarap.

"Do you have bottled water?"

Tumango ako at kumuha na rin ng isa. Iniisip kong may convenience store naman
malapit sa ospital at lalong may canteen doon.

I told him how much he should pay. Nagbayad naman siya at sinuklian ko pa. Nilagay
ko lang sa lalagyanan ng sukli. Nang natapos siya ay bahagya akong lumapit sa ibang
parte ng counter para bilangin ang natitirang crinkles doon. Umalis din naman siya
at nagpatuloy na ang araw ko.

I realize it's just another day. Maybe he liked the brownies that's why he bought
the cookies and buttercake. Or someone liked the brownies, so he bought some other
products. However, the following morning, at almost the exact same time, he's here
again.
Mga lamesa naman ang inaayos nina Ate Soling ngayon kaya ako na naman ang nasa
counter. Hindi rin kasi busy ang ganitong oras kaya sa ganitong oras na nag-aayos.

"I'd like to order two boxes of brownies," he said before I could say we have
crinkles this time.

"Uh... wala pa kasi kaming brownies, e. Uhm. Pre-order."

"It's okay. I'll pick it up the same time tomorrow."

That answers the question if he'll also be here tomorrow.

"Puwede ring i-deliver. Sa ospital ba o sa bahay n'yo? O... kung may pagbibigyan."

Umiling siya. "Kukunin ko na rito bukas."

"Okay," sabi ko at kumuha ng calling card at nilapag sa counter. "Hindi mo naman


talaga kailangang pumunta rito kung may gusto kang i pre-order. You can just text
our business number."

Tumango siya at tinanggap ang calling card na nilapag ko. "Ayos lang. May bibilhin
din naman ako ngayon."

That's understandable. Tumango na rin ako at tiningnan ang kahera. "Okay. What's
your other order?"

"I'd like a bottle of water."

Matagal bago ko napindot ang kahera, gusto kong magtanong kung may dagdag pa ba
iyon pero wala na siyang sinabi.

"One bottle of mineral water," I echoed.

"Thank you," agap niya.

Wala nga'ng dagdag.

Kumuha na ako ng mineral water at nilapag na sa harap niya. Sinabi ko na rin kung
magkano ang dapat niyang bayaran. Muli siyang nagbayad at sinuklian ko na. I looked
at the cash register for a while, expecting him to walk away but he stayed in front
of me for a few moments again. My heart pounded hard and I'm not sure how I was
able to keep a straight face.

Hindi ko tuloy napigilan ang pag-angat ng tingin sa kanya. His unreadable eyes were
directed at me and it hurt knowing that he's different. He had always been
different anyway. Iyon naman lagi ang dati ko pang nararamdaman. I'm rich and
always seem to have more opportunities but he was somehow still some steps higher,
further, and away from me. Lalo na tuwing nakikita ko siyang kasama ang mga
kaibigan, nagkakatuwaaan, at may masayang mundo.

Parang nasa magkabilang mundo kami. Parang laging... nakatingin lang ako sa malayo.
Naiinggit. Hindi nakakapasok o nakakalapit. Sa kanya at sa mundo niya.

The difference is just this time, I don't know what his world is all about anymore.
I have no idea who he is anymore. I am not anymore watching his world from mine.
His world has gone further and further away from my own orbit. His eyes right now
never failed to remind me.
He sighed heavily and slowly walked away. Hindi pa siya nakalalabas sa cafe,
tinalikuran mko na rin siya at pumasok na ako sa loob ng kitchen.

It sucks. I space out a lot. Even when I've rehearsed this countless of times in my
head. Siguro dahil ang totoo ko namang plano, noong hindi ko pa siya nakikita, ay
ang kausapin siya agad. Now that I know I can't do that... I don't know how else to
react on his presence.

I started to doubt if opening a cafe here was healthy when he buys there from time
to time. Nagtanong naman ako kay Almira kung dito na ba siya magdodoktor. Hindi ako
nasagot ng maayos. Kung sana nasagot ako ng maayos, at nalaman ko, siguro may plano
na ako ngayon.

That's enough, Sancha. My life shouldn't depend on the circumstances of my life. If


he decides to work on that hospital for good, ano ngayon kung may cafe ako rito?
Hindi ba dapat natutuwa pa ako dahil nadagdagan ang regular customer ko?

Maaga pa nagc-close ang cafe ko ngayon dahil soft opening pa. Kaya papalubog pa
lang ang araw, nagsarado na kami. Ngayon pa lang yata ako nakatapos ng isang buong
araw rito sa cafe nang hindi umuuwi at nabagabag.

It was all fine. I greeted my employees goodbye. Sinundo na rin si Ate Soling ng
kanyang asawa. Palapit na ako sa aking sasakyan nang narinig ang pagsarado ng
sasakyang naka-park katabi nito.

Bumagal ang lakad ko sa gulat nang nakitang si Alonzo ang lumabas dito. Nilingon
niya ang cafe ko at saktong pagkapatay ng ilaw ang nakita niya.

"Sarado na pala," he said it to no one but I can hear it.

Nagkatinginan kami. I swallowed hard and opened my car through the keys. Hindi ko
alam kung didiretso ba ako papasok o ano.

"We close early. After grand opening pa siya... ano... matagal magsasarado. May
bibilhin ka ba?"

Nag-isip siya saglit bago madilim na tumingin sa akin. Akala ko sasabihin niyang
bibili siya ng brownies o kahit ano. I didn't expect his next words.

"May gagawin ka ba ngayong Sabado?"

I paused for a moment when I realized what he just asked.

Ang unang pumasok sa isipan ko ay ang kagustuhan kong kausapin siya. If this is an
invitation to talk, then I'm willing. To know that he would be willing to listen is
a big help for me. I've always got a feeling that he wouldn't want to hear anything
from me. Now that he asked this, I feel like he needed an explanation as much as I
needed to explain.

Unti-unti akong naduwag at kinabahan. For him to ask this, I feel as if I've done
it all wrong.

Pero alam ko ring hindi ako puwedeng umatras. Ilang taon ko nang gusto siyang
kausapin, bakit ko tatanggihan ito.

"T-That's the grand opening of my cafe. But..."

Inisip ko kung may oras ba ako sa gabi kung lunch naman ang grand opening. Paano
kung magtatagal dito sina Kuya Manolo at Daddy? Paano kung may inuman? I can't
leave. I have to reschedule.

"It's okay. Kailan ka puwede, kung ganoon?"

I thought of another day next week. Kaya lang... mas maganda sigurong sa opening ng
cafe, hindi na gaanong mabigat ang nararamdaman ko. Mas mabuti sigurong mas maaga
kaming mag-usap tungkol sa nakaraan. Mas mabuti rin iyon para sa kanya. Para sa
aming dalawa. I can now move on and he could now forgive and forget.

"Bukas? Umaga? May oras ka ba o... nagtatrabaho ka nga pala..." sabi ko, medyo
natataranta, at nag-isip ulit.

"Puwedeng bukas... ng umaga," maagap niyang sinabi.

"Anong oras ba ang trabaho mo? Mag mamaaga ako."

He nodded. "Alright. May trabaho ako pero, kaya ko rin ng maaga. Puwede rin sa gabi
pero kung gusto mo ng maaga..."

Sa gabi? Inisip ko kung bakit pa kami magkikita sa gabi kung pupunta naman siya
rito ng maaga para kunin ang brownies?

"Saan mo gusto?" tanong niya, hindi pa nga ako nakakapagdesisyon sa mga sinabi
niya.

"Saan?" inisip ko pa 'yon dahil akala ko pareho naming alam kung saan kami
magkikita? "Dito. Sa pagkuha mo ng brownies bukas."

He paused for a moment. Ilang sandali pa bago siya tumango. I looked at him trying
to decipher anything on his eyes. It was as if I am doing something wrong, the way
he paused and suddenly nodded.

"Dito na tayo magkita para maibigay ko na rin ang brownies na order mo," dagdag ko
kahit na kinakabahan.

"Okay," he said as he sighed.

Pinaglaruan ko ang susi ng sasakyan ko. Naghari ang katahimikan sa aming dalawa. He
licked his lower lip. Suminghap din siya.

The silence made my heart pound a little bit faster. Dahilan kung bakit nag
desisyon na nga akong lumapit na sa pintuan ng sasakyan. Sumunod siya ng kaunti,
tama lang para makita pa rin ako kahit na nariyan ang sasakyan niya.

"T-Thank you for initiating... this," sabi ko, nanunuyo na ang lalamunan. "P-
Pumunta ako noong nakaraan sa inyo dahil gusto kong malaman kung nariyan ba si Tita
Laura at Tito David. Para sana... makausap na rin sila tungkol dito. I've long
waited to finally talk about this."

His face darkened more. Or was it just the shadow of the now lit lamp post.

I waited for this moment for so long. I can even say everything now. I will be
honest, as much as I can. This might be my only chance.

"Pero... naiintindihan ko kung ikaw lang ang makakausap ko bukas," medyo matamlay
kong nasabi.

He looked a bit confused but it was too dark to identify whatever his expression
was.
"Bakit? Ano ba ang iniisip mong pag-uusapan nating dalawa?" he said in a criticial
tone.

I swallowed hard and I realized that I am ticking him off. Tumikhim ako at sinarado
ang pintuan ng sasakyan para maibigay sa kanya ang buong atensiyon. Hawak ang susi
at hindi alam kung handa ba, tinatagan ko ang loob ko.

"A-About... what happened. In the past?" marahan kong sinabi.

Humakbang siya kaunti. Pinagmasdan ko ang mahahaba niyang mga binti. Madilim na at
ang lamp post at ang ilaw ng gasoline station na lang ang tanglaw namin.

Pinaghandaan ko lahat ng sasabihin ko sa kanya pero umasa pa rin akong


maipagpapabukas ito at maaayos ko pa ang sasabihin ko ngayong gabi. But then the
way he is asking right now, it seems to me that he wanted my explanations... here
and now. There is no more waiting.

Dapat masiyahan nga ako. Mas maaga kong masabi sa kanya ito, mas mabuti. Matagal ko
na itong hinintay kaya bakit ko pa iaantala? Naduduwag ako? Hindi ako puwedeng
maduwag. My apologies and regrets are long overdue.

"If that's what you want to talk about, then why can't we talk about it now?"

"H-Huh?" hindi ko na napigilan ang talagang pagkakaduwag ko.

He tilted his head a bit. "Sinabi mong matagal mo nang hinihintay ang pagkakataong
makausap ako o ang pamilya ko. My parents are not here. I am. What is it that you
want to talk about tomorrow? Can't we talk about it right now?"

"P-Puwede rin... naman. Uh..."

Pinagmasdan ko ang paligid at pinapagitnaan kami ng mga sasakyan namin. Pribado


naman ang lugar at walang ibang sasakyang nakaparking. I swallowed hard again and I
realized that we'll talk right now... not tomorrow. He wanted explanations...
urgently. I need to explain... but I am just so caught off guard right now.

"I... I guess... I just want to say..."

I am nervous. I have to sort every emotion I had in the past years. I have to
create words. I have to say it. Right now. While he's letting me talk to him. While
he's waiting for my explanation.

This is the closure that I want and I need.

Pero bakit sa kaba ko hindi ako makahanap ng tamang salita at emosyon?

"Congratulations for... being a successful doctor. I am... very happy for you. I...
regret what happened to us in the past. I-It was all my fault. I... I'm..." slowly,
my heart hurt. "Sorry for what happened. I'm sorry I ruined your life. I regret
everything."

💕💕💕
KABANATA 28

Sorry

Parang kulang pa ang sinabi ko kahit na sinubukan ko namang paiksiin ang lahat ng
nararamdaman. Now, I don't think I would ever have enough words to describe how I
feel.

Gusto kong sabihin na nagdusa ako ng ilang taon. Na walang panahong nagdaan na
hindi ko naisip ang nangyari... walang oras na hindi ako na guilty. Baon ko iyon sa
bawat pinagdaanan ko. I went to college but I never kept a friend because I was
scarred. I never entertained any boys because I feel like somehow I'd ruin their
lives the way I ruined his. I succeeded wholeheartedly, lived each day happily, but
I will never forget how I can never be free from the pain and guilt of the past...
whenever I'm alone.

Nandito na siya sa harapan ko at kabibitiw ko lang ng mga katagang kailangan kong


sabihin. I don't need to describe what I've been through. I wasn't the victim. I
shouldn't be pitied, and I don't need it. Hindi niya na rin kailangang malaman iyon
dahil nasisiguro kong mas matindi pa sa mga bumabagabag na sakit ang pinagdaanan
niya.

"I know... it's been so long. I can see that you've moved on and risen up from...
everything that I did. Gusto ko lang masabi sa'yo, at sa pamilya mo, na
pinagsisihan ko ang lahat ng iyon. There will be no enough sorrys to pay for what I
did but still... I'm saying sorry. I'm so sorry..."

Mabilis kong inisip ang iba pang sasabihin habang nakatingin sa kawalan. Then I
realized I should look at him and apologize sincerely.

"Alam kong huli na para humingi ng tawad. Please know that you... don't really have
to forgive me for what I did. I just... really want to apologize," my voice broke.

Natapos ko iyon bago nangilid ang mga luha sa aking mga mata. Suminghap ako at
pilit na pinatatag ang sarili. No more crying, Sancha. You shouldn't be pitied. It
was your fault. You did that to him.

"Hindi mo 'yon kasalanan, Sancha," marahan niyang sinabi.

My wide eyes darted at him. Iniisip kong pag-uusapan namin ito para makita niyang
pinagsisihan ko ito. O para tapusin na ang ano mang naiwan sa nakaraan. Maybe this
is his way to end it... My heart hurt more at the thought that he had always been
kind to me. Kahit ngayon, pagkatapos ng lahat ng nangyari. Naisip ko tuloy kung
masyado ba akong nagpapaawa sa lahat ng sinabi ko kaya ganito na lang ang nasabi
niya.

Ngumiti ako para makita niya na ayos lang kung sabihin niya ang totoo. Hindi na ako
bata. Marami nang nagdaang sakit. Masasaktan ako pero alam kong kakayanin ko rin.

"I initiated it. I pushed you to say things. Masakit mang isipin pero... kasalanan
ko rin na naroon si Steffi. It was our plan but... I just didn't know that she has
other plans for that." Umiling ako, halos magmakaawa na paniwalaan niya. "Hindi ko
alam na manonood siya o mag vi-video."

"I know that, Sancha. At hindi mo kasalanan ang kahit ano roon."

"Kung hindi ko p-in-lano 'yon, hindi mangyayari 'yon."

"You were the victim. Hindi na dapat kinuhanan ni Steffi ng video ang pribado
nating pag-uusap. At lalong hindi ko na dapat sinabi ang mga iyon dahil bata ka pa,
at ako ang mas nakatatanda. I should've known better."

"I was seventeen then but I know what I was doing!" I said with a little bit
conviction.
"You were manipulated-"

"She encouraged me but I was the one who did it in the end."

"She recorded our private moment. I let my feelings rule me. We were at fault, not
you."

Tears already stung my eyes but his words shocked me. I didn't expect him to think
that way and I'm not sure if I wanted him to be this... considerate. Pakiramdam
ko... lalo lang akong na-guilty.

"You were the real victim."

"Your future... was ruined," I said it in almost a whisper, trying to calm my


tears.

He smiled sadly and shook his head. "I deserved it. I was selfish. I should've
guided you."

"You didn't deserve that!" medyo tumaas ang boses ko dahil hindi ako makapaniwala
na manggagaling iyon sa kanya.

Tingin ko nagulat ko siya. Napakurap-kurap ako nang nakitang pinagmasdan niya lang
ako ng mabuti. Hindi na nagsalita.

"I-I'm sorry," mahinahon kong sinabi.

Hindi na siya nagsalita. Naninimbang na lang ang tingin niya sa akin ngayon.
Nanlamig agad ako at natantong masyado kong pinagbigyan ang nararamdaman ko. He was
being nice to me and he let me apologize. Now I'm just being rude to him again.

Umurong ang mga luha ko at nakaramdam na ng kahihiyan.

"Pasensiya na. I just think you don't deserve being stripped of your dreams. Y-You
tried your best to reach it. It was ruined in a blink of an eye."

"It's all in the past now, Sancha. Marami nang nagbago ngayon."

Muli, inangat ko ang tingin sa kanya. I smiled bitterly. His words were true and it
hurt. Tumango ako, pandagdag sa mapait na ngiti.

"I can see that. I'm happy for you."

Kakaibang luha ang pumalit sa mga mata ko ngayon. Hindi na iyong sakit ng nakaraan.
It was something raw. It hurt so much physically. Kung kanina nakaya kong
magpakatatag, ngayon tingin ko tuluyan na akong bibigay.

"I think that's all that I want to say. Thank you for this."

"Do you feel better now?" he asked.

Tumango ako at nag-iwas ng tingin. I clicked on my car keys. Hinawakan ko na rin


ang pintuan. Ngumiti ako nang hindi siya tinitingnan dahil pakiramdam ko tutulo na
ang mga luha ko kapag nakita ko ulit ang mukha niya. He's a different Alonzo now.
Well, you know, Alonzo... I'm also a different person now. Not that you care but...
I guess we both did change, huh?

Sa lahat siguro ng nagbago, may isa nga lang na nanatili sa akin.


"Yeah. Thank you and uhm... M-Mauna na ako."

Naramdaman ko ang pagtabi niya. I opened the door of my car without looking at him.
Pumasok na ako sa loob at bago ko sinarado, bumati ulit.

"Good bye."

"Good night, Sancha," he said.

I closed the door. Mabilis kong pinalis ang mga luhang tuluyan nang bumuhos. I know
one wipe won't be enough. Bumuhos pa ito lalo. Hindi ko inasahan na patapos na ang
usapan, 'tsaka pa lang ako nakaramdam ng ganitong klaseng sakit.

Now, I thank Kuya Manolo for suggesting the darkest tint for my car. Umatras ako at
nanatili si Alonzo sa parking, nakatingin sa pagmamaneho ko. Lumiko na ako at
tuluyan nang umalis doon.

Inisip ko kung ano pa ang dapat kong sabihin na hindi ko nasabi. Bukod sa mga
pinagdaanan ko. Tingin ko naman, nasabi ko ang lahat. I just never thought it would
end that fast. Pakiramdam ko tuloy may kulang pa... o may hindi ako nasabi.

Siguro dahil lang hindi ko pa nakakausap si Tita Laura at Tito David. Iyon lang
siguro?

I silently wiped my tears. His words still echoed on my mind. I smiled. I really
appreciate his... kindness. He wanted to make me feel better so he said that.
Kumunot ang noo ko at mas lalo lang tumulo ang mga luha.

I pinched my own hand, trying to punish myself for thinking of other things...
other than the scandal.

Sa gabing iyon, hinayaan ko ang sarili kong iyakan ang matagal ko nang itinatago.
Ang nararamdaman ko para sa kanya. Marami nga'ng nagbago at tanggap ko na iyon.
Hindi ba puwedeng tanggap naman pero nasaktan pa rin? Kaya ayos lang na umiyak,
Sancha. Bukas, gagaan na ang loob mo.

I woke up to a peaceful morning. There are remnants of the silent confrontation


outside my cafe on my mind as I showered but other than that, my heart is slowly
beating lightly. I said my piece and I've asked for forgiveness. This should be a
good start.

Dahil medyo napuyat sa kaiisip at kalulunas sa namumugtong mata, hindi ako


makakapagbukas ng cafe. Maaga pa rin naman dahil kailangan nang maghanda para sa
nalalapit na grand opening.

Mariin kong na apakan ang preno nang nakita ko si Alonzo sa labas ng cafe, kausap
si Ate Soling. Kumunot ang noo ko at inisip ng mabuti ang naging usapan namin
kagabi. Sinundan ng tingin ni Alonzo ang sasakyan ko at si Ate Soling, itinuro
naman ito at ngumiti.

I know he'd pick up his brownies this morning but he seems... very early today.
Alam kong sinabi kong magmamaaga ako sa araw na ito pero hindi ba tapos na ang pag-
uusap namin kagabi?

"Oh... no... I hope I'm wrong?"

Lumabas ako ng sasakyan at sinalubong agad ni Ate Soling. Nanatili si Alonzo


malapit sa pintuan. Nasagot agad ni Ate ang bumabagabag sa isipan ko.
"Kanina pa siyang alas singko rito. May usapan ba kayo?"

I couldn't react. My jaw dropped and I realized... I didn't understand our... our
plans!

Nagmadali ako patungong cafe. I cleared my throat when I neared him. Naka dark blue
na button-down shirt, belt, at khaki pants ngayon.

"Good morning," I greeted.

"Mornin'-"

"K-Kanina ka pa? Uh..." Hindi ko na napigilan ang pagkalungkot.

He chuckled a bit. "It's okay-"

"Akala ko... uh... tapos na ang..." Natigilan ako. "Sorry, akala ko hindi na tayo
magmamaaga kasi... nakapag-usap na tayo kagabi?"

Tumango siya sabay sulyap sa likod ko, naroon si Ate Soling. "Oo. May binili naman
ako kaya ayos lang na maaga ako."

Feeling a new kind of guilt again for him, pumasok na ako sa cafe. Sancha, you
idiot! But i really honestly thought that... we're done talking! Alas singko?
Siguradong may trabaho pa siya tapos maaga siya pumunta rito dahil may usapan kami?

Dire-diretso ako sa loob ng kitchen at d-in-oble ang order niyang brownies. Lumabas
ako at nakita si Ate Soling sa kahera.

"I... lalagay ko na rito, Sancha?" tanong ni Ate Soling, parang gustong umalis sa
kahera.

Tumango ako habang inaayos ang order ni Alonzo. Hinarap ko siya. "Sorry talaga. D-
in-oble ko na... nakakahiya."

"Ah! Hindi na kailangan," agap niya.

"Hindi na, sige. Ayos lang. Akala ko kasi..."

"It's okay, Sancha. May binili naman ako kaya ako nag maaga."

Kahit sinabi niya iyon, nakakahiya pa rin. Ano naman kaya ang binili niya? In big
and small things, I always seem to let him down.

"Pabili na rin ng kape," ani Alonzo.

Magkakape na kasi ang agang gumising! Oh my goodness!

"Ako na, Ate Soling. Libre ko na 'to," sabi ko.

"Hindi na, Sancha."

Nagpatuloy pa rin ako sa paggawa ng kape niya. Pagkatapos, nilapag ko sa harap


niya.

I can imagine how slow I was this morning. I languidly took a shower, dressed up...
all of that as slow as a snail because I thought I own my time. Tapos hindi ko alam
na nandito siya, madilim pa lang... naghihintay! Tulog pa ako noong alas singko!
"Sorry!"

He chuckled a bit and nodded. Tinanggap niya naman ang kape at brownies. I feel so
guilty!

"It's okay. Mauna na ako."

"Okay! Enjoy... your day!"

Nang umalis si Alonzo pakiramdam ko dadaganan na ako ng kisame sa kahihiyan.


Tumikhim si Ate Soling at may ngiti sa labi pero walang ibang sinabi tungkol doon.

Hindi maganda 'to! Wala ako sa sarili, malapit na ang opening! Iyon lang ang naisip
ko habang tinititigan ang isang box na cookies na order ni Almira kaninang alas
nuebe, via text. Pick up daw mamayang singko y media.

Mabuti na lang at dahil sa dami ng ginawa at hinanda, nawala rin agad sa isipan ko.
Now prepared for the opening, I was smiling at Chayo on my counter as Ate Soling
assisted the cashier because there were customers.

"Ano ba 'yong in-order ni Julius? Nasarapan ako ro'n," si Chayo.

"Baka 'yong butter cake?"

"Hmm. Maybe that was it. Can I have one?"

"Alright, Chayo," sabi ko at inabot ang box na nariyan na.

Handa na ang lahat ng nasa menu. Ang kulang na lang ay ang mga ulam para sa mga
bisita na bukas ng umaga pa lulutuin ng mga kusinero. My grand opening will be
lunch.

Malaki ang cafe kaya magkakasya naman ang mga bisita ko rito, kasama ang iilang
inimbitahan ni Mommy at Daddy na politician at business partners.

Pagkalapag ko sa harap ni Chayo, natanaw ko si Almira at Alonzo sa counter. Ngumisi


si Chayo sa akin nang nakita ang box.

"Ito nga 'yon! I like this very much!"

"Thanks."

Lumapad ang ngiti ni Chayo at naningkit ang mga mata. "You bake so good. Gusto rin
ni Kuya Levi. Na kuwento niya na nagkita kayo sa Singapore at dinala mo sa
conference ba 'yon? Basta, natikman niya raw ang b-in-ake mo na carrot cake!
Masarap daw!"

Pinuri nga ako ni Levi noon pero ang ikuwento nito kay Chayo, nakakagulat naman.
"Hindi ba siya uuwi?"

Umiling si Chayo at nag-iwas ng tingin. Napawi ang ngiti ko nang naalala ang
trahedya sa pamilya niya. Then slowly... I also remember a dear friend who ran away
from home... after the tragedy of the del Reals.

"Hi!" si Almira na bahagyang lumapit sa amin.

Alonzo is behind her. Kinakausap pa si Ate Soling. May kinuha si Ate Soling kaya
bumaling si Alonzo sa amin. Chayo looked at Almira in her usual brazen stare.
"Hello."

"Masarap nga! Busog ako sa brownies!"

Magsasalita na sana ako kaso kinuha na ni Chayo ang box ng bibilhin niya. Nilingon
niya si Alonzo bago ako.

"Excuse me. Magbabayad lang ako," aniya at lumipat na sa harap ng kahera.

Sinundan siya ng tingin ni Almira bago ito humilig sa counter top. Alonzo was
already behind her, watching me.

"Binigyan ako ni Alonzo. Ang dami mong pinadala kanina!" dugtong ni Almira.

Tumango ako at sumulyap kay Alonzo. His lips parted and he swallowed hard.

"I shared it with the nurses. Hindi lang naman sa kanya."

Umismid si Almira at unti-unting nilingon si Alonzo. Tumango ako. Ayos lang 'yon. I
didn't expect him to eat all of that. Akala ko lang kay Ella niya ibibigay iyon?

"Tumigil ka nga at alam naman ni Sancha na may asawa na ako!" iritadong sinabi niya
sa kaibigan bago ngumisi sa akin. "Baka hapon na kami makadaan ni Axel dito bukas."

"It's okay," napasulyap ulit ako kay Alonzo na ngayo'y tiningnan lang ang kanyang
dala.

"Marami kang bisita?"

"Uh, medyo. Pero mostly my friends will be on the afternoon till night."

"Ohh..." Marahang tumango si Almira sabay baling kay Alonzo.

"Let's go," aya ni Alonzo, may iritasyon sa mga mata para sa kaibigan.

"Na send mo na lahat ng invitation?" si Almira.

"Noong... nakaraan pa." Hindi ko alam kung bakit medyo nahiya ako.

"So... busy ka bukas? Kailan ka naman hindi na busy? Next week?"

Napatingin ako kay Alonzo nang nakita kong mariin niyang tinitigan si Almira sa
likod. Almira blocked my vision with a ghastly smile. Napalunok ako at bahagyang
napaatras.

"Siguro. Bakit? Para sa cake mo ba?"

"Oo!"

"Sige, send ka lang ng picture ng gusto mo. Or icheck mo ang posts ng page nitong
cafe. May samples doon. Dating works ko."

"Ikaw ba nagmamanage ng account na 'yon?"

"M-Minsan."

"Puwedeng send ko sa'yo sa personal account mo?"


"Puwede rin," sagot ko.

Natigil lang si Almira nang lumapit ulit si Chayo pagkatapos magbayad.


Nagkatinginan silang dalawa bago ako hinarap ni Chayo.

"I'll be here tomorrow with Julius."

"Thanks, Chayo."

She scoffed a bit on Almira and Alonzo's way. Tumikhim si Almira at bahagyang
lumayo. 

"I'll text Kuya about your grand opening. For sure he'd like to know about this."

I smiled. "Na text ko si Levi, Chayo."

Chayo smiled. "Oh good! What did he say?"

"He congratulated me. Pupunta raw siya rito kapag umuwi na siya."

"Sancha, thanks sa order. Alis na kami ni Lonzo," singit ni Almira.

Tumango ako. Nagkatinginan kami ni Alonzo. I smiled at him. "Alright. Thanks for
dropping by."

"Bye, Sancha! Chayo..." si Almira.

Tumalikod na si Alonzo at tuloy-tuloy ang paglalakad. Sumunod naman si Almira.


Nagpatuloy sa kuwento si Chayo samantalang naiwan ang tingin ko sa likod nina
Almira at Alonzo, paalis ngayon sa cafe.

Nag-usap na kami kagabi pero bakit parang kulang pa ang sinabi ko?

"Lastly, did you invite Alonzo?" si Chayo.

"Uh... hindi." Kinabahan ako bigla. Iniisip ko nga iyon kanina pero... hindi ko
alam kung dapat ko bang gawin iyon. For what? And would he want to see my family?

"Good. Because I don't wanna see Ella."

💕💕💕
KABANATA 29

Busy

Marami ang bisita ng grand opening. Halos lahat ng importanteng tao sa Altagracia
at mga karatig nito ay naroon. Marami ang bumati sa akin at halos ang lahat ng mga
matatandang politiko at businessmen ay si Mommy at Daddy naman ang nag entertain.

Naroon din si Ate Peppa at Kuya Manolo. Isa rin sila sa nag entertain sa mga
guests, lalo na't mga kaibigan nila halos ang tumatangkilik sa mga produkto ko.
Margaux was there with Julius and some of our friends and classmates. Nasa iisang
table sila at minsan ko nang binisita pero hindi makapagtagal dahil sa dami ng
kailangang i entertain.

Some of my Silliman classmates were there, too. Lalo na iyong mga nasa malapit na
siyudad at probinsiya lang. Sa ibang oras nga lang sila bumisita kaya hindi na rin
masyadong naging crowded ang cafe. Ang mga taga Cebu ko namang kaibigan sa
Silliman, nagpadala na lang ng bulaklak at nangakong bibisita next time.
The older people went home after the blessing, programme, and lunch. Nang umalis na
ang Mayor, nagpaalam na rin sina Mommy at Daddy. Lalo na't bumisita ang taga
Bacolod nilang kaibigan at gusto nilang sa bahay na magpatuloy. Daddy boasted his
golfing skills, kaya nagkayayaan na.

It was three in the afternoon when Almira arrived. Agad siyang binati ng iilang
naimbitahan kong kaklase o ka-batch niya noon. I craned my neck, as if to see who
she's with. Kaya lang si Axel ang nasa likod niya. Nagtagal pa ang tingin ko sa
pag-aakalang may iba pa silang kasama. Almira then blocked my vision with her
ghastly smile.

"Congratulations sa grand opening mo!"

"Thanks, Almira."

Binati sina Axel nina George, Adriano, Ciara, Patti, at iilan pang mas batang batch
nina Almira. I smiled as I saw how the two batches mixed because of Almira and
Axel. Axel greeted Chayo, too. Naroon sa tabi ang iilan pang mas batang kaibigan
kasama sina Nancy, June, at Edu.

Nawala ang kaba na dala-dala ko simula pa nang nagsimula ang opening pagkaupo nina
Almira. Almira was smirking at me as I told them to get some food.

Papalubog na ang araw nang unti-unti na ring nagpaalam ang grupo nila. Nanatili
akong nakatayo at malugod na tinanggap ang mga papuri at pasasalamat sa imbitasyon.

"Sa Bistro kami nina Julius. Punta ka after? Let's chill and drink some beer," si
Margaux na ngitng-ngiti sa akin ngayon.

I smiled. "Subukan ko, Margaux."

"Pumayag ka na! Minsan lang naman, e!" si Margaux sabay ngiti.

"I have things to do. Mamaya na ako magdedesisyon, Margaux."

Napawi bahagya ang ngiti niya at marahang tumango. "Okay. You need help?"

I shook my head. "No, thank you. Go on and I'll just text if I can go to the Bistro
after this."

Kahit na ang totoo, alam kong malabo iyon. Sa grupo nina Kuya Manolo na nasa labas
na lamesa, pakiramdam ko gagabihin pa sila. Masarap ang kuwentuhan at maingay ang
tawanan nila. Siguro dahil ngayon lang ulit niya nakita at nakausap ang mga
kaibigan. Camila's group were here too but like the rest, they opt to continue the
fun somewhere else, rason kung bakit nakihalo si Camila sa grupo ni Kuya. She seems
very busy talking to the wives of the men, too.

"Alis na kami, Sancha. Ang sarap ng handa n'yo!" si Almira. "We'll drop by the
Bistro. I wanna invite you you but I know you still have things to do."

"Oo. Enjoy kayo sa Bistro."

Nagpaalam na rin ang grupo nina Chayo. Sila ang mga huling umalis sa Cafe, bukod
siyempre sa grupo ni Kuya na maingay sa tawanan at nag-iinuman.

"Ayos lang ba 'to, Sancha?" si Camila na nilapitan ako habang tinitingnan ang
pagkain para sa dinner.
I chuckled a bit at Camila's worry. "Ayos lang."

"Sinasabihan ko si Manolo kaso tuwang tuwa sila ng barkada niya. Kauuwi lang kasi
nitong isa galing US. Sigurado ka bang ayos lang?"

"I expected this. May handa pa nga ako para sa dinner, hindi lang kasing dami
kanina. It's still early, too."

Nilingon ni Camila si Kuya. "Namumula na nga, e. Mukhang lasing na pero napapasarap


ang kuwentuhan. Sayang at mukhang may after party ang mga kaibigan mo sa Bistro.
Siguro naingayan dito sa grupo nina Manolo." She chuckled.

"Ayos lang. I don't really expect to still have time after the grand opening.
'Tsaka masaya rin ako na nakitang nakumpleto ulit ang grupo nina Kuya Manolo."

Ngumiti si Camila. "Alright. Then, I'll just help you out. Kuha ako ng mga bagong
pinggan para sa kanila."

May mga employees pa naman ako. Nariyan din si Ate Soling na tinutulungan ng asawa
ngayon.

"Thanks, Camila," tanging nasabi ko.

Their night continued. Ang ibang empleyado ko ay tahimik na naglilinis. Buti na


lang din at nasa labas naman sina Kuya kaya hindi na rin nakakahiyang maglinis sa
loob ng cafe.

It's still seven and we should all get used to the new schedule of the cafe.
Hanggang alas nuebe na ang last order nito simula ngayon. I thought it would be
good since we don't really offer alcoholic drinks. Dapat mas maaga sa Bistro at iba
pang lugar dito ang pagsasarado namin.

"Marami pang pagkain!" si Ate Soling kahit sinabi ko nang paghatian ng mga
empleyado ang natira kaninang tanghali.

Kumakain na ulit ang grupo nina Kuya Manolo ngayon. May bagong inumin na nilapag si
Ate Soling kanina, gaya na rin ng utos ko. Naghiyawan sila at mukhang masayang-
masaya.

"Palagay po sa container at mamimigay na lang po ako sa station," sabi ko.

Binigyan ko na ang mga gasoline boy kaninang tanghali. Pati ang manager nila. Pero
dahil mayroon pa namang pagkain, hindi na rin masama na magbigay ulit. Besides,
baka ibang shift na ang naroon dahil gabing gabi na ngayon.

"Ibibigay ko sa guard at sa station din," paalam ko bago lumabas ng cafe.

