You are on page 1of 434

##################################

~~Flesh and Darkness : A Zombie Apocalypse Story~~

##################################

Flesh andDarkness:Prologue

January 20 2013

Ilang araw nalang at magreretiro na ang guwardya ng Helios Pharmaceuticals na si


James Altamirano.Iba naman ang nasa isip ng Doktor na si Michael Perez na
Kasalukuyang binabantayan ang "The Vault" na mabubuksan lamang ng Keycard na Hawak
niya.Ang laman ng Vault na ito ay isang sikreto na pwedeng magpabagsak sa kumpanya.

Ang sikreto namang ito ang habol ng magkaibigang Frank at Ben nasa Gate ngayon ng
building ng Helios.Gustong pabagsakin ng magkaibigan ang kompanyang sumira ng buhay
nila dahil ssa pagtanggal sa kanilang mga ama sa trabaho.

"Frank paano natin mapapasok ang building na yan?" tanong ni Ben

"Wag ka mag-alala may contact ako sa loob" sagot ni Frank

"Eh sino naman yun?"muling tanong ni Ben

"Basta makikilala mo siya mamaya" sagot ni Frank "Ang importante ay malaman natin
kung ano ang nasa loob ng Vault na yon" Dagdag pa niya
"Frank dapat siguro pumasok na tayo sa loob" Sabi ni Ben

"Tama ka dapat makaalis na tayo dito bago mag-umaga" Sagot ni Frank

Kahit malamig ang panahon at inaantok pa sila dahil sa kalaliman ng gabi ay hindi
sila napipigilan nito dahil ang determinasyong makaganti sa kumpanyang sumira sa
buhay ng pamilya nila ang umuudyok sa kanila na tumuloy sa loob ng higanteng gusali

Mula sa madilim na labas ay dumerecho sina Frank at Ben sa loob ng gusali. Tmambad
sa kanila ang maliwanag na lobby habang nasa gitna naman ang desk ng guwardya

"Boss sino po sila?"pambungad na tanong ng guwardya kina Frank at Ben

"Mga intern po kami ni Dr.Perez" sagot ni Frank

"A-ahm sige tatawagan ko lang siya" sagot ng guwardya

Nang nakalayo na ang guwardya ay bumulong si Ben kay Frank

"Frank sino si Dr.Perez" Pabulong na tanong ni Ben


"Si Dr.Perez ang taong namamahala sa vault. Siya rin ang Contact ko dito sa loob"
pabulong na sagot ni Frank

"T-te-teka papaanong---?" gulat na tanong ni Ben

"Mamaya ko na sasabihin sa'yo" Sagot ni Frank

Habang sina Ben at Frank ay nagbubulungan ay tumawag naman ang Guwardyang si James
kay Dr.Perez

"Dok may mga taong nagpapakilang mga intern mo po. Anong gagawin ko sa kanila?"
tanong ng guwardya

"Frank Almirez at Ben Fuentes ba ang pangalan nila?" Tanong ng doktor

Sumilip ang guwardya sa dalawang bisita at agad nakita ang mga ID nito na nakasulat
ang mga pangalang binanggit ng doktor

"Opo yun nga po pangalan nila" sabi ng guwardya


"Sige papasukin mo na sila" sabi ng doktor sa kabilang linya

"Boss pwede na po kayo pumasok basta kumaliwa lang po kayo para makita nyo ang mga
elevator" Sabi ng guwardya kina Frank at Ben

"Sige salamat po" sabi ni Frank sa Guwardya

Agad naman sumakay sina Frank at Ben sa Elevator at pinidot ang Ika-47 palapag na
button

Habang papaakyat sila ay muling tinanong ni Ben si Frank tungkol sa contact niya na
si Dr.Perez

"Frank pa'no mo ba nakilala yung Dr. Perez na yun" tanong ni Ben

"Nong araw na natanggal ang mga papa natin ay may tumawag sa amin at tinanong kung
andoon si papa noong sinabi ko ang nangyari sa kanya ay agad niyang sinabi ang
pangalan at ang dahilan kung bakit tinaggal nila si papa ay dahil aksidente niyang
napasok ang vault at kahit hindi niya nakita ang laman nito ay tinaggal pa rin nila
siya at papa mo dahil sa pagtatanggol niya sa ama ko. Tapos noon ay di hinayaan ng
kumpanyang yoon na makapasok si papa sa iba pang trabaho kaya naghirap kami dahil
sa kanila".Sagot ni Frank
"Kawawa naman kayo at least kami di nagalaw ang negosyo namin kaya maykaya pa rin
kami" sabi ni Ben

"Pagkatapos mamatay ni papa ay kinausap ko si Dr.Perez at sinabi nya ang laman ng


Vault na yon. Ang sabi nya ay laman nito ang mga taong inindyeksyunan ng
experimental na gamot na pumalpak kaya pag nailabas natin ang mga taong yun at
naipakita natin ang mga ebidensya ay babagsak ang kumpanyang ito tapos makakaganti
na tayo sa kanila"sabi ni Frank

"Pero bakit tayo tinutulugan nung Dr.Perez?" muling tanong ni Ben

"Dahil ang sabi niya ay hindi na niya kaya ang mga kahayupan ginagawa nila at ayaw
na rin nya ang trabahong ito" sabi ni Frank

"Pero mapagkakatiwalaan ba natin siya?" tanong pa ni Ben

"Di ko alam pero siya lang ang pag-asa natin ngayon" sabi ni Frank
Tumunog na ang bell sa elevator na senyales na nasa Ika-47 palapag na sila.Paglabas
nila ng elevator ay dumerecho na sila sa pasilyo pa papuntang laboratoryo ni
Dr.Perez

Pagkapasok nila ay sinalubong sila ni Dr.Perez

"Kamusta kayo mga iho" tanong ng matandang doktor sa magkaibigang

"Ayos lang po kami dok. kailan po kami makapasok sa vault?" sabi ni ben

"Pwede na kayong makapasok pero pag binuksan nyo ang vault ay may tutunog na alarm
kaya kailangan nyong bilisan at tsaka eto pala ang usb na naglalaman ng tungkol sa
research sa Elixir"sabi ng doktor

"Eh dok ano po yung"

"Malalaman nyo rin pero kailangan nyo nang bilisan"

"O-opo"

"Pano po kayo doc?" tanong ni Frank


Ngumiti ng malungkot ang doktor at sinabing "Ayos lang ako basta pag binuksan nyo
na ang pintuang yan ay kailangan bilisan nyo ang kilos dahil baka mahuli kayo"

"Sige po dok" sabi ni Frank

Inabot ni Dr.Perez ang keycard niya kina Frank at Ben tsaka lumabas ng laboratoryo
at pumasok na siya sa opisina niya

"Ano pare bubuksan na ba natin yan o aalis na tayo?" tanong ni Ben

"Narinig mo yung sabi ng doktor diba may mga tao sa loob niyan kailngan natin sila
tulungang makalabas."sabi ni Frank

"Pero tutunog yung alarm pag binuksan natin yan!" sabi ni Ben

"Basta bubuksan natin to sa ayaw mo o sa gusto mo.Tama na ang papa ko lang ginago
nila."Sagot ni Frank
"Ay bahala ka! Basta bilisan mo lang." sabi ni Ben

Ipinasak ni Frank ang keycard sa slot nito pero bago bumukas ang pinto ay may
naring silang putok ng baril

'BAAAANG'

"Ano yun?!"gulat na sabi natin

"Putok yun ng baril. Kailangan nating bilisan!" sabi ni Frank

Ipinasok nina Frank at Ben at tulad ng sinabi ng doktor ay tumunog ang alarm

"Pare bilisan natin paparating na ang mga guwardya" sabi ni Ben

Agad hinanap nina Frank at Ben ang switch at binuksan ang switch ng ikalawang pinto
binuksan nila ito agad tumambad sa kanila ang mga taong nakakulong sa mga selda at
namimitahid sa baho
"Pare pakawlan na natin sila"sabi ni Ben

"Sige pakawalan na natin sila"sagot ni Frank

Binuksan nina Frank at Ben ang mga selda ngunit sa di malamang dahilan ay ayaw
lumabas ng mga tao sa loob ng kulungan

"Bilisan nyo labas na kayo dyan!"sigaw ni Ben

Lumapit si Frank sa isa sa isang babae at iniharap niya sa kanya ngunit laking
gulat niya na makita ang mga mata nito ay walang kulay kung hindi puti

"Miss?" tanong ni Frank

Biglang kinagat ng babae si Frank sa leeg at kaagad sumirit ang dugo ni Frank mula
sa niya

Itinulak ni Frank ang babae ngunit nasama ang malaking piraso ng laman ni Frank at
napasigaw siya sa sakit
"Ahh!!!"hiyaw ni Frank

"Frank!!!" sigaw ni Ben habang nagmamadaling pumunta sa tabi ng kaibigan

"B-Ben"sabi ni Frank habang lumalabas ang dugo sa bibig niya " U-umalis na tayo
dito"

Napansin ni Ben na ang lahat ng mga tao sa kuwarto ay unti-unting naglalakad at


umuungol papalapit sa kanila kaya agad na inalalayan ni Ben si Frank palabas ng
vault

"Dok! Dok nasaan kayo!?" sigaw ni Ben

Dumerecho si Ben habang inaalalayan si Frank sa opisina ng doktor ngunit bago pa


nila masabi ang nasa lob ng vault ay natagpuan nilang walang buhay ang doktor at
may hawak na baril na nakatapat sa ulo at ang utak naman nito ay tumalsik sa pader

Inalalayan ni Ben si Frank para makaupo at kinuha ang baril mula sa bangkay ni
Dr.Perez pero habang kinukuha niya ay baril ay napansin niya ang hawak-hawak na
papel ng kabilang kamay at agad kinuha ni Ben at binasa ang nakasulat dito

'Pasensya na kung ginamit ko kayo para dito sa plano pero kung gusto nyong mabuhay
ay kailangan nyo ang baril na ito at kung may makagat na isa sa inyo ay kailangang
patayin nyo sya upang di sila maging katulad at para mapatay nyo ang isa sa kanila
ay dapat wasakin o barilin nyo ang ulo'

Nangniginig sa galit si Ben sa rebelasyong ginamit lang sila ng doktor pero bago pa
siya may masabing masama ay may narinig siyang ungol mula sa kanyang likuran at
doon niya nakita na unti-unting pagbangon ng matalik na kaibigan ngunit bago pa
siya makalapit ay umungol si Frank pero ito ay ungol na di pantao at patuloy siya
sa pagtayo habang nakatitig si Ben sa kanya

"F-Frank?" nanginginig na tanong ni Ben "Ikaw ba yan?"

Naglakad si Frank papunta kay Ben ng paika-ika at lumapit ng dahan-dahan si Ben sa


kanya ngunit bago pa makalapit si Ben ay agad sinakmal siya ni Frank

"F-Frank ako to si Ben kaibigan mo wag mo tong gawin!" pagmamakaawa ni Ben

Ngunit parang walang narinig si Frank at tuloy ang pagsakmal kay Ben hanggang
nakagat niya sa braso na naging dahilan para mapahiyaw sa sakit si Ben at agad
itinulak si Frank papalayo sa kanya
Agad kinuha ni Ben ang baril at itinutok kay Frank

"Frank pare wag naman" nagmamakaawang sabi ni Ben

Ngunit katulad kanina ay walang reaksyon si Frank at patuloy ang paglapit niya kay
Ben kaya itinutok niya ang baril sa kaibigan

"Pare pasensya na" at ipinutok ito sa dibdib ngunit walang nangyari tsaka niya
naalala ang sinulat ng doktor at inasinta niya sa ulo at ipinaputok muli baril
ngunit sa pagkakataong ito ay sumabog ang ulo nito at tuluyang bumagsak ang katawan
ni Frank

"P-pare"ang tanging nasabi ni Ben habang unti-unting pumapatak ang luha at habang
lumalapit siya sa katawan ng kaibigan ay may narinig siyang mga ungol mula sa labas
ng opisina at doon niya napagtanto na hindi nila nasara ang pintuan ng vault at
nakalabas na ang mga halimaw na ngayon ay papunta na sa kanya

Alam niya na pag naabutan siya nang mga ito ay malamang na lapain siya ng mga ito
kaya naman ay dali-dali siyang pumunta sa elevator at pinindot ang button habang
ang mga halimaw ay unti-unting lumalapit sa kanya
"Bilisan mo bilis!"sigaw niya habang naghinhintay

Ilang hakbang nalang at maabutan na nila si Ben pero dumating ang elevator at dali-
daling sumakay siya at sinara ang pinto bago makapasok ang mga halimaw

Tuluyan nang nakaalis si Ben mula sa mala-imperyong ika-47 palapag ng Helios


Pharmaceuticals habang mga halimaw ay patuloy ang pagkalampag ng mga patay na
animo'y buhay sa pinto ng elevator para mawasak ang harang na naghihiwalay ng
kanilang pagkain sa kanilang gutom na sikmura

Ngunit biglang bumukas ang pinto ng katabing elevator laman ang sampung guwardya na
inalerto ng alarm na tumunog dahil sa pagbukas ng vault

Nang lumabas ang isa sa kanila ay agad na sinakmal siya ng isa sa halimaw na
naghihintay mula sa kabilang pinto nag ikinagulat ng iba pang kasamahan ng guwardya

Sinubukang isara ng isa sa mga guwardya ang pinto ngunit agad nakapasok ang mga
gutom na halimaw sa elevator at sinimulang lantakan ang mga guwardya na patuloy na
nagpupumiglas kahit wala na silang kawala at unti unti na silang pinagpipiraso at
nilalantakan ang bahagi napuputol mula sa kanilang katawan
Nakababa na ang elevator si Ben at sinalubong ng guwardyang si James

"Boss ano pong nangyayari sa taas at tsaka bakit dumudugo ang kamay mo?"tanong ni
James

"N-nabaliw si Dok! Binaril niya kami! pinatay niya si Frank!"pagsisinungaling ni


Ben

"A-ahm ganoon po ba sige umalis na kayo at pupuntahan ko nalang ang mga kasamahan
ko sa taas" sagot ni James

"Wag na po! ba-baka--" di na tinuloy ni Ben ang sasabihin dahil baka sabihan siyang
baliw ng guwardya

"Kailangan eh. sige umalis kana tatawag na lang ako sa kanila para
makasigurado"sabi ni James kay Ben
"S-sige po ipapatingin ko lang tong sugat ko" sabi ni Ben

Lumabas na siya mula sa building at sumakay sa motor kaya lamang bigla niyang
nakita ang motor ng kaibigang si Frank kaya panandaliang nanumbalik ang lungkot sa
kanya ngunit mas nangingibabaw ang kagustuhan makaalis sa lugar na iyon kaya
pinaandar niya ang motor niya at humarurot paalis ng building na iyon

Sinusubukan na mang tawagan ni James ang mga kasamahan niya sa radyo

"Pare si James to ano nang nangyayari dyan?" tanong ni James ngunit walang reply sa
kabilang linya kaya naman nagpasya na siya na umakyat sa Ika-47 palapag ng gusali

Pinindot niya ang button na hudyat bumaba ang isang elevator pero wala siyang
kaalam-alam na ang elevator na ito ay ang parehong elevator na sinakyan ng mga
kasama niya na hanggang ngayon ay patuloy na kinakain ng mga halimaw na aksidenteng
napakawalan nina Frank at Ben

Habang patuloy ang pagkain ng mga gutom na patay ang katawan ng mga guwardya sa
loob ng elevator ay biglang sumara ang pinto at naiwan ang apat na halimaw kasama
ang sampung guwardya na ngayon ay nagsimula nang bumangon at umungol habang patuloy
ang pagbaba ng elevator patungo sa unang palapag kung saan naroon sa baba si James

Patuloy sa pagmamaneho si Ben ng motorsiklo habang nararamdaman niya na unti-unting


nanlabo ang kanyang paningin dahilan para di niya mapansin ang nakaparadang kotse
na mababangga niya at tuloyang sumemplang sa daan na naging dahilan ng agaran
niyang pagkamatay
Lumapit ang isang pulubi sa nakahandusay na katawan ni Ben di para tulungan siya
kundi para tignan kung may mahahalagang gamit na pwede nitong nakawin mula sa
bangkay ngunit bago pa nito manakawan ang katawan ay biglang gumalaw ang katawan ni
Ben at dumilat ang mga mata nito ngunit wala nang kulay ang mga mata niya kundi
puti at umungol siya di pantaong ungol nagsimula nang bumangon at agad na nilapa
ang pulubi habang papasikat ang araw na may iisang senyales

..........ito ay simula pala lamang

-------------------------------------------------------------------------------
----------------------------

A/N prologue palang po ito at di po ito one shot

Sana po suportahan natin like and comment po kung may suggestion

##################################

~~Chapter 1 : Timothy~~

##################################

Chapter 1.1 : Timothy


Malamig na rehas ang nakapalibot sa kanya habang mahimbing na natutulog sa selda

Ngunit saya ang nararamdaman ni Timothy dahil sa wakas ay makakalaya na siya


pagsikat ng araw.Pero may halong pagaalinlangan ang kanyang konsenya dahil malamang
ay di parin siya napapatawad ng pamilya ng batang nabaril niya limang taon na ang
nakaraan

Flashback

Naghihintay ang mga underlings ng ganglord na si Timothy na ambushin ang kalabang


gang na umatake sa kanila dalawang araw ang nakakaraan

"Boss sigurado po kayo na pupunta yung mga yon dito?"tanong ng isa sa mga underling
niya

"Tanga ka ba! syempre pupunta yun dito no teritoryo nila to kaya ipaglalaban nilang
lahat ang lugar na ito!"galit na sagot ni Timothy sa kanyang tauhan
"Ah- so-sorry po boss" nauutal na sabi ng tauhan niya

"Hmm! Basta handa kayo pag dumating ang mga walanghiyang yon!" Sabi ni Timothy sa
kaniyang mga tauhan

"Opo Master!"sigaw nilang lahat

Maya-maya ay dumating na ang kabilang grupo at agad na hinanda ang kanilang mga
armas

"Kapal naman ng mukha mo na magpakita kasama ang mga asungot mo dito sa teritoryo
ko!" sigaw ng lider ng kabilang grupo

"Ganti lang to sa ginawa mo sa min t*ng ina mo ka!"bulyaw ni Timothy

"Sat sat ka lang ata eh simulan na natin to g*go ka!"sigaw ng kabilang lider at
sumugod kasama ang mga tauhan niya

"Sugod na!wag kayong papatalo sa mga pangit na yan!" bulyaw ni Timothy sa mga
kasama at sumugod narin papunta sa mga kalaban
Habang nagrarambulan ang magkabilang panig ay di nila namalayan na may nanonood sa
kanila na mga munting mata ng isang bata.

Nagkaharap na ang lider ng dalawang gang at nagkatitigan ang mga matang nababakasan
ng pagkamuhi sa isa't isa

"Pano ba yan tayong dalawa na ang nagkaharap ngayon"sabi ni Timothy sa kalaban

"Wag mo sabihing naduduwag ka na?"mayabang na tanong ng kalaban niya

"Ha! baka tubuan ka ng ugat dyan kung nakatayo ka lang eh kung tapusin nalang natin
to para mas madali!?"bulyaw ni Timothy

Agad na sinipa ni Timothy ang tyan ng kalaban ngunit agad na nakabangon ang
kabilang gang leader at sinuntok si Timothy na naging dahilan ng pagkatilapon niya
sa kalsada

"Yan lang ba ang kaya mo ha Adamson!?"bulyaw ng kalaban kay Timothy at sinipa ang
nakahandusay niyang katawan
Agad kinapa ni Timothy ang baril mula sa kanyang pantalon at itinutok niya sa
kalaban at ipinutok ito ngunit di tumama sa kalaban dahil agad itong nakaiwas

"Duwag ka Adamson!"galit na sabi ng lider ng kabilang gang at agad na tumakbo sa


madilim na sulok ng kalsada

"Nasaan na yung tapang mo hayup ka!"bulyaw ni Timothy habang hinahanap ang kalaban
sa madilim na eskinita

Agad na nakita ni Timothy ang isang anino at agad pinaputok ang baril dahil sa pag-
aakalang ito ang hinahanap niya ngunit nagulat siya na ito ay anino ng isang bata
na ngayon ay nakahandusay dahil sa tama ng bala kaya agad niya itong nilapitan niya
ito ngunit nagulat siya nang makita kung sino ito

"B-Britney?!"gulat na tanong ni Timothy sa bata

"K-k-kuya? Kuya Timmy?"hirap na tanong ni Britney sa kapatid

Nawala ang lahat ng galit ni Timothy sa kalabang gangleader na malamang ay nakalayo


na at ang tanging emosyon na mababakas ay pagsisisi sa nagawa niya sa sarili niyang
kapatid na kanyang ipinagtataka kung bakit nandoon sa lugar

"Anong ginagawa mo dito Brits bakit mo ko sinundan?"maluha-luha tanong ni Timothy


sa kapatid habang karga-karga ito palabas ng eskinita

"Si-sinun-d-dan ki-ki-ta k-kuya ka-kasi na-ta-kot a-ako na ba-ka ma-mamtay ka at i-


iwan m-mo ko"maluha-luhang sagot ni Britney

"Wag ka na magsalita Brits please wag kang pipikit para kay kuya okay?"umiiyak na
sabi ni Timothy sa kapatid

Nakalabas na ng eskinita si Timothy habang karga-karga ang duguang si Britney na


agad napansin ng mga underling niya na kakapanalo palang sa nangyari bugbugan

"Boss ano pong nangyari?"tanong ng isa sa mga underling nang napansin niya ang
karga ng leader nila

"Tu-tumawag kayo ng ambulansya! Bilisan nyo!"sigaw ni Timothy habang patuloy ang


pagdaloy ng luha mula sa kanyang mga mata"Brits wag kang pipikit ha? para kay kuya
ok? idilat mo lang ang mga mata mo para kay kuya ok?"

"D-di ko na kaya kuya gu-gusto k-ko na ma-ma-tulog"ang huling sinabi ni Britney


bago siya mawalan ng malay
"B-britney wag ka muna pumikit please!" umiiyak na sabi ni Timothy habang patuloy
na yinuyugyog ang katawan ng kapatid

Nakrating ang ambulansya at agad na dinala si Britney sa ospital pero namatay ito
pagkalipas ng ilang oras

Dumating ang mga magulang ni Timothy at agad na sinapak siya ng kanyang ama

"Hayup ka! kung di dahil dyan sa pagbubulakbol mo at sa pagiging gangster mo ay di


sana nadamay ang kapatid mo!"bulyaw ni Mr.Adamson sa kanyang anak

Di na nagsalita si Timothy dahil sa alam niya na kasalanan niya ang


nangyari.Nabaril niya ang taong nagpasensya sa kanya sa kabila ng kagaguhan
niya.Ang taong nagbibigay sa kanya ng mga totoong ngiti at pagmamahal.Ang kanyang
bunsong kapatid

Nalaman na ang bala na nakapatay kay Britney ay nanggaling sa baril ni Timothy kaya
agad na ikinulong si Timothy at itinakwil na siya ng kanyang magulang

End of Flashback

Di na namalayan ni Timothy ang pagpatak ng isang butil ng kanyang luha habang


pabulong niyang sinabi ang tatlong salita gusto niya sabihin sa kanyang kapatid
ngunit hindi na nito maririnig kahit gaano pa kalakas niya ito sabihin
"I'm sorry Brits"

Nagising kinaumagahan si Timothy at agad na narinig ang kanyang pangalan

"Adamson! pwede ka na ng lumabas"sigaw ng guwardya

Dahil kasi sa ipinakita nitong magandang ugali kaya napasama siya sa mga nabigyan
ng parole ng gobyerno ngunit alam niya na hindi basta-basta mawawala ang galit ng
mga magulang niya sa kanya dahil sa nangyari kay Britney ngunit alam na sa
pagkakataong ito ay binigyan siya ng ikalawang pagkakataon para magbagong buhay

Pagkalabas niya ng kulungan ay agad na pumara siya ng taxi at sumakay tsaka sinabi
ang destinasyon

"Ah sir narinig nyo po ba yung balita?" tanong ng drayber

"Anong balita?"tanong ni Timothy sa drayber

"Yun pong nangyari sa Helios building"sagot ng drayber


"Di po ano pong nangyari?"napagpasyahang makipagusap ni Timothy sa drayber tutal
nababagot na rin naman siya tsaka gusto niya ulit kumausap ng isang normal na tao

"Ang sabi-sabi daw ay noong ala-sais ay biglang nagkaroon ng sigawan sa lobby kasi
puno daw dugo ang buong palapag ngunit walang tao kaya inakyat nila ang lahat ng
palapag tapos noong ay wala na ng narinig mula sa mga taong nasa loob dahil ni-
lockdown daw ang buong building kaya hanggang ngayon ay walang nakakaalam kung
anong nangyayari sa loob"

"Ah ganoon po pala" sagot ni Timothy "Ano po sa tingin nyo ang nangyari sa loob
noong building na iyon?" muling tanong niya sa drayber

"Siguro may kumalat na kemikal sa loob kaya nangyari yun."sagot ng drayber "Sa dami
ba naman ng pinag-ekeksperimentuhan nilang kung anu-ano dyan sa loob ay sa malamang
may tumapon doon tsaka kumalat sa building kaya sinarado nila yun para walang
makaalam ng sikreto nila.Eh ikaw iho bakit ka nakulong?"dagdag ng drayber

Halatang nagulat si Timothy sa tanong ng drayber at biglang nanumbalik ang lungkot


sa kanyang mga mata at bahagyang yumuko.Agad naman napansin ito ng drayber at
sinabing "Sige iho wag mo nang sagutin kung ayaw mo" sabi ng drayber kay Timothy

"Sige po okay lang po" sagot ni Timothy "Ang totoo po nyan na-nakapatay po ako"
malungkot na sabi ni Timothy sa drayber

Nakaramdam ang drayber ng konting takot pero noong nakita niya ang labis na pagsisi
at hinagpis sa mga mata ng pasahero niya ay gumaan naman ang loob niya

"Malapit ba sya sayo?" tanong muli ng drayber

"Siya po ang - - -" hindi natapos ni Timothy ang kanyang sagot dahil biglang
nabangga ang sasakyan at tumaob ito patagilid kaya nawalan siya ng ulirat

Nagising na lang siya na nakakarinig ng mga sigawan kaya dali-dali siyang lumabas
ng sasakyan at nakita na ang gulo sa paligid niya ngunit mas nagulat siya na makita
ang mga tao na kinakain ang ibang tao samantalang ang ibang tao naman ay lumalaban
samantalang ang iba ay sinusubukang makatakas ngunit naabutan at nilalapa ng mga
tao na animo'y patay na nabuhay dahil lahat sila ay sugatan samantalang ang isa sa
kanila ay parehong walang kamay ngunit parang walang nararamdamang sakit at patuloy
sa pagkain ng walang buhay na bangkay kasama ang ibang katulad niya

Agad na tumungo sa driver's seat at sinubukang gisingin ni Timothy ang drayber


ngunit pagkakita palang nya dito ay halatang patay na ito dahil putok ang ulo nito
kaya naman iniwanan nya ito at agad na naghanap ng mapagtataguan mula sa mga
halimaw na ngayon ay busy sa pagkain ng mga nahuli at ang iba ay sinusubukang
manghabol ng iba pang tao o hayop na makakain kaya naman naglakad siya ng patago at
sinubukang makahanap ng lugar kung saan pwede siyang maglagi at kung saan pwede
siyang makakain at makapagpahinga.
Habang naglalakad ay nakakita siya ng isang putol na kamay na may hawak na baril at
agad niya itong kinuha mula sa kamay na putol ngunit ng hawakan niya ito ay muling
niyang naalala ang gabing nabaril niya ang kanyang kapatid ngunit isinantabi niya
muna ito upang magkaroon ng tsansang mabuhay sa katapusan ng mundo

Ilang minuto lamang ay nakakita siya ng isang bahay at agad na pumasok sa bintana
dahil naka-lock ang pintuan ngunit bago siya makapagpahinga ay may narinig siyang
ungol at dabog nangagaling sa ikalawang palapag ng bahay kaya agad siyang pumunta
sa itaas at inihanda ang napulot niyang baril at tinignan niya kung may bala pa ito
at nang tinanggal niya ang magasin ng baril ay nakita niya na anim nalang ang
balang natitira kaya agad niyang ibinalik ang magasin sa baril at ikinasa ito

Nang pumunta siya sa pinaggagalingan ng tunog ay agad niyang nakita ang dalawang
pigura na kumakalampag sa pinto ng isang kuwarto na nakatalikod kaya agad niya
itong tinawag

"Tao po!"sigaw niya dito at dahan dahang humarap ang mga ito sa kanya ngunit
pagkaharap sa kanya ay bumungad ang dalawang pares ng mata na ang tanging makikita
ay puro puti at duguang katawan na dating pagmamay-ari ng isang lalake at isang
babae na may kagat na ngayon ay dahan-dahang naglalakad papunta sa kanya kaya agad
itinutok ni Timothy ang baril sa dalawang halimaw na ngayon ay papalapit sa kaniya
at agad na ipinutok ito at tumama ang bala sa dib dib ng isa kanila ngunit walang
nangyari kaya inasinta niya ang ulo at pinaputok ang baril kaya naman ay tuluyang
bumagsak ang isa sa kanila at ginawa niya ulit yun sa isa pang halimaw kaya ngayon
ay pareho nang bagsak ang mga katawan nila

Lumapit si Timothy sa pintong kanina ay kinakalampag ng mga halimaw na ngayon ay


dalawang malamig na bangkay na lamang at binuksan ito tsaka pumasok sa loob at
tinignan ito
Kulay pink ang agad na bubungad sa kuwartong to samahan mo pa ng nakasabit sa ding-
ding na mga Dora the explorer na poster at Minnie mouse na design sa mga
cabinet.Ito ay halatang kuwarto ng isang batang babae kaya muli niyang naalala si
Britney pero may narinig siyang mahinang iyak na nanggagaling sa cabinet at lumapit
siya at binuksan ito at tumambad sa kanya ang isang batang babae mga edad lima
hanggang anim na taong gulang na patuloy sa pagiyak habang yakap-yakap ang isang
stuff toy na teddy bear

Nang mapansin siya ng bata na bukas na ang pinto ng cabinet ay agad itong tumalikod
at umatras hanggang di na sya makaatras pa dahil nasa pinakaloob na siya ng cabinet

"w-w-wag po please"pagmamakaawa ng bata kay Timothy

"S-sshh tama na ok di kita sasaktan ok?" marahang sagot niya upang di mabigla ang
bata

"S-si mama at papa po?"tanong ng bata sa kanya

Agad napatingin si Timothy sa ibabaw ng drawer at nakita ang picture ng tatlong tao
kasama ang batang nasa drawer at ang dalawang halimaw na kanina ay binaril niya sa
labas ng kuwarto kung saan naroon siya ngayon
Huminga ng malalim si Timothy at tinignan ang mga mata ng bata na kanina pa
namumula sa pagiyak "I'm sorry" pagputol ni Timothy sa kanyang sasabihin ngunit
napagpasyang ituloy na lang "p-patay na sila"malungkot na sabi ni Timothy sa kanya

Pagkarinig ng mga salitang ito ay agad napahagul-gol bata at yumakap kay Timothy
habang patuloy ang pagdaloy ng luha niya sa damit ni Timothy kaya niyakap din niya
ito hanggang di na masyado ang pag-iyak nito ay tinanong niya ang pangalan nito

"Anong pangalan mo?"tanong ni Timothy sa bata

"Br-Brielle po" sagot ng bata

"Wag ka mag-alala Brielle aalagaan ka ni kuya Timmy kaya wag ka na umiyak ok?" sabi
ni Timothy kay Brielle

Bahagyang ngumiti si Brielle at pinahid ang luha niya "Opo kuya!" sabi nya kay
Timothy na ngumiti rin sa kanya

>=><>=><=><>=>>=<>=>=<>>>=>><>=>=<=><=><=><>><>=<<>><<>=><>><=<>=<>=<>=<>>>=>=<
A/N kung nagtataka po kayo kung bakit wala ang salitang zombie sa chap na ito ay
dahil sa

chap 2 ko pa gagamitin yun at oo nga pala dalawa ang parts ng chap 1

##################################

~~Chapter 1.2 Vivian~~

##################################

Chapter 1.2:Vivian

"W-wag po papa p-please wag" ungol niya habang natutulog sa kanyang kama ngunit
patuloy ang pagpiglas sa isang bagay na animo'y nakadagan sa kanya

"WAG!!!" sigaw niya habang mabilis na bumangon sa kama habang tuloy ang pagtagak-
tak ng pawis niya.Muli na naman siyang binangungot tungkol sa kawalang hiyaang
ginawa sa kanya ng kanyang ama

Agad na napatingin siya sa orasan at nakita ang oras ay alas-kuwatro palang ng


umaga ngunit bumangon na siya at kumuha ng kape mula sa kanyang coffee maker at
ininom ito
Pagkatapos ay pumunta na siya sa banyo at hinubad ang damit niya saka binuksan ang
tubig ng shower at tuloy-tuloy ang daloy ng tubig sa kanyang magandang mukha at
balinkinitang katawan tsaka sinabunan ang katawan at binanlawan

Pagkatapos niya ay nagbihis na siya at dumerecho sa garahe tsaka pinaandar ang


kotse patungo sa kaniyang opisina

Pagkadating sa parking lot ay pinark niya ang kotse at dumerecho na papunta sa mga
elevator at agad na nakita si Manong Pete ang matandang guwardya ng establisyimento
na rumuronda sa parking lot

"Magandang umaga po ma'am" sabi ni Pete kay Vivian

"Gud morning din po manong" bati rin ni Vivian sa guwardya

"Eh ma'am mas maaga pa po kayo sa replacement ko eh" biro ng guwardya sa kanya
"Alam nyo namang maaga kailangan para makakuha ng promotion" nakangiting saad ni
Vivian sa guwardya at sumakay na sa elevator tsaka pinindot ang button ng ika-siyam
na palapag

Pagkadating niya sa 9th floor ay agad niyang napansin na siya palang ang na sa
palapag na ito ngunit dahil sa araw-araw na pagpasok ng ganitong oras ay sanay na
siya na walang kasama dahil ang lahat ng empleyado niya ay alas-siyete pa ang
dating kaya naman sinimulan niya ang trabahong naiwan kagabi dahil sa pagod.Natapos
niya ang gawain ng bandang alas-sais kung kailan kadalasang dumarating ang
sekretarya niya na pumapasok ng mas maaga kaysa sa regular na empleyado dahil sa
kasipagan ng kanyang boss

"Sorry po ma'am kung ngayon lang ako dumating" sabi ng sekretarya kay Vivian

"Hindi ok lang.Nauna lang talaga ako kaya pasensya na kung napipilitan kang pumasok
ng mas maaga dahil sa akin"sagot ni Vivian

Bukod sa pagiging maganda at masipag ay di masyadong bossy si Vivian at madaling


pakisamahan kaya nirerespeto at kinakaibigan siya ng mga empleyado ngunit walang
gustong galitin siya dahil nakakatakot magalit

Tanghali na at lunch break kaya naman nagpasya siyang bumaba siya sa cafeteria at
umorder ng pagkain sa counter tsaka humanap ng mauupuan ngunit puno na ang lahat ng
mga lamesa
"Dito po ma'am" sabi ng isang tinig malapit sa kanya at agad na pinuntahan ang
pinagmulan ng tinig

"Dito nalang po kayo umupo Manager"sabi ng empleyadong tumawag sa kanya at umupo na


siya sa katabing upuan

"Salamat uhm-m Amber tama?"sabi ni Vivian sa katabi

Nagulat ang emplayado at kita sa kanyang itsura ang pagtataka ngunit agad itong
napalitan ng hiya dahil naalala niya ang nakasabit na ID sa kanyang leeg at
napangiti na lamang siya

"Ok lang po ma'am"sabi ni Amber "Ah ma'am narinig nyo po ba ang nangyari sa Helios
Pharma?" aniya

"Oo pero baka stunt lang nila yon alam mo naman ngayon paramihan lang ng gimik ang
mga kumpanya para makabenta" sagot ni Vivian
Pagkatapos kumain ay bumalik na siya sa opisina pero ilang minuto palang ang
nakakaraan ay pumasok ang sekretarya dala ang isang balita

"Ma'am babalik na po si Mr.Santiago" sabi ng sekretarya

Agad na natigil si Vivian sa kanyang gawain nang marinig ang sinabi ng sekretarya
at muling gumapang ang takot sa kanyang balat at muling naalala ang kahayupang
ginawa ng chairman sa kanya,Ang kahayupang ginawa ng ama niya sa kanya limang taon
na ang nakakaraan

Flashback

Dalawang buwan na ang nakakaraan mula nang mamatay ang ina ng labinganim na taong
gulang na si Vivian ngunit patuloy ang kalungkutang nadarama niya di lang dahil sa
pagkawala ng ina kung di dahil sa pagbubulakbol ng ama.Simula kasi ng mamatay ang
mama niya ay palagi nang umuuwing lasing at kung minsan ay pati sa bahay ay umiinom
ito kaya minsan ay nawawalan na siya ng pag-asa na maayos ang pamilya niya at hindi
pa ito nalalaman ng lolo niya dahil sa paggiging busy nito sa business ng pamilya
nila

Isang gabi habang natutulog si Vivian ay may naramdaman siyang pumasok sa kuwarto
kaya naman ay mula sa pagkakahiga ay umupo siya sa kama at doon niya nakita ang
kanyang ama na naglalakad ng pasuray-suray habang amoy na amoy ang matapang na
aroma ng alak na nangagaling dito

"Papa ano pong ginagawa niyo dito?" tanong ni Vivian sa ama


Ngunit imbis na sumagot ay biglang dumapa ang ama niya sa kaniya at sinimulang
halikan ang kanyang labi ngunit sinubukan niyang iiwas ang mukha ngunit hinawakan
ng ama nya ang kanyang mukha at marahas na hinalikan ulit ang kanyang labi

"Pa pl-please w-wa-ag"sabi ni Vivian na patuloy ang pagpupumiglas at pagmamakaawa


ngunit parang walang nararamdaman at patuloy sa pambababoy sa sariling anak

"Ve-venice ayaw m-mo ba?"sabi ng ama ni Vivian

Dahil sa lubhang magkahawig ang itsura ni Vivian at ng kanyang ina na si Venice


kaya naman dahil sa kalasingan at sobrang kalungkutan ng kanyang ama kaya ginagawa
niya ang bagay na ito sa sariling anak

"H-hi-hindi p-po ako si--"sinubukang sabihin ni Vivian ngunit bago pa niya matapos
ay agad na nagsalita ang kanyang ama

"Sa ayaw at sa gusto mo ay gagawin natin to Venice!" sigaw ng ama niya at sinuntok
ang tiyan ni Vivian na naging dahilan upang unti-unting manghina siya sakit kaya di
na siya nakapalag habang unti-unti hinuhubad ang kanyang pantulog hanggang sa wala
ng saplot ang natira sa kanyang katawan at doon na lang niya naramdan ang mahapdi
pakiramdam sa kanyang ari na naging dahilan upang tuluyang siyang umiyak habang
patuloy ang pang-bababoy sa kanya ng kanyang ama
********

Nagising ang ama ni Vivian at nagulat na makita na nasa loob siya ng kuwarto ng
kanyang anak at walang saplot ang katawan ngunit ang nakita niya sa isang sulok ang
nagpatigil ng tibok ng kanyang puso.Ang kanyang anak na nanginginig sa takot at
namumugto ang mata habang tinatakpan ang katawang walang saplot gamit ang dalawang
kamay at hita.Muling bumalik ang alaala ng nakaraang gabi kung saan nakita niya sa
kanyang isip ang kahayupang ginawa niya sa kanyang anak na naging dahilan upang
unti-unting mapuno siya ng pagsisisi kaya agad siyang nagsuot ng damit at kinuha
ang kumot tsaka dahan-dahang lumapit sa anak

"Pa-pa-sen-sya na an-ak" naluluhang sabi niya sa anak at kinumutan ang nakahubad na


katawan ng kanyang anak

Gusto man niyang hawakan at yakapin ang anak niya ay alam niya na hindi niya ito
magawa dahil kasalanan niya kung bakit nagkaganyan ang kanyang anak. Kaya sa laki
galit sa sarili ay dinakma niya ang alarm clock at ibinato sa pader tapos agad
siyang lumabas ng kuwarto at tinawag ang katulong na tinigil muna ang paghahanda ng
almusal sa kusina at dumerecho sa hagdan kung saan siya tinawag ng kanyang amo

"Manang!" tawag niya sa kasambahay

"Bakit po sir?" tanong ni katulong niya


"Puntahan mo si Vivian sa taas ngayon din!" sagot niya sa kasambahay

Di alam ng kasambahay kung bakit biglang nagtaas ng boses ang kanyang amo ngunit
sinunod niya nalang ang utos nito

Pagka-akyat ng kasambahay ay napaupo nalamang siya habang nakasabunot ang kanyang


dalawang kamay sa kanyang ulo at napayuko nalamang sa sobrang pagsisisi

******

Nakaupo parin si Vivian sa isang sulok at nangangatog nang pumasok ang katulong ng
kanilang katulong na ikinabigla ang kanyang nakita

"Ma-ma'am. a-a-ano p-pong na-nang-ya-ri sa i-inyo!?" gulat na tanong ni manang kay


Vivian.Pero di pa rin makapagsalita dahil sa trauma niya sa nangyari kaya naman
nagpasya siyang dalhin sa ospital ang kanyang alaga upang mapatignan.

