You are on page 1of 7

1935 KONSTITUSYON AT

PROBISYONG PANGWIKA (8/26/21)


Noong panahon ng Espanya,
- Espanyol ang Wikang Opisyal at Wikang Panturo
- Ang mga mayaman lang ang nabigyan ng pagkakataon na makapag-aral sa mga
unibersidad dahil sa mahal na tuition fee.

❖ Katipunero noong Rebolusyon sa Panahon ng Espanyol


- Wikang Tagalog ang ginamit bilang Wika ng Himagsikan
- Ito ay upang hindi maunawaan ng mga Kastila ang mga akdang ginawa ng mga
Katipunero

❖ Andres Bonifacio
- “Ama ng Katipunan” o ng Kataastaasan, Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak
ng Bayan
- Siya ay marunong sa Wikang Espanyol
- Isinalin ang Mi último adiós ni Dr. Jose Rizal mula sa Wikang Espanyol
- Ang may-akda ng Pag-ibig sa Tinubuang Lupa

Nang sakupin ng mga Amerikano,


- Ingles at Espanyol ang ginamit ayon sa kautusan at proklamasyon
- Dumami ang natutong magbasa at magsulat gamit ang Wikang Ingles
- Marami ang nabigyan ng pagkakataon na makapag-aral dahil sa mga pampublikong
paaralan at sa mga programang iskolarsip ng Amerika.
- Naging Wikang Panturo ang Ingles batay sa rekomendasyon ng Komisyong Schurman
noong Marso 4, 1899
Treaty of Paris
- Disyembre 7, 1898
- Binayaran ng Amerika ang Espanya sa halagang 20M dollars

Konstitusyong Probisyonal ng Biak na Bato


1896-1897
- Tagalog ang Wikang Opisyal

Konstitusyon ng Malolos
Enero 21, 1899
- Pansamatalang gamitin ang Wikang Espanyol bilang opisyal na wika
- Nakikita na ng mga bumuo ng konstitusyon ang potensyal ng Wikang Ingles
- Sinimulan noong 1898
- Kinilala ng pamahalaan noong 1899

❖ Emilio Aguinaldo
Hunyo 12, 1898 - unang iwinagayway ang watawat sa Kawit, Cavite

Batas Tydings-Mcduffie
Marso 24, 1934
- Pinagtibay ni Pangulong Franklin Roosevelt
- Ibibigay ang kalayaan ng Pilipinas pagkatapos ng 10 taon na pag-iral ng Pamahalaang
Komonwelt
- Kailangan maghanda ng Pilipinas:
1. Konstitusyon ng 1935
2. Pamahalaan
3. 3 Sangay ng Pamahalaan (Executive, Legislative, at Judiciary)
- Ito ay batay sa Jones Law ni Sergio Osmena at ni-revise lang ni Quezon
Manuel L. Quezon
- Pangulo ng Komonwelt
- August 1, 1944 (Kamatayan)

Sergio Osmena
- Pangalawang Pangulo ng Komonwelt
- May-akda ng Jones Law
- Mas marami ang nagawa kaysa kay Quezon

Konstitusyon ng 1935
Pebrero 8, 1935 - Pinagtibay ng Konstitusyon ang Pambansang Asemblea
Mayo 14, 1935 - Naritipika ito ng sambayanan
- Hangad ni Manuel L. Quezon ang Kalayaan ngunit mahirap makamit ang pagkakaisa
- Pagkakaisa? Walang Wika
- Solusyon: Kailangan ng iisang wika
- Ingles at Espanyol ang pansamantalang Wikang Opisyal
Seksyon 3, Artikulo XIII
- Ang Pambansang Asemblea ay gagawa ng hakbang sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng
Pambasang Wika batay sa mga umiiral na wika sa bansa.

Wenceslao Q. Vinzons
- Camarines Norte
- Parte ng Asemblea
- Parte ng konseho ni Quezon
- Nanguna sa paggawa ng resolusyon sa wikang pambansa

Ano ang nasa orihinal na resolusyon?