Pagkatapos kong magbigay sa guard ng building, dumiretso na ako sa paglalakad sa


station. Naunahan nga lang ako ng isang sasakyang nagpark sa tapat ng gasoline boy.
My heart quickly jumped when I noticed the SUV. Sasalubungin sana ako ng gasoline
boy pero dahil may customer, bumaling siya roon.

"Full tank," si Alonzo iyon.

Bumagal ang lakad ko at natantong kailangan kong hayaan na muna silang gawin ang
trabaho. Kaya lang lumapit ang isang gasoline girl at binati ako.

"Good evening, Miss Sancha!"


I smiled. Napatingin si Alonzo sa banda ko. I couldn't react so I faced the girl.
"Good evening. Kumain na ba kayo? May dala akong pagkain para sa inyo."

"Wow! Thank you, Miss Sancha! Kumain na ako pero kakain ulit ako! Sarap ng luto
n'yo!" sabi niya.

"May brownies pa ako sa loob. Ihahatid ko na lang dito pagbalik ko," sabi ko dahil
hindi nadala ang lahat ng gustong ibibigay.

Napasulyap ako kay Alonzo na nakatingin sa akin. Ngumiti siya. Naibigay ko na ang
lalagyanan sa babae. Agad nilang pinalibutan iyon.

"Good evening, Sancha," Alonzo greeted me.

I smiled. "Good evening."

Sumulyap ako sa cafe dahil nagtawanan ulit ng malakas ang grupo nina Kuya Manolo.

"Congratulations sa grand opening mo," Alonzo said, the reason why I looked at him
again.

I smiled awkwardly, remembering how I purposely didn't invite him. Ginapangan ako
ng hiya lalo na't paulit-ulit ang hiyawan nina Kuya Manolo, making us both look at
their way. Hindi ko siya inimbita kahit pa may chance namang tumanggi siya kung may
trabaho o may ibang gagawin. I just didn't invite him.

I was about to say my thank yous when I got cut off.

"Ang sarap noong lasagna, Miss Sancha! Tapos ang dami ng binigay n'yo ngayon!" ang
isang gasoline girl pagkatapos silipin ang pinamigay ko.

"Marami pang pagkain, Miss Sancha? Nakakahiya naman! Ang dami ng binigay n'yo sa
amin!" ang gasoline boy naman ngayon.

"Ah. Oo. Marami pa naman."

I cleared my throat and looked at Alonzo. Magpapasalamat na sana ako pero abala na
siya sa pagbabayad sa pagpapagasolina niya. I even overheard them talking.

"Free window cleaning, Sir?"

"Yes, thank you!"

The gasoline boy moved in front of his Subaru and started cleaning the front
window. Nilingon ako ni Alonzo. Parang napanis na ang thank you ko! My lips were
apart, ready to say my thanks but it seems so off already.

"Tapos na ba?" tanong niya at sinulyapan ulit ang cafe.

Lumingon din ako at nakita ang mga empleyadong naglilinis sa loob. Kahit ganoon,
kita rin sa kinatatayuan namin na bumabalik pa sa loob ang ibang kaibigan ni Kuya
Manolo para sa pagkain.

"Oo. Naglilinis na pero... nariyan pa sila. At... may pagkain pa."

Tumango si Alonzo at ang mga mata'y nasa cafe.

"Uh... may lakad ka?" I said with hesitation.


Umiling siya. "Nagpa gas lang."

"W-Wala ka bang duty?"

"Wala, Sancha. Ikaw? Wala ka nang gagawin..." he then chuckled. "You're probably
exhausted."

Umiling din ako. "Mag-aayos na lang. Uh..."

I can just... invite him, right? Out of respect, at least? Baka galing siya kina
Ella at napadaan dito para magpa gas? Or should I stick to not inviting him. Balik
na lang ako sa cafe. As I was about to open my mouth again to talk, naunahan niya
ako.

"Kailangan mo ba ng tulong? Wala akong gagawin kaya puwede akong tumulong."

"H-Hindi na. P-Pero... nakapag-"

"Alonzo?!" I heard Kuya Manolo's shout.

Pareho kaming napabaling sa cafe at nakitang palapit na ang kapatid ko. Namumula na
si Kuya at halatang-halata sa mga mata niya ang pagkalasing. My eyes narrowed and I
felt relieved that tonight Manuella will sleep over at our house, with her cousins,
along with Ate Peppa and Kuya Ramon.

Si Camila ay nanatili sa lamesa nila, tinatanaw kami, umiiling at dismayado sa asal


ng kapatid ko.

Alonzo opened the door of his car. Lumabas siya at hinarap si Kuya. He was serious
as he looked at my brother who's acting like nothing tragic has happened in the
past. Siguro dahil lasing? Hindi ko alam.

"Ikaw pala 'yan!" si Kuya sabay akbay kay Alonzo.

"Good evening, Sir-"

"Sir na naman? Ikaw ah! Hindi ka pa rin nagbabago, Doc!" Kuya Manolo gave a hearty
laugh. "Opening ng cafe nitong si Sancha! Ngayon lang ulit kami nagkita ng barkada,
halika! Gusto ka nilang kumustahin!"

I feel so awkward as I watched Alonzo nod at my drunk brother. I wonder if he'd act
that way if he wasn't drunk?

"Itatabi ko lang ang sasakyan ko, Sir."

Nilingon ni Kuya ang sasakyan ni Alonzo. Tinapik niya iyon at tinawanan.

"Ganda ng kotse!" he shouted as Alonzo went inside his car to park it properly.

"Kuya..." saway ko.

Nilingon lang ako ni kuya, halata sa titig niya ang kalasingan.

"Lasing ka na! Nakakahiya kay Alonzo-"

"Anong lasing? Hindi pa, ah! Alas otso pa lang!" ani Kuya sabay sunod sa sasakyan
ni Alonzo.

Hindi niya yata lulubayan hangga't hindi niya nadadala si Alonzo sa grupo niya.
Nang lumabas si Alonzo, tuluyan niya na nga'ng inakbaayan patungo roon. Sinalubong
sila ni Camila dahilan kung bakit lumayo si Kuya kay Alonzo. Umiling si Camila at
natawa na lang. Nakita kong humingi siya ng tawad kay Alonzo.

"Alonzo! Doktor ka na! Congrats!" narinig ko ang iba pang lasing na mga kaibigan ni
kuya sa grupo nila.

"Oo nga! Damn, I'm so proud of this boy! Hindi naman siguro sekreto ang nangyari
noon. Lonzo," madramang baling ni Kuya sabay lahad ng kamay.

Unti-unti na akong naglakad, pinanonood ang drama ni Kuya.

"Napag-usapan na natin 'to pero uulitin ko. Sana naintindihan mo ang nangyari noon.
Ang pinagsisihan ko lang doon ay ang hayaang mabigat ang parusa sa'yo. I agree
there should be punishment but I'm not sure if snatching your latin honor was
appropriate!"

"At pinalayas mo pa, Manolo!" gatong ng kaibigan ni Kuya.

"Anong pinalayas? Hindi, ah! Si Lonzo lang ang umalis-"

"Didn't your parents leave Altagracia, too, Lonzo?"

"Oo. Nauna lang ako at sumunod din sila."

"Ano nga ulit ang nangyari? Si Sancha ba?" sabay baling ng ilang kaibigan ni Kuya
Manolo sa akin.

Yumuko ako at nagpatuloy papasok sa cafe, kunwari hindi narinig.

"Huwag na nating pag-usapan 'yan at matagal na 'yan! Ang mahalaga, doktor na itong
si Alonzo!" si Kuya dahilan ng paghiyaw ng mga kaibigan niya.

"Hindi ka kasing harsh ng mga del Real na pinalayas at pina-ban talaga ang mga
Castanier!"

"That was a different story. I would ban the Castaniers if I was Tito Luis!" si
Kuya Manolo na nagpatuloy.

Nakapasok na ako sa loob. Nilingon ko si Ate Soling.

"Ate... May pinggan pa ba? Si Alonzo kasi... nasa labas."

"Ah! Oo. Sige, sige, Sancha. Uh..." Ipinakita niya sa akin ang pinggan.

Ngumiti lang ako. Tumango siya at nakuha agad ang gusto ko.

"Ako na ang magbibigay."

"Thank you, Ate. Sorry."

Binigyan nga ni Ate Soling ng pinggan si Alonzo. Matagal nga lang nakapasok si
Alonzo dahil mukhang inusisa pa siya ng grupo. Sinamantala ko iyon para lapitan ang
pagkain at tingnan kung marami pa ba. I rearranged the sweets beside it to make it
look prettier. Halos mapatalon ako nang nakita si Alonzo na naroon na at kukuha na
ng pagkain sa buffet.

"Kuha ka..." sabi ko.


"Ikaw ang nagluto nito?"

Uminit ang pisngi ko. I laughed out my embarrassment.

"Sa lasagna lang. Iyong roast beef at iba... sa kusinero. Hindi pa ako masyadong
marunong kapag ulam. Bake lang."

"That's okay," aniya at kumuha sa lasagna.

I smiled. "Pasensya na kay Kuya. I hope you don't find it awkward or... you don't
get pissed with him."

"Ayos lang naman si Sir Manolo, Sancha."

"He's drunk and maybe a bit too talkative right now."

He chuckled. "It's really okay, Sancha."

Nilingon ko ang lamesa rito sa loob. Dito na lang sana siya kasi nakakahiya si Kuya
kaso baka hanapin siya roon. Kumuha ng desserts si Alonzo. Kumuha naman ako ng baso
at ibinigay sa kanya para siya na ang mamili kung aling inumin ang gusto niya.

Napatingin ako sa pinggan niya na lasagna lang at ang tatlong piraso ng iba't-ibang
sweets. Nakatingin siya sa akin habang nagsasalin ng inumin.

"Nakapag dinner na ako," paliwanag niya kahit hindi naman ako nagtanong.

"Oo. Alas otso na rin, e."

He smiled. Tapos na siya pero hindi pa umaalis. My heart is pounding like crazy.

"Lonzo! May sinasabi si Camila!" sabay hagalpak ni Kuya galing sa labas.

Umismid ako, nahihiya na sa kapatid. "Tawag ka na. Pasensiya na talaga kay Kuya."

"No problem," he said and went outside.

Pumasok si Camila at sinabihan ako na huli na ang boteng inilapag ni Ate Soling
kanina. Lalo na't magkikita pa naman daw ang magkakaibigan bukas at pare-pareho
silang may mga anak na inaalala. I sighed my relief and I realized I'm finally
closing the cafe after a long day.

"Iinom pa ba 'to? Doktor na, e!" si Kuya, inaasar na si Alonzo kahit sa huli.

Umiling si Camila. "Ako na ang magdadrive pauwi. Aalis na rin kami ngayon. Ikaw?"

"Hintayin ko lang na matapos sina Ate Soling sa paglilinis. Uuwi na rin ako."

Iyon nga ang nangyari. Unti-unti nang nagsiuwian ang mga kaibigan ni Kuya Manolo.
Si Camila na lang ang nagpaalam sa akin dahil nasa sasakyan na raw si Kuya. Alas
diez nang nagsimula nang magligpit ang mga tauhan sa labas, dahil nagsialisan na
sila.

Alonzo remained, though. Nakita kong hawak niya ang pinagkainan niya. Sasalubungin
ko sana.

"Ako na, Sancha. Saan ba ilalagay?" he asked.

"Hindi, huwag na!" sabay pakuha ko sa isang waitress.


Hindi na rin naman siya nagpumilit. Nalinis na halos lahat at pagkatapos ayusin ang
mga upuan at lamesa sa labas, ipinasok na rin ng mga empleyado. The lights dimmed
and I realized Alonzo is the last guest of my grand opening.

"Congrats ulit," he said.

"Thank you."

Tumango siya. "Uuwi ka na ba?"

I remember that Almira and some of my friends are at the Bistro right now. I wonder
if he was invited?

"Oo, eh. Nasa Bistro sina Almira at ibang... kaklase mo. Pupunta ka ba?"

He shook his head. "Uuwi na rin ako, Sancha."

I nodded and chuckled a bit. "Trabaho ka pa bukas?"

Yumuko siya saglit bago muling tumingin sa akin. "Are you busy tomorrow evening?"

💕💕💕
KABANATA 30

Past

What does he want to talk about?

Iyon na lang ang inisip ko. I refuse to think that this is more than a talk we need
to close the past. I refuse to hope. I know how fragile my feelings for him all
these years and I don't want to awaken them. Not that it was ever asleep.

"K-Kung may gagawin ka o magpapahinga ka..." he trailed off, probably seeing my


reaction.

"Naipangako ko kasi sa pamilya ko ang dinner bukas, e. Celebration namin sa opening


ko. With my family."

He swallowed hard and nodded. Gustong bumawi, agad akong nag-isip kung kailan
puwedeng magkita.

"How about on Monday? I'm free in the afternoon!"

Yumuko siya. "May trabaho ako. Pasensya na. Sa gabi kaya no'n?"

Ako naman ang yumuko ngayon. "First time kasi na matagal magsara ang cafe, e. Kaya
baka kailangan ako rito sa linggong ito."

"Then, I'll come here!" he said.

"Dito?"

Tumango siya. "Hihintayin kita na matapos dito."

Bahagya akong natawa. "Hindi na naman kailangan. Uh... We can set it on...
Saturday! Puwede ako no'n ng dinner."

"Pupunta ako rito sa Lunes. I'll eat my dinner here."


"Sigurado ka?"

He nodded.

I still don't know how I survived that conversation. Nanatili iyon sa isipan ko
nang nasa hapag na at animo'y may piyesta sa harapan dahil sa tatlong bubuwit at
mga matatandang nag-uusap-usap tungkol sa saya ng grand opening ko.

Pagkatapos kong laruin ang mga bata, natahimik na lang ako kaiisip sa usapan namin
ni Alonzo.

"Alonzo was there, right? Hindi ko na masyadong maalala," si Kuya nang umabot na
roon ang usapan.

"Alonzo Salvaterra?" Mommy asked as if there's another Alonzo that we know.

"Nakita lang yata ni Sancha sa station. Nagpapagasulina, kaya inimbita ko na. Ang
batang 'yon, hindi na nagbago. Napakamagalang pa rin."

Mommy cleared her throat and looked at me. "Nandito na kaya sina Laura at David?"

Umiling si Kuya. "Wala pa raw, e. Kinukumbinsi niya pang umuwi."

"Kumusta na si Alonzo, Manolo? May asawa at anak na ba?" si Daddy.

Nagkibit ng balikat si Kuya. "Nakalimutan ko kung natanong ko ba."

"Wala pa siyang asawa at anak, Dad," si Camila na siyang sumagot kay Daddy.

Napatingin naman si Daddy sa akin. "What happened in the past was really
unfortunate. Hindi ko maitatanggi na mabait at magalang nga si Alonzo. My view of
him just got tainted by that incident. Sancha was very young and it was very
inappropriate."

"I-If you're talking about the kiss, hindi naman po si Alonzo ang nag initiate
no'n, Dad. It was me."

Naiwan ang ingay galing sa mga bata. Uminom ng tubig si Kuya Manolo at natahimik
pareho si Mommy at Daddy.

"But still, you have to know, Sancha, that whatever happened, it was against the
law. Alonzo can't have a relationship with a minor, that was you," si Ate Peppa.
"Alam ni Alonzo iyon at iyon ang dahilan kung bakit tinanggap niya ang
kaparusahan."

Kumunot ang noo ko. "Pero-"

"Sancha, listen..." si Ate Peppa sa seryosong tono. "I know you're guilty about
what happened. But this is the truth... Alonzo should've pushed you away because
you were a minor and he's years older than you."

"Paloma," mommy said with a warning and looked at my niece and nephews.

Sumulyap si Ate Peppa kay Ramon, ang pinganay nila bago siya nagpatuloy. "It was
just. We are your family and we know that it was wrong. You were a minor so
whatever you say or do isn't counted because you are supposed to be someone who
still can't decide. It already happened, okay? I guess what we can do now is slowly
rebuild our connections to the people we hurt."
Natahimik ako.

"The good thing is Alonzo understands our stand on this. He knows why we did it and
I'm glad. Hindi ko rin ito masyadong naintindihan noon pero nang nagkaanak na ako,
I realized I'd do anything to protect my sons." Ate Peppa smiled at me. "Hindi ko
'to naintindihan noon, Sancha, pero gusto ko ring protektahan ka. Kaya wala man
akong maintindihan, gusto ko pa ring maparusahan ang lahat ng may sala sa nangyari,
para sa'yo."

Simula nang nagkausap kami ni Alonzo, parang araw-araw na nababawasan ang bigat ng
nararamdaman ko. Hindi ko pa rin tanggap ang nangyari sa kanya kapalit sa ginawa
ko, pero unti-unti ko na ring  nakikita na mukhang maayos naman ang kinahinatnan
niya kahit pa nangyari iyon.

Lunes ng umaga, nakita ko kaagad ang sasakyan ni Alonzo na nakaparking sa labas ng


cafe. Nagmadali agad akong pumasok. Bukas na iyon at naroon na ang ibang empleyado.
Natanaw ko kaagad siya sa loob na bumibili ng kape.

Paalis na siya nang naabutan ko.

"Good morning!" sabi ko.

"Good morning, Sancha."

Napatingin ako sa kape sa kamay niya. I smiled when I realized may trabaho nga pala
siya.

"Good luck sa trabaho."

"Thanks! I'll.. see you later."

I don't even know if Almira is working that day. Paano ba naman kasi, panay ang
message niya sa akin para ipakita ang mga gusto niya sa birthday ko.

Almira: Okay ba 'to?

Almira: Gusto ko rin sana ng dessert buffet.

Almira: Sa bahay namin 'to gaganapin. Buti pinayagan ako ni Axel. Alam mo na...
matanda na ang parents ko at gusto nila makita na roon pa rin ako magcecelebrate ng
birthday ko.

Almira: Invited ka, ah!

Ako: I'll go because you wanted me to be the one styling your buffet, right?

Almira: Bukod diyan, invited ka talaga sa birthday ko!

How weird. I remember the very day I got jealous of her. Matalik siyang kaibigan ni
Alonzo at lagi silang magkasama noon. Nararamdaman ko na may gusto nga siya kay
Alonzo. Nararamdaman ko rin na hindi niya ako gusto para kay Alonzo.

Hindi ko na nasundan kung bakit hindi rin siya nakuha para sa offer abroad, gaya ni
Alonzo. I just believed that she stopped trying because she wanted to go abroad
with Alonzo. Now that Alonzo didn't have the offer, she doesn't want it anymore.

Noong una ko rin siyang nakita sa ospital, gaya ngayon, she wasn't exactly
friendly. She was sarcastic and would throw shady things at me. But at the same
time, I think I needed that. I need someone who hates me to really hate me. Hindi
ko na kayang pakiharapan ang mabait na kaibigan na may lihim palang galit sa akin.

I guess at some point, I even liked her more than I liked my previous friends. I
liked that she was transparent. I liked that she hated me in front of me.

"Magbaon ka nga ng Epipen kapag nandito ka. Hindi ko kayang lagi kang nag papa E.R.
dito, e," I remember that was her first words for me.

Or more shady like...

"Buti naka move on na siya, kung hindi'y-" she would slightly hurt my arm as she
finds a vein.

Nilagay ko ang mga order ni Almira sa board. Nasa likod ko si Ate Soling, binabasa
ang mga isinusulat ko sa post it note.

"Ikaw ang talaga ang gagawa at sasama ka sa pagsi-serve?"

"Oo, Ate. Request ni Almira."

"Kailan ba kayo naging magkaibigan no'n? Hindi ba ka-batch 'yon ni Alonzo?"

"Ah. Sa ospital, Ate. Madalas kasi siya ang nurse ko."

Tumango si Ate Soling. "Naalala ko tuloy ang hinagpis ng inay at itay niyang si
Almira nang hindi rin nakuha sa ibang bansa."

Napatingin ako kay Ate Soling. Umiling si Ate Soling sabay tingin sa akin.

"Pinakiusapan daw niyang asawa niya ngayon na tanggalin ang application niyan sa
ibang bansa. Nga naman, oo. Mayaman kasi itong si Axel kaya hindi alam ang hirap ng
pagkakapasok ni Almira roon-"

"Ginawa 'yon ni Axel, Ate Soling?"

May narinig nga akong ganoon noon pero dahil graduate na si Almira no'n at fourth
year naman si Axel, medyo hindi ako sigurado. I was just too preoccupied because
Soren ran away from their home after the del Real-tragedy. Iyon ang mas
pinagkaabalahan ko.

"Oo. Kaya matagal ding natanggap 'yang dalawa. Si Axel, dahil sa ginawa niyang
pagsabotahe sa offer na 'yon kay Almira... at si Almira dahil mahirap lang."

Interesting.

My mind is clouded by that and more. Hindi ko na tuloy namalayan na mabilis nagdaan
ang panahon.

Marami ang tumangkilik at nagdinner sa cafe. Dahil ang schedule ni Ate Soling ay sa
tangali pa magsisimula, siya ang magsasarado ng cafe. Hinayaan ko na rin siyang
dito na muna ang asawa at anak kapag gabi para naman may kasama rin siya bukod sa
mga empleyado. Pero nangako ako na sa linggong ito, sasamahan ko muna siya para na
rin makita ko kung magandang ideya ba ang schedule.

It was indeed a good idea. Casual customers went and some of them were glad that
it's still open six in the evening onwards.

Iba na ang damit, pumasok si Alonzo sa cafe. Diretso siya sa counter kaya naisip
kong may bibilhin siyang brownies, at hindi pa magdidinner.

Nakita kong sumulyap si Ate Soling bago siya naging abala sa paglalapag ng pagkain
sa ibang customer. Abala naman ako sa pag-aayos ng brownies dahil may pick up
ngayon.

"What's your order, Sir?" ang kahera.

"Magdi-dinner ako rito pero bili sana ako ng take out para mamaya."

"Ano po 'yon, Sir?"

Sumulyap ako kay Alonzo.

"Carrot cake sana," si Alonzo.

I stiffened because I know that's not on the menu or our dessert offers. Halatang
binasa pang muli ng kahera ang menu bago siya sumagot.

"Ay, sorry, Sir. Wala po kasi 'yan sa offer dito."

Unti-unti akong lumapit. I wonder if he likes carrot cake, that's why he's ordering
right now.

"Uh, Carrot cake?" tanong ko kay Alonzo.

He cleared his throat and nodded. "Pero ayos lang kung wala rito." He looked away
and picked the menu up to search for another order.

"Uh, puwede naman akong gumawa ng special order. Wala lang sa ginagawa na ng mga
kusinero. Pero puwedeng special order," sabi ko.

Tumango siya at binaba ang menu. He licked his lips. "If it's not too much,
Sancha."

"Uh... okay. No problem. Puwede bang bukas mo na lang i pick-up? Bukas ng umaga ko
siguro gagawin."

He chuckled a bit. "Ayos lang. Hindi ba nakakaabala?"

"Hindi naman."

Palipat-lipat ang tingin ng kahera sa aming dalawa. Pinalitan ko siya para mailagay
ang order ni Alonzo. Kumuha si Alonzo ng pera at naglapag na ng isang libo.
Sinulyapan ko ang kanyang bill at natantong hindi pa siya nagtatanong kung magkano.
Mura lang naman pero... parang wala siyang pakealam kung magkano. Bibilhin niya.
Gustong-gusto niya ba 'yon? Maybe I should... consider putting that on the menu? If
he likes it, huh?

"Kumain ka na ba, Sancha?"

Inilahad ko sa kahera ang nilagay ko para siya na ang magpatuloy. Napatingin ako
kay Alonzo.

"Hindi pa."

"I'm here for our dinner," he said.

Kaswal akong tumango. "Sige. Doon na lang tayo na lamesa," sabi ko at lumabas na sa
counter para maglakad patungo sa dulo at pinaka corner na lamesa ng cafe.

It takes so much discipline to make my mind understand that this may be another
part of the closure, and not something else. Para tuluyan kong madisiplina ang
isipan, inisip ko si Ella at ang relasyon niya kay Alonzo. Inisip ko kung nasaan
siya ngayon at kung pumayag ba siya sa pagkikita namin ni Alonzo ngayon.

Pumayag siguro. Para rin naman ito kay Alonzo. Para tuluyan na siyang makalimot sa
nakaraan.

Naupo ako. Siya naman sa harap. We ordered first. Nang umalis na ang waitress na
kumuha ng order namin, nagsimula na ang pangamba ko... my mind whirled with many
questions and hopes and I hated it.

"Buti... wala kang lakad ngayon?"

Umiling siya. "Wala naman, Sancha. Mas pipiliin kong sa bahay na lang ngayon, kaysa
umalis pa."

My lips protruded.

"Ang ibig kong sabihin, kung hindi naman tayo magkikita ay sa bahay lang ako."

Tumango ako at huminga ng malalim. "Mag-isa ka ba sa inyo?"

"Oo, Sancha. Nakausap ko si Mama kanina at uuwi naman daw sila. May aasikasuhin
lang kaya baka... one of these days, nandito na rin sila."

Napaangat ako ng tingin. I want to talk to them. I wonder if they are as willing as
Alonzo? "S-Sabihan mo ako kapag nariyan sila."

He nodded. "I will tell you, Sancha. In fact, I wonder if you'd... come with me if
I invite you to our house... when they're here."

I swallowed hard and nodded immediately. "Of course, I will!"

He smiled. "Nagkausap nga rin pala kami ni Manolo. Hindi ko lang alam kung dahil ba
'yon lasing siya pero... inimbitahan niya rin ako sa inyo. Nakakahiya pero ang sabi
naman niya'y nangungumusta raw si Sir Crisanto."

"Y-You should come to our house... to... I mean... if you'd like. If you want you
can visit."

He smiled again and nodded.

Kinabahan ako roon, ah. Natahimik kaming bigla. Nag-isip ako na baka nga iyon ang
gusto niyang pag-usapan. Kung sa bagay ay kailangan din talaga naming makausap ang
mga magulang ng isa't-isa.

"Did you invite your college friends and classmates on your grand opening?"

Nagulat ako dahil walang koneksyon sa nakaraan ang sumunod niyang tanong. Tumango
pa rin naman ako.

"That's good. Buti hindi sila nanghingi ng after party sa'yo?"

Still not the questions I thought he'd ask.

"Uh, taga Dumaguete kasi iyong pumunta kaya umuwi pa sila. Ang ibang kaklase ko,
taga Cebu kaya hindi na pumunta."

"None of them stayed just for your grand opening?"

Umiling ako. "Umuwi lang sila ng Dumaguete."

Natahimik kami nang nilapag na ang mga order. Confused at his train of questions, I
looked at Alonzo.

"Ilan ba silang pumunta rito?"

Why is this about my Silliman classmates?

"Hmm." I counted. "Trent, Charmaine, Blanca, Quentin, and John. Lima."

"Marami pala..." he chuckled.

"Larissa, another classmate is in Cebu. Pupunta rin sana siya kaso busy."

"Wala kang manliligaw sa nabanggit mo?"

Natigilan ako. My head is screaming something else. This isn't about the past
anymore!

Umiling ako. "W-Wala naman. Classmates ko lang. Hindi naman... close talaga. Sakto
lang."

Uminom siya ng tubig at nakatingin na sa pagkain. I was about to tell him that we
should eat now but he continued.

"Si Levi ba... nanliligaw?"

Napakurap-kurap na ako. Hindi na talaga ito tungkol sa nakaraan!

But then isn't his girlfriend... Ella? O hindi ba nanliligaw siya kay Ella? Alam
kong hindi ugali iyon ni Alonzo pero hindi ko na rin naman siya kilala ngayon.
Years have passed and things have changed. Who am I to say that everything about
him stayed the same. Hindi ba siya na mismo ang nagsabi na marami na nga ang
nagbago?

"Hindi naman."

Sumeryoso siya at hindi na makatingin sa akin. Hinawakan niya ang mga kubyertos.
Slowly, I tried to regain my composure and finally the guts to tell him that we
should eat our dinner now.

"Malungkot ka, dahil diyan?" he chuckled a bit and picked up his spoon and fork.

Kinuha ko na rin ang kutsara at tinidor ko.

"Hindi rin naman."

"I'm sorry. You must be hungry. Kumain na tayo?" yaya niya.

"Okay."

I think this is my first time to eat with Alonzo? I'm not sure but it feels like
it. Bawat subo ko nararamdaman ko na naninibago ako. Hindi rin ako makatingin sa
kanya habang kumakain siya. The deafening silence is making it all worse.
"It's good that you communicate, even when he's not around here anymore."

I agreed. "Madalas din kasi kaming makapagkita. Madalas kasi siya sa Cebu."

Kumunot ang noo niya at tumango siya.

"At sa Singapore? Narinig ko ang kuwento ni Chayo noong nakaraan."

"Oo. Nakapgkita rin kami sa ibang bansa."

His eyebrows are now very furrowed as he looked at his food. Nagpatuloy naman ako
sa pagkain.

"Gusto mo si Levi?"

💕💕💕
KABANATA 31

Busy

I laughed a bit at his question. My heart is beating wildly and I can almost hear
it more than my own breathing.

"P-Paanong gusto?" nanginginig pa ang labi ko, hindi na makatingin sa kanya.

"Gusto mo ba siyang maging boyfriend?" he said slightly bowing to his food.

My lips parted. My mind is screaming that this isn't about the past anymore. Ayaw
kong aminin na may pakiramdam ako kung patungkol saan ito.

"H-Hindi naman. B-Ba't naman..." I laughed nervously.

He glanced my way. Mas lalo lang akong ninerbiyos.

"You're blushing," he pointed out.

Umiling agad ako at napahawak sa pisngi. "Hindi naman."

"It's okay. You can tell me."

"Hindi ko naiisip sa ganoong paraan si Levi," I said with hesitation.

However he was watching me intently and it looks like he's very eager to listen.

"Nagkikita lang naman kami sa Cebu kapag naiimbitahan ni Kuya Manolo o Ate Peppa.
At noong sa Singapore, bumisita lang naman siya kasi nakita niya sa Facebook ko na
nasa Singapore ako. It was his rest day from his previous work... uh, bago siya
nagnegosyo... he was bored so he went to the hotel..."

Tumango siya at mas lalong sumimangot.

"Sa... hall. Kung saan ang training. Hindi sa mismong hotel ko. Sa... function room
lang," dagdag ko. "Ganoon lang naman."

Hindi na siya nagsalita. Nagpatuloy kami sa pagkain. Hindi ko maubos ang kinakain
ko. Sa kaba ko, pakiramdam ko nagbabara na ang puso ko sa lalamunan ko. Uminom ako
ng tubig. Patapos na rin naman siya sa pagkain niya.
Nilapag ngayon ng waitress ang order din naming panghimagas. I don't know if I can
still eat!

"It must be good to be a businessman. Hawak mo ang oras mo at puwede mong gawin ang
kahit ano, kahit kailan."

Kumunot ang noo ko, hindi sigurado kung saan patungo ang usapan. Maybe it's all
just a casual conversation. Like that of friends... anyway before the scandal
happen, he was my friend.

"Hindi naman. May mga oras ding kailangan na nariyan para sa negosyo. Kung
pababayaan, puwedeng malugi," I defended.

He nodded and looked at me. I cleared my throat. Pinaglaruan ko ang aking baso bago
nagpatuloy. I feel like if we stopped talking, it will be more awkward.

"Ikaw? Kumusta ka sa trabaho mo?"

"Ayos naman."

I tapped on my glass and I realized my question isn't enough for him to talk more.
I almost forgot that... I am boring. Nakakahiya tuloy isiping nararamdaman niyang
wala akong ipinagbago.

"Palaging busy kapag nasa ospital. Pagkatapos mag rounds o operation, maraming
kailangang gawin para sa research."

"That seems a very hectic schedule," I laughed awkwardly again.

Hindi ko naman inasahan na ganito ang pag-uusapan namin. I thought it would be


about the past. I have thought about it so much that I'm positive I know what to
say if he asks me anything. Hindi ang ganito.

"B-Buti nakakapunta ka pa rito... I mean, after work."

"Kapag siguro may operation, 'tsaka pa nagbabago ang schedule ko."

"Matagal ka na bang nakauwi?"

Kitang-kita ko sa mukha niya ang gulat. I looked away and I realized that question
might be crossing so many lines.

"Isang buwan pa lang naman. Medyo abala lang sa pinapagawa sa bahay at sa research
ko."

Ngumiti ako at tumango. Parang dati lang. Bagay sa kanya ang trabaho niya. He's
always the hardworking, studious, and smart type.

"Hindi ko inasahang magdodoktor ka... at bagay sa'yo."

The corner of his lips rose, first time after our previous topic.

"Dati ko pa naiisip na mag doktor pero... gusto ko lang din kasi makapagtrabaho ng
maaga kaya... hindi na kasama sa plano ko."

Magkaibigan kami bago nangyari ang eskandalo pero ni minsan, hindi niya nabanggit
sa akin na gusto niya nga na magdoktor. Bahagya akong nalungkot. Maybe I'm not that
kind of a friend for him. I'm sure Almira knows. Close naman kasi sila noon pa. At
lagi pang magkasama.
I was always jealous of his friends... or his world. It's always something about
him that I could never relate to.

"Pasensiya na, ang dami kong sinabi. Kumain ka muna," puna niya sa panghimagas na
nasa harap namin.

I chuckled a bit. "It's okay."

Overall, it wasn't really weird. It's just... awkward. Natapos ang pagkain namin
pagkatapos din ng iilan pang usapan tungkol sa trabaho. Sinabihan niya ako na
sasabay na siya sa pagsasarado. Hinayaan ko naman siya at iniwan na muna sa lamesa
para matingnan ang estado ng cafe sa pagsasara.

"By the way bukas, 'yong carrot cake, sa hapon pa, ah? Pasensiya na," sabi ko nang
nakalabas na kami sa cafe. "Baka kasi pumunta ka rito ng umaga, e, gagawin ko pa
lang no'n."

"Uh, ayos lang. Sa hapon ko na kukunin pero... baka nga pupunta ako rito ng maaga.
Dito na ako bibili ng kape at merienda."

My lips parted and I realized that his visit every morning... might be regular,
huh? O hindi ko na lang iisipin iyon para hindi na ako mag expect masyado.

I didn't know how I slept that night when everytime my mind wonders, it's always
about our casual conversation over dinner. Iniisip ko kung may mas maganda ba sana
akong sinabi bukod sa nasabi ko na.

I was very early the next morning. Wala pa siya nang pumasok ako pero kalaunan,
dumating na siya.

Nakangiti akong nilingon ni Ate Soling. The obvious malice in her smile made me
clear my throat. Wala na akong sinabi dahil palapit na si Alonzo.

"Good morning, Doc!" si Ate Soling.

"Good morning din, Ate," bati ni Alonzo sabay tingin na sa mga puwedeng bilhin.
"Isang brewed coffee at cookies."

Dahil malapit lang ako sa mga pack ng cookies, kumuha na ako roon at nilagay na sa
paper bag. Si Ate Soling naman ang gumawa ng kape habang nagbabayad si Alonzo sa
kahera. Lumapit ako sa kahera para mailapag na ang paper bag. Bumaling siya sa
akin.

"Uh, gagawin ko ang carrot cake mamaya. I-pick up mo na lang mamayang hapon."

He nodded. "Puwede ba tayong magdinner ulit mamaya?"

