You are on page 1of 4

To make a bleach solution, mix:

o 5 tablespoons (1/3rd cup) bleach per gallon of room temperature water


OR
o 4 teaspoons bleach per quart of room temperature water

 Bleach solutions will be effective for disinfection up to 24 hours.


 Alcohol solutions with at least 70% alcohol may also be used.

Updated on April 15, 2020


Ito ang mga hakbang sa paggawa ng iyong 0.5% sodium hypochlorite (bleach) disinfectant solution para sa mga
rabaw:

1.  Ipunin ang lahat ng mga materyales na kakailanganin. Siguraduhin na magtrabaho sa isang lugar na may magandang
bentilasyon, may lilim, at protektado sa hangin. 
2. Magsuot ng personal protective equipment (guwantes, goggles, apron, at bota) habang humahawak at naghahanda ng bleach
solution.
3. Sa paghahanda ng solution, ibuhos ang dami ng tubig na kailangan sa isang plastik na lalagyan at idagdag ang bleach (huwag
pagbaligtarin ang itong proseso).
4. Kung gagamit ng household bleach (may 5% na aktibong chlorine), paghaluin ang: 
o 1 mililiter (mL) na bleach at 9 mL na tubig, o
o 100 mL na bleach at 900 mL na tubig
5. Kung gagamit ng chlorine powder, granules, o tablet (may 60 - 70% na aktibong chlorine), tunawin ang: 
o 1 kutsara o 20 grams (g) ng chlorine at 2 liters (L) ng tubig
6. Lagyan ng label ang mga lalagyan ng disinfectant kasama ang sukat ng konsentrasyon ng chlorine.
7. Araw-araw na maghanda ng bagong bleach at water solution upang mapanatili ang bisa nito.

 Testing ng COVID-19

1. What are the available testing kits?

As of April 13, 2020, the Food and Drug Administration (FDA) has approved 37 COVID-19 testing kits for
commercial use:

o 26 polymerase chain reaction (PCR) test kits (including the UP NIH-developed test kit)
o 11 point-of-care test kits

The PCR-based test kits detect the presence of the virus causing COVID-19, as opposed to rapid test kits which
detect the presence of antibodies for COVID-19. Antibodies are produced by the body to fight a virus. These
antibodies may not be detected early in the disease, especially if you don't have symptoms.

Positive results from the rapid test kits still need to be confirmed with the PCR-based test kits.  This is to make
sure the results are correct and not just from cross-reaction with different bacteria.  The rapid test kits are not
recommended for personal use and should be done and interpreted by a trained physician.

Expanded testing will start on April 14, 2020.

 Ginagawa ang testing upang kumpirmahin kung mayroon kang COVID-19. Mahalaga ito upang malaman ng mga health
worker kung paano epektibong gagamutin ang mga pasyente.

Ang mga tututukan natin ay ang:

1. Mga pasyenteng pinaghihinalaang may COVID-19


2. Mga taong may exposure at interaksyon sa taong kumpirmadong may COVID-19
3. Mga taong naglakbay o nanggaling sa mga lugar na may lokal na transmission ng COVID-19
4. Mga taong kabilang sa grupo ng mga mas nanganganib magkaroon ng malubhang sakit (nakatatanda, mga may
comorbidities, atbp.) 
5. Healthcare workers

 Public Health Standards para sa mga Eskwelahan

Paano mapapanatili ng mga guro, estudyante, at iba pang staff ng eskwelahan ang kanilang kalusugang pisikal at
mental?

1. Kumain ng masustansya at laging isaisip ang prinsipyong Pinggang Pinoy ng DOH. 


2. Iwasang kumain ng pagkain na sobrang tamis, alat, at taba.
3. Uminom ng tubig na hindi bababa sa 1.5 litro araw-araw.
4. Mag-ehersisyo araw-araw. Siguraduhin na hindi ito bababa sa 15 minuto para mas mapabuti ang resistensya.
5. Magkaroon ng sapat na tulog. Matulog ng hindi bababa sa 7-8 oras na tulog kada araw.
6. Regular na makipag-usap sa mga kaibigan sa pamamagitan ng tawag o video chat sa social media.