End of Flashback
Pagkatapos ng nangyari ay umalis ang kanyang ama kaya naman unti-unting nakalimutan
ni Vivian ang nangyari dahil na rin sa pagiging workaholic niya

Pero noong marinig niya ang mga katagang iyon ay bumalik ang mapait na alaalang
iyon kaya naman nagpasyang umalis muna sa trabaho at uminom ng kaunti

Lumabas siya ng kanyang opisina nang mapansin niya na ang mga empleyado niya ay may
tinitignan sa bintana kaya agad niyang tinanong ang mga ito

"Anong nangyayari?"tanong niya sa mga empleyadong nakatingin sa bintana

Ngunit wala siyang sagot na nakuha kaya lumapit siya sa bintana at doon niya nakita
ang dahilan

Nagkakagulo sa kalsada at ang ibang tao ay hinahabol ng kapwa tao ngunit hindi sila
tumatakbo hanggang nadapa ang isa sa mga hinahabol nila at tuluyang pinagpiyestahan
ang kawawang biktima habang ang mga pulis ay patuloy ang pagbaril sa mga halimaw na
dahang dahang palapit sa kanila
Muntik na masuka si Vivian sa kaniyang nakita ngunit napigilan niya ito at
dumerecho siya sa mga elevator ngunit bago pa siya makasakay ay naunahan siya ng
ibang empleyadong nagkukumahog makauwi sa kanilang pamilya

Ninais na maghintay ni Vivian ng elevator ngunit isang sigaw ang narinig niya kaya
agad siyang lumingon dito at doon niya nakita ang isang emplayadong nilalapa ng mga
halimaw na lumabas mula sa elevator na tinawag niya sa baba.Doon na napagpasyahan
ni Vivian na bumaba gamit ang hagdan.

Nang nakababa na siya sa First floor ay mas malala ang nakita niya.May mga
empleyadong nilalapa ng mga halimaw samantalang ang mga nakakatakas sa mga halimaw
sa lobby ay nakakain ng mga halimaw sa labas

Dahil magkahiwalay ang hagdan ng mga floor at hagdan papuntang parking lot ay
napilitan siyang tumakbo sa kabilang hagdan habang busy sa paglamon ang mga halimaw
sa kaniyang mga kasamahan sa trabaho

Nang makarating na siya sa parking lot ay agad siyang sumakay ng kotse at


pinaharurot ito palabas ng building at hindi niya ininda ang guwardyang si manong
Pete na nilalapa na ng tatlong bata

Habang nagdadrive siya ay binuksan niya ang radyo upang malaman kung ano ang
nangyayari
"Andirito po tayo sa Headquarters ng PNP upang malaman ang plano ng mga pulis sa
lumulaganap na kaguluhan---" sabi ng radyo

Di na narinig ni Vivian ang mga susunod nangyari dahil pagtingin niya sa daan ay
nakakita siya ng tao sa gitna ng daan kaya agad niya iniwas ang kotse na naging
dahilan para bumangga siya sa puno at mawalan ng malay

<>=><>=><>><<>><<>==><>=><>=><>=><>=><>=><>=><>=><>=><>=><><>=><>=><<>><><=><>=

A/N tapos na po ang chapter 1 at alam na po natin ang backstory ng ating mga bida

Kung gusto niyo po malaman ang dahilan ni Dr Perez kung bakit niya pinakawalan ang
mga zombie mula sa vault ay magcomment lang para ganahan akong gumawa ng special
chapter

##################################

~~Chapter 2: Darkness Spreads~~

##################################
Chapter 2: Darkness Spreads

Nanonood ngayon ng balita si Timothy at Brielle ng balita tungkol sa nangyayaring


kaguluhan sa Maynila

"Nandito po tayo sa EDSA kung saan sinusubukang kontrolin ang nangyayaring


kaguluhan ng pinaghalong pwersa ng pulisya at militar at ngayon para malaman kung
ano ang sitwasyon ay kakausapin natin ang Chief of police na si Supt.Guillermo"
sabi ng reporter tsaka tinapat ang camera sa nakaunipormeng pulis

"Sa ngayon ay kontrolado namin ang sitwasyon sa ngunit inaabisuhan namin ang mga
tao na manatili sa loob ng kanilang bahay habang patuloy ang gulo."sabi ni
Supt.Guillermo sa harap ng kamera

"Ah Sir kung sakaling di pa nakararating ang mga pulis ay paano mapoprotektahan ng
mga tao ang kanilang sarili laban sa mga halimaw na ito" turo ng reporter sa isa sa
kanila na papalapit sa posisyon nila

"Kuya may zombie papalapit sa Camera" turo ni Brielle sa T.V


"Zombie?" tanong ni Timothy kay Brielle

"Kasi po katulad nila yung sa Resident Evil eh" sagot ni Brielle

Napangiti nalang si Timothy sa sinabi ni Brielle dahil kahit sa malagim na


kinahihinatnan ng mundo ay naroon pa rin ang pagkainosente nito.

"Para mapatay nyo ang isa sa kanila ay kailangan niyo masira ang utak nila upang
tuluyan silang mamatay at dapat ay iwasan nila ang makagat sa kahit anong parte ng
katawan dahil magiging katulad nila ang lahat ng nakagat nila" sagot ulit ni
Supt.Guillermo habang patuloy na ininterview

Habang patuloy sa panonood ng balita sila Timothy at Brielle at nakarinig sila ng


isang malakas na tunog na nanggaling sa labas.Ito'y tunog ng isang bumanggang kotse
at dahil sa lakas ng tunog nito ay alam ni Timothy na malapit lamang ito sa kanila

Pagkalipas ng ilang minuto ay may narinig sila na na kumakatok

"Kuya may kumakatok po" sabi ni Brielle


"Sige Bril tago ka muna tapos titignan ko sa bintana kung sino yan" sagot ni
Timothy

Sumilip siya sa bintana at nakita ang imahe ng isang babae at hinanda ang kanyang
baril tsaka pumunta sa pinto

***********************************************

Nagising si Vivian sa loob ng kotse kaya naman ay dali-dali siyang lumabas upang
makahanap ng pagtataguan.Agad niyang napansin ang isang bahay na malapit sa kanya
ang nakabukas ang T.V at agad siyang pumunta sa pinto at kumatok dito

"Tao po" sabi ni Vivian habang kumakatok

Hindi niya alam na may tatlong zombie ang papalapit sa kaniya at ng narinig niya
ang mga ungol ay mas lumakas ang katok niya

"Papasukin niyo ako! Di ako isa sa kanila!" sigaw ni Vivian


Handa na siyang tumakbo papalayo sa bahay ngunit bumukas ang pinto kaya naman
pumasok siya sa pinto at sinara ito.Pero may lalaking sumalubong sa kanya na may
hawak na baril at nakaktutok ito sa kanya

"Nakagat ka ba?" tanong ng lalaki sa kanya

Naguluhan si Vivian sa tanong ng lalaki ngunit sinagot niya nalang ito dahil
nakatutok pa rin ang baril ng lalaki

"Hi-Hindi"kinakabahang sagot ni Vivian

Tinignan ng lalake ang katawan niya at ng sigurado na ang lalake na wala siyang
kagat ay pinapasok na siya nito sa loob

"Anong pangalan mo?" tanong sa kanya ng lalaki

"Vivian" sagot niya


"Ikaw sino ka naman?" pabalik niyang tanong sa lalaki

"Ako si Timothy" sagot niya

"Kuya sino po yan?" Tanong ng isang tinig na nangaling sa Living Room ng bahay

Lumabas mula sa Living room ang isang bata at dali-daling lumapit sa lalaking
nagngangalang Timothy

Lumapit sa Vivian sa bata pero pumunta ito sa likod ni Timothy na tila natatakot sa
kanya kaya tinanong nalang niya ang pangalan nito

"Hi ako si Vivian anong pangalan mo?" tanong niya dito

"Brielle po" sagot ng bata sa kanya


"Bril punta ka muna sa sala" sabi ni Timothy kay Brielle

"Opo kuya" sabi ni Brielle at bumalik sa sala ng bahay

"Paano ka nakapunta dito?"tanong ni Timothy

"Mahabang kuwento" sagot niya

"Marami tayong oras" sabi ulit ni Timothy

Ngunit bago pa makapagsalita si Vivian ay biglang kumalabog ang pinto sa


likod.Senyales na alam na ng mga zombie na naroon sila

"Kuya may mga zombie sa labas" sigaw ni Brielle habang nakadungaw sa bintana
"Bril umalis ka dyan sa bintana" sabi ni Timothy tsaka kinuha ang nakasukbit na
baril mula sa kanyang pantalon at ikinasa ito

"Anong gagawin natin?" sabi ni Vivian

"Kailangan natin makaalis dito" sagot ni Timothy

"Vivian kumuha ka ng mga kutsilyo sa kusina tsaka dalhin mo dito" utos ni Timothy
habng lumuhod kay Brielle at sinabing "Wag kang matakot Bril andito si kuya Timmy"

"O-Opo kuya Timmy" sabi ni Brielle na kahit bakas ang takot sa mga mata ay
sinubukan paring ngumiti

Dumating si Vivian na dala ang mga kutsilyo mula sa kusina at binigay sa kanya ang
mga ito ngunit kinuha niya ang meat cleaver at hinawakan ito

"Tandaan mo sa ulo dapat patamaan ang mga iyon" bilin ni Timothy kay Vivian tapos
humarap kay Brielle."Bril may kotse ba kayo?"tanong nya dito
"Opo kuya nasa kuwarto ni papa yung susi" sagot ni Brielle

"Sige Vivian marunong ka bang gumamit ng baril?" tanong ni Timothy sa kanya

"H-Hindi" sagot niya

Napabuntong hininga si Timothy at sinabing "Sige pag may nakapasok na isa sa kanila
ay saksakin mo ng kutsilyo ang ulo at wag kang pakakagat"

"Kuya sama po ako sayo" sabi ni Brielle

"Di pwede Bril. Dito ka muna kay ate Vivian hanggang makuha ko yung susi ok?" sagot
ni Timothy tsaka ngumiti

Umakyat na si Timothy sa taas para kuhanin ang susi ng kotse samantalang naiwan
sina Brielle at Vivian sa baba ng marinig nila na nabasag ang bintana sa sala
"Ate!!!!!!!!!" sigaw ni Brielle habang nagtatago sa likod ni Vivian

"Brielle wag kang lalayo ok" sabi niya dito at pumunta sila sa sala upang tignan
ang nabasag na bintana

Pag kapasok nila sa sala ay nakita nila ang isa sa mga zombie na tuluyang nakapasok
sa bintana ng sala at ngayon ay nasa loob na ng bahay

Hinanda ni Vivian ang kutsilyo na hawak niya habang si Brielle ay patuloy na


nagtatago sa likod

Mabagal ang kilos ng zombie kaya inasinta niya ang ulo nito at binato ang kutsilyo
ngunit tumama ito sa leeg na di naman narakaramdam ng kahit anong sakit

Agad kumilos si Vivian at kumuha ng kutsilyo at muling inasinta ang ulo at sa


pagkakataong ito ay sapul sa ulo ang zombie at tuluyang bumagsak
"Yehey ang galing ni ate" tuwang-tuwa na sabi ni Bril habang patalon-talon

Ngunit di pa tapos ang lahat sa pagkat unti-unting lumalakas ang mga ungol at
kalabog.Senyales na parami na ng parami ang mga zombie na nasa labas ng bahay

Nakababa na si Timothy mula sa itaas na dala ang susi ng kotse at naabutan sina
Vivian,Brielle at isang zombie na may nakasaksak na kutsilyo sa noo

"Timothy kailangan na nating umalis dito" sabi ni Vivian

"Sige punta na tayo sa garahe" sagot ni Timothy

Ngunit di pa sila nakakapasok sa garahe ay nasira ang pinto at tuluyang nakapasok


ang mga zombie sa loob

"Bilisan natin!" sabi ni Timothy at kinarga si Brielle tsaka dire-derechong pumasok


sa garahe tsaka isinara ang pinto
Pumasok sila sa kotse at ini-start ang makina

"Di ba natin bubuksan ang pinto?" tanong ni Vivian

"Hindi na banggain na lang natin" sagot ni Timothy at pinaharurot ang sasakyan


tsaka sinagasaan una ang pinto ng garahe at sunod ang mga zombie na nakatambay sa
labas

"Saan tayo ngayon pupunta?" tanong ni Vivian

"Di ko alam pero kailangan nating makahanap ng supplies at mga sandata" sagot ni
Timothy tsaka tumingin sa likod ng sasakyan at nakita si Brielle na mahimbing na
natutulog

"Pagpahingahin mo muna yung kapatid mo" bulong ni Vivian

"Di ko siya kapatid" saad ni Timothy


Napuno ng pagtataka si Vivian at akamang tatanungin si Timothy ngunit inunahan siya
nito ng sagot

"Nung napadpad ako sa bahay niya ay nakita ko ang mga magulang niya na sinusubukang
pasukin ang kuwarto niya kaya tinawag ko sila ngunit pagkaharap nila ay nakita ko
na zombie na pala sila kaya binaril ko sila sa dib-dib ngunit walang nangyari kaya
pinatamaan ko sila sa ulo tapos pumasok ako sa kuwarto at doon ko siya nakita na
nagtatago sa aparador" pagkukwento ni Timothy

"Eh paano na natutong bumaril?" tanong ni Vivian

"Dati akong gangster pero nakulong ako ng limang taon tapos ngayong araw ang
paglaya ko pero " pagtigil ni Timothy sa pagsasalay say at tumingin sa bintana at
nakita niya ang maraming zombie,nagkalat na bahagi ng katawan at mga sira-sirang
kotse "Ito ang naabutan ko pagkalabas ng Bilibid" sabi ni Timothy at bumuntong
hininga

"Eh paano yung pamilya mo?" muling tanong ni Vivian


"Tinakwil na nila ko dahil sa nangyari sa kin" sabi ni Timothy

"Anong dahilan at bakit ka nila itinakwil?" usisa pa ni Vivian

Muling Bumuntong hininga si Timothy at bahagyang iniyuko ang ulo niya tsaka sinabi
kay Vivian ang sagot

"Dahil nakapatay ako" malumanay na sabi ni Timothy

"Noong gabing yun may gang war kami kaso nung kami na ng kalabang lider ang
nagkaharap ay muntik na ko matalo kaya naman ay kinuha ko ang baril at pinaputukan
ko siya pero nakaiwas siya at tumakbo sa isang eskinita kaya sinudan ko siya sa
loob. May nakita akong tao sa likod ko at pinaputukan ko ito pero yung nabaril ko
ay."pagtigil ni Timothy habang pinipigilan niya ang pagtulo ng luha "a-ang k-
kapatid ko" at dumaloy ang luha mula sa kanyang ma

**********†***********

Niyakap ni Vivian si Timothy kahit sa sarili niya ay di niya alam kung bakit ito
ginawa basta ang alam niya ay kailangan niya ito gawin
"Bagay kayo ni Kuya" sabi ni Brielle na kagigising lamang mula sa pagkakahimbing at
nakangiti sa kanila

Namula sila pareho ni Timothy sa sinabi ni Brielle pero agad din bumalik sila sa
dating itsura

"Ahm saan tayo pupunta ngayon?" tanong ni Vivian kay Timothy hindi dahil gusto niya
malaman ang destinasyon kundi para basagin ang katahimikan

"Buksan natin ang radyo at baka ibalita ang tungkol sa mga evacuation center na
malapit sa atin" sabi ni Timothy at binuksan ang radyo

Lumabas mula sa radyo ang tinig ng isang lalaki habang may sunod-sunod na putukan
at mga ungol na tila background music ng isang palabas

"Nandito po kami ngayon sa Camp Crame kung saan nag-setup ng isang evacuation
center ang mga pulis at patuloy na nakikipaglaban sa mga halimaw na ito. Makakausap
natin ang Chief of Police na si Nicanor Faeldon." sabi ng reporter sa radyo
"Chief ano po ang lagay ng ating pangulo at gaano po kalawak ang epidemyang
ito?."tanong ng reporter kay Chief Faeldon

"Sa ngayon po ay nakalabas na ng bansa ang presidente at ang kanyang gabinete pero
naiwan ang bise-presidente upang mamahala ng mga natitirang pwersa at sa tanong mo
kung gaano kalawak ang epidemyang ito ay may report kami na may umaatake na mga
halimaw sa labas ng Metro Manila ngunit wala naman ito sa Visayas at Mindanao at
sinisugurado namin na hindi na ito kakalat sa iba pang bahagi ng bansa." sagot ni
Chief sa reporter

"Uhm Chief huling tanong lang po.Maari bang pumunta ang mga tao dito?" sabi ng
reporter sa Chief

"Kung malapit kayo dito sa Crame ay pinapayuhan namin kayo na pumunta dito pero
hangga't maari ay magdala kayo ng armas bilang pang protekta sa sarili at kung
malayo naman kayo ay pumunta na lang kayo sa pinakamalapit na istasyon ng pulis
kung hindi pa ito na overrun"sagot ulit ni Chief

Pinatay ni Timothy ang radyo at humarap kay Vivian tsaka sinabing "Kalahating oras
lang ang layo ng Crame mula dito kaya mas mabuting dun tayo pumunta" sabi niya dito
"Pano kung pagdating natin don ay ----" di na itinuloy ni Vivian ang kanyang
sasabihin dahil biglang nagring ang kanyang cellphone

Dinukot niya ito mula sa bulsa at tinignan kung sino ang tumawag

Isa itong unregister number kaya naman sinagot niya ito

"Hello?" tanong niya sa caller

"Vivian si papa to ayos ka lang ba?" sabi sa kabilang linya

Nanigas si Vivian sa narinig niyang boses na naging dahilan upang mabitawan niya
ang cellphone

"Vivian anak!? Vivian?" sigaw ng papa ni Vivian sa kabilang linya


*********†*********‡***************************************************************
***

A/N: Sorry kung medyo boring ang mga unang chaps kaya next update ay puro aksyon
naman

##################################

~~Chapter 3:Resistance's Last stand~~

##################################

A/N: Break muna tayo sa kadramahan nina Timothy,Vivian at Brielle at tunghayan ang
mala-Bataan na chapter na ito at isang bagong character

***********************************************************************************
****

Chapter 3 : Resistance's Last stand


Nakatingin ngayon si Steve sa kalsada na ngayon puno ng mga abandonadong sasakyan
at nagkalat ang dugo at mga piraso ng laman. Sila Steve at mga kasamahan niyang
sundalo ay nasa kalye ng Rizal Ave. at nakahanda ang mga baril tsaka nakapormasyon.

"Ok men sabi ng Headquarters ay kailangang malansi ang atensyon ng mga halimaw na
mga iyon mula sa Camp Crame para makapaghanda sila sa mga darating na refugee sa
ibang lugar." sabi ng kanilang sarhento at hinanda ang kanyang baril

Pumosisyon na ang mga sundalo sa kalsada at nagsimulang magbusina ang mga Truck at
kotse upang makuha ang mga atensyon ng mga zombie na naghihintay sa mga sulok ng
kalsada para sa kanilang pagkain

Ilang segundo lang ang lumipas at lumabas ang mga zombie mula sa kanilang mga
pinagtataguan at lumapit sa mga sundalo habang nakalahad ang mga kamay sa direksyon
nila.

"Tandaan niyo sa ulo dapat ang tama ng bala para siguradong patay"sabi ng sarhento

Itinutok nila ang kanilang baril sa paparating na mga kalaban at inasinta ang ulo
ng mga ito.

Nagsimula na silang magpaputok at tumuba ang mga zombie ngunit patuloy parin ang
pagdating ng ibang zombie mula sa ibang lugar dahil sa pagkaengganyo sa mga putok
ng baril.

BANG!

BANG!

Dumating ang ilang helicopter at nagbaba ng mga sundalo samantala ang iba ay
nakisali na sa pagbaril sa mga zombie na ngayon ay kumpol-kumpol sa paglapit sa mga
sundalo

'

"Shit masyado silang marami kailangan nating umatras!" sabi ng katabi ni ni Steve

"Hindi dito lang kayo kailangan nating ilayo ang mga yan mula sa kampo!" sagot ng
sarhento

"Edi umatras tayo habang pinapasunod natin sila!" sigaw ni Steve

Ngunit bago pa sila makaatras ay natigilan si na Steve dahil sa narinig na mga


ungol sa likuran nila
"P*tang ina napapaligiran na nila tayo!" sigaw ng isa sa mga kasamahan niya

Nakita ni Steve ang isang eskinita at agad na tinungo ito ngunit pagkalingon niya
sa mga kasamahan ay nilalapa na ang mga ito kaya naman ay kumaripas siya ng takbo
hanggang makarating siya sa isang police station pero ang mga pulis na nakaistasyon
dito ay mga zombie na ng maabutan niya

"Tsk no ba yan magpapaka House of the dead ako dito ah" sabi ni Steve sa kanyang
sarili

Agad siyang pumunta sa loob ng istasyon at pinatay ang lahat ng mga zombie doon at
pagkatapos ay sinara niya ang pinto upang walang makapasok na iba pang zombie

Pero may narinig siyang boses habang sinasara ang pinto

"Pare" sabi ng boses

Sinundan niya ang tinig at napadpad siya sa mga kulungan kung saan nakita niya ang
isang lalaki sa loob ng selda

"Pare pakawalan mo naman ako dito please?" sabi ng lalaki

Pinakawalan niya ang lalaki hindi dahil sa awa kundi dahil ayaw niyang mag-puppy
eyes ito at baka masapak pa niya

Tinutukan niya ng baril ang lalaki paglabas ng selda

"Sino ka?" tanong niya dito

"Ako si Max,pusher ako kaso natiklo." sabi ng preso sa kanya "eh ikaw sino ka?"

"Ako si Steve isa akong sundalo kaso ginawang eat all you can ng mga zombie ang
unit namin" sagot niya dito
"Pakawalan mo naman ako dito ayoko mamatay dito" sabi ni Max

Nagdalawang isip si Steve ngunit pumayag din ito total katapusan na naman ng mundo
kaya naman ay kinuha niya ang susi mula sa isang bangkay at ginamit ito upang
buksan ang pinto ng selda

"Salamat pare kung di mo ko pinakawalan doon ay malamang doon na ako nalagutan ng


hininga" sabi ni Max kay Steve

"Kailangan kong makaalis dito" sabi ni Steve

"Bakit ka aalis? ligtas naman dito ah?" sabi ni Max

"Kailangan kong makabalik sa Crame" sagot ni Steve kay Max

"O sige kunin mo na yung ibang mga armas tsaka umalis na pero wag kang babalik ng
may kagat" sabi ng Preso

"Di na talaga!" biro ni Steve "Pero mag-ingat ka baka pasukin ka dito" dagdag pa
niya

Lumabas si Steve mula sa Police Station at nagsumulang maglakad papunta sa Camp


Crame pero habang naglalakad siya ay nakita niya ang isang pulutong ng mga zombie
na nakatayo lamang sa daan

"Buwisit naman oh" bulong ni Steve

Umatras siya ng dahan-dahan ngunit di pa man siya nakalalayo ay nasagi niya ang
isang kotse na naging dahilan upang tumunog ang alarm nito

Napalingon ang mga zombie sa pinanggalingan ng tunog at nakita nila si Steve na


ngayon ay panandaliang napatigil dahil sa gulat.Bumalik ang gutom sa kanilang mata
na wala ng buhay at nagsimulang maglakad papunta kay Steve habang umuungol senyales
na gusto nila ulit ng sariwang karne.

Nawala ang pagkaparalisa ni Steve at dali-daling tumakbo habang patuloy na


hinahabol ng mga zombie.Habang tumatakbo ay nakakita siya ng isang Fire escape at
umakyat dito habang ang mga humahabol sa kanya ay nagkumpulan sa baba at pinipilit
abutin si Steve kahit imposible dahil nakapasok na siya gamit ang isang bukas na
bintana

Nang makapasok siya sa loob ay agad niyang napansin na puro dugo ang loob kaya
naman ay agad siyang lumabas mula sa kuwarto at dumerecho sa unang palapag saka
lumabas ng building pero di pa man siya nakakalayo ay nakita ulit siya ng
panibagong grupo ng mga zombie na tila piranha sa paghabol sa kanya.Buti nalang ay
mabagal ang mga ito kundi ay nilantakan na siya dahil sa sobrang pagod at
pagkahapo.

Ngunit habang tumatakbo siya patawid ng isang kalsada ay nakaramdam siya ng malakas
na pwersa na bumangga sa kaniyang tagiliran na naging dahilan upang bahagyang
tumalsik at unti-unting mawalan ng malay

Ang huli niyang nakita ay isang babae at lalaki na papalapit sa kanya bago siya
nawalan ng malay

*******************************†***************-
***************************************
A/N pasensya na kung maiksi kasi brain drain ako kahit chap 3 palang mid terms kasi
eh

##################################

~~Chapter 4:Chapter 4: A Glimmer of hope~~

##################################

Chapter 4: A Glimmer of hope

Nanumbalik ang kamalayan ni Vivian at pinulot ang cellphone at nag-alinlangang


kausapin ang kanyang ama ngunit sa bandang huli ay tinawagan niya ulit ito

"H-Hello pa?" sabi ni Vivian

"Viv-Vivian anak ayos ka lang ba? Andyan ka ba sa opisina mo? Nakagat ka ba?"
inulan siya ng sari-saring tanong mula sa natatarantang ama

Bumuntong hininga si Vivian at kalmadong sinagot ang kanyang ama "Pa umalis ako ng
opisina at papunta kami ngayon sa Camp Crame dahil may evacuation center doon"
"Ate Viv sino yan?" tanong ni Brielle

Tinakpan ni Vivian ang mikropon ng cellphone at sinabing "Si papa ko to Bril


kinakamusta lang ako"

"Anak sino yang kasama mo?" tanong ng ama niya mula sa kabilang linya

"Kasamahan ko po sa trabaho" pagsisinungaling ni Vivian dahil ayaw niya ikwento


kung paano niya nakilala si Timothy at Brielle

"Ikaw pa nasaan ka?" sa wakas ay natanong niya sa ama

"Nasa Clark ako anak.Dito nila dinivert yung mga Flight dahil na-overrun ang NAIA
at ubos na rin yung Fuel ng eroplano namin kaya dito muna kami." sagot ng ama niya
"Sige anak mag-ingat kayo diyan at kung pwede ay pumunta na rin kayo sa Clark mas
ligtas dito." sabi ulit ng ama niya

"Sige pa baba ko na tong telepono" sagot niya at pinidot ang end call sa cellphone
niya

"Sino yon?" tanong ni Timothy

"Papa ko yon sabi niya ay dapat dumerecho tayo sa Clark kasi mas ligtas doon.Ano sa
tingin mo?" saad ni Vivian

"Mas mabuting sa Crame nalang tayo kasi malapit lang at paubos na yung gasolina
natin" sabi ni Timothy
"O sige pero pano kung nakapasok na yung mga zombie sa Crame?" tanong ni Vivian

Napakunot ang noo ni Timothy at binuksan ang radyo upang sumagap ng balita pero
maliban sa static ay wala na silang marinig.

"BUWISIT!" sigaw ni Timothy

"Bakit?" tanong ni Vivian

Nagulat din si Brielle sa sigaw ni Timothy kaya naman lumapit siya sa driver seat
at tinanong ito

"Bakit kuya?"

Nahimasmasan kaagad si Timothy ngunit halata para rin ang tensyon sa kanyang boses
nung magsalita siya
"W-wala ng balita tungkol sa Crame" sabi niya

"Wag kang mag-alala Tim baka nag-off air lang sila pero andyan pa naman siguro yung
Crame kasi may pulis at militar doon" sabi ni Vivian upang pakalmahin si Timothy

Lumingon si Timothy sa upuan ni Vivian at sinabing "S-salamat Vivi"

Ngunit paglingon niya ay nagulat siya dahil may nakita siyang lalaki na akmang
tatawid ng kalsada kaya naman ay agad siyang nagpreno ngunit nabangga niya pa rin
ito

"Tulungan natin siya" akmang lalabas si Vivian ngunit pinigilan siya ni Timothy

"Baka isa yan sa kanila" sabi niya dito


"Di natin malalaman kung di natin titignan" resbak ni Vivian at lumabas ng kotse

Napailing nalang si Timothy at kinasa ang baril tsaka humarap sa backseat kung saan
nakaupo si Brielle

"Bril lalabas lang kami ni ate Vivi dito ka lang ok?" tanong ni Timothy

"Basta di nyo ko iiwan promise?" sabi ni Brielle at inilahad ang hinliit nito

"Promise" sagot ni Timothy at nag pinky promise kay Brielle

Pagkalabas niya ay nakita niya si Vivian sa tabi ng lalaki habang papalapit siya sa
mga ito

"Viv lumayo ka bak-" di niya natuloy ang sasabihin dahil binara siya ni Vivian
"Tinignan ko na siya wala siyang kagat" sagot niya dito

"Ipasok natin siya sa kot-" akmang sasabihin sana ni Vivian nang may narinig siyang
mga ungol sa bandang kaliwa ng kalsada

"Shit malapit na sila!" sigaw ni Timothy at agad na inalalayan ang lalaki papunta
sa kotse at ipinasok sa backseat

"Kuya sino yan?" tanong ni Bril pero di siya sinagot ni Timothy sa sobrang
pagmamadali

Pagkaupo ng estranghero sa backseat ay agad na binuksan ni Timothy ang pinto ng


Driver's seat at pumasok tsaka pinaandar ang kotse paabante ngunit nakita nila ang
maraming zombie sa daan
"Paatrasin mo ang kotse!" sabi ni Vivian ngunit parang walang narinig si Timothy at
kinambyo ang kambyo ng kotse sa Forward

"Anong gagawin m- ahhhh!!" di natapos ni Vivian dahil biglang pinaharurot ni


Timothy ang kotse papunta sa mga zombie at sumigaw na "Humawak kayo!!" at binangga
ang mga nakabalandrang zombie sa daan kaya ang iba ay nagtalsikan samantalang meron
namang mga nagulungan ng kotse

Pagkaalis nila mula sa pulutong ng mga zombie ay agad siyan nagmasid sa loob ng
kotse ngunit pagtingin niya kay Vivian ay hinampas siya nito

"A-aray!! ano bang problema mo!?" tanong niya dito

"Bakit mo ginawa yon! alam mo ba na muntik na ako atakihin sa puso dahil sa


pagbangga mo sa mga ugok na yon ha!?" galit na galit na saad ni Vivian
"Eh------Kasi wala na akong maisip na paraan kung paano tayo makakatakas doon"
sagot ni Timothy

"Pwede namang umatras di ba!?" sigaw ulit ni Vivian

"Hindi,Hindi na pwede" kalmadong saad ni Timothy

"At bakit!?" gulat na tanong ni Vivian

"Dahil konti na lang mauubusan tayo ng gas." huminto ng panandalian sa pagsasalita


ngunit tinuloy ito kaagad "Pag umikot tayo sa mga yon ay baka mawalan tayo ng
gasolina at ma-istranded kung saan." saad ulit ni Timothy ngunit halata na sa boses
ang pagkainis

"Ah ganoon! Di mo lang ba naisip kung masira tong bwisit na kotseng to habang
binabangga mo yung mga yon.Paano tayo! Paano si Brielle ha! Paano nalang kung ma-
istranded tayo habang nasa gitna ng pulutong ng mga zombie na yun ha!?"
"Mabuti ng sumubok kasi maubusan ng gasolina kung sa--" sabi ni Timothy ngunit may
narinig siyang boses mula sa likod ng kotse

"Tama na Kuya!! Ate!!" sigaw ni Brielle

"Pwede ba tama na! natutulog yung tao eh sigawan kayo ng sigawan" sigaw ng
estranghero mula sa backseat

"At ano ngayon kung nagsisigawan kami. Tsaka sino ka ba ha?" sabi ni Vivian sa
estranghero

"Ako si Steve Reyes isang Private mula sa Philippine army" pagpapakilala ng


estranghero sa sarirli

"Kung ganon galing ka sa Camp Crame?" tanong ni Timothy


"Hindi.Pero pinadala kami para ilayo ang atensyon ng mga zombie mula sa Crame pero
na-overrun yung unit namin at ako lang ang natirang buhay sa kanila" pagsasalaysay
ni Steve

"Pano yung Camp Crame? a-ayos pa ba iyon?" tanong ni Vivian

"Di ko alam pero mas magandang puntahan nalang natin para masigurado tutal malapit
lang naman" sagot ni Steve

