You are on page 1of 180

He's Mine (My Bodyguard)

Characters:

Zen Adrian Nickerson (Zen)

Angelica Valedz (Icah (read as –Ayka-))

Mica Velasco (Mica)

Mikaela (Ela)

Sophia (Phia)

Luke

-----------------------------------------------------------------------------------
--------------------------------------------------------------

Lumaki si Icah na may bodyguard kaya sawang-sawa na siya doon. Kaya lang nung
dumating sa buhay niya ang isang bodyguard, na si Zen, mas lalo pa siyang naasar..
Kaya gumawa siya ng paraan para matanggal ito sa trabaho, ang kaso nga lang nahulog
siya dito...

May pag-aasa kaya ang love story nila? O madaming tututol sa pag-iibigan nila?

Chapter 1: The Meeting

My life’s not normal… sobra… sobrang abnormal kaya! Grr... ang I hate it so much...
oo nga mayaman nga kami, pero hello... kahit saan ako pumunta may bodyguard... I’m
not free... kung aalis ako dapat may bodyguard akong kasama... di na kaya
nakakatuwa... Nung maliit pa ako okey lang kung may bodyguard ako, pero hello...
college na ako!!.

Nawalan nga ako ng bodyguard for one week eh, kasi papalitan na... mahina kasi,
natakasan ko... lagi namang ganun, pagnatakasan ko yung bodyguard ko pinapalitan na
kaagad ng parents ko... driver ko lang yung bantay ko nun, kaya ayun lagi akong
nasa galaan...^_^ pero today start nanaman ng worst days in my life... or maybe
it’s the start of the best days in my life... (dadating na kasi yung bago kong
bodyguard... balita ko bata daw... madali sigurong matakasan ‘to... ^_^)...

*tok! Tok!*

“mam Icah... pinapatawag po kayo ni sir sa office niya” pinapatawag nanaman ako ni
daddy... ano nanaman kaya kailangan niya... (nasa bahay lang kami... may office
kasi si daddy sa bahay...)

“oo, pupunta na ako...”

Pumunta na nga ako dun, wala ng katok-katok... dirediretso lang ako sa loob...

“bakit mo ko pinatawag?”

“hindi ka ba marunong kumatok?” (roll eyes ako...) “dumating na yung bago mong
bodyguard...”

“hindi ko naman kasi kailangan na ng bodyguard... college na ako sa pasukan...”

“oo college ka na... first year college...” and so? College na ako... kaya ko na
sarili ko... hindi naman na ako siguro kikidnapin di ba?

*tok! Tok!*

Sino naman yang kumakatok na yan!


“pasok!”

May pumasok na lalaki... sino naman kaya ‘to?

“ah... ikaw pala... Angelica... i’d like you to meet your new bodyguard... Zen”
bodyguard ko siya? Di halata... ang bata ng itsura niya... siguro mga kaidaran ko
lang, ganun... “Zen, ito si Angelica... siya ang babantayan mo...”

“Icah na lang dad... mahaba ang Angelica”

Hindi ako pinasin ni daddy...

“good morning po mam.” Hay naku... ayaw ko ngang tinatawag na mam eh...

“Angelica, could you leave us for a moment... kakausapin ko lang si Zen...” oh


sure... take your time... mapapalayas ko din naman yan...

Lumabas na ako ng office ni daddy... bumalik lang ako sa kwarto ko... di rin naman
kasi ako makakalabas ng bahay... bawal kasi eh...

Haizt... sobrang hate ko talaga ‘tong buhay ko... college na nga ako, pero saan ako
mag-aaral? Eh di saan pa ba, sa isang university lang naman na pagmamay-ari
namin... pinilit ko na din kasi yung parents ko kung pwede sa ibang university na
lang, pero sino ba laging nasusunod? Di ba sila? ikaw gugustuhin mo ba yun?...

May ari kami ng apat na big companies, isang university, at madaming small
businesses... sino bang di yayaman sa ganun?

First day of my college school sa university na pagmamay-ari namin... kilala na rin


naman ako ng faculty dun... lagi akong nandoon eh, pero ang student body? Hindi
nila ako kilala... di ako nagpapakita sa kanila eh... kaya iisipin lang nila na isa
akong normal freshmen student...

“hindi mo na ako kailangan bantayan dito sa school... mag-aaral naman ako...”


“opo mam...”

“wag mo na akong tawaging mam, just call me Icah okey?”

“opo”

“wag mo din akong ipo-po at io-opo, mas matanda ka sa akin... 18 ka, 17 lang
ako...” grabe di ba, 18 years old lang ‘tong bodyguard ko...

sabi ni daddy, well trained daw ‘to kahit na bata pa lang... daig pa daw nito yung
mga matatanda kong bodyguard noon... well, tignan na lang natin...

“okey walang problema dun...”

Chapter 2: WHAT?!

Pumasok na ako... alam ko na din naman kung saan yung room ko eh... BS Pharmacy
course ko... madami-dami na rin yung students dun...

“Icah!” sino natawag sa akin? Hanap... ahh... siya pala...

“oh Ela dito ka pala...” classmate ko nung highschool slash one of my friends...
parehas kami ng status sa buhay eh, kaya nagkakaintindihan kami... mas maswerte
lang siya sa akin, kahit papano kasi nagagawa niya pa yung gusto niya ng walang
kasamang bodyguard...

“grabe! Dito ka mag-aaral sa university niyo? ‘di ba nakakasaw yun?”

“super, as in!”
Daldalan lang kami ng daldalan ni Ela... padami na rin ng padami yung mga students
sa room... may mga pumapasok di ko na nga napapansin kung kakilala ko eh... kaya
lang may isang tao na nakuha ng pansin ko eh...

“hoy Ela, nakikinig ka ba? Ano ba tinitignan mo dyan?” tumingin din ako dun...

“ang gwapo niya... grabe... ano kaya name niya?”

“what’s he doing here?”

“bakit, Icah, kilala mo siya?”

“malamang... bago ko’ng bodyguard yan eh...”

“bago mong bodyguard yan? Uber! ang bata...”

Palapit na siya sa amin...

“Icah, pakilala mo ko ha...”

“may nakaupo ba dyan?”

“wala”

“meron”

“ano ka ba, Icah, wala namang nakaupo dyan eh...”

“ba’t ka ba nandito?!”
Naupo siya dun sa upuan sa tabi ko...

“para bantayan ka...”

“sinabi ko naman sayo di mo na ako kailangan bantayan sa school... kaya ko na


sarili ko...”

“sabi naman ng daddy mo... kahit saan ka daw pumunta, bantayan daw kita...”

“ba’t mo ba siya sinusunod? Di mo naman siya kailangang sundin eh...”

“kasi siya amo ko kaya sinusunod ko siya...”

“amo din naman ako ah... at ang sabi ko wag mo na akong bantayan...”

“sino ba nagbabayad sa akin? Ikaw ba? Hindi naman di ba... kaya di kita susundin”
bwisit... sasagot pa eh... (roll eyes ako...)

Dumating na yung professor ko... nagsulat siya sa board... requirements, grading


system... sinulat ko naman... sandali kang din dinismiss na niya kami... first day
lang naman kasi eh... mag-aantay pa ako sa susunod kong klase...

“si daddy ba ang may kagagawan nito? Na sa lahat ng klase ko kaklase kita?”

“malamang, sino pa ba?”

“so wala talaga akong takas...”

“wala talaga...”

Dumating na din yung next prof namin... dun din kasi yung room kaya di na ako
umalis... ganun din yung ginawa... pero this time nagpakilala naman kami... di nga
ako nakikinig eh, nakatulala lang ako... kaya di ko namalayan na ako na pala,
nakapagsalita na pala ang aking bonggang-bonggang bodyguard... pakilala naman
ako... after ng pakilala class dismiss na... ganun din yung ginawa namin dun sa
last subject ko for today... then, uwian na...

Pumunta na ako dun sa may parking area... tatawid na sana ako kaya lang may humila
sa akin... (kaharap ko yung humila sa akin...) tapos may dumaang kotse... muntikan
na akong mahagip siguro, kung di niya ako hinila...

“balak mo bang magpakamatay?”

“oo bakit?” asar na kasi ako... kaya di mo na ako makakausap na maayos...

Magkaharap pa rin kami... May dumaan sa likod ko na mga estudyante, kaya lang yung
isa nabanggan niya ako kaya...

Waahh!!! First day of school sirang-sira na...

“sorry Icah... omg... you two kiss?”

“hindi!” todo deny... kiss ba yun? Oo kiss yun... lips to lips eh... grr!!! Kasalan
mo ‘to Ela... nasayang first kiss ko... grr...

“oo, we’ve kissed...” tinignan ko siya ng masama “bakit? Ano gusto mong sabihin ko?
Hindi? Eh nakita naman nila eh...”

“AHHH!! I HATE YOU! Ikaw lumayo ka na nga sa akin!” tumawid na ako ng mabilis...
sumakay na din sa kotse... “umuwi na tayo! Bilis!” sabi ko sa driver ko...

“mam, paano po si Zen?”

“eh di iwanan! Maglakad siya! Patakbuhin mo na!” pinatakbo na nga nung driver ko
yung kotse...
Pag-uwi ko sa bahay... wala si daddy at mommy... baka nasa company... at ito pa
matindi, naunahan pa ako ni Zen makauwi... (ano ba ‘to? Tao ba talaga ‘to?)... siya
kasi sumalubong sa akin eh...

Chapter 3: Single?!

Dire-diretso lang ako sa room ko... highblood na ako!! Waahhh!!! Kaasar talaga!
Ayoko ng makita yang lalaking yan! He’s the worst bodyguard I ever had!! Kaya lang
super duper impossible na di ko makikita yung lalaking yun... katapat (as in
katapat...) kasi ng kwarto niya yung kwarto ko, para daw di talaga ako makatakas...
ano ba yan!!! Super duper highblood! Grr!! Don’t worry Icah, mapapalayas mo din
yan...

Natulog na lang ako ng mawala ang asar ko... (ganun naman ako palagi eh...
natutulog pag naasar...) nagising ako ng mga 12:00 ng gabi... gabi na, matutulog na
lang ako... :P

Nagising na lang ako ng may gumising sa akin...

“bangon na, may pasok ka pa.” Bwisit, agang-aga siya kaagad makikita ko...

“ayokong pumasok...”

“hindi pwede, tumayo ka na dyan...” hinihila na niya ako para tumayo...

“ayoko nga sinabi eh! Ba’t ba nandito ka sa kwarto ko! Lumabas ka nga!”

“hindi ako lalabas, hanggang di ka nag-aayos para pumasok...”

“lumayas ka na nga!”
“mag-ayos ka muna...” nakakagigil!!! Binato ko siya ng unan ko, kaya lang nasalo
niya...

Bumangon na ako, badtrip naman eh... dumiretso na ako dun sa dining room namin,
para makakain na ako ng agahan...

“good morning Angelica!”

“good morning, mom...” nagkiss lang ako sa cheek ni mommy, at naupo na rin ako...

“mukhang di ata maganda ang umaga mo, Angelica....” mommy talaga, alam niya pag di
maganda araw ko

“eh kasi naman po yung bago kung bodyguard ang problema... palayasin niyo na nga po
yun...”

“hindi pwede...” hay naku, dumating na yung singgit...

“tama ang daddy mo Angelica... hindi natin pwedeng tanggalin si Zen... kailangan mo
ng bodyguard...”

“okey lang sa akin ang may bodyguard, pero wag siya... palitan niyo na siya...”

“hindi pwede, siya lang ang kaya kang bantayan ng husto...” hay naku, hindi naman
ako mananalo sa mga ‘to eh...

Tumayo na ako, wala na akong ganang kumain...

“saan ka pupunta, Icah? Kumain ka muna...”

“papasok na ako...”
“pero baka magutom ka sa school...”

“hayaan mo na yang anak mo...”

Bumalik na ako dun sa kwarto ko para maligo at makapag-palit ng unifrom...


pagkatapos ko nun, nag-ayos na rin ako ng sarili ko... bumaba na rin ako... hay
naku, nakita ko nanaman yung bwisit kong bodyguard... Pinagbuksan niya kasi ako ng
pintuan ng kotse... sumakay na ako.... umaandar na rin naman kaagad, pagsakay nung
Zen na yun...

Sa school, mas lalo ata akong mababadtrip eh...

“hoy Icah... di mo pa ako pinapakilala dun sa bodyguard mo...”

“siya si Zen, okey?!”

“may girlfriend na ba siya? O single ba siya?”

“ba’t di mo nalang itanong sa kanya, tutal katabi ko lang naman siya, naririnig ka
naman siguro niya di ba?!”

“eh... nahihiya ako eh... sige na ikaw na magtanong...”

“Ela! Tigil-tigilan mo muna ako lalo na kung tungkol sa bwisit na ito lang din
naman yun itatanong mo ha!”

“ba’t ba ang init ng dugo mo sa kanya... mukha naman siyang matino eh...” MATINO!!!

“hindi mo alam ang pinagsasabi mo Ela... alam mo ba na itong lalaking ‘to ang wost
bodyguard ko.... sobrang worst... as is super duper hyper mega worst siya...”

“alam mo ang tindi niya rin eh, naririnig naman niya tayo, pero parang wala lang sa
kanya yung pinagsasabi mo...”
“kasi manhid siya... para siyang isang bato, hindi nakakaramdam, nakakasakit
naman...”

“sinaktan ka ba niya? Hindi naman di ba?”

“basta ang alam ko lang bwisit siya!”

“sige titigilan na nga kita, yang puso mo kasi eh...”

Buti naman tinigilan na ako nitong si Ela... wala namang magawa dahil wala naman
yung prof namin, pagkatapos naman nitong subject ay 1hour break pa namin, makakain
na nga lang... kaya lang nung tatayo na ako, bigla akong hinawakan sa wrist ko nung
magaling kong bodyguard...

“saan ka pupunta?”

“kakain malamang...”

Binitiwan na niya ako, kaya lumabas na ako ng room, syempre nakabuntot sa akin
yun... bumili ako ng makakain ko... (aba, anong gusto niyo ibili ko pati siya? Asa
naman...) bumalik na rin ulit kami sa room, dun ulit kasi yung susunod kong klase
eh...

“oy natanong mo na kung single ba siya?” naasar na ako... matanong na nga ng di na


ako kulitin nito...

“hoy Zen, single ka daw ba o sidecar?”

“Icah, naman eh...”

“bakit? Tinatanong ko naman siya kung single siya ah...”

“eh ba’t may sidecar?”


“walang pakielamanan... kanya-kanyang trip yan... oy ano sagot?”

“single...” woah! Single? Pwera biro? Gwapo niya kaya... yah, i admit it, gwapo
siya bwisit nga lang...

“nagka-girlfriend ka na?”

“no, i guess?..”

“di ka sure? Noh ba yan?”

“ba’t ka single? Gwapo ka naman? Wala kang niligawan?” nakikinig lang ako... sabi
ni Ela nahihiya daw siya, tanong naman ng tanong...

“bawal eh...”

“BAWAL???” nagtinginan sa amin yung ibang classmates ko...

“wag kang maingay, Icah...”

“ba’t bawal?”

“eh bawal akong magkagusto sa mga binabantayan ko eh.” Bawal magkagusto sa


binabantayan? Hmmm, naiisip niyo ba naiisip ko? Hehehe :P

“madami ka ng nabantayan?”

“oo”

dumating na yung prof namin...


“noh ba yan, mamaya na lang ulit...”

Discuss... boring... di ako nakinig... tinatamad ako eh... dinismiss niya din kami
kaagad... uwian na YEHEY!

Lumabas na kami ni Zen para pumunta sa parking area... kaya lang wala pa yung
driver eh, kaya wala pang sundo...

“hey! I’ve heard na bawal kang magkagusto sa binabantayan mo, bakit?”

“ewan ko... rule yun kaya kailangan sundin...” oh i see...

“so paano kung magkagusto ka sa binabantayan mo, anong mangyayari?”

“wala namang mangyayari, patatalsikin lang naman nila ako, yun lang...” cool...
patatalsikin pala ha...

“oh i see... ^_^”

“wag kang mag-alala di ako magkakagusto sayo, kaya di mo ako mapapatalsik...”

“wala naman akong sinasabi ah...”

“pero halata namang may plano ka...”

“oh really? You’ll see, matatanggal ka din... maghintay ka...”

“sabi mo eh...”

Dumating na rin yung driver ko, pinagbuksan na ako ng pinto ni Zen... umalis din
naman kaagad nung nakasakay na kami...

Chapter 4: Boyfriend?! Eew...

Sa daan, medyo matraffic...

“ano ba yan...” medyo irita na yung tono ko sa bagal ng usad... “dumaan naman tayo
sa mall...” matagal-tagal na din akong di nakakapag-gala...

Dire-diretso lang sa pagpapatakbo ng kotse si manong driver...

“kuya, di mo ba ako narinig? Mag-mall tayo...”

“naku, mam, si Zen po kasi yung susundin ko tungkol dyan...” ano ba yan... Zen
nanaman... siya ba ang daddy ko para siya ang masunod?

“sige kuya, dumaan po tayo dun... babantayan ko naman po siya eh...” talaga?! Yes!
Matagal na akong di nakakagala... kung minsan mabait rin naman pala itong si Zen
eh... minsan nga lang...

Umikot na nga si manong driver para pumunta sa mall... huminto rin kami sa mall...
binuksan na ulit ni Zen yung door ko...

“sige kuya, balikan niyo na lang po kami after an hour...”

“1 hour lang? ‘no ba yan... sana di na lang nag-mall...”

“sige kuya, ayaw na niyang mag-mall... uuwi na po tayo...”


“hindi, joke lang... halika na...” tapos hinila ko na siya... “after an hour
kuya... bye...”

Sa loob ng mall, wala naman akong balak bilhin... nakaka-inip lang kasi sa bahay
kaya gusto kong pumunta dito... lakad lang ako ng lakad...

“ano bang bibilhin mo dito?”

“wala, window shopping lang...”

“aanhin mo ng bintana??...” engot ba ‘to? Di niya alam ang window shopping?! Saang
planeta ba ‘to galing?

“alam mo ba yung window shopping?!”

“oo alam ko yun, masama na bang magbiro?” so it’s a joke...

“pwes, di nakakatawa... ang corny mo...”

“kumain kasi ako ng mais...” badtrip ang corny niya talaga... ilayo niyo nga sa
akin ‘to, baka mahawa ako ng ka-cornihan nito...

“whatever...”

Lakad-lakad...

“1 hour lang tayo, nakaka-30 minutes ka na sa pag-iikot...”

“and so?”

Di na siya nagsalita, nabara ko ba siya? Ata? Hahaha...


Lakad ulit... nakakita ako ng ice cream, makabili nga...

“ice cream po, yun po... isa lang” wait! Paano naman siya? Kawawa naman, feeling ko
kasi di pa siya kumakain.. “sige gawin niyo na pong dalawa...”

Binigyan nga ako nung tindera ng dalawa, binayaran ko na rin naman...

“oh...” inabot ko sa kanya yung ice cream...

“no thanks, sayo na lang...”

“hay naku, ang arte mo! Kainin mo yan!” inabot ko ulit sa kanya... “kunin mo...”

“Icah!” sino naman yung tumatawag?

Tumingin ako kung sino, ah siya pala...

“hi! Remember me? We’re classmates, nung 4th year... remember? Phia... Di mo ba
naalala?” naalala ko, ikaw kaya yung maingay kong katabi...

“of course naaalala kita... boyfriend mo?” may kasama kasi siyang guy...

“nope, bestfriend ko... ang gwapo naman ng boyfriend mo...” boyfriend?! Si Zen?!
Never! Asa naman! “hi i’m Sophia, Phia for short... this is Migs, bestfriend ko...”

“hi Migs, i’m Icah... this is Zen... ahmm... boyfriend ko” sabay smile... (wala
kasing nakakaalam dun sa dati kong school na super yaman ako, at may bodyguard
ako... secret yung real identity ko dun, baka daw kasi makidnap or what...) kaya
yun sinabi kong boyfriend ko ‘tong si Zen, na kahit sa loob-loob ko ay ayaw ko...
“sige una na kami ha, nice meeting you... bye...” hinila ko na si Zen

“umuwi na tayo, tawagan mo na si kuya... baka kasi may makita nanaman akong
kakilala, ayaw ko ng sabihin na boyfriend kita... kinikilabutan ako, maisip ko pa
lang...”

“nandoon na si kuya... pumunta na tayo sa parking lot...”

Pumunta na kami sa may parking lot...

on the way sa parking lot...

“di ba sabi mo, ayaw mo na sabihin ako ay boyfriend mo? Eh ba’t yun ba kasi yung
sinabi mo kanina?..”

“eh kasi nga, bawal may makaalam ng real identity ko. Okey?”

“okey, pasok na.” Binuksan na niya yung pinto...

Umuwi na kami, wala nga akong magawa sa bahay... nag-computer na lang ako sa room
ko, balak ko nga sana ay mag-net na lang kaya lang sobrang bagal ng connection
ngayon, gigil nga eh... kaya yun naglaro na lang ako ng plants vs zombies... pag-
nilalaro ko ‘to may naalala ako... si Zen, may Zen garden kasi sa plants vs zombies
eh... (pati ba naman sa laro nakabantay siya sa akin?! Tsk... :P)

Chapter 5: Duwag!!

The followign days, wala namang kakaiba... lagi pa ring nakabuntot si Zen sa
akin... ay alam niyo ba mas close na kami ngayon >.<... bakit? kasi pag sinabi ko
na mag-mall kami papayag siya... madali lang naman akong makasundo eh, basta makuha
ko lang yung gusto ko, okey na ako... at take note, nung nag-mall kami nung isang
araw 2hours kaming paikot-ikot, saya di ba... hindi na 1hour... pero syempre
distansya siya pag nasa mall, baka kasi may makakita na kasama ko yun itanong
nanaman kung boyfriend ko, ayaw ko na noh! Nakaka-usap ko na rin yun ng matino,
buti naman... :P
Nasa school kami ngayon...

“Zen, kwento ka naman tungkol sa buhay mo...” Ela talaga, oo...

“hay naku, Ela, if i know gusto mo lang naman siyang makilala lalo para makapag-
pacute ka pa sa kanya lalo...”

“wag ka ngang magulo dyan Icah...”

“wala naman akong maikukwento sayo eh...”

“bakit? kailangan ba secret ang kwento ng buhay mo?”

“di naman, pero wala talaga akong maikukwento sayo...”

“na-curious lang ako, Zen... hindi ka pa ba nag-ka-gusto sa babae?” wait lang, ba’t
ko ba tinanong yun? Eh kasi nga na-curious ako... kayo talaga, baka ano isipin
niyo...

“nagkagusto na... minahal ko siya...” di siya nakatingin sa amin habang sinasabi


niya yun... bitter??

“minahal mo? Eh ba’t di mo niligawan? Wag mong sabihing binusted ka? Kung ako
siguro yung babae, oo ako sayo...” hay naku...

“ba’t di ko niligawan? Kasi nga bawal... binusted niya ba ako? Hindi, pero malaki
ang pag-asa ko sa kanya kung nanligaw ako, mahal niya rin kasi ako eh...”

“eh ba’t di naging kayo? Nasaan na yung babae?”

“sinabi ko naman sa inyo dati na bawal akong magkagusto sa binabantayan ko di ba?


At kung nasaan siya, di ko na alam... nilayo ako sa kanya eh...” awts... ang sakit
naman nun... nilayo siya? Di ko pa kasi na try magmahal eh, kaya di ko alam yung
feeling na inilalayo, pero para kasing ang sakit...

“ibig sabihin amo mo yung girl?!”

“oo, nag-ka-gusto ako sa kanya, nag-ka-gusto siya sa akin... nung nalaman nung
kumpanya kung saan ako nagtratrabaho, dun ako sinimulang ilayo sa kanya... tsaka
lang din nalaman nung magulang niya kaya tuluyan na akong pinatalsik...” ang
lungkot ng tono niya... naawa ako sa kanya, pero hayaan mo na... feeling ko naman
di niya talaga mahal... kasi kung mahal niya talaga kahit anong mangyari ipag-
lalaban niya... agree ba kayo?

“di mo naman mahal yung babae eh...”

“ano ka ba, mahal niya nga daw...”

“eh ba’t di niya pinaglaban?”

“hindi ko kaya eh...”

“duwag ka kasi...” tapos tumayo na ako at umalis...

Hay naku, naaasar ako sa ganun... sasabihin mahal niya hindi naman kayang
ipaglaban... walang kwenta... duwag...

Uwian na rin kasi kaya pumunta na ako sa parking lot... wait lang, nawalan ata ako
ng asungot ah... di siya nakasunod sa akin... dahil ba sinabihan ko siya ng duwag?
Eh sa duwag naman kasi talaga siya...

Pumasok na ako sa kotse...

“kuya, halika na, uwi na tayo...”

“si Zen po?”


“ewan ko dun... tara na...”

“di na po ba natin siya hihintayin?”

“hindi, tara na nga...”

Umalis na yung kotse... pagdating ko sa bahay, nandun na siya... grabe ang bilis
niya... nilagay ko lang yung gamit ko sa kwarto ko, tapos pumunta ako dun sa duyan
sa garden namin... favorite past time ko dun, sarap kasing matulog dun...

Naupo lang ako sa duyan... swing, swing, swing... palapit siya dito, wag niyong
sabihin na kahit dito babantayan niya pa rin ako... hello??!! Nasa bahay na ako...
di naman ako tatakas ah...

“ba’t ka nandito?”

“babantayan ka...”

“hindi ko kailangan ng bantay, magdu-duyan lang naman ako eh... alis na...”

Pero di siya umalis, naupo siya dun sa may upuan na malapit sa duyan...

“hoy!” tumingin siya sa akin... “ba’t di mo siya niligawan?”

“kasi nga bawal...”

“bawal?! what an excuse...” hindi naman kasi magandang excuse yun di ba?

“bakit ano bang gusto mong isagot ko?”

“sabihin mo, di mo kaya... sabihin mo duwag ka... na di mo kaya...” wait lang! Baka
naman... “ah siguro kaya di mo siya niligawan kasi bakla ka...” tumayo ako dun sa
duyan at lumapit sa kanya, tumayo ako dun sa harap niya nakapamewang pa... :P “ang
totoo ang gusto mo talaga ay lalaki at sinabi mo lang na gusto mo siya... bakla!”
masama lang ang tingin niya... “so bakla ka nga, nagkukubli ka lang...” ewan ko ba
kung bakit ko yun pinagsasabi sa kanya, naaasar kasi ako ngayon sa kanya eh... kaya
di ko na mapigilan...