 Paano makatutulong ang mga guro, estudyante, at iba pang staff upang mabawasan ang posibleng pagkalat ng
COVID-19 sa eskwelahan?

1. Sa pagpasok sa eskwelahan, ipa-check ang sarili sa naka-assign na tao para malaman kung may mga sintomas ng sakit.
2. Kailangang isuot ang personal protective equipment ng school personnel na mayroon contact sa mga estudyante at iba pang
staff ng eskwelahan (security guards, maintenance crew, mga tumatao sa kantina)
3. Magsuot ng facemask.
4. Panatilihing malinis ang kamay:
o Hugasan ang kamay gamit ang sabon o tubig sa loob ng 20 segundo o higit pa.
o Kung walang sabon at tubig, gumamit ng sanitizer na may 70% alcohol. 
o Iwasan ang paghawak sa mukha lalo na sa mata, ilong, at bibig.
5. Gawin ang tamang pag-ubo: Takpan ang ilong at bibig kung uubo o babahing gamit ang tisyu o siko. Agad na itapon ang
ginamit na tisyu sa basurahang may takip at maghugas ng kamay.
6. Regular na mag-disinfect: 
o Iwasan ang paghiram ng mga gamit pang-eskwelahan kung posible. Kung talagang kinakailangan, i-disinfect ng
70% alcohol ang hiniram bago gamitin.
o I-disinfect ang laging ginagamit na mga bagay gaya ng cellphone, susi, salamin, keyboard, at iba pang personal na
gamit gamit ang 70% alcohol solution.

 Paano makatutulong ang mga school administrator upang mabawasan ang posibleng pagkalat ng COVID-19 sa
eskwelahan?

1. Turuan ang mga estudyante at mga empleyado ng tamang paghuhugas ng kamay, physical distancing at iba pang preventive
measures.
2. Isama ang oras ng paghuhugas ng kamay sa schedule ng mga estudyante.
3. Maglagay ng mga dispensers na may alcohol-based hand rubs sa mga pampublikong lugar.
4. Panatilihin ang maayos na bentilasyon.
5. Maglaan ng sapat na supply sa lugar na madaling makuha, kasama dito ang tisyu at mga basurahan na hindi kinakailangang
hawakan.
6. Linisin ang mga surfaces at mga bagay na madalas na hinahawakan tulad ng mesa, doorknobs, telepono, computer
keyboards, at mga gamit sa pagtuturo. Itapon ang laman ng mga basurahan pag napuno na. 
7. Panatilihin malinis ang kapaligiran lalo na ang mga lugar na ginagamit ng lahat tulad ng elevators, railings, hagdanan, switch
ng ilaw, at iba pang mga katulad nito.

 Paano mababawasan ang pakikisalamuha sa mga taong posibleng mayroong COVID-19?

Para sa mga guro, estudyante, at iba pang staff :

1. Ang pag-aaral sa bahay ay maaaring gawin kung posible.


2. Kung hindi posible, sundin ang tamang physical distancing. Magkaroon ng hindi bababa sa isang metrong layo mula sa mga
ka-eskwela. 

 Para sa school administrators:

1. Hangga’t maaari, gawin ang telecommuting sa pamamagitan ng video o telephone conferences sa halip na magsasama-sama
sa isang silid-aralan
2. Iwasan ang mga aktibidad na magiging sanhi ng pagtitipon ng malaking bilang ng mga estudyante at staff gaya ng flag
ceremony o recognition rites.
3. Iwasan ang mga aktibidad na magiging sanhi ng pagkakaroon ng malapitang pakikisalamuha sa pagitan ng mga estudyante at
staff.

 Paano mababawasan ang pagtagal ng COVID-19 infection?

