You are on page 1of 24

Mga Batas, Kautusan, at mga Atas Pangwika sa Panahon ng

Pagsasarili

Panahon ng Pagsasarili

- Nang matapos ideklara


- Ibinigay ng mga Amerikano ang kalayaan

July 4, 1946 - Kalayaan mula sa mga Amerikano

Tayo ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng mga Amerikano

Manuel Luis Quezon - naghangad na makamit ang tunay na kalayaan

Simpleng Kalayaan

June 12, 1898 - Wala pang tunay na kalayaan dahil nasa ilalim pa ng kapangyarihan ng
Espanya ang Pilipinas. Hangad ni Manuel Quezon ang tunay ang kalayaan kaya pabalik
balik siya sa US upang igawad sa buong kapuluan at kalayaan at nagtagumpay siya
nang isakatuparan ang Batas Tydings Mcduffie - Binigyan tayo ng 10 taon para ihanda
ang sarili. Nainterrupt kasi dumating ang mga Hapon.

Tunay na Kalayaan: Nagtagumpay siya nang isakatuparan ng Kongreso ng Estados


Unidos ang Batas Tydings-McDuffie.

Batas Tydings-McDuffie Law- pagka kalooban ang Pilipinas ng kalayaan ngunit


kailangan maghanda ng 10 taon.

Sa sampung taon, na-interrupt sa pagdating ng mga Hapon:

1935 - start ng Pamahalaang Komonwelt

1945 - ibibigay dapat ang kalayaan

● Ginawang June 12 nung panahon ni Diosdado Macapagal na dating July 4


● Ang pagdiriwang ng Pambansang Kalayaan ay dapat sa June 12.

1964

- Taon ng kamatayan ni Emilio Aguinaldo


- Siya ay 95 years old.
- Panahon ni Pang. Diosdado Macapagal

July 4 - ipinagkaloob ang Philippine-American Friendship Day

- Araw ng Pagkakaibigan ng Amerika at Pilipinas


- Noong panahon ni Gloria, ay di na masyado nabibigyang pansin ang pagdiriwang
nito hanggang sa di na halos napapansin. Hindi na muling nakilala bilang holiday.
- Mula July 4 hanggang ngayon, ito na yung panahon ng pagsasarili. (dahil noon ay
nakasandal at umaasa pa sa Amerika)
- Kastila, Ingles, at Tagalog ang mga ginagamit na wika noon at walang sarili
- Big brother ng Pilipinas ang Amerika.

ANONG NANGYARI SA PANAHONG ITO?

Marso 29- Abril 24

- Pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa


- Nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay (Proklamasyon Blg. 13, s. 1954)

Manuel Luis Molina Quezon

- Buong pangalan ni Quezon


- August 19 sa Baler na dating bahagi ng Quezon Province (Tayabas Province)
- Quezon Province - parangal para kay Quezon
- Aurora Province - pinangalanan dahil sa asawa ni Manuel Quezon na Aurora ang
pangalan.

Proklamasyon Blg. 1941 Seksyon 1997 - Muling sinusugan ni Pangulong Fidel Ramos
sa bisa nito na ginawang Buwan ng Wikang Pambansa ang pagdiriwang tuwing Agosto,
taon-taon.

Agosto (August)

- Pambansang buwan ng Kasaysayan


- Dati ay tuwing September kaso nilipat sa August

Unang sigaw sa Pugad Lawin - hudyat na nagsimula ang war sa Kastila at Pilipinas
Tuwing huling Lunes ng August ang pagdiriwang ng pambansa ng araw ng mga Bayani.
Ginawa nya yun para pasiglahin ang turismo.
Naglilipat sa petsa ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika

Kautusang Pangkagawaran (ng edukasyon at kultura) Blg. 5, Seksyon 1956.

Kautusang Tagapagpaganap Blg. 60, Seksyon 1963


- Nilagdaan ni Pangulong Diosdado Macapagal

Noong 1962, nagsimulang magamit ang Pilipino sa:

- Teksto ng pasaporte, visa, at iba’t-ibang dokumento na ugnayang panlabas.


- Sertipiko at diploma sa mga paaralan sa lahat ng lebel ng edukasyon
- Sa iba’t-ibang dokumento opisyal at pribado kasama na ang mga kasulatan ng
kasunduan ng mga samahan ng mga manggagawa at kapitalista.
- Bago 1962, lahat English (certificates, documents)

Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96, S. 1967

- Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos


- Lahat ng edipisyo, gusali, tanggapan ng pamahalaan ay kailangan ipangalan sa
Filipino.

Memorandum Sirkular Blg. 172 (1968)

- Nilagdaan ni Kalihim Tagapagpaganap. Rafael Salas


- Nagaatas na ang mga letter head ng mga tanggapan ng pamahalaan ay isulat sa
Pilipino.
- Ang sulat na may letterhead ay considered as opisyal.
- Ang sobre, may letterhead na rin.

Lupon ng Surian ng Wikang Pambansa

● Muling binuo ng Pangulong Marcos ang lupon ng bisa ng ….

Tagapangulo: Ponciano B.P. Pineda - Tagalog

1973-1985
Nagpatuloy ang higit na pagpapaunlad, pagpapayaman at pagpapalaganap ng Pilipino
sa pamamagitan ng iba’t ibang ahensya ng mass media ng sistemang pampaaralan, ng
mga tanggapan ng pamahalaan at ng lipunan, sa kabuuan.
1974 -- Ipinatupad ang Edukasyong Bilingwal, doon nagsimula na ang mga asignatura
na AP ay ituturo na sa wikang Filipino.