Napatingin ako kay Ate Soling. Nakita ko ang kaherang ngumisi habang nagtitipa. I
know that after the scandal, the rumor about Alonzo's crush on me spread more.
Natahimik nga dahil ipinilit ng pamilya ko ang katahimikan sa eskandalo pero sa
likod namin, alam kong kumakalat sa buong Altagracia iyon. Even the lower grades
knew about it so the younger cashier we hired knew.

"Uh. S-Sige."

Titig na titig si Alonzo sa akin na para bang naghahanap ng sagot. "Wala ka bang
gagawin? Pasensiya na. Kung may ginagawa ka..."
"Hindi. Wala naman. Dito lang naman ako mamaya," agap ko nang natantong sa
pagkakautal ko, akala niya nagdadalawang isip akong umo-o.

"Okay," sabay kuha niya sa paperbag.

"See you later then..."

"See you later," he said before he politely said good bye to Ate Soling and the the
cashier, then to me.

Nang umalis si Alonzo, nagkatinginan ulit kami ni Ate Soling. Positibo na talaga
ako na may sasabihin na siya ngayon kaya kinabahan ako lalo.

"Ipapahanda ko na ang mga gamit mo, Sancha. Aalis muna ako at hindi pa ako
nakakapag-ayos," iyon lang naman ang sinabi niya, taliwas sa malisyosong ngiti.

"Salamat, Ate."

Nandito kasi siya dahil hinatid ang anak sa eskuwela. Mamaya pa dapat siya papasok
pero nagmaaga.

Natapos ko rin ang carrot cake. Dinamihan ko na para makatipid at ang iba'y d-in-
isplay. May bumili naman kaya naisipan kong puwede na rin iyon. Isa pa hindi naman
ganoon ka kumplikado gawin at hindi rin mahirap ang mga ingredients. I didn't know
why I never included it. It's on my healthy menu on Cebu but never here.

Surprisingly, the afternoon was very jampacked. Hindi lang dahil may ilang college
students na naisipang doon mag celebrate pagkatapos ng kung anong exam pero may
dalawang birthdays din sa magkabilang lamesa.

Alam iyon ni Ate Soling at nasabi niya na sa akin kanina pero marami pa ring walk
in. While I was initiating the take outs, Ate Soling was busy on the tables.

Pumasok si Alonzo. Kitang-kita ko na medyo nagulat din siya sa maraming tao. I


reserved his spot yesterday because I know he'll come today.

"Miss Sancha, iyon po sanang carrot cake at butter cake ang sa akin," may umagaw sa
atensiyon ko.

I smiled and got her what she wanted. Nilingon ko si Alonzo habang nagpapasok ng
mga box sa paperbag. I was about to mouth that I reserved us a seat but the girl
covered my vision.

"At... coffee, Miss Sancha," dagdag niya.

"Okay."

Bago ako tumulak sa coffeemaker, nakita ko si Ate Soling na pinapaupo si Alonzo sa


lamesang ni-reserve ko. I sighed and continued what I was doing.

Si Ate Soling mismo ang nagbigay ng menu kay Alonzo. Kaso nakita kong may tatlong
grupo na pumasok at ang ilan ay sa take out pumunta. Hindi ko maiwan ang kahera
dahil abala ang lahat.

Nagpatuloy ako sa pagtulong. Nang nakaluwang dahil sa isang customer na nalilito pa


sa iti-take out, nagpaalam ako saglit.

"Babalik din ako," sabi ko sa kahera bago umalis.


Papunta kay Alonzo natigil pa ako sa isang lamesa dahil sa papuri. I exchanged
greetings and excused myself politely. Binalikan ko ng tingin ang kahera at naawa
dahil naging abala na lalo.

"Sorry, kukunin ko na lang ang order mo. Baka mamaya pa ako kasi tutulong pa."

Alonzo immediately shook his head. "It's okay. Hindi pa naman ako gutom. Gusto mo
ba ng tulong?"

It's okay? He won't order yet? At... tulong?

"Ah hindi na. Okay lang. Sigurado kang hindi ka muna o-order?"

"Yes, Sancha. Ayos lang."

Nilingon ko ang kahera at nakitang abalang abala talaga. I looked at Alonzo with a
bit of disappointment for our situation.

"Pasensiya na. Magtawag ka lang kay Ate Soling kung o-order ka na. Saglit lang."

Iniwan ko siya at bumalik na sa kahera. I busied myself there. I couldn't even look
at where Alonzo is because there are just a lot of orders. Ako na rin ang
nagbibigay ng orders sa waitresses dahil kailangan din nila ng tulong.

"Naku, Doc!" I heard Ate Soling.

Napatingin tuloy ako sa mga kumakain at nakita si Alonzo na tumutulong na sa waiter


na naglilinis! May papalit sa katatapos lang kumain na pamilya at kailangang
linisin ang parteng iyon. Para mapabilis, tumulong si Alonzo!

He glanced at me and smiled. Inagaw ni Ate Soling ang hinahawakan ni Alonzo pero
nagpatuloy pa rin si Alonzo. I couldn't do anything because I'm busy here.

Habang abala, uminit ang pisngi ko at natantong... napaka awkward naman talaga!
Nakakahiya!

"Sorry! Sorry!" sabi ko nang napagpalit ang take out.

Umalis na ang nag birthday kaya medyo humupa ang dami ng tao pero dahil may nagti-
take out pa, hindi na kami natatapos.

"Ayos na 'yan, Sancha. Puntahan mo na si Alonzo. Ako na rito. Wala na 'yong marami
at iilan na lang 'to sa take out."

"Ayos lang, Ate," sabi ko.

Siniko ako ni Ate Soling.

"Baka wala pa 'yang kain at galing duty. Alas siete y media na."

I stopped and I realized she's right. At least I try our food sometimes so I'm not
really hungry. Kagagaling ni Alonzo sa trabaho kaya siguradong hindi pa siya
nakakain!

Mabilis kong tinanggal ang aprob ko at nilingon na si Ate Soling.

"Thanks, Ate. Sorry."

"Ano ka ba. Ayos lang, siyempre!"


Papunta na kay Alonzo, 'tsaka ko pa lang naisipan ang itsura ko. I know I've always
dressed up in a failproof way. Iyong tipong kahit mabusy pa ako sa kusina, maayos
pa rin ang itsura ko, with minimal make up. But then I feel like I should be more
conscious now.

Alonzo drank on his glass of water and looked away. Uminit ang pisngi ko nang
natantong masyado naman akong nagpahalata na nag-aalala ako sa itsura ko!

Nang nakalapit ako, naupo na ako sa harap niya. Ibinigay ng waitress ang menu at
iniwan kami. I gave him one before I talked.

"Pasensiya na. Medyo busy ngayon. 'Tsaka... salamat sa pagtulong kanina. Uh...
nakakahiya naman."

"It's okay, Sancha. Sanay naman ako sa trabaho at paglilinis lang naman iyon. Medyo
busy nga kaya naisipan kong tumulong."

"Hindi na dapat. Nakakahiya naman." I laughed nervously. "Kaya na naman ng


waitresses pero iyon nga... medyo marami ngayon. Pero salamat!" Hindi ko alam ano
ba ang gusto kong sabihin!

He smiled. "It's really okay. Kung papayag ka sana tutulong na ako sa susunod. Lalo
na kung maraming tao gaya kanina."

I feel like my face is as red as a ripe tomato. "Huwag na. Naku! Galing ka pang
trabaho at pagod ka siguro. Hindi na, Alonzo."

"Hindi naman, Sancha. At makakapagpahinga naman ako sa bahay. Hindi naman mabigat
din ang paglilinis... sanay naman ako."

I feel like if I say no again we'd have a never ending conversation about this! I
sighed.

"Sorry. Hindi na naman talaga kailangan. P-Pero... um-order muna tayo? Para
makakain ka na ng hapunan. Mahigit isang oras ka na rito. G-Galing ka pa bang
ospital?"

Umiling siya, nakatitig pa rin sa akin samantalang tinitingnan ko na ang menu.


"Umuwi muna ako para makapagbihis. Bago tumulak dito."

Nang iangat ko ang tingin ko sa kanya, siya naman ang tumingin sa menu. We ordered.
Mabuti naman at dahil kaunti na lang ang new orders, agad din namang nai-serve ang
sa amin.

We talked about the whole cafe situation a while ago while waiting for the food. At
nang dumating na at nagsimula na kaming kumain, I casually asked him about him
eating his dinner here.

"Nagluluto naman ako minsan. Kapag off ko," aniya.

"Naglilinis din? I mean... ang laki ng bahay n'yo at mag-isa ka na naglilinis na


roon?"

"Minsan, Sancha. Pero minsan naman... may tumutulong din."

Ibinagsak ko ang mga mata sa pagkain. Why I immediately thought of Ella when she
mentioned that, I don't know. I smiled.
"That's good. Kada-off mo ba, naglilinis kayo roon?"

"Minsan. Pero mas madalas kapag nasa trabaho ako. Iyong care taker namin sa tabing
bahay lang, Sancha. Siya rin kasi ang naglilinis noon noong hindi pa kami umuuwi.
Nagpapadala lang si Papa ng pera."

My jaw dropped when I realized I got it all wrong. Marahan akong tumango at tahimik
napainom ng tubig.

"You'll still be here tomorrow, right? Kung ayos lang sa'yo, pupunta ulit ako para
sa dinner. At sa umaga... bibili ng kape at merienda."

I stopped. "Okay. Uh... No problem."

Nagkatinginan kaming dalawa. My heart is beating wildly especially when I noticed


the tension on his eyes.

"If it's okay, Sancha. I want to come here regularly."

Hindi ako nakapagsalita. I don't know what to say and I don't know if I really know
what's this all about. My expression probably gave me away because even when I
didn't say anything, I could feel the awkwardness in his chuckle.

"I'm sorry. Alam kong masyadong mabilis at... gusto ko naman na magdahan-dahan
muna... mag-usap at... kilalanin muna ulit natin ang isa't-isa pero ayokong..." he
sighed. "Ayokong nagtataka ka kung bakit ganito."

I feel like my ribcage is going to burst because my heart is beating too fast and
wild!

"Manliligaw ako, Sancha."

💕💕💕
KABANATA 32

Pressure

"Sa'yo," habol niya sa sinabi.

My lips were apart as I watched him watch my espression. I can't help it. Kagulat-
gulat ang sinabi niya at hanggang ngayon iniisip kong sila o nanliligaw siya kay
Ella. Surely Alonzo wouldn't court two girls at once? Besides that... he will court
me? Am I dreaming?

"Manliligaw k-ka. Sa'kin?" Halos hiningal ako matanong ko lang 'yon.

"Oo, Sancha."

Wala na akong masabi. Pakiramdam ko natutulala na ako sa gulat. Hindi ako


makapaniwala. I feel like I'm inside a dream and anytime now I'll wake up.

"W-W-Wala bang magagalit?" I stammered.

"Wala akong girlfriend, Sancha."

I cleared my throat and laughed a bit to cover whatever I'm feeling. "Ibang...
nililigawan?"

He tilted his head a bit. "Hindi puwedeng manligaw ng sabay, Sancha. Isa lang ang
gusto kaya isa lang din ang liligawan."

"Oh!"

My face heated. My question gave my innocence away. Ni wala akong alam sa mga
ganyan. I just thought that boys could always court as many as they can but of
course they should only have one girlfriend. Hindi ko nga lang inisip na ng mabuti
ang parteng iyan dahil kailanman hindi na ako tumanggap ng manliligaw.

Nadala na ako kay Soren. Nang pinagbigyan ko siya dahil ayaw niyang tumanggi ako,
lumala lang ang problema ko at nasira pa ang pagkakaibigan namin. If anyone will
try to come close to me and try to court me, I would always turn them down. Kapag
naman sasabihing manghihingi ng pagkakataon, I would always say I'd rather be
honest now than make anyone hope for nothing.

"I hope it's okay with you."

Parang tambol ang puso ko habang nakikinig sa sinabi ni Alonzo.

"And I hope I'm not... making you uncomfortable."

Uncomfortable? Umiling ako at yumuko.

"I'm just n-nervous. Not... uncomfortable."

He smiled and nodded.

Hindi niya na dinagdagan ang usapang iyon sa gabing iyon. Hanggang doon lang at ang
pagtatalo namin sa pagbabayad niya sa kinain. He paid for both of our food
yesterday. Hindi ako nakipagtalo kahapon dahil hindi ko inasahang pupunta ulit siya
ngayon at babayaran ulit ang pagkain ko.

"A-Ako na. Ako naman ang may-ari kaya..."

"No, Sancha. This is business so I must pay for our food-"

"But you paid for our food last night. Hindi na dapat babayaran pa ang pagkain ko
kasi ako naman ang may-ari nito."

Umiling siya. "I asked you out for dinner so that means I'm prepared to pay for
everything we need for this date."

Natigilan ako sa binanggit niya. Napansin niya iyon kaya tumigil din siya at
tahimik na nagtawag na ng waitress para makapagbayad para sa amin.

"I'll wait here until your cafe closes," aniya pagkaalis ng waitress pagkatapos
kunin ang bayad niya.

"Hindi ka ba dapat nagmamadaling umuwi para makapagpahinga ka?"

"Makakapagpahinga pa rin naman ako mamaya. Today wasn't very toxic. I just did some
rounds and consultation. Kaunti lang ang pasyente siguro dahil madalas mas pinipili
ng iba na sa La Carlota na magpaospital dahil mas malaki roon."

Tumango ako at nagtawag ng waitress. I ordered tea for him while he's waiting.
Hindi na ako pumayag na bayaran niya at hindi na rin naman siya nakipagtalo sa
bandang iyon. He only smiled and let me do what I want. Ibinigay ko na rin ang
carrot cake na order niya.
Tahimik siyang nagpaalam sa gabing iyon. Nang lumiko ang sasakyan ko sa daanang
papunta sa amin, naghintay pa siya ng ilang sandali sa kanto hanggang sa makaliko
naman ako sa malaking gate ng bahay namin.

I was done with my usual bath and I'm already in my pajamas, turning off the lights
when I noticed a notification on my social media account. Muntikan nang bumagsak
ang cellphone ko sa mukha ko nang nakita ang isang friend request kay "Alonzo
Salvaterra"!

It's a new Facebook created just today and the picture is him in a seemingly
crowded conference. Ngumuso ako at natantong simple lang ang pinili niyang picture.
Hindi man lang something artistic. Something with him engaging on his hobby, or in
his car, in a better place. His picture has to be in a conference!

I zoomed in on the backdrop and noticed that the conference was held at Los
Angeles, California. I sighed and I realized although this picture is simple, I
know he's been to a lot of places. Hindi lang talaga siya marunong yatang pumili ng
magandang picture. Not that he isn't... good looking on this picture. He actually
looks... handsome on it.

I stalked his profile. Nakita kong iilan pa lang ang kaibigan niya roon at siguro
dahil kagagawa lang nitong profile niya. May bagong comment doon si Almira.

Almira: Ang guwapo ni Doc! Ang cool mo Doc!

Thea: Hi, Alonzo! Kumusta na? Doctor ka na pala!

George: Doc! Basketball naman tayo. Nakauwi ka pala! Game?

Those were the fresh replies on his picture and there's no reply from Alonzo. Maybe
he's asleep.

I scrolled and I realized I didn't accepted him as a friend so I clicked the


button. We are now friends!

Pagkatapos ng ilang sandali ay nakatanggap ako ng tatlong like sa picture ko ngayon


at sa mga dati ko pang picture galing kay Alonzo! The next likes were dated last
year and I realized he's... stalking my account!

Kinailangan ko pang pumikit na muna at humilata para makalma ang puso dahil sa
simpleng ganito lang para nang sasabog iyon. And guess what... he's courting me!

Ibig sabihin kung sinabi kong... Oo... boyfriend ko na siya?!

Boyfriend ko si Alonzo?!

Hindi ko alam kung ilang sandali akong natulala habang iniisip iyon. I liked him,
alright. I was in love with him and I still am in love with him but... I never
thought this day will ever come!

Nanginig ang kamay ko nang inangat ulit ang cellphone at nakitang mas dumami pa ang
natanggap kong like galing sa kanya. I know he didn't have social media accounts
before and he's probably new to this. All this time he may be busy with just his
studies and his research. If he ever had a girlfriend or some girlfriends who are
now his exes, maybe he didn't have to register on social media or something.
Nasisiguro ko iyon dahil ang tagal ko siyang hinanap sa internet at puro kaunting
bagay lang tungkol sa kanya, walang profile niyang talaga.

Ako: Thanks for the flood likes


It was on the chatbox. Matagal bago siya nakapagreply.

Alonzo: I made this account just tonight. I didn't have one before. I deactivated
my old account. Sorry. Matutulog ka na ba?

Ako: Oo. Maaga pa bukas. Ikaw?

Alonzo: Ganoon din.

I stared at my phone, still in awe that these are all happening.

Alonzo: Are you asleep now?

Alonzo: Good night, Sancha. I'll log out my Facebook now.

Ako: I'm not asleep yet. You should log out. Maaga ka pa bukas.

Alonzo: Oo nga, e. Mas gusto ko rin sana ng sa cellphone na lang... kung may
kailangan tayo sa isa't-isa. Kung ayos lang sa'yo, kukunin ko ang numero mo bukas.

Bakit hindi na lang ngayon. I noticed his new likes on my Singapore trip. I checked
on it and I have one picture with Levi. Nakaligtaan niyang i-like iyon.

Ako: Okay. Ikaw ang bahala. Good night!

Alonzo: Good night, Sancha!

Hindi ako makatulog! Ang sakit tuloy ng ulo ko sa pagpupuyat kinabukasan. Gustuhin
ko mang matulog pa pero kailangang bumangon. Nahuli tuloy ako. Naroon na sa loob si
Alonzo nang pumasok ako.

"Good morning!" he greeted right after getting his order.

"Good morning." I smiled a bit then slowly I realized... he's courting me! I still
can't believe it!

"Mukhang pagod ka pa. Napagod ka nga siguro sa dami ng customer kagabi."

Tumango ako at ngumiti. He chuckled nervously, too.

"Masarap ang carrot cake. Kumain ako kagabi at kaninang umaga. Baka bumili ulit ako
mamaya pagbalik ko. Ayos lang kung sa susunod na araw ko pa makuha. Mayroon pa
naman sa bahay."

"Okay. Uh... ikaw ang bahala."

Another awkward silence came between us. Bahagya siyang kumilos at umamba nang
aalis.

"Tutulak na ako ngayon, Sancha. Magpahinga ka muna. Huwag ka masyadong magpagod."

"T-Thank you. Ikaw rin... Huwag... masyadong magpagod sa trabaho."

He smiled and slowly went out of the cafe. Mabuti na lang at wala pa si Ate Soling.
Kahit narinig ng mga tauhan doon ang usapan, walang nangahas na magtanong ng kahit
ano o ngumisi gaya sa ginagawa ni Ate Soling madalas.

Nagkakamali ako sa mga unang ginagawa at biglang naalala na oo nga pala at


nanghingi siya ng number ko! Nakalimutan ko pang ibigay dahil sa nerbyos!

Medyo busy pa rin ang hapon pero dahil may bagong naisip na strategy si Ate Soling,
naging madali na rin para sa mga tauhan. Akala ko magsasabay si Almira at Alonzo
pero si Almira lang ang nakita kong pumasok.

I craned my neck to see if it was Alonzo she's with but it's Axel. Naupo si Axel sa
isa sa mga lamesa at ang ngising-aso ni Almira nang tinabunan niya ang tingin ko ay
punong puno ng malisya.

"Wala si pa si Doc. Umuwi pa para magbihis. Ayaw daw mahawa ng sakit galing sa
ospital ang bebe niya. Nakapagpalit na naman ako pero siya gusto niyang sterile ang
buong katawan." She winked at me.

Umiling ako at hindi na masyadong pinatulan ang panunuya niya. She chuckled.

"Dito kami magdidinner at 'yong sinabi mong pag-uusapan natin?" aniya.

Tumango ako. I figured she's here for that. After all, malapit na iyon.

Pagkatapos ng ginawa ko roon, sumunod na ako kay Almira sa lamesa nila ni Axel. Sa
harap namin ay iilang magazine at mga sample cakes ko noon sa portfolio ko.

"Gusto ko niyang healthy cake mo. Hindi bale nang hindi fondant. At mga desserts
din, gusto ko ng healthy desserts."

"Puwede but the designs you want for the children can't be done using the low carb
recipe..." paliwanag ko.

"Sige, iyong para sa mga bata puwedeng regular cookies and cakes lang. But for the
adults, or the main cake, I want it to be low carb since nagda-diet ang parents ko
at gusto ko sanang ma enjoy pa rin nila ang mga sweets."

"Okay. Puwede 'yon. That's better," sabi ko at nagtake note.

"By the way... I hope it's okay with you. Hindi ko naman siya inimbita pero baka
lang magpunta siya kasi siya ang magki-cater ng birthday ko."

"Sino?" wala sa sarili kong sinabi habang nagtitipa sa iPad ko.

"Si... Ella."

Natigil ako at napaangat ng tingin kay Almira. She rolled her eyes.

"I don't like her. I know you two are a bit shaky for whatever reason you have pero
kasi gusto ni Mama ang luto niya at alam mo na... pinagbibigyan ko si Mama ngayon
lalo na't may sakit siya-"

"It's okay," agap ko dahil hindi niya naman talaga kailangang mag adjust dahil lang
diyan.

Isa pa, ano ngayon? Ella must be professional and I want to be, too. May kaunti nga
akong negatibong pakiramdam sa kanya dahil sa mga sinabi niya noong nakita niya ako
kina Alonzo pero siguro naman dahil iyon medyo guilty nga ako sa sinabi niya.

"Hindi ko siya inimbitahan sa birthday ko pero may pakiramdam ako na pupunta siya
kasi siyempre, siya ang caterer. Ikaw, imbitado ka. You're a guest, okay?"

"It's okay, Almira."


"Uy, si Doc! Nariyan na!" si Almira sabay tingin sa papasok na si Alonzo.

Binati agad ni Ate Soling si Alonzo. Nakita kong kumaway si Axel kay Alonzo kaya
dumiretso din siya sa banda namin.

"Good afternoon," Alonzo greeted.

Almira rolled her eyes and laughed. "Ang pormal naman talaga ni Doc. Andyan kasi
si-"

"Almira," pigil ni Alonzo sa kaibigan.

Axel chuckled. "Kain tayo, Alonzo. Dito kami maghahapunan. Ikaw?"

"Ah. Ganoon din ako. Sabay na kami ni Sancha mamaya."

Umamba siyang tatabi sa upuan ko. Nagtitipa pa ako pero bahagya akong umusog para
makaupo siya sa upuang nasa tabi ko. Almira made some creepy sound insinuating
something malicious is going on.

"Almira..." Alonzo chuckled with her.

"Kumain ka na nga!" si Axel na itinulak ang in-order nila kanina.

"Lonzo, pagkain."

"Hindi na. Ayos lang. Busog pa ako sa carrot cake."

"Uy, anong carrot cake? Hindi ka namigay ah!"

"Almira!" si Axel na ang sumaway ngayon.

Nararamdaman ko ang tingin ni Alonzo sa akin habang nagtitipa ako. He cleared his
throat and stayed silent. Nang binaba ko na ang iPad at hinarap ang mag-asawa,
nakita kong kumakain na si Almira.

"May iba ka pa bang bilin para sa party?"

"Hmm. Wait lang... Patingin nga?" ani Almira kaya ipinakita ko sa kanya ang iPad
ko.

Binasa niya iyon at habang kumakain ay matagal na tinitigan. I glanced at Alonzo


who's already waiting for me to look at him. He smiled.

"Medyo marami ring tao, ah. Tutulong ako pagkatapos mo rito."

I smiled. "Huwag na. Pagkatapos ko rito, uh... um-order na tayo ng hapunan. Gutom
na rin kasi ako, e."

Sumeryoso siya. "Hindi ka nakapagmerienda?"

"Uh... kaunti lang pero hindi ako nakapag lunch. Marami kasing special order
kanina."

"We should order now, then?" medyo nag-aalala niyang sinabi at nagtawag na ng
waitress.

"Ayos na 'to, Sancha," si Almira na nagngi-ngising aso na naman.


"Sure?" I asked like nothing on her expression is bothering me.

"Oo. Magpapabill na rin kami."

"Oh!"

Ibinigay na sa amin ang menu ni Alonzo. Nagsabi naman ako sa waitress na kailangan
na ng bill nina Almira. I also requested for a box of carrot cake to give it to
Almira for free. Para na rin matikman niya at kung magustuhan man, bibili na siya
next time.

Nagmadaling umalis ang mag-asawa pero halata sa itsura ni Almira na may dahilan ang
pagmamadali nila. Alonzo started cleaning the table. I helped him and called
another waitress.

"Doon na lang tayo sa lamesa. Pinareserve ko kasi 'yon," sabi ko.

Tumango si Alonzo at agad kaming pumunta sa madalas na inuupuan namin. After we


ordered, he looked at me with serious eyes.

"Hindi ka dapat nagpapalipas ng gutom," aniya.

"Hindi na naman ganito next week. Out na ako pagka alas singko next week at si Ate
Soling na ang magpapatuloy hanggang gabi. Kaya makakapagpahinga na ako sa ganitong
oras."

"But you should eat your lunch on time. You shouldn't skip your meals, Sancha."

Tumango ako. "Ngayon lang naman, e."

Unti-unti rin siyanng ngumiti at tumango. "I'll get your number. Maybe it'll help
if I remind you."

Uminit ang pisngi ko. Ibibigay ko naman talaga sa kanya ang numero ko pero hindi
dahil para rito. "I'll eat my lunch on time tomorrow. Nakakahiya naman. Abala pa.
Kaya ko naman ang sarili ko."

"I know. I'm just worried. Pasensiya na."

"B-But... I'll give you my number. In case."

We exchanged numbers this time. Nailapag na rin ang pagkain namin at kumain na rin
kami.

"Nagkita nga pala kami ni Sir Crisanto at Ma'am Camilla sa ospital kanina, Sancha."

I was sure I'd choke if he said that while I was eating! Mabuti na lang at
katatapos ko lang!

"T-Talaga?"

"Oo. They visited for your some follow up check up from your family's annual check
up."

"H-How did it go?" kuryoso kong tanong.

"It went fine. They said you're the only one who didn't do your annual check up?"
Hindi iyan ang gusto kong malaman pero kung nakuwento iyan ni Mommy o Daddy, ibig
sabihin normal at kaswal ang pag-uusap nila!

"Uh, oo. Siguro pagkatapos na ng linggong ito. Uh... Iyan lang ba ang sinabi
sa'yo?"

"Kung ang gusto mong malaman ay nakapag-usap ba kami tungkol sa nangyari dati,
Sancha. Oo."

Kinabahan ako roon. He smiled reassuringly.

"Your parents are sorry, but they shouldn't be. I know they just did it to protect
you. It's okay, Sancha. We didn't really dwell on that talk much because it's all
behind us now."

Suminghap ako at natantong tama nga siya. Isa pa mukhang mas naging successful siya
ngayon kumpara kung nagpatuloy nga siya sa plano. But whatever his status right
now, I'm still not convinced that he deserved what happened.

"If it makes you feel better, I also talked to Steffi one time when I was in New
York for a research."

Natahimik ako sa sinabi ni Alonzo.

"Humingi na rin siya ng tawad sa akin sa nangyari. She wants to say sorry to you
too but Sir Manolo doesn't want her contacting you anymore... so..."

Unti-unti akong tumango, hindi pa rin makapagsalita.

"Are you alright?"

"Uh. Oo."

"I'm sorry if I ruined your evening because of this-"

"No..." Umiling agad ako. "Actually, I'm glad that you already talked to my
parents. At ang malaman na nagsisisi si Steffi sa ginawa niya at na humingi siya ng
tawad sa'yo, medyo gumaan din ang loob ko para sa'yo."

I guess I'm just shocked that everyone's okay now. I'm just amazed at how everyone
coped. I know I'm feeling better and because of what Alonzo said, I'll feel even
better. It's just that I realized I was really left so all alone in the past while
everyone... including Alonzo accepted everything without looking back.

"Wala kang kasalanan sa nangyari, Sancha," para bang alam niya ang iniisip ko.
"Please, don't blame yourself anymore. If I have known you've been blaming yourself
all this time..." he trailed off.

I chuckled to hide my feelings. Pero alam ko naman na may kaunti pa ngang kirot sa
akin ang nakaraan. Alam ko na kailangan kong marinig ang mga sinabi niya para
tuluyan na nga akong maka move on.

"I'm okay. I was just shocked. I am just glad that Steffi was sorry. And also... I
know my parents would treat you good since we once talked about you. They were sad
about what happened pero iyon nga, sinabi nila na pinrotektahan lang nila ako kahit
na... hindi ko kailangan no'n."

He sighed but didn't say anything.


"So I wasn't surprised that they treated you well when they saw you. I think I'm
feeling better now that everything is clearer."

Tumango siya. "That's good."

Tumango rin ako. "Yes... uh... it is... good."

Nagkatinginan kaming dalawa. Seryosong seryoso siyang naninimbang sa nararamdaman


at itsura ko samantalang kalaunan sa titigan, unti-unting uminit ang pisngi ko.
Umiwas ako ng tingin at ibinalik ang titig sa pagkain at inumin.

"Are you okay?" he asked.

"Uh. O-Oo," I stuttered bad.

I glanced at him and I realized his stare at me is too intense, I needed an escape.

"K-Kumusta nga pala ang check up ni Mommy at Daddy?"

"They're both healthy, Sancha. Based on their tests so far."

Tumango ako at sumulyap ulit pero ganoon pa rin ang titig ni Alonzo.

"Inimbitahan din nila ako sa inyo."

"H-Huh?!"

"But it's okay. I didn't really say I'll go. It's okay if you're not comfortable,
Sancha."

"Hindi naman. Ayos lang naman. I mean... kung gusto mo. Puwede naman din."

Nanatili siyang seryoso at naninimbang pa rin.

"S-Sinabi mo ba na... n-nanliligaw ka?"

Umiling si Alonzo. "Sa parteng 'yan, ayaw kitang pangunahan. I'll let you decide if
you want to tell your parents about it, Sancha."

My lips parted and I realized he's... serious?! This is all... serious?

"I want you to be comfortable about this. Kung kumportable kang aakyat ako ng ligaw
sa inyo, Sancha, walang problema sa akin. Kung hindi naman, ayos lang. I'll settle
for what you can give me. I don't want you... to be pressured just because... I am
courting you in front of your family or home."

Gusto kong matawa dahil seryoso nga ang lahat ng ito.

"Kung sakaling magustuhan mo ako at sasagutin mo nga ako, ayokong dahil sa pressure
iyon. Gusto kong dahil 'yon... sa... mahal mo ako," nag-iwas siya ng tingin.

💕💕💕
KABANATA 33

Poison

Ang mga sumunod na araw ay sa ganoong paraan nagsisimula at natatapos. I've never
felt this consciously alive before. For me each living day felt like a routine. I
get happy at times and go home sad inside my room. That week, I looked forward to
coming to work and not because of baking or my responsibilities as the owner of my
business. It's all about something... else. Something more special.

I was seventeen when I realized that I've fallen for Alonzo. At dati rati pa
naririnig na sa buong Altagracia na gusto niya ako kaya hindi ko na kailangang
hulaan pa kung maibabalik ba sa akin ang nararamdaman ko kung sakaling magtapat ako
sa kanya. Right now, it feels the same way. It thrills me to know that if I cross
the line today, everything between us will change.

Ang mundong dati ko lang tinatanaw sa malayo, lalapit sa akin. Hindi ko alam kung
ako ba, o siya ang nagpumilit na lumapit. Ang alam ko lang, pareho kaming
magtatagpo kapag sinagot ko na siya. It's amazing to know that I have that power.

Dala ang isang babae at isang lalaking empleyado, tutulak na kami patungo kina
Almira. Pinauna ko sila. Sa delivery van sila ng cafe, may driver na kasama.
Samantalang dinala ko na ang sasakyan ko, handa na maging bisita sa birthday ni
Almira kahit na alam kong priority ko talaga ang pagtulong sa mga empleyado ko.

"Sancha, mag enjoy ka roon. Huwag mo na masyadong abalahin ang sarili mo at binilin
ko na sa kanila ang mga kailangang gawin," si Ate Soling bago ko pinaandar ang
sasakyan.

"Opo, Ate. Thank you!"

Hindi makakasama si Ate Soling dahil siya ang magbabantay sa cafe habang naroon
kami sa party. Ako ang gumawa noong cake at iilang Low Carb desserts.

Alonzo was already standing along with some parked cars near Almira's residence.

Nakahilig siya sa pintuan ng kanyang sasakyan, hindi pa pumapasok kahit halatang


may mga bisita na rin sa loob.

Nasa loob pa ako ng sasakyan nang may nagbadyang ngiti sa labi ko. I stopped myself
from smiling, thinking that I'm too excited for all of these.

Walang palya ang pagpunta niya sa cafe. Sa umaga para bumili ng kape, o 'di kaya'y
tubig at merienda, sa gabi nagdi-dinner kaming dalawa. Hindi siya umuuwi hanggang
hindi nagsasara ang cafe. Kapag nakauwi na kami, madalas siyang mag text pero hindi
ko na pinapatagal. Alam kong dapat na siyang magpahinga at ako rin naman.

"Hindi ka pa pumasok..." I pointed out as I went out of my car.

"Hinihintay kita. Papunta ka na raw sabi ng driver," aniya.

I sighed my supressed feelings, trying hard not to overreact at his answer. I


locked my car and waited for him. Nagpasya kaming pumasok na sa bakuran nina
Almira.

Gaya ng bahay nina Alonzo, malawak ang bakuran nina Almira kaya naiintindihan ko
kung bakit puwedeng-puwede nga roong magparty. I'm a bit pleased seeing the
different people of that party. Sa isang banda ang mga kamag-anak ni Axel na pawang
mayayaman, iilang kaibigan nina Axel na ganoon din pero may halo nang sina Keira at
iba pa.

"Ikaw daw ang nagcater, Sancha?" sinalubong ako ng Mama ni Axel, may hawak pang
inumin at kanina pa pinapapasok ang iilan pang kamag-anak.

"Hindi po. Sa sweets lang, Tita."


"Oh! Yes! Wala ako no'ng opening kasi nasa Dumaguete kami ng Tito mo.
Congratulations!" she said merrily and slightly looked at Alonzo behind me.

I saw the unsaid comment in her expression. Ngumiti lang siya at nagpaalam na may
ibang kakausapin pang bisita.

"Alonzo! Sancha!" si Almira nang nahanap kami. "Dito kayo!"

Abala si Almira pero napaupo niya pa kami sa isa sa mga round table. She announced
that we'll sit with Adriano, George, and some of the girls of their batch. Wala pa
lang dahil maaga pa.

"Upo kayo, ah! Teka lang..." aniya at iniwan kami dahil may kinausap pa. Padagsa pa
lang ang mga bisita.

Nakita ko ang isang matandang nasa wheel chair tulak-tulak ng isang matandang
lalaking kamukha ni Almira. I realized it's probably her parents.

"Upo na tayo, Sancha," si Alonzo.

Nahanap ko ang maayos nang dessert table. Finishing touches na lang at sa bandang
mga bata, marami na ang kuryoso. The cookies were designed to entice children so I
know they'll love it. Hindi lang sa lasa pati na rin sa itsura.