Para sa mga guro, estudyante, at iba pang empleyado:

1. Para sa mga banayad na sintomas (lagnat, ubo, sore throat, at iba pang respiratory symptoms) manatili sa bahay at
magpahinga. Maaari rin tumawag sa TELEMEDICINE hotline para sa konsultasyon sa numerong (02) 8424 1724 (Telimed
Management Inc. and Medgate) o (02) 7798 8000 (Global Telehealth, Inc.). 
2. Para sa malubhang sintomas (hirap o pag-iksi ng paghinga, paulit-ulit na pagsakit o paninikip ng dibdib, pagkabalisa,
pangingitim ng labi o mukha): tumawag sa inyong lokal na BHERT o sa DOH hotline sa  numerong (02) 894 COVID
(26843) o 1555 para sa lahat ng network. Titingnan at papayuhan kung kailangang magpakonsulta at pumunta sa
pinakamalapit na health facility.

 Para sa school administrators:

1. Ang mga guro, mga estudyante, at iba pang empleyado na may sintomas ay hindi na dapat pang papasukin sa paaralan.
2. Sa sitwasyong ang mga guro, mga estudyante, at iba pang staff ay biglang nagkaroon ng sintomas sa paaralan, sila ay dapat
na agad i-isolate at i-refer sa healthcare provider ng paaralan para sa tamang pangangalaga.

Ang mga sumusunod ay mga gabay para sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine, mula
sa Omnibus Guidelines on the Implementation of Community Quarantine in the Philippines ng IATF:

 Bilang rekomendasyon ng DOH at iba pang mga naaangkop na ahensya ng gobyerno, ang minimum public health standards ay
kinakailangang masunod sa lahat ng oras ng mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).

