You are on page 1of 15

Department of Education

Region III
SANGAY NG LUNGSOD NG MABALACAT CITY

Pangalan: ______________________ Baitang at Pangkat: ___________

Paaralan: _______________________________ Petsa: ________________

GAWAING PAMPAGKATUTO
Edukasyon sa Pagpapakatao 10
Ikatlong Markahan – Ikaanim na Linggo
Ang Pagmamahal sa Bayan

I. Panimula
May pagmamahal ka ba sa iyong bayan? Ito ang tanong na dapat natin
masagot bilang isang mamamayan sa ating bayan. Ang pagmamahal sa bayan
ay isang mahalagang tungkulin ng isang mamamayan sa isang bansa. Lahat
tayo kahit kabataan ay dapat may pagmamahal sa bayan dahil kung wala
tayo nito ay "daig pa natin ang hayop at malansang isda" katulad ng
sinabi ni Dr. Jose Rizal. Ngunit sa harap ng mga nangyayari sa kasalukuyan,
paano mo kaya ito maipamamalas? Makatutulong ang gawaing
pampagkatuto na ito upang masagot mo ang mahalagang tanong tungkol sa
pagmamahal sa ating bayan.

II. Kasanayang Pampagkatuto

1. Napangangatwiranan na: Nakaugat ang pagkakakilanlan ng tao sa
pagmamahal sa bayan. (“Hindi ka global citizen kung hindi ka
mamamayan”) EsP10PB-IIIf-11.3
2. Nakagagawa ng angkop na kilos upang maipamalas ang pagmamahal sa
bayan (Patriyotismo). EsP10PB-IIIf-11.4

III. Mga Layunin

Pagkatapos ng gawaing pampagkatuto na ito, ikaw ay inaasahang:
1. mapangangatwiranan na: Nakaugat ang pagkakakilanlan ng tao sa
pagmamahal sa bayan;
2. maipaliliwanag ang pagmamahal sa bayan; at
3. makagagawa ng angkop na kilos upang maipamalas ang pagmamahal
sa bayan.
IV. Pagtatalakay
Ang isang mamamayang may pagmamahal sa bayan ay nauunawaan
ang pangangangailangang maglingkod para sa ating bayan. Ang pagbibigay
ng nararapat para sa iba at ang pagkokontrol sa sarili sa mga sitwasyon na
tayo lamang ang makikinabang ay nagpapakita ng pagmamahal sa bayan.

Mga Pagpapahalaga na Indikasyon ng Pagmamahal sa Bayan

Ang lipunan ay binubuo ng mga indibidwal na may iisang mithiin na
mapabuti ang lahat. Ito ay posible kung naisasakatuparan ang kapayapaan,
ang paggalang sa pagkatao ng tao at ang tawag ng katarungan.

Ang ating lipunan ay nagsasagawa sa mga mamamayan na isabuhay

ang mga birtud na makatutulong upang gumawa ng makataong
pagpapasiya at kilos, tungo sa makabuluhang pakikipagkapuwa, at
pakikipag-ugnayan sa Diyos. Sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas, (The
Preamble), nakapaloob dito ang mga pagpapahalagang dapat linangin ng
bawat Pilipino upang maisabuhay ang pagmamahal sa bayan.

1. Pagpapahalaga sa buhay. Ang buhay ng tao ay mula sa Diyos. Ang

pagpapahalaga sa buhay ay isang moral na obligasyon sa Diyos, kaya't
walang sinuman ang maaaring bumawi o kumuha nito. Sikapin na
mapanatili ang dignidad ng tao at maprotektahan ang buhay mula sa
maling pagpapasya.

2. Katotohanan. Ang katotohanan ay hindi matatawaran, hindi

mapagkunwari, pinangangalagaan sa lahat ng oras at panahon. Kasama
na rito ang walang kapaguran at matiyagang paghahanap ng lahat ng uri
ng kaalaman at tumatanggi sa anumang bagay na hindi ayon sa
katotohanan.