"Tama ka.Wala tayong mararating kung tutunganga lang tayo dito" sabi ni Timothy

"Sige dapat pumunta na tayo dun kaagad" sabi ni Vivian

"Hay sa wakas nagkasundo ang mag-syota" sabi ni Steve

"HINDI KAMI MAG-SYOTA!!!!!!!" sabi nila Timothy at Vivian ng sabay


"Oo halata nga sa inyo" sarkastikong sabi ni Steve

Di na pinansin nina Vivian at Timothy ang sinabi sa kanila ni Steve at tumingin


nalang sa kalsada

"Bagay sila no?" sabi ni Brielle kay Steve

"Oo nga pero sa tingin ko mas bagay kami" banat ni Steve

Halatang nainis si Brielle sa sinabi ng katabi niya at tumingin nalang sa bintana


pero pagkalingon palang niya sa bintana ay may nakita siya

"Kuya may gasolinahan!" sigaw ni Brielle


"Saan?" sabi ni Timothy at tumingin sa direksyon kung saan nakatungo si Brielle at
nakita niya ang gasolinahan

"Pupuntahan ba natin yun?" tanong ni Steve

"Oo baka meron pang gasolina at ma-full tank ang kotse kung sakaling - -" nag-
aalinlangang sabihin ni Timothy ngunit si Steve na ang tumapos ng kanyang sasabihin

"Kung sakaling napasok na ng mga zombie ang Camp Crame"

Bumuntong hininga si Vivian sa sinabi ni Steve pero winalang bahala nya nalang ito

Pagkadating nila sa gasolinahan ay akmang baba si Vivian ngunit pinigilan siya ni


Timothy

"Wala ka bang armas?" tanong niya kay Vivian


"Wala pero baka may magamit akong armas mula sa trunk ng kotse " sabi ni Vivian at
kinuha ang susi ng trunk at binuksan ito.Kinuha niya ang Tire Iron mula sa trunk at
pagkatapos ay sinara ito

"Meron na akong armas" sabi ni Vivian

"Sige Steve i-fill up mo ang sasakyan tapos Vivian pasok tayo sa loob ng Conviniece
Store para makakuha ng pagkain ok?" utos ni Timothy

Pumasok na si Timothy at Vivian samantalang si Steve ay sinimulang lagayan ng


gasolina ang kotse

"Naiihi na ko" sabi ni Brielle at lumingon-lingon at ng nakakita ng banyo ay patago


siyang lumabas mula sa kotse at dumerecho sa banyo upang umihi.Pagkalabas niya ng
banyo ay dumerecho na siya papuntang kotse pero may narinig siyang kaluskos sa
likuran kaya tinignan niya ito at wala siyang nakita kaya naman lumakad na siya
pabalik ngunit pagkatalikod niya ay may humablot sa kanya at agad siyang tinutukan
ng patalim na naging dahilan para siya ay mapasigaw

Nag-iimpake sila Timothy at Vivian ng pagkain sa convieniece store ng may marinig


silang sigaw
"Ano yon?" sabi ni Vivian

"Si Bril ata yon!" sabi ni Timothy at dali-daling lumabas mula sa loob

Pagkalabas niya ay nakita niya si Steve na nakatutok ang baril sa isang lalake na
hawak si Brielle habang nakatapat ang isang kutsilyo sa leeg nito

"Ibigay niyo sa kin yung kotse!" utos ng lalaki

"Ayaw namin!" sagot ni Steve

"Ibigay niyo sakin yung kotse kundi papatayin ko tong batang ito!" sabi ulit ng
lalaki at diniinan ang pagtutok ng kutsilyo sa leeg ni Brielle

"K-ku-kuya" naiiyak na sabi ni Brielle


"Tumahimik ka!" at diniinan pa ang kutsilyo hanggang magdugo ng kaunti na naging
dahilan para mainis si Timothy at sunibukang bunutin ang baril ngunit naiwan niya
ang baril sa loob ng convinience store kaya naman sinubukan niyang lumapit ngunit
nagbanta ulit ang lalaki

"Wag kang lumapit kung hindi papatayin ko talag- - -" hindi natuloy ng lalaki ang
sasabihin dahil biglang pumutok ang isang baril mula sa likod at natamaan siya sa
ulo kaya naman ay bumagsak ang katawan nito sa lupa

Dali-daling tumakbo si Brielle mula sa lalaki patungo kay Timothy at yumakap


kasabay ng pag-iyak nito

"Ayos lang ba siya?" tanong ng isang boses

Napalingon sila Timothy sa boses at doon nila nakita si Vivian na hawak ang isang
baril

"Naiwan mo kaya kinuha ko" sabi ni Vivian at inabot ang baril sa kanya
"Akala ko di ka marunong gumamit niyan" saad ni Timothy

"Swerte lang siguro" sagot ni Vivian at yumukod hanggang ka-level niya si Brielle
at niyakap ito

"Ayos ka lang ba Bril?" tanong ni Vivian kay Brielle

"Opo Ate" tsaka ngumiti

"Ate tabi po tayo ayoko siya katabi" sabi niya tsaka itinuro si Steve

"Mas lalo naman ako!" sabi ni Steve

"Bahala kayo dyan basta - - -" di natapos ni Timothy ang sasabihin dahil nakarinig
sila ng mga ungol mula sa di kalayuan
Napatingin sila kung saan nanggaling ang at doon nila nakita ang isang pulutong ng
mga zombie na papalapit sa gasolinahan

"Kailangan na nating umalis dito!" sigaw ni Timothy at pumasok na sa kotse na


sinundan naman nila Steve sa Front seat at Vivian tsaka Brielle sa Backseat

Pinaandar nila ang kotse tsaka sumibat palayo sa mga zombie na ngayon ay mas marami
kaysa inakala nila

"Saan na tayo ngayon?" tanong ni Vivian

"Saan pa edi sa Crame" sagot ni Steve

"Tama na yan" sabi ni Timothy

Limang minuto na ang nakalipas at sa wakas ay nakakita sila ng signboard na ang


sabi ay 'Camp Crame 5km ay nabuhayan sila ng loob
Malapit na sila sa Camp Crame ng nagsalita si Steve

"Nakakapagtaka naman" sabi niya

"Bakit?" tanong ni Vivian

"Kasi dapat may naririnig tayong putok ng baril tapos mga wang-wang pero bakit ang
tahimik at bakit marami paring zombie" sabi ni Steve

"Baka naman- - - -" Di natuloy ni Timothy ang sasabihin niya dahil natanaw ang
compound ng Camp Crame

Pero nung pagdating nila ay nakita nila ang kabuuan ng Crame ngunit hindi ito ang
inaasahan nila kundi ang pinangangambahan nila
Bukas ang gate ng Crame at nagkalat ng Dugo,laman at mga putol na bahagi ng katawan
at amoy na amoy ang pinaghalong usok at bulok na laman at nagkalat ang mga zombie
sa paligid

"H- h-h-hindi" usal ni Timothy

"Diyos ko" sabi ni Vivian at tinakpan ang mga mata ni Brielle nung mapansin niya na
nakatingin din ito sa labas

"Tsk! Paano na yan?" sabi ni Steve tsaka napayuko

Pinark ni Timothy ang sasakyan sa malapit na parking space na ipinagtaka ng mga


kasama niya

"Di pa ba tayo aalis?" sabi ni Vivian


"Kailangan nating kumuha ng mga supplies at armas sa loob" sabi ni Timothy at
bumaba ng sasakyan

Sumunod si Steve at hinanda ang baril samantalang naiwan sila Vivian at Brielle sa
loob ng kotse

"Ready ka na?" Tanong ni Timothy kay Steve

"Sige pasukin na natin yan" kalmadong sagot ni Steve at sumunod kay Timothy papasok
ng Crame .

***********************************************************************************
****

A/N sorry kung wala pang masyadong aksyon kasi nagbibuild palang ang storya

##################################

~~Chapter 5: Scavenging the Remnants~~


##################################

Chapter 5: Scavenging the Remnants

Napagpasyhan nila Steve at Timothy na pasukin ang Camp Crame kahit di nila alam
kung ano ang sasalubong sa kanila sa loob

"Sigurado ba kayo sa gagawin niyo?" tanong sa kanila ni Vivian

"Kailangan natin ng mas maraming armas para kung sakali ay kailanganin natin" sabi
ni Steve sa kanya

"Kuya sama ako" sabi ni Brielle kay Timothy

"Di pwede Bril" sabi ni Timothy sa marahang boses "Masyadong delikado" dagdag pa
niya at humarap kay Vivian

"Kunin mo ito Vivi" sabi ni Timothy sa kanya at inabot ang baril niya
"T-teka pa-paano ka! Wala kang armas!" sabi ni Vivian na may halong pag-aalala

"Wag ka mag-alala andito naman si Steve" sabi ni Timothy

Bumuntong hininga si Vivian dahil alam niya na hindi siya makakatanggi kay Timothy
kaya naman ay kinuha niya ang Tire iron niya at ibinigay kay Timothy

"A-ano to?" naguguluhang tanong niya

"Armas malamang" sarkastikong sabi ni Vivian "Paano kung mahiwalay ka kay Steve edi
wala kang pangtanggol sa sarili! Paano si Brielle! Paano ako!"

Nagulat si Vivian sa lumabas sa kanyang bibig "Ahm i-ibig ko sabihin sinong


magtatanggol sa amin d-di ba Bril?" nauutal na pagtanggi niya

"Ok" sabi ni Brielle na habang nakangiti ng makabuluhan


"Hoy mag-syota mamaya na kayo maglabing-labing dahil kailangan nating pumasok sa
loob" sabi ni Steve na may halong pang-aasar

"Sinabi nang hindi kami MAG-SYOTA!!!" sabay na sabi ni Timothy at Vivian

"Bahala kayo" sabi ni Steve tsaka nagsimula nang maglakad papunta sa parking lot ng
Crame pero humarap siya kay Timothy at sinabing "Sasama ka ba o Hindi!?"

"Oo na sandali lang" sabi ni Timothy tsaka sumunod kay Steve papasok ng Crame

Pagkapasok nila sa gate ay tumambad sa kanila ang nasusunog na mga kotse at


nagkalat ang mga zombie sa entrada ng gusali

"Paano tayo makakapasok?" sabi ni Timothy

"Kailangan natin lansihin ang mga yan mula sa entrance" sabi ni Steve
"Pero papaano?" tanong ni Timothy

Luminga-linga si Steve ng ilang segundo at tumigil siya ng mapatingin siya sa


bandang kanan

"Gamit iyon" turo niya sa isang kotse malayo sa kinatatayuan nila

"Paano naman natin gagamitin yun?" tanong ni Timothy kay Steve

"Akin na yang hawak mo" turo ni Steve sa Tire Iron na hawak ni Timothy

"T-t-teka!Wala akong armas pagbinigay ko ito!" sabi ni Timothy na may halong


pagkainis

"Kunin mo nalang yung baril dun sa bangkay" turo ni Steve sa nakahandusay na pulis
"Sige pero mamaya ko nalang ibibigay sayo to at baka bumangon iyon" sabi ni Timothy
at umalis mula sa kanilang pinagtataguan papunta sa bangkay ng pulis upang kunin
ang baril nito

Pagkadating niya sa lugar kung nasaan ang bangkay at akmang kukunin ang baril
ngunit biglang bumukas ang mata nito ngunit walang makikita kundi puro puti tsaka
umungol ito ng mahina

Di na nagpatumpik-tumpik si Timothy at hinampas ang pulis sa ulo ng paulit-ulit


hanggang pumutok ang ulo at kumalat ang dugo,laman at utak sa semento.

Kinuha niya ang baril at tsaka bumalik sa pinagtataguan nila ni Steve

"Ito na" sabi ni Timothy

"Teka bakit basa to?" sabi ni Steve


"Pinangpatay ko dun sa pulis" turo ni Timothy sa bangkay na pinuntahan niya kanina
"Nabuhay kasi"

Binaliwala ni Steve ang basang pakiramdam sa hawak niya na armas.Inasinta niya ang
bintana ng kotse tsaka ibinato ito pero imbis na ang bintana ang tamaan ay sa pinto
lamang ito tumama pero tumunog pa rin ang alarm na naging dahilang para makuha ang
atensyon ng mga zombie at unti-unting naglakad palayo sa entrance

"Ok pagbilang ko ng tatlo ay kailangan nating tumakbo papasok" sabi niya kay
Timothy

"Isa"

"Dalawa"

"Tatlo!"

Sabay silang tumakbo papasok sa loob ng gusali ng Crame habang sumusulyap-sulyap sa


kanilang gilid kung napansin na sila ng mga zombie pero wala naman.
Pagkapasok nila sa loob ay tumambad sakanila ang hallway na punong-puno ng
dugo,laman ang tama ng bala sa pader

"Ano na?" tanong ni Timothy

"Kailangan nating pumunta sa basement ng Crame para makarating sa armory" sagot ni


Steve

Naglakad sila Steve at Timothy sa hallway papunta sa basement.Habang naglalakad ay


nakita nila ang mas maraming dugo at laman kasama na ang mga bangkay na halos buto
na lang ang natira.Di maiwasan ni Timothy na maitanong sa sarili kung makakabangon
pa ba iyon.

Nakarating sila sa hagdan pababa ng basement kaya naman ay dumeretso na sila


pababa.

"Tim paano kayo nagkakilala ni Vivian" tanong ni Steve

"Noong nasa loob kami ng bahay ni Brielle ay may kumatok sa pinto kaya binuksan ko
yon tsaka doon ko nakilala si Vivian" sagot ni Timothy
Pagkababa nila sa basement ay nakita nila ang pinto ng armory pero naka-kandado ito

"Paano iyan?" tanong ni Timothy na bakas ang pag-aalala

"May keeper ang bawat armory at kapag nakita natin siya ay sigurado akong nasa
kanya yung susi" paninigurado ni Steve

"Pag zombie na ang keeper edi - -" sasabihin sana ni Timothy ngunit naunahan siya
ni Steve

"Papatayin tsaka Kukunin natin sa kanya"

Nakarinig sila ng ingay mula sa likuran kaya lumigon sila sa pinangalingan


nito.Nakita nila ang isang zombie na nakauniporme ng pulis na dahan-dahang
lumalapit sa kanila

"Bakit iba yung uniporme niyan?" pagpapatungkol ni Timothy sa pulis na zombie


"Siya siguro yung keeper ng armory" sabi ni Steve

Sinaksak ni Steve ang zombie gamit ang kutsilyo na nakaipit sa kanyang hita tsaka
kinuha ang susi ng armory mula sa bangkay nito.

"Ayan pwede na natin buksan" sabi ni Steve

"Paano natin kakargahin lahat yan" tanong ni Timothy

"May bag siguro sa taas." sabi ni Steve

"Sa locker room siguradong may bag" sabi ni Timothy

"Kumuha ka ng baril diyan tapos pumunta na tayo sa locker room" sabi ni Steve
Umakyat sila Steve at Timothy mula sa basement papuntang first floor.Pagkaakyat
nila ay nakita nila ang isang pulutong ng mga zombie na nakaharang sa kanilang
dadaanan.

"May dala akong mga silencer para sa mga baril. Di maririnig ng mga nasa labas yung
putok" sabi ni Steve

Pinatamaan nila Steve at Timothy ang mga zombie sa kanilang ulo kaya nagsitumbahan
ang mga ito

Pagkatapos ng maikling enkwentro ay dumerecho na sila sa locker room.Pagdating nila


sa loob ay nakita nila ang isang duffel bag.May kalumaan ito pero kaya naman ang
lahat ng baril sa armor

"Kukunin ba natin lahat ito?" tanong ni Timothy kay Steve

"Wag na yung mga M-16 tsaka mga pistol lang ang kunin mo" sabi ni Steve

Sinunod naman ni Timothy ang sabi ni Steve at sinimulang iimpake ang mga baril mula
sa armory.
Pagkaimpake ay nagmamadaling umakyat sila sa Main Floor upang makaalis na palayo sa
Crame.

Pero di pa man sila nakakalabas ay nakarinig sila ng maraming ungol sa direksyon ng


pinto kaya tinungo nila ito.

Pagkakita nila sa labas ay nanlumo sila sa nakita.

Napakaraming zombie ang nagkalat sa gate ng Crame. Pero ang mas ikinabahala nila ay
napapalibutan ng mga zombie ang kanilang sasakyan

"T*ng ina! Ang dami nila!" sabi ni Steve

"Kailangan natin silang iligtas" sabi ni Timothy

"Pero paano!?" sabi ni Steve


Napansin ni Timothy ang isang bahagi ng kalsada na halos walang zombie kaya naman
ay nakabuo siya ng plano

"Steve ikabit mo yung silencer ng armalite mo.Kukunin ko atensyon nila palayo sa


kotse tapos pag nakalayo na sila ay tignan mo kung nandoon pa sa kotse sila Vivi
tsaka Bril." pagsaad ni Timothy

"O sige pero mas maganda kung yung handgun mo yung gagamitin mo pangdepensa kaysa
sa M-16" sabi ni Steve

Sinimulan na nila ang plano ni Timothy.Una siyang naglakad doon sa kalsadang


maraming zombie tsaka itinutok ang baril sa ulo ng isa sa mga ito.Pinaputok niya
ang baril na naging dahilan para mamatay ang zombie pero ang atensyon ng mga natira
ay napunta rin sa kanya.

Nagsimulang maglakad ang mga zombie sa direksyon ni Timothy kahit ang iba sa kanila
ang nagkakandarapa sa pagmamadali makuha ang panibagong pagkain.

Patuloy na tumatakbo si Timothy palayo sa kumpol ng mga zombie habang binabaril


niya sa ulo ng mga ito.Nagtago muna siya sa likod ng isang truck na nakatagilid sa
kanilang daanan
Nang sigurado siya na di sila makakaabot sa kinalalagyan niya agad-agad ay nag-
reload siya ulit ng baril.Pero isang boses sa kanyang gilid ang nagpatigil sa
kanyang ginagawa

"Timothy?" sabi ng boses sa likuran

Nilingon niya ang pinangalingan nito at nakita niya si Vivian at si Brielle

"Vivi? Bril?" Gulat na sabi niya sa kanila "Akala ko andoon kayo sa kotse!?"

"Masyadong marami sila kaya umalis kami ng kotse" pagpapaliwanag ni Vivian

Di pa man sila nakakapagusap ng matagal ay nakarinig sila ng mga ungol at nilingon


nila ito.Nakita nila ang napakaraming zombie na papalapit sa kanila

"TAKBO NA!!" sigaw ni Timothy tsaka kumaripas papalayo sa mga bangkay na papalapit
sa kanila
***********************************************************************************
****

A/N: sorry kung ngayon lang nakaupdate

##################################

~~Chapter 6: A Way Out~~

##################################

Chapter 6: A Way Out

Pagkaalis ng karamihan ng mga zombie mula sa parking lot ng Crame ay binaril ni


Steve ang mga natira gamit ang M-16 na may silencer upang maiwasan ang muli nilang
pagbalik.

Pinuntahan niya ang kotse upang tignan kung nasa loob sila Vivian at Brielle pero
pagbukas niya ng pinto ay walang tao sa loob.
Naisipang tawagan ni Steve si Vivian gamit ang cellphone niya

RIINNNGGG....

"Hello?" sabi ng kabilang linya

"Vivian si Steve to nasaan kayo?" tanong ni Steve

"Nandito kami sa **** street kasama ni Timothy.Hinahabol kami ng mga zombie!" sabi
ni Vivian na halatang sa boses ang pagod

"A-a-ano! Bakit di kayo nanatili sa kotse!?" galit na sabi ni Steve

"Manatili!? Baliw ka ba? Paano kung mapasok nila yung kotse?" sigaw ni Vivian sa
kabilang linya
"Basta hayaan mo na! Saan tayo magkikita?" sabi ni Steve

Panandaliang nawala ang boses ni Vivian.Sigurado siyang nag-uusap sila ni Timothy


sa lugar na pagkikitaan nila ni Steve

Muling bumalik ang boses ni Vivian sa kabilang linya ng cellphone at sinabing "Sa
parking lot malapit sa mall,Dun mo kami puntahan."

Di na nagpatumpik-tumpik si Steve at pumasok sa loob ng kotse

Ipinasok niya ang susi sa kotse pero imbis na umandar ay walang nangyari.Ilang
beses pang sinubukan ni Steve ang pagpapaandar ng kotse pero di parin nag-start ang
makina
"Buwisit!!" sigaw ni Steve at sinuntok ang manibela sa sobrang inis.

Lumabas si Steve sa kotse at nagsimulang maghanap ng kahit anong sasakyan upang


mailigtas sila Timothy.

Napadpad siya sa isang malaking garage na bakal ang pinto at nakakadena.Binaril


niya ang kadena kaya nabuksan niya ito

Madilim ang loob kaya naman ay hinanda niya ang kanyang baril.Ilang sandali lang ay
nabuksan niya ang ilaw.

Napangiti si Steve sa bumungad sa kanya.


***********************************************************************************
****

Patuloy sila sa pagtakbo habang ang mga zombie na humahabol sa kanila ay parami ng
parami.

Panandaliang tumigil si Timothy at binaril sa ulo ang ilang zombie sa kumpol pero
tila hindi ito nauubos.

"Doon tayo!" turo ni Vivian sa mall

"Sige" maikling sabi ni Timothy


Dumerecho sila sa mall pero kinailangan nilang basagin ang pinto upang
makapasok.Dali-dali silang umakyat sa 2nd floor at nakita nila na ang mga zombie na
ngayon ay nagsta-stampede papasok sa loob ng establishimento.

"Andoon yung entrance ng Parking complex!" turo ni Vivian sa isang pinto sa 3rd
floor

"Ate paakyat na sila!" sigaw ni Brielle habang tinuturo ang isang hagdanan.

"Kailangan nating magmadali! Inaakyat na nila pati yung mga escelator!" sabi ni
Timothy

Umakyat na sila sa ikatlong palapag samantalang ang ilang zombie ay nasa ikalawang
palapag na.Narating nila Timothy ang pinto papuntang parking lot at dali-daling
tumakbo papasok dito.

"Ano na?" tanong ni Timothy


"Sabi ni Steve pupunta siya dito!" sabi ni Vivian na halata ang takot sa mukha

"Pero parating na s - -" di natapos ni Timothy ang sasabihin dahil narinig niya ang
daang-daang ungol na papunta sa kinalalagyan nila

"Kailangan nating makaalis dito!" sabi ni Vivian

"Sa Unang palapag" sabi ni Timothy

Pumunta sila sa rampa pababa ng 2nd floor samantalang ang mga zombie ay nakalabas
na sa parking lot sa 3rd floor.

Bumaba sila sa unang palapag ng parking complex at pumunta sa bungad ng entrance


pero isang kumpol ng mga zombie ang humarang sa labasan.
"Sh*t" bulalas ni Timothy

"Bumalik tayo!" sabi ni Vivian

Aakyat na sana sila pero biglang sumulpot ang mga zombie na galing sa ikalawang
palapag ng parking complex.Naharangan nila ang lahat ng labasan kaya na-corner
silang tatlo.

Binaril ni Timothy ang lahat ng mga zombie na lumalapit sa kanila hanggang maubusan
siya ng bala.

"Ilan na lang yung bala sa baril mo?" tanong ni Timothy

Kinuha ni Vivian ang magazine mula sa kanyang baril at tinignan ang natitirang bala
nito
"T-t-tatlo na lang" sabi ni Vivian

"A-a-ate natatakot ako" naiiyak na sabi ni Brielle

"Ssssh wag ka mag alala" sabi ni Vivian at itinutok ang baril sa ulo ni Brielle

"Magiging ok lang ang lahat." sabi ni Vivian habang may tumulong luha sa kanyang
pisngi

Akmang ipuputok ni Vivian ang baril ng biglang may dumating na isang malaking
sasakyan sa entrance ng parking lot at sinagasaan ang lahat ng mga zombie

"Ano yan tangke!?" gulat na sabi ni Timothy


[A/N: Di po talaga siya tangke.Isa po siyang A.P.C]

Lahat sila ay nabigla ng makita ang tangke na sinasagasaan ang mga zombie na
malapit sa kanila.Lalo nilang ikinagulat ng bumaba ang driver mula sa sasakyan

"Steve!?" sabi nilang tatlo

"Bakit nakatunganga lang kayo diyan? Sakay na!" sabi ni Steve

Sumakay na silang apat sa tangke tapos ay pinaandar ito ni Steve palayo sa mall.

"Sa Clark pa rin?" tanong ni Steve habang nagmamaneho

"Wala na akong alam na ligtas na lugar bukod doon.Mas mabuting puntahan na natin
iyon" sabi ni Vivian
"Maghanap kaya tayo ng pagkain tsaka tubig?" suhestyon ni Timothy

Napansin nila na pilit inaabot ni Brielle ang radyo.

"Bril bakit?" tanong ni Timothy

"Buksan natin yung radyo para may music!" sabi ni Brielle

Pinindot ni Steve ang on button ng radyo pero imbis na musika ay isang balita ang
lumabas mula dito
'Mga Minamahal naming mamamayan.Ito ang inyong presidente.Ikinalulungkot kong
sabihin na sa ala-sais imedya ng gabi ay sisimulan na ng Philippine Air Force ang
pagbomba sa buong Maynila.Gagawin namin ito upang maiwasan ang pagkalat ng epidemya
sa iba't ibang bahagi ng bansa.Sinasabihan namin ang mga natitirang buhay na umalis
ng Metro Manila hangga't maaga pa.Kaawan sana tayo ng diyos'

Lahat sila ay napanganga sa sinabi ng balita.Ilang segundo rin sila napatunganga


hanggang magsalita si Steve

"U-uhm kukuha pa ba tayo ng pagkain?" sabi niya

Tinignan ni Timothy ang relo sa kanyang kanang kamay.

"3:45 na" sabi niya


"Kailangan na nating umalis ng maynila" sabi ni Vivian

Tumunog ang tiyan ni Brielle senyales ng kanyang gutom

"Wala na tayong pagkain?" tanong ni Brielle

"Sensya na Bril" sabi ni Timothy "Mamaya pa tayo makakain"

Naintindihan naman ni Brielle ang sitwasyon kaya tumahimik na lang siya

"Sa NLEX tayo dumaan para deretso" sabi ni Steve


Binagtas nila ang kalsada ng Metro Manila na punong-puno ng mga zombie at sasakyang
wasak.Bakas sa kanila ang kalungkutan habang binabagtas nila ang daan palabas dito

"Nakakamiss din pala yung traffic" pagbibiro ni Steve

"Mas pipiliin ko pa yung mga bastos na drayber tsaka korap na MMDA kaysa ganito"
dagdag ni Vivian

Nakatulog naman si Brielle dahil na rin sa sobrang pagod kaya naman ay di na niya
muna ininda ang usapan ng tatlong kasama niya.

Nagising na lang siya na nakapreno ang sasakyan nila sa tapat ng isang Toll gate.

"Nasa Labas na tayo ng Maynila" sabi ni Steve


"Mukhang pagod ka na.Ako muna ang magmamaneho" pagpepresenta ni Timothy

Bago pa makasagot si Steve ay nakarinig sila ng mga pagsabog.

"Ano yon!?' gulat na tanong ni Vivian

Bumaba silang apat mula sa sasakyan upang malaman ang pinanggalingan nito.Nakita
nila ang napakaraming eroplano sa kalangitan na naghuhulog ng daang daan bomba na
sumasabog kasabay ng paglubog ng araw

"Diyos ko po" sabi ni Vivian at napatakip sa kanyang bibig


"Kailangan na nating umalis" sabi ni Steve tsaka itinuro ang iilang zombie na
papalapit sa kanila

Muli na silang umarangkada papuntang Clark upang makahanap ng isang ligtas na


lugar.Bakas sa kanilang mukha ang pagod.

"Pahinga muna tayo" suhestyon ni Vivian

Ipinark ni Steve ang sasakyan sa gilid ng kalsada upang makaiglip kahit sandali.

Pagkaraan ng ilang oras ay nagising si Timothy dahil sa ingay ng isang sasakyan


Nakita niya ang isang truck na nakaparada sa kanilang harapan.

Bumaba mula sa truck ang ilamg armadong kalalakihan

Ginising niya ang mga kasama niya pero nabigla siya ng maramdaman niya ang isang
baril na nakatutok sa kanyang ulo

"Sayang naman tong tangke kung sa mga tangang kagaya niyo lang mapupunta.Mas
mabuting sa amin nalang para mas magamit mabuti" sabi ng boses sa kanyang likuran
Nagising ang iba pero hindi pa man sila nakakagalaw ay tinutukan na sila ng baril
ng misteryosong lalaki

Pumasok naman ang ibang kalalakihan sa loob tsaka itinutok rin ang kani-kanilang
baril sa kanila.

"Welcome sa Pampanga" sabi ni Lalaki habang nakangiti ng masama

***********************************************************************************
****
A/N: Pasensya na kung maiksi

##################################

~~Chapter 7: Captured~~

##################################

Chapter 7: Captured

Ramdam ni Timothy ang kaba sa kanyang dib-dib habang nakatutok ang baril ng lalaki
sa kanyang mukha

"Labas!" sabi ng lalaki sa kanilang apat

Bumaba sila mula sa sasakyan at nakita nila ang di baba sa labinglimang tao ang
nakatutok ang baril sa kanila.
"Itali niyo sila" utos ng lalaki sa kaniyang mga kasamahan

Kumilos ang ilang sa mga tao at sinimulang itali silang apat.Inuna si Steve,sunod
si Vivian at Timothy.Itatali sana ng isa sa mga lalaki si Brielle pero umangal si
Timothy

"Wag niyo na siyang itali!" sabi niya

Binaliwala lang ang kanyang pakiusap at itinuloy ang pagtali.Pati bibig niya ay
tinalian.

Pero mas ikinabigla nilang tatlo ang sunod na ginawa ng lalaki kay Brielle.Sinipa
niya siya sa tiyan na naging dahilan para ito ay umiyak kahit nakabusal ang bibig
"HAYOP KAAA!!!!" galit na sigaw ni Timothy

"Bata lang siya! Bakit niyo ginawa iyon!" sigaw ni Vivian

"MGA G*GO KAYO!" sabi ni Steve

"Para magkaintindihan tayo" sabi ng lalaki tsaka sinabunutan si Brielle

"Pag sinubukan niyong tumakas o may gagawin kayong masama" sabi niya at naglabas ng
kutsilyo tapos ay itinutok ito sa mata ng kanyang hostage "Mata ng batang ito ang
kabayaran...... Maliwanag?!"

Halos manginig na sa galit silang tatlo pero pumayag rin sila para sa kapakanan ng
bata.Pinasakay silang apat sa isang truck tsaka pinaandar ito patungo sa lugar na
hindi nila alam.
Kahit nakatali ay lumapit si Timothy kay Brielle na patuloy pa rin sa pag iyak.

Ilang sandali pa ay tumigil na ang sasakyan.Pumunta sa likod ang ilang lalaki upang
kunin silang apat.

"Labas na kayo diyan!" sigaw ng isa sa mga humuli sa kanila

Pinalabas silang apat mula sa likod ng truck.Tumambad ang isang malaking bodega na
binarikadahan ng barbed wire at mga bantay na nagmamatyag mula sa bubong.

"O sino itong mga to?" tanong ng isang lalaki na lumabas mula sa bodega

"Nahuli namin sila doon sa NLEX...Isipin mo boss may dala silang tangke!" sabi ng
kausap niya
"Tangke?...Mukhang swerte tayo ha!" masayang sabi ng lalaki tsaka pinuntahan ang
kanilang mga bagong huling bihag

"Kamusta nga pala kayo! Maligayang pagdating sa headquarters ng Blue Phoenix Gang"
bati ng isang lalaki

"Sino ka? Tsaka ano yung Blue Phoenix Gang na pinagsasabi niyo at ano bang gagawin
niyo sa amin!?" sabi ni Steve na halata ang inis sa mukha

"Easy lang pare! Mahiya ka naman sa chicks na kasama niyo at ako nga pala si
Kiefer" sagot ng lalaki

Hinawkan ni Kiefer ang mukha ni Vivian at nilapit ang mukha na parang hahalikan
pero marahas na iniwas nito ang mukha

"T*NG INA! Ilayo mo sa kin yang mukha mo kundi babasagin ko yan" galit na saad ni
Vivian
"Chill ka lang babes at Watch your mouth......May bata dito" natatawang saad ni
Kiefer

"Kapal mo ring sabihin yan pagkatapos niyong tadyakan siya!" sabi ni Vivian habang
pumapalag

"Ako? Tinadyakan?.....ay naku naman Ernie ungas ka talaga" sabi ni Kiefer habang
nakangiti

"Ayaw magpatali ng bubwit kaya pinatahimik ko" sabi ni Ernie at lumapit kay Brielle
tsaka itinutok ang hawak niyang kutsilyo sa leeg nito

"WAAAAG!!!" sabi nilang tatlo


"Itigil mo na nga yan" sabi ni Kiefer

Lumapit ang isa sa mga underling ni Kiefer kay Vivian tsaka hinalikan ito pero agad
niyang tinuhod ito sa kanyang pribadong parte na naging dahilan para mapagulong
siya sa sakit

"HAHAHAHAHAHAHA!!!!!!"umalingawngaw ang tawanan ng lahat maliban sa mga bihag

'Kawawa ka pre!'

'Tanga!'

'Epic fail!'

Tumayo ang lalaking kanina lang ay nagpapagulong dahil sa sakit at bumunot ng


kutsilyo,tinangka niya sugurin si Vivian pero napigilan siya ni Kiefer

"Tama na yan Jeffrey! Di pa nga napagpepyestahan papatayin mo na? Sayang ang ganda
pa naman." sabi ni Kiefer habang nakangiti tapos ay nagpalabas siya ng utos

"Dalhin niyo yung babae sa kuwarto tapos sa imbakan naman yung dalawang lalaki
tsaka yung bata!"

Kaagad na kinaladkad si Vivian papasok ng bodega samantalang sila Steve,Timothy at


Brielle ay

dinala sa imbakan at kinulong

"BUWISIT!!!" galit na sabi ni Timothy


"K-K-kasalanan ko ito" naiinis na sabi ni Steve

"Wala kang kasalanan kuya" sabi ni Brielle

Bumuntong hininga si Timothy at napasandal na lang sa pader habang nakatakip ang


dalawang kamay sa kanyang mukha.

Nakadama siya ng isang matulis na bagay sa kanyang taligiran.

Nakita niya ang isang kutsilyo na nakalapag sa gilid niya.Kinuha niya ito tapos ay
pinutol ang tali ng kanyang kamay.Pagkakawala ay kinalagan din niya si Steve st
Brielle

"Anong plano natin?" tanong ni Steve


"Di ko alam.Pero ang inaalala ko ay si Vivi.Di ko alam kung anong gagawin nila sa
kanya" kinakabahang sabi ni Timothy

Lumapit si Brielle sa pinto at sinubukang kalampagin ngunit walang nangyari

"Baka may ibang paraan?" sabi ni Steve

"Paano?" tanong ni Timothy

Pumunta si Steve sa kabilang sulok ng imbakan tapos ay may kinuhang pala

"Maghuhukay ka palabas"? tanong ni Timothy

"Maghuhukay? Engot ka ba? Simento yung sahig" sagot ni Steve


"Ano ba talagang gagawin mo diyan?" tanong ulit niya

Di na sinagot ni Steve ang tanong ni Timothy imbes ay ipinasok niya ang tusok ng
pala sa isang siwang sa pader tapos ay inuga-uga ito.

"Mukhang maluwang na tong parteng to" sabi ni Steve.Napangiti si Timothy at Brielle


sa narinig

"Timothy kunin mo yung isang pala tapos,Tulungan mo ko dito sa siwang ng pader"


utos ni Steve

Di na nagpatumpik-tumpik pa sila at tinibag ang pader.Buti na lang at umuulan kaya


di naririnig ng mga guwardya ang tunog na nililikha ng pagtakas nila

Ilang sandali pa ay natibag ang pader at kahit nababasa silang tatlo ay umalis na
sila palayo sa imbakan at bodega
"Paano si Vivian?" tanong ni Timothy

"Di nila dala yung tangke,Sigurado akong nandoon pa iyon" sabi ni Steve

"ACHUUUUUUU!" bahing ni Brielle

Kinarga siya ni Timothy habang patuloy silang naglalakad sa madilim at masukal na


gubat.Di nila alintana ang lamig at pagkabasa.

Ilang sandali lamang ay nakalabas na sila sa gubat.Tumila na rin ang ulan na


nagpapaginaw sa kanila

Sinundan nila ang kalsada hanggang makarating sila sa kanilang kinaroroonan nila
kanina

"Sigurado ka bang andito pa iyon?" tanong ni Timothy


"Di ko alam" sabi niya,"Baka kinuha na nila"

"Paano natin ililigtas si Vivian!?" nagpapanic na si Timothy.Nakaramdam siya ng


mahinang paghila sa kanyang pantalon.Nilingon niya ito at nakita si Brielle na
nakaturo sa isang bagay

"Ano yun Bril?" tanong ni Timothy tsaka niligon din ito

Isa pala itong dump truck na nakaparada sa gitna ng daan.

"Sakyan natin para mailigtas si Ate Vivi!" masiglang sabi niya

"O sige pero- - -"

"Timothy!" sigaw ni Steve


"Bakit!?" tanong ni Timothy

"May problema tayo" sabi ni Steve tsaka may itinuro sa dulo ng kalsada

Laking gulat ni Timothy at Brielle na makita ang isang buong swarm ng mga zombie na
papalapit sa kanila

"Takbo!" sigaw ni Timothy pero hindi natinag ang dalawa niyang kasamahan,"Ano
tutunganga lang kayo diyan!?"