1. Ang pagkilos ng mga residente sa lugar na nasa ilalim ng GCQ ay dapat na limitahan sa pag-access sa mga lubhang
mahalagang produkto at serbisyo, at sa pagpasok sa trabaho sa mga opisina o establisyementong may permiso. Ang pagkilos
para sa mga paglilibang ay hindi pinahihintulutan
2. Ang sumusunod ay kinakailangang manatili sa kanilang bahay sa lahat ng oras, maliban na lamang sa mga pagkakataong
kailangang-kailangan tulad ng pagbili ng pagkain at gamot o mga aktibidad na may permiso:
o Mga may edad 21 at pababa
o Mga may edad 60 at pataas
o Mga mayroong immunodeficiency, comorbidities, o iba pang panganib sa kalusugan
o Mga buntis
3. Ang trabaho sa mga opisina ng gobyerno ay maaaring mag-operate sa buong kapasidad o sa ilalim ng alternatibong work
arrangements na ayon sa mga panuntunan at regulasyon na mula sa Civil Service Commission. Kapag kakailanganin ang
pisikal na pagpasok ng mga empleyado, ang opisina nito ay maglalaan ng shuttle services at ng point-to-point transport
services. 
4. Ang mga akreditadong diplomatikong misyon at pandaigdigang organisasyon ay maaaring mag-operate ng kalahati o 50% ng
kapasidad nito. Ang alternatibong work arrangements gaya ng flexible work arrangements, compressed work week, telework,
at telecommuting ay inirerekomenda.
5. Ang mga industrya sa ilalim ng Category 1 ay puwede nang bumalik sa pag-o-operate sa buong kapasidad. Ang mga kasama
dito ay: power, energy, tubig, agrikultura, palaisdaan, at mga industriyang pang-kagubatan, mga gumagawa at nagsu-supply
ng mga pagkain kasama na ang mga establisyemento tulad ng supermarkets, grocery stores, at mga naghahanda ng pagkain
para sa serbisyong  take-out at delivery, mga establisyementong may kaugnayan sa kalusugan, sektor ng logistics, mga
kumpanya ng information technology and telecommunication, at media.
6. Ang mga industriya sa ilalim ng Category 2 ay puwedeng bumalik sa kalahati o 50 percent hanggang buong kapasidad ng
pag-o-operate, kung walang pagkiling sa work-from-home at iba pang alternatibong work arrangements. Kasama dito ang
pagmimina at iba pang nagma-manufacture, at mga kumpanya ng electronic commerce, kasama rin ang mga may serbisyong
delivery, repair at maintenance, at mga serbisyong pang-bahay at pang-opisina.
7. Ang mga industriya sa ilalim ng Category 3 ay puwedeng bumalik sa kalahati o 50 percent work-on-site arrangement, kung
walang pagkiling sa work-from-home at iba pang alternatibong work arrangements. Kasama dito ang mga financial services,
legal and accounting, at auditing services, professional, scientific, technical, at iba pang establisyementong non-leisure
wholesale at retail.
8. Ang mga amusement, gaming, at mga fitness establishments, pati na rin ang nasa kids at tourism na industriya, at lahat ng
nasa Category IV industries ay hindi maaaring mag-operate.
9. Ang mga partikular na industriya sa ilalim ng bawat category ay makikita sa hiwalay na dokumento na inisyu ng Department
of Trade and Industry (DTI).
10. Ang limitadong operasyon ng mga mall at shopping center ay pinahihintulutan, maliban sa mga pang-libangan na
establisyemento na mananatiling nakasarado. Ang mga establisyemento at mga serbisyo na pahihintulutang mag-operate sa
mga mall at shopping center ay maaari lamang mag-operate sa kapasidad na ayon sa ika-6, 7, 8, at 9 na punto ng listahang
ito. Ang mga may edad na 21 at pababa, at may edad na 60 pataas ay hindi maaaring pumasok sa mga mall at shopping
centers, maliban na lamang sa mga pagkakataong kailangang-kailangan tulad ng pagbili ng pagkain at gamot,
nangangailangan ng serbisyong pangkalusugan, o nagta-trabaho sa mga establisyemento na nasa loob nito. Ang mga
operasyon nito ay dapat batay sa pinakabagong panuntunan na inisyu ng DTI.
11. Lahat ng pampubliko at pribadong proyektong pang-konstruksyon ay pinahihintulutan, ngunit mahigpit ang magiging
pagsunod mula sa Construction Safety Guidelines for the Implementation of Infrastructure Projects during the COVID-19
Pandemic ng Department of Public Works and Highways sa panahon ng COVID-19 pandemic.
12. Walang hotels o mga katulad na establisyemento ang pinahihintulutan na mag-operate, maliban na lang kung ito ay
tumatanggap ng mga sumusunod, sa kondisyon na ang mga operasyon ng hotel ay magiging limitado para sa pagbibigay ng
basic lodging para sa mga guests o bisita:
o Para sa mga lugar sa labas ng Luzon, ang mga guests o bisita na may kasalukuyang booking accommodations para
sa mga dayuhan mula 01 May 2020;
o Mga bisita na mayroong kasalukuyang long-term bookings;