3. Pagmamahal at pagmamalasakit sa kapuwa. Sa pamamagitan ng

pagtulong na walang hinihintay na kapalit ay nagpagpapakita ng
pagmamahal at malasakit sa kapuwa. Kasama sa responsibilidad ng tao
ang magtulungan at gawing bahagi ang kapuwa tao sa ating buhay. Ang
halimbawa nito ay ang mga salitang, “kung wala ako at mayroon ka, hati
tayo o puwedeng ikaw muna at ako naman sa susunod”.

4. Pananampalataya. Ang lahat ng bagay ay posible kung tayo ay may

pagtitiwala at pagmamahal sa Diyos.

5. Paggalang. Ang paggalang ay naipapakita kapag ang karapatan ng isang

mamamayan ay hindi natatapakan at napangangalagaan ang dignidad
niya bilang tao.

2
6. Katarungan. Ang katarungan ay naibibigay kung ano ang para sa tao,
sinisigurado na ang paggalang sa karapatan ay naisasabuhay, at walang
nagmamalabis o nandaraya sa kapuwa.

7. Kapayapaan. Ang pagkakaroon ng katahimikan, kapanatagan, kawalan

ng kaguluhan, at paggalang sa bawat indibidwal ay resulta ng
kapayapaan. Ang kapayapaan ay indikasyon ng kabutihang panlahat.

8. Kaayusan. Ang kaayusan ay pagiging disiplinado sa lahat ng

pagkakataon, organisado sa pagbibigay ng ideya, salita, kilos na may
layuning mapabuti ang ugnayan sa kapuwa.

9. Pagkalinga sa pamilya at salinlahi. Ang pangunahing institusyon ng

lipunan ay ang pamilya. Bilang pundasyon ng pamilya binibigyang-halaga
rito ang kasal, pinapangalagaan ang pisikal, moral, ispiritwal, at
panlipunang pag-unlad ng bawat miyembro, kasama na rito ang pagtuturo
sa mga bata ng ating kultura.

10. Kasipagan. Ito ay ang pagiging matiyaga at ginagamit ang talento na

tapusin ang anumang uri ng gawain nang buong husay sa pamamaraang
nakatutulong sa kapuwa.

11. Pangangalaga sa kalikasan at kapaligiran. Ito ay ang pagsasabuhay

ng responsibilidad bilang tagapangalaga ng kalikasan at kapaligiran laban
sa anumang uri ng pang-aabuso o pagkawasak.

12. Pagkakaisa. Ito ay ang pagkakaroon ng iisang layuin na magkasama sa

pag-unlad at pakikipagtulungan ng bawat indibidwal na mapag-iisa.

13. Kabayanihan. Ito ay ang pagsagot sa tanong na, “Ano ang magagawa ko
para sa kapuwa ko at sa bayan?”.

14. Kalayaan. Ito ay isang tungkulin ng tao na gumawa ng mabuti,

katanggap-tanggap na kilos na ayon sa ipinapatupad na batas, at
pagsasabuhay ng dignidad bilang isang malayang indibidwal.

15. Pagsunod sa batas. Ito ay ang pagkilala, paghihikayat, at pakikibahagi

sa pagsasabuhay ng mga ipinasang batas na mangangalaga sa karapatan
ng bawat mamamayan.

16. Pagsusulong ng kabutihang panlahat. Ito ay ang sama-samang

pagkilos upang mahikayat ang lahat ng tao na lumahok sa mga
pagkakataong kinakailangan para sa ikabubuti ng lahat.

Mga Angkop na Kilos na Nagpapamalas ng Pagmamahal sa Bayan

Ayon kay Alex Lacson, may magagawa ang isang mamamayan upang
mabigyan ng solusyon ang mga problemang bayan na ating hinaharap.
3
Bukod sa mga tungkulin na dapat isabuhay bilang isang Pilipino at
mamamayan ng ating bansa na nakasaad sa Konstitusyon, may mga
simpleng bagay na maaaring isabuhay upang makatulong sa bansa.

a. Mag-aral nang mabuti. Ang isang taong may mabuting pinag-aralan

hindi kailanman mag-iisip na gumawa ng anumang paglabag sa mga batas
na ipinapatupad ng kaniyang bansa. Ang kaniyang natutuhan sa pag-
aaral ay gagamitin niyang paraan upang matulungan ang bansa sa
problemang kinahaharap.