“tigilan mo na ang pagtawag sa akin ng bakla...” highblood? Naks ngayon ko lang ‘to
nahighblood ah...

“BAKLA!” baliw ko... ano ba kaya ang nasa utak ko ngayon? Mangtrip?

“tumigil ka na!” woah!! May exclamation point na siya! Galit na... wahahaha...
“alam mo ba ang ginagawa ko sa mga tumatawag sa akin ng bakla?”

“ano? Hahalikan mo? As if you can... di mo kaya, duwag ka nga kasi, di ba?”

“oo hinahalikan ko nga... bakit gusto mo ba ng isa, kaya ayaw mong tumigil?”

“hindi... i’m just telling the truth... na duwag ka, na you’re a gay!”

Tumayo siya, tapos...

(0.0) ako yan... nashock ako sa ginawa niya! Sira ulo siya! Ayaw niya pang tumigil,
di niya pa rin pinapakawalan yung labi ko... bwisit! Icah natuto ka na, wag tatawag
ng bakla basta-basta...

Tinulak ko siya ng malakas, kaya napalayo na siya...

“SIRA ULO KA! Isusumbong kita kay daddy! MANYAK!”

Tumakbo na ako ng mabilis... pumunta ako sa office ni daddy... dire-diretso lang


ako sa loob...

“DAD!”
“i’ll call you later.” Binaba niya yung phone... “bakit ka napasugod?”

“dad, palayasin niyo na siya!.. manyak siya! Hinalikan niya ako!”

“sino ba ang tinutukoy mo Angelica?”

“eh di sino pa ba? Yung magaling kong bodyguard! Dad, he kissed me. He’s a maniac.”

“si Zen? Impossible yan, Angelica...”

“it’s possible. He just kissed me a while ago.” Dumating na yung bwisit kong
bodyguard...

“oh Zen nandyan ka pala... totoo ba yung sinasabi niya?”

“na ano po sir?” maang-maangan pa... naku! subukan niya lang magsinungaling!

“na hinalikan mo daw siya?”

“no sir, hindi ko po magagawa yun.” WHAT!!!!

“HE’S A LIAR!!”

“Angelica, calm down. Hindi mag-sisinungaling si Zen.”

“dad, sa kanya pa kayo maniniwala? Ako anak niyo!”

“Angelica, he can’t do the thing na binibintang mo sa kanya...” WHAT! Ano ba yan!


BWISIT!
“AAH!!!” aalis na ako, pero before nun, dinuro ko muna yung bwisit kong bodyguard..
“IKAW! Pagbabayaran mo yung ginawa mo sa akin! I HATE YOU!” then tuluyan na akong
lumabas ng office ni daddy...

Zen’s POV

“sir, sorry po sa interruption ni mam Icah...”

“totoo ba kasi yung binibintang niya?” hala lagot, magsinungaling ka muna Zen...

“no, sir, i can’t do that.” Parang totoo ah...

“okey. Sige. You can go now.”

Lumabas na ako ng office... galing ko palang magsinungaling... ngayon ko lang


nalaman yun ah... grabe, highblood na highblood si Icah... eh siya naman kasi
nagsimula eh, kung di niya ako tinawag na bakla at duwag, di ko naman siya
hahalikan eh...

Ngayon lang ulit ako nakapang-asar ng babae... ang huli kong naasar ay si Mica,
siya yung babaeng kinukwento ko kaila Ela at Icah... nasaan na kaya siya ngayon?
Na-miss ko na siya... napa-isip ako dun sa sinabi sa akin kanina ni Icah, na duwag
daw ako... siguro nga natakot ako kaya di ko siya naipag-laban... ayoko na nga ulit
magmahal sigurado naman kasing ilalayo nila ako malaman lang nilang may nagustuhan
nanaman ako... ang hirap!!

Lakad, lakad... saan kaya ako pupunta? Tumigil na lang ako dun sa harap ng kwarto
ko... sa loob na lang ako, sigurado namang di lalabas yung babaeng loka-loka na
yun... eh galit sa akin eh, kaya sure ako na hindi siya lalabas... magkukulong lang
yun at matutulog... ganun naman yun palagi eh...

Pumasok na ako sa loob... maririnig ko naman oras na tumakas yun, ako pa, well
trained nga ako di ba?

Icah’s POV

BWISIT!!! I hate him so much! Akala ko pa naman maayos na kami! Bwisit talaga! Grr!

Nagkulong lang ako sa kwarto ko, malamang, ayaw kong makita yung bwisit na yun
noh!! Nakakagigil talaga! Dalawang beses na! Nakakakaasar!!!! Waahhh!!!

Sa sobrang asar ko nakatulog na ako... mag-gagabi na rin naman, sigurado straight


na tulog ko hanggang bukas ng umaga... (_ _) Zzzzz

Chapter 6: Magpaalam...

Kina-umagahan... bumangon na ako at may pasok pa... nag-ayos na ako ng sarili ko


before lumabas ng kwarto ko... pagkalabas ko sa kwarto ko, gusto ko sanang bumalik
sa loob... siya ba naman kasi makita mo sa umaga, hay naku, mas gugustuhin mo pang
mag-hapon na matulog...

“kain na...”

Di ko pinansin, bumaba na ako, para makakain...

Sa hapag-kainan, mag-isa lang akong kumakain... bakit kaya? Lagi ko namang


nakakasabay sila daddy at mommy pag-kumakain...
“yaya, sila mommy nasaan?”

“maaga pong umalis para pumunta sa airport...” ahh... business... ngayon pala alis
nila... so 1month akong mag-isa at kasama ang mga katulong dito... free kaya ako?
Hmm... siguro hindi nandito yung bwisit eh...

Pagkatapos kong kumain, umalis na rin kaagad kami... sa daan, nag-iisip lang ako...
hulaan niyo kung ano iniisip ko, bilis hulaan niyo......

Eh di ano pa ba, nag-iisip ako kung paano ko mapapalayas itong bwisit kong
bodyguard... suggestions pls?!

Tatlo palang ang naisip ko eh... una, dapat magkagusto siya sa akin ng mapatalsik
na siya... pangalawa, dapat magkagusto siya sa akin... at pangatlo, dapat talagang
matutunan niya akong mahalin ng mapalayas na siya... oha di ba, ang ganda ng naisip
ko... eh kasi naman yun lang talagang na-iisip ko...

Sa school...

“Icah! Icah!”

“bakit ba Ela? Magkatabi lang naman tayo sigaw ka pa ng sigaw...”

“eh kasi nagtext sila Phia sa akin kahapon... may binabalak kasi silang camping...
gusto mo bang sumama?” camping? Woah! Mukhang masaya yun ah...

“saan naman?”
“di ko alam... pero sabi niya, mala-ala forest daw... malapit siguro sa bangin...
ang saya nun! Sama ka ha, Icah!” malapit sa bangin?! Eh kung itulak ko kaya ‘tong
si Ela dun... wahahaha!!! ^o^

“sige! Go ako dyan! Eh kailan ba yun?”

“next month September 3-4...” ekk..ano ba yan, dalawang araw lang!

“ba’t 2 days lang?”

“actually september 2 daw ng gabi ang biyahe papunta dun, and then sa september 4
naman sa hapon ang balik dito...” oh i see...

“sige, game ako diyan!”

Nagklase lang nung araw na yun, pagkatapos nun umuwi na ako...

Nagdaan ang mga araw... naka-uwi na rin sila mommy at daddy...

“Icah! Icah!”

“ba’t ba kailangan sumigaw? Katabi lang naman kita at di rin ako bingi!”

“nagpaalam ka na ba sa mom at dad mo?”

“nagpaalam? For what?”

“ano ka ba?! Nalimutan mo na ba yung camping?” oo nga pala... nawala sa utak ko...

“ay, oo nga... di pa pala ako nakakapag-paalam”


“magpaalam ka na, next week na yun...”

“ano ka ba? Wag ka ngang mag-alala...”

“wag mag-alala?! Paano pag di ka pinayagan?”

“papayagan ako nun...”

“sabi mo eh... basta ha dapat kasama ka...”

“oo na, paulit-ulit...”

Pagkatapos ng last subject umuwi na rin kami ni Zen, asar pa rin ako sa bwisit na
‘to noh! Ano akala niyo, bati na kami?? Asa...

Siya ngayon ang nag-drive ng kotse... may sakit kasi yung driver ko... marunong
naman pala siyang mag-drive, di na lang siya ang mag-drive pag-napasok... hay naku!

Sa bahay... dumiretso agad ako sa office ni daddy... wait, kailangan mabait


ako... :P... katok...

*tok, tok, tok

“pasok!” binuksan ko yung pinto... “ikaw lang pala... bakit? may kailangan ka ba?”
pinipirmahan niya yung mga files nung pumasok ako...

“ahmm.. kasi... dad... ano... pwede po ba akong sumama sa camping next week? Kasama
ko po yung mga highschool classmates ko dun... sa september 3-4 po... pwede po ba?”

“sige.” Sige? Kasama ako?

“ha?”
“i said, you can join them.” Talaga?! Baka nagbibiro lang ‘tong si daddy...

“talaga po?!”

“oo... kasama mo naman si Zen di ba?..” WHAT!! Hindi ayaw ko!

“ha? Hindi dad.”

“so ayaw mong kasama si Zen?” oo noh, ayoko talaga...

“parang ganun na nga po...”

“okey! Kung di kasama si Zen, di ka rin pwedeng sumama...” WHAT!!!

“pero, dad!”

“kasama si Zen o hindi?” naman kasi eh...

“ok fine, kasama na siya...”

“may kailangan ka pa ba?”

“wala na po... sige po, lalabas na ako...”

Hay naku! Nakakagigil! Kasama nanaman yung asungot! Wala na ba akong pwedeng gawin
na ako lang mag-isa?! Kaasar naman eh!

To: ela

‘my gud news at bad news...’


From: ela

‘bkt? ano yng gud & bad news?’

To: ela

‘gud news, pinygn aq n sum2..

bd news, ksma ang bwisit!’

From: ela

‘tlga??!! Ksma si zen?’

To: ela

‘2wang-2wa k p?’

From: ela

‘syempre nmn noh! Ksma si zen... xcited n q...’

To: ela

‘m22log n aq...

gud nyt!’

From: ela

‘gud nyt, icah >.<’

Hay naku! Natulog na nga ako...


Chapter 7: Camping!

Lumipas ang mga araw, september 2 na... walang pasok ngayon, kaya sabi umaga na
lang daw magkita-kita para daw maraming magawa dun sa camping area...

“Icah, ingat ka dun ha...” hay naku... dapat sinasabi niya yan sa aking magaling na
bg (bodyguard... ang haba kasi eh...)“pero sigurado naman akong ligtas ka dun...
kasama mo kasi si Zen...”

“una na po kami!”

Sumakay na ako dun sa kotse... driver ko? Si Zen syempre... pumunta muna kami dun
sa school ko nung highschool pa ako... dun kasi meeting place...

“Icah! Buti nakasama ka... wow, kasama mo pala yang boyfriend mo...” ekkk... ang
alam nga pala ni Phia boyfriend ko ‘to... noh ba yan...

“ang gwapo niya naman, Icah!” smile ^_^... noh ba yan... ayaw ko nga na maging
boyfriend ‘to eh...

“boyfriend?” si Ela... tsk... tinignan ko lang si Ela... please Ela... maki-ride ka


muna... “ahh... kasama mo pala siya...”

“may boyfriend ka na pala Icah...” si Luke ‘to...

“yup... si Zen nga pala, boy-boyfriend ko...” ayaw ko talaga... labag sa akin...

“hi pre, Luke...” shakehands sila... “sayang naman Icah... di na pala kita pwedeng
ligawan...” ekkk... noh ba yan...

“ahh... hehehe...” pilit na tawa... noh ba yan... “may hinihintay pa ba tayo?”

“kayo lang yung hinihintay... tara na...”


“kasya ba tayo dyan sa van?” tumingin lahat sila sa akin... “may masama ba akong
nasabi?” tinuro nila yung kotse namin “sabi ko nga... may kotse nga pala kaming
dala... hehehe”

“pwede ba ako maki-join ride sa inyo ni Zen?”

“oo naman...”

“noh ka ba, Ela, hayaan mo na silang dalawa dun...”

“sige na nga...” nakangiti ng nakakaloko si Ela...

“ba’t ka ba nakangiti diyan?”

“wala lang...”

Hmp... sumakay na ako dun sa kotse... sa harap na ako naupo... baka sabihin pa nung
mga yun ginawa kong driver yung ‘boyfriend’ ko... (kinikilabutan talaga ako...
maisip ko pa lang... na boyfriend ko ‘to... di ko carry...)

Nag-drive na sila papunta dun sa area... sinundan lang namin sila... pagdating
namin sa camping site...

“dalawa lang kasi ang pwede sa isang room, syempre dapat hiwalay ang girls sa
boys... so bali paano ba natin hahatiin? Sampu kasi tayo, parehas pa na tig-lima...
mag-sama na lang kaya kami ni Migs sa isang room?..”

“ba’t di na lang kaya si Icah at yung boyfriend niya yung mag-sama? Tutal di pa
naman ganun kakilala ni Zen yang mga lalaki na yan...” ayoko nga! Asa!

“ayaw!”

“okey lang sa akin!” tinignan ko siya ng masama...


“okey lang naman pala sa kanila eh... oh sha, sige na... kayo magkasama...”

“nandoon yung mga kwarto... pili na lang kayo, kung saan niyo gusto...”

Ako mamimili ng kwarto namin... maghahanap ako ng malaki na kwarto... hanap-


hanap... ayun... ang ganda naman dito, kaya lang isa lang ang kama...

“Icah, isa lang talaga ang kama kada room...”

“ha??!!”

“dun na lang siya oh...” sabay turo sa couch... sabi ko nga, meron naman pala nun
eh... “eto lang yung kwartong meron niyan, kaya dito na lang kayo...”

“okey...” lumabas muna kami ng kwarto ni Ela... wait lang may nawawala ata?.. ayun,
nakita ko na... “hoy! Dito tayo!”

Pumunta na si Zen dun sa kwarto...

“hoy, doon ka...” sabay turo sa couch... “oh ano, magrereklamo ka?”

“nagsalita ba ako?” tapos binaba na niya yung gamit ko...

“maglalakad muna ako ha...” ba’t ba ako nagpaalam sa kanya?

“saan?”

“doon” sabay turo dun sa madaming puno...

“wag turo ng turo... baka mamaya ma-nuno ka niyan...”


“haha... funny...” tapos umalis na ako...

Chapter 8: Naligaw?..

Lakad, lakad... stop... lakad, lakad, lakad... stop ulit... tingin sa likod, wala
namang tao... lakad ulit, lakad, lakad... stop... tingin sa likod...

“WAAHH!!!” nagtakip siya ng tenga...

“ano ka ba wag kang ma-ingay!”

“ba’t ka ba kasi nakasunod?? Nanakot ka pa!”

“malamang, binabatayan kita... at hindi ako nanakot...

duwag ka lang talaga.” Bumulong pa, narinig ko rin naman...


“hindi ako duwag noh!”

“sabi mo eh...”

“bumalik ka na nga dun!”

Di siya umalis... mag-lalakad na nga lang ulit ako.... lakad, lakad, lakad... lakad
lang ako ng lakad di ko na nga alam kung nasaan na ako eh...

“Icah.”

“ano?!”

“alam mo ba kung paano bumalik?” wait, di ko alam...

“didiretsuhin mo lang yan... di naman ako lumiko eh... dire-diretso lang ako...”
tama ba? Di ko talaga alam kung paano bumalik eh... hahanapin naman siguro nila
kami pag-nawala kami nito...

“okey.”

Naglakad na ulit ako... kakalakad ko, nakarating na kami dun sa may bangin...
lumapit ako ng unti, gusto kong makita kung gaano kataas... mataas din naman...

“hoy, wag kang lumapit diyan, baka mahulog ka...”

“opo, ayan na nga po eh... babalik na...” tumalikod na ako...

Kaya lang pagtalikod ko, yung kinatatayuan ko ay biglang bumigay... mahuhulog ako!
“AAHHH!!!”

“ICAH!”

Nawalan ako ng malay...

Pag-gising ko... ba’t parang ang lambot ata nung nahulugan ko? Tatayo na sana ako,
kaya lang feeling ko may nakalagay sa likod ko... (baka nahulugan ako ng bato sa
pagkabagsak ko...) ginamit kong pang-tayo yung kamay ko... kaya lang...

“aray!!”

nagising diwa ko... si Zen! Nasa ibabaw niya ako at yakap-yakap niya, kamay niya
pala yung nasa likod ko... sinalo niya ako??? Hindi nga??

(FLASHBACK...)

Zen’s POV

“Icah.”

“ano?!”

“alam mo ba kung paano bumalik?” ang tagal niya bago sumagot

“didiretsuhin mo lang yan... di naman ako lumiko eh... dire-diretso lang ako...”
naliligaw na siya... di niya alam kung saan siya naglulusot... hay naku, buti na
lang talaga sinundan ko ‘tong babaeng ‘to
“okey.”

Naglakad na ulit siya at sinundan ko naman siya... nakarating na kami doon sa may
bangin, lumapit naman siya... Hay naku! Pag yang babaeng yan nahulog, ewan ko na
lang...

“hoy, wag kang lumapit diyan, baka mahulog ka...”

“opo, ayan na nga po eh... babalik na...” tumalikod na siya...

Kaya lang pagtalikod niya, yung kinatatayuan niya ay biglang bumigay... mahuhulog
siya!

“AAHHH!!!”

“ICAH!” nahulog siya!

Hinabol ko siya... tumalon na rin ako at nasalo ko rin siya... niyakap ko siya ng
mahigpit... kaya nung pagbagsak namin, nawalan ako ng malay...

(END OF FLASHBACK...)

Icah’s POV

“bitawan mo ko!” nahampas ko siya!

“aray!” binitiwan na niya ako, kaya nakabangon na rin ako... na-upo lang ako...
“ang sakit!” hala, baka masakit yung katawan niya? Ikaw kaya mahulog... buti nga
buhay pa siya eh...

“hoy, okey ka lang ba?” bumangon na rin siya...

“aray ko, ang sakit... naman...” medyo madilim na... mag-gagabi na ba? Hindi
pala... kasi ba naman pag-kasabi ko nun biglang tumulo yung ulan... ano ba yan!

“umuulan...”

“tara, maghanap tayo ng masisilungan...” tatayo na sana ako, kaya lang...

“aray! Paa ko...” ngayon ko lang namalayan...

“noh ba yan? Napilayan ka ba?”

“ewan ko...” ang sakit talaga...

“hay naku!” bigla niya akong binuhat na parang sa ikakasal... nabigla nga ko eh...
“kailangan nating maghanap ng masisilungan...” tapos naglakad na siya...

Grabe siya... masakit na nga yung katawan niya, binuhat niya pa ako... na-gui-
guilty tuloy ako sa mga pinag-gagawa ko sa kanya...

Nakahanap rin naman siya ng maliit na kweba...

“dito muna tayo...” tapos binaba niya ako sa gilid...

May bag pala siyang dala (maliit lang yung bag, back-pack, siguro for first aid
kit... ahh, basta!) nagsindi siya ng ilaw, medyo madilim kasi sa loob... gumawa
siya ng maliit na bonfire... (kung saan siya nakakuha ng kahoy? Di ko alam...)
basang-basa na ako, kasi naman yang ulan na yan eh...
“magtanggal ka na ng damit mo...” tama ba narinig ko? Pinapatanggal niya damit ko?

“ha?! Ano?!”

“sabi ko tanggalin mo damit mo.” Manyak talaga ‘to! Ngayon balak na niya akong
rapin... waahh!! Wag naman po!

“ayoko!”

“basang-basa ka na... kailangan mo ng tanggalin yan... baka magkasakit ka pa...”

tinanggal niya yung t-shirt niya... half-naked na tuloy siya... ano ba yan??! Bata
pa po ako!! Iniwas ko yung tingin ko... naman kasi eh... (hoy! Di ako manyak para
pagnasahan yung katawan niya noh... kahit na, sige aminin na natin, maganda yung
body built niya... as in... may six-packs pa siya... so hot...) ekkk... tigil na
Icah!

Pero alam niyo ba? Pag-naka-shirt siya iisipin mo na normal lang din yung body
niya, na hindi complete yung six packs pero pagnagtanggal pala siya ng shirt meron
pala siyang ma-ipagyayabang...

Bigla niya akong binato... ano ba ‘tong binato niya? Jacket na malaki... super laki
pag ako yung nag-suot pero pag siya yung nagsuot tamang-tama lang sa kanya...

“magtanggal ka na ng damit at ayan na muna isuot mo...” ok fine!

Tatanggalin ko na sana yung damit ko kaya lang naalala ko...

“hoy! Wag kang titingin!”

“di ako nakatingin...” di nga siya nakatingin...

Tinanggal ko na yung damit ko para mapatuyo na at sinuot ko yung jacket niya... ang
haba sa akin eh, mukhang dress na sa akin yung jacket niya... unting haba na lang
kasi hanggang tuhod ko na... ako na maliit siya na kapre sa tangkad...
Nagugutom na ako, wala ba siyang pagkain sa bag niya?.. mukhang nabasa niya yung
iniisip ko, bigla kasi siyang may binato... ano ba kaya ‘to? Chocolate... favorite
ko... tumingin ako sa kanya...

“wala akong matinong pagkain, yan lang nasa bag ko... pagtiyagaan mo na muna
yan...” ekk... ang bait niya naman...

“baka nagugutom ka na? Hati na lang tayo”

“wag na... sayo na yan...” wala bang tubig? Demanding... naring niya rin ata kasi
bigla siyang lumapit...

“oh... tubig...” may bottle siya ng tubig... wow! Boy scout, laging handa... pag-
kaabot nya nun, naupo na ulit siya...

Naaawa ako sa kanya... baka kasi gutom na siya, di lang niya sinasabi... nakayuko
lang kasi siya...

May naririnig ako, parang may nag-hiss... tingin sa gilid, wala... tingin sa
kabila...

“Zen...” hala tulog ata siya, di niya ako pinansin eh... wag naman sana (T.T)
“Zen...”

“bakit?..” gising!

“m-may a-ahas...”

“saan??” tumingin ako sa gilid ko... nakita na ni Zen... palapit na yung ahas sa
akin... (T.T)... Zen!!!

Napapikit ako sa takot... ang sunod ko na lang na nakita, bitbit na ni Zen yung
ahas duguan... pinukpok niya siguro? Tinapon niya sa labas... (at sa labas ay
umuulan pa rin...) natatakot na ako, naman kasi eh...
Bumalik na si Zen doon sa kina-uupuan niya kanina...

“Zen...”

“bakit?..” tumingin siya sa akin... di naman ako nagsasalita na natatakot ako...

nabasa niya nanaman ata yung iniisip ko kasi lumapit siya sa akin at naupo sa tabi
ko... pag-kaupo niya ay yumuko na ulit siya... matutulog na siguro siya, inaantok
na rin kasi ako... siguro gabi na...

“Zen... wag kang aalis dyan ha...”

“oo... di ako aalis...” pagkasabi niya nun, sinubsob ko na rin yung ulo ko para
makatulog... and then, knockout na ako... (_ _) Zzzz

Naalimpungatan ako nung mga... ahmmm... anong oras kaya yun? Basta yun na yun...
basta naalimpungatan ako... medyo malambot na matigas yung pinaglalagyan nung ulo
ko... tapos parang may something na nakapatong sa balikat ko... (ewan ko basta
ganun...) tapos tulog ulit...

Nung nagising ako... di na umuulan... patay na rin yung bonfire... at, wait!
Mukhang alam ko na kung ano yung medyo malambot na matigas na tinutukoy ko
kagabi... si Zen pala yun... nakasandal pala kasi yung ulo ko sa balikat niya...
at, wait ulit! Yung something pala na yun ay kamay ni Zen, nakaakbay siya sa akin!
Ekk... biglang bumilis ang tibok ng puso ko... bakit heart???

Maya-maya naramdaman ko na si Zen... (hala, gigising na ata... tulug-tulugan ako...


pikit mata ulit...) gising na nga... inaayos niya yung pwesto ko eh... gumising na
nga ako... hikab kunwari... stretch ng hands, kaya lang...

“aray!” oh, oh... tinamaan nung kamay ko yung mukha niya... ano ba yan...

“ay, sorry Zen... di ko sinasadya...” sorry?? Ngayon ko lang sinabi yun ah...
“okey lang...” tumingin siya sa labas... “tumigil na pala ang ulan... magbihis na
tayo, at aakyat na tayo...”

Tumayo na siya at sinuot yung shirt niya... inaabot niya sa akin yung damit ko...
kinuha ko na rin naman kaagad sa kamay niya...

“talikod ka na...” tumalikod na rin siya... nagbihis na ako... “tapos na, Zen.”
Himala ata at tinatawag ko siya sa pangalan niya...

“okey na ba yang paa mo?”

“okey na siguro...” i try to stand up... kaya lang... “ahh...” natumba ako... ay
hindi mali, muntikan lang pala... sinalo niya ako... bumilis nanaman yung tibok ng
puso ko... ano ba, wag kang ganyan heart!

Inupo niya ulit ako, tapos minasahe niya yung paa ko...

“mamaya, okey na yan... bubuhatin na lang ulit kita...”

“hindi, kaya ko na!”

“wag ka nang makulit... bubuhatin kita... okey lang ba kung ikaw magbitbit niyang
bag ko?” gawin ba akong utasan? Sira ulo ‘to ah!

“okey lang...” inabot niya na sa akin yung bag niya... at sinukbit ko rin naman sa
likod ko yung bag niya...

“tara na!” tapos binuhat niya ako... ay mali ulit, pinasan pala... pinasan niya ako
sa likod niya....

Hala... baka mabinat ‘to... baka masakit pa katawan niya tapos pinasan na niya
ako...

“Zen...”
“bakit?.”

“ahmm... okey ka lang ba?”

“hmm?? Oo, okey lang ako... bakit?”

“kasi... baka masakit pa yung katawan mo sa pagkahulog natin kahapon... tapos


binuhat mo na ako...”

“okey lang ako...”

“sure ka?”

“oo... 100% sure...”

Hindi ko na nga siya tatanungin... wait lang, ba’t parang concern ata ako sa kanya
ngayon? Eh kasi naman nakakaawa na siya... halos mamatay na ‘to sa pag-bantay lang
sa akin... ganun ba ako kahirap bantayan?

Nanahimik lang kami saglit habang naglalakad...

“ba’t parang ang bait mo ngayon? Ganyan ba epekto ng pagkahulog sayo?”

“ha?!”