"Alam ko na kung paano ililigtas si Ate Vivi!" excited na sabi ni Brielle

"Teka paano?" tanong nina Steve at Timothy


"Di ba sinusundan ng mga zombie yung tunog?" sagot niya

"Oo alam namin yung Bril pero - -" akmang sasagot si Timothy pero binara siya ni
Brielle

"Patapusin niyo muna ako!" pagmamaktol ni Brielle

"Pakibilisan lang Bril kasi palapit na sila" pagpapatungkol ni Steve sa mga zombie
na ngayon ay ilang dipa nalang ang layo sa kanila

"O sige diba sinusundan ng mga zombie yung tunog? Edi pasunurin natin sila hanggang
doon sa base ng kalaban para maging busy sila habang nirerescue natin si Ate Vivi!"
sabi ni Brielle habang nakangiti

Di makakilos sila Timothy at Steve.Halata sa kanilang mukha ang gulat sa planong


nabuo ni Brielle
"Mga kuya? Bakit pa kayo nakatungnga eh palapit na sila" sabi ni Brielle

Tumakbo ng ilang sandali silang tatlo.Nang nasigurado nila na malayo na sila sa mga
zombie ay nagusap silang tatlo

"Ano kuya,Maganda ba yung plan ko?" sabi ni Brielle

"Uh-uhm" di makasagot si Steve

"Ok naman pero di kasya ang kotse sa gubat" sabi ni Timothy

"Edi motorbike nalang!" sabi ulit ni Brielle,"Ayun oh!"


Tumakbo si Brielle papunta sa dalawang motorsiklo habang si Timothy at Steve ay
naguusap

"Sigurado ka ba sa plano?" tanong ni Steve

"Kung may mas magandang sanang plano ay tatanggihan ko to.Ang kaso kulang na tayo
sa oras" paninigurado

"Mmmmmmmmmmmmmmmggggggggggggggggggggggggaaaaaaaaaaaaaa
Kuuuuuuuuuyyyyyyyyyyyyyyaaaaaaaaaaa!!!!!!!!!!!" sigaw ni Brielle,"Tayo na!"

Sinakyan ni Timothy at Brielle ang isang bike samantalang sinakyan ni Steve ang isa
pa.

Habang sakay ng motor ay lumapit sila sa pulutong ng mga zombie at nagsisisigaw pa


makuha ang atensyon ng mga to
Ang buong pulutong ng mga zombie ay nagsimulang sundan ang pinanggalingan ng ingay
na inaakala nilang pagkain.Pinaharurot nila ang sasakyan papunta sa kuta ng Blue
Pheonix Gang.

Pero tumitigil sila panandalian upang muling akitin ang mga zombie

Ilang sandali lamang ay natanaw na nila ang kanilang destinasyon.Lumapit sila sakay
ang motor pero di pa man nakakalapit ay sinalubong sila ng ilang bantay at
tinutukan ng baril

"Ang tanga niyo naman dahil naisipan niyo na bumalik pa dito!" bulyaw ng isang
guwardya sa kanila

"IBALIK NIYO SA AMIN SI VIVIAN!" sigaw ni Timothy


"Oo nga!!'Ibalik niyo si Ate Vivi!" sigaw ni Brielle

"Vivian?" tila walang muwang na tanong ng bantay ngunit bigla itong ngumiti na tila
nang-aasar ,"Yung babae ba na kasama niyo? Bakit namin siya ibabalik? Di pa nga
namin siya tinitikman.Sayang naman kung ibabalik lang siya sa mga asungot na
katulad niyo!" sigaw ulit nito

"Barilin mo na nga yang mga yan!" galit na sigaw ng isang lookout

Tinutok ng isang bantay ang kanyang baril sa kanila

"O ano may sasabihin pa ba kayo bago namin kayo butasan ng pagkarami-rami?" tanomg
niya habang nakangiti ng pangdemonyo

"Pwedeng hintayin namin yung mga kasama namin?" sabi ni Timothy at ngumiti rin
"Anong kasama? Wag niyo nga akong - - -" akmang sasabihin ng bantay pero napatigil
siya

Mula sa kadiliman ng kakahuyan ay lumabas ang daang-daang zombie na marahang


naglalakad papunta sa kanila piyesta

"Ayan na ang mga kasama namin" sabi ni Timothy tsaka sinapak ang bantay dahilan
para mawalan siya ng malay.

Napuno ng sigawan at putukan ang buong lugar dahil sa pagpapaputok ng mga lookout
at pagka-alerto ng iba pang gang na nasa loob
"Steve,Bril hanapin niyo yung tangke.Ako na ang magliligtas kay Vivian sa loob"
utos ni Timothy sa mga kasama

Nagmadali na silang tatlo upang magawa ang kanilang kailangang gawin

##################################

~~Chapter 8 : Escape~~

##################################

Chapter 8 : Escape

Huling nakita ni Vivian na tinutulak ang tatlo niyang kaibigan samantalang siya ay
kinakakaladkad papasok ng bodega.Patuloy siyang pumipitlag kahit alam niya sa
sarili na wala na itong magagawa

"Sh*t ang bango mo" sabi ng lalaking nakahawak sa kanya


"Bitawan mo ko!" galit na saad ni Vivian

Ilang sandali lang ay pumasok na si Kiefer.

"Excited ka? Don't worry dadalhin kita sa langit mamaya kaya hintay lang ok?" sabi
niya

Imbis na sumagot si Vivian ay dinuraan niya lang sa mukha si Kiefer.Sinampal naman


siya nito tapos ay pinunasan ang kanyang mukha tapos ay lumapit sa kanya at
sinabunutan gamit ang isang kamay nito.

"Ang tapang mo,Pero pag natikman na kita siguradong mawawala yang apog mo" sabi
niya tsaka hinalikan ng marahas si Vivian
"Hmm-Hmmm Bitiw-Hmm!!!!" sabi ni Vivian habang iniiwas ang kanyang mukha upang
maiwasan ang halik ni Kiefer

Ilang sandali lang ay tumigil na sa paghalik si Kiefer at humarap sa kanyang


underling.

"Dalhin mo na to sa kuwarto ko! Pag nakawala yan ulo mo ang mawawala sayo!
Maliwanag!?" sabi ni Kiefer

"Opo master" paninigurado ni underling niya

Tumalikod si Kiefer at naglakad papalayo kay Vivian.

Kinaladkad naman ng underling si Vivian papuntang kuwarto.


"Kung sa tingin mo magiging ayos na ang lahat pagkatapos sayo ni Master ay
nagkakamali ka,Tandaan mo marami pa kaming titikim sayo" pangbabanta ni underling
sa kanya.

Umaakyat sila ng hagdan ng biglang apakan ni Vivian ang paa ng kaniyang


bantay.Dahilan para mahulog ito at magpagulong-gulong ito sa hagdan at mabagok ang
ulo

Sinamantala ito ni Vivian at tumakbo palayo pero di pa man siya nakakalabas ay


nakarinig siya ng isang boses sa kanyang likuran.

"At saan ka pupunta?" sabi ng boses sa likod

Di na ito nilingon ni Vivian dahil kilala niya kung sino ito.Tumakbo siya palayo
dito at dumeretso sa isang madilim na storeroom at nagtago sa likod ng isa sa mga
shelf

Ilang sandali lang ay pumasok si Kiefer sa loob ng storeroom at nagsalita na tila


naglalaro.

"Vivian ang pangalan mo di ba?" sabi niya

"Vivian,Labas ka na diyan.Promise ko sayo na dadahan-dahanin lang kita mamaya sa


kama pag lumabas ka" pangaasar nito

Ngunit di natinag si Vivian.Kahit alam niya na malapit na si Kiefer ay di siya


kumilos.Imbes ay tinakpan niya nalang ang bibig upang di siya marinig nito
Maya-maya ay narinig niya ha bumukas ang pinto ng storeroom.Senyales na lumabas na
si Kiefer.

Dahan-dahan siyang lumabas at nagmasid sa buong kuwarto.Nang masigurado niya na


wala ng tao ay lumabas na siya at naglakad papunta sa pinto

Ngunit biglang may sumabunot sa kanya sa likod.Iniharap siya tapos ay limang beses
na sinampal ng malakas tapos ay inihagis sa sahig.

"Sa tingin mo ba makakaalis ka dito agad-agad" sabi ni Kiefer tsaka kinaladkad sa


buhok ang pumapalag-palag na si Vivian

Pagdating sa kuwarto ay ni-lock niya ang pinto habang hawak pa rin si


Vivian.Pagkatapos ay itinulak niya sa kama si Vivian at hinubad ang suot niyang
pang-itaas.
Pagkatulak kay Vivian sa kama ay sinubukan niyang tumayo pero agad na pumatong sa
kanya si Kiefer

Nagpupumitlag siya at pilit na itinutulak pero kinuha ni Kiefer ang mga braso ni
Vivian at ipinatong sa kama habang nakahawak ang dalawa niyang kamay upang di ito
makapalag.Inipit di niya ang mga binti ni Vivian gamit ang sariling mga binti

Nagpumiglas si Vivian hanggang tuluyan siyang mawalan ng lakas lumaban.Pumatak na


lang ang kanyang luha habang tuluyan ng nahubad ni Kiefer ang kanyang mga damit at
natira na lang sa kanya ay kanyang pangloob.Itinali niya ang dalawang kamay ni
Vivian sa gutter ng kama

Akmang tatangalin na niya ang bra ni Vivian pero biglang may kumatok ng malakas sa
pinto

"Boss! Boss!" sigaw ng boses sa likod ng pinto


Galit na tumayo si Kiefer mula sa kama at padabog na naglakad papunta sa pinto at
marahas na binuksan ito

"Bakit!" galit na sabi niya

"Boss nakatakas yung tatlo!" sabi ng underling

Ngunit imbis na magalit ay tila wala itong narinig.

"Hayaan mo na yung mga yon tutal hawak naman natin yung tangke nila" paninigurado
nito,"Umalis ka na may ginagawa pa ako"

Bumalik si Kiefer kay Vivian na ngayon ay tinakpan ang kanyang mukha ng unan.Inalis
ni Kiefer ang takip ng mukha niya at hinalikan ito sa labi

"Wag mo itong gawin please" mahinang bulong ni Vivian


Hindi sumagot si Kiefer. Imbis ay muling hinalikan niya ang leeg ni Vivian at
dahan-dahang bumaba ang halik niya sa dib-dib ni Vivian

Inalis niya ang mga labi mula sa Dib-dib ni Vivian at akmang tatangalin ulin ang
bra pero bigla siyang nakarinig ng mga putok ng baril.

"Ano na naman!?" mahinang bulong niya pero halata ang galit sa boses

Tumayo siya sa kama at sinuot ang kanyang pang-itaas.Kinuha niya ang kanyang baril
at kinasa ito.Dumako siya kay Vivian at hinalikan ito sa labi at bumulong.

"Mamaya dadlhin kita sa langit,Kaya hintay lang" sabi niya

Tinignan siya ni Vivian ng hindi lumingon.Napangiti si Kiefer dahil ang kanina'y


matapang na tigre ay naging isang mahinhing tupa.Lumabas siya ng kuwarto na dala
ang ngiting iyon.
Di pa rin makaalis si Vivian dahil sa tali sa mga kamay niya at dahil nawalan na
rin siya ng lakas nong sinubukan niyang makawala kay Kiefer kanina

"T-Timothy t-t-tulong" bulong niya ng mahina at pagkasabi niya noon ay dumaloy ang
luha mula sa kanyang mata.

Naglalakad si Kiefer ng biglang may humampas sa kanyang ulo.Napadapa siya ng


tuluyan pero hindi siya nawalan ng malay.Nilingon niya kung sino ito at nakita niya
si Timothy na naglalakad palayo sa kanya

"Gago ka!" sabi ni Kiefer at bumangon tsaka sinugod si Timothy na naging dahilan
para tumumba siya

Tinutok ni Kiefer ang hawak niyang baril kay Timothy


"Baliw ka rin para bumalik dito no?" sabi niya

"Di naman, Babalikan lang namin ang isang tao na nakalimutan namin" sabi ni Timothy

"Yung Girlfriend mo ba?" sabi niya tsaka pinaputok ang baril na hawak niya

Tinamaan sa balikat si Timothy at bumagsak sa lupa dahil sa sakit.Lumapit si Kiefer


sa kanya at itinutok ang baril sa kanyang ulo

"Pasensya na pero laruan ko na siya" sabi ni Kiefer

Babarilin na sana niya si Timothy pero sinipa siya na nito sa binti na naging
dahilan para mapaluhod ito at mabitawan ang baril na hawak niya. Tumayo siya at
kinuha ang baril na nakalapag sa sahig at itinutok ito kay Kiefer

"Ano itututok mo lang sa akin yan?" sabi ni Kiefer

Hindi na sumagot si Timothy at binaril si Kiefer sa ulo na agad na ikinamatay nito.


Umakyat siya at hinanap si Vivian sa mga kuwarto. Apat na kuwarto na ang nabubuksan
niya pero di pa rin niya nakikita. Ng buksan niya ang kuwarto sa dulo ng corridor
ay nakita niya sa wakas ang kaibigan.

"Vivian!!" sabi ni Timothy

"Tim-" mahinang sabi ni Vivian

Kinalagan ni Timothy ang mga tali ni Vivian at napayakap siya dito habang umiiyak
si Vivian.Medyo namula si Timothy dahil halos walang saplot ang babaeng yumakap sa
kanya

"Tahan na" sabi ni Timothy habang pinapatahan so Vivian,"Kailangan na nating umalis


dito."
Nakita ni Timothy ang isang cabinet sa dulo ng kuwarto. Nang buksan niya ito ay
puro damit pang-lalaki ang nakita. Kinuha niya ang isang itim na pantalon at
leather jacket tsaka iniabot kay Vivian.

"Ito lang ang meron kaya suotin mo na" sabi niya sa kanya

Di na umangal si Vivian at sinuot ang pantalon at Jacket. Sakto laman ang sukat
nito sa kanya kaya naman ay kumportable siya.

Lumabas sila sa ng kuwarto at bumaba ng ikalawang palapag. Pagkababa nila ay


nakakita sila ng tatlong zombie at pinatay sila ni Timothy gamit ang baril na
nakuha niya kay Kiefer.

Pagkalabas nila ay mas magulo ang nadatnan nila. Maraming gangster ang bumabaril sa
mga zombie na ngayon ay nabawasan na ng kalahati dahil sa mga sniper sa bubong na
hindi maabot ng mga halimaw na ito.
Samantala nakita na nila Steve at Brielle ang kanilang tangke. Pumasok na sila dito
at pinaandar ang makina. Sakto naman na may sampung gangster na nakaharang sa
kanilang daanan habang nakatutok sa kanila ang mga baril ng mga ito.

"Kuya subukan natin yung baril nitong tangke!" sabi ni Brielle

Di na sumagot si Steve. Imbis ay lumingon siya kay Brielle at ngumiti ng tila may
gagawing kalokohan.

"Bumaba kayo diyan sa tangke!!!" sabi ng isa sa mga gangster

Inabot ni Steve ang mga kontrol ng baril ng tangke at itinutok ito sa mga
nakaharang sa kanila. Napaatras ang mga gangster dahil sa takot.
"Asan na yung pinagmamalaki niyo mga ungas !!!" sabi ni Steve

Biglang pinagbabaril ng mga gangster ang tangke ngunit wala itong epekto dahil sa
kapal ng bakal nito. Pinindot ni Steve ang trigger at rumatrat ang machine gun ng
kanilang sasakyan

Wala pang isang minuto ay patay na ang lahat ng mga gangster na nakaharang sa
kanilang daan. Pinaharurot na nila ang sasakyan nila palabas ng garahe habang
nasagasaan ang katawan ng mga humarang sa kanilang daan kanina.

Patuloy pa rin sa pagpapaputok si Steve habang hinahanap sila Timothy at Vivian.


Inaasinta niya ang mga sniper sa bubong upang hindi sila mabaril pagbaba at
inaararo naman niya ang parehong mga zombie at gangster na nagpapatayan .

Sila Timothy at Vivian naman ay hinahanap din ang lokasyon ng tangke. Pumulot sila
ng mga armas at binabaril ang mga zombie at gangster na makita nila.
"Bakit ang daming zombie!?" pasigaw na tanong ni Vivian

"Ideya lahat to ni Bril!" sigaw na sagot ni Timothy

"ANO!!!??" gulat na reaksyon ni Vivian," Si Bril ang nakaisip ng lahat ng ito?"

"Gulat din kami pero mamaya na natin pag-usapan yan pag nakaalis na tayo ng buhay!"
sabi ni Timothy at itinutok ang hawak na baril sa isang zombie na papalapit sa
kanila tsaka ipinaputok ito.

Nagulat sila ng may marinig silang machine gun. Iba ito kaysa sa tunog na mga baril
sa paligid nila dahil halatang malaki ang baril na ito.Sumulpot ang isang malaking
sasakyan na bumabaril gamit ang malaki nitong armas sa lahat ng makita nito.

"Steve!!" sabi ni Timothy


"Steve!!" sabi ni Vivian

Napansin naman sila ni Steve at ipinarada ang tangke sa harap nila.

"Tunganga ulit? Sakay na!" sabi ni Steve

Sumakay nalang ulita ang dalawa sa loob ng tangke. Pinaandar ito ni Steve papalayo
sa lugar ng labanan.

Habang papaalis sila ay nakita nila na nanalo na na ang mga zombie laban sa mga
gangster...Napabuntong hininga nalang silang apat.

Maya-maya pa ay nakarating na sila ulit sa NLEX. Dahil ang lahat ng mga zombie sa
kanilang paligid ay nakikipaglaban sa Blue Pheonix gang,wala silang nasalubong ni
isa man lang sa kanilang daanan.
Habang bumibiyahe ay napag-usapan nila ang plano ni Brielle noong gabing iyon.

"Si Bril talaga ang nagplano noon kagabi!?" sabi ni Vivian

"Sssssshhhhh" sabi ni Timothy habang itinuturo si Brielle na himbing na himbing sa


pagtulog,"Napagod ata"

"Pero siya talaga iyon?" bulong sabi ulit ni Vivian

"Maski kami rin ay nagulat sa plano niya, Di namin akalain na manggaling sa kanya
ang ganoong ideya" bulong din ni Timothy,"Kahit ganoon yung ideya niya, Successful
naman ang resulta"
"May pagkasadista rin tong batang to" pabirong sabi ni Steve

Hinampas siya sa braso ni Vivian at hinigit si Brielle papunta sa kanya.


Naalimpungatan siya sandali ngunit nakatulog ulit.

"Matalino lang talaga siya" sabi ni Vivian habang hinihimas ang buhok ng
bata,"Ilang oras pa bago tayo makarating sa Clark?"

"Mga dalawang oras pa kung di tayo hihinto" sabi ni Steve

"Deretsohin na natin hanggang doon." sabi ni Timothy

Dineretso nila ang daan papuntang Clark. Walang bakas ng mga zombie sa kanilang
paligid at napapayapa ng lugar.
Sumikat na ang araw at natanaw nila ang kanilang destinasyon. Mas binilisan ni
Steve ang pagpapaandar ng sasakyan.

Biglang may humarang na truck sa kanilang daanan kaya naman ay napapreno si Steve
dahil sa gulat.

Bumaba mula dito ang mga sundalo na may hawak na mga baril. Napansin nila ang iba
sa mga ito ay may hawak na bazooka.

Kinabahan silang apat dahil magiging mas madali ang pagpapasabog ng kanilang
sasakyan.

"Ako si Sargeant Quinto ng Philippine Army! Bumaba kayo mula sa sasakyan habang
nakataas ang mga kamay kundi papuputukan namin kayo." Sabi ng sundalo sa lapel
"Bababa ba tayo?" tanong ni Vivian

"Sa tingin ko ay wala na tayong magagawa" sabi ni Steve

Bumaba silang apat mula sa tangke at humarap sa mga sundalo habang nakataas ang mga
kamay nila maliban kay Brielle na nakatago sa likod ng binti ni Timothy

"Sino kayo?" sabi ng sarhento

"Ako si Private Steve Reyes ng Philippine marines, Sila naman sila Timothy,Vivian
at Brielle." sabi ni Steve

"Meron ba sa inyong nakagat?" tanong ng sarhento


"Wala po" sabi ni Timothy

"Magpainspeksyon na lang po kayo para sigurado." sabi ng isang babae na bumaba mula
sa Truck. Halata sa kasuotan nito na isa itong doktor.

Ininspeksyon sila Steve at Timothy ng mga sundalo kung may kagat ang mga ito.

Sila Vivian at Brielle ay ininspeksyon din ng doktor na babae.

Ng masigurado ng mga ito na wala silang kagat ay pinasakay sila sa Truck habang ang
tangke ay kinumpiska at minamaneho ng isa mga sundalo.

"Sa tingin mo ay ayos na ang lahat?" tanong ni Vivian


"Sana" sabi ni Timothy

Ilang sandali ang nakalipas ay tumigil ang truck. Narinig nila ang malakas na
pagbukas ng malaking gate. Muling umandar ang truck ng ilang segundo pero tumigil
din ito.

Pumunta ang doktor sa likuran para makita ang mga bagong salta.

"Andito na tayo" sabi ng doktor sa kanila

Bumaba silang apat mula sa truck at nakita nila ang isang malaking base militar.
Kumpleto ito mula sa mga helicopter at mga sundalo na nagpapatrolya sa pader ng
compound.

"Ako nga pala si Dr. Licorice Mendoza, Welcome sa Clark air base" sabi ng Doktor sa
kanila at umalis
"Ihahanap namin kayo ng kuwarto kaya sundan niyo po ako." sabi ng isang sundalo

Sumunod sila sa sundalo papunta sa isa sa mga malaking gusali sa loob ng base.

"Nasaan si Bril?" tanong ni Steve

Nilingon nilang tatlo ang likuran nila. Bumakas sa kanilang mukha ang pag-aalala.

"Boss! May nakita po ba kayong bata na ganito katangkad tapos ay may suot na floral
dress?" tanong ni Timothy sa isa sa mga sundalo
"Nakita ko siya na pumunta doon" sabi ng sundalo sa kanya

Sinudan niya ang tinuro hanggang makita niya si Brielle na kinakausap ang isang
babae na nakatalikod sa kanya.

"Bril!" sabi ni Timothy

"Kuuuuuuyyyyaaaaa Timmy" sabi ni Brielle at tumakbo papalapit sa kanya

Niyakap siya ni Timothy pero di niya napansin ang babae na papalapit sa kanya

"Ang ganda niyang bata no?" tanong ng babae sa kanya

"Ah oo pero ma - - ." di natuloy ni Timothy ang sasabihin ng makita niya ang kausap
niya.
"M-Ma-Ma" nauutal na sabi ni Timothy

***********************************************************************************
*****

##################################

~~Special Chapter:The Doctor's Story~~

##################################

Special Chapter

The Doctor's Story

Akos iDr. Michael Perez, Isang Researcher ng Helios Pharmaceuticals.Inilalahad ko


sa inyo ang pinagmulan ng Gamot na Elixir.Ang gamot na nagsasabing pampahaba ng
buhay ng isang tao sa pamamagitan ng Pagrejuvenate sa Cell regeneration ng isang
tao.Ngunit ang resulta nito ay wala sa aming inaasahan.Mas mabuting basahin niyo
nalang ang pinagmulan nito
6 years Ago

Nasa loob kami ngayon ng Laboratoryo ni Dr.Falneze sa ika-6 na palapag ng


headquarters ng Helios upang subukan sa wakas ang formula na ginawa ng halos buong
buhay niya.Ang formulang ito ayon sa kanya ay may kakayahang magpahaba ng lifespan
ng isang tao

"Doctor we are ready for the test" sabi ko sa kanya

"Ok" at tumawag siya sa intercom ng laboratoryo "Bring the test subject in the
laboratory" sabi niya

Ilang sandali lang ay dumating ang ilang intern kasama ang isang unggoy na
nakagapos sa lamesang degulong

"Doctor the test subject is here" sabi ng intern

"Yes you may leave now" sabi ni Dr Falneze


"Mike ready the formula" sabi niya sa akin

"Yes doctor" sagot ko sa kanya at inihanda ang kemikal na ituturok namin sa


kawawang unggoy.

Kinuha niya mula sa akin ang indeksyon at itinurok ito sa braso ng unggoy na may
ugat para mabilis na kumalat sa katawan nito.

Paglampas ng ilang segundo ay nagsimulang magwala ang unggoy ngunit pinipigilan ito
ng mga gapos niya sa kamay at paa.Gumalaw ng gumalaw ang unggoy hanggang sa mapagod
ito at mamatay

"Doctor the subject is dead" sabi ko sa kanya

"Don't worry Mike it is just a setback we'll get this Right" paninigurado niya sa
akin

"I'll call the interns to clean this up.I Have to go home for my Son's Birthday"
sabi ko sa kanya

"Ok" sabi niya sa akin

Maya-maya ay pumasok na ang mga intern sa laboratoryo at kinalagan ang bangkay ng


unggoy.

Ilalagay na sana nila ang katawan sa body bag ngunit biglang dumilat ang mga mata
nito tsaka kinagat ang intern sa leeg.Nagpanic ang mga kasamahan niya at lumabas ng
laboratoryo samantalang si Dr. Falneze naman ay sinubukang ilagay ang unggoy sa
kulungan at ako naman ay tumawag ng security at mga medic para sa intern na ngayon
ay unti-unting nawawalan ng dugo at namumutla na.

"Get security and medics in the lab now!" sabi ko sa intercom tsaka pumunta sa tabi
ng intern upang tulungan siya sa pagtakip ng sugat

Matagumpay na naikulong ni Dr.Falneze ang unggoy pero bago pa niya maisara ang
hawla ay nakagat siya nito at nahugot mula sa kanyang braso ang isang tumpok ng
pulang-pula na laman
"Sh*t" sigaw niya habang patuloy sa pagdurugo ang kanyang kanang braso

Ilang minuto lamang ang lumipas at dumating ang ilang security guard kasama ang
dalawang paramedic.Kinuha nila ang isang stretcher at inilagay ang intern na ngayon
ay wala ng malay habang binendahan naman ang sugat na tumigil na sa pagdurugo

"Michael come here" sabi ni Dr Falneze sa akin

"What's wrong?" tanong ko

"Look at the test subject" bahagya niya akong nilingon ng makalapit ako tsaka
muling humarap sa hawla ng unggoy

"There are no pupils in his eyes!" sabi ko na may halong pagkagulat

"Our Elixir drug did this" sabi niya na may halong pagkamangha" I wonder how
management will react to this"
"I should go home now my son is waiting for me" sabi ko sa kanila

"Ok I'll look into this development for now" sabi ni dok sa akin

Lumabas na ako mula sa laboratoryo tsaka hinubad ang lab coat ko na nabahiran ng
dugo ng intern kanina.Bumaba ako mula sa 6th floor at inilagay sa day log ang oras
ng pag-alis ko.

Pumunta ako sa parking lot at sumakay ng kotse palayo sa building.

Ilang sandali lang ay nakarating na ako sa bahay ng anak ko at pumasok sa loob ng


bahay nila.

"Mitch andito na ako" sigaw ko mula sa doorway

"Papa kayo po pala!" sabi ni Beatrice ang asawa ni Mitch


Lumabas ang anak ko mula sa kusina tsaka binati ako "Pa kamusta po kayo" sabi niya
habang nakangiti

"Ayos lang ako." sabi ko sa kanila "Kayo kamusta na?"

"Tuloy po kayo sa kusina may sasabihin kami sayo" sabi ni Mitch sa akin

Tumuloy ako sa kusina at nakita ko na nakahanda sa lamesa ang mga pagkaing pinoy
tulad ng adobo,sinigang,kare-kare at binagoongang baboy.Miss ko na ang pagkain ng
mga to

Habang kumakain kami ay kinuwento nila sa akin ang mga bagay na na-miss ko dahil sa
sobrang busy sa trabaho.Naisip ko bigla yung importanteng sasabihin nila kaya naman
tinanong ko na kung ano iyon.
"Anak" sabi ko sa kanya "Ano ba ulit yung sasabihin mo kanina?"

Tumingin sila sa isa't isa tapos ang muling tumingin sa akin at sinabing "Pa buntis
po si Bea! Magiging lolo na po kayo!" sabi niya sa akin

Gumuhit ang ngiti sa aking mukha dahil sa narinig kong balita. Agad akong lumapit
kay Beatrice tsaka niyakap siya

"Mabuti naman!" sabi ko sa kanila

"Pa kamusta na pala yung trabaho niyo?" tanong ni Mitch sa akin

Naisip ko ang nangyari sa laboratoryo pero minabuti ko na wag sabihin sa kanila sa


kadahilanang baka matakot sila.
"Walang nagbago" sabi ko habang nakangiti sa kanila

Maya-maya ay natapos na kami sa pagkain at nagpresenta ako magligpit ng pinagkainan


kahit ayaw nila.Gusto ko lang makabawi dahil hindi ko na sila nabibisita madalas

Bandang 11:30 pm ng magpaalam ako sa kanila.Nagmamaneho ako pauwi sa bahay ng


makatanggap ako ng tawag kaya sinagot ko ito

"Hello?" sabi ko

"Dr.Perez this is Zachary Landers we need you back to the lab now" sabi ng kabilang
linya

"What!? Why?" naguguluhang tanong ko sa kanya

"Just get your ass here!" sabi sa kabilang linya na may halong galit
"I'll be there in a few minutes" sabi ko at binaba ang telepono

Si Zachary Landers ang CEO ng kumpanya.Di ko alam kung bakit ako pinabalik sa
laboratoryo pero nararamdaman ko na hindi maganda ang sanhi noon.

Dumating ako sa building ng bandang 11:45. Napansin ko na di katulad ng umalis ako


maraming guwardya ang armado ng matataas na kalibre ng baril

Hinarang ako ng isang guwardya at itinutok ang flashlight niya sa mukha ko

"Who are you?" tanong niya sa akin

"I'm Dr.Michael Perez.They're expecting me inside" sabi ko sa kaniya

Pinapasok naman nila ako agad.Pinark ko ang kotse tapos dumerecho na ako sa
lobby.Nakita ko si Adam habang nakikipagusap
"Zach!" tawag ko sa kanya

"Good you're here" sabi niya sa akin

"Whats wrong? Why did you call me here?" sunod sunod na tanong ko sa kanya

"Its about your research" kalamadong sagot niya sa akin

Di ko alam kung bakit ako ang tinawag nila dahil assistant lang ako ni Dr.Falneze
kaya naman ay itinanong ko kung nasaan siya

"Where's the doctor?"

"Its better if you come with me" sabi niya tsaka tinapik ang balikat ko.Senyales na
sumama ako sa kanya
Sumakay kami sa elevator at pinindot ang buton sa ika-6 na palapag.Naglalaro sa
isip ko kung ano ba talaga ang dahilan ng pagpapatawag sa akin.

Umilaw ang indicator ng 6.Ibig sabihin ay nasa ika-anim na palapag na kami kung
saan naroon ang laboratoryo namin ni Dr. Falneze

Lumabas kami ng elevator at dumerecho sa laboratoryo.Pagkabukas namin ang pinto ay


bumungad sa amin ang isang malaking bagay na tinatakpan ng puting tela.

"What is that and Where is Dr.Falneze?" tanong ko sa kanya

Lumapit si Zach sa tela at tinanggal ito mula sa bagay na sinasakluban


nito.Bumungad sa amin ang isang tao na nakakulong sa isang malaking selda.Pamiliar
ang mukha nito sa kabila ng punit-punit nitong lab coat at mata na walang kulay
kung hindi puti.Ang mukha naman nito ay tila naagnas at duguan.

Nilapitan ko ito at nagulat ako kung sino ito


"D-D-Dr F-F-Falneze!?" gulat kong sabi

"Now you found him" sabi ni Zach na walang emosyon

"B-b-but h-h-how?!" naguguluhang tanong ko

"Its not just him" sabi niya at sinenyasan ang isang guwardya at panandaliang
lumabas ng kuwarto

Bumalik siya pagkatapos ng ilang sandali dala-dala ang isang stretcher na may taong
nakagapos dito.

"This man is the intern that was bitten by the monkey" sabi niya ,"This man and the
doctor as well as that monkey is now dead"
"But how is this - - " sasabihin ko sana

"Because of Elixir" kalamdong sagot niya

"We need to destroy this project!" sabi ko

Nakita ko na biglang nagbago ang ekspresyon ni Zach mula sa pagiging kalmado naging
galit

"No we will not!" sabi niya "This project has taken a new turn.We can turn them
into weapons.Do you know how much this serum will cost!?" sabi niya na tila isang
batang binigyan ng laruan

Alam ko sa sarili ko na hindi ko na siya mapipigilan.Napabuntong-hininga na lang


ako at humarap sa kanya
"Its your call but I will not join whatever your plan for them is" sabi ko

Pagkasabi ko noon ay tumalikod ako sa kanya tsaka nagsimulang maglakad palayo pero
di pa man ako nakakarating sa pinto ay hinarangan ako ng dalawang guwardya

"I'm sorry Mike but you cannot leave just yet" sabi ni Zach sa akin

"But why!?" sagot ko sa kanya

"You will help us with our new project" sabi niya ulit habang nakangiti

"And if I don't?" tanong ko sa kanya na may halong banta


Ngumiti siya na parang demonyo at lumapit sa akin tsaka may ibinulong sa tenga ko
"Then you won't see your son and his family ever again"

Nanginig ako sa sinabi niya hindi dahil sa takot kundi dahil sa galit

"But why me?! There are people much better than me that is willing to do your
f*cked up plan! I don't understand" bulyaw ko sa kanya

Pero imbis na magalit ay nginitian lang niya ako

"Because you are the only living person who still knows the formula.Our good doctor
erased the data of his formula a few minutes before he became like that" sabi niya
habang nakatingin sa direksyon ng doktor

"If I make the formula again will you leave me and my family alone?" tanong ko
"I'll think about it" sabi ni Adam

"Let me call them first" sabi ko sa kanya

"Just make sure you'll make that formula before this year ends" sabi niya sa tonong
nagbabanta

Tinawagan ko sila Bea at Mitch para sabihin sa kanila na hindi na ako makakapunta
sa kapanganakan ng aking apo.Naintindihan naman nila kahit di ko sinabi ang
dahilan.

Siyam na buwan kong ginawa ang formula ng Elixir hanggang sa umabot ito sa parehong
lebel ng Kemikal na una naming sinubukan.
Nang matapos ko ito ay hiningi ko ang pahintulot ni Zach para mapuntahan ko ang
aking apo.Pinayagan naman niya ako kahit isang araw lang ang leave ko.Masaya na ako
kahit konti lamang ang sandali na makakasama ko ang aking pamilya.Nalaman ko na
babae ang aking apo at Brielle ang kanyang pangalan.Nakasama ko sila at yung ang
importante

Kinabukasan ay muli na akong pumasok sa trabaho.Nalaman ko na ngayon nila susubukan


ang bagong formula sa isang test subject.Pumasok ako sa laboratoryo at nakita ko
ang isang lalaki na naka-lab coat katulad ko

"Who's this?" tanong ko

"This is Dr.Manfredi.He will commence the testing of the formula,So just sit back
and relax" sabi niya sa akin

"If this works can I leave?" sabi ko


Natawa lang siya at hinawakan ang balikat ko

"If it works" sabi niya habang nakangiti

Naupo na ako sa kuwarto habang lumabas si Dr.Manfredi ng observation room tsaka


pumasok sa laboratoryo.Pinagmamasdan ko ay kanyang kilos sa two-way mirror kasama
pa ang ilang observer

"Ladies and Gentlemen.This demonstration will show you the latest creation of our
company" sabi niya sa tonong nagpepresenta

Lumapit ako kay Zach at binulungan

"Can you please keep my name out it?" pakiusap ko sa kanya dahil ayaw ko ng kahit
anong relasyon sa gamot na yan
Natawa si Adam sa pabor na aking hinihingi

"Why? Isn't it your creation?" sabi niya sa akin

"Don't you ever call that thing my creation!" bulong ko sa kanya pero napalakas ata
at napatingin ang ilang kasama namin sa kuwarto

Di na sumagot si Zach imbes ay tinawag niya si Manfredi palabas ng


laboratoryo.Ilang segundo lang sila nagusap pagkatapos ay muli silang bumalik sa
kanilang pwesto

"Sorry for the delay Ladies and Gents but please watch the effects of MY CREATION"
pinagdiinan ni Dr.Manfredi ang huling salita
"Are you happy now?" bulong ni Zach sa akin

Di ko na lang siya sinagot.Imbes ay nagconcentrate na lang ako sa demonstrasyon

"As some of you were already informed of the capabilities of this chemical.Let us
now see its effects with our very eyes" pansamantalang tumigil sa pagsasalita at
sumenyas sa isang guwardya

Lumabas ang guwardya ng ilang sandali tapos bumalik sa laboratoryo pero ikinabigla
ko na dala pala ito ang isang babae mga edad disi-sais.Nagpupumiglas pa rin siya
habang nakakadena ang kanyang mga kamay at paa.

"What is the meaning of this!?'"galit na sabi ko

"We are testing our formula.YOUR FORMULA" Pageemphasize niya sa mga huling salita
habang nakangiti ng tila nang-aasar
"But you are testing on a human!" sigaw ko

"That's the point! Why bother testing on animals when you're gonna use it on people
anyway?" sabi pa niya

Di na ako nakapagpigil at sinugod siya pero bago pa ako makalapit sa kanya ay


hinampas ako ng baril sa ulo kaya naman ay nawalan ako ng ulirat.