b. Huwag magpapahuli, ang oras ay mahalaga. Ang pagkaroon ng batas

tungkol sa tamang oras (RA 10535 o Philippine Standard Time) na
susundan ng bawat Pilipino ay makakatulong para maisulong ang kultura
nang pagiging maagap (culture of punctuality).

c. Pumila nang maayos. Disiplina ang pakiusap. Hindi dapat mag-unahan

sa pila o maggitgitan sa kalsada na naging dahilan ng pagtatalo, nauuwi
sa aksidente, away, patayan, at bugbugan.

d. Awitin ang Pambansang Awit nang may paggalang at dignidad. Ang

maaaring gawin ng isang mamamayan para sa kaniyang bayan ay ang
igalang ang kaniyang pagkakilanlan at awitin na may paggalang at ng
buong puso ang pambansang awit.

e. Maging totoo at tapat, huwag mangopya o magpakopya. Ang

pangongopya o pagpapakopya na kadalasang ginagawa ng isang mag-aaral
ay hindi makatutulong upang maging matapat at totoo sa lahat
ng panahon. Ang katapatan ay unang itinuturo sa bahay, isinasabuhay
sa lipunang kinabibilangan, at pinauunlad at pinalalawak ito sa
paaralan. Ang mga tao ay inaasahan na mangangalaga sa karapatan
ng mamamayan.

f. Magtipid ng tubig, magtanim ng puno, at huwag magtapon ng

basura kahit saan. Ang responsableng paggamit ng pinagkukunang-
yaman, kasama na rito ang pagtitipid sa tubig, kuryente, pangangalaga sa
kalikasan sa pamamagitan ng pagtatanim ng puno at pagtatapon ng
basura sa tamang tapunan ay solusyon sa lumalalang isyo ng ating bansa.
Nasa kamay ng mamamayan ang pag-agsa ng bayan.

g. Iwasan ang anumang gawain na hindi nakakatulong. Ang

kalusugan ng tao ay yaman ng bansa. Iwasan natin ang paninigarilyo,
pagsusugal, pag-iinom at ang labis na pagkahilig sa paglalaro sa
kompyuter. Ito ay tuwirang hindi makatutulong sa sarili at sa kabuuan sa
pag-unlad ng bansa.

4
h. Bumili ng produktong sariling atin, huwag peke o smuggled. Ang
produkto ng gawang Pilipino ay likas na matibay at maganda. Ang
pagtangkilik sa produkto ng bansa ay hindi pagiging makasarili, paraan
ito upang lalo pang matulungan at mapalago ang ekonomiya ng bansa.
Ang mamamayang Pilipino ay ang makikinabang nito sa huli.

i. Kung puwede nang bumoto, isagawa ito nang tama. Ang pagpili ng
tamang pinuno na kakatawan sa ating bansa ay dapat maisasagawa ng
tama. Hindi ibebenta or ipagpapalit ang ating boto sa anong pabor o
materyal na bagay.

j. Alagaan at igalang ang nakatatanda. Ang pangangalaga at paggalang

sa nakatatanda ay isang pananagutan na dapat maisasabuhay, bahagi
man ng pamilya o hindi. Ipagpatuloy ang kagandahang-asal sa pagbibigay
galang at pagsasabi ng “po” at “opo”.

k. Isama sa panalangin ang bansa at ang kapuwa mamamayan. Ang

paghingi ng patnubay ay mahalaga. Ang kapangyarihan ng Diyos ay hindi
masusukat kailanman. Ang pagtawag sa Kaniya sa pamamagitan ng
panalangin ay nakakabuti para sa atin. Pakikinggan at hindi pababayaan
ng Diyos ang pamayanang nagkakaisa sa pananampalataya.

V. Mga Gawain
Gawain #1
Panuto: Basahin ang awiting pinasikat ni Noel Cabangon na may pamagat
na “Ako’y Isang Mabuting Pilipino”. Sagutin ang mga tanong sa ibaba.