“dapat lagi ka palang nahuhulog para lagi kang mabait eh...” ha???!!! Sira ulo ‘to
ah! Ang bait-bait ko na nga sa kanya tapos gaganituhin niya pa ako! Sira ulo!

Naku, Icah! Timpe ka lang... nakakaawa siya! Masakit pa katawan niyan, ayaw lang
aminin... timpe ka lang! Kasi sigurado, riot nanaman kayong dalawa pag di ka nag-
timpe!
Chapter 9: Nakabalik din....

Luke’s POV

Kahapon pa namin hinahanap sila Icah pati yung boyfriend niya... ba’t ba kasi di pa
sila bumabalik... nag-aalala na ako sa kanya... baka ano ng nangyari kay Icah...
gigil! Pag may nangyari lang talaga kay Icah, lagot sa akin yang boyfriend niyang
yan!!

“Luke, saan ka pupunta?” sabi ni Phia

“hahanapin ko ulit si Icah...”

“sasama ako, Luke...” si Ela yun

“sige...”

Nung palabas na kami ni Ela...

“Icah! Zen!” tumakbo ng mabilis si Ela papunta sa kanila... “saan ba kayo galing?
Kahapon pa namin kayo hinahanap... ano bang nangyari sa inyo? Ang gusgusin mo na
Icah!”

“wait lang... mamaya ka na mag-interview... mabigat kasi eh...”

“eh kung binababa mo na kasi ako di ba?”

“dadalhin ko muna siya sa kwarto...”


Dire-diretso lang yung boyfriend ni Icah papunta dun sa kwarto nila... sumunod lang
si Ela dun sa dalawa... sumunod din yung ibang babae...

“ngayon ko lang nakita si Icah na madumi ah... ano kaya nangyari sa kanila?”

“ewan ko... gusto ko ring malaman...” sumunod na lang din kami sa kanila dun sa
kwarto...

Icah’s POV

Pagdating namin sa kwarto, binaba na ako ni Zen sa may kama...

“Icah! Okey ka lang ba...” tanong ni Ela

“oo, okey lang ako...” natamaan ni Ela yung paa ko! “ARAY!”

“bakit?!”

“wag mong anuhin yang paa ko...”

“Icah, maligo ka na muna ng malagyan natin ng benda yang paa mo...” nakatingin lang
kami sa isa’t-isa “gusto mo pa rin bang buhatin kita ha?”

“hindi! Kaya ko sarili ko... ahmm, Ela... tulungan mo naman ako pumunta dun sa
banyo...”
“kaya daw?! Tapos magpapatulong pa... tsk... bag mo, oh...” inabot niya sa akin
yung bag ko

“Zen, maligo ka na rin... may banyo dun...” si Phia yun...

“sige...”

Ayun naligo na ako... pati siya, dun sa kabilang banyo ha baka kung ano isipin
niyo... ika-ika akong lumabas ng banyo, muntikan pa nga akong madulas eh... tapos
na kaagad si Zen maligo... nakahiga na siya dun sa couch...

“tapos ka na pala...” tinulungan niya akong bitbitin yung bag ko... wait! Di lang
yung bag, pati pala ako binuhat niya... binaba niya ako sa kama... “nawiwili ka na
ata na binubuhat ka ah...”

“hoy hindi ah!”

May hawak siyang benda... benebendahan niya yung paa ko... mabuti at marunong
siya... (naman, Icah! Hello... b.g. kaya yan... marunong talaga yan...)

“aray! Ingat naman, masakit eh!” tumingin lang siya sa akin...

ekk... kailang naman... nakatitig lang siya sa akin... bumilis nanaman yung tibok
ng puso ko... hey wait! Wait lang! Ba’t nilalapit niya yung mukha niya sa akin? Hoy
wag! Ang bilis na talaga ng tibok ng puso ko... at as in, kaharap na kaharap ko na
yung mukha niya... unting lapit na lang at mahahalikan ko nanaman ‘to... ayoko po!
Pumikit na lang ako...

“Icah! Icah!” sabay bukas ng pinto... ang bilis ng reflexes ni Zen eh... inaayos na
niya ulit yung benda ko before bumukas yung pinto eh... “okey na ba siya, Zen?”

“okey na yan... tapos na Icah...” naupo na ulit siya sa may couch...

Nung bumukas yung pinto feeling ko nadisappoint ako... ewan ko nga kung bakit eh...
dahil ba sa hindi natuloy yung balak ni Zen? Ewan ko!!! Wag niyo na akong guluhin!
May nag-sipag-pasukan pa... yung iba pa naming kasama... mag-iinterview na sila...

“Icah, ano ba nangyari sa inyo kahapon? Ba’t bigla kayong nawala?”

“hindi kami nawala...”

“hindi nawala??!! Eh hindi nga namin kayo mahanap eh... inabutan na kami ng ulan di
pa rin namin kayo makita... saan ba kasi kayo galing?”

“dyan lang?” dyan lang naman talaga kami galing eh... dyan lang sa may bangin :P

“eh paano ka napilayan?”

“nahulog kasi kami okey?!”

“nahulog?? Saan?”

“saan ba nahuhulog? Sa baba ba? Di ba sa taas ka nahuhulog?”

“Icah, naman kasi eh...”

“nahulog kami sa bangin... oh happy?”

“sa bangin??!!” nagulat namanako kay Luke, kung makasigaw naman...

“Luke, chillax lang ha...” ang sama ng tingin niya kay Zen... naiisip ko ata ang
iniisip niya... “walang kinalaman si Zen kung bakit ako nahulog ha...”

“ikwento mo na kasi...” magsasalita na sana ako kaya lang...


“nahulog siya sa bangin... sinalo ko siya... ayun parehas kaming nahulog... masakit
likod ko, napilayan naman siya... umulan kaya naghanap kami ng masisilungan...
nakakita kami ng kweba, dun na kami nag-pa-umaga... kina-umagahan heto na kami...
tapos ang kwento...”

“ayun lang pala eh... pinahaba-haba mo pa, Icah...” oo yun nga lang, yun nga lang
talaga...

“it’s his fault, kaya ka napilayan!” nababadtrip na talaga ako kay Luke!

“HINDI NIYA NGA KASALANAN, OKEY?! LUMABAS NA NGA MUNA KAYO!! KULANG PA AKO SA
TULOG!” kagigil! Bwisit eh!

“highblood na si Icah... lumabas na muna tayo...” lumabas na nga sila, buti


naman...

“sige, tulog muna kayo ni Zen...” lumabas na rin si Ela... isa na lang ang di
lumalabas...

“magpahinga ka na, Icah...”

“oo, magpapahinga na ako! Layas na!” lumayas na rin si Luke... buti naman...
matutulog na ako... kulang pa talaga ako sa tulog...

Nung napatingin ako sa gilid ko, nakatingin siya sa akin...

“ba’t ka ba nakatingin?! Matulog ka na nga!” nahiga na ako, pagkatapos kong mag-


taray...

Matutulog na sana ako, kaya lang, wait!! Kasama ko nga pala ‘tong lalaking ‘to...
baka ano maisipan nitong gawin sa akin...

“hoy ikaw!” tumingin lang siya sa akin... “wag kang makalapit-lapit dito sa kama!
Subukan mo lang, patay ka sa akin!” pagkatapos kong sabihin yun, nahiga na siya sa
couch... at ako, pinikit ko naman yung mata ko para makatulog... (_ _) Zzzz
Chapter 10: Stars...

Nagising na ako, mga 4:00 siguro ng hapon yun... nagugutom na ako... tingin sa
couch, wala siya? Nasaan kaya siya? (Eh ba’t ko ba hinahanap?) bumukas yung
pinto... (ayun na yung hinahanap ko... may dala siyang food... ulam at rice pati
syempre juice...)

“kumain ka na...” inabot niya sa akin yung dala-dala niya...

“ikaw? Kumain ka na ba?”

“oo...”

Ayun kumain na nga ako... nakaupo lang ulit siya sa may couch, nakayuko lang
ulit... napa-isip ako, masakit pa kaya likod nito?

“hoy, Zen... masakit pa ba likod mo?”

“hindi na...” di siya nakatingin sa akin... nagsisinungaling lang ‘to...

“sinungaling!”

“tapos ka na bang kumain?” iniba ang usapan

“oo”

“ilalabas ko na yang napagkainan mo...”


“okey!”

nung kinuha niya yung plato at baso, pinalo ko yung likod niya...

“aray!”

“sinasabi ko na nga ba eh... sinungaling!” palabas na siya ng pinto... “hoy,


bumalik ka kaagad ha...”

May tv naman sa kwarto kaya nanood muna ako habang wala pa siya... ang tagal naman
nun... bumukas na yung pinto...

“ba’t di ka pa lumalabas? Masakit ba pa yang paa mo?”

“okey na ako... upo ka...” pinapaupo ko siya dun sa may kama... at may malaking
question mark sa kanyang mukha... hay naku... “sabi ko, ma-upo ka dito...”

Kahit na pilit, naupo siya...

“bakit mo ba ako pinapa-upo?” ahmm??? Bakit nga ba? Trip ko lang! Jowk! >.<

“i-mamasahe kita...”

“ha?”

“kasi ano... ah, basta...” tapos minasahe ko na yung likod niya...

“aray!”

“ahmm.... sorry ha...” nag-sorry nanaman ako, di ako sanay... “kasi naman eh...”
na-guiguilty kasi ako...
“nagui-guilty ka ba?”

“ahmm... parang ganun na nga...” naman kasi eh...

“di mo kailangang ma-guilty... katungkulan kong protektahan ka, kahit na ikamatay


ko pa..” naman... lalo tuloy akong na-guilty...

“basta, sorry...” pagkasabi ko nun, biglang bumukas yung pintuan...

“Icah!” nagulat ata si Ela... sinara na niya yung pintuan at pumasok siya sa loob
ng kwarto namin... “naman eh... ano yan ha?... ako na lang...”

“bakit? inggit ka?”

“Icah, naman eh...” pagtripan ko kaya ‘tong si Ela?

Hehe... pagtri-tripan ko talaga... bigla kong niyakap sa likod si Zen, dun sa may
leeg niya...

“ICAH!!!” nagmamakaawa yung tono niya... hehehe... ^_^

“ayan na nga eh, bibitaw na... oh ikaw na magmasahe sa kanya...” nanood na lang ako
sa tv...

“Yehey!” tapos naupo rin siya sa may kama, para siya na ang magmasahe kay Zen...
“kamusta ka na Zen? Masakit pa ba yung katawan mo?..” ba’t kaya ako, di niya
tinatanong? May pilay po ako?!!

“medyo okey na...”

“may dala akong salonpas” sabay labas ng salonpas... “gusto mo lagyan kita?” hay
naku, Ela talaga, oo...
“hinaharass mo na yang si Zen...”

“oy, di kaya... inggit ka lang...” loka-loka ‘to... ako na-inggit? Hindi noh!!

“ba’t naman ako maiinggit?” tapos biglang ngumiti si Zen... “anong nginingiti mo
dyan ha?”

“wala lang...”

“may di ba ako alam ha?!”

“wala naman...”

“baka... may ginawa ka kay Zen noh?! Icah naman eh!”

“hoy wala!” tapos ngumiti nanaman si Zen... “ba’t ka ba ngiti ng ngiti dyan ha?!”

“masama na bang ngumit ngayon?”

“oo masama...” tapos pinalo ko siya...

“aray!”

“Icah naman eh... sinasaktan mo si Zen...”

“hindi na nga eh...” nanood na lang ako ng tv...

Tinigilan na ni Ela si Zen, ako na kasi ang ginulo niya...


“Nakakaasar kayong dalawa... dahil sa inyo wala tuloy tayong nagawa dito!”

“kasalan ba namin na nahulog kami?”

“oo kasalan mo... kung di ka naman nahulog, di kayo mawawala eh... tapos,
nakakaasar ka pa... na-solo mo si Zen kahapon! Kagigil ka...”

“inggit... ^_^”

“kasi naman eh... (T.T), nakakaasar ka talaga!” biglang bumukas yung pinto...

“ba’t ka nandito?!”

“ang tarey..!”

“tinitignan ko kung okey ka na...”

“okey lang ako... okey na okey kasi kasama ko boyfriend ko...” sabay yakap kay Zen
sa may leeg niya ulit... smile pa ako, kunwari...

Ayaw ko kay Luke... masyado kasi... akala niya lahat ng babae magkakagusto sa
kanya, ibahin mo ko noh... ayaw ko sa kanya... akala niya naman gwapo siya, eh wala
nga siyang binatbat sa itsura ni Zen eh...

“may kailangan ka pa ba?” nakayakap pa rin ako kay Zen... “kung wala na, pwede ka
ng umalis...”

“di ba ako pwede mag-stay dito, katulad ni Ela?” nandito nga pala si Ela...
nalimutan ko... :P

“ayoko eh... bye...”


“sige, alis na ako...” buti naman, lumabas na siya... bumitaw na rin ako kay Zen...

Pagkabitaw ko, binato ba naman ako ng unan ni Ela... sira ulo ‘to ah!

“nakakaasar ka naman eh! Palit na nga lang tayo ng kwarto...”

“sige game!”

“di pwede!”

“ahh... how sad, si boyfriend ayaw akong paalisin eh...”

“nakakaasar ka... wag mo na siyang tawaging boyfriend...”

“boyfriend ko si Zen... boyfriend ko si Zen...” with matching tono pa.. :P

“Icah, naman eh...”

“sige na nga, titigil na... iiyak ka na eh...”

Ka-boring naman dito sa loob... makalabas nga... tumayo na ako... yehey! Nakatayo
ako!

“saan ka pupunta?”

“lalabas... gusto kang solohin niyan eh...”

“hoy hindi ah...”

Lumabas na ako ng kwarto... syempre sumunod din yung dalawa... ang bilis naman ng
araw, bukas uuwi na kami... wala man lang ako nagawa dito, ang corny... sana di na
lang ako sumama... di ko napansin, na si Zen na lang pala yung nakasunod sa akin...

“si Ela?”

“kakain daw muna... di ka pa ba nagugutom?” ako nagutom? Kakakain ko lang kaya!

“di pa... ikaw, baka gutom ka na? Kumain ka na muna... di na ako aalis dito...”

“hindi, busog pa ako... halos kakakain ko lang din naman...”

Tumayo lang kami dun sa may veranda... gabi na rin... tumingala ako, ang daming
stars...

“ang cute...”

“ha?”

“sabi ko ang cute... tignan mo oh...” tingin naman siya... “alam mo ba, nangagarap
ako na sana isang araw may lalaki na mag bibigay sa akin ng necklace... habang nasa
ilalim kami ng mga bituin... na siya yung magsasabit sa akin... parang ang sweet
kasi...”

“ano gusto mo, mala-telenovela?”

“parang ganun na nga...” nakatingin pa rin ako sa taas nun... wala siguro ako sa
sarili ko, kasi ba’t ko ba sinabi yun sa kanya... ewan ko nga eh... basta ang alam
ko, nakatingin pa rin ako sa bituin nun...

“hindi ka pa nagka-boyfriend noh?...” tinignan ko lang siya saglit, sabay tingin


ulit sa stars...

“bakit anong masama doon?”


“wala naman... halata lang kasi eh.... wala bang nanliligaw sayo?”

“wala... at kahit naman meron, ayaw ko sa kanila...”

“mataas siguro standards mo sa lalaki kaya walang pumapasa...”

“hindi naman, tama lang... ang gusto ko lang naman ay isang lalaki na handa akong
intindihin, yung taong handa akong ipaglaban... yung taong hindi ako papabayaan...
yung taong kaya akong respetuhin...

At yung taong kaya akong mahalin....” nakayuko na ako nun... ba’t ko ba nasasabi
yung mga bagay na yun sa kanya?..

nung napatingin ako sa kanya, bigla siyang ngumiti... (nakatingin pa rin siya nun
sa stars)

“mukhang mahirap ata yun ah... pero alam ko makakahanap ka rin...” tapos tumingin
siya sa akin na nakangiti...

Lalo siyang gumagwapo pag-nangiti...

At tama siya... makakahanap din ako ng taong ganun, sana...


“Zen... ikaw, anong hinahanap mo sa babae? Tsaka anong pangalan nung babaeng
nagustuhan mo dati? Di mo pa kasi nababangit...”

“pangalan niya? Mica... kung anong hinahanap ko sa babae? Ahmm... ewan ko... kasi
lahat ng katangian ni Mica kabaligtaran ng gusto ko...”

“kabaligtaran? Katulad ng ano?”

“ahmm... siguro ano... gusto ko kasi tahimik lang... pero kakaiba si Mica eh,
madaldal na makulit pa... pero mas makulit ka pa rin...” awts naman... mas makulit
pa ako?!

“grabe ka naman... ang bait ko na nga eh...”

“yun kasi di tumatakas... eh ikaw?” ako ng tumakas...

“isang beses ko pa lang naman itina-try ah... at palpak pa...”

“kahit na tumakas ka pa rin...” naman...

(FLASHBACK...)

Wala namang magawa dito sa kwarto eh... makapag-mall kaya... takasan ko na lang
yun... hindi naman niya siguro ako mahuhuli... dadaan na lang ako sa terrace...

Tumingin ako sa may terrace... siguro kailangan ko ng tali... aha! Alam ko na! Yung
kumot na lang, mahaba naman yun eh...

Ayun tinali ko na nga yung kumot dun sa may grills... bumaba na nga ako dun sa tali
eh... kaya lang, pag-kababa ko...

“saan ka pupunta?” oh, oh... huli! Tsk... (nasa likod ko siya... humarap naman ako)

“ahmm... maglalakad-lakad sa garden... hehehe” what an excuse?!

“oh, really?!”

“oo ano ka ba...”

“eh ba’t pinapahirapan mo yang sarili mo sa pag-punta ng garden?”

“ano ka ba, exercise yan...”

“exercise pala ha... sige, akyat ka, gamitin mo ulit yan...”

“ayoko nga!”

“kahit anong gawin mo, di mo ko matatakasan, babae...” roll eyes ako...

Hmp! Pumasok na lang ulit ako ng bahay! Badtrip! Ang hirap kayang dumaan dun, tapos
mahuhuli ka lang... tsk...

(END OF FLASHBACK...)

Ang tahimik naming dalawa... naka-upo na rin ako kasi nangangalay na ako, pero siya
nakatayo pa rin... sa sobrang tahimik, di ko namalayan nakatulog na pala ako... (_
_) Zzzz
Chapter 11: Uwian na!

Nung nagising ako... umaga na pala... nasa kama na rin ako... sino kaya nag-dala sa
akin?? Hay naku, ano ka ba Icah, malamang si Zen... bumangon ako, tingin sa
couch... ba’t wala siya? Nasaan kaya siya?

Bumukas yung pinto sa banyo... tapos... ano ba yan... kakaligo niya lang siguro...
eh kahit na, pwede naman siyang magsuot ng shirt sa loob ah... naman kasi eh, half
naked siya... iwas ng tingin...

“gising ka na pala...”

“oo... di ba obvious?” napatingin tuloy ako sa kanya, kina-usap niya kasi ako eh...
naman... iwas ulit ng tingin...

“tumawag daddy mo kagabi...” si daddy? Tumawag?

“bakit daw?”

“sabi niya umuwi na daw tayo ngayon ng umaga...”

“bakit naman?”

“aalis kasi sila ng mommy mo... business siguro...” and so??

“eh ano naman? Di naman sila nagpapaalam sa akin dati ah...”


“baka may ibibilin sayo...”

“eh ba’t di na lang nila ibilin sa katulong?”

“pero kailangan na nating umuwi... mag-ayos ka na...”

Sha sige, uuwi na... katamad lang din naman dito... walang ginagawa...

Tumayo na ako dun sa kama... kinuha ko yung bag ko, at pumasok sa banyo para
makaligo... pagkalabas ko... nagsuklay ako tapos paganda ng slight...(slight lang,
maganda naman na kasi ako eh... :P)

Lumabas na rin ako, wala na kasi si Zen sa loob... paglabas ko, nandoon lang pala
siya sa labas ng kwarto...

“oh, nandyan ka lang pala...”

“lumabas ako, kasi mag-aayos ka ng sarili mo... baka kung ano nanaman sabihin mo...
tawagin mo nanaman akong manyak...” hala! Bumabaon pala sa utak niya yung mga
sinasabi ko... tsk...

“good morning, Icah!” ekk boses ni Luke...

nakataligod kasi ako dun sa place ni Luke... di naman siguro narinig ni Zen, kasi
di siya lumingon... kunwari walang narinig... isip-isip... got an idea...

“akbay ka sa akin bilis...” umakbay din naman siya... “Zen... kain na tayo...
pls...”

“sige tara...” woah! Galing umarte ah... pang-oscar’s “Icah... feeling ko may
narinig ako kanina na nagsalita...”

“ha? Meron ba?” tapos tingin sa likod... “oy! Nandyan ka pala Luke...”
“ah... hehe... good morning sa inyong dalawa...”

“good morning din, pre...”

“kakain na ba kayo?”

“oo... kakain ka na ba? Kung gusto mo sabay ka na sa amin papunta dun...”

“hindi, sige, wag na... una na kayo... maya-maya na lang ako kakain...”

“sige una na kami...” tumalikod na kami ni Zen at nag-lakad...

Nung nakalayo na kami... binitawan na niya ako... bakit naman??? Pwede mo naman
akong akbayan ah?? Ang bait ko ngayon eh... pumapayag ako na akbayan mo ko tapos
ayaw mo... hmp!

“ang sama talaga ng ugali mo eh... tsk...”

“at bakit naman?!”

“kinakawawa mo si Luke...”

“kinakawawa? Hoy hindi ah...”

“sabihin mo kasi sa kanya ng harapan na di mo siya gusto... ng di na siya


umaasa...”

“eh ba’t ba kasi siya umaasa? Alam niya na may boyfriend ako... tapos umaasa pa
siya...”

“ewan ko dun... malakas siguro tama sayo...”


“alam mo, ang daldal mo ngayon... nagugutom ka na siguro... oh...” inabot ko sa
kanya yung plato, pati kutsara at tinidor...

Kumuha na kami ng makakain namin... sabay na ring kaming kumain...

“uwi na tayo kaagad ha... pagkatapos nating kumain...”

“ba’t mukhang gusto mo ng umuwi?”

“ayaw ko na dito... nakaka-boring...”

“wala kasing duyan eh noh... siguro miss mo na yung duyan mo...”

“baliw! Kumain ka na nga...”

“oy! Kumakain na pala kayo... di niyo man lang kami sinabay...”

“hehehe... oy, mauna na kami ni Zen ha... ngayon na kaming umaga uuwi... pinapauwi
na kasi ako eh...”

“ganun ba? Sige, okey lang...”

“umaga na lang din kaya tayo umuwi?”

“ayaw ko...”

Nandoon si Ela... ang ewan nanaman ng tingin sa akin... hehe... inggit... :P

“ang daya mo talaga!” nginitian ko lang... “madugas ka!”


“kain ka na, nagugutom ka na eh... oh” tapos sinubuan ko si Ela...

“ba’t si Ela sinubuan? Si Zen wala?”

“bakit Zen, naiingit ka ba? Ha? Ah ka... Aahh...” ang lakas ng tama ko ngayon, ewan
ko ba... wiling-wili naman ako sa kalokohan ko...

Kakainin na sana niya yung isinusubo ko sa kanya, kaya lang kinain ko na... ang
bagal kasi eh...

“hehe... subuan na lang ulit kita...”

“wag na, kakainin mo lang...”

“tampo na siya...”

“ang cute niyong dalawa eh...”

“i know...”

“Icah, kumain ka na...”

“opo! Master!” with matching salute pa... :P

Kumain na ako, habang kumukuha naman sila ng makakakain nila... tapos biglang
tumayo si Zen...

“saan ka pupunta?”

“ikukuha kita ng maiinom... gusto mo ba ng kape?”


“ayaw ko yun... tubig na lang...” tapos umalis na siya... ayoko kasi ng lasa ng
kape eh...

Naupo yung mga mokong dun sa table namin ni Zen... siyam kasi ang upuan sa isang
table... naupo sila kaya ayun nawalan ng upuan si Zen... naupo kasi si Luke sa
inuupuan ni Zen kanina...

Dumating na si Zen, dala-dala niya yung tubig ko at pati siguro tubig niya rin...

“Icah, oh...” inabot niya sa akin yung baso ng tubig...

“salamat...” oy bago yun ah... ngayon ko lang sinabi yun eh...

Tumayo na rin ako... para makapag-ayos na ng gamit...

“una na kami ni Zen ha...”

“gusto mo Icah, ako na lang mag-drive sayo pauwi? Baka kasi gusto pa ni Zen dito
hanggang hapon eh...”

“ayoko!” ayoko nga sayo... “tara na Zen...” (may pagkamalambing pa yung tono ko
nun...)

“sige una na kami...”

Pumunta na kami dun sa room namin para makapag-ayos ng gamit...

Nag-aayos na ako ng gamit... si Zen? Nakupo si couch at di nag-aayos ng gamit...

“wala ka bang balak mag-ayos ng gamit?”

“laging ayos gamit ko...” anong gusto niyang iparating sa akin ha? Ano?!
“ah, so, ang ibig mo bang sabihin burara ako?” ang ayus-ayos ko nga sa gamit eh...

“di naman ganun ang ibig kong sabihin...”

Natapos na rin akong mag-impake... dinala na ni Zen sa kotse yung bag ko... lumabas
na rin ako ng kwarto para pumunta sa kotse...

“ingat kayo sa daan...” sumakay na si Zen sa driver’s seat...

“bye!” sumakay na rin ako sa passenger’s seat...

“sige, bye...”

Sa daan... ang tahimik naming dalawa... masyado siyang serious sa pag-drive at


masyado naman akong serious sa pagtingin sa kalsada... medyo matraffic rin... kaya
binuksan ko yung radyo... pagbukas ko nung radyo, kakatapos lang nung kanta... next
song Passenger Seat by Stephen Speaks...

‘I look at her and have to smile


As we go driving for a while
Her hair blowing in the open window of my car
And as we go the traffic lights
Watch them glimmer in her eyes
In the darkness of the evening

And I've got all that I need


Right here in the passenger seat
Oh and I can't keep my eyes on the road
Knowing that she's inches from me

We stop to get something to drink


My mind clouds and I can't think
Scared to death to say I love her
Then a moon peeks from the clouds
Hear my heart that beats so loud
Try to tell her simply

That I've got all the I need


Right here in the passenger seat
Oh and I can't keep my eyes on the road
Knowing that she's inches from me
Oh and I've got all the I need
Right here in the passenger seat
Oh and I can't keep my eyes on the road
Knowing that she's inches from me

Oh and I know this love grow

Oh I've got all the I need


Right here in the passenger seat
Oh and I can't keep my eyes on the road
Knowing that she's inches from me

And I've got all that I need


Right here in the passenger seat
Oh and I can't keep my eyes on the road
Knowing that she's inches from me

And I've got all that I need


Right here in the passenger seat
Oh and I can't keep my eyes on the road
Knowing that she's inches from me

And I've got all that I need


Right here in the passenger seat’

Napatingin ako kay Zen habang tinutugtog yung Passenger Seat... nakasmile siya...
bakit kaya??