*Bagong lipunan - itinawag o bansag ni Marcos sa pamahalaan

Layuning maisakatuparan ang matibay na instrumento

Nabigyan ang Pilipino ng pagpapasigla bilang isang kasangkapan na komunikasyon sa


lahat ng larangan ng buhay ng mga Pilipino.

Konstitusyon 1973

● Magpatibay ng isang wikang pambansa at ng dalawang wikang oisyal.


○ Wikang Pambansa : Filipino
○ Wikang Opisyal : Filipino at Ingles
● Ang Filipino ay paunlarin at pagtitibayin ……
● Ang English ay isang mahalagang tulay ng relasyong internasyonal.
● Napatuloy ang Pilipino bilang wikang pambansa, samantalang wala pang batas
ng nagpapatibay para sa paglinang at …

Dalawang patakaran sa paglinang at pagpapalaganap ng Wikang Pambansa:

- Patakaran sa paggamit ng F/Pilipino sa mga opisyal na transaksyon,


komunikasyon, at korespondensya sa mga opisina ng pamahalaang nasyonal at
rehiyonal
- …..

Kautusang Pangkagawaran (...)

Layunin ng Komunikasyon at Pagtuturo

- Wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino hanggang wala pang itinalaga ang batas
kasama na rito ang Wikang Ingles.

Wikang panrehiyon

- Pagtulong sa wikang opisyal sa mga rehiyon


- Panturo ng wikang panturo doon.

Filipino bilang Nukleyong Wika


● Filipino ang wikang laganap na:
○ May sariling bokabularyo
○ Literatura
○ Ginagamit ng maraming mamamayang Pilipino
○ Mabisang instrumento gamit sa pagpapaunlad ng Pambansang Wikang
ito.
○ Nucleus ng Pilipinas.

Ginagamit ang Wikang Filipino sa:

- Transaksyon
- Komunikasyon
- Korespondensiya
● Kautusan na ipinalabas ni Marcos na maging sa pag mimiting ay wikang Filipino
ang dapat gamitin.
➔ Si Ramon Magsaysay, PNoy at Duterte gumamit ng wikang Tagalog sa
kasaysayan ng SONA.

Kautusang Pangkagawaran Blg. 22, Seksyon 1987.

● Nilagdaan ni Kalihim Lourdes R. Quisumbing


● Nagatas ng paggamit ng katagang Filipino sa pagtukoy ng Wikang Pambansa.

1974 - nagsimula ang edukasyong bilingwal.

1987 - nagpapakilala sa bagong alpabeto; paano i-spell at babaybayin.

Atas Tagapagpaganap Blg. 335 (Agosto 25, 1988)

● Nilagdaan ni Pang. Corazon C. Aquino


● Nagaatas sa lahat ng mga kagawaran/ kawanihan/ opisina/ ahensya/
instrumentalitang pampamahalaan…..

Proklamasyon Blg. 1941, S. 1997

● Nilagdaan ni Pangulong Fidel V. Ramos


● Nagpapahayag ng Pambansang Pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa
(dati’y Linggo ng Wika) sa buwan ng Agosto, taon-taon.
● Lalong hinikayat ang mga paaralan na magkaroon ng mga pagdiriwang.
Ebolusyon ng Alpabetong Filipino

Nang dumating ang mga Kastila noong Dantaon 16, may sarili nang palatitikan
(Alpabeto) ang ating mga ninuno, ang Alibata o Baybayin, na binubuo ng 14 na katinig at
3 na patinig. Pinalitan ito ng mga Kastila ng alpabetong Romano na tinatawag na
ABECEDARIO na binubuo ng 29 na letra.

Noong Oktubre 4,1971, pinagtibay ng Sanggunian ng SWP ang pinayamang Alpabetong


Pilipino, na binubuo ng 31 letra: a b c ch d e f g h i j k 1 11 m n ñ ng o p q r rr s t u v w x v
z Kaugnay ng pagbago ng Konstitusyon, muling nireporma ng SWP ang alpabetong
Filipino at mga tuntunin ng palabaybayang Filipino. Ito ay bilang pagtugon sa mabilis na
pagbabago, pag-unlad at paglaganap ng wikang pambansa.

Matapos ang seryeng mga simposyum at sangguniang pulong na dinaluhan ng mga


linggwista, edukador, guro, manunulat at iskolar ng wika, nabuo ang sumusunod na
Alpabetong Filipino, na may 28 letra: a b c d e f g h i j k I m n ñ ng o p q r s t u v w x y z

Pahapyaw na Kasaysayan ng Ortograpiya ng Wikang Filipino

Ortograpiya - representasyon ng mga tunog ng wika na nakalimbag na mga simbolo


tulad ng alpabeto. Tunog ng wika.

★ Walang malinaw kung saan ortograpiya nanggaling


★ a,e,i,o,u
★ Tunog ng hayop pero hindi tunog ng wika.