Ako’y isang Mabuting Pilipino [repeat chorus]

I
Ako’y isang mabuting Pilipino VI
Minamahal ko ang bayan ko Lagi akong nakikinig sa aking mga
Tinutupad ko ang aking mga magulang Kaya’t pag-aaral ay
tungkulin Sinusunod ko ang aking pinagbubutihan ‘Di ako
kanyang mga alituntunin gumagamit ng bawal na gamot
O kaya’y tumatambay at sa
II esk’wela’y ‘di pumapasok
Tumatawid ako sa tamang tawiran
Sumasakay ako sa tamang VII
sakayan Pumipila at ‘di nakikipag- Ipinagtatanggol ko ang aking
unahan At ‘di ako pasiga-siga sa karangalan ‘Pagkat ito lamang ang
lansangan tangi kong kayamanan
‘Di ko ibinebenta ang aking
III kinabukasan Ang boto ko’y aking
Bumababa’t nagsasakay ako sa pinahahalagahan
tamang sakayan

5
(Nagbababa ako sa tamang [repeat chorus]
babaan) ‘Di nakahambalang
parang walang pakialam VIII
Pinagbibigyan kong tumatawid sa Ako’y isang tapat at totoong
kalsada lingkod ng bayan Pabor o lagay ay
Humihinto ako ‘pag ang ilaw ay ‘di ko pinapayagan Tapat ang
pula serbisyo ko sa mamamayan
‘Di ko binubulsa ang pera ng
[chorus] bayan
‘Pagkat ako’y isang mabuting
Pilipino Minamahal ko ang bayan IX
ko Tinutupad ko ang aking mga Ipinagtatanggol ko ang
tungkulin Sinusunod ko ang mamamayang Pilipino Mga
kanyang mga alituntunin karapatan nila’y kinikilala ko
Iginagalang ko ang aking kapuwa
IV tao Ipinaglalaban ko ang dangal ng
‘Di ako nangongotong o nagbibigay bayan ko
ng lagay Tiket lamang ang
tinatanggap kong ibinibigay Ako’y [repeat chorus twice]
nakatayo doon mismo sa kanto
At ‘di nagtatago sa ilalim ng puno ‘Pagkat ako’y isang mabuting
Pilipino ‘Pagkat ako’y isang
V mabuting Pilipino ‘Pagkat ako’y
“Di ako nagkakalat ng basura sa isang mabuting Pilipino
lansangan ‘Di ako bumubuga ng
usok ang aking sasakyan Nilikha ni: Noel Cabangon
Inaayos ko ang mga kalat sa Source: Musixmatch
basurahan Inaalagaan ko ang
ating kapaligiran
Ang mga tanong:

1. Anong mensahe ang gustong iparating ng awitin?

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Mahirap bang isabuhay ang mensaheng gustong iparating ng awitin?
a. Oo, bakit? Ipaliwanag.
b. Hindi, bakit? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Makatutulong ba ang mensahe ng awitin sa pagsasabuhay ng pagmamahal

sa bayan? Ipaliwanag ang sagot.
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

6
Gawain #2
Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga katanungan.
1. Mula sa awitin na binasa, magbigay ng limang pagpapahalagang dapat
linangin ng bawat Pilipino upang maisabuhay ang pagmamahal sa bayan.
Ipaliwanag kung ano ang nahinuha mong kahulugan ng bawat salita.
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
2. Bakit mahalaga na isabuhay ang mga pagpapahalagang itinataguyod ng
ating bayan at lungsod? Ipaliwanag.
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
3. Paano makatutulong ang kaalamang iyong binasa sa pagkakamit ng
pagmamahal sa ating bayan at lungsod?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

Gawain #3
Panuto: Basahin ang mga sumusunod. Isulat kung ano ang dapat gawin sa
mga sitwasyong hindi nagpapakita ng pagmamahal sa bayan.