“bakit ka nakangiti?”

“wala lang... masama ba?”

“oo masama... lalo na pag-ikaw...” masama kasi pag nangiti siya...

ang gwapo niya kasi pag-nag-iismile siya... ang lalim din kasi ng dimples niya kaya
makikita mo kaagad yun sa kanya... kung nakakamatay lang ang ngiti, eh baka matagal
na akong namatay...

nakarating na rin kami sa bahay... dire-diretso lang ako sa loob...

“oh, nandito ka na pala... mabuti naman... aalis kami ng mom mo for a business
trip... 2months din kaming mawawala... si Zen na ang bahala sayo dito...”
“okey..” tapos dumiretso na ako papunta dun sa kwarto ko... wala naman kasing bago
dun sa sinabi niya...

Naglaro lang ako ng plants vs zombies... tinatamad kasi akong mag-fb eh...

Chapter 12: Magpakabait/ Selos??/ Kilig?

Monday na today... mabait na ako kay Zen... ata?! Pinipilit kong maging mabait,
kasi everytime na naalala ko yung nangyari sa amin nung Friday di ko mapigilang
maguilty... kaya magpapakabait ako...

Bumaba na ako ng kotse... at dumiretso sa room namin... pagpasok ko ang samang


makatingin ni Ela

“ba’t ang sama ng tingin mo?”

“namimiss ko na kasi si Zen...”

“parating na yun, pinark niya lang yung kotse...” at nagdilang-anghel naman ako...
pumasok na kasi si Zen sa room...

Pagkapasok niya, pumasok na rin yung prof namin... kaya ayun klase nanaman...
nakinig naman ako, nagpapakabait nga di ba?

Na tapos din naman kaagad... may 2 and half hour break kami kaya tumayo na ako para
kumain... as usual nakasunod sa akin si Zen...

Sa canteen, bumili na ako ng makakain...


“oh...”

“ano yan?”

“pagkain, di ba halata?”

“i mean, for what?”

“para kainin mo...” tapos biglang sumama yung tingin niya... “ba’t ang sama mong
makatingin?”

“anong binabalak mo?” binabalak?!

“hoy! Wala akong binabalak noh...”

“akala ko kasi may binabalak ka... mabait ka kasi ngayon...” aba, gusto ata nito ng
away eh!

“ah, ganun... so ibig sabihin pag nagiging mabait ako may binabalak ako... tsk...
ganyan ka pala Zen... tsk...”

“wag ng mag-inarte... akin na nga yan...” tapos kinuha niya yung pagkain...

Ewan ko ba pero natuwa ako nung kinuha niya yung pagkain... naupo na kami para
makakain... nakatalikod ako dun sa daanan kaya di ko nakikita kung sino yung mga
dumadaan...

“HOY! Ano yan ha?!” si Ela...

“upo ka...”

“lagi mo na lang sinosolo si Zen... ang daya mo...” medyo naasar ako kay Ela nung
oras na yun... ewan ko ba kung bakit...
Tumayo na ako, para umalis... kaya lang hinawakan ni Zen yung wrist ko..

“saan ka pupunta?”

“aalis... sa room lang ako, gusto ka niyang solohin eh...”

“di ka pwedeng umalis...” tapos hinila niya ako kaya napaupo ako dun sa kinauupuan
ko kanina...

Nag-uusap sila... wala akong paki... di ko sila pinapansin... kaya lang naasar ako,
ewan ko ba kung bakit... basta, nanggigil ako... kaya di ko napigilan... tumayo na
ako at umalis... dumiretso ako dun sa room namin... walang tao sa loob... pumunta
ako dun sa pwesto ko, at sinubsob ko yung ulo ko dun sa table, sabay pikit ng
mata...

Nakaidlip ako... pag-gising ko medyo okey na ako di na ako iritable... tumingin ako
sa harap, walang tao... tingin sa likod, wala ring tao... tingin sa kaliwa, wala pa
si Ela... tingin sa kanan, nadoon si Zen... nakatitig siya sa akin... lagi na lang
siyang nakatitig sa akin...

Wait lang! Kaming dalawa lang sa room??!! Bumilis tibok na puso ko... bakit heart??
Bakit!!

Di niya pa rin inaalis yung tingin niya sa akin.. naiilang na ako kaya iniwas ko
yung tingin ko, kaya lang hinawakan niya yung magkabilaang pisngi ko at hinarap
niya sa kanya... sana po wag... (naiisip niyo ba naiisip kong gagawin ni Zen? Sana
wag yun pls..) kaya lang parang ayun eh... kasi bigla niyang nilapit yung mukha
niya sa akin... parang gusto ko na matuloy kaya lang parang ayaw ko din... (hindi
ako makakibo, nanigas na ata ako sa pusisyon ko eh...) palapit ng palapit yung
mukha niya, as in, unting tulak na lang sa kanya yun na yun eh... (di talaga ako
makakilos...) ayan na... ipipikit ko na sana yung mata ko kaya lang biglang bumukas
yung pinto eh... kaya ayun nasampal ko siya, siya naman bumitaw na sa akin...

“aray!” hawak-hawak niya yung pisngi na nasampal ko... napalakas ata, namula eh...
eh kasi naman eh, nagulat ako sa pagbukas ng pinto...

“sorry... di ko sinasadya...” eh ba’t ba ako nagso-sorry? Di ba dapat siya?


Muntikan na naman niya akong halikan eh...
Nagsipagpasukan na yung mga kaklase namin...

“oh Zen anong nagyari sayo? Sinampal ka ba ni Icah?” ekk... naman...

“hindi... may lamok kasi, eh pinapatay niya... dumapo sa mukha ko kaya yun...”
tawanan sila...

“mukha ka kasing sinampal eh...” ngumiti lang siya... ayan nanaman ang killer smile
niya...

Anong oras na ba? 2 hours pa lang yung nakalipas may 30 minutes pa... sinubsob ko
na ulit yung ulo ko dun sa table ko, kaya lang naalala ko nanaman yung kanina eh...
ano ba!! Memory mabura ka na... huhu (T.T)

Nag-time na...inaantay namin yung prof naming dumating, ang tagal naman ata...
30minutes na kaming nag-aantay...

“hey guys! Wala daw si mam, absent... sumulat na lang kayo dito sa attendance tapos
pwede na kayong lumabas...”

pinaikot na lang nila yung attendance... pagkasulat ko ng pangalan ko, lumabas na


rin ako kaagad... dumiretso na ako sa may parking lot... nakita ko na rin yung
kotse, kaya lumapit na ako... bubuksan ko na sana yung pintuan kaya lang nung
paghila ko, tsaka ko lang naalala nakalock nga pala... :P inantay ko lang si Zen...
sandali lang din naman dumating na siya... binuksan na niya yung pintuan...

sa daan... masyado kaming tahimik, seryoso nanaman siya sa pag-drive niya...

“Zen... mag-mall tayo...” pagkasabi ko nun, iniba na kaagad ni Zen yung ruta
namin...

Ipinark muna ni Zen yung kotse bago ako bumaba... bumaba na rin ako at pumasok sa
loob ng mall, mag-wiwindow shopping lang naman ako eh... Ang layo ng distansya
namin ni Zen sa isa’t-isa...
“halika nga dito...” tapos hinila ko siya... “akala ko ba babantayan mo ko? Eh ba’t
ang layo mo?”

“di ba, sabi mo dati... dumistansya ako pag nasa mall?.” Oo nga, sabi ko nga...

“sorry, nakalimutan...” tapos bumitaw na ako... ayaw mo lang akong hawakan eh...
hmp! Eh di wag!

Pagkabitaw ko... lalakad na sana ako kaya lang hinawakan niya yung kamay ko.. ewan
ko ba pero napangiti ako nung oras na yun... nakakatuwa nga eh, saktung-sakto lang
yung kamay ko sa kamay niya...

“tara Zen, doon tayo...” tapos hinila ko na siya...

Hinila ko siya sa bear cuddler, favorite ko kasi ang teddy bear... nung highschool
nga ako, pag napunta ako ng mall di pwedeng di ako bibili ng teddy bear kahit na
maliit lang... namili ako ng cute na teddy bear medyo malaki nga yung napili ko,
pero okey lang yan... may magbibitbit naman eh, si Zen :P

Lumabas na rin kami kaagad pagkatapos kung bumili dun... naglakad lang kami, pasok
sa kung saan-saang store pero wala naman binibili... window shopping nga lang di
ba, remember?

Medyo nagugutom na ako, hapon na kasi... magmeryenda daw muna... hinila ko ulit si
Zen... bumili lang kami ng dalawang buy one take one na pizza ng Pizza Hut...
hahaha ^o^... tig-dalawa kami... inabot ko sa kanya yung pizza...

“Zen oh...” sabay abot ng pizza

“mabait ka ata ngayon? Bakit?”

“mabait lang talaga ako...”

“wag kang masyadong maging mabait sa akin...” bakit naman???


“bakit naman? Masama na bang maging mabait?” ngiti lang isinagot niya sa akin...
wag kang ganyan Zen, pinapatay mo ako sa ngiti mo eh...

Wala na kaming magawa nun kaya niyaya ko na siyang umuwi... nakarating na kami sa
bahay, dinagdag ko na yung bago kong bear sa bear collections ko :P

Chapter 13: Worried...

Lumipas ang mga araw at Saturday na ngayon... tanghali na akong gumising, wala
akong pasok ng sabado at wala rin kasing nangising sa akin... nakakapagtaka nga
eh... lumabas ako sa kwarto ko, at bumaba sa kusina... hinahanap kung sino pwedeng
hanapin...

“yaya, si Zen po?”

“di ko pa siya nakikita... baka di pa siya bumaba...” di pa bumababa??? Weird...


mas maaga ngang nagising sa akin yun eh...

“ah sige po...”

“kumain ka na muna Icah...”

“maya na lang po...”

Tapos bumalik na ako sa taas... nandoon lang ako sa tapat ng kwarto namin ni Zen...
nakatitig nga lang ako dun sa may pintuan niya eh... nawi-weirdohan talaga ako,
ba’t di pa siya lumalabas?? Katokin ko kaya, mamaya sabihin pa nun namimiss ko
siya... asa! Pero ang weird lang kasi talaga... kakatokin ko na lang talaga...

Kumatok naman ako... pero mas weird walang sumasagot o kaya ay nagbukas man lang ng
pinto...

“Zen!” katok ulit... no answer...

“hoy Zen, nandyan ka ba?!” wala talagang sumasagot...

pinihit ko yung doorknob... nakabukas? Dahil nga sa nakabukas siya, tinignan ko


kung may tao sa loob, pinasok ko lang muna yung ulo ko... silip-silip...

“Zen?” tapos tuluyan na akong pumasok...

Ang neat naman ng room niya, napaka-organize... tingin ako sa paligid... ayun siya!
Nakahiga pa rin sa kama??

“hoy Zen! Kanina pa kita tinatawag sa labas, di mo man lang ako pinapansin...” no
response...

Weird?! Nakakumot pa siya... hello?! Ang init-init kaya tapos nakakumot pa siya...
patay rin naman yung aircon sa room niya...

“Zen, hoy!”

“hmm...”

Weird talaga... sinalat ko yung noo niya... ang init niya! Sobra!

“loko ka naman eh! May lagnat ka na pala di mo sinasabi!”

bumaba ako sa kusina ulit... di ko naman kasi alam ang gagawin pag may sakit ang
isang tao eh...

“yaya!”
“oh bakit ba? May emergency ba, at ganyan ka makasigaw?”

“yaya, si Zen po nilalagnat...”

“nilalagnat si Zen? Oh sige pupuntahan ko muna at titignan yung temperatura


niya...”

“yaya, tatawagan ko na po ba yung doctor natin?”

“ah sige, mamaya... ako na lang ang tatawag...”

“okey po...”

“kumain ka na muna dyan...”

“sige po, yaya...”

Umakyat na si yaya... gagaling din naman siguro si Zen, di ba? Kaya kumain na lang
ako ng brunch (breakfast na lunch...)... pagkatapos kong kumain naligo na rin
ako... pagkatapos kong maligo lumabas ako ng kwarto ko eksakto naman ang labas ni
Dr. Velasco sa kwarto ni Zen... (dumating pala ‘tong doctor na ‘to... ba’t di ko
alam?)

“masyado lang siyang napagod... kailangan niya lang atleast a day na pahinga...
bubuti na rin ang pakiramddam niya bukas, pero hanggang maari wag niyo muna siyang
pagurin...”

“ah sige po, doc...”

“ipainom mo na lang din yung nireseta kong gamot, para di na siya lagnatin... at ng
di na matuluyan sa trangkaso...”

“ah sige po... ipapabili ko na po kaagad yung mga gamot...”


“sige, mauna na ako... at madami pa akong pasyenta sa hospital...”

“ihahatid ko na po kayo sa labas...”

Tapos bumaba na si yaya at si Dr. Velasco... para ngang di nila ako napansin na
nakatayo pala ako dun sa labas ng pintuan ko eh...

Pumunta naman ako dun sa kwarto ni Zen... sinalat ko ulit yung noo niya kung mainit
pa siya, mainit pa rin... bigla siyang ngumiti... ha??

“nagpatawag ka pa ng doctor, di ko naman kailangan noon eh...” nakapikit pa rin


siya...

“di naman ako nagpatawag ng doctor eh... di ko nga alam na dumating pala yun...”
ngumiti lang ulit siya... “magpahinga ka na muna... promise, di ako tatakas...tsaka
na, pagmagaling ka na...”

“baliw ka talaga... ngayon ka nga makakatakas ng maayos kasi may sakit yung bantay
mo, tapos di ka tatakas?”

“walang thrill... corny naman kung makakatakas na lang ako ng ganun kadali... mas
masaya kung may tatakasan ako...”

“praning...” tapos nag-smile siya ulit...

“magpahinga ka na...”

“nagpapahinga na ako...”

“daldal ka pa kaya ng daldal...”

“masama ba?”
“oo masama... di ka makakapagpahinga ng maayos... matulog ka na...”

“ayokong matulog... kanina pa ako natutulog eh...”

“eh ba’t nakapikit yang mata mo, kung ayaw mong matulog?”

“para di kita makita...” awts naman... ayaw niya sa mukha kong maganda??

“mas masarap kasing pakinggan yung boses mo eh...”

Ewan ko ba, pero parang kinilig ata ako?? Weird...

Biglang may pumasok ng kwarto...

“dito ka pala, Icah...” may dala-dala si yaya... ano kaya yun?

“ano po yan, yaya?”

“ah ito ba... lugaw at gamot ni Zen, ng maka-inom na si Zen na gamot...”


“ahhh... sige po, ako na lang po ang bahala dyan...”

“ikaw na ang magbibigay kay Zen?”

“opo...”

“oh sige... sa baba lang ako pag-kailangan mo ng tulong...”

“opo, sige po... tatawagin ko na lang kayo...” tapos lumabas na si yaya... “Zen,
bangon na... kumain ka na dyan...”

Bumangon na rin si Zen... inabot ko sa kanya yung plato na may lugaw... kumain
naman siya, kaya lang halata mong wala siyang ganang kumain...

“ayoko na...” tapos inabot niya sa akin yung plato, kinuha ko naman... halos di nga
nabawasan eh...

“ano ka ba... kumain ka na, ng gumaling ka na...” hihiga na sana siya... “susubuan
na lang kita kung gusto mo...”

“wala na talaga akong gana eh...”

“Zen naman eh...” paawa effect na yung tono ko nun...

At mukhang effective naman kasi kinuha niya ulit yung plato sa akin eh...

“ubusin mo yan ha...”

“opo... masusunod po...”

Inubos niya naman yung lugaw, pinainom ko rin naman kaagad sa kanya yung gamot
niya... pagkatapos nun, pinahiga ko na ulit siya para makapagpahinga...

“sige, lalabas na muna ako para makapagpahinga ka na...” lalayo na sana ako dun sa
kama niya kaya lang hinawakan niya yung kamay ko...

“dito ka lang... wag kang aalis...” nakapikit na siya nun...

pag may sakit ba, nagdedeliriyo ang isang tao?? O nangkukulam sila? Kasi wala akong
nagawa kundi sundin siya eh...

nag-stay lang ako dun sa kwarto niya... na-upo ako dun sa lapag malapit sa kama
niya... di niya pa rin kasi binibitawan yung kamay ko eh...

di na siya kumikibo... tulog na siguro...

“Zen??” no response... tulog na nga...

Ang tagal ko ding nakatunganga dun... tinititigan ko lang siyang matulog... ang
gwapo niya, uber! Tapos ang weird pa... kasi napaka-puti niyang bodyguard as in,
super puti... ang cute ng lahat sa kanya, yung eyes nya, yung nose niya, yung lips
niya, basta lahat...

Kakatitig ko sa kanya, nagulat na lang ako nung bigla siyang nagsalita...

“Mica...” Mica?. ba’t parang may kirot ata nung sinabi niya yung name nung babaeng
yun??

“saan ka pupunta... wait lang... dito ka lang... wag kang umalis...” nanaginip
siya... napapaginipan niya si Mica... ba’t parang ang sakit?? Bakit?

Nung time na yun, parang gusto kong umiyak di ko nga alam kung bakit eh... dahil ba
di niya pa rin nakakalimutan si Mica? Dahil ba mahal niya pa rin si Mica kaya ako
nasasaktan? Bakit mahal ko na ba si Zen? Di ko alam... pero ang alam ko lang gusto
ko siyang yakapin kaya lang di ko kaya... gusto ko siyang yakapin para maramdaman
niya na may iba pa naman babae sa paligid niya... na di lang naman si Mica ang
babae sa mundo... nandito rin naman ako eh... (T.T)
Hawak pa rin ni Zen yung kamay ko... nine na nga ng gabi eh... di pa rin siya
gising, inaantok na nga ako eh kaya lang hawak niya ako kaya di ako makaalis...
iidlip lang naman talaga sana ako kaya lang tuluyan na akong nakatulog dun sa gilid
ng kama ni Zen... (_ _) Zzzz

Chapter 14: Thanks...

Zen’s POV

Nagising ako siguro mga 9:15 na ng gabi, medyo okey na yung pakiramdam ko...
ginalaw ko yung kamay ko kaya lang ba’t parang may hawak ako sa kanang kamay ko?
Tinignan ko naman kung ano, kamay?? Kamay ni Icah? Hinawakan ko ba siya kanina?
Binantayan niya ako??? Nakatulog na tuloy siya dito...

Tumayo ako dun sa kama ko at kinarga si Icah na parang sa ikakasal... dadalhin ko


na siya sa kwarto niya para makatulog siya ng maayos... binababa ko rin naman siya
dun sa kama niya at inayos yung pagkakahiga niya... inayos ko rin yung kumot niya
at binuksan yung aircon niya...

Lumapit lang ako sandali sa kama niya at naupo sa may lapag... tinitigan ko siya...
nawi-weirdohan ako sa panaginip ko kanina... bakit kaya ganun??

(ZEN’S DREAM...)

And weird naman ng place, puro puti, ako nga lang ata yung may kulay eh...
tumalikod ako... si...
“Mica?..” ngumiti lang siya...

“k-ka..” kaya lang di niya ako pinagsalita kasi may tinuro siya sa likod ko...
tumingin naman ako... si Icah???

Nakasmile lang siya nung una at sobrang lapit lang sa aming dalawa ni Mica... kaya
lang habang tumatagal para siyang lumalayo at nawawala din yung ngiti sa mukha
niya...

“saan ka pupunta?.” Kaya lang di siya sumagot... tuluyan lang siya sa paglayo...
“wait lang...” hinabol ko siya, pero pabilis ng pabilis yung paglayo niya... “dito
ka lang...” binilisan ko naman yung paghabol na tipo bang tumatakbo na ako sa
panaginip ko... “wag kang umalis...” sobrang lapit ko na... kaya lang nung
hahawakan ko siya bigla siyang naglaho...

Saan siya nagpunta? Ba’t niya ako iniwan... tumingin ako sa likod ko ulit...
nandoon pa rin si Mica... pero si Icah nawala... ewan ko ba, pero nalungkot ako
nung di ko siya nahabol...

(END OF ZEN’S DREAM...)

Ano kaya ibig sabihin noon??? Di ko mainintihan... ayoko ng mag-isip kaya lumabas
na ako dun sa kwarto ni Icah at pumunta na ulit ako dun sa kwarto ko...

Icah’s POV

Umaga na... nasa kwarto na ako?? May nagdala siguro sa akin dito...

Naalala ko tuloy yung kagabi... yung tungkol kay Zen... nasasaktan pa rin ako
everytime na naaalala ko yun... biglang bumukas yung pinto ko... sino naman kaya
yang di marunong kumatok??

“di ka pa ba babangon dyan?” Si Zen pala...

Bumangon na ako...

“okey ka na ba?”

“yup... okey na ako... kumain ka na...”

“sige susunod na lang ako...”

Di pa rin siya lumalabas ng kwarto ko... at nakatitig nanaman siya sa akin...

“hoy, anong problema mo? Titig na titig ka sa akin...” siguro may iniisip siya kasi
parang biglang nagising yung diwa niya nung nagsalita ako eh...

“wala naman...” lalabas na sana siya ng kwarto ko... “nga pala... salamat sa pag-
alaga sa akin kahapon...” then tuluyan na siyang lumabas...

Chapter 15: Save you....

Wala naman nangyari nung mga nakaraang araw... puro klase lang, kahit na ayaw kong
pumasok bantay sarado ako kay Zen eh kaya walang magagawa... di na rin naman siya
nagkasakit ulit... at di rin naman ako nagkasakit (wag niyo ng hilingin...)

Nasa bahay ako ngayon ng biglang may nagtext sa akin... si Ela lang pala
From: ela

‘hey girl pnta tau s bar...

hapi2 lng :P

wid our highskul frnds.’

Bar???

To: ela

‘d aq ppyagan...’

From: ela

‘akla q b wla parents m?’

To: ela

‘wla nga... c zen nmn nnd2... bnty aq nun.’

From: ela

‘e d isama m xa’

To: ela

‘adik k b? Isasama? Xa? D ssma un... at d rn aq nun ppygan mgbar...’

From: ela

‘e d takasan m...’

Takasan???

To: ela

‘kailan b?’
From: ela

‘2day... mga 9... ssma k n? gus2 m sunduin kta?’

To: ela

‘yup, i’ll join... wg m n aq sunduin... bka mahuli p aq ni zen...’

From: ela

‘ok no prob... hntayin k n lng nmin mmya... alm m n kng san, dun s lgi nting
dinadaanan dti.’

Di na ako nagreply.... tatakas ako mamaya kay Zen... maging successful kaya?? Eh
kung magpaalam na lang kaya ako? Di naman ako papayagan nun... hello?! Bar yun...
di ako papayagan nun kahit na kasama pa siya...

Mga 8 pa naman ako natutulog, kaya sigurado papasok na rin yun sa kwarto niya oras
na pumasok ako sa kwarto ko... pagpasok ko mamaya sa room ko, magbibihis na muna
ako ng pang-alis tapos mag-aantay lang ako ng ilang minuto bago umalis mamaya...
tama! Yun yung gagawin ko mamaya...

Nung mga 7:30 na, kumain na ako ng pagkain nun... kasabay ko na rin yung mga
katulong namin tsaka si Zen...

Pagkatapos kong kumain, umakyat na ako sa kwarto ko... ginawa ko na yung mga dapat
kong gawin... nagbihis na rin ako... suot ko ay mini skirt (eh sa ganun yung
karamihan ng damit ko eh...) tapos white na spaghetti na sando... nagsuot din ako
ng maliit na color black na vest para di naman malamigan... tatakas na ako
mamaya... kinakabahan ako, baka mahuli niya ako... magiging safe naman siguro ako
eh...

Nag-antay lang ako dun hanggang sa mag 8:45 na sa orasan ko... tatakas na ako...
kinuha ko yung bag ko... ready na ako!

Inopen ko yung door ko... silip kung may tao sa daan... okey clear! Labas sa
kwarto... sa may hagdan, silip kung may tao sa baba... okey clear ulit! Pagbaba ko,
silip kung may tao sa paligid... okey clear! Tapos takbo dun sa may pintuan
palabas... before ako lumabas, silip ako sa labas... walang tao! Lumabas na ako,
pero before ko iclose yung door, silip sa loob... wala ulit! Nakalabas na ako...
Tumakbo na ako dun sa gate namin... quiet lang, baka marinig yung pagbukas ng
gate... nabuksan ko naman ng walang ingay...at syempre lumabas na rin ako...
sinarado ko naman yung gate noh... nakatakas na ako, go na ako sa bar! :P

Zen’s POV

Mga 8:55 ay umakyat na ako... pagkaakyat ko, tinignan ko muna si Icah kung tulog na
siya... binuksan ko yung door niya... may parang nakahiga dun sa kama niya...
natutulog na siguro siya, kaya lang ang weird ng itsura eh... naghinala ako,
mukhang dummy lang yung nakahiga eh, kaya pumasok ako sa loob... lumapit ako dun sa
kama at tinanggal yung kumot dun sa nakahiga... unan?! Dummy nga lang! Badtrip!
Nasaan yung babaeng yun?!

Tumakbo ako pababa...

“manang Mildred,” yaya ni Icah yun... “si Icah po?”

“nasa taas na, kanina pa siya umakyat eh...”

“di po ba siya nababa?”

“hindi ko napansin... bakit?”

“ahmm... wala po, sige po...”

Gigil! Tinakasan niya ako! Badtrip! Saan ko naman hahanapin yun?! Tatawagan ko
siya... pinindot ko na yung number niya habang umaakyat ako (kukunin ko kasi yung
susi ng kotse nasa kwarto ko kasi yun...) kaya lang pag-kaakyat ko, may narinig ako
na nag-riring doon sa kwarto ni Icah...
Pumasok ulit ako dun sa kwarto niya... (di ko pa ine-end yung call ko...) hinahanap
ko kung saan yung tumutunog... sa may study table niya, nandoon yung cellphone
niya... badtrip!