Pagkagising ko ay naroon pa rin ako sa observation room.Inalalayan akong tumayo ng


dalawang guwardya.

"Oh you're awake!" excited na sabi niya

"What happened?" tanong ko


"You went hysterical while were testing the subject and attacked me" sabi niya na
tila walang nangyari

Bumalik sa akin ang alaala kanina at dali-dali akong lumabas ng observation room
upang makapasok sa laboratoryo

Pagkapasok ko ay tumambad sa akin ang babae na kanina lamang ay buhay pero ay isa
ng halimaw.Ang mga mata niya ay wala ng kulay kung hindi puti at siya ay walang
saplot habang nakagapos ang mga kamay at paa....Patuloy rin sya sa pagpiglas kahit
wala na itong magagawa habang si Dr.Manfredi ay nasa tapat ng isang lamesa habang
inaayos ang mga syringa.

"Goddamn it! You are all insane! How could you even think of doing this?!" galit
kong sigaw kay Manfredi tsaka sa mga observer sa kabilang kuwarto

"Tsk,Tsk,Tsk" sabi lang ni Zach habang umiiling

Ilang sandali lamang dumating ang apat na guwardya at kinaladkad ako palabas ng
laboratoryo habang si Dr.Manfredi ay kumuha ng isang maliit na surgical drill tapos
ay binarena ang ulo ng test subject hanggang mamatay ito.Di mapigilan ng aking
sarili na maawa sa babaeng yun kung sino man siya

Dinala nila ako sa Detention room para ikulong.

Ilang oras ang nakalipas ay bumukas ang pinto at pumasok si Zach at lumapit sa akin

"Why can't you understand what were trying to do?" tanong niya sa akin

"I Don't give a f*ck whatever you're plan is! Just leave me out of it!" galit kong
sagot sa kanya

"I wish it was that easy,But you know too much and there is only two ways to get
out" sabi niya ulit tapos ay naglakad siya sa pinto pero nilingon niya ulit ako at
nagsalita "You either join us or die with your family"

Natakot ako sa sinabi niya kaya naman ay sa huli ay napapayag nalang ako.
Sa loob ng anim na taon ay humigit kumulang sa limampung tao ang
pinageksperimentuhan nila.Mapabata man o matanda ay inindyeksyunan nila ng kemikal
tapos ay kinulong nila sa isang malaking vault sa ika-47 palapag.

Pero isang araw ay napansin ko na bukas ang vault at tumutunog ang alarm sa buong
gusali,ng pumasok ako ay nakita ko ang isang emplayado na nakatayo sa panloob na
pinto nito
"Sino ka?" tanong ko sa lalaki

"F-Francis A-Almirez po" sabi niya sa akin na kinakabahan ang boses

"Bakit mo binuksan ang Vault!" galit na sabi ko hindi dahil sa inis kundi dahil sa
pag-aalala

"Hindi ko po sinasadya! Patawad po!" sabi niya

"Kailangan na nating isara ang Vault!" sabi ko

Lumabas siya mula sa Vault pagkatapos ay sinara namin ito.Pagkasarado nito ay sakto
namang dumating ang mga guwardya
"Ano pong nangyari?" sabi ni isang guwardya

"Wag niyo na itong intindihin.May sira lang ang alarm." sinabi ko sa kanila at
mukhang naniwala naman sila kaya umalis na sila.

Kinompronta ko ang lalaking aksidenteng nakabukas sa Vault

"Francis Almirez ba kamo ang pangalan mo?" tanong ko

"O-O-opo" nauutal na sagot niya


"Siguro kung may code itong pinto na to ay hindi ako maniniwala sa iyo." sabi ko sa
nya

"A-Aksidente lang po ang lahat! Maniwala kayo!" pagiit niya

"Haay!" buntong hininga ko,"Mas mabuting mag-resign ka na lang kaysa tanggalin ka


nila dahil pati pamilya mo ay idadamay nila" payo ko sa kanya

Kinabukasan ay pinatawag ako ni Zach sa opisina.

"Mike I heard what happened in the lab" sabi niya sa akin


"So? What's the big deal?" sabi ko

"What's the big deal is the contents of the Vault! If anyone outside of the company
would know about its contents then we have a serious problem" sabi niya

"Why don't you just destroy everything in that vault and let it be done with" sabi
ko habang nang-aasar.Alam ko na pagdating dito ay naiinis siya

"NO WE WILL NOT" sabi niya


"How about that guy who opened the Vault? Let's hear his side of the story" sabi
niya at pinindot ang intercom

Ilang sandali lang ay pumasok si Francis kasama ang isang lalaki.

"I thought only one person entered the Vault?" naguguluhang tanong niya

"He's my friend" pagpapakilala ni Francis dito

"Well let's hear it" sabi ni Zach

Kinuwento ni Francis ang nangyari mula sa pagpasok niya sa lab hanggang aksidente
niyang mabuksan ang Vault.
Napaisip si Zach ng ilang sandali pero nagpataw na siya ng huling desisyon.

"Francis,You're Fired" sabi ni Adam

"B-But - - -" akmang tutol ni Francis pero inunahan siya ng kasama,"Sir! It was an
accident!"

Nakunot ang noo ni Zach pero panandalian lamang ito at ngumisi.

"Well then you're both fired" sabi nito

Sa pagkakataong ito ay hindi ko na napigilan ang aking sarili at lumapit sa kanya


at bumulong ng mahina pero sapat lang para marinig ang sasabihin.
"It was just an accident so don't fire them" sabi ko

"If I get rid of them then what will I lose?" sabi niya,"Then its Final.They're
going now"

Lumingon ako sa kanilang mukha na bakas ang kalungkutan.Nakokonsensya ako dahil


wala man lang akong nagawa para tulungan sila.

Ilang linggo lamang ang lumipas at hinanap ko sila.Nalaman ko na namatay si Francis


at naghirap ang pamilya nila dahil di makapasok ang ama nila sa kahit anong
trabaho.

Kinontak ko ang anak nilang dalawa na sina Frank at Ben.Sinabi ko sa kanila ang
totoong dahilan ng pagkakatanggal ng kanilang ama at isang paraan para makaganti sa
kanila.
Gabi noon ng Enero 20 ang napagusapan nilang petsa kung saan sila papasok upang
makuha ang ebidensyang kailangan nila.

Nang dumating ang umaga ng Enero 20 ay hinanda ko na ang lahat sa aking


plano.Kinopya ko na ang mga Files mula sa mainframe at nilagay sa isang USB.

Mga bandang alas-tres ay sa di malamang dahilan ay pinatawag ako sa


opisina.Kinabahan ako dahil baka alam na niya ang tungkol sa plano ko.Pero kung
alam niya talaga ay ikukulong na niya lang ako.

Di ko na pinahalata ang aking takot at pumunta sa kanyang opisina na tila isang


normal lang na araw.

Pagkapasok ko ay naabutan ko si Zach na nakaharap sa kanyang computer at may


tinitignan ngunit di ko maaninag kung ano yon.
"Why did you call me?" tanong ko

"Nothing,I just want you to take a look at this" sabi niya at binigay ang isang
maliit na bagay na may pindutan sa gitna

"What is it?" tanong ko

"Just push the button" sabi niya sa akin

Pinindot ko ang buton at nabigla ako ng bigla akong nakaramdam ng sakit sa aking
daliri pero bigla nalang nagdilim ang paningin ko at tumumba sa sahig
Nagising ako na nakatali sa isang upuan at nakaharap sa isang malaking
screen.Pumalag-palag ako upang subukan kung maluwag ang tali pero walang nangyari

Bumukas ang screen at tumambad ang mukha ni Zach na nakangiti sa akin

"Hello Mike" sabi niya

"Now what the F*ck is this Sh*t!!?" galit kong tanong sa kanya

"You actually thought I wouldn't know about your little Scheme" sabi niya

"Why don't you just kill me and get it over with c*cksucker" pang-aasar ko

"I would usually do that to people who betray me, But death is something you yearn
for didn't you?" sabi niya

"Then keeping me alive will piss you off just more" pang-aasar ko sa kanya

"Don't worry,I have a much more worse punishment for you" sabi niya

Napalitan ang pinapalabas ng screen mula sa mukha ni Zach ay naging mga live
footage ito galing sa CCTV ng gusali.

Napansin ko ang isang elevator sakay ang dalawang lalaki.Nang tignan ko ito ng
maigi ay napagtanto kung sino ang dalawang yun

"Frank! Ben!" sabi ko

"They're not going to hear you" sabi ni Zach mula sa isang speaker
"What is the meaning of this!?" galit kong tanong

"Just wait,watch and see" sabi niya

Nakita ko ang paglabas nila sa elevator at ang paglakad nila sa hallway papuntang
vault.Nagfocus ang screen sa footage ng Vault.

"You know, It was a good thing haven't seen your face otherwise they have been dead
by now" sabi ni Zach sa speaker

Nakita ko si Dr. Manfredi na nasa Vault room na tila may hinihintay.Ilang sandali
lang ay pumasok sila Frank at Ben at nakikipag-usap sa kanya

"Frank! Ben!, Hindi ako yan! Umalis na kayo diyan!" sabi kahit alam ko na di nila
ako naririnig
Binuksan na nila ang Vault habang si Dr.Manfredi ay pumasok sa kanyang opisina at
kumuha ng isang baril

"Oh I Forgot to say something about Manfredi.He's suicidal" sabi ni Zach sa speaker

Pagkatapos sabihin ni Zach iyon ay isinubo ni Manfredi ang baril at pinaputok


ito.Nagmistulang spray ito ng laman,buto at dugo.Ako mismo ay nandiri sa eksenang
iyong

Nagbago ulita ng pinapalabas ng screen at ngayon ay nakatutok ito sa outer door ng


vault kung saan ay patakbong lumabas si Ben habang inaalalayan si Frank na dumudugo
ang kamay.Ilang minuto lang ang lumipas at paika-ikang lumabas ang halos limampung
halimaw na galing sa Vault

"Like my suprise for them?" tanong sa akin ni Zach na tila natutuwa pa sa


nangayayari

"You're nuts!" bulyaw ko pero di man lang siya natinag.Itinuon ko nalang ang
atensyon ko sa screen.
Nagtago sina Frank at Ben sa opisina ko at nakita nila ang katawan ni
Manfredi.Napansin ko rin na binabasa niya ang isang sulat.Di ko man alam ang laman
nito ay sigurado akong nagalit si Ben dahil dito at marahas na nilukot at itinapon
ang papel.Napansin ko na unti-unting bumangon si Frank pero sigurado ako na isa na
siya sa kanila

Sinungaban niya si Ben at kinagat.Itinulak niya ito ngunit wala itong naramdaman
kaya napilitan siyang barilin ito sa ulo.Yumukod siya sa katawan ni Frank na tila
isang tuta pero may narinig ata siya kaya tinignan niya ito.

Pagkasilip niya ay dumerecho na siya palabas ng opisina ko.Nagbago ulit ang


pinapalabas ng screen at ang pinapakita nito ngayon ay ang mga halimaw na nakawala
sa vault at gumagala sa ika-47 palapag upang humanap ng pagkain

Nagpalit ulit ng pinapalabas ng screen at si Ben na naghihintay ng elevator ang


lumabas dito.Naalala ko na nakagat nga pala siya

"Ben! Wag kang umalis ng building!" sigaw ko ulit kahit di niya maririnig

Maya-maya ay bumukas ang elevator at pumasok si Ben sa loob habang ang ilan sa mga
halimaw ay kumakalampag sa elevator door.

Bumukas ang katabing elevator na naglalaman ng sampung guwardya.Di na sila


nakaligats habang patuloy na pinagpipiyestahan ang kanilang labi.Si Ben naman ay
nakababa sa lobby at tinanong ng guwardya dito.

Umalis si Ben papalabas ng building samantalang ang guwardya ay tumawag ng


elevator.Ilang sandali lang ay bumukas ang pinto at lumabas ang ilang halimaw at
tuluyang nilapa ang guwardya sa lobby.

"I Guess that Ben is going to become one of them far away from here" sabi ni Zach

"You are Insane! What if this spreads all over the city!?" galit na saad ko sa
kanya

"That's the idea!,That is your punishment for betraying me" sabi niya sa akin,"Your
family and everyone in this country will suffer because of you!" pagduro niya sa
akin
Napagtanto ko na kasalanan ko nga lahat kaya naman ay katakot-takot na pambubulabog
ng konsenysa ang inabot ko

"Now you know what my plan for them is." sabi niya, "Those creatures will destroy
the world so I can rebuild it in my image"

Di parin ako makapagsalita ng bumukas ang pinto sa aking likuran.Alam ko na kung


sino ito kahit di ko siya makita.

"Do you want to die now Mike" sabi niya

Alam ko na maaring mamatay ang anak ko at pamilya niya sa mga susunod na


araw.Napabuntong hininga nalang ako at sinagot siya.

"Just do it Sh*thead" sabi ko sa galit na boses


Pumikit na ako at naghanda sa aking kamatayan pero walang nangyari.Dinilat ko ang
aking mga mata at nakita si Zach na nakahandusay sa sahig.Nakita ko rin ang isang
estranghero na nakabonnet at kinakalagan ako

"Sino ka!?' tanong ko

"Andito ako para iligtas ka" sabi niya

"Bakit?" tanong ko ulit

Natapos na niya ang pagtanggal sa mga gapos at ngayon ay tumatakbo na kami


papuntang hagdan na pinagtataka ko

"Bakit sa hagdan?"
"Pag sa elevator tayo sumakay ay madali nila tayong mahuhuli" sagot niya

Bumaba kami sa hagdan hanggang unang palapag.Nagmatyag kami at ng sigurado kami na


wala ng tao ay dumerecho na kami sa parking lot.

Pumasok kami sa kotse at pinaandar na niya ito.Tinanggal niya ang bonnet at nagulat
ako ng makita ko ang mukha niya.

"Ayos ka lang ba kuya?" tanong niya

Siya ang nakababatang kapatid ko na si Tanya Perez-Adamson.Kahit Apatnapung limang


taon na siya ay napakaganda pa rin niya na kung di mo siya kilala ay mukhang Bente
anyos pa lang siya

"Paano mo nalaman ang tungkol doon?" tanong ko sa kanya

Ikinuwento niya sa akin ang tungkol sa pag-iimbestiga niya kay Zach at ang
binabalak niya.Napagisipan kong hanapin si Ben at baka maging halimaw siya.Sinabi
ko sa kanya ngunit tumutol siya

"Wag mo na hanapin yung Ben, ang mas importante ay makagawa ka ng lunas para dito
sa ginawa mo" sabi niya

Napagpasyahan kong pumunta sa bahay ng aking anak upang malaman kung ayos lang ang
aking anak.

Pagdating ko ay pumunta ako sa pinto at kumatok.

"Mitch! Bea!" sigaw ko sa pinto ngunit walang sumasagot

Hinawakan ko ang doorknob at nagulat ako ng bumukas ang pinto.Madilim sa loob kaya
naman binuksan ko ang switch ng ilaw.

Tumambad sa akin ang mga walang buhay na katawan nina Mitch at Bea na nakaupo ng
magkabilaan
Pumatak ang mga luha ko habang papalapit sa kanilang dalawa.

"A-a-anak" sabi ko

Nakarinig kami ng isang ungol malapit sa amin,nakita ko na bumukas ang mata ng


aking anak at ni Bea.

Dahan-dahan akong humakbang paatras habang bumabangon sila.Bigla akong hinatak ng


aking kapatid palabas ng bahay.

"Papaano nakaabot dito si Ben?" sabi ko habang pinapahid ang luha sa aking mata

"Sa tingin ko ay hindi yung Ben ang gumawa nito kundi yung mga tao ni Zach." sagot
niya,"Kailangan na nating umalis dito"
"Papaano yung apo ko?" sabi ko

"Malamang patay na rin siya" Malungkot na sabi niya,

Pinaandar na niya ang kotse at ako naman ay nakatingin pa rin sa aming bahay
hanggang mawala na ito sa aking paningin

Ilang oras kaming nagmaneho papuntang Clark Air Base sa Pampanga.Sinabi niya na
nandoon ang mga datos ng aking research at ang mga kasangkapan para makagawa ng
isang lunas.

Nakarating kami sa Pampanga ng kinaumagahan.Sinalubong ako ni Blake, ang asawa ni


Tanya.
"Kamusta ka na kuya?" bungad na tanong niya sa akin

"Maayos naman" sabi ko ngunit may bakas ng kalungkutan ang aking boses

Itinour niya ako sa Base hanggang makaabot kami sa isang malaking pinto.Pumasok
kami dito at nakita ang isang elevator.

"Nasa baba po ang laboratoryo" sabi niya sa akin

Bumaba ang elevator hanggang sublevel 3. Pagkabukas ng pinto ay nakita ko ang


laboratoryo na halos katulad ng sa Helios.

"Andito lahat ng impormasyon at mga kagamitan na kailangan mo para makagawa ng


lunas." sabi ni Blake sa akin.
Naupo na ako habang paalis sila Tanya at Blake. Tinignan ko ang mga files na
dinownload sa computer ng Helios tungkol sa Elixir.

Napabuntong hininga nalang ako at nagsimula na sa aking trabaho.

Sana nga mahanap ko ang lunas para sa aking kasalanan

***********************************************************************************
**** A/N: Natapos di sa wakas ang special chapter pero di pa po tapos ang storya
at Buhay po si Doc Mike kaya alamin natin ang kanyang role sa mga susunod na
chapter

##################################

~~Chapter 9 : The Beginning of the end~~

##################################

Chapter 9 : The Beginning of the end

New York City, USA

Rush Hour ngayon sa Manhattan. Napakabigat ng trapiko at siksikan ang mga tao sa
paglalakad papuntang trabaho.

Pero isang tao ang naghihintay sa loob ng isang gusali habang binabantayan ang
malaking truck sa tabi niya.

Maya't maya ay nakatanggap siya ng tawag mula sa kanyang cellphone.


"Is everything ready?" tanong mula sa kabilang linya

"Yes,All I'm waiting for is your order." sabi niya

"Do it" sabi ulit ng kabilang linya

Pumunta ang lalaki sa likuran ng truck at marahang binuksan ang likod nito. Dahan
dahang lumabas mula dito ang limang halimaw.Tumakbo ang lalaki papunta sa labas ng
gusali upang makaiwas sa mga ito

Sinundan nila ang ingay ng mga busina na nanggaling sa labas. Tumambad sa kanila
ang maingay at magulong Times Square. Pinagtitinginan sila ng mga tao dahil sa
kanilang itsura. Lumapit sila sa isang lalaking pulubi at ikinabigla ng lahat ang
ginawa nila dito. Dalawa sa kanila ang lumapa sa kanya sa harap ng mga tao.

Nagpanic ang lahat ng mga tao at nagtakbuhan sila papalayo. Ang mga hindi kumakain
ay naglakad papunta sa mga taong nagtatakbuhan ngunit walang pupuntahan.
Nakadakma ng biktima ang bawat isa sa kanila samantalang ang dalawang kumain sa
pulubi ay muli na namang naghahanap ng bagong meryenda. Ang pulubi naman ay
bumangon na at naghanap na din ng makakain.

St.Peters Square,Vatican City, Rome,Italy

Ang Santo Papa ay nagmimisa para sa epidemyang nangyayari sa Pilipinas.

Sa loob ng isang Truck isang babae ang naghahanda ng libreng inumin para sa tao.
Nilagyan niya itong ng kemikal na mula sa isang bote. Nakalabel dito ang pangalang
Elixir.

"E 'tutto pronto?" sabi ng lalaking kausap niya

"È Dammi il via" sabi ng babae

Sumenyas sa kanya ang lalaki na hudyat na simula na ang plano nila. Nagbihis siya
ng damit ng isang madre at lumbas na sa sasakyan.

Ipinamahagi ng babae ang mga inuman sa mga tao. Nang naubos na ang libreng inuming
pinapamahagi niya ay tumalikod na siya palayo sa mga tao.
Habang papasakay na siya sa truck ay nakarinig siya ng mga sigawan. Nilingon niya
ang mga sigaw at nakita ang ilan sa taong binigyan niya ng inumin ay nangingisay na
sa lupa. Ngumiti siya at pumasok na sa Truck. Sinusubukang buhatin ng ilang mga tao
ang lalaki pero biglang kinagat nito ang isa sa mga tumulong sa kanya.

Nagtakbuhan ang mga tao at nagkaroon ng stampede habang ang iba pang binigyan ng
inumin ay naging mga halimaw na din at kinagat ang mga nagpapanic sa paligid.

Tokyo City , Japan.

Isang lalaki ang tumatawag sa kanyang cellphone sa harap ng malaking gusali. Malaki
ang gusaling ito na sa tantsa ay 50 palapag kataas

"Is Everything ready?" sabi ng kausap niya sa telepono

"I'm going in right now" sabi ng lalaki


Sinalubong siya ng apat na lalaki at kinausap sa salitang hapon.

"Anata hare daredesu ka? Naniga shitai desu ka?"

"Jixyoushidakamurawo sanshoushite kudasai ni kita" sagot nito sa kanila

"Anata ga iku ga ari masu" sabi ng isa sa mga bantay.

"Arigato" sagot nito at lumakad papunta sa elevator.Pagkapasok sa elevator ay


pinindot niya ang 7th floor at nagsara ang mga pinto.

Nasa ika-7 palapag na siya ng bumukas ang pinto. Pinuntahan niya ang opisina sa
dulo ng corridor at binuksan ang pinto.Tumambad ang sampung tao na nagmemeeting
pero lahat sila ay napatingin sa kanya ng pumasok siya sa loob.
"Anata ha daredesu ka?" tanong ng isa sa mga tao sa loob

"Pakkeji wo soushin ni ha ka koko wo mi te" sagot ng lalaki sa kanila

"Ayano ha desu ka?" tanong ng isa sa mga nagmemeeting

"Kanojixyoha riyoudekimase no" sagot ulit ng lalaki at inilapag ang kahon sa lamesa
ng mga nagmemeting

"Watashitachi ha pakkeji wo teikixyoushi anata gaikukoto ga deki masu" sabi ulit ng


isa sa mga nagmemeeting

"Arigato" sabi ng delivery man at lumabas na ng pinto


Lumapit ang sekretaryang kanina ay nanunuod sa box at tinanggal ang selyo tsaka
binuksan ito. Laking gulat ng lahat ng tao sa opisina nang biglang lumabas ang
isang kulay dilaw na usok. Nawalan silang lahat ng malay sa loob.

Ang lalaki na kanina ay nagdeliver ng kahon ay naghihintay ng elevator pababa sa


first floor. Tumunog ang cellphone sa kanyang bulsa kaya naman ay kinuha niya ito
at itinapat sa tenga.

"Are they dead?" sabi ng boses sa kabilang linya.

"Yes, I Never thought Elixir would be in smoke form" sagot niya dito.

"Get out of there before security shows up" mga huling sinabi ng kabilang linya
bago pinatay ito. Pagkatanggal niya ng cellhone sa tenga ay bumukas ang pinto ng
elevator. Bago sumara ay nakarinig siya ng mga ungol mula sa meeting room. Napiling
na lamang siya habang umaandar ang elevator na sinasakyan niya.
Sydney, Australia

Maraming tao ang nasa loob ngayon ng Sydney Opera Center upang panoorin ang muling
pagtatanghal ng Phantom of the Opera. Walang kaalam-alam ang mga tao na ito na ang
huling play na masasaksihan nila.

Sa backstage ay naghahanda ang mga theatre artist sa opening act ng palabas. May
isang lalaki ang namigay ng libreng juice para sa mga tagapagtanghal. Nang matapos
ang lalaki sa pamimigay ay lumabas na ito mula sa backstage habang nakangiti ng
masama

Nagsimula na ang performance ng mga aktor at aktres. Pero habang nasa kalagitnaan
ng show ay biglang bumagsak ang isa mga performer habang sumasayaw. Nangingisay pa
ito habang papalapit ang mga staff mula sa backstage. Ang iba pang aktor at aktres
napahandusay sa lupa habang ang mga katawan ng mga ito ay tila kinukuryente. Ang
ilang tao mula sa audience ay sumampa na rin sa entablado upang tumulong.
Ikinakarga na sana sila sa Stretcher ng biglang may sumigaw. Isa sa mga staff ang
kinagat ng isang balerina na kasali sa production.

Ang iba pang tagapagtanghal na kanina'y kumikibot-kibot habang nakahandusay ay


bumangon na at kinagat ang lahat ng kanina ay lumapit upang tulungan sila.

Ang audience na hindi sumampa sa stage upang tumulong sa mga artista ay pumunta sa
Main Doors ng opera pero di ito mabuksan. Di nila alam na ikinandado ito mula sa
labas at ang tanging labasan lang ay sa backstage kung saan. Ilan sa mga manonood
ang napagtanto ito at pumunta sa mga daanan papuntang stage na wala masyadong tao
dahil sinusundan ng mga halimaw ang panaghoy ng mga bisita na kinakalampag ang mga
pinto upang makalabas. Dumami ang nakapansin sa ilang katao na lumabas gamit ang
mga pinto sa backstage kaya sumigaw ang mga ito sa mga kasama nila. Nagpuntahan
sila sa direksyon ng stage pero ang ilan sa kanila ay nadakma ng mga halimaw.
Ngunit ang isa sa halimaw ay parang may talino at kinakagat ang mga biktima sa
braso pero pinakakawalan lang habang ang iba niyang kasama ay kumakain sa mga huli
nila.

Karamihan sa mga tao ay nakatakas mula sa loob ng Opera Center. Ang iba sa kanila
nagdurugo ang braso dahil sa kagat.

Wala silang kaalam-alam na sila ang magiging tulay sa pagbagsak ng Australia

##################################

~~Chapter 10: Unexpected Reunion~~


##################################

Chapter 10: Unexpected Reunion

Napaatras si Timothy ng makita ang taong kasama ni Brielle.Ipinagtaka naman ito ng


bata kaya inalam niya ang dahilan nito.

"Bakit kuya?"

Di pa tin nakasagot si Timothy dahil sa sobrang pagkabigla. Naglakad ang Mama niya
papunta sa kanya habang nakangiti

"Ang laki mo na anak" sabi ng kanyang ina

"K-k-kamu-sta n-na p-po ka-yo?" nauutal na tanong ni Timothy


Nakangiti pa rin ang kanyang ina ng sinagot ito."Ayos lang kami, Pasensya na kung
hindi ka namin nasundo noong pagkalaya mo"

"Kuya kilala mo po siya?" nagulat si Timothy ng magsalita si Brielle.Dumating ang


isang lalaki na tinatawag ang mama ni Timothy

"Tanya dala ko na yung iba pang research para sa ku- - -" napatigil ang lalaki ng
mapalingon sa direksyon ni Timothy

"ANONG GINAGAWA MO DITO!?" sigaw ng lalaki at palapit sana kila Timothy pero
pinigilan ng mama niya

"Blake Tama na Pakiusap" pagpipigil ng ina ni Timothy

"Tama na!? Kahit siya ang pumatay sa bunso natin ay pagtatanggol mo pa rin yung
hayup na yan!" pasigaw na sabi ng lalaki habang dinuro-duro si Timothy
Napatakbo si Brielle sa likod ni Timothy dahil sa takot samantalang nakayuko lamang
siya na tila may hinihintay.

"Umalis ka dito!" utos ng lalaki sa kanya

"Baliw ka ba Blake!? Pag pinaalis natin ang anak natin dito ay baka mamatay siya!"
pagtutol ng kanyang ina

"Mabuti na yun para - - "

"Aalis ako dito mamayang gabi" sabi ni Timothy kaya napatigil silang dalawa sa
kanilang argumento at napatingin sa kanya, "Pero alagaan niyo sana siya" Pagtuturo
niya kay Brielle

"Kuya! Iiwan mo ko?" tanong ni Brielle

Lumuhod si Timothy at hinawakan sa pisngi si Brielle,"Oo Bril aalis ako" mahinahong


sabi niya
"Hindi! Dito ka lang kuya! Diba sabi mo poprotektahan mo ko!" sigaw ni Brielle
habang may nangingilid na luha sa kanyang mga mata

"Kailangan pero wag ka mag-alala, Babantayan ka nila" sabi ni Timothy habang


tinuturo ang mga magulang niya

"Ayoko sa kanila! Sasama ako sa iyo!" sabi niya ulit habang may luha na pumapatak
sa kanyang mga mata

Tumayo si Timothy at sinabing "Hindi na ako aalis" kay Brielle

"Talaga!? Di mo na ako iiwan?" sabi niya habang pinupunasan ang luha sa mga mata
niya

"Sige po Ma,Pa aalis muna ako" sabi ni Timothy at naglakad palayo sa kanyang mga
magulang.Di na niya narinig ang pag-uusap ng kanyang mga magulang pero mas
mahinahon na ito kaysa kanina
Hinanap nila sa base kung nasaan si Vivian. Ilang sandali pa ay nahanap nila siya
sa tabi ng isang maliit na bahay habang kumakaway sa kanilang dalawa.

"O ba't ang tagal niyo at parang mukha kang namatayan?" sabi ni Vivian na parang
natatawa

"May nang away sa kanya na lalaki. Pinapaalis siya dito" sabi ni Brielle habang
nakayakap kay Timothy," Ang sama niya!"

Napangiti lang siya at hinawakan ang ulo na bata,"Vivian may T.V ba diyan sa
loob?"tanong niya dito

"Siyempre naman! Meron pang Cable yan" sabi ni Vivian habang nakangiti.
"Manood muna tayo ng balita" sabi ni Timothy

"Tungkol saan?" nagtatakang tanong ni Vivian

"Yung sa nangyayari sa ibang bansa" sabi niya

"Gusto ko manood ng Phineas and Ferb!" masayang sabi ni Brielle

Naupo na sila sa sala habang kinuha ni Vivian ang remote. Binuksan niya ang T.V at
lumabas ang C.N.N sa screen.

Nanlaki ang kanilang mata dahil sa balita mula sa Amerika


'We are live at Brooklyn Bridge where the Military is attempting to control the
spread of infection throughout New York City. Civilians who are not infected are
advised to leave immidiately'

"Wag mo sabihing yung nangyayari sa atin eh nangyayari rin sa Amerika?" gulat na


sabi ni Vivian

"End of the world na talaga no kuya?" malungkot na sabi ni Brielle

"Wag ka mag-alala safe tayo dito" sabi ni Timothy

Hinitay ni Timothy na pumatak ang dilim at makatulog ang dalawang kasama. Tsaka
siya nagsimulang magimpake ng mga gamit.
Maya-maya ay nakarinig siya ng mga katok.Pumunta siya sa pinto upang buksan ito
pero laking gulat niya ng makita kung sino ito.

"Papa?" gulat na sabi niya

Pumasok ang papa niya sa loob habang siya ay di makapagsalita dahil sa gulat.
Napansin niya na wala itong bakas ng galit sa kanyang mukha na ipinagtaka niya. Mas
naguluhan siya ng magsalita ang Ama sa malumanay na tono.

"Kamusta ka naman anak?"

Si Timothy naman ay di alam ang isasagot. Mula ng sumali siya sa mga gang ay hindi
na siya kinausap ng ganito ng kanyang ama. Puro masasakit na salita kasi ang
sinasabi nito sa kanya pero ngayon ay tila inaalala pa siya nito.
"Aalis na po ako, Iimpake ko lang ang mga gamit ko" sabi niya ng hindi tumitingin
sa kanyang ama. Magkahalong kalungkutan, guilt at pagtataka ang nararamdaman niya
habang nagliligpit ng gamit.

"Hindi mo na kailangang umalis anak." napatigil si Timothy sa pagiimpake ng marinig


ang mga salitang iyon. Napatingin siya sa kanyang ama na kahit walang emosyon ang
mukha ay makikita naman sa mata ang pagsusumamo.

"Di ba gusto niyo kong paalisin?" tanong ni Timothy

"Pasensya ka na anak, Nabigla lang ako kaya nasabi ko ang mga ganung bagay pero
hindi ko yun sinasadya, Galit lang ako noon" sabi ng papa ni Timothy

Lumapit ang ama niya sa kanya at niyakap ito. Di na namalayan ni Timothy na


napangiti na siya dahil sa tuwa.

Humiwalay ang kanyang ama habang ang mukha nito ay nakangiti rin. Inakbayan ito ang
anak at kinausap habang nakaupo sa sofa.
"Yung babaeng kasama mo, Girlfriend mo ba yun?" tanong niya kay Timothy

Nanlaki ang mga mata niya dahil sa gulat, "Ha!? H-H-Hindi! Niligtas ko lang siya!"
pagtangging sagot nito

"Pero maganda siya, Ligawan mo kaya kasi mukhang type mo naman" pangungumbinsi ng
ama niya na may halong pang-aasar.

Bumukas ang kuwarto at lumabas si Brielle habang kinukusot ang mga mata. Hinahanap
ng kanyang mga mata si Timothy habang papunta sa sala. Nakita niya ang hinahanap
niya na may kasamang lalaki.

Lumapit siya sa kanila at natigilan siya ng makita ang kausap nito. Ang lalaking
nagtataboy sa taong itinuturing niyang kapatid.
Tumakbo siya sa gitna nila at inilahad ang dalawang kamay sa gilid na parang isang
barikada.

"Hindi mo siya pwede paalisin" sabi ni Brielle sa tonong nagdadabog

Nabigla ang ama ni Timothy ngunit bumalik ang mga ngiti nito. Natatawang hinigit ni
Timothy si Brielle at ikinandong.

"Hindi na talaga ako aalis Bril" pagpapaliwanag niya dito

"Eh bakit andito siya?" turo ni Brielle sa papa ni Timothy, " Di ba pinaalis ka
niya?"

"Nagkaayos na kami ng Daddy ko" sabi ulit ni Timothy


"Daddy?" nagtatakang tanong ng bata sa kanya.

"Oo Bril, Siya ang daddy ko" sabi ni Timothy at humarap sa ama niya, "Siya si Blake
Adamson, Papa siya si Brielle Perez"

Inilapat ni Blake ang kamay niya sa ulo ni Brielle. Nakiliti siya ng kaunti kaya
natawa siya.

Narinig nila ang muling pagbukas ng pinto mula sa kuwarto. Si Vivian naman ang
lumabas mula rito.

"Bril?" pagtawag niya sa bata

"Andito ako ate!" sabi ni Brielle mula sa sala


Pagkapunta niya roon ay nakita niya si Brielle na nakakandong kay Timothy at isang
lalaki na hindi niya kilala. Medyo nahiya siya na sa kadahilanang nakapantulog lang
siya.

"Bakit ka nagising?" tanong sa kanya ni Timothy

"Medyo naingayan kasi ako sa inyo, Naalimpungatan ako tapos napansin ko na wala si
Bril sa tabi ko kaya bumangon ako para hanapin siya" pagsagot nito

"Teka Tim sino siya?" turo ni Vivian sa lalaki

"Vivi siya ang papa ko, Pa siya si Vivian ang - -" di pa man niya tapos ang
sasabihin ay binara siya ng kanyang ama

"Ang girlfriend ng anak ko" sabi nito habang nakangiting pang-asar


Nanlaki ang mata nina Vivian at Timothy. Namula silang pareho dahil sa hiya

"Papa naman eh!" sumbat ni Timothy pero tinawanan siya ng kanyang papa.Pumasok
naman ang isang babae sa loob at naabutan silang apat na nagtatawanan.

"Mukhang masaya kayong lahat ah" bungad ng babae kaya napatingin silang apat dito

"Mama kayo po pala" sabi ni Timothy

"Honey halika ipapakilala ko sayo yung girlfriend ng anak natin" sabi ni Blake

"May Gf ka na pala Tim, Di mo pinapakilala sa min" sabi ng mama ni Timothy habang


naka-pout ang mga labi

"Ma naman! Pati ikaw!?" sabi ni Timothy sa tonong padabog

Natawa na lang silang dalawa. Si Timothy naman ay napabuntong hininga na lamang


dahil sa hiya at si Vivian ay nagpaalam na magbihis muna sandali dahil ayaw niya na
magpakita suot laman ang pantulog.

"Kuya siya yung Mommy mo?" tanong ni Brielle habang tinuturo ang mama ni Timothy

"Oo Bril siya nga" sagot niya Dito

Umalis mula sa pagkakandong si Brielle at lumapit kay Tanya. Niyakap niya ito at
tumingin sa mga mata niya
"Pwede bang maging mommy rin kita?" inosenteng tanong ni Brielle

Niyakap siya na ni Tanya at hinalikan sa noo.

"Syempre naman! Ikaw na yung little princess ko" sabi nito sa kanya

"Blake, Tanya Pwede ba kayong makausap sandali?" sabi ng isang boses sa labas

"Si kuya ata yun, Papasukin mo siya dito sa loob" sabi ni Blake

"Ako na po papa" pagkusa ni Timothy at pumunta sa pinto upang buksan ito. Tumambad
ang isang lalaking matanda na nakasuot ng isang lab coat

"Kamusta, Hinahanap ko si Blake Adamson, Andyan ba siya?" tanong ng Matanda kay


Timothy
"Andito siya, Pasok lang po kayo" sabi ni Timothy dito

Pumasok ang matanda sa loob at pumunta kung nasaan sila Blake at Tanya. May
Binulong siya sa mga ito tapos ay lumabas na kasama sila.