Ang Alibata o Baybayin o Alifbata

➔ Bago dumating ang mga Kastila Dantaon labing-anim, mayroon nang ginagamit
na alpabeto ang ating mga ninuno, ito’y ang Alibata o Baybayin.
➔ Binubuo ito ng 17 simbolo na kumakatawan sa mga letra: 14 na katinig at 3
patinig
➔ Sa pagdating ng mga Kastila, pinalitan nila ang alibata ng Alpabetong Romano
na siya namang pinagbatayan ng ABAKADA Tagalog.
➔ Ito ay kahalintulad sa sistema o paraan ng pagsulat ng mga taong Java na
tinatawag na “kayi”.
➔ Ginagamit noong 14 na siglo hanggang sa pananakop ng mga Kastila.
➔ Ang salitang baybayin ay nangangahulugang ispeling o pagbaybay.
➔ Katutubong sistema ng pagsulat/alpabeto ng iba’t-ibang pangkat
etnolinggwistiko sa Pilipinas mula 1000-1200 hanggang 1800.

Ang BAYBAYIN hango sa salitang “baybay” (to spell) ALIBATA hango sa “alif bata” (2
unang titik sa Arabic: “aliif” at bet”) May kaunting pagkakaiba ang bawat alibata para sa
bawat partikular na wika (iba ang Tagalog, iba ang sa Bisaya atbp.) Di matiyak ng mga
eksperto sa Celebes (matandang paraan ng pasulat --) (...)

Dumating ang alpabetong Romano na kinalaunan ay ang naging batayan sa Abakadang


Tagalog.

Ang ABECEDARIO

- Ito ay binubuo ng 30 na letra at hango sa Romanong paraan ng pagbibigkas at


pagsulat.
- Alpabetong kastila: mula sa Alpabetong Romano na isinusulat ang mga titik gaya
ng sa alpabetong Romano itinuro sa piling mga mag aaral (sa mga klase ng
tinatawag na cation, kadalasan sa mga kumbento atbp.)

Ayaw turuan ng mga Kastila sa Pilipinas ang mga Indio dahil alam nilang matatalino
ang mga ito at kapag tinuruan ng wikang Espanyol ay maintindihan ang ginagawang
panloloko sa kanila Pilipinas lang ang dating kolonya ng Espanyol ay maiintindihan ang
ginagawang panloloko sa kanila Pilipinas lang ang dating kolonya ng Espanya na di
natutong magsalita ng Espanyol

-/a/ /be/ /se/ /che/ /de/ /e//efe/ /he/ /ache/ /i//hota/ /ele/ /elye/

1940 - napalitan ang ABECEDARIO.

Ang Abakadang Tagalog

Lope K. Santos (1940) - sa kanyang Balarila ng Wikang Pambansa, binuo niya ang
ABAKADA na may 20 titik. letra

Mula kay Lope K. Santos (1940) binubuo ng 20 letra lima (5) ang patinig (a, e, i, o, u)
labinglima (15) ang katinig (b, k, d, g, h, l, m, n, ng, p, r, s, t, o, w, y)

- Lima ang patinig: a, e, i, o, u


- Labinlima ang katinig: b, k, d, g, h, l, m, n, ng, p, s, t, w, y
Hindi isinama sa dalawampung letra ang labing-isang banyagang letra na
kinabibilangan ng C, CH, F, J, LL, Ñ, Q, RR, V, X, Z sapagkat ang mga ito ay ginagamit
lamang sa mga pangalang pantangi. Sa halip ay tinumbasan ng mga letra ng ABAKADA.

Sa Kastila, ang H ay silent.

● homo esta?
● hombre - “ombre”, silent h.

Bagong Alpabetong Pilipino (1976)

Binubuo ng 31 titik - ang dating abakada na binubuo ng dalawampung (20) titik ay


nadagdagan ng labing-isa (11) pang titik mula sa abecedario. Ang mga naidagdag na
titik ay: c, ch, f, j, ll, ñ,q, rr, v, x at z

1971 - masusing pinagulukan ng pansin ng noo’y Surian ng Wikang Pambansa (SWP)


na ngayon ay Komisyon …….

➢ Makalipas ang humigit-kumulang na limang taong pag-aaral at pagsangguni sa


iba’t ibang sector. ---
➢ Sa bisa ng Memorandum Pangkagawaan Blg. 194, S. 1976 ng Kagawaran ng
Edukasyon at Kultura, pinayaman ang dating Abakada upang makaagapay sa
bilis na pagunlad at pagbabago ng wikang Pilipino, Tinawag itong Bagong
Alpabetong Pilipino.
➢ Ang 20 na letra ay dinagdagan ng 11 letra kaya’t naging 31. Kabilang sa
idinagdag ang mga letra at diagrapo: C, F, J, N, Q, V, Y, Z, CH, LL, RR. Subalit
hindi ito nagtagumpay dahil sa ilang kahinaan at kalituhan sa paggamit..
➢ Hindi binanggit sa tintunin ang pagtawag sa mga letra at ayos ng pagkakasunod-
sunod ng mga letra. Hindi rin malinaw ang paraan ng pagbigkas at pagbaybay
(pagpantig o pagtitik) sa mga letra.

1987 Alpabetong Filipino

Bilang pagtugon sa tadhana ng Konstitusyong 1986 hinggil sa mabilis na pagbabago,


pagpapaunlad, at pagpapalaganap ng Filipino bilang wikang pambansa at
pampahalaang wika at pagsang ayon pa rin ……

Ang reporma ay isinagawa ng noon ay LWP (dating SWP na naging KWF noong 1991)
sa tulong ng mga Linggwistika, Dalubwika, Manunulat, Propesor, Guro at mga
Samahang Pangwika.