Kinuha ko yung cellphone niya (in-end ko na rin yung call...) baka may text dito sa
cellphone niya kung nasaan siya... nabuksan ko naman yung cellphone niya (walang
password eh...)... tinignan ko muna yung call, ako lang yung meron... tinignan ko
yung texts, karamihan galing kay Ela... binuksan ko yung isa sa text ni Ela...

From: ela

‘ok no prob... hntayin k n lng nmin mmya... alm m n kng san, dun s lgi nting
dinadaanan dti.’

Hihintayin? Umalis nga siya! Binasa ko pa yung iba... baka di niya pa nabubura yung
text...

From: ela

‘2day... mga 9... ssma k n? gus2 m sunduin kta?’

From: ela

‘e d takasan m...’

From: ela

‘e d isama m xa’

From: ela

‘akla q b wla parents m?’

Ang BI(bad influence) naman nito ni Ela... pero wait lang, di ko pa rin alam kung
saan siya pumunta... basa ulit...

From: ela

‘hey girl pnta tau s bar...


hapi2 lng :P

wid our highskul frnds.’

BAR!!!! Nasa bar siya?! Badtrip! Ba’t doon pa!

Pumunta ako dun sa kwarto ko para kunin yung susi ng kotse sabay takbo sa baba...

“oh Zen, saan ka pupunta? Gabi na ah...”

“may isang babae lang po ako na hahanapin...”

“ano?! Tumakas si Icah... naman talaga yang batang yan oo... kailangan na bang
tumawag ng pulis?”

“wag na po kayong tumawag... kaya ko na po ‘to...”

“sige, mag-ingat ka... ihatid mo ulit dito si Icah ha...”

“opo...”

Tumakbo na ako sa labas at nilabas ko na rin yung kotse... kailangan ko siyang


hanapin... saan nga ulit? Bar daw... sabi sa text lagi daw nilang nadadaanan
dati... sa dati nilang school?? Tama... doon ako pupunta, siguradong may malapit-
lapit na bar doon... Umalis na ako at hahanapin ko na yang babaeng makulit na yan!

Icah’s POV
Nakarating na ako sa bar... malapit lang kasi ito dun sa dati kong school...

“Icah!”

“buti girl, nakapunta ka... ba’t di mo kasama yung boyfriend mo?”

“ahmm... ano kasi eh...”

“break na sila ni Zen...”

“how sad naman... condolence, Icah” condolence?? Namatayan ba ako?

“condolence ka dyan? Hindi naman namatay si Zen eh...”

“tamang-tama... mag boy hunt ka na dito ng mapalitan mo na si Zen...” boy hunt???

“oo noh, magbo-boy hunt kami niyan ni Icah...” sabay hila sa akin ni Ela... “may na
hunt na nga ako kanina eh... sa iyo na si Zen, basta akin yung gwapo na nakita
ko...”

“eh akala ko ba...” naupo kami dun sa may counter ng bartender...

“girl, try this...” umorder pala siya...

“di ako nainom... alam mo naman yun...”

“try nga lang eh... tsaka di naman nakakatama yan eh...”

“ayoko...”

“hay naku... oy wait lang, dyan ka lang... ayun yung sinasabi kong gwapo, nandoon
sa dance floor... dance muna ako ha...” tapos umalis na si Ela

“okey...”

how weird, naman dito...

“hi miss...” may tumabi sa akin sa kaliwa ko, di ko lang pinansin... (nga pala
itong nasa kaliwa ko yung sinasabi ni Ela na gwapo ‘daw’... nakahanap nanaman kasi
si Ela ng bago kaya iniwan niya na ‘to...)

“ang taray mo naman miss...” may tumabi naman doon sa kanan ko, di ko ulit
pinansin...

Tatayo na sana ako para makaalis doon sa gitna nung dalawang panget (panget kasi di
man lang nila matapatan yung kagwapuhan ni Zen...) kaya lang hinawakan nung nasa
kaliwa ko yung kamay ko...

“miss, kinakausap ka pa namin... wag ka munang umalis...”

“i don’t talk to strangers!”

“english speaking, dude...”

“cool... palaban siya, pre...”

“bitawan mo nga ako!” tapos tumayo yung may hawak sa akin at nilapit yung muhka
niya sa akin...

“dude, ang ganda pala nito eh...” mukhang ayaw ko nito ah... kailangan ko na
talagang makaalis...

“sexy pa, pre...”


“oo nga eh... miss, may hinihintay ka ba? Mukhang di naman siya darating eh...
gusto mo sa amin ka na lang sumama?”

“ayoko! Bitawan mo ako!” nagpupumiglas ako dun para bitawan niya na yung kamay
ko...

“ayaw sumama, pre... sapilitan na lang...” ha? Sapilitan?

Maya-maya binuhat ako nung may hawak sa akin... binuhat niya ako at nilagay niya
ako sa kabilang balikat niya. Medyo nakabaliktad yung ulo ko nun at nakikita ko
yung likod niya

“ibaba mo ako! Ibaba mo ako! Tulong!” pinag-papalo ko yung likod niya...

“pag-pasensyahan niyo na ‘tong girlfriend niya! Nakainom na kasi eh! I-uuwi na


namin..”girlfriend??? Nakainom??? I-uuwi??? Eh di ko nga kayo kilala eh...

Sigaw lang ako ng sigaw... nilabas nila ako, dinala ata nila ako dun sa malapit na
eskinita...

Binaba na ako nung may dala sa akin, kaya nga lang nakahiga ako sa lapag... tatayo
na sana ako kaya lang hinawakan naman ako nung kasama niya kanina kaya napahiga
nanaman ako... nagpupumiglas ako, grabe ang lakas nila... full force ko na nga yung
ginagamit ko para makaalis ako eh...

Sigaw lang ako ng sigaw ng tulong... maya-maya naghubad na ng shirt yung lalaking
nagbuhat sa akin kanina... no! Wag! Ayoko!

“TULONG!” then he start kissing me... “LUMAYO KA SA AKIN!” pinagsusuntok ko siya,


kaya lang parang di siya nasasaktan... he’s trying to unclothed me... “WAG! LUMAYAS
KA!” suntok pa rin... naiiyak na ako... Zen, kailangan kita... “ZEN!!!!” pagkasabi
ko nun, tumulo na ng tuluyan yung luha ko...

At after din ng pagsigaw ko nung pangalan niya parang feeling ko wala ng nakaibabaw
sa akin... iyak pa rin ako ng iyak... naramdaman ko na lang na may nagtayo sa
akin... nung medyo napunasan ko na yung mata ko nakita ko na kung sino... galit na
galit yung itsura niya...
“Zen...” iyak pa rin, medyo mild na nga lang...

“ANO? MASAYA KA NA?! MASAYA KA NA AT NAKATAKAS KA HA?!” galit sa akin si Zen...


umiyak nanaman ako...

Naasar ako sa sarili ko...

“sorry...” iyak pa rin ako...

naramdaman ko na lang niyakap niya ako... sobrang higpit... iyak pa rin ako ng
iyak...

“Zen... sorry talaga....” nanginginig na yung boses ko sa pag-iyak...

“okey na... okey na ang lahat... kasama mo na ulit ako... di ka na mapapahamak...”

yakap niya pa rin ako... habang ako iyak pa rin ng iyak... alam ko pinapatahan na
niya ako, kaya lang naasar ako sa sarili ko kaya na-iyak pa rin ako... nilagyan ako
ni Zen ng jacket habang yakap niya ako...

“umuwi na tayo... pagod ka na...”

Naglakad na kami... nasa di kalayuan lang pala yung kotse... pinagbuksan niya ako
ng pinto sa passenger seat, sumakay din naman ako... tumahan na rin ako kaya lang
tahimik pa rin ako... sumakay na rin siya sa driver seat...

Sa daan...

“buti na lang nalaman ko na tumakas ka... kung hindi baka di ko mapapatawad yung
sarili ko kung mayroong nangyari sayo...” tahimik pa rin ako... “Icah... okey na...
di naman ako galit sayo eh”

Medyo malayo kasi yun sa bahay kaya medyo antok na ako... nakatulog ako sa kotse...
Zen’s POV

(FLASHBACK...)

Ayun may bar doon! Papahinto na sana ako kaya lang may nakita ako eh... may
dalawang lalaki na may buhat na babae... yung babae sigaw ng sigaw... wait lang,
parang si...

“Icah?..” nagsalita ulit yung babae... boses ni Icah... si Icah nga yun...

Bumaba ako sa kotse at sinundan ko kaagad yung dalawa... kaya lang di ko sila
nakita kung saan nila dinala si Icah... basta ang naririnig ko lang sigaw niya...

“TULONG!” si Icah, nasaan ba sila?? “LUMAYO KA SA AKIN!” BADTRIP! Pag may nangyari
lang talaga kay Icah! “WAG! LUMAYAS KA!” ayun... nire-rape niya si Icah! Bwisit
siya! “ZEN!!!!”

Naasar ako dun sa lalaki kaya nasuntok ko siya ng sobrang lakas... tumilapon nga
siya eh...

“loko ka! Sa lahat ng babae wag si Icah!”

“hindi... hindi na... mauulit” tapos tumakbo na yung lalaki...

“ikaw? Gusto mo rin?!”

“hindi...” sabay takbo rin...

Nilapitan ko si Icah... iyak siya ng iyak... itinayo ko siya... di ko alam kung ano
mararamdaman ko eh...

“Zen...” malungkot yung tono niya

“ANO? MASAYA KA NA?! MASAYA KA NA AT NAKATAKAS KA HA?!” pero yun yung nasagot ko...

“sorry...”

Umiyak ulit siya... no, wag kang umiyak... di ko kayang makita... niyakap ko si
Icah... di ko nga alam kung bakit ko siya niyakap eh... basta gusto ko siyang
yakapin ng mahigpit...

“Zen... sorry talaga....” nanginginig na yung boses niya

“okey na... okey na ang lahat... kasama mo na ulit ako... di ka na mapapahamak...”


babantayan na kita lalo... aalagaan kita ng husto... di kita hahayaang masaktan...
proprotektahan kita kahit na ikamatay ko man dahil mahalaga ka sa akin...

yakap ko pa rin siya... nilagyan ko siya ng jacket, medyo malamig na rin kasi...
maiksi pa man din ang suot niya...

“umuwi na tayo... pagod ka na...”

Naglakad na kami... nasa di kalayuan lang naman yung kotse... pinagbuksan ko siya
ng pinto sa passenger seat, sumakay din naman siya... sumakay na rin ako sa driver
seat... at pinaandar ko na yung kotse para makauwi na...

(END OF FLASHBACK...)
Chapter 16: Algebra, I hate you!

Icah’s POV

Sunday, nagising na ako... nasa kwarto na rin ako... naalala ko nanaman yung
nangyari kagabi... naasar talaga ako sa sarili ko... naasar ako! Tumulo nanaman
yung luha ko...

“Icah... gising na.” Pinunasan ko yung luha ko para di niya makita na umiiyak
ako... “umiiyak ka ba?” di ako umimik...

Palapit pala siya sa akin kaya nagtulakbong ako ng kumot ko... naupo siya sa may
kama ko...

“Icah... hoy...” nahihiya na ako kay Zen... wala na nga akong ihaharap sa kanya
eh...

“sorry Zen...” iyak nanaman ako...

“Icah, wag ka nang umiyak... ano ka ba...” tinanggal niya yung kumot ko...
tumalikod naman ako sa kanya... “Icah...”

Bumangon ako at niyakap ko siya...

“Zen...” niyakap niya rin ako...“paano pag-natanggal ka sa trabaho dahil sa


pagtakas ko? Oras na malaman ni daddy yun sigurado papalayasin ka niya...” ewan ko
ba kung bakit nag-aalala ako pagnapatalsik siya... yun naman ang gusto ko dati
ah...

“yun lang ba?” tapos bigla siyang nagsmile... “wag kang mag-alala di naman nila
malalaman eh... ako bahala...” tapos binitawan na namin ang isa’t-isa...

“i-promise mo... wag kang aalis ha... ikaw lang bodyguard ko ha...”

“okey no problem... sige na labas na... kumain ka na...”


Bumaba na kaming dalawa at kumain na rin ako...

“Zen.... promise, magpapakabait na talaga ako...”

“wag mong ipromise lang... gawin mo...”

“oo... gagawin ko. ^_^”

Ayun... nagpakabait nga ako today... sobrang bait ko nga eh lagi lang ako nasa
kwarto... di ako lumabas dun...

Kinabukasan may pasok nanaman syempre... (nga pala, totally wala na akong driver
kundi si Zen na lang...) pumasok na nga kaming dalawa... sabay na kaming pumunta ng
room... ewan ko ba kung bakit, natatakot pa rin ata ako... na-trauma ata ako...

“Icah... bigla ka na lang nawala nung Sabado... di ka man lang nagpaalam na umuwi
ka na pala...” bigla siyang huminto sa pagsalita... “ay... nalimutan ko, di nga
pala alam ni Zen... tumakas ka nga lang pala...” nakatingin kasi si Zen kay Ela...

“alam ko... alam kong tumakas siya... Ela sa susunod wag mo na siyang yayain sa
ganung lugar kung di mo rin naman siya babantayan...”

“bakit? wala namang nangyari sa kanya na masama ah...”

“WALA?!! Anong wala?!”

“Zen...” pinigilan ko si Zen... highblood na eh...

“bakit, Icah, may nangyari ba sayo?” di ko sinagot si Ela, ayoko ng maalala yung
nangyari nung sabado... “Icah...”

“muntikan lang naman siyang madisgrasya... di mo kasi siya binantayan...”


“WHAT?? Icah, sino yun? Sino?”

“bakit reresbakan mo ba? Di mo naman kaya, wag mo ng tanungin...”

“eh di wag! Ang taray mo, Zen!”

Di na sumagot si Zen...

“ay nga pala, malapit na finals... grr, hell week nanaman...”

Oo nga pala, haizt... aral nanaman... huhu (T.T) paano yan ang baba ng algebra
ko... ayaw ko namang ulitin yun... gigil ba’t kasi ang hirap ng math?

Wala namang nangyari nung day na yun... normal lang, puro discussion...

Pagka-uwi ko...

“Icah...”

“bakit?”

“namemeligro ka di ba sa algebra?”

“hay naku, wag mo ng ipaalala...”

“okey...”

kahit anak pa ako ng may ari ng school, wala akong special treatment noh...
kailangan kong paghirapan yung grades ko katulad ng ibang estudyante na nag-
aaral...
Days passed, Saturday na today at next week ay finals na... gigil! 1 subject lang
eexamin ko... at hulaan nyo kung ano, hulaan nyo bilis......

Eh di ang bonggang-bonggang algebra... lahat naman kasi ng subjects ko mataas ang


grades ko, algebra lang talaga ang palpak... buti pa si Zen, walang kukuhaning
exam, exempted sa lahat... ang talino eh..

Nasa kwarto lang ako nakatambay... balak ko sanang mag-aral sa algebra, kaya lang
pag-bubuksan ko na yung notes ko isinasara ko na ulit... katamad naman kasi eh,
puro numbers...

Biglang bumukas yung pintuan ko...

“bakit?”

“nag-aaral ka?”

“oo sana...”

“bakit, oo sana?”

“tinatamad kasi ako pag-binuksan ko na yung notes ko eh...”

“gusto mo turuan kita?” tinignan ko lang siya... “wala ka bang tiwala sa akin?
Exempted ako dyan... ikaw hindi” ang yabang!! Ikaw nang uno sa algebra, ako nang
mababa sa tres... gigil!!

Di ako nagpaturo sa kanya, kaya ko ‘to noh...


Sunday, aral ulit ako... pero wala talaga akong maintindihan... Friday pa naman
yun, mapag-aaralan ko rin ‘to...

Pagdating ng Monday, wala na akong pasok nun examination week na lang kasi kaya
makakapag-aral ako sa algebra... fail!! Wala pa rin akong natutunan...

Ganun din nung Tuesday at Wednesday pero wala talaga akong maintindihan!! Kailangan
ko na nga ata talaga ng tulong...

Thursday...

“Zen...” tinignan niya lang ako... “paturo...”

“tignan mo ‘to... magpapaturo rin naman pala, pinahirapan pa ang sarili...”

wala pa rin akong maintindihan... I Hate Algebra!! Sino ba kasing saksakan sa


talino nag-imbento niyan?

Wala akong natutunan nung una... pero di naglaon kahit papano naintindihan ko naman
siya...

“ano naintindihan mo na?”

“oo naman, ako pa...”

“sige nga... sagutan mo yan kung may natutunan ka talaga...”

“yan lang ba? Baka gusto mo pang damihan...”

“yabang mo... sabihin mo yan pagnatapos mo yan... 1 and a half hour lang ang
ibibigay ko sayong oras para sagutan yan... isipin mo exam na rin yan...”
“madali lang yan! Akin na nga...” kinuha ko naman sa kanya yung pinasasagutan
niya... tingin... waah!!! Ang hirap... “wala na bang mas madali?”

“sagutan mo na yan...”

Sinagutan ko na nga yun kahit ayaw ko... ang hirap naman kasi eh...

“tapos na time mo...” binigay ko na sa kanya... nasagutan ko naman lahat, di ko nga


lang alam kung tama ko ba lahat...

“ilan ako? Ilan?”

“bagsak ka...”

“sabi ko na nga ba... wala na talaga akong future sa algebra... (T.T)”

“joke lang... 10 mistakes... not bad... sana gawin mo din yan bukas, pero untian mo
na lang yung mali mo... nagkamali ka lang sa mga signs, pero tama naman yung mga
numbers mo...” 10 mistakes ako? 10 lang? Talaga?

“patingin!!” kinuha ko naman sa kanya yung papel... tingin-tingin... waaah!! 10


mistakes nga lang talaga... “ahh!! 10 lang!! Thanks talaga Zen! Salamat ng marami!”
sa sobrang tuwa ko, nakiss ko tuloy siya sa cheeks niya... na-speechless kaming
parehas sa ginawa ko... “hehe... basta thank you talaga...”

That day ended... haizt bukas, exam ko na... sana less mistakes... kaya ko ‘to!!

Kinabukasan... nag-exam na ako... di hamak na mas madali kaysa sa binigay ni Zen sa


akin kahapon... pahirapan daw ba ako nung loko... pero okey lang yan, kasi chicken
na chicken yung exam!!
Chapter 17: Who’s that girl??

Days passed, kuhanan na ng grades... sabay naming kinuha yung grades namin...

“kamusta algeb mo? Bagsak ba? Repeater?” di mo maipinta yung itsura ko nun...
“bagsak ka?..”

“ahh!! Zen... salamat talaga sayo! I’ve passed... yehey! Di ako ireg...” nayakap ko
sya sa sobrang saya...

“aray ko, nasasakal ako sayo...” bumitaw na rin ako...

“thank you, talaga! Thank you... ililibre na lang kita... tara!”

Ayun, nag-mall kami...

“ano gusto mo? Bilis ako bahala... magsabi ka lang...”

“wala naman akong gusto eh...”

“hay naku... tara ikot tayo, baka kasi may magustuhan ka...”

Nag-ikot-ikot nga kami sa mall...

“Zen.. gutom na ako, tara kain muna tayo...”

“sige...”

Ayun sa KFC kami kumain... habang nakapila kami...


“Zen?.. Zen, ikaw nga...” napatingin naman kami parehas... sino siya?

“M-Mica...” Mica?.. siya si Mica...

“ang tagal na nating di nagkita... kamusta ka na?”

“okey lang naman...” nasasaktan ako... ang sakit kasi, alam kong mahal pa rin ni
Zen si Mica... and ngayon, nagkita na ulit sila...

“ah.. may kasama ka?” napansin ako ni Mica...

“ah.. oo, si Icah...”

“bagong alaga mo?”

“ahmm.. oo, para ganun na nga...”

“hi, i’m Mica...”

“Icah..” sabay shakehands...

“ay nga pala, i want you to meet Drei, boyfriend ko...” then may lumapit na guy...

“hi pre...”

“hello din...” may boyfriend na si Mica? Pano naman si Zen?

“nga pala, mauna na kami ha... may pupuntahan pa kasi kami eh... bye!”
“sige bye...”

Before silang umalis...

“nga pala, Icah right?” tumango naman ako... “wag kang masyadong maging mabait kay
Zen... wag ka rin maging sweet sa kanya...” tapos nag-smile siya... “sige una na
kami, bye...”

“bye...”

Wag maging mabait? Wag maging sweet? Yun din yung laging sinasabi sa akin ni Zen
ah... bakit? masama na bang maging mabait?

Nakabili na kami ng pagkain... ang tahimik naming parehas... si Zen, naaawa ako sa
kanya... panigurado masakit...

“Zen...”

“bakit?”

“okey ka lang?”

“oo naman, bakit mo naman natanong?”

“kasi, baka nasaktan ka nung nalaman mong may boyfriend na si Mica...”

“ba’t naman ako masasaktan?”

“Zen...”

“okey lang ako, Icah... wag ka ng mag-alala...” sana nga okey lang talaga siya...
mahirap na baka umiiyak na pala sa loob yung puso niya...
Naglakad na ulit kami, pagkatapos kumain... ang tahimik ko, di na nga rin ako ganun
kaingay di tulad kanina nung di ko pa nakikita si Mica...

“Icah...”

“Bakit?”

“may gusto na akong bilhin...”

“ha?”

“di ba sabi mo itre-treat mo ko?” ay, oo nga pala, nalimutan ko na...

“anong gusto mo?”

“tara...” tapos bigla niya akong hinawakan at hinila... saan ba niya ako dadalhin?

Dinala niya ako sa bear cuddler... bear? Gusto niya?

Namili siya... ang cute nga eh, gusto ko rin nun... kaya lang wala ako ngayon sa
mood bumili ng bear...

Binayaran ko na yung bear na gusto niya...

“Icah, oh...”

“ba’t mo sa akin pinabibitbit yan? Gusto mo rin ba, ako magbitbit?”

“hindi... sayo yan...”


“ha? Eh di ba, yan yung gusto mo? Ba’t binibigay mo sa akin?”

“ang gusto ko, maging masaya ka... kaya bumili tayo ng bear...” maging masaya
ako... yun ang gusto niya...

“masaya naman ako ah...”

“hindi na ganun kasaya, di tulad kanina...”

“napagod lang siguro ako...”

“gusto mo na bang umuwi?”

“ah... sige, tara na...”

Umuwi na nga kami... dinagdag ko naman yung bear na pinabili ni Zen na para sa akin
pala dun sa collections ko... ang bait niya talaga, kasi gusto niya akong maging
masaya... buti pa siya, gusto akong maging masaya... eh si daddy kaya?

Yehey!! Wala na kaming pasok... syempre di naman ako mahihirapan pang mag-enroll,
di ko na kailangan pumunta sa school para mag-enroll... pupunta nalang ako dun para
kunin yung schedule ko... kaya ayun tambay na ako sa bahay...

Dumating na sila mommy at daddy ngayon... walang kakaiba...

Chapter 18: happy birthday?!


November 4 na... nakakatamad sa bahay kaya niyaya ko si Zen na lumabas... ayaw ko
naman sa mall, kaya ayun sabi ko na lang sa kanya mag-drive lang siya ng mag-
drive... pinahinto ko rin naman yung kotse sa isang palaruan...

“ba’t mo naman gustong pumunta sa playground?”

“wala lang trip ko lang... ang tagal ko na din di nakakapunta sa playground...”


naupo ako dun sa may swing...

“kailan birthday mo?” ha? Ba’t naman niya natanong?

“Feb. 14... bakit?” oha, di ba, bongga ng birthday ko... valentine’s day...

“Valentine’s pala birthday mo...”

“oo... eh ikaw, kailan birthday mo?” tahimik lang siya... ayaw sabihin? “hoy,
kailan?” wala, no response... baka naman... “is it your birthday?” umiling lang
siya... “eh kailan?” iling ulit “ba’t ka nailing? Wag mong sabihing wala kang
birthday? Ah... baka Feb. 29?”

“sira! Di noh...”

“eh kailan nga...” di niya sinagot yung tanong ko...

“gusto mo ng ice cream?” sabay turo dun sa nagbebenta ng dirty ice cream...

“eh dirty yan eh...”

“mas masarap ang dirty ice cream kaysa sa may tatak... tara, treat ko this time...”

“ayaw ko yan...”

“i-try mo lang... di ka naman magkakasakit dyan...”


“pag ako nagkasakit...” masarap ba talaga yun?? “masarap ba talaga?”

“oo nga sinabi...”

“sige, bili mo ko... ^.^”

Ayun, nagpabili na nga ako sa kanya nun... masarap naman daw, malinis rin naman
siguro? Siguro lang naman...

“kuya, dalawa po...” binigyan kami nung kuya ng dalawa... “kuya, pwedeng padagdag
dito sa isa?” tapos tumingin sa akin yung tindero... makatingin naman...

“eh kung para ba sa girlfriend mo okey lang...” girlfriend?! Di nga ako sinabi
girlfriend ni Zen eh!! “oh miss beautiful, ito na...” miss beautiful... i know...

Ngumiti lang si Zen...

“nangiti ka dyan! Maganda naman talaga ako eh...”

“may sinabi ba ako? Kainin mo na lang yan baka matunaw eh...”

Ok fine... kain naman ako... infairness di naman masama, masarap naman kahit
papano...

“huhu (T.T) huhu ” tinignan ko naman yung umiiyak...

“Zen, umiiyak yung bata...” tingin naman si Zen...

“anong gusto mong gawin ko?”


“kawawa naman eh...” nilapitan namin ni Zen yung bata...

“bata... anong problema?”

“kasi po kinuha po nung lalaking yun yung cotton candy ko... (T.T)” bata lang din
naman yung lalaki na tinutukoy nung bata... pero, di hamak na mas malaki dito sa
batang babae...

“gusto mo, ibili na lang kita ulit?”

“talaga po kuya? (T.T)”

“oo naman... tara, ibibili kita...” ibinili nga ni Zen yung bata... ang bait mo
talaga Zen...

“kuya, salamat ha... sayo din po ate, salamat...” iniwan na namin yung bata... kaya
lang...

“aba, may bago ka nanamang cotton candy.. akin na yan!”

“aba! Sumosobra na yang mataba na yan ah! Napaka-bully...”

“Icah, bata yan wag mong papatulan...”

“di ko naman papatulan eh, naiirita lang ako...”

“bata, masamang mang-agaw ng pagkain ng iba...”

“paki mo ba?!” lokong bata ‘to ah...

“Icah, pigilan mo ko... baka masapak ko ‘tong batang ‘to...”


“hey you, fatty... kaya ka tumataba eh, masyado ka kasing matakaw...”

“Icah...”

“hoy! Ano yan! Anong ginagawa niyo sa kapatid ko?” may pagka-malaki siya... kapatid
niya siguro si fatty...