"Sandali lang. Check ko lang sila."

"Samahan na kita-"

"Huwag na. Saglit lang naman ako," sabi ko.

He nodded and let me do my thing. Nilapitan ko ang mga empleyado ko at tinanong


kung may kulang pa ba o aberya. Wala naman kaya tiningnan ko ang ayos ng lamesa at
ang pagkakaayos din ng dessert.

May iilang bumati sa akin dahil dumagsa na ang mga tao. Napatingin ako sa banda ng
buffet table at naalala na si Ella nga pala ang mag-aayos noon. She isn't around so
I felt better. I know I shouldn't be affected with her anymore but I guess I can't
help it if I'm that guilty with her words.

The party went smoothly. Tahimik ang ka lamesa namin tungkol sa pagkakatabi namin
ni Alonzo. Kahit pa may palihim na pagmamasid akong natatanggap sa ibang imbitado,
walang ni isang nangahas na magtanong. I'm glad because I don't know what to do if
someone's going to ask something.

Tumayo kami para magdasal para sa pagkain. Habang nakayuko at nakikinig sa dasal,
napatingin ako sa naglalakad papasok. Nagkatitigan kami ni Ella. She looked at me
blankly and stopped when she noticed Alonzo beside me. Pagkatapos ng ilang sandali,
tumalikod na siya at pumunta sa kanyang buffet table.

"Si Ella ang nagluto? Ang sarap, ah!" one of Alonzo's girl-classmates on our table
exclaimed.

Katatapos lang namin sa buffet table at kanina ko pa naririnig ang mga papuri sa
kanya. Naroon kasi siya sa lamesa, hindi nga lang halos makatingin sa amin dahil sa
dami ng kumakausap at pumupuri.

"I want you to cater for my birthday!" si Tita Adrina na imbitado rin doon.

I tasted her food a bit, each one I put on my plate and I realized it is delicious.
"Oo nga, e. Sila 'yong nag cater sa birthday ni Papa last month. Masarap talaga ang
mga luto," si George.

"Kumuha ka nitong beef steak, Lonzo? Ang sarap!"

Tumango si Alonzo.

"'Di ba?"

"Oo, masarap."

Binalik-balikan ng mga bata ang dessert table nila. Lalo na ang mga cupcakes. I
smiled and I realized that after all of these, the adults will head to the sweets
buffet table. Kinabahan ako bigla, bahagyang nakaramdam ng inggit dahil masaya ang
lahat kay Ella. I agree, though. She deserved it. It is indeed delicious.

Pagkatapos kong kumain at uminom ng tubig, muli akong nagpaalam para malapitan ang
dessert table. Lalo na dahil may iilan nang kumuha roon at iilang nakitang bumalik-
balik din.

Nakatanggap ako ng ilang papuri kaya masaya na rin ako. Lumapit si Almira at kahit
busy, nagawa pang magngising-aso sa akin.

"Sabi na, eh. I hope you're fine with this," she said as she glanced at Ella's way.

Bidang-bida si Ella ngayon sa mga kamag-anak ni Axel. Nakita ko pa na nagbukas siya


ng laptop para yata kumuha ng mga orders nila. I smiled at Almira.

"Ayos lang," sabi ko.

I supervised the refill of some dessert tables. Tumayo muna ako doon sa para sa mga
bata habang ang lalaking empleyado ay kumuha pa ng dagdag sa van. Nakita kong
tumayo si Alonzo at umambang lalapit na, hindi yata mapakali na nakaupo lang siya
roon.

Nakabalik na ang lalaking empleyado at tumulong ako sa pag-aayos. Alonzo tried his
best to join us.

Bumalik na kami sa upuan namin kalaunan nang biglang may programme din pala para sa
mga bata. Sa dami kasi ng bata roon, natanto kong kailangan din silang gawan ng
ganoon habang nagpapahinga at nag-uusap usap ang matatanda.

It lasted that way for good one hour. Alonzo was talking to George when I told him
I'll check the dessert buffet table again.

"Sakit ng tiyan ko. Uuwi na muna ako!" I heard Keira on the next table.

"Ako rin!"

Nagpatuloy ako sa paglalakad patungo sa dessert table noong biglang may kumosyon sa
banda ng lamesa ng pamilya ni Almira. I stopped and looked at her mom and I
realized she was vomitting. Hawak din niya ang tiyan niya at nagrereklamong
masakit!

Nagsitayuan ang pamilya ni Axel at tumulong na roon. Almira assisted her Mom
calmly. Nilingon ko agad si Alonzo at nakita kong nasa tainga ang cellphone at
papunta na rin sa lamesa nina Almira.
"Ang sakit din ng tiyan ko!" someone said. "Sa revel bars yata."

"Nakakain ako kanina. Kaya pala sumasakit din ang tiyan ko at medyo nahihilo ako!"
I heard Ella.

Nanlamig ako bigla. The next scenes were very fast. Tahimik akong nakatayo sa tabi
ng dessert table at nakitang mabilis na umalis ang ibang guests, kasama sina Keira
na mga naunang nagreklamo na masakit ang tiyan nila.

May ilan ding nagereklamo na pero nanatili at naghintay. Ella was there and her
employees made her sit because she was dizzy and almost fainting!

Narinig ang ambulansiya at agad nang tumulong si Alonzo, Axel, at Almira sa


paghahatid sa matanda. Hinilot ni Ella ang ulo niya at pinaypayan na ng mga
empleyado.

"Sa dessert yata! Sa tapioca kanina! Naka dalawa ako kaya sumakit din tiyan ko!" I
heard someone.

Nanlamig ako.

"Miss Sancha..." I heard my employee calling me but I didn't look at her.

"Sancha, icheck mo nga ang revel bars at tapioca. Baka na food poison sila?" Tita
Adrina said.

Honestly, I've been in this business for years and I've never experienced this.
Never. Even in Cebu!

"Ah... Sige po. P-Pero kasi maayos naman ang pagkakagawa. Ako ang gumawa at malinis
naman ang-"

"Naku, i-check mo pa rin! Kawawa naman ang Nanay ni Almira! Buti nariyan si
Alonzo!"

Alonzo came back. His eyes were on me but someone called him. Masakit daw ang tiyan
at nagpapatulong kay Alonzo. Naging abala siya agad sa kanila at inasahan ko na rin
naman iyon. At sa huli, tinawag na rin ng empleyado ni Ella si Alonzo sa parehong
dahilan.

Lumabas sila kasama ang ilang empleyado ni Ella. Inalalayan si Ella palabas doon at
sa huli, nagpasya ako na magtagal muna lalo na't may iilang gustong i-check ng
tuluyan ang mga dala kong pagkain.

"Sancha, anong nangyari?" nag-aalalang tawag ni Ate Soling.

Nang nakita kong umaalis na ang ibang bisita at wala na ang pamilya ni Almira,
sumama rin yata si Alonzo sa ospital, nagpasya akong mag-ayos na rin. Lalo na dahil
ayon kay Tita Adrina, pag-aaralan pa kung ano ang dahilan sa nangyari pero hula
nila galing nga raw sa dessert!

It reached Ate Soling so I'm sure it reached the whole of Altagracia. Hindi ko
masagot-sagot ang tawag ni Mommy at Daddy dahil sa mga aksiyong ginawa namin sa
cafe.

"Bumili rito tapos nakuwento na isinugod daw sa ospital ang Nanay ni Almira!" si
Ate Soling na ikinukuwento kung paano niya nalaman iyon.

I knew it. It spread like wild fire immediately. Tinanaw ko ang hindi matigil na
tawag ni Mommy sa akin sa cellphone ko.

"Ang sabi nila sa revel bars o sa tapioca raw, Ate," matamlay kong sinabi sabay
tingin sa labas at nakitang kapaparada lang ng sasakyan ni Kuya Manolo.

I sighed because I immediately know why he's here. Nakita kong lumabas sila ni
Camila at naglakad na papunta sa cafe.

"Eto ba 'yon?" si Ate Soling at kinuhanan ang mga tira.

Itinabi ko kasi iyon para kung sakaling may mag iimbestiga. Although some pieces
remained on Almira's home. Nakita kong mabilis na inubos ni Ate Soling ang isang
pirasong revel bar.

"Ate!"

"Susubukan ko, Sancha. Sa dami ng pagkain doon, imposibleng dito!"

Kumuha siya ng tapioca at nagsimula na ring kumain.

"Anong nangyari?" si Kuya Manolo na puno ng pag-aalala ang mukha.

"Wala, Kuya. May kasong... food poisoning-"

"Hindi pa kumpirmado!" si Ate Soling.

"Isinugod sa ospital ang ilang guests sa birthday ni Almira dahil sa sakit ng


tiyan, pagsusuka, at pagkakahilo yata. They suspect it's food poisoning and... sa
aking- Kuya!" sabi ko dahil nakita kong kumain siya ng mga dessert na naroon.

"Kung sumakit ang tiyan ko, Sancha, sige... tatanggapin natin 'yon," medyo kritikal
na sinabi ni Ate Soling.

"Tinikman ko naman 'yan bago hinatid doon, Ate, pero baka rin nasira? I mean...
habang nagpaparty?"

Nakita kong kumuha si Camila ng tapioca. I sighed and tried the brownies, tart, and
muffins. Ganoon din sina Kuya habang nag-uusap-usap.

"Ayos lang naman ako, ah?" si Kuya. "Ano pa bang ibang pagkain doon?! Usap-usapan
na sa dessert mo raw nakuha iyon, ah!"

I sighed and immediately went to the counter's drawer to find myself a new
antihistamine.

"Mamaya pa ng kaunti. We need to wait at least an hour maybe and see if it reacts
on us," si Camila.

"Hindi nga rito, Sancha. Ano naman ang magiging dahilan niyan? Hindi ako
naniniwala. Ano pa ba ang pagkain doon at sino ang nagsabi na sa dessert agad?
Hindi ba dapat unahin nila ang sa ulam?"

Hindi ako nagsalita. I concentrated on my breathing.

"Ate Soling is right. Manolo, kasiraan ito sa cafe ni Sancha dahil lang sa walang
batayang paratang. Ni hindi pa nga nachi-check kung talagang food poisoning ba ang
dahilan? Agad na lang na nagconclude?"

"Si Alonzo?" si Kuya.


Startled a bit by the normality of his question, I still answered.

"N-Nasa ospital, Kuya. Marami kasi 'yong nagrereklamo kaya tumulong na siya kay
Almira."

"Ano pang pagkain doon? Bakit hindi iyon ang tingnan?"

"It's not even proven yet if they really are food poisoned!" si Camila.

"S-Siguro dahil sabay na sumakit ang tiyan ng ilan kaya ganoon..." I said.

"Even so! And how can they tell that it's from your dessert? Sa mga ganyan, kung
tunay na food poison at sa dami ng pagkain doon, unless icheck nila isa-isa ang
pagkain, 'tsaka pa malalaman kung saan galing talaga iyon! Hindi puwedeng dahil ang
huling kinain ang dessert, iyon na agad! It could be... the fried chicken, or the
pancit, or what!" si Camila na medyo nagiging kritikal na rin.

"Sancha, ako na muna ang bahala rito. Umuwi ka muna-"

"Hindi na, Kuya. This is my business so I'll face whatever inquiry there is." Dahil
nasisiguro kong kung hindi man media, baka puntahan kami rito ng taga kung saang
departamento at tingnan ang sanitation ng lugar.

"I get it but... you're not feeling well. Namumutla ka. Magpahinga ka muna. Call
the driver," utos ni Kuya kay Ate Soling.

"Kuya, hindi!" giit ko. "Ako ang haharap dito! Kaya ko na 'to!"

Natigil kami sa pagtatalo nang nakita sa labas ang pagpapark ng iilang media ng
lalawigan at may awtoridad pa. Kuya Manolo looked at me with both worry and anger
in his eyes.

"I'll face them."

"Fine. But after this, you're going home, Sancha."

💕💕💕
KABANATA 34

Check Up

Naniniwala akong maayos ang pagkakasabi ko sa media. May punto rin ang nagtatanong
kaya hindi na rin naging mahirap ang pagpapaliwanag ko.

Una, hindi pa nasisiguro kung ano nga ang dahilan sa nangyari. Hindi puwedeng dahil
huling kinain ang desserts ko, iyon na ang dahilan.

Pangalawa, kung iti-test ang desserts ko, iti-test din dapat ang lahat ng kinain ng
bisita sa party na iyon. Iyon nga lang, si Ella na siyang nag cater noon ay nasa
ospital dahil kasali sa mga sumakit ang tiyan.

Pangatlo, willing ako na i-test lahat ng mga gawa ko at naiserve sa party na iyon.
In fact, I already set aside some samples each sweets if anyone would want to test
it. However, I will give it only a day since I don't want it tested beyond its best
before.

Pang-apat, willing din ako na tingnan ang sanitation ng aking buong cafe at mas
mainam din na mamaya o bukas agad nang sa ganoon malaman na ang totong problema.
"The pastries usually don't get stale easily! Lalo na dahil freshly baked iyon. You
guys should check the caterer first! Iyon naman ang mas mabilis mapanis." si Camila
nang kinausap ng awtoridad.

"Pero Ma'am, kasi sabi sa tapioca at revel bars daw."

"Kumain kami ng parehong uri noon at hindi pa naman sumasakit ang tiyan ko ngayon,"
si Camila. "And whatever you say, I don't think pastries like revel bars would
stale quickly! At kung tapioca, kumain din kami at maayos pa naman kami ngayon."

"Like I said, puwede namang itest na rin. Besides, if it's from my food, then I
guess I will need to know so I can learn from it," sabi ko.

"Sancha, bago ka, dapat ang caterer muna nga ang tingnan! Hindi puwedeng dahil lang
haka haka na galing sa dessert ang dahilan, iyon na agad! We can sue anyone who
said that it is from the cafe."

"Bakit hindi ko ipatest na lang agad itong mga pagkain na gawa ng kapatid ko
ngayon? Hindi na ako maghihintay ng request sa awtoridad! At sa oras na masigurado
namin na malinis ang mga iyon, kakasuhan at ipapakulong ko kayo?!" si Kuya Manolo.

"Kuya..."

"Sir, wala pa naman pong sinasabi na talagang galing sa sweets ni Miss Alcazar.
Naroon na rin naman ang ibang media at awtoridad sa caterer para icheck na rin pero
'yon nga lang nasa ospital pa kasi ang may-ari."

"I will supervise the testing of my sister's pastries. Kapag nalaman ko na walang
may sira roon at kapag kumalat sa buong Altagracia ang paratang ng sino man 'yan,
pati kayo, ipapakulong ko!" iritado nang sinabi ni Kuya.

"Kuya, tama na. We haven't proved anything yet. It's better to stay calm and humble
while-"

"No, Sancha! I get that you're thinking you might be at fault but what if you
aren't? At nasira na ng mga ito ang pangalan mo?! Hindi puwedeng ganoon! Bukod pa
sa tama si Camila na hindi nga mabilis mapanis ang mga sweets! I don't get why
people would think that it's from your pastries!"

Kinausap ni Kuya Manolo ang iilang pulis na nasa labas at ang media naman ay
lumabas na rin, naghihintay ng resulta sa imbestigasyon sa caterer at sa mga
isinugod sa ospital.

"Tama ang kapatid mo, Sancha. Siguro mas mabuti nga na ipa test na natin at huwag
na sigurong hintayin ang awtoridad na mag request," si Ate Soling.

"These kind of things, usually they can't pinpoint which food is the reason unless
we test the food. Kasi maraming pagkain. Unless if it's involving only one kind of
food, then mas madali ituro kung alin talaga ang panis na."

Habang nag-uusap-usap kami sa counter, napansin ko ang pagpasok ni Margaux.


Tumanggap pa rin naman kami ng mga customer pero kaunti lang ang kumain. Madalas ay
take out lang. Siguro dahil sa kumusyon at sana hindi dahil kumalat na na
nakakasakit ng tiyan ang mga gawa ko.

I really want to know that truth, even if I'm terrified. Imagine the blow I will
take if this reaches my Cebu branch!
"Sancha, ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ni Margaux.

Camila looked at Margaux. Nakalapit na siya sa amin. Suminghap si Camila at umikot


na sa counter para kausapin ng pribado si Ate Soling, iniwan kaming dalawa sa
kinatatayuan.

"Ayos lang, Margaux. Napa bisita ka? Uh, may bibilhin ka ba?" kinakalma ko ang
sarili.

"Wala naman pero narinig ko ang nangyari. Isinugod sa ospital ang mga bisita nina
Almira. Ang sabi'y sa revel bars at tapioca mo raw? Nasabi sa akin ni Julius.
Kuwento raw sa kanya ni George."

"Hindi pa naman napapatunayan at magpapatest din kami, pero sana hindi."

"Hindi naman siguro, Sancha. Matagal masira ang mga sweets, hindi ba? Baka sa ulam.
Sa caterer."

I cleared my throat. "Si Ella ang caterer. Nasa ospital din siya at masakit din daw
ang tiyan."

Pagkatapos ng eskandalo, kusang umiwas si Ella sa grupo nina Julius at Margaux.


Ganoon din naman ako pero dahil nagsusumikap si Margaux na magkaayos kami, kumpara
kay Ella, mas malapit pa rin naman ako sa grupo. Iyon nga lang, nang g-um-raduate
ng senior high, nalayo na ako dahil sa Silliman na nag-aral. Alam kong hindi na
gaanong close si Margaux at Ella pero alam ko ring walang namagitang samaan ng loob
sa dalawa kaya kahit paano magkaibigan pa rin naman sila.

"Naku, ganoon ba? Pero kasi hindi ba mas madaling masira kapag ulam... kumpara sa
sweets. Iyon ang alam ko."

Tumango na lang ako. She sighed heavily.

"I'm sorry about this, Sancha. Nag-alala ako nang narinig ko ang balita. Lalo dahil
mismong ang mother-in-law ni Axel talagang isinugod sa ospital dahil nagsusuka. E
hindi ba may sakit pa 'yon?"

Nanlamig ako bigla. Almira's not very nice but she's been good to me. Iniisip ko
tuloy kung ano ang iniisip niya sa akin ngayon! Pumikit ako ng mariin at yumuko.

"Hindi kaya sinabotahe ka? Kasi imposible talagang sa sweets mo galing tapos ikaw
ang idinidiin. I mean... wala bang common sense ang mga bisita roon? It's obvious
that the last thing they should think of, when it's food poisoning, are the
sweets!"

"Hindi ko alam, Margaux."

Tumango siya. "Nandoon pa naman daw si Alonzo. Narinig ko."

Napaangat ako ng tingin. "Oo. Nandoon si Alonzo. Tumulong siya sa pagsugod sa


ospital."

"Naku! Eh, hindi ba may galit iyon sa'yo sa nangyari noon?" nag-aalalang sinabi ni
Margaux.

I remember. She tried to rebuild our friendship but I never had the courage to take
the risk. I didn't really elaborate on her about what happened on that scandal or
how I feel about Alonzo.
"Baka mamaya sa ulam talaga ni Ella iyon, ah? And we don't know, Alonzo is part of
it to get back on you. Alam kong matagal na at alam ko ring doktor na siya ngayon
pero malaki ang nawala sa kanya noon, ah. Posible na may galit pa siya sa'yo-"

"Margaux..." pigil ko sa mga sinabi niya.

My mind is already very crazy right now. With her feeding me these things, mas lalo
lang yata akong maguguluhan.

I never trusted anyone again, after the scandal. I can't trust Margaux's words just
because it makes sense. However... I trust Alonzo. Unconsciously. I don't want to
trust anyone but unconsciously I do trust him.

"Sinasabi ko lang ang nasa isipan ko, Sancha. I know it's silly of me to butt in
now but I just can't sit and watch you be like this when I can sense these things."

"Hindi gagawin ni Alonzo 'yon."

Kitang-kita ko ang pamimilog ng kanyang mga mata, gulat siguro na may


pinagkakatiwalaan akong iba. At hindi siya. She smiled awkwardly.

"I do hope so, Sancha. I just think that it makes perfect sense somehow. Hindi siya
mayaman kaya nagsikap siyang maging laude at makakuha ng trabaho sa ibang bansa.
His life was ruined so I think it is only natural for him to-"

"Hindi magagawa ni Alonzo 'yan, Margaux," medyo tumaas ang boses ko.

"Sure, Sancha. I'm sorry..." she said. "I-I know I've broken your trust and... I'm
glad you're trusting someone now. It's just that... I heard he's visiting your cafe
regularly. So... I think..."

Naghintay ako sa dugtong niya pero umiling lang siya.

"I don't know. I just really hope you trust the right person."

Nagpunta na rin si Mommy at Daddy sa cafe. Abala ako sa pakikipag-usap kay Kuya
Manolo at Camila habang unti-unti na ring nagsialisan ang mga awtoridad.

On the tests, it was indeed some possible contaminated food. Wala kasing ibang
maituro dahil iyon lang ang pare-parehong ginawa sa araw na iyon. It's too late to
do tests on the caterer because as of the moment, some of it turned stale because
we waited until the afternoon. Kaya kung alin man sa hinandang pagkain ni Ella ang
panis kaninang umaga at tanghali, hindi na malalaman ngayon.

"I'll wait for your tests. Buti at may nakapagsabi na imposibleng sweets ang
dahilan dahil hindi naman agad iyon nasisira. Pero hindi ako titigil hanggang hindi
natetest at napapatunayan na wala nga sa gawa mo ang sira, Sancha," si Kuya Manolo.

Ang probinsiya at ospital ay nagsalita na rin patungkol doon. Doon pa lang ako
nabunutan ng tinik. Opisyal na kasing sinabi na hindi galing sa mga luto ko ang
dahilan dahil naunang pinatingnan ni Kuya Manolo ang revel bars at tapioca.

"Ayos na naman daw ang mga naisugod sa ospital," si Mommy. "Ang pagsusuka ni Evelyn
ay dahil daw yata sa sakit niya, hindi naman nakitaan ng bacteria na kagaya sa
nakita sa ibang naroon."

Tumango ako.

"Nakausap ko si Alonzo at maayos na raw ang kalagayan ng Nanay ni Almira. Ang iba'y
umuwi na rin pagkatapos malapatan ng gamot."

"Have it checked, Manolo. I want everyone to know that it is not from Sancha's
products."

"Bibisita ako sa ospital para masigurong-"

"Hindi mo gagawin 'yan, Sancha!" si Kuya sa tonong nasisiguro kong may bahid ng
pagmamataas.

I know why he doesn't want me to go there. Paulit-ulit niyang sinabi sa akin


kanina. Hindi ako ang may kasalanan at nasigurado na namin iyon.

"Alam kong nag-aalala ka kahit paano pero iisipin lang nila na ikaw ang may
kasalanan at guilty ka."

"Kuya, napatunayan na naman na hindi. Gusto ko lang makita na maayos na rin ang mga
bisita. Si Almira. Lalo na ang kanyang Mommy."

"I think it's best to go there tomorrow or some other day, Sancha. Huwag muna
ngayon. You look exhausted and besides Almira's mom is still recovering. Maybe you
should let her recover first before going to visit them," si Camila.

"Tama si Camila, anak. Umuwi ka na lang muna at magpahinga. You look exhausted."

Sa huli, sumama ako kina Mommy at Daddy. Bumisita pa kasi kami sa Mayor's office,
kahit gabi na. I cleared my name personally.

It was a long day. Pagkauwi ay nakatulog na agad ako.

Tinanghali ako ng gising kinaumagahan. Sobrang sakit ng ulo ko at nahihilo kaunting


lakad lang. Pinahatid ko sa kuwarto ang agahan ko at nagpahinga na lang muna sa
lamesa. I saw missed calls from Alonzo and Almira. Mayroon ding text.

Alonzo:

Are you okay? Tinulungan ko si Almira sa pag-aasikaso sa nanay niya. Pupuntahan


kita mamaya sa cafe. I hope you're fine.

Alonzo:

Katatapos lang ng lab tests. Hindi gaya ng mga isinugod sa ospital dahil masakit
ang tiyan, normal sintomas lang sa gamot na ipinainom ng doktor. Binigyan na ng
ibang gamot at baka hindi hiyang sa naunang niriseta.

Alonzo:

Only two wanted to get admitted. The others only have mild stomachache and
diarrhea. Kaya umuwi na rin pagkatapos ng abiso. I'll check on the patients
tomorrow.

Alonzo:

Hindi galing sa handa mo ang bacteria na nakita. I'm guessing it's either the
spaghetti or the kaldereta. Iyon din kasi ang sinabing napanis na alas tres pa lang
kanina. Kaya naisip ko na baka nga medyo panis na iyon kaninang tanghali pa lang.
Puwedeng hindi lahat ang makaranas ng pananakit sa tiyan, depende pa sa dami ng
nakain o kung noong kumuha ka, panis na. That's why only a few visitors were
affected. Also, the incubation period of the bacteria found has a minimum of 2
hours, that means it can't be your sweets because the visitors ate the dessert
after the eating the buffet. Isang oras o tatlumpong minuto pa lang magmula noong
kumain sila noon kaya imposibleng galing iyon sa dessert. It's very likely that
it's from the buffet.

Alonzo:

Umuwi ka na raw. It's been a long day. Rest well, Sancha.

Alonzo:

Good morning, Sancha! Sir Manolo tested some of your desserts yesterday at negatibo
sa hinahanap na bacteria. Although I find it unnecessary because I'm very sure that
it's not from the desserts. May lakad ka ba mamaya?

Alonzo:

I'm sorry. If you want to rest for today, no problem. I'll visit you on Monday.

Ako:

Thank you, Alonzo. Sana ayos lang ang Mommy ni Almira. Magpapahinga muna ako
ngayon. Magpahinga ka rin. Pasensiya na at naabala ka sa rest day mo. Mabuti at
nandoon ka. I kinda panicked and I don't know what to do. Thank you!

Alonzo:

Ayos na ang nanay ni Almira. Bukas, lalabas na. Nagsuka lang noon dahil sa gamot
niya. Mabuti at hindi naman nakakain ng kaldereta o spaghetti dahil sa diet din
niya.

Almira:

Sancha, I'm sorry about what happened. Hindi sa'yo galing ang nakasama ng tiyan ng
mga bisita. At iyong kay Mama, sa gamot niya iyon. Kumain siya ng butter cake at
carrot cake at nasarapan siya! Bibili pa nga kami ulit, e. Sabi ang nakasakit sa
tiyan nina Keira ay ang caldereta o 'di kaya'y spaghetti.

Ako:

Pasensiya na rin. Kinabahan ako kaksi huli raw kinain ang revel bars at tapioca na
gawa ko. Nagpacheck na rin kami ni Kuya Manolo sa mga sweets ko para masiguro.
Mabuti naman at okay lang ang Mommy mo. I'll visit or send her her favorites when
she's out of the hospital. Pakisabi na pagaling siyang mabuti.

I sighed heavily. I felt relieved from all of it.

Almira:

Sige ba! I wanted to confront Ella about what happened but she's admitted now in
the hospital! Ang sabi'y masakit pa rin daw ang ulo at tiyan niya. Nakakainis nga,
e. Malamang ganoon nga kasi sa kanya pala galing ang panis na pagkain! Baka mamaya
pagtikim niya pa lang panis na! Galit na galit si Axel pero hindi namin makumpronta
kasi nga may sakit pa.

Ako:

Maybe it was an honest mistake. After all, siya ang pinaka apektado ngayon kaya
baka nga hindi niya naman namalayan.
Almira:

I HOPE SO! Kasi kung hindi, titirisin ko siya! May pakiramdam pa naman ako na
umaarte lang siya dahil kay Alonzo! At itong boyfriend mo naman nasobrahan sa bait,
nagrequest lang na isali sa rounds, sinasali naman!

Almira:

Ay! Huwag kang magseselos, ah! Sinasabi ko lang na ingrata si Ella. Buti hindi
dahil sa pagkain niya ang pagkakaospital ni Mama kundi titirisin ko siya!

Ako:

Hehe. Hindi ko naman boyfriend si Alonzo at doktor siya kaya trabaho niya naman
'yan. Kausapin mo na lang si Ella kapag maayos na siya.

Almira:

Iyong mga inoperahan lang dapat ang kasali sa rounds ni Lonzo, no! Operahan ko
'tong si Ella, e!

I chuckled.

Buong araw namin pinag-usapan ang pagkakaayos ng nangyari kahapon. Mabuti naman at
nalinis ko na rin ang pangalan ko at ang pangalan ng cafe. Because of my happiness
and relief, I decided to put up a promo on my Cebu branch. Hindi naman umabot sa
kanila ang nangyari pero ayos na rin.

Hindi rin naman tumawag si Larissa kaya naisip kong hindi na nga kumalat pa iyon.
Maganda rin na agad na aksyonan ni Kuya Manolo ang nangyari.

Yumuko ako at natantong masyado talaga akong mahina under pressure. I was there
staring at the victims, with a blank mind, too worried to think straight. Kahit na
nagpapanic na rin si Kuya Manolo at halatang nagagalit niya, level-headed pa rin
naman siya sa mga desisyon niya.

"Kung ako 'yon, kakasuhan ko ang mga nagpapakalat!" si Ate Peppa na galit na galit.

"That's enough. It's all done now. Huwag mo nang dagdagan pa ang stress ni Sancha,"
si Mommy dahil huli nang nagalit si Ate Peppa nang narinig ang buong detalye.

"Ayos lang, Ate. Naagapan naman at hindi naman ako nasira-"

She laughed hysterically. "Hindi nasira? Kaunting sabi-sabi may mga maniniwala pa
rin na galing sa'yo 'yon."

"Hindi, Paloma. Galing iyon sa caterer. Iyong Ella naman pala. Tingnan na lang nila
kung saan iyon nagluluto at baka pa iyon ang marumi." Puno ng panghuhusga ang tono
ni Daddy sa sinabi niya.

"Dad..."

"Posible! Baka may mga ipis doon sa pinaglulutuan niya. Napadaan ako kanina doon,
nakita-"

"Tama na nga 'yan, Paloma. You're stressing your sister out already with your
words!" si Mommy at nilingon ako. Hinawakan niya ang kamay ko. "Why don't you rest
for two to three days. You did a great job so far kahit na may kontrobersiya agad
kabubukas pa lang."

"Your Mom is right, hija. Isa pa... kung magpapahinga ka bukas, mas maigi sigurong
gawin mo na rin ang annual check up mo. Hindi ka pa nakakapagpacheck up dahil sa
pagiging abala mo sa cafe," dagdag ni Daddy.

Unti-unti akong tumango at sumang-ayon. Sa dami ng iniisip ko at sa unti-unting


guilt na naramdaman ko kahapon, siguro nga mas mabuting magpahinga na muna ako.

It was a long night on our long rectangular table on my family. Hindi ko


maipagkakaila na unti-unti nga'ng bumubuti ang pakiramdam ko dahil doon. Nagpaalam
ako kay Ate Soling na hindi muna ako papasok bukas para magpa annual check up na.

Isa pa, nangako ako na sa unang linggo lang ako magiging abala para sa cafe.
Ngayong natapos na iyon, siguro naman ayos lang na magpahinga muna ako. Lalo na't
bago ang linggong iyon, abala ako sa paghahanda sa grand opening, at bago ang grand
opening, kagagaling ko lang sa presentation sa Cebu. I guess I do deserve a break.

Madaling araw akong tumulak sa La Carlota. Hindi ako nagsabi kahit kanino na roon
ako magpapa annual check up. May kilala naman kaming doktor din doon kaya ayos lang
siguro. Isa pa, hindi ko alam kung magandang ideya ba na sa Altagracia magpacheck
up... I pouted a bit because I know one of the main reason why I decided to have it
in La Carlota... is Ella.

Ngayong nasa kanya ang sisi dahil nilinis ko kaagad ang pangalan ko, nasisiguro
kong lalo siyang nainis sa akin. Hindi pa kasali na... gusto niya si Alonzo. 

💕💕💕
KABANATA 35

Confession

"Physical exam, Doc?"

Kinabahan ako dahil may pag-aalinlangan sa tono ng nurse na nagtanong. Ang kilala
naming matandang doktor ay wala palang duty ng Lunes kaya naman naibigay ako sa
iba. Ayos lang naman iyon dahil pareho laang naman iyon at kadalasan lab test ang
gagawin.

Nasulyapan ko ang cellphone ko na may mensahe galing kay Alonzo. Kaya lang
nagtuloy-tuloy na ang mga gagawin at tests kaya hindi ko na muna tiningnan ang
message.

While I was being examined and in between my tests, I can't help but think about
what happened this weekend. Alam kong ang food poisoning ang isa sa malaking
problema kapag nasa industriya ng pagkain. Iyan ang dahilan kaya mas pinagtutuonan
ko iyon ng pansin. Mas tatanggapin ko ang kahit anong reklamo sa lasa ng gawa ko
kaysa sa kalinisan nito.

I sighed and realized that Alonzo was a big help. Kalmado niyang tinulungan si
Almira sa Nanay niya. Ganoon din ang ginawa niya para sa mga biktima. Hindi ko
namalayan na nakangiti pala ako habang iniisip iyon. Napawi nga lang nang naalala
si Ella at ang ayos niya nang sumakit ang tiyan. Alonzo cared for her too. I know
it's his duty as a doctor but I don't understand why I feel... strange.

Naalala ko rin ang sinabi ni Margaux. Alam ko namang hindi magagawa ni Alonzo iyon,
kahit pa naiintindihan ko kung bakit naisip ni Margaux iyon.

"It's all in the past now, Sancha. Marami nang nagbago ngayon," his words resonated
on my mind.

I know Alonzo as someone trustworthy. I wonder if the years we're apart, that
changed, too. Alin nga ba ang nagbago sa kanya na tinutukoy niya.

My heart hurt as I realized that my mind is suddenly too chaotic. Hindi ko gustong
pag-isipan ng masama si Alonzo pero may kaunting boses sa isipan ko na nagsasabing
ilang beses na rin naman akong nagtiwala at nabigo sa mga kaibigan. It isn't about
Margaux anymore. It's a struggle within myself. What happened in the past, caused
me to be mistrustful.

Alonzo:

Good morning, Sancha! Pumunta ako sa cafe mo at wala ka. Ang sabi ni Ate Soling
hindi ka raw papasok dahil magpapa annual check up ka. That's good. Did you do your
fast? Take this time to rest, too. See you later in the hospital!

Kanina pa iyong umaga at naghihintay na lang ako sa iilang results ngayong hapon. I
saw another text from him. Mas bago iyon. Kaninang tanghali lang.

Alonzo:

Nasa La Carlota ka?

"Miss Alcazar, eto na po!"

Tumayo ako at kinuha na ang iilang mga tests. I came out all normal and healthy. I
was only told to not play with my allergies too much dahil hindi tumatalab ang mga
nakasanayang antihistamine kapag napapadalas ang inom. Iyon ang dahilan kung bakit
iba-iba ang mayroon ako sa cafe at sa wakas nakabili na rin ng epipen para sa mga
malalang atake o kaso.

Palabas ako ng ospital dala ang mga tests ko. Naglalakad patungo sa sasakyan at
malalim pa rin ang iniisip nang nakita ko si Alonzo, nakahilig sa harap ng kanyang
sasakyan na nakaparking sa tabi ko.

My lips parted. I couldn't hide my shock. Seryoso at medyo nagkakasalubong ang


kilay niya nang tingnan ako. I cleared my throat and I realized I didn't reply to
any of his texts for today.

"N-Napadaan ka rito..." I started.