o Mga distressed OFWs at stranded na mga Filipino o mga foreign nationals;
o Repatriated OFWs na sumusunod sa na naaprubahan na quarantine protocols;
o Mga hindi OFWs na maaaring kinakailangang sumailalim sa mandatory facility-based quarantine; at
o Health care workers at iba pang empleyado galing sa mga exempted na mga establisyemento sa ilalim ng Revised
Omnibus Guidelines at naaangkop na Memoranda mula sa Executive Secretary.
13. Ang mga residential o mga face-to-face na mga klase ay suspendido para sa buong panahon ng GCQ. Para sa pang-
akademyang taon 2020-2021, ang mga sumusunod ay dapat sundin para sa pagsasagawa ng mga klase:
o Para sa pangunahing edukasyon, ang Basic Education Learning Continuity Plan ng Kagawaran ng Edukasyon o
(DepEd) ang pinagtibay, na kung saan ang mahahalagang puntos ay ang mga sumusunod:
 Ang pagbubukas ng mga klase para sa pangunahing edukasyon ay dapat magsisimula sa ikaw-24 ng Agosto
2020 at dapat matapos sa ika-30 ng Abril 2021;
 Ang pagbubukas ng mga pribadong eskwelahan ay papayagan sa loob ng panahon na ibinigay ng batas. Sa
kondisyon na ang school learning continuity plan ay dapat isumite; walang face-to-face na klase ang
papayagan na mas maaga pa sa ika-24 ng Agosto 2020; at, mula ika-24 ng Agosto, ang face-to-face na pag-
aaral ay maaari lamang kapag may permiso sa local risk severity grading, at napapasailalim sa pagsunod sa
pinakamababang pamantayan sa kalusugan o minimum health standards;
 Ang paggamit ng iba’t-ibang klase ng learning delivery options tulad ng ngunit hindi limitado sa face-to-
face, blended learnings, distance learnings, at homeschooling at iba pang mga pamamaraan sa paghahatid
ay dapat ipatupad depende sa lokal na COVID Risk Severity Classification at pagsunod sa minimum health
standards; at,
 Ang pagsasagawa ng curricular at co-curricular na mga aktibidad kabilang ang pagtitipon tulad ng science
fairs, pagpapakita ng mga portfolio, trade fairs, school sports, campus journalism, festival of talents, job
fairs, at iba pang katulad na aktibidad ay kanselado, maliban sa mga isinasagawa na online.
o Para sa mataas na edukasyon o higher education, ang mga rekomendasyon ng Commission on Higher Education
(CHED) para sa higher education institutions (HEIs) ang siyang pinagtibay, na kung saan ang mga detalye ay ang
mga sumusunod:
 Ang pagbubukas ng mga klase ay batay sa pamamaraan ng paghahatid ng edukasyon o education delivery
mode, na may pagsunod sa minimum health standards at sa sitwasyon sa baba:
1. Ang mga HEIs na gumagamit ng buong online na edukasyon o full online education ay maaaring
magbukas anumang oras;
2. Ang mga HEIs na gumagamit ng flexible learning ay maaaring magbukas anumang oras sa Agosto
2020;
3. Ang mga HEIs na gumagamit ng mahalagang residential face-to-face/ sa personal na pamamaraan
na maaaring magbukas ay hindi magbubukas nang mas maaga sa ika-1 ng Setyembre 2020;
4. Walang residential o face-to-face na mga klase ang mangyayari hanggang ika-31 ng Agosto 2020.
 Ang mga pribadong HEIs ay hinihikayat na baguhin ang kanilang kalendaryo pang-akademya at buksan ito
sa Agosto 2020.
14. Ang mga pampublikong pagtitipon o mass gatherings na hindi awtorisado, mga non-work essential o may kaugnayan sa
entertainment tulad ng screening ng pelikula, konsyerto, at mga sporting events o palaro ay ipinagbabawal. Habang
sinusunod ang ipinapayo na minimum health standards, ang mga pagtitipon sa relihiyon ay hindi hinihikayat, ngunit kung
may ganitong kaso, ito ay hindi dapat hihigit sa sampung (10) tao;
15. Ang indibidwal na ehersisyo na panglabas tulad ng paglalakad sa labas, jogging, pagtakbo o pag bisekleta ay pinahihintulutan
sa loob ng GCQ na mga lugar, sa kondisyon na ang minimum health standards at pag-iingat tulad ng pagsusuot ng masks at
pagpapanatili ng social distancing na mga protokol ay sinusunod. Lahat ng mga tao na mababa sa 21 na taong gulang, mga 60
taong gulang at pataas, mga may immunodeficiency, comorbidities, o iba pang health risks o peligro sa kalusugan, at mga
buntis, kasama na ang kahit sinong tao na nakatira kasama ang mga nabanggit ay maaaring lumabas para sa layunin na
makapag-ehersisyo ng mag-isa lamang.
16. Ang daan, riles, maritime at aviation na mga sektor ng pampublikong transportasyon ay dapat gumagana sa sapat lamang na
kapasidad, alinsunod sa mga alintuntunin na nailabas ng DOTr, at sa kondisyon na lahat ng mga pampublikong
transportasyon, ang istriktong isang (1) metrong distansya sa pagitan ng mga pasahero ay dapat sundin at ang mga angkop na
pang-inhinyerong pang kontrol  ay nasa kinalalagyan.

You might also like