“kuya, yang mga yan eh... pinagtutulungan ako...” lokong tabachoy ‘to ah!

Maya-maya may dumating pa na malalaki din na lalaki...

“pre, anong problema dyan?”

“mukhang, bakbakan yan ah... gusto mo ba ng tulong?”

“hoy, Miguel... umalis ka na muna dito...” Miguel yung pangalan nung matabang
bata...

“bata umalis ka na muna dito, baka kasi madamay ka... ikaw din Icah...” pati ako?
Eh paano siya? Baka mapuruhan siya ng mga ‘to... 5 taong halos kasing lalaki lang
din ni Zen ‘to eh... “sige na, Icah...”

Lalakad na sana ako, kaya lang may humawak sa akin...

“oh, miss saan ka naman pupunta? Dito ka lang... nang makita mong mabugbog yang
boyfriend mo...”

“di niyo kaya si Zen noh! Mga tabachoy!”

“tabachoy? Haha... miss, muscle yan...”

“alam ko na! Ang manalo, sa kanya mapupunta ‘tong babae... ang ganda eh oh, ang
sexy pa...” kaibigan nung kuya nung mataba yun

“stay away from her!” si Zen yun...

“bakbakan na! Ang dami pang salita!” yunkuya nung mataba yung nagsalita

Poporma pa lang si Zen, tinamaan na siya nung nasa likod niya...

“ang daya nyo! Mga tabachoy!”

“bugbugin niyo na yan ng sa atin na mapunta yung babae...”

Lagi nilang natatamaan si Zen, si Zen naman di makatira... Zen...

Tinamaan na naman siya, he’s bleeding...

“Zen!!”

“dyan ka lang...” si Zen... na dugo na yung labi niya... “ang hina niyo naman
tumira... lalaki ba talaga kayo?” sinasabi niya yun habang pinupunasan yung blood
sa lips niya...

“puro salita ka lang eh... di ka naman makatama...” susuntukin siya nung kuya nung
mataba...

Kaya lang, napigilan niya... this time, si Zen naman ang tumitira... ang hihina
naman pala nung mga yun eh...
Zen’s POV

Ang hihina naman nila... di ko pa nga nilalabas ang buong lakas ko eh...

“wag kang kikilos! Patay ‘tong girlfriend mo!” napatingin naman ako sa side ni
Icah...

badtrip! Hawak siya nung kuya nung matabang bata may hawak siyang kutsilyo at
nakaturo kay Icah... saan naman niya nakuha yung kutsilyo?? Ah basta! Gigil! Ang
engot kasi nito ni Icah eh, binitawan na nga siya kanina, di pa tumakbo... ayan,
nadamay tuloy...

“wag niyo siyang idamay...” di pa rin niya binitawan si Icah... naasar na ko...
nagdidilim na paningin ko... lagot sa akin yang lalaki na yan! “sinabi ko, wag niyo
siyang idamay!!!”

Labanan...

Wala na akong naalala, basta ang alam ko lang ligtas na si Icah at mga nakahiga na
yung limang tabachoy...

“tara na, Icah...”

Umuwi na kami... napagod ako... badtrip eh, birthday na birthday nakipaglaban


ako...

Nasa bahay na kami ngayon... patago nga kaming pumasok eh, baka daw kasi makita ako
ng daddy ni Icah, patay daw kami... kesyo ang dami ko daw sugat

“pumunta ka na dun sa kwarto mo... dadalhin ko na lang dun yung first aid kit...”
Pumunta na ako sa kwarto at siya naman sa kusina...

Naligo lang ako saglit, kasi madumi na ako...

“Zen!”

Nasa labas na siya... sakto naman tapos na akong maligo... lumabas na ako...

“iwan mo na lang dyan...” nakatingin lang siya sa akin... titig na titig pa ang
loka... tsk... ganda kasi ng katawan ko eh, yan tuloy.. :P “hoy, Icah... makatingin
ka naman dyan...”

“oh ito na! Hmp! Lalabas na ako!” galit??

“bakit ka galit?”

“hindi ako galit!” sabay labas ng kwarto ko, padabog pang sinara yung pintuan...
adik talaga...

Icah’s POV

“Zen!”

Nasa kwarto na niya ako nun... wala siya? Sakto naman bumukas yung pinto ng banyo
niya...
“iwan mo na lang dyan...” ano ba yan?? Half naked nanaman siya... di ba siya
pwedeng magbihis sa loob ng banyo? “hoy, Icah... makatingin ka naman dyan...”

“oh ito na! Hmp! Lalabas na ako!” kairita

“bakit ka galit?”

“hindi ako galit!” sabay labas ng kwarto niya, di ko naman sinasadyang napalakas
ang pag-sara ng pintuan ng kwarto niya... wapakels..

The next day, Saturday...

Pinatawag ako ni daddy sa office niya...

“bakit?”

“next week, may pupuntahan tayong party... mamili ka na ng dress na isusuot mo...
kung gusto mo, lumabas kayo ni Zen para makabili ka ng damit...” party nanaman...
lagi naman...

“okey...” lumabas na ako ng room nun...

Hay naku, dress nanaman... yung ginamit ko na lang nung nagbirthday ang pinsan ko
yung gagamitin ko... isang beses ko pa lang naman yun nagamit eh...

Dumaan ang linggo... at Monday na, pasukan na ulit... 2nd sem na... syempre kaklase
ko pa rin itong bodyguard ko...

Chapter 19: Ba’t siya nandito?!


Nasa school na nga kami eh, habang naglalakad ako papuntang classroom may nakita
akong babae, parang nakita ko na siya dati di ko lang maalala kung saan o kailan...
pabayaan na nga baka student na nakakasalubong ko lang yun...

Pagdating ko sa classroom, nandoon na yung mga classmates ko dati...

“Iyah!! i miss you...”

“ako, hindi kita namiss...”

“hay naku! So, anong nangyari nang-semestral break mo?”

“wala naman kakaiba...”

“so boring...”

“oo tama ka dyan...”

“si Zen?”

“nandyan lang yun, parataing na siguro...” pagkasabi ko nun, bumukas yung pintuan
ng room “oh baka siya na yan...” then my pumasok na girl... girl... oo tama, girl
nga...

ba’t siya nandito??!! Oh please, wag niya namang sirain ang relationship namin ni
Zen... (teka, teka... relationship? Niyo ni Zen?) ah basta...

“Icah, nandito ka pala...” then pumasok si Zen ng room, tuluy-tuloy nga lang parang
di nakita yung babae... “Zen...” tumingin naman siya...

“Mica...”
“dito pala kayo nag-aaral...”

“ba’t ka nandito?”

“lumipat ako ng school...” ba’t pa siya lumipat?! Kaasar naman eh!! “saan ka
mauupo?”

“ahh... sa tabi ni Icah...”

“tabi na lang tayo dito sa unahan...” sa bandang likod kasi ako nauupo...

“di pwede eh... sige, upo na ako dun...” then lumapit na si Zen sa upuan sa tabi
ko...

Nakakairita!!! Paano na ako nyan?! Paano naman ako? Makakawawa na ba ako?

“ba’t ang tahimik mo?”

“bakit, may kailangan ba akong sabihin?”

“sino yun? Bakit kilala kayong dalawa?” a moment of silence... then,

“si Mica yun...”

“yung babaeng kwinento niya sa atin..”

“OMG! Siya yun? Ang ganda naman pala niya...” mas maganda naman ako sa kanya noh...
grr!! “Icah, bakit ba mukha kang galit dyan?”

“wala!”
“anong topak mo?” dumating na yung prof namin...

Katulad ng dati, walang ginawa... sabi niya pa nga sa amin, kahit wag na daw muna
kami pumasok ng first week ng pasukan, kasi daw wala naman daw gagawin nun...

After ng klase namin, may 1hour break kami...

“di ka kakain? Wala na tayong break mamaya...”

“wala ako sa mood!”

“ba’t ka ba highblood?”

“wala ka na doon!”

“meron ka ba at mainit yang ulo mo?”

“adik!”

“eh anong problema?”

“wala nga...” hay naku, palapit ang Mica... hoy babaita! May boyfriend ka na ah!

“di pa ba kayo kakain? Sabay-sabay na tayo...”

“wala kasi sa mood si Icah na kumain...”

“eh di ikaw na lang Zen...” hay naku, Zen, pumayag ka lang talaga war tayo...
Tinignan lang ako ni Zen...

“ahh... sige..” what!!! I hate you Zen! I hate you!

Iniwan na nga ako nung dalawa, pati yung iba naming classmates lumabas na din para
bumili ng pagkain... yumuko na lang ako sa desk ko... naasar talaga ako! Ba’t ba
kasi bumalik pa siya sa buhay ni Zen, ayan tuloy, mababalewala na lang ako... (T.T)

After 30 mins...

“Icah, kumain ka na...” ayoko! “alam mo, ang weird mo... nagseselos ka ba kay
Mica?” what? Me? Jealous? Kay Mica? Asa!

Tinaas ko na yung ulo ko nun...

“asa ka naman! At ako mag-seselos? Bakit ano ba kita? Bodyguard lang naman kita ah,
kaya ba’t ako magseselos?”

“ewan ko... weird ka kasi ngayon eh... oh, kumain ka na...” nag-abot naman siya ng
sandwich at juice...

“wala nga ako sinabi sa mo--” di ko na natapos yung sasabihin ko, bigla ba naman
kasi niya ako sinubuan ng sandwich sa bibig...

“kumain ka na...” oh siya, sige na nga, kumain na ako...

“Zen... kung sabihin ni Mica na mahal ka pa rin niya, may pag-asa pa ba na maging
kayo?” wait lang! Ba’t ko ba tinanong yun? Bakit nga ba??

“di ko alam...” ouch! Sabi niya nga di niya alam, eh ba’t ako nasaktan? Kasi di
siya sure sa feelings niya ngayon... sana sinabi niya na lang wala ng pag-asa... :(
“pero siguro, wala ng pag-asa...”

Niyakap ko si Zen... di ko nga alam kung bakit eh...

“bakit?”

“wala lang... sana maging masaya ka... ^.^” pilit lang yung ngiti ko, binitawan ko
na rin siya...

Nagklase na ulit, 2 subjects na tig-3hours, walang break... kagutom... pagkatapos


nung last subject namin...

“Zen, tara na...”

“sinabihan na kasi kita kanina eh, sabi ko naman sayo kumain ka... ayan tuloy gutom
na gutom ka”

“Zen...” tingin naman kami...

“una na kami Mica... bye...”

“ah sige, bye... ^.^”

“tara na, saan mo ba gustong kumain?”


Mica’s POV

Natapos na yung last subject... na-miss ko si Zen, gusto ko siyang kausapin... kaya
lang, pagtingin ko sa kanila ni Icah palabas na sila

“Zen...” tumingin naman sila sa akin...

“una na kami Mica... bye...”

“ah sige, bye... ^.^”

Di naman siya ganyan sa akin dati... nagbago na ba siya o talagang nilalayuan niya
na ako? Gusto ko ulit siyang makasama... nami-miss ko na si Zen... ngayon ko na nga
lang ulit siya nakita... :(

Chapter 20: Ms. Velasco? Siya?

Icah’s POV

Lumabas na kami ng classroom...

“hoy, saan mo nga gustong kumain? Sa mall, sa bahay, sa canteen... saan?”


“bahay na lang...”

Dumiretso naman kami umuwi sa bahay... grabe, gutom na gutom na ako...

“eh, mukhang isang bendahado ata ang kakainin mo Icah ah...”

“hay naku, yaya... gutom na gutom na po kasi ako...”

“eh baka tumaba ka nyan... baka di ka na ganun kaganda...”

“maganda ako kahit mataba...” tapos biglang ngumiti si Zen... “ngingiti-ngiti ka


dyan?”

“wala... kumain ka na nga dyan... tabachoy”

“hindi ako tabachoy... sexy ata ‘to noh...”

“kain na Icah...” kumain na nga ako, kasi naman ‘tong dalawang ‘to eh istorbo...

Days passed, lagi naming kasama si Mica pag nasa school... nakakaawa naman kasi,
loner... Saturday na nga rin pala ngayon, wala akong pasok...

“Icah, pinapatawag ka ng daddy mo sa office niya...”

“okey po, susunod na lang ako..”

Dumiretso na ako sa office ni daddy... pagkapasok ko...

“Icah, come in...” hay naku, daddy talaga, nasa loob na nga ako eh...“mamaya na
yung party, may dress ka na ba?”
“yup, meron na...”

“good, mag-ayos ka na mamaya-maya ha...”

“okey... ahm, dad, sino po ba yung may birthday?”

“ahh, anak siya ni Dr. Velasco...” may asawa na pala yun... mukha naman eh...
(remember? Siya yung family doctor namin... siya yung tumingin kay Zen nung
nagkasakit siya...)

“ahh... okey... ano po bang oras yung party?”

“mga 6:00 ng gabi...” okey...

“okey, sige po, mamaya na lang ulit..” then lumabas na ako ng office ni daddy...

Mga 5:30 pa lang pinag-ayos na ako nila mommy at daddy... medyo malayo daw kasi yun
sa amin, para daw mga 7:00 nandoon na kami...

Pagkatapos kong mag-ayos, tinawag na ako kasi aalis na daw...

Pinagbuksan ako ni Zen ng pintuan ng kotse... then nung sinara na niya, umaandar na
yung car namin... di siya kasama??

“di po kasama si Zen?”

“no, honey, di siya kasama...” bakit naman??

“di mo na kailangan ng bodyguard ngayon, kasama mo kami...” okey, fine...


Nakarating na kami doon sa bahay nila Dr. Velasco... ang cute noong house, simple
lang but elegant...

“Mr and Mrs Valdez, buti nakapunta kayo... at kasama niyo pa ang munti niyong
anghel na si Angelica...”

“good evening po Dr. Velasco...” nagdadaldalan yung mga nakakatanda...

“Angelica, ipapakilala kita sa anak ko... alam ko ngayon mo lang siya makikilala,
if i’m not mistaking...”

“ngayon pa nga lang po...”

“oh, here she is...” humarap sa amin yung anak niya? Anak niya nga?

“Icah...”

“kilala mo na siya iha?”

“opo, magkaklase po kami...” anak niya pala si Mica...

“oh, sige iwan ko na muna kayo... enjoy...”

“opo, dad” then umalis na si doc. “ang liit naman ng mundo, nagkita nanaman tayo..
^.^”

“oo nga eh, di ko alam na anak ka pala niya...”

“ako din, di ko alam na anak ka pala nila Mr. Valdez... so, your studying on your
own school...”

“oo, parang ganun na nga...”


“si Zen? Parang di ko ata siya nakikita na kasama mo...”

“nasa bahay, di siya kasama...”

“ahh, i see... so kamusta na siya?”

“okey lang naman siya, bakit?”

“sigurado, mabait pa rin siya... tama ba ko?”

“ahmm... oo, medyo mabait naman siya...”

“medyo talaga ha... so, ano ng status ng relationship niyo?” status ng relationship
namin??

“boss and bodyguard... bakit?”

“ahh... akala ko kasi more than that na... ^.^”

“bawal...”

“so, nasabihan ka pala niya na bawal...”

“ahh... oo... ikaw, di ka ba niya sinabihan?”

“no...”

“oh, i see... kaya pala nagkagusto ka sa kanya...”


“yup... kaya nga ako bumalik, para sa kanya, para hanapin siya...”

“akala ko ba may boyfriend ka na?”

“ah, yun ba? Hiwalay na kami, simula noong nakita ko ulit si Zen.. ^.^” grabe,
ganun lang sa kanya kadali makipag-break? Tsk... “ang saya ko nga kasi nakita ko na
ulit siya... wala pa siyang girlfriend di ba?”

“ahhm, wala...” meron pala,... Ako! Jowk...

“sabi ko na nga ba... di kasi siya palasabi ng nararamdaman niya” oo nga ganun nga
siya, lagi niya lang sinasabi ‘okey lang ako’... “gusto mo ng makakain? Baka kasi
gutom ka na...”

“ahh, sige... kukuha na lang ako dun mamaya...”

“sige, entertain ko muna yung ibang bisita ha...”

“okey... ^.^” umalis na nga si Mica nun...

Naisip ko lang... ibig sabihin kilala na ni Dr. Velasco si Zen dati pa, kasi di ba
siya ang dating bantay ni Mica... so, nung pumunta si Dr. Velasco sa amin ba’t di
niya sinabi na si doc pala ang daddy ni Mica... grabe, what a small world...

Habang kumukha ako ng makakain...

“Icah! Nandito ka pala...” tingin naman ako dun sa tumawag...

“Luke? Ba’t ka nandito?”

“malamang, cousin ko yung birthday celebrant eh ^.^... so kamusta na kayo ng


boyfriend mo?” pinsan niya si Mica?!
“okey lang naman kami ni Zen.. hehe.. ^.^, ahm, sige, hahanapin ko muna sila mommy
ha... bye... ”

“sige, bye...” umalis na ako dun...

Hinanap ko na sila mommy at daddy... ang hirap hanapin ang daming tao... eh, ba’t
di ko na lang kaya tawagan? Gusto ko ng umuwi...

Calling mommy...

“yes, honey, why?”

“i wanna go home..”

“bakit naman?”

“i’m just tired..”

“okey, i’ll call home para papuntahin dito si Zen at masundo ka na, okey? Wait ka
lang, honey...”

“okey mom..”

Call ended...

Nag-antay lang ako ng ilang minutes then may nagtext sa akin...

From: bg

‘nsa lbas n aq..’

Hinanap ko lang si Mica para makapagpaalam naman ako...


“Mica... mauna na ako ha, medyo pagod na kasi ako eh...”

“ganun ba? Eh sila Mr. Valdez? Uuwi na rin ba sila?”

“hindi, nandyan pa sila... nagpaalam naman na ako sa kanila... mauna na ako ha...”

“ihatid na kita sa labas...”

“hindi, wag na...”

“are you sure?”

“yes...” then naalala ko, di ko pa pala siya nababati... “nga pala, happy birthday
^.^”

“thanks.. ^.^, ingat ka...”

“i will, bye...” then lumabas na ako... nasaan naman kaya ayung lalaki na yun?

To: bg

‘san k?’

“sa likod mo...” muntikan ko ng ma-ihulog cellphone ko sa gulat...

“ba’t ka ba bigla-biglang sumusolpot ha? Kaasar!”

“nagulat ka?” then ngumit siya... asar!!

“hay naku!”
“sakay na..” binuksan na niya yung door noong kotse...

Pauwi na kami, sa daan...

“Zen... kilala mo pala si Dr. Velasco?”

“oo, bakit?”

“ba’t di mo sinabi na siya pala ang daddy ni Mica?”

“ba’t ko naman kailangang sabihin?” bakit nga ba? Speechless naman ako...

“wala, gusto ko lang malaman... sige, yun lang... di na ulit kita tatanungin...”
tumingin na lang ako sa daan nun...

Oo nga naman, di naman niya kailangang sabihin yung mga bagay-bagay sa akin kasi
amo niya nga lang naman ako... kaasar naman kasi eh, bakit sa kanya pa?

Sa sobrang traffic, nakatulog na ako sa kotse...

Chapter 21: Mang-gulo!!

Nagising na lang ako kinabukasan nasa kwarto na ako... lumabas na ako ng room ko...
baba naman ako sa baba, bakit parang wala sila mommy? Sakto dumaan si Zen

“pst... sila mommy?”


“business tour for one week...” ahh... okey... “kain na, sleeping beauty...”

“ha?”

“kung di mo namamalayan ang oras, 12:30 na ng tanghali... kanina pa kita ginigising


pero binabato mo lang ako kaya tinigilan na kita...” tanghali na pala? Akala ko,
maaga pa...

Fine! Kumain na nga ako ng brunch ko... pagkatapos kong kumain, naligo lang ako...
tapos wala na akong magawa... nakakaboring nga eh...

Nasa kwarto lang ako buong araw... wala nga akong maisip na gawin... tinatamad
naman akong mag-aral (di ko gawain yun eh.. :P)... dahil batung-bato na ako sa room
ko, lumabas na lang ako ng room...

Paglabas ko, naisip ko lang, parang di ko pa ata nakita si Zen ngayon... kaninang
umaga lang...

Kumatok ako doon sa pintuan niya... bumukas naman yung pintuan...

“bakit?”

“wala lang ^.^”

“wala kang magawa noh?”

“oo...” tapos pumasok ako sa kwarto niya...

“ba’t ka ba bigla-bigla na lang pumapasok?”

“wala kasing magawa kaya dito na lang ako mangungulit...”


“hay naku... di gawain ng babae yan...”

“ang alin?”

“pumapasok sa kwarto ng isang lalaki...”

“eh di wag! Aalis na nga lang ako dito..” nasa may pintuan na ako, kaya lang
hinawakan niya ako sa wrist ko...

“hindi, joke lang... sige, dito ka na muna...” ngumiti ako...

Naupo ako doon sa kama niya... nilibot ko yung tingin ko sa kwarto niya... nang may
nakita ako...

“you play guitar?”

“di ba obvious?”

“kaya nga nagtatanong kasi di ko kasi alam...”

“gusto mong turuan kita?”

“masakit?”

“sa simula, oo... pero, pag nagtagal na, hindi na masyado...”

“ayoko... tumugtog ka na lang...”

“anong gusto mong kanta?”


“kahit na ano... basta maganda..”

Nagsimula na siyang tumugtog... ano kayang kanta ‘to?

“Time, I’ve been passing time

Watching trains go by

All of my life, lyin’ on the sand

Watching seabirds fly

Wishing there would be

Someone waiting home for me

Something’s telling me it might be you

It’s telling me it might be you”

It might be you pala yung kinakanta niya... infairness he’s good...

“Looking back as lovers go walking past

All of my life, wondrin’ how they met

And what makes it last

If i found a place

Would i recognize the face

Something’s telling me it might be you

Yeah, it’s telling me it might be you

So many quiet walks to take

So many dreams to wake

Only so much love to make, oh

I think we’re gonna need sometime

Maybe all we need is time

And it’s tellin’ me it might be you


All of my life

I’ve been savin’ love songs and lullabyes

And there so much more

No one’s heard before

Something’s telling me it might be you

And i’m feeling it’ll just be you

All of my life

(maybe) it’s you (it’s you)

(maybe) it’s you (it’s you)

I’ve been waiting for all of my life...”

Natapos na siyang tumugtog...

“you’re great... siguro, kinantahan mo na dati si Mica?” sad yung tono ko nun...

“hindi... di niya alam na marunong akong tumugtog... ikaw pa lang ang nakarinig...”

Nag-lift up naman yung spirit ko nun... ibig sabihin, may ibang bagay na alam ako
na di alam ni Mica... nakakatuwa naman (>.<)

Then, may biglang tumunog... cellphone pala ni Zen...

“sagutin ko lang muna...” then lumayo siya ng unti... “hello... kayo po pala...
opo... i will... di ko po nakakalimutan... sige po...” binaba na niya yung phone
niya...

“sino yun?”

“the company... may mga pinalala lang sa akin..”


“like?”

“wala, wag mo nang alamin..”

Na-upo din siya doon sa may kama niya... ang tahimik naming parehas... maya-maya...

“Icah, knock-knock...”

“ha?”

“sabi ko, knock-knock...”

“who’s there?”

“ako kune”

“ako kune who?”

“kuneho ka pala eh...”

“ang corny mo!”

“hahaha!! Isa pa”

“oh sige... go...”

“knock-knock”

“who’s there?”
“ako maba”

“ako maba who?”

“mabaho ka pala eh... maligo ka na nga...”

“ang corny mo talaga... ako na lang ang magnana-knock-knock”

“oh sige, siguraduhin mo matatawa ako ha...”

“oo naman... knock-knock”

“who’s there?”

“wait lang! Wala pa akong naiisip eh...”

“wait lang! Wala pa akong naiisip eh... who?”

“hindi yun... Zen naman eh...”

“kasi naman eh... magnana-knock-knock ka dyan di ka pa pala prepared...”

“pwedeng pick-up line na lang?”

“oh sige... go”

“ahmm... may kandila ka ba dyan?” kaya lang pinutol niya ako eh...

“bakit? para itirik mo sa patay na patay mong puso?”


“kasi naman Zen eh... nang-iistorbo ka eh... it’s my time to shine na... kagigil
ka!”

“pwede mo ba akong samahan?”

“bakit, aalis ka? Saan ka pupunta?”

“pwede mo ba akong samahan habangbuhay?” napalo ko tuloy siya

“sira ulo! Akala ko pa naman aalis ka talaga... nagpipi-pick-up line ka lang pala”

“aray ko naman! wag mo naman akong paluin... haizt... grabe na talaga mga banat
ngayon noh?”

“bakit naman?”

“kasi sa sobrang dami wala na akong maisip kundi ikaw...” pinalo ko nanaman siya...
“aray! Wag mo na akong paluin! Ang sakit-sakit na eh...”

“bumabanat ka nanaman eh... akala ko seryoso ka na”

“seryoso naman ako ah...”

“ewan ko sayo! Baliw! Siguro kakatakas mo lang sa mental ospital noh...”

“oo... hinahanap ko kasi yung kinakabaliwan ko...”

“ewan ko sayo! Baliw! Baliw! Baliw!”

“di naman halata eh...”


“hay naku! Kakain na muna ako, ginugutom ako sa kalokohan mo...”

“sige”

“ikaw, di ka pa ba kakain?”

“una ka na... mamaya na lang siguro ako kakain...”

“okey..” lumabas naman na ako ng kwarto ni Zen noon

Then dumiretso na ako sa kusina...

Zen’s POV

Natatawa na lang ako ngayon... hay ewan! Maalala ko lang yung mga pinagsasabi ko
kay Icah na pick-up line, natatawa ako... ewan ko nga kung bakit ko nasabi yung mga
yun eh... siguro gusto ko talagang sabihin yun, kaya lang di ko kaya, kaya dinaan
ko na lang sa biro...

Wala na akong ganang kumain gabi na rin naman... lumabas lang ako saglit sa kwarto
ko kaya nakita ko ulit si Icah...

“matutulog ka na?”

“yup... good night!”


“sige, good night din...” then, pumasok na siya sa kwarto niya...

Pumasok na rin ako sa kwarto ko, then natulog na din ako...

Monday na... may pasok nanaman... kailangan ko ng gising yung babaeng yun...
bumangon na ako...

pumasok na lang ako dun sa kwarto niya... tulog pa rin siya...

“hoy! Gising na! Male-late tayo pag di ka pa gumising...”

“pwede bang wag na lang pumasok?”

“hindi pwede, tinatamad ka na naman... bangon na dyan...”