Nagsagawa ng simposyum ang Linangan:

- Asian Institute of Tourism


- National Teachers College

Bumuo din ang mga lupon ng Linangan upang magsagawa ng (...)

Napagkasunduan na sa nabanggit na simposyum ang Alpabetong Filipino ay bubuuin


na lamang ng dalawampu’t walong letra:
A, B, C, D, E, F , G, H, I, J, K, L, M, N, NG, enye, O, P, Q, R, S, T, U, V, W, X, Y, Z.

Maaari itong tawagin sa dalawang paraan: pa-ABAKADA o pa-Ingles. Ang walong


dagdag na letra ay:

- C, F, N, Q, V, X, Y, Z
❖ Tatlong taon ang lumipas bago nailabas ang unang burador noong Agosto 15,
1986.
❖ Napagkasunduan na ang mga letra ay bibigkasin na lamang ng pa-Ingles.
❖ Upang matiyak ang kawastuan, iniharap ito sa iba’t ibang kapulungan at
kongresong pangwika gaya ng:
❖ Taunang Kombensyon ng LEDCO na binubuo ng pambansang samahang
pangwika….

Nakapaloob sa binalangkas na alituntunin sa ispeling ang gamit ng walong dagdag na


letra ng alpabeto.

Gagamitin lamag ito sa hiram na salita at ekspresyon na nabibilang sa mga


sumusunod:

1. Pangalang pantangi
2. Terminolohiya na sadyang teknikal
3. Mga salitang nagtataglay ng etniko at kultural na kulay mula sa mga minoryang
wika sa Pilipinas.

Patuloy ang pagbabago at pagpapaunlad ng wika

2001 Rebisyon ng Alpabetong Filipino

- Ang muling pag rebisa ay ibinunsod ng di ganap na pagtupad sa Kautusan


Pangkagawaran ng 1987.
- Maraming pumuna sa di umano'y napakahigpit at di makatotohanang mga
tuntunin sa ispeling (...)

- Nalimutan ang gamit sa mga hiram sa salita (...)

- Walang inilabas na tuntunin ang LWP kaya nagkaroon ng kaguluhan


- Nabuo ang maraming variant sa spelling (...)
- Pinaluwag sa 2001 Alpabeto ang paggamit ng walong dagdag na letra.
Nangahuluhan na mari ring gamitin sa lahat ng hiram na salita, pormal, di
teknikal na barayti o mga karaniwang salita.
- Hinati rin sa dalawang grupo ang walong hiram na letra. Ang F, J, V, A, at, Z ay
gagamitin sa pagbaybay ng mga karaniwang salitang hiram na binago ang
ispeling sa Filipino.
- Ang C N(enye) Q, at X na itinuturing na redundant ay HINDI ginagamit sa
pagbabaybay ng mga hiram na salitang karaniwan
Diptonggo – mga pantig na nagtatapos sa mga letrang w at y halimbawa: ay – tinapay
aw – kalabaw ey – reyna iw – aliw iy – nami’y oy – kahoy uy – aruy
Klaster – kambal katinig halimbawa: kr – Kristal tw – twalya dr – drayber

Halos dalawang taon ang ginugol sa pagbuo ng mula kalahating taong 1999 hanggang
Agosto 2001.

At sa bisa ng Kautusang pangkagawaran Bilang 45, S. 2001, inilunsad ang 2001


revisyon ng Alfabeto at patnubay sa Ispeling ng WIkang Filipino noong Agosto 17, 2001
na may lagda ng Pangalawang Kalihim Isagani R. Cruz ng Departamento ng Edukasyon
(...)

Ang Alfabeto ay binubuo pa rin ng 28 na letra gaya ng wikang Ingles maliban sa enye

Gloria Macapagal-Arroyo (2003) - ang midyum of instruction ay wikang Ingles.

Marcos to Ramos - ginagamit ang Filipino bilang wikang panturo.

● Paano na ang ating wikang Filipino? Ano ang posibleng mangyari sa hinaharap?
● Mananatiling buhay ang isang wika kung ito ay patuloy nating ginagamit.

Ano nga ba ang kalagayan o sitwasyon ng wikang Filipino sa mga kabataan sa


kasalukuyang panahon?

- Malawak ang paggamit ng mga kabataan sa wikang Filipino.


- Uso ang paggamit ng social media. Mabilis naimpluwensiyahan ang mga
kabataan.
- Pagpapalit-palit sa wikang ingles at Filipino.
- Naipapahayag ng mga kabataan ang kanilang sarili gamit ang wikang Filipino.
- Nagagamit din ang wikang Filipino nang di-berbal (text message)
- “Jejemon”, “bekimon o beki language” ang iba’t-ibang pamamaraan ng
pagsasalita.
-

“Naniniwala akong hindi masama na tayo ay matuto at gumamit ng ibang wika.


Naiipakita lamang nito ang angking talino at pag-iisip nating mga Pilipino. Ngunit huwag
nating kakalimutan kung ano ang ating pinagmulan. Na sa pamamagitan ng wikang
Filipino ay nagkaroon ng kulay ang ating munting buhay. Pahalagahan natin ang ating
wikang pambansa, maari tayong maging mga bayani sa sarili nating pamamaraan.”