"Ma sino po siya?" tanong ni Timothy

"Siya si Dr. Michael Perez. Uncle mo siya tsaka siya rin yung gagawa ng lunas para
sa mga infected." sabi ni Tanya

"Oo nga pala Tim bukas ay lilipad kayo ng Amerika para makaiwas kayo sa nangyayari
sa atin" sabi ni Blake
"Di ba po nangyayari rin to doon?" tanong ni Timothy

"Yung alin?" tanong ng mama niya

"Yung Zombie Apocalypse" sagot niya

"Zombie Apocalypse?" natatawang sagot ng mama niya

"Oo si Steve ang nagpangalan niyan" sabi ni Timothy at tumalikod para pumasok sa
loob, "Pasok kayo, May ipapakita ako sa inyo"

Sumunod ang tatlo kay Timothy papasok sa loob. Pumunta sila sa sala kung san
naabutan nila si Brielle at Vivian na nanood ng T.V

"Vivi pakilipat nga sa Balita sa Amerika" utos ni Timothy


Kinuha ni Vivian ang remote at pinindot ang numero kung saan naroon ang balita.
Nakita nila ang isang reporter sa desk na nagrereport. Maya-maya ay biglang
nagkalampagan ang mga pinto ng studio at pumasok ang limang halimaw tsaka kinain
ang lahat ng mga tao sa studio habang ang Camera ay patuloy umaandar. Natabig ito
at tumumba sakto sa anggulo ng isang cameraman na nilalapa. Patuloy ang pagkagat ng
mga halimaw sa buong katawan kahit tumigil na siya sa pagpiglas at pagsigaw.

Si Brielle ay nanginginig sa takot pero nabigla siya ng may dalawang kamay ang
tumakip sa kanyang mga mata.Tinignan niya kung sino at nakita si Tanya na nakangiti
sa kanya

"Wag mo nalang tignan Baby ko" sabi nito sa kanya

Di na siya nagsalita. Imbis ay tumalikod na lang siya at isinubsob ang mukha sa


katawan nito

Kinuha ni Timothy ang remote ng T.V upang patayin ito pero pinigilan siya ni
Michael,"Pwede paki-tignan sa ibang bansa?"
Nilipat niya ang channel ng Telebisyon sa China kung saan isang batalyon ng mga
sundalo ang nagpapaputok sa mga infected na papalapit sa kanila ngunit halos lahat
sa kanila ay hindi asintado sa ulo kaya walang namamatay. Paulit-ulit ang balita sa
ibat-ibang panig ng mundo.

Nilingon ni Timothy si Michael at nakita ang mukha nito ay may halo-halong emosyon
pero nangingibabaw ang galit

"I Can't Believe this" inis na sabi ni Michael habang nakasabunot ang dalawang
kamay sa buhok niya, "Baliw na si Zach!"

"Teka po sino yung Zach" tanong ni Vivian

"Mamaya ko na ipapaliwanag" sabi ni Michael at naglakad palabas ng bahay. Pero


napatingin siya sa kwintas na suot ni Brielle. Lumapit siya dito at hinawakan ang
locket
"Uhm anong pangalan mo?" tanong nito sa kanya

"Brielle, Brielle Perez" sagot niya

"Yu-yung mga parents mo? Anong name nila?" tanong ulit ni Michael

"Mitch at Bea Perez po" binawi ni Brielle ang locket mula sa kamay ni Michael at
binuksan ito. tumambad ang dalawang maliit na litrato ng isang babae at lalaki,
"Ito po sila"

Nanubig ang mga mata Michael pero pinahid niya ito bago pa man lumabas mula sa
kanyang mga mata. Ipinagtaka ito ni Brielle kaya lumapit siya kay Tanya upang
magtanong.

"Mommy, Bakit po siya umiiyak?"


Di na siya sinagot nito. Imbis ay ngumiti na lamang siya at hinalikan sa noo, " Wag
mo na alalahanin yun baby ko. Lalabas lang kami sandali ha?"

Lumayo na siya kay Brielle at sumunod kay Michael at Blake palabas ng bahay. Ilang
minuto pagkalayo nila sa bahay ay tinapik ni Tanya ang balikat ni Michael

"Siya ba yung anak ni Mitch at Bea?" tanong nito sa kanya

"Oo" sagot ni Michael

"Bakit di mo sinabi?" tanong ulit ni Tanya


Humarap si Michael kay Tanya ng tila nagmamakaawa, " Tanya, Pwede ba kayo na lang
ang mag-alaga kay Brielle?"

"Bakit naman kuya?" tanong ni Tanya

"Gusto ko sanang kayo na ang mag-alaga sa kanya" pakiusap nito

"Ok lang sa amin pero- - -" di natuloy ang sasabihin ni Tanya dahil pinigilan siya
ni Michael.

"Kailangan ko pang makahanap ng gamot para sa Elixir, Di ko na siya maalagaan


pagnagkaganoon kaya pakiusap, Kayo na lang sana ang tumayong mga magulang niya"
pagmamakaawa nito

Saglit na Tumingin si Tanya kay Blake pero umimik din ito. "Wag ka mag-alala kuya,
Aalagaan ko siya na parang tunay na anak ko"
Ngumiti si Michael at tumalikod na pabalik sa laboratoryo. Sinundan siya nila Blake
at Tanya.

##################################

~~Chapter 11: The Flight and the March to Clark~~

##################################

Chapter 11: The Flight and the March to Clark

Isang babae ang palapit kay Zach Landers habang umiinom ito ng kape at nanunuod ng
balita tungkol sa pagkalat ng misteryosong sakit sa buong mundo. Walang kaalam alam
ng mga nagbabalita na ang nagpakalat nito ay nanonood sa kanila. Nasa bomb shelter
sila ng gusali na anim na palapag ang lalim mula sa lobby ng Helios Building.

"Mr. Landers, The Air Force is enroute to bomb all of Manila" sabi ng sekretarya
niya

Ngumiti muna si Zach bago sumagot, "Don't worry, No matter what they do to this
city. It will not affect our plans."
"Oh by the way, Our headquarters at U.S is asking whether you found Dr Perez yet."
sabi ulit ng babae sa kanya tsaka tumalikod ito

Bumuntong hininga si Zach tsaka binuksan ang computer niya. Pinanood niya ang mga
kaganapan noong gabi na makatakas si Michael mula sa kanya

Zinoom niya ang video sa taong pumalo sa kanya ng naging dahilan para mawalan siya
ng malay, "Who are you?" sabi niya ng may galit

Tinignan niya ang footage sa parking lot kung saan papalayo ang kotse ng taong
tumangay kay Mike. Muli niyang pinindot ang zoom at sa pagkakataong ito ay sa likod
ng kotse kung saan nadoon ang plate number niya ito inilapit.

Kinuha niya ang telepono sa gilid at tumawag sa opisina ng sekretarya, "Greta, I


want you to find who is the owner of a Hi-Ace with the plate number ZMA 5896" sabi
niya
"Yes Mr. Landers" sabi ng Sekretarya tsaka binaba ang telepono sa kabilang linya

Binaba niya ang telepono ngunit nabigla siya ng umuga ang paligid na tila ay may
lindol kaya napatayo siya. Nawala ang pagkabigla at napangiti na lang tsaka umupo
sa silya.

"That can't stop us" bulong ni Zach sa sarili pero parang inaasar ang mga piloto ng
mga eroplano na nanghuhulog ng bomba

Tumayo ulit siya at pumunta sa wine cellar para kumuha ng wine.Pagkakuha nito ay
bumalik siya sa opisina
Nagring ang telepono ng opisina kaya kinuha niya ang receiver nito. Itinapat niya
ito sa tenga ulit.

"What?" pambungad na tanong niya.

"We found out the owner of the plate number of the car you told us" sabi ng
sekretarya sa kabilang linya.

Lumapad ang ngiti ni Zach, "Who was it?"

"According to the records, The owner of the Hi- Ace is Mrs Tanya Perez- Adamson
the- - -"
"Sister of Michael Perez, I know. Do you have her location?" sabi ulit niya

"Our satellites have found her location at Clark Air Base at Pampanga. There is a
Chance that Dr. Perez is there as well."

"Thank you" sabi niya at binaba ang telepono.

Lumabas siya sa opisina at pinuntahan ang isang lalaki na nakasandal sa pader


habang nakapamulsa at nakapasak ang dalawang headphones sa ulo

"Hello David." bati niya rito


Tinanggal niya ang headphones at tumingin kay Zach habang tinatanggal ang mga kamay
mula sa bulsa.

"What do you want?" tanong nito sa tonong nababagot, "This better not be another
damn security job"

"I actually came to ask you to kill someone" sabi ni Zach

"Psssh! Who this unlucky piece of shit that you want to die?" sabi ni David

Nilabas niya ang litrato ng isang lalaking nasa 60 yrs old na kasama ang isang
babae at lalaki.
"The old man. I want him dead" turo niya sa matanda, " His name is Michael Perez
and he escaped from us, I want him dead before he creates an antidote to Elixir"

"Oh ok, So where is he?" tanong ni David

"He is at Clark air base, Don't worry, I will give you some Hind Helicopters to
make your job easier." sabi ni Zach

"Good, I will start as soon the Bombing is done" sabi ni David.

Tumalikod si Zach at naglakad palayo kay David na may kinakausap sa


telepono.Pagkabalik niya sa opisina ay tumawag siya sa kusina upang hatiran siya ng
pagkain.

Dumating ang kanyang pinahanda. Pagkalapag ng Chef ng pagkain sa kanyang lamesa ay


tumalikod na ito palabas habang siya ay nagsimulang kumain
Habang kumakain ay muling nagring ang telepono sa tabi niya. Sinagot niya to at
narinig ang boses ni David sa kabilang linya

"The Bombing has stopped, Do you want to start now?" tanong nito sa kanya.

"Yes you can" sabi niya at binaba ang telepono at nagpaikot-ikot sa upuan na tila
isang bata. Tumigil siya pagkatapos ng ikalawang ikot at sinabi sa sarili, " Now
Mike your time is coming"

Sa hangar naman ay hinahanda nila David at iba pang mercenaryo ang kanilang mga
gamit. Pinuno rin nila ang mga helicopter ng gasolina upang masiguro ang kanilang
pagbalik at di mauubusan sa babakbakan.

Tumingin si David sa wristwatch niya. Pagkakita ng oras ay inutusan na niya ang mga
kasamahan na pumasok sa loob ng dalawang helicopter.
"Open the doors" utos nito sa mga piloto

Biglang bumukas ang bubungan ng hangar. Nasa underground complex pala ito sa ilalim
ng luneta at ang dalawang Hind Helicopter ay tumake-off mula dito. Nasa 2,000 feet
na sila ng muling magsara ang bubong sa ibaba.

Habang lumilipad sila ay kitang-kita ang pagkawasak ng buong Maynila. Maraming


skyscraper at mga condo ang nagbagsakan. Pero kahit na maraming wasak na building
ay maraming zombie ang nakatayo parin at ang iba ay naputulan ng mga binti at
gumagapang nalang. Meron ding iba na nasususunog ang katawan pero walang
nararamdaman at naglalakad sa kawalan.

"I Always hated this place anyway" sabi ni David at binuksan ang bintana ng
helicopter at dumura sa labas.
Samantala, Sa kahabaan ng Kamuning, Isang batang lalaki na edad sampu ang sumubo ng
isang buhay na pusa at kinagat ang isang piraso ng laman na tila isa itong Fried
Chicken. Kakagat ulit sana siya ng marinig ang isang ingay mula sa langit.
Tumingala siya at nakita ang dalawang helicopter na umaandar sa kalangitan
papuntang norte. May tumulong malagkit sa kanyang pisngi ngunit di niya ito
inintindi. Imbis ay naglakad siya upang sundan ang pinangagalingan ng ingay.

Pero hindi siya nagiisa. Napakaraming zombies ang sumunod sa ingay na kahit
napakalayo na ay lumalakad pa rin sila habang umuungol. Tila isa na silang hukbo na
may iisang layunin at ngayon ay dahil sa sama-sama nilang ungol ay tila isang
panganyaya sa iba pang mga zombie na sumali sa kanilang martsa.
Kinagabihan, Dahil sa biglang pagkasira ng makina ng ikalawang helicopter ay
kinailangang lumanding sila sa isang private landing pad malapit sa Border ng
Pampanga. Pinatay nila ang lahat ng mga zombie sa loob ng complex habang ang iba sa
kanila ay humiwalay upang humanap ng extrang mga parte na pang-ayos sa helicopter.

"Could somebody tell me what the f*ck happened?" inis na sabi ni David na
kagigising lamang mula sa pagkakatulog.

"Sorry Sir" sabi ng isa sa mga piloto, "Adrian's Chopper had a malfunction and we
had to land to make repairs"

"Where are we?" tanong niya

"We are exactly 50 kilometers away from Clark Air Base, If we can fix it tonight we
can arrive there at morning" sagot ng piloto
Napakamot sa ulo si David at bumaba mula sa helicopter at nilapitan ang mekaninko
ng ikalawang Helicopter, "You've got until noon tomorrow to fix it ok?"

"Yes sir" sagot ng mekaniko at bumalik sa pag-aayos sa helicopter

Ang armada ng mga patay ay patuloy sa paglalakad nasa SM Megamall na sila at


patuloy na lumalaki sa pagdaan ng oras. Muli na namang may dumaan na helicopter
ngunit mas maliit ito kaysa sa dalawang Attack Helicopter na sinusundan nila. Pero
kahit maliit ito ay sapat na ang ingay para marinig nila. Papunta ito sa direksyon
ng Valenzuela kaya sinundan ulit nila ito kahit na wala silang ideya kung saan ang
destinasyon nito. Basta ang alam lang nila ay may pagkain sa pinanggalingan ng
tunog
Sumakay si Zach ng isang helicopter papunta sa Clark, Pampanga gamit ang isang
helicopter. Nasa lugar siya ng SM Megamall ng dumungaw siya sa baba at kahit gabi
na ay kita ang napakaraming zombies na papunta sa isang direksyon dahil sa mga
nasusunog na gusali at kotse sa paligid.

"Guess they're going for a buffet" sabi ni Zach habang nakatingin sa baba.

Nagring ang cellphone niya at ipinagtaka niya ng makita si David na tumatawag sa


kanya.

"What?" tanong niya


"We have a problem" sabi ni David sa kabilang linya, "The second helicopter has a
engine problem and we're not gonna be able to commence the operation until noon"

"Tss! Goddamn it! Where are you?" inis na sabi ni Zach

"I'm at a Private Helicopter Port near NLEX, Your pilot should know where it is"
sabi ni David at pinatay ang kabilang linya.

"F*ck!" sabi ni Zach habang marahas na kinakamot ang ulo niya, "Do you know where
it is?" tanong niya sa piloto

"Yes Boss" sabi ng piloto at iniliko ang sinasakyan sa ang helicopter depot sa
direksyon ng NLEX.
Ang kanina'y daan-daang zombies ay dumami na sa daang libo. Sinusundan ang mga
maliit na ilaw na mula sa Helicopter. Ang batang zombie ay literal na nalulunod sa
agos ng libo-libo niyang kasamahan na katulad niya ay gutom sa laman at dugo.

Sa Pinakaunahan ng martsa ay may nakita ang ilang zombie na grupo ng mga manok na
nakawala mula sa nabanggang truck na ihahatid sana sila sa katayan. May mga zombie
na sumubok kumain sa mga manok kaso ay masyadong maliit at mabilis na tumatakbo
palayo sa mga naglalakad na bangkay. Ngunit isa sa kanila ang napadpad sa
pinakaharapan ng pulutong at di na nakatakas sa walang katapusang gutom ng mga
zombie.

Pero kahit na may pagkain sa kanilang daan. Parang baha pa rin sila na hindi
napipigilan kahit sa dami ng mga nakabalandrang kotse at debris pati ang mga crater
na ginawa ng mga bomba na inihulog ng Air Force.

Kinaumagahan nasa bungad na sila ng NLEX malapit sa Valenzuela ng muli nilang


nakita ang helicopter. Sa pagkakataong ito ay may kasama na itong dalawa pa. Ito
ang dalawang helicopter na nagsimula ng martsang ito. Ang dalawang attack
helicopter kasama ang maliit na helo na pangsibilyan. Sabay-sabay silang lumipad
papunta sa iisang direksyon. Walang pag-aalinlangang sumunod ang mga zombie na
aabot na sa isang milyon. Lahat sila ay naglalakad ng mabagal papunta sa direksyon
ng tatlong sasakyang panghimpapawid

Pero wala pa man kalahating kilometro ay natigilan ang kanilang pag-abante dahil sa
mga tollgate ng NLEX na humaharang sa kanila. Unti-unting nagsiksikan sila hanggang
sa bumigay ang mga harang at parang baha silang umagos sa Four-lane ng NLEX.

Nakarating sila Zach sa Heli Depot malapit sa NLEX ng 3:00 ng umaga. Dinatnan niya
si David na lumalapit sa helicopter habang palanding ito.

"Is the Chopper fixed yet?" tanong niya kay David


"No" Maikling sagot ni David, "It will be by morning"

"Good, Did you know that we saw a swarm?" sabi ni Zach

"A swarm? Of What?" naguguluhang tanong ni David

"Of Infected near SM Megamall, I Guess they're following us because they heard our
engine" sabi ni Zach sa tonong maloko

"Yeah, Yeah, You don't have to worry about it" sabi ni David at uminom ng kape mula
sa hawak niyang baso, "We'll be long gone before they come through here."

"Good, Now is there a room I can stay for the time being?" sabi ni Zach
"My men have occupied the other rooms, The only thing left is the tower" sagot ni
David habang umiinom ng kape

Pinuntahan ni Zach ang isa sa mga cabin ng heliport. Pinalabas niya ang
mercenaryong umuukopa dito at humiga na rin siya sa kama. Ang lalaking pinalabas
naman ni Zach mula sa kuwarto niya ay naisipan na matulog sa Control Tower. Inakyat
niya ito at pinasok tsaka tinignan kung may zombie

Nagising siya ng may maramdamang dampi ng kamay sa kanyang balikat. Minulat niya
ang mga mata at nakita si David.

"Morning Boss" bati ni David sa kanya

"Is it Fixed?" sabi niya


"All where waiting for is you" sabi ulit sa kanya ni David at tumalikod
palabas.Sinundan siya ni Zach papuntang landing pad ng mga helicopter. Sumakay na
siya dito at kasabay ng pagtake-off ng sinasakyan niya ay ang paglift-off naman ng
dalawang Hind Helicopter

Nakarinig si Zach ng mga ungol mula sa likuran ng kanyang helicopter. Mula sa


bintana nito ay nilingon niya ang pinanggalingan nito.

Libo-libong zombies ang bumungad sa kanyang mga mata. Nanlaki ang mga mata at
tumingin sa piloto.

"You're seeing this right?" tanong ni Zach

Tumingin ang piloto sa labas ng helicopter. Di makita ang reaksyon niya pero sa
loob nito ay gulat din.
"Don't worry they wont catch up with us" sabi ng piloto tsaka sumabay sa dalawang
Attack Helicopter

##################################

~~Chapter 12 : Death From Above~~

##################################

Chapter 12 : Death From Above

Tanghali ngayon at kasalukuyang kumukuha ng pagkain si Steve mula sa Cafeteria ng


may tumawag sa kanyang pangalan.
"Steve!" sabi ng boses

Nilingon niya ito at nakita si Timothy na papalapit sa kaniya.

"Long time no see" bati niya dito

"Tarantado!" pabirong sabi ni Timothy, "Namiss mo lang ata ako"

"Ikaw? Ha! Di ko mamimiss yung pagmumukha mong kinaladkad sa semento!" sabi ni


Steve tapos ay lumingon-lingon, "Teka pare, Kasama mo ba si Vivi?"

"Di eh Hahanapin pa kasi niya yung papa niya dito sa Base, " sabi ni Timothy

"Ah ok, Kamusta na nga pala si Bansot?" sabi ni Steve


"Bansot?" natatawang sabi ni Timothy

"Si Bril" sabi ulit niya

"Ah" sagot ni Timothy

"Ayos lang, Aampunin daw siya ng mommy ko" sabi ulit ni Timothy

"Teka? Andito yung mga magulang mo?" tanong ni Steve

"Sila yung mga Tagapamahala ng Base" sabi ko

Nanlaki ang mga mata ni Steve ng marinig ang mga salitang yun mula sa bibig ni
Timothy
"Ikaw ang anak ni Mr.Adamson!?" sabi nito

"Oo pero wag mo kong matawag-tawag na sir kundi babangasan ko yang mukha mo!"
pabirong banta ni Timothy

"Ulol! Anong sir? Dapat manong hahaha" sambit ni Steve

Di na sumagot si Timothy dahil pinagtitinginan na sila sa Cafeteria. Sinuntok niya


siya sa braso upang tumigil na sa pagtawa

"Pinagtitinginan na tayo ng mga tao" sabi niya kay Steve tsaka humarap sa mga
nakatingin sa kanila "Pasensya na po, Nirescue ko lang po to sa mental"
Lumingon siya ulit kay Steve at nakatingin ito sa kanya ng masama. Ang mga tao
naman sa Cafeteria ay nagtatawanan.Kumuha na si Timothy ng pagkain at umalis sa
pila.

Nakita niya na pumasok ang mama niya kasama sila Brielle at Vivian. Binabati sila
ng mga tao habang nag-hahanap ng mauupuan.

"Ma! Dito po" sabi ni Timothy habang nakaupo sa lamesa.

Lima ang upuan ng pwesto ni Timothy kaya naman ay nagkasya silang apat. Tinawag ni
Tanya ang isang serbedor at pinakuha ng mga pagkain.

"Bakit niyo naisipang kumain dito?" tanong ni Timothy


"Dinalhan din kami ng pagkain sa opisina pero dumating si Bril hinahanap si Vivian
kasi gutom na daw siya" sabi ng mama niya

"Pasensya na ha? Di pa kasi siya kumakain simula ng umalis kami sa Maynila kaya
ganyan" sabi ulit nito

"Ah Ganoon ba," sabi ni Tanya at humarap kay Brielle na todo ang pagkain, "Kain pa
princess ko"

"Opo Mommy Tanya" sabi ni Brielle habang ngumunguya ng pagkain

"Tim" tawag ng isang boses sa likod kaya nilingon niya ito at nakita si Steve na
may hawak na tray ng pagkain, "Pwede paupo?"

"Sige" maikling sagot ni Timothy at nagpatuloy sa pagkain


"Kamusta po Mrs. Adamson" bati ni Steve sa ina ni Timothy at umupo sa tabi ni
Vivian

"Ikaw ba yung sundalo na kasama nila?" tanong nito

"Ako po yun ma'am, Niligtas ko po sila sa Maynila" proud na sabi ni Steve

"Mahangin" bulong ni Vivian

"Anong niligtas!? Ikaw nga tong tanga na tumakbo sa harap ng sasakyan namin" sabi
ni Timothy

"Oo nga kuya, Tanga ka!" sabi ni Brielle habang ngumunguya ng pagkain
"At least hindi ako bansot" sabi ni Steve habang nakangiting maloko

"Sinong Bansot!?" inis na sigaw ni Brielle

"Tama na yan Bril" suway ni Tanya, "Timothy pwede pakikwento niyo sa kin kung paano
kayo nakarating dito?"

Kinuwento ni Timothy ang mga naranasan niya nang magsimula ang lahat. Mula sa
pagkaalis ni Timothy sa kulungan hanggang sa pagkakita nilang apat sa isa't isa.

Nakwento rin niya ang pagkakabihag sa kanila ng Blue Phoenix gang, ang pagtakas
nilang tatlo at ang pagliligtas nila kay Vivian gamit ang plano ni Brielle na
pasaunurin ang maraming zombie sa kuta ng gang.

Nagulat si Tanya ng marinig an mga ito.

Di siya Makapaniwala na maiisip ng isang bata ang ganoong ka-brutal na plano.


"Siya ba talaga ang nakaisip noon?" tanong ni Tanya habang nakatingin kay Brielle
na kumakain ng ice cream, "Baka naman na-B.I sa inyo"

"Ako po talaga naka-isip noon kasi Genius ako!" pagmamayabang ni Brielle

Tumayo na Steve kasama ang Tray nito.

Ubos na kasi ang pagkain niya kaya isosoli na niya sa counter."Salamat po Mrs.
Adamson, Tim, Vivian" sabi niya tapos ay lumingon kay Brielle, "Hoy Sadistang
Bansot, Lalayas na ako"

Di na sumagot si Brielle, Binelatan niya nalang siya

"Sige po Ma, Tatayo na rin po ak- - " nagulat siya ng makarinig ng pagsabog mula sa
labas.
"Ano yun?" gulat na tanong ni Tanya

Ang mga kasabay nila kumain ay nagkukumahog na lumabas ng Cafeteria. Dahil ang ilan
sa kanila ay mga sundalo rin,

May mga dala silang mga baril.

Sumunod sila palabas at nagulat sa kanilang nakita.May malaking butas ang pader na
pumapalibot sa base. Halatang ginawa ito gamit ang pangpasabog dahil umuusok ang
ilang parte ng pader.

Mas ikinagulat nila ng may biglang dumaan na helicopter sa kanilang ibabaw.


Tumitira ang Machine gun nito at pinatatamaan ang mga sundalo na bumabaril dito

"Sino sila!?" Sabi ni Timothy


"Di ko alam! Pero Bakit pinapatay nila ang lahat ng tao sa base?!" sabi ni Tanya
habang karga-karga si Brielle

"Ma! Ialis niyo na si Bril at Vivian dito!" sabi ni Timothy tsaka pumulot ng isang
armalite mula sa isang patay na sundalo.

"Sige anak, Mag-ingat ka" sabi ng mama niya at tumakbo papunta sa shelter ng base.

"Paano natin pababagsakin yan?" nagulat si Timothy ng marinig ang boses ni Vivian.
Nilingon niya at nakita siya na may hawak na baril at tinututukan ang isa sa
dalawang helicopter na sumisirko sa base
"Bakit ka andito? Di ba dapat na sa shelter kana?" sabi niya rito

"Ayoko na maging pabigat sayo, Tutulungan kita dito" bulong na sabi ni Vivian kaya
di narinig ni Timothy na bumabaril sa mga helicopter.

"Vivian?" takang sabi ni Timothy dahil hindi niya ito narinig

"Diyan kalang! May kukunin lang ako" sabi ni Vivian at tumakbo palayo

"Saan ka pupunta!?' sigaw ni Timothy ngunit di nito napigilan si Vivian. Huli niya
siyang nakita na tumatakbo sa direksyon ng armory
***********************************************************************************
****

Habang ang isa sa mga Hind ay patuloy na bumabaril sa base ng Clark. Ang ikalawang
attack helicopter ay naglanding upang ibaba ang mga mercenaryo.

"Alright everyone! Get out of the damn chopper, Let's Move!" sabi ni David
pagkababa mula sa Hind.

Kasama ang mga mercenaryo, Pumunta sila sa pinakalikod ng base kung saan walang
nagbabantay dahil ang lahat ng mga sundalo ay abala sa pagpapabagsak ng mga
helicopter.

"Wait" utos ni David sa mga mercenaryo, Medyo malapit na sila sa pader ng kinuha
niya ang radyo at tinawagan ang isa sa mga attack helicopter, "Adrian, Fire a
missile on the wall behind the base"
"Copy that" sagot ng piloto

Ilang sandali lang ay sumabog ang isang portion ng pader. Nagkaroon ng isang
malaking butas mula rito.

"Let's go" utos ni David sa mga kasama

Pinasok nila ang butas ng pader. Dahil sa kaguluhan walang nakapansin sa kanila.

Nagtago sila sa mga pader at inutusan ni David ang mga kasama, "Alright... You know
the target's face. Find him and kill him. We'll get rid of everyone else"
"Yes Sir" sabi ng iba sa mga mercenaryo

Naghiwalay ang dalawang grupo. Pinamunuan ni David ang mga mercenaryo na papatay sa
lahat ng tao sa base samantalang pamumunuan ng kaibigan niyang si Zeke ang
paghahanap kay Michael.

Sinimulang barilin ng grupo ni David ang mga sundalo na nakatuon ang atensyon sa
dalawang helicopter. May ilan na nakapansin sa grupo nila kaya nagkaroon ng palitan
ng mga bala. Namatay ang ilan sa mga kasama niya ngunit di sila natinag at patuloy
na nakipagbarilan.

Binaril ng mga kasama niya ang ilang sibilyan na ikinagalit niya ngunit wala siyang
oras para pagalitan sila dahil masyado siyang abala sa mga sundalong patuloy ang
pagpapaputok sa kanila.
Natuon ang atensyon ni David sa isang babae na may hawak na isang malaki at kulay
berde na bagay. Hindi ito sundalo ayon narin sa kasuotan nito. Itinutok nito ang
baril sa babae dahil ang dala nito ay isang missile launcher.

***********************************************************************************
****

Patuloy ang mga sundalo sa pagbaril sa dalawang helicopter.

Sumali na rin si Timothy sa kanila habang hinihintay ang pagbabalik ni Vivian.

Biglang nag-launch ng isang missile ang isa sa mga helicopter. Tumama ito sa
pinalikod na pader ng base. Di ito pinansin ng mga sundalo at nagpatuloy sa
pagbaril sa kanilang kalaban sa ere.
"May mga kalabang nakapasok!" sigaw ng isang sundalo at tumakbo papunta sa
direksyon ng likuran ng base.

"Tim" sigaw ni Vivian na kagagaling lang mula sa likod ng armory habang may karga-
kargang isang sandatang mukhang tubo na mahaba at kulay berde. Isa itong FIM-90
Stinger Air Missile base narin sa itsura nito at mga nakasulat sa gilid nito.

"Ano yan!?" sabi ni Timothy

"Bazooka! Ano pa ba?" sabi ni Vivian at itinutok ito sa isa sa mga helicopter.

Napatingin si Timothy sa likuran ni Vivianat nanlaki ang mga mata niya ng makita na
isang lalaki ang nakatutok ang baril kay Vivian.

"Vivi!" tangkang pagbabala niya ngunit huli na ang lahat.


Natamaan si Vivian sa tiyan kaya napaupo ito. Ginamit niya ang huling lakas para
itira ang Stinger. Lumabas ang missile at dumeretso sa helicopter na naging dahilan
para sumabog ito at umulan ng umaapoy na bakal sa ibaba kung saan ito nawasak.

"Vivian!!!" sabi ni Timothy at pumunta sa kanya na ngayon ay nakahandusay at


dumudugo ang tiyan. Tinatakpan ng kaliwang kamay niya ang sugat na patuloy ang pag-
agos ng pulang likido.

"A-A-ayos lang ako" hirap na sabi ni Vivian at sinubukang ngumiti pero


nangingibabaw ang sakit ayon narin sa ekspresyon ng kanyang mukha.

Napatingin ulit siya sa direksyon ng lalaki na bumaril kay Vivian. Nakatalikod ito
sa kanila at may binabaril. Malamang mga bantay ito ng base.

Naghahalo ang pag-aalala para kay Vivian at galit sa taong bumaril sa kanya. Alam
niya na hindi dapat siya magpadalos-dalos kaya naman ay lumapit siya dito ng hindi
nito napapansin.
Nang makalapit na siya ay kinalabit niya ang gantilyo. Dahilan para pumutok ang
bala ng baril at tumama ito sa balikat ng kalaban.

Sinadya niya ito upang makuha niya siya ng buhay para malaman kung sino ang may
pakana ng pag-atake. Lumapit si Timothy sa kanya at hinampas ng baril upang mawalan
ng malay.

"Kayo na bahala dito!" sabi niya sa isa sa mga sundalo

Dali-dali siyang pumunta kay Vivian na unti-unting nawawalan ng kulay ang balat
dahil sa kakulangan ng dugo. Patuloy na umaagos ang mga luha sa kanyang mata nang
kargahin niya siya.

"Vi-Vivi" sabi ni Timothy "Wag mong ipipikit ang mga mata mo ok"
"Si-sige" hirap na sabi ni Vivian.

Pero nawalan siya ng malay kaya napatakbo si Timothy sa clinic

##################################

~~Chapter 13: Last Resort~~

##################################

Chapter 13: Last Resort


Habang ang dalawang Attack Helicopter ay umaatake sa Clark Air Base. Prenteng
nanunuod si Zach sa sarili niyang chopper.

"Well this is going nicely" sabi niya at kumuha ng tabako sa kanyang bulsa.Bakas sa
kanyang mga mata ang saya.

Biglang nagpakita ang isang missile mula sa base at tumama sa isa sa mga Attack
Helicopter.Labis na ikinagulat ito ni Zach kaya napatulala siya at nahulog ang
sigarilyo mula sa kanyang bibig dahil sa gulat.

"Damn it" sabi ni Zach habang nagngingit sa inis

"What shall we do sir" sabi ng piloto


"Nothing, Just stay and watch" sagot niya

*****************************************************************

Karga-karga ni Timothy si Vivian sa loob ng shelter. Nakita niya si Tanya at Bril


na halata sa mukha ang pag-aalala.

Di niya muna ito napansin dahil naka-tuon ang pansin sa pagdala sa kaibigan sa
clinic

Nakarating siya sa clinic pero walang tao. Hiniga niya muna si Vivian tsaka hinanap
ang manggagamot.

"Doc!" sabi nito


Lumabas ang doctor na nagmamadali. Nakita niya ni Timothy at laking gulat niya ng
hatakin siya nito papunta sa kama ng Clinic kung saan nakahiga ang isang babae na
may sugat sa tiyan.

"Anong problema?" sabi ng Doktor

"Natamaan po siya ng bala sa tiyan" sabi ni Timothy

Bumuntong hininga ang doktor at humarap kay Timothy

"Lumabas ka muna, Ako na ang bahala sa kanya" sabi ng Doctor


Umalis si Timothy mula sa clinic at napasandal sa pader habang nakatakip ang
dalawang kamay sa mukha.

"Kuya" sabi ng isang munting boses

Tinanggal niya ang mga kamay sa mukha at nakita sila Brielle at Tanya.

"Anak" sabi ng kanyang ina

"Ayos lang po ako" sabi ni Timothy at pilit na ngumiti. Napangiti rin si Brielle
pero hindi nakatakas ang kalungkutan niya sa kanyang ina.

Ibinaba ni Tanya ang pagkakarga niya kay Brielle. Niyakap niya si Timothy na
nagbabadya ang luha sa kanyang mga mata.
*****************************************************************

Namulat ang mata ng piloto ng bumagsak na attack helicopter mula sa pagkawala ng


malay. Naamoy niya ang nasusunog na metal ng makina.

Nilingon niya ang co-pilot at nakita ang maramihang pag-agos ng dugo mula ulo nito.
Inalis niya ang seatbelt at ang sarili mula sa pagkakaipit sa sira-sirang cockpit.

Pumunta siya sa puwesto ng co-pilot at inalog-alog ito ngunit walang nangyari.


Senyales na patay na ito

Lalabas na sana siya ng tumunog ang radyo. Dali-dali niya itong pinuntahan at
pinindot ang transmit button
"Adrian? Adrian?" sabi ng boses ng radyo

"Ricky?" sagot niya sa radyo

"You're alive! Listen David has been captured and we lost contact with the second
team. They might already be dead so we need to get out of here. Meet us at the
nearby town" sabi ng kabilang linya

"Ok" sabi ni Adrian


Kinuha niya ang baril ng isa sa mga kasama niyang mercenaryo tsaka lumabas mula sa
nag-crash na helicopter.

Nakita niya ang ikalawang helicopter na patuloy ang pagbaril sa base. Lumitaw ulit
ang isang missile pero naiwasan ito ng ikalawang piloto at lumipad palayo.

*****************************************************************

Paakyat ng hagdanan sila Blake at Michael. Nasira kasi ang elevator dahil sa
ginawang hakbang nila upang makaligtas mula sa mga papatay sana sa kanila.
Flashback

Patuloy sa pagreresearch ng antidote para sa Elixir si Michael. Pumasok sa


laboratoryo si Blake upang tignan ang progress niya.

"Kamusta kuya" bati niya dito

"Ayos lang pero may dapat kang malaman" sabi ni Michael sa malungkot na tono

"Ano yun?" sabi ni Blake at umupo sa tabi niya


"Di na natin maibabalik ang mga tao sa dati" sabi ni Michael

"Di ko maintindihan" sabi ni Blake

"Blake kahit mapawala natin ang epekto ng Elixir sa mga naapektuhan nito. Mamatay
din sila dahil yung kemikal na lang ang bumubuhay sa kanila at kapag nawalan iyon
ng bisa ay tuloy-tuloy na ang pagkamatay nila" pagpapaliwanag ni Michael

Bumuntong hininga si Blake at nakatungo ngunit ilang sandali lang ay lumingon siya
kay Michael ng may seryosong mukha, "Kung yun nalang ang magagawa natin para
iligtas ang mundo ay gagawin natin yun para sa kinabukasan" sabi niya ng buong loob

Biglang tumunog ang alarm at naramdaman nila ang pagsabog mula sa itaas na palapag.
"Bakit?" tanong ni Michael

Pumunta si Blake sa isa sa mga console at pinindot ang isang button na may
nakasulat na Call

"Anong nangyayari diyan sa taas!?" tanong niya dito

Static lang ang lumabas sa kabilang linya kaya pinindot niya ang isa pang button.

