You are on page 1of 1

Ang itinuturing na dahilan ng landslide ay ang mga malalaki at maliliit na pagmimina sa lugar ng Itogon,

Benguet. Isa narin sa dahilan ay ang pagiging saturated masyado ng lupa sa tubig kaya ito ay madaling
lumalambot at gumuguho, pumapasok na dito ang gravity dahil sabi nga ni Engr. Gabby Pamintuan na
Mining Engineer ng UP Diliman ‘Just gravity doing it’s job’.

Naapektuhan ng landslide ang pamumuhay ng tao sa paraan na ang tanging source o pinagkakakitaan
mostly nga mga tao na taga Benguet ay ang pagmimina dahil sa full closure nito madami rin ang nalugi
kahit hindi pagmimina ang kanilang pinagkakakitaan, ang dating maraming suki na mga tindahan ngayon
ay kumonti na sa kadahilanan na ang mga minero at iba pang mga trabahador ang tangi nilang mga suki.

Ang tanging alam ko na tumulong sa sakunang ito ay ang DSWD, P21,071,536.15 worth of assistance na
ang kanilang naibibigay ngunit saaking palagay hindi pa ito sapat sa dami ng hinarap na problema ng
mga taong taga Benguet. Saaking palagay hindi nagkaron ng sapat na kooperasyon sa pagtugon ang
pamahalaan upang makatulong ng buong lakas sa mga nasalanta ng sakunang ito.

Hindi ito sapat, dahil sa pagtagal ng panahon matagaltagal rin babangon ang mga tao na nasalanta ng
sakunang ito. Doon pa lamang sa bagong simula na gagawin ng mga taga Benguet malaki-laki narin ang
pera na magagasta ng pamahalaan.

You might also like