*dapat ang paggamit ng mga salitang impormal ay nasa tamang lugar

Salitang Balbal

Sociolect/socialect - wika na nabubuo ng isang grupo ng tao, nauso lamang nitong


nagkaroon ng mga bekimon, jejemon language

- “Socio” na nangangahulugang society


- SOCIOLECT - nagiging bahagi pa ng diksyunaryo, patuloy na umuunlad. Mga
wika na nililikha ng isang grupo ng tao sa lipunan. Pwedeng gamitin sa mga
impormal na usapan (barkadahan)
- DIALECT - regional

Net lingo

Gay lingo

Jejemon - ginagamit ng mga kabataan

Wika - tagabitbit ng uri ng klaseng lipunan tayo, identity

Pilipinas -globally competitive

Trend - nakikilahok ang mga pilipino dito gamit ang social media

Wika sa Social Media

83% ang gumagamit ng social media

Philippines - Social Networking capital of the world

-kahit marami ang nasa social media na Pilipino, walang website ang gumagamit ng
wikang Filipino

Utak plus search = kaalaman o kamangmangan

1940 – binuo ni Lope K. Santos ang Abakada, na may 20 titik: a, b, k, d, e, g, h, i, I, m, n,


ng, o, p, r, s, t, u, w, y. •
Oktubre 4,1971 – pinagtibay ng Sanggunian ng SWP ang pinayamang alpabeto, na
binubuo ng 31 letra: a, b, c, ch, d, e, f, g, h, i, j, k, l, ll, m, n, ñ, ng, o, p, q, r, rr, s, t, u, v, w, x, y,
z

Matapos ang Repormang Ortograpiko, nabuo ang sumusunod na Alpabetong Filipino,


na may 28 letra: a, b, c, d, e, f, g, h, i, j, k, I, m, n, ñ, ng, o, p, q, r, s, t, u, v, w, x, y, z

2001 – muling nagkaroon ng rebisyong alpabetong Filipino. Itinaguyod nito ang leksikal
na pagpapayaman ng Filipino sa pamamagitan ng pagluluwag sa panghihiram ng salita
at pagsasalin, karamihan mula sa Ingles at Kastila, gamit ang walong karagdagang letra
ng alpabeto, ang mga letrang c, f, j, ñ, q, v, x, z.

Oktubre 9, 2006 – sa kahilingan ng KWF, ang DepEd ay nagpalabas ng isang


memorandum na pansamantalang nagpapatigil sa implementasyon ng “2001 Revisyon
ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino”.

Agosto, 2007 – inilabas ng KWF ang borador ng Ortograpiya ng Wikang Pambansa.


Mayo 20, 2008 – inilabas ng KWF ang Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Pambansa.

1. Ebolusyon ng Alpabetong Filipino Agan, Elyka Marisse O.Edio, Sharmagne Joyce


S.Guiamla, Ayesa Krisna D. Manambuay, Maila T. Glimada, Jennifer S.

2. Ebolusyon ng Alpabetong Filipino Alibata Abecedario Abakada Makabagong alpabeto

3. Alibata (Baybayin)-Ito ay binubuo ng labing-apat na katinig attatlong patinig.- Ginamit


ng ating mga ninuno bago padumating ang mga Kastila.

4. ABECEDARIO-Panahon ng mga Kastila-Nilalaman ng dalawampung titik-Naging


dahilan upang mawala angAlibata

5. ABECEDARIO-/a/ /be/ /se/ /che/ /de/ /e//efe/ /he/ /ache/ /i//hota/ /i/ /ele/ /elye/
/eme//ene/ /enye/ /o/ /pe/ /ku/ /ere//erre/ /ese/ /te/ /u/ /ye/ /doble u//ekis/ /ye/
/seta/.

6. ABAKADA-Binubuo ng labinlimang katinig atlimang patinig.-Pinakilala ni Lope K.


Santos

7. ABAKADA/a/ /ba/ /ka/ /da/ /e//ga/ /ha/ /i/ /la/ /ma/ /na//nga/ /o/ /pa/ /ra//sa/
/ta/ /u/ /wa/ /ya/
8. Pinakabagong Alpabeto-Hango sa Alpabetong Amerikano- 2001 Revisyon sa
Alpabetong Filipino atPatnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino.-pinalawak ang F, J, V at
Z dahil ito ay mayponemik istatus.

9. Mahalagang LinggwistikongPrinsipyo:a) simplisidad at ekonomiyab) pleksibilidad

10. Pinakabagong Alpabeto/ey/ /bi/ /si/ /di/ /i/ /ef/ /ji/ /eych//ay/ /jey/ /key/ /el/ /em/
/en//enye/ /enji/ /o/ /pi/ /kyu/ /ar//es/ /ti/ /yu/ /vi/ /dobol yu//eks/ /way/ /zi/.