Tumuwid siya sa pagkakatayo at tiningnan ang hawak ko.

"Pumunta ako rito dahil nandito ka."

My heart jumped that it hurt. Tinikom ko ang bibig ko at pinigilan ang sarili.
Buong araw yata akong negatibo ang iniisip lalo na sa kanya.

"Kumusta ang check up mo at... hindi ka sa Altagracia nagpa check up?"

"Ah. Uhm..."

I have nothiong to say for his last question. I know exactly what my reasons were
and I'm not sure if I should tell him. Mas lalo lang gumulo ang isipan ko. I will
definitely think about this when I get home. I would never get over this. Is it
better to be honest?

"Maayos naman ang check up. Normal naman lahat."


"Sinong doktor mo?"

Sa simpleng tanong na iyon muling tumalon ang puso ko. Nakakainis! And this is
while I have negative thoughts about him. If I prolong this I will fall harder and
it will only hurt more... if my doubts are right! Hindi ko kakayanin ang isa pang
pagkakabigo sa kaibigan. At lalo na sa kanya! Sa kanya na tahimik pero buong puso
kong gustong protektahan sa lahat ng nangyari noon! Sa kanya na tahimik kong
pinagluksaan nang nalamang nasira ang mga pangarap niya!

"Uh..." Napakurap-kurap ako dahil nalimutan ang pangalan ng doktor sa dami ng


iniisip. "May nag assist kanina na resident doctor... sa physical exam-"

"Physical exam?"

"Oo. Pero ayos lang naman ako. Sa... gamot lang mag-iingat. Sa antihistamine."
Trying hard to stray the conversation I asked something else. "Kumusta nga pala ang
Mommy ni Almira?"

"Ayos na siya. Hinihintay lang ang go signal ng doktor sa paglabas niya sa


ospital."

"Si Ella?"

"She's fine, too. Just waiting for the doctor's advice." He paused. "Akala ko
pupunta ka ng ospital para magpacheck up. Doon kasi nagpacheck up ang pamilya mo.
Bakit dito ka sa La Carlota?"

Kanina pa parang tambol ang puso ko pero sa huling sinabi niya, mas naramdaman ko
ang kabog nito. I opened my mouth to breath properly but I tried my best not to
look nervous. Yumuko ako, hindi agad sumagot.

I saw him trying to close the distance between us but he stopped a step away from
me.

"Are you still bothered about what happened? Hindi sa pastries mo galing ang
nangyari, Sancha-"

I cut him off when I realized I can't go home without asking him something. Hindi
ko kayang tahimik na isipin na lang ang mga bumabagabag sa akin. Nagpunta siya rito
ngayon at kung tama ang pagdududa ko, matindi nga ang galit niya para mag-effort ng
ganito para lang sa huli... masaktan ako.

"I've got a question, Alonzo..."

Hindi niya na pinagpatuloy ang sinabi. I took that opportunity to continue.

"I hope you answer me honestly... I probably don't deserve it but I still want to
say this."

Kumunot lalo ang noo niya. Kaunting paglapit pa at parang lumundag ang puso ko sa
aking lalamunan.

"Gusto mo ba si Ella?"

"Hindi, Sancha. Bakit mo natanong 'to-"

"I want to trust your words but I know I'm bad at trusting people. I'm sorry. Gusto
ko lang malaman kung wala ka bang galit sa akin sa nangyari sa atin noon... n-na
puwedeng dahilan ng panliligaw mo sa akin ngayon. Kahit na... si Ella naman talaga
ang gusto mo."

Hindi siya nagsalita. Natatakot akong mag-angat ng tingin kaya nanatili akong
nakayuko. Hindi siya nagsalita.

"H-Hindi mo ba ako nililigawan para lang... ma... masaktan mo ako?"

Chayo believed that Ella and Alonzo were a thing. Ella assumed it, too. Siguro
naman may batayan iyon. Thinking about it hurt. Paano pa kung totoo iyon. Kaya
hindi ko kakayanin kung tahimik kong iisipin ito mag-isa mamayang gabi o sa
magdadaang mga araw. I have to know now!

Hindi siya nagsalita kaya nag-angat ako ng tingin. I realized for some reason, he
looked angry. I've never seen him this serious. O kung nakita ko man siya, isa sa
pinakamalapit ay iyong nakita niya si Steffi pagkatapos ng halikan namin noon.

My heart pounded harder. I tried to smile but I couldn't make it without looking
constipated.

"Uh... Pasensiya na..." Naduduwag dahil sa nakitang iritasyon sa kanya.

Sinubukan kong dumiretso sa sasakyan ko pero humarang siya at humawak pa sa hood ng


sasakyan ko para hindi ako makadaan patungo sa driver's seat. I bumped on his
chest. Uminit ang pisngi ko at agad na umatras.

"Mamaya na. Marami kang tanong. Sasagutin ko muna, Sancha."

Suddenly sweating bullets and my breathing getting intense, inisip ko pa kung may
nakain ba ako kaninang posibleng dahilan ng allergy attack pero wala.

"Wala akong gusto kay Ella. Ilang araw na 'tong bumagabag sa'yo at bakit ngayon mo
lang natanong?"

I couldn't answer. My lips trembled.

"Hindi kita nililigawan para saktan ka. If I were angry at you, I'd choose not to
come here or see you again. I won't make an effort to take my revenge. It's a waste
of time for me."

"I'm sorry-"

"I'm sorry for telling me? Or I'm sorry for doubting me? Which one, Sancha."

Hindi ako nagsalita.

"Nililigawan kita dahil mahal kita. Naiintindihan ko ang pagdududa mo. I'm glad you
said this so I'd know... how to... love you better."

I shivered. My cheeks turned hotter.

"I'm a bit pissed... but I know it's reasonable."

"I'm sor-"

"Huwag ka nang magsorry!" agap niya.

Ngumuso ako at pinigilan ang kagustuhang magsorry dahil nagsorry pa ako!


"I checked on Ella because I thought you'd care for the people affected. Hindi
iyong pastries mo ang dahilan pero alam ko na nag-aalala ka pa rin sa kanila."

"I d-do care for the people affected. Even when it's not because of my pastries."

"Hindi ko siya gusto, Sancha. At hindi ko siya nililigawan. Hindi ako umuwi rito
para saktan ka gaya ng iniisip mo."

I swallowed hard. He sighed heavily. It seems like he's trying to calm down, too.

"I guess... I doubted because... things... have changed and... we both have
changed. I-Ilang taon na ang nagdaan at marami na tayong napagdaanan, nakilala,
at... marami nang nangyari. Parang..." I chuckled awkwardly. "Mas kapani-paniwala
na may iba ka nang gusto. At mas kapani-paniwala na nililigawan mo ako para
lang..." I trailed off, couldn't say it anymore.

He tried to close more distance again. Nanatili ang mga mata ko sa kanyang mga
binti na kaunting pulgada na lang ang layo sa akin.

"Yes, I've changed, Sancha. We both have that's why I want us to rediscover each
other. Though it turns out, whatever changed with you, I realized I'd love you the
same. Ngayon kung iniisip mong imposible, tama ka. Sa gitna ng mga paghihirap ko
para makagraduate, naisip ko rin na tumigil na sa pangangarap sa'yo."

I stiffened.

"My friends here in Altagracia would always say you're too good for me. You're too
rich. Too beautiful. Sadly, I realized it's true. You've always been too good for
me, Sancha. It's always like you're out of my world. I'm always far behind and I'd
always try my best to be your equal."

Unti-unti ko siyang tiningnan. He still looked pissed. I expected to feel him drift
further away from me but instead he looked so vulnerable. It feels as if I am in
control of his heart.

"Kaya tumigil ako at ginusto kong kalimutan ka. Kaya lang hindi nangyari."

All my doubts seemed so far away now. Para akong nakalutang sa ere.

"Naiintindihan ko kung hindi ka nagtitiwala sa akin. I'll do my best to make you


trust me. I'll start again."

Huminga ulit siya ng malalim.

"Hindi ko alam kung bakit iniisip mo na si Ella ang nililigawan ko. Siguro dahil sa
pagbisita ko sa kanya sa ospital, o sa paghahatid ko sa kanila sa ospital, o sa
pagbisita niya sa amin sa ospital. Lahat ng 'yon, wala lang sa akin. She once told
me that she liked me but I turned her down, Sancha..." namamaos ang boses niya sa
huling pangungusap.

Hindi dahil doon ang nagpupumilit na ngiti sa aking labi. It's because my heart has
never been this light before... It felt so new... so refreshing. I cleared my
throat to cover up the smile.

Pakiramdam ko tuloy ayaw niyang banggitin ang huling sinabi pero napipilitan siya
dahil... nagdududa ako.

"Sorry if you think my actions for her mean anything. Wala lang 'yon, Sancha."
"H-Hindi naman. Uh... alam ko naman na doktor ka kaya gagawin mo talaga 'yon. Akala
ko lang kasi... usap-usapan din na ano... na... may kung ano kayo."

"Wala, Sancha. Siguro tungkol lang sa sinabi nI Ella sa akin. I turned her down
from the very beginning. I just don't know why anyone would think differently."

Tumango ako.

"I'll keep that in mind. She goes to the hospital to bring food for us sometimes.
It helps the nurses kaya hindi na rin naman ipinagbabawal ng ibang doktor."

"Ayos lang naman."

"I'll talk to the nurses tomorrow-"

"Ayos lang naman! Hindi ko naman iniisip iyon..." agap ko dahil parang iniisip niya
na rin lahat lahat ng interaksiyon niya kay Ella.

I remember Almira is happy about her bringing free food. I can only imagine the
other nurses and their happiness for the free food. Iyon nga lang, ngayong iniisip
nila na sa kanya iyong panis na ulam, magpapatuloy pa kaya iyon?

"M-May tanong pa ako..." patuloy ko nang nakitang nag-iisip pa yata siya kung ano
pang gagawin niya.

His eyes caught mine and he waited for my next question. It's obvious he's a bit
tensed.

"Bakit... hindi ikaw ang gumamot sa akin noong... isinugod ako sa ER? Sa unang
pagkikita natin?"

Hindi siya gumalaw. Hindi rin umaliwalas ang mukha. Para bang lahat ng tanong ko
siniseryoso niya.

"I'm not a resident doctor. And it's the nurses' duty, I don't want them to see
that I'm being... unprofessional just because... it's you."

Uminit ang pisngi ko at natantong... Oo nga naman, Sancha! Ano ka ba?!

"Isa pa hindi ako sigurado kung kaya ko bang gamutin ka. Hindi ako kalmado kapag...
ikaw na."

"S-Sorry. Akala ko galit ka no'n."

Umiling siya. "I also don't know how to face you yet. I was a bit nervous."

Ngumuso ako at natantong pagkatapos nga pala no'n, nahuli niya ako na nag iispiya
sa kanila. How embarrassing! Kaya lang buti na lang at naalala ko iyon!

"I was near your house after the hospital to see if Tita Laura and Tito David are
with you. Kasi gusto ko silang kausapin."

"Hindi na naman kailangan, Sancha. Naiintindihan naman nila at hindi sila nagtanim
ng galit. Pero kung gusto mong kausapin sila, malapit na nga ang uwi nila.
Iimbitahan kita sa bahay... o kung mas kumportable ka puwede na ring ipapabisita ko
sila sa cafe mo."

Mabilis akong umiling. Ako na nga ang gusto makipag-usap, ako pa ang mang-aabala.
"Huwag na. Sabihin mo na lang kung kailan sila nariyan at kailan sila puwede.
Bibisita ako sa inyo."

He swallowed hard and slowly nodded. Naghihintay pa siya ng tanong o sasabihin ko


kaya lang... sa puntong ito... isa na lang ang nasa isip ko.

The cold dusk wind blew and I realized we've been here for a while now. Sa parking
lot sa harap ng ospital sa La Carlota.

Noong bata pa ako akala ko sa magagandang lugar dapat ang mga magagandang
nangyayari. I see special and sweet moments on pretty places, like the Eiffel
tower, or the beach, or other pretty places. The first time I tried my best to tell
him my feelings, it was on a very random and ugly place. Now it's in another random
place. At kung noon, ayaw kong may makarinig, ngayon wala na akong pakealam.

"Sinasagot na kita. I'm your girlfriend now, Alonzo."

Nagkatinginan kaming dalawa. Hindi siya gumalaw o nagulat man lang. O kung nagulat
man, hindi kita iyon. Mas lalo lang lumakas ang pintig ng puso ko at naduduwag na
naman. Sinubukan kong muling lagpasan siya, hindi pala kayang magsalita habang
titig na titig siya sa akin. He blocked my way again.

"Sandali lang, Sancha," he said in a controlled voice.

Yumuko ako, kinakaabahan pa lalo.

"A-Anong..." he sighed, he couldn't complete a question. "Paano..."

Kinagat ko ang labi ko.

"Bakit mo ako sinasagot?"

Shocked at his weird question, napatingin ako sa kanya. He struggled for better
words but he could only sigh tensely.

My long, long rehearsed confession from years ago was reduced to two words now.

Nakakatawa dahil kanina lang determinado akong magsalita at tuluyan nang ituloy ang
pagsasabi ng nararamdaman pero sa puntong ito... dalawang salita pa lang ang kaya
ko.

"Mahal... kita."

He licked his lower lip and sighed heavily.

"Mahal din kita, Sancha."

I smiled and wondered if he'd want the whole long confession I wanted to tell him
years ago. I know he deserved it. His confession for me was everywhere from the
very beginning. Hindi na kailangan pang magtanong dahil lahat ng kilala, alam na
ako nga ang gusto niya. So he deserved my long, long confession from years ago.

He stepped closer a bit. I struggled for words, too.

"I know you e-expected a confession... like before but right now-"

"Ayos na 'to, Sancha. This is more than what I expected," he said huskily.

💕💕💕
KABANATA 36
Boyfriend

We stood there silently, watching each other. O siya lang talaga dahil ilang beses
kong iniwas ang tingin ko dahil pinag-iinitan ako ng pisngi habang tumatagal.

"Uh, may ibang gagawin ka pa ba rito sa La Carlota? Tapos na kasi ako kaya uuwi
na..." I said to disturb our deafening silence.

"Let's have dinner first, before going home."

Unti-unti akong tumango. Iniisip ko naman talaga 'yon kanina kaso baka lang gusto
niya nang umuwi na. "May alam akong madadaanang restaurant. Doon na lang."

"Magpaalam tayo sa mga magulang mo. Baka mag-alala sila na ginabi ka."

"Sanay na naman sila na ginagabi ako. Pero... uh... sige, magpapaalam ako."

Sumulyap ako sa sasakyan ko. Umatras siya at lumapit na sa pintuan. Sumunod ako. He
opened the car door for me.

"Thanks," sambit ko bago unti-unting pumasok.

"You're welcome. Mauna ka. Susunod ako."

Tumango ako at pinaandar na ang sasakyan. Sinarado niya ang pintuan at umikot na
siya. Hinintay kong makapasok siya sa sasakyanan bago ibinagsak ang noo sa
manibela. Hindi ako makapaniwala! This is really happening, isn't it? He is now
really my boyfriend.

Dati pa lang, mahal ko na siya. Walang ipinagbago iyon. Nang nakita ko siya ulit,
tama si Ella nang sabihin niyang bukod sa gusto kong humingi ng tawad, umasa nga
ako ng kaunti na gusto niya pa rin ako. When he courted me, the only reason why I
didn't say yes immediately was because I wanted to get to know him again. Kaya lang
sa isang linggong balik niya sa cafe, walang ipinagbago ang nararamdaman ko. I
still do like him so much. I've never liked someone the way I liked him. This is
not just because he loved me from the very beginning. I've had a few friends who
claimed they loved me, but never did I once got intrigued and hooked the way Alonzo
got me years ago.

Hindi ko tuloy alam paano maging girlfriend! Ni wala man lang akong experience
paano 'yon! I'm already old enough and yet I'm new to this!

Mamaya pag-uwi ko, magbabasa ako sa internet kung paano ba maging girlfriend!
Nakakahiya naman!

Sa tabing parking lot lang siya nag-park. Nasa labas na ako nang lumabas siya sa
sasakyan niya. We looked at each other and the only thing running on my head is...
'I can't believe he's my boyfriend!'

"Pasok na tayo?" yaya niya.

"Okay."

Sabay kaming pumasok. My mind is just stuck on the boyfriend thing. Tahimik siya at
pinaupo muna ako bago siya. Agad na dumating ang menu kaya tumingin muna kami ng
io-order.

"Anong gusto mo?" he asked.


Lagi akong kumakain doon kapag napapadaan kaya sinabi ko lang ang order. Ginaya
niya lang ang gusto ko at nagdagdag ng isa pang ulam. We ordered drinks then after
that, the waiter went away.

Kilala pa rin naman sa parteng ito ng Negros, mabuti na lang din at hindi naman
ganoon ka kilala katulad sa Altagracia. I can only imagine the people around us
losing their eyeballs for staring at us too much. Dahil alam ng lahat na may gusto
si Alonzo sa akin, isang malaking scoop na magkasama kami sa dinner. Hindi pa
nakakatulong na boyfriend ko na nga siya. Hindi man namin isisigaw iyon, pakiramdam
ko may paraan para makabasa ng isipan ang mga taga Altagracia. Bago pa namin
tahimik na ma enjoy ang isa't-isa, marami nang mang uusisa.

"Maaga kang nag out?" tanong ko dahil hindi naman sa ganoong oras siya dumadating
sa cafe sa regular days na may duty siya.

"Nag half day ako," aniya.

A bit shocked, I smiled. "Puwede pala 'yon?"

"Tatlong minor procedure lang naman ang nagawa ko nitong nakaraan at outpatient pa
ang dalawa. At tinapos ang mga nakapila sa clinic kaninang umaga bago nag announce
ng halfday."

Okay, I slightly don't understand but well it's his work. Tumango ako.

Nakatingin ulit siya sa akin. Umunit ang pisngi ko at hindi nakatagal sa paligsahan
ng titigan.

"I'm sorry. Uh... S-Sigurado ka bang..." parang hirap pa siyang maghanap ng pag-
uusapan. "Ayos lang sa'yo na ikaw ang pumunta sa amin kapag nariyan na sina Mama at
Papa? Gusto rin kasi nilang bumisita sa cafe mo at baka lang mas kumportable ka
kapag ganoon?

Napakurap-kurap ako. "Hmm. Ayos lang naman na pumunta ako. Uh, matagal na rin akong
hindi nakakabisita sa inyo, isa pa, ako ang may sadya kaya..." I trailed off. "At
pwede rin naman silang pumunta sa cafe kung kailan nila gusto. I just think it's
better that I visit since... it's my request to see them."

"Alright." Tumango siya at tumitig ulit.

I'm not sure but I find it so awkward! Para akong laging kinukuryente sa titig
niya. Is that healthy in a relationship? I really should read more about
relationships!

"Uh, I'm not in a hurry but I just want to know what are your plans about...
telling your family about us."

My lips parted. I honestly haven't thought about that but now that he mentioned it,
I realized I do need to think about it! Siyempre ayaw ko namang ilihim namin ang
relasyon namin. Hindi na kami mga bata! It's just horrifying to think about the
reaction of the people in Altagracia, including my parents!

"Don't get pressured! I'm not in a hurry. I just want to know if... I should answer
honestly when I'm asked or... I don't know..." si Alonzo. "Do you want to take it
slow? It's okay."

"Uh, kapag may magtatanong sa akin tungkol sa'yo... o kung tayo ba..." I glanced at
him. "I would answer... honestly. Hindi ko naman ililihim. Bakit? Tingin mo mas
mabuting ilihim muna?"

Umiling si Alonzo. "Hindi, Sancha. Ganyan din naman ang iniisip ko. It's just that
I want to know if... you feel the same about this."

Tumango ako. "Ayos lang naman sa akin na sabihing boyfriend kita. O kumalat man...
After all, we're both adults so..."

He nodded as well. "You're right!"

"Sure I want to enjoy our privacy but that doesn't mean we'd keep it a secret."

"I don't want to keep it a secret either."

"But... uh... maybe I can only do it when I'm asked. Though I'll try to tell my
parents about it."

"Take your time, Sancha. I want to do it in your pace."

Natigilan ako at napatingin sa kanya. "How about your pace, then? G-Gusto mo ba ng
mas mabilis."

"Ah, hindi naman. Kung ano ang gusto mo, iyon din ang gusto ko."

Ngumiti ako at tumango. Dumating na ang pagkain at kumain na kami. It was another
awkward thing and it frustrates me how I'm always nervous around him. Ganito ba
talaga? Will I ever be comfortable? I hopw so. He seems comfortable with me! And
he's trying his best to make me comfortable, too, by putting food on my plate.

"Ayos na ba 'yan?" he asked.

"Oo. Thank you," sabi ko pagkatapos niyang nilagyan ng ulam ang aking pinggan.

"I'll visit early morning tomorrow sa cafe. Papasok ka ba?"

"Actually, it should be my rest days but... papasok ako ng umaga." I changed my


mind. Nakakahiya naman!

Kumunot ang noo niya. "Bakit? You should rest. Your week last week was hectic."

Tumango ako. "Bubuksan ko lang naman. Isa pa, I can't fully rest because I have a
Cebu branch to maintain. Uuwi siguro ako pagkatapos kong mabuksan o baka bumisita
sa salon saglit."

"Haircut?"

Umiling ako. "Maybe hair treatment and manicure..." I trailed off and I realized
I'm trying hard to be comfortable! Nakakahiya na naman!

"Pupunta pa rin ako ng umaga. Bibili ng merienda," sabay ngiti ni Alonzo.

"Nandoon naman ako at ihahanda ko ang merienda mo. Huwag mo nang bilhin."

"No, it's okay, Sancha-"

"Coffee, water, and snack lang naman. Ipaghahanda kita ng something healthy para sa
merienda mo."

"Talaga?"
Tipid akong ngumiti at tumango.

"Alright then. But promise me you'll make me pay for our dinner, kung magdidinner
tayo ulit sa cafe mo?"

Ngumuso ako. Ayaw ko rin siyang pagbayarin ng dinner namin lalo na kapag nasa cafe.
Pero pumayag siya sa snack, baka hindi na papayag sa dinner. Maybe eventually,
we'll get there, huh?

"Alright. Bukas, pagkatapos mo, baka tapos na rin ako sa spa niyan. Uh... puwede
ako sa dinner."

He smiled. "Sige. Nasabi ni Almira na puwede tayong bumisita sa kanila kapag


nakalabas na ang Mama niya sa ospital. Hula ko'y kung hindi ngayon, baka bukas ng
umaga ang labas kaya puwede tayong bumisita sa kanila after dinner."

Tumango ako at masaya na maayos na ang Mama ni Almira. Ano kayang dadalhin kong low
carb dessert?

"Susunduin kita sa spa. Doon ba malapit sa building n'yo? Doon na lang ako
didiretso pagkatapos magbihis."

Pagkatapos naming kumain, nagpasya na rin kaming umuwi. Naisip ko nga'ng puwede pa
naman magtagal kami. We can still talk more over coffee but I guess we can do it
some other time. Lalo na't wala kami sa Altagracia at babiyahe pa. Bukod pa roon,
ang alam lang ng pamilya ko ay nagpa check up ako. I texted Mommy I'll go home late
and have dinner out but aside from that, she doesn't know I'm with Alonzo.

Hindi pa nakakalayo sa lugar, nakasunod si Alonzo sa sasakyan ko, agad tumunog ang
cellphone ko sa tawag ni Ate Peppa. I answered.

"You're not home yet. Uuwi na kami," panimula ni Ate Peppa. "Inaantok na ako."

"Nasa bahay ka, Ate?"

"Yes. Sabi ni Manolo pag-uusapan natin ulit iyong tungkol sa nangyari noong weekend
but it seems like everything is okay now so there's really no need to talk about it
anymore. Huwag mo na ring isipin iyon. I went to check on the victims, they all
told me that it's probably the spaghetti. Kaya ayos lang, Sancha."

"A-Ah... Thank you, Ate. Uh, pauwi pa lang kasi ako."

"Okay. Magpapaalam lang ako na uuwi na. Kanina pa naglilikod sina Ramon kaya pagod
na rin. Take care on your way home. How was your check up by the way?"

"Ayos naman, Ate."

"Good." I can hear my nephew ranting on the background.

Nagpaalam na rin si Ate Peppa. Nang nalapit na sa bahay, tumawag si Alonzo sa akin
para sabihing ihahatid ako hanggang gate bago siya didiretso sa kanila. Nang lumiko
na ako sa gate namin, tuluyan na rin siyang nag u-turn at umalis na.

Pagkalabas ng sasakyan, paulit-ulit kong inisip kung dapat ko ba siyang inimbitahan


papasok ngayon dito. Kaso mas maganda nga'ng magdahan-dahan. Hindi ko pa alam kung
handa ba akong umamin sa parents ko tungkol sa amin.

"Kumusta ang check up?" muntikan na akong gumulong sa hagdanan ng double doors
namin.

Wala sa sarili akong umakyat. Ni hindi ko napansin na nakatayo si Kuya Manolo sa


pintuan. Naririnig ko si Mommy na kinakantahan siguro si Manuella sa loob at si
Daddy na tumatawa at idinideklarang inaantok na ang apo.

"Ayos lang, Kuya."

Tumango si Kuya at bumaba ng ilang palapag para salubungin ako. Nakita kong
sumungaw si Camila sa may pintuan at umiling na lang para sa asawa.

"Hinatid ka ni Alonzo? Nakita ko sa CCTV, may Subaru na nag u-turn sa labas," he


said, straight to the point.

Great! So much for taking it slow! I said if I'm asked, I won't deny it.

"Ah. Yes, Kuya."

"Galing? La Carlota?"

"Uh, oo," sabay patuloy ko sa pag-akyat, gustong iwasan ang usapan.

"Magkasama kayo? Kayo na ba?"

Muntik na akong pumikit ng mariin.

"Manolo..." I heard Camila.

I gave her an assuring smile before I faced Kuya.

"What? It's okay, that's normal. Nagtatanong lang ako," sagot ni Kuya sa tawag ni
Camila.

"Oo, Kuya."

"Oo, ano?" nagtaas ng kilay si Kuya Manolo.

My goodness, do I have to say it again. Or elaborate my answer.

"Kami na."

"Boyfriend mo si Alonzo?"

Napatitig ako kay Kuya, hindi na alam kung niloloko niya lang ba ako o totoong
hindi niya maintindihan.

"Ba't 'yon hindi pumasok dito? Natatakot?"

Umiling ako. "Hindi naman, Kuya. Pero... uh... kasasagot ko lang kasi sa kanya at
ayaw niyang pangunahan ako kung... kung nahihiya pa akong magsabi. Uh, he wants to
tell the f-family but..." as I go on with the explanation, mas lalo lang akong
nahiya!

Hindi ko alam kung naisip ba ni Kuya na may chance nga kami ni Alonzo. Alam niya
siyempreng may gusto si Alonzo sa akin at kalaunan, nang umamin ako noon, alam din
niya na gusto ko si Alonzo. Hindi nga lang masyadong ina-acknowledge na may gusto
rin ako pero sigurado akong alam niya!

"Kasasagot? Uso pa ba 'yang ligaw-ligaw na 'yan?" humalakhak siya, para bang


kinakantiyawan si Alonzo.

"Manolo, tama na nga 'yan. Huwag mong igagaya si Alonzo sa'yo," Camila in a low
voice.

"Si Sancha, nariyan na? Oh, hija! Kumusta ang check up?!" si Mommy nang natanaw
ako.

Matalim akong tumingin kay Kuya bago tuluyang pumasok sa bahay. The smirk is on his
lips as he followed while his arms are crossed. I can hear Camila's whispers for
her husband.

"Ayos naman po."

"Tumawag ako kaninang umaga sa ospital, to check on you. Nalimutan kong sa La


Carlota ka nga pala. Ba't ka nga ulit hindi sa ospital dito? Mas okay sana rito
dahil marami tayong kilala."

"Ah, okay rin naman po sa La Carlota. Ayos naman ang mga results ko roon, Mommy,"
sabi ko sabay halik sa kanya at kay Daddy. Nakita kong naglalaro pa si Manuella sa
sala.

"Sigurado ka? Ipadouble check kaya natin? Dito na sa Altagracia para mas tiwala
tayo."

"Ah. Ayos na po 'yon. Pareho lang naman po 'yon."

"Oo nga, at nandoon si Doctor Salvaterra."

"Ah, s-surgeon naman si Alonzo kaya..." I trailed off.

"Sigurado kang ayos lang ang results? 'Yong allergy mo, walang problema?"

"Oo naman po."

Mommy smiled. "Good." Lumipat ang tingin niya sa likod ko, kung nasaan si Kuya.
"What's with the smirk on your face, Manolo?"

Kinabahan ako bigla. I was very certain that Kuya will suddenly tell them Alonzo is
my boyfriend! I stiffened. I know I said I won't deny it but it would be better if
I was ready! At isa pa... kasasagot ko lang kay Alonzo! Hindi ba puwedeng ienjoy
muna namin ito ng walang ganitong bagay?

"Nothing, Mom. Uuwi na kami. Nandito na naman si Sancha."

I was so relieved. Pagkauwi nina Kuya, at pagkatapos kong ipakita ang results ng
check up ko, 'tsaka pa lang ako umakyat sa kuwarto.

Mabuti na lang at hindi pa naman natulog si Alonzo. I told him that Kuya Manolo was
on our house and of course I told him about his questions... and finally my answer.

Alonzo:

Can I call? So we can talk better.

Ako:

Alright!
Hindi kalaunan, tumawag na nga siya. He was a bit worried, I think. Hindi ko man
sinabi sa kanya na akala ni Kuya na natatakot siya, alam kong gusto niyang magsabi
kay Kuya tungkol sa amin. But of course, he's torn because he doesn't want to
pressure me so much about it.

"It's okay. Nagpa-plano ako na... sabihin kay Mommy at Daddy, eventually. Uh...
maybe within this week. I don't know."

"Do you want me to be with you as you tell them, Sancha? Gusto ko rin naman iyon
pero importante sa akin kung alin ang mas kumportable sa'yo."

"Uh, puwede namang ako muna. Then after I talk to my parents, you can... talk to
them if you want."

"Okay. Just tell me when."

Ngumiti ako at tumango. "I'll tell you."

Hindi siya agad sumagot. Nagtaka ako pero nang tuluyan siyang nagsalita, parang may
humawak sa puso ko.

"I... hope they'll like me."

Napasinghap ako sa sinabi niya. They do, Alonzo. Kahit pa anong eskandalo ang
pumagitan sa atin noon, nasisiguro kong magugustuhan ka nila. With the man you've
become right now, I am lucky that you still love me.

"They do."

He chuckled and sighed. "Thanks, Sancha."

Hindi pa rin ako makapaniwala na kami na. Pagkatapos ng tawag na iyon, nakatulog na
agad ako. He only asked me how I went through with my check up. It's actually feels
like he's observing me like a specimen as he listened and threw his questions at
me.

Nilapag ko sa counter ang hinanda kong merienda para kay Alonzo. It's a large bowl
of chicken salad. Gusto ko sanang ibenta ito rito, gaya sa Cebu. Pero titingnan ko
muna kung magugustuhan ba nila lalo na't medyo may kamahalan iyon kumpara sa ilang
dessert.

"Good morning!" si Alonzo nang nakalapit sa counter.

Pinagmamasdan ko siya kanina na papasok dito, hindi pa rin ako makapaniwala na


boyfriend ko siya. Ngumiti ako at itinulak ang hinanda kong baon niya. May isang
tumbler ng tubig doon at isang baso ng kape.

"Good morning. Snacks mo," sabi ko.

Naramdaman ko ang lingon ng kaherang naghihintay na magbabayad si Alonzo. Hindi na


rin siya nagkumento.

"Thank you. Anong oras ka sa salon at spa?"

"Mamaya pang alas diez. Hindi pa open ngayon at uunahin ko muna ang mga trabaho ko
para sa Cebu branch ko."

"Alright! Text me when about your activities. At tumawag si Almira kanina kung ayos
lang daw kaya sa'yo na sa kanila tayo mag dinner mamaya. Request ng Mama niya."
Tumango agad ako. "Sure!"

"I'll tell her, then."

Nagtagal ang tingin niya sa akin. I smiled. He sighed and shook her head a bit
before he said his good bye.

"Take care sa... trabaho!" sabi ko, isang bagay na nabasa ko sa research ko bago
matulog kagabi.

"Take care with your activities, too," he said and left.

Naabutan kong nanonood at nakikinig ang iilang waitress doon. Nang nakita nilang
binalingan ko sila, mabilis na nagpatuloy sa gawain. I smiled, though. Nothing can
kill my mood.

💕💕💕
KABANATA 37

Relationship

Pinakamataas na building sa Altagracia ang building kung nasaan ang salon at spa na
pinuntahan ko. I'm trying hard to relax but my mind just keeps on wandering about
Alonzo. Ano ang ginagawa niya ngayon? Busy ba siya? For sure, he is.

I was inside the spa for almost three hours for the sauna, massage, and body scrub.
Hapon na nang nasa salon ako. Laking gulat ko nang nakita si Ella na nakaupo na sa
isa sa mga upuan sa harap ng salamin. What are the chances that we'd see each other
here? Kung sa bagay, eto lang yata ang maayos na salon sa buong Altagracia.

"Si Miss Sancha, unahin mo!" utos ng nasa counter sa bading na nasa likod ni Ella.

Nilingon ako ni Ella, may galit sa itsura dahil sa utos. It was unjust, after all.
I know our family is famous and rich but that doesn't mean I get a special
treatment.

Naupo ako sa waiting area kahit pa lumapit na ang bading sa akin.

"Anong sa'yo, Miss Sancha?"

"Ah, unahin n'yo po muna siya."

"Hair treatment?" tanong nito, inignora ang nauna kong sinabi.

I gritted my teeth and realized I should do the treatment later. Para lang mauna si
Ella sa akin.

"Manicure and pedicure lang po muna."

"Oh!" aniya sabay tingin sa isang babaeng ganoon yata ang trabaho.

"Hair treatment, Miss Sancha?"

"Mamaya na po ako magdedesisyon. Unahin ko na lang po ang manicure and pedicure,"


sabi ko para bumalik na nga siya kay Ella.

"Sige, Miss Sancha."


Mabuti na lang at nauna namang inayusan si Ella. I heard their conversation and I
felt bad.

"Akala ko ba hair treatment?"

"Hindi na. Trim na lang at nawalan ako ng gana," aniya.

Hindi na ulit lumipad ang iniisip ko. Hindi na natanggal ang sinabi ni Ella. Inisip
ko rin ang nangyari nitong nakaraang weekend. I can't stay near here and say
nothing. I feel like words were always at the tip of my tongue. Kaya naman
pagkatapos niyang magbasa ng buhok, hindi ko na napigilan. Nagsimula na ang pag-
aayos sa kuko ko.

"Ella, I'm sorry about what happened at Almira's birthday party."

Nagulat siya sa pagsasalita ko. Para bang hindi niya inasahan na kakausapin ko pa
siya.

"Ba't ka nagso-sorry? Dahil ikaw naman talaga ang may kasalanan pero ako ang
nasisi?"

Maagap akong umiling. "No, I had my sweets tested and they're all negative. I-I
just feel bad for what happened-"

"Stop it, Sancha. Itigil mo na ang bait-baitan mo."