1. Nagbigay ako ng $50,000 para sa charity fund na donasyon sa isang

hospital sa Maynila para ako ang unang makatanggap ng bakuna para sa
COVID 19.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
2. Bibili ako ng thermometer gun sa smuggled market dahil nagkulang ang
pera ko.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
3. Tatanggapin ang pera na inaalok sa akin para ihinto ang shipment ng air
ventilators sa isang hospital dahil gagamitin ko ang pera pambili ng gamot
sa aking anak na may malubhang sakit.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
4. Sumang-ayon ako na putulin ang isang Heritage Tree para tayuan ng isang
isolation area para sa mga nahawaan ng COVID 19.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

7
5. Hindi ako magbibigay ng resibo sa mga customers na bibili ng facemask at
faceshield dahil hindi naman ito nagkakahalaga ng malaking presyo.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Gawain #4
Panuto: Punan ang patlang ng mga tamang salita.
1. Ang _________________________ ay naipapakita kapag ang karapatan ng
isang mamamayan ay hindi natatapakan at napangangalagaan ang
dignidad niya bilang tao.

2. Ang _____________________ sa buhay ay isang moral na obligasyon sa Diyos,

kaya't walang sinuman ang maaaring bumawi o kumuha nito. Sikapin na
mapanatili ang dignidad ng tao at maprotektahan ang buhay mula sa
maling pagpapasya.

3. Ang pagkakaroon ng katahimikan, kapanatagan, kawalan ng kaguluhan,

at paggalang sa bawat indibidwal ay resulta ng __________________________.

4. Ang ______________________________ ay naibibigay kung ano ang para sa

tao, sinisigurado na ang paggalang sa karapatan ay naisasabuhay, at
walang nagmamalabis o nandaraya sa kapuwa.

5. Ang _____________________ at ____________________ sa nakatatanda ay isang

pananagutan na dapat maisasabuhay, bahagi man ng pamilya o hindi.

6. _____________________________. Ang lahat ng bagay ay posible kung tayo ay

may pagtitiwala at pagmamahal sa Diyos.

7. ____________________________ ang pakiusap. Hindi dapat mag-unahan sa

pila o maggitgitan sa kalsada na naging dahilan ng pagtatalo, nauuwi sa
aksidente, away, patayan, at bugbugan.

8. __________________. Ito ay ang pagkakaroon ng iisang layuin na magkasama

sa pag-unlad at pakikipagtulungan ng bawat indibidwal na mapag-iisa.

9. _____________________________. Ito ay ang pagiging matiyaga at ginagamit

ang talento na tapusin ang anumang uri ng gawain nang buong husay sa
pamamaraang nakatutulong sa kapuwa.

10. ____________________________. Ito ay ang pagsagot sa tanong na, “Ano ang

magagawa ko para sa kapuwa ko at sa bayan?”.

8
Gawain #5
Panuto: Magbigay ng mga sitwasyon o pangyayari na kung saan naipamalas
mo sa iyong pamumuhay ang mga sumusunod na pagpapahalaga. Isulat ang
sagot sa patlang.

1. Pagpapahalaga sa buhay
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Katotohanan
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Pagmamahal at pagmamalasakit sa kapuwa
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
4. Pananampalataya
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
5. Paggalang
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
6. Katarungan
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
7. Kapayapaan.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
8. Kaayusan.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
9. Pagkalinga sa pamilya at salinlahi.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
10. Kasipagan.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
11. Pangangalaga sa kalikasan at kapaligiran.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

9
12. Pagkakaisa.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
13. Kabayanihan.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
14. Kalayaan.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
15. Pagsunod sa batas.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

VI. Pagsusulit
Panuto: Bilugan ang letra ng may pinakaangkop na sagot.
1. Ang mga sumusunod ay mga pagpapahalagang dapat linangin ng bawat
Pilipino, maliban sa
A. Paggalang
B. Kapayapaan
C. Pagmamahal sa sarili
D. Katarungan

2. Alin sa mga sumusunod na kilos ang nagpapakita ng pagmamahal

sa bayan?
A. Mangopya at magpakopya para sa mga kaibigan.
B. Magtipid ng tubig, magtanim ng puno, at huwag magtapon ng basura
kahit saan.
C. Iwasan ang anumang gawain na nakakapagod para maglibang.
D. Bumili ng produktong peke o smuggled.