Wika sa Internet at Social Media

Wika sa Internet

Internet - mula sa mga salitang “inter” at “networking” - information superhighway

World Wide web

Information superhighway

Pinakamalawak na aklatan

Facebook, google, yahoo, google classroom

Wika sa Social Media

- Social Media ay isang paraan sa komunikasyon sa kasalukuyan

Social Media Capital ang Pilipinas

- Halos lahat ng kabataan ay may social media account (e.g., fb, twitter, Pinterest
etc)
- Netizens ang tawag sa ibang gumagamit ng social media

Code Switching - ginagamit sa cyberspace

Ang mga babasahin na nakasulat sa Filipino ay ang mga:

● Kautusang Pampamahalaan
● Panitikan
● Awiting bayan
● Resipi
● Pelikulang Tagalog
● Balita

*Pinakamalawak na library - internet

Sa Pag-unlad ng Teknolohiya, sa Pag-unlad ng Wika

- Binabago ng social media kung paano tayo nakikipag usap


- Pati ang pag plano kung saan gusto pumunta at mga saloobin
- Marami ang makukuhang impormasyon sa social media
- Umuunlad ang kaalaman sa wikang banyaga pero nakakalimutan na ang mga
katutubong wika (o sariling wika) dahil sa social media o internet.
- Code switching - pinaghalong Ingles at Filipino
- Nagiging slang ang mga Filipino
- Mas pinipili ng mga kabataan na makipag usap sa social networking site.
- Dapat maging maayos sa paggamit at gamitin pa rin ang wika natin

Paano ang buhay kung wala ang social media?

1. Mga nalulungkot na OFW


- Nawawala ang lungkot nila gawa sa socmed at nakakatulong sa panahon
ng panganib at kahirapan
2. Mga kabataang hindi masyadong outgoing
- Para sa mga batang introvert, manonood sa youtube at netflix
3. Mga taong gustong magtipid sa entertainment
4. Mga gustong makahanap ng sideline income
5. Mga naghahanap ng bagong impormasyon
6. Mga gustong magpasikat

● Tayo ay friendly kaya nasakop ng Espanyol, Amerikano, at Hapones


● Social media capital of the world - Philippines
● “Ang lahat ng sobra ay masama” -- Ang social media ay may kaakibat na
responsable at maingat na paggamit upang hindi mapinsala at huwag
makapinsala.

Social Media at ang Wikang Filipino


- Halos lahat ay nahumaling sa paggamit ng social media
- Mga laro na maaaring magdulot ng pagka adik sa henerasyon ng kabataan
ngayon

Paano nakakatulong sa pag-unlad ng wika ang social media?

- Mas naipapahayag ng bawat tao ang kaniya kanyang saloobin tungkol sa iba’t
ibang isyu
- Maaring itaguyod ang sariling wika thru social media
- Mas naipapamalas ang nalalaman sa paraang alam natin
- May kakayahan tayong maging malaya

Bagong Normal

Sitwasyong Pangwika sa Social Media

-maraming kagamitan ang naimbento na mas napapabilis ang gawain o trabaho ng


tao.

- Nagawan ng solusyon ang pagbilis ng komunikasyon

Social Media

- mga website at application na ginagamit sa tulong ng internet. Nagloload tayo sa


internet o data para makaaccess sa social media.

- Madaling makabalita sa mga nangyayari sa paligid


- Mas pinag-iisipang mabuti ang mga salita bago ipost

Netizens - mga nakakabasa at nagbibigay ng reaksyon sa mga ppost

- Ilan sa mga popular sites na kinakaaliwan natin ay: Instagram, Facebook,


Youtube, Viber, Skype o Messenger.

Popular na site

Facebook, Instagram, Twitter, at Youtube

Viber Skype messenger - mabilis na pagbibigay ng mensahe

Code Switching

- Pagpapalit palit ng Ingles at Filipino sa pagpapahayag


- Pinaghalo sa isang pangungusap

Bakit gumagamit tayo ng code switching sa social media?

1. Sa pakikisama sa grupo sa lipunang ginagalawan


2. Impuwensya ng taong nakausap at nakasama natin
3. ????

Pagdadaglat o pagpapaikli na gijnagamit sa social media:

Post sa facebook

OTW OOTD BFF GBU IDK

Beki o gay linggo - “Sinetch itey na jundalong na Luz Valdez sa warlaloo?” Ito ay mild
Bekimese at marami ang makaka-decode ng ibig sabihin ng pangungusap na ito. May
mga ilang bersyon pa ng Bekimese na talaga namang Epistaxis (the medical term for
nosebleed) ang aabutin mo kapag iyong narinig.

Jejemon - Dahil umuunlad din ang teknolohiya, naging instrument din ito ng pagbabago
ng wika. Dito pumapasok ang Jejemon. Kung ang bekimese ay stylized way of
speaking, ang Jejemon naman ay stylized way of encoding words like “e0H., w3r r
U?” (Hello, how are you?) Ansabe? Hindi masyadong pahirap ito di ba? Ayon kay Mr.JR
Cantos, (ang may-akda ng konseptong ito), I have nothing against those people,
specially the youth who are using jejemon in texting. At in fairness sa kanila, mahirap
mag encode at mag decode nito.

Malaki ang pagbabago ng Wikang Filipino

Dahil sa social media, mas madali ang magpakalat ng jejemon at gay lingo

- Kinakain ng social media ang ating wika


- Ang social media ay napakahalagang sangkap para magkaroon tayo ng
pagkakaisa.
- Naapektuhan nito ng malaki ang wikang Filipino
- Hindi nabibigyan ng tamang pagkilala at pagpapahalaga ang wika
- Nawawala ang identity ng mga Filipino

Pahapyaw na Kasaysayan ng Ortograpiya ng Wikang Filipino


Ano ang Ortograpiya?