I stopped and I realized that whatever I'll do, Ella just wouldn't understand
anything. Her anger for me seems deep-rooted. Wala kaming ibang alitan kundi ang
nangyari kay Alonzo ilang taon na ang nakalipas. Hindi ako sa Altagracia
nagkolehiyo kaya bukod doon, wala na kaming ibang puwedeng interaksyon o pag-
awayan. Maybe it affected her so much, the way it affected me. Maybe she just would
never forgive me for what happened.

"You always act so kind even though I know you have other things and motives in
mind. Kaya iniisip ko tuloy kung ano naman ang motibo mo sa pagpunta mo rito at
pakikipag-usap sa akin."

"Hindi ko alam na nandito ka. I am just resting after a week of stress for the
opening of my business."

"And you think I would believe that? Sancha, you're a scheming bitch and nobody
notices that but me."

Napasulyap ako sa nag-aayos sa buhok ni Ella. Napaangat din ng tingin ang nagpe-
pedicure sa akin. Kung alam ko lang na ganito ang magiging usapan, hindi na sana
ako nagsalita pa.

"I don't know how you fool people. Siguro dahil mayaman ka at bait baitan kaya
lahat naloloko mo, pero ako..."

"Hindi ko alam kung paano mo nasasabi 'yan, Ella. I know I'm not that kind. I have
my own negative traits but never did I once try to fool anyone with it. Alam kong
galit ka sa akin simula noong nangyari kay Alonzo at kung hindi mo ako mapapatawad
sa nangyari, hindi kita masisi dahil ilang taon ko ring sinisi ang sarili ko
tungkol doon."

"Buti naman at may konsensiya ka, Sancha. I'm sure Alonzo will eventually notice
what I'm talking about. You always play innocent when the truth is you're not. Gaya
sa nangyari noon. Kunwari ka pang si Alonzo ang dapat sisihin, e, kitang kita sa
video na ikaw ang nag initiate ng halikan! Ang landi mo, si Alonzo ang sumalo sa
kalandian mo. At ngayon, nilalandi mo na naman siya dahil gusto mo siya!"

Kitang-kita ko ang gulat sa itsura noong bading. Ginugupitan niya na si Ella at


napatigil siya para lang sumulyap sa akin. Tumikhim ang nasa counter na para bang
pinipigilan kami na mag-away. I want it to stop, too, but I think opportunities
like these don't always come.

"Nasisiguro kong kita rin ni Tita Laura at Tito David iyon! Nakakahiya ka, Sancha."

"Yes, initiated that kiss. I explained myself so many times with the counselor and
the school but it's done. Alonzo was gone. I tried hard to take the blame but maybe
it's all too late. Malandi na ako, gaya ng sinasabi mo. At sige, scheming bitch at
bait-baitan, Ella. I do hope Alonzo notices that, I'll tell him, or maybe you tell
him your side of it or whatever your opinion of me. Para maaga pa lang kami sa
relasyon namin, iwan niya na ako at hindi na kami mahirapan pa."

Namilog ang mga mata ni Ella at biglaang napatayo. Tinanggal niya ang nakatapis sa
kanyang leeg at ibinagsak.

"Kayo na?"

Hindi ako nagsalita. She laughed a bit and shook her head.

"Kita mo na? Ang bilis mo rin, 'no? Kaya ang tapang mong humamon sa akin?"

She walked out of the salon. Tahimik ang mga tao roon buong pagpapaayos at
treatment ko. I saw Alonzo's text for me earlier that day. May minor procedure daw
siyang gagawin at magtext lang ako kung nasaan ako at kung matagalan siya susunduin
niya na lang ako sa cafe.

Almira:

Nandito si Ella, hinahanap si Alonzo. Anong mayroon?

Paulit-ulit kong binura ang mga tinipa ko. Hindi malaman ano ang sasabihin kay
Almira tungkol diyan. I might have been too carried away by our argument. Dapat ba
hindi ko na sinabi iyon. Pakiramdam kasi ni Ella, nanloloko ako sa lahat. Kung iyon
ang tingin niya, hindi ko siya pipigilan na ilantad ako kung gusto niya.

Ako:

May kaunting hindi pagkakaunawaan lang. Baka mag-uusap lang sila ni Alonzo.

Almira:

Huh? Bakit? At hinayaan mo? May ginagawa pa si Alonzo.

Ako:

Ayos lang naman, Almira.

Nasa kalahati na ako ng hair treatment ko. Sinulyapan ko ang cellphone para sa
mensahe ni Almira. Kalalapit naman ng hairstylist para mang usisa.

Almira:

Anong ayos lang? Ayos lang si Alonzo at si Ella?


"Siguro inggit lang 'yon sa'yo, Miss Sancha. At totoo naman na sa kanya galing
'yong food poison, e," sa wakas ay nagsalita simula ng umalis si Ella.

Bahagya akong nahiya na narinig pa nila ang alitan namin ni Ella. Umiling ako.

"Hindi naman 'yon napatunayan. At... may punto naman ang dahilan ng galit niya sa
akin."

Natahimik ang hairstylist, medyo nahiya dahil sa sinabi ko. He changed the topic
and we talked until the end of my treatment.

Patapos na ako sa treatment ko nang nakita ang iilang message galing kay Almira at
may mga tawag pa. Palapit ako sa sasakyan ko nang nabasa ang mga mensahe ni Almira.

Almira:

May LQ kayo ni Alonzo?

Almira:

Pupunta pa naman kayo mamaya, hindi ba? Sa bahay?

Almira:

Reply ka naman diyan! Hindi ako makapagtanong kay Lonzo kasi hindi pa siya tapos!
Baka mamaya dahil sa bruhang si Ella nag-aaway na kayo???

Almira:

Puntahan kita sa cafe mo.

Ako:

Papunta pa lang ako sa cafe. Sorry sa late na reply.

Nagmadali ako papuntang cafe. Iniisip ko ang mga mensahe ni Almira. She's worried
about us. There's just nothing to worry about.

Nakita ko siyang lumabas sa cafe. Kasama niya si Axel, na nanatili sa loob. Naka
uniform pa si Almira, except sa blusa. Pagkalabas ko sa sasakyan, agad niya akong
sinalubong. She looked worried.

"Anong problema n'yo ni Lonzo?" her first words.

Napakurap-kurap ako bago umiling. "Wala naman, Almira."

"Bakit sinabi mong okay lang na nandoon si Ella? Pinagkakanulo mo na si Ella sa


kaibigan ko? Ito talagang si Lonzo, napakabagal! Kailangan pa ng tulong ko! Nag-
aalala ako na baka hindi mo maintindihan ang kabagalan no'n!" she said worriedly.

Tumikhim ako at sinarado muna ang sasakyan bago muling hinarap si Almira.

"Anong pinag-awayan n'yo ng bruhang 'yon? Anong mga sinabi sa'yo?"

"Ah, tungkol lang sa nangyari nitong nakaraan. At iyong... sa eskandalo rin noon.
Kakausapin daw niya si Alonzo dahil..." I'm not sure if I should tell her, though.
I don't remember trusting anyone for a long time.

Nag-angat ako ng tingin kay Almira. Halatang naghihintay siya sa sasabihin ko.
Napansin niya rin ang pagpipigil ko. Nagbuntong-hininga siya at humalukipkip.

"Alam mo, Sancha, ayaw kong manghimasok sa inyo ni Alonzo. Pero ilang taon na rin
ang lumipas at sa lahat ng tao rito sa Altagracia, ako na siguro ang nakakaalam sa
nararamdaman niya para sa'yo."

Kinagat ko ang labi ko, hindi pa rin makapagdesisyon kung sasabihin ko ba kay
Almira ang buong nangyari.

"Look, I'm one of his oldest friends. I liked him when we were in highschool, I
admit it. He's one of my few crushes."

Namilog ang mga mata ko. She smiled.

"Why are you shocked? He's handsome and a gentleman. Ang problema, mabilis
mambasted. Ilang confession na rin ang nasaksihan ko na agaran niyang
tinatanggihan."

She sighed again and continued.

"Senior high nang nalaman ko na gusto ka niya. At noong nagcollege, pabiro ko 'yang
sinabihan na gusto ko siya pero biniro lang ako pabalik. Alam mo kung anong sinabi
niya sa akin?"

Umiling ako, hindi malaman kung bakit nangingiti.

"Magkaibigan lang tayo, Almira. Alam mo naman na si Sancha ang gusto ko," she
echoed. "We told him many times how he's not compatible with you because you're
rich, and he's not!"

"H-Hindi naman problema 'yon."

Almira chuckled. "He said... crush ka lang naman daw at bata ka pa kaya marami pa
siyang panahon para patunayan ang sarili... and that in time, he will deserve you."

Umawang ang labi ko at yumuko. Bahagyang naantig sa kuwento ni Almira tungkol kay
Alonzo.

"Everyone probably thought he doesn't mean it but I know Lonzo. I was the only one
who noticed how serious he is... with this. Even when he'd always say... 'crush
lang naman'." Umiling siya. "Gusto ko lang sabihin sa'yo 'to ngayon kasi nakikita
kong ang bagal niya. And with Ella around, I don't know what will run on your
mind."

Hindi ko alam kung kailan naalis ang nakadagang pagdududa sa aking puso para sa
kanya o para sa ibang tao pero nang inangat ko ang tingin ko sa kanya, naramdaman
ko na handa na ako... na magtiwala ulit.

"Gusto lang naman kausapin ni Ella si Lonzo kasi... tingin niya minamanipula ko ang
sitwasyon at... niloloko ko si Alonzo at ang mga tao sa paligid ko. And... she has
every reason to think ill of me because I left a bad impression on her years ago.
When Alonzo took all the blame when the truth is... I initiated that kiss."

Ngumuso si Almira, nakikinig ng mabuti sa akin.

"I initiated the confession because I like him. And the kiss, too. He's just too
polite to push me away."

"Okay, let me get this straight. You're right. You were at fault, too, for that but
you were young. Steffi was too blame for the video and for framing you up, and
Alonzo for... well... not pushing you away. Ano man ang sabihin ni Ella ngayon,
wala na 'yon. Ang tagal na no'n! Alam ni Alonzo ang nangyari at hindi ka niya
sinisi kaya bakit si Ella, na wala naman dapat bilang, nagkakaroon ng karapatang
masisi ka? My goodness, I'll step up my game if you reject my best friend just
because of that stupid irrelevant girl!"

"Uh... k-kami na ni Alonzo."

Natigilan si Almira. Unti-unting namilog ang mga mata niya at lumipad ang kamay sa
labi. She laughed a bit bago siya sumimangot.

"Wait. Hindi mo naman siya hihiwalayan dahil kay Ella."

"B-Bakit? Gusto niya ba si Ella?" I asked a bit curious.

"No! Of course not! Did you hear my story about him?" umirap siya. "Seryoso ka?
Tuloy kayo mamaya, ah?"

"Oo naman. Dito na kami magkikita ni Alonzo bago tumulak sa inyo."

Pagkatapos kong sabihin iyon, nakita ko ang sasakyan ni Alonzo na lumiko patungo sa
station. Tumawa ulit si Almira.

"My goodness, natakot ako roon, ah! Nagpunta pa talaga ako rito para ilakad 'tong
kaibigan ko! Akala ko nagbabagal! Iyon naman pala may sariling diskarte! Buti na
lang! Pero walang kuwenta pala ang mga sinabi ko!" ani Almira habang tinatanaw ang
sasakyan ni Alonzo na nagpa-parking.

Hinawakan ko ang kamay ni Almira. She's right, though. There's just no need to
panic. I told Ella she can go and talk to Alonzo. Hindi ko rin naman alam ano ang
magiging reaksiyon ni Alonzo pero hindi magbabago ang nararamdaman ko dahil lang
doon.

"Hindi walang kuwenta, Almira." I said, taking all her words today as the reason
why... I trusted someone again. "Thank you... sa pagpunta at pagsasabi sa akin."

She smiled. "You're welcome. This is for him. And maybe for you... because you...
love him."

Lumabas si Alonzo, seryoso ang mga mata habang lumalapit sa amin ni Almira. Bagong
ligo at iba na ulit ang damit.

"Ayan na ang boyfriend mo! Anong sinabi noong Ella na 'yon sa'yo? Baka nanira 'yon
kay Sancha, ah! At naniwala ka naman?!" si Almira na ngayon si Alonzo naman yata
ang kukulitin.

"Almira..." kunot-noong baling ni Alonzo.

She laughed and looked at me. "Alis na kami para makapaghanda sa bahay! Doon na
kayo mag dinner, ah! Nag expect na kami!"

Walang pag-aalinlangan siyang umalis. Bago 'yon tinampal niya muna ang braso ni
Alonzo.

"Umayos ka. Ang laki ng pusta ko sa'yo. Uuwi na si Levi, hindi puwedeng manalo si
Axel!" ani Almira. "Bye, Sancha! See you later!"

Napatingin kami ni Alonzo kay Almira na sinalubong ni Axel sa labas ng cafe.


Kumakaway ito habang papasok sa sasakyan nila. Sumisigaw-sigaw pa nang paalis na
ang sasakyan.

"Ayusin mo, Doc!"

Umiling si Alonzo bago bumaling sa akin. I cleared my throat.

"Uh, pumasok muna tayo sa cafe. Ihahanda ko lang 'yong mga dadalhin mamaya.
Katatapos ko lang kasi sa spa at..."

"Sorry, I'm late. May tinapos lang akong procedure. At... nandoon si Ella
pagkalabas ko. May problema ba?"

Umiling ako. "Nagkita kami sa salon at medyo nagkasagutan lang."

Tumango siya, halatang kuryoso sa sasabihin ko. "Inaway ka niya?"

"Inaway..." I chuckled a bit because that term feels strange. "Hindi naman. Hindi
lang kami nagkakaintindihan tungkol sa nangyari sa nakaraan at... marami siyang
iniisip na masama tungkol sa akin."

"You sent her to my office to talk to me about it?"

Kinagat ko ang labi ko. "Oo. Ayos lang naman, e. Baka rin naman tama siya sa
iniisip niya."

"Tama siyang... ano? Na minamanipula mo ako at nagkukunwari kang mabait?" ang


iritasyon sa boses ni Alonzo nang sinabi niya iyon ay nagpatahimik sa akin.

Hindi na ako nagsalita. He shifted his weight.

"I don't like it when anyone talks stupid things about you, Sancha. Why did you
send her to my office? I hope you didn't think I'd believe her."

Naghanap ako ng sasabihin pero talagang wala akong maisip.

"Pinaalis ko kanina sa galit ko. Please, don't tell me you think I'd believe her."

"Ayos lang 'yon. Hindi naman kasi talaga lahat ng tao magugustuhan ang kilos ko.
Kung tingin niya ganoon ako... at iisipin mong ganoon... wala akong magagawa."

"I'd never think-"

"Well, I just think it's okay if you hear her side. She's right... anyway... when
she said... I'm a flirt... I initiated our kiss years ago because of it... and
now-"

"That's not true!"

Nag-angat ako ng tingin kay Alonzo. "Ako naman talaga ang humalik sa'yo no'n. At...
ayos lang kasi aminado naman ako. I flirted with you because I like you."

Natahimik si Alonzo.

"Sabi niya... malandi raw ako. Totoo naman din-"

"That's enough! I don't want to hear it. It doesn't matter to me. You're my
girlfriend now. Who cares if you flirt with me?" he said as he closed the small
distance between us.
"Ang i-ibig kong sabihin... noon... bago naging tayo."

"Wala rin akong pakialam. It's normal. You like me so..." his last words were
spoken softly.

I licked my lower lip and felt a fluttering feeling on my stomach. Matinding init
din ang naramdaman ko sa aking pisngi.

"Ano ngayon? Nobody has the right to question what we do in our relationship. This
is ours. Kaya tayong dalawa lang, Sancha."

Unti-unti akong tumango.

"Don't worry. I told Ella to leave us alone."

My mouth dropped open and looked at Alonzo. Seryosong seryoso siyang nakadungaw sa
akin, halatang medyo pangit ang huling parte ng hapon niya. Badtrip.

"Hindi naman kailangan, Alonzo."

Kumunot lalo ang noo niya, dinadagdagan ko pa yata ang sama ng timpla niya.

"I mean..." I closed my eyes a bit. "Tara na muna sa cafe. Mag gagabi na, hindi ko
pa naaayos ang pasalubong ko sa Mommy ni Almira."

Matagal bago siya tumango.

💕💕💕
KABANATA 38

Perfect

Masaya ang Tita Evelyn sa pagpunta namin at mga dala ko. Nawala ang pag-aalalang
nakadagan sa akin nang nakitang masigla naman siya.

"Nasabi nga ni Almira na nag-alala ka. Kaya nag-alala rin ako at ayaw kong inaako
mo ang kasalanang hindi naman sa'yo."

"I just care also for the people who experienced it, po. Kasi sa industriya na
pinasok ko, alam kong iyon po talaga ang problema. Iyon po ang pinakainiiwasan ko
kaya naman natakot talaga ako noong inakalang sa sweets ko galing ang problema," I
said honestly.

"Gustong-gusto ko ang mga gawa mo. Gusto ko rin naman iyong kay Ella at siguro
hindi nga maiiwasan na minsan magkakaganoon. Sana lang huwag nang maulit pa at
delikado kung malala ang nangyari."

It's a good dinner for us. Magaan ang loob ko sa pamilya ni Almira at gaya ng dati,
kahit hindi naman talaga sobrang bait ni Almira sa akin, at mapang-asar pa, ayos na
rin naman siya.

"Magtanong ka sa akin kapag may mga pagdududa ka rito sa kaibigan ko at hindi niya
maipaliwanag ang sarili niya kasi hindi niya alam, ah!" si Almira sa malakas na
boses.

Nakakahiya pa dahil naririnig kami ng pamilya niya. May narinig pa akong nagtanong
sa Mama niya kung kami na raw ba ni Alonzo. Her mother answered positively and I
realized... just a day with him and I feel like the whole of Altagracia will know.
Alam ko namang gusto ni Alonzo na malaman ng mga magulang ko ang tungkol sa amin.
Ayos lang din naman sa akin iyon pero naghihintay lang ako ng tamang panahon. Kaya
lang... kung ganito na, mukhang kailangan na nga naming magsabi.

I don't want my parents to think that Alonzo is scared or something. He's not. He's
just being polite. He doesn't want to pressure me so even when he wants to inform
my parents, he's waiting for me.

Isa pa, ayon sa nabasa ko sa internet, isa rin iyon sa kailangang gawin sa isang
seryosong relasyon. Seryoso! Seryoso na pala kami?! Thinking about us make me blush
profusely.

"Salamat! Ang dami n'yong dala! Ang sasarap pa!" si Almira nang hinatid kami sa
pintuan.

Hindi na sila rito nakatira at uuwi na rin daw sunod namin. May ibinigay ako para
sa pamilya niya at mayroon din namang para sa kanya kaya tuwang tuwa siya.

"Hindi ka ba malulugi nito? S'yempre kahit mayaman ka, hindi puwedeng namimigay ka
lang ng negosyo!" usisa ni Almira.

"Hindi naman." I chuckled.

"Ingat kayong dalawa! Magpapaalam lang kami ni Axel saglit sa loob, susunod na
rin," si Almira nang nasa pintuan na kami.

Nasa labas nagpark si Alonzo. Sumakay muna ako sa sasakyan niya at ihahatid na lang
sa station para kunin ang sasakyan ko at susundan niya na lang ako pauwi.

Tinanaw ko ang bakuran pagkatapos ng pagpapaalam namin kina Almira at Axel.


Naglakad ako at sumunod si Alonzo. The breeze of the cold night blew as we started
walking towards the gates.

Bumagal ang lakad ko para mahintay si Alonzo pero masyado kong nabagalan na bahagya
siyang nauna. Sumulyap siya sa akin. Like a sudden streak of lightning, I felt that
it's the right time to do it. Madilim at kaming dalawa lang... naglalakad.

Ayon sa nabasa ko, holding hands is normal in a serious relationship so it should


be okay.

Slowly, I let my left hand slip on his right palm. I stiffened when his head darted
at me, a bit shocked at my move.

"Ang bagal mo, Lonzo! Inunahan ka na tuloy!" sigaw ni Almira na mukhang nakatanaw
pa yata sa amin sa bintana!

Napatalon ako bahagya at mabilis na binawi ang kamay. Bumilis din ang lakad ko at
naiwan si Alonzo dahil nilingon pa yata si Almira.

"Laki ng taya ko sa'yong manok ka! Ayusin mo kasi!" I heard Almira and I realized
Alonzo probably mouther her something.

Palapit na kami sa gate nang hinawakan ni Alonzo ang kamay ko. Natigilan ako at
napatingin sa kamay namin. Humigpit ang hawak niya. Nagkatinginan kami.

I heard Almira's shriek drowned by Axel's hearty laugh somewhere. I stiffened again
because I'm sure they're watching us.
"Hayaan mo na si Almira," ani Alonzo.

Unti-unti kong sinubukang kumalma. Hinayaan ko ang kamay naming magkahawak hanggang
sa pinagbuksan niya ako ng pintuan. Tahimik akong pumasok sa loob ng sasakyan niya.
Sinarado niya ang pintuan at umikot.

Kitang-kita ko ang malalim niyang iniisip habang naglalakad patungo sa driver's


seat. Uminit ang pisngi ko nang nadagdagan pa ang naiisip.

Ayon din kasi sa nabasa ko, normal daw ang... halikan.

I know I've kissed him before... on the lips but it's just... different. I know
better now. I was too aggressive back then. Siguro nalason ni Steffi ang isipan ko
pero hindi ko talaga naisip man lang na puwede namang... sa cheeks lang!

My mind is filled with thoughts about a kiss when there's something more important
that we need to do!

"Ngayong Biyernes ang uwi nina Mama at Papa pero may bibisitahin pa sila sa na mga
kaibigan kaya baka sa Sabado... puwede ka ba no'n?"

"Oo. Pupunta ako sa inyo!" sabi ko.

"I tried to convince them to come home tomorrow since I decided to have a half day
break tomorrow."

Napakurap-kurap ako. Wednesday bukas at hindi sana ako magtatrabaho rin dahil
nagpapahinga pa ako. Sa Thursday na ako babalik.

"Break?"

Sumulyap siya. "Oo. Ihinahanda ko lang din ang schedule ko kasi gusto ko rin sanang
gawing break ang Wednesday. Though, I have a patient so I might visit him tomorrow
and leave after. Hindi ka pa magtatrabaho bukas, hindi ba?"

"Uhm. Oo."

Malalim ang iniisip ko. Napasulyap ulit si Alonzo sa akin habang nagmamaneho.
Paliko na ngayon sa station.

"I realized... marami nang nakakaalam tungkol sa atin," sabi ko.

Nagpark na ang sasakyan niya sa tabi ng sasakyan ko. Nilingon niya ako at tumango
siya. Tinanggal ko ang seatbelts para maharap siya.

I am not sure, though, if he's ready. This might be a shock to him. I know I said
we'll take it slow but not keep it a secret but at this point... news will fly fast
to my parents and it's weird if we'll keep quiet.

"Sina Almira... si Ella. Tapos kahapon, nasabi ko rin kay Kuya Manolo."

Tumango siya at medyo natigil sa huling sinabi ko.

"Hindi ko pa nasabi kay Mommy at Daddy kagabi kasi nahihiya pa ako kaso kung marami
nang nakakaalam... pati pa ang nasa salon kanina, alam na boyfriend na kita. Baka
lang kumalat na at mahuli sina Mommy at Daddy."

Tumango ulit siya. "Puwede akong bumisita bukas sa inyo, Sancha. Para masabi natin
sa Mommy at Daddy mo."
Tumango rin ako. Iyon nga ang iniisip ko!

"I'll talk to them when I get home tonight. And tell them you'll be in our house
tomorrow. Anong oras ka puwede?"

"Umaga, puwede na ako, Sancha."

"Umaga?" medyo nagulat ako.

"Do you prefer it dinner tomorrow?"

"Hindi. Kung kailan ka puwede. Puwede na 'yong umaga!"

He chuckled. "Sorry. I just think I should do it earlier so they won't worry for
you."

Kumunot ang noo ko at natawa na lang. "Worry about me? Because you're my boyfriend?
I don't think so..."

Natawa rin siya. Sa huli, pareho kaming nagbuntong-hininga. Kabado ako at siguro
kabado na rin siya.

"Sigurado kang hindi na kita sasamahan ngayon? Kung sasabihin mo na sa mga magulang
mo?"

"Ayos lang. I think I'll be comfortable if I talk to them alone first. 'Tsaka kung
isama na agad kita, baka lang... mabigla sila sa pagbisita mo. That will be the
first time you'll visit since... then."

"You're right. Okay." He licked his lower lip and his eyes remained on me.

Ilang sandali kaming nagkatinginan. Tahimik na kaming pareho. Buti na lang


nagsalita siya. Unti unti pa namang namumuo ulit sa isipan ko ang ideya.

"Did you have fun today?" he asked.

"Yeah. Masaya ako na ayos na ang Mommy ni Almira." Masaya rin ako sa usapan namin
ni Almira. "Kahit pa medyo hindi maganda ang sagutan namin ni Ella."

He sighed heavily. "Dapat ay nagpahinga ka ng mabuti sa araw na ito. Hindi iyong


ganoon."

"Ikaw? How's your day so far?"

"A bit hectic earlier but... it's fine now."

"Badtrip ka rin kanina?" nagtaas ako ng kilay.

He smiled. "Hindi ko lang gusto ang ginagawa ni Ella, Sancha."

Exhausted with Ella's issues, suminghap ako at hindi na dinagdagan pa ang sinabi ni
Alonzo. Maayos na ang araw namin at kung ibabalik ko pa kay Ella ang usapan, baka
lang mabadtrip pa ulit siya. Maybe it's a perfect time to end the day, huh?

"Hmm. Should we go now? Baka pag matagalan ako, matulog na sina Mommy at Daddy."

"Yes. We should go," aniya.


Sabay kaming lumabas. I clicked my car keys. Binuksan niya naman ang pintuan ng
driver's seat. Pumasok ako sa loob at hindi na muna nagseatbelt.

"Susunod ako sa'yo. Ihahatid kita sa inyo," aniya at umambang isasarado na ang
pintuan.

"Sandali lang..." agap ko sabay tulak sa pintuan.

Curious, he looked at me. Uminit ang pisngi ko at hinawakan ang kamay niya. Lips
parted, he looked at our hands. Hinila ko siya at nagpatianod siya sa ginawa ko.

"Thank you for today," I whispered and slowly kissed his cheek.

Siguro gulat sa ginawa ko, nanatili siyang seryoso nang nakabawi ng tingin sa akin.
I chuckled and looked away.

"Sorry. I'm always the one initiating. I just don't know how a relationship works
so... I'm doing my best."

"It's okay, Sancha. You're doing fine," aniya at humilig na ng husto sa sasakyan
ko.

Tumango ako at napansin ang kamay niya naka nakahawak sa kanang bahagi ng upuan ko.

"I'll just text you when I'm home. Hintayin ko ang reply mo bago ako tatawag."

Humalakhak ako. "Baka matagalan ako. Pagod ka pa naman. Mauna ka na matulog. Baka
mahaba ang usapan namin ni Mommy at Daddy."

"Baka hindi ako makatulog kaiisip kung ayos lang ba ako sa kanila, Sancha."

"Who wouldn't want you, anyway?"

Nagkatinginan kaming dalawa. I saw his eyes flickered. It drifted twice on my lips.
Uminit ang pisngi ko at naramdaman ang mabilis na pintig ng puso ko.

Slowly, he slanted his head. I closed my eyes and touched his arm for support. His
tender kiss made me blush more. Taliwas na taliwas sa halik ko sa kanya ilang taon
na ang nakalipas. His kisses were soft, para bang babasaging kristal ako na ayaw
niyang mahawakan.

"I love you," he whispered.

Hindi ako makapagsalita. Masyado pa akong mangha sa halik niya. He smiled and
kissed me again.

"You make me happy, Sancha."

This time, I smiled, too. "I love you, Alonzo."

It all feels like a dream. At pakiramdam ko walang makakapigil sa pagmamahal ko sa


kanya. Kanina lang medyo takot pa akong humarap sa mga magulang ko at magsabi sa
kanila tungkol kay Alonzo. Pero dahil sa nangyari, nawala ang takot ko.

Nasa balkonahe sina Mommy at Daddy, nagtsa-tsaa at nag-uusap pa tungkol sa kung


ano. Natigil sila nang nakita ako.

"Good evening, Sancha!" si Mommy sabay handa sa braso niya sa pagtanggap sa akin.
Yumakap ako at humalik.

"Good evening, Mommy and Daddy."

"How was your rest day, hija? You should do this often," si Daddy. "Mukhang mas
masigla ka kapag walang stress."

Masigla? I'm sure it isn't because of my rest day. Yumakap ako kay Daddy.

"Kumusta ang bisita mo kina Evelyn? Nakausap mo ba?" si Mommy.

"Opo, Mommy. Uh... doon po kami nag dinner ni Alonzo."

"Alonzo? Salvaterra?" si Mommy ulit na para bang may iba kaming kilalang Alonzo.

Tumango ako at naupo sa harap nilang dalawa. Kitang-kita ko ang gulat ni Daddy.
They're used to me leaving after the evening greetings. Now that I sat here, I'm
sure they know I'm up to something.

"May sasabihin po sana ako."

"Tungkol sa ano, hija?" si Mommy.

Napainom si Daddy sa kanyang tsaa at nag-ayos ng salamin. I cleared my throat.

"Sana po hindi kayo mabigla."

"Ano 'yan, Sancha? Sabihin mo na at mas nakakatakot ang ganito..." si Mommy.

"Mom, Dad, uh... may boyfriend na po ako."

No one moved. Mga mata lang ni Mommy ang gumilid kay Daddy bago sa akin muli.

"Sino?"

"Boyfriend ko po si Alonzo."

Nagkatinginan si Mommy at Daddy ngayon.

"He wanted to be with me while I say this but I guess I want to do this alone
first. Hindi pa kasi ako kailanman nagkakaboyfriend at lalong wala pa akong na
introduce sa inyo kaya mas kumportable ako na ako muna. Pero... bukas naman po
bibisita raw siya. Kung ayos lang sa inyo."

Walang nagsalita sa dalawa.

"Bukas po ng umaga."

Nagkatinginan lang ulit sila.

"Uh... ayos lang po ba? Kung hindi pa puwede, puwede ko naman pong sabihin sa kanya
na next time na lang."

"Alonzo... Salvaterra?" kumpirma ulit ni Mommy.

"Opo, Mommy."

Nilapag ni Daddy ang tsaa at tumango siya.


"Well, you're old enough, Sancha."

Ngumiti ao, nabunutan ng tinik. Si Mommy naman ang nanahimik.

"I've always liked Alonzo. Hindi man mayaman pero matalino at may paninindigan.
Medyo hindi ko lang nagustuhan ang eskandalong iyon dahil bata ka pa no'n. Right
now, there's just no reason to dislike him. Even with the past. He was smart enough
to leave Altagracia to silence the issue. And if he did love you then, and still
love you now, I guess I could say that he probably left for you, too. You were
young and you didn't deserve that scandal with your age. If he stayed, it will
never be forgotten. And if he did stay, he'd never be where he is right now."

"I doubt that. No matter what his decision, Dad, he'd still do great. Matalino at
magaling siya kaya..." bahagya akong nag-angat ng tingin kay Daddy.

He smiled. Pakiramdam ko tuloy naninimbang siya sa sasabihin ko. Nilingon niya si


Mommy.

"Well, if your Dad doesn't have a problem. I have no problem with him, too. Isa pa
sino ang magkakaroon ng problema sa batang iyon? We all make mistakes growing up,
no exception to him."

"Papuntahin mo rito bukas, Sancha." Sabay tagilid ni Daddy para kumuha ng


cellphone. "At nakapagbilin si Manolo at Peppa na tawagan sila kapag may
ipapakilala kang manliligaw o boyfriend."

"Pero niligawan ka ba, Sancha? Hindi ibig sabihin na dahil sinasabi mong gusto mo
siya, baka iniisip niyan na easy-to-get ka. Aba'y kababalik lang niyan dito sa
Altagracia!"

"Aba'y dapat lang!" si Daddy. "Dahil kung hindi niya naman liligawan si Sancha agad
ay baka pa magkasundo na kami ni Luis."

"Ang gusto ko lang malaman ay baka iniisip ni Alonzo na dahil may gusto si Sancha
sa kanya noon, madali na lang na maging sila! Baka hindi na nanligaw!"

"Nanligaw naman po, Mommy," sagot ko.

"Nanligaw naman pala!" si Daddy.

Humaba nga ang usapan. Mommy insisted that I should recount what happened the very
first day we meet here in Altagracia. Si Daddy naman maraming tanong at kinokontra
ang mga panghuhusga ni Mommy.

I was pretty exhausted after the talk. I heard Mommy call for our househelps at
magpapahanda yata ng magarang breakfast bukas dahil bibisita si Alonzo.

Hindi nga natulog si Alonzo. Kahit alas onse na nang nagreply ako, nakatawag pa rin
siya. However it's a short call because I was so exhausted. Sinabi ko lang na payag
sina Mommy at Daddy sa pagpunta niya bukas at... sa pagiging boyfriend ko.

As a result, I woke up pretty late the next day. Ang sabi'y naroon na raw si Alonzo
sa baba. Thinking only about him, less than myself, I immediately ran downstairs to
check if he's alright. Naroon si Ate Peppa, naririnig ko ang tawa. Si Kuya at
Camila naman nakita kong nasa sala kasama ni Alonzo.

Nasa hagdanan na ako nang natantong naka pajama pa at hindi pa naghihilamos.


Tumigil ako sa gitna pero nakapag-angat na ng tingin si Alonzo sa akin. He looked
so formal with his buttondown shirt and slacks. He's also slightly nervous as Kuya
Manolo stood beside the sofa with his coffee. Palapit si Ate Peppa at sumunod si
Ramon sa kanya.

"Buti naman, Lonzo, at kaunti na lang irereto ko na itong si Sancha sa kapatid ni


Ramon!" sabay tawa ni Ate Peppa.

Nanatili ang titig ni Alonzo sa akin dahilan ng pag-angat din ng tingin ng apat.
Uminit lalo ang pisngi ko at umatras. Tumayo si Alonzo na para bang binibigyang
respeto ang pagbaba ko. Kaso lang, aakyat ulit ako.

"S-Sorry. Tinanghali ako. Mag-aayos lang ako bago bababa," sabi ko.

"Ayos lang."

Kuya Manolo laughed out so loud. I heard Camila's heavy hand on his arm. "Tama na
'yan!" si Camila.

"Maganda pa rin ang kapatid ko, 'di ba? Kahit bagong gising?" si Kuya Manolo.

I almost cursed Kuya Manolo's name under my breath as I ran back upstairs.

"Maganda nga pero minumuta rin 'yan, Lonzo. Hindi 'yan perfect!" si Ate Peppa.
"Baka lang iniisip ko na perfect siya!"

At hindi lang si Kuya Manolo ang namamahiya! Pati na si Ate Peppa! Now, I'm sure
this is going to be a disaster for me!

💕💕💕
KABANATA 39

Relax

Hindi ko na makausap si Alonzo nang bumaba ako at nasa hapag na sila. Huling-huli
na ako. Nagsimula nang mag-almusal. Wala nang puwang para mag-usap kaming dalawa,
lalo na dahil parehong hindi dala nina Ate Peppa at Kuya Manolo ang kani-kanilang
mga anak. They have all of their attention to Alonzo.