“babangon na... wag kang maingay...”

“bangon na! Bangon na!”

“Ang ingay mo!! Zen naman eh... ang aga-aga, nanggugulo ka na...” nakasimangot pa
siya nun... antok pa nga siguro...

“bilis, bangon na!”

“ito na nga eh... nakatayo na ako...” lumabas na siya nung kwarto niya...

Nag-ayos na rin ako ng sarili ko... then, pagkatapos naming mag-ayos, pumasok na
kami sa school...

Nagklase lang buong araw... si Icah nga balak pang tulugan yung pharm. Cal.
Namin... bagsak-bagsak na nga siya dun eh... pasaway talaga...
Nag-uwian na... sabay na kaming naglalakad ni Icah noon...

“Zen!”

Tumingin naman kami parehas kay Mica noon..

“bakit?”

“pwede ba kitang yayaing lumabas? Ang tagal na kasi nating di nakakapag-usap...”

“ah... sige... basta kasama si Icah...”

“ayoko, kayo na lang...” then, umalis na siya...

“Icah!... sa ibang araw na lang, mauna na ako...” naglakad na ako noon...

“sige... sa ibang araw na lang...”

Sinundan ko na si Icah... grabe ang bilis ata niya ngayon maglakad?

“Icah!” di man lang lumingon... “Icah! Wait lang!” huminto naman siya... “ba’t ba
hindi mo ko hinintay?”

“bakit naman kita hihintayin?!”

“eh di ka naman kasama eh...”

“and so? Bakit ko naman kailangang sumama sa inyong dalawa?”

“kasi ikaw ang binabantayan ko, kaya kailangan kasama ka...”


“siya naman ang MAHAL mo...” then, naglakad na ulit siya...

Hindi naman siya eh... hindi siya ang mahal ko...

Nung nasa kotse na kami parehas, di man lang kami nagkikibuan... ni hindi man lang
siya nagsasalita... ano bang problema niya?

Ganoon din ang nangyari sa bahay... everytime na nagkakasalubong kami, parang di


niya ako nakikita... dati naman pinapansin niya ako, ngayon lang talaga hindi...

Chapter 22: Outing?!

Kinabukasan, sa school...

“ey, Icah... nag-iimbita ulit sila Phia, outing sa katapusan ng November... game
ka?”

“pag-iisipan ko muna...”

“wag ka ng mag-isip... sumama ka na...”

“sige, sasama na ako...”

“yes! Ikaw din Zen ah, sasama ka...”

“oo”
“oy, Mica... gusto mong sumama?”

“saan?”

“may outing kasi kami sa katapusan ng November, game ka?”

“kasama si Zen?”

“oo...”

“sige, sasama ako...”

“oh, ayan... basta Icah, magpaalam ka ha...” tumango lang si Icah...

“mga ilang araw ba yun?” tanong ni Mica...

“simula Saturday hanggang sa Monday..”

“ah.. okey...”

Ayun lang naman ang nangyari noong araw na yun, maliban doon, panay lessons lang...

Icah’s POV
Days passed, November 23 na ngayon... di pa pala ako nagpapaalam kay daddy tungkol
doon sa outing, sa sabado na pala yun... actually wala na nga akong balak sumama
lalo na nung nalaman kong kasama si Mica... kaya lang si Ela kasi pinipilit ako,
kaya ayun...

Pumunta ako sa office ni daddy, kaya lang before pa ako kumatok bumukas yung
pintuan...

“bakit Icah?”

“ahmm... dad, pwede po ba akong sumama sa outing? With my highschool friends...”


nag-iisip si dad “ahmm, kasama naman po si Zen eh...”

“oh sige... mag-ingat na lang kayo doon... aalis din kami ng mommy mo sa sabado for
our business tour... it’s one month kaya baka wala kami dito sa pasko...”

“ah... okey po...” lagi naman kayong wala tuwing pasko... wala ng bago doon... =(

“mag-enjoy ka na lang sa outing niyo...”

“opo..” then umalis na ako...

Days passed, Saturday na today... as usual doon sa dati kong school ang meeting
place...

“Icah! Buti nakadating ka na...” napatingin siya sa likod ko... “kayo na ulit ni
Zen?”

“ahm... oo.. hehe” maya-maya dumating na rin si Ela at Mica...

“may kasama ka ata Ela... sino siya?”

“si Mica... classmate namin...”


“hi! I’m Mica...”

“hello din... oh, tara na?”

“ahmm... si Luke?”

“nauna na siya... nandoon na siguro yun...” ahh.. okey

“saan ka sasakay, Zen?” tinuro lang ni Zen yung kotse namin... “pwede ba akong
makisakay?”

Tinignan lang ako ni Zen... hay ewan! Ayoko talaga kay Mica... nakakaasar!!!!

“ahmm... Mica, dito ka na lang sumakay... kasama namin, para naman makilala ka ng
mga classmates namin...”

“pero, Ela... sige na nga...” buti naman...

Sumakay na ako sa kotse... katulad noong dati, sinundan lang namin yung van na
sinasakyan nila...

Nakarating na kami... isa siyang resort... cute nga yung place eh...

“kanina pa namin kayo hinihintay... ang tagal niyo eh...”

“kami? Sino yung iba Luke?”

“sila Jim...”

“at sino naman yun?”


“classmate ko... oh, may kasama ata kayo na di ko kakilala... sino siya?”

“I’m Mica!”

“Hi, i’m Luke! You’re pretty...”

“thanks...” tama yan, Luke... siya pansinin mo hindi ako... mabuti pala at isinama
ito ni Ela eh... siguro ngayon titigilan na ako ni Luke...

“nga pala... para hindi na tayo mag-away-away kung sino ang magkakasama sa
kwarto... dalawa lang kasi ang pwede sa isa, gumawa kami ni Jim ng bunutan, kung
sino magkaparehas, siya magkasama, okey ba yun?”

“okey lang sa akin...” si Phia yun, ngayon nga lang siya nagsalita eh...

Nagbunutan naman kami, huli na akong bumunot... in short, yung natira yung akin...
binuksan ko naman yung papel... number siya, 14..

“para saan ang number?”

“yan yung number kung saang room kayo... isinulat na lang namin... don’t worry,
magkakamukha lang naman yung mga kwarto dito eh... nga pala, may dalawang tao na
solo sa isang room” sana ako doon... ayoko ng may kasama sa kwarto eh...

“tara na! Punta na tayo sa rooms natin...”

Dinala na ni Zen yung gamit ko...

“anong room number mo?”

“14” tinignan niya ako...


“parehas tayo...” sabaypakita nung papel niya..

ano ba yan? Badtrip, ayoko nga siyang makasama eh... pero mas okey na yun, kaysa
naman sa malaman ko na si Mica yung kasama niya, di ba?

Naglakad na kami ni Zen, papunta sa room namin, kaya lang may humahabol kay Zen
eh..

“Zen!” hay naku... “anong room number mo?”

“14”

“ay... di tayo parehas, sino kaya may kapareha mong number?..”

“ako...”

“parehas kayo?” tumango lang si Zen “ay ganun... sige mauna na ako...”

Naglakad na ako... nakarating na kami sa room namin... infairness, dalawa na ang


kama, buti naman! At infairness, kitang-kita yung dagat dito sa room namin, ang
galing naman namin mamili ng number...

Pumunta ako doon sa terrace... ang ganda... nandoon lang ako, tinitignan yung
ambiance...

Maya-maya, may kumakatok doon sa pintuan namin.. binuksan naman ni Zen... sila Ela
lang pala, mukha silang lalangoy sa outfit nila...

“Icah, tara swimming tayo...”

“saan? Sa dagat?”

“hindi, doon lang sa pool...” may pool pala dito?


“sige, wait lang... magpapalit lang ako...” pumunta ako sa banyo at nagpalit lang
ako saglit ng shorts at ng sando... ayaw ko mag-bikini noh... paglabas ko sa
banyo... “tara na Zen...” hinila ko na lang siya... nakapagpalit na siya kanina eh,
i mean naka shorts na siya na pwedeng pang-swimming...

Nakarating na kami doon sa pool... ang cute nga eh, kasi parang kakabit ng pool
yung dagat... basta ganun, ang hirap i-explain...

“tara, swimming tayo...”

“mamaya na lang ako siguro...”

“sige...” then, iniwan ko na siya at sumama na ako kay Ela...

Naupo lang si Zen doon sa sunbathing chair at ako ay nagswimming naman...

Kanina pa ako nalangoy pero si Zen parang di man lang tumalon sa tubig... kaya ayun
umahon na muna ako...

“oy, Zen... di ka pa ata nag-swimming ah?” naupo lang ako doon sa kinakaupuan
niya... tumingin lang siya sa akin... hmmm?? “don’t tell me na di ka marunong mag-
swimming?”

“adik ka ba? Bodyguard ako, tapos hindi ako marunong magswimming? Marunong akong
lumangoy, tinuruan kami...”

“oh marunong ka naman pala eh... tara na...” hinihila ko na siya nun pero ayaw niya
pa ring tumayo... “tara na, Zen...” tumayo na rin siya, gusto lang palang papilit
eh...

“sabay tayong tumalon ha...” tumango lang siya... “pagkasabi ko ng three ha tatalon
tayo, sabay... 1-2-3” then, tinulak niya ako... “sira-ulo ka, Zen!!!” tawa lang
siya ng tawa...
Ah, ganun... winisik ko yung tubig sa swimming pool sa kanya...

“Icah, naman eh!” bumaba na rin siya sa swimming pool noon...

Parehas na kami nagwiwisikan ng tubig... nakaka-aliw.. ^.^... pati nga yung iba
naming classmates, nawisikan namin ng tubig...

“ANG KULIT NIYONG DALAWA!!” napahinto naman kami parehas... pero parehas parin kami
nakangiti...

“wag mo naman kaming sigawan, Ela...” pagkasabi ko nun, winisikan ako ni Ela ng
tubig...“sira ulo ka! gusto mo lang pala makisali eh...” nagsimula nanaman ang
wisikan...

Napagod na ako, kaya umahon na muna ako... pati si Zen umahon na rin... naupo lang
kami saglit...

Chapter 23: It hurts.../ It’s hard...

Napagod na ako, kaya umahon na muna ako... pati si Zen umahon na rin... naupo lang
kami saglit...

Kaya lang, biglang lumapit si Mica... hay naku...

“hi Icah! Hi Zen... pwedeng maki-upo?” tumango lang si Zen...

Ayun... nag-usap yung dalawa, and i don’t care kung ano man yung pinag-uusapan
nila... naaasar na ako!! Tumatawa si Zen... siguro nga di ko siya mapapatawa ng
ganun... hay... wala na akong gana...
“mag-swimming lang muna ulit ako ha...” tinignan ako ni Zen...

“sasa--” pinutol ko na yung sasabihin niya...

“dyan ka na... i know how to swim”

“pero...”

“walang pero-pero... sige swimming na muna ako ha...” then, iniwan ko na sila...

Naupo lang ako doon sa gilid ng pool... maya-maya naupo sa tabi ko si Luke

“hi Icah...”

“hello...”

“ba’t parang malungkot ka? May problem ka ba?”

“wala naman... wala lang siguro ako sa mood makipag-usap...”

“ahh, ganun ba? Nga pala, nasaan si Zen?”

“nandyan lang yun...”

“eh yung Mica, nasaan siya?” badtrip!! Wala nga ako sa mood eh...

“baka, naglalakad-lakad lang siya dyan...”

“Icah...” hay naku!!


“bakit?”

“magagalit ka ba sa akin pag may minahal akong iba?” of course not! Magiging happy
nga ako nun eh...

“hindi...”

“talaga?”

“oo, hinid ako magagalit... dapat talaga matuto ka nang magmahal ng ibang babae,
kasi wala ka naman pag-asa sa akin...” oops... biglang lumungkot yung mukha niya,
then nag-manage siyang ngumiti...

“okey... ahmm, Icah, sa tingin mo ba, may pag-asa ako doon sa kaklase niyo?”

“si Mica?”

“yup..”

“siguro, meron... why don’t you try to know her and then court her...”

“sige... i’ll try..” tapos tumayo na siya... “nga pala, thanks...”

“for what?”

“sa lahat...” okey... ang weirdo, parang mamamatay na siya eh...

Wala na rin ako sa mood para mag-swimming kaya umalis na ako doon... bumalik na
lang ako sa kwarto ko... naligo lang ako at nagpalit, tapos lumabas na ulit ako
para kumain ng hapunan... (nagugutom na kasi ako eh...)
Pagkatapos kong kumain bumalik na ako doon sa room ko...

On my way na ako sa room ng... (di ko naman sinasadyang marinig at makita...)

“Zen... i still love you... pwede naman natin ibalik yung dati eh...”

“hindi na natin pwedeng ibalik ang nakaraan, Mica”

“but...... tell me, do you like her, kaya ba hindi mo na ako gusto?” ako ba yung
her na tinutukoy ni Mica?? (wag assuming...) “sumagot ka! Gusto mo na ba si Icah?”
ako nga yung her!!

Then umiwas si Zen ng tingin kay Mica..

“i don’t like her...” ouch! Sapul! Ang sakit marinig mula sa kanya...

“then kiss me...”

Aalis na sana si Zen, kaya lang pinigilan siya ni Mica... then Mica kissed Zen... i
can’t bear to see it... it hurts me... aalis na sana ako kaya lang...

“Icah...”

“ahmm.... i’m sorry, di ko sinasadyang makadisturb...” tumalikod na ako noon at


naglakad...

“wait! Icah!” tumakbo na ako para hindi niya ako mahabol...

Please... wag muna ngayon, ayaw ko siya makasama, ayaw ko siyang makita....
Zen’s POV

Kinakausap ako ni Mica...

“Zen... i still love you... pwede naman natin ibalik yung dati eh...”

“hindi na natin pwedeng ibalik ang nakaraan, Mica” we can never bring the past
back...

“but...... tell me, do you like her, kaya ba hindi mo na ako gusto?” si Icah ba?
“sumagot ka! Gusto mo na ba si Icah?” siya nga...

Hindi ko tinignan si Mica... i don’t know what to answer...

“i don’t like her...” i don’t like her... i love her!

“then kiss me...” ha? No way! Si Icah lang ang babaeng hahalikan ko noh!

Aalis na sana ako kaya lang pinigilan ako ni Mica... then Mica kissed me sa lips
ko... na-shock ako doon sa ginawa niya... at mas na-shock pa ata ako doon sa nakita
ko... si Icah, she sees it...

Inilayo ko si Mica...

“Icah...”

“ahmm.... i’m sorry, di ko sinasadyang makadisturb...” tumalikod na siya noon at


naglakad...

“wait! Icah!” tumakbo na siya... sobrang bilis...


Hahabulin ko sana siya kaya lang pinigilan ako ni Mica...

“no, Zen... no!”

“sorry Mica... napag-isipan ko na ‘to... wala na talagang pag-asa sa atin...” then


hinabol ko na si Icah...

Kahit na mabilis tumakbo si Icah, mas mabilis akong tumakbo... nahabol ko na kaagad
siya...

“wait lang, Icah!” hindi niya ako pinansin... “wait lang! Hintayin mo ko!” then
bigla kong naalala yung panaginip ko dati... pag di ko siya nahabol mawawala siya
sa akin, ayoko... binilisan ko pa yung takbo ko... “wait lang...” nahabol ko
siya... i hugged her from her back...

“bumalik ka na sa kanya...”

“ayoko...”

“pwes, bitiwan mo na ako!”

“ayoko...” lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kanya

“bitawan mo ako!” nagpupumiglas siya...

“please... ayokong mawala ka sa akin... please...” she stops... then, may tumulo sa
akin... “are you crying?” then, hinarap ko siya sa akin... “ba’t ka umiiyak?”

Di niya ako sinagot pero niyakap niya lang ako... niyakap ko lang din siya... ang
tagal niyang umiyak... nung namalayang kong tumigil siya, napansin kong nakatulog
na pala siya... binuhat ko siya pabalik sa kwarto...
Inilapag ko lang siya sa kama niya at naupo lang ako sa gilid ng kama niya...

“bakit ba ganun ha, Icah… bakit kung ano ang pinaka-bawal yun pa ang lagi kong
nalalabag?.. Sabi naman sayo, eh. Wag kang maging sweet, wag kang maging mabait.
Tingnan mo tuloy ngayon. Kasalanan mo to, eh! Masasaktan na naman ako kasi mahal na
kita, eh. Mahal na mahal. Kahit gaano ko man itago sa sarili ko lumalabas at
lumalabas talaga na mahal na kita... ang hirap, pero kahit na ganoon, handa naman
na akong masaktan muli... basta, hayaan mo na lang akong mahalin ka...” kiniss ko
siya sa forehead niya... “good night, Icah... sweet dreams...” tumayo na ako...

Natulog na rin ako...

Wala namang kaming ginawa noong ibang araw sa resort... kaya ngayon nasa school na
ulit kami, may pasok na kasi... wala rin namang kakaiba... malapit na rin ang
exams... bago mag-bakasyon prelim muna...

Days passed, December 11 na ngayon, bukas exam week na... di lumalabas si Icah sa
room niya dahil busy ‘daw’ siya, mag-aaral ‘daw’... inuulit ko ‘daw’...

Dumaan ang exam week and finally its Christmas vacation!!

Chapter 24: Christmas!!

December 18 na ngayon... wala naman akong magawa, kaya pumunta ako doon sa
garden... nandoon si Icah (sa duyan niya...)

“bakit? may problema ka ba at ganyan ang mukha mo?”

“wala, malungkot lang ako...”

“bakit ka naman malungkot?”


“kasi malapit nang mag-Pasko”

“dapat nga masaya ka...”

“di ko nanaman kasi kasama sila mommy... lagi naman ganyan... lagi silang nasa
business tour tuwing Pasko...” kawawa naman siya... naisip ko lang,

“kasama mo naman kami eh... ^.^” nagsmile siya

“tama ka dyan... kasama ko naman kayo eh...

kasama kita... magiging masaya na ako noon” tama ka dyan, kasama mo ko...

yun lang yung nangyari noong araw na yun...

December 24... lahat naghahanda for Christmas Eve... si Icah? Ayun kunwari
tumutulong... kunwari lang, nang-gugulo lang naman kasi eh...

“oy Zen... marunong kang magluto?”

“oo naman... tingin mo sa akin?”

“wow!! Ako na maghihiwa niyan...”

“marunong ka ba?”
“oo naman, ako pa.” Kayabang nito...

“oh...” inabot ko sa kanya yung hinihiwa ko... ayun busy siya... maya-maya lang,

“aray!!”

“bakit?”

“nasugatan ako!”

“patingin nga...”

“joke lang.. (>.<)” pinalo ko siya, di naman kalakasan... “aray! Kung makapalo
naman ‘to...”

“loka-loka ka... akala ko may nasama nang daliri dito sa niluluto ko...”

“masarap naman daliri ko eh.. ^.^”

Ayun nakapagluto naman kami na walang kasamang daliri...

Icah’s POV

Gabi na, kakatapos ko lang kumain ng Noche Buena kumakain na lang ako ng salad doon
sa may veranda sa baba...
“anong ginagawa mo dyan?”

“wala, kumakain ng salad...”

“nag-mumuni-muni?”

“hindi naman...”

“ang daming stars oh...”

“oo nga eh... ang cute...”

“gusto mo ikuha kita?”

“ikukuha daw... baliw ka talaga noh?”

“seryoso ako! Ikukuha kita...” tapos tinaas niya yung kamay niya na parang kukuha
talaga... “ta-da!!” pagkasabi niya noon binuksan niya yung kamay niya at may maliit
na dalawang silver na star na nahulog sa kamay niya, pero di naman totally nahulog
kasi hawak niya yung parang tali... ngayon ko lang napansin, it’s a necklace...

“wow..”

“Merry Christmas!... pwede ko bang ilagay sayo?” tumango lang ako...

Nilagay niya nga sa akin yung necklace...

“ang ganda...”

“bagay nga sayo eh...”


“salamat...”

“no problem...”

“saan mo nabili?”

“hindi yan binibili... pinapasadya yan...” pinasadya niya ‘to? Ayos ah...

Tsaka ko lang din napansin, may naka-ukit na Icah doon sa star na malaki...

“may pangalan ko pala ‘to... salamat talaga...” niyakap ko siya...

“wala yun...”

“thanks... you’ve made me happy...” di ko pa rin siya binibitawan noon...

“nga pala... i want to ask you a question...”

“ano yun?” binitawan ko na siya sa pagkakayakap ko...

“ba’t ka umalis noong nakita mo kami ni Mica?”

“ah yun ba...” ano bang isasagot ko?... “kasi nakaka-istorbo ako sa inyong
dalawa...”

“then, why are you crying noong nahabol kita?”

“eh kasi...”

“kasi?..” ano nanaman ba isasagot ko?..


“kasi ano..... ano.... eh ba’t mo muna sinabi na ayaw mo akong mawala sayo?” bakit
nga ba?..

“it’s just that... hay never mind... wag mo ng sagutin yung tanong ko...”

“eh di wag... pero sagutin mo yung tanong ko...”

“ha?... eh wala nga akong naalalang sinabi ko yun eh...”

“napaka-sinungaling mo...”

“hoy di ah... ang honest ko nga eh...”

“sinungaling! Bakit nga kasi??”

“eh kasi, mahal na kita!! happy?” nabigla ako doon sa sinabi niya... mahal niya
ako? Pero bawal yun... matatanggal siya... ayoko noon...

“haha! Great joke...” tama, he’s only joking...

“kung iniisip mo bang joke yun eh...” tapos umalis na siya... is he serious?

Wala na akong ginawa pagkatapos naming mag-usap... natulog na nga lang ako eh...
kaya lang medyo nahirapan akong matulog kasi lagi kong naiisip yung sinabi niya...
mahal niya daw ako?.. di ko alam kung matutuwa ako o malulungkot... matutuwa kasi
he loves me, malulungkot kasi pwede siyang mawala sa akin...

December 25... walang magawa sa bahay kaya niyaya ko si Zen na mag-picnic... (kung
ano lang maisipan eh...)

Nandito kami... somewhere, i don’t know where it is... basta masasabi ko lang
maganda dito... hinayaan ko na lang kasi si Zen... sabi ko kahit saan basta
maganda...

Maganda nga dito... puro green ang makikita, in short puro damo, puro puno... may
ibang naglalakad, yung iba naman kasama yung mga aso nila, iba naman nagpi-picnic
din... it’s a great place for leisure...

Naglatag lang kami ng sapin doon sa may ilalim ng puno (para di maaraw)... tapos
kumain lang ako ng chips na dala namin, di pa naman kasi ako masyadong gutom...

Maya-maya kumain na din kami ng lunch namin... pagkatapos noon, nagligpit ng


kinainan... nahiga siya doon sa may sapin, kaya ako din nahiga... ang sarap ng
ganito, peaceful...

“Icah...”

“hmm??”

“may ipapaki-usap sana ako sayo eh...”

“ano yun?”

“please... don’t fall for me...” naupo siya noon

“don’t fall for you?” napa-upo na rin ako...

“wag mo sana akong matutunang mahalin...” but, i already love him...

“bakit?”

“masasaktan ka lang kasi sa huli...”

“pero..... i already did...” di ko alam kung bakit ko nasabi yun, it just came
out...
“Icah, habang maaga pa... pigilan mo na...”

“i can’t... it’s too late... mahal na kita eh...”

“ayaw kong masaktan ka... sigurado kasi ilalayo nila ako sayo...”

“hindi naman ako masasaktan at hindi ka rin nila ilalayo sa akin kung ipaglalaban
mo ko... i-promise mo you’ll fight for me...”

“i will...” he hug me... niyakap ko rin siya... “i’ll fight for you...”

Di rin naman nagtagal umuwi na kami, medyo mainit na rin kasi eh...

Chapter 25: The who??!

Pagdating namin sa bahay... kakapasok ko pa lang ng pinto,

“mam Icah... pinapapunta po kayo ng daddy niyo sa office niya...” si daddy?

“nandyan na po si daddy?”

“opo...”

“sige, pupunta na ako doon...”


Pumunta na ako sa office ni daddy... tumuloy na lang ako...

“come in...”

“nandito na pala kayo...”

“kakarating lang namin kanina... nagpicnic pala kayo ni Zen... are you bored here?”

“medyo po... bakit mo ko pinatawag dito?”

“nga pala, sa December 30... i would like you to meet Adrian... your fiancé”

“my what?!”

“your fiancé...”

“fiancé?!”

“dapat mo muna siyang makilala... pupunta ka sa restaurant that day para makilala
mo ang family niya... di kami makakasama ng mommy mo dahil may gagawin kami ng araw
na iyon...”

“pero...”

“no buts, no whys... you’ll follow...”

“hindi niyo ako mapapakasal sa di ko kakilala at sa di ko gusto!!” then, lumabas na


ako sa office ni daddy...

Ngayon pati ba naman love life ko papaki-eleman na din nila? Ayoko!!


“oh, Angelica... naka-usap ka na ba ng daddy mo?” si mommy yun...

“about what? About the guy?”

“yup! Kay Mr. Nickerson...” ano daw?? Nick-something-something

“di niyo ako pwedeng ipakasal sa di ko kakilala!!” then umalis na ako sa harap ni
mommy...

Pumunta ako sa duyan ko...

Ipapakasal nila ako? I’m arranged with someone i don’t know... ayoko... love life
ko na nga lang ang di pa nila pinapaki-eleman, wag naman na nilang idamay yun...

“anong iniisip mo?”

“Zen...” tumulo yung luha ko nun...

“bakit?.. ba’t ka umiiyak?” niyakap ko siya...

“ayoko...”

“ayaw mo ng ano?”

“pinapagkasundo nila ako... ayoko sa kanya... di ba ipaglalaban mo ko?”

“oo...”

“i-pangako mo...”
“i promise... i’ll fight!... kaya wag ka ng umiyak...” pinunasan niya yung luha
ko... “ayoko ng maulit ang pagkakamali ko dati... di ko na hahayaang mawala ka sa
akin...”

Lumipas yung araw na yun...

Days passed, December 30 ngayon... wala nanaman sila daddy, sa business trip
nanaman...

Ngayon, papunta ako doon sa restaurant na sinasabi ni daddy... di ko kasama si Zen,


yung driver ni daddy ang nag-drive sa akin papunta doon... kahit ayoko, wala na
akong nagawa...

Nakarating din naman ako doon... at nakita ko na nga yung Mr. And Mrs. Nick-
something-something...

“good evening po...”

“take a sit... iha...” naupo naman ako... “ikaw pala ang anak ni Mr. And Mrs.
Valdez” si Mr. Nick-something-something yun

“Angelica po...”

