You are on page 1of 1

Para kay Luffy

Ni John Kyle P. Abbago

G. Sartiel

Masasabi ko pong kayo ay isang epektibonh guro dahil nagagawa nyo po ang inyong
trabaho at tungkulinbng tama, wasto at ramdam namin na lagi itong may kasamang
pagmamahal. Napapasunod nyo kami sa inyong mga sinasabi at pinapagawa na kaagad
naman naming sinusunod gaya ng gaawin ng isang mabuting mag aaral. Hindi lang
namin ito ginagawa dahil gusto namin matuto bagkos ay gusto rin namin itong isabuhay
na maaari naming magamit balang araw at ibahagi narin sa mga wala pang wastong
kaalaman. Kayo ang nagiisang guro na kayang hatiin ang oras at panahon para sa aming
mag aaral. Lagi nyong inuuna ang aming kapakanan na matuto kahit paminsan minsan
napapagod na kayo. Nagpapasalamat ako sa inyo ng lubos dahil nagagawa nyong
pasunurin ang klase ng maayos at matiwasay. Napapasaya nyo kami sa tuwing tayo ay
nagkakaroon ng biruan syempre sa oras lang ng biruan pero pag alam namin na aral na ay
aral na muna lagi naming inilulugar ang aming sarili. At isa pa parte din yon yung
pakikihalubilo nyo sa amin upang lalo pa natin makilala ang isa't isa at mapalapit sainyo
ngutit syempre may limitasyon parin. Ang aking naging unang impresyon sa inyo ay
mabait, masiyahin, palabiro, marangal at tiyak kaming makakapulot kami ng aral pag
nagsimula na kayong magturo na inyo namang nagampanan at napatunayan ng tama.
Syempre kayo bilang isang guro hindi mawawala ang respeto namin sainyo ganon din sa
iba. Kayo narin po ang nagsisilbing pangalawa naming mga magulang na gagabay at
tutulong sa amin para makamit ang aming mga pangarap. Lalo na sa tuwing kami ay may
mga problema kayo ay malalapitan namin lagi lang andyan upang maging tagapayo
gaano man kayo kaabala sa gawain. Nagiging inspirasyon ka rin halos ng karamihan sir
lalong lalo na sa akin dahil mataas ang respeto ko sainyo, magaan ang loob namin sainyo
at sa palagay ko magkakasundo tayo kasi parehas tayong palabiro. Salamat sir dahil
palagi lang kayong sumasabay sa gusto namin kahit minsan makulit at maingay kami.
Pasensya po doon. Salamat sa mga oras at araw na tuwing kami ay nahihirapan kayo ang
pumapawi non lalo na pag magkwento na kayo tungkol sa inyong buhay labis ang aming
saya kaya ka namin lalong nagiging inspirasyon dahil tinuruan mo kaming wag sumuko
at lumaban lang para sa aming pangarap. Salamat sir!

You might also like