"So clinic 'yong itinatayo n'yo sa tabi ng bahay?" usisa ni Ate Peppa.

Napabaling ako kay Alonzo. Naalala ko nga'ng may ginagawa sa tabi ng bahay nila
pero hindi ko naman inisip na kanila iyon. Sumulyap si Alonzo sa akin bago tumango.
I smiled at him.

"Hindi ko pa sigurado pero ganoon ang naunang plano. Kasi lilipat muna sana sa taas
kung ire-renovate ang ilang bahagi ng bahay."

"Ang laki ng bahay n'yo! Ipaparenovate? Ibig sabihin doon ka titira? For good ba?"

"Iyon sana ang plano pero gusto ko ring magtayo ng bahay sa ibang bahagi ng
Altagracia. Balak ko po kasing tuluyang gawing komersyal ang bahay namin dahil sa
location."

"Naku sayang 'yon! Pero... hmm... tama rin naman. Pero sayang talaga."

"Hindi pa naman po agad. Uunahin ko munang idevelop ang ipinapatayo sa tabi."

"With all your plans, Alonzo, does that mean you're staying here?" si Daddy.

Nagsimula na akong kumain. Alonzo can't even eat properly because of the questions.
Ngayong si Daddy ang nagsalita, si Ate Peppa naman ang kumain.

"Iyon po ang plano ko, Sir."

"That's a big decision for someone as accomplished as you, Lonzo," si Kuya naman.
"Narinig ko na may koneksiyon ka pa sa Manila? Sa mga research mo, tama?"

"Opo, Sir. Kasalukuyan din akong gumagawa ng research at kasali rin sa ibang
research doon."

"Isn't it more convenient if you stay in Manila if that's the case?" si Mommy naman
ngayon.

"Minsan lang naman po ang presentation sa research at kaya namang online na lang
ang ibang trabaho. Kapag may presentation o importanteng meeting lang, puwede naman
pong lumuwas. At nakita ko rin po kasi na kailangan nila ng surgeon dito dahil
matanda na rin si Doctor Mondejar."

Tumango si Daddy. He seems very impressed at Alonzo.

"Ilang linggo o buwan ka naman sa Manila kapag may presentation ng research?" si


Kuya Manolo.

"Depende po, Sir, kung ilang presentation. Baka rin po minsan maaga akong lumuwas
para makapag meeting pa ako at ma finalize ang ibang bagay."

"Oh. That's big, huh?"

"Sa research mo ngayon, kailan ang presentation niyan?" si Ate Peppa naman.

"Kung matapos ko po. Within four to six months na lang siguro, tapos ko na."

"So luluwas ka ng Manila?" si Kuya naman.

"Opo. Para sa presentation."

"Maiiwan si Sancha!" deklara ni Kuya sabay ngisi.

Kanina pa ako natitigilan sa pagnguya sa kinakain. Sumulyap ako kay Kuya.

"Ilang linggo lang naman, e. 'Tsaka... ayos lang... malapit lang ang Manila," sagot
ko.

Nagtaas ng kilay si Kuya at ngumisi lalo.

"Buti hindi mo naisipang sa abroad na magtrabaho? Lalo na dahil UCLA graduate ka?"
si Ate Peppa.

"Dati pa naman talagang gusto ko rito na magtrabaho, kung bibigyan ng pagkakataon


at may malaking sahod naman po. Pero may ilang research din ako na ipepresent
abroad kaya kung babalik man, siguro mga ilang buwan lang din. Hindi naman na doon
na mamamalagi."

Yumuko ako at tumingin sa pagkain. That sounds... hectic. Ilang buwan. Like... two
months? Or three? or Six? Pero ayos lang... matagal pa naman, e.

Why can't I imagine being away from him again? Ang tagal naming hindi nagkita tapos
ngayon, ilang buwan lang naman ang mga sinasabi niya, para nang hindi ako
makahinga. We're only in a relationship for days and yet I feel this way.
"Etong si Sancha, successful ang business sa Cebu at maganda na rin naman ang cafe
niya rito. Baka makapag open ka sa Manila, Sancha. Maghanap ka na ng lugar doon..."
si Daddy.

"Bakit hindi sa Bacolod muna at Iloilo? Masyadong malayo ang Manila at mas maganda
na rito muna sa Visayas. Lalo na't taga rito ang may-ari," si Mommy na mukhang
makikipagtalo pa sa negosyo ko.

"Oh that's enough. Let Sancha do her thing. Anyway, Lonzo, kumusta na si Tito David
at Tita Laura?" si Ate Peppa.

"Ayos naman po sila."

"Kailan ba ang uwi nila at nang makabisita kami sa inyo?" si Mommy. "Gusto sana
naming imbitahin kayo rito kaso nakakahiya naman na kayo pa ang aabalahin kaya
bibisita na kami ni Crisanto."

Nagpatuloy ang usapan. Hindi na ako nakasingit pa. Pagkatapos ng almusal, sinamahan
pa ni Alonzo si Daddy, Ramon, at Kuya Manolo na mag golf. Dahil nasa balkonahe lang
si Ate Peppa, Mommy, at Camila, nandoon din ako pero kinakabahan para kay Alonzo.

"First time mo nga itong magpakilala ng boyfriend," si Ate Peppa habang tinatanaw
namin ang mga lalaki. "Si Alonzo pa! I mean... he's hardworking and very smart.
Mabait na bata pa. Ang galing pumili, Sancha."

Uminit ang pisngi ko at tiningnan si Ate Peppa. All this time, I thought they judge
my friends and the people through their status in life. Ayaw nila kay Ella dahil
mahirap lang siya. Iyon pala... ayaw nila sa kanya dahil siguro naramdaman na nila
na hindi kami magkakasundo noon. Now, I didn't remember them disliking Alonzo
before the scandal. I don't know why I always thought they judge people through
money. Hindi naman pala.

"Nasaan na pala 'yong dati mong manliligaw, Sancha? O nanligaw ba 'yon sa'yo?"

"Sino, Mommy?" medyo sumama ang timpla ni Ate Peppa sa tanong ni Mommy.

"Iyong anak ng mga Osorio. Sino nga 'yon? Nalimutan ko ang pangalan."

"Si Soren..." si Camila naman.

"Oo! Nasaan na si Soren?"

"Hay naku! Ayaw ko sa lalaking 'yon! Hindi ko talaga alam ba't hinayaan n'yo si
Sancha na maging malapit sa lalaking iyon, Mom."

"Ano ka ba naman, Peppa. Gusto ng kapatid mo. At mabait naman daw."

Tumango ako. "Ayos naman si Soren, Ate."

"O nasaan na siya ngayon? Sumunod kay Chantal Castanier?" Si Ate Peppa naman.

Nagulat si Camila sa sinabi ni Ate. Tumikhim ako at natigilan.

"Po? Hindi ko po alam. Ang alam ko lang naman, lumayas siya sa kanila..."

"Tss. We saw them in Manila. They're together."

Napakurap-kurap ako sa sinabi ni Ate Peppa. Wala nga akong balita kay Soren. Nasabi
ni Margaux na may balita siya kay Soren pero hindi ko iyon pinansin.

"Hindi ba naging sila noon? So t-that means they're serious about it? I thought
it's Levi and Chantal?" si Camila, hindi na napigilan.

Umiling si Mommy. "Castanier at del Real? Paano pa 'yan mangyayari? Papatay ang
Tito Luis n'yo kung sakaling mangyari 'yan."

Humalakhak si Ate Peppa. "Baka nga pati si Chayo, pumatay rin, e. That kid is a
carbon copy of her father, so good at the sugarcane business, and so brutal in her
own way."

"So it makes sense why Soren can't come back here. If he's with Chantal Castanier,
then they certainly can't go back here. Kahit pa Osorio siya... Kahit pa nandito
ang pamilya niya at makapangyarihan pa rin sila..." si Camila. "Most of their
businesses are illegal and if he comes back with a Castanier, isang pitik lang ni
Tito Luis, babagsak ang pamilya niya."

Mangha sa pinag-uusapan, muli tuloy akong na curious kay Soren. I had my own issues
before that's why I didn't bother to know about his. Ang alam ko lang, naglayas
siya. May usap-usapan noon na sumunod siya sa mga Castanier dahil pagkatapos ng
trahedya kay Tita Rosario, umalis ang mga Castanier at si Soren din. Pero hindi ko
masyadong inisip iyon siguro dahil matagal na naman silang wala na ni Chantal.
Akala ko lang may hindi pagkakaunawaan sa pamilya niya at nagkataon lang na
magkasunod ang alis nila.

Doon na rin nagtanghalian si Alonzo. Hindi yata matatapos ang usapan nila ni Daddy,
Kuya Manolo, at Ramon. Galing sa politika, mga sakit, at kung anu-ano pa. They even
let Alonzo take all of their blood pressure and I chuckled at some free
consultation moments.

"Pasensiya na," I croaked when I had the chance since Kuya Manolo is busy talking
to Ramon.

"No problem."

Alas tres nang kailangan niyang umalis para sa pasyenteng bibisitahin niya sa
ospital. Hinatid ko siya sa pintuan kaso nagvolunteer kanina si Kuya Manolo na
ihatid si Alonzo hanggang sa sasakyan niya kaya wala talaga kaming oras para
makapag-usap.

"Pasensiya na rin. This should be your rest day and you didn't rest."

"I'm well rested. Ikaw nga rin, e. Bukas na lang tayo magkita? Para pagkatapos mo
sa ospital, umuwi ka na at makapagpahinga?"

"Ikaw ang bahala, Sancha. I'd like to see you tonight but you should rest.
Magtatrabaho ka na ulit bukas."

"Yeah. I'll see you tomorrow, then? Thanks for coming. Ihahatid din kita sa
sasakyan mo kaso nariyan si Kuya Manolo. Baka hindi na tayo makapag-usap."

He chuckled. "See you tomorrow. Iti-text kita kapag nasa ospital na ako. Tatawag
ako kapag nasa bahay na ako. Or if you're resting that time, tell me so..."

"Maghihintay ako sa tawag mo!"

"Oh, ano? Tara na, Lonzo! Baka naghihingalo na ang pasyente mo!" panira ni Kuya
sabay akbay kay Alonzo at nagpatiuna na sa paglalakad.
Hinatid ko si Alonzo sa kanyang sasakyan at tama nga ako sa naisip na hindi na kami
makakapag-usap dahil maraming tanong si Kuya.

"Minsan sumasakit ang tuhod ko. Normal ba 'yon?" narinig kong tanong-tanong niya
palapit kami sa sasakyan.

Umiling ako at nagbuntong-hininga. Kinawayan ko na lang si Alonzo nang paalis na


ang sasakyan. Nakalapit ako pero minabuti kong huwag nang magsalita dahil sa
maingay na si Kuya. Kuya Manolo pinched my nose when Alonzo's car was out of our
gates.

"Walang good bye kiss?" pang-aasar niya.

It was a simple family day and I have nothing to ask for. Tumawag si Alonzo nang
nakauwi siya at dahil kanina pa ako naghihintay sa kama ko, namamaos na ako nang
sinagot ko iyon.

"Did I wake you up?"

"No. I'm not asleep. Nakahiga lang..." mas klaro kong sinabi.

He chuckled. "Hindi ka ba pagod? Mahaba ang araw natin ngayon, ah."

Ngumuso ako. "Hindi naman masyado."

Humalakhak ulit siya. "Why? Would you rather go out and we'll have dinner?"

"Ikaw ang may mahabang araw. Nag rounds ka pa. Kaya ayos lang. Magpahinga ka."

"Sancha, puwede kang magsabi kung ano ang gusto mo. Huwag mo akong alalahanin dahil
sanay naman ako sa trabaho. Susunduin ba kita?"

Ngumiti ako dahil may bagong puwedeng gawin. Puwede niya na akong sunduin dahil
alam na ng pamilya ko ang tungkol sa aming dalawa.

"Naka pajama na ako. Next time na lang tayo mag dinner na sabay. Magluluto ka pa
ba?"

"Oo." Bahagya akong nakaramdam ng awa. Pagod na pagod tapos magluluto pa. I should
learn how to cook so I can be of use somehow.

"Bumili ka na lang kaya sa karinderya? Sana pala nagpahanda ako kay Ate Soling o
pumunta na lang ako sa cafe..." pagsisisi ko.

"Saglit lang naman 'tong lulutuin ko, Sancha. Ayos lang."

"Magluluto ka na? Ibababa ko ba?"

"Huwag na. I loud speaker ko. Okay lang?"

I chuckled. "Okay."

Humaba ang usapan namin pagkatapos niyang kumain. Nag-usap kami tungkol sa nangyari
kanina. Pati ang mga pinag-usapan nila habang nag go-golf, kasali.

"I should learn how to play golf. Ang galing ng Daddy mo," ani Alonzo.

I smiled thinking that he's doing his best to be liked my family. Bentang benta na
siya sa mga ito pero nagsisikap pa rin siya.

Kinaumagahan, maaga ako sa cafe. Nagulat ako dahil nakapambahay pa, naroon na si
Ate Soling. I realized then why. She was curious about my relationship with Alonzo.
At siguro hindi na mahirap hulaan na bibisita nga si Alonzo sa umaga.

Naka handa ang salad na merienda niya. I also tried to cook adobo. It isn't perfect
yet and I hate to give it to Alonzo pero kung may unang titikim man ng luto kong
palpak man o hindi, gusto kong siya.

"Merienda mo. Mayroon na ring... uh... lunch dito. Sinubukan kong magluto kanina.
Mukhang palpak. Bili ka na lang ng ulam kung hindi mo magustuhan," sabi ko nang
naroon na si Alonzo.

Nasa isang lamesa ako, naghihintay sa kanya. Hindi na sa counter dahil nahihiya ako
kay Ate Soling.

"It's okay, Sancha. Don't stress yourself too much, okay?"

Tumango ako at ngumiti.

"Dito tayo magdidinner mamaya?"

"Hmm. Sa iba sana kaso pakiramdam ko parang matagal akong hindi nakabisita sa cafe.
Kaya sige, dito muna."

"Okay. I'll come here after work. Uuwi muna ako sa bahay para magbihis."

"Sige. Take care sa trabaho..." I said softly.

"Take care, too. Huwag kang masyadong magpagod," paalala niya sabay hanap sa mga
mata ko.

I licked my lower lip and nodded.

"Bye, Sancha," he said and pulled me close for a kiss on my forehead.

I heard Ate Soling's sudden shriek. Pareho kaming napabaling ni Alonzo sa counter.
Sa hiya ni Ate, nagmamadali siyang pumasok sa kitchen.

Nang umalis si Alonzo, tuluyan na nga akong inasar ni Ate Soling. Marami siyang
sinabi tungkol kay Alonzo. She's all praises and all of her friends and neighbors
feel the same way for him.

Kabado ako nang nagdinner kami ni Alonzo dahil sa napag-usapan. Bukas na nga pala
ang uwi ng Mama at Papa niya. Nagpaalam kasi siya na hindi na muna siya rito
makakapagdinner bukas dahil doon. I understand since he would want to eat dinner
with his parents.

"S-Sasabihin mo ba ang tungkol sa atin? Bukas?" tanong ko, naisip na baka gaya ko
gusto niya rin na sabihin muna sa parents niya bago ako pumunta.

He smiled. "Alam na nila, Sancha."

Napakurap-kurap ako.

"Alam din nila na gusto mo silang makausap dahil sa nangyari noon. They said it's
really okay but I know you still want to talk to them so we'll go. Okay."
"A-At alam nila na tayo?!"

"Yes, Sancha."

Mas lalo pa akong kinabahan! I always thought I'd first talk about what happened
years ago. Kapag ayos na ang lahat at nakita kong hindi naman sila galit, 'tsaka ko
pa dapat sasabihin na girlfriend ako ni Alonzo! Para sana sigurado akong boto naman
sila sa akin! Pero paano naman kung hindi pala sila okay? E 'di sasabihin ko pa ba
na kami nga?

Alonzo assured me that it will be okay. Hindi ko nga lang mapigilan ang nerbyos ko.

Siguro ganoon talaga kapag kabado. Lalong bumibilis ang panahon. Hindi ako
makatulog noong Biyernes. Sumama si Alonzo sa pagbisita ng mga magulang niya sa
iilang kakilala. Nagpasya yata ang mga ito na magkaroon ng kaunting salu-salo sa
gabi kaya inaya ako ni Alonzo sa tanghali o hapon pumunta, nang sa ganoon wala pang
bisita.

Mas lalo akong kinabahan dahil napaaga! Kahit pa parehong araw lang, parang
mahalaga sa paghahanda ko ang ilang oras na agwat.

Hindi ko na sinabi kay Mommy at Daddy na pupunta ako kina Alonzo. Pakiramdam ko
kasi kakabahan lang ako lalo kapag may sinabi pa sila. Kaya naman tinanggihan ko
ang alok ni Alonzo na susunduin ako sa amin. Nasisiguro ko kasing magpapaalam siya
at baka banggitin niya nga na pupunta ako sa kanila. Ayaw ko nang ganoon.

Alonzo let me park my car near his on their garage. Natanaw ko ang bakuran ng bahay
nila at walang tao sa bukana. Kinabahan ako lalo. Bakit naiisip ko na hindi lang
siya ang mag-aabang sa akin? Naiisip ko kasi na sasalubungin din ako kahit ni Tita
Laura.

"Are you okay?"

Binati ako ni Alonzo at hindi ako nagsalita. Nanatili ang tingin ko sa kanilang
bahay kaya pagkatapos niyang tanggapin ang dala ko, pinuna niya na.

Tumango lang ako. He sighed.

"Relax. Nagluluto si Mama at tinutulungan ni Papa sa kusina."

"K-Kung ganoon... baka kailangang tumulong tayo?" kahit na hindi ko alam paano ko
pakikiharapan iyon.

"Patapos na 'yon kanina kaya baka naghahanda na sa lamesa."

Matibay ang bahay nila. Halos wala itong ipinagbago bukod sa nadagdag na muwebles
at mas ma espasyong sala. Mukhang sinimulan na ang pagre-renovate at itinigil lang
saglit.

My heart stopped when I saw Tita Laura and Tito David in front of their long dining
table. Ngumiti naman si Tita Laura pero napansin ko na hindi ito gaya ng mainit
niyang ngiting iginagawad sa akin noon.

"G-Good afternoon, po!" bati ko agad, tumigil sa paglalakad.

Nauna tuloy si Alonzo at tumigil na rin nang nakita ako. He smiled and took my
hand. Napatingin ako sa magkahawak naming kamay at kay Tita Laura naman.

"Pasok ka, Sancha," si Tito David sa masiglang boses.


Hinila ako ni Alonzo palapit sa lamesa. Lumapit si Tito David sa asawa. Napansin
kong halos walang nadagdag sa edad ng dalawa.

"Ma, Pa, si Sancha po ang nag bake nito. Magaling po siyang mag bake," si Alonzo,
hindi pa rin binibitawan ang kamay ko habang nilalapag ang box sa hapag.

"Uh, carrot cake po 'yan. Uh... sana po magustuhan n'yo."

"Nakuwento nga ni Lonzo na nagtayo ka ng cafe rito. Masarap nga raw ang mga bini-
bake mo roon," si Tita Laura.

Napasulyap ako kay Alonzo, mas lalo lang nahiya.

"Ayos na ba ang lahat ng 'to, Ma?" si Alonzo.

"Ah may isang bowl pa ng sabaw, kukunin ko lang-" si Tito David na pinutol agad ni
Alonzo.

"Ako na, Pa. Sancha, saglit lang."

Tumango ako at parang mahihimatay na sa kaba. But I waited for this for a long
time. I remember my sleepless nights and a very unhappy heart. If I let this pass
without finally telling them how I feel, then I will regret it forever.

Yumuko ako.

"Pasensya na po sa lahat ng nangyari noon. Kasalanan ko po ang lahat ng 'yon... N-


Nagtapat po ako kay Alonzo sa araw na 'yon at... hinalikan ko po siya," sobrang
liit ng boses ko sa huling sinabi ko.

Nahihiya ako. Iba pala ang pakiramdam. Noon kasi iniisip ko pa lang 'to, hindi ko
boyfriend si Alonzo. Ngayong kami na at inaamin ko ito sa Mama at Papa niya, doble
ang pagkakapahiyang naramdaman ko. I didn't want to prolong it so I said it
straight to the point.

Nakabalik na si Alonzo. Napansin niya ang katahimikan pero nagpatuloy siya sa


ginagawa. Napawi ang tipid na ngiti ni Tita Laura sa akin.

"Sancha, ayos lang 'yan. Matagal na 'yon," putol ni Tito David sa katahimikan.

"Nakuwento nga ni Alonzo sa akin na nagsisisi ka sa nangyari." Tita Laura sighed.

Bumalik si Alonzo sa tabi ko at hinawakan ulit ang kamay ko. I know he's trying to
make it light but I can sense that Tita Laura won't let it pass.

💕💕💕
KABANATA 40

Someday

"Inaamin ko, Sancha. May pagtatampo ako sa pamilya mo noon dahil nangyari pero alam
kong may kasalanan si Lonzo. Siguro kung ako rin naman ang pamilya mo, baka nga
ganoon din ang gagawin ko sa lalaking gumawa ng masama sa anak." Sumulyap siya kay
Alonzo. Gusto kong magsalita pero pinigilan ko ang sarili ko. "Bata ka pa no'n...
hindi puwedeng bigyan ng bigat ang mga desisyon mo. At kilala rin kita... kahit na
ganoon ang nangyari, alam ko na hindi mo magagawa iyon ng walang nagtulak sa'yo."

"Hindi naman po ako ginawan ng masama ni Alonzo," pag-amin ko sa maliit na boses.


"Hm. Pero maaaring sa mata ng pamilya mo, ganoon ang nangyari. Pero ayos na 'yon
ngayon. kung hindi nangyari 'yon, hindi rin naman mararating ni Alonzo ang narating
niya ngayon."

"Hindi pa rin po makatarungan na ganoon ang nangyari. Wala naman po siyang


kasalanan. Mas matanda lang siya sa akin ng kaunti kaya sa kanya isinisi ang
lahat."

"Ayos lang 'yan, Sancha. May pagtatampo ako noon, pero naiintindihan ko rin naman
ang ginawa ng pamilya mo. Isa pa kahit bali-baliktarin, dapat pa rin naman talagang
umiwas si Alozno sa'yo dahil siya ang mas nakakatanda. Huwag mo nang alalahanin
'yan." She smiled warmly this time. "Nang sinabi sa akin ni Alonzo na kayo na,
tuwang-tuwa ako."

Alonzo chuckled a bit. Nagbuntong-hininga si Tito David at inayos na ang upuan para
kay Tita Laura.

"Kahit ganoon ang nangyari noon, Sancha. Kilala kita. Palaisipan na sa akin na
hindi ka agad nakapag-asawa. Sa bait at ganda mo, nasisiguro ko ang pumipila mong
manliligaw at boyfriend mo kaya hindi ko inaaasahan na..." humalakhak si Tita
Laura.

"Si Alonzo lang po ang naging boyfriend ko," marahan kong sinabi, bahagyang
nagmamalaki. "At... siya lang po kasi ang gusto ko."

Hiyang-hiya ako pero tinatagan ko ang sarili ko. Ramdam ko ang init sa batok ko
hanggang sa pisngi ko. Nasisiguro akong pulang-pula ako.

Alonzo chuckled and pulled me closer to him to hug me. Nakakahiya pero mas mabuti
na 'yon kaysa sa makita ni Tita Laura at Tito David ang paumula ko.

"Tama na nga 'yan, Laura. Kumain na tayo at lumalamig na ang sabaw."

Tumawa si Tita Laura. "Pasensya na. Hindi ko naman gustong pag-usapan ang nakaraan
pero... Upo ka na, Sancha. Lonzo, paupuin mo!" bahagyang pagalit na sinabi ni Tita.

Umupo ako at kinalma ang sarili. I can sense how his parents watched me even when
they are already talking about something else.

"Bumisita nga rito kanina. Kaya inaya ko mamayang gabi. Magpapaluto na lang talaga
ako sa lahat dahil kahit iyong iihawin, hindi ko magagawa dahil may mga bibilhin pa
kami mamaya, Alonzo."

"Ako na po. Wala naman akong gagawin-"

"Naku, huwag na! Nandito si Sancha! 'Tsaka pupunta naman sina aling Rosa rito, sila
na ang bahala!"

"Tutulong po ako," agap ko.

Humalakhak si Tita Laura. "Dito ka na rin maghapunan, Sancha. Nagpaalam ka ba kay


Sir Crisanto, Lonzo?"

"T-Tatawag na lang po ako," agap ko ulit.

"Lonzo! Hindi ka nagpaalam?!" gulat na sinabi ni Tita Laura.

"Tatawag ako, Mama. Nasabi ko naman po na iimbitahan si Sancha kapag nandito kayo
noong Miyerkules."

"Naku, dapat nagsabi ka pa rin kanina!"

"T-Tatawag po ako. Ako naman po ang dapat nagpaalam."

Ngumiti si Tita Laura. "Huwag ka nang tumulong sa pagluluto, Alonzo. Samahan mo si


Sancha rito mamaya habang wala kami at minsan ka lang may rest day. O mas mabuting
magpaalam kayo na dito maghapunan mamaya. Iimbitahan sana namin sina Crisanto,
Sancha, kaso kaunti lang ang handa namin. Baka sa susunod na Sabado, makapaghanda
na ng maayos?"

Nag-angat ako ng tingin at natantong wala na rin iyon kay Tita Laura. She even
wants to invite my parents here.

"Nasabi nga po nina Mommy na gusto nilang bumisita rito..." I trailed off when I
remembered.

"Naku! Nakakahiya naman! Hindi kaya dapat na tayo ang bumisita, Laura, para hindi
na sila maabala?" si Tito David naman ngayon.

"Oo nga, 'no?" lumalim ang iniisip ni Tita Laura. "Dapat pala tayo na lang ang
pumunta? Magdala na lang ng pagkain?"

I remember how Mommy said she doesn't want to worry them so they will visit them
instead. Parehong-pareho.

Nilingon ako ni Alonzo. He smiled at me.

"Pagkatapos nating magtanghalian, umuwi tayo sa inyo saglit para magpaalam ka na


rito na magdinner?"

Tumango ako. "Baka gustuhin nina Mommy at Daddy na bumisita?"

"Kami na ang bibisita sa inyo, Sancha."

Huminga ako ng malalim bago tumango ulit at ngumiti.

Naging normal ang tanghalian. Nagkuwentuhan lang tungkol sa mga ginawa ko


pagkatapos ng highschool. Sinabi ko na sa Silliman ako nag kolehiyo at na isang
successful feasibility study ang itinayo kong negosyo sa Cebu at etong cafe ko
rito. Na kapag tuluyan kong naayos ang rito sa Negros, gusto ko sanang mag open sa
Bacolod at sa Iloilo rin.

Kinuwento rin nila na pagkaalis sa kompanya, nakapagtrabaho rin naman sila sa


Maynila at malaki ang sahod doon. Mahal nga lang ang cost of living kaya parang
pare-pareho lang din. Nakabisita na rin pala sila sa Los Angeles sa graduation yata
o pagtatapos ng PGI ni Alonzo.

They were so proud of Alonzo. Sino ba naman ang hindi?

"Medyo blessing in disguise na nawala niya ang offer na maging nurse sa ibang
bansa. Nasisiguro ko kasing kapag nakapagtrabaho at nasuwelduhan na ito ng medyo
malaki-laki, baka nga hindi na ito magdodoktor. Dati pa nitong gustong maging
doktor talaga kaso nga gustong magtrabaho ng maaga at kumita rin ng maaga." Umiling
si Tita Laura, mukhang hindi pa gusto kung iyon nga ang desisyon ni Alonzo.

Pagkatapos kumain, tumulong kami ni Alonzo sa pagliligpit. Sinaway naman kami agad
ni Tita Laura dahil dumating iyong magluluto at ibang taga linis. Sumang-ayon agad
si Alonzo na bumisita saglit sa bahay para sabihin na sa kanila kami magdinner.

"Nariyan na si Laura at David?!"

Inaantok kanina si Mommy habang tinatanaw si Daddy na nag-go-golf. May bisita sila
pero sa itsura niya ngayon, mukhang paalisin niya ang bisita makabisita lang kina
Alonzo.

"Opo," Alonzo said politely.

"Naku, e 'di bibisita kami!"

"Mommy, next time na lang po," sabi ko. "May bisita kayo at baka rin may bisita
sila. Medyo abala pa sila kasi kadarating lang."

"Gusto rin ni Mama at Papa na bumisita rito sa inyo. Kung ayos lang sa inyo..."

"S'yempre, ayos lang, Alonzo! Pero nakakahiya naman at kami pa ang mang-aabala."

"Hindi naman abala kina Mama at Papa, Ma'am. Gusto rin naman nilang bumisita rito."

Natigilan si Mommy. Kumunot ang noo niya. "Alonzo, Tita na lang para sa akin at
Tito para kay Crisanto. Huwag nang masyadong pormal at boyfriend ka ni Sancha.
Matagal na ring magkaibigan ang pamilya natin."

I am not sure why my heart felt so full. Hindi na nagpumilit si Mommy sa pagbisita
dahil may bisita nga naman sila ni Daddy. Nang umuwi kami ni Alonzo, ang iilang
tagaluto lang ang naroon dahil may binili at mga binisita raw si Tita Laura at Tito
David.

Nasa sala kaming dalawa, nakaupo at binabalikan ang nangyari. Naiisip ko pa ang
inamin ko sa harap ni Tita Laura kanina at hindi ko maiwasang pamulahan tuwing
naaalala iyon. Alonzo only chuckled and assured me that it's alright.

"There are times when I want to hear... what you wanted to say before, Sancha. At
iyong sinabi mo kanina, pakiramdam ko... ayos na 'yon."

"What I wanted to say before?" pagtataka ko.

Tumango siya. "Kung hinayaan kitang magtapat noon, ano kaya ang mga sinabi mo."

Ngumuso ako at naisip na pinigilan niya nga pala ako at siya na ang nagtapat. He
actually saved me from the embarrassment.

Hawak niya pa rin ang kamay ko ngayon. Nakapatong sa isang throwpillow ang mga
kamay namin. His right arm is wrapped around me and his fingers are playing with
mine.

"Na... medyo hindi ko gusto noong nalaman ko na may crush ka sa akin. It was
awkward and I didn't like you more because you were bold. But it was your boldness
and kindness that made me like you eventually..."

Hindi ko kayang magpatuloy. Pakiramdam ko sasabog ako sa hiya lalo na dahil


nakatingin siya sa akin.

"Hindi ko rin naman gusto na malaman mo 'yon, Sancha. Kumalat lang talaga pero kung
iyan ang nararamdaman mo, then I should be thankful that it spread. Maybe you would
never take a look at me if you didn't know that I like you."
Naisip ko tuloy na tama siya. Hindi ko nga siya napapansin noon. 'Tsaka lang naman
siya nagkaroon ng bigat sa akin dahil alam kong may gusto siya sa akin, e. Kung
hindi ko nalaman iyon, napansin ko kaya siya?

"You think you'd turn your head to me if you didn't know I like you?"

Nagkibit ako ng balikat dahil talagang hindi ako sigurado.

"May pakiramdam akong hindi. Pero magpapapansin naman ako, Sancha."

Sumulyap ako sa kanya, naalala ang ilang pagkakataong lumalapit siya sa amin ni Ate
Soling sa gitna ng trabaho niya kapag nasa azucarera ako.

"Gusto kitang ligawan sa tamang panahon pero alam ko rin naman na kung gusto kong
umangat, kailangan kong magtrabaho ng maaga. At hindi ako aabot sa tamang panahon
para sa'yo, kaya wala talagang pag-asa. Noong iniisip ko iyon. If the rumors didn't
spread, I'd probably disappear in your memory through the years. Baka pa...
nakapag-asawa ka na ng iba... at nagmahal nga ng iba."

Kinagat ko ang labi ko, bahagyang nagpapasalamat sa lahat ng nangyari. Kung hindi
ko nga nalaman na gusto niya ako, ewan ko kung mapapansin o magugustuhan ko ba
siya. At ano pa kaya ang nangyari kung natuloy siya sa ibang bansa at nag nurse?
Baka pa nanirahan siya roon at nakapag-asawa na rin ng iba?

"Then we should thank every thing we experienced. Baka rin nag-asawa ka ng iba kung
natuloy ka... roon sa pag nu-nurse sa ibang bansa?" nahihiya kong sinabi. Now I'm
being selfish.

"Hmm. I was hoping you'd be my girlfriend before I leave. Pero baka rin hindi mo
kakayanin magkaroon ng boyfriend na nasa malayo. Kaya tama ka, whatever happened in
the past, they all contributed to this moment... one way or another."

Nagtagal ang tingin ko sa kanya at unti-unting naalala ang lihim na bumagabag sa


akin simula noong bumisita siya sa bahay.

"Kailan nga pala ang presentation mo sa research mo? At ilang linggo ka sa


Maynila?"

"Maybe in four or six months? Depende pa kung kailan ko matatapos. At baka isang
buwan, Sancha. O dalawa. Pero uuwi naman ako rito kapag nagkaroon ng rest days."

Ngumuso ako at naisip na puwede rin naman akong pumunta sa Manila. Tutal ay puwede
ko ring imonitor ang negosyo ko online. Kumpara sa umuwi siya rito sa ilang araw
lang na rest days. Imbes na magpahinga siya, bumabiyahe pa.

"Ako na lang kaya ang pumunta ng Manila? Puwede naman akong magtrabaho online. Isa
pa, puwede rin akong maghanap ng lugar doon, kung gugustuhin kong magtayo ng
negosyo roon."

"Hmm. Ikaw? Do you need that?"

I smiled and nodded.

"Do you have a condo in Manila?"

Umiling ako. "Maghohotel ako?"

His eyes narrowed. "Ilang araw ka? Gagastos ka lang."


"Kung ilang araw ka roon. Sabi mo two months. Kaya two months!" I have an idea.
"May condo siguro sina Dad o si Kuya. Puwedeng doon ako. Gusto mo... roon ka rin?"

Humalakhak siya. "May condo rin naman ako sa Manila, Sancha. Kaya ayos lang ako."

Napakurap-kurap ako.

"May condo ka naman pala! E 'di... sa'yo ako titira?"

Nagkatinginan kami. Natahimik siya at tumigil ang paglalaro niya sa aking mga
daliri. I grinned when I realized that there's no reason for me to wait for him
here. I can live with him in his condo!

"Maliit ang condo ko sa Manila, Sancha," aniya.

"Ano ngayon?"

Nangingiti siya pero pilit niyang kinunot ang noo at natatawang umiling.

"Hindi magandang tumira ka sa condo ko. Ayaw kong kung ano ang isipin ng pamilya
mo."

My face heated again when I realized he's right. They might think... we're... and
it's weird... He's my boyfriend so what else will we do when he's free at night?
Kahit pa two bedroom man ang condo niya, kahit sino alam na ang iisipin.

Yumuko ako, nahiya at medyo nalungkot.

"Are you okay?" agad niyang hinanap ang tingin ko.

Ako naman ngayon ang naglaro sa kanyang daliri.