“your name fits you... mukha ka kasing anghel...” Mrs. Nick-something-something


naman yun... nagsmile naman ako doon sa sinabi niya...

“thank you po... ahmm, pagpasensyahan niyo na po kung wala ang parents ko...”

“it’s alright... alam naman namin na busy sila...” napansin ko lang, bakit wala
yung anak nila?

“naku... pagpasensyahan mo na rin yung anak namin at wala pa...”

“umorder na muna tayo habang hinihintay si Adrian...” Adrian pala yung name niya...
“ah... okey po...”

j
Umorder naman kami... nakakain at nakapagkwentuhan na rin pero di pa dumarating
yung anak nila... tinawagan na rin nga siya noong mommy niya pero wala pa rin
siya...

Medyo late na... napag-desisyunan na naming umuwi...

“pagpasenyahan mo na si Adrian at hindi nakarating...”

“okey lang po yun... di rin naman po nakarating ang parents ko...”

“sa susunod sigurado na yun... Angelica... ahm, pwede ba kitang tawaging Angel?”
maya-maya dumating na rin yung driver ni daddy

“ah sige po... ahm, mauna na po ako... nandyan na po kasi yung sundo ko...”

“sige... ingat ka... nice meeting you, Angel...”

“nice meeting you din po... ingat din po kayo...”

Sumakay na ako sa kotse noon...

Chapter 26: New Year. Worst start.

New Year’s Eve kinabukasan... wala naman kakaiba, wala pa rin ang parents ko...
then New Year’s Day na... lumabas lang ulit kami ni Zen...
Gumala lang kami... sa isang park lang kami napadpad, walang tao (weird right?)...
na-upo lang kami doon sa may bench...

“Zen...” tumingin siya sa akin, tinignan ko din siya sa mata niya... “i love
you...”

Pagkasabi ko noon, iniwas niya yung tingin niya... bakit ganun? Parang gusto niyang
sabihin sa akin na napaka-imposible naming dalawa?

Tumingin ulit siya sa akin...

“Icah, kahit anong mangyari... ipaglalaban kita... di ko kayang mawala ka...”


niyakap niya ako

Hinawakan ko yung magkabilang pisngi niya...

“me too... i can’t bear to lose you” then i kiss him...

Pagkatapos noon, nag-usap lang kami sa mga bagay-bagay...

Umuwi na rin kami sa bahay... pagkapasok ko, walang tao???

Paakyat na ako ng hagdan, nung nakita ko si yaya tumatakbo pababa...

“naku, Icah... tinatawag ka ng daddy mo... galit na galit siya...” he’s mad??

Pumunta na ako doon sa office ni daddy... kinakabahan ako, bakit??... hindi maganda
ang feeling ko ngayon...

Pumasok na ako sa loob, nakatalikod yung upuan ni daddy sa door...

“lumapit ka...” lapit naman ako... humarap na siya, he looks mad... “sabihin mo
kong ano ‘to... ipaliwanag mo kung ano ‘to!”

may itinuturo siya sa table niya... tinignan ko naman... WHAT??!!!

It’s pictures... namin ni Zen...

“i-explain mo sa akin yan! Ganyan ba ang ginagawa niyong dalawa pag-wala kami ng
mommy mo!!” alam na niya... hindi pwede...

Bumukas yung door... pumasok si Zen...

“mabuti at nandito ka na rin...” lumapit si Zen sa table ni daddy“anong inutos


namin sayo?”

“bantayan po si mam, Icah...”

“BANTAYAN?... ngayon, ano ‘to?!!” hindi siya makapagsalita...

Ano ba kasi yung pictures??... yung pictures siguro this December lang kinuha...
may picture noong Christmas Eve, noong nilalagay niya sa akin yung necklace... may
picture noong Christmas, noong niyakap ko siya... may picture din ngayon, noong
magkayakap kami at yung kiniss ko siya...

“ANONG GINAWA MO SA ANAK KO???”

“wala po akong ginawang masama kay Icah..”

“DI BA ANG SABI SAYO, BAWAL KANG MAGKAGUSTO SA ALAGA MO?! NGAYON, WHAT?!”

“pero, di ko naman po sinasadya...”

“HINDI MO SINASADYA?! Ayoko sayo para kay Angelica...”


“but, dad... wala siyang kasalanan... ako ang nagkagusto sa kanya... i’m the one
responsible for these..”

“SHUT UP, Angelica, I’m not talking to you... Zen, YOU. ARE. FIRED!!”

“dad, NO!”

“GET OUT OF HERE, NOW!” aalis na sana siya, kaya lang hinawakan ko siya

“Zen, wag...” tumulo yung luha ko... “ipaglalaban mo ko... di ba?”

Iniwas niya lang yung tingin niya sa akin, then naglakad na siya... nabitiwan ko na
rin siya... doon na tuluyang tumulo yung luha ko...

“Zen... Zen, wag kang umalis...” tuluyan na siyang nakalabas ng office...

hindi, hindi pwede... umiiyak pa rin ako ngayon... bakit ba ayaw akong maging
masaya ni daddy?..

“Are you happy now, ha, dad?” naglakad na ako palabas...

“i’m not done with you yet, Angelica...” Pero di ko siya tinignan... “ANGELICA!”

lumabas na lang ako ng office ni daddy at pumunta ako sa kwarto ko, doon na ako
nag-iiyak at nagmukmok...

sabi start the year right... pero ano? My year starts ng napakasaklap... umalis
siya, iniwan ako...

wala na akong ganang kumain noon... di ako lumabas ng kwarto ko kahit anong gawin
nilang pagyaya sa akin...
hinawakan ko yung necklace na binigay sa akin ni Zen... nagsimula nanamang tumulo
yung luha ko noon...

“sabi mo mahal mo ko... bakit ganun? akala ko ba ipaglalaban mo ko? Bakit mo ko


iniwan?...”

Bumukas yung pintuan ng kwarto ko... si mommy lang pala... pinunasan ko yung luha
ko...

“Angelica, kumain ka na...”

“wala akong gana...”

“pero, Angelica...”

“gusto kong mag-isa...”

“Angelica...” tumulo nanaman yung luha ko...

“lagi na lang kayo ang nasusunod! Sa school, kayo ang sinusunod ko... pati ba naman
ang love life ko, kayo din ang magco-control?! Ang hirap ng ganitong buhay...
mayaman nga tayo... pero ano?! Wala kayo pag-Pasko? Lagi na lang kayong nasa
trabaho! hindi ko man lang naramdaman ang pagmamahal niyo sa akin! Akala niyo ba
masaya ako? Hindi ako masaya... lagi na lang ang mga katulong ang kasama ko...
walang umiintindi sa akin! Si Zen?... siya lang naman ang nag-intindi sa akin eh...
siya lang...” tulo ng tulo yung luha ko... niyakap din ako ni mommy... “siya lang
ang umintindi sa akin... siya lang nagpasaya sa akin... siya lang nagparamdam ng
pagmamahal sa akin...”

“Angelica... patawarin mo kami ni daddy kung hindi ka namin nasasamahan, kung bakit
wala kami palagi sa piling mo... hindi mo ba nararamdaman na mahal ka namin? Lahat
ng ginagawa namin para sayo... hindi naman kami magpapakahirap kung hindi dahil
sayo... gusto namin na maging masaya ang buhay mo... pero hindi namin alam na
nalulungkot ka na pala... Angelica, patawarin mo kami, anak... mahal na mahal ka
namin...” bumitaw ako kay mommy..

“it’s okey mom...” pinupunsan ko yung luha ko...


“sorry, Angelica... sorry...”pinapatahan na ako ni mommy... “tell me, Angel... do
you love him?...”

“very much...”

“pwede ka bang magkwento?”

Nagkwento naman ako tungkol kay Zen... ewan ko ba, pero pag si mommy, i know i can
trust her...

Napagod na rin siguro ako kasi nakatulugan ko na si mommy...

Nung mga sumunod na araw, lagi lang akong nasa kwarto ko... doon na ako kumakain...
bihira lang akong lumabas ng kwarto...

Chapter 27: Mrs. Nickerson...

January 9, may pasok nanaman ako ngayon... wala pa akong bagong bodyguard, pero
driver ko yung driver ni daddy...

Pumunta na ako sa room...

“Icah!!” lumingon naman ako “kamusta Christmas vacation?”

“okey lang...” malungkot yung tono ko...

“si Zen?...” di ko siya nasagot... “bakit?”


“pinatalsik na siya...”

“why?!.. don’t tell me...”

“oo, tama ka ng naiisip...”

“nalaman ng parents mo?”

“yup...”

“mahal mo na siya?”

“oo, sobra...” nagsimula nanaman akong umiyak “alam mo ba, ang hirap pag nawala
yung taong mahal mo.. nakakalungkot, masakit, nakakamiss.. bakit ganun noh?
Pagkatapos ng saya dadating din ung time na iiwan ka niya.. dun pa sa part na
sobrang mahal mo na siya..”

“Icah...”

“bakit ganun?! Sabi niya sa akin, ipaglalaban niya ako eh... pero isang linggo na
ang nakalipas pero di pa rin siya bumabalik... na-iinip na ko...”

“siguradong babalik siya, naghahanp lang ng tyempo... dapat matuto kang mag-
antay... sigurado in the right time, babalikan ka niya... kaya wag ka ng umiyak...”

Tumahan na rin ako... dumating na rin kasi yung prof namin eh...

Lumipas ang araw... January 21 ngayon... nasa sala lang ako,

“Angelica, darating dito sa 28 ang mommy ni Adrian... gusto ka daw kasi niyang
makita eh, sabi niya kung madadala niya daw si Adrian ay isasama niya para makilala
mo naman siya...” si daddy yun
“sasamahan na lang kita Angelica sa 28...” si mommy naman yun

“hindi ka pwede sa araw na yun... alam mo namang may business trip tayo noon...”

“it’s okey mom, i can manage it...”

“sorry, Angelica ha...”

Lumipas ang araw at 28 na ngayon... nagising ako ng maaga, kasi nga darating si
Mrs. Nickerson (alam ko na... para ngang familiar sa akin yung apelydo na yun, di
ko lang maalala kung saan ko nabasa o narinig)... nasa garden lang ako tumambay (sa
duyan)..

“mam Icah, may naghahanap po sa inyo sa labas...” yung bago kong bodyguard yun...

“sino daw?”

“di po nagpakilala... lalaki po na matangkad...” lalaking matangkad? Si Zen?

Tumakbo ako ng mabilis sa gate... kaya lang pagdating ko doon walang tao... lumabas
pa ako, pero wala talaga.... nanloloko lang siguro... papasok na sana ako sa bahay
ng may nagtakip sa bibig ko at binuhat ako... no!!

Dinala niya lang ako sa di kalayuan...

“bibitawan kita, basta wag kang sisigaw...” Zen?..

Nung binitawan niya ako, tinignan ko kaagad siya...

“Zen... i miss you...” tapos niyakap ko siya, sabay palo “loko ka! Tinakot mo ko,
akala ko may kikidnap sa akin...”
“i miss you too... hindi naman kita kinidnap, pero pwede din... tara...”

“ha?”

“sabi ko, tara... gumala naman tayo...”

“di pwede...” naging malungkot yung itsura niya...

“bakit?...”

“kasi... darating yung mommy noong fiance ko... sorry...”

“yun ba?” Tinuro naman niya... tinignan ko naman, nakarating na pala....

“yah, yun nga... sige, sa ibang araw na lang...” tumakbo na ako noon... tumingin
muna ulit ako sa likod pero wala na siya...

Pumasok na ako sa gate...

“good morning po...”

“good morning din, Angel...”

“tuloy po kayo....” pumasok naman kami sa loob “upo po kayo... gusto niyo po ba ng
maiinom?”

“naku, wag na... sandali lang naman ako... gusto lang kasi kitang makita...”
badtrip! Gusto niya lang pala akong makita... kaasar! Sana nakalabas na kami ngayon
ni Zen... grr! “ay nga pala sa February 14 na ang birthday mo di ba?”

“opo...”
“di ba si Adrian ang escort mo?” ano daw?

“alin po?”

“ang escort mo... se debut mo...”

“ahhh...” di ko alam yun ah... “opo...” at yun na lang ang nasagot ko

“and speaking of Adrian, pagpasensyahan mo na at di ko naisama yun, may pinuntahan


kasi siya”

“okey lang po...”

“ay! Kailangan ko na palang umalis” tumayo na siya “sa susunod tungkol naman sa
kasal ninyo ang pag-uusapan natin ha...”

“ahh...” yun na lang sinabi ko habang tumatango...

“sige, bye, Angel...” nagbeso-beso lang kami...

“bye po...”

Then hinatid na siya noong katulong namin sa labas...

Pumunta lang ulit ako sa duyan... haizt... gusto kong tawagan si Zen, kaya lang
pinalitan ni daddy yung number ko... di ko naman kabisado yung number niya...
haizt...

Pero tama si Ela, bumalik siya....


Chapter 28: Debut

Lumipas ang araw, February na, di pa rin bumalik si Zen... kailan ba ulit siya
bibisita sa akin?

Kahit sa school di ko na rin siya nakikita, di na siya pumapasok... wala na talaga


akong communication sa kanya... FB? Bawal daw muna akong gumamit ng internet...

Dahil malapit na rin ang birthday ko, pinapagawan na ako ng damit... pinapili din
nila ako ng cakes at yung mga table cloth, pinapili din nila ako... wala naman
akong gana noon kasi ang lagi ko lang iniisip eh kung kailan ko ulit makikita si
Zen... kaya ayun, puro si mommy ang namili...

Gabi na ngayon ng February 13... bukas birthday ko na, may pasok sa umaga, party
naman sa gabi... at speaking of birthday, ni minsan di ko pa nakikita yung escort
ko... lagi akong niyaya nung parents niya pero palagi din siyang di kasama...
siguro di siya pupunta bukas, okey na yun...

February 14, umaga palang sa school binati na ako ng mga classmates ko... binati na
rin ako noong highschool classmates ko... buti na lang tuwing Tuesday hanggang
tanghali lang klase ko, kaya nakapagpahinga pa ako sa bahay before yung celebration
ng birthday ko...

Siguro mga 2:00 ng hapon pinag-aayos na nila ako... naligo na muna ako noon, tapos
ayun minake-upan na ako, inayusan ng buhok... sobrang tagal namin sa pag-aayos...
kaasar nga eh, di ko naman na kailangang pagandahin, maganda na ako noh...

Mga 5:30 na siguro ako natapusang ayusan... nasa kwarto lang ako nag-stay habang di
pa ako tinatawag... 6:30 pa naman ang start noon...

6:30 tinawag na ako, (ngayon pa lang nagsimula ang party, Filipino time talaga...)

“napaka-ganda mo naman, Icah... dalaga ka na talaga...”


“thanks, yaya”

“ay, nga pala, tinatawag ka na doon... tatawagin na daw kayo...”

“sige po, pupunta na ako...”

Pumunta naman ako doon, nakita ko na sila mommy at daddy, pati rin yung parents ni
Adrian... si Adrian? Wala pa din...

“happy birthday, Angel!” sabay abot ng regalo sa akin ni Mrs. Nickerson

“thank you po...”

“napaka-ganda mo nga eh, halos di na kita nakilala” si Mr. Nickerson yun

“thank you po...”

“naku, medyo na-late lang si Adrian pero pupunta yun sigurado...” medyo na-late?
Super late na nga nagstart eh... kahit wag na siyang pumunta!

Sinimulan ng kaming tawagin, sabi sabay daw kaming baba noong Adrian pero hanggang
ngayon wala pa rin... nakakapang-init ng ulo!

Nandoon na ako sa may hagdanan, dahil tatawagin na ako...

“And here’s our debutante, Ms. Angelica Valdez... with her escort, Mr. Adrian
Nickerson” wala po akong escort, can’t you see??

Siguro kong si Zen ang nandito, di niya ako hahayaang bumaba mag-isa... Seryoso pa
ako sa pag-iisip ko noon ng...
“tara na, tinatawag na nila tayo...” napatingin ako sa nagsalita...

“Zen.....” paanong?...

“tara na...” bumaba na kami ng hagdan noon...

Pagbaba kasi sa hagdan, may dance floor doon at magsasayaw kayo ng partner mo...

Habang nagsasayaw kami, titig na titig ako sa kanya... i’m not dreaming, i know i’m
not dreaming...

“am i dreaming?”

“hindi, adik ka ba?”

“eh paanong?”

“mamaya ko ng sasagutin yung tanong mo...”

Natapos na kaming sumayaw noon... pumunta kami doon sa lamesa ng family namin,
magkasama kasi sa isang table ang family naming dalawa...

“buti nakarating ka, Adrian...” daddy niya yun...

Si mommy at daddy mukhang alam nila na si Zen at Adrian ay iisa...

“Adrian, siya si Angel... yung tinutukoy namin ng daddy mo na fiancee mo...”


nginitian niya ako...

Nagkainan noon, medyo okey naman ako... happy, kasama ko siya sa Valentine’s at sa
birthday ko...
Pero, there are lot of questions sa utak ko...

Naglalakad lang ako noon...

“pst...” tingin naman ako sa paligid ko, walang tao “dito, Icah...” tsaka ko lang
nakita, may tao pala doon sa may duyan ko... (sa bahay lang ginawa yung birthday
ko...) wala kasing ilaw doon sa may duyan, medyo malayo ng unti doon sa pinag-
dadausan

“bakit?” nginitian niya ako...

“upo ka” naupo naman ako... “alam kong madami kang tanong... pwede kang magtanong o
kung gusto mo magkwento na lang ako sayo?” gusto kong magtanong, pero pwede naman
niyang ikwento na lang...

“magkwento ka na lang...”

“okey... curious ka kung bakit Adrian?...”

“malamang...”

“let me introduce myself to you, i’m Zen Adrian Nickerson.... tsk, halatang di ka
nakikinig sa klase...”

“ako ng hindi! Eh bakit di ka sumasama pag kumakain sa labas ang family natin?”

“bakit nga ba ako di napunta pag kakain ang family nating dalawa? Hmm... kasi
ayoko, kay Angel... yup... akala ko dati kung sinong Angel ang ipapakilala nila sa
akin, ayaw ko sa ibang Angel, gusto ko ikaw lang...” nakatingin lang siya sa
kalawakan noon... “nalaman ko nga lang na ikaw pala yung tinutukoy nila noong
pumunta ako dito, noong niyaya kitang gumala... nakita ko kasi si mama kaya naisip
ko na ikaw si Angel... at tuluyan kong nalaman, noong may business trip ang family
ko kasama ang magulang mo... that’s why nalaman kong ikaw si Angel...”

“may tanong pa ako...”


“ano yun?”

“ahmm... kung anak ka naman din ng isang mayaman, bakit ka pa nagtrabaho as


bodyguard?”

“ah, yun ba? Kami may-ari ng company na pinagta-trabahuhan ko... i’m free to do
what i want kasi, kaya sabi ko, ba’t di ko itry maging bodyguard?... noong una di
sila pumapayag, pero di naglaon pumayag na rin sila...”

“eh bakit, bawal kang magkagusto sa alaga mo... i mean, di ba may rule kayo na
ganun?”

“kasi i’m arranged... dati pa lang alam ko na na-ipagkakasundo ako, kaya lang di ko
alam kung kanino... siguro mga November ko lang nalaman kung ano yung pangalan
noong babae, kaya may batas na ganun...”

“Zen... i still love you...”

“ako din naman eh... mahal na mahal kita...”

“eh nga pala, bakit wala kang regalo sa akin?..”

“tama bang ibahin ang usapan? Kailangan pa ba talaga ng regalo?...”

“oo naman noh...”

“pagmamahal ko, regalo ko sayo... ^.^”

“ewan ko sayo...”

“tara nga...” tapos hinila niya ako


Chapter 29: My gift

Nandoon na ulit kami sa madaming tao... pero iniwan niya ako at umakyat siya sa may
stage... tsaka ko lang napansin, may instruments doon sa stage...

“ahmm... mic. Test... ahmm, kailangan ko ng tulong... lumapit na kayo dito...”

Ang tinawagan niya ng tulong? Sila Luke, si Migs, tsaka si Ela... invited kasi mga
classmates ko, both highschool and college

“ahmm, this song is dedicated to the only one in my heart, the debutant, no other
than, Icah!...” habang nagsasalita siya, nagsisimula na silang tumugtog... tama
pati siya, may hawak din siyang gitara eh (formal yan ah...)

“Lying here with you


Listening to the rain
Smiling just to see the smile upon your face
These are the moments I thank God that I'm alive
These are the moments I'll remember all my life
I found all I've waited for
And I could not ask for more

Looking in your eyes


Seeing all I need
Everything you are is everything to me
These are the moments
I know heaven must exist
These are the moments I know all I need is this
I have all I've waited for
And I could not ask for more

I could not ask for more than this time together


I could not ask for more than this time with you
Every prayer has been answered
Every dream I have's come true
And right here in this moment is right where I'm meant to be
Here with you here with me
These are the moments I thank God that I'm alive
These are the moments I'll remember all my life
I've got all I've waited for
And I could not ask for more

I could not ask for more than this time together


I could not ask for more than this time with you
Every prayer has been answered
Every dream I have's come true
And right here in this moment is right where I'm meant to be
Here with you here with me

I could not ask for more than the love you give me 'Coz it's all I've waited for
And I could not ask for more
I could not ask for more”

Natapos na sila, nagpalakpak yung mga guests... pinuntahan niya ako pagkatapos
niyang tumugtog...

“thank you...” niyakap ko siya...

“can we dance?” tapos nilahad niya yung kamay niya kaya kinuha ko naman...

Pumunta kami sa may dance floor... slow dance...

Winter snow is falling down

Children laughing all around

Lights are turning on

Like a fairytale come true

Then kumanta siya habang nakatingin sa akin

“Sitting by the fire we made

You’re the answer when I prayed

I would find someone

And baby I found you”


Pati ako napakanta dahil sa kanya...

“All i want is to hold you forever

All i need is you more everyday

You saved my heart

From being broken apart

You gave your love away

And i’m thankful everyday

For the gift”

Watching as you softly sleep

What i’d give if i could keep

“Zen... natakot ako noong hindi ka bumalik... akala ko iiwan mo na ko...”

“possible ba yun?”

Just this moment

If only time stood still

“pero tama si Ela, bumalik ka... kasama na ulit kita... ”

“i love you so much, Icah...”

But the color fade away

And the years will make us grey

But, baby in my eyes

You’ll still be beautiful...


“gusto mo bang magpakasal sa akin?”

“oo naman...” binitawan niya ako then lumuhod siya, naglabas siya ng... ring??

“will you marry me?” medyo na-shcok ako noon... pero, astig...

“fiance na nga kita eh... tumayo ka na nga dyan” niyakap ko siya ng mahigpit... “i
love you...” then i kiss him sa lips...

“i love you too, Icah...”

Siguro mga 12:00 na natapos yung party ko...

Kasama ko pa rin si Zen...

“Zen...” tumingin siya sa akin... “thank you, it’s the best birthday i ever had...”

“magpasalamat ka din sa parents mo...”

“i will...”

“sige, goodnight... matulog ka na, matutulog na rin ako...” umakyat siya sa taas...
wait lang...

“matutulog? Saan? Dito sa bahay?” sinasabi ko yun, habang papunta kami ng kwarto...

“oo... dun sa kwarto ko...”

“adik ka ba?”

“hindi... nagpaalam ako sa daddy mo kanina, pumayag naman siya eh.... tinanong ko
nga rin siya kung pwede na ba akong bumalik sa trabaho ko as bodyguard, pumayag
naman siya...” bodyguard ko na ulit siya?... i’m happy (>.<)... eh, wait lang,
paano yung bago kong bodyguard? “geh, goodnight...” kiniss niya ako sa forehead...

Then, pumasok na rin ako sa kwarto ko... it’s the best Valentine’s and birthday i
ever had... sobrang saya ko... kasama ko yung taong mahal ko, yung mga taong
mahalaga sa akin...

Chapter 30: More Okey...

Kinabukasan di na ako pumasok, hello?! Katamad kaya...

Pumunta ako sa office ni daddy...

Nung pumasok ako tinignan lang ako ni daddy... paano ko ba sisimulan?...

“ahmmm... dad, can i talk to you?”

“sige, tungkol saan?”

“ahmmm... kasi po... ahmm... thanks for last night, i’d enjoy it...”

“yun ba? Walang problema doon...”

“tsaka po... ahmmm... sorry...”

“no, Angelica... dapat ako ang mag-sorry... i’d been selfish...”


“ako nga po yung selfish eh...”

“no, Angelica, i’m the one... lagi ka na lang sumusunod sa gusto ko, hindi ko
namalayan na di ka na pala nagiging masaya...” niyakap ako ni daddy, i hugged him
back...

“okey lang po yun...”

“i hope you and Zen would be happy...”

Ayun, mas naging okey na kami ng family ko... happy na ako, this time Zen, is
legal... siya ang boyfriend ko, siya ang fiance ko, and lastly siya ang bodyguard
ko... oha, saan ka makakakita ng ganyan?

Si Zen, kamusta ang school? Back to school na rin, magkasama na ulit kami...

Si Luke? Tinigilan na niya ako, si Mica na ang nililigawan...

Eh si Mica? tinapos niya lang yung first year college niya dito sa Philippines then
pumunta siya ng America... ewan ko doon, kung bakit niya pa tinapos...

Si Ela? As usual, nagbo-boy hunting pa rin ang loka... umiiyak daw ang puso niya
dahil hindi na talaga sila pwede ni Zen... well...

Chapter 31: This is really is it!

Summer na nga ngayon, April 30 ang date.... ahmm, nasaan ba ako today?
Let us say, i’m on the church, walking in the aisle while Zen is waiting for me in
the end... oh, alam niyo na?

Yup! Tama kayo! It’s our wedding day! Gusto kasi, both ng magulang namin, na
maipakasal na kami (sila pa ang excited...)

Super happy...

“ikaw, lalaki, tinatanggap mo ba itong si babae na kabiyak mo, habang buhay, sa


hirap at ginhawa... sa lungkot at saya?” tumingin si Zen sa akin...

“i do...”

“ikaw, babae, tinatanggap mo ba itong si lalaki na kabiyak mo, habang buhay, sa


hirap at ginhawa... sa lungkot at saya?” tumingin din ako kay Zen before ako
sumagot

“yes... i do...”

the best day of my life? Yun ay noong araw na nakilala ko siya, i can say na worst
noong una but in the end he’s the best i ever had... and today, we’ll be facing
another chapter in our lives, together and forever... because he’s only mine, my
bodyguard!...

---The end---

You might also like