You are on page 1of 28

Filipino 9: Aralin 3

Pangwakas na Panalangin
LPO 3:

Ako ay mapagkatiwalaan,maagap tumugon sa


pangangailangan, at aktibong kasapi ng
pamayanan at bumubuo sa pamayanang may
pagkakaisa sa pamamagitan ng aking aktibong
pakikilahok.
EPO 3:
Pinag-iisipang mabuti ang pahayag pasalita
man o pasulat upang matasa ang kawastuhan,
pagkamakatotohanan at kalinawan sa mga bagay
na ibabahagi maging ang tono nito at kung
paano ito dapat tanggapin at bigyang kahulugan
ng iba pa. (LPO 3)
Intended Learning Outcome

Pinag-iisipang mabuti ang pahayag pasalita man


o pasulat upang tukuyin at maipaliliwanag ang
magkasingkahulugang pahayag sa ilang
taludturan.
Kultura vs. Tradisyon
KULTURA

Ang kultura ay ang kabuuan ng pinagsama-


samang pananaw ng mga tao sa kanilang lipunan.
Nakapaloob sa pananaw na ito ang koleksyon ng
mga kaugalian, nakasanayan, paniniwala,
tradisyon at iba pa.
TRADISYON

Tradisyon o kaugalian ay mga paniniwala, opinyon,


kostumbre o mga kuwentong naisalin mula sa mga
magulang papunta sa mga anak nila.
https://www.youtube.com/watch?v=bn3sB31PyY0&t=37s
Pamprosesong Katanungan

1. Anong anyo ng panitikan ang binasa o


napanood na akda?
Pagsusuri!

Suriin ang pangungusap at ipaliwanag ang


kahulugan ng bawat pahayag.
Elemento ng kultura
1. Kaugalian (Norms)
2. Pagpapahalaga (Values)
3. Paniniwala (Beliefs)
4. Simbolo (Symbols)
5. Wika (Language)
6. Sining at Panitikan (Arts and Literature)
7. Relihiyon (Religion)
Apat uri ng norms
A. Folkways

Ito ay ang pangkalahatang batayan ng normal na


pagkilos ng mga tao sa isang lipunan.
Halimbawa:
Sa Pilipinas, pangkaraniwan na sa mga bisita na
iwanan sa labas ng bahay ang kanilang mga tsinelas.
B. Mores

Ito ay mas mahigpit na batayan ng kilos, kung


saan natutukoy ang moralidad ng isang tao sa
lipunang kanyang ginagalawan. Halimbawa,
dapat magsuot ng maayos na damit sa tuwing
nagsisimba.
C. Taboos

Ang taboos naman ay ang paglabag sa mga mores, kung


saan ang moralidad ng isang tao ay hindi angkop sa
dapat na kilos.
Halimbawa:
Pagsuot ng maikling mga shorts kapag magsisimba.
D. Batas

Ito naman ang batayan ng kilos na ipinatupad


ng kinauukulan para sundin ng mga
mamamayan. Ito ay kalimitang pormal at
nakasulat sa konstitusyon.
Kahalagahan ng Kultura
1. Nagkakaroon ng pagkakakilanlan ang isang pangkat ng
mga tao.
2. Napagbubuklod nito ang isang lugar at bagbubunga ito
ng pagkakaisa.
3. Sa pamamagitan ng kultura, naipapakita ng mga tao ang
kanilang mga talento.
4. Binubuo nito ang ating pagkatao
5. Nagkakaroon tayo ang kaalaman sa ating kasaysayan at
nakaraan.
Self-directed learning
Anong bahagi ng kulturang Pilipino ang nais mong
manatili sa iyong henerasyon at makita ng susunod
pang mga henerasyon? Bakit mahalagang maisalin at
magpatuloy pa ito?

You might also like