Lumabas sa screen ng console ang mga imahe ng nasusunog na building, Mga sundalo at
helicopter na nagbabarilan at mga sibilyan na nagtatakbuhan papunta sa shelter.

Bumakas sa mukha ni Blake ang pag-aalala at gulat. Patuloy niyang pinapanood ang
mga kaganapan ng biglang magsalita sai Michael.
"Sandali!" sabi niya. Tumigil si Blake sa paghahanap at lumingon sa kanya.

Lumapit si Michael sa console at pumindot ng ilang button. Nagfocus ito sa isang


taong bumabaril kasama ang ilang tao na may karga-kargang matataas na kalibre ng
baril kahit hindi sundalo.

"Si David" sabi niya sa Tonong nagpipigil ng galit

"Sino?" tanong ni Blake

"Isa siya sa mga mercenaryo ni Zach at ng Helios" sabi ni Michael at natuon ang
atensyon niya sa elevator pababa ng basement

"Pababa sila dito!" babala ni Michael


"Wag ka mangamba" sabi ni Blake at pinakita ang isang button, "Di sila makakapasok
dito ng walang pahintulot"

Pinindot niya ito at tumigil sa pag-andar ang elevator. Tumalikod siya sa screen at
tumawag sa telepono

"Please sagutin mo" inip na sabi ni Blake

Tumigil sa pag-ring ang kabilang linya at napalitan ng boses ng kanyang asawa.


"Hello?"

"Tanya! Ayos lang ba kayo?" tanong niya dito


"Oo Blake ayos lang kami dito sa shelter pero sino yung mga yun!? Bakit nila to
ginagawa?" tarantang sabi ni Tanya

"Mamaya ko nalang ipapaliwanag pag nakaakyat na kami diyan" sabi ni Blake, "Diyan
lang muna kayo hanggat di pa ayos ang lahat"

Habang nakikipagusap si Blake sa Telepono ay pinapanuod ni Michael ang kilos ng mga


mercenaryo na na-trap sa elevator. Pinipindot nila ang mga button pero walang
nangyayari. Naglabas ang isa sa kanila ng maliit na netbook at kinalas ang takip ng
mga button at kinabit ang isang connector sa loob. Ilang sandali lang ay umandar
ulit ang elevator.

"Blake!" sabi ni Michael.

"Bakit?" sagot nito


"Umaandar ulit ang elevator!" sabi ni Michael ulit na halata ang takot sa mukha

Lumapit si Blake sa console at nakita ang pag-andar ng elevator pababa sa kanila.


Pinindot niya ng ilang ulit ang STOP button pero di pa rin tumigil ito.

"Kuya kaya mo pa bang umakyat ng hagdan?" tanong ni Blake

"Oo naman! Bakit mo natanong yan?" takang sabi ni Michael

Di siya sinagot ni Blake at inalis ang takip ng isang lever. Tumingin siya kay
Michael at naiintindihan naman niya ito. Hinila niya pababa ang lever at ilang
sandali lang ay may tunog ng pagbagsak mula sa hallway.
Lumabas silang dalawa at pinuntahan ito. Nakita nila ang wasak na pinto ng elevator
habang ang loob nito ay nayupi ng todo at ang lahat ng sakay nito ay duguan na at
wala ng buhay

Binuksan ni Blake ang pinto sa gilid at tumambad ang isang hagdanan. Pumasok sa
loob si Michael at sumunod naman si Blake sa kanya.

End of Flashback

"Sigurado akong nasa malapit si Zach" sabi ni Michael

"Pero di sila mananalo, Base Militar ito at dalawa lang helicopter nila" sagot ni
Michael sa kanya

"Sana nga, Ayos lang ba sila?" tanong nito sa kanya


"Oo" tipid na sagot niya at deretso sa pag-akyat ng hagdan

***********************************************************************************
***

Paubos na ang mga bala ng ikalawang Attack Helicopter ng makarinig siya ng tawag
mula sa kanyang radyo

"This is Zach Landers to the remaining units, Fall back, I Repeat Fall back" sabi
ng Radyo

"This is the Second Attack Chopper, Retreating Over" sagot niya


"Chopper 2 do you have any remaining missiles over?" sabi ulit ng radyo

Saglit na tumingin si Ricky sa mga instrumento at ng nakita ang numero ng mga


missile na natira sa kanyang armas ay sinagot niya ang tanong.

"I Have Six Missiles remaining over" sagot niya

"Use them on the walls" sabi ulit ng kabilang linya


"Excuse me?" tanong niya dahil hindi niya naintindihan ang utos

"I said use the goddamn missiles on the goddamn walls!!!" sigaw ng kabilang radyo

"Which part of the wall sir?" sagot niya

"The front walls, Make sure its too big to be covered quickly" utos ng kabilang
linya sa mas kalmadomg tono

"Copy that" sabi ni Ricky


Inasinta niya ang ibaba ng pader upang sigurado ang pagbagsak nito. Pagkapindot
niya ng trigger ay umalis ang missile mula sa kaliwang pak-pak at tuloy-tuloy na
bumangga sa pader kung saan sumabog ito ng naging dahilan para sumabog ito at
magkapira-piraso ito.

Inulit niya ito sa iba't ibang parte ng pader at nagkaroon ng anim na malalaking
butas mula sa mga tinamaang parte nito.

Tumalikod ang helicopter at lumipad palayo sa base na umuusok dahil sa pag-atake


nila.

"Where are we going next?" tanong ng co-pilot niya

"Adrian will call his location to us so just wait" sagot niya


***********************************************************************************
****

Gamit ang isang lumang motorsiklo, Pinuntahan ni Adrain ang pinakamalapit na bayan.
Napansin niya na wala pang siyang nakikitang zombie sa paligid at puro bangkay na
lamang ang natira.

Nang makarating siya sa baryo ay nilabas niya ang hand-held radio upang tawagan si
Ricky.

"Ricky are you there?" sabi niya


Sumagot ang radyo ng may halong static ngunit nawala rin ito at napalitan ng boses
ng isang lalaki.

"Adrian is that you?" sabi ng boses

"Yup, I'm at a town five klicks west from the base, over" sagot niya

"Copy that, Just sit tight for four mikes, Over and out" sabi ng radyo

Di pa man siya nakakaalis sa pwesto ay natigilan siya ng may marinig na bose mula
sa kanyang likod
"Sino ka?" sabi ng boses

Nang lingunin niya ito ay nakita niya ang limang lalaki na nakatutok ang baril sa
kanya. Alam niya na huli na para bunutin niya ang handgun niya na nasa gilid ng
kanyang pantalon kaya nilagay na lang niya ang mga kamay sa likod ng ulo at
napaluhod.

"Kunin niyo yung baril niyan" sabi ng isa sa kanila. Siya ang lider base na rin sa
kanyang tono at pagkilos.

"What do you want?" tanong ni Adrian sa kanila


Di siya sinagot ng mga ito. Nagkatinginan lang sila sa isa't isa habang naguusap at
ang iba ay tinututukan lang siya ng baril

"Anong gagawin natin diyan boss?" tanong ng isa sa kanila

"Patayin niyo na yan, Ayoko ng maulit yung nangyari sa atin dati ng bihagin natin
yung apat na may-dala ng tangke" sabi ng lider habang nakayukom ang mga kamay.

Itinutok ng isa sa mga tauhan ang baril ni Adrian sa ulo niya. Napapikit na lang
siya habang hinihintay ang putok ng baril.

Nakarinig siya ng mga putok pero hindi ito galing sa pistol. Galing ito sa isang
attack helicopter na papalapit sa posisyon niya.

Napatakbo ang lahat ng bumihag sa kanila upang humanap ng matataguan. Si Adrian


naman ay tumakbo palapit sa helicopter at nagsisigaw.

Naglanding ito sa pinakaharapan niya at mula sa gilid ay lumabas ang ilang


mercenaryo at lumapit sa kanya.Biglang may bumaril sa bandang likuran niya at
natamaan ang ilan sa mga kasama.

Gumanti rin sila ng putok habang pasakay ulit ng helicopter. Ilan sa kanila ang
natatamaan kaya kinakarga sila pabalik sa loob.

Umakyat ang helicopter sa ere at lumipad palayo sa maliit na bayan habang patuloy
na pinapapaputukan ng mga kalaban. Natamaan ang co-pilot ni Ricky kaya naman ay
pinalitan ito ni Adrian.
"Now where the hell are we gonna go?" sabi ni Adrian

"Let's just go home" sabi ni Ricky tsaka binaling ang atensyon sa pagpapalipad ng
helicopter.

***********************************************************************************
****

Nasa ibabaw ng NLEX ang helicopter ni Zach habang pinapanood ang libo-libong zombie
na nasa pinakaibaba nila. Tumigil na ito sa pagabante pero malakas parin ang ungol
nito na nanghahalina sa halos lahat ng zombie malapit sa kanila.
Lumakas ang mga ungol ng zombie at lahat sila ay napatingin sa itaas kung saan
naroon ang chopper niya. Nakataas ang mga kamay nila at pinipilit abutin ito kahit
lagpas sa isandaang talampakan ang taas nito mula sa kanilang abot. Nakatingin na
lang sila dito gamit ang mga walang buhay na mga mata.

"Look at em, Scary are'nt they?" sabi ni Zach habang nakatingin sa ibaba

"Yes Sir" sabi ng piloto

"Let's go back to base, I have a plan that will surely be fun" utos ni Zach

"Copy" sabi ng piloto


Kinuha niya cellphone mula sa bulsa at di-nial ang numero ng isang taong
nagngangalang Bressler.

"Our plan has failed, Time to do plan B" sabi ni Zach sa kausap.

"You got it" matipid na sagot nito.

Lumingon siya sa bintana at muling tinignan ang mga zombie sa ibaba, "Now let us
see if you can live through what about to come"

Umakyat ang helicopter ng isang libong talampakan mula sa lupa at lumipad palayo.
Kasabay naman nito ang pagdating ng isang malaking helicopter na may nakabitin na
truck sa ilalim.

Binaba ng helicopter ang truck sa pinakaharapan ng swarm. Nagsimula itong


magpatunog ng mga wang-wang na nakapukaw ng atensyon ng mga zombie. Umandar ito at
lumiko sa isang kalsada na itinuturo ng signboard. Sinusundan siya ng mga halimaw
dahil sa lakas ng ingay

Ang nakasulat sa signboard ay 30 kms. To Clark Airbase

***********************************************************************************
****

##################################

~~Chapter 14: The Father~~


##################################

Chapter 14: The Father

Nag-aabang si Timothy ng resulta ng blood sampling. Nagpakuha sila ni Tanya ng dugo


upang malaman kung sino ang pwede magsalin ng dugo kay Vivian.

Maya-maya ay lumabas ang doktor.

"Kamusta po? Pwede na bang simulan?" sabi ni Timothy

"Unfortunately ay walang nag-match na dugo sa isa man sa inyo. Susbukan naming mag-
hanap ng dugo na ka-pareho ng type niya sa aming blood bank" pagpapaliwanag ng
doktor

"Di ba makakasama sa kanya kung di siya makakatanggap agad ng dugo?" Nag-aalalang


tanong ni Timothy
"Ipagdasal niyo nalang na meron pang supply ng dugo sa aming clinic, Yun lang po
ang magagawa niyo sa ngayon" sabi ng doktor at tumalikod pabaliik sa loob

Walang nagawa si Timothy kundi ang maupo na lamang at tumungo.

"Timmy, Antok na si Bril. Ihahatid ko lang siya sa kama tapos babalikan kita
ok?"sabi ni Tanya

"Sige Mom" nakatungo parin niyang sabi


Lumakad si Tanya palayo sa kanya. Tatayo na sana siya upang bisitahin si Vivian ng
may marinig siyang komosyon sa hallway ng clinic

"Nasaan ang anak ko!?" sigaw ng lalaki sa tonong natataranta

"Sir,Sandali lang inaalam lang namin ang kondisyon anak niyo kaya kumalma lang po
muna kayo at tatawagin namin ang doktor" mas kalmadong boses ng isang babae

Nilngon niya ito at nakita ang isang matandang lalaki na ka-edaran ng kanyang ama
ata isang babaeng nurse na mas bata dito. Hahayaan niya na lang sana ito ngunit
nag-salita ulit ang lalaki at napatuon ang atensyon niya sa sinabi nito

"Sabihin niyo sa akin kung ano ang kundisyon ni Vivian!!!"


Lumapit si Timothy sa lalaki at tinanong ito, "Ahm Excuse lang po"

"Bakit?" tanong ng lalaki sa malakas na tono

"Kilala niyo po ba si Vivian Santiago? Yung pasyente dito?" sabi ni Timothy

"Ako nga pala si Brian Santiago, Ang ama niya kilala mo ba siya?" sabi ng lalaki
"Ako si Timothy Adamsom, Ako ang nagdala sa kanya dito sa clinic" pagpapakilala
niya sito

Nanlaki ang mata ng lalaki at lumapit kay Timothy at hinawakan ang magkabilang
balikat tsaka niyugyog ito,"Ayos lang ba siya!? Kamusta na yung anak ko?!"

Inalis ni Timothy ang kamay ng lalaki sa kanyang balikat at tumalikod,"Mas mabuting


kausapin na lang natin ang doktor"

Naglakad sila papuntang kuwarto ni Vivian pero nakita agad sila ng doktor kaya
nilapitan nila ito

"Dok" bati ni Timothy, "Kamusta na siya?"


"Ano na po ang kalagayan niya?" sabi ng lalaki

"Pasensya na po pero walang ka-pareho ng dugo niya ang nasa clinic namin kaya- - "
Pagpapaliwanag ng doktor pero pinutol ito ng lalaki

"Ako nalang ang kunan niyo! Ama niya ako kaya pareho ang dugo namin kaya parang awa
niyo na! Kunin niyo na ang dugo ko!" balisang sabi ng lalaki

Pumunta sila sa kuwarto ni Vivian upang simulan ang pagsasalin. Nakatingin lang ang
ama ni Vivian sa anak niya habang kinukuhanan siya ng dugo. Halata sa mukha niya
pag-aalala na tila mas lumalala sa pamumutla ng kanyang katawan.
Natapos ang blood transfusion at tinanggal na ang life support system ni Vivian
dahil maayos na ang kalagayan niya.Habang naghihinatay sa tabi ng higaan ni Vivian
ay naroon ang ama niya at si Timothy.

"Magiging ayos lang ba siya?" tanong ni Timothy

"Sabi ng doktor ay maghintay na lang tayo hanggang sa magising siya" sabi ng lalaki
habang nakatingin kay Vivian tapos ay lumingon kay Timothy, "Ikaw ba ang boyfriend
ng anak ko?"

"Hindi po" sabi ni Timothy sa light na tono ng boses upang pagaanin ang katahimikan
Bumukas ang pinto at pumasok si Tanya na may dalang pagkain.

"Kamusta na kayo?" sabi ni Tanya at napatingin sa direksyon ni Brian, "Teka sino


siya?"

"Siya si Brian Santiago, Ang Daddy ni Vivian" pagpapakilala ni Timothy sa kanya

"Kamusta po" sabi ni Brian

Tumunog ang cellphone ni Tanya at sinagot niya ito, "Anak puntahan ko lang yung
daddy mo ha?"
Tumango na lang si Timothy habang umalis ang mama niya.

"Anak" sabi ni Brian,"Alam ko na hindi mo pa ako napapatawad hanggang ngayon sa


ginawa ko sayo noon pero sana ay maging masaya ka"

Naalimpungatan si Vivian habang nag-uusap ang tatlo. Agad na dumako silang dalawa
sa kanya.Dumilat ang mga mata niya at dahan-dahang luminga sa kanila

"T-ti-m? P-p-a?" mahinang sabi ni Vivian


"Anak!" sabi ni Brian

"Vivi" sabi ni Timothy

Sinubukang bumangon ni Vivian pero pinigilan siya ng dalawang kasama.Humingi na


lamang siya ng tubig dahil sa uhaw.

"Vivi" tawag ni Timothy

"Bakit?" sabi ni Vivian

"Ang galing mo, Napabagsak mo yung helicopter na umatake sa amin, Salamat "
Pagcocompliment ni Timothy sa kanya,"Pero wag mo na ulit gagawin ulit yun! Muntik
ka na mamatay! Bakit mo ko pinag-alala ng ganoon"

"Oo na po manong" sarkastikong sabi ni Vivian tapos ay napatingin sa kanyang ama,


"Kayo po pala Dad"

Nadama ni Timothy na kailangan niya munang umalis upang makapag-usap ang mag-ama,

"Titignan ko lang kung gising na si Bril" Paalam niya sa kanila

Nagkatitigan sila ni Vivian at naintindihan naman niya ang ibig sabihin noon tapos
ay umalis na siya
"Vivi, anak" sabi ni Brian habang nagsusumamong tumigin sa mga mata niya,"Patawarin
mo ako"

Lumingon palayo si Vivian sa kanyang ama at nagsalita ng di tumitingin sa kanya,


"Di ko po alam kung mapapatawad kita Dad. Kinuha mo sa kin yung isang bagay na
hindi ko na maibabalik at hanggang ngayon ay masakit pa rin"

Naramdaman niya ang pagtayo ng kanyang ama mula sa upuan nito. Tumingin siya rito
at nakita ang labis na kalungkutan nito.

Binuksan niya ang pinto pero bago lumabas ay malungkot na ngumiti sa kanya, "Alam
ko na hindi mo ko mapapatawad kaagad-agad. I Just hope that you can find happiness
even if you won't be able to forgive me"
Pagkasabi nito ay dumerecho na siya palabas

Naramdaman ni Vivian ang pag-init ng kanyang mata at ang pag-patak ng butil ng mga
luha mula rito.

*****************************************************************

A/N: Kasama po ito sa story pero pang-drama lang to chapter na ito

3 chaps na lang ang story na ito


##################################

~~Chapter 15: The Last Battle (Ending Part 1)~~

##################################

Chapter 15: The Last Battle (Ending Part 1)

Patuloy sa pagtahak ang truck sa daang papuntang Clark Airbase habang nagpapatug-
tog ng malakas.

Tumigil ang truck at ang driver ay lumabas sa sasakyan at nag-sindi ng sigarilyo.


Sumandal siya sa gilid ng truck habang hinihit-hit ang yosi.

Maya-maya ay naubos na ang sigarilyo niya. Tinapon niya ito at tinapakan hanggang
mawala ang baga. Sakto namang narinig niya ang sama-samang ungol di kalayuan sa
kanyang kinatatayuan.
"About Damn time" sabi nito

Sumakay siya sa truck at muling binuksan ang stereo ng sasakyan. Kasabay nito ang
pagbukas ng mga speaker sa likuran ng truck. Muli siyang tumigin sa Rear-view
mirror ng sasakyan at nakita ang sandamak-mak na zombie na papalapit sa kanya.

Pinaandar niya ito ng di-gaanong mabilis upang masundan ng mga zombie ngunit di rin
mabagal para maabot siya ng mga ito. Pinatug-tog niya ang isang rock song upang mas
malakas ang hatak sa mga zombie

[Play the Video on the right ====================================>]


Maya-maya ay biglang na-flat ang gulong ng sasakyan. Tumigil ang truck sa isang
maliit na bayan ilang kilometro mula sa base dahil na rin sa mga signboard na
nakakabit sa dinaanan niya.

Bumaba siya ng sasakyan upang palitan ang gulong. Pumunta siya sa likod at kinuha
ang spare tire. Nabigla siya ng marinig ang pagkasa ng baril sa kanyang likuran.

"Taas ang kamay!" sabi ng isang lalaking boses

Walang nagawa ang driver kundi ilagay ang dalawang kamay sa kanyang batok at
humarap sa kanyang assailant

"What the bloody hell do you want?" sabi niya

Malakas ang musika na nagmumula sa mga speaker kaya di niya ito masyadong narinig.

"Ano?" sabi ng lalaki


"Bakit ang ingay naman niyan ha?" sigaw ng isang lalaki na lumabas sa isang bahay.

Lumapit siya sa driver at tinangkang itali ito pero biglang sinuntok siya nito at
hinostage gamit ang isang kutsilyo na mula sa bulsa

"Bitiwan mo siya!" gulat na sabi ng bantay at lumingon sa mga bahay," Hoy mga
ungas! Nahostage si Kyle! Lumabas nga kayo dyan at tulungan niyo ko!"

Lumabas ang iba pang kasamahan ng dalawang lalaki at itinutok ang kani-kanilang
armas sa driver at ang hostage nito.
"Pakawalan mo na siya! Madami kami, Wala kang kawala!" sabi ng isa sa mga lalaking
kasamahan ng dalawa

"Patayin mo nga yang radyo na yan! Ang ingay at pakawalan mo na ako kasi wala kang
ligtas" sabi ng lalaking hinostage ng driver

Pinatay ng driver ang audio gamit ang isang remote.

"Look guys, I'm just passing through and my tire is flat." sabi ng driver at dumako
ang mga mata niya sa bihag," If you let me fix it, You'll never see me again ok?"

"Ano daw?" tanong ng isa sa mga kasamahan ng hostage


"Tanga! Ang sabi pakakawalan lang siya kung hahayaan nating ayusin niya yung gulong
ng truck" sagot ng isang kasamahan niya

"Cyrus ano na?" sabi ng isa sa mga tumutok ng baril

Tumingin si Cyrus sa driver at kay Kyle, "Ok you can fix it but let him go first"
tsaka dumako ang tingin sa mga kasama ang nagsabing, "Pabayaan niyo na lang siya"

Binaba ng mga kasama ni Cyrus ang baril nila at inalis naman ng driver ang kutsilyo
mula sa leeg ni Kyle at inalis ang hawak nito sa kanya.
Lumapit si Kyle kay Cyrus at bumulong, "Bubuhayin mo ba talaga yan?"

"Eh anong gusto mo todasin na yan dahil pinakielaman mo yung truck niya?"

"Wala kung tiwala sa kanya. At bakit may speaker yung likuran ng sasakyan? Di mo ba
naisip kung bakit?"

Umalis mula sa pagbulong si Kyle at humarap sa driver habang nakanyot ang noo at
nakatingin sa truck ng may pagsususpetsa, "Para saan ba yang bagay na yan?"

Nakarining sila ng mahihinang mga ungol mula sa kalayuan na nagpakaba sa mga lalaki
at napatingin sa pinanggalingan ng ingay. Di nila namalayan na nilabas ng driver
ang remote at binuksan ang mga speaker sa likod at tumunog ang rock song na
ikinabigla ng lahat
"Patayin mo nga yang bwisit na tug-tog na yan! Dudumugin tayo ng mga zombieng yun
kapag narinig nila yan!" sabi ni Cyrus sa tonong desperado

Nginitian niya lang siya nito ng na-kakaasar na ipinagtaka niya. Lumingon ulit siya
sa pinangagalingan ng mga ungol na nahahaluan ng musika.

Nakita niya ang libo-libong zombie na papunta sa kanilang direksyon. Saka niya
naisip ang dahilan kung bakit may speaker ang truck.

Bumunot siya ng baril at itututok sana ito sa driver pero nakapasok na ito sa truck
at pinaandar.
Binaril niya ang truck pero walang resulta. Tumigil ang truck sa labas ng baryo.
Malayo ito pero sapat lang para marinig sa buong bayan ang musika nito.

"Cyrus! Ano nang gagawin natin!" sabi ng kasama niya

"Paandarin niyo na yung kotse! Kailangan na nating umalis dito!" sigaw ni Cyrus sa
kanya

Nagmadali silang makalayo sa bayan samantalang ang mga zombie ay tila isang baha na
umaagos at niraragasa lahat ng madaanan nito. Pinapasok nila ang lahat ng bahay na
madaanan nila.
Samatalang nakatingin pa rin ang driver sa pulutong ng mga zombie na papalapit sa
truck ng makarinig ng tunog ng isang helicopter. Tiningala niya ito at napansin
niya hindi ito ang attack helicopter na magbabatay sa truck kung magkakaproblema sa
daan.

Kinabahan siya ng makita ang mga tatak ng PAF sa gilid nito. Kinabahan siya pero
pinaandar niya lang ulit ang sasakyan at dineretso ang daan.

Dumating ang isang jet sa pinaka ibabaw ng truck. Sumabog ito ilang sandali lang
ang nakalipas.

***********************************************************************************
****
Nanlaki ang mga mata ng dalawang piloto ng recon chopper ng makita nila ang
napakalaking grupo ng mga zombie na sinusundan ang truck na may malaking speaker na
nakakabit sa likuran nito.

Ayon na rin sa direksyon nito ay papunta ito sa Clark Air Base kaya ni-report nila
ito sa base at inutusan silang mag-RTB

Kinontak nila ang isang jet fighter na pasabugin ang truck. Ginawa ito ng eroplano
at umalis agad.

Babalik na sana sila ng biglang tumunog ang warning system ng kanilang helicopter.
Pero huli na dahil kaagad na sumabog ang helicopter at kaagad silang namatay.
Galing ang missile mula sa isang attack helicopter na nag-mamasid sa truck.
Napansin niya ang dalawang bomber na papunta sa pinakaharapan ng swarm at naghulog
ng mga bomba na naging dahilan para sumabog ang pinakaharap ng mga zombie.
Napalitan kaagad sila ng mga undead na mula sa likuran na hindi nahawakan ng
airstrike.

Ilang milya na lang ang layo nila mula sa Clark

***********************************************************************************
***

Nagpapanic ang mga tao ng malamang may malaking grupo ng mga zombie ang paparating
sa base. Tinatakpan ng mga sundalo ang mga butas sa pader na gawa ng dalawang
attack Helicopter na umatake sa kanila dalawang araw na ang nakalipas gamit ang mga
sandbag.
Nagtatawag naman ang isang sundalo ng mga survivor na nagmamay-ari ng isang baril o
kaya ay marunong gumamit noon upang tulungan ang mga sundalo na pigilan ang mga
zombie habang ine-evacuate ang buong base.

Narinig ni Timothy ang annoucement at lalapit sana pero may kamay na pumigil sa
kanya sa pag-hakbang.

Nilingon niya ito at nakita ang kanyang ina.

"Tim" malungkot na sabi ng kanyang ina.


Malungkot na ngumiti si Timothy at niyakap ang kanyang ina.

"Ma alam kong hindi niyo ko papayagan, Ngunit gusto ko kayong protektahan kaya
ipangako niyo sa akin na iaalis niyo si Bril dito, Ipinangako ko sa bangkay ng mga
magulang niya na aalagaan ko siya at gusto kong tuparin yun" sabi niya dito

"Basta ingatan mo lang ang sarili mo" sabi ng kanyang ina at sumubok rin itong
ngumiti pero mas halata ang kalungkutan ang sa kanyang mata dahil sa mga luha.

Umalis na siya sa pagkakayakap ng ina at nakita ang papa niya na nakangiti sa


kanya.
Hinawakan siya nito sa balikat at ngumiti na pang-palakas ng loob niya.

"Good luck, Anak" sabi ng ama niya

"Sige hon, Mauna ka na" sabi ng kanyang ina

Umalis si Blake samantalang pupunta na sana si Timothy sa assembly area pero may
itinanong ang kanyang ina na nagpatigil sa kanya sa paglalakad.

"Kaya mo ba niligtas si Bril ay dahil sa nangyari kay Britney?"


Lumingon siya dito at kalmadong sumagot, "Di po. Kung ano man ang nangyari noon ay
walang kinalaman ngayon. Niligtas ko po siya dahil nangangailangan siya ng tulong"

Bumuntong hininga ang kanyang ina at tumalikod sa kanya. Pumunta na siya sa


assembly ng mga volunteer at nakita si Steve na namimigay ng mga assault rifle.

"Penge nga ko ungas" sabi niya paglapit dito

"Yoko nga!" pabirong sagot nito sa kanya


"Ah ganoon ah!" sabi niya at kinuha ang rifle ni Steve at tumakbo palayo

"Gago!" malayong rinig niya sa boses ni Steve

Nakita niya na palapit ang ama ni Vivian sa truck na sinasakyan niya. Tinignan siya
nito ng may ekspresyon ng pag-kabalisa

"Nakita mo ba si Vivian, Timothy?" sabi nito sa kanya


"Hindi po,Di ba na sa clinic siya?" takang sabi niya

"Noong balikan ko kasi sa kuwarto niya ay wala na siya at hinahanap ko ngayon" sabi
nito ulit habang lumi-lingon

"Baka naman naksakay na sa evac chopper pero baka nandito pa rin siya, Hanapin niyo
lang po" sabi ni Timothy ulit dito

"Buti pa nga, Mag-ingat ka" sabi nito at umalis para hanapin si Vivian
"Sira ulong Timothy yun!" nang-gagalaiti na sabi ni Steve habang kinukuha ang iba
pang assault rifle at bala mula sa armory

Mabigat ang kanyang dalahin na ilalagay sa truck. Naramdaman niya na may naglalakad
palapit sa kanya sa likuran pero di niya ito nalingon dahil sa kargahin niya.

"Dito ko ba makukuha yung mga rifle para sa mga volunteer?" sabi ng babaeng boses
sa kanyang likuran
Medyo na-shock si Steve dahil hindi niya inaakala ng isang babae ang mag-
vovolunteer. Pamilyar ang boses nito ngunit sigurado siya na hindi ito ang kakilala
niya.

Di pa rin niya alam kung sino ito ng makarating siya sa truck. Nilapag niya ang mga
bala at baril sa likuran nito at kumuha ng isang M4A1 at ilang magazine.

Lumingon siya at laking gulat niya ng makita kung sino ang babaeng nang-hihingi ng
baril at bala.

"V-Vivian, Anong ginagawa mo?" di makapaniwalang tanong ni Steve


"Sasali sa laban, Ano pa ba?" sabi ni Vivian

"Marunong ka gumamit niyan?" tanong ni Steve sa kanya

"Oo naman!" sabi ni Vivian at tumalikod, "Halika na, Aalis na yung mga truck"

"Alam ko yan! Ba't ba ang sungit mo? Meron ka ba?" sabi ni Steve habang papunta sa
driver's seat ng ammo truck

Nginitian lang siya ni Vivian habang naglalakad palayo sa kanya.


Umandar na ang mga truck papunta sa isang maliit na daan upang pigilan ang mga
zombie na papunta sa Clark Air base.

Pagkadating sa holding point ay naghanda na sila para sa paparating na mga zombie.


Naghukay sila ng mga malalim na butas gamit ang ilang bulldozer upang mapabagal ang
pag-adbanse sa kanilang harang.

Naglagay din sila ng mga sandbag bilang ikalawang linya ng depensa.

Pinarada nila ang mga truck sa posisyong pangbarikada sa mga kalaban.

Katatapos lang maglagay ng sandbags ni Timothy at pabalik na siya sa truck upang


kumuha ng inumin ng makita niya ang isang pamilyar na babae.
Si Vivian

Lumapit siya dito at kinuha ang kaliwang kamay at iniharap niya sa kanya ng
marahas. Nahulog ang rifle niya dahil dito

"Ano ba?" galit na sabi sa kanya nito

"ANONG GINAGAWA MO DITO!!" sigaw niya sa kanya

"Lalaban! Ano pa ba?" bulyaw niya pabalik


"Baliw ka ba? Bakit di ka sumama sa evacuation ha?" sabi niya

Humina ang boses ni Vivian ng muling magsalita, "Dahil gusto kong protektahan si
papa at si Bril, Masama ba?"

Binitiwan ni Timothy ang kaliwang braso ni Vivian at hinawakan ang magkabilang


balikat nito,"Dapat hindi ka na sumama, Sobrang nag-aalala siya sayo alam mo ba
yun?"

"Gusto kong makatulong" sabi ni Vivian

"Alam ko yun. Kaso ay- -" naputol ang sasabihin ni Timothy ng makarinig sila ng
sigawan
'PAPARATING NA SILA!!!!' sigaw ng isang sundalo

"Umalis ka na dito" bilin ni Timothy kay Vivian

"Sa tingin mo makakaalis pa ako dito ngayon?" ngumiti ng nakakaasar si Vivian


habang nakatingin sa mga sundalo at survivor na naghahanda sa paparating na armada
ng mga patay.

"Basta wag kang sasali sa - -"

"Hoy ano ba! Maghanda na kayo paparating na sila!" sigaw ng isang sundalo na
napansin sila
Pinulot ni Vivian ang assault rifle na nahulog at tumakbo papunta sa front line.
Napailing na lang si Timothy at sinundan na lang siya sa sa firing line.

Ng makaposisyon na si Vivian ay tumabi sa kanya si Timothy na ikinairita niya pero


di na lang siya nagsalita.

"Tandaan niyo! Sa ulo niyo patamaan para tipid sa bala!" sabi ng isang sarhento

Nagsimulang magpaputok ang mga sniper na nasa ibabaw ng truck. Ilang zombie sa
harapan ang bumagsak. Di natinag ang iba sa kanila at patuloy na naglakad hanggang
marating nila ang mga hinukay na butas ng mga bulldozer.
May lalim na pitong talampakan ang mga butas kaya naman na-shoot ang ilang mga
zombie dito pero napuno ang mga butas ng mga buhay na bangkay kaya naging apakan
lamang sila para sa iba pa.

"Ang dami nila!" sigaw ng isa sa mga survivor at nagpaputok.

"Mamaya na kayo magpaputok pag sinabi ko!" sabi ng isang sarhento

Sumunod na nakasalubong ng mga zombie ang pader ng mga sandbag. Walong talampakan
ang taas nito at di abot ng mga zombie ang pinakamataas na parte kaya di sila
makaampas.
Unti-unting bumigay ang pundasyon ng pader ng sandbags at ang pagkabagsak nito ay
sumama ang daang-daang katawan nila.

"Handa!" sabi ng sarhento

Inasinta nilang lahat ang ulo ng mga zombie at naghihintay ng utos upang iputok ang
baril nilang lahat.

"TIRA!!" sabi ng sarhento


Naging isang tunog ang putok na mga baril dahil sa pagkasabay-sabay na pag-tira
dito. Bumagsak ang lahat ng mga zombie sa pinakaunang hanay at sunod-sunod na
silang nagbagsakan kasabay ng mga pagtunog ng baril.

Napansin ng sarhento na tinatarget ng ibang mga sundalo ang dib-dib ng mga zombie,
"Ano ba! Di niyo yan mapapatay hangga't buo pa ang utak kaya sa ulo niyo PATAMAAN!"

Narinig nila ang tunog ng isang helicopter sa kanilang likuran. Ngumiti ang ilan sa
mga sundalo dahil ito marahil ang air support nila.

Nakatingin ang sarhento sa helicopter habang nanlalaki ang mga mata niya. Napansin
ito nila Timothy at Vivian kaya nilingon nila ito at laking gulat nila ng makita
ito.
Ang Hind Helicopter na umatake sa base.

"TAKBO!!!" sigaw ni Timothy pero huli na ang lahat.

Nagpaputok ng machine gun ang Hind na naging dahilan para mapatakbo ang mga sundalo
at survivor. Marami sa kanila ang tinamaan ng machine gun ay namatay at ang iba
naman ay nasugatan kaso ay di matutulungan ng mga kasamahan dahil mga ito mismo ay
kinukuha ang mga truck at humvee palayo.

Naglaunch ng isang missile ang helicopter at dumerecho iyon sa isang truck na puno
ng survivor at mga sundalo.
Nagtago sila Vivian at Timothy sa likuran ng isang truck.

"Ano nang gagawin natin!?" nagpapanic na tanong ni Vivian

"Kailangan na nating makaalis dito!" sabi ni Timothy

Nakarinig sila ng ungol mula sa kanilang likuran. Palapit ang isang zombie kaya
binaril ni Timothy ito at kumalat sa kalsada ang laman
Nagsimulang mag-paikot-ikot ang helicopter sa lugar ng labanan at tinitira ng
machine gun ang lahat ng mga taong nakaligtas pag-atake

Nagulat si Vivian may kumalabit sa kanyang likod kaya hinarap niya ito at nakita
niya si Steve na nakangiti.

"Kamusta?" sabi nito


"Sira!" sabi ni Vivian

"Steve, Paano natin pababagsakin yan?" tanong ni Timothy

"Sira na ang truck na naglalaman ng mga bazooka kaya hindi na natin magagamit yun"
Sabi ni Steve, "Pero may ideya ako"

"Ano?" sabay na sabi ni Vivian at Timothy


"May nakita akong harpoon sa isa sa mga truck. Kunin niyo ang atensyon niya at ako
na ang bahala." sabi ni Steve

Nagkatinginan sila Vivian at Timothy. Tumango silang pareho sa isa't isa. Senyales
na handa na sila.

Naghiwalay ng landas silang dalawa samantalang kinuha naman ni Steve ang harpoon
mula sa truck at tinali ang bala nito sa isang truck.

Nasa magkabilang parte na sila ni Vivian ng sinimulan ni Timothy ang pagpapaputok


ng machine gun.
Minaneobra ng piloto ang helicopter upang mapunta sa harap ng front gun si Timothy
na ngayon ay tumatakbo ng pagilid. Si Vivian naman ang nagpaputok upang mabaling
ang atensyon nito sa kanya.