"Gusto kong sumama. Ilang taon tayong hindi nagkita. Dapat nga boyfriend na kita
noong naghiwalay tayo. Tapos... mahaba ang two months, Alonzo."

"Uuwi naman ako lagi."

Hindi ako nagsalita. He sighed heavily.

"Do you really want to be with me in Manila?"

"Between us, I have a more flexible schedule. I don't want you to adjust your
schedule for me when I know I can. Ayos lang din naman... na sa condo ako ni Kuya
tumira pero... traffic doon at... sayang ang oras... at..." naghanap pa ako ng
puwedeng excuse pero sa huli, isa lang ang totoo. "Gusto ko sa condo mo tumira."

Nagkatinginan kami. Seryoso siya at seryoso rin ako.

"Puwede naman, Sancha."

Malungkot akong umiling. "Ayaw ko rin namang magbago ang tingin ng mga magulang
natin sa relasyon nating dalawa."

Humigpit ang hawak niya sa kamay ko.

"Sancha, you know I'm already very sure about you. Are you sure about me?"

Nagtaas ako ng kilay. "What do you mean?" medyo may kalungkutan sa tono.
"I'm determined to compromise when there's a problem, and understand you in
everything... I want us together in the future. I'm sure of that. Are you sure
about me that way?"

"Oo. That's why I'm already trying to compromise right now. 'Tsaka... hindi na ako
magmamahal ng iba, Alonzo."

Ngumiti siya at bahagyang hinaplos ang takas na buhok ko at inipit sa aking tainga.
"Sigurado ka ba?"

Tumango ako.

"Then if you're sure... and you want to be with me when I have my presentation in
Manila... and probably anywhere I go for the next months and years... and if you're
ready... then, will you marry me?"

Matagal bago ko naproseso ang sinabi niya. Napaangat ako ng tingin sa kanya. My jaw
dropped. I didn't expect that line to be said so casually. Marahan niyang hinaplos
ang aking daliri kung saan dapat ang singsing.

"I want this and I always thought I'd make it special for you. Not like this,
without a ring and in an old house. Pero..."

I saw his adam's apple move, marking his hard swallow before he uttered the next
words...

"Papakasalan na kita, Sancha. Kung papayag ka, magpakasal na tayong dalawa."

Manghang-mangha sa naririnig galing sa kanya, hindi ako nakapagsalita. I'm so sure


of him, too. I love him and I'd marry him, too!

"I'm not deciding this out of happiness. I thought about this a bit. Sa bawat pag-
iisip ko, sigurado ako na ikaw ang gusto kong pakasalan. Pag-isipan mo rin sana
'to, Sancha. We can get married a few months from now, before my presentation."

Hindi pa rin ako makapagsalita. He looked away a bit.

"If you want to be girlfriend and boyfriend, but you're sure of me, we can get
married... at sa susunod na ang pag-aanak. Tutal bago pa naman tayo at mas
mabuting... ganoon muna. Kung gusto mo lang..." napapaos niyang sinabi.

Yumuko ako, biglang na excite sa sinabi niya! Of course I want it! I can't imagine
marrying someone else!

"Sorry, I don't have a ring yet. I didn't really prepare for this but I'm sure...
I'm marrying you. If... you want it, too."

"G-Gusto ko ring magpakasal na sa'yo," sabi ko.

"Hindi naman kita minamadali. Mas mabuting isipin mo na rin muna talaga dahil
seryoso ito. Pero sinasabi ko lang na sigurado ako sa'yo at ikaw ang pakakasalan
ko."

"Gusto ko na ring magpakasal sa'yo!"

Hindi siya nagsalita. Umawang ang labi at nanatili ang titig sa akin.

"I like only you, Alonzo. All this time. I liked Soren then but it was nothing
compared to how I feel about you," nangilid ang luha ko. "Mahal kita. Ilang taon
kitang hindi nakita, mahal pa rin kita. Kaya sigurado akong ikaw ang gusto kong
pakasalan. Isipin ko man 'to ng paulit-ulit."

Slowly, a smile crept on his lips and a slow velvetty kiss was placed on my lips.
Marahang hinabol ang hininga dahil sa sikip ng dibdib, kasiyahan, at tamis ng
halik, inawang ko ang labi ko nang tumigil siya.

I closed my eyes and felt his lips again. This time, I felt him opening my mouth
and kissing me intensely. Uminit ang batok at pisngi ko, pinanghinaan bigla at
hindi na inalintana na nasa sala talaga kami ng bahay nila. Kami lang dalawa pero
hindi man lang ako natakot na may biglang dumungaw o pumasok sa pintuan.

"Gusto kong ma experience na girlfriend kita pero hindi na rin naman ako
makapaghintay na mapangasawa ka, Sancha. Kaya seryoso ako na gusto na kitang
pakasalan. If you'd make up your mind, I'll tell our parents. At sa pagbisita namin
sa inyo, mamamanhikan na ako."

Tumango ako, nanghihina pa rin sa halik niya. Nahihilo ako sa init.

He chuckled. "You want that?"

Tumango ulit ako.

"We'll get married before my research is done. Isasama kita sa Maynila at titira ka
na nga sa condo ko. Sa kuwarto ka natin matutulog."

Hinawakan ko ang damit niya, kahit nanghihina ay gustong-gustong sumang-ayon sa


kanya.

Ilang araw ang nakakaraan, lihim ko pang pinroblema ang pag-alis niya. Maiiwan ako
rito sa Altagracia. Some things are just blessing in disguise, huh? Even those that
made us feel bad or gave us pain. Including this!

I felt my world slowly opening up to him. At naramdaman ko rin kung paano niya
pinagsikapan na makalapit. Ngumiti ako. He kissed me again, this time a bit longer.
Iyong wala na kaming narinig kundi ang aming paghinga at mumunting tunog ng halik.

"I kept your birthday card. It was that day I was sure I'll marry you... someday,"
he whispered.

"Magpakasal na tayo, please, Alonzo," tanging nasabi ko.

Tumango siya at muli akong siniil ng halik.

💕💕💕
That was the last chapter and this is the epilogue of Getting To You. Pasensiya na
at nalimutan kong magsabi last time dahil nagmamadali akong ipost ang updates. This
is the second installment of my Azucarera Series, my light take of romance and
homecoming. By now you probably noticed the difference of this series from the
others. Thanks for reading. It means a lot to me.

---

WAKAS

Yumuko ako, ayaw sanang magsalita pa. Hindi ko alam paano kumalat iyon. Hindi ko
gustong lumabas ang usapan sa iilang pinagkakatiwalaan ko pero sa ngayon, balikan
ko man ang lahat, wala na akong magagawa.
"Totoo ba 'yon?" si Sir Manolo Alcazar.

Hindi ko naman inasahan na aabot sa kanya iyon at lalong hindi ko inasahan na


kukumprontahin niya ako dahil doon. I swallowed hard. I can't hide my nervousness.
Tumango ako, nakayuko pa rin. Bahagya niyang sinuntok ang tiyan ko at dahilan kung
bakit napaatras ako ng kaunti. Hindi masakit at pabiro lang pero ramdam ko na
seryoso siya.

"Para malaman mo, Alonzo. Bata pa ang kapatid ko para mag boyfriend!"

"Hindi ko naman po liligawan si Sancha, Sir. Nagagandahan at nababaitan lang naman


po ako. Iyon lang naman po," tanging nasabi ko.

Nagkatinginan kami ni Sir Manolo. Madilim ang tingin niya sa akin, para bang
nananantiya at hindi ako pinagkakatiwalaan. Humilig siya sa harapan ng kanyang
lamesa bago humalukipkip.

"Sige nga. Paano mo siya nagustuhan?"

Ayaw ko sanang pag-usapan ang ganito. Hindi ko kanino man nasabi ang tungkol dito
pero dahil gustong malaman ni Sir Manolo, ang kuya ni Sancha, siguro wala na akong
magagawa kundi sabihin ang totoo.

"Nakausap ko lang siya ng ilang beses, Sir. Magalang, mabait, at mahinhin kaya...
uh..." I tried my best to find a better word than liking her. "Hinangaan ko lang
po."

Nagkatinginan ulit kami ni Sir Manolo. He smirked.

"Talaga? Iyon lang talaga?"

"Opo, Sir. Iyon lang."

"Liligawan mo?"

"Hindi po, Sir," agap ko.

"Hindi man halata dahil mahinhin na bilang Grade Eight, bata pa si Sancha at ayaw
kong nililigawan siya. Kahit ikaw."

"Alam ko naman po 'yon, Sir."

"Buti nang nagkakaliwanagan tayo, Lonzo. Maraming ka-batch mong magaganda, 'yon na
lang ang ligawan mo. May iba ka bang gusto sa batch mo? Si... ano... Steffi?
Almira? Si Camila?"

I chuckled nervously. "Wala naman sa isipan ko ang pag-gi-girlfriend pa, Sir. Gusto
ko lang mag-aral at magtrabaho para makatulong sa mga magulang ko."

Tumango siya. "Buti nang nagkakaintindihan tayo."

Naghintay akong paalisin niya ako sa opisina pero nagtagal pa siya roon. Kaga-
graduate lang niya ng college at agad na nasa mataas na posisyon dahil sila ang
may-ari ng azucarera na pinagtatrabahuan. Si Sancha ang bunso nilang magkakapatid
at kahapon lang, natanong ako ni Ma'am Peppa kung totoo ba 'yong narinig niya
tungkol sa kagustuhan ko kay Sancha. Hiyang-hiya ako. Alam ko agad na ipapatawag
ako ni Sir Manolo sa susunod na araw.
"Kapag tumanda na. Say, she's twenty. Hindi mo pa rin liligawan?!" medyo pagalit
ang tanong ni Sir Manolo sa akin.

Napasulyap ako, hindi alam ang tamang sagot. Ano naman ang gusto niyang marinig?

"Uh, Sir, hindi ko pa masyadong iniisip 'yan."

He laughed mockingly this time. "So? Makakaasa ako na kahit tumanda si Sancha,
hindi mo liligawan, Alonzo?"

Ilang sandali akong natigilan kay Sir Manolo. Totoong hindi ko pa inisip ang
tungkol diyan. I just said I like Sancha because she's kind and pretty. I never
said that I'd like her to grow up and see if she can be my girlfriend. Simpleng
paghanga lang talaga ang nararamdaman ko kay Sancha. Iyon lang. Kaya ang hirap
naman ng tanong na ito!

"Sir, uh... Hindi ko pa po kasi naiisip 'yan. Simpleng paghanga lang naman po para
kay Sancha ang nararamdaman ko. Hindi naman po seryoso-"

"Hindi seryoso?!" galit na puna ni Sir Manolo.

"Ang ibig ko pong sabihin... uh... simpleng paghanga lang. Hindi ko naman po
iniisip na magiging girlfriend ko siya kalaunan. Lalo't hindi naman yata ako kilala
no'n at... uh... pag-aaral pa po ang iniisip ko sa ngayon."

I get that he may want an assurance from me that I will never court Sancha no
matter what. Siguro naisip niya rin na mahirap lang kami kaya wala akong karapatang
ganoon. Yumuko ako.

"Sa ngayon po, hindi ko pa masasabi... Uh..." nahihirapan ako.

Sir Manolo started laughing again. I gritted my teeth and grew more embarrassed at
the moment.

"Sa ngayon naman po pag-aaral lang ang iniisip ko dahil gusto kong umayos ang buhay
ni Mama at Papa. Gusto ko lang pong maging propesyunal at makapagtrabaho ng maayos.
Iyon lang naman po ang plano ko, Sir."

"Hindi ko tinatanong ang plano mo sa buhay, Lonzo. Iniisip ko na liligawan mo ang


kapatid ko kapag nasa tamang edad siya."

I swallowed hard again. "Sa ngayon, wala sa plano ko iyon, Sir. Pero kung
pagbabawalan mo po ako dahil tingin n'yo hindi ako puwede kay Sancha...
maiintindihan ko po."

Tumuwid siya sa pagkakatayo.

"Hindi kita pinagbabawalan, Alonzo. Sinasabi ko lang na bata pa siya kaya bawal pa
siyang ligawan... kahit nino... kahit nino. Ikaw man o sino pa 'yang kaibigan niya,
mayaman man o hindi. Now, I want to know if you will court her eventually if you
two are of age."

Hindi ko talaga alam kung bakit itatanong pa ito ni Sir Manolo. It's like a trick
question. If my answer displeases him, he may kick me out of here. What does he
want me to say? To say no? Hindi naman daw bawal pero baka gusto niyang umayaw
talaga ako ng tuluyan? Hindi pa naman ako nag-iisip ng ganoon.

"Sir, pasensiya na. Uh... kung pagdating ng panahon, gusto ko pa rin si Sancha
at... kapag umayos na ang buhay namin... hindi ko gustong isarado ang pintuan ko sa
posibilidad, Sir," I said then I prepared for his violent reaction.

"Ganoon ba, Lonzo?" he asked sarcastically.

Sumulyap ulit ako kay Sir Manolo bago huminga nang malalim at tumango.

"Magtrabaho ka na do'n. Ayusin mo, ah. Mag-aral ka ring mabuti..." aniya.

"Opo, Sir. Sorry..." sabi ko bago siya tinalikuran at lumabas na sa opisina.

Hinintay kong sisisantehin niya ako sa mga sumunod na araw pero hindi naman. Hindi
na ulit namin iyon napag-usapan. Iyon din ang tingin nina Mama at Papa nang pag-uwi
namin sa araw na iyon, tinanong nila ako kung bakit ako pinatawag ni Sir Manolo.

"At anong mga sinagot mo?" nag-aalalang tanong ni Mama.

"Ayaw ko pong magsinungaling. Paghanga lang naman po para kay Sancha kasi mabait-"

"Sana sinabi mo na hindi na lang totoo, Lonzo. Alam kong hindi ka dapat
nagsisinungaling pero kung paghanga lang pala tapos ang kapalit ay maaaring
pagkakasisante natin, e 'di sana nagsinungaling ka na lang!"

"Mama, kung sisisantehin ako ni Sir Manolo, mag-aapply na lang ako sa kabilang
azucarera. At kapag kayo naman... baka hindi naman dahil ako lang naman ang may
kasalanan. 'Tsaka makikiusap na lang po ako, kung sakali lang na madamay po kayo."

Sinapo ni Mama ang kanyang noo, dismayado sa sinagot ko. Dismayado rin naman ako sa
sarili ko. Madali lang sana kung nagsinungaling ako. Hindi na humaba ang usapan
namin ni Sir Manolo. Kaya lang... kalat na iyon at ayaw kong pabulaanan pa at
nahihiya akong malaman ni Sancha na nagsisinungaling lang ako.

"Hindi naman siguro, Laura. Bata pa 'yang anak mo at alam naman siguro ni Manolo na
natural lang ang paghanga. Crush-crush lang, kung baga."

If you ask me how I really came to like Sancha, there are a lot of reasons and
events that lead me to really like her. Nasa Grade twelve kami at siya nasa grade
seven noong nagsimula akong nagkagusto. Hindi natural sa akin na humanga sa mas
bata. Dati pa man, nagagandahan lang sa iilang ka edad ko. Kaya noong una, hindi ko
makilala kung ano ang nararamdaman ko.

"Lonzo, hintayin mo 'ko!" si Almira na tinawag ako.

Malapit nang magsimula ang klase namin. Kanina kasi, nahihirapan pa siya kung ano
ang bibilhing pagkain kaya hindi agad nakabili. Dadalhin nalang iyon sa classroom
dahil nasa isang mahabang discussion kami na nagbreak lang ng fifteen minutes dahil
lunch na.

Susunod na sana ako sa mga kaibigan ko dala ang pagkain ko pero dahil tinawag ni
Almira, huminga ako nang malalim at tumigil para hintayin siya. My eyes then
drifted to the girl in front of Almira-- si Sancha.

Ilang beses ko na siyang nakasalamuha at sa bawat beses na iyon, humahanga ako sa


kabaitan niya. Last year sa Christmas party nina Mama at Papa, pagod na pagod na
siya pero tumulong pa rin siya sa pamimigay ng pagkain at regalo. Parehong umalis
na si Sir Manolo at Ma'am Peppa at ibinilin na lang sa kasambahay ang pagpapatuloy
pero si Sancha, nakisalamuha pa kahit na halatang pagod na.

"Iba na lang, Almira. Mayroon doon..." sabay tingin ko sa ibang pagkain.


"Iyan ang gusto ko! Dito na lang! Malapit na naman, e!" aniya pagkatapos tinuro ang
dala kong rice toppings.

Nagbuntonghininga ako. Para na siyang nilalanggam sa pila dahil kanina pa lumagpas


ng labing-limang minuto at ang bagal pa ng nauna kay Sancha. Nasulyapan ni Sancha
si Almira, siguro dahil sa itsurang parang nilalanggam, hindi niya naiwasan.

"Nagmamadali ka ba?" she asked.

Tumango si Almira, hindi gaanong willing makisalamuha ngayong kinakabahan.

"Ikaw na ang mauna," si Sancha.

My eyes widened a bit. Nagulat din si Almira.

"Hindi. Huwag na. Ikaw na."

"Mamaya pa ang klase ko. Hindi ako nagmamadali kaya ikaw na ang mauna. Ako na ang
sunod sa'yo."

Ngumisi si Almira. "Sige, thank you! Sorry ha? Thank you talaga!"

She let her cut in line. Mabilis na um-order si Almira ng rice toppings at inumin.
Mabuti na lang at mabilis lang iyon kaya hindi na rin naman naghintay ng matagal si
Sancha.

"Anong sa'yo?" ang cashier habang hinihintay ni Almira ang sukli niya.

"Rice toppings po," si Sancha sa marahang boses.

"Ay naku! Ubos na! Last na 'yong sa kanya..."

Mabilis akong tumabi kay Almira at hindi na nag-alinlangan pang ilahad ang pagkain
ko.

"Hindi ko pa nabubuksan. Eto na lang..." I offered.

"Lonzo! Tara na! Anong oras na, oh! Ang quiz!" si Almira sabay hila sa akin.

Umiling si Sancha. "Uh... Hindi na. Bibili na lang ako sa iba."

I felt guilty. Inilahad ko ulit kahit pa patuloy na ang tawag ni Almira sa akin.

"Pero gusto mo 'to, 'di ba? Eto na lang-"

"Lonzo! Tara na!" Almira said impatiently.

Sancha smiled. "Thanks but that's your lunch and you should go. Bibili na ako sa
iba. Ayos lang naman."

Ngumiti ulit siya bago lumipat sa ibang stall. Tahimik kong tiningnan ang dala ko
at sumunod na lang kay Almira.

It's just her little thoughtfulness, peace, and smile. That's all that I liked
about her.

"Hindi puwedeng model or artista, Alonzo! Iyong nandito sa Altagracia dapat!" anila
isang beses na nag-outing kami dahil nanalo sa isang contest.
Ayaw ko sanang sumali sa laro kaso kami lang naman ang nandoon. Ayaw kong maging
kill joy. I know if I chose dare, they would make me kiss someone, gaya ng ginawa
nila kay Travis kaya truth ang pinili ko. The question is very usual: who is my
crush? Of course it's easy to answer a hollywood celebrity or any model.

Nilingon ko ang grupo. Lima lang kami. Tatlong babae at dalawang lalaki. Si Travis
at ako lang ang nandoon at mapagkakatiwalaan naman sina Almira.

"Huwag kang mag-alala, hindi namin sasabihin!" si Camila na siyang nagpatiuna sa


tanong.

Tumawa ako. "Talaga?"

"Classmate ba?" panunuya ni Almira.

Surprisingly, I realized I am not attracted to anyone in Altagracia as of the


moment. Isa lang naman ang hinahangaan ko.

"Sino, Lonzo? Tagal naman mag spill!"

"Sige, crush lang, ha? Uh... Sancha Alcazar."

Sabay-sabay ang gulat ng tatlong babae. Tumawa naman si Travis at umiling.

"Maganda nga pero parang masyadong mabait, Lonzo! Medyo boring? Maganda 'yong medyo
adventurous, e! Para sa'kin lang, ha." si Travis.

Sinimangutan ko ang kaibigan. "Buti at hindi nga para sa'yo si Sancha, Travis. Para
sa'kin 'yon."

Humagalpak si Camila ng tawa at si Almira naman tinuro ako.

"Lonzo! Excuse sa mayayaman dito, Travis, at Camila, ah, pero ang yaman no'n! Hindi
ka papansinin no'n! Trabahante ka lang nila!"

Tumawa ako. "Crush lang naman, Almira."

"Seriously, though... Lonzo, mayaman kami pero ang mga Alcazar? May sariling golf
course sa bakuran nila... gano'n ka yaman!" si Camila. "At medyo... malupit si
Manolo kaya... mahihirapan ka."

"Tss. Crush lang naman. Hindi ko naman sinabing liligawan, e," I said defensively.

"I can imagine you on Tito Crisanto's wrangler, nakatali, at hila-hila, paikot sa
malawak nilang tubohan!" si Travis.

"Dude, that's dark!"

Umiling ako. "Hindi naman ganoon si Sir, Travis."

Tumawa si Camila. "Ano 'yon? Palabas lang? Hindi naman strict si Tito Crisanto,
sabi ni Ate Paloma. Si Manolo pa ang mas istrikto! Kaya 'yon ang isipin mo!"

"So? Si Manolo na ang nagdadrive sa wrangler kung saan hila-hila ang sako, kung
nasaan si Alonzo, sa buong tubuhan?" dagdag ni Almira sabay hagalpak na nilang
apat.

"Tss. That's enough. Ang dami n'yong iniisip. Crush lang naman! Kayo talaga..."
"Ang bata pa no'n! You might creep her out, Lonzo!" si Camila.

Bahagya akong kinabahan. "Hindi ko naman liligawan, e. Sinagot ko lang naman ang
tanong, Camila."

"Ang tanda mo siguro sa tingin no'n?"

Natahimik ako at pinilit na lang na ibahin ang usapan. Iyon lang naman ang naalala
kong pagkakataon na sinabi ko iyon. One time when Anais, a girl from the lower
batch, tried to confess to me, I didn't exactly tell her I liked Sancha. Kahit pa
paulit-ulit niya akong tinanong kung sino raw ba ang gusto ko at bakit hindi kami
puwede.

Hindi ko matingnan si Anais. The tears on her cheeks make me feel too guilty.

"Sabihin mo, Lonzo! Sino ba kasi iyong gusto mo, ha? Bakit hindi mo kayang subukan
kahit isang linggo lang?!" she has been at it for months now.

Gusto niya raw na maging girlfriend ko kahit isang linggo lang. Noong una sabi niya
para lang daw sa prom. I politely said no since I can't go to her prom. I have
work. Papayag naman ako kung hindi lang abala. Pero ang pagiging boyfriend niya,
abala man o hindi, hindi ako makakapayag.

"I'm truly sorry," iyon lang ang nasabi ko.

"Hindi ko kailangan ng kabaitan mo! Ang gusto kong malaman ay kung sino talaga ang
gusto mo?! Bakit ang sabi nila, may iba kang gusto rito sa Altagracia?! Bakit hindi
ko alam 'yon?!"

Nasa labas kami ng locker room ngayon. Wala namang tao pero gusto ko pa ring
tumigil na. Ayaw kong may makakita sa amin na ganito at naaawa ako sa ayos niya.

"I'm really sorry, Anais. Wala lang talaga sa isipan ko ang pagkakaroon ng
girlfriend. Marami pang iba riyan na mapagtutuonan ka ng pansin... hindi ako."

She wiped her tears.

"Totoo ba ang sinasabi nilang... si Sancha Alcazar daw?!"

Unti-unti akong napapikit, hindi alam kung bakit kumalat ang ganito.

"I hate you! Hindi na ako magco-college dito dahil sa'yo! I hate you, Alonzo!"

Hindi malayo ang nangyari sa amin ni Steffi nang sinubukan niyang magtapat.
Nalulungkot din naman ako lalo na't naging mabuting kaibigan siya sa akin. She was
the reason why my mother got in on the Alcazar's azucarera. Bata pa ako, housewife
si Mama para matuonan ng pansin ang pagpapalaki sa akin at pag-aayos sa medyo
malaki naming bahay habang si Papa nagtatrabaho sa mga Alcazar. Nang lumaki na ako
at nakakatulong na, nagpasya si Mama na mag-apply. Hindi pa head si Papa noon at
nahihiya pang makiusap pero dahil sa pamilya ni Steffi, nakapasok si Mama sa
azucarera.

I hate to break her heart. She's been a good friend to me but I can't lie to her to
please her.

"Sino 'tong kuwento nina Travis na crush mo, Lonzo?" she said a bit angrily.

Hindi gaya kay Anais, ayaw kong magpaligoy-ligoy lalo kay Steffi.
"Crush ko lang si Sancha, Steffi. Pero hindi siya kasali rito-"

"Sancha Alcazar?!" sigaw ni Steffi.

Marahan akong pumikit bago dinagdag. "Hindi siya ang dahilan nito, Steffi.
Talagang... kaibigan lang kasi ang nararamdaman ko para sa'yo-"

"You ambitious fool! Akala mo papansinin ka ng isang Alcazar?! Siya ang dahilan
kung bakit hindi mo gusto?!"

"Sinagot ko lang ang tanong moi. Walang kinalaman si Sancha rito, Steffi. Pasensiya
na. Kaibigan lang ang tingin ko sa'yo-"

"At sa kanya, ano ang tingin mo? Kay Sancha, Lonzo? Ano ang tingin mo sa kanya?!"

Hindi ako nagsalita dahil alam kong nagagalit na siya sa akin.

"Ilang taon ang agwat natin kay Sancha? Iyon ang gusto mo?! Hindi ka papasa roon
lalo't pinagnanasaan mo na-"

"Hindi ganoon, Steffi!" pagalit kong sinabi. "Hinahangaan ko lang si Sancha at iyon
lang 'yon. Wala pa sa isipan ko ang pagkakaroon ng girlfriend."

Umiling siya, patuloy ang pagkakadismaya. "I hate you!"

Looking back at that and all the things that happened, I realized that it may be
better if I lied that day. Or I kept it to myself. Hindi na siguro gumulo pa ang
lahat... hindi na siguro namin pinagdaanan ni Sancha iyon.

Yumuko si Steffi pagkatapos niyang humingi ng tawad at nagbaliktanaw sa


pagkakaibigan at sa lahat ng nangyari sa nakaraan. We are in a foreign place but
talking to her and remembering everything, it feels like I'm just in Altagracia.

"I'm really sorry, Lonzo."

Tumango lang ako, hindi matingnan ang kausap dahil sa galit na hanggang ngayo'y
nasa akin pa rin. I can't forget how I felt that day when I saw Sancha bleeding and
unconscious. Hindi siya makahinga dahil sa allergic reaction sa kung anong pinainom
ni Steffi sa kanya at sa pagmamadali'y nasagasaan pa sa labas ng mga Osorio. Tumama
ang noo niya sa daanan. Hindi ko makalimutan ang naramdaman ko noong pagkatapos ko
siyang hinatid sa ospital, dugo niya na lang ang nanatili sa kamay ko.

Hindi ko na halos marinig ang masasakit na salita galing kay Sir Manolo, sa mga
magulang ko, at sa lahat ng sumunod sa ospital para lang tingnan siya. Hindi na rin
naging malaking bagay sa akin ang naramdaman ko nang kumalat at siniraan ako ng
husto. All I think about is Sancha's crimson blood on my hands and her reputation
eternally stained by a video of us kissing.

Of all the girls in Altagracia, she was the kindest and the most prim of them all.
Hindi ako makapaniwalang sa lahat ng tao, ako pa ang dumungis sa pangalan niya
bilang ganoon! I dragged her name to the dirt, where I actually belong. I hate it.

"Gusto ko ring humingi ng tawad kay Sancha pero hindi na papayag si Ate Peppa at
Kuya Manolo na makausap ko siya. Kahit saglit. Pinagsisisihan ko ang lahat ng 'yon.
Lalo na sa ginawa ko sa'yo..."

Umiling ako. "Ayos lang ako, Steffi. Sanay ako sa panghuhusga. Pero si Sancha..." I
trailed off.
"Nawalan ka ng offer, nawala ang latin honors mo-"

"Muntik mo nang ipahamak si Sancha! Buhay niya ang kapalit. I'm used to the dirt so
I don't care about it. She isn't!"

Yumuko ulit si Steffi. Alam kong nagsisisi na siya sa lahat pero hindi ko kayang
pagsinungalingan ang galit na nanatili sa puso ko, taon man ang lumipas.

We are all regretful about everything, but as of the moment, we really have no
choice but to accept that it's done. It's over. The damage is here and we can't do
anything to reverse it.

"Yes!" sigaw ni Almira pagkatapos kong ibalita sa kanya na uuwi ako ng Altagracia
dahil marami akong kailangang gawin.

Balak ko na sa Altagracia magtayo ng clinic at doon na rin magtrabaho. I would like


to pursue a higher specialization but I think I can help more with what I have now.
Lalo na sa probinsiya na gaya ng Altagracia. Iyon ang una kong pinag-ipunan, bukod
sa mga kakailanganin. I made a commercial building near the vacant lot of our
house. Patapos na ito at na approve na ang research ko kaya puwede nang magtrabaho
muna habang tinatapos iyon.

"Pero ka-klaruhin ko lang, ha, uuwi ka para sa building?"

"At magtatrabaho rin diyan."

"Bakit pa? E puwede ka naman sa Maynila magtrabaho?"

Tumawa ako. "Maraming surgeon dito, Almira. Kaunti lang sa Negros kaya mas marami
akong matutulungan diyan sa Altagracia."

"Talaga ba, Lonzo?" she said, doubtful.

I've told her a countless times that I've already moved on. I don't talk about
Sancha anymore but sometimes she's just very doubtful about it.

"Sigurado ka, ha? Walang ibang dahilan?"

"Ano naman 'yon?" I chuckled.

"Sabagay... nasa Cebu naman 'yon kaya hindi rin kayo magkikita! Okay..."

Natigilan ako. Ayaw ko sanang punahin ang sinabi niya pero hindi ko napigilan.

"Ang akala ko ba nagpapatayo siya ng Cafe sa Altagracia, Almira?"

Almira burst out laughing. Matagal bago siya tumigil. Hinihingal na at nagbabanta
na akong ibababa ang tawag.

"Bwiset ka, Lonzo! Nakakainis ka! Gusto mo pa, e, no?! Akala ko ba naka move on ka
na?!"

"I don't know what you're talking about, Almira. Ibaba ko na at may gagawin pa
ako-"

"Kunwari ka! Tse! Kilala kita! At halatang halata ka! Maoospital ulit 'yang Sancha
mo rito, paulit ulit kong tutusukin ang ugat no'n! Arte pa naman no'n!"

"Tumigil ka nga, Almira-"


"Para malaman mo, Lonzo! Mukhang may boyfriend na 'yon!" paninira ni Almira.

Hindi agad ako nakasagot dahil iniisip ko pa kung niloloko ba ako ng kaibigan.

"Ang sabi mo sa akin noong nakaraan wala naman? Ikaw talaga. Tama na 'yan at wala
nang kuwenta 'tong pinag-uusapan natin-"

"Kunwari ka pa! Curious ka namang leche ka! Ang laki na ng boobs, Lonzo, parang may
lumalamas na?" Humagalpak siya ng tawa kaya pinatayan ko na ng tawag.

Yes, I still like her. I tried to forget her through many things but in the end, I
can't even like someone else the way I liked her. I still love her. Kahit pa ilang
beses kong isiniksik sa isipan ko na hindi kami puwede, bukod sa mahirap lang ako
narumihan ko pa ang pangalan niya. But here I am now, still trying to see if I
could fix everything between us... or if she still likes me, like what she's
supposed to confess years back.

Hectic ang naging schedule namin ni Sancha. Pagkatapos ng kasal, isang araw lang
kaming nag-ayos at naglipat ng gamit bago lumuwas na ng Manila.

I didn't want to marry her until a month before we have to go to Manila because I
want us to experience the boyfriend-girlfriend stage for a bit longer. Isa pa,
gusto ko rin siyang bigyan ng mahaba-habang panahon para sa plano sa kasal.

Tapos na ang building pero dahil amoy pintura pa, hindi ako kumportable na ipatira
siya roon pansamantala. Puwede rin sana kami sa bahay tumira kaso kasalukuyan pang
inaayos ito. Malapit na rin naman ang presentation ng research, nagpasya kami ni
Sancha na lumuwas na lang ng Maynila. That way the building and our house's
renovation will continue. Pagkabalik namin ay baka ayos na iyon. Lalo na't
pagkatapos ng dalawang buwan kong presentation na ito at iilang request na
procedures, aalis kami para sa honeymoon.

I smiled as I watched her a bit sweaty. Maayos na naman ang condo ko pero dahil
inaayos namin ang gamit niya, naging abala pa rin siya. Nagrereklamo dahil walang
kahit anong palamuti kaya ngayon nilalagay ang isang frame sa kasal namin sa
dingding. I offered her help but she insisted to do it. I can't insist on my help
because she is a great sight!

One lucky sweat dripped on her forehead down her neck. Malakas naman ang aircon
pero dahil kanina pa siya abala, pinagpawisan na. Kadarating lang namin kanina rito
at katatapos ko lang magluto ng pagkain. Gusto ko sanang magpahinga lang pero
mukhang maraming iniisip si Sancha.

"Bumili tayo ng halaman. Tapos maglalagay ako ng salamin dito!"

Unti-unti akong lumapit. When I got nearer, I snaked my arms around her and let my
face rest on her neck where the sweat was.

"T-Teka lang... Pawisan ako, Alonzo!" she laughed awkwardly.

"Aren't you tired? Walang katapusan 'tong pag-aayos natin ng gamit, ah?" nagtaas
ako ng kilay pero patuloy ang pagkakaestatwa niya.

She's always nervous. I am nervous around her too but I tried my best to feel more
comfortable so she'd feel the same.

"Teka lang, pawisan ako..." ulit niya.


Pinadaan ko ang ilong ko sa kanyang leeg. It smells like lavender and baby powder,
like usual. Hindi ko tuloy napigilan ang mga halik doon.

"Ang bracelet ko, teka lang..." she giggled.

The soft pink beads looked fine with her wedding dress. Isinuot niya iyon sa kasal
namin. Ipinaayos niya dahil nasira raw ito noong college siya pero itinago niya
iyon. Hanggang ngayon, suot niya pa rin.

"Bukas na ang mga halaman at salamin na gusto mo, Sancha. Please..." I whispered
because I don't think I can last any more day... I waited for this so patiently. I
waited for her for so long... like a long lost dream found and finally coming true.

Kinalas niya ang kamay ko at unti-unting hinarap. Namumungay ang mga mata habang
inaabot ang labi ko. I crouched to kiss her slowly, trying to stop myself from
craving her so hard, I'd impose force.

Marahan siyang tumango. I slanted my head for another kiss. We kissed for a while
and I stopped when I noticed how she's clinging to me. Tiningnan ko at nakitang
nanghihina at namumula na.

Lips apart, I slowly unbuttoned her silky top. Marahang hinawi ang damit at nahulog
na sa kanyang paanan.

"Sorry. I can't wait for the honeymoon anymore," I whispered huskily.

Mas lalo siyang namula. Hinawakan ko dahil nararamdaman ko ang panghihina niya.

"It's okay. I can't wait for it, anyway..." she said softly.

I smiled. "Halika sa kuwarto, Sancha."

📖📖📖

You might also like