You are on page 1of 1

LIMAY POLYTECHNIC COLLEGE

National Road, Brgy. Reformista, Limay, Bataan 2103


Philippines
E-mail Address: lipoco1997@gmail.com
Tel. No. 0912-7609628

KULTURANG POPULAR (SPEC 13)


MIDTERM – GAWAIN 1 (E-Module
2) SAGUTANG PAPEL
PANGALAN: ABEGAIL D. AZUELO
KURSO AT SEKSYON: BSED 3-FIL

GAWAIN 1

MGA TANONG:

1. Ano ang mas tinatangkilik na pelikula ngayon ng masa – Pelikulang Pilipino o


Pelikulang Banyaga? At bakit?

2. Bakit sa palagay mo mas nahihilig ang kabataan ngayon sa panonood ng Sci-Fi Movies?

3. Magbigay ng isang napanood mo ng Sci-Fi Movies at anong masasabi mo sa pelikulang ito?

MGA SAGOT:

1. Mas tinatangkilik ngayon ng masa ang Pelikulang Banyaga. Sapagkat malaki ang
pagkakaiba ng gawa ng mga banyaga kaysa sa gawa ng mga Pilipino pagdating sa
paggagawa ng Pelikula. Ilan sa mga rason ay ang tema sa paggagawa ng pelikula, mas
napapanahon, mas nakakareleyt ang mga matanda at bata sa kwento, mas kapanapanabik
ang susunod na mangyayari. Dahil dito mas inaabangan ng mga masa kung itong pelikula
na ito ay may Part 2. Sumunod ay ang mga effects , animation, na nakakatulong upang
mas maniwala at mamangha ang mga masa sa pinapanood nila. Dito sa Pilipinas ay hango
na lamang sa mga pagmamahalan, agawan, at marami pang iba na nagiging dahilan kung
bakit nalalaman agad ng mga manonood ang wakas .

2. Nahihilig ang mga kabataan sa panonood ng Sci-Fi Movies dahil naaaliw sila sa mga
pinanonood nila. Kahit alam ng mga bata na imposible sa totoong buhay ang pinapanood
nila ay namamangha at naniniwala parin sila, siguro'y maganda ang pagkakagawa ng
pelikula, at buhay na buhay ang kwento dito kung kaya't mas gusto ito ng mga bata.

3. Space Adventure, ang isa sa napanood kong Sci-Fi Movies. Masasabi kong napakaganda ng
movie na ito sapagkat napaniwala niya ako na sila ay nasa kalawakan. Maganda din ang
daloy ng kwento, at ang mga animation ay talagang kaaliw aliw panoorin.

You might also like