3. Ito ay pagpapakilala, paghihikayat, at pakikibahagi sa pagsasabuhay

ng mga ipinasang batas na mangangalaga sa karapatan ng
bawat mamamayan.
A. Pagsunod sa Batas
B. Pagsunod sa Tao
C. Batas Moral
D. Makatarungang Batas

4. Paano napalalawak ng pagmamahal sa bayan ang pakikipagkapuwa?

A. Nagmumulat ng kamalayan sa mga tao sa mga isyu at problema
ng bayan.
B. Gumagamit ang midya at teknolohiya sa pagpapalawak ng kawilihan
at kaalaman.
10
C. Nagbibigay ng pagkakataon sa mga mamamayan na magkaisa,
magtulungan, at magdamayan.
D. Nagtataguyod ng reporma ng pamahalaan para sa mas
mabuting pamumuno.

5. Paano nakahahadlang ang pandaraya at pagkamakasarili sa pag-unlad

ng isang bayan gayundin sa pagka-Pilipino natin?
A. Hindi ito nagpapahayag ng pagmamahal sa bayan.
B. Masamang matutuhan ng mga batang Pilipino.
C. Nawawala ang kapayapaan sa bayang sinilangan.
D. Nakaaapekto sa mabuting pakikipagkapuwa.

6. Ang pagiging matiyaga na tapusin ang anumang uri ng gawain nang

buong husay at may pagmamahal ay nagpapakita ng
A. Katatagan at kasipagan
B. Kabayanihan at katapangan
C. Kasipagan
D. Kaayusan

7. “Ang _____________ ng persona ng tao ay kasama sa kaniyang karapatan

na maging bahagi sa aktibong pakikilahok sa lipunan upang makapag-
ambag sa kabutihang panlahat.”
A. Kasipagan
B. Dignidad
C. Pagmamahal sa bayan
D. Integridad

8. Ano ang pinangangalagaan sa lahat ng oras at pagkakataon?

A. Paggalang
B. Dignidad
C. Pagmamahal sa bayan
D. Integridad

9. Ano ang elemento na bumubuo sa kabutihang panlahat, naipakikita

kapag ang karapatan ng isang mamamayan ay hindi natatapakan at
naisasabuhay ayon sa tamang gamit nito at napangangalagaan ang
dignidad niya bilang tao?
A. Paggalang
B. Dignidad
C. Pagmamahal sa bayan
D. Integridad

11
10. Alin ang hindi angkop na kilos ng isang nagmamahal sa bayan?
A. Pagiging tapat sa sarili, sa kapuwa, sa gawain, at sa lahat ng
pagkakataon.
B. Pag-awit sa Pambansang Awit nang may paggalang at dignidad.
C. Pagsisikap makamit ang mga pangarap para guminhawa ang sarili.
D. Paggawa ng paraan upang makatulong sa mga suliranin ng bansa.

VII. Pangwakas/Repleksiyon

Panuto: Sumulat ng sanaysay na binubuo ng sampu o higit pang

pangungusap na nagpapaliwanag tungkol sa pagmamahal sa bayan at ng
mapanagutang paggamit nito.

Kraytirya:
a. Nilalaman - 50%
b. Kaugnayan sa Paksa - 30%
c. Paggamit ng Angkop na Salita - 20%

12
VIII. Sanggunian

Agapay, Ramon B. 1991. Ethics and the Filipino: A Manual on Morals for Students and
Education. Mandaluyong City: National Bookstore

Brizuela, Mary Jean B., et al. 2015. “Ang Pagmamahal sa Bayan”. Edukasyon sa
Pagpapakatao 10. Modyul para sa Mag-aaral. Unang Edisyon. Kagawaran ng
Edukasyon at Filipinas Copyright Licensing Society (FILCOLS), Inc.: 184-206

Isaacs, David. 2001. Character Building: A Guide for Parents and Teachers. Scotland:
Omnia Books Ltd, Glasgow

Lacson, Alexander. 12 Little Things Our Youth Can Do to Help Our Country. Quezon City:
Alay Pinoy Publishing House

