You are on page 1of 1

Wika ng Aking Puso

Taglish at may punto


Baluktot ang dila hirap mag-Filipino
Patunay raw na sila’y mayaman at matalino
Aba’y sikat sa karamihang Pilipino?

Pisikal na nakalaya
Mapang-aping dayuhan nakawala
Ngunit mayroong kalabang di nakikita
Kagaya ng Covid-19 sa kasalukuyan
Kolonisasyong pag-iisip pala ang matagal na kalaban

Wikang Filipino, wikang di nagpapatalo


Wika ng lola at lolo
Kapag narinig tumatagos sa buto
Kaya’t mga bilin nila’y nakatago sa ispan at puso

Wikang kinagisnan
‘Di maipagpalit sa wikang dayuhan
Wikang may katumbas na mga karanasan
Mula sa mga laro ng kapwa ko kabataan

Dekolonisasyon ng pag-iisip ay dapat manaig


Pairalin, mahalin at gamitin
Wikang Filipino, Wikang Katutubo
Wika ng aking puso

You might also like