You are on page 1of 2

Facebook with Free Data View Photos

Hanggang Bestfriend Lang Ba Talaga :l


Sa mga nais mapasagot ang kanilang nililigawan, ito ang mga banat lines ni Bob Ong na maaaring makatulong sa
inyo
__________________________________________________________
Dear Mr. Bob Ong,
Matagal ko na pong nililigawan itong chik na nakilala ko recently sa isang party. Nasisiraan na ako ng bait. Pag
nakilala mo siya, tiyak matutunaw ang utak mo sa kakaisip sa kanya.
Hingi lang po ako ng advice. Paano ko po siya mapapaibig? Bibigyan ko ba siya ng tula ? Haharanahin ko ba siya?
Roses? Kalachuchi? Chocnut at sampaguita?
In lab na po ako. Ano po ang gagawin ko? Is she the one?
Lubos na gumagalang,
-MATT -
- ANG REPLY -
Dear MATT,
Hindi ka talaga sasagutin niyang nililigawan mo. Napaka-old school kasi ng mga tactics mo. Wala nang gumagawa
ng ganyan. Sa panahon ngayon, lahat ng bagay, nagtaas na. Nagtaas na ang gasolina, nagtaas na ang presyo ng
bigas at mga bilihin, nagtaas na ang pamasahe, at lalong nagtaas na rin ng standards ang mga babae. Hindi na
uubra yang siopao at suman mo. Lalo na yung huli mong binigay, hopia at santan. Ano ba pare? Ano’ng era ka ba
pinanganak?
Pero don’t worry. It’s not too late. May pag-asa ka pa. Hindi pa naman siya kinakasal at di pa niya sinasagot yung
crush niya na basketball player. Kahit lamang siya ng sampung paligo sa’yo, daanin mo sa utak at creativity. Dahil
aminin na natin, iyon na LANG talaga ang pag-asa mo. Heto, bibigyan kita ng mga simple, tried and tested na mga
regalo para di siya mapurga sa hopia at siomai. Sundin mo ‘to, tiyak na lalaglag ang bagang niya sa’yo. Mga medyo
more than your usual regalong panligaw:
1. Bili ka ng century tuna. Ilagay mo sa isang napakalaking box—yung sinlaki ng TV o kaya box ng desktop PC mo.
Tapos balutan mo ng magarang pambalot. Kuntsabahin mo na yung teacher niya sa Calculus. Sa gitna ng klase,
bigla kang kumatok sa classroom. Pero dapat, incognito ka. Magsuot ka ng LBC jacket, magshades, at magsuot ng
surgical mask. Pagpasok mo sa classroom, iabot mo yung box sa teacher, at papirmahin mo ng acknowledgement
receipt. Tapos pabuksan mo in front of everyone. Tignan mong mabuti ang reaction sa mukha niya.
Later during the day, pag tinanong niya kung bakit Century Tuna ang binigay mo, iikot mo yung lata at ituro mo yung
sign na “Omega 8.” Pag tinanong niya kung ano yung Omega 8, sabihin mo: “because you’re good for my heart.”
2. Mangolekta ka ng isang dosenang hanger na libre mong nakukuha tuwing nagpapa-dry clean ka. Tapos, sa
bawat hanger, isulat mo: “I miss hanging out with you.”
3. Instead of roses, kuha ka ng tissue paper sa banyo ng school mo. Gawin mong tissue paper roses. Gawa ka ng
isang dosena. Pag-abot mo, sabihin mo, “Ganito kalinis ang pag-ibig ko sa’yo.”
4. Bili ka ng tetra pack ng mantikang Minola. Tapos bilugan mo yung “with Omega 8.” Hindi na siya magtatanong
kung bakit.
5. Bigyan mo ng ice cream cone. Dapat cone lang at walang ice cream. Pag hinanap niya yung ice cream, sabihin
mo, “natunaw na kakatitig sa’yo.”
6. Bili ka ng sandosenang box ng crayola. Kolektahin mo lahat ng black. Lagay mo sa isang box ng crayola. Sa
likod, isulat mo: “Walang kulay ang buhay kung wala ka.”
7. Bigyan mo siya ng mumurahing bumbilya. Alam mo na siguro by this time kung ano ang isasagot pag tinanong
niya kung bakit.
8. Itext mo siya ng: “Hindi tayo tao, hindi tayo hayop, hindi tayo halaman. Bagay tayo. Bagay!”
9. Bigyan mo siya ng calling card ng MMDA. Sa likod, isulat mo “para pag nagkabanggaan ang puso natin.”
10. Padalhan mo ng Happy Meal pero huwag mong ibibigay yung libreng laruan. Paghinanap niya, sabihin mo: “Ako
yung freebie, at ikaw yung meal na nagpapahappy sa’kin.”
11. Sunugin ang kanyang bahay at padalhan ng hallmark card: "aanhin mo pa ang bahay mo, kung matagal ka nang
nakatira sa puso ko"
12. Pagkatapos sunugin ang kanyang bahay, padalhan siya ng isang box ng posporo, Guitar brand. unahan ang
kanyang galit at sabihin, "ayan ang posporo na ginamit ko sa pagsunog ng iyong bahay, match na tayo"
13. Sa kalagitnaan ng isang malupit na bagyo, pasalubungan sya ng "salbabida", wag payong, o mainit na mami.
Pag nagtanong bkt? ang isagot mo ay " ayaw kong malunod ka sa pag mamahal ko."
14. Pag pumayag na siyang makipagdate, dalhin mo siya sa canteen at huwag bibitawan ang kamay. Pag tinanong
niya kung bakit, ituro mo yun sign na “don’t leave your valuables unattended”
Handang Tumulong Lagi
Bob Ong
like us: What's On My Mind? Syempre Ikaw :'>
blackyet
11 June 2013 at 15:35 · Public
Like Page · More
Like Comment Share
49 people like this.

Write a comment...
Comment

Attach a Photo · Mention Friends

Siopao A. Dela Cruz


ayos n ayos yan masubukan nga yan...ung omega 8 haha
Like · Reply · Report · 18 August 2015

Angelo Alfanoso
Gus2 ko yung sunugin ang bahay..
Like · Reply · Report · 14 August 2015

Jared Slate
masubukan nga yan hehehe nice advice bob ong
Like · Reply · Report · 29 August 2015

Jello Orquiola
ma try nga
Like · Reply · Report · 3 May 2015

JV Pollicar
TAMA
Like · Reply · Report · 26 August 2015

Clifford Bautista
Dont leave your valuables X))
Like · Reply · Report · 12 June 2015

Joshua Dioquino Duazo


lupet ahhh
Like · Reply · Report · 18 May 2015

Michael Perilla
pwede nga to
Like · Reply · Report · 18 January 2015

Bariso Anrei
Walastik.. hehehe
Like · Reply · Report · 5 August 2014

Eiborej Arevir Nanaggaruf


hahaha..da best ka talaga bob-ong !!!
Like · Reply · Report · 23 June 2014

 View next comments…

You might also like