Ang Kongreso ang gagawa ng hakbang sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng Wikang
Pambansa mula sa umiiral na katutubong wika

Style Committee
- Sila ang may huling pasya sa burador
- Binago ang resolusyon ni Wenceslao at ginawa itong probisyon sa Seksyon 3, Artikulo IX
ng 1935 Konstitusyon

Ano ang pinagkaiba ng nakasaad sa probisyon at resolusyon?


Probisyon - Wikang pambansa batay sa “mga umiiral na wika”
Resolusyon - Wikang pambansa batay sa “isa” sa mga umiiral na wika

Batas Komonwelt Blg. 184


Nobyembre 13, 1936
- Humiling si Quezon sa Pambansang Asemblea na magkaroon ng ahensya
SWP (Surian ng Wikang Pambansa)
- Ito ang unang tawag sa ahensya sa Wikang Pambansa
LWP (Linangan ng mga Wika sa Pilipinas)
- Mula sa SWP, ito ay napalitan at naging LWP
KWF (Komisyon sa Wikang Filipino)
- Ito ang kasalukuyang tawag sa ahensya

Ano ang layunin ng Surian?


- Gumawa ng pag-aaral sa mga wikang katutubo ng Pilipinas
- Mapaunlad at mapatibay ang isang wikang panlahat

Enero 12, 1937


- Hinirang ni Quezon ang Lupon ng Surian ng Wikang Pambansa
Pangulo: Jaime C. de Veyra
Kagawad: Santiago A. Fonacier (Ilocano)
Kagawad: Filemon Sotto (Cebuano)
Kagawad: Casimiro Perfecto (Bicolano)
Kagawad: Felix S. Rodriguez (Bisaya, Panay)
Kagawad: Hadji Butu (Mindanao)
Kagawad: Cecilio Lopez (Tagalog)

Nobyembre 7, 1937
- Inilabas ang resolusyon na Tagalog ang gawing batayan ng wikang pambansa
Bakit Tagalog?
- Halos tumugon sa hinihingi ng Batas Komonwelt Blg. 184
- Sinasalita ng marami
- Gamit sa sentro ng kalakalan, edukasyon, at sibilisasyon
- Wikang ginagamit sa aklat na nasulat

Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134


December 30, 1937
- Tagalog ang batayang wika ng Wikang Pambansa
- Nagkaroon ng bisa after 2 years

Ano ang mga benefits sa mga Tagalog?


● Ang mga gurong Tagalog ay naging”
1. Titser
2. Tagasalin sa Pilipino

Paano ang Di-Tagalog?


- Mas inuna na kunin ang Tagalog kaysa sa kanila
- Hindi nabigyan ng pagkakataon na maging parte ng pagpapaunlad ng Wikang
Pambansa

● Ano ang kanilang saloobin?


- Hindi matanggap na hindi bahagi ng wikang pambansa ang kanilang wika
- Pakiramdam nila ay may nangyayaring pagdodomina

Jose E Romero
- Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura
- Inilabas ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 7

Kautusang Pangkawaran Blg.7


- Mula sa Tagalog, ito ay tatawagin ng Pilipino

Para saan ang tawag na PILIPINO?


- Para maalis ang Rehiyonalismo
- Pagsasabansa
- Wikang Interehiyonal na mag-uugnay sa iba’t ibang pangkat linggwistiko sa Pilipinas

Ano ang kinalabasan nito?


- Hindi pa rin matanggap ang pagbabago
- Nagkaroon ng Digmaang Pangwika
- Naghari ang rehiyonalismo sa mga Di-Tagalog, “kami-kami” “kayo-kayo”
- Pakiramdam ng kolonyalismong Tagalog
- Ang katawagang Pilipino ay Tagalog pa rin at “pagbabagong bihis lamang”

1971 Kombensyong Konstitusyonal


- Nabuo ang Komite sa Wikang Pambansa

Komite sa Wikang Pambansa


- Nabuo bilang tugon sa Digmaang pangwika
- Sabkomite
- Sila ang namamahala, nagsasagawa ng rekomendasyon at palisi tungkol sa isyu ng
Wikang Pambansa

Ano ang kanilang ginawa?


