You are on page 1of 4

LIMAY POLYTECHNIC COLLEGE

National Road, Brgy. Reformista, Limay, Bataan 2103


Philippines E-mail Address: lipoco1997@gmail.com
Tel. No. 0912-7609628

SANAYSAY AT TALUMPATI
(SPEC 14) FINAL– LAKBAY
SANAYSAY
AWTPUT

PANGALAN: Jonalyn B. Rarugal


KURSO AT SEKSYON: BSED 3-FIL

PANUTO: Sumulat ng isang Lakbay Sanaysay batay sa mga naging karanasan sa isang lugar. Binubuo ng 3
hanggang 5 talata.
Krayterya:
Mahusay sa paglalarawan ng lugar -
15pts.
Malikhain sa pagsulat ng travelogue - 15pts
Malinaw ang mga pangyayari -
10pts.
Orihinalidad - 10pts.
KABUOANG MARKA = 50pts.

Ang Malinis, Maganda at Makasaysayang lugar ng


Luneta

Bagumbayan!

Lugar kong saan tinapos ang isang buhay ng bayaning tumulong makamit ang kalayaan ng bansang
tinubuan.

Isang napakagandang umaga para sa aming buong pamilya, maagang nagising ang lahat at naghanda para
sa isang araw ng paglalagi at masubaybayan ang isang lugar na puno ng makasaysayan. Bagumbayan o ang
tinawag na Luneta sa kasalukuyan. Gayak na gayak ang lahat at masayang umalis ng tahanan, pero yung
saya nang makaalis kami iyun ay nadagdagan pa nung muli naming nasilayan ang lugar kong saan madalas
kami dalhin ng aming mama at papa noong kami ay maliliit pa. Walang sidlan ng kasiyahan ng makitang
buhay na buhay ang lugar kung saan nandoon ang rebulto ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal.
Ang malinis at magandang lugar, ay isang kasiya siya, dagdagan pa ng maraming torista. Napakalawak ng
lugar at marami kang magagawa sa loob ng isang araw, maaari kang mag renta sakay ng kalesa o karitela
upang mapabilis at talagang maramdaman mo ang saya sakay nito. Kalesa, ito ang sinaunang sasakyan na
nagagamit ng mga tao noon, at ito ay nasa panahon ng pananakop ng mga kastila. Dahil sa makasaysayan,
binigyan ito ng isang pagpapahalaga kaya ito ay makikita pa rin at maaari pa ring maranasan ng bawat
torista na nalalagi sa luneta, dito rin matitikman ang mga masasarap na pagkain. Maraming mamamayan
natin at mga banyaga ang gumagawa ng kontent sa kanilang blog sa paglilibot sa luneta dahil ito nga ay
isang makasaysayan, hindi lamang rebulto ng ating bayani ang maaari mong makita kundi pati na rin ang
mga sinaunang bahay at ang mga ibang pangyayari pa noong sinakop tayo ng mga banyagang mananakop.

Sa aming paglilibot, yung saya ay nahaluan ng kaunting lungkot nong naramdaman kong kamay nalang ng
aming ama ang nakahawak sa akin, di tulad noong bata pa kami, kamay ng aming ina ang laging nakahawak
LIMAY POLYTECHNIC COLLEGE
National Road, Brgy. Reformista, Limay, Bataan 2103
Philippines E-mail Address: lipoco1997@gmail.com
Tel. No. 0912-7609628
sakin dahil takot na ako ay mawala, ngunit, darating at darating talaga sa buhay natin ang mawalan ng isang
minamahal. Kaya, kahit ganon sobrang saya ko dahil may isang ama pa kaming nandyan para sa amin, tuloy
ang buhay at maging masaya dahil may mga tao at pamilya pa na nandyan upang samahan ka sa paglilibot.
Isang bagay na napakasaya na mangyayari sa aking buhay. Maraming kwentuhan
ang naganap nung kami ay naglatag ng sapin sa malawak na patag na may mga maliliit na damo, nilapag
ang mga baon naming mga pagkain sama-sama, sabay-sabay kumakain, nag kukwentuhan at nagtatawanan.
Isang pangyayaring kailanman ay di mawawala sa aking puso at isip.

Tulad ng bagumbayan, dito man pinatay ang ating bayani, ito ay mananatiling buhay. Isang buong pamilya
ang napapasaya sa tuwing nasisilayan ang makasaysayang lugar na ito. Mananatili ang kagandahang
binigay sa atin ng ating bayani, at iyun ay ang kalayan. Kalayaang makamit ang lahat ng gusto natin,
indibidwal man o pang isang buong pamilya, tayo ay may layang ipadama ang ating nararamdaman sa bawat
isa.

You might also like