You are on page 1of 1

'Buong-buo ang loob ko': VP

Leni tatakbo sa pagkapangulo sa


Halalan 2022
Ayon sa ABS-CBN News na si VP Leni Robredo ay tatakbo bilang pagkapangulo sang-ayon ako
dito sapagkat dahil nga sa pagkakatingin ng mga tao sa kababaihan ay “homemaker” lamang o
mahina kung susumahin ganoon din sa paniniwala ng iba na si VP Leni ay ang gagawa ng
kalasag at espada na magagamit ng kababaihan upang maipakita na sila ay may mapapatunayan
din.

Para sa akin si VP Leni ang pinunong marami nang nagawa at marami pang magagawa, naghain
siya ng COC niya bilang independent na nagpapatunay na hindi niya kailangan ng kahit sino
upang magmukhang maganda sa ibang tao.

Batay sa sinabi ni VP Robredo "Ina akong nakikita ang pagdurusa ng minamahal kong
bansa. Naniniwala akong ang pag-ibig, hindi lang nasusukat sa pagtitiis kundi sa
kahandaang lumaban, kahit gaano kahirap, para matapos na ang pagtitiis," upang dito pa
lamang nakuha na niya ang aking simpatya dahil siya ay tunay na mabuting pinuno hindi lamang
bilang ina sa kanyang sariling mga anak kung hindi bilang ina ng sambayanang Pilipino.

Kaya kung susumahin ang lahat ng ito para sa akin si VP Leni Robredo ay isang solidong
presidente na makatutulong sa inang bayan gamit ang pusong mapagmahal, dahil sa mga plano
pa lamang at mga nagawa na ni VP Leni Robredo maganda at mabango na ang imahe niya sa
publiko kahit hindi niya ito pinapakita sa media.

You might also like