pangangailangan, at aktibong kasapi ng pamayanan at bumubuo sa pamayanang may pagkakaisa sa pamamagitan ng aking aktibong pakikilahok. EPO 3: Pinag-iisipang mabuti ang pahayag pasalita man o pasulat upang matasa ang kawastuhan, pagkamakatotohanan at kalinawan sa mga bagay na ibabahagi maging ang tono nito at kung paano ito dapat tanggapin at bigyang kahulugan ng iba pa. (LPO 3) Intended Learning Outcome
Pinag-iisipang mabuti ang pahayag pasalita man
o pasulat upang tukuyin at maipaliliwanag ang magkasingkahulugang pahayag sa ilang taludturan. Kultura vs. Tradisyon KULTURA
Ang kultura ay ang kabuuan ng pinagsama-
samang pananaw ng mga tao sa kanilang lipunan. Nakapaloob sa pananaw na ito ang koleksyon ng mga kaugalian, nakasanayan, paniniwala, tradisyon at iba pa. TRADISYON
Tradisyon o kaugalian ay mga paniniwala, opinyon,
kostumbre o mga kuwentong naisalin mula sa mga magulang papunta sa mga anak nila. https://www.youtube.com/watch?v=bn3sB31PyY0&t=37s Pamprosesong Katanungan
1. Anong anyo ng panitikan ang binasa o
napanood na akda? Pagsusuri!
Suriin ang pangungusap at ipaliwanag ang
kahulugan ng bawat pahayag. Elemento ng kultura 1. Kaugalian (Norms) 2. Pagpapahalaga (Values) 3. Paniniwala (Beliefs) 4. Simbolo (Symbols) 5. Wika (Language) 6. Sining at Panitikan (Arts and Literature) 7. Relihiyon (Religion) Apat uri ng norms A. Folkways
Ito ay ang pangkalahatang batayan ng normal na
pagkilos ng mga tao sa isang lipunan. Halimbawa: Sa Pilipinas, pangkaraniwan na sa mga bisita na iwanan sa labas ng bahay ang kanilang mga tsinelas. B. Mores
Ito ay mas mahigpit na batayan ng kilos, kung
saan natutukoy ang moralidad ng isang tao sa lipunang kanyang ginagalawan. Halimbawa, dapat magsuot ng maayos na damit sa tuwing nagsisimba. C. Taboos
Ang taboos naman ay ang paglabag sa mga mores, kung
saan ang moralidad ng isang tao ay hindi angkop sa dapat na kilos. Halimbawa: Pagsuot ng maikling mga shorts kapag magsisimba. D. Batas
Ito naman ang batayan ng kilos na ipinatupad
ng kinauukulan para sundin ng mga mamamayan. Ito ay kalimitang pormal at nakasulat sa konstitusyon. Kahalagahan ng Kultura 1. Nagkakaroon ng pagkakakilanlan ang isang pangkat ng mga tao. 2. Napagbubuklod nito ang isang lugar at bagbubunga ito ng pagkakaisa. 3. Sa pamamagitan ng kultura, naipapakita ng mga tao ang kanilang mga talento. 4. Binubuo nito ang ating pagkatao 5. Nagkakaroon tayo ang kaalaman sa ating kasaysayan at nakaraan. Self-directed learning Anong bahagi ng kulturang Pilipino ang nais mong manatili sa iyong henerasyon at makita ng susunod pang mga henerasyon? Bakit mahalagang maisalin at magpatuloy pa ito?