Ito ay representasyon ng mga tunog ng wika na nakalimbag na mga simbolo tulad


ng alpabeto.

Ang Baybayin

Nang dumating ang mga Kastila noong Dantaon 16, may sarili nang palatitikan
(Alpabeto) ang ating mga ninuno, ang Alibata o Baybayin, na binubuo ng 14 na katinig at
3 na patinig. Pinalitan ito ng mga Kastila ng alpabetong Romano na tinatawag na
ABECEDARIO na binubuo ng 29 na letra.

Ito ay kahalintulad sa sistema o paraan ng pagsulat ng mga taong Java na


tinatawag na kayi. Ang paraan ng pagsulat na ito ay pinaniniwalaang ginagamit na noong
14 na siglo hanggang sa panahon ng pananakop ng mga Kastila. Ang salitang baybayin
ay nangangahulugang ispeling o pagbaybay. Katutubong sistema ng pagsulat/alpabeto
ng iba’t ibang pangkat etnolinggwistiko sa Pilipinas mula 1000-1200 hanggang 1800.

BAYBAYIN hango sa salitang “baybay” (to spell) ALIBATA hango sa “alif bata” (2
unang titik sa Arabic: “alif” at “bet”) May kaunting pagkakaiba ang bawat alibata para sa
bawat partikular na wika (iba ang sa Tagalog, iba ang sa Bisaya atbp.) Di matiyak ng mga
eksperto Sa Celebes (matandang paraan ng pagsulat ng mga Javanese) Sa India (mula
sa mga paraan ng pagsulat ng iba’t ibang lugar sa India: Sanskrit; Brahmi; Assam etc.
Ang ABECEDARIO

Ito ay binubuo ng 30 na letra at hango sa Romanong paraan ng pagbigkas at


pagsulat. Alpabetong Kastila; mula sa Alpabetong Romano Isinusulat ang mga titik gaya
ng sa alpabetong Romano Itinuro sa piling mga mag-aaral (sa mga klaseng tinatawag na
caton, kadalasan sa mga kumbento atbp.) Ayaw turuan ng mga Kastila sa Pilipinas ang
mga indio dahil alam nilang matatalino ang mga ito at kapag tinuruan ng wikang Espanyol
ay maiintindihan ang ginagawang panloloko sa kanila Pilipinas lang ang dating kolonya
ng Espanya na di natutong magsalita ng Espanyol (maliban sa mga intelektwal na nasa
alta sociedad at gitnang uri/middle class).
A, B, C, Ch, D, E, F, G, H, I, J, K, L,
/a/ /be/ /se/ /che/ /de/ /e//efe/ /he/ /ache/ /i//hota/ /ka/ /ele/

LL, M, N, Ñ, O, P, Q, R, RR, S, T, U,
/elye/ /eme//ene/ /enye/ /o/ /pe/ /ku/ /ere//erre/ /ese/ /te/ /u/

V, W, X, Y, Z
/ve/ /doble ve//ekis/ /ye/ /zeta/.

Ang Abakadang Tagalog

Binuo ni Lope K. Santos (1940) sa kanyang Balarila ng Wikang Pambansa ang


ABAKADA Tagalog na may 20 letra

(5) ang patinig (a, e, i, o, u)

(15) ang katinig (b, k, d, g, h, l, m, n, ng, p, r, s, t, o, w, y)

Hindi isinama sa dalawampung letra ang labing-isang banyagang letra na kina


bibilangan ng C, CH, F, J, LL, Ñ, Q, RR, V, X, Z sapagkat ang mga ito ay ginagamit lamang sa mga
pangalang pantangi. Sa halip ay tinumbasan ng mga letra ng ABAKADA:

C = k- calesa - kalesa

s- cocinera - kusinera

CH = ts- cheque - tseke

s- chinelas - sinelas

F = p- fiesta - piyesta

J = h- jota - hota

LL = ly- billar - bilyar

y- caballo - kabayo

Ñ = ny- paño - panyo

Q = k- queso - keso

RR = r- barricada - barikada

V = b- ventana - bintana
X = ks- experiment - eksperimento

s- texto - testo/teksto

h- raxa - raha

Z = s- zapatos - sapatos

Ang Bagong Alpabetong Pilipino

Noong 1971, masusing pinag-ukulan ng pansin ng Surian ng Wikang Pambansa


(SWP) na ngayo’y Komisyon ng Wikang Filipino (KWF) ang problema sa ortograpiya ng
wikang Pilipino.

Makalipas ang humigit kumulang na limang taong pag-aaral, at pagsangguni sa


iba’t ibang sector sa larangan ng wika, nirebisa ng Surian ang “Abakadang Tagalog” ni
Lope K. Santos.
Sa bisa ng Memorandum Pangkagawaran Blg. 194, s. 1976 ng Kagawaran ng Edukasyon
at Kultura, pinayaman ang dating Abakada upang makaagapay sa mabilis na pag-unlad at
pagbabago ng wikang Pilipino. Tinawag itong ang Bagong Alpabetong Pilipino.
Ang 20 na letra ay dinagdagan ng 11 letra kaya’t naging 31. Kabilang sa idinagdag ang
mga letra at digrapo: C, F, J, Ñ, Q, V, Y, Z, CH, LL, RR. Subalit hindi ito nagtagumpay dahil sa ilang
kahinaan at kalituhan sa paggamit.
Hindi Binanggit sa tuntunin ang pagtawag sa mga letra at ayos ng pagkakasunod-sunod ng
mga letra. Hindi rin malinaw ang paraan ng pagbigkas at pagbaybay (papantig o patitik) sa mga
letra.

1987 Alpabetong Filipino


Bilang pagtugon sa itinatadhana ng Konstitusyon 1987, hinggil sa mabilis na pagbabago,
pagpapaunlad, at pagpapalaganap ng wikang Filipino bilang wikang Pambansa at
pampamahalaang wika, at sa pagsang-ayon pa rin sa Patakarang Bilinggwal ng 1987 muling
nireporma ang Alpabetong Pilipino at ang mga tuntunin ng Ortograpiyang Filipino.

Ang reporma ay isinagawa ng noon ay LWP (dating SWP na Naging KWF) sa tulong
ng mga Lingguwistika , Dalubwika, Manunulat, Propesor, Guro at mga Samahang
Pangwika.
Nagsagawa ng seposyum ang Linangan.
◦ Asian Intitute of Tourism
◦ National Teachers College
Bumuo din ng mga lupon ang Linangan upang magsagawa ng mga pag aaral
tungkol sa balak na rebisyon sa pag aaral sa iba’t ibang aspekto o lawak ng bubuuing
bagong ortograpiya.

Napagkasunduan sa nabanggit na simposyum na ang Alpabetong Filipino ay bubuoin


na lamang ng 28 letra:

A, B, C, D, E, F, G, H, I, J, K, L, M, N, NG, Ñ, O, P, Q, R, S, T, U, V, W, X, Y, Z
Maaari itong tawagin o bigkasin sa dalwang paraan: pa-Abakada o pa-Ingles. Samantala ang
8 dagdag na letra ay ang:

C, F, J, Ñ, Q, V, X, Z
Tatlong taon ang lumipas bago nailabas ang burador noong Agosto 15, 1986. At
napagkasunduan na ang mga letra ay bibigkasin na lamang ng pa-Ingles.
Upang matiyak ang kawastuhan, iniharap ito sa iba’t ibang kapulungan at kongresong
pangwika gaya ng:
Taunang Kumensyon ng LEDCO na binubuo ng pambansang samahang pangwika, Pebrero,
6, 1987.
Taunang Kumensyon ng PASSATAF, Abril 6, 1987.
Taunang Kumensyon ng PSLF, Mayo, 18, 1987.
Nakapaloob sa binalangkas na tuntunin sa ispeling ang gamit ng walang dagdag na letra
sa alpabeto. Gagamitin lamang ito sa mga hiram na salita at ekspresyon na nabibilang sa mga
sumusunod: Pangalang pantangi, Terminolohiyang sadyang teknikal, at mga salitang
nagtataglay ng etniko at kultural na kulay mula sa mga minoryang wika sa Pilipinas.

2001 Rebisyon ng Alpabetong Filipino

Ang muling pagrebisa ay bunsod ng di-ganap na pagtupad sa Kautusang


Pangkagawaran 1987.
Maraming pumuna sa di umano’y napakahigpit at di-makatotohanang tuntunin sa
ispeling na ipinalabas ng KWP sa pagamit ng 8 dagadag na letra.

Nalimutan di umano ang gamit sa mga hiram na salitang nabibilang sa mga sumusunod
na kategorya: Pangalang pantangi, Terminolohiyang sadyang teknikal, at mga salitang
nagtataglay ng etniko at kultural na kulay mula sa mga minoryang wika sa Pilipinas.
Lumitaw din ang iba’t ibang disenyo sa Sistema ng ispeling mula sa mga institusyong
pang-edukasyon at grupong pang-institusyunal dahil sa kakulangan ng tuntunin sa paggamit
ng mga karaniwang salita.

Nabuo ang maraming variant o pagkakaiba-iba sa ispeling na nagpapawalang bisa para


sa pambansang pagsisikap para sa kodipikasyon, estandardisasyon, at intelektwalisasyon ng
pambansang wika.

Pinaluwag sa 2001 alpabeto ang pagamit ng 8 dagdag na letra. Nanganahulugan na


maaari ring gamitin sa lahat ng hiram na salita, pormal, di-teknikal na barayti at karaniwang
salita.

Hinati rin sa 2 grupo ang 8 dagdag na letra: Ang F, J, V, Z ay gagamitin sa pagbabaybay


ng mga karaniwang salitang hiram na binago ang ispelling sa Filipino. Samantalang ang C, Ñ,
Q, X na itinuturing na redundant ay hindi gagamitin sa pagbabaybay ng mga hiram na salitang
karaniwan sa dahilang ang bawat isa ay may katumbas o katunog na letra sa Filipino gaya ng
C, maaaring S o ang ponemang /S/ o letrang k o ponemang /k/.

Sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 45, serye 2001, inilunsad ang 2001
Rebisyon ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino noong Agosto 17, 2001 na
nilagdaan ng Kalihim ng Departamento ng Edukasyon at Kultura na si Isagani Cruz.

Ang Alfabeto ay binubuo pa rin ng 28 na letra at bibigkasin gaya ng Alfabetong Ingles


maliban sa /n/ na bigkas- Espanyol.
Ang Makabagong Alfabetong Filipino

You might also like