Tinira ni Steve ang likuran ng attack chopper ng harpoon at bumutas ito sa


helicopter habang pirmeng nakakabit ang lubid na nakatali sa truck.

Nakahanap ng taguan si Timothy at muling itinutok ang M-16 niya helicopter ng bigla
siyang dambahin ng isang zombie na naging dahilan para matumba silang pareho.
Nakagat ng zombie ang baril niya at sinusubukang punitin. Sinamantala iyon ni
Timothy at kinuha ang pen knife sa kanyang bulsa at itinarak ito sa bungo ng zombie
na ka-agad na ikinamatay nito.

Marahas na itinulak ni Timothy ang bangkay palayo sa kanya. Tumayo siya at kinuha
ang baril at lumapit kay Vivian na nagtatago sa likuran ng isang Military Jeep.
Patuloy ang pagtama ng bala sa kanyang pinagtataguan mula sa attack helicopter at
sa likuran niya ay papalpit ang limang zombie na hindi niya namamalayan
Pumasok si Steve sa driver seat ng truck na tinalian ng lubid na nakakabit sa
harpoon at pinaandar ito. Mahaba ang tali kaya hindi naramdaman ng piloto ang pag-
andar. Inikutan ng truck ang isang puno at ng sigurado na siya na naka tali ito ay
pinaharurot niya ng malakas ang truck hanggang nasaid ang tali at nahila ng kaunti
ang helicopter.

Sinubukang umalis ng helicopter mula sa paghatak pero hindi niya magawa dahil
nakatali ang harpoon sa puno. Nawalan na ng kontrol ang piloto at ang malaking
attack helicopter ay nagpasirko-sirko sa ere hanggang bumagsak sa pinakagitna mismo
ng swarm ng mga zombie. Nagpadausdos ang wreckage ng helicopter sa swarm at
nadadaganan ang mga zombie sa ilalim nito at nahihiwa naman ng elisi ang iba pang
zombie na hindi naabot ng katawan ng helicopter na lumiliyab na.

Tumigil sa paggulong ang wreckage ng helicopter at sumabog ito kasama ang maraming
zombie na lumalapit dito.
Nakaupo na lang si Timothy sa likuran ng Truck na minamaneho ni Steve habang
nakasandal ang ulo ni Vivian sa kanya.

Tumigil ang truck na ipinagtaka ni Timothy. Lumabas si Steve sa mula sa driver seat
at pinuntahan si Timothy at Vivian sa likuran.

"Ayos lang kayo?" tanong niya habang nakangiti sa dalawa


"Syempre! Kami pa!" napalakas na sabi ni Timothy kaya naalimpungatan si Vivian

Natawa silang pareho tapos ang may nilabas na lata ng softdrinks si Steve at
binigay iyon kay Timothy. Tapos ay tumalikod para bumalik sa pag-dadrive.

Binuksan ni Timothy ang lata pero laking gulat niya na lumabas ay usok. Naramdaman
ni Timothy ang pagkantok at nawalan siya ng malay.

Bumalik si Steve sa likod ng truck habang may kausap sa telepono. Natapos ang
pakikipagusap niya sa telepono tapos ay iginapos niya silang pareho. Nakarinig siya
ng tunog ng isang helicopter sa labas ng truck. Pinuntahan niya ito.
Bumaba ang sampung armadong lalaki mula dito. Sumunod ang isang lalaking matanda na
agad nginitian ni Steve.

"Good Afternoon, Mr. Zach Landers" sabi niya


"Well I Guess our plan really paid off did'nt it" sabi niya ng may halong sigla

Pinuntahan nila ang truck at sumakay dito. Napansin ni Zach ang isang babae at
lalaki na nakagapos ang mga kamay at walang malay.

"Who are they?" tanong niya


"The man is Blake and Tanya Adamson's son while the girl is just a nobody" sabi ni
Steve

"Oh" sabi ni Zach at sumakay na sa shotgun seat ng truck

Sumakay na rin ang sampung lalaki sa likuran ng truck at pinaandar na ito habang
himbing pa rin sa pagtulog. Walang ka-alam alam na may nagtraydor sa kanila

***********************************************************************************
****
##################################

~~Chapter 16: Thy Traitor (Ending part 2)~~

##################################

Chapter 16: Thy Traitor (Ending part 2)

Umaandar ang truck na nagdadala kay Zach at sampung mercenaryo niya. Minamaneho ito
ni Steve na muling inalala ang kanyang misyon

Flashback
Naghihintay si Steve Reyes na tawagin siya ng kanyang boss sa labas ng opisina
nito. Siya ay isang assassin na ang expertise ay pakikipagkaibigan sa target upang
makakuha ng impormasyon o isang bagay bago patayin.

Tinawag siya ng Sekretarya kaya tumayo na siya at pumasok sa loob. Nakita niya ang
isang lalaki na nakikipagusap sa telepono at nakatlikod ang upuan niya sa kanya.

Umupo si Steve sa couch na nasa harapang ng desk ng lalaki. Natapos ang


pakikipagusap nito at humarap sa kanya.

May katandaan na ito base sa kulay ng buhok nito pero mukhan malakas pa naman ang
pangangatawan nito ayon sa kilos.
"Good Morning Mr. Reyes" bati nito

Tumaas ang kilay ni Steve dahil ngayon pa lang may bumati sa kanya. Kadalasan kasi
ay ibinibigay na agad ang misyon o kaya naman ay susungitan siya kaagad.

"Morning Mr. Zach Landers" maikling bati niya dito

"Do you want some coffee" tanong ulit sa kanya


"No thanks. Get to the point. what do you want?" sabi niya

Natawa ng konti si Zach sa inasal niya. Kumunot ang ulo ni

Steve dahil sa inis.

"Would you like some hmmmmm..... Ice Cream?" sabi ni Zach na tila nang-aasar.
"Brrr.... What the F*ck do you want!!!" Sabi ni Steve dahil nauubusan na siya ng
pasensya dito

Bumuntong hininga si Zach habang nakangiti na mas lalong ikinainis ni Steve. Kinuha
niya ang isang black folder na naglalaman ng impormasyon. Na-wierdohan si Steve
dahil hindi tao ang pinatitungkulan ng impormasyon kundi lugar.

Ang Clark Air Base

Mas naguluhan si Steve ng makita na sa isang buwan pa gagawin ang paghahanap sa


target sa takdang lugar. Pero dahil napakalaki ng halagang ibabayad sa kanya ay
tinanggap niya nalang ito.
Isang buwan matapos magkita nila ay biglang kumalat ang impeksyon sa buong maynila.
Napagdisesyunan nila ng kanyang asawa na kapwa assassin din na umalis.

Habang nagmamaneho ay nakabangga sila ng isang sundalo. Bumaba ang asawa niya upang
tignan ito at sinundan niya rin. Biglang kinagat ng sundalo ang asawa ni Steve kaya
napilitan siyang patayin pareho sila.
Nagring ang cellphone niya at nakita na Mr Landers ang nakalagay sa caller I.D.

Sinagot niya ito at inutusan siya na magpalit sa outfit ng isang sundalo at


magpunta sa Camp Crame.

Nalito si Steve sa utos ni Zach pero sa bandang huli ay sinunod pa rin niya. Kinuha
niya ang isang malinis na military uniform mula sa likuran ng kotse at sinout ito.

Sinunog niya ang bangkay ng asawa gamit ang spare gasoline ng sasakyan. Tapos ay
umalis na siya papuntang Crame.

Nawalan ng preno ang kanyang sasakyan at bumangga ito sa isang kotse kaya nawalan
siya ng malay.
Nagising siya na masakit ang ulo at nag-durugo ito. Napatingin siya sa kanang
bahagi ng kotse at nakita niya ang napakaraming zombie na papalapit sa kanya.

Kahit nanakit ang katawan ay umalis siya mula sa durog-durog na kotse at paika-ika
siya tumakbo palayo sa mga zombie.

Nang patawid na siya sa kalsada ay nasagasaan siya ng isang kotse. Katulad ng


nangyari sa sundalo kanina na nasagasaan nila.

Bumaba ang dalawang tao, Isang lalaki at Isang babae at tinulungan siya na
makapasok ng sasakyan. Kasama nila ang isang batang babae na anim hanggang pitong
taong gulang.
Nang makaalis ang sasakyan ay ipinakilala niya ang sarili bilang isang Private ng
Phil. Army.

Naisip ng mga kasama niya na pumunta sa Crame kaya napagdisisyunan niya na sumama
nalang.

Nakisama siya sa paghahanap ng supplies at gasolina hanggang marating nila ang Camp
Crame. Ang kaso ay wasak na ito kaya kinuha nila ang lahat ng armas doon pati na
rin ang A.P.C ng mga pulis. Niligtas niya din sila ng magkahiwalay silang apat
upang makuha ang tiwala nito

Ginamit nila ito upang makapunta sa Clark ang kaso ay panandalian silang nabihag ng
isang gang. Nakawala sila dahil sa plano ng batang babae na pasunurin ang isang
lupon ng mga infected papunta sa headquarters ng gang at nabawi ang tangke pati na
rin ang kasama nilang babae.
Nakarating sila sa Clark at agad na na-destino siya bilang bantay. Sakto ito upang
maka-pagmasid sa base.

Muli niyang inestablish ang contact kay Zach at nireport ang mga depensa ng base at
ang mga kaganapan sa loob. Ipinahanap din sa kanya si Dr. Michael Perez at ng
makumpirma niya na nandito siya ay kumilos si Zach upang makuha ito.

Sinabotahe niya ang radar ng base kaya hindi namalayan ang pagdating ng Attack
Helicopter. Ang kaso nga lang ay bumagsak ang isa sa mga ito kaya nabulilyaso ang
plano.
Pero nalaman niya kay Zach na mag-papain sila ng libo-libong zombie papunta sa
base. Dahil doon ay nakabuo siya ng bagong plano upang tuluyang mapasok ang base at
makuha si Dr. Perez.

Inutusan siya ni Zach na pabagsakin ang Attack Helicopter na pumoprotekta sa swarm


ng mga zombie kung kinakailanga upang hindi siya mabuko bilang espiya. Sa
kalagitnaan ng labanan ay nawasak ang truck na may dala ng bazooka kaya napilitan
siyang mag-improvise gamit ang isang lumang harpoon na nakita niya sa isang truck.

Sa pamamagitan ng pagtatali ng lubid sa puno at ang pagkabit ng harpoon na may tali


sa bala ay napabagsak nila ang chopper. Pero buhay pa rin ang swarm kaso di na niya
problema iyon.
Ng makalayo sila mula sa swarm ay sinakatuparan niya ang plano at pinatulog ang
dalawang kasama at tinawag ang boss upang sa wakas ay makuha ang pangotra sa
impeksyon na dala ng Elixir.

End of Flashback

Palapit na sila sa tarangkahan ng Clark Air Base at pag kapasok sa loob ay nakita
ni Steve ang pamilya ni Timothy at Vivian na naghihintay sa kanila habang may isang
Pave Low sa kanilang likuran. Wala ng halos katao dahil naka-evacuate na ang lahat
maliban sa kanila
Bumaba si Steve at nilapitan siya ng mga ito.

"Yung anak ko?" tanong ng isang lalaki. Ito siguro ang ama ni Vivian

"Si Timmy?" tanong ni Mr. and Mrs. Adamson.

"Ayos lang ba sila?"tanong ni Dr. Perez

Nginitian niya lamang ang mga ito at tinuro ang likuran. Naglakad sila papunta sa
likod habang pumasok sa loob ng Pave Low si Steve at pinatay ang parehong piloto
gamit ang isang silenced pistol
Pupuntahan sana nila si Timothy at Vivian ngunit may nagsalitang isang lalaki na
lumabas mula sa shotgun seat ng truck.

"Hello everyone" sabi ng boses

Nanlaki ang mga mata nila Michael, Tanya at Blake ng makita siya samantalang
nalilito si Brian at Brielle sa mga nangyayari
"Judging from your expressions, I can tell that you are not expecting me to be here
ar'ent you?" sabi niya at lumingon kay Brielle at Brian, "Although I'm sure that
those two have no idea what's going on don't they?

"H-H-How did you - - " pautal-utal na sabi ni Michael.

"Get here?" sabi ni Zach na nakangiti

Naramdaman ng mga kapamilya nila Timothy at Vivian na may mga tao na bumaba sa
likuran ng truck. Lumingon sila at nakita ang sampung lalaki na may hawak na
matataas na kalibre ng baril at nakatutok sa kanila.
Lumabas si Steve mula sa Pave Low na ikinabigla ng lahat. May hawak itong silenced
pistol at lumapit kay Zach.

"The pilots are dead, Sir" sabi ni Steve

"Good" sabi ni Zach

"Private Reyes, Anong ibig sabihin nito?" pormal na tanong ni Blake


Ngumiti ng pandemonyo si Steve habang nakatingin sa kanilang lima, "Ang ibig
sabihin po nito ay traydor ako"

Nanlisik ang mga mata ni Tanya at akmang susugod pero pinigilan siya nila Blake at
Michael, "T*ng ina mo! Kaibigan ka pa naman ng anak ko tapos ay ganito ang gagawin
mo sa kanya!? Nasaan siya! Traydor!"

"Wag po kayong mag-alala." sabi ni Steve, "Sleeping beauty silang dalawa ni Vivian
sa likod ng truck. At bawal pong mag-mura, May bata" pagtuturo niya kay Brielle

"G*go!" sigaw ng bata


Nanlisik ang mga mata ni Steve pero may tumapik sa likuran niya. Si Zach pala ito.

"Calm down buddy" sabi nito

"Tss!" sabi ni Steve at naglakad palayo sa grupo.

"Now Mike, Where is the antidote?" tanong ni Zach

"There is no cure! You can't turn them back!"sagot ni Michael


"I Know! But I still can't let you kill them"sabi niya

"And if I Don't give it?"sabi ni Michael sa tonong naghahamon

Tumango siya sa isa sa mga lalaki at kaagad na lumapit ito kay Tanya. Hinila niya
ito papunta kay Zach pero sinapak siya ni Blake. Lumapit ulit an isa pang sundalo
sa kanya at hinampas siya gamit ang likuran ng baril kaya nawalan siya ng malay.

Itinutok ni Zach ang handgun kay Tanya," Then I'll kill her"
"You bastard!" Susugudin sana Michael si Zach pero napigilan siya ng mga
mercenaryo.

"Well Mike you have a choice. Either you give me the Antidote or She Dies" sabi
niya

Yumuko si Michael na may ekspresyon ng kabiguan sa kanyang mga mata, "I'll give it
to you. Just let her go"

Pinakawalan ng lalaki si Tanya at pinalakad sila ni Zach habang pinakarga naman ang
walang malay na si Blake.
Iniwan nilang lahat ang mga truck at dumeretso sa laboratoryo sa base.

Nagising sila Vivian at Timothy at bangag pa ng bumukas ang kanilang mga mata.

"Tim?" sabi ni Vivian

"Vivi?" sagot ni Timothy


"Anong nangyari?" tanong ni Vivian, "Bakit tayo nakatali?"

"Di ko alam. Ang naalala ko lang ay may binigay na softdrink si Steve tapos nong
buksan ko yun eh.......... May lumabas na usok." sabi ni Timothy

"Di kaya- - -!?"

"Malalaman natin mamaya, Unahin muna nating makaalis dito sa truck" sabi ni Timothy

Di pa man siya nakakakilos ay pumasok ang isa sa mga mercenaryo ni Zach sa loob ng
truck. Itinutok nito ang baril na hawak niya kay Timothy
"Timmy! Wag!"sabi ni Vivian at Iniharang ang katawan.

May pumutok na baril kaya napapikit na lamang si Vivian habang hinihintay ang bala.

Ipinagtaka ni Vivian kung bakit di pa dumadating ang masakit na pakiramdam. Dumilat


siya at nakita ang mercenaryo na nakahandusay ng patihaya at may duguang butas sa
likod nito.

Sa likuran ng bangkay ng mercenaryo ay isang lalaki na hawak ang isang umuusok na


baril. Umalis si Vivian sa pagkakapatong kay Timothy at tumingin sa lalaki.

Naglabas ng kutsilyo ang lalaki at lalapit sana kay Vivian pero gumapang si Timothy
at hinarangan siya.
"Wag kang lalapit sa kanya." babala niya dito

Hinakbangan lang ng lalaki si Timothy at dumerecho kay Vivian at pinutol ang tali
nito. Isinunod niya ang gapos ni Timothy.

Tumayo silang pareho habang yumuko ang lalaki at kinuha ang baril ng mercenaryo at
ibinigay kay Timothy.

Tumalikod siya at naglakad palabas ngunit narinig niya ang pagkasa ng baril.
Nilingon niya ito at nabungaran si Timothy na nakatutok ang hawak na baril sa
kanya.

"Bakit mo kami tinulungan?" sabi ni Timothy


"Ano ka ba Tim, Tinulungan na nga tayo ikaw pa yung nanunutok" saway ni Vivian

"Vivi, Siya yung bumaril sayo" sabi ulit ni Timothy

"Ano!?" gulat na sabi ni Vivian

"It was me" pag-amin ng lalaki, "But thats not important now"

"Bakit mo kami pinakawalan?" tanong ni Vivian


"Let's just say that I have my own reasons, But that is not important now. We need
to protect the antidote to save the world" sabi ng lalaki at tumalikod, "The name's
David, Now follow me if you wanna save your family"

"Anong gagawin natin?"tanong ni Vivian

"Sundan natin siya" sagot ni Timothy

"Sigurado ka?" pag-aalala ni Vivian


"Wala na tayong magagawa, Susundan natin siya pero wag tayong magtiwala sa kanya"
bilin ni Timothy kay Vivian at naglakad sila palabas upang sundan si David.

Nakita nila ito sa bandang unahan ng truck

"Let's go" sabi niya

"Teka David paano ka nakawala?" tanong ni Vivian


Habang hinahanap nila sila Zach ay kinuwento ni David kung paano siya nakatakas.

Flashback

Pagkatapos ng dalawang araw na pang-interoga sa kanya ay nakatali ang parehong


kamay ni David ng dalihin siya sa kulungan ng base. Madilim at malamig ang looban
nito at halatang hindi ito masyadong nagagamit.

Itinapon siya sa isa sa mga selda at ikinulong. Pagkaalis ng guwardya ay sinubukan


niyang makawala sa tali gamit ang isang matulis na bahagi ng pader.Ikiniskis niya
ang tali dito upang matanggal.
Natapos ang ilang oras pero walang nangyari dito kaya sumuko na siya.

Ipinangako sa kanya ni Zach na hindi maapektuhan ng kaniyang plano ang Amerika.


Ngunit pinakawalan pa rin nila ito at naging dahilan para mamatay ang asawa at
anak.

Dun niya naisip na iligtas si Michael Perez upang mapawalang bisa ang lahat ng mga
zombie at pumalpak ang boss na gamitin sila para wasakin ang mundo.Yun lang ang
naisip niyang paraan para makaganti sa Helios.

Nakarinig siya ng mga yapak ng isang tao na papalapit sa kanya. Dumungaw mula sa
rehas ang mukha ni Steve Reyes na nakangiti at pinapaikot-ikot ang keyring sa
kanyang daliri
"Miss Me?" nakangiti nitong sabi

"F*ck you! Now get my ass out of this damn jail!" utos niya dito

"Yeah, Yeah don't loudmouth me you little shit or else you'll spend the rest of
eternity in this hellhole" pagbabanta nito

"Just let me out of here" sabi niya sa mas kalmadong tono

Pinasok ni Steve ang selda at pinutol ang tali ni David. Binigyan siya nito ng
baril at sinabihan na manatili muna hangga't hindi pa niya sinasabi na umalis.
Natunugan niya na umaalis na ang mga tao sa base at dahil wala ng bantay na
bumababa ay sigurado siya na iiwanan dapat siya sa kulungan para mabulok.

Lumabas siya mula sa kulungan at nakita ang maraming helicopter na nag-papabalik-


balik para sunduin ang mga sibilyan at importanteng opisyal

Masyadong busy ang lahat kaya di nila napansin si David na tumakas. Nagtago siya sa
isang building na abandonado kaya di na siya napansin.
Lumabas siya mula sa pagkakatago ng hindi na niya naririnig ang pagparit- panaog
ang mga helicopter. Nakita niya na isa nalang ang helicopter na naghihintay malapit
sa gate.

Maya-maya ay dumating ang isang truck at bumaba dito si Steve. Nilapitan siya ng
mga tao na hindi pa umaalis at nagtanong. Itinuro niya ang likuran ng truck at
dumerecho sa loob ng helicopter. Pinuntahan nila ito pero nakakailang hakbang
palang sila ay lumabas ang isang lalaki sa truck.

Di na niya pinansin ito at lumakad ng patago sa truck. Umalis silang lahat kaya
dire-deretso na siya sa mga truck upang kumuga ng armas at mai-sagawa ang kanyang
paghihiganti.

End of Flashback
"Kung ganoon ay tutulungan mo kami na mailigtas ang pamilya namin?" tanong ni
Vivian

"Yes" maikling sagot ni David

"Paano ka namin mapagkakatiwalaan?" sabi ni Timothy

"Don't trust me, Just work with me"

Ilang sandali ng paglalakad ay naispatan nila ang kanilang mga kasama na


napalilibutan ng mga armadong lalaki. Wala si Dr. Perez at Zach ngunit ang mas
inaalala nila ay kung paano nila maililigatas ang pamilya.

Nagtago sila sa kabilang pader upang hindi mahalata

"May plano na ba tayo?" tanong ni Vivian

Nagkatinginan silang tatlo ng ilang segundo. Inilapit ni David ang bibig sa


kaliwang tenga ni Timothy at may binulong dito. Inalis niya ito at si Vivian naman
ang binulungan

"Sounds good enough for you?" sabi niya


"Oo, Basta gawin na lang natin" sabi ni Timothy

Ibinigay ni David ang baril kay Vivian pagkatapos ay lumakad palayo. Nagtago sila
habang lumapit naman siya sa kanila.

Pagkakita sa kanya ay agad na tinutukan siya ng mga baril.

"Woah! Chill guys its just me!" sabi ni David

Pero tinutukan pa rin siya ng mga baril nito kahit kilala nila ito.
"Put the guns down!" utos ni Steve

Ibinaba ng mga mercenaryo ang mga baril nila. Lumapit naman si Steve kay David

"How are you doing?" tanong nito sa kanya

"Just peachy" sagot ni David

"Oh" sagot ni Steve at tumalikod pero humarap ulit to at nakatutok ang baril kay
David. Itinutok ng iba pa ang baril sa kanya.
"What the hell?" sabi ni David

"Sorry buddy. We can't trust you" sabi ni Steve

May kinalikot si David sa kanyang bulsa na ikinaalarma ni Steve. Bigla niyang


inihagis ito sa lupa at tumalon ng patihaya.

Tinignan ni Steve ang pagulong-gulong na bagay. Nanlaki ang mga mata niya ng
makita kung ano ito ng tumigil ito sa paggulong.
"Flashbang!"

Pero huli na ang lahat at pumutok ang flashbang. Pansamantalang nabulag ang mga
mercenaryo pati na ang mga bihag kaya napatakip silang lahat ng kanilang mga mata.

Tinackle ni David si Steve habang lumabas sila Timothy at Vivian at pinagbabaril


ang mga nabulag na mercenaryo.

Ilang segundo ang nakalipas ay nawala ang epekto ng Flashbang sa mga bihag. Unti-
unting bumakas ang saya sa kanilang mga mukha ng makita nila ang mga nagligtas sa
kanila

"Timmy!" sabi ni Tanya at tumakbo papunta sa anak at niyakap ito, "Akala ko napano
ka na!"
Niyakap rin siya pabalik ni Timothy, "Ma, Hindi basta namamatay ang masamang damo!"

Kumalas sa pagkakayakap si Tanya at nakita ng anak niya ang mga luha sa mata pero
nakangiti siya, "Ikaw talaga!"

"Kuuuuuuyyyya!" sigaw ni Brielle at tumakbo papunta kay Timothy at yumakap sa


kanya, "Namiss kita!"

"Ikaw hindi ko na miss" pang-aasar niya kay Brielle

Narinig nila ang nagbubugbugan sa kanilang gilid. Sila Steve at David pala ito.
Nakapaibabaw si Steve at akmang sasaksakin si David ng ------

"Hoy!" sabi ni Timothy habang nakatutok ang baril sa kanya, "Sayang, May komedyante
sana kami kung di mo to ginawa"

Nangunot ang ulo ni Steve pero biglang nabutas ang noo nito dahil sa bala na mula
sa baril ni Timothy. Bumagsak siya sa pwesto kung saan nakahandusay ang sugatang si
David.

"Ayos ka lang?" sabi ni Timothy habang nakalahad ang kamay sa sugatang kasama.

Inabot ni David ang kamay ni Timothy at hinila siya nito patayo.


"Yeah, I'll be just fine" sabi nito habang pinapagpag ang sarili, "Wait, Where's
Michael Perez?"

"Nasa laboratoryo siya sa baba" turo ni Blake sa isang bukas na pinto na papunta sa
isang basement.

"Ok" sabi ni David at tumakbo pababa pero sinundan siya ni Timothy

"You're gonna follow me?" sabi ni David

"Baka may tao pa siya diyan sa baba, Sasamahan lang kita" sabi nito
Di na nagsalita si David at bumaba na lang papuntang underground lab kasama si
Timothy.

Niyakap ng ama niya si Vivian habang patuloy ang pag-iyak nilang dalawa.
"Ayos ka lang ba anak?" nag-aalalang tanong ni Brian

"O-Opo papa" sabi ni Vivian habang pilit na ngumingiti sa kabila ng mga luha sa
kanyang mata

Nanlaki ang mga mata ni Brian ng makita ang isang mercenaryo na buhay pa at
nakatutok ang baril nito sa kanyang anak. Agad siyang umikot upang protektahan ang
anak.

BANG!!!!

Nagdugo ang likuran ni Brian habang yaka-yakap ang anak at agad siyang napaupo
dahil sa panghihina at sakit. Ang mercenaryo sa likuran niya ay tuluyan ng namatay
"Papa! Papa!" nagpapanic na sigaw ni Vivian

Dinaluhan siya nila ng iba pa ngunit nakatuon lang ang pansin sa kanyang anak.
Hinawakan niya ito sa kaliwang pisngi at pinahid ang luha na tumutulo mula sa
mata.

"Vi-vi" naghihingalong sabi niya,

"Wag ka na magsalita papa, Magiging ayos lang ang lahat" sabi ni Vivian sa
nangangaratal na boses

"K-kai-langan m-mong m-maging m-mata-tag m-mula ng-ngayon, w-wag k-ka n-ng i-iiyak
k-kasi ------" hindi natuloy ni Brian ang sasabihin dahil binawian na siya ng buhay
"PAPAAAAAAAA!!!!!!!!!!!!!!!!" pumalahaw ng iyak si Vivian habang nakayakap sa
walang buhay na ama at niyuyug-yog ito.

Niyakap siya mula sa likuran ni Tanya habang nakalinkis sa kanang kamay niya si
Brielle.

Humiwalay siya sa pagkakayap sa bangkay ng ama at isinubsob ang mukha niya sa Dib-
dib ni Tanya at doon iniyak niya ang lahat habang hinahagod nito ang kanyang ulo na
tila isang bata.

Tinapik ni Blake si Tanya sa balikat, "Kailangan na nating umalis dito"


"Paano si Timothy at yung kasama niya?" sabi ni Tanya

"Hihintayin natin sila sa loob ng helicopter" sabi ni Blake

Inalalayan ni Tanya na tumayo si Vivian na hanggang ngayon ay nagdadalamhati sa


pagkawala ng ama. Dumerecho sila sa loob ng Pave low at nilabas ang bangkay ng
dalawang piloto. Ngayon ay hinihintay nalang nila ang pagbabalik nila David,
Timothy at Michael.
Humahangos pababa sila David at Timothy. Hinahabol nila oras dahil sa bawat segundo
na hindi nila napipigilan si Zach ay mas kumokonti ang pag-asa nilang mailigtas si
Michael at makuha ang antidote
"We have to hurry!" sabi ni David

Ilang minuto lang ang distansya ng laboratoryo kung tatakbuhin nila pero parang
ilang oras na silang tumatakbo dahil sa pagod. Pagkadating nila sa pinakaibaba ay
naka-lock ang pinto.

"Paano natin bubuksan yan?" tanong ni Timothy

Magkasabay nilang binagga ang pinto pero masyadong matibay ito kaya walang
nangyari.

"Ano na?" tanong ni Timothy


Tingnan siya ng masama ni David tapos ay dumako ang mga mata niya sa baywang ni
Timothy

"Bakit?" nalilitong tanong niya

"Give me your gun" sabi nito

Kinuha ni Timothy ang handgun na nakasukbit sa kanyang tagiliran at iniabot ito kay
David. Itinutok niya ito sa kanan bahagi ng pinto kung nasaan ang kandado at
ipinaputok ito.
Sinipa nilang dalawa ang pinto bayolente itong tumama sa pader. Pinasok nila ang
loob at kaagad na hinanap sila Michael at Zach.

Nabungaran nila si Zach na may hawak-hawak na isang USB habang si Michael ay duguan
na nakahiga sa sahig at may lumalabas na dugo sa bibig. Sinenyasan niya si Timothy
na magtago malapit sa mga computer.

Lumapit ng kaunti si David habang nakatutok ang baril kay Zach

"Give it to me Zach" sabi ni David. Natuon ang atensyon nito sa kanya at ngumiti
"Well, Well, Well if it is'nt my best man" sabi ni Zach sa tonong sarkastiko

"Was" sagot ni David, "Now give me the goddamn Flash drive"

"What on earth makes you think I would give this to you?" tanong ni Zach at binunot
ang sarili nitong baril at itinutok sa kanya

"You're right." sabi ni David at ngumiti, "That is why we'll take it from you."
"How are you going to - -" di na niya natapos ang sasabihin dahil sinugod siya ni
Timothy kaya pareho silang natumba sa tabi. Nahulog ang USB dahil dito

Sinamantala ni David ang pagkakataon at kinuha ang Flash Drive. Si Timothy naman ay
nakikipag-agawan ng baril kay Zach hanggang pumutok ito.

Napaatras si Timothy mula kanya na tinatakpan ang duguan tiyan. Tumawa ng konti si
Zach habang pinupulot ang baril at tsaka itinutok ito kay David.

Naunang mag-paputok si David kaya nabitawan ni Zach ang baril. Tinapos niya ang
trabaho sa pamamagitan ng pagbaril sa kanya ng lima pang beses.
Lumapit si David kay Michael at pinulsuhan siya. Tumingin siya kay Timothy at
umiling na lang.

Naintindihan ito ni Timothy kaya dumako siya sa isa sa mga computer

"Iyan na ba talaga yun?" tanong ni Timothy habang namimilipit sa sakit ngunit


iniinda lang. Tumayo siya habang nakasuporta sa desk

"Let's Find out" sabi ni David at ipinasak ang USB

Binuksan nila ito at nakita ang lahat ng impormasyon tungkol sa antidote at ang
Elixir na kemikal na nagsimula ang lahat.
"This is it, Now let's get out of- - -" naputol ang sinasabi ni David ng makarinig
silang pareho ng pagbeep

"Ano yun?" sabi ni Timothy

Tumingin sila sa direksyon ng isa sa mga console. Nagulat sila ng makita si Zach na
nakadagan dito habang nakapindot ang isa nitong daliri.

May mga simbolo na lumabas sa screen. Ikinabahala nila ang nakasulat rito

BASE SELF-DESTRUCT IN T-MINUS 4m:54 sec


"F*ck" sabi ni David, "Run!!!!!!'

Sabay silang tumakbo palabas ni Timothy. Narinig nila habang tumatakbo ang halak-
hak ni Zach pero pahina na ito dahil palayo na sila.

Nadapa si Timothy kaya binalikan siya ni David at tinulungan tumayo, "Hurry up Damn
it!"

Magkasabay silang nakalabas ng laboratoryo at tinugo nila kung nasaan ang


helicopter.

Nakita niya na nag-aabang sila Tanya at Blake sa kanila.

"Paandarin niyo na bilis!" sabi ni Timothy

Nagmadaling pumasok sa loob silang dalawa. Nakita nila na nakaupo si Vivian habang
namumugto ang mga mata.Si Brielle naman ay tulog.

"Si kuya?" tanong ng mama ni Timothy

Umiling na lamang si Timothy. Naintindihan ito ni Tanya kaya napaupo na lang siya
habang nakatakip ang kamay sa mukha.
Dinerecho ni David ang cockpit at sinimulan ang pagpapaandar sa helicopter.
Nakarinig sila ng pagsabog mula sa likuran.

Nag-take off na ang helicopter habang nasusunog ang base sa ibaba nila. Napatingin
sila sa labas at nakita ang swarm ng mga zombie na nasa labas ng nasusunog na Clark
base.

Nilapitan si Timothy ng kanyang ina na pulang-pula ang mga mata. Halatang umiyak
ito kanina pa.
"I'm sorry" sabi ni Timothy

"Bakit?" tanong ng mama niya habang pinupunasan ang luha

"Kasi hindi ko nailigtas si Uncle" sabi ni Timothy

"Hindi mo yun kasalanan anak" sabi ni Tanya tapos ay sumeryoso ng konti ang kanyang
mukha, "Nakuha mo ba yung formula na ginawa ni kuya?"

"Oo" nakangiting sabi ni Timothy


"Were almost there" sabi ni David

Pumunta si Timothy sa upuan ni Vivian.

"Ayos ka lang?" sabi ni Timothy

Di ko man lang siya napatawad" sabi ni Vivian habang nakatingin sa labas


Inakbayan siya ni Timothy at isinandal ang ulo sa balikat niya, "Kahit hindi mo
siya napatawad ay mahal ka pa rin niya. Kaya wag ka nang malungkot dahil hindi niya
magugustuhan kapag nakita ka niyang ganyan."

Inalis niya ang pagkakasandal ng kanyang ulo at ngumiti sa kanya, "Salamat"

"Were here" sabi ni David mula sa cockpit

Sumunagw sila Tanya at Blake sa Aircraft Carrier ng Amerika.

Ang USS NIXON


Nang makalanding sila ay sinalubong sila ng ilang mga sundalo. Ni-request nila na
makausap ang kapitan ng barko.

Binigay nila ang data tungkol sa antidote na ginawa ni Michael. Pinadala nila ang
data sa mga scientist sa buong mundo. Sa wakas ay may magagawa ng antidote.

Di man nito maililigtas ang buhay ng mga apektado ay mawawalan na ng mga zombies na
balakid sa pag-sasaayos ng mundo.
Naglalakad sa deck ng Aircraft Carrier sila Vivian at Timothy habang pinagmamasdan
ang sunset.

"Timothy" sabi ni Vivian

"Bakit?"tanong ni Timothy

"Ano nang mangyayari sa atin?" tanong nito


Di sumagot si Timothy. Imbes ay hinalikan niya sa labi si Vivian hanggang mawalan
sila ng hangin

"Hmm...Hmmm....Hmmm Sira ulo ka" sabi ni Vivian habang naghahabol ng hininga

"Matagal ko nang gustong gawin yun eh" sabi ni Timothy habang nakangiti ng
nakakaloko

"Edi gawin natin ulit" sabi ni Vivian at hinila ang sarili niya upang mahalikan si
Timothy
Kasabay noon ang paglubog ng araw. At sa muling pagpapakita ng liwanag kinabukasan
ay ang bagong pag-asa para sa lahat ng nakaligtas sa zombie apocalypse

***********************************************************************************
*******

May epilogue pa ito

##################################

~~Epilogue~~

##################################

Epilogue
Limang taon na ang nakakaraan ng kumalat ang zombie apocalypse dahil sa kagagawan
ng Helios Pharmaceuticals. Ipinapatay ang lahat ng mga opisyal nito upang hindi na
makapaminsala pa sa mundo

Ipinakalat nila ang antidote sa ere at tila naging hamog ito na ikinamatay ng lahat
ng mga zombie na mapapaloob dito.

Mula sa pitong bilyon tao noong panahon bago pa ang zombie apocalypse ay 900 milyon
na lang ang natira sa populasyon ng mundo.
Ang apocalypse ay tila isang baha na nagbago ng mundo. Ang lahat ng mga bansa ay
nawala at ang sangkatauhan ay nagkaisa sa iisang gobyerno na pinamamalahaan ng
isang parliamento.

At ang mga bida ng storyang ito.

Nagpakasal si Timothy at Vivian at ilang araw na lang ay isisilang na ang ikalawang


anak nila. Tuwang-tuwa sila Blake at Tanya na ngayon ay miyembro na ng Earth
Parliament.
At si David,

Ngayon ay isa na siyang Major ng militar. Nakahanap na rin siya ng bagong asawa at
may anak na rin sila.
Marami man ang nawala sa kanila ay meron silang bukas na aasahan.

Dito na nagtatapos ang kuwentong ito.

Maraming salamat sa mga nagbasa.

##################################

~~Author's Note~~

##################################
Author's Note

Pasensya na kung wala masyadong zombie sa mga chapter. Mas focused kasi itong
kuwento na ito sa characterization.

Salamat sa mga nagbasa at nagtiis sa walang kuwentang Format ng storya. Di kasi ako
sanay sa Third person kaya ganito ang kinalabasan

I write not to be famous, But to express my self


---------

JudeModelo

You might also like