Salvana, Josefina A. 2012. Building Our Nation from the Heart. Quezon City: Center for
Leadership, Citizenship and Democracy - NCPAG University of the Philippines Diliman

Department of Education, Culture and Sports and United Nations Educational Scientific and
Cultural Organization: Values Education for the Filipino. 1997 Revised Version of
DECS Values Education Program. Pasig

Dy, Manuel Jr. B. 2013. Ang Pagtuturo ng Pilisopiya sa K to 12 – Edukasyon sa

Pagpapakatao. Kaisipan. El Bulakeño Printing House. Malolos, Bulacan

Mahaguay, Jerwin M. 2013. Nasyonalismo: Lakas ng Edukasyong Pilipino. El Bulakeño

Printing House. Malolos, Bulacan

Cabangon, Noel. 2009. Ako’y isang Mabuting Pilipino. Musixmatch.

https://www.google.com/search?q=Ako%E2%80%99y+isang+Mabuting+Pilipino&rlz=1
C1SQJL_enPH919PH919&oq=Ako%E2%80%99y+isang+Mabuting+Pilipino&aqs=chro
me..69i57j46i10j0i10l5.793j0j7&sourceid=chrome&ie=UTF-8

Tingnan profile. 2015. Pagmamahal sa Bayan. Mbjmabute59.blogspot.com

http://mbjmabute59.blogspot.com/2015/01/pagmamahal-sa-bayan.html

Trending Nowadays. 2019. GRADE 7-10 Edukasyon sa Pagpapakatao (EsP) DLP/DLL, CG,
TG, LM
https://www.depedk12.com/2019/07/grade-7-10-edukasyon-sa-pagpapakatao.html

13
14
Maaaring
magkakaiba-iba
ang kasagutan
Isinasalang-alang
ang rubriks sa
pagbibigay ng
marka
Pangwakas/Repleksyon
1. C 1. Paggalang
2. B 2. Pagpapahalaga
3. A 3. Kapayapaan
4. C 4. Katarungan
Maaaring
5. A 5. Pangangalaga at Paggalang
magkakaiba-iba
6. C ang kasagutan 6. Pananampalataya
7. B 7. Disiplina
8. D Isinasalang-alang 8. Pagkakaisa
ang rubriks sa
9. A 9. Kasipagan
pagbibigay ng
10. C marka 10. Kabayanihan
Pagsusulit Gawain 5 Gawain 4
Maaaring Maaaring Maaaring
magkakaiba-iba magkakaiba-iba magkakaiba-iba
ang kasagutan ang kasagutan ang kasagutan
Isinasalang-alang Isinasalang-alang Isinasalang-alang
ang rubriks sa ang rubriks sa ang rubriks sa
pagbibigay ng pagbibigay ng pagbibigay ng
marka marka marka
Gawain 3 Gawain 2 Gawain 1
IX. Susi sa Pagwawasto
X. Grupo ng Tagapaglinang

Bumuo sa Pagsusulat ng Gawaing Pampagkatuto

Manunulat: Jenaro C. Casas
Patnugot: Myrna M. Valencia, EdD
Tagasuri ng Nilalaman: Mercidita Saldero
Jacqueline C. Tuazon
Lorna V. Guintu
Patnugot ng Wika: Jennifer Bungque-Ilagan, EdD
Tagalapat: Jenaro C. Casas, Juliane Nicole Paguyo
Tagaguhit:
Grupo ng Tagapaglinang: May B. Eclar, PhD, CESO III
Rhoda T. Razon, PhD
Elizabeth M. Perfecto, EdD
Ma. Editha R. Caparas, EdD
Rosalinda S. Ibarra, PhD
Ericson S. Sabacan, EdD, CESO VI
Leandro C. Canlas, PhD, CESE
Elizabeth O. Latorilla, PhD
Sonny N. De Guzman, EdD
Myrna M. Valencia, EdD

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Division of Mabalacat

P. Burgos St., Poblacion, Mabalacat City, Pampanga

Telefax: (045) 331-8143

E-mail Address: mabalacatcity@deped.gov.ph

15

You might also like