Ang inyong anak na si GERONE O. SIAPO, na kasalukuyang naka enroll sa
Grade 7- Mapakalinga, ay wala pang naipapasang outputs mula ikatlong markahan hanggang sa kasalukuyan. Dahil dito, malaki ang posibilidad na sya ay makakuha ng “failing grades” sa mga nasabing markahan. Maari rin itong maging dahilan para sya ay mawala sa listahan ng 4ps beneficiaries. Ang mga modules nya para sa pang-apat na markahan ay hindi nyo pa rin kinukuha sa itinakdang lugar. Kayo po, bilang magulang ay may malaking papel na dapat gampanan sa pagaaral ng inyong anak lalo na ngayong panahon ng pandemya. Ang edukasyon ay isa sa ating mahahalagang bagay na maipapamana natin sa ating mga anak kung kaya ito ay dapat nating bigyan ng importansya. Kayo po ay aking muling inaanyayahan na makipag usap ukol sa pagaaral at magiging estado ni Gerone ngayong markahan. Maari nyo akong tawagan sa numero na 09469002411 o sa aking Facebook messenger. Hangad ko ang ikakabubuti ng aking bawat magaaral. Ang inyong tugon ay aking inaasahan.