You are on page 1of 2

GE1803

Panuto: Basahin ang panitikan sa ibaba. Sagutan ang mga tanong matapos ang teksto.

Pangkat 5
Ang Palaka at ang Kalabaw

Pagkatapos ng ilang araw na pag-ulan ay sumikat na ang araw. Maganda na ang panahon. Namasyal ang
mga anak ni Inang Palaka sa tabi ng sapa. Nakita nila ang isang kalabaw na nanginginain ng sariwang damo.
Sa tingin ng mumunting palaka ay napakalaking palaka ang kalabaw. Dali-dali silang umuwi at ibinalita ito sa
kanilang ina.

“Ina, nakakita kami ng napakalaking palaka!” sabay-sabay na sabi ng mga anak ng palaka.

“Totoo? Malaki pa sa akin?” wika ng Inang Palaka. “Ako na ang pinakamalaki sa lahat ng palaka.”

“Talaga pong napakalaki”, patotoong muli ng mga anak na palaka. “Sumama po kayo sa amin nang inyong
makita.”

“Hala, tayo na”, wika ng Inang Palaka. “Hindi ako naniniwala na mayroon pang palaka na mahigit ang laki
kaysa sa akin.”

At sabay-sabay na pumunta ang mag-iinang palaka sa tabi ng sapa.

Itinuro ng mga anak na palaka ang nakitang kalabaw na patuloy na nanginginain ng damo.

“Tingnan ninyo ako”, wika ng Inang Palaka sa mga anak. Huminga siya nang huminga upang palakihin ang
kanyang sarili.

“Sino ngayon ang higit na malaki sa aming dalawa?”

“Malaki po ang aming nakitang palaka”, wika ng maliit na palaka. “Higit po siyang malaki kaysa sa inyo.”

Muling huminga nang huminga ang Inang Palaka upang madagdagan ang kanyang laki. At kanyang muling
tinanong ang maliliit na palaka.

“Malaki na ako ngayon kaysa sa kanya, hindi ba?”

“Hindi po, Ina”, sabay-sabay na namang sagot ng mga anak na palaka. “Ang laki po niya kaysa sa inyo.”

“A, hindi! Ako ang pinakamalaking palaka. Tingnan ninyo ako”, wika ng Inang Palaka at ubos-lakas siyang
huminga nang huminga.

Bog! narinig na putok ng mga anak ng palaka. At nakita nilang pumutok ang tiyan ng mahal nilang ina.

“Kaawa-awa naman si Inang Palaka!” wika ng mga anak na palaka. “Ayaw niyang mahigitan ng iba kaya siya
nagdusa.”

Mga Katanungan:
1. Ano ang mga aral/mensahe na iyong napulot sa teksto?
- Batay saking pag babasa ang napulot kong aral minsan kailangan mo maging masaya sa bagay na meron ang
iba kung mas lamang siya sayo dapat matuto ka tumangap ng tao mas higit sayo minsan ang panlalamang sa
kapwa ay syang mag dudulot sayo ng kapahamakan.

2. Anong anyo ng akdang pampanitikan ang iyong nabasa?


- anyong Tuluyan ay ang mas natural na pagkakasulat. Tuloy-tuloy at gumagamit ng mga pangungusap at
talata. Walang binibilang na mga salita o tunog na kinakailangang itugma sa iba pang salita. Naglalayon itong
makapagpahayag sa mas malayang pamamaraan. Nakadepende ang kagandahan nito sa kung paano bubuuin
ng manunulat ang pagkakasunod-sunod na mga pangyayari. Halimbawa nito ay ang mga maiikling kwento at
mga alamat. Halimbawa nalang ang palaka at ang kalabaw ito ay isang Pabula isang uri ng kathang-isip na
01 Activity 1 *Property of
STI
Page 1 of 7
GE1803
panitikan kung saan mga hayop o kaya mga bagay na walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan, katulad
ng palaka at ang kalabaw May natatanging kaisipang mahahango mula sa mga pabula,sapagkat nagbibigay ng
mga moral na aral para sa mga batang mambabasa. Tinatawag din itong kathang kuwentong nagbibigay-aral at
ito ay nakapaloob sa anyong Tuluyan.

3. Ano ang elemento ang lumilikha sa akdang iyong nabasa? Ipaliwanag.


4. Ano-ano ang mga kasangkapang pampanitikan ang nagbigay anyo sa akda? Ipaliwanag.

01 Activity 1 *Property of
STI
Page 2 of 7

You might also like