You are on page 1of 3

PAGSULAT NG

BALITANG
PAMPALAKASAN

SA

FLT 303
Isinulit ni :
JERRILINE I. BARRIOS

Isinulit kay:
Doc. JUDALINE S. COMISO
Malakas na Gilas Pilipinas team na isasabak sa
FIBA Women’s Asia Cup, binubuo na

Magsisimula na ang Gilas Pilipinas


Women sa pagbuo ng isang malakas na
koponan na isasabak sa mga darating na
international tournaments, gaya ng FIBA
Women’s Asia Cups at 31st Southeast
Asian Games.

Sa tulong ng Fil-Am Nation Select,


magsasagawa ang Gilas Women’s ng
tryout para sa seniors’ squad sa Hunyo 4-
5 sa La Verne, California.

Magsisimula na ang Gilas Pilipinas


Women sa pagbuo ng isang malakas na
koponan na isasabak sa mga darating na
international tournaments, gaya ng FIBA
Women’s Asia Cups at 31st Southeast Asian Games.

Sa tulong ng Fil-Am Nation Select, magsasagawa ang Gilas Women’s ng tryout para sa seniors’
squad sa Hunyo 4-5 sa La Verne, California.

“Partnering with Fil-Am Nation allows for us to build a connection; and most importantly,
relationship with the Fil-Am coaches and, of course, players so that we can build a bridge, and
more players would be eligible to play for their country,” wika ni Gilas Women’s head coach
Patrick Aquino, na kapwa mentor ng national women’s 5-on-5 at 3×3 teams.

Kasalukuyang nasa Estados Unidos si Aquino upang tulungan si Jack Animam na maayos ang
magiging training nito sa East West Private.

Nangunguna sa kabuuang 27 players na inimbitahan upang lumahok sa tryout sina Mai-Loni


Henson at Chanelle Molina.

May taas na 6-foot-1, si Henson ay naglaro sa Division III French team Al Aplemont pagkaraang
makapagtapos sa Washington habang  5-foot-9 na si Molina ay produkto ng Washington State;
naglaro sa Swedish club na Norrköping at nag tryout sa WNBA team Indiana.
Kasama rin ni Chanelle na magta-tryout ang kanyang mga kapatid na sina Cherilyn at Celina.

Inimbita rin sa tryout sinabElla Fajardo at ang Sacramento State product na si Gabi Bade
gayundin ang mga centers at power forwards na sina 6-foot Lexi Marks ng Boise State; 5-foot-
10 Malia Bambrick ng Pepperdine; 5-foot-10 Kiera Oakry ng UC San Diego; 5-foot-10 Kayla
Revelo ng University of Hawaii-Hilo at 5-foot-9 Kayla Padilla ng Pepperdine.

Ang iba pang mga inimbitahan ay sina Vanessa De Jesus ng Duke, Aurea Gingras ng George
Washington, Mel Isbell ng New Mexico State, Lei McIntosh ng UC Berkeley, Gabby Rones ng
Nevada, Angie Villasin ng North Park, Jessica Malzarte ng Frezno Pacific, Janelle Ganer ng
St.Thomas, Lynette Garon ng Southwest, Lei Talaro ng La Verne, Westmont’s Stefanie
Bernerabe, Cal Jayda Villareal Poly Poymoda at Daylani Ballena ng Southern Utah.

Kaugnay nito, inaayos ng Fil-Am Nation founder na si Cris Gopez ang mga kinakailangang
“compliance requests” para sa bawat player dahil ayon sa isinasaad ng NCAA rules na
kailangan munang aprubahan hg kanilang eskuwelahan ang partisipasyon ng kanilang student-
athlete sa national team tryouts.

Nagpasalamat naman si Gopez kay Aquino sa tiwalang ibinigay sa kanila para makatulong
upang palakasin ang Gilas Women’s program.
Nakatakdang paghandaan ng Gilas Women’s ang darating na FIBA Asia Women’s Cup na
idaraos sa Setyembre 26-Oktubre 3; ang FIBA 3×3 Asia Cup at 31st Southeast Asian Games
sa Hanoi sa Nobyembre. 

You might also like