- Alisin ang Pilipino
- Palitan ng “komon na wikang pambansa” na Filipino
- Ang Filipino ay batay sa mga katutubong wika ng bansa at asimilasyon ng mga
dayuhang wika (Tupaz 1973 sa Llamzon, 1977)
- Inirekomenda ang paggamit ng Ingles at Espanyol bilang Wikang Opisyal

1973 Konstitusyon Artikulo XIV, Seksyon 3


- Ang Batasang Pambansa ay magsasagawa ng pagpapaunlad at formal na pagpapatibay
sa Filipino

Ano ang pinagkaiba ng Pilipino at Filipino?


Pilipino - Tagalog
Filipino - lahat ng wikang ginagamit ng mga Pilipino sa buong bansa

Oktubre 12, 1986


- Pinagtibay ang implementasyon ng paggamit ng Filipino batay sa 1987 Konstitusyon ng
Pilipinas

1987 Konstitusyon Artikulo XIV, Seksyon 6


- Wikang Pambansa ay Filipino
- Dapat pagyabungin at pagyamanin batay sa mga umiiral na wika

Order Pangkagawaran Blg. 22 s. 1987


Marso 12, 1987
- Gagamitin ang Filipino sa pagtukoy ng Wikang Pambansa

Konstitusyon ng 1987
- Pinagtibay na Filipino ang Wikang Pambansa
Saligang Batas ng 1987
- Ang pambansang Wika ay Filipino
- Kahit nililinang, dapat pagyabungin at pagyamanin pa batay sa mga wika sa Pilipinas at sa
iba pang wika

Tagalog: Batayan ng Wikang


Pambansa (08/27/21)
SWP - Surian ng Wikang Pambansa - tumutugon sa Batas 184

March 29 to April 4 – dating pagdiriwang ng Buwan ng Wika, tapos inilipat sa


Agosto. Ito ay para sa pagdiriwang ng kaarawan ni Francisco Balagtas (April 2).
Malaki ang ambag niya sa Wikang Tagalog.

1956 – inilipat sa Buwan ng Agosto ni Magsaysay. Sabi ni Magsaysay ay si Manuel


L. Quezon dapat ang dapat parangalan kaya ginawang Agosto.

Quezon – ipinag-utos na dapat ang asembleya ay magsagawa ng utos upang


malaman ang pambansang wika.

August 19 – kaarawan ni Quezon.

Dati ay August 14 to August 21. Binago, kung saan mapatapat ang August 19
na Monday.

Ginawa ni Aquino na Buwan ng Wika.

HINDI SI QUEZON ANG NAGPASYA NG PAGPILI SA TAGALOG BILANG


BATAYAN. Jaime De Veyra ang nanguna.

Quezon – taga-Baler, Aurora na tinaguriang “Ama ng Wikang Pambansa”

Dati, Quezon ang pinakamalaking probinsya. Ngayon ay nabago na.

Lope K. Santos – sumulat ng aklat pang-gramatikang Tagalog. Siya rin ang


nagsaayos ng abakada. (abakada ni Lope K. Santos.

Bonifacio – Di nakapagtapos ng high school. Pero nakapagtranslate


Batas Komonwelt Blg. 184 (Nob. 13, 1936) - Pinadlhan si Quezon ni Romualdes
ng memorandum na ang wikang Tagalog ang pinakatanggap at maunlad.

Francisco “Balagtas” Baltazar - Ama ng panulaang Tagalog; may-akda ng


Florante at Laura.

Prayle - unang author ng mga aklat.

“ Magkaiba ang WIKANG OPSIYAL sa PAMBANSANG